Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas ) LALAWIGAN NG HILAGANG KAMARINES) S.S.

Bayan ng DAET )

SINUMPAANG SALAYSAY KAMI, ERNESTO A. LOPEZ, biyudo,; REYNALDO A. LOPEZ, kasal kay Nenita Lopez; ALICIA A. LOPEZ, kasal kay Carlito Almero,; LETECIA A. LOPEZ, kasal kay Madrigallo Reynaldo; ESTEBAN A. LOPEZ, JR., kasal kay Lydia Lopez; MANUEL A. LOPEZ, binata; MAGDALENA A. LOPEZ, kasal kay Abner Sambas, Jr.; at FELICIDAD LOPEZ, dalaga, lahat pawing nakatira sa Brgy. Daculang-bolo, San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte, lahat ay may sapat na gulang, mga Pilipino, matapos makapanumpa ng sang-ayon sa ipinag-uutos ng batas ay malaya at kusang-loob at walang nag-udyok na sinuman o sa amin ay tumakot na dito ay nagsasalaysay: Na ang aming ama na si ESTEBAN LOPEZ ay napagkalooban ng Department of Agrarian Reform ng isang palagay na lupang sakahan na matatagpuan sa Brgy. Daculang-bolo, San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte at mas lalong kilala sa mga sumusunod na palatandaan: Lot 1530-B, Csd-05-012795(AR) na may titulo numero Original Certificate of Title CLOA No. P309 at may kabuuang sukat na 3.0000 ektarya; Na ang isang ektarya ng nasabing lupa ay ipinagbili na ng aming ama kay BONIFACIO Q. MORALES ng Brgy. Magang, Daet, Camarines Norte sa bisa ng Deed of Absolute Sale na notaryado ni NP ______________ na may Doc. No. _____; Page No. ______; Book No. ______; Series of 2010; habang ang 1.7500 ektarya naman ng nasabing lupa ay ipinagbili rin ng aming ama kay NORMAN H. SAMUDIO ng Purok 4, Pamorangon, Daet, Camarines Norte sa bisa ng Deed of Absolute Sale na notaryado ni NP ______________ na may Doc. No. _____; Page No. ______; Book No. ______; Series of 2010; Na sa nasabing mga bilihan, kaming lahat na anak ni ESTEBAN LOPEZ na nakasaad sa itaas ay sumasang-ayon at wala kaming anumang pagtutol sa nasabing pagpapabili ng lupa ng aming ama, at kami ay nagpapatunay na wala kaming interes sa nasabing lupa at hindi kami maghahabol sa anumang bahagi ng nasabing lupa na naipagbili ng aming ina na si ESTEBAN LOPEZ sa anumang ahensiya ng pamahalaan lalo na sa Kagawaran ng Repormang Pansakahan. Na ang aming salaysay na ito ay ginawa namin ng walang anumang pagpipilit na ginawa sa amin at kusang-loob naming ginawa ang salaysay na ito.

SA KATUNAYAN NG LAHAT NA ITO, kami ay lumagda sa ibaba nito ngayong ika_____ ng ______________, 2010 upang patunayan ang kawastuhan at katotohanan ng lahat ng nakasaad sa itaas na mga pahayag.

CTC No. Ernesto A. Lopez Reynaldo A. Lopez Alicia Lopez-Almero

Issued on/at ___________________________ ___________________________ ___________________________

Signatures _______________ _______________ _______________ _______________ _______________ _______________ _______________ _______________

Leticia Lopez-Reynaldo ___________________________ Esteban A. Lopez, Jr. ___________________________ Manuel A. Lopez ___________________________

Magdalena Lopez-Sambas ___________________________ Felicidad A. Lopez ___________________________

SINUMPAAN AT NILAGDAAN sa harap _________________, 2010 dito sa Daet, Camarines Norte.

ko

ngayong

ika-____

ng

NOTARYO PUBLIKO Doc No. _______; Page No. ______; Book No. ______; Series of 2010.

You might also like