Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa Filipino II

I. Mga Layunin: Sa loob ng itinakdang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Napaghahambing ang mga katangian ng tao, hayop, bagay, at pook. 2. Mapanuring nakapagmamasid ng mga bagay sa paligid. II. Paksang Aralin:

A. Deskripsyon
1. Kasanayanpook Pagmamasid ng mga bagay sa paligid Paghahambing ng katangian ng tao, bagay, hayop, at

2. NilalamanSanggunian:

Pangkapaligiran BEC PELC Batayang Aklat: Landas sa Wika at Pagbasa p.102-105

Kagamitan:
III. Pamamaraan:

larawan ng pamayanan sa lungsod at lalawigan

A. Panimulang Gawain:
1. Pang-araw-araw na Gawain 1.1 1.2 1.3 2.1 Pagdarasal Pagbati sa Klase Pagtsetsek ng Lumiban sa klase Pagtsetsek ng Takdang- Aralin

2. Paghahandang Gawain

Kahapon ay may iniwan ako sa inyong gawain bilang inyong takdang- aralin. Ipasa ang mga kwaderno sa harap. -Opo, Maam.

2.2

Balik Aral

Sa nakaraang talakayan, napag-aralan natin ang mga salitang naglalarawan. Ano na nga ang salitang naglalarawan? -Ang salitang naglalarawan ay mga salitang nagbibigay katangian o

deskripsyon sa tao, bagay, hayop o pook. Salungguhitan nyo nga ang mga salitang naglalarawan sa mga sumusunod na pangungusap: a. Si Maria ay mabait na bata b. Maasim ang manggang binili mo. c. Malapad ang balakang niya. d. Malayo ang punung kahoy na ito. 3. Paggaganyak Narito ang ilang larawan ng pamayanan sa lungsod at ng lalawigan. Anu-ano ang napansin nyo sa larawan? Tama. Anu pa? (ang mga sagot ay maaaring magbago) -Mas maraming bahay sa lungsod kaysa sa lalawigan. -Higit na matataas ang gusali sa lungsod kaysa sa lalawigan. Tama rin. Anu pa? Tama rin. Alin naman sa dalawa ang gusto nyong tirhan? 4. Pagpapalawak ng Talasalitaan Upang lubos nating maunawaan ang babasahin nating seleksyon atin munang alamin ang kahulugan ng mga sumusunud na salita sa pamamagitan ng pagtatambal: _____1. kolehiyo _____2. pawid _____3. napupuna _____4. pusod ng dagat _____5. dikit-dikit 5. Pagtatakda ng Layunin Nakapunta na ba kayo sa lungsod? Ano ang makikita sa lungsod? Anu-ano naman ang katangian ng lalawigan? Ang ating babasahing seleksyon sa araw na ito ay may kinalaman sa mga katangian ng lungsod -Opo. -Maraming matataas na gusali sa lungsod. -Maraming sasakyan sa lungsod. -Tahimik at payapa sa lalawigan. a.magkatabi b. kailaliman ng dagat c. buli na ginawang bubong ng bahay d. mataas na antas sa paaralan e. napapansin -Mas gusto ko pong tirhan ang lalawigan. -Mas mausok sa lungsod kaysa sa lalawigan. -(mabait) -(maasim) -(malapad) -(malayo)

at lalawigan. Ito ay pinamagatang Tayoy Mamasyal

B. Paglalahad:
a. Ipabasa nang tahimik o pabigkas ang kuwento. Tayoy Mamasyal Mamasyal tayo ngayon sa ibat ibang pamayanan dito sa ating bansa. Unahin nating pasyalan ang mga tirahan sa lungsod. Napupuna ba ninyo ang ayos ng mga bahay sa lungsod? Dikit-dikit ang mga bahay dito. Ang karamihan ay yari sa yero at semento. Katabi ng mga bahay ay ang matataas na gusali at mga pagawaan o pabrika. May mga kolehiyo at Unibersidad, supermarket at department store, mga restawran at sinehan. Napakaraming tao sa plaigid at mga sasakyan. Maingay sa lungsod. Pasyalan naman natin ang mga tirahan sa probinsya o lalawigang malayo sa lungsod. Magkakalayo ang mga bahay sa lalawigan. Maraming lugar na mapagtataniman. Kakaunit ang mga sasakyan. Tahimik ang kapaligiran. Karaniwang mga magsasaka ang naninirahan dito. Pupuntahan naman natin ang mga tirahang malapit sa mga ilog dagat. Yari sa pawid at kahoy ang mga bahay rito. Sariwa ang hangin at maliis ang kapaligiran. Pangingisda ang pangunahing gawain ng mga tao. Sanay silang mganghuli ng mga isda, alimango, at hipon. Mahussay rin silang lumangoy. Naninisid sila ng mga perlas sa pusod ng dagat. Karaniwang sassakyan na makikita rito ay bangka. Ngayong narating mo na ang ibat-ibang pamayanan dito sa ating bansa, saan mo nais manirahan?

C. Pagtatalakayan
Pagsagot sa mga tanong: 1. Ilarawan ng lungsod. -Dikit-dikit ang mga bahay dito - Katabi ng mga bahay ay ang matataas na gusali at mga pagawaan o pabrika. - May mga kolehiyo at Unibersidad, supermarket at department store, mga restawran at sinehan. -Napakaraming tao sa plaigid at mga sasakyan. -Maingay sa lungsod. 2. Ilarawan ang lalawigan. -Magkakalayo ang mga bahay sa lalawigan. -Maraming lugar na mapagtataniman. -Kakaunit ang mga sasakyan. -Tahimik ang kapaligiran.

D. Paglinang ng Kasanayan
Sa binasa natin, paghambingin ang

lungsod sa lalawigan.

-Mas maingay sa lungsod kaysa sa lalawigan. -Higit na kaunti ang sasakyan sa lalawigan kaysa sa lungsod.

Ano ang mga salitang ginamit sa

paghahambing ng katangian ng tao, bagay, hayop o pook? Ano ang naitutulong ng mga salitang ito ? -Gumamit ng Mas, Higit na, Kaysa -Nagiging madali ang paghahambing ng dalawang bagay gamit ang mga salitang nabanggit. Ano pang mga salita ang maaari nating gamitin upang maghambing ng dalawang bagay, tao, hayop o pook? -Maari ring gamitin ang salitang Lalo.

E. Paglalahat:
Paano mapaghahambing ang katngian ng tao, bagay, hayop o pook? -Maaaring paghambingin nag katangian ng tao, bagay, hayop o pook sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang pahambing katulad ng higit na, mas, kaysa at lalo.

F. Pagpapayamang Gawain:
Sabihin ang wastong paghahambing sa mga sumusunod: a. Ang plasa ay (malayo)_______sa palengke. b. Si Tatay ay (malakas)_______kay Nanay. c. Ang mangga ay (maasim)______ dalandan. d. Si Kuya ay (masipag)_____ kay Ate. e. Ang mansanas ay (matamis)______ mangga.

G. Pagpapahalaga:
Kung ikaw ang pipili ng pamayanan na nais mong tirhan, alin ang pipiliin mo? Ano ang magagawa mo upang mapangalagaan ang pamayanan? -Tumulong sa pagpapanatili ng kalinisan. (ang mga sagot ay maaaring magbago) Pipiliin ko po ang probinsya.

IV.

Pagtataya 1. santol-ubas (maliit) 2. sampaguita-daisy (mabango) 3. Baguio- Manila (malamig) 4. gatas-kape( masustansya) 5. bubuyog-paru-paro (maingay)

Paghambingin ang sumusunod na salita ayon s awastong paglalarawan:

V.

Takdang- Aralin 1. Mag-isip ng dalawang pares ng mga tao, bagay, hayop o pook at paghambingin. 2. Sagutin ang mga sumusunod: a. Ano ang masasabi mo tungkol sa inyong pamayanan o baranggay? b. Gusto mo ba ang inyong pamayanan? Bakit?

You might also like