Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

Pananda - ito ay nagpapakilala o nagsisilbing tanda ng gamit na pambalarila ng isang salita sa loob ng pangungusap.

Halimbawa ng mga salitang pananda; 1. Ang / Ang mga - ginagamit sa pantukoy ng isang pangngalan na ginagamit na simuno ng pangungusap. Ginagamit ang ang mga kapag marami ang tinutukoy. 2. Sa / Para sa - ang sa ay ginagamit bilang isang panandang ganapan kung saan naganap ang kilos ng pandiwa. Ito ay nagiging panandang kalaanan kung sinasamahan ng salitang para. 3. Si / Sina - ginagamit sa pagtukoy ng tao o mga tao. Ang si ay ginagamit sa isahan at ang sina ay para sa dalawahan o maramihan. 4. Ng / Ng Mga - ginagamit bilang pananda sa pangngalang ginagamit na layon ng pandiwa, panuring na paari o tagatanggap ng pandiwa. 5. Kay / Kina - ito ay mga pananda ng pangngalang ginagamit na layon ng pandiwa at panuring. Ang kay ay isahan at ang kina ay maramihan. 6. Ay-isang pang-angkop o panandang pagbabaligtad na binabaligtad ang pangungusap mula sa payak na panaguriang pangungusap.

Panuring ay isang salita na pinagsama sama , na pang-uri at pang-abay .

3. Mga Panuring (Modifiers) a. Pang-uri (adjective) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan at panghalip b. Pang-abay (adverb) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapwa nito pang-abay B. Mga Salitang Pangkayarian (Function Words) 1. Mga Pang-ugnay (Connectives) a. Pangatnig (conjunction) - mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay b. Pang-angkop (ligature) - mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan c. Pang-ukol (preposition) - mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita 2. Mga Pananda (Markers) a. Pantukoy (article/determiner) - mga salitang laging nangunguna sa pangngalan o panghalip b. Pangawing o Pangawil (linking o copulative) - salitang nagkakawing ng paksa (o simuno) at panaguri Pangawing ang AY ay palatandaan ng ayos ng pangungusap. Ibinabadya nito ang karaniwang ayos pangungusap. Ang una ang panag-uri sa paksa ay nilalagyan ng pagbabago. Palataandaan ito na inilipat ng posisyon ang bahaging paksa ng pangungusap. Ito ay pang-dugtong sa mga pangungusap na di-karaniwang ayos

DIVISION OF NAVOTAS Layunin: Naiuugnay ang implikasyon ng akda sa mga tiyak na pangyayari sa kapaligiran. Teksto 1:

Alin ba ang mahalaga, ang bahay o ang sikmurang nagrerebelde? Para sa amin, mas mahalagang may pagkain kaysa sa bahay. Mas mahirap matanggap na meron kang bahay pero wala ka namang pagkain at ang mga anak ay namumuti ang mga mata sa gutom . Kaya hindi dapat maging malambot ang gobyerno sa pagbibigay permiso para wasakin ang mga pinagkukunan ng palay . Panahon na para manindigan. 1.Batay sa binasang tekto, anong implikasyon ang maiuugnay sa mga pangyayari ng nagaganap sa kapaligiran? A. Mahalaga ang pagkakaroon ng tirahan B. Ang walang tigil na pagwasak sa mga bukirin C. Higit na mahalaga sa tao ang pagkain kaysa tirahan D. Magiging masaya ang tao kung hindi salat sa pagkain 2. Alin ang pangungusap na nagpapahayag ng implikasyon na mas mahalaga ang pagkain kaysa tirahan? a.I b. II c. III d. IV 3.May bahay ka nga, wala ka namang pagkain at ang mga anak mo ay mamumuti ang mga mata sa gutom Ano ang implikasyon na isinasaad ng pangungusap? A. Unahin ang ikabubuhay ng anak kaysa tirahan B. Mas mainam na may tirahan ang mga anak kaysa sa pagkain C. Mas makabubuti na tiisin ang gutom kaysa maging palaboy D. Unahin ang sariling bahay nariyan lang ang pagkain 4. Aling pangungusap ang nagpapahayag ng implikasyon na kung bakit kinukulang sa pagkain lalot higit sa bigas ang mga Pilipino? a. I b. II C. III d. IV 5.Ano ang implikasyong nais ipahiwatig ng pahayag na ito, Panahon na para sa paninindigan a. ipagwalang-bahala ang problema c. lumaban sa kung ano ang tama b. iasa na lang ang kinabukasan d. sisihin ang gobyerno sa mga problemang dumating TEXTO 2: Sa hirap ng buhay ngayon, marami ang nagbibilang ng poste. II. Isa sa maraming ito si juan na hirap na hirap na humanap ng mapapasukan. Halos pudpod na ang takong ng sapatos ngunit sadyang mailap sa kanya ang kapalaran. III. Sa ganitong kalagayan, naisip ni Juan na magtayo ng isang maliit na negosyong mapagkukunan niya ng kanyang pang-araw-araw na pangangailangan ito ay kanyang sininop. IV. Simula noon, pinagsikapan niya ang magbanat ng buto upang umunlad ang maliit niyang negosyo. Mula sa hampaslupang kalagayan ay maiangat din ng pagsisikap at pagtitiyaga ang mahirap na pamumuhay. 1.Anong implikasyon sa kasalukuyang panahon ang mensahe ng texto? A. Mataas na ang antas ng pamumuhay ngayon B. Hindi angkop ang kakayahan sa trabahong kailangan C. Kailangan ang sipag at tiyaga upang umunlad ang buhay D. Kahit makapagtapos , walang makitang trabaho 2. Aling pangungusap sa hulihang talata ang naglalahad ng implikasyon na sikap at tiyaga ang kailangan upang umunlad at guminhawa sa buhay? a.I b. II c. III d. IV 3.Mula sa pangungusap bilang 2 saikalawang talata, anong implikasyon ang nais ibigay na mensahe? A. Kulang sa swerte ang taong walang trabaho B. Mahirap ang maghanap ng trabaho sa panahong ito C. Maaksaya sa sapatos ang paghahanap ng trabaho D. Pana-panahon lamang ang pagtatrabaho 4. Sa aling talata matatagpuan ang implikasyon na huwag agad sumuko sa problema?

a. I b. II c. III d. IV 5. Simula noon, pinagsikapan niyang magbanat ng buto upang umunlad ang maliit na negosyo. Ano ang implikasyon ang ipinahihiwatig dito? A Maliit na negosyo ang binigyang-pansin B. Nais niyang umunlad sa maliit nanegosyo lamang C. Kontento na siya sa maliit na negosyo D. Sinikap niyang paunlarin ang maliit na negosyo TEXTO 3: Batay sa pag-aaral ng mga manggagamot, ang paninigarilyo ay isang masamang bisyo na dapat iwasan ng mga kabataan. Natuklasang itoy nakapipinsala sa kanilang kalusugan sapagkat ito ay isang lason na kung tawagin ay nikotina. Narito ang mga kapinsalaang idudulot ng paninigarilyo na sa aking paniniwala, dapat malaman ng lahat para sa kanilang kapakanan. Nakapagpapabagal ng paglaki ng mga bata Masamang bisa sa resistensya ng mga bata. May bisa ito sa pagbabago ng isip Nakapagpaparumi ng ngipin Nakasisira ng mga desisyon 1 . Ayon sa texto, ano sa mga sumusunod ang naidudulot sa kabataan ng paninigarilyo? makakuha ng bitamina c. nakapagpapataba makapagpapabagal ng paglaki d. nakapagpapapayat 2. Ano ang paksang ipinaliliwanag sa teksto? a. pag-iwas sa alak b. pagsusugal c. paninigarilyo d. pagbubulakbol 3. Ang paninigarilyo ay isang masamang bisyo na dapat iwasan ng mga kabataan. Ano ang implikasyong nais ipahayag ng pangungusap? a. masama sa kalusugan ang paninigarilyo c. dapat tangkilikin ang sigarilyo b. pampalusog ang sigarilyo sa tao d. mainam ang paninigarilyo sa buhay 4. Anong salita ang ginamit sa paglalahad ng implikasyon sa ikatlong pangungusap a. para sa b. sa ating paniniwala c. sa kanila d. idudulot ng 5. Sa anong pangungusap matatagpuan ang implikasyon na dapat iwasan ang paninigarilyo a. I b. II c. III d. IV TEXTO 4: Bakit ganon kuya? Bakit laging wala sila? Paggising ko sa umaga Si Tatay, si Nanay, di nakikita? Ano ang ginagawa nila Kapag sa bahay ay wala sila? Nalimutan na ba tayo? Mga anak tayong sa kanilay umaasa.

Abala sa trabaho Upang mabuhay tayo Hindi mo ba maintindihan Wala tayong kabuhayan. Ang buhay ay gayon ,di ba? Kaya huwag tayong mag- aaway Ang sukling kanilang hinihintay. Magandang-asal ay ialay. 1. Ang paksa na maaaring makuha sa texto/tula ay a.Pag-aasawa b. paghahanap-buhay c. magulang d. utang na loob 2.Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapahayag ng implikasyon? A.Ang pagiging magulang ay di biro B.Sa hirap, pati ina ay naghahanap-buhay C.Pinabayaan ng mga magulang ang anak

D.Mas gusto ng magulang ang maghanap-buhay kaysa mag-alaga ng anak 3.Mula sa saknong 2, ano ang mensahe na nais sabihin? A.Pangungulila ng anak sa magulang B.Pangungulila ng magulang sa anak C.Pagwawalang bahala sa tirahan D.Pagwawalang bahala ng bawat miyembro ng pamilya 4.Sa anong saknong matatagpuan ang implikasyon ng pangungulila ng anak sa magulang? a.I b II c. III d. IV 5.Basahin muli ang saknong bilang 1, anong damdamin ang nangingibabaw sa anak? a.Pagkagalit b. pagkagulat c. pagtataka d. pag-uyam TEXTO 5: Panuto: Tukuyin ang implikasyon sa mga sumusunod na pahayag mula sa Florante at Laura. 1.Kung ano ang taas ng pagkilala; siya rin lagapak ng pagtatagumpay A. Kung lubhang mabilis ang pagtatagumpay, lalong dapat mag-ingat sa mangyayari B. Kung gaano katindi ang pagmamayabang , mas masahol ang sakit na mapahiya C. Mas mataas ang katungkulan, mas malaki ang pananagutan D. Madaling magpakadakila, madali ring mabigo 2.Ang laki sa layaw karaniway hubad, sa bait at muni sa hatol ay salat A. Hindi nagkakaroon ng sariling bait ang anak na labis na pinalayaw B. Walang tinatanggap na responsibilidad ang anak na pinalalayaw C. Kapag labis ang pagpapalayaw sa anak, lalaki siyang walang alam sa buhay D.Ipakita sa anak ang labis na pagmamahal sa anak 3.Na kung maliligoy sa tubig aagap, nang di abutin ng tabsing sa dagat A. Maligo agad ng di abutin ng alat ng tubig B. Nasa huli ang pagsisisi C. Kung may nililigawan ay agad na pakasalan nang di maunahan ng iba D. Bilisan ang panliligaw sa babaeng nililiyag 4.Masaklap na bunga ng maling paglingap, habag ng magulang sa irog na anak A. Ayaw makakita ng magulang na nahihirapan ang anak kaya hindi niya ito pinagagawa B. Mahal na mahal ng magulang ang anak C. Nahabag ang magulang sa anak D. Pinagana ng magulang ang anak 5.Hindi nakalasap kahit munting tuwa sa masintahing inang pagdakoy nawala A. Hindi nalasap ang pagmamahal ng ina B. Hindi naibigay ng ina ang pag-aarugang dapat asahan C. Maagang namatay ang ina kaya hindi nakatikim ng ligaya D. Hindi niya nasilayan ang ina LAYUNIN: Nakikilala ang mga panandang pandiskurso na naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod TEXTO 1: A(H1N1) Ang Influenza A ( H 1 N 1 ) ay sanhi ng kakaibang virus na nagreresulta mula sa kalipunan ng apat na viruses mula sa mga baboy , tao at mga ibon. 2. Ito ay isang bagong uri ng virus kung paano nagiging sanhi ng karamdaman sa tao. 3. Una itong nakita sa mga tao noong Abril 2009 sa Estados Unidos. 4. Sa simula ito ay galling sa mga maysakit na baboy na swin e flu at sa ibon na birds flu. 5. Kapag nagkaroon ng contact ang taong nag-aalaga o nakahawak nito siyay mahahawa ng sakit ng hayop. 6. At susunod nang mahahawaan ng taong maysakit ang iba sa pamamagitan ng pagsipon o pag-ubo. 7. Sa ngayon ay may iba pang sintomas tulad ng pagsusuka at diarrhea ang nagpabigat sa sakit na ito . 8. Wala pang bakuna para maiwasan ito ngunit may rekomendadong gamut. 9. Ipinapayo ng DOH ang pagpapahinga at bitaminang magpapalakas ng resistensya pagkatapos o bago pa man datnan nito. 1.Ang uri ng texto ay: a.Informativ b. eksposisyon

c. narativ

d. persweysiv

2.Ano ang tono ng texto? a.Nagbibigay pag-asa c. nagpapahalaga b.Nagbababala d. nagtataka 3.Ang layon ng textong binasa ay a. Manghikayat b. magpaliwanag c. magmulat d. magpaganap 4.Aling panandang pandiskurso ang nagsasad ng pagsusunud-sunod ng impormasyon sa ikaanim na pangungusap? a.Susunod b. nang c. mahahawaan d. iba 5.Aling pangungusap ang di gumamit ng panandang pandiskurso? a.1 b. 4 c. 6 d. 9 TEXTO 2: Ang Islam sa Pilipinas Ang Islam ay nakilala sa Pilipinas noong 13 siglo sa pamamagitan ng isang Arabong misyonaryo na si Sharif Makhdum ng lumapag sa Sulu. Sumunod nito, ipinagawa niya ang unang Masjid sa Pulo ng Simunol, Lalawigan ng Tawi-Tawi. Nang siyay namatay , dumating naman si Rajah Baginda 1390 at ipinagpatuloy ang pagpapa-laganap ng Islam. Si Abu Bakr ay dumatal rin sa Jolo at pagkatapos pakasalan ang anak ni Rajah Baginda at silay nagtatag ng Sultanato ng Sulo, siya ang kauna -unahang nagging Sultan. Sa paglipas ng maraming taon, sampung datu ng Borneo ang lumapag sa Panay, nagpatuloy ang Islam sa pamumuno nila. 1.Ano ang paksa sa binasang texto? a.Pagdating ng mga Muslim c. kahulugan ng Islam b.Pagdating ng Islam d. pamumuno ng Muslim 2.Ano ang layunin ng sumulat ng texto? a.Pagpapabatid b. pagpapaliwanag c. pagsasalaysay d. paglalarawan 3. Aling salita ang ginamit na panandang pandiskurso na nagsasaad ng pagkakasunud-sunod? a.Dumating b. pagkatapos c. nagtatag d. kauna-unahan 4.Alin ang pangunahing kaisipan ng texto? a. Ang Islam ay ipinalaganap ng Misyunerong Arabo b. Ang Islam ay nagsimula noon pa mang ika-13 siglo c. Ang Islam ay patuloy na lumawak sa bahagi ng Pilipinas d Ang Islam ay ipininalaganap hanggang ngayon 5.Aling pangungusap ang hindi nagtataglay ng panandang pandiskurso na nagsasaad ng pagkakasunudsunod? a.1 b. 2 c. 3 d. 4

TEXTO 3: 1. Sa simula, nagawang maisakatuparan ni Konde Adolfo ang kanyang maitim na balak. 2. Tiniyak niyang wala ang hukbo nila Florante at saka kinubkob ang kaharian. 3. Pagkatapos ipakulong ang mga tagasunod ng napatay na hari at saka iniluklok ang sarili sa Albanya. 4. Sumunod na pangyayari ay ang kanyang kabiguan. 5. Tumakas siya, tangay si Laurang balak na yurakan ang dangal. 6. Ngunit di nagtagumpay ang kanyang kasukaban mula sa palaso ni Menandro siyay nahadlangan.. 7.Si Laura ay Florante ang hinirang na marangal. 8. Tunay na ang kasamaan ay di magtatagumpay sa kabutihan. 1.Ang texto ay nasa uring a.Narativ b. informativ c. argumentativ d. prosijural 2.Anong uri ng panandang pandiskurso ang ginamit sa unang pangungusap? a. Nagsasaad ng pagkakasunud-sunod b. Naglalahad ng paghahalimbawa c. Nagbibigay ng patunay d. Tumutukoy sa pagkakaugnayan

3.Alin-aling salita ang nagsaasaad ng pagkakasunud-sunod ng pangyayari sa ikaapat na pangungusap a. Ipakulong,, iniluklok c. pagkatapos, iniluklok b. Pagkatapos, saka d. ipakulong , saka 4.Anong bilang ng pangyayari ang ipinahihiwatig ng tunay na ang kasamaan ay di magtatagumpay laban sa kabutihan a.1 b. 3 c. 4 d. 6 5. Aling salita ang di tinutukoy ng kabiguan ni Konde Adolfo? a.Laura b. Albanya c. buhay d. kamatayan TEXTO 4: Di Pa Huli ang Lahat Hindi ka pa man isinisilang sa mundong ibabaw Mga magulang mo,y naghahanda na para sa iyong kinabukasa Sila,y walang tigil sa paghahanapbuhay Masiguro lamang magandang kinabukasan. Nung isinilang ka sa mundong ito, galak na galak mga magulang mo Sinikapnilang palakihin ka nang may dangal Kalayaang hiningi mo,y ipinagkaloob sa iyo. Buhay na ibinigay sa iyo, tila winalang-saysay mo Nang tumikim ka ng damo narrating moy, impyerno Nalulong ka sa masamang bisyo dahil sa kapabayaan Sa mga magulang na nagpakasakit, ito pa ang sukli mo. Mag-isip-isip ka di pa huli ang lahat Humingi ka ng tawad sa magulang na naghirap Pag-unaway ipagkakaloob sa iyo pagkat Pagmamahal nila ay di magbabago. 1.Ang huling saknong ay may tonong a.Nang-uuyam b. nagbibigay pag-asa c. nababahala d. nagsisisi 2.Ang layon ng texto ay a.Manghikayat b. magpaliwanag c. magmulat d. magpaganap 3.Batay sa ikatlong saknong ano ang ipinahihiwatig ng narrating mo,y impyerno a.Nalulong sa masamang bisyo c. naging masamang tao b.Nawalan ng gana sa buhay d. nauwi ang buhay sa kamatayan 4. Aling salita sa ikalawang saknong ang nagsasaad ng pagsisimula ng pangyayari a.Nung b. isinilang c. magulang d. galak 5.Anong panandang pandiskurso ang ginamit sa texto? a.Palatandaan ng pagtatalakayan c. sariling pamaraan ng sumulat b.Pagkakasunud-sunod ng kaisipan d.palatandaan ng paghahalimbawa

TEXTO 5: Ang Wikang Filipino Noon, itinalaga ang Tagalog bilang wikang opisyal sa unang konstitusyon ng Pilipinas,ang Konstitusyon ng Biak na Bato (Artikulo VIII, Opisyal na Wika) ng 1897. Sa taong 1935 itinalaga ng Konstitusyon ang Ingles at Kastila bilang mga oppisyal na wika subalit iniatas ang pag-angkin at pagpapaunlad ng karaniwang wikang pambansa batay sa isa sa mga buhay na katutubong wika. Pagkatapos ng pag-aaral at talakayan, pinili ng Surian ng Wikang Pambansa at inihayag ng Pangulong Manuel L. Quezon na ang wikang Tagalog ang gagamiting batayan ng pagpapaunlad ng wikang pambansa noong Disyembre 30, 1937. Tinawag na itong Pilipino noong 1939. Sumunod na itinakda ng Konstitusyon 1987 ang Filipino bilang wikang pambansang nag-aatas ng pagsulong nito at pagpapayaman. Ayon sa probisyon ng batas ang Filipino ay midyum ng opisyal na komunikasyon at

bilang isang wikang pangpagtuturo sa sistema ng edukasyunal. Sa ngayon, patuloy itong yumayabong kasama ng iba pang wika sa Pilipinas. 1.Ang pangunahing kaisipan ng texto ay a.pag-unlad ng Wikang Filipino c. pagbabago sa batas ng wika b.Kasaysayan ng wikang pambansa d. lahat ng nabanggit 2.Aling pangungusap ang nagsasaad ng kasalukuyang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas a1 b 4 c. 5 d. 6 3.Ang panandang pandiskurso na ginamit sa ikatlong pangungusap ay a.Pagkatapos b. pinili c. batayan d. pag-aaral 4.Ang texto ay nasa uring a.Informativ b. narativ c. persweysiv d. eksposisyon 5.Layunin ng sumulat ng texto ang a.Magpaliwanag b. maglarawan c. magbigay- kabatiran d. mangatwiran Layunin: TEXTO 1: Wala yatang bansa sa daigdig na hindi naglihi at nagsilang ng kani-kanilang dakilang tao o pambansang bayani. Tulad n gating si Dr. Jose Rizal, ang India ay mayroong Mohandas Karamchand Gandhi na nagpakasakit para sa mga Hindu, ang China ay may Confucius na nagpunla hindi lamang ng pagmamahal sa bayan kundi lalo pa sa magulang . 1.Ang kahulugan ng salitang may salungguhit ay a. Ang bawat bansa ay may isinisilang na tao b. Ang lahat ng bansa ay may ina c. Ang bawat bansa ay may sumisibol na dakila d. Ang lahat ng bansa ay may Rizal, Gandhi at Confucius 2. Sa ikalawang parirala na nasasalungguhitan ay nagpapahiwatig ng a. Nagbibigay ng kaalaman b.Nagtanim ng binhi ng halaman c. Nagpalaganap ng kauutusan d.Nagparami ng mga tagasunod 3.Ano ang layon ng texto? a.Magmalaki b. magganyak c. magmulat d. pagpuri 4.Ang paksa ng talata ay a.Ang mga bayani c. kabayanihan b.Ang mga bansa d. paggalang sa magulang 5.Ang kaisipang nakapaloob sa talata ay a.Pampamilya b. panlipunan c. pampamahalaan d. pansimbahan TEXTO 2: Pagkakaroon ng Global Crisis Ang tawag na global na krisis ay pandaigdigang paghihirap sa pangunahing pangangailangan. Ang palatandaan ay mararamdaman sa pagkukulang sa pagkain. Isang t ahimik na sunami na umeepekto sa mga pamilya sa bawat bansa, bawat kontinente. Ang pagtaas ng presyo ng mga bigas, trigo at beans ay inihudyat na noong pang nakaraang taon. Apektado ang lahat ng uri ng badjet ng tao. Ang pagpintog ng presyo ay pagpwersa sa mga tao na manatili sa makatarungang $1 sa isang araw na gastusin ng kanilang badjet sa pagkain. Ang resulta nito ay milyun-milyong bata ang nagugutom. 1.Ano ang kahulugan ng global na krisis? a.Buong mundo ay naghihirap c. pagkukulang sa pagkain b.Paghihirap ng isang kontinente d. pagtaas ng presyo ng bilihin 2. Ang ipinahihiwatig ng tahimik na sunami sa loob ng texto ay aKalamidad b. kagutuman c. paghihirap d. banta ng panganib Natutukoy ang kahulugan ng mga parirala batay sa konteksto ng pagkakagamit nito.

3.Ang kaisipang nakapaloob sa pagpwersa sa mga tao na manatili sa makatarungang $1 sa isang araw na gastusin. a.Pagpilit sa mga taong pagkasyahin sa $1 ang gastusin b.Pagpilit sa gobyerno na maibigay ang badjet na $1 sa bawat pagkain(meal) c.Pagpilit na ang pagkain sa isang araw ay $1 d.Pagpilit sa gobyerno na bigyang ng $1 ang bawat mamamayan 4.Ang tono ng texto ay a.Malungkot b. naghihinakit c. nagmamakaawa d. nagpapasaring 5.Layon ng texto ang a.Manghikayat b. magpaliwanag c. magmulat d. magpabatid TEXTO 3; Datapwat sino ang tatarok kaya sa mahal mong lihim, Diyos na dakila? Walang mangyayari sa balat ng lupa na di mo kaloob o Poong Bathala 1.Ang pariralang sa mahal mong lihim ay nagpapahiwatig ng a.layunin ng Diyos b. gawain ng Diyos c. damdamin ng Diyos d. kapangyarihan ng Diyos 2.Ano ang kaisipang inilahad sa pahayag a.Pampamilya b. panlipunan c. pampamahalaan d. pansimbahan 3.Ang ipinahihiwatig ng pariralang balat ng lupa a.Buhay b. kapalaran c. daigdig d. pamilya 4.Ang kahulugan ng talinghagang nakapaloob sa taludtod ay a.Ang Diyos ang nakaaalam ng lahat b.Ang Diyos ay may binibiyayaan c.Ang Diyos ay di maiintindihan d..Ang Diyos ay may layunin sa lahat 5.Ang texto ay may tono o himig ng a.Pagtataka b. pagdaramdam c. pagtitiwala d. paninimbang

TEXTO 4: Mga bahagi ng saknungan ng Florante at Laura Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga pariralang nakasulat ng pahilis. 1. Ikinalubog yaring kapalaran a. Naging sawimpalad c. di sinuwerte b.Nalubog ang buhay d. nasira ang bukas 2.Yaoy nananaghoy dahil sa pag-ibig sa amang namatay na mapagtangkilik a.Umiiyak dahil sa namatay na ama b.Umiiyak dahil sa pagmamahal sa amang namatay c.Umiiyak dahil sa pag-aaruga sa namatay na ama d.Umiiyak dahil sa nawalang pagtangkilik 3.Napasaan ngayon ang gayong aruga sa dala kong sakit ay di maapula a.Hinahanap niya ang gayong uri ng pagmamahal b.Nais lunasan ang pagmamahal c.Malunasan ng pagmamahal ang paghihirap d.Mahirap malunasan ang sakit ng pagmamahal 4.Parang naririnig ang lagi mong wika ; tatlong araw na di magtatanaw tama a.Maraming maaaring mangyari sa tatlong araw na di sila magkita b.Napakatagal ng tatlong araw ng paghihintay nila c.Naninibugho ang bawat isa kapag hindi sila nagkita d.Sa tatlong araw ay maraming maaaring mangyari 5.Kung kasakdalan man ng pulat pag-ayop, tabo koy dakila sa puhunang pagod a.Hindi dapat pintasan ang kanilang tula

b.Ikinaliligaya niya ang pagpapahalaga sa tula c.Ikinagalit niya ang paghamak sa pinaghirapang tula d.Ang pagbuo ng tula ay mahirap at nakapapagod 6.Tapat sa puso kung lalagi sa dibdib a.Wagas na pagmamahal ang inuukol b.Nananatili sa isip at damdamin c.Laging naukit sa dibdib ang pag-ibig d.Nakaukit sa dibdib ang puso nito 7.At kung mangyayari, hanggang sa malibing ang mga buto ko, itoy sisintahin a.Mahal pa rin niya ang kasintahan kahit patay na siya b.Patuloy parin mamahalin ang kasintahan kahit patay na ito c.Hanggang sa malibing ang pagmamahal d.Walang makapapalit sa pagmamahal sa kasintahan 8.sa pagkakita koy sabay ang paggiliw, inagaw ang pusong ina koy hain a.Nawalan ng isip si Florante b.Mahal ni Florante ang kanyang ina c.Sumaya si Florante pagkakita sa ina d.Saglit na nalimutan niFlorante ang ina 9.Lumagi ka nawa sa kaligayahan, sa harap ng di mo esposong katipan ang nangusap ay naghahangad na lumigaya ang katipan sa a.Asawang di nagging katipan c. nagtaksil na asawa b.Katipan ngunit di asawa d. taksil na karibal 10.Hinamak ng aking pighati; ang matatwag kong palayaw sa akin; ang ama kong itong aking pagliluhin a.Hindi nakatikim ng pagmamahal sa ama c. mahal na mahal siya ng kanyang ama b.Pagtataksil ang iniukol sa kanyang ama d. pinagtaksilan siya ng kanyang ama DIBISYON NG MAKATI Kasanayan: Nakikilala ang mga panandang diskurso na naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod. Panuto: Basahin at unawain ang teksto. Sagutin ang mga tanong pagkatapos. Teksto 1 Tagumpay , Paano Mo Ito Makakamit? 1. Para sa maraming tao, matagumpay ka kung sikat ka, mayaman o maimpluwensiya. 2. Ngunit ang mga ito ba ang sukatan ng tunay na tagumpay? 3. May anim na susi sa tagumpay.4. Una,magkaroon ng tamang pangmalas sa pera. 5. Pangalawa, maging bukas-palad ka. 6. Pangatlo, maging mapagpatawad tayo. 7. Susunod, sumunod sa mga pamantayan ng Diyos. 8. Pagkatapos, magpakita tayo ng walang hanggang pag-iimbot na pag-ibig at sa huliy maging palaisip sa iyong ispiritwal na mga pangangailangan. Ang anim na simulaing ito ng Bibliya ang tutulong sa atin upang magtagumpay sa buhay. 1. Anong salita sa ikaapat na pangungusap ang naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod ng mga ideya? A. una B. magkaroon C. tamang D. pangmalas 2. Sa pangungusap bilang 5 ginamit ang salitang ________ upang ipakita na iyon ang kasunod na ideya ng talata. A. maging B. bukas-palad C. pangalawa D. ka 3. Ang salitang naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod ng ideya sa pangungusap bilang 6 ay A. maging B. pangatlo C. mapagpatawad D. tayo 4. Anong salita ang ginamit sa ikapitong pangungusap na nag-uutos sa pagsunod sa mga pamantayan ng Diyos? A. susunod B. una C. sa huli D. pagkatapos 5. Aling salita ang nagsasaad na ang pagkakasunud-sunod ng mga ideya sa talata ay winawakasan na? A. pagkatapos B. sa huliy C. hanggang D. magpakita Kasanayan: Nakikilala ang mga panandang diskurso na naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod.

Panuto: Basahin at unawain ang teksto. Sagutin ang mga tanong pagkatapos. Teksto 2 WebsiteTulong o Banta? 1. Websiteano ito? 2. Koleksiyon ito ng mga impormasyon sa internet na ginawa at ginagamit ng mga organisasyong institusyong pag-edukasyon, pangnegosyo at ng mga indibidwal. 3. Nakaeengganyo ito. 4. Una, milyun-milyong site ang mapupuntahan ng mga kabataan para mamili, magsaliksik at makipag-usap sa mga kaibigan. 5. Pangalawa, maaari silang maglaro o magdownload ng mga laro o musika. 6. Pangatlo, nakatutulong ito nang malaki upang ang mga kaalaman at impormasyon na di natin nakikita sa ating mga silid-aklatan ay dito natin maaaring matagpuan. 7. Sumunod pa rito ay ang kabutihan ng pagkakaroon ng mga e-mail na naghahatid sa atin ng mga balita, kwento at iba pa. 8. Ngunit, sa kabila ng pagiging hi-tech natin, may masamang naidudulot din ang labis na pagiging malaya natin sa pagtuklas ng mga website na ating nakikita sa internet.9. Kailangan pa rin ang patnubay ng magulang sa aspetong ito. 10.Hindi masama ang makipagsabayan sa takbo ng makabagong pamumuhay. 11. Sa huli, bilang mabuting mamayan sikapin nating maging responsable sa lahat ng ating aksyon upang di tayo magsisi sa dakong huli. 1. Anong salita sa ikaapat na pangungusap ang naghuhudyat ng unang kaisipan ng talata? A. una B. milyun-milyon C. site D. mapupuntahan 2. Ang salitang naghuhudyat ng pagkakasunud ng ideya sa pangungusap bilang 5 ay A. magdownload B. maglaro C. pangalawa D. magsaliksik 3. Sa pangungusap bilang 6, ginamit ang salitang _____ upang ipakita ang susunod na ideyang malaki ang naidudulot ng internet sa tao. A. pangatlo B. sa huli C. sumunod D. pagkatapos 4. Sumunod pa rito ay ang kabutihan ng pagkakaroon ng mga e-mail na naghahatid sa atin ng mga balita, 1 2 3 kwento at iba pa. 4 Alin sa mga bahaging sinalungguhitan ang salitang naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod ng ideya? A. 1 B. 2 C. 3 D. 4 5. Isinasaad ng pangungusap bilang 11 na tapos na ang paglalahad ng ideya.Anong salita ang ginamit na naghuhudyat ng pagtatapos ng kaisipan? A. Sa huli B. sikapin C. responsable D. aksyon Kasanayan: Nakikilala ang mga panandang diskurso na naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod. Panuto: Basahin at unawain ang teksto. Sagutin ang mga tanong pagkatapos. Teksto 3 Tips sa Pag-iwas sa Sakit na AH1N1 (A.) AH1N1 virus! Isang kasusulpot na sakit na lumigalig sa buong mundo. (B.) Sabi ng mga eksperto, wala pang gamot na natutuklasan para rito, ngunit maaari itong maiwasan. (C.) Sundin lamang natin ang mga tips na ito. (D.)Una, panatilihing malinis ang katawan at ang ating kapaligiran. (E.)Pangalawa, laging maghugas ng kamay na tumatagal ng mga 20-30 segundo. (F.)Sumunod ay takpan ang bibig kapag umuubo upang hindi kumalat ang mikrobyo kung sakaling may sintomas na ng sakit. (G.)Isa pa, kumain ng masusustansyang pagkain at mga prutas na mayaman sa vitamin C. (H.)Panghuli, kung kinakikitaan na ng mga sumusunod na sintomas:may ubot sipon, pananakit ng katawan at may mataas na lagnat, makipagkita na sa inyong doktor upang malapatan na agad ng lunas. Dapat nating tandaan na mas mainam na ang umiwas sa sakit kaysa maging biktima pa tayo ng nakahahawang sakit na ito. 1. Anong panandang diskurso na naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod ang ginamit sa pangungusap E? A. maghugas B. pangalawa C. tumatagal D. Segundo 2. Una, panatilihing malinis ang katawan at ang ating kapaligiran. 1 2 3 4

Alin sa mga bahaging ginuhitan ang panandang diskurso na naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod? A. 1 B. 2 C. 3 D. 4 3. Sa pangungusap F ginamit ang salitang _______ upang ipakita na iyon ang kasunod na tip na dapat isagawa. A. takpan B. bibig C. sumunod D. pangalawa 4. Ang salitang naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod na ginamit sa pangungusap G ay A. isa pa B. kumain C. masustansya D. mayaman 5. Anong salita sa pangungusap H ang ginamit sa pagwawakas ng mga mungkahing tips sa atin? A. kinakikitaan B. sintomas C. panghuli D. pananakit Kasanayan: Nakikilala ang mga panandang diskurso na naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod. Panuto: Basahin at unawain ang teksto. Sagutin ang mga tanong pagkatapos. Teksto 4 Ilang Hakbang Upang Maging Mabuting Magulang 1. Isa sa pinakamahirap na tungkuling ginagampanan ng mga magulang ay kung paano maging isang mahusay, mabuti at responsable sa kanilang mga anak. 2. Narito ang ilang tipikal na payo na maaaring gawin ng mga magulang upang mapabuti ang kanilang mga anak at nang sila ay maging isang kapaki-pakinabang na mamamayan ng ating lipunan. 3. Una, gawing sentro ng relasyon ng buong pamilya ang Diyos. 4. Pangalawa,ipakita sa mga anak na sila ay mahalaga sa pamamagitan ng pagbibigay ng payo at paalala sa tuwina. 5. Pangatlo, laging tandaan, malaki ang nagagawa ng tinatawag nating touch therapy lalo kung ang anak ay may dinaramdam, pisikal man o emosyunal. 6. Sumunod, sikaping magkaroon ng quality time sa mga anak. 7. Isa pa, ugaliin din ang matamang pakikinig sa mga opinion, mga kwento at karanasang ibinabahagi ng mga anak. 8. Sa ganitong paraan ay nailalabas nila ang kanilang mga saloobin.9. Kaugnay pa nito, nararamdaman ng mga anak ang presensya ng mga magulang na marunong makinig sa mga anak. 10.At ang huli, sikaping ipakita na bagamat nakikisayaw sa tugtugin ng mga kabataan ngayon ay naroon pa rin ang awtoridad ng magulang sa anak. 1. Una, gawing sentro ng relasyon ng buong pamilya ang Diyos. 1 2 3 4 Aling panandang diskurso na naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod ang ginamit sa pangungusap? A. 1 B. 2 C. 3 D. 4 2. Sa pangungusap bilang 4, ginamit ang salitang ___________ upang ipakita na iyon ang kasunod na hakbang na dapat gawin ng isang magulang. A. ipakita B.pangalawa C. mahalaga D. payo 3. Ang salitang naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod na ginamit sa pangungusap bilang 5 ay A. malaki B. tandaan C. dinaramdam D. pangatlo 4. Anong panandang diskurso ang ginamit sa pangungusap bilang 7? A. ugaliin B. isa pa C. matamang D. makinig 5. Aling pahayag sa huling pangungusap ang nagsasaad ng pagtatapos ng mga hakbang upang maging mabuting magulang? A. at sa huli B. ipakita C. awtoridad D. nakikisayaw Kasanayan: Nakikilala ang mga panandang diskurso na naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod. Panuto: Basahin at unawain ang teksto. Sagutin ang mga tanong pagkatapos. Teksto 5 Taotaotao 1. Hindi ka pa rin ba nababahala sa nagaganap sa ating kalikasan? 2. Ni hindi mo man lang ba napapansin ang pagbabago sa bawat araw na lumipas? 3. Kayat matuto ka namagising ka na! 4. Halika nat pangalagaan na natin ang ating kalikasan. 5. Paano nga ba at ano ang dapat nating gawin? 6. Una, itigil na natin ang walang habas na pagputol ng mga puno . 7. Ang bawat bahagi nito ay mahalaga lalo na ang ugat na siyang sumusipsip ng tubig kapag umuulan at bumabaha.8. Ikalawa, huwag kang magtapon ng basura sa kung saan-saan dahil babalik din sa iyo ang problema. 9. Ito ay magiging sanhi ng pagbaha na maaaring magdulot ng sakit sa tao. 10. Ikatlo,magtanim pa tayo ng mas

maraming puno sa ating kapaligiran, kapalit ng mga punong pinatay at pinutol natin.11. Sumunod ay gumawa tayo ng mga kautusan at tuntunin na nagbabawal ng pagdudumi ng ating kapaligiran.12. Dagdag pa rito, ipatupad natin nang buong puso ang mga batas. 13. At ang huli, isipin natin na anuman ang ating ginagawa ay may katapat na kaginhawaan o kaparusahan.14. Ito ay kung hindi man pananagutan sa batas ay ganti ng langit. 15.Sa kabuuan, nakasalalay sa ating mga kamay ang kaligtasan at muling pagiging ng ating Inang Kalikasan.16. Kilos na tayongayon na! Kung hindi ngayon?Kailan pa? 1. Anong panandang diskurso ang ginamit sa pangungusap bilang 6? A. Pangungusap blg. 6 B. Pangungusap 8 C. Pangungusap 10 D. Pangungusap 13 2. . Ikalawa, huwag kang magtapon ng basura sa kung saan-saan dahil babalik din sa iyo ang problema. 1 2 3 4 3. Ang salitang naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod na ginamit sa pangungusap bilang 10 ay A. magtanim B. ikatlo C. kapaligiran D. pinutol 4. Ang salitang _______ay ginamit sa pangungusap blg. 11 na naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod . A. kautusan B. tuntunin C. pagdudumi D. sumunod 5. Aling pahayag sa huling pangungusap 15 ang nagsasaad ng pagtatapos ng kaisipan sa talata? A. Sa kabuuan B. nakasalalay C. kaligtasan D. Inang Kalikasan Kasanayan: Nasusuri ang pangkalahatang impresyon sa tekstong binasa-paksa Panuto: Basahin at unawain ang teksto.Pagutin ang mga tanong pagkatapos. Teskto 1 I Buhay.Buhay. Salitang nagtataglay ng limang letra,maikli kung tutuusin ngunit mahalagat makabuluhan sa bawat nilalang na nakahiram nito. Maikli, tulad din ng bawat titik na bumubuo rito. Masalimuot. Masalimuot naman kung ang may hiram ay walang sapat na karunungang patakbuhin o hawakan ang bagay na ipinagkatiwala sa kanya. Minsan namay anumang galing, sipag at tiyaga ang gawin para maging matuwid at maayos ang daang tatahakin upang maging kalugud-lugod sa paningin Niya at sa lipunang ginagalawan niya sadyang ayaw at di-umaayon ang tadhana. II Makulay.Malungkot.Masarap.Masaya! Ito ang BUHAY. Ito ang gusto ko! mga katagang pinapangarap makamtan. Ninanais maranasan. Ngunit paano,tanong ng isip ko? Simple lang. Pera, kapangyarihan at katanyagan, kung magkakaroon ako nito, ganap na ba ang kaligayahang hinahanap ko? Ahhh! Bakit maraming mayaman na hindi pa rin masaya? May mga kapangyarihan na gaano man kalakas, mahina pa rin. May mga tanyag na nalalaos at bumabagsak hanggang sa makalimutan at din a makilala ng mga taong halos sumamba sa kanya noong panahon ng kadakilaan at kasikatan niya? III Isa lang ang tunay na kahulugan ng buhay. Pinakamahalagang bagay na ipinahiram ng Maykapal.Utang. Kay daling ipinahiram, kay daling bawiin. Gawing makabuluhan ang buhay. Ayaw mo ng sakit, karamdaman, kalungkutan, panimdim at higit sa lahat pagdurusa. Subalit ito ay bahagi na ng salitang buhay, kaibigan. Alalahanin mong nabubuhay ka para maging kabahagi ng paghihirap ng ating Panginoon. Sa Kanya nagmumula ang tunay na buhay na gusto mong maangkin at maranasan. Katahimikankakuntentuhan sa buhay.Tahimik ngunit maligaya.Payapa ang kalooban. Ito ang buhay.Ang tunay na kahulugan ng BUHAY. 1. Maikli, tulad din ng bawat titik na bumubuo rito. Anong pangkalahatang impresyon ang ipinahahayag ng salitang naiitiman? A. Mahiwaga ang buhay ng tao. B. Ang buhay ng tao ay pansamantala lamang. C. Ang buhay ng tao ay makulay. D. Ang buhay ng tao ay hiram lamang. 2. Anong impresyon ang mahihinuha natin sa pahayag na Makulay.Malungkot.Masarap.Masaya! Ito ang BUHAY. A. Ang buhay ay tila isang magnetong humahatak sa isang tao. B. Ang buhay ng tao ay may hangganan. C. Ang buhay ng tao ay tunay na mahiwaga.

D. Walang imposible sa buhay ng tao. 3. Batay sa ikalawang talata, anong impresyon ang ipinahihiwatig ng mga pahayag na Pera, kapangyarihan at katanyagan, kung magkakaroon ako nito, ganap na ba ang kaligayahang hinahanap ko? A. Kuntento na ang tao kapag taglay ang mga bagay na nabanggit. B. Ang kaligayahan ng isang tao ay di masusukat sa mga materyal na bagay na mayroon siya. C. Pera, kapangyarihan at katanyagan ang batayan ng pagtatgumpay at pagiging masaya. D. Lahat ay kayang bilhin ng pera, kapangyarihan at katanyagan. 4. Anong impresyon ang mabubuo sa ikatlong talata tungkol sa tunay na kahulugan ng buhay? A. Ang tunay na kahulugan ng buhay ay ang pagiging tahimik at payapa nito. B. Ang tunay na kahulugan ng buhay ay ang pagiging makulay nito. C. Ang tunay na kahulugan ng buhay ay ang pagiging mahiwaga nito. D. Ang tunay na kahulugan ng buhay ay ang maging kabahagi ng paghihirap ng Diyos. Kasanayan: Nasusuri ang pangkalahatang impresyon sa tekstong binasa-paksa Panuto: Basahin at unawain ang teksto.Pagutin ang mga tanong pagkatapos. Teksto 2 1. Ang Leon na siyang Hari ng kagubatan ay nagtanong sa kanyang mga hayop na Kambing, Aso at Tupa. Ang hininga ko bay may amoy? tanong ng Leon. Ako ay magsasabi ng totoo.Ang hininga ninyo ay mabaho, ang sagot ng Tupa. Nagalit ang Leon.Pinatay ang Tupa. Tinanong ng Leon ang kambing. Kambing! Mabaho ba ang hininga ko?tanong ng Leon. Mahal na Hari, ang inyong hininga ay mabaho!wika ng Kambing. Nagalit ang Leon at pinatay ang Kambing. Muli, nagtanong ang Leon at sa isang aso. Ang sagot ng aso ay ganito. Mahal na Hari, pasensya na po kayo. Isang linggo na po akong sinisipon. Ang hininga ninyoy hindi ko naaamoy, ang sagot ng aso. Nakaligtas ang aso. 1. Anong impresyon ang ipinahihiwatig ng unang pangungusap? A. Ang Leon ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng mga hayop sa kagubatan. B. Ang Leon ay mahilig mag-utos sa mga hayop na nasasakupan ng kagubatan. C. Ang Leon ay kinoronahan upang maging Hari ng kagubatan. D. Ang Leon ay may sakit na dapat hanapan ng lunas. 2. Ako ay magsasabi ng totoo.Ang hininga ninyo ay mabaho, ang sagot ng Tupa. Nagalit ang Leon.Pinatay ang Tupa. Batay sa pangungusap ,ano ang impresyong mabubuo ninyo sa inugali ng Leon? A. Ang Leon ay mainipin sa matagal na pagsagot ng Tupa kaya pinatay niya ito. B. Ang Tupa ay sadyang naging matapat lang sa kanyang sarili. C. Nasaktan ang Leon sa pagiging matapat ng Tupa at di niya ito matanggap. D. Talagang magagalitin lamang ang haring Leon kaya siya pumapatay ng hayop. 3. Mahal na Hari, pasensya na po kayo. Isang linggo na po akong sinisipon. Ang hininga ninyoy hindi ko naaamoy, ang sagot ng aso. Nakaligtas ang aso.Batay sa pahayag ano ang impresyong mabubuo ninyo? A. Ang aso ay maingat sa mga salitang binibitiwan sa kapwa. B. Tuso ang aso, para lang di siya patayin ay nag imbento siya ng magandang dahilan. C. Mabuti na lamang at may sakit ang aso, kungdi mamatay rin siyang gaya ng dalawa. D. Minsan ang pagsasabi nang tapat ay nakapagpapahamak sa buhay ng tao. Kasanayan: Nasusuri ang pangkalahatang impresyon sa tekstong binasa-paksa Panuto: Basahin at unawain ang teksto.Pagutin ang mga tanong pagkatapos. Teksto 3 Ang Batang Sumigaw ng Lobo I. Sa paanan ng bundok matamang pinagmamasdan ng isang batang lalaki ang kanyang mga alagang usa.Sa kainipan sa kanyang pagbabantay ng kanyang mga alaga, lumingon siya sa kanyang paligid at natanaw niya roon ang ilang mga kalalakihang gumagawa sa bukid, naisipan niyang sumigaw ng "LOBO! LOBO!" II. Ang mga taong nakarinig sa kanyang isinigaw ay dali-daling nagdala ng pamalo at tumakbo upang harapin ang mga lobo, ngunit wala silang natagpuan ni isa sa mga ito.Winika ng batang lalaki:

"Nais ko lang malaman kung anong magaganap kung sakaling sumigaw ako ng lobo." III. Matalim na tiningnan na lang nga mga lalakin ang bata at nagsibalik na sa kanilang mga gawain. Makaraan ang ilang araw, inulit nanaman ng batang lalaki ang pagsigaw ng lobo at muling nag-mamadali ang mga tao upang tulungan siya, ngunit wala paring mga lobo. Nagwika ang isang lalaki: "Huwag mo na ulit kaming paglalaruan o lolokohin, kung hindi mananagot ka na sa amin." IV. Hindi nagtagal, isang malaki at gutom na gutom na lobo ang dumating at inatake ang kanyang mga alagang usa.Ang kaawa-awang bata ay sumigaw ng "LOBO! LOBO!, ngunit wala ng pumansin sa kanya, dahil iniisip ng mga tao na ito'y nagbibiro nanaman.Napatay at nakain na ng lobo ang isa sa kanyang mga alaga. At hindi rin nagtagal nakain na rin nito ang ilan pang mga usa.Nanginginig sa takot ang batang lalaki dahil naharap siya sa totoong panganib. Ngayon natutunan nya sa kanyang sarili na hindi na muling paglaruan ang mga tao. 1. Anong pangkalahatang impresyon ang mabubuo sa unang talata? A. Labis ang kasipagan ng bata kaya gusto niya itong malaman ng taong-bayan. B. Palabiro lang talaga ang bata lalot nakikita niya na tila nababagot na ang mga kasamang magbubukid. C. Mahilig manubok ang bata kung siya ay tutulungan ng mga tao sa paligid. D. Wala nang hihigit pa sa katusuhan ng bata sa lugar na iyon. 2. Ang impresyong mabubuo sa ikalawang talata ay_______ A. Gusto lamang subukan ng bata kung may tutulong sa kanya sa oras ng kagipitan. B. Nais niya lamang asarin ang mga magbubukid. C. May hangganan ang pasensiya ng isang tao. D. Anumang kasalanan ay may katapat na kaparusahan. 3. "Huwag mo na ulit kaming paglalaruan o lolokohin, kung hindi mananagot ka na sa amin." Batay sa pahayag, anong impresyon ang mabubuo ninyo sa tinuran ng magbubukid? A. Ang tao kapag napuno at niloloko na ay nagagalit din. B. Naaawa na ang mga magbubukid sa bata dahil natatakot ito sa mga lobo. C. Natutuwa ang magbubukid sa pagiging alerto ng bata. D. Makakakita rin ng katapat ang batang palabiro. 4. Ang impresyong maaari nating mabuo sa talata bilang IV ay_________ A. Ang taong nagsasabi ng kasinungalingan ay hindi na pinaniniwalaan kapag nagsasabi na ng katotohanan. B. Ang taong nakikinig sa mga matatanda ay kalulugdan. C. May pag-asa pang naghihintay sa kanya. D. Ang batang matulungin ay tutulungan din kapag nangailangan. Kasanayan: Nasusuri ang pangkalahatang impresyon sa tekstong binasa-paksa Panuto: Basahin at unawain ang teksto.Pagutin ang mga tanong pagkatapos. Teksto 4 Ang Tatlong Prinsipe I. Si Marika isang maganda at kilalang prinsesa sa Arabia. Marami siyang mga manliligaw ngunit wala siyang napili ni isa sa mga ito. Hanggang sa matira na lamang sa kanyang listahan ang tatlong prinsipe. Pare-parehong matitipuno at mayayaman ang tatlong prinsipe, kung kaya't nahihirapan siyang mamili sa mga ito. II. Isang araw naisipan ni Marika na magpanggap bilang isang pulubi. Nagtungo siya sa kampo ng tatlong prinsipe. Doon nanghingi siya ng kanyang makakain.Binigyan siya ng unang prinsipe ng mga tiratirang pagkain. Ang sumunod namang prinsipe ay nagbigay ng hindi makaing buntot ng kamelyo. Si Hakim, ang huling prinsipe ay nagbigay sa kanya ng masarap na karne. Matapos noon ay umalis na ang prinsesa. III. Nang sumunod na araw, inimbitahan ng prinsesa ang tatlong prinsipe sa isang salo-salo sa kanilang palasyo. Inutusan niya ang kanyang mga tagapag-silbi na bigyan ang mga prinsipe ng pagkaing katulad din ng ibinigay ng mga ito sa kanya noong siya'y nagpanggap na pulubi. Si Hakim na nakatanggap ng masarap na karne ay ayaw kumain ng hindi nila pinagsasaluhang tatlong prinsipe ang karneng iyon.Dahil sa ipinamalas na kabaitan ni Hakim, nagdesisyon na ang prinsesa na si

Hakim ang kanyang pakakasalan ang walang pag-aalinlangan . 1. Mabubuo sa unang talata ang pangkalahatang impresyong ________ A. Sa labis na kagandahan ni Marika ay wala nang mangahas na manligaw sa kanya. B. Hindi pa niya natatagpuan ang lalaking iibigin niya habang buhay. C. Sobrang dami ng manliligaw ni Marika sa kanilang kaharian. D. Walang mapili at itulak kabigin si Marika sa lahat ng kanyang mangingibig. 2. Ang pangkalahatang impresyon na mabubuo sa talata II ay ______ A. Sa pagpapanggap matutuklasan ng isang tao ang tunay na kulay ng iba. B. Sa pagpapanggap makikita ang kahalagahan ng pagmamahal sa kapwa. C. Tanging pagpapanggap lamang ang solusyon para mapatunayan ang ugali ng tao. D. Kung hindi magpapanggap, hindi niya mapapatunayan ang tunay na damdamin sa minamahal. 3. Ang panglakalahatang impresyon sa talata bilang III ay______ A. Kapag ukol ay bubukol. B. Ang pag-ibig ay mapagpakumbaba at hindi nagseselos. C. . Kung ano ang ginawa mo sa kapwa mo ay siya ring babalik sa iyo. D. Hindi lahat ng kumikinang ay ginto, ang pilak ay may sarili ring kinang. Kasanayan: Nasusuri ang pangkalahatang impresyon sa tekstong binasa-paksa Panuto: Basahin at unawain ang teksto.Pagutin ang mga tanong pagkatapos. Teksto 5 Munting Alaala Ni Aura I. Naiisip mo ba ang mga nangyayari sa bawat araw? Nagtataka lang ako sa mga tao sa tuwing pinagmamasdan ko sila mula sa aking kinalalagyan.Sa dami ng kanilang mga ginagawa tila napakarami na nilang nalimutan mga bagay, mga pinalampas na pagkakataon o oras. II. Bakit nga ba tila masyadong masalimuot ang buhay ng tao? Kailan ka pa bang huling umakyat ng bubong para matulog o para magpahangin?Huling humiga sa isang mahabang bangko at tumingala lamang sa langit habang pinagmamasdan ang mga ulap?Ang huling beses na naligo ka sa ulan o nagtampisaw sa baha? Kailan ka huling naupo sa tabi ng kalsada habang katabi ang iyong mga kaibigan? Kailan kayo huling kumain ng mami sa kanto ng magkakasama? Iyong huling beses na dinalaw mo ang iyong elementary school o high school? Kailan ka ulit bumalik sa dati ninyong tambayan at nagpalipas oras tulad ng dati nyong ginagawa? Kailan ka huling naglaro ng teks?Masyado na bang marami ang mga bagay na hindi mo na nagagawa pero ano nga nga ba ang pumipigil sa tao para magawa ang mga dati ay nagagawa nya? III. Sa paglipas ng panahon naaalala mo pa ba ito o itinabi mo na rin tulad ng iyong mga laruan? Kailan mo pa ba huling hinawakan ang paborito mong laruan, o binasa ang mga secret notes sa likod ng mga school notebook mo? O tinignan ang mga matataas na grade na ibinigay sa iyo ng teacher mo?Bakit ba hindi na pwede pang ulitin ang mga gawain na ito o bakit sa paglipas ng panahon ay unti-unti na ring nalilimutan ng tao ang mga simpleng bagay na ito na dati-rati ay labis na nagpapasaya sa tao? IV. Gaano nga ba kadaling limutin ang munting kasiyahan na ito? Totoo nga bang habang tumatanda ang tao ay nawawala na rin ang kakayahan niyang maligayahan sa mga munting bagay? Gaano na nga ba kalaki ang mundong ginagalawan mo ngayon o pakiramdam mo lamang ay malaki ito? Nakalimutan na ba ng tao ang mga kaligayahang inihain sa kanila ng kalikasan, at lumikha sila ng maliliit na mundo sa gitna ng napakalaking mundong ito.Naniniwala lamang ako na ang mundo ang siyang umiiwan sa kalikasan pero kailan man ay hindi iiwan ng kalikasan ang mundo. 1. Anong impresyon ang nais ipahiwatig sa unang talata ng teksto? A. Sa panahon ngayon, uso na ang pagiging abala sa trabaho. B. Kailangang maging mabilis sa paggalaw upang hindi mapag-iwanan ng panahon. C. Likas na sa tao ang magtrabaho nang husto para kumita nang malaki para sa pamilya. D. Ang mga tao sa sobrang abala ay marami nang nakakalimutang mas importanteng bagay.

2. Sinasabi sa ikalawang talata ng teksto na ________. A. Ang tao ay may kani-kaniyang hilig sa buhay kaya sila nagkakaiba-iba. B. Ibat iba ang pinagkakaabalahan ng tao,kaya doon sila napapako na lamang. C. Nawawalan na ng panahon ang tao sa kanyang sarili sa sobrang pagiging abala. D. May mga bagay ang tao na dati naman niyang ginagawa ngunit may kung anong pumipigil na sa kanyang gawin iyon. 3. Ang impresyong mabubuo sa ikatlong talata ng teksto ay ________. A. Mabilis na lumilipas ang panahon nang hindi natin namamalayan. B. Ang mga libangan sa panahon ngayon ay hindi na uso sa mga tao. C. Hindi habang panahon ay maglalaro tayo at maglilibang, tumatanda rin ang tao. D. Wala nang panahon pang maglibang o maglaro sapagkat kulang na ang oras ng tao para rito. 4. Ano ang pangkalahatang impresyon na ipinahihiwatig ng huling talata ng teksto? A. Ang kalikasan ay naghahandog ng tunay na kaligayahan sa tao. B. Abot-kamay lang natin ang kaligahayan kung titingin lamang tayo sa ating paligid. C. Hindi lamang sa material na bagay makakamtan ang simpleng kaligayahan ng tao. D. Lahat ng nabanggit. Kasanayan: Naibibigay ang hinuha batay sa mga pangyayari. Panuto: Basahin at unawain ang teksto. Sagutin ang mga tanong pagkatapos. Teksto 1 Kamalayan ni Elmo C. Villanueva I III Sino sya, Mama? Mama, bakit mo sara Bakit sya hingi pera? Bintana ng kotse? Pulubi kasi sya, iha. Mabaho kasi rito, iha. Wala ka bang barya, Mama? Masama ba umamoy mabaho, Mama? II Sino sila, Mama? Ano ang hanap nila sa basura? IV Naghahanap sila ng pera, iha. Mama, bakit tayo iba? Tinatapon din ba ang pera? Bakit ganoon sila? III . Sino sya , Mama? Bakit higa sya kalsada? Umiiyak ka ba, Mama? Baka wala syang bahay, iha. Bakit? Sino kuha bahay niya? 1. Mahihinuha sa pahayag na Wala ka bang barya, Mama? na __________ A. Humihingi ng pera sa kanyang Mama ang bata para ibigay sa pulubi. B. Gusto niya ng pera sapagkat may bibilhin siya. C. Gusto lang niyang humingi ng pera para magkaroon ng ipon. D. Sinusubukan ng anak kung marami ngang pera ang ina niya. 2. Mahihinuha sa ikalawang saknong na ___________ A. Ang mga kalat na itinapon sa basura ay mga kalat sa paligid. B. Nagtataka ang bata kung bakit may mga pulubi. C. Nagtataka ang bata kung bakit may pera sa basura. D. Nagtataka ang bata kung bakit tinatapon ng tao ang pera. 3. Batay sa pangyayaring inilalarawan sa ikatlong saknong, mahihinuha natin na ________ A. Kinamkam sa mga pulubi ang kanilang mga bahay. B. Mapapalad ang mga taong may sariling bahay na natitirhan. C. Ang kalsada ang nagging tirahan na ng mga kapus-palad na pulubi. D. May mga gahamang nanamantala sa mga bahay ng mga pulubi. 4. Masama ba umamoy mabaho, Mama? Mahihinuha sa pangyayaring ito na ________ A. Nandidiri ang bata sa mabahong amoy ng pulubi. B. Ayaw ng ina na makita ng anak ang nakadidiring kapaligiran.

C. Matapobre kasi ang ina kaya isinara ang bintana ng kotse. D. Nagtataka ang bata kung bakit isinara ng ina ang bintana ng kotse. Kasanayan: Naibibigay ang hinuha batay sa mga pangyayari. Panuto: Basahin at unawain ang teksto. Sagutin ang mga tanong pagkatapos. Teksto 2 1. Masakitmahapdi ang mga sugat na bumabalot sa kanyang buong katawan. Halos malagot ang kanyang hininga sa kirot na kanyang nadarama. Ngunit higit na masidhi ang hapdi ng kanyang naghihimutok na kalooban. 2. Muli, siya ay walang awang hinagupit ng kanyang ina. Sa kanyang palagay, dila na lamang niya ang hindi inabot ng hagupit ng makapal na sinturon. At ngayon ngay malalim na ang gabipayapa na ang lahatnamumuo at sumisigid sa kanyang musmos na puso ang matinding pagkapoot at pagkamuhi sa babaeng sa kanyay nagbigay-buhay. 3. Ang isang patak ng luhay nasundan ng isaat isa pahanggang sa tuluyan na itong umagos sa kanyang pisngi habang patuloy ang pagdaloy ng mga gunita. 4. At saan ka nanggaling, Jeremy? matigas na tanong ng kanyang ina. Bakit ngayon ka lang? Hindi mo baa lam na alas otso na ng gabi? Ha? Sumagot ka! Sa basketball court, Ma. Nakipaglaro ako kay Jojo, ang mahina niyang tugon. 5. Huwag mo akong lokohin!Nagtungo ako sa court at wala akong nakitang batang naglalaro doon. At nagsisinungaling ka pa sa akin, ha! Nanlisik ang mga mata nitong tumayo mula sa hapag kainan patungo sa kanyang kinatatayuan. Saan ka nanggaling? Sumagot ka sabi! nakabibingi nitong sigaw. 6. Mommy, nanood ho ako ng sine kasama si at hindi na niya natapos ang kanyang paliwanag nang humampas sa kanyang mukha ang matinding sampal at siyay humambalos sa haligi ng kanilang tahanan. Nanginginig ang kanyang buong katawan. At nangingilid na ang mainit na luha sa kanyang mga mata habang pinagmamasdan niyang kinukuha ng kanyang ina ang makapal na sinturon na animoy sabik na dumatay sa kanyang murang balat. Hango sa Sa pagkatunaw ng Kandila ni Olivia M. Lamasan 1. Mahihinuha sa pangungusap na sinalungguhitan sa talata bilang 1 na _______ A. Hirap na hirap ang bata sa kanyang nararamdamang sakit. B. Doble ang sakit na nararamdaman ng bata, pisikal at emosyunal na sakit. C. Muntik nang mamatay ang bata sa sakit na kanyang nadarama. D. Wala nang mas sasakit pa sa hagupit na inabot niya sa buhay. 2. Batay sa pangyayaring inilahad sa ikalawang talata, mahihinuha natin na _____ A. Ang bata ay laging nabubugbog at ginugulpi ng kanyang ina. B. Ang bata ay may sakit kaya siya ay kailangang ipagamot. C. Ang bata ay nagsisimula nang magtanim ng galit sa kanyang ina. D. Ang bata ay nasisiyahan sa ginagawa ng ina sa kanya sa kabila ng pananakit nito. 3. Ang isang patak ng luhay nasundan ng isaat isa pahanggang sa tuluyan na itong umagos sa kanyang pisngi habang patuloy ang pagdaloy ng mga gunita. Mahihinuha sa pangyayaring inilahad sa pangungusap na_______ A. Labis-labis na ang sakit ng loob na nararanasan ng bata sa kanyang ina. B. Dumami na ang luhang umaagos sa kanyang pisngi sa tuwing masasaktan. C. Walang habas ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata. D. Ang luhang dumadaloy sa kanyang pisngi ay tatak ng katatagan. 4. Mahihinuha sa talata bilang anim na A. Sobra-sobra na ang galit ng ina kaya nakahanda na siyang gulpihin. B. Patatawarin din siya ng kanyang ina kung magpapaliwanag siya. C. Kalilimutan na lang ng ina ang kanyang pagsisinungaling. D. Gagantihan niya ang inang nagmamalupit sa kanya. Kasanayan: Naibibigay ang hinuha batay sa mga pangyayari. Panuto: Basahin at unawain ang teksto. Sagutin ang mga tanong pagkatapos. Teksto 3

Ekserp 1 Ana: Noon, noon, naisip ko, kung-kung pipili ako ng mapapangasawa-lahat ay nag-aasawa, naisip ko, Inay-kung pipili ako ng mapapangasawa, ang pipiliin koy kamukha niya. Mabait siya -mapag-alala. Aywan ko, pagkamatay ni Itay, siya na ang para kong naggng ama.Hindi ba t parang siya namang talaga,ha, Inay? Ekserp 2 Tony: Huwag ninyong sasaktan ang sinumang balo o ulila ng mga bata,habilin ng Diyos kay Moses. Kapag silay inyong sinaktan anumang paraan at silang lahat ay tumawag sa akin, ang panawagan nilay tiyak kong diringgin. At ang poot koy maglalatag, at kayoy papatayin ko sa tabak. Naglalatag ang poot ng Diyos sa masasamang kamay na umagaw at humahamak ngayon sa kanyang tabak! Ekserp 3 Regina: Buksan mo ang pinto. Maayos siyang susuko. Halikayo, narito siya. Hayan siya. Maayos siyang susuko. Mayor. Hayan, nariyan ang aking anak, arestuhin ninyo. Maayos siyang susuko. Ekserp 4 Regina: O, dalhin ninyo ako kahit saan. Sa presinto, sa korte, sa husgado, kahit saan! Pananagutan ko ang pagkamatay ng aking anak. Pinatay ko ang aking anak. Sasabihin ko sa lahat na pinatay ko ang sarili kong anak. Pinatay ko ang aking anak! Pinatay ko ang aking anak! Halaw sa dulang Moses!Moses! ni Rogelio R. Sikat 1. Mahihinuha sa pangyayari sa ekserp 1 na ________ A. Malaki ang respeto ni Ana sa kanyang kapatid kaya iniidolo niya ito gaya ng ama. B. Batid ni Ana na pagdating ng araw siya ay mag-aasawa ring gaya ng ina. C. Lahat naman ng tao ay nag-aasawa kung ipagkakaloob ng Diyos. D. Walang kapantay na kaligayahan ang idinudulot ng pag-aasawa ayon kay Ana. 2. Sa mga pangyayari sa ekserp 2, mahihinuha natin na _____. A. Si Tony ay nakakikilala sa mga aral ng Diyos. B. Si Tony ay isang pastor na nangangaral ng mga salita ng Diyos. C. Si Tony ay labis na napopoot sa mga di makatarungang pagtrato sa kanila. D. Si Tony ay pinanghihinaan na ng pananampalataya kaya muling nag-aaral ng salita ng Diyos. 3. Mahihinuha sa mga pananalita ni Regina sa Ekserp 3 na _______. A. Ipinagkanulo ni Regina ang anak sa mga may kapangyarihan at sa Mayor. B. Mahinahon niyang isinusuko ang anak sa pag-aakalang magiging maayos din ang pagaresto. C. Gusto na niyang tapusin ang kunsumisyon niya kay Tony kaya pinaaaresto na niya ito. D. Labis ang paggalang ni Regina sa mga pulis kaya itinuro niya ang anak sa mga ito. 4. Batay sa ekserp 4, mahihinuha nating pinatay ni Regina ang sariling anak dahil ______. A. Sawa na siya sa pagbibigay ng payo at paalala kay Tony. B. May kasalanan ito sa batas, nainis siya kaya siya na lamang ang magpaparusa rito. C. Siya lang ang may karapatang kumitil sa buhay ng anak dahil siya ang nagluwal dito. D. Hindi niya kayang makitang naghihirap ang anak sa kamay ng iba, siya na lang ang magdusa. Kasanayan: Naibibigay ang hinuha batay sa mga pangyayari. Panuto: Basahin at unawain ang teksto. Sagutin ang mga tanong pagkatapos. Teksto 4 I. Sumandal siya sa posteng ilaw-dagitab.Dinama niya ang tigas niyon sa pamamagitan ng kanyang likod. At sa murang isipang iyon ni Adong ay tumindig ang tagumpay ng isang musmos na paghihimagsik, ng paglayo kay Bruno, ng paglayo sa Quiapo, ng paglayo sa gutom, sa malalamig na mukha ng nakatunghay na simbahan, sa kabangisang sa mulat mula pay nakilala niya at kinasuklaman.Muling dinama niya ang mga bagol sa kanyang bulsa. At iyon ay matagal din niyang pinakalansing. II. Napahindik si Adong.Ang basag na tinig ay naghatid sa kanya ng lagim. Ibig niyang tumakbo. Ibig niyang ipagpatuloy ang kanyang paglayo. Ngunit ang mga kamay ni Bruno ay parang bakal na nakahawak na sa kanyang bisig, niluluray ang munting lakas na nagkaroon ng kapangyarihang

maghimagsik laban sa gutom, sa pangamba at sa kabangisan. III. Bitiwan mo ako, Bruno!Bitiwan mo ako! naisigaw na lamang ni Adong. Ngunit hindi na niya muling narinig ang basag na tinig. Naramdaman na lamang niya ang malulupit na palad ni Bruno. Natulig siya. Nahilo.At pagkaraan ng ilang sandali, hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kanya. Halaw sa Mabangis na Lungsod ni Efren Abueg 1. Ipinahihiwatig ng pangyayari sa unang talata na si Adong ay _______. A. Isang batang palaasa sa mga tao sa kanyang paligid. B. Isang masayahing bata kaya marami ang nalulugod sa kanya. C. Isang batang wala nang ginawa kung hindi makipagbasag-ulo sa kapwa bata sa Quiapo. D. Isang matapang na bata, may paninindigan at pilit na kumakawala na sa kinagisnang buhay. 2. Mahihinuha sa ikalawang talata na ______. A. Naghihintay ang isang panganib na maaaring pagsisihan niya at din a mamalayan pa. B. Handa na si Adong sa pakikipagbabag sa mga kapwa kabataan sa Quiapo. C. Takot na takot sa panganib na maaaring pagsisihan niya at din a mamalayan pa. D. Handa na si Adong sa mga pakikihamok sa buhay. 3. Ano ang mahihinuha natin sa sinapit ni Adong sa kamay ni Bruno sa huling talata ng teksto? A. Wala nang buhay si Adong sapagkat sumuko na rin ang katawan niya sa kalupitan ni Bruno. B. Hindi na muling gagambalain ni Bruno si Adong sapagkat naparusahan na niya ito. C. Pinatawad na ni Bruno si Adong kaya pakakawalan na niya ito nang tuluyan. D. Dinala si Adong sa ospital at doon na lamang magpapagaling. Kasanayan: Naibibigay ang hinuha batay sa mga pangyayari. Panuto: Basahin at unawain ang teksto. Sagutin ang mga tanong pagkatapos. Teksto 5 sa pinakamahabang 1 Kung papalarin ka 15 ng mainit-init na hangin. 29 sanga 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 Makikita mo siya Mamayang gabi. Maghintay ka sa lilim ng puno ng akasya. Itaon mong papalitaw ang unang bituin at malapit nang pumatak ang unang natuyong dahon ng pinakamahabang sanga ng puno ng akasya. kapag handa na, ipinid ang iyong mata, banatayan mo ang hihip 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 maaaring iyon na ang kanyang hininga. huwag kang mumulat hintayin mong lumamig ang hihip ng hangin hanggang mamasa-masa na ang talukap ng iyong mata, hayaan mong antukin ka at maidlip nang bahagya, o mahimbing kaya. at kukunin niya ang iyong mga kamay. isasama ka niya Kung papalarin ka mamayang gabi. ni Rofel G. Brion 30 31 32 33 34 35 36 ng puno ng akasya, at pipitasin ninyo ang unang natuyong dahon na hindi pa pumapatak, at ihahandog ninyo ito sa unang bituin na malapit nang lumitaw

1.Mahihinuha sa pangyayaring Kung papalarin ka, makikita mo siya mamayang gabi. A. Matagal na niyang inaabangang dumating ang hinihintay. B. Bihira sa isang tao ang makita ang matagal nang inaasam-asam. C. Tila may isang tao o bagay na pinaaabangan sa kanyang darating.

D. Mapalad talaga siya sapagkat darating ang isang bagay o tao na kanyang hinihintay. 2. Maghintay ka sa lilim ng puno ng akasya. Itaon mong papalitaw ang unang bituin at malapit nang pumatak ang unang natuyong dahon ng pinakamahabang sanga ng puno ng akasya. Ano kaya ang maaaring mangyari sa oras na iyon? A. Darating na ang hinihintay at sabik na sabik na siyang makita ito. B. Maglalagas ang lahat ng dahon sa puno ng akasya at itoy hahawiin niya. C. Paparating na ang ulan kaya dapat na siyang maghanap ng masisilungan. D. Hindi darating ang hinihintay sapagkat nagbabadya ang malakas na pag-ulan. 3. Mahihinuha sa mga pangyayari sa bilang 13-25 na ______. A. Hindi na darating ang hinihintay, wala naman talagang darating. B. Wala nang pag-asang dumating pa ang hinihintay sapagkat walang palatandaan ng pagdating. C. Naiinip na ang taong naghihintay sa darating sapagkat matagal lumabas ang mga palatandaan. D. Malaki ang posibilidad na dumating na ang hinihintay sapagkat nararamdaman na niya ang mga palatandaan. 4. Inilarawan sa mga pangyayari bilang 26-36 ang hinihintay ng taong ito. Sino kaya siya? A. Isang kaibigan na matagal na niyang hindi nakikita. B. Isang diwata na inibig ng taong ito sa kanyang panaginip. C. Isang tao na maaari niyang pagsabihan ng kanyang lihim. D. Isang taong pinagkakautangan at sa puno ng akasya sila magbabayaran. MGA PAGSASANAY SA MGA KASANAYANG DI-LUBUSANG NATUTUNAN NATIONAL ACHIEVEMENT TEST FILIPINO II SUSI SA PAGWAWASTO

Kasanayan: Nakikilala ang mga panandang diskurso na naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod. Teksto 1 1 2 3 4 5 A C B A A 1 2 3 4 5 Teksto 2 A C A A A 1 2 3 4 5 Teksto 3 B A C A C 1 2 3 4 5 Teksto 4 A B D B A 1 2 3 4 5 Teksto 5 C A B D A

Kasanayan: Nasusuri ang pangkalahatang impresyon sa tekstong binasa-paksa. Teksto 1 1 2 3 4 B C B D 1 2 3 Teksto 2 A C C 1 2 3 4 Teksto 3 C A A A 1 2 3 Teksto 4 D A C 1 2 3 4 Teksto 5 D D C D

Kasanayan: Naibibigay ang hinuha batay sa mga pangyayari. Teksto 1 1 2 3 4 A D C B 1 2 3 4 Teksto 2 B A A D 1 2 3 4 Teksto 3 A C B D 1 2 3 Teksto 4 D A A 1 2 3 4 Teksto 5 C A D B

You might also like