Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Purihin natin at sambahin ang Dios Ama, Dios anak at Dios Espiritu Santo.

Antanda nang Santa Krus ipagadya mo kami Panginoon naming Dios. Sa ngalan nang Ama at nang anak at Dios Espiritu Santo. Amen. Dasalin ang Pagsisisi... Pagsisi Panginoon kong Jesus Cristo, Dios na totoo tao namang totoo. Gumawa at sumakop sa aking pinagsishan kong masakit, na masakit sa tanang look ko. Ama ko at iniibig kong Dios lalo sa lahat nagtitika namn ako matibay na matibay na di na muling magkakasala sa inyo, lalayuan ka at pangi-ngilagan baling makababakla ang loob ko sa masama nakalilibot nang dating sakit nang kaluluwako nagtitika naman ako magkumpisal nang dilang kasalanan ko umaasa ako na patawarin mo rin alang-alang sa inyong mahal na pasyon pagkamatay sa krus dahilan sa akin at sa lahat nang tao. Siyan nawa. PANALANGIN: Buksan mo Panginoon ko ang mga labi namin pakalinisin sa walang mahahalay at likong akala. Liwanagin mo ang aming bait, papagningasin ang aming puso nang magunam-gunam naming mataimtin ang kamatayan sampu ng kapait-paitang dinaralita ng iyong matingkalang kapangyarihan nabubuhay kapo at naghahari magpasa walang hanggan. Siya nawa. Lubhang atoriomaawaing Jesus ko: ay lingapin mo po, nang iyong matang mahabagin ang kaluluwa nitong bininyagan nanamatay na aming ________.

Sagot: Na dahil sa kanya ay nagpakasakit ka at nagpakamatay ka sa krus. V. Kaawaan mong patawarin ang mga kaluluwa sa Purgatorio. 1. Jesus ko alang-alang sa masaganang dugo na iyong ipinapawis nang manalangin ka sa halamanan. 2. Jesus ko alang-alang sa tampal na tinaggap nang iyong kagalanggalang na mukha. 3. Jesus ko alang-alang sa masakit na hampas na iyong tiniis. 4. Jesus ko alang-alang sa koronang tinik na nagsitimo sa kasantusantusang mong ulo. 5. Jesus ko alang-alang sa paglakad mo sa langsangan na kapaitan nang krus ay iyong kababaw-babaw. 6. Jesus ko alang-alang sa kasantu-santusang mong mukha na naliligo sa dugo at iyong binayaang malarawan sa birang ni Veronica. 7. Jesus ko alang-alang sa damit mong natigmak ng dugo na biglang pinaknit at hinubat sa iyong katawan nang mga tampalasan. 8. Jesus ko alang-alang sa kasantu-santusan mong kawatan na napako sa krus. 9. Jesus ko alang-alang sa kasantu-santusang paa at kamay na pinakuan nang mga pakong ipinagdalita mong masakit. 10. Jesus ko alang-alang sa tagiliran mong nabuksan sa saksak ng isang matalim na sibat at binakulan ng dugo at tubig.

V. Pagkalooban mo po siya ng kamatayang walang hanggan. R. Magbigay siya nang liwanag ilaw na walang katapusan. V. Mapanatag nawa siya sa kapayapaan. Katamis-tamisang Jesus ko na sa pagsakop sa sangkatauhan at iniibig mong ikaw ay ipanganak, tumulo ang iyong mahalagang dugo sa pagtutuli, inalipusta ng mga Judio, napasa kamy nang mga tampalasan sa paghalik ni Judas ginapos ng mga lubid, dinala sa pagpaparipahan saiyo, tulad sa corderong walang sala, iniharap kay Anas, kay Cayfas, kay Pilato at kay Herodes, niluran, pinaratangan at pinatutohanan ng mga saksing sinungaling, tinampal, naging alimura, natadtad ng sugat ang buo mong katawan sa hampas ng suplina, pinatungan ng koronang tinik, natakpan ang iyong mukha ng isang purpura, sa pagpapalibhasa saiyo, nalagay sa isang pagkabuhong kahiya-hiya, napako sa Krus, at natinding sa kaniya napagitna sa dalawang magnanakaw na parang isa sa kanila, pinainom ng apdong nilahukan ng suka, at ang iyong tagiliran ay sinula ng isang sibat. Hanguin mo na Panginoon ko alang-alang doon sa madlang sakit na lubhang mapait para dalitain mo ang kaluluwa sa Purgatorio ng aming (kapatid,magulang) na sa pagdurusa niya ay iakyat mo siya sa langit ng matiwasay sa iyong kaluwahatian, iligtas mo siya alang-alang sa mga karapatan ng iyong kasanto-santosang pagpapa-kasakit at pagkamatay mo sa Krus, sa mga hirap sa infierno, nang suja ay maging dapat pumasok sa payapang kaharian na iyong pinagdalhan sa mapalad na magnanakaw na nakisama sa iyong naripa sa Krus nabubuhay ka nga po at naghahari na kasama ng Diyos Ama at nang Diyos Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Siya nawa.

V. Pagkalooban mo po siya, Panginoon ko ng kayapaan at walang hanggan. R. Magbigay siya nang liwanag ilaw na walang katapusan. V. Mapanatag nawa sa kapayapaan. Letania. Kyrie leson Kristi leson Kristo, pakinggan mo kami Kristo, pakapakinggan mo kami Diyos Ama sa langit.. Sagot: Maawa ka sa amin. Diyos Anak na tumubos ng sanglibutan Diyos Espiritu Santo Santisima Trinidad na tatlong persona sa iisang Diyos. Santa Maria.. Sagot: Ipanalangin mo sila or kami. Santang Ina ng Dios Santang Virigen ng mga Virgines Ina ni Kristo

Ina ng grasia ng Dios Inang kasakdal sakdalan Inang kalinislinisan Inang kaibig-ibig Inang kataka-taka Inang may gawa sa lahat Inang mapag-adya Birheng kapaham-pahaman Birheng dapat igalang Birheng dapat ipagbantong Birheng maawain Birheng makapangyayari Birheng matibay na loob sa magaling Salamin ng katuwiran Luklukan ng karunungan Mula ng tuwa namin Sisidlan ng kabanalan Sisidlang bunyi at bantong

Sisidlang bukod na makusang sumunod sa Panginoong Diyos Rosang bulaklak na di mapuspos ng bait nang taong halaga Torre ni David Toreng Gareng Bahay na ginto Kaban ng tipan Pinto sa langit Talang maliwanag Mapag-pagaling sa mga may sakit Pagsasak-dalan ng mga taong makasalanan Mapang-aliw sa nagda-dalamhati Mapag-ampon sa mga Kristianos Reyna ng mga Angeles Reyna ng mga Patriarkas Reyna ng mga Profetas Reyna ng mga Apostoles Reyna ng mga Martir Reyna ng mga Confesores

Reyna ng mga Virgenes Reyna ng lahat ng Santo Reyna ng kasanto-santosang Rosario Reyna na ipinaglihi na di nagmana ng salang original Reyna ng kapayapaan Kordero ng Diyos, na nakawawala ng mga kasalanan ng sanglibutan Sagot: Patawarin mo po kami Panginoon Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng sandaigdigan Sagot: Pakapakinggan mo po kami Panginoon namin. Kordero ng Diyos, nagaalis ng kasalanan ng sangtinakpan Sagot: Maawa ka sa amin. Sa ilalim ng iyong pagkakandili, oh Santang Ina ng Diyos, kami ay lumililong, huwag mong talikdan ang aming pagaamo-amo kung dinaratnan ng kasalatan, bagkus iyong iadya kami sa dilang panganib. Birheng mahal at maluwalhati. Leader: Ipanalangin mo kami Santang Ina nang Diyos. Sagot: Nang kami ay maging dapat makinabang sa mga pangako ni Hesukristong Panginoon.

V. Panginoon namin, dinggin mo pong nalulugod ang aming pagaamo-amo. (3X) R. At dumating nawa sa iyong tainga ang aming pagdaig. Ipanagtatagubilin namin sa inyo Panginoon naming Diyos, ang kaluluwa nitong bininyagan na aming (kapatid(name), (name)magulang) sa pagkat siya ay pumanaw na dito sa ibabaw ng lupa, ay mangyaring ipatawad ang awa mong walang hanggan, ang kaniyang nagawang kasalanan ng siya ay nabubuhay. Ama namin sumasalangit ka sambahin ang ngalan mo, mapasamin ang kaharian mo sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw. At patawarin mo kami sa aming mga sala, para nang pagpapatawad naming. At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso at iadya mo kami sa lahat ng masama. Amen. V.

You might also like