Pahiyas

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Pahiyas

Ipinagdiriwang ng bayan ng Lucban ang pista ng Pahiyas bawat


ika-15 ng Mayo, bilang pag-alaala sa santong patron nila na si, San
Isidro ang magsasaka. Ipinakikita ng pista ang mga magagarbong
pagsasaayos ng mga kabahayan na inayusan ng mga prutas, gulay at
ng mga kiping, dekorasyong gawa sa bigas, na pagkatapos ay
maaaring kainin ng hilaw. Ang mga bahay ay hinuhusgahan at ang
pinakamaganda ay tinatanghal na panalo. Bawat taon, ang mga
dayuhan ay linilibot ang bayan upang masaksihan ang paglalagay ng
gayak sa mga kabahayan.

Isang tradisyon din ito. Pinararangalan dito ang santo ng mga


magsasaka na si San Isidro de Labrador. Nagkakaisang nagsasabit ang
mga taga-Quezon ng mga produktong-bukid at katutubong pagkain sa
pintuan at mga bintana ng kanilang bahay.

Isang Bahagi ng pagdiriwang ng San Isidro ang pagbasbas sa


mga kalabaw. Ipinaparada ng mga magsasaka ang kani-kanilang mga
kalabaw patungo sa simbahan upang mabasbasan ng pari. Naniniwala
sila na malalayo sila at ang kanilang mga kalabaw sa mga sakit at
aksidente sa pagbasbas na ito. Isang makulay na pagdiriwang ito na
kinalulugdan ng lahat sa Quezon tuwing buwan ng Mayo.

Ang Lucban San Isidro Pahiyas Festival, ay sikat at dinarayo kaya


maraming malalaking kompanya na galing sa Maynila ang
nagkakaroon ng interes na mag-sponsor nito at makapag-advertise at
magdaos ng iba't ibang pakulo para lamang mabenta o mai-anunsyo
ang kanilang produkto. Ito ay nililimitahan ng munisipyo at ng Pahiyas
Executive Committee (Pahiyas Execom) para hindi daw maging
"commercialize" ang selebrasyon. Subalit sa kabila nito, mismong mga
taga-munisipyo at miyembro pa ng Execom ang nagsasamantala sa
Pahiyas Festival para sa kanilang sariling interes. Ang nagpapaganda
ay mga Lucbanin, pero ang mga nakikinabang ay mga iilang tao
lamang na nasa puwesto.
Pagsusuri:
• Uri ng teksto:
Narativ.

• Pangunahing kaisipan:
Ang makulay na pista ng Pahiyas.

• Layon ng teksto:
Makapagbigay ng impormasyon tungkol sa pista
ng Pahiyas.

• Kinakausap sa teksto:
Mga taong interesado tunkol sa Pista ng
Pahiyas.

• Nagsasalita sa teksto:
Isang taong taga Quezon at nagdiriwang ng
pistang ito.

• Binigyang halaga sa teksto:


Ang Pista ng Pahiyas sa Quezon at mga
impormasyon tungkol dito.

Ipinasa ni :
Karen Andrea R. Dematera

Ipinasa kay:
Mrs. Laureaga

Tekstong Narativ

You might also like