Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Mga Nagpapalawak ng PANGUNGUSAP:

1. Mga Paningit Bilang Pampalawak - Mga paningit o ingklitik ang tawag natin sa mga katagang isinama sa pangungusap upang higit na maging malinaw ang kahulugan nito.

- Mga talaan ng ating mga paningit: ba din/rin pa kasi ho nga na lamang/ lang pala naman man po kaya muna tuloy daw/raw sana yata Ang mga katagang ka/ ko/ at mo/ ay maaring manguna sa mga paningit. Mga tuntunin sa wastong gamit ng mga paningit: 1.) Unang salitang may diin+ paningit 2.) Unang salitang may diin+ ka/ko/mo + paningit

hal. 1.) Ang bata na ang tawagin mo. 2.) Kahit hindi man kayo matuloy ay dapat kang maghanda. 3.) Bakit ka nga ba hindi dumating? Mga paningit na malayang magpapalitan:

daw at raw – ito’y ginagamit kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig, maliban sa mga malapatinig na /w/ at /y/.

din at rin- ginagamit naman kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig o malapatinig.

hal. 1.) Malaki raw ang hinihingi mo kaya hindi ka napagbigyan. 3.) Suwelduhan din daw ang ama niya.

Ang lamang ay pormal nba anyo ng kolokyal na anyong lang. hal. 1.) Iabot mo lang sa akin ang peryodiko bago ka umalis. 2.) Isasangguni po lamang naming sa tagapangulo njg komite ang hinggil sa suliranin ng mga kasapi.

You might also like