Professional Documents
Culture Documents
Expecialty Ni Juan
Expecialty Ni Juan
Expecialty Ni Juan
DELA FUENTE, Ma. Edisa, DOMINGO, Jeselle Niña, INOFINADA, Niña Josefa,
JEREZO, Jnyv, SANTIAGO, Kathrina Yvonne, SANTOS, Fatima Soraya mula sa INUR1
ng Kolehiyo ng Narsing T.A 08-09 sa Patnubay Ni Gng. Zendel Manaois- Taruc, M.Ed
Layunin
Ang aming pamanahong papel ay may apat na layunin. Una, maipaalam ang nakagawian
ng mga Pilipino ukol sa pagkain. Kaugnay dito, isa sa mga ipinagmamalaki ng mga Pilipino ay
ang iba’t ibang potahe at pagkaing kanilang inihahanda. Pangalawa, makatulong sa
pagpapalawak ng kaalaman ng tao tungkol sa exotic foods dahil kaunti lamang ang mga
mapagkukunan ng kumpletong impormasyon ukol dito. Pangatlo, makahanap ng mga iba’t ibang
benepisyo ng pagkain ng exotic foods. Pang-apat, maitama o makumpirma ang mga maling akala
ukol sa pagkain nito nang sa ganoon ay hindi tayo patuloy na naniniwala sa maling
impormasyon.
I. Kaugnay na Literatura
Ang mga exotic foods ay mga pagkaing hindi madalas hinahain sa hapag-kainan. Ang
mga pagkaing ito ay nagmumula sa mga hayop na hindi tipikal na ginagamit na sangkap sa
pagluluto. Maaari ring karaniwang mga hayop silang kinakain ngunit dumadaan sa kakaibang
paghahanda (http://www.marimari.com/content/philippines/food/ main.html, 2004; Cochranne,
2009; http://www.mylot.com/w/discussions/1660307. aspx, 2009). Dahil sa hindi sila
pangkaraniwan, madalas bansagan ang mga ito bilang nakadidiri o kundi naman, nakapang-
uumay ng sikmura (Cochranne, 2009; http://www. mahalo.com/Disgusting_Food, 2009). Sa
kabila nito, ito ay isa sa nagpapayaman ng kultura ng Pilipinas sa pagkain (Bermosa, 2008;
Guatlo, 2007; Sutherland, 2009).
Bakit kumakain ang mga Pilipino ng exotic foods? Una sa lahat, dahil sa matataas na
bilihin ngayon, lumalabas ang pagiging mapamaraan ng mga Pilipino dahil ang iba sa mga ito ay
nagiging panawid gutom ng mga kapos, gutom at hirap sa buhay (Su, 2008). Makikita naman na
ang Pilipinas ay lubog sa kahirapan at panlima pa sa pinakagutom na bansa sa Asya noong
nakaraang taon (Amojelar, 2008). Kung hindi isasaalang-alang ang mga kainang nagbebenta ng
mga mamahaling exotic foods, marahil, ito na ang nagtulak sa pagbubukas ng pinto sa mga
pagkaing ito. Pangalawa, ito ay pinaniniwalaang mas mura at mas praktikal na pagkain sa pang-
araw-araw (Bermosa, 2008). Natatagpuan kasi ang mga ito sa pali-paligid lalung-lalo na sa mga
lugar na rural (Cochranne, 2007; Calsifer, 2007). Pangatlo, ang mga Pilipino ay nagkakaroon ng
interes at curiosity sa ganitong mga pagkain. Impluwensya mula sa mga kaibigang nakatikim na
at sa mga haka-haka ang karaniwang nagbubunsod sa kanila upang matikman ang mga ito. Pang-
apat at panghuli, ang pagkain ng mga ito ay kakabit na ng kulturang Pilipino. Sa mga okasyon o
salu-salo, partikular sa inuman, minsan exotic foods ang hinahain bilang pulutan (Sutherland,
2009; Maricar, 2008).
Ang exotic foods ay masasabing parte na ng kultura at buhay ng mga Pilipino. Ito ay
kabilang na sa mga bagay na nagpapayaman sa kaniyang kultura. Natutulungan nito ang pag-
angat ng turismo sa bansa na siyang mapag-uusapan naman ng mas malago sa pagdaloy ng papel
na ito.
Ayon naman kay DZTP, ang Suyo, Ilocos Sur ay ipinagmamalaki ang
tukak o palaka nila na hindi pangkaraniwan. Ang mga ito raw ay maituturing
na pinakamalilinis na palaka sa buong bansa. Mapapatotohanan ito dahil ang
lugar ay isang upland municipality kaya malilinis ang mga bagay na
matatagpuan dito (http://dztp.wordpress.com/2008/09/30/suyo-exotic-foods/,
2008).
Ayon sa mga kumakain ng exotic foods, nakatutulong ang mga ito sa pagpapalakas ng
resistensya sa katawan ngunit wala pang masugid na pag-aaral ang nagsasabing totoo ang mga
nasabi. Kung minsan, nagiging sanhi pa ito ng masamang epekto sa katawan (Wikipedia, 2009).
Gaya ng nasabi kanina, ang exotic foods ay mga hindi pangkaraniwang hayop na linuluto para
makain. Kalakip nito, nangangahulugang hindi siya karne ng baboy, baka, kalabaw, kambing,
manok, mga isdang tipikal na handa sa kainan at iba pang madalas lutuing karne. Ibig sabihin
nito, hindi sila mga hayop na napag-aralan na at maaaring kainin nang regular. Kumbaga, wala
pang sapat na katibayan at pag-aaral na nagsasabing ligtas na itong kainin. Kapag nagkataon,
maaaring magdulot ito ng mga sakit sa katawan ng tao. Kung hindi naman, kapag hindi maayos
ang pagkakahanda nito ay nagreresulta sa pamumugad ng mikrobyo sa ating katawan (Tan, 2008;
Wikipedia, 2009). Subalit may ilang pag-aaral pa rin tulad nang kay Dr. Candida Adalla ng UP
Los Baños na nagsasabing may ilan sa mga itinuturing na exotic foods ang naglalaman ng
mayamang nutrisyong importante sa ating katawan. Binigyan diin niya ang mga kinakaing
insekto. Sinabi niya na ang mga ito ay ligtas at nagbibigay pa ng 74% ng protina at 28% ng
enerhiyang kailangan ng ating katawan sa isang araw. Sinabi pa niya na kung mapalalago pa ang
industriya ng Insects as Livelihood Products makatutulong ito sa paglago ng Agri-business.
Kumbaga ay may nutrisyon na, may tulong pa sa ekonomiya (SEARCA, http://www.malaya.
com.ph/jun24/livi2.htm, 2009).
Ngunit ayon sa iba’t ibang pag-aaral, ang malinis at maayos na pagluluto at paghahain ng
mga ito ang pinakaimportante at pinakaligtas na gawin. Ito ay upang makaiwas sa mga mikrobyo
na maaaring magdulot ng sakit sa katawan ng tao (Tan, 2008; Science Daily, 2001; Agle, 2001).
Hindi rin maitatangging malaki ang nagiging papel ng exotic foods sa turismo. Dahil sa
malawak ang sakop ng Pilipinas sa likas na yaman, ang exotic foods ay isa sa pinakababalik-
balikan ng mga turista. Nagsisilbi daw itong kagat sa kanilang pagbisita sa bansa. Nakapandidiri
man, isa itong masayang hamon sa bawat turistang napapadayo sa bansa. Ayon kay Doreen
Fernandez ng WOW Philippines, ang 7000 na isla ng Pilipinas kasama ang mayamang likas nito
sa pagkain tulad ng exotic foods, ang ating turismo ay patuloy na umaangat bawat taon. Ang mga
bagay-bagay na nasa atin ay hinahanap-hanap ng mga dayuhang nanggagaling pa sa iba’t ibang
panig ng mundo (http://www.tourism.gov.ph/ discover/food.asp, 2009).
Maliban sa maidudulot nito sa katawan ng tao at turismo ng bansa, may matinding epekto
din ito ukol sa kalikasan. Paunti na ng paunti ang mga hayop na naninirahan sa kagubatan ng
Pilipinas. Ang mga usa, paniki at baboy ramo ang ilan sa mga nagkakaubusang hayop sa
Pilipinas na hinahain pa rin bilang exotic foods (http://www.animalinfo.org/country/philippi.htm,
2006). Ayon sa RA 9147 Section 23, ang kahit na anong gawain, panghuhuli at pangangalap ng
mga ganitong hayop, ay dapat malimita. Sa Section 27 naman, ang pagpapatay ng mga ito ay
ipinagbabawal maliban na lamang kung ito ay relihiyosong ritwal ng isang tribo. Ang siyang
sumuway ay mananagot sa batas (Ingles and Yan, 2007). Sa kabila ng lahat ng mga batas at
babala ng gobyerno, may mga taong nagpupumilit paring makahuli ng mga hayop na tinatawag
na endangered o paubos na. Masama mang isipin ngunit marami sa mga ginagawang exotic
foods ang kasali sa kategoryang ito. May mga kainan na pinagbabawalan nang manghuli at
pinaaalis na sa kanilang mga menu ang mga ganitong potahe ngunit sa katigasan ng ulo, hindi
sila tumitigil sa pangangalap ng mga ito (http://www.gmanews.tv/story/ 35642/Go-after-restos-
serving-endangered-species-govt-urged, 2007; Eilperin, 2008)
Sa aming pag-aaral, ang aming grupo ay gumamit ng iba’t ibang paraan upang makalakap
ng impormasyon tungkol sa mga exotic foods tulad ng panayam at emersyon sa pagluluto ng
ilang potahe. Nakapanayam namin ang nagbebenta, nagluluto at kustomer na tumatangkilik sa
mga kakaibang pagkain na ito. Una na rito si Bb. Aleli Lozano, isang serbidora ng kainang Café
Uno. Siya ay nagbahagi ng kaniyang obserbasyon at karanasan sa kanilang pagbebenta ng exotic
foods. Sina G. Romeo Concepcion at Gng. Suraida Santos naman ang mga nagluluto ng exotic
foods na aming nakapanayam. Naganap noong ika-28 ng Disyembre 2008 sa Sinait, Ilocos Sur
ang panayam kay G. Concepcion at noong ika-28 ng Pebrero 2009 sa Commonwealth Quezon
City ang panayam at emersyon sa pagluluto kasama si Gng. Santos. Upang magkaroon naman ng
mas malawak pang kaalaman ukol sa mga karanasan sa pagkain ng exotic foods, isinagawa rin
ang isang panayam kasama si G. Neil F. Inofinada sa kanyang tahanan sa Ilocos Sur noong ika-
28 ng disyembre 2008.
Sa aming nalikom na mga karanasan sa exotic foods ng iba’t ibang tao, aming napagtanto
na karamihan sa kanila ay may malawak ng kaalaman tungkol sa mga exotic foods. Itinuturing na
rin nila itong parte ng kanilang buhay sapagkat sila ay namulat na sa mga ito mula pagkabata.
“Bata pa ako nung una akong makatikim. Dahil lang ito sa curiosity,” sagot ni G. Neil Inofinada
na siyang kahalintulad din ng sinabi ni G. Concepcion na natikman din niya ang ganitong klase
ng pagkain noong siya ay bata pa.
Ang emersyon kasama si Gng. Santos ang pinakasentro ng aming karanasan at pag-aaral
ukol sa paksa. Gaya ng nasabi kanina, noong ika-28 ng Pebrero 2009, kami ay nagsagawa ng
isang emersyon sa pagluluto ng usa. Ito ay isang karanasan na ipinamahagi ni Gng. Santos sa
amin. Ang pagluluto ng mga exotic foods ay masaya at isang kakaibang karanasan. “ Masaya at
exciting magluto ng exotic food,” pahayag ng aming grupo. Ang pagluluto at pagtitikim nito ay
isang adbentura. Noong aming tinikman ang usa, mahusay ang pagkaluto ngunit sa simula ay
nakapadidiri kung iisipin ang ibang sangkap na ginamit. “tikman mo muna saka ka magdecide
kung panget,” sabi ng aming grupo.
Ang Pilipinas ay may iba’t ibang klase ng exotic foods mula sa hayop (paniki, unggoy,
bayawak, ahas, palaka, atbp.) at mga insekto (salagubang, tipaklong at kamaru).
Ang mga exotic foods ay karaniwang inihahanda sa mga inuman bilang pulutan o sa mga
salu-salo bilang ulam. May mga kainan din na matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng bansa
(Ilocos Norte, Ilocos Sur, Bulacan, Maynila, atbp.) na naghahanda ng mga exotic foods.
Ang mga niluluto na exotic foods ay nakukuha sa gubat at sa palayan samantalang ang
iba naman ay nabibili narin sa mga palengke o pamilihang bayan. May iba’t ibang paraan din
kung paano lutuin ang exotic foods. Ang ilan ay itinutulad sa pagluluto ng mga karaniwang karne
(baboy, manok, atbp.) tulad ng adobo, prito o ihaw. Pinapakita sa pagluluto ng exotic foods ang
pagiging malikhain ng mga Pilipino sa pagkain sapagkat ginagawan nila ng paraan na maibigan
at tangkilikin ang isang potahe na kakaiba sa paningin at panlasa.
Talasanggunian
Amojelar, Darwin G. http://www.manilatimes.net/national/2007/nov/29/ yehey/business/20071129bus2.html. Retrieved February
17, 2009.