Batas Militar

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Janet Andrea Y.

Salvatierra I Understanding Reaksyon Paper sa AP Batas Militar

March 5, 2007

Ang pinakamahalagang natutunan ko sa padiriwang at pag-alala sa EDSA Revolution ay ang pagpapahalaga sa kalayaan na pinaglaban ng mga Pilipino. Sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos, napasailalim ang Pilipinas sa batas militar noong Setyembre 21, 1972. Naging maunlad naman ang ekonomiya noong umpisa ngunit pagtagal napansin na ang pang-aabuso sa kapangyarihan. Nawalan ng karapatan ang taong bayan at marami rin ang binawian ng buhay dahil sa karahasan dulot ng mga naipataw na batas. Nang dahil dito, nagkaisa ang mga tao upang maipalam sa gobyerno ang maling pamamalakad nito. Nagtagumpay ang Pilipino laban kay Pangulong Marcos at sa mga taga-sunod nitong mga sundalo. Naging makasaysayan ang kaganapan ito dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon ng rebolusyon na hindi gumagamit ng dahas Nagkasama-sama sa Edsa amg mga Pilipino mula sa ibatibang antas ng lipunan upang pigilin ang mga militar. Nagkapit bisig ang mga tao upang hindi maka-usad ang mga tangke at napakiusapan ang mga sundalo sa pamamagitan ng rosaryo at pagbibigay ng mga pagkain. Naniniwala akong malaki ang naging impluwensiya ng ating pananampalataya sa Diyos. Makikita ng lahat sa pangyayaring ito na malaki ang nagampanan ng dasal, pagtitiwala at pag-tiyaga. Isang pagpapatunay lamang na walang imposible kung lahat ay magkakaisa sa isang layunin. Karapat dapat lang na ipagdiwang ang pangyayaring ito bawat taon upang hindi mabaon sa limot ang diwa ng nasyonalismo. Dapat lang ipamulat sa lahat lalo na sa mga kabataang tulad ko ang totoong nangyari noong panahon ng Martial Law. Dahil sa aking natutunan, napahalagahan ko ang kalayaan na mayroon ako ngayon, na nagagamit ang karapatan ng bawat Pilipino ayon sa Constitution. Ang pilipinas ay isang demokratikong bansa kung saan ang kapangyarihan ay nanggagaling sa tao. Walang sino man ang dapat makatanggal nito.

You might also like