Pokus NG Pandiwa

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Pokus ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap. Naipapakita ito sa pamamagitan ng taglay na panlapi ng pandiwa.

Narito ang mga pokus ng pandiwa: 1.) Tagaganap o aktor - ang pandiwa ay nasa pokus sa tagaganap kapag ang paksa ng pangungusap ang tagaganap ng kilos na isinasaad sa pandiwa. Halimbawa: Nanguna si Richard Gordon sa pagsulong ng turismong bansa. 2.) Layon o Gol - ang pandiwa ay nasa pokus sa layon kung ang layon ay ang paksa o ang binibigyang-diin sa pangungusap. Halimbawa: Ginawa niya ang programang ito para sa ikakauunlad ng ating turismo. 3.) Ganapan o Lokatib - ang pandiwa ay nasa pokus sa ganapan kung ang paksa ay ang lugar o ganapan ng kilos. Halimbawa: Pinagdarausan ng buwang-buwang eksibit ang Intramuros, Manila. 4.) Tagatanggap o Benepaktib - ito naman ay tumutuon sa tao o bagay na nakikinabang sa resulta o kilos na isinasaad ng pandiwa. Halimbawa: Ipinaghanda niya ng masarap na kakanin ang mga panauhin. 5.) Gamit o Instrumental - ito ay tumutukoy sa kasangkapan o bagay na nakikinabang sa resulta ng kilos o pandiwa na siyang paksa ng pangungusap. Halimbawa: Ipinamili niya ang pera para sa eksibit. 6.) Sanhi o Kusatib - ang pandiwa ay nakapokus sa sanhi kung ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi ng kilos. Halimbawa: Ikinatuwa ng Pangulo ang katagumpayan ng programang WOW. 7.) Direksyunal - pinagtutuunan ng pandiwa ang direksyon o tinutungo ng kilos. Halimbawa: Pasyalan natin ang WOW sa Intramuros.

Kaganapan ng pandiwa 1.)Kaganapang aktor-ang bahagi ng panaguri na gumaganap sa kilos na isinasaad ng pandiwa. Hal. Itinatag ni Rufran ang kiludang propaganda. Binili ni Jeremy ang gusto niya 2.)Kaganapang Layon -bahagi ng panaguri na nagsasaad kung ano ang tinutukoy ng pandiwa. Hal. Sumayaw ng tinikling si Abbe. Kumain ng masustansyang pagkain si Angelica. Kaganapan Lokatib -Ang tao o lunang pinangyayarihan ng gawaing isinasaad ng pandiwa. Ito ay pinangungunahan ng sa o kay. Hal. Dumating na sa Japan si Jae Joong at Kyuhyun. Dumalo ang Super Junior at DBSK sa China.

(1) Pokus sa Tagaganap - ang pandiwa ay nakapokus sa tagaganap kung ang simuno ng pangungusap ang

tagagawa ng gilos. mga halimbawa: Nakapag-aral


(pandiwa)

si Marvino
(simuno-tagaganap) (pandiwa)

kahapon. kahapon.

Si Marvino
(simuno-tagaganap)

ay nakapag-aral

(2) Pokus sa Layon - ang pandiwa ay nakapokus sa layon kung ang layon ng pangungusap ang simuno. mga halimbawa: Ang sinaing ay bantayan mo at baka masunog.
(simuno-layon) (pandiwa) (tagaganap)

Bantayan

mo

(pandiwa) (tagaganap) (simuno-layon)

ang sinaing at baka masunog.

(3)Pokus sa Ganapan - kung ang simuno ay nasa ganapang kilos, nakapokus sa ganapan ang pandiwa. mga halimbawa: Pinintahan niya ng berde ang mga tulay.
(pandiwa) (tagaganap) (pandiwa) (simuno-ganapan)

Ang mga tulay ay pinintahan


(simuno-ganapan)

niya
(tagaganap)

ng berde.

(4) Pokus sa Tagatanggap - nakapokus sa tagatanggap ang pandiwa kung ang simuno ang tagatanggap ng kilos. mga halimbawa: Ikuha mo si TinTin ay ikuha mo ng bagong damit. ng bagong damit.
(pandiwa) (tagaganap) (simuno-tagatanggap)

Si TinTin

(simuno-tagatanggap) (pandiwa) (tagaganap)

(5) Pokus sa Gamit - nakapokus sa gamit ang pandiwa kung ang simuno ay ang kasangkapan o bagay na ginamit sa pangungusap. mga halimbawa: Ipangguhit mo ang lapis sa papel.
(pandiwa) (tagaganap) (simuno-gamit)

Ang lapis ay ipangguhit


(simuno-gamit) (pandiwa)

mo
(tagaganap)

sa papel.

(6) Pokus sa Sanhi - sa sanhi ang pokus ng pandiwa kung ang simuno ay nagpapahayag ng dahilan ng kilos. mga halimbawa: Ang biro ni Zeus. ay ikinatuwa ni Czarina
(pandiwa) (tagatanggap) (simuno-sanhi) (tagaganap)

Ikinatuwa ni Czarina
(7)Pokus sa Direksyon

ang biro

(pandiwa) (tagatanggap) (simuno-sanhi)


- kung ang simuno ay nagsasaad ng direksyon ng kilos, nasa pokus sa direksyon ang pandiwa.

Pinuntahan
(pandiwa)

ko

ang Boracay noong isang linggo.

(tagaganap) (simuno-direksyo)

Ang Boracay ang pinuntahan


(simuno-direksyon) (pandiwa)

ko
(tagaganap)

noong isang linggo.

KAGANAPAN NG PANDIWA - bahagi ng panaguri (predicate) na nagpapahayag ng ganap na kahulugan sa pandiwa. Kung ang pokus ng pandiwa ay ang relasyon nito sa paksa, ang kaganapan ng pandiwa ay ang relasyon naman ng panaguri sa pandiwa. A. Kaganapang Tagaganap- bahagi ng panaguri na gumaganap sa kilos na isinasaad ng pandiwa. Makikilala ito gamit ang mga pananda na ni at ng. Halimbawa: 1. Ikinalungkot ng mga Filipino ang pagkatalo ni Manny Pacquaio sa katunggaling si Antonio Margarito. (Ikinalungkot nino?) 2. Kinakain ni Liza ang tsamporadong gawa ni Nanay Huling. (Kinakain nino?) B. Kaganapang Layon - bahagi ng panagri na nagsasaad ng bagay na tinutukoy o ipinahahayag ng pandiwa. Ginagamit din dito ang panandang ng. Halimbawa: 1. Si Pedro ay bibili ng bagong laptop sa SM Megamall. (Bibili ngano?) 2. Nagpamudmod sila ng salapi. (Nagpamudmod sila ng ano?) C. Kaganapang Tagatanggap - bahgi ng panaguri na nagpapahayag kung sino ang makikinabang sa kilos na isinasaad ng pandiwa. Ang mga panandang para sa at para kay ay kalimitang ginagamit dito. Halimbawa: 1. Nagbigay ng donasyon ang Pamilya Santos para sa mga sinalanta ng bagyong Juan. (Para kanino ang donasyong ibinigay?) 2. Nagbuwis siya ng buhay para kay Lolo Jose. D. Kaganapang Ganapan - bahagi ng panaguri na nagsasaad ng lugar o pook na pinaggaganapan ng kilos na ipinahahayag ng pandiwa. Halimbawa: 1. Nanood ng palatuntunan sa silid-aklatan ang mga mag-aaral. ( Saan nanood ang mga mag-aaral?) 2. Pupunta kami sa Manila Zoo. E. Kaganapang Kagamitan - bahagi ng pnaguri na nagsasaad kung anong bagay o kagamitan ang ginagamit upang maisagawa ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa. Halimbawa: 1. Iginuhit niya ang larawan ni Mona Lisa sa pamamagitan ng krayola. 2. Pinatay niya ang ahas gamit ang karit.

F. Kaganapang Direksyunal - bahagi ng panaguri na nagsasaad ng direksyong isinasaad ng kilos na ipinahahayag ng pandiwa. Halimbawa: 1. Namasyal sila sa Luneta buong maghapon. 2. Nagsunog siya ng kilay sa silid-akalatan. G. Kaganapang Sanhi - bahagi ng panaguri na nagsasaad ng dahilan ng pagkakaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa. Halimbawa: 1. Nagwagi siya sa eleksyon dahil sa kabutihan ng kanyang puso. 2. Nagtagumpay siya sa buhay dahil sa kanyang kasipagan.

You might also like