Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 9

UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS

KATAWAN NI ADAN, GAMIT PANGKABUHAYAN

Isang Pananaliksik Tungkol sa Prostitusyon sa mga Kalalakihan

BERONIO, Erold; DE GUZMAN, Andrea Caselda; JIMENEZ, Benito Christian; LOPEZ, Stephen;

SANCHEZ, Arturo; SORIANO, Cleto mula sa Kolehiyo ng Narsing seksyon I-9, T.A. 2008 – 2009

Sa patnubay ni Prop. Zendel Taruc, M. Ed.

I. Mga Kaugnay na Babasahin

A. Ang Prostitusyon Sa Mga Kalalakihan


Ang prostitusyon ay may dalawang uri, ang prostitusyon sa mga
kababaihan at ang prostitusyon sa mga kalalakihan. Ayon kay Garcia, (1994) ang
prostitusyon sa mga kalalakihan ay isang halaga ng salapi. Dagdag pa nito, ang
mga lalaking prostityut ay sadyang may kakaunting bilang kaysa sa mga babaeng
prostityut. Ayon naman kay Mathews, P. (1987), ang prostitusyon sa mga
kalalakihan ay isang gawaing may sekswal na kalikasan na ginagawa sa kapwa
lalaki man o babae, na may layuning hindi lamang nakatuon sa sekswal na
pangangailangan.

B. Uri Ng Prostitusyon Sa Mga Kalalakihan

Ayon kay Garcia, (1994) may dalawang uri ng mga lalaking prostityut.
Ang unang uri nito ay nabibilang sa kategoryang “peer-delinquent subculture”. Ito
ay binubuo ng mga lalaking prostityut na nagmula sa isang mababang estado ng
buhay. Dagdag pa rito, pinasok nila ang kalakarang ito upang kumita ng pera.
Hindi nila ito ginagawa dahil sa ito’y kanilang kagustuhan ngunit dala ng
pangangailangan. Ang ikalawang uri naman ng mga lalaking prostityut ay
nabibilang sa kategoryang “gay subculture”. Binubuo nitong mga lalaking
ginagamit ang prostitusyon bilang daan upang mapunan ang kanilang
pangangailangan sa pakikipagtalik sa kapwa lalaki. Ang kumita ng salapi ay hindi
nila masyadong binibigyang pansin.

C. Ang Kalagayan Ng Prostitusyon Sa Mga Kalalakihan

1. Sa Buong Mundo

Ayon sa ulat ng CBC News, ang tumataas na bilang ng kaso ng


HIV/AIDS sa Bali, Indonesia, Costa Rica, India at Bangladesh ay nagpapakita
lamang na ang prostitusyon sa mga kalalakihan doon ay lumalaganap kasama
ng sakit na ikinakalat nito. Sa mga binanggit na kalagayan ng prostitusyon sa
kalalakihan sa iba’t ibang lugar, mahihinuhang ang kalagayan ng prostitusyon
sa mga kalalakihan sa buong mundo ay lumalaganap, kasama ang mga
dahilang pinagmulan at ang mga masasamang epektong nadudulot nito.

2. Sa P$ilipinas
Sa Pilipinas, ayon kay Mathews, P. (1987), ang prostitusyon sa mga
kalalakihan ay sadyang lumalaganap lalo na sa mga malalaking lungsod.
Pinagtutuunan ng pansin ng kanyang isinagawang pagaaral ay ang lungsod ng
Maynila, partikular na rito ang Ermita na kung saan ang mga Amerikanong
turista ay inaalok ng mga lalaking prostityut ng kanilang serbisyo. Ang
ganitong situwasyon sa Pilipinas ay sadyang kakaiba sa ibang bansa tulad ng
Australia, U.S.A. at Britanya. Dagdag pa nito, kadalasang kumukuha ng mga
turistang kostumer ang mga prostityut sa mga “gay bars”, “disco bars” at sa
kalsada o kalye.

D. Mga Dahilan Sa Pagpasok Ng Partisipante sa Kalakalan ng Laman

May mga dahilan kung bakit pinapasok ng ibang kalalakihan ang


mundo ng prostitusyon. Narito ang ilan sa mga dahilan:

Ayon kay Garcia M. (1994)

• Kahirapan ang pinaka-karaniwan dahilan.

• Ang madalas na pakikihalubilo sa mga prostityut at mga bugaw,


naiimpluwensyahan ng mga ito ang isang tao na pasukin ang mundo
ng prostitusyon.

Ayon kay Anonuevo C. (1987)

• Ang pagkalulong sa bawal na gamot ay isang rin sa mga dahilan. Ayon


sa kanya, natutustusan ng salaping kinikita nila sa kalakalan ng laman
ang pangagailangan nila sa pinagbabawal na gamot.

• Ang mga suliranin sa pamilya.


• Ang kakulangan sa pagharap ng pamahalaan sa suliranin ng
prostitusyon.

Ayon kay Boyer D.K. (1988)

• Ang “sexual identity” ng lalaking prostityut

• Ang “sexual exploitation” o “sexual abuse” ng lalaking prostityut

E. Ang Kalakalan Ng Laman Sa Prostitusyon Sa Mga Kalalakihan

1. Ang Negosasyon

Ang prostitusyon sa mga kalalakihan ay maituturing na isang


gawain kung saan makakakuha ang isang lalaki ng kikitaing salapi sa
loob lamang ng ilang sandal. Sa katunayan, itinuring ito ni Anonuevo
C. (1987) na isang “easy money”. Ayon pa sa kanya, sa oras na ang
isang tao ay pumasok sa kalakalan ng laman, iikot na ang kanyang
buhay sa mga night clubs, gay bars, massage parlors, at ang
pinakapraktikal, ay sa lansangan.

Binigyang diin ni Garcia M. (1994) na karaniwan sa kalye


nagaganap ang negosasyon ng kostumer, bugaw, at ng prostityut 1.
Napatunayan din ito ng isang dokyumentaryo ng Reporter’s Notebook,
na ulat nina Jiggy Municad at Maki Pulido. Nakasaad dito na sa
pagkagat ng dilim, namumugad na sa lansangan ang isang lalaking
prostityut na nagngangalang Roberto.

Base sa mga obserbasyon ng mga mananaliksik, nagsisimula


ang negosasyon sa pagitan ng kostumer at bugaw o di kaya nama’y
sa mismong prostityut sa isang usapan. Sa ibang pagkakataon, ayon
kay Anonuevo C. (1987), nagsisimula ito sa isang simpleng kindat ng
mata ng prostityut sa isang potensyal na kostumer. Susunod na rito
ang usapan sa pagitan ng mga ito. Nakalakip sa usapan ang
pakikipagkilanlanan, ang pag-aalok ng serbisyo sa kostumer, ang mga
serbisong maiibibigay ng prostityut, at ang pagkakasunduang bayad sa
panandaliang aliw.

2. Salapi
Ayon sa website ng wikipedia dumidipende sa serbisyong
kayang ibigay ng prostityut ang halaga ng salaping kapalit nito.

F. Mga Epekto ng Prostitusyon sa mga Kalalakihan

Ang kalakalan ng laman ay may mga sari-saring epekto sa lalaking


prostityut, sa pamilya nito at sa lipunan na kanyang ginagalawan. May mga
nailahad na epekto ng Prostitusyon sa website ng Wikipedia at Safest. Ito ay ang
mga epekto sa:

1. Sarili
• Pagkakaroon ng STD particular ang AIDS dahil sa pakikipagtalik sa ibat
ibang mga tao.
• Maaring gumamit ng ipinagbabawal na gamot upang malimutan ang
emotional na sakit na nararanasan.
• Hindi natitiyak ng isang prostityut kung sino ang sineserbisyuhan niya.
Hindi siya nakasisiguro kung nasa tamang pagiisip ang taong
makikipagtalik sa kanya. At maari itong mauwi sa pisikal na pang-aabuso
ng kostumer sa prostityut.

2. Pamilya
• Maaring layuan ng pamilya ang kanilang kamag-anak nilang prosti dahil
ayaw nilang pagtinginan silang mababa ng lipunan.
• Maaring magdulot ng pagaaway at sisihan sa pamilya. Ito’y dahil nag-
sisisihan ang mga magulang ng prostityut ukol sa hindi tamang
pagpapalaki at pagsubaybay sa anak.
• Nawawala ang suporta at pagmamahal ng pamilya sa Prostityut.

3. Society
• Sa paningin ng publiko na maduming trabaho ang prostityuson madalas na
nagkakaroon ng mababang pagtingin sa mga lalaking prostityut. Ang
paningin ng tao ay sila’y isang salot ng lipunan.
• Maaring maisip ng mga tao na lahat ng prostityut ay masasamang loob
mukhang pera, madudumi o kaya naman mga sex addict

G. Mga Isyu
1. Sakit

Kasama na sa kalakaran ng laman ang mataas na posibilidad ng


pagkalat ng mga sakit tulad ng HIV at STD. Ayon na rin sa
www.jakartapost.com, mataas ang posibilidad nito dahil sa pagpapalit-palit ng
mga partners. Palipat-lipat sila ng mga lugar ngunit sa isang syudad pa rin
upang maitago ang kanilang pagkakakilanlan.

2. Diskriminasyon

Hindi halata ang diskriminasyon sa mga male prostitutes. Ayon sa


Prostitution & the Law – The FACTS ng www.newint.org, legal ang prostitusyon
sa Canada, Germany, The Netherlands at sa iba pang bansa kung ito ay mga
pribadong transaksyon. Ayon naman kay Matthews, P. (1987), ang
prostitusyon sa kalalakihan sa Pilipinas ay disimulado dahil alam na rin na ito
ay may salik na sosyal at ekonomikal; ngunit meron pa rin kakaunting
diskriminasyon ukol dito.

3. Pang-aabuso

Ayon sa ulat ng CBC News, karamihan ng mga male prosityut sa


Saskatchewan ay may karanasan ng pisikal at sekswal na pang-aabuso kaya
sila namasukan sa ganitong kalakalan. Ayon kay Sue McIntyre, ang may-akda
ng ulat, sa 40 kataong galling sa probinsyang kanyang nakapanayam, 75%
ang may kasaysayan ng sekswal na pang-aabuso at mahigit 80% ang
nagsimula sa ganitong trabaho bago pa sila maging 18 taon. Mahihinuha sa
pag-aaral na mayroong koneksyon ang paglalayas sa bahay at ang
pagtatrabaho bilang male prostityut sa lansangan.

4. Mga Nilalabag na Batas

Narito ang mga batas na nalalabag ng Prostitusyon na mula sa website


ng Wikipilipinas at Arellanolaw.

Revised Penal Code Article 202

Nakasaad sa batas na ito na bawal magpaligoy-ligoy sa kalsada ang


mga taong kaya naman magtrabaho at buhayin ang sarili, sinasabi dito na
lubhang pinagbabawal ang mga prostityut, delingkwente at mga bugaw na
isinasagawa ang kanilang balak at pinagbabawalan din na magpaligoy-
ligoy sa mga pribadong lugar na walang mabuting dahilan. Ang lahat ng
ito ay may parusa na arresto menor at multa na 200 pesos pag umulit ang
mga may sala.

Revised Penal Code Article 341

Ang batas na ito ay magpapataw ng parusa sa isang tao na nakikipag-


negosasyon sa isang prostityut.
Republic Act 9208 Section 4 of Republic Act 9208, o "Anti-Trafficking
in Persons Act of 2003,"

Ito ay isang batas na nagtatakda ng mga polisiya upang masupil ang


trafficking ng mga tao, lalo na sa mga bata at kababaihan, nagtatatag ng
mga kinakailangang mekanismong institusyonal para sa proteksyon at
suporta sa mga biktima ng trafficking, nagtatakda ng kaparusahan sa
paglabag sa batas na ito, at para sa iba pang layunin.

II. Paglalahad ng Sariling Pag-aaral

A. Metodolohiya
Ang pag-aaral na ito ay nakasentro sa mga dahilan, epekto, at higit sa
lahat ang buhay ng mga lalaking pinili ang mundo ng prostitusyon upang
mabuhay. Upang mabuo ang pag-aaral na ito, nagsagawa ang mga mananaliksik
na isang panayam sa isang lalaking prostityut, si Rusty Montecar, sa isang motel
sa Avenida, Maynila noong ika-12 ng Enero ng taong 2009. Upang maisagawa ito,
gumamit ang mga mananaliksik ng isang “tape recorded” at mga katanungan na
mag-uungkat sa naging buhay ni Rusty bilang isang lalaking prostityut.

B. Pagsusuri ng mga Datos

Base sa mga nalikom na impormasyon, at kaalaman sa mga sanggunian,


marami rito ay sadyang makatotohanan. Tulad na lamang ng iba sa mga dahilan,
negosasyon ng mga taong kaugnay, at ibang mga isyu ukol sa prostitusyon sa
mga kalalakihan. Ang ibang mga konspetong nakalap muna sa mga sangguina’y
lubos na mapatutunayan ng mga impormasyon nakalap sa isang lalaking
prostityut na nakapanayam ng mga mananaliksik.

Narito ang mga konseptong mula sa mga sanggunian na lubos na


mapatutunayan ng lalaking prostityut, si Rusty na nakapanayam ng mga
mananaliksik:

• Ang mga suliranin sa pamilya ay isa sa mga sanhi sa pagiging prostityut.

Ayon kay Rusty, “ang pamilya ko ay isang may-kayang pamilya. Gayon


pa man, dahil sa pagkalulong ng aking ama sa masamang bisyo, nasira ang
pamilya namin. Nagkahiwa-hiwalay kami ng aking dalawa pang kapatid. Ang
panganay naming kapatid ay may pamilya na, samantalang ang bunso namin
ay iniwan sa pangagalaga ng aming tiyahin. Ako naman ay nasa Makati.
Nagpasya akong tumayo sa aking sariling mga paa upang mapatunayan ko sa
aking sarili at sa aking pamilya na kaya kong buhayin ang aking sarili sa sarili
kong pamamaraan. At ang itinuturing kong pamamaraan ay ang pag-pasok ko
sa kalakalan ng laman”.

• Kahirapan ang karaniwang sanhi ng pag-pasok ng isang lalaki sa


prostitusyon.

Nasabi ni Rusty na “bago pa ako pumasok sa mundo ng prostitusyon,


napag-aral ko ang aking sarili sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa isang ‘car
wash station‘. Napagtapos ko ang aking sarili sa mataas na paaralan; ngunit,
sa hirap ng buhay kailangan kong huminto sa pag-aaral at pasukin ang mundo
ng prostitusyon.
• Ang madalas na pakikisalamuha ng isang tao sa mga bugaw at mga
prostityut ay isa rin sa mga dahilan.

Nang tumigil si Rusty sa pag-aaral, “napasama ako sa mga barkada at


doon ay nakakilala ako ng mga barkadang bihasa na sa ganitong gawain.
Tinuruan nila ako ng mga ganitong gawain hanggang sa nasanay ako rito at
naging bihasa. Gayon pa man, patago pa rin akong nagbibigay ng serbisyo“.

• Ang teoryang nagsasaad na depende sa serbisyong ibibigay ng prostityut


ang halaga ng salaping kapalit nito.

Isinaad ni Rusty na ”nag-iiba iba ang halaga ng salaping sinisingil ko sa


aking mga sineserbisan. Nag-iiba ng halaga ayon sa kung anong uri ng
serbisyo ang gusto ng kostumer ko”. Mas mababa ang singil ko sa loob ng
sinehan kung saan “handjob” at “blowjob” lang ang inaalok kong serbis. Ang
karaniwang halaga na pinagkakasunduan namin ng kostumer ay naglalaro
lang sa P50.00 hanggang P100.00. Ngunit, sa ibang pagkakataon, umaabot
sa P150.00 hanggang P300.00 ang inaabot sa akin ng mga kostumer kong
galante at mabait.Mas mataas naman ang halaga kapag sa labas na ng
sinehan, tulad na lang sa hotel o motel. Kadalasang kasama ang katawan,
pagkalalaki, at buong pagkatao ko sa mga serbisyong inaalok ko kung saan
malaya ang kostumer ko na sabihin o gawin kung ano ang kanyang gusto.
Samakatuwid, nagiging pagmamay-ari ako ng kostumer sa ganitong
pagkakataon”.

• Ang paglaganap ng sakit na AIDS ay sanhi ng prostitusyon.

Bagamat hindi ito napatunayan ng diretso, nagbigay ang sabdyek ng


kanyang paraan upang maiwasan niyang magkaroon ng gantiong sakit at anu
pang mga sakit na maaari niyang makuha sa ganitong gawain. Ayon sa kanya,
”talagang delikado ang ginagawa ko, pero ang pwede kong gawin para
maiwasan ang ganitong mga sakit. Ang isa sa mga paraan ay ang paggamit
ng ’condom’. Sa pamamagitan nito, maiiwasan ang pagkakaroon ng ganitong
mga sakit”.

• Mga bakla at matrona ang karaniwang mga kostumer ng mga prostityut.

Taliwas sa konseptong ito, “ang karaniwang nagiging kostumer ko ay mga


silahis, mga lalaking naguguluhan sa kanilang tunay na pagkatao. Madalang
na matron ang kinukuha kong kostumer dahil mapang-angkin sila. Mapang-
angkin dahil madalas gusto nila ay mapasakanila ang buong pagkatao ko.
Minsan, umaabot pa sa puntong pati ang kalayaan ko ay nagiging mailap“.

III.
A. Kongklusyon

Ang kahirapam nga ang pangunahing sanhi ng pagpasok ng isang


lalaki sa prostitusyon. Ngunit, ang mga suliranin sa pamilya ay isa ring malaking
salik upang pasukin ng isang lalaki ang kalakalang ito. Ginagamit nila ito upang
patunayan sa sarili, lalo na sa pamilya na kaya nitong buhayin ang sarili sa
kanyang sariling pamamaraan.

B. Rekomendasyon

Upang maiwasan na masadlak ang isang teenage sa


prostitusyon, dapat palakihin ng mga magulang ang kanilang mga anak ng may
pagmamahal at maayos na buhay. Sa ganitong paraan, mailalayo ang mga anak
sa ganitong suliranin at mapapaigting pa ang pagmamahalan ng pamilya sa isa’t
isa. Sa mga lalaking prostityut, maraming paraan upang mapatunayan ang sarili.
Tulad na lamang ng pagsali sa mga programang sa livelihood at entrepreneurship
at paghingi ng tulong sa mga NGO na tumutulong sa mga lalaking prostityut. Sa
gobyerno, dapat paigtingin pa ang pagbibigay ng trabaho upang hindi masadlak
sa ganitong gawain ang mga kalalakihan. Ang pag-aaral na ito ay dapat pang
palawakin upang lubos na mapatunayan na ang suliranin sa pamilya ay isa ring
malaking salik sa pagpasok ng isang lalaki sa kalakalan ng laman. Sa mga nais
magsagawa ng isang pananaliksik papel tungkol sa prostitusyon sa kalalakihan,
marapat lamang na kumuha ng mahigit sa dalawang sabdyek upang malaman
ang iba pang mga sanhi sa pagpasok sa prostitusyon.

C. Bibliyograpiya

Anonuevo, Paul. (1987). Cast The First Stone. Quezon City: National
Book Store

Garcia, Manule. (1994). Social problems In The Philippine Context.

Manila: National Book Store

Matthews, Paul. (1987). Male Prostitution: Two Monographs.

Sydney: Australian Book Company


http://en.wikipilipinas.org/index.php?title=Prostitution_in_the_Philipp
ines

http://en.wikipedia.org/wiki/male_prostitution#Risks

http://www.arellanolaw.net/publish/itlj-issue3_13-3.html

http://www.cbc.ca/health/story/2008/12/01/male-
prostitus.html?ref=rss

http://www.gmanews.tv/story/139098/pay-for-play

http://www.jakartapost.com

http://www.newint.org

http://www.safest.org/page.aspx?nid=11

http://www.wikipedia.com/search/male_prostitution

http://www.yahoo.com/images

You might also like