Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Sa ating minamahal na punong bayan _______________sa ating minamahal na punong barangay,__________ , sa ating minamahal na punong guro, mga guro,

mga magulang,mga kaibigan,mga panauhin at sa inyo mga mag sisispag tapos , Magandang hapon...

Matinding kasiyahan at galak ang aking nararamdaman dahil ako ang inyong napili bilang panauhing pandangal , sa napakahalagang araw na ito, ang araw ng pag tatapos ng mga mag aaral sa taong panuruan 2011-2012.

Bago ko simulan ang aking talumpati, nais ko munang batiin ng maligayang pagtatapos ang mga mag aaral sa aking harapan, sapagkat natapos na nila ang isa sa napakahalagang yugto sa kanilang buhay mag aaral, ang okasyong ito at ang mga diplomang inyong matatanggap ang mag-sisilbing katibayan na inyo ng nalampasan at napag tagumpayan ang mga pagsubok na inyong hinarap sa pag aaral ninyo sa elementarya. You are victors at this moment because you have attained your victory. Nakamit na ninyo ang kaalaman at kakayahan na inyong kakailanganin upang harapin ang mga sususnod pang mga pagsubok , sa inyong pag harap sa mas malawak na mundong inyong gagalawan sa sususnod na pasukan, ang mundo ng High School.

Nais ko ring batiin ang mga magulang ng mga mag sisipag tapos ngayong araw na ito, inaani na ninyo ang mga bunga ng inyong pag hihirap at sakripisyo. Isang napakalaking bahagi ang inyong ginampanan sa pag hubog ng mga batang ito mula sa kaniIang kapanganakan hanggang sa kasalukuyan. You are the forerunners in the education of your children, molding their behavior and characters, abilities and knowledge.

Lastly, Congratulations sa ating mga Guro. Inyo nanamang napagtagumpayan at nagampananan ang isang napaka laking responsibilidad upang maabot ng mga batang mag sisipagtapos kung ano man sila sa kasalukuyan. Ang inyong pag mamahal, pag gabay, at commitment sa pag babahagi ng kaalaman sa mga mag aaral ay siyang nag

pabago sa kanilang buhay. Amin ng masasabi na sila ay isa ng mabuting indibidwal ng dahil sa inyo. Ang paksa ng pag tatapos ngayong taon na ito ay: Ang alay ninyong kaalaman, Gamit Namin sa Pag-nlad ng Bayan alam nating lahat na ang edukasyon ay mahalaga upang ang isang tao ay mag tagumpay. Ito ang matatawag nating passport sa pag unlad hindi lamang ng isang tao, kundi pati narin ng bayan. Ang kaalaman ang nag sisilbing pundasyon ng tagumpay ng bawat indibidwal. Kung ang mga tao ay committed sa kaalaman, mayroon tayong matatawag na tugumpay. Ang ating bansa ay uunlad dahil ang mga tao ay makakapag isip ng mabuti at makakatulong sa ating bansa. Ngunit sa kasalukuyang panahon, madami tayong makikitang kabataan na nasa lansangan, namamalimos at nag ta-trabaho. Ang iba naman ay ginugugol ang kanilang mga oras sa pag gawa ng masama. Kahit ang mga mag aral, sa modernong panahon na ito, hindi na maiwasang mahaling sa pag lalaro ng computer games, at kanila ng napapabayaan ang kanilag pag aaral. Subalit sa kabila ng lahat ng ito, huwag nating kalimutan na maari pa itong mabago, maari pa nating gawing mas kapaki-pakinabang at maunlad ang kinabukasan. Mga mahal kong mag aaral, you should remember that you as a student can be a part in building a great nation, marahil ang mga mura ninyong kaisipan ay nag tatanong kung paano hind ba? Ang simpleng pagbuo ninyo ng pangarap ang isang paraan ninyo upang makatulong sa pag buo ng isang mabuting nasyon, isang pangarap na hindi lamang makakabuti sa inyong sarili ngunit pati sa ibang tao at sa ating bansa. Ang mag munting pangarap ninyo ang mag sisilbing pundasyon sa pag buo natin ng isang bansang maganda at maunlad. Huwag ninyong isipin na wala kayong magagawa upang baguhin ang kasalukuyang estado ng ating bansa, sabi nga ng ating pambansang bayani ang kabataan ang pag asa ng ating bayan oo kayo mga anak ang aming pag asa, dahil sa inyong mga kamay nakasalalay ang magiging kinabukasan ng susunod pang henerasyon. Huwag ninyong sayangin ang kaalamang binabahagi sa inyo ng inyong mga guro at mga magulang, sa halip pag yamanin ninyo ito at gamitin sa mabuting paraan.

Bilang pagtatapos, Dapat ninyong itanim sa inyong mga isipan na ang buhay ay hindi mag sisimula o mag tatapos dito. Marami pa kayong bagay na dapat patunayan,madami pang mga pagsubok na dapat malampasan at madami pang mga bagay na dapat matutunan . At sa pag hagis ninyo ng inyong caps sa ere, ito ang mag sisilbing hudyat upang harapin ang bagong pagsubok na darating. Tandaan ninyo, ang mga bagay ay hindi dumadali, Ang pag sisiskap , determinasyon at dedikasyon sa inyong mga ginagawa ay kailangan kahit gaano ka pa man katalino. My dear children, remember that, the road to success is not straight. There is a curve called failure, a loop called confusion, speed bumps called friends, red lights called enemies, caution lights called family. But ... if you have a spare called determination, an engine called perseverance, and insurance called faith, and a driver called Jesus, you will make it to a place called success."

Congratulations and good luck Graduates. I hope all of you find your road to success and happiness.

You might also like