Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Asignatura: Filipino Baitang: 4 Buod ng Leksyon Pandiwa ang mapag-aaralan ng mga mag-aaral sa araw na ito.

Ikokonekta nila ang napag-aralan sa temang kapayapaan . Gagamit ang mga mag-aaral ng internet upang makagawa ng research sa mga paraan na pagpapakita sa kilos at gawa nila ang Kapayapaan at gagawa ng maikling presentasyon gamit ang Microsoft PowerPoint sa pagpapakita ng kanilang nagawa.

I.

Layunin 1. nakikilala ang mga salitang nagpapakita ng kilos sa pamamagitan ng internet ay uusisain ng grupo ang mga ginamit na pandiwa sa mga kwentong kanilang masasaliksik. 2. nagagamit ang mga salitang kilos sa wastong panuto paggamit ng pandiwa sa paggawa ng powerpoint presentation.

3. napipili ang pandiwang tumutugon sa aspektong ipinahihiwatig sa pangungusap 4. naimumulat ang sarili sa kasalukuyang nagaganap 5. napahahalagahan na ang tagisan ng kaisipan ay isang paraan sa paglinang ng kasanayang pangkomunikatibo

1
Banghay-aralin gamit ang NTeQ na inihanda ni: Bb. Nina Antoinette R. Cruz

III. Palaisipan (Problem) Ang ating mga kilos at gawa ay maaaring magdulot ng kapayapaan sa ating paligid. Ang mga mag-aaral ay mapagaaralan ang pandiwa at mga aspekto nito at maintindihan ang importansya ng ating kilos at galaw sa pangaraw-araw nating pamumuhay. Bago ikonekta sa mga aral ng buhay dapat ay malaman ng mga mag-aaral kung ano ang pandiwa at ang mga aspekto nito. Mga data na gagamitin sa pagbibigay solusyon sa palaisipan Sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya tulad ng internet, magreresearch ang mga mag-aaral ng mga taong nagdulot ng kapayapaan at kalayaan sa Pilipinas sa pamamagitan ng kanilang kilos at gawa. Mahahati sa siyam (9) na grupo na kinabibilangan ng limang (5) miyembro ang klase. Pagkatapos ng research gagawa ng maikling Powerpoint Presentation ang bawat grupo na nagpapakita ng sarili nilang pamamaraan ng pagpapakita ng kanilang kilos o galaw upang magpahayag ng kapayapaan sa kanilang kapaligiran. Ililista ng isang miymebro ang mga nabasang pandiwa sa research at powerpoint na kanilang nagawa. Isang katanungan para sa pala-isipan Paano mo maipapakita sa iyong kilos at gawa ang pagpapahayag ng KAPAYAPAAN?

2
Banghay-aralin gamit ang NTeQ na inihanda ni: Bb. Nina Antoinette R. Cruz

IV. Paggamit sa mga data Panuto Ang mga mag-aaral ay nasa unang lebel ng paggamit ng kompyuter. Stratehiya sa Integrasyon Unang lebel Stratehiya sa pag-oorganisa Alam na ng mga mag-aaral ang kanilang grupo kayat ito ay magiging tulong sa pagpapabilis ng gawain. Ipapakita ng mga mag-aaral ang mga sariling halimbawa ng kilos at gawa nila na magpapalawak ng kapayapaan sa ating bansa sa pamamagitan ng paggamit ng mga pandiwa upang bigyan diin ang natutunan. V. Presentasyon ng resulta Ang mga mag-aaral ay mag-reresearch ng 3 taong nagdulot ng kapayapaan sa ating bansa dahil sa kanilang kilos at gawa. Ang mga mag-aaral ay lilikha ng PowerPoint presentation ng tutulong sa kanilang ulat sa harap ng klase. Ang mga mag-aaral ay mag-uulat patungkol sa kanilang na research na mga tao na naging mitsa ng kapayapaan,kalayaan sa ating bansa at ipapakita nila ang sarili nilang halimbawa ng mga kilos at gawa na maaaring magawa nila upang magingbilang mga mag-aaral ng Miriam College Grade School.

3
Banghay-aralin gamit ang NTeQ na inihanda ni: Bb. Nina Antoinette R. Cruz

Mga aktibidad sa pag-aaral VI. Bago gumamit ng kompyuter Sa pamamgitan ng isang kantang may mga kilos susuriin ng mga magaaral ang mga kilos at galaw na ginawa sa kanta at mula ditto malalaman ang ibig-sabihin ng pandiwa at ng aspekto nito. Magsasaad sila ng sariling halimbawa upang makita ang pagkaintindi sa pinag-aralan.

Stratehiya upang maisapuso at maisaisip ang tamang pag-uugali at pagganyak sa aralin: Ipapaala ng guro sa mga mag-aaral ang ilang panuntunan sa paggamit ng mga kompyuter sa lab at mga alituntunin sa gawaing grupo na itinakda. Ipapaliwanag ng guro ang talahanayan ng paggrado sa kanilang gawain upang mas maganyak ang mga mag-aaral sa paggawa nito. VII. Habang gumagamit ng kompyuter Bawat grupo ay magkakaroon ng isang kompyuter upang magawa ang kanilang gawain. Gamit ang internet at powerpoint ay bubuuin ng grupo ang kanilang maikling ulat. Impormasyon ng bayanihan (group work):
4
Banghay-aralin gamit ang NTeQ na inihanda ni: Bb. Nina Antoinette R. Cruz

Reyna ng kaisipan- Siya ang lider, ang taga-ganyak ng grupo at ang tagaipon ng ideya at opinyon ng grupo. Prinsesang taga-sulat- Siya ang taga-type ng ideya at opinyon ng grupo. Taga-control ng kompyuter Kondesag matanong- Siya lamang ang maaaring magtanong sa guro ng mga pagliliwanag sa gawain. Maaring magbigay din siya ng mga katanungan na maaring magpaisip sa grupo. Kapitanang kidlatSiya ang taga-oras sa grupo at taga-palala ng natitirang oras sa gawain. VIII. Pagkatapos gumamit ng kompyuter Paghahanda ng mga mag-aaral sa ulat-bulilit na gagawin sa klase. IX. Mga ibang stratehiya Maaaring gumamit sila ng mga larawan at kanilang sariling drawing na maaring sumuporta sa kanilang ulat.

X. Pagbibigay ng grado Ang mga mag-aaral ay susukatin sa pamamagitan ng:


Pag-uugali habang ginagawa ang mga paghahanda Ulat sa harap ng klase Saklaw ng pag-grado:

PowerPoint presentation at ulat sa harap ng klase


5
Banghay-aralin gamit ang NTeQ na inihanda ni: Bb. Nina Antoinette R. Cruz

6
Banghay-aralin gamit ang NTeQ na inihanda ni: Bb. Nina Antoinette R. Cruz

You might also like