Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kabataan:Isang Pagtatanong ni C.C Marquez, Jr.

Ako, ikaw kayo sila tayong mga kabataan, Saan natin ihahatid itong ating inang batan? Sa altar ba ng pag-asa o sa bibig ng kabiguan Sa paanan ba ng langit o bunganga ng libingan? Dapat tayong manghilakbot dapat tayong kilabutan Sa lahat ng pangyayaring nagaganap ng hayagan Unti-unting naglalaho nang di natin nalalaman Ang sariling tatak natin bilang Perlas ng Silangan; Kilos natin at damdamin ang kultura t kabuhayan, Dahan-dahang nalalagom ng masakim na dayuhan! Nanaisin pa ba natin ang magbalik ang panahon Ng nabaon na sa limot na duguang mga taon ? Noong tayong mga kabataan ay may pusong nag-aapoy At wala ng hinahangad kundi gulo t rebolusyon? Sa kumpas ng paarala y nais pa ba natin ngayong Maglagay ng barikada t magdaos ng demonstrasyon? Di ba t dahas ay sa dahas sumugpong na lubos noon Upang ganap na sikangan ang sa baya y nagsusulsol? Kabataan kabataan ako nayo y nagtatanong: Saan natin ihahatid itong ating henerasyon? Papayagan kaya natin sa sarili nating bansa, Ang sariling tatak nati t kakanyahan ay mawala? Sa kultura ng dayuhang dito ngayo y bumabaha, Ang sariling kalinanga y lulunurin na rin kaya? Ang malagim na kahapong dugo t luha ang napunla Bakit ngayong susupling na saka tayo nagpabaya? Ang aral ni Dr.Rizal na tayo y pag-asa nga, Bakit ngayo y aral pa ring matupad ni bahagya? Sa paningin ng daigdig, dapat tayong mangahiyaPilipinong naturingan ay dayuhan ang kamukha! Ikaw kaya y isang bulag at hindi mo nakikita Ang talamak na pagyurak sa sarili mong kultura? Sa harap ng telebisyon panatag kang nakatawa At ni hindi ka mapaknit kung dayuhan ang programa Ang likas mong panooring makulay na zarzuela, Ngayo y nagging video tapes at Betamax sa tuwina Ang tamis ng tulain mo at kundimng pangharana, Pinalitan mo ng disco, ng swing, ng rock, boogie; Dumilat ka, kabataan ang lahi mo y nakukuha Ng dayuhang sa bansa mo y nagpapanggap na turista! Ang agwat ng talastasan ng magulang at anak, Hindi mo ba napapansing kaylawak ng isang agwat? Dumaraan ang maghapo t lumilipas ang magdamag, Ni putol mang dayalogo y hindi kayo nakabigkas; Kahit isang problema mo sa kanila y di naungkat, Kaya ito y nananatiling suliraning hindi malutas Papaano, tayong bunso y sa lansangan nagpupuyat Sila namang ama at ina y sa Gawain nagbababad; Ah! Sa aba ng Maykapal kapag ito y di nagwakas, Wawasakin ang pamilya t ang bansa mo y malalansag. Ikaw, ako kayo, sila dapat tayong mangag-isip,

Itong ating Inang Baya y saan natin ihahatid? Sa altar ba ng pag-asa o libingang sakdal lamig? Sakuko ng kabiguan o tagumpay na marukit? Tayong mga kabataan ang pag-asa ng daigdig, Sa magulang at ninuno y tayong lahat ang magpapalit Ang kultura t kabuhayan ay linanging buong higpit Upang tayo y makalaya sa dayuhang mapanggipit; Isang bansa Isang diwa ang sati y bumibigkis, Tayo y mga kabataan Pilipino bawat saglit!

You might also like