Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PAANO MAGSELOS ANG MGA LALAKE?!

Simple lang: hindi mo agad malalaman na nagseselos ang lalake kase hindi sila showy. Iniisip kasi nila na nakakaturn-off sa isang babae ang pagsabi na nagseselos sila. Palagi din nilang tinatanung kung sino ang katxt mo dahil gusto nilang malaman kung katxt mo yung taong pinagseselosan nila,at kapag tinanung mu naman kung bakit,ang sagot: "wala lang" pero kapag sinabi mong katxt mo yung taong pinagseselosan,for sure masasaktan yan. Kase hindi porket lalake e hindi na masasaktan. Iniisip kasi ng iba na ang mga lalake,hindi nasasaktan,hindi umiiyak. Pero ang totoo,kapag mahal nila talaga ang isang babae,kahit gaano pa sya kaBABAERO iiwas yan para sa isa,iiyak yan kapag iniwan,masasaktan at masasaktan yan. At kapag nasaktan ang lalake sa babaeng mahal nya,alak agad ang hinahanap. Ganun ang mga lalake e. Hindi masabi ang selos,ni magpatama sa gm wala! Mahiyain kase ang mga lalake e. Hindi tulad ng mga babae na diretchahang sasabihin sa lalake na nagseselos sila. Hindi ganun ang mga lalake. Saka lang sasabihin ng lalake na nagseselos sya kapag palagi mong katxt ung taong pinagseselosan nya,at lalo na kung nakakasama mo pa. Laging tanung ng lalake pag nagseselos,"kasama mo si ganito?" pero hindi mu alam na nagseselos na pala sya. Ang selos kase,hindi sinasabe. Dapat ramdam mu un sa bawat pagsasalita nya,sa bawat txt nya. E kase nga lalake e. Paulit-ulit nalang nilang sinasabe na hindi nagseselos ang mga lalake pero kadalasan mas marami pang selosong lalake kesa babae. Iniisip kase ng mga lalake na kaCORNYHAN ang pagsasabi na nagseselos sila. Pero kapag may nagsabi sayo na nagseselos sya,layuan mo na ang taong pinagseselosan nya,magfocus kalang sa kanya kase kapag nagselos ang isang tao,isa lang ibig sabihin nyan : MAHAL NA MAHAL KA NIYA. Kaya maswerte ka kung seloso ang syota mo kase IMPORTANTE ka sa BUHAY niya at ayaw nyang malayo sayo .

You might also like