Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

[WIKANG FILIPINO SA PAMBANSANG PAGKAKAISA Bawat buhay, masayat malungkot, magulot makulay Ay nakalimbag sa pahina nang kasaysayaan.

Mula sa pagkakasilang patungo sa kamusmusan Maging sa paglaki, hanggang sa kamatayan. Isa-isahin ang buhay ng mga dakilang tao sa daigdig Ng mga paham, siyentipiko, mananaliksik, O ng mga guro, doctor, abogado, magingisdat magbubukid; Bawat isa, may mithin, may parangarap na nais makamit At isama sa mga butiun di masungkit-sungkit. Sa bawat panahon Sa bawat kasaysayan Sa bawat henerasyon May palawakan ng isip May palitan ng paniniwala May tagisan ng matuwid Maging itoy mabunga na tuwa, ng lungkot, ng galit Sila-silay natatago, kayu-kayoy nagpapangkat Tayu-tayoy nag-iisip, nagsusuri, bumubalagkas Isang diwa ang nagpasya, isang wika ang ginamit Wikang pilipino! Wikang maka-Diyos, makabayan, makatao Wikang naglalagos sa isipan makabansa Wikang nagnunuot sa damdamin makalupa Kasaysayan palay mababago isang saglit Sa dakong silangan doon sa silangan Ang sikat ng araw sumilip, sumikat, uminit Naantig ang diwang inaliping higit tuminok ang pusong dating di pumipintig Nagising ang ugat ng hapong mga bisig Bawat isay nagkaisang mailantad sa daigdig Ang mga pang-aaping sugat niyaring dibdig Pangkat-pangkat, sama-sama, kapit-bisig bawat isa Kilalat di-kilala, kaaway ast di-kaaway Mayamat mahirap, matalinot mangmang, aktibistat militar Nagkaisang ganap sa isang mithing kapanga-pangarap Propesyonal at di-propesyonal Mangagawa, kawani, guro, mangangalakal Estudyante, iskolar, istambay

Sundalo, pulis, drayber, pari, madre, mangingisdat magbubukid Nagkaisa, nagkasama Nagkasama, nagkaisa Ang wikang ginamit? Wikang Pilipino Wika ng paglaya ng lahat ng tao Wika ng pagkakaisa, kabayan mat dayo Wikang tagapagtanggol ng lakas ng tao SONGS SANG IN THE PERFORMANCE Magkaisa (by pops) ngayon, ganap ang hirap sa mundo unawa ang kailangan ng tao (by: the FD members) uso parin ang harana sa babaeng napakaganda tulad ng isang wika nagbubuklod sa isang bansa at sa bawat dako ay nagkakaisa sa libu-libong pagkakataon na ika'y ginamit iilan ulit pa lang kitang binigang halaga naiinis kaming isipin na parang wala ka na Siguro ay hindi nila alam ang yong tunay na halaga minsan di ko maintindihan parang wika natin ay pinagtri-tripan medyo malabo yata ang mundo binabasura ng iba ang pagkapilipino

Wikang Pilipino sa Pambansang Kalayaan at Pagkakaisa


Sa bawat panahon Sa bawat kasaysayan Sa bawat henerasyon May palawakan ng isip May palitan ng paniniwala May tagisan ng matwid Maging itoy magbunga ng tuwa, ng lungkot, ng galit Sila-silay nagtatagpo, kayu-kayoy nagpapangkat Isang diwa ang nagpasya, isang wika ang ginamit Wikang Pilipino! Wikang maka-Diyos, makabayan, makatao Wikang naglalagos sa isipang makabansa Wikang nanunuot sa damdaming makalupa At paisa-isang dila, parami-raming labi, sama-samang tinig Bumubulong, sumasatsat, humihiyaw, nagngangalit Hinihingiy Kalayaan! Katarungan! Kalayaan! Katarungan! Hanggang saan susukatin? Hanggang kailan bubuhayin? Hanggang kailan maaangkin? Layang mangusap, layang sumulat Layang mamuhay, layang manalig Layang humahalakhak, layang mangarap, Layang maghimagsik Maghimagsik! Maghimagsik! Maghimagsik! A, parang isang pangarap, parang isang panaginip Kasaysayan palay mababago isang saglit Sa dakong silangan doon sa silangan Ang sikat ng araw sumilip, sumikat, uminit Sari-saring mukha, magkakabalat, magkakadugo, magkakapatid Sama-samang gumising, magkakapit-bisig, nag-alsat tumindig

Lakas ng tao! Lakas ng bayan! Lakas ng daigdig! Laban sa tirano, sa gahaman, sa mapanupil, sa mapan-lupig Batat matanda, propesyonal at di propesyonal Manggagawa, kawani, guro, mangangalakal Mangigisdat magbubukid, pari, madre, iskolar Sundalo, pulis, drayber, estudyante, istambay A, lahat-lahat na Sa sama-samang tinig, sa sama-samang lakas Nagkakaisa, nagkasama Nagkasama, nagkaisa Mga bagong bayani ng Bagong Republika At Wala nang dapithapon Wala nang takipsilim Wala nang lungkot, takot, luha, dusat hinagpis Wala nang tanda, ng dustang pagkalupig Bagwis ng ibong datiy pinuyian sa tinid ng galit Ngayoy nakalipad na umaawit, humuhuni, umaawit Dahil malaya Dahil sa wika Dahil sa lakas Bagong kalayaay naririto ngayon At nakamit natin nang buong hinahon Ni walang digmaat pinapanginoon May mabuting nasang taga sa panahon At kung sakaling magbalik muli Ang kasaysayang hininog ng isang madilim na kahapon Muli, ang paisa-isang dila, ang parami-raming labi Ang sama-samang tinig Ang sari-saring mukha, magkakabalat, magkakadugot magkakapatid Sama-samang gigising, magkakapit-bisig aalsat titindig Lakas ng tao! Lakas ng bayan! Lakas ng daigdig!

You might also like