Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

EPILOGUE Posted by HaveYouSeenThisGirL stories on Friday, February 24, 2012 Under: i met a jerk w hose name is seven please

like I met a jerk whose name is Seven's facebook page: http://www.facebook.com/imetajerk (I am not an admin there) read author's note for your own sake if you have any violent reactions to the story's ending :P also, questions about "copies" "compilations" and such can be answered on my author's note below this epilogue so read it 'coz I won't entertain questions regarding it since answers are already provided. I met a jerk whose name is Seven written by HaveYouSeenThisGirL Copyright 2011 HaveYouSeenThisGirL. All rights reserved. Unless otherwise indicated, all materials on these pages are copyrighted by HaveYouSeenThisGirL. All rights reserved. No part of these pages, either text or image may be used for any purpose. Therefore, reproduction, modification, storage in a retrieval system or retransmission, in any form or by any means, electronic, mechanical strictly prohibited without prior written permission. E P I L O GU E I felt sort of dizzy that time habang nakahiga pa ako noon sa may hospital bed, I was still unconscious then of where I was. Nagtataka talaga ako noon, everything was white and so I thought I was in heaven which was I was sort of weird because if I committed suicide the only place I know Ill land was hell because taking away your life is not very acceptable up there. Annika, naririnig mo ba ako? Annika?

Then thats when it hit me. I was laying on the bed, everything was white, I was hearing the continuous beeps of the machines that was attached to me I was in the hospital. I survived. And I wondered how? Annika hey magsalita ka naman oh I blinked a few times before I steadied my focus to the girl in front of me who was trying to get my attention, sobrang nagtataka ako noon ng makita ko siya with worried eyes, Y-yuri? Tinatanong ko nung mga panahong yun ang sarili ko kung anong ginagawa niya sa hospital, bakit siya andun noon sa tabi ko pagkagising ko? Bakit siya worried sakin? Bakit siya umiiyak? Hindi ba galit siya sakin? O baka panaginip lang yun? "Annika!" lumapit sakin si Yuri hanggang sa nakayakap na siya sa magkabilang balikat ko habang nakabaon yung luhaan niyang mukha sa bandang balikat ko din, "Baliw ka ba? Bakit mo tinangkang magpakamatay? Inangat na ni Yuri ang mukha niya kaya nagtapat ang mga mukha namin. "Yuri... Bakit ka nandito? Hindi ba galit ka sakin?" "Hindi ako galit sayo kundi sa nagawa mo... Yun ba ang dahilan kung bakit ka tumalon sa may tulay?" Iniling ko yung ulo ko ng marahas habang kagat kagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang mga luhang nagbabadyang pumatak sa mga mata ko. "Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko Yuri... Galit ka sakin, di ako pinapansin ng mga kaklase natin... Tapos... Tapos si Kirby... Niloko niya lang din pala ako. Tapos, tapos," nahihirapan akong dugtungan ang bawat salita ko dahil sa paghikbing ginagawa ko, "Tinawagan ko nanay ko pero binabaan niya lang ako... Yuri, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko nung mga panahong iyon, mag-isa na lang ako... Ang hirap at ang sakit sa pakiramdam ang maging mag-isa lang... Wala kang karamay, wala kang mapagsabihan ng mga dinaramdam mo, walang magpalakas ng loob mo... Sobrang hirap, di ko na kinaya..."

Iyak ako ng iyak nun habang nakahiga ako, patuloy naman akong pinapatahan ni Yuri sa pamamagitan ng paghagod ng buhok ko, "Ssh, ssh. Andito na ako Annika, ssh... Wag ka ng umiyak. Di ka na mag-isa. Sorry kung nagawa kitang iwan Annika... Sorry..." "Bakit ka nagso-sorry sakin, ako naman yung nakagawa ng mali sayo..." Ngumiti ng konti si Yuri, "May nagawa din ako sayong mali." "Ha?" "Nung mga panahong nagso-sorry ka sakin, di ko tinatanggap ang sorry mo." "Pero... Hindi naman kasi talaga katanggap tanggap ang sorry ko, ang laki ng kasalanan ko sayo... Hindi mapapaltan ng isa o sampung sorry ang pananakit at panloloko na ginawa ko sayo..." Umiling si Yuri habang nakapagkit pa rin ang isang weary smile sa kanyang mukha, "Lahat ng tao nagkakamali pero paano maitatama ng tao ang mali niya kung hindi siya mapatawad ng taong nagawan niya ng mali?" "Nagpadala ako sa galit ko sa ginawa mo Annika, naging makasarili din ako at hindi nakinig sa paghingi mo ng apology at hinayaan at pinagmasdan lang kitang macast-out sa klase. Sorry Annika for not giving you a chance..." "Ayokong para sa lalaki lang magaaway tayo, mas mahalaga ang pagkakaibigan natin kesa sa kahit sinong lalake, ayaw kitang ipagpapalit. Kaya Annika... Bati na tayo, please? Miss na kita eh." (T3T) Minsan sa buhay natin bigla biglaan na lang magdidilim ang lahat at babagsak ang mundo natin, andyan yung babahain tayo ng luha, makakaramdam tayo ng sobra sobrang lungkot at pagsisi habang pinagmamasdan nating lumayo ng lumayo ang mga taong importante satin. Pero minsan din naman ay parang brown out lang yan, pag nagdilim ang mundo mo, wag kang magpapanic, wag kang matatakot dahil di rin naman magtatagal

ay magkakailaw din at babalik din ang liwanag sa mundo mo. Pero kung matatagalan ang brown out na ito sa buhay mo, wag kang magalala dahil ang kelangan mo lang gawin ay mangapa sa mga sulok sulok o tabi tabi ng mga magsisilbing flashlight at ilaw para magbigay ng kahit konting liwanag, munti man ay sapat na para maging pagasa mo habang iniintay na muling magliwanag ng tuluyan ang mundo mo. Pagkatapos ng iyakan namin noon ni Yuri sa ospital ay nagkabati na kami, sabi ni Yuri na di naman daw sapat na dahilan ang isang lalaki para buwagin naman ang isang bagay na mahalaga tulad ng pagkakaibigan namin. Kinailangan ko magstay noon sa ospital for about 3weeks for observation and medical care dahil nung bumagsak daw ako sa tubig ay napasama daw ang naging impact ng paghampas ng likod ko sa tubig kaya magu-under go daw ako sa isang buwang therapy to make sure na maging maayos ang likod ko. Fortunately daw hindi napasama ang tama ng ulo ko sa tubig kasi baka pag nagkataon daw baka naging mitsa yun ng buhay ko at buti na lang din ay hindi rin ako tumama sa mga bato, nagkaroon ako ng konti at maliliit na galos sa katawan at medyo masakit ang braso ko. All in all daw, wala naman nangyaring malala sakin. According to them, I was lucky to survive such fall. Sa pagstay ko sa ospital ay dinalaw din ako ng mga kaklase ko. Nagsorry din sila sakin sa inasal daw nila, naging mapanghusga daw sila masyado. Humingi din naman ako ng tawad at nagkaayos na kaming lahat. Masayang masaya talaga ako noon, sobra. Kahit na... Di man lang ako binisita ni Kirby at lalo na ni mamma... Sabagay paano niya ako bibisitahin kung hindi niya naman alam na naospital ako and moreover, hindi niya naman na alam ang nangyayari sa buhay ko dahil eversince then ay wala na siyang pakelam sakin at hanggang sustento na lang siya. Pero di ko kasi kelangan ng sustento niya, pagmamahal niya kelangan ko.

Pero I have had enough dramas, simula ng makaligtas ako sa fall na yun ay nagbago na ang pananaw ko sa buhay. It was a second chance from me. Actually I was grateful to God that he gave me a second chance because to tell the truth, I actually regret committing suicide. For me... it was the most stupid and cowardly thing I've ever done in my life. Sa second chance ko, nagsimula akong mabuhay ng masaya at optimistic sa mga bagay bagay. Napagtanto ko rin na marami din naman pala talagang nagmamahal sakin, hindi man ako mahal ng mamma ko o kaya ni Kirby... andyan naman sina Yuri, mga magulang ni Yuri na tinuring na din akong sarili nilang anak dahil madalas akong tambay sa bahay ni Yuri, andyan din yung mga circle of friends ko, andyan din yung mga kaklase ko na nagpapahalaga sakin at nirerespeto ako bilang president ng klase, andyan din yung mga teachers ko pati yung adviser namin na nage-encourage sakin na magsikap at wag sumuko sa magulong mundo na ito. Siguro kong namatay ako ng tuluyan sa pagtalon ko sa tulay hindi ko mararamdaman ang kasiyahang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko kelanman mapapagtanto na may mga nagmamahal pala talaga sakin. Ngayon alam ko na na hindi solusyon ang pagpapakamatay, matatakasan mo nga ang kalungkutan pero makukuntento ka na lang bang takasan ito? Di ba mas masarap sa pakiramdam yung alam mo sa sarili mong hindi mo tinakasan ang kalungkutang hatid ng mga problema mo, kinalaban mo itong mga ito at higit sa lahat, diba masarap sa pakiramdam na sa kabila ng mga problemang yun kahit gaano man sila kadami, kahit patong patong na sila, ay nagawa mong magpakatatag upang malagpasan ang mga ito, ngumiti at hindi sumuko sa lahat ng iyon?

Sa buhay na ito, up and down ang mga pangyayari. Minsan pa nga mas marami ang Down kesa sa Up pero once na maramdaman mo yung Up na yun sa buhay mo, kahit gaano man sila kakonting beses mangyari sa buhay mo, ay sobrang sarap sa pakiramdam at sobrang saya mo na para bang wala ng bukas. Sa tingin ko worth it harapin ang sampung Down o kahit dalawampu pa basta lang makaranas ng isang Up. Pero sa pagbabago ng mga pananaw ko sa buhay, sa pagiging optimista ko ngayon sa mga bagay bagay, isa lang tao ang dapat kong pasalamatan... Siya yung taong nagligtas sakin. Tanda mo niyo ba yung lalaking madalas kong sabihan ng unggoy, nakakainis, nakakairita, abnormal, sira ulo, mayabang, makulit, baliw, autistic, walanghiya, prangka, masakit magsalita, panget, nakakadiri, syokoy at ang biggest jerk na nakilala ko sa buhay ko? Yeah, si Seven Astute. He also jumped off the bridge to save me from the painful and deadly fall. Can you believe that? I used to call him a jerk but now I call him my saviour. But really, if I have to review the past events in my life... He's not really the jerk here. He might be annoying, he might have blackmailed me, he might have asked me to do stuff for him but really, he's not such a jerk. The true jerks here was me and Kirby. Nanloko kami ng tao, nanakit kami ng damdamin, mga sarili lang namin ang inisip namin, nawalan kami ng pakelam sa nararamdaman ng iba. That's what jerks are, right? After that episode in my life, I came across Kirby once again... I wanted to be angry with him for playing with my

feelings as well, I wanted to shout at him, curse him and throw things at him but I did none of what I've mentioned but instead I smiled weakly at him. Another thing that I've learned in this second life, bearing grudges is your own burden so if you want true happiness you'll have to learn to forgive those people who have done you wrong, no matter how bad they have hurt you. It may take time to heal the pain they have caused you but forgiving is one of those medicines you'll need to take in order to heal completely. Kirby told me that he didn't really meant it, there was a certain person named Memo who ordered him to play this so called human chess game or something like that and that Memo guy told him to trick me about his feelings towards me. I don't know who is this Memo guy and what was his purpose for this manipulating game and I also don't know if Kirby was just making it up. But whether it's true or not, I don't really care anymore. I'm over him and I've also forgiven him. It took us a long time, about a year, to be friends again but I'm glad to have our friendship back again. But there was nothing more, we're just really friends and none of us are expecting something more than that. And as for me and Seven, I thanked him for saving me. And guess what kung anong natanggap ko sa kanya? Isang sapak. Oo, sinapak ako ng sira ulong iyon. Arouchhh!!! Bakit mo ako sinapak? Kalalabas ko lang ng ospital, gusto mo na agad akong pabalikin dun? Ansama mo! =3= *pouts* Para yan sa katangahan mo, akala mo ba kamuntik na rin akong mamatay! galit na sinigawan niya ako nun

habang nasa hallway kami ng mga 4th year. Lunchbreak nun at nagpunta ako sa may classroom niya para makausap siya ng personal kasi di niya ako dinalaw sa ospital. Psh, katampo. -___Eh sino ba may sabi sayong sundan mo ako at tumalon ka din at iligtas ako? Kundi ka rin naman isa't kalhating eng eng. Saka OA mo ha, galos nga lang natamo mo, di ka nga naospital kaya anong pinagsasasabi mo dyan na kamuntik ka ng mamatay. Psh. -___Sa pagligtas sakin ni Seven ay wala namang nangyaring grabe sa kanya dahil tama ang pagtalon niya sa tulay, pauna ang kamay at ulo, tama ang diving position niya kaya walang nangyari sa kanya. Pero nagkaroon siya ng konting konti at maliliit na galos sa may braso niya na natamo niya sa maliliit na bato. Muntik ng mamatay ang puso ko dahil sayo! Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ha? Alam mo ba sobrang natakot ako nang makita kong inilaglag mo ang sarili mo sa tulay at habang bumabagsak ka, buong akala ko ay tuluyan ka ng mawawala at hindi ko man lang masasabi ang nararamdaman ko para sayo na noo'y katutuklas ko lamang!!! Narinig ko ang sigawan at tukso ng mga studyante na noo'y nasa may hallway din at narinig lahat ng mga sinabi ni Seven, nung una hindi agad nagload sa isipan ko yung mga sinabi niya pero nung nakarating na siya sa utak ko at nagprocess na lahat ng sinabi niya ay nanlaki ang mga mata ko at bago ko pa matanong kay Seven kung ano mismo yung ibig sabihin niya sa mga sinabi niya ay wala na siya sa harapan ko. Tinalikuran niya na ako at nakita kong naglalakad na siya palayo sakin sa may hallway habang nakapamulsa. Tinalikuran niya na ako at nakita kong naglalakad na siya palayo sakin sa may hallway habang nakapamulsa. Seven!!! hindi niya ako nililingon at patuloy lang siya sa paglalakad kaya naman hinabol ko siya at nung maabutan ko siya ay hinawakan ko siya sa may braso niya at hinila ito upang iharap siya sakin.

Seven, anong ibig mong sabihin? Nararamdaman mo? Para sakin ba? Ano yung nararamdaman mo? Tinignan niya lang ako saglit at agad agad niyang iniiwas ang tingin niya habang namumula ang mukha niya, W-wala!!! Sabay hila niya ng kamay niya paalis sa hawak ko at tatalikod na sana ulit pero hinigit ko lang ulit siya sa kamay niya, Seveeeeen. Uy, ano ba yun? Di siya umiimik, di rin siya humaharap sakin. Patuloy lang ako sa pangungulit sa kanya. Seven, sabihin mo naman sakin ohhhh. Uy unggoy, magsalita ka naman, may hinala na ako noon pa sa gusto niyang ipahiwatig pero kinukulit ko siya kasi for some unknown reasons ay gusto kong marinig mismo sa bibig niya yung mga salitang iyon. Seveeeeeeeeeen naman eee! Tsk, bahala ka na nga! binitawan ko na siya at tinalikuran na nang mapagisip isip kong wala na talaga siyang balak umimik pa sakin. Pero pagtalikod ko at habang naglalakad na ako sa hallway sa may direksyon pabalik sa classroom ko ay narinig ko siyang sumigaw. Yung nararamdaman ko sayo... Mahal kita, Annika! Napatigil ako sa paglalakad at agad agad napalingon, HA?! Narinig ko yung sinabi niya, loud and clear pero nabigla talaga ako sa sinabi niya na akala ko nagkamali lang ako ng pakinig. Wala, sabi ko bingi ka!!! Hindi kaya, sabi mo mahal mo ako!!! Narinig mo naman pala eh! ngumiti siya at tumalikod na muli sakin. Pagkatapos ng eksenang yun sa hallway, sino bang magaakala na ang isang playboy, chickboy, gago, jerk, baluga, abnormal na tulad ni Seven ay manliligaw sakin? Yup, nanligaw siya... pero balasubas naman manligaw yun. Hindi marunong. Psh. -__-

Pero di bale na, pinakilig niya naman ako ng husto. Isa rin siya sa mga dahilan kaya nagawa kong makapagmove on sa mga masasaklap na pangyayari sa buhay ko. Dati sabi ko sa sarili ko nung mga panahong binablackmail ako ni Seven at lagi siyang naka-asungot sa kung saan man ako naroon na ang pogi ni Seven, di ko made-deny sa sarili ko na he's really attractive pero bukod sa kay Kirby lang nakatuon ang atensyon ko noon ay sinabi ko din sa sarili ko na gwapo man at attractive si Seven ay there's only 1% percent possibility for me to have my eye on him lalong lalo na ang mainlove, sabi ko dati, imposible yun, I hated him pero sabi nga nila 1% man ay isang posibilidad din kaya ignoring 99%.... I fell inlove. Especially after he confessed me the meaning of those pictures in his memory card. I told him he was creepy to be such a stalker pero sa loob loob ko, napapangiti ako dahil sa totoo lang sa tingin ko it was very sweet of him. Lumipas ang ilang buwan, nadagdagan ang laman ng memory card niya. Hindi na lang solo shots ko. Picture ko na ang nandun sa memory card niya, picture ko na kasama siya. Di ko rin aakalain na seryoso pala sakin si Seven, nung sinabi niyang gusto niyang manligaw ay di ko na siya nakita pang nakikipaglandian (what a term, ahaha) sa ibang babae. Inabot din ng ilang buwan ang panliligaw niya dahil ayaw ko siyang sagutin agad dahil it also took me months to fell inlove with that annoying guy. At nung graduation ball namin, dun ko na siya sinagot. Naging kami pagkatapos. Sobrang inlove kaming dalwa na pati si Yuri ay kinikilig samin. Si Yuri naman nung mga panahong iyon ay madalas pinapakita sakin na masaya siya pero alam ko na malungkot talaga siya dahil hindi pa rin talaga siya nakakapagmove on kay Kirby, nagu-guilty ako nung mga

panahong iyon dahil alam ko na ako ang may kasalanan ng pagdudusa niya kaya naman laking pasasalamat ko ng dumating si Jared sa buhay niya. Si Jared yung masugid na manliligaw ni Yuri, ayaw talagang magpaligaw ni Yuri dahil nga parang ayaw niya na muna mapunta sa isang relationship after ng nangyari sa kanila ni Kirby pero pursigido talaga si Jared kaya sa huli ay napapayag na niya si Yuri na ligawan niya ito. Hanggang summer nga ay nanliligaw si Jared at sinundan niya pa ng university si Yuri sa panliligaw niya, diba ang sweet? Kami naman ni Seven, nagpatuloy yung relasyon namin hanggang college kahit magkaiba kami ng university na pinasukan. Di naman magkalayo yung university namin kaya tuwing lunchbreak, paminsan minsan ay nagkikita kami at sabay kumain o kaya naman sa uwian ay pupuntahan niya ako sa university ko para ihatid ako sa bahay namin. Tuwing sabado o kaya linggo naman ay lumalabas kami ng magkasama. I pronounce you man and wife. Nadistract ako sa pagmu muni muni ko sa nakaraan nang marinig ko ang anunsyo ng pare. Nagtayuan ang lahat sa loob ng simbahan at nagpalakpakan nang humarap ang mga bagong kasal at nagsimula ng maglakad palabas ng simbahan. Pumapalakpak din ako habang may mga ngiti sa labi ko. After 8years, nakakatuwang makitang yung lalaking minsang minahal ko ay masayang kasama ang babaeng para talaga sa kanya. Di ako nasasaktan, masaya talaga ako para sa kanya. Masaya ako para kay Seven. Akala niyo siguro once na naging kami ay kami na pang habambuhay? Hanggang sa kahuli hulihan? Hmmm... Akala ko din eh. Akala ko talaga si Seven na yung para sakin, nung college kami, sobrang inlove na inlove kami sa isa't isa. Mag

4years din ang inabot ng relasyon namin. Diba sobrang tagal? Akala ko talaga yun na yun eh, akala ko kami na talaga ni Seven hanggang sa huli. Akala ko siya na yung pakakasalan ko balang araw pero hindi pala... Ewan ko kung paano nangyari yun, hindi ko na masyadong matandaan dahil matagal na rin namin. Basta isang araw na lang nagkaroon kami ng pagkakalabuan sa relasyon namin, normal na samin yun eh, sa almost 4yrs ng relasyon namin marami na kaming na-encounter na away na halos kamuntik ng mauwi sa break up. Nagkaroon na nga rin kami ng mangilan ngilang cool off. Madalas hindi pagkakaintindihan ang dahilan at yun na nga yung nangyari nung araw na yun, nagkalabuan kami... tapos ewan ko, siguro napagod na rin si Seven sa napapadalas naming pagtatalo kaya isang araw sinabi niya sakin na break na daw kami. Sinabi niya sakin na parang nagfe-fade na daw yung nararamdaman niya para sakin. Siyempre hindi ko natanggap yung mga sinabi niya. Pero wala akong magagawa kundi irespeto ang gusto niyang mangyari, we broke up. Umiyak ako ng umiyak. Ang sakit eh, mahal na mahal ko na talaga noon si Seven. Nahirapan akong tanggapin na wala ng kami at ang pinakamahirap tanggapin sa lahat ay yung sinabi niyang nawawala na daw yung dating nararamdaman niya para sakin. Sabagay, hindi lahat ng bagay sa mundo ay permanente at isa na dun ang damdamin ng tao. Masakit man at iniyakan ko man ng todo pero hindi pumasok sa isip ko ang magpakamatay ulit, hindi na kelanman pa pumasok sa isip ko na gawin yun dahil nung iligtas ako ni Seven noon ay nakatatak na sa isip ko na ang pagpapakamatay ay hindi isang solusyon. Hindi ka kelanman magiging masaya kung magpapakamatay ka.

Marami akong mga bagay na ginawa para makalimutan yung sakit at para makapagmove on ako kay Seven, naghang out ako ng mas madalas pa kesa sa dati sa mga kaibigan ko, nanunuod ako palagi ng comedy at horror films at as much as possible iniiwasan ko muna noon ang manuod ng love stories or dramatic stories, kain din ako ng kain noon lalo na ng ice cream, ang sarap kasi sa pakiramdam ng ice cream, nakakagaan ng loob. Ang daming paraan para maibsan yung sakit, dahan dahan ay nagagawa kong makapagmove on. At ewan ko kung kelan nangyari pero basta nagising na lang ako isang araw, hindi na ako umiiyak at hindi na siya yung unang taong pumasok sa isip ko para sa araw na yun. Nagising na lang ako na wala na akong nararamdaman para sa kanya. Nakapagmove on na ako totally. Pero kahit wala na kami ni Seven ay naging magkaibigan rin naman kami pagkatapos, kung hindi man kami para sa isa't isa atleast maging kaibigan ko man lang siya dahil si Seven, isa siya sa mga taong pinapahalagahan ko at ayoko siyang mawala. Lumabas na ako ng simbahan at umalis na matapos ihagis ng ngayon ay asawa na ni Seven ang bulaklak nito, nasambot ito ng isang babaeng hindi ko kakilala. Hindi na ako pupunta pa sa reception ng kasal dahil may nito, nasambot ito ng isang babaeng hindi ko kakilala. Hindi na ako pupunta pa sa reception ng kasal dahil may business flight pa ako mamayang gabi. Bumalik na lang ako sa bahay ko upang ayusin ang maletang gagamitin ko para sa flight ko. Umidlip ako saglit pagkatapos at pagdating ng alas ocho ay dumiretso na ako sa airport. Habang nasa may airport na ako at nasa waiting area ako ay napagdesisyunan kong kalikutin ang cellphone ko dahil wala akong magawa, ang tagal pa kasi ng ipaghihintay ko. Habang pinagmamasdan ko yung mga photo sa gallery ng cellphone ko ay napadako ako sa isang lumang

photo na kahit kelan ay hindi ko binura, galing pa yun sa lumang cellphone ko at binluetooth ko lang sa bagong cellphone ko. Yung photo ay mukha ni Seven na sobrang lapit sa screen at hinaharangan ang isang statue. Iyon yung first photo ko ni Seven, it was an accidental picture, retreat pa namin yun nung 4thyear highschool kami at yun yung time na binigyan kami ng free day at naggala ako sa may park ng mag-isa. Ang balak ko pa nga noon ay yung statue ang pipicture-an ko pero bigla bigla ay nag-appear si Seven sa harapan ko at sinimulan akong inisin. Haay, nakakamiss. pagbubuntong hininga ko habang pinagmamasdan ko ang larawan niya sa cellphone ko. Wala na talaga akong nararamdaman para kay Seven pero minsan hindi ko maiwasang ma-miss yung mga panahong magkasama kami ni Seven. He's been a big part of my life. Ang bilis lang ng panahon, parang kahapon lang inis na inis pa ako kay Seven pero tignan mo na lang ngayon, nagmature na yung unggoy na yun at may asawa na. Natatawa tuloy ako sa sarili ko sa mga panahong inisip ko dati at in-imagine ang sarili ko sa may altar kasama si Seven, sobrang inlove kasi ako dati at ang laki ng paniniwala kong siya na yung pakakasalan ko talaga balang araw. Pero si Seven, parte lang siya ng buhay ko at hindi siya yung nakatakda sakin. Kumbaga sa fairy tale na ito, siya ang knight in shining armour ko pero hindi siya ang prince charming ko... Kung sinuman yung prince charming na iyon... sana dumating na siya, gusto ko na kasi siyang makilala. Click!

Nadistract ako sa thoughts ko nang makarinig ako ng click ng isang camera. Pag-angat ko ng ulo ko ay tumama ang paningin ko sa isang lalaki sa katapat kong upuan na may hawak ng isang cellphone na may camera na nakaangat. At nung magtama ang paningin namin at napagtanto ng lalaking ito na nahuli ko siya ay nagpanic siya, Pakshet, nakalimutan kong tanggalin sound effect ng camera! Natawa na lang ako sa nagpapanic at nahihiyang itsura ng lalaki sa tapat ko. Hmmm... There is always a camera that captures me. - FIN Property of Haveyouseenthisgirl.yolasite.com AUTHOR'S NOTE: so yeah, didn't like the outcome? Weird ba at hindi sila nagkatuluyan? BWAHAHAHA. Sorry kung ang iba sa inyo ay hindi magugustuhan ang ending dahil alam kong prefer niyong magkatuluyan sina Annika at Seven pero in this story I just want to make it as realistic as possible... All of you know na hindi naman sa lahat ng pagkakataon hindi nagkakatuluyan sa huli yung mga taong gusto nating magkatuluyan. Hindi sa lahat ng pagkakataon na makakakita kayo ng mga taong sobrang inlove na inlove sa isa't isa ay sigurado na kayong sa huli ay sila talaga. This is not a tragic story, this is a happy ending... err actually it's not, it's a new beginning for Annika. :) Atsaka para maiba naman! bwahaha. lagi na lang nagkakatuluyan ang mga bida ee, kasawa na XD Umm yung downloadable pdf at word copies, I'll provide it soon sa may website ko, tignan tignan niyo na lang after a week. Ganun din sa wattpad compilation. Ayun po, salamat po sa lahat ng nagbasa ng story na ito. Salamat po sa na-appreciate ang story at sa mga

nagcomment. Sana po suportahan niyo pa po ako sa iba ko pa pong mga stories na ipopost ko. Pagkatapos po nito ay ipopost ko po ang fantasy-romance story na "SHE DIED". Kung gusto niyo po ng idea sa story na ito ay panuorin niyo lang po ang trailer sa link: http://youtu.be/VTQt2zxktZo I will post "SHE DIED" soon kaya abangan niyo na lang po sa website ko or sa wattpad profile ko. In : i met a jerk whose name is seven

You might also like