Pagdarasal NG Rosaryo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

ANG PAGDARASAL NG SANTO ROSARYO

O INA NG KAGANDAHAN O, Ina ng kagandahan, tangi naming timbulan Birheng kalinis-linisan kami po ay tulungan O ina kaawaan, ampunin at damayan Sa lahat ng kasawian kami po ay saklolohan

ROSARYO NI MARIA Rosaryo ni maria ay ating dasalin Birheng Ina ng awa kami po ay dinggin Dasalin ng malimit at mataimtim Ang rosaryong habilin ng biyaya ay kamtin Rosaryo ni Maria ay ating dasalin Birheng Ina ng awa kami po ay dinggin

Sa ngalan ng ama, at ng anak, at ng espiritu santo. Amen..

(ANG SUMASAMPALATAYA) Sumasampalataya ako sa diyos amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya naman ako kay hesukristo, iisang anak ng diyos, panginoon nating lahat. Nagkatawang-tao siya lalang ng espiritu santo; Ipinanganak ni santa mariang birhen pinagpakasakit ni ponsio pilato; Ipinako sa krus, namatay at ibinaon. Nanaog sa mga impiyerno; nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit; naluluklok sa kanan ng diyos amang makapangyarihan sa lahat. Doon nagmumulat pariritong huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao. Sumasampalataya naman ako sa diyos espiritu santo, na may santa iglesya katolika; may kasamahan ng mga santo, may ikawawala ng mga kasalanan; at mabubuhay na mag-uli ang nangamatay na tao, at may buhay na walang hanggan. Amen..

(AMA NAMIN) Ama namin, sumasa-langit ka, sambahin ang ngalan mo. Mapasa amin ang kaharian mo. Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw, at patawarin mo kami sa aming mga sala, para nang pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin. At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso, at iadya mo kami sa dilang masama. Amen..

(ABA GINOONG MARIA) Aba ginoong maria, napupuno ka ng grasya, ang panginoong diyos ay sumasaiyo, bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong anak na si jesus. Santa Maria, ina ng diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan, ngayon at kung kamiy mamamatay. Amen.. MGA MISTERYO NG SANTO ROSAYRO (TUWA) Lunes, Sabado at mga Linggo ng advento. 1. 2. 3. 4. 5. Ang pagbati ng anghel sa mahal na birhen. Ang pagdalaw ng birheng maria kay Sta. Isabel. Ang pagsilang sa daigdig ng anak ng diyos. Ang paghahain sa templo sa anak ng diyos. Ang pagkakita kay hesus sa templo ng herusalem.

(MGA MISTERYO NG SANTO ROSARYO) (HAPIS) Lunes, sabado at mga lingo ng mahal na araw. 1. 2. 3. 4. 5. Ang pananalangin sa halamanan. Ang paghampas kay hesus na nagagapos sa haliging bato. Ang pagpuputong ng koronang tinik. Ang pagpasan ng krus. Ang pagkapako at pagkamatay ni hesus sa krus.

(MGA MISTERYO NG SANTO ROSARYO) (LUWALHATI) Miyerkoles, at lingo na hindi sakop ng advento at mahal na araw. 1. 2. 3. 4. 5. Ang pagkabuhay na mag-uli ni hesukristo. Ang pag-akyat sa langit ni hesukristo. Ang pagpanaog ng espiritu santo. Ang pag-akyat sa langit sa mahal na birhen. Ang pagpuputong ng korona sa mahal na birhen.

(MGA MISTERYO NG LIWANAG) Huwebes 1. 2. 3. 4. 5. Ang pagbibinyag kay hesus sa ilog Jordan. Ang kasalan sa cana. Ang pagpahayag ng kaharian ng diyos. Ang pagbabagong anyo ni hesus. Pagtatag ng banal na sakramento ng katawan at dugo ni kristo.

ANG ABA PO SANTA MARIANG REYNA Aba po santa mariang reyna, ina ng awa. Ikaw ang kabuhayan at katamisan; Aba pinananaligan ka namin. Ikaw nga ang tinatawagan naming, pinapanaw na anak ni eva. Ikaw rin ang pinagbubuntong hininga naming n gaming pagtangis dini sa lupang bayang kahapis-hapis. Ay aba, pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin mga mata mong maawain, at saka kung matapos yaring pagpanaw sa amin, ipakita mo sa amin ang iyong anak na si hesus.

Santa Maria, ina ng diyos, maawain, maalam at matamis na birhen. Ipanalangin mo kami, reyna ng kasantusantuhang rosaryo.. Nang kamiy maging dapat makinabang ng mga pangako ni hesukristo. MANALANGIN TAYO Panginoon naming diyos, kasihan mo nawa ang aming mga kaluluwa ng iyong mahal na grasya, at yayamang dahilan sa pamamalita ng anghel ay nakilala namin ang pagkakatawang-tao ni hesukristong anak mo, pakundangan sa mahal niyang pagpakasakit at pagkamatay sa krus, ay papakinabangan mo kami ng kanyang pagkabuhay na mag-uli sa kaluwalhatian sa langit. Alangalang kay hesukristo ring panginoon naming. Siya nawa.. PANALANGIN Diyos at panginoon namin, na bugtong na anak mo ay siyang ipinapagkait namin ng kagalingat kabuhayang walang hanggan sa pamamagitan ng kanyang pagkakatawang-tao, pagkamatay at pagkabuhay na mag-uli; ipagkaloob mo, hinihiling namin sa iyo, na sa pagninilay-nilay namin nitong mga misteryo ng santo rosaryo ni santa mariang birhen ay hindi lamang matularan namin ang mga magagaling na halimbawang nalalarawan doon, kundi naman makamtan namin ang mga kagalingang ipinangako sa amin; alang-alang kay hesukristong panginoon naming; na kapisan mo at ng espiritu santo nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Siya nawa.. Sumaatin nawa ang tulong ng maykapal. Siya nawa.. Sumapayapa nawa ang kaluluwa ng mga yumao sa grasya ng panginoong diyos. Siya nawa.. Manatili nawa sa atin ang biyaya ng makapangyarihang diyos ama, anak, at diyos espiritu santo. Amen..

You might also like