Modyul Sa Rizal 5

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Anthony Gio L.

Andaya 2-1

BSE-EN

Modyul Sa Buhay Ni Dr. Jose Rizal: 9. PAGLALAKBAY NI RIZAL SA EUROPA KASAMA SI VIOLA (1887) 9.1 9.2 NAGSIMULA ANG PAGLALAKBAY Mayo 11, 1887- nilisan nila Rizal at Viola ang Berlin at sinimulan ang kanilang paglalakbay. Sila ay patungo sa Dresden na tinaguriang Isa sa pinakamagandang lungsod sa Alemanya. DRESDEN Ang kanilang paglalakbay sa Dresden ay napataon sa Eksposisyon ng mga Bulaklak. Binisita ni Rizal si Dr. Adolph Meyer sa Museo ng Sining. Prometheus Bound - isang obra maestrang pinta na labis na hinangaan ni Rizal sa Dresden. Pinayuhan ni Dr. Jagor na magpadala muna ng telegram si Rizal ky Blumentritt bago siya pumunta ng Leitmeritz. 9.3 UNANG PAGKIKITA NINA RIZAL AT BLUMENTRITT
Mayo 13, 1887 - dumating si Rizal sa Leitmeritz at dito siya ay sinalubong ni Prof. Ferdinand Blumentritt sa istasyon ng tren dala ang larawan na pagkakakilalanan kay Rizal.

Nagbatian sila at nagkamustahan sa wikang Aleman. Itinuring ni Blumentritt na tunay na anak si Rizal sa una pa lamang nilang pagkikita.
Hotel Kreb - dito tumira sina Rizal at Blumentritt habang bumibisita sa Leitmeritz.

9.4 MAGAGANDANG ALAALA SA LEITMERITZ Nakilala ni Rizal ang pamilya ni Blumentritt: a. Rosa- ang asawa ni Blumentritt. b. Dolores anak c. Conrad - anak d. Fritz anak Ipinakita ni Blumentritt kila Rizal ang mga magaganda at makasaysayang lugar sa Leitmeritz. Inanyayahan niya ang mga ito sa isang beer garden kung saan matitkman ang pinakamasarap na beer sa Bohemia. Burgomaster - ipinakilala ni Blumentritt si Rizal at kaniyang hinangaan ang katalinuhan ni Rizal sa madaling pagkatuto ng wikang Aleman. Inanyayahan ng Samahang Turista ng Leitmeritz sina Rizal at Viola at ditto ay bumigkas si Rizal ng isang talumpati sa wikang Aleman. Pinuri niya ang magagandang tanawin sa Austria, ang pagiging magiliw at marangal ng mga taong nakatira dito. Pinalakpakan ng mga nakikinig si Rizal dahil sa kanyang kagalingan sa pagsasalita ng wikang Aleman. Gumuhit din si Rizal ng isang larawan ni Blumentritt at ito namay tuwang-tuwa dahil sa regaling kanyang natanggap. Dr. Carlos Czepelak - isa sa mga kilalang siyentipiko ng Europa nma nakilala ni Rizal sa Leitmeritz. Robert Klutschak - isang bantog na naturalista na nakilala ni Rizal sa Leitmeritz. Bilang pasasalamat at pagtanaw ng utang na loob naghandog sina Rizal at Viola ng isang hapunan sa kanilang otel at ito rin ay nagsilbing kanilang pamamaalam.

9.5

9.6 9.7 9.8

9.9

Noong Mayo 16, 1887, 9:45 ng umaga, nilisan nila Rizal at Viola ang Leitmeritz lulan ng tren. PRAGUE Dinalaw ni Rizal at Viola ang lungsod na ito noong Mayo 17 -19, 1887. Dr. Willkom - ang professor ng natural history ng Unibersidad ng Prague na dinalaw ni Rizal sa lunsod dala ang sulat ng pagpapakilala ni Blumentritt. Binisita nina Rizal at Viola ang mga sumusunod na lugar sa Prague: 1. Libingan ni Nicolaus Copernicus. 2. Ang kwebang pinagkulungan kay San Juan Nepomuceno at 3. Ang tulay kung saan itinapon ang Santo. Nagtungo rin sila sa Brunn ngunit ayon kay Viola, walang mahalagang nangyari sa lungsod na iyon. Vienna Noong Mayo 20, narating nina Rizal ang magandang lungsod ng Vienna na kabisera ng Austria-Hungary. Tinagurian itong Reyna ng Danube. Binisita ni Rizal sa lunsod na ito si Norfenfals na isa sa mga pinakadakilang nobelista ng Europa noong panahong iyon. Sa dakong huli hinangaan din niya si Rizal sa katalinuhang taglay nito. Sa Vienna natanggap ni Rizal ang kanyang nawawalang diyamanteng alpiler, natagpuan ito ng isang katulong ng Otel Krebs at ibinigay kay bLumentritt na siya namang nagpadala nit okay Rizal. Hotel Metropole - hotel na tinigilan nina Rizal at Viola sa Vienna. PAGLALAKBAY SA DANUBE PAPUNTANG LINTZ Noong Mayo 24, 1887, nilisan nila Rizal at Viola ang Vienna lulan ng bangka upang Makita nila ang magagandang tanawin ng Ilog Danube. Danube - isa sa mga malalaking ilog ng Europa. Dito napansin ni Viola sa unang pagkakataon ang kakaibang gamit ng mga tagarito na papel na napkin sa kanilang pagkain. MULA LINTZ PATUNGONG RHEINFALL Munich - dinalaw nina Rizal at Viola ang lunsod at panandaliang namasyal upang malasahan ang Munich beer na bantog sa buong Alemanya. Nuremberg - sa lunsod na ito ay dinalaw nina Rizal at Viola ang museo na nagtataglay ng mga kagamitang pangpahirapna ginamit sa panahon ng Ingkisisyon at ang pagawaan ng manyika na pinakamalaking industriya ng lunsod. Ulm - dinalaw nina Rizal at Viola ang katedral ng lunsod na kilala bilang pinakamalaki at pinakamataas at pinanhik ang tore nito. Rheinfall - nakita ni Rizal ang talon na ito na kanyang sinabing "pinakamaganda sa buong Europa." GENEVA
Geneva - kay Rizal ang lunsod na ito ang pinakamaganda sa buong Europa. Mga wikang sinasalita ng mga taga-Switzerland:

1. Aleman 2. Pranses 3. Italyan Ipinakita din dito ni Rizal ang kanyang husay sa pag-gaod ng Bangka na natutunan niya sa Calamba noong minsang mamangka silang dalawa ni Viola. Noong Hunyo 19, 1887, niyaya ni Rizal si Viola sa isang tanghalian upang ipagdiwang ang kanyang ika-26 na kaarawan. Tumigil sina Rizal sa Geneva sa loob ng labinlimang araw. Noong Hunyo 23, 1887, naghiwalay na sila ng landas dahil nagbalik na sa Barcelona si Viola at ipinagpatuloy naman ni Rizal ang paglalakbay sa Italya.

9.10 IKINAGALIT NI RIZAL ANG EKSIBISYON NG MGA IGOROT SA EKSPOSISYON SA MADRID NOONG 1887 Nagkaroon ng Eksposisyon ng Pilipinas sa Madrid, Espanya. Nang nasa Geneva, napag-alaman ni Rizal ang balita tungkol sa kalunus-lunos na kalagayan ng mga Igorot na ginawang bahagi ng eksibisyon. Ilan sa kanila ay nangamatay at ang kanilang kasuotan at armas ay pinagtawanan at nilait ng mga Espanyol at mamahayag. Dahil kampeon ng dignidad ng sangkatauhan, labis na ikinagalit ni Rizal ang ginawang kalapastanganan sa mga kababayang Igorot. Inilahad ni Rizal sa isang liham niya kay Blumentritt noong Hunyo 19, 1887, na sang-ayon siya sa isang eksposisyon ngunit hindi sa isang eksibisyon ng kakibang indibidwal na nagpapakita sa kanyang mga kababayan bilang isang kuryusidad ng mga tamad. Idiniin din niya na ang nais nila ay isang eksposisyon industriyal at hindi isang eksibisyon ng mga nilalang na pinilit na manirahan sa labas at mamatay sa lungkot at pulmonya o tipus. 9.11 SI RIZAL SA ITALYA Mula Geneva, nagtungo si Rizal sa Italya at binisita niya ang mga lungsod ng: 1. Turin 2. Milan 3. Venice 4. Florence 5. Rome
Roma - nakarating si Rizal sa lungsod na ito na binansagang Lungsod ng mga Caesar" noong Hunyo 27, 1887. Hinangaan ni Rizal ng labis ang karangyaan ng nasabing lunsod.

Noong Hunyo 29, Pista ni San Pedro at San Pablo, binisita ni Rizal ang Vatican, ang Lungsod ng mga Papa at kabisera ng Kakristiyanuhan.
Basilica de San Pedro - ang pinakamalaking simbahan sa mundo.

12.

Mga Kahanga-hangang tanawin na binisita ni Rizal sa Roma: 1. Capitolium 2. Baton g Tarpeian 3. Palatinum 4. Forum Romanum 5. Ampiteatro 6. Simbahan ng Santa Maria Magigiore Pagkaraan ng isang linggong pagbabakasyon sa Roma ay handa nang umuwi si Rizal sa Pilipinas at sumulat siya sa kanyang ama na siya ay paparating na.

You might also like