Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Kgg. Mayor Victorino Rodillas Municipal Mayor Majayjay, Laguna At Mga Miyembro ng Sangguniang Bayan Ng Majayjay c/o Kgg.

Lauro Mentilla Vice-Mayor Majayjay, Laguna

Setyembre 14, 2013

Paghahabol (Claim) Laban kay Israel Builders And Development Corporation (IBDC) Mahal na Kgg. Mayor Rodillas at mga Miyembro ng SB: Ako, __________________________, may sapat na gulang at may tirahan sa Brgy. ______________________, Majayjay, Laguna, ay naghahain ng isang paghahabol (claim) para sa danyos perwisyo laban kay IBDC dahil sa perwisyo, pinsala o kapinsalaan na akin at ng aking pamilya na natamo dahil sa water system na ginawa sa ating Bayan ni IBDC na nagbigay ng pabigat sa akin at sa aking pamilya dahil kami ngayon ay napilitang bumili ng mineral water o magpapainit ng tubig o umigib ng tubig sa malayo dahil hindi namin mainom ang tubig na nangagaling sa mga tubo ng tubig na inilagay ni IBDC o dahil sa kawalan ng tubig o ang ilan sa aming pamilya ay nagkasakit pa ng pagtatae dahil sa nainom na tubig na nanggagaling sa tubo ng tubig na inilagay ni IBDC. KAUGNAY NITO, AKO AY NAGHAHAIN NG ISANG PAGHAHABOL (CLAIM) LABAN KAY IBDC NA BAYARAN ANG DANYOS PERWISYO NA AKING NATANGGAP AT NG AKING PAMILYA NA HINDI BABABA SA P_____________. Na kaugnay ng aking nasabing paghahabol, ako ay humihiling sa inyo na sana po ay huwag ninyong taasan ang singil sa tubig hanggang ako ay hindi nababayaran ni IBDC sa aking paghahabol na danyos perwisyo (damages). Bago po ninyo kaawaan si IBDC, sana po ay ako at ang aking pamilya muna ang inyo kaawaan dahil ngayon ay gumagastos kami sa pagbili ng mineral water o paginit ng tubig o pag-igib ng tubig dahil hindi namin mainom ang tubig na galing sa inilatag na tubo ni IBDC. Lubos na Gumagalang, ______________________

You might also like