Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Nagpapaunawa ng diwang inilalahad o nais ipahatid ng sumusulat.

Ang paglalahad ay kadalasang ginagamit sa kwento ibig sabihin siya'y naglalahad ng kwento.


Anyo 1. 2. 3. 4. 5.

Ang PAGLALAHAD ay ginagamit sa pagpapaliwanag ng pamamaraan o proseso ng paggawa ng isang bagay at ng pagsasakatuparan ng isang layunin o simulain. Pagbibigay ng direksiyon at pagpapaliwanag ng mga hakbang. Natutugunan ng paglalahad ang mga tanong tungkol sa isang usapin. Sinasaklaw ng paglalahad ang malawak na bahagi ng sinusulat at binabasa ng tao. ng Paglalahad: pagbibigay-katuturan pagbibigay-direksyon panuto o patnubay sa paggawa ng isang bagay, pag-uulat pagsusuring-basa o panunuri. Nahahati sa pormal at di-pormal ang pagbibigay-katuturan.

Maraming iba't ibang paraan ng paglalahad na nabibilang sa di-pormal na layunin tulad ng: 1. paghahalimbawa 2. paghahambing at pagtatambis 3. pag-uulit 4. pagpapahindi 5. pagsusuri 6. pagpapakilala ng sanhi at bunga. A. Pagbibigay-katuturan - tumatalakay sa isang bagay o paksa. Inilalahad din dito ang mga pagkakaiba o mga pagkakatulad ng mga katangian nito sa ilang bagay.

Dalawang paraan ng Pagbibigay-katuturan:

Pormal-katuturang nagtataglay ng tinging siyentipiko at hangaring pangkatalinuhan tulad ng mga kahulugang matatagpuan sa diksyunaryo at mga aklat na pampaaralan sa agham, batas, kalakalan, at iba pa. 1. pag-ibig- kinapapalooban ng pagmamahal, pagmamalasakit, paggalang, pagbibigay o pagpaparaya. Impormal- naglalayong magbigay ng paliwanag upang makapukaw ng damdamin at kawilihan. Ang ganitong pagbibigay-katuturan ay karaniwang makikita sa mga sanaysay sa mga magasin o iba pang babasahin. 1. Ang pag-ibig ay walang iba kundi yaong makaakay sa tao mga dakilang gawa sukdang ikawala ng buhay sampu ng kaginhawaan B. Pagbibigay-kahulugan- mga salitang giangamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan ay iba sa mga salitang makikita sa diksyunaryo. Ang mga terminong siyentipiko at teknikal ay may tiyak na kahulugan kaya maiiwaasan ang di-pagkakaunawaan at pagkakaibia ng interpretasyon sa harap ng batas. Dalawang Dimensyon ng Pagpapakahulugan

Detonasyon-karaniwang kahulugan dala ng diksyunaryo o salitang ginagamit sa pinakakaraniwan at simpleng pagpapahayag 1. berde ang dahon - kulay luntian 2. matigas ang bato - matibay

Konotasyon- pansariling kahulugan ng isang tao o may hatid na kahulugang iba kaysa karaniwang pakahulugan 1. berde ang utak - maliyoso 2. matigas ang ulo - sutil

You might also like