Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

Ang opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng Central Luzon State University Student Union Building, CLSU, Science City

of Munoz, Nueva Ecija Miyembro: College Editors Guild of the Philippines


Tomo XLX Blg. 3

CLSU Collegian
Unang araw - Intrams Isyu 2013

CAS nangunguna sa ranking


ni Kenneth Antolin

STRIKE. Hindi naalintana ng mamasa masang diamondat masamang klima ang mainitang bakbakan ng bawat kolehiyo sa baseball games. sa gitna ng university oval. (Kuha ni Charmie Manangan)

Nanguna sa unang araw ng intramural games ang College of Arts and Sciences (CAS) matapos itong makalikom ng 18 ginto, siyam na pilak at tatlong tanso. Base sa mga datos na nakalap mula sa mga field reporters, pinatatag ang kampanya

ng CAS ng pitong ginto sa athletics, walo sa swimming events, at tatlo naman sa karatedo. Expected naman na ito na ang CAS ang mangunguna, saad ni Jay C. Santos, director ng Institute of Sports, Physical Education, and Receation.

Dominado ang CAS sa ngayon dahil kay Aries Toledo, dagdag nito. Pumangalawa naman ang College of Engineering na mayroong 13 ginto, limang pilak at tanso habang pumangatlo naman ang College of Fisheries na mayroong 8 ginto, isang pilak at dalawang tanso. Samantala, pumuwesto sa ikaapat ang College of Education makaraang makapagtala ng limang ginto, siyam na pilak at walong tanso habang nasa panglima ang College of Business Administration and Accountancy na mayroong tatlong ginto, tatlong pilak at 13 tanso. Pinaghatian naman ng College of Veterinary Sciences and Medicines at College of Agriculture ang ikaanim na pwesto
sundan sa Pahina 6

Cerezo, Reyes wagi sa Mr. and Ms. Intrams 2013


ni Julius Dinglasan

Tinanghal na Mr. and Ms. Intramurals sina Aldrin Cerezo ng College of Education (CEd) at Brencel Kaye Reyes ng College of Business Administration and Accountancy (CBAA) sa 50th Intramural games na ginanap sa CLSU auditorium kahapon. Ayon kay Cerezo siya ay confident sa kanyang pinasok subalit hindi talaga niya inaasahan na siya ang mananalo at kokoronahan bilang Mr. Intrams 2013 dahil lahat ng mga sumali ay magagaling.
sundan sa Pahina 8

*ang mga sumusunod na datos ay hindi opisyal na inilabas ng ISPEAR

Unang araw - Intrams Isyu 2013

OPINYON
CLSU COLLEGIAN

www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

Intramural games ang kaganapan ngayon sa ating pamantasan. Panahon para sa pagpapamalas ng mga estudyante ng kani-kanilang mga talento at abilidad sa larangan ng palakasan. Panahon upang pagtuunan ang isports higit sa anumang bagay. Maging ang mga taong iniimbitahan sa taunang intrams ay dapat sports-minded. Kinakailangan na sports-related ang kanilang mga sasabihin, gagawin at ibabahagi. Isang halimbawa nito ay ang pag-iimbita sa guest of honor and speaker para sa opening program ng intramural games. Noong isang taon ay hindi maintindihan ng publikasyong ito kung bakitang kinuhang speaker ay tila wala namang background tungkol sa isports. Sa kanyang mga ibinahagi at sinabi tila wala kang mapupulot na konektado sa isports o palakasan, maging sa intrams mismo at puro pagpapabangong pangalan at pamumulitika ang maririnig. Nakalulungkot isipin na ganun ang nangyari noong nakaraang taon. Ngunit sa pagsisimula ng ika-50 intramural games, tila nagbago yata ang ihip ng hangin dahil sa hindi inaasahang pagkakkataon, ang inimbitahang guest speaker ay isang dating atleta na nagbigay ng karangalan sa CLSU. Ito ay si Ret. Col. Pacifico G. Alejo. Si Pacifico o Estong sa kanyang mga kaibigan na tubong Sto. Domingo, Nueva Ecija ay isa sa mga produkto ng unang CLSU Intramural Games noong 1964 na isang runner. Nawa ay maipagpatuloy ng ating unibersidad na kumuha ng mga tamang taong makapagsasalita sa tamang okasyon, hindi lamang dahil ito ay isang sikat o maimpluwensiyang personalidad maging ang sapat nakaalaman at ispirasyong kanilang maibabahagi.

Ganoon sana

E D I T O R Y A L
Hindi po libre yan
CONTRACTIONS
09062523249

Karina Yvonne D. Pascua

Patnugutan ng unang semestre A.Y. 2013-2014

CLSU

Collegian

Kenneth F. Antolin: Editor-in-chief/ Layout artist | Van Alen N. Lumandas: Associate editor/ Layout artist | Karina Yvonne D. Pascua: Managing editor | Ellaine M. Aquino: Opinion editor | Paul John P. Villamor : Sports editor | Jessa M. Rarama: Feature editor | Julius Dinglasan: Staff writer | King Philip Briitanico, Ramon Rarama, Areli Joy D. Esguerra, Albert Tolin, Meryll Taroma,Charmie Manangan:Probationary staffers
Para sa komento at suhestiyon, magsadya lamang sa CLSU Collegian office, Student Union Building, CLSU Science City of Munoz, Nueva Ecija o bisitahin ang www. collegian.clsu.edu.ph

There is no such thing as free lunch. Isa ito sa mga pamosong linya mula sa economics subject na hanggang ngayoy nakatatak sa aking isipan. Dalawang taon na ang nakararaan nang mapabilang ako sa CLSU Collegian bilang probationary staff writer. Naranasan ko kung paano manigas ang mga binti dahil sa kalalakad, mainip sa kahihintay na mag-start ang mga na-dedelay na events at mangawit ang mga braso sa kahahawak ng libo-libong kopya ng Intrams issue na kailangang maipamigay sa mga nagdadaang estudyante sa tatlong magkakasunod na biyernes na iyon. Sa tuwing mag-aabot ako ng natapos na balita ay siya namang tanong, Ate, liCONTRACTIONS / Pahina 4

Lahat ng tinatanggap na bagay na hindi binabayaran at hindi pinaghihirapan ay hindi lahat maituturing na libre. Malay mo, wala ka pa lang ideya na pera at sikap ng maraming tao ang dahilan kung bakit ito nabuo bago naibigay sa iyo.

Unang araw - Intrams Isyu 2013

OPINYON
CLSU COLLEGIAN

www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

Hindi na bago sa atin ang hindi maintindihan na panahon tuwing darating ang intrams. Andyan iyong sobrang init tapos maya-maya ay biglang uulan. Hindi ba parang bipolar? Parang tayo ring mga estudyante na kani-kanina lang ay andyan mukhang nanunuod at sumusuporta tapos bigla nalang mawawala. Bakit kaya? Ang iba pumupunta lang dahil sa attendance, time intime out lang lumilitaw tapos aalis na naman. Bakit kaya hindi man lamang natin magawang manatili munang nanunuod at sumusuporta sa mga kakolehiyo natin at mga kapwa mag-aaral? Haggang unang araw lang ba tayo at hindi rin magtatagal? Napakaraming taon ko ng nakikilahok sa university intramural games hindi bilang isang manunulat bagkus isang manlalaro. At sa tagal ng panahon na iyon ay hindi ko pa naranasan na manalo kahit bronze. Sa nakaraang intamural games ay nagkamal lang kami ng 6 na ginto na nagluklok sa amin sa huling pwesto. Masakit sa amin dahil nangangarap din kami na mawala at makaahon sa aming kinasasadlakan. Naalala ko pa nga ang sinabi sa akin ng isa naming faculty na sa kasaysayan ng CVSM ay nasa huling pwesto minsan ay naranasan narin ng kolehiyo na maging pangalawa sa buong ranking. Kung nagawa pala noon ay maaari ding magawa ngayon. Nang mga oras na iyon hindi ko masyadong naisip ang sinabi ng aking guro bagkus ang

Tatagal ka ba?
SPASMODIC
09264447706

Ellaine M. Aquino

Umulan man sana o umaraw, sana kahit sa tatlong araw lang ng intrams maipakita naman natin na sumusuporta din tayo at nakikilahok hindi man bilang isang varsity o mga volunteer sa ibat ibang laro, kahit ba tagahiyaw lang maipakita man lang na nakikiisa tayo. Isipin sana natin na minsan lamang ito sa isang taon kung isagawa tapos wala man lang tayong pakialam dito. Marami kasi sa atin ay hindi nakikita esensya ng mga

ganitong gawain kaya basta na lang natin ito ipinagsasawalang bahala. Makita sana ng bawat isa sa atin ang kahalagahan ng pagsuporta sa ating mga kakolehiyo o hindi man mga kaibigan. Maisip man lang sana natin ang sakripisyo ng bawat student athlete na pilit na ipinaglalaban ang ating mga kolehiyo para sa ikararangal nito. Iyon na lamang bang
SPASMODIC / Pahina 4

Umuulan man o, umaaraw ang mga manlalaro ay patuloy pa rin sa pakikipaglaban at ginagawa ang lahat maipagtanggol lang ang ating mga kolehiyo.

Bulag na katotohanan: INTRAMS Minsan sa soUNDERDOG brang lango ng Julius A. Dinglasan mga manlalaro 09262680833 isang tanung na ngayon ko ay na medalya na isinasabit sa sa salitang panating mga leeg ay konsolasyon lang natanto. lang ng dapat nating matutu- alo ay hindi lang Bakit ako naglalaro? Hindi lamang materyal na nan sa bawat laro na ating si- sa laban kundi bagay ang nagbibigay ng hal- nasalihan. Ang intrams ay hindi binuo kahit sa pang aga sa buhay. Isang konsepto para maging magkakalaban ng isports ay ang pagbuo ang bawat isa. Minsan ay araw-araw ay ng isang samahan na naglalayon ng pagkilala sa bawat nakakalimutan na ng bawat kalaban ang isa upang maging magkaibi- isa sa atin ang malilit na degan, magkakilala at maging talye na harapan na sa ating tingin sa kanmasaya. Minsan sa sobrang ibibibigay subalit atin pa din yang katungali. langu ng mga manlalaro sa itong binabale wala. Isa na nga rito ang pina- Sino ba naman salitang panalo ay hindi lang panuod at pinapalakpakan nasa laban kundi kahit sa pang ang hindi gusto araw araw ay kalaban ang tin- tin tuwing opening ng intragin sa kanyang katungali. Sino mural games. Ang sinindihan na makakuha ba naman ang hindi gusto na kamakailan n gating mga gold makakuha ng ginto sa laro? medalist sa National SCUAA ng ginto sa laro?
Wala. Pero sana ay hwag nating kalimutan na ang ibinibigUNDERDOG / Pahina 4

Unang araw - Intrams Isyu 2013

OPINYON
CLSU COLLEGIAN

www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

CONTRACTIONS ... mula sa pahina 2


bre po ba itong dyaryo? Ang sagot ko dati, Oo, libre. Libre nga naman dahil wala akong siningil. Hindi lingid sa ating isipan na sa tuwing sumasapit ang bawat intrams ay siya namang pagdami ng nagkalat na bagay hindi lamang sa oval at sa field. Mga pinagkainan, mga balat ng kendi, mga papel na baso at ang mangilan-ngilang naglipanang kopya ng dyaryo ng Kule, ang dyaryong hawak mo ngayon. Hindi po ito libre. Ang suma-total ng halagang P22.50 na Student News Organ sa form 6 na binabayaran ng bawat isang tao sa isang semester ay ang parteng nakukuha ng Kule na siyang ginagamit upang pondohan ang mga imprentang ipinamamahagi. Hindi tataas sa apat na daang libong piso ang natatanggap ng publikasyon bawat taon. Hindi sapat upang matustusan ang halos labing-isang libong estudyante ng CLSU sa ratio na 1:1. Hindi po ito libre. Marami ang nagsakripisyo upang sa ganooy matapos ang isang issue. Hindi lamang ang lahat ng bumubuo ng CLSU Collegian ang nagsumikap. Idagdag na rin natin ang oras at hirap ng mga magulang sa pagpupursige upang makapagbigay ng P22.50 na parte ng matrikula para sanay huwag man lang mahinto ka sa pag-aaral. Lahat ng ito ay pinaglaanan upang makapaghatid ng isang dyaryong sana ay dapat nababasa man lang. Lahat ng tinatanggap na bagay na hindi binabayaran at hindi pinaghihirapan ay hindi lahat maituturing na libre. Malay mo, wala ka lang pa lang ideya na pera at sikap ng maraming tao ang dahilan kung bakit ito nabuo bago naibigay sa iyo. Nasasayang ang lahat sa tuwing ang mga bagay na ito ay na-te-take for granted dahil lamang sa hindi alam ng taong iyong pinagbigyan na isa siya sa dahilan kung bakit malayang nakakakuha ng kopya ang iilan lamang na estudyante. Pito pang release ng dyaryo at isang literary folio ang maaaring asahan sa mga susunod na buwan mula sa CLSU Collegian. Muli, binabayaran niyo po ito subalit garantisado na limitado lamang muli ang mabibigyan. Hindi po libre yan. manlalaro ay patuloy pa rin sa pakikipaglaban at ginagawa ang lahat maipagtanggol lang ang ating mga kolehiyo. E tayo? Ano naman papel natin? Ang lilitaw kapag may attendance lang? Ang ilan pupunta lang sa unang araw tapos mawawala na. ikaw? Hanggang kailan ka tatagal?

Nagtatanong lang po
May isang estudyante ang nagreklamo sa naging desisyon ng isang guro galing sa Department of Statistics matapos siyang mag schedule ng exam sa unang araw mismo ng 50th CLSU Intramurals. Ang dahilan ay sa araw mismo ng itinaktada ng naturang guro ang nasabing pagsusulit ay ang kanyang naatasan para magbantay sa pagsusulit ay nahuli ng 45 minuto dahilan para hindi matapos ng estudyante ang mga sa kanilang pagsusulit. Ang naging aksyon ng naturang guro ay kung ano na lang ang natapos ng estudyante ay yun na din ang binilang at naging iskor nila. Nagreklamo ang mga estudyante na hindi daw patas sa kanila na hindi nakatapos ng pagsusulit ang kanilang nakuhang iskor ngunit ang naging tugon ng guro ay nagbigay siya ng optional na pag-uulit ng pagsusulit para sa mga estudyante na hindi tanggap ang kanilang naging mga iskor. Bakit po kaya napunta ang pasakit sa mga estudyante na dumating naman sa unang itinakdang oras ng pagsusulit? Bakit po kaya itinakda ang bagong schedule ng pagsusulit sa unang araw mismo ng 50th CLSU Intramurals? Hindi kaya alam ng naturang guro na may memo na patungkol sa suspension ng lahat ng klase para sa pagdiriwang ng intramural games? *** Nagkaroon ng programa ang University Supreme Student Council (USSC) na tinawag nilang CLSU Freshie Week na inihahandog nila para sa mga estudyante ng CLSU na nasa unang taon. Nakapaloob sa programa ang ilang mga aktibidad tulad ng Chicharap Food Contest, Bunso Got Talent, Larong Pinoy, Freshmen Quiz Bee, Quo vadis Freshmans, Concert at the park, Art Attack, at Amazing Race. Ang naturang programa ay ginaganap mula pa noong September 3 at matatapos hanggang ngayon. Ano kaya ang sumagi sa isipan ng USSC at isinabay pa nila sa isang importanteng kaganapan dito sa unibersidad, ang 50th CLSU Intramural games, ang programang nabanggit? Alam kaya ito ng dekana ng Office of Student Affairs? Alam kaya ito ng presidente ng ating unibersidad? Nakapagtataka.

SPASMODIC ... mula sa pahina 3


pagsuporta sa kanila ang ating maiibibigay ay ipagdadamot pa natin? Ang pagnuod, pagsigaw, at pagtalon ay simple pero malaki ng tulong upang maiparamdam naman natin ang ating suporta kahit sana sa tatlong araw lang , makisama naman tayo. Umuulan, umaaraw at mga

UNDERDOG

olympics- Lighting of the flame of FRIENDSHIP. At hindi man lahat nakasaksi dahil sa pag alis at pagwalang bahala sa panunumpang ginagawa ng bawat atleta bago mag umpisa ang mga

... mula sa pahina 3

laro- Oath of Sportsmanship. Sa huli nais kong mag iwan ng isang tanong hindi lamang para sa manlalaro bagkus para sa lahat. Bakit ka naglalaro?

Unang araw - Intrams Isyu 2013

LATHALAIN
CLSU COLLEGIAN

www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

arangal. Pagkilala. Pagbibigay pugay. Ito ang karaniwang tinatamasa ng isang manlalaro matapos mag-uwi ng karangalan para sa institusyon na kanyang kinabibilangan. Tulad na lamang ng ating pambansang kamao na si Manny Pacman Pacquiao na sa kanyang bawat laban, manalo man o matalo ay ikinararangal siya ng sambayanang Pilipino at kinikilala ang kanyang angking galing at lakas. Nararapat lamang ito para sa ating mga atleta na patuloy na tumitindig upang itayo ang karangalan ng ating lahi sa larangan ng isports. Lingid sa kaalaman ng karamihan, dito sa CLSU ay may isang beteranong manlalaro mula sa Kolehiyo ng Sining at Agham na hinirang bilang Best Male Athlete of the Year. Ito ay matapos niyang iuwi ang apat na ginto sa idinaos na taunang Nationa l State Colleges and Universities Athletic Association (NSCUAA) meet na nooy ginanap sa Jose Rizal Memorial State University, Dapitan City, Zamboanga del Norte nitong Pebrero 17-23. Ang atletang ito ay walang iba kundi si Aries Baez Toledo. Ang bilis na kanyang taglay ay nadiskubre ng siya ay Grade III pa lamang nang hinabol siya ng kanyang lolo na si G. Arsenio Baez (dati ring nasa larangan ng track and fileld) upang paluin siya bilang parusa para sa nakaalitang pinsan. Simula noon ay sinanay na siya nito katuwang ang isa pa niyang lolo na si G. Artemio Toledo na dating karibal ni Baez sa larangan ng pagtakbo. Ayon kay Aries, namana niya sa kanyang

Malaki ang nagawa ng training, disiplina sa sarili, kung walang training hindi ko magagawa to, wala kang makakamit. Kailangan marunong kang sumunod sa trainer mo
mga lolo ang bilis at hilig sa pagtakbo. Ang binatang tubong Cuyapo Nueva Ecija ang kasalukuyang may hawak ng record na 6.97m para sa long jump, 49.24 seconds sa 400m dash, 22.24 seconds naman sa 200m dash at 13.87m para sa triple jump. Bunga ito ng kanyang paghihirap at pagtitiyaga sa kanyang mga training at pagsunod sa kanyang trainer na si Mr. Benjamin Bartolome at coach na si Mr. Emmanuel Waing. Magkatuwang nilang tinuruan at hinasa pa ang angking talento ni Aries at ito ang nagsilbing isang malaking tulong upang maabot ng binata ang tagumpay niya sa kasalukuyan sa larangang napili. Malaki ang nagawa ng training, disiplina sa sarili, kung walang training hindi ko magagawa to, wala kang makakamit. Kailangan marunong kang sumunod sa trainer mo, pahayag ni Aries tungkol sa kanyang sikreto sa likod ng angking bilis sa pagtakbo. Bilang isang atleta ay pinaglalaanan niya ng panahon ang pagtetreyning. Karaniwan siyang makikita sa ating university oval tuwing siya ay may bakanteng oras sa pagitan ng kanyang mga klase. Sa loob ng isang araw ay gumugugol siya ng apat na oras at kalahati para tumakbo ng 10 rounds sa oval at kung may mahaba-habang oras naman ay sasabak sa tatlong road run o tatlong beses na pagtakbo sa buong CLSU ang kanyang ginagawa para sa kanyang pag-eensayo upang mapanatili ang bilis at ang lakas ng kanyang pangangatawan. Sa nakalipas na NSCUAA, nagawa mang biruin ng tadhana si Aries matapos kapusin ng hangin at mahimatay sa pagtatapos ng 400m dash ay nagawa pa rin niyang makuha ang ginto para sa larong iyon. Sa bawat pagtakbo ay ibinibigay niya ang lahat ng kanyang makakaya dahil ayaw niyang manghinayang sa bandang huli kung masasayang ang kanyang pagkakataon na patunayan ang kanyang kakayahan. Sakit ng katawan at kawalan ng oras naman para sa sarili ang minsang nagiging dahilan niya upang maisipan na tumigil na sa pagtakbo ngunit ayon nga kay Aries, Nasa puso pa rin ang pagtakbo, kaya ko lang naman nasasabi (na titigil) kasi hirap na hirap na sa training, hindi naman kasi kami makina.
sundan sa Pahina 7

Ang Karera ng Buhay ni Aries Toledo

isinulat ni Ellaine Aquino

Unang araw - Intrams Isyu 2013

BALITA
CLSU COLLEGIAN

www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

CAS nangibabaw sa athletic events


ni Julius Dinglasan

Nanguna ang College of Arts and Sciences (Unit V) sa athletic games matapos angkinin ang pitong gintong medalya sa limang magkakaibang kategorya sa university intramurals kahapon. Nagmula ang karamihan ng medalya sa track events matapos pagharian ng Unit V ang parehong men and women division sa 800 meter at 3000 meter run. Ibinulsa ni Jeffrey Aquino ang unang ginto ng koponan matapos talunin ang mga kalaban sa 800 meter run na sina Jay Rabang (Yunit I) at Joselito Pascual (Yunit 6) na naiwanan sa pangalawa at pangatlong puwesto. Sinundan naman ito ni Marlyn Reserecsion at Meri-

ane Bilaag na parehong nagmula sa Yunit V ng angkinin ang gold at silver medal sa womens division sa parehong kategorya. Dinagdagan pa ito ni Ace Abalos matapos umarangkada sa 3000 meter run at tanghaling kampeyon matapos talunin sina Arwin Obedoza (Yunit I) at Abraham Aquino (Yunit III) na nagtiga sa ikalawa at ikatlong puwesto. Hindi din nagpahuli si Vanessa Laureta ng parehong yunit matapos maunahan sina Joshyll Villena at Wilrose Baltazar ng Yunit I na nagbigay ng pang apat na ginto sa koponan na mula lamang sa track events. Walang pagod namang ipinaglaban ni Arvin Obedoza

ng Yunit 1 ang una nitong ginto matapos iwanan sina Abrahan Aqiuno (Yunit III) at Rogelio Sison (Yunit I) sa 10000 meter run. Namayagpag naman ang manlalarong si Reymark Velasques na mula din sa Yunit V ng ibigay ang pang limang ginto ng koponan matapos ibaon sa ikalawa at ikatlong pwesto sina Marc Bryan Cervantes (Yunit IV) at Angelo delos Santos (Yunit III) sa shotput finals men. Samantala, nanguna ang Unit I sa shotput women ng makamit nila Queenifer Habon at Mikah Gomes ang una at ikalawang pwesto at iwanan si Princess dela Cruz ng Unit II sa ikatlong pwesto. Ibinigay naman ni Aries

Toledo ang pang-anim na ginto matapos panghawakan ang long jump finals kontra kina Mandy Valdez (Unit I) at Set Michael Reyes (Unit IV). Nagtagumpay namang ipako nila Reymark Velasquez at Aries Toledo ang tagumpay ng koponan matapos makamit ang pang-pitong ginto at talunin si Jan Jan Ronito ng Unit VII. Hindi naman nagpahuli ang Unit II matapos dominahin ang ikalawa at ikatlong pwesto sa javelin throw women at iuwi ang ikalawa at ikatlong pwesto. Sa kabuuan, pito ang kinamal na ginto ng Yunit V, dalawa sa Yunit I at isa sa Yunit II sa unang araw ng athletic games.

Educ sisipa na sa cross-over semis


Agri at CAS nagtala ng unang panalo
ni Van Alen Lumandas

CAS nangunguna
...mula sa pahina 1

Dinurog ng top-seed Education ang lupon ng Veterinary Medicine, 2-0 at hiniya ang koponan Business Administration and Accountancy, 2-1, sapat upang maipagpatuloy ang kanilang kampanya sa pagtatanggol ng kanilang titulo sa larong sepak takraw na ginanap sa CLSU field kahapon. Pasok na sa cross-over semis ang Mighty Educ matapos pang-ibabawan ang bracket A ng round-

robin tournament. Dinomina naman ng nakaraang taong 1st runner-up Agriculture ang bakbakan kontra Fisheries, 2-0. Sa tingin ko ay hindi magiging madali ang pagpasok namin sa cross-over game dahil sa galing ng team ng CAS at CEn, pag-amin ni Julius Butay, team captain ng Agris. Pero gagawin namin lahat para lang makapasok ulit sa championship game. Hindi kami basta-basta papadaig sa ibang team. Basta

we will do our best ang God will do the rest, dagdag ng senior Agri student. Samantala, sa bracket B ng tournament, nakabawi ang CAS power nang lampasuhin ang Engineering matapos magpader ng iskor na 2-0. Matatandaang inilaglag ng Engineering ang CAS sa labanang magdidikta kung sino ang papasok sa cross-over round noong nakaraang taon.

habang ang bagong yunit na College of Home Science and Industry ay nanatili sa huling pwesto matapos kapusing makakopo ng ginto ngunit mayroon naman itong apat na pilak at tatlong tanso. I am not surprised, ani Santos. Magkakatalo sa ball games. Mahina sa ball games ang Engineering samantalang malakas ang Education sa baseball, softball men at women habang usual contender na ang CAS, Educ at Agri sa championships, paliwanag nito. Idinagdag pa ni Santos na maaaring mababago pa ang resulta ngayong araw.

Unang araw - Intrams Isyu 2013

BALITA
CLSU COLLEGIAN

www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

CAS pinayuko ang womens futsal champion


ni Karina Yvonne D. Pascua

Pinataob ng College of Arts and Sciences (CAS) ang nagtatanggol na kampeong College of Business Administration and Accountancy (CBAA) sa eliminasyon sa womens futsal na ginanap kahapon sa Tan Yankee MultiPurpose Gym. Sinimulan ni Patricia Calahi mula sa CAS ang pagpuntos subalit nakabawi agad

ang CBAA nang masipa ni Mary Joie Palado ang isa para sa kanyang kolehiyo. Sunud-sunod na puntos ang pinader nina Sharmaine Alvarez, Tiffany Linsangan at dalawang goal mula kay Shaira Pajarillo ng CAS. Hindi na namin aim muna ang finals, ani Kathleen Tayao, team captain ng CBAA. Ang College of Ag-

riculture (CAg) ang kanilang focus sa kasalukuyan para sa huling laban bago ang crossover semis, dagdag niya. Samantala, hiniya ng CAg ang College of Engineering (CEn) sa kanilang pagtatapat, 5-0 habang dinurog naman ng nakaraang finalist na College of Veterinary Science and Medicine (CVSM) ang College of Fish-

eries (CF) sa iskor na 6-0. Kaugnay nito, binigo ng College of Education (CEd) ang bagong yunit na College of Home Science and Industry (CHSI) mula sa mahigpit na tunggalian kinahapunan, 2-1 habang hindi naman napigil ng malakas na pagbugso ng ulan ang CBAA nang magwagi ito kontra CEn sa kanilang laban, 1-0.

Ang karera

...mula sa pahina 5

May mga panahon din na huminto siya sa pagtakbo, ito ay nang tamaan siya ng sakit na Dengue. Muli siyang bumalik sa pagtakbo noong siya ay nasa Third Year High School matapos na muling mahikayat ng kanyang mga naging guro sa Cuyapo National High School na sina Mrs. Aya Corazon at Mr. Judy Jaravata na kapwa nagsilbing coach at trainer niya. Bukod sa track and field ay naglalaro din siya ng basketball, sa katunayan mas hilig daw talaga niya ang larong ito ngunit mas nakita ang kanyang potensyal sa pagtakbo kung kayat hindi niya gaanong nabigyan ng oras ang paglalaro ng basketball. Si Aries ay kasalukuyang isang second year free section, kasapi din siya ng Synergist Circle kung saan nakahanap siya ng mga taong susuporta at aalalay sa kanya bilang isang atleta at indibidwal. Bukod sa kanyang pamilya, kasintahan at mga kaibigan ay ang kanyang mga kasama sa Synergist Circle ang nagsisilbing kanyang inspirasyon sa buhay. Inspirasyon na nagtutulak sa kanya upang ipagpatuloy ang nasimulang mahabang karera ng kanyang buhay. Hindi man mabigyan ng pagkilala ang atletang ito kagaya ng pagkilala sa ibang atleta ng ating unibersidad, patuloy lamang siya sa kanyang pagtakbo patungo sa kanyang mga pangarap. Hindi nawawalan ng pag-asa na sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap sa kanyang napiling larangan, kagaya ng kanyang pagtakbo sa bawat kompitisyon, sa dulo ay makakamit din niya ang inaasam na tagumpay. Tagumpay na kanyang pinaghirapan, pinaggugulan ng panahon, pinagbuhusan ng lakas at dedikasyon at higit sa lahat, isang tagumpay na nararapat para sa lahat ng kanyang mga sakripisyo at paghihirap. Hindi man sapat ang suporta mula sa mga tao na dapat ay higit na umaalalay sa kanya at kumikilala sa kanyang angking galing, patuloy pa rin siya sa pagtakbo patungo sa pagdakip ng kanyang mga minimithi. Ito ay para na rin sa mga taong nagsisilbing kanyang inspirasyon, mga taong hindi niya inasahan na gagabay sa kanya, mga taong higit na nakakakilala at nakakaunawa sa isang Aries Baez Toledo.

CAS namayani sa sofball games


ni Paul John Villamor

Nanatiling malinis ang rekord ng nagdedepensang kampeon na CAS at runnerup Education sa eliminasyon sa softball men kahapon. Agarang pinadapa ng CAS power ang CBAA sa tatlong inning na sagupaan, 8-0 at nagawa naman nitong maselyuhan ang laban kontra Fisheries buhat sa dalawang run nilang kalamangan, 6-4. Dinispatsa naman ng Mighty Educ na siyang kumobra ng pilak sa mens softball noong nakaraang intrams ang Veterinary Science and Medicine matapos itong pasukuin sa 9-0 na abante sa girian. Hawak ngayon ng CAS ang unang puwesto sa bracket A, 2-0 habang magkakadikit naman sa unahan ng bracket B ang Educ, Agriculture, at Engineering. Nakatakdang matapos ang tig-tatatlong laro sa eliminasyon ng walong koponan ngayong araw bago umusad sa semi-finals na magaganap

sa huling araw ng intramural games. Samantala, nakapagdikit ng dalawang-sunod na panalo ang CAS na nagbigay daan upang hawakan nila ang liderato sa bracket A ng softball women sa eliminasyon. Sumiklab ang pagnanais ng CAS power na maidepensa ang kampeonato sa naturang laro matapos magsumite ng 10-0 bomba kontra Veterinary Science and Medicine at mamayani buhat sa 6-1 na kalamangan sa CBAA. Tablado naman sa rekord na 1-0 ang Education at Agriculture sa bracket B. Matatandaang ang CAS at Agri ang nagbanggaan sa finals noong nakaraang intramural games. Samantala, patuloy pa rin sa paghahanap ng unang panalo ang VetMed at CBAA sa bracket A gayundin ang Engineering na bigo sa dalawang laban at CHSI sa bracket B sa pagtatapos ng unang eliminasyon.

Unang araw - Intrams Isyu 2013

BALITA
CLSU COLLEGIAN

www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

Educ wagi sa womens basketball


ni Jessa Rarama

Napasuko ng College of Education ang College of Engineering sa iskor na 79-4 bago matapos ang huling kwarter ng Womens Basketball na ginanap sa Multi-Purpose Gym kahapon. Pagkaubos ng manlalaro dahil sa pagkapagod at pagkakainjured ang naging dahilan upang sumuko ang Engineering na hindi man lang nakapagtala ng puntos sa ikalawa at ika-apat na quarter. Samantala, pinataob naman ng College of Arts and Sciences ang College of Business Administration and Accountancy ng sila ay luma-

mang ng 74 na puntos, 94-20. Nagbuslo naman ang College of Veterinary Science and Medicine ng 45 puntos na nagpataob sa 11 puntos na itinala ng Engineering, habang nagwagi naman ang College of Agriculture ng sila ay kumamada ng 54 puntos, lamang ng 35 puntos laban sa CBAA. Kapwa naman nagkamit ng magkasunod na pagkatalo ang CBAA at Engineering kahapon dahilan upang mawala na ang tyansa nila sa semi finals.

Pasiklaban sa baseball nagsimula na


ni Paul John Villamor

Umukit ng solidong dominasyon ang mga kolehiyo na naglista ng panalo sa unang araw ng eliminasyon sa Baseball kahapon. Tumipa ng kumbinsidong kalamangan ang Agriculture kontra Business Administration and Accountancy, 12-0 makaraan ang pagdapa sa hukbo ng Fisheries, 9-1. Humataw naman ang Education matapos di-pahintulutan na makapagpader ng puntos sa kanilang digmaan

ang Veterinary Science and Medicine, 10-0. Sumadsad din sa koponan ng CAS power ang VetMed, 5-0 na nagbigay daan sa kanila upang makolekta ang unang panalo sa torneo. Kasalukuyang inuupuan ng Engineering na umani ng win by default laban sa Agri at Fisheries na may kartada na 1-0 ang unang puwesto sa bracket A habang nasa unahan naman ng bracket B ang CAS.

Cerezo, Reyes
Dagdag naman ni Reyes na ibinigay lang niya ang kanyang best at ipinakita na siya ang karapat dapat na manalo sa kompetisyon. Pinangunahan ng Instructional and Professional Education Department ng Institute of Sports, Physical Education and Recreation ang programa sa pamumuno ni Prof. Adonis Voltaire M. Villanueva. Hindi lang talaga dapat na maganda ka or gwapo dapat may brains ka din. Madalas pa nga sa mga kompetisyon ang question and answer ang nagdidikta ng maaaring manalo sabi ni Clarice Candelaria ng College of Veterinary Science and Medicine. Samantala, nasungkit naman ni Ronald Marcos ng College of Home Science and Industry (CHSI) at Janile Cuevas ng College of Arts
...mula sa pahina 1

Gregorio nabitawan ang titulo CEn humataw ni Albert Tolin sa karatedo


Nalugmok si Alexandra Gregorio ng College of Agriculture matapos matalo laban kay Norisa Padre ng College of Engineering, 8-1 sa elimination round ng Lawn tennis (Womens single A) sa system sa Alvarez Gym sa unang araw ng Intramural games. Maalalang noong nakaraang taon ay nakuha ni Gregorio ang kampyeonato sa iskor din na 8-1. Unprepared kasi nagkasakit ako but i did my best ,wika ni Gregorio. Practice and presence of mind during the game, kabado din ako pero syempre and Sciences ang first runner up habang lumagay naman sa second runner up sina Benidict Salapare ng CBAA at Jade Corpuz ng CHSI. hindi ko papahalata sa kalaban, ang saya haha,saad ni Padre matapos ang laban. Dinomina naman ni Charlote Ventosa ng College of Business Administration and Accountancy ang Womens Single b matapos durugin ang College of Agriculture na si Ristine Navarro at Jessyl Mea Galapon mula naman sa College of Engineering ayon sa pagkakasunod-sunod. Samantalang nangunguna si Lj Diaz ng CEn sa Mens Singles at doubles na nagtala ng dalawang panalo at walang talo mula sa Single A at doubles. Hindi man ako nanalo ay atleast naipakita ko ang concern ko sa college ko at sa sports sa pagsali ko dito ani
ni Ruwan Weerakkody at Josh Ann Aguilar

Pinuwestuhan ng Engineering ang kampeonato sa karatedo ngayong taon makaraang makalikom ito ng labing-isang ginto kahapon sa taunang intramural games. Iniuwi nina Anthony Servando ng CEn at Mariz Ganayo ng CAS ang ginto sa men and womens individual kata event. Nanguna sina Joseph Llorando ng CEn, -60kgs; Mar Lyndon Ganayo ng CAS, -67 kgs; Robert Vallier ng CEn, -75kgs; Glenn Adriano ng CVSM,- 84kgs; Ralph Servando ng CEn, +84kgs; Kimberly Arienda ng CEn,-50kgs; Mariz Ganayo ng CAS,55kgs; Camille Buenaventura ng CEn,-61kgs, Judith Fabros ng CEn,-68kgs; at Judy Santos ng CBAA, +68kgs.

MashUp

ni Ramon Rarama

KOMIKS

Mighty

ni Ren-ren Echanez

MAKE MY DAY ni Christopher Narne Fall in line ni Ren-ren Echanez

Para sa inyong kabatiran

No classes will be held. I-report sa akin ang pangalan ng faculty and subject ng sinumang magkaklase during the 50th Intramural Games.
-- Dr. Soledad Roguel, Vice President for Academic Affairs.

Unang araw - Intrams Isyu 2013

BALITA
CLSU COLLEGIAN

www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

Waing namayagpag sa bracket B ng badminton men


ni Ellaine Aquino

Tinambakan ng nagtatanggol na si Orlando Waing ng Agriculture si Melvin Valdez ng Education, 21-15, 21-17, sa unang match ng Bracket B sa mens singles badminton elimination na ginanap sa Gymnatorium kahapon. Bagamat silver medalist lamang si Waing ng nakaraang taong, itinuring na rin siyang top seed dahil si Francis Beltran ng Agriculture din na dating gold medalist ay wala ng entry sa singles. Makakaharap ni Waing ang CHSI na si Ian Calutiag matapos magtagumpay laban kay Ian Kirby Villaroman ng CEN, 21-17, 21-9, nilubog

naman ni Paolo Taplacido ng CAS si Arthur Bermudez ng CBAA, 21-10, 21-7 at inungusan ni Jopher Salvador ng CF si Joden Sumeldan ng CVSM, 21-16, 21-18. Pinangunahan din ni AJ Santiago ng CAG na ang katunggaling si Noel Pascua ng CVSM, 21-9,21-12. Nagwagi naman si Mc Kennedy Santos ng CEN laban kay Gelvin Cruz ng CF 21-6, 21-6, Rizmund Royce Satiago ng CED laban kay Mark Anthony dela Cruz ng CF, 21-18,21-11 at CHSI na si Astley Mangahas ang nangibabaw laban sa CAS na si Edmond Garcia, 2112,11-21,21-13.

Sa womens singles, hindi nagpahuli si Jasmin Joy Arciaga ng CVSM matapos niyang dominahin ng 21-19,21-3 si Bernadette Gonzales ng CF na kasunod ng pagkapanalo naman ni Danica Adsuara ng CBAA kay Via Shane Santiago ng CEd, 19-21,2112,21-12 at ni Margelyn Juan ng CAg kay Regina Carmeli Teruel ng CEn, 21-8,21-7. Nanalasa naman ang husay ng parehong CAS na sina Erlin Rose Julio at Loisa Ann dela Cruz kontra kay Joyce Ann Vicente ng CHSI, 2114,22-10, at kay Nicole Racadio ng CED Namayani naman si Carlota

Villaroman ng CEN laban kay Catherine Valeroso ng CBAA, 21-15, 21-12. Nagbandera rin si Diosa Viloria ng Fisheries laban kay Fiona Marzan ng CVSM,218, 21-13 at maging si Nina Rivera ng CHSI ay nakopo rin ang panalo laban kay Jade Villar ng CAg, 21-8,21-6. Singles pa lamang ang mga nagharap kahapon at ang mga nagwagi ay pasok na sa quarterfinals kasama ng mga magsasagupaan sa mens and womens doubles, mens doubles, womens doubles at mixed doubles. Samantala gaganapin din ang semi-finals ng bawat kategorya ngayong hapon.

CAg namayani kontra CVSM Agri pinasuko ang Educ


ni Ellaine Aquino ni Marc Ren-ren Echanez

Namayagpag ang CAg sagupaan laban sa CVSM, 3-1 (20-25,25-9,25-18, 25-12) at CBAA, 3-0 (25-14, 25-22, 25-13) sa unang araw ng mens volleyball eliminationkahapon. Umaatikabong sagupaan naman ang napagtagumpayan ng CBAA laban sa CF,3-2 (15-25, 25-17, 22-15, 25-22, 16-14). Inilampaso naman ng CEn ang CEd sa iskor na 3-0 (25-18,25-15,25-19) at umangat sa bakbakan ang CHSI kontra CAS na 3-2 (25-19, 1825, 17-25,25-21, 15-11). Napayagpag naman ang CF kontra CVSM , 3-0 (25-16, 2523, 25-22). Dahil sa kinapos na ang oras

sa laban, ginawang tatlong set sa halip na lima ang sagupaan ng volleyball women sa unang laro at napagtagumpayan muli ng CAg ang dalawang laban kontra CF 2-0 at CVSM 3-0. Samantala, dinomina naman ng CVSM ang CEn , 3-1, habang nanguna naman ang CEd kontra CBAA, 3-0 at dalawang beses din nagwagi ang CAS laban sa CHSI at CBAA na parehong may iskor na 3-0. Kung dati mula elimination hanggang finals may 13 matches, ngayon ay 16 na nung inayos ng ISPEAR dahil sa walong yunit na tayo, saad ni G. Raginald Mendoza, game supervisor ng volleyball women.

Muling nagpakitang gilas ang kasalukuyang naghahari sa football na Agriculture nang tambakan nila ang Education 3-0, sa huling laban sa unang araw ng 50th intramural games. Nagpukol sila ng tatlong sunod-sunod na goal sa unang bahagi ng laro, dahiln upang hindi na makabawi ang Educ, habang panalo din sila sa ikalawang laro nitong umaga kontra VetMed, nang hindi sumipot ang CVSM sa tinakdang oras (10). Samantala, naitakas ng CAS ang panalo kontra CEn ,2-1 nang magtala sila ng dalawang sunod na goal

2-3, sapat na upang isahan ang CEn . Never say die, sambit ng isang manlalaro. Hindi raw sila susuko hanggat kaya nila, ani pa niya. Sumabak muli ang CEn sa kanilang pangalawang laro sa elimination round kontra CBAA upang makabawi sana sa pagkatalo nung umaga ding yun ngunit habang umiinit ang bakbakan, biglang bumuhos ang ulan at bahagyang natigil ang laban ngunit hindi nagpapigil ang dalawang kuponan nang pagkasunduang ituloy ang laro at idineklarang tabla din ang laban, 1-1.

You might also like