Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pahina |1

REVIEWER SA ARALING PANLIPUNAN 8 heograpiya tumutukoy sa pag-aaral ng pisikal na katangian ng daigdig at ng mga taong naninirahan dito - nagmula sa salitang Griyegong geo (lupa) at graphein (sumulat) Mga saklaw ng pag-aaral ng heograpiya: (1) pisikal na katangian ng mundo, (2) mga anyong lupa at anyong tubig, (3) klima at panahon, (4) mga uri ng likas na yaman at (5) tao. Herodotus tinaguriang Ama ng Heograpiya at Ama ng Kasaysayan kontinente pinakamalaking dibisyon ng lupain sa daigdig - may pitong kontinente sa daigdig: Asya, Africa, North America, South America, Antarctica, Europe at Australia (o Oceania) karagatan pinakamalaking anyong tubig. May limang karagatan sa daigdig: Pacific Ocean, Atlantic Ocean, Arctic Ocean, Indian Ocean at Southern Ocean Asya pinakamalaki sa pitong kontinente - nagmula sa salitang Aegean na Asu (bukang liwayway) Europa nagmula sa salitang Aegean na Ereb (paglubog ng araw) 2 PARAAN NG PAGKUHA NG LOKASYON: 1. absolute location posisyon ng isang lugar ayon sa latitude at longitude 2. relative location posisyon ng isang lugar ayon sa pagkakaugnay o relasyon nito sa ibang mga lugar na nakapaligid dito May 49 na bansa sa Asya na nahahati sa 6 na rehiyon: Hilagang Asya, Gitnang Asya, Kanlurang Asya, Timog Asya, Timog-Silangang Asya at Silangang Asya. MGA ANYONG LUPA SA ASYA: 1. Bulubundukin Himalayas pinakamahabang bulubundukin sa mundo 2. Bundok Mt. Everest pinakamataas na bundok sa mundo 3. Bulkan 4. Talampas Tibetan Plateau pinakamataas na talampas sa daigdig; tinaguriang Roof of the World 5. Disyerto Gobi Desert pinakamalaking disyerto sa Asya (pang-apat naman sa mundo) 6. Kapuluan Indonesia pinakamalaking kapuluan sa mundo 7. Pulo 8. Tangway/Peninsula 9. Kapatagan MGA ANYONG TUBIG SA ASYA: 1. Karagatan Pacific Ocean pinakamalaki sa mga karagatan ng daigdig 2. Dagat South China Sea tinatawag ring West Philippine Sea 3. Ilog ang mga ilog ang nagsilbing lunduyan ng kabihasnan o cradle of civilization sa Asya

Pahina |2

4. Lawa Caspian Sea pinakamalaking lawa sa buong mundo Lake Baikal pinakamalalim na lawa sa daigdig Dead Sea pangalawa sa pinakamaalat na anyong tubig sa mundo; pinakamababang lugar sa daigdig Marianas Trench pinakamalalim na bahagi ng karagatan sa mundo Vegetation Cover tumutukoy ito sa panakip sa lupa na ibinibigay ng mga halaman MGA URI NG VEGETATION COVER SA ASYA: 1. Steppe isang malawak na lupaing nagtataglay ng damuhang mayroon lamang ugat na mabababaw 2. Prairie ang lupang ito ay may mga damuhang mataas na malalim ang ugat 3. Savanna lupaing pinagsamang mga damuhan at kagubatan 4. Taiga ang mga kagubatang ito ay coniferous at kadalasang nasa pagitan ng katimugan ng mga tundra at hilaga ng grasslands 5. Tundra malamig ang klima rito at kadalasang walang puno 6. Rainforest mga gubat na mayroong mataas na antas ng pag-ulan 7. Disyerto - isang anyo ng tanawin o rehiyon na tumatanggap ng maliit na presipitasyon o pag-ulan May tatlong uri ng grasslands: steppe, prairie at savanna. Klima karaniwang panahon na nararanasan ng isang lugar sa loob ng mahabang panahon Mga elemento ng klima: temperatura, ulan at hangin Mga salik na nakaaapekto sa klima: lokasyon, topograpiya, uri o dami ng mga halaman at distansiya sa anyong tubig Monsoon mga hanging nagtataglay ng ulan Hanging amihan nagmumula sa Siberia patungong karagatan Hanging habagat nagmumula karagatan patungong kontinente MGA URI NG KLIMA SA ASYA: 1. Hilaga at Gitnang Asya Sentral Kontinental. Mahaba ang taglamig at maigsi ang taginit 2. Kanlurang Asya maaaring magkaroon ng labis o di kayay katamtamang init o lamig; bihirang umulan 3. Timog Asya Iba-iba ang klima sa loob ng isang taon: mahalumigmig, taglamig, tag-init at tagtuyot 4. Silangang Asya Monsoon climate 5. Timong Silangang Asya Tropical. Nakararanas ng tag-init, taglamig, tag-araw at tagulan

gaara d. britannia 2013

You might also like