Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Miliminas: Taong 0069 ni Nilo Par Pamonag salin ni Ruby V.

Gamboa-Alcantara mula sa "Miliminas: Tuig 0069" Miliminas, ito ang pangkat ng mga pulo na matatagpuan sa kalagitanaan ng Dagat Pasipiko bago pa nagkaroon ng malaking pagbaha. Ang pangkat na ito ng pulo ay binubuo ng higit sa 7,200 mga pulo. Ang Miliminas, ito ang tawag sa mga mamamayan ng nasabing kapuluan, ay katulad din natin ang mga balat at hitsura. Ang kanilang pananalita ay katulad rin sa atin. Ngunit dahilan sa nahuhuli sila sa sibilisasyon may mga pag-uugali sila at pagsasalita na kaiba rin sa atin. Mik ang tawag sa kanilang pera. At tawag nila sa isang taong mayroong isang milyong mik, o higit pa ay mikinaryo. Sa pagbibihis malaki ang pagkakaiba natin sa kanila . Ang kanilang tawag sa pormal na damit para sa mga babae ay ang katumbas sa atin ngayon na bathing suit at kamiseta at korto para sa lalaki. Para mapangalagaan ang kanilang moralidad sa pagbibihis, may batas silang ipinatutupad na hulihin ang sinumang magdaramit ng mahaba pa sa sa mini-skirt at micro-skirt. Ang upuan sa kanilang mga sasakyan ay nilalagyan ng kiluhan upang masukat ang timbang ng mga pasahero dahil ito ang pagbabatayan ng kanilang pamasahe. Ito ang tinatawag ng kanilang Public "DiserviceCommission" na equality before the kilo. Tungkol naman sa pamamalakad ng trapiko ay may ordinansa sila na nagpaparusa sa mabagal magpatakbo. Ang kasalanan ng mabagal magpatakbo ay tinatawag na not overspeeding. Maayroon din silang serbisyo sa tubig na tinatawag naNawasdak. Ang ahensyang ito ay may 3 uri ng tubo. Ang una ay nilalabasan ng Malinis na tubig; ang ikalawa ay nilalabasan ng Maruming tubing; at ang ikatlo, walang tubing kundi Hangin lamang. Nakapagtataka? Ito ang pag-uuri ng Quatwasdak; Ang gripo na may malinis na tubig ay mahal ang bayad at para sa mayaman lamang; ang may maruming tubig, para sa lahat ng marunong magtrabaho o kung mayaman naman, gustong magtrabaho; at ang pangatlo, para sa mga mahirap at ito ay walang bayad. Mayroon ding nagmomonopolyo ng kuryente. Ito ang Patay Electric Company. Tatlo rin ang uri ng serbisyo nito sa publiko. Ito ang Light Service, Brownout Service at Blackout Service. AngLight service ay nagbibigay ng ilaw sa araw at gabi. Ang Brownout service ay nagbibigay ng ilaw kung hindi mo kailangan at mawawala kung kailangan mo ang ilaw sa pagkain ng hapunan at pagbabasa kung gabi. Kung gusto mo lang ng pangdekorasyon, ang dapat mong ipakabit ay iyong Blackout service. Ang mga sidewalk sa kanilang lungsod ay higit na malalapad kaysa sa atin. Bakit nga ba? Ang dahilan ay sapagkat ang mgabazaar ang umuukupa ng mga sidewalk at ang mga nagtitinda ng sigarilyo at kung anu-ano ang siyang umuukupa ng mga kwartu-kwarto na kung sa atin ngayon ay mga bazaar. At sabihin pa, ang mga may-ari ng mga bazaar ang hinuhuli ng mga pulis sa kanilang pagtitinda sa mga sidewalk. Ang mga opisyal sa bansa na tumaba habang sila ay nasa serbisyo ay pinapatawan ng sala o

akusasyon sa kanilang mga resolution, genuine na mga batas , at iba pa. Upang mapagkatiwalaan ang mataas na opisyal ng bansa, itinatag ang anti-genuine commission para sa paghuli ng mga nagpaparami ng pag-aari o tumatanggap ng mga lagay na genuine, tulad ng genuine na resolutions, genuine na pera, genuine na batas, at iba pa. Ang pinakamalaking tindahan ay tinatawag na Super Blackmarket. May pintura itong itim. Dito ipinagbibili ang mga bagay na ngayon ay ipinagbabawal tulag ng busil na sigarilyo, apyan, mga bagay na ninakaw, at mga ipinagbibiling pekeng bagay. Ang mga genuine na bagay ay ipinagbibili ng patago at tigkakaunti lamang dahil laging hinuhuli ng mga alagad ng katiwalian ang nagbebenta ng mga ito at kinukumpiska pa ang kanilang mga paninda. Katiwalian ang tawag nila sa kanilang batas, at ang nagpapatupad nito ay tinatawag nilang alagad ng katiwalian. Ang mga baril ng mga alagad ng katiwalian ay paltik. Dahil sa ang nag-aari ng lisensyadong baril ay hinuhuli at pinapatawan ng salang illegal possession of genuine firearm. Sa panahong ito ay uso rin ang kickback na kaunti lang ang ikinaiba sa ating tinatawag na kickback ngayon. Ang mga buwaya ng bansa (ito ang tawag sa mga mataas na opisyal sa pamahalaan) ay sinisipa sa likod para sa bawat gatas o milk na tanggaping suhol sa kanyang mga transaksyon. Ang mga buwaya ng bansa ay tumitigil sa pagpapasipa kapag makapal na ang kanilang likod dahil ito ang magiging isang batayan sa pagpili ng isang "Outstanding Buwaya of the Year". Dalawang klase ng batas ang ipinalabas ng kanilang batasan na tinatawag na "Circus of Miliminas". Ang isang batas ay para sa mayaman at ang isa ay para sa mahirap. Ang mga alagad ng bansa ay maliit lang ang sweldo pero malaki naman ang kanilang maaaring gastusing representasyon. Ang mga mamamayan ng Miliminas ay masyadong relihiyoso. Tatlo ang paborito nilang santoang mik (ang pera mismo), angbuwaya, at si Santasa, isang taong may sungay at buntot katulad ng tinatawag natin ngayong satanas. Ang pinakamalaking kasalanang magagawa ay ang hindi pagpatay, hindi pagtataksil sa asawa at hindi pag-angkin sa yaman ng iba, pagkaawa sa mga mahirap at hindi pagbibigay ng anumang hingin sa kanila ng mga buwaya ng bansa. Ang mga malaking transakyon ng pamahalaan ay pinagkakasunduan sa ilalim ng puno, at tinatawag nila itong shady transactions. Ang iba naman ay binubuo sa ilalim ng mesa ng mga opisyal ng pamahalaan. Dahil dito, ang mga mesa ay mataas para hindi mauntog ang ulo ng mga opisyal kapag sumusuot sila sa ilalim nito. Ang mga hues de pas natin ngayon ay tinatawag nila na hues de paupas. Parang nakakatawa, ano? Pero iyan ang katotohanan. At isa pang nakapagtataka, ang ginugwardyahan ay ang mga walang kasalanan. Bakit ganoon ang pamamalakad ng hustisya rito? Iyan ang batas. At ang balak ay mapili ng hues de paupas kung sinu-sino sa mga mamamayan ang palaaway at eskandaloso at sino ang mababait. Pagkatapos ng bista at bumaba na ang hatol, ibinibilanggo ang mga walang sala upang ihiwalay sa maraming mga nakakalayang masasamang tao. Sabihin pa, malalaki ang bilangguan dito

at kumpleto sa mga kasangkapan kaysa sa labas. Ang lahat ng bilanggo ay tinatawag na VIP (Very Important Prisoner). Kung tungkol sa sistema ng pagpili ng mga opisyal, ibang-iba sa atin. Simula pa lang ng kampanya, magkaharap na sa entablado ang magkakalaban sa pulitika. Nagbabatuhan ng utik. Sa atin ngayon ang mudslinging ay pasaring lamang sa mga talumpati samantalang sa kanila ay talagang ginagawa. Ang bawat kandidato ay dapat magsinungaling, magmura, mambato ng putik sa kalaban, mangako ng mga hindi matutupad, dahil kung hindi nya ito gagawin ay pawawalan ng bisa ang kanyang kandidatura ng komisyon ng kalokohan, ang ahensyang namamahala sa eleksyon. Sa araw ay namimili rin ang tao ng iboboto kahit na ang isinusulat sa balota ay hindi na nila pinag-iisipan. Ang inisip nila ay ang naipon na bala ng mga kandidato, at mga napatay ng kanilang mga kampon, at ang may pinakamaraming pera. Ang kanilang ibinoto ay tinatawag na ibinoto sa bala at hindi ibinoto sa balota. Ang mga pulitiko at ang kanilang mga kampon ay hindi natatakot mapatay at pumatay sa panahon ng kampanya at eleksyon dahilan sa kanilang paniniwalang ito ang magdadala sa kanilang kaluluwa sa impyerno kung saan mabubuhay sila nang maligaya kasama si Santasa, ang kanilang paboritong santo. Ang Eleksyon ay tuwing ikalawang taon. Kung gayon ay masasabi natin na madaling maubos ang mga mamamayan dito kung madali ang patayan sa panahon ng eleksyon. Subalit nababawi rin ito ng imbensyon ng isang bantog na baliw(ito ang tawag nila sa kanilang henyo) na nakabuo ng isang tabletang kung iinumin ng mag-asawa ay magkakaanak ang babae ng isang instant baby, na ipinagbubuntis sa loob lamang ng dalwampu't apat na oras. Napakadali ng pagpapalit-palit ng kapangyarihan sa MIliminas. Patuloy pa rin ang pag-iral ng mga bayang kontento na sa klase ngpamamalakad dito na sa panahon ngayun ay masasabing kabaligtaran ng mga pangyayari. Ipinagmamalaki pa ng matatas ang katungkulan sa pamahalaan ang pagsasamantala sa kabuhayan ng mga mamamayan. Ang bagong Milimino, ang mga bayaning gumagala sa kapuluan, sila ang magigiting na tumanggap ng mga papuri na maririnig mo sa bibig ng nakaraang administrasyon. At sinu ang kanilang pinagtutungkulan? Ang pinagtutungkulan nila ng papuri ay mga ismagler, mga namomorsyento, mga kickback artist, mga mayamang nag aapi sa mga mahirap, mga nang-aagaw ng lupa ng may lupa, mga alagad ng katiwalian na nang-aabuso sa mga mamamayan, mga hues de paupas at mga pislak(piskal) na hindi tumitingin sa kisalp ng espada ng katarungan at timbangan ng katotohanan kundi tumitingin sa kalansing ng pilak at timbangan ng malalakas at maykapangyarihan, mga walang ginagawa sa bayan kundi aksayahin ang kaban ng bansa na sa halip na gamitin ang kanilang katungkulan sa pagsisilbi sa publiko ay ginagamit pa ito sa pangangamkam ng yaman. Ang ilan sa mga alagad ng bayan na sa ngayon na masasabi nating gumagawa ng mabuti ay nagtatago, nahihiya dahil pinagtatawanan sila ng kanilang mga kasamahan. Hindi lang iyan, kinukutya pa sila, at kung mahuli ng kanilang hepe ay kinagagalitan pa at inaalis sa trabaho. May ilang kabataang malawak ang pagiisip na tumawag ng isang pulong kung saan ipinaliwanag

nila ang kaibahan ng pamamahala na kanilang isinasagawa. Ang kanilang prinsipyo ay humingi ng isang klase ng pag-uugnayan ng mga namamahala at pinamamahalaan. Noong simula ay tinatawanan lamang sila ng mga pinuno. Ngunit ng lumaon ay madame na ang dumadalo sa kanilang pulong, bukod pa sa mga mahirap. Ipinagbawal ng pamahalaan ang pagdaraos ng pulong ng grupong ito ng mga kabataan na tinatawag nilang dungis ng lipunan. Ang simpatya ng mga mahirap ay nakuha ng mga kabataan. At ang pagbabawala sa kalayaan ng mga ito, at nang lumaon ay pagpatay ng ilan sa kanila, ang naging dahilan ng pagkagalit ng mga mayaman at ng may katungkulan. Sumiklab ang isang rebulusyong lumaganap sa buong kapuluan ng Miliminas. Bilang parusa sa kanilang dyos na si Santasa, dumating ang isang malaking baha, nagkaroon ng malakas na paglindol hanggang sa pumutok ang isang malaking bulkan sa kailaliman ng dagat sa gitna ng kapuluan na siyang naging dahilan ng paglalaho ng Miliminas sa sanlibutan. Impeng Negro ni Rogelio Sikat Baka makikipag-away ka na naman, tinig iyon ng kanyang ina. Nangangaral na naman. Mula kinatatalungkuang giray na batalan, saglit iyang napatigil sa paghuhugas ng mumo sa kamay. Hindi ho, paungol niyang tugon. Hindi ho... Ginagad siya ng kanyang ina. Bayaan mo na nga sila. Kung papansinin moy lagi ka ngang mababasag-ulo. May iba pang sinasabi ang kanyang ina ngunit hindi na niya pinakinggan. Alam na niya ang mga iyon. Pulit-ulit na niyang naririnig. Nakukulili na ang kanyang tainga. Isinaboy niya ang tubig na naa harap. Muli siyang tumabo. Isinawak niya ang kamay, pinagkiskis ang mga palad at maghilamos. Dumaan ka kay Taba mamayang pag-uwi mo, narinig niyang bilin ng ina. Wala nang gatas si Boy. Etong pambili. Tumindig na siya. Nanghihimad at naghihikab na itinaas ang mahabang kamay. Inaantok pa siya. Gusto pa niyang magbalik sa sulok na kanyang higaan. Ngunit kailangan na siyang lumakad. Tatanghaliin na naman bago siya makasahod. At naroon na naman marahil si Ogor. Kahit siya ang nauna ay lagi siyang inuunahan ni Ogor sa pagsahod. Umiingit ang sahig ng kanilang barung-barong nang siyay pumasok. Nariyan sa kahon ang kamiseta mo. Sa sulok ng kanyang kaliwang matay nasulyapan niya ang ina. Nakaupo ito, taas ang kaliwang paa, sa dulo ng halos dumapa nang bangko. Nakasandig ang ulo sa tagpiang dingding. Nakalugay ang

buhok. Bukas ang kupasing damit na gris, nakahantad ang laylay at tuyot na dibdib. Kalong nito ang kanyang kapatid na bunso. Pinasususo. Mamya, baka umuwi ka na namang... basag ang mukha. Matagal na napako ang kanyang tingin kay Kano, ang sumusunod sa kanya. Maputi si Kano, kaya ganito ang tawag dito sa kanilang pook. Kakutis ni Kano ang iba pa niyang kapatid. Marurusing ngunit mapuputi. May pitong taon na si Kano. Siya namay maglalabing-anim na. Payat siya ngunit mahaba ang kanyang biyas. Hinalungkat na niya ang kahong karton na itinuro ng ina. Magkakasama ang damit nila nina Kano, Boyet, at Diding. Sa may ilalim, nakuha niya ang kulay-lumot niyang kamiseta. Hinawakan niya iyon sa magkabilang tirante. Itinaas. Sinipat. Yan nang isuot mo. Parang nahulaan ang kanyang iniisip. Isinuot niya ang kamiseta. Lapat na lapat ang kamisetang iyon noong bagong bili ngunit ngayoy maluwag na. Nagmumukha siyang Intsek-beho kapag suot iyon ngunit wala naman iyang maraming kamietang maisusuot. Mahina ang kita ng kanyang ina sa paglalabada; mahina rin ang kita niya sa pag-aagwador. Nagbalik siya sa batalan. Nang siyay lumabas, paan na niya ang kargahan. Tuloy-tuloy niyang tinungo ang hagdan. Si Ogor, Impen, pahabol na bilin ng kanyang ina. Huwag mo nang pansinin. Naulinigan niya ang biling iyon at aywan kung dahil sa inaantok pa siya, muntik na siyang madapa sa nakausling bato sa may paanan ng kanilang hagdan. Tuwing umagang mananaog siya upang umigib, pinagpapaalalahanan siya ng ina. Huwag daw siyang makikioagbabag. Huwag daw niyang papansinin si Ogor. Talaga raw gayon iyon; basagulero. Lagi niyang iinasaisip ang mga bilin nito ngunit adya yatang hindi siya makapagtitimpi kapag narinig niya ang masasakit na panunukso sa kanya sa gripo, lalung-lalo na mula kay Ogor. Si Ogor, na kamakailan lamang ay bumabag sa kanya, ang malimit magsimula ng panunukso. Ang itim mo, Impen, itutukso nito. Kapatid mo ba si Kano? isasabad sa mga nasa gripo. Sino bang talaga ang tatay mo? Sino pa, isisingit I Ogor, di si Dikyam.

Sasambulat na ang tawanan. Pinakamatunog ang tawa ni Ogor. Si Ogor ang kinikilalang hari sa gripo. E, ano kung maitim? isasagot niya. Nanunuri ang mga mata at nakangising iikutan siya ni Ogor. Magsusunuran nang manukso ang iba pang agwador. Pati ang mga batang naroon : Tingnan mong buhok. Kulot na kulot! Tingnan mong ilong. Sarat na sarat! Naku po, ang nguso. Namamalirong! Sa katagalan, natanggap na niya ang panunuksong ito. Iyon ang totoo, sinabi sa sarili. Negro nga siya. E, ano kung Negro? Ngunit napipikit siya. Ang tatay niyay isang sundalong Negro na nang maging anak siyay biglang nawala sa Pilipinas. Ang panunuksong hindi niya matanggap, at siya ang pinagmulan ng nakaraan nilang pagbababag ni Ogor, ay ang inabi nito tungkol sa kanyang ina. (Gayon nga kaya kasama ang kanyang ina?) ari-sari ang nagiging kapatid ni Negro, sinabi ni Ogor. Baka makatatlo pa ang kanyang nanay ngayon! Noong dinadala ng kanyang ina ang kapatid niyang bunso ay iniwan ito ng asawa. Hindi malaman kung saan nagsuot. At noon, higit kailanman, naging hamak sila sa pagtingin ng lahat. Matagal-tagal ding hindi naglabada ang kanyang ina, nahihiyang lumabas sa kanilang barung-barong. Siya ang nagpatuloy sa pag-aagwador. At iya ang napagtuunan ng sari-saring panunukso. Natatandaan niya angmga panunuksong iyon. At mula noon, nagsisimula nang umalimpuyo sa kanyang dibdib ang datiy binhi lamang ng isang paghihimagsik, nagsuumigaw na panghihimagsik sa pook na iyong ayaw magbigay sa kanila ng pagkakataong makagitaw at mabuhay nang payapa. Sariwa pa ang nangyaring pakikipagbabag niya kay Ogor, naiisip ni Impen habang tinatalunton ang mababatong daan, patungo sa gripo. Mula sa bintana ng mga barung-barong, nakikita niyang nagsusulputan ang ulo ng mga bata. Itinuturo siya ng mga iyon. Sa kanya rin napapatingin ang matatanda. Walang sinasabi ang mga ito, ngunit sa mga mata, sa galaw ng mga labi, nababasa niyang isinisigaw ng mga paslit, Negro! Napatungo na lamang siya. Natatanaw na niya ngayon ang gripo. Sa malamig ngunit maliwanag nang sikat ng araw, nakikita na niya ang langkay ng mga agwador. Nagkakatipun-tipon ang mga ito. Nagkakatuwaan. Naghaharutan. Sa langkay na iyon ay kilalang-kilala ang anyo ni Ogor. Paano niya malilimutan si Ogor? Sa mulat mula pa, itinuring na siya nitong kaaway, di kailan man binigyan ng pagkakataongmaging kaibigan. Halos kasinggulang niya si Ogor, ngunit higit na matipuno ang katawan nito. Malakas si Ogor. Tuwid ang tindig nito at halos, hindi yumuyuko kahit may pang balde ng tubig, tila sino mang masasalubong sa daan ay kayang-kayang sagasaan.

Nang marating niya ang gripo ay tungo ang ulong tinungo niya ang hulihan ng pila. Marahan niyang inalis ang pagkakawit ng mga balde. Sa sarili, nausal niyang sanay huwag siyang maging paksa ng paghaharutan at pagkakatuwaan ng mga agwador. Nakakaanim na karga na si Impen. May sisenta sentimos nang kumakalansing sa bulsa ng kutod niyang maong. At may isa pang nagpapaigib sa kanya. Diyes sentimos na naman. Kapag tag-araw ay malaki-laki rin naman ang kinikita ng mga agwador. Mahina ang tulo ng tubig sa kanilang lugar. AT bihira ang may poso. Tanghali na akong makauuwi nito nausal niya habang binibilang niya sa mata ang mga nakapilang balde. Maluwang ang parisukat na sementong kinatitirikan ng gripo at ang dulo ng pilay nasa labas pa niyon. Di kalayuan sa gripo ay may isang tindahan. Sa kalawanging yerong medya agwa ay nakasilong ang iba pang agwador. May naghubad na ng damit, at isinampay na lamang sa balikat. May nagpapaypay. May kumakain ng halu-halo. Sa pangkat na iyon ay natutok agad ang kanyang paningin kay Ogor. Pinilit niyang supilin ang hangaring makasilong. Naroon sa tindahan si Ogor. Hubad-baro at ngumisi. Mauupo na lamang siya sa kanyang balde. Mabuti na rin iyon kahit nakabilad a araw. Pasasaan bat di iikli rin ang pila, nasaisip niya. Makakasahod din ako. Kasalukuyan siyang nagtitiis sa init nang may maulinigan siyang sigaw mula sa tindahan : Hoy, Negro, sumilong ka baka pumuti! Si Ogor iyon. Kahit hindi siya lumingon, para na niyang nakita si Ogor. Nakangisi at nanunukso na naman. Negro, muli niyang narinig, sumilong ka sabi, e baka ka masunog!

siyang ginhawa. Ngunit pansamantala lamang iyon. Di nagtagal, muli niyang naramdamang tila nangangalirang na naman ang kanyang batok at balat. Kay hapdi ng kanyang batok at balat. Negro! Napatuwid siya sa pagkakaupo nang marinig iyon. Nasa likuran lamang niya ang nagsalita. Si Ogor. Huwag ka nang magbilad. Don ka sa lamig. Pagkakataon na ni Ogor upang sumahod. At habang itinatapat nito ang balde sa gripo, muli niyang nakitang ngingisihan siya nito. Napakatagal sa kanya ang pagkapuno ng mga balde ni Ogor. Napabuntunghininga siya nang makitang kinakawitan na ni Ogor ang mga balde. Sa wakes, aalis na si Ogor, naisip niya. Aalis na si Ogor. Huwag na sana siyang bumalik May galak na sumuusuno sa kanyang dibdib habang pinagmamasdan ang pagkapuno ng sinundang balde. Susunod na siya. Makakasahod na siya. Makakasahod na rin ako, sabi niya sa sarili. Pagkaraan ng kargang iyon ay uuwi na siya. Daraan pa nga pala siya kay Taba. Bibili ng gatas. Datapuwat, pagkaalis ng balding hinihintay niyang mapuno, at isasahod na lamang ang a kanya, ay isang mabigat at makapangyarihang kamay ang biglang pumatong sa kanyang balikat. SI Ogor ang kanyang natingala. Malapit lamang pala ang pinaghatdan nito ng tubig. Gutom na ako! Negro, sabi ni Ogor, Ako muna. Pautos iyon. Saglit siyang hindi nakakibo. Natingnan lamang niya si22 Ogor. Iginitgit ni Ogor ang balde at kumalantog ang kanilang mga balde. Iginitgit niya ang kanyang balde bahagya nga lamang at takot siya sa paggitgit. Kadarating mo pa lamang, Ogor nais niyang itutol. Kangina pa ako nakapila rito, a. Ako muna sabi, e. giit ni Ogor.

Malakas ang narinig niyang tawanan. Ngunit hindi pa rin siya lumingon. Tila wala siyang naririnig. Nakatingin siya sa nakasahod sa balde, ngunit ang isip niya ay ang bilin ng ina, na huwag na raw niyang papansinin si Ogor. Bakit ba niya papansinin si Ogor? Tinigilan naman ni Ogor ang panunukso. Hindi pa rin siya umaalis sa kinauupuang balde. At habang umuusad ang pila, nararamdaman niya lalo ang init ng araw. Sa paligid ng balde, nakikita niya ang kanayng anino. Tumingala siya ngunit siyay nasilaw. Nanghahapdi at waring nasusunog ang kanyang batok, likod at balikat. Namumuo ang pawis sa kanyang batok at sa ibabaw ng kanyang ilong. Itinaas niya ang tirante ng kamiseta. Hinipan-hipan niya ang manipis na dibdib. Di natagalan at isinawak ang kamay sa nalabing tubig sa balde. Una niyang binasa ang ulo. Kinuskos niya ang kanyang buhok at nabasa pati ang kanyang anit. Binasa niya ang balikat, ang mga bisg. May nadama

Bantulot niyang binawi ang balde. Nakatingin pa rin si Ogor. Itinaob niya ang kakaunting nasahod ng balde at ang tubig ay gumapang sa semento at umabot sa mga paa ni Ogor. Uuwi na ako, bulong niya sa sarili. Uuwi na ako. Uuwi na ako. Mamaya na lang ako iigib uli. Nakatingin sa araw, humakbang siya upang kunin ang pingga ngunit sa paghakbang na iyon, bigla siyang pinatid ni Ogor. Ano pa bang ibinubulong mo? Hindi na niya narinig iyon. Nabuwal siya. Tumama ang kanyang kanang pisngi sa labi ng nabitiwang balde. Napasigaw siya. Napaluhod siya sa madulas na semento, dalawang kamay niyang tinutop ang pisngi. Takot, nanginginig ang kanyang mga daliri. Dahan-dahan niyang iniangat iyon. Basa Mapula

Dugo! Nanghihlakbot siya. Sa loob ng ilang saglit hindi na niya maulit na salatin ang biyak na pisngi. Mangiyak-ngiyak siya. Ogor O gor Nakatingala siya kay Ogor, mahigpit na kinukuyom ang mga palad. Kumikinig ang kanyang ulo at nangangalit ang kanyang ngipin. Ogor! sa wakes ay naisigaw niya. Hindi minabuti ni Ogor ang kanyang pagkakasigaw. Sinipa siya nito. Gumulong siya. Buwal ang lahat ng balding lalalabi sa pila. Nagkalugkugan. Nakarinig siya ng tawanan. At samantalang nakadapa, unti-unting nabuo sa walang malamang sulingan niyang mga mata ang mga pang alikabukin. Paparami iyon at pumapaligid sa kanya. Bigla siyang bumaligtad. Nakita niya ang naghuhumindig na anyo ni Ogor. Nakakaakma ang mga bisig. Ogor Tumawa nang malakas si Ogor. Humihingal at nakangangang napapikit siya. Pumulas ang luha sa sulok ng kanyang mga mata. Nasa ganito siyang kalagayan nang bigla niyang maramdaman ang isang ubos-lakas na sipa sa kanyang pigi. Napasigaw siya. Umiiyak siyang gumulong sa basa at madulas na semento. Namimilipit siya. Tangan ang sinipang pigi, ang buong anyo ng nakaangat niyang mukhay larawan ng matinding sakit. Matagal din bago napawi ang paninigas sa kanyang pigi. Humihingal siya. Malikot ang kanayng mga mata nang siyay bumangon at itukod ang mga kamay sa semento. Si Ogor. Sa mulat mula pat itinuturing na siya nitong kaaway. Bakit siya ginaganoon ni Ogor? Bakit? Bakit? Kumikinig ang kanyang katawan. Sa poot. Sa naglalatang na poot. At nang makita niyang aangat ang kanang paa ni Ogor upang sipain siyang muli ay tila nauulol na asong sinunggaban niya iyon at niyakap at kinagat. Bumagsak ang nawalan ng panimbang na si Ogor. Nagyakap sila. Pagulong-gulong. Hindi siya bumibitiw. Nang siyay mapaibabaw, sunod-sunod niya Dagok, dagok, dagok, dagok, dagok, dagok pahalipaw papalukapapatay. Sa pook na iyon, sa nakakarimarim na pook na iyon, aba ang pagtingin sa kanila. Maruming babae ang kanyang ina. Sarisari ang anak . At siya, isang maitim, hamak na Negro Papatayin niya si Ogor papatayin. Papatayin. Dagok. Dagok, dagok Nag-uumigting ang kanyang mga ugat. Tila asong nagpipilit makaibabaw si Ogor. Tila bakal na kumakapit ang mga kamay. Sa isang iglap siya naman ang napailalim. Dagok,

dagok, Nagpipihit siya. Tatagilid. Naiiri. Muling matitihaya. Hindi niya naiilagan ang dagok ni Ogor. Nasisilaw siya sa araw. Napipikit siya sa araw. Mangungudngod siya, mahahalik sa lupa ngunit wala siyang nararamdamang sakit! Nakakatatlo ng asawa si Inay. Si Kano si Boyet Si Diding at siya Negro, Negro, Negro! Sa mga dagok ni Ogor tila nasasalinan pa siya ng lakas. Bigla, ubos- lakas at nag-uumuti siyang umigtad. Dagok, dagok, bayo, bayo, dagok, bao kahit saan. Sa mukha.. Dagok, dagok, dagok, dagok Mahinana si Ogor. Lupaypay na. Nalaglag na ang nagsasangang kamay. Humihingal na rin siya, humahagok. Ngunit nagliliyab pa rin ang poot sa kanyang mga mata. Dagok. Papaluka. Dagok, bayo, dagok, bayo, dagok, bayo, dagok, bayo Gumagalaw-galaw ang sabog na labi ni Ogor. Impen Muli niyang itinaas ang amay. Dagok. I-mpen halos hindi na niya naririnig ang halinghing ni gor. I-mpen, suko n-naa-akos-suko na na a-ako! Naibaba niya ang nakataas na kama. Napasuko niya si Ogor! Napatingala siya. Abut-abot ang paghingal. Makaraan ang ilang sandali, dahan-dahan at nanlalambot siyang tumindig, nakatuon ang mga mata kay Ogor. Wasak ang kanyang kamiseta at duguan ang kanyang likd. May basa ng dugot lupa ang kanyang nguso. Maraming sandaling walang nangahas na magsalita. Walang nakakibo sa mga agwador. Hindi makapaniwala ang lahat. Lahat ay nakatingin sa kanya. Isa-isa niyang tiningnan ang mga nakapaligid sa kanya. Walang pagtutol sa mga mata ng mga it. Ang nababakas niyay paghanga. Ang nakita niyay pangingimi. Pinangingimian siya! May luha siya sa mga mata ngunitmay galak siyang nadama. Luwalhati. Hinagud-hagud niya ang mga kamao. Nadama niya ang bagong tuklas na lakas niyon. Ang tibay, ang tatag ang kapangyarihan. Muli niyang tiningnan ang nakabulagtang si Ogor. Pagkaraay nakapikit at buka ang labing nag-angat siya ng mukha. Sa matinding sikat ng araw. Tila siya isang mandirigmang sugatan ngunit matatag na nakatindig sa pinagwagiang larangan.

You might also like