Im Inlove

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 350

IM INLOVE All Rights Reserved 2011 (c) peterpan26

Introduction:

Teenage love is just normal. Only those abnormals and manhids don't feel this thing. This is a story of teenagers who can't just resist the feeling of being inlove <3

Main Characters:

Ella Dimalanta Patrick Rivero Tammy Magtoto Jason Rivero

Supporting Characters:

Britney Winston Tikoy Cassie

CHAPTER ONE~

Ako si Ella Dimalanta. Third year high school. Ako yung tipong nerd, mataray, masungit at higit sa lahat palaban. Wag niyo nang natungin pa kung bakit Dimalanta ang apelido ko. Hinding hindi talaga ako malalanta. Haha. Hindi joke lang.

Si Tammy Magtoto naman ang bestfriend ko, sister ko, kambal ko since birth. Since birth nga ba? Forever nalang. XD Siya itong maganda, habulin ng mga lalaki, may pagkataray din. Natulad siguro sakin. Haha. Lagi ko siyang maasahan. Totoo siyang kaibigan.

Si Patrick Rivero naman ang bad boy heartthrob. Siya ang gwapo, mayabang, astig. Pinanganak na panira sa buhay ko. Nakakaasar, sobrang makulit. Hayy naku, sasali pa kasi siya sa grupo.

Si Jason Rivero naman ang kapatid ni Patrick. Baliw na baliw si Tammy sakanya. Paano ba naman kasi, lifesaver niya, gwapo, matalino, mabait. Saan ka pa? Kaysa naman kay Patrick na hindi ko alam kung kapatid niya talaga.

So, yung other characters, kilalanin niyo nalang sila dito sa story. Para naman may suspense diba? xD

CHAPTER 2~

Pagpasok ko palang sa school, panira na kagad itong si Patrick.

"Good Morning Ella. Musta tulog mo kagabi? Napanaginipan mo ba ako?" Tanong si Patrick sakin.

"Nabangungot nga ako kagabi eh." Sagot ko naman.

"Talaga? Bakit naman?" Si Tammy na ang nagtanong.

"May nakita kasi akong demonyo eh." Sumbat ko habang may emphasis sa pagkasabi ko ng demonyo.

"Sino naman?" Tanong ni Tikoy sakin.

"Sino pa ba? Si Patrick syempre." Natatawa kong sagot sakanila.

"Kung demonyo man ako, ako na ang pinakagwapong demonyo." Natatawa namang sagot ni Patrick.

"Bakit? Gwapo ka ba?" Tanong ko kay Patrick.

"Oo. Madaming nagsasabi na gwapo ako eh." Sus. Ang epal naman neto.

"Sino? Nanay mo?" Tanong ko ulit sakanya.

"Oo. Pati tatay ko." Iba ka rin eh noh? Sira!

"Ang sweet niyo naman guys. Pero mas sweet pa rin kami ni Mocha (Winston)." Sabi ni Britney na parang nang-aawat na rin. Buti naman.

"Syempre naman Vanilla (Britney). Tayo pa? Walang tatalo." Sagot naman ni Winston.

"Nakakainggit naman kayo guys. Kami nalang yata ni Tikoy ang walang partner dito. Andyan si Ella at Patrick, Si Britney at Winston. Hayy." Nakasimangot na sabi ni Tammy.

"Anong pinagsasabi mo dyan Tammy? Studies first dapat. Books before boys." Sabi ko naman kay Tammy para iparinig sa Patrick na yan kung nakikinig man na kung may balak manligaw, wala sakin yun.

"Bro, Patrick, narinig mo yun? Baka wala kang pag-asa kay Ella kapag niligawan mo siya." Naku Tikoy, wala talaga.

"Ako? Manliligaw sakanya? Eww. Hindi ako pumapatol sa mga nerd. Mas gusto ko pa kay Tammy." Sagot naman ni Patrick na akala mo naman kung sinong matalino para pagsabihan ako ng nerd.

"Naku naman Patrick. Andyan si Ella oh? Bakit ako pa ang magugustuhan mo?" Sagot naman ni Tammy.

"Ayoko nga sakanya. Eww." Mas ewwwww ka Patrick. Urgh. Kainis!

~RRRRRIIIIIIINNNNNNGGGGGG!!!!

Nagring na ang bell at pumunta na kami sa classroom.

CHAPTER 3~

Pumunta kaming nagpractice ng volleyball. May laban kasi kami next next week. Habang hinihintay naming si Ms. Ortega, tambay lang muna ang barkada.

Tammy, may tanong ako. Sabi ni bakulaw Patrick.

Ano yun Patrick? Sagot naman ni Tammy.

Paano naman kayo naging magbestfriends ni nerd? Masyado kang maganda para makisama sakanya. Gosh. Nerd pala hah? Oo, nerd ako pero atleast hindi bakulaw at utak ipis. Urgh.

Masyado ka naman yatang mapanglait Patrick. Ikaw nga yata itong may gusto sa bestfiend ko eh. Ayieeh. Sagot naman ni Tammy. Sus, hindi magkakagusto sakin yan at lalo naman ako. Hinding hindi ako magkakagusto sa bakulaw tulad niya.

Ako? May gusto sa bestfriend mo? Kadiri naman. Hindi mga katulad niya ang type ko. Syempre yun namang mga kalevel mo. Tulad mo. Ikaw. Buti naman at marunong sumagot si Patrick kahit utak ipis pero wag lang niyang sasaktan ang bestfriend ko kundi lagot siya sakin.

Hoy Patrick Rivero. Kung may balak kang ligawan ang bestfriend ko? Aba, kailangan mo munang dumaan sakin bago mo marinig ang matanis na oo ni Tammy. Sabi ko. Hindi na ako makapagpigil eh.

Brad, paano na yan? Baka mahihirapan kang manligaw kay Tammy. Dadaan ka pa kay Ella eh. Mahirap yan. Singit naman ni Tikoy.

Oo nga. Tama si Tikoy. Si Ella Dimalanta? Sus. Kaya walang nanliligaw diyan eh. Singit ulit ni Britney.

Buti nalang hindi ko na kinailangang dumaan pa kay Ella para lang ligawan si Mocha (Britney). Sabay yakap ni Winston kay Britney.

Hindi ako natatakot sa nerd na yan noh? Gagawin ko ang lahat para kay Tammy. Sagot ni bakulaw na nagpapakabakulaw na naman.

Buti nalang at tinawag na kami ni Ms. Ortega para simulan ang practice dahil kung nagtuloy-tuloy pa yung kanina, patawarin ako ng Diyos, baka napatay ko na ngayon ang bakulaw na yun.

Pagkatapos ng practice namin, naghang-out muna kaming magbabarkada. Habang naglalakad papunta sa tambayan, may nabangga si Tikoy. Isang magandang babae. Si Tikoy naman, mainlove yata kagad dun sa babae.

Ay sorry miss. Nasaktan ka ba? Tanong ni Tikoy sa babae na kanyang nabangga.

Ah hindi. OK lang ako. Uhm, ikaw ba? Sagot naman nung babae.

Ok lang din. Uhm, ako pala si Tikoy. Ikaw? Pagpapakilala ni Tikoy.

Ako si Cassie. Nice meeting you Tikoy. Sige, una na ako. Sabi nung babae.

Itong si Tikoy naman talaga oh. Pagdating sa babae, iba! Mas OK pa siya kaysa kay bakulaw.

CHAPTER 4~

Practice ulit namin ng volleyball. Pagkatapos ng practice namin, napagpasyahan namin na pumunta muna sa resort nila Patrick para tumambay at magswimming na rin.

Gosh, ang ganda naman pala dito. Ngayon lang ako nakapasok. Sabi ni Tammy na makikita mo talaga ang pagka-wow niya. Palagi kasi siyang hindi pinapayagan ng kanyang Daddy na sumama samin dito eh. Buti naman at napayagan siya ngayon.

Kung magdedate tayo. Date na dinner lang, gusto mo dito tayo Tammy? Aba, ang lakas naman ng loob nitong bakulaw na ito para magtanong ng ganyan sa bestfriend ko.

Pwede na rin. Ang romantic din naman dun oh. Sa may garden. Tara, dun muna tayo. Sagot at sabi ni Tammy habang hinihila ako papunta dun sa garden ka kanyang tinuturo. Sumunod nalang yung mga iba.

Guys, pupunta na kami ni Winston magswiswimming. Pati na rin pala ni Britney. Sama kayo? Tanong ni Tikoy sa min.

Since wala pa kami sa mood magswimming. Hindi kami sumama. Kaming tatlo na lang ang natira. Ako, Tammy at Patrick.

Nabobored na ako. Tara, swimming na tayo or maglibot-libot nalang muna. Sabi ni Tammy sa min.

Wala akong choice kundi sumama sakanya. Alangan naman maiwan ako kasama nung bakulaw na Patrick na yun.

Pero buti nalang at hindi siya sumama samin. Nagpaka-loner siya dun. Haha. (Nakakatawa?) Wala lang. xD

Bumili muna ako ng maiinom namin ni Tammy.

Habang naglalakad si Tammy malapit sa pool, natamaan siya ng bola kaya siya malapit na nahulog sa pool. Buti nalang at niligtas siya ng isang lalake. Malayo kasi ako nun kay Tammy eh.

Sa kamalasan naman, nung papunta na ako kila Tammy, Tumakbo si Patrick para habulin ako.

Anong nangyari kay Tammy? Tanong ni bakulaw sakin?

Ewan ko sayo. Sagot ko naman habang nakataas pa ang kilay.

Malapit na kami ni bakulaw ng nahulog na pala sa pool si Tammy at nung lalake na nagligtas sakanya.

Tammy? Kuya? Anong nangyari dito? Tanong ni Patrick habang inaabot ang kamay para tulungan si Tammy na umahon.

Kuya? Kuya mo siya? Tanong naman ni Tammy.

Aba, may kapatid ka palang gwapo. Sabi ko naman. Para inisin na rin siguro si Patrick bakulaw kaya ko yun sinabi.

Gwapo din naman ako hah. Diba kuya? Sabi ni Patrick habang inaakbayan si Tammy.

Oo naman. Oh sige, maiwan ko muna kayo Patrick. Magbibihis na ako. Pupunta pa ako sa bahay nila Cassie eh. Sagot naman nung kuya niya. Cute din naman yung kuya ni Patrick. Mas gwapo kaysa sakanya. Pero sino kayang Cassie ang sinasabi nun? Hindi kaya yung nabangga ni Tikoy noon? Pero who cares naman diba.

Oopps! Yang kamay mo Patrick. Maligo ka na kung gusto mo. Ako ang mag-aalalay sa bestfriend ko. Sabi ko naman habang nakaakbay parin ang bakulaw na yun sa bestfriend ko.

Sige Tammy. Balik kayo kagad ni nerd hah? Este ni Ella. Sagot naman ni Patrick sa min habang tumatawa na umaalis.

Tse! Malunod ka sana bakulaw Patrick! Pahabol ko naman na pang-inis sakanya. Nakakainis nga siya eh. Bwisit.

CHAPTER 5~

Nasa school ako. Hinahanap ko si Tammy pero hindi ko siya mahanap. Nagtanong-tanong ako sa barkada sakaling may alam sila

Guys, nakita niyo ba si Tammy? Tanong ko sakanila.

Kanina nga rin naming siya hinahanap eh. Sagot naman ni Britney.

Pero parang nakita ko na siya kanina. Sabi naman ni Tikoy.

Saan naman siya pupunta? Hindi naman siguro siya magcucutting classes. Dagdag ni Tikoy.

Si Patrick pala? Tanong ko sakanila. Wala rin kasi siya eh.

Naku. May nakakamiss kay Patrick dito. Sabi ni Tikoy na medyo malakas ang pagkakasabi. FYI, hindi ko yun namimiss hah? At NEVER!

Ako? Mamimiss ang bakulaw na yun? Hindi noh? Hindi lang kasi ako sanay na late yun. Ganun lang yun. Depensa ko naman sa sarili ko. Baka kasi hindi ako tigilan ng mga to sa pangan gatyaw nila.

Oh, ayan na pala ang mga hinahanap niyo eh. Sabi ni Britney.

Saan kayo galing? Nagdate ba kayo? Tanong ni Winston sakanila.

Nagkatinginan lang ang dalawa pero walang sumagot.

Tammy, saan ba kasi kayo nanggaling? Kanina pa kami nag-aalala sainyo. Tanong ko dahil sa kakaiba nilang galaw.

Nerd, tumahimik ka muna pwede? May sasabihin sana kami sa inyo. Sabi naman ni Patrick.

Ano yun pare? Kayo na ba? Tanong ni Tikoy.

Tammy? Kayo na ba? Tanong ko din. Natataranta kasi ako kanina eh.

Naku nerd, sabing tumahimik ka muna eh. Sabi ulit ni Patrick sakin. Naku, nakakainis hah.

Hoy bakulaw, bestfriend ko ang tinatanong ko, hindi ikaw kaya pwede bang ikaw ang tumahimik dyan? Mataray kong sagot kay Patrick.

Oh bakit hindi kayo masyadong makapagsalita? Sabihin niyo na. Sabi ni Britney.

Oo nga Tammy. Ako ang nanenerbyos sa inyo eh. Kayo na ba? Tanong ko kay Tammy. Kay Tammy lang hah? Baka may sumagot na naman dyang iba.

Nagkakatinginan lang ang dalawa hanggang sa magring na yung bell. Pumasok kami sa classroom na hindi namin alam, hindi naming narinig ang sasabihin nila.

Patrick, since ikaw ang nakakapagsalita, ano ba talaga ang sasabihin niyo? Nanenerbyos kong tanong kay Patrick.

Ang kulit mo talaga nerd. Mamaya na nga yan. Nagdidiscuss si Maam eh. Sagot ni bakulaw sakin.

Ang yabang naman neto. Parang nagtatanong lang eh. Sabi ko naman. Tsaka asa naman kung nakikinig yan noh. Tsk.

Basta mamaya na nga lang. Ang kulit. Sagot niya sakin.

Nakakainis hah? Ano ba ang something sakanila ngayon? Palagi nalang nagkakatinginan ang dalawa. Si Patrick at Tammy. Feeling ko tuloy ang sasabihin nila eh sila na. Pero hindi pa naman ako sure. Hindi pa kasi makapagsalita si Tammy. Pero magkwekwento pa naman si Tammy sakin at magtatanong kung sakaling nanligaw si bakulaw sakanya. Hmm, ang ewan.

CHAPTER 6~

Nasa tambayan kaming lahat at naeexcite sa sasabihin ni Tammy at Patrick.

Gusto ko lang sabihin na kami na. Kami na ni Tammy kanina lang. Sabi ni Patrick sa min na nakangiti abot hanggang tenga.

Totoo yun guys. Pasensya na Ella kung hindi ko nasabi sayo. Unexpected kasi eh. Sabi naman ni Tammy.

Nice one. Congrats pare. Bati ni Winston sa kanila.

Sana tumagal din kayo tulad naming ni Vanilla (Winston). Dagdag ni Britney.

Success bro. Congrats. Job well done. Bati din ni Tikoy.

Ako nalang ang hindi bumati sakanila. Ewan ko ba. Para akong natameme sa narinig ko. Hindi ako makagalaw, hindi ako makapagsalita. Ewan. Hindi naman yata ako inlove sa bakulaw na yun. NEVER yun. Sure ako dun. Sure nga ba ako?

Tammy, nakakainis ka hah. Sabi ko nalang.

Sorry talaga Ella. Sa totoo lang matagal nang nanliligaw si Patrick sakin. Hindi ko lang nasabi sayo. Sagot ni Tammy sakin.

OK lang yun. Wala naman na tayong magagawa. Kayo na eh. Sabi ko ulit.

Nagseselos ka ba nerd? Tanong sakin ni bakulaw. Huh? Bakit naman ako magseselos? Hindi ah.

Hindi noh? Masaya nga ako para sa bestfriend ko. Pati na rin sayo. Sagot ko kay bakulaw.

Masaya ka para sakin? Talaga? Kawawa ka naman pala. Nakakainis naman to oh. Medyo plastic ako ngayon. Kunwari masaya kahit sa loob ko ang sakit sakit. Ewan ko kung bakit.

At kelan pa ako naging kawawa hah? Mataray kong tanong kay Patrick.

Matagal na. Haha. Hindi ka ba naaawa dyan sa sarili mo? At bakit naman ako maaawa sa sarili ko? Ikaw nga itong nakakaawa eh. Tsk.

Hindi ah. Bakit naman ako maaawa sa sarili ko? Sagot ko sakanya.

Kasi naman, walang may balak na manligaw sayo. Ang sungit mo kasi. Mataray at parang matanda kung mag-isip. Parang matanda kung mag-isip? Urgh. Kainis naman oh. Mas OK na yun kaysa utak ipis. Walang hiya. Napagtritripan pa ako neto.

Alam mo, nakakainis ka na eh. Kung hindi ka lang sana boyfriend ng bestfriend ko ngayon, kanina pa kita sinapak. Ano ba itong nararamdaman ko? Parang ang saya ko kahit nag-aaway na kami.

Haha. Bakit? Naiinis ka na ba? Napipikon ka na? Isa pa, sasapakin na talaga kita.

Oo. Kanina pa. Alam mo ba yun? Wala nga ako sa mood ngayon para makipag -asaran sayo eh. Bwisit. Makaalis na nga lang. Naku, naiiyak na ako. Wag munang tutulo. Please lang.

Sinundan ako ni Tammy pero hindi ko siya kinausap. Ewan. Naku, wala naman siyang kasalanan sakin. Nagseselos ba kasi ako? Hindi naman sa pagkakaalam ko. NEVER nga akong magkakagusto sa bakulaw na yun. Ang kulit ko din eh noh? Urgh.

Umuwi na kami. Ang sweet sweet talaga ni Tammy at Patrick. Hinatid pa talaga ni Patrick si Tammy sa bahay nila. Holding hands pa. Kainggit naman.

Pagkauwi ko, tinawagan ko kagad si Tammy para magsorry. Nagsorry ako sa ginawa ko kanina na hindi pagshare ng problema ko sakanya. Kanina nga lang ako umiyak sa campus eh.

OK na ulit kami ni Tammy. Pero bakit bigla nalang akong umiiyak? Parang nasasaktan ako na ewan. Ang gulo. Ang weird.

CHAPTER 7~

Pumasok ako sa school na ang tamlay. Wala akong ganang magbreakfast, wala ako sa mood. Basta, paulit-ulit sa isipan ko yung mukha ni Patrick nung sabihin niyang sila na ni Tammy.

Hoy nerd! Sigaw ng isang may boses lalaki sa likuran ko.

Ay anak ng bakulaw! Sigaw ko dahil sa sobrang pagkagulat. Naku, si bakulaw naman pala to. Bwisit.

Ako? Bakulaw? Tsk. Ano ba yan, umagang umaga sinisira na naman niya ang pag-iisip ko.

Ewan ko sayo. Syempre palagi akong mataray pagdating sakanya.

Eh bakit ang lalim ng iniisip mo kanina? Tanong ni Patrick sakin na parang concern. Naks hah.

Ano naman ang pakialam mo dun? Taray ulit kahit sa looban ko, nasisiyahah ulit ako. Ang ewan.

Bago pa man siya makapagsalita, nakita kami ni Tammy.

Ella, Patrick. Sabay na tayong pumunta sa classroom. Sigaw niya samin habang tumatakbo para habulin kami.

Good Morning baby ko. Bati naman ni Patrick kay Tammy. Natameme ulit ako.

Good Morning din bebe ko. Wala kang service ngayon? Tanong ni Tammy kay Patrick.

Wala eh. Sorry din pala kung hindi kita nasundo kanina. Babawi nalang ako. Sagot naman ni Patrick.

OK lang. Uhm, Ella, paturo naman dun sa assignment natin. Sabi ni Tammy.

Sige. Tipid ko naman yatang sumagot ngayon.

Halos loner na ako. Si Tammy at Patrick kasi, palagi na silang magkasama. Ayoko namang maisturbo sila. Si Winston at Britney naman. Alangan si Tikoy ang kasama ko, babae lang naman ang inaatupag niyan. Naku, ang hirap ng ganito.

Sa pag-iisip ko, bigla na naman akong nagbalik sa Earth nung may tumawag sa pangalan ko.

Ella! Si Tammy pala.

Oh bakit? Tanong ko naman?

Diba magpapaturo ako sayo sa assignment natin? Sagot niya sakin.

Ah, oo nga pala. Pasensya na. Nakalimutan ko eh. Sagot ko naman.

Bestfriend, bakit parang palagi kang tahimik, matamlay simula nung naging kami ni Patrick? Nagseselos ka noh? Tanong ni Tammy sakin. Bigla akong napahinto sa tanong niyang yun. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

Sus. Bakit naman ako magseselos? Hindi noh. Masaya ako para sa inyo. Kaya naman ako tahimik at matamlay kasi mag-isa na ako. Wala na akong kasa-kasama. Miss na nga kita eh. Sagot ko kay Tammy.

Pasensya pala Ella kung hindi na kita masyadong nakakasama ngayon. Uhm, sumama ka nalang samin ni Patrick. Hah? Ako? Sasama sa inyo? Wag!

Huh? Wag na. Baka makaisturbo pa ako sainyo eh. Naku. Ang hirap namang sagutin si Tammy ngayon.

Hindi. OK lang samin yun. Sama ka hah? Alang-ala sa bestfriend mo? Hindi ko naman matanggihan si Tammy.

Sige na nga. Naku, kakayahin ko kaya?

CHAPTER 8~

Nakakainis naman ito. Bakit pumayag ako na sumama sakanila? Isburbo lang ako. Masasaktan din lang ako. Ano ba yan.

Recess na namin. Pumunta kami sa cafeteria. Habang naglalakad kami papunta dun, may nabangga ako!

"Sorry po!" Sabi ko kagad.

Pagkatingin ko. Ang cute na guy! Mas cute pa kaysa dyan sa bakulaw na yan.

"OK lang yun miss. Uhm, matagal ka na ba dito?" Tanong niya sakin.

"Opo. Bakit po?" Transferee siguro ito. Naliligaw lang.

"Saan ang classroom ng Section A ng third year?" Tanong niya sakin.

Since classroom namin yun at ayokong sumama kina Tammy at Patrick, napagpasyahan kong samahan yung guy sa classroom.

"Samahan nalang kita dun." Sabi ko sa guy tsaka ako nagpaalam kay Tammy at Patrick.

"Sige Tammy, Patrcik. Ihahatid ko lang siya." Pagpapaalam ko.

Lalakad na sana kami nung guy ng biglang ..

"Hoy nerd! Balik ka sa cafeteria pagkatapos mo siyang ihatid hah? Patay ka sakin kapag hindi ka bumalik." Sana magring na yung bell pagkarating namin sa classroom. Bwisit. Eepal pa si bakulaw.

'Sige. Tignan ko nalang." Wala talaga akong balak na bumalik. Maghintay kayo kung gusto niyo. Haha.

Pagkarating namin sa classroom nung cute guy, hindi ko alam na transferee nga siya talaga at classmate namin siya. Galing naman siya sa Australia.

"Salamat sa pagsama mo sakin dito hah? Uhm, Ako pala si Christian. Bago lang kasi ako dito eh." Sabi nong lalaki sakin.

"Ah. Kaya naman pala. Ako nga pala si Ella. Ella Dimalanta." Sagot ko naman habang nakangiti.

Nag-uusap nalang pala kami ni Christian nang hindi ko namamalayan. Hindi na ako nakabalik pa sa cafeteria. Wala naman akong balak bumalik. Nakakatawa kasi itong si Christian eh. Kung anu-ano ang ikinekwento.

Nagring na yung bell. Pumasok na si Tammy at Patrick.

"Ella. Hinihintay ka namin. Bakit hindi ka na bumalik?" Tanong ni Tammy sakin.

"Sorry best. Napasarap kasi ang kwentuhan namin ni Christian." Sagot ko naman.

"Nerd, yun ba yung hinatid mo kanina?" Singit na tanong naman ni bakulaw.

"Yup dude. Im Christian. Christian Torralba. And please don't call her nerd. She's way too beautiful to call her a nerd." Singit naman na sagot ni Christian. Nice. Ang bait naman neto para ipagtanggol ako. Maganda din pala ako. Haha.

Speechless na si mayabang na bakulaw. Haha. Buti naman.

Pumasok na si Ma'am at inintroduce niya si Christian. Dun sa vaccant chair sa tabi ko siya umupo.

"Psst." Sitsit ko sakanya.

"Why?" Tanong niya naman. Grabe siya hah. Kung makapag-english naman oh.

"Thank you nga pala sa pagtatanggol mo sakin." Sabi ko sakanya. Naintindihan naman niya siguro. Kausap ko pa nga siya kanina sa tagalog eh.

"Sus. Parang yun lang naman eh. Sabay tayo mamayang lunch?" Tanong niya sakin.

"Sure." Sagot ko naman sakanya dahil wala rin lang naman akong makakasama mamayang lunch. Syempre, magdedate yung mga yun.

Nagtuloy-tuloy na naman ang usapan namin ni Christian. Hindi na kami nakinig kay Ma'am. History pa naman. Yun ang lowest ko eh.

"Hoy nerd! I mean Ella. Free ka mamayang lunch?" Tanong sakin ni Patrick.

"Hindi. Bakit?" Mataray ko namang sagot.

"Yayayain sana kitang maglunch." Tanong niya sakin. Uhm, naku! Hindi ako makapag-isip kong ano ang isasagot ko. Oo or hindi? Ay wait. Nag-oo na ako kay Christian kanina kaya dapat hindi.

"Tayong dalawa lang?" Huh? Bakit ganun naman ang sinagot ko? Mali. Urgh.

"Oo. Wala kasi akong kasama eh. Uuwi daw si Tammy." Huh? Parang gusto ko nang sabihing OO kaso lang girlfriend niya si Tammy. May Christian naman na kasama ko mamaya.

"Eh di maglunch ka mag-isa mo! May date ako!" Taray ko naman yata masyado. Hmmpt. Hayaan mo nga.

"Haha. At sino naman ang date mo hah? Haha." Ang yabang naman neto. Sapakin ko kaya.

Magsasalita na sana ako kao inunahan ako ni Christian.

"Ako. Ako ang date niya mamayang lunch. Bakit?" Buti naman at pinadalhan na ako ng Diyos ng tagapagtanggol ko kay bakulaw. Yeahbah. \m/

"Wala naman. Akala ko kasi free siya mamayang lunch. Yayayain ko sana na sabay na kaming maglunch." Sagot naman ni Patrick. Boo! Haha. Lulusot pa oh.

"Baby. Hindi na pala ako uuwi mamaya." Singit ni Tammy.

"Buti nalang babes. Akala ko mag-isa na ako." Dapat nga sana mag-isa ka nalang. Bwisit.

"Syempre hindi kita iiwan." Sagot naman ni Tammy. Gosh, kainggit ang sweetness.

Hindi namin alam na nasa harapan na pala si Ma'am. Napatayo kaming apat.

"Hindi niyo ba alam na kanina pa namin kayong hinihintay na matapos ang kwentuhan? Four of you! You get out of my class kung ayaw niyong makinig!" Nakakatakot na sabi ni Ma'am.

Alam ko naman na walang masasabing matino ang mga kasama kong napatayo kaya ako nalang ang humingi ng dispensa.

"Sorry po Ma'am. We won't do it again." Sabi ko.

"Just make sure Ms. Dimalanta or else sa guidance office ang bagsak niyo. Sit down!" Sabi na ni Ma'am.

CHAPTER 9~

Andito ako ngayon sa kwarto ko. Tapos ko na lahat ng assignment namin eh. Naisipan kong tawagan si Best Tammy.

Naku. Number busy. Baka katawag niya ngayon si Patrick.

Ang laki na talaga ng pinagbago ng buhay ko simula nang maging sila Tammy at Patrick

Hayy, ang hirap maging loner! >.<

Humiga na ako. Nag-isip ng kung anu-ano ng bigla kong nakita ang mukha ni

PATRICK!!

What the? Bakit ko naman iisipin si bakulaw? Yuck! Kadiri!

Pero teka. Nasaktan ako nung nalaman ko na sila na ni Tammy tas nandidiri ako ngayon? Ang weird ko.

Inlove na kasi yata ako sakanya. Huh? Hindi nga pwede.

Bakit ba hindi ko maamin sa sarili ko na mahal ko na siya?

KASI NGA, HINDI. HINDI. HINDI AKO MAGKAKAGUSTO SA BAKULAW NA YUN!

Bakulaw siya! Bakulaw, bakulaw, bakulaw!

Nakakainis siya! Urgh.

Hindi ko namalayan na sumisigaw na pala ako.

"Knock, knock, knock."

Binuksan ko ang pinto. Si Mommy.

"Bakit anak? Bakit ka sumisigaw?" Tanong niya sakin. Hala, lagot! Anong sasabihin ko?

"Ah mommy, may nakita kasi akong daga eh. Ayun, sumigaw na ako." Wew. Malapit na ako dun.

"Asan na? Asan na?" Natataranta namang tanong ni mommy.

"Wala na po. Nahulog dun sa terrace." Palusot ko namang sabi.

"Sige anak. Matulog ka na kung ganun. Good Night." Sabay halik sa noo ko. Ngayon lang ulit ginawa ni mommy yun after 2 days. Haha.

Umalis na sa kwarto ko si Mommy. Ako naman, napaisip ulit.

For this time, si Christian na ang naisip ko.

Ang cute niya! Pero gwapo din si Patrick. Huh? Sinabi ko yun? Erase. Erase.

Siya na ang tagapagtanggol ko kay Patrick. Buti naman.

Nung lunch pala. Yung DATE namin. Hindi ko naikwento.

Doon kami sa isang mamahaling restaurant pumunta.

Inilibre niya ako eh yung bill namin,

Php 40,000 !!!!!!!!!

Grabe. Ang mahal doon. Nagsteak din kasi kami eh. Ang sarap.

Nung bumalik na kami sa classroom, nakasalubong ko si bakulaw.

Wala na that time si Christian kasi nag-C.R. pa siya eh.

"Hoy nerd. Saan ka naman galing hah? Iniwan ka nung date mo? Haha." Ang kapal ng mukha nito.

"Hoy bakulaw. Hindi ako iniwan ng date ko. Baka gusto mo pang malaman kung saan kami kumain?" Mayabang ko namang sagot sakanya.

"Saan? Sa turo-turo? Haha." Turo-turo? Hindi yun cheap noh? Sisirain pa ang araw ko. Hmmpt.

"For your information, sa isang sikat at mamahaling restaurant kami kumain." Mayabang ko ulit na sagot sakanya.

"Ano kinain niyo dun? Baka nagdrinks lang kayo eh. Haha." Aba, baka kung doon nga tayo magdate baka wala ka pang mabili dun. Ang yabang. Ay wait. Walang date. Hindi kami magdedate niyan. Eww.

"Steak lang naman ang kinain namin dun." With taas kilay pa.

"Naghati ba kayo dahil sa sobrang mahal nun?" Insulto talaga? Nakakainis na siya hah.

"Hindi noh? Baka kapag nagdate pa tayo balot lang ang maililibre mo sakin." Hala, may sinabi ba akong date? Erase. Erase.

"Ano yung narinig ko? Kapag nagdate tayo?" Ay hindi. Paulit-ulit. Paulit-ulit. May bayad na ang rewind.

"Syempre joke lang yun. Eww naman kung tayo magdedate." Palusot ko naman para maiba narin ang patutunguhan ng usapan namin.

"Kadiri talaga. Buti alam mo." Yabang lang talaga. Kainis.

Sasapakin ko na sana si bakulaw pero dumating na si Christian.

"Sorry pinaghintay kita ng matagal. Ang dami kasing tao sa C.R. eh. Tayo na sa classroom?" Sabi ni Christian.

"Mabuti nga. Halikana." Sagot ko naman.

"Sama ka samin Patrick?" Tanong ni Christian kay Patrick. Hayy naku. Wag na.

"Wag na. May pupuntahan pa ako eh." Sagot naman ni Patrick. Buti naman.

Pumunta na kami ni Christian sa classroom.

CHAPTER 10~

~KINABUKASAN

"Hoy nerd. Free ka ba this weekend?" Tanong naman sakin ni bakulaw. Aba, yayayain yata akong magdate. Choss! xD

"Hindi naman. Bakit?" Syempre mabait pa muna bago magpakataray sakanya.

"Punta ka sa bahay namin?" Huh? Ano daw? Ako? Pupunta sa bahay nila?

"Sino pa kasama natin?" Tanong ko naman na medyo nagtaray ng konti.

"Syempre si Tammy." Sagot naman niya.

"Si Tammy lang?" Tanong ko naman. Baka OP na naman ako eh. At tsaka mahurt na rin.

"Oo. Ikaw kung may gusto kang isama." Sabi naman niya.

Hala. Wala naman akong maisip na pwedeng isama. Ayoko si Britney, Winston, Tikoy. Uhm, sino pa ba?

Tas biglang dumaan si Christian.

"Si Christian!" Napasigaw kong sabi.

Napatingin naman si Christian sa amin tsaka pumunta na rin sa amin.

"Narinig ko yata ang pangalan ko." Sabi niya.

"Oo. Uhm, free ka ba this weekend?" Tanong ko sakanya. Pumayag ka sana. Please.

"Yup. Bakit? May party ba?" Tanong naman niya. Hayy, buti nalang at free nga siya talaga.

"Wala bro. Punta ka sa bahay namin?" Si Patrick na ang sumagot.

"Sure. Ano ba meron dun?" Ah oo nga. Ano ba kasi meron dun Patrick?

"Ah.....Group study. Yun. Group study." Parang nag-isip pa siya bago niya kami sinagot.

"Sure. Looks like its already time. Lets go to the classroom." Yeah. Buti nalang talaga at free ka Christian. Hindi na ako maOOP.

~SATURDAY..

Eto na. Nagising ako ng 5:30am. Hindi ko alam kung bakit. Wala namang pasok. Hayy ako.

Iniisip ko kasi kung ano ang mangyayari mamaya. Anong susuotin ko? Paano kung biglang hindi makapunta si Christian? Mamamatay ako!

Isip ako ng isip hanggang sa 6:30am na pala. Sa isang oras kong pag-iisip, parang si bakulaw lang naman ang naiisip ko. Kainis.

Since group study DAW yun. Nagdala ako ng books. Naka-yellow blouse ako. Shorts na yung medyo mahaba. Yung hanggang tuhod tsaka nakatsinelas lang ako. Syempre, nakaeye glasses. Kaya nga ako tinatawag na nerd diba?

Sinundo ako ni Christian. Ansaveeeh? Sweet diba?

8am nung sunduin niya ako. Dumeretso na kami sa bahay nila Patrick.

"Oh, andyan na pala kayo. Pasok." Sabi ni Patrick samin habang pinapatuloy sa bahay nila. Nauna na pala dun si Tammy.

Makalipas ang isang oras na pagrereview at konting tutor, nagmeryenda kami.

Ewan ko ba kung bakit ko sinubuan si Christian. Ako pa nga itong nagserve ng food sakanya eh. Nakita ko naman si Patrick na parang nagseselos. Haha. Over naman akong mag-isip. Baka namisinterpret ko lang yun tingin niya samin.

"Babes, halika dito. Subuan din kita." Sabi ni Patrick kay Tammy. Akala niya siguro magseselos ako. Pero nagseselos nga talaga ako. Huh? Ay hindi. Joke lang. Hindi ako nagseselos noh?

Ang sweet sweet nila. Holding hands habang nagrereview, habang nagmemeryenda. Nagkukulitan pa minsan. Hayy, inggit ako. Kailan kaya ako magkaka-boyfriend? Magfofourth year na kami. Ako nalang palagi itong si hopeless sa lovelife. Pero wala naman yun sakin. Wala akong pakialam sa love. Ako yata si Ella Dimalanta. Ang tough girl. Kaya nga walang nanliligaw sakin eh.

Ako naman. Since parang ramdam ko na nagseselos si Patrick samin ni Christian, lalo akong naging sweet kay Christian.

Nagkukulitan kami, sweet kami ng KONTI lang naman.

Ayun. Buti naman at tapos na ang group study namin na nahati rin lang naman sa dalawa. Ako-Christian, TammyPatrick.

Hinatid naman ako ni Christian.

Hindi ko na maexplain itong nararamdaman ko kay Patrick. Parang ewan. Basta dapat kay Christian ako mainlove. May ganun? Ay wala. Haha.

CHAPTER 11~

Gabi na ulit at syempre, andito ulit sa kwarto ko, nag-iisip.

Ano ba kasi itong nararamdaman ko. Inlove yata ako sa bakulaw na yun. Urgh.

Puro nalang si bakulaw ang naiisip ko kapag gabi.

Nag-iisip pa ako ng biglang may gumambala sa aking pag-iisip.

*ring ring ring*

May tumatawag. Sino naman kaya yun?

Hmm, Tammy? Bakit tatawag si Tammy sakin? Ano kaya ang problema niya? Sinaktan kaya siya ni bakulaw? Lagot ang bakulaw na yan sakin.

Dali-dali kong sinagot ang tawag.

Ako: Hello Tammy. Bakit ka napatawag?

Tammy: Break na kami ni Patrick. Huhu. T_T

Ako: Sabi ko na nga ba yan ang sasabihin mo eh. Lagot yang Patrick na yan sakin. Bakit pala kayo nagbreak?

Tammy: Nalaman ko kasing may iba siyang mahal eh. Huhuhuhu.

Ako: Sino naman kaya yun?

Tammy: Hindi ko alam eh. Classmate yata natin.

Ako: Sige. Tahan na. Akong bahala sayo.

Kinomfort ko si Tammy hanggang sa nakatulog na pala siya sa kakaiyak. Hello ako ng hello sakanya hanggang sa ang Yaya na niya ang nagsabi na nakatulog na siya.

Nag-isip ako ng pwedeng gawin. Ayun naman, naisipan kong itext si bakulaw.

To: bakulaw (ganyan talaga ang nakasave na name niya sa phone ko)

Hoy bakulaw! Nakaligtas ka noon sa panliligaw sa bestfriend ko pero sa pagpapa-iyak mo sakanya, naku, wag ka nang pumasok bukas. Lagot ka talaga sakin. Baka mapatay pa kita eh.

*end of message*

Patrick's POV: (ngayon lang ito)

Nakikinig lang ako sa music ng biglang may nagtext.

Pag-open ko, hindi naman nasave ang number

From: 09XXXXXXXXX

Hoy bakulaw! Nakaligtas ka noon sa panliligaw sa bestfriend ko pero sa pagpapa-iyak mo sakanya, naku, wag ka nang pumasok bukas. Lagot ka talaga sakin. Baka mapatay pa kita eh.

*end of message*

Sus. Si Ella lang pala. Sino pa ba ang tatawag sakin ng bakulaw? SIya lang naman eh.

Reply'an ko nga.

To: 09XXXXXXXXX

Hindi mo alam ang totoo kaya tumigil ka dyan nerd. :P

*end of message*

[A/N: Yun lang ang POV ni Patrick. Di nalang sana ako naglagay. xD]

Ella's POV:

Oh, may nagtext. Baka nagreply na si bakulaw.

From: bakulaw

Hindi mo alam ang totoo kaya tumigil ka dyan nerd. :P

*end of message*

Tama nga ako. Si bakulaw yung nagtetxt.

Hindi ko daw alam yung totoo? Eh, kinwento na nga lahat sakin ni Tammy. Ano pa ba ang hindi ko alam? Utak ipis talaga.

Wala naman na akong maisip na ireply. Baka asarin pa ako neto eh.

Natulog nalang ako na naguguluhan.

CHAPTER 12~

Lunes na naman. Nakakatamad pumasok o.O

Pagpasok ko sa school, nakita ko ang barkada sa tambayan namin. Ako nalang talaga ang kulang dun kaya pumunta na din ako.

Habang naglalakad papunta dun, naalala ko na lagot pala sakin yang bakulaw na yan.

"Ayan. Kumpleto na tayo. Pwede ko nang sabihin." Sabi ni Patrick.

"Bro, don't tell me break na kayo ni Tammy." Sabi naman ni Tikoy.

Bago pa man makapagsalita si Patrick, si Tammy na ang sumagot.

"Yup. Break na kami." Sagot ni Tammy. Makikita mo talaga sakanya yung hurt at anger.

"OMG! Bakit?" Gulat na gulat na tanong ni Britney?

"Bakit hindi siya ang tanungin mo?" Mataray na sagot ni Tammy.

"Patrick, bakit ba kasi kayo nagbreak ni Tammy?" Tanong ni Winston.

"Ahh.... " Bago pa man maipagpatuloy ni Patrick ang kanyang sasabihin, nagring na yung bell.

Ang tahimik lang ng barkada ngayon. Pati ako hindi na napatay yang bakulaw na yan dahil sa pagpapaiyak niya sa bestfriend ko. Ang tahimik ko na rin.

Napagpasyahan namang magpaka-loner muna ni Tammy. Wala siyang kausap, palaging matamlay. Basta, ang daming nagbago sakanya.

Pati nga si Christian nag-aalala na samin eh.

"Bakit? Anong problema? Hindi yata ako OK ng barkada mo hah?" Tanong sakin ni Christian habang hinihintay pa namin si Ms. Ortega.

"Break na kasi si Tammy at Patrick eh." Malungkot ko namang sagot kay Christian.

"Makakahanap din ng better si Tammy." Sabi naman ni Christian.

"Sana nga." Malungkot ko paring sagot sakanya.

Si Patrick naman, ang tahimik niya. Nahurt din siguro siya. Ngayon lang nagkaganito ang barkada.

Kasalanan itong lahat ni Patrick. Kung hindi sana siya nanligaw. Kung hindi sila naging dalawa ni Tammy. Ah wait. So may kasalanan din si Tammy dito? Sinagot niya eh. Urgh. Ewan. Bakit ko ba kasi iniisip kung sino ang may kasalanan?

Basta ang dapat kong isipin ngayon ay kung papaano na kami ngayon? Papaano nalang kaya ang barkada?

Halos sa pag-iisip ko, hindi na ako nakinig sa mga klase namin. Hindi na rin ako nakapagmeryenda.

Lunch na pala. Hindi na rin ako nakakain ng lunch.

Ang payat ko na nga, hindi pa ako kumakain. Baka magkasakit pa ako.

Uwian na. 4pm pa naman kaya pumunta na kami sa tambayan. Doon tinuloy ni Patrick ang kanyang sasabihin.

"Bro, ituloy mo na." Sabi ni Tikoy.

"Ah oo. So ganito kasi yun eh. Mahal na mahal ko naman talaga si Tammy. Nalove at first sight ako sakanya. Nanligaw ako secretly sakanya for almost a year. Napagdesisyunan naming hindi sasabihin sa grupo ang panliligaw ko. Sasabihin nalang namin if magiging kami na. Ayun naman, inaasar ko na si Ella para hindi halata." Naluluhang pagpapaliwanag ni Patrick samin.

"Kaya naman pala eh. Matatapos na rin sa wakas ang pang-aasar mo sakin." Natatawa kong sabi kay Patrick.

"Nope." Seryoso niyang sagot.

"Bakit naman?" Tanong ni Winston?

"Kasi dahil sa pang-aasar ko sakanya, .... " Nanginginig na sabi ni Patrick. Naku, ituloy mo na nga lang yang sinasabi mo. Naeexcite ako.

"Kasi?" Tanong ni Britney.

"Don't tell me. .." Singit naman ni Tammy.

Hala. Parang alam ko na!

"Yup Tammy. You're right. dahil sa pang-aasar ko kay Ella, nahulog ako sakanya." Pagpapatuloy ni Patrick.

Gosh, napaiyak ako dun. Hindi ko yun inexpect eh. Tumingin ako kay Tammy. Alam ko na mahal na mahal niya talaga si Patrick.

Umiiyak na din siya tsaka umalis. Alam ko kung ano ang nararamdamang sakit ngayon ni Tammy.

Mahal na mahal niya si Patrick eh.

Sinundan kong habulin si Tammy.

"Tammy. Tammy. Tammy, please." Sabi ko sakanya habang medyo tumatakbo para habulin siya.

Buti naman at huminto si Tammy.

"Alam mo, ang sakit eh. Ikaw pa. Ikaw pa na bestfriend ko ang mamahalin ni Patrick. OK lang siguro kung sa ibang babae nalang. Pero hindi eh. Ikaw. Sayo. T_T" Sigaw ni Tammy dahil sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman ngayon.

Magsasalita na sana ako pero tumakbo na siya paalis. Hindi ko naman na siya naabutan.

Pagdating ko sa bahay, naguiguilty ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Matamlay nalang ako at nakatunganga sa kwarto.

Sinubukan kong tawagan si Tammy pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko sakanya.

Ano na ang gagawin ko? >.<

Tapos biglang bumalik sa isipan ko ang sinabi ni Patrick. .. na mahal daw niya ako.

Alam ko. Alam ng puso ko. Alam ng sarili ko na mahal na mahal ko siya pero paano?

Hindi ko siya pwedeng mahalin.

Mahal din siya ni Tammy. Bestfriend ko si Tammy. Ayokong nasasaktan ang bestfriend ko.

Naku naman. Ako ang naiipit sa sitwasyon namin.

HHHHEEEEEELLLLLPPPPPPP!!!!!

CHAPTER 13~

Another day in school. Kung kahapon tinatamad akong pumasok, ngayon naman, may kaba, tuwa, lungkot. Ewan. Basta halo-halo.

Umagang-umaga palang, malalim na naman ang iniisip ko. Mas lalo akong magmumukhang matanda neto.

Pero hindi ko namang maiwasan ang mag-isip. Lalo na kung ako ang naiipit dito.

Mahal ko si Patrick. Mahal ako ni Patrick. Pero ...

HINDI PWEDENG MAGING KAMI! >.<

Bakit ba kasi ganito?

Mahal din ni Tammy si Patrick.

Ayokong masaktan ang nag-iisa kong bestfriend.

Ako nalang ang magsasakripisyo?

Ang tanong, KAKAYAHIN KO BA?

Sabi nga nila, MAHIRAP DIKTAHAN ANG PUSO.

Hindi basta basta maaalis ang nararamdaman mo para sa isang tao.

Siguro kailangan ko pa ng taong iibigin para maglaho itong nararamdaman ko para kay Patrick.

Tapos bigla kong naisip si ..

CHRISTIAN!

Tama. Si Christian nalang ang mamahalin ko.

Buti pa yun pinagtatanggol ako. Laging nandyan para sakin. Hindi ako inaasar. Mas OK pa kaysa kay Patrick.

Ayun, yun ang Plan A. Kung hindi magwork, ano ang plan B?

Isip. Isip. Isip.

Wala akong maisip! >.<

Hindi naman mahirap mahalin si Christian diba? Kaya magwowork ang Plan A ko. Ganun talaga kaconfident.

Naku, pasensiya na kung puro ang mga iniisip ko ang nakalagay dito. Sisihin niyo si Author. Pagsabihan niyo na rin. ^^

Sige, stop ko na muna itong pag-iisip ko.

Papasok na ako sa classroom.

Nakita ko na vaccant ang chair ni Tammy.

"Wala si Tammy?" Nashock kong tanong.

"Baka late lang yun sis. Nag-emote kagabi. Alam mo na." Sagot naman ni Britney. Siguro tama si Britney. Wala pang absent si Tammy eh. Pumapasok pa rin siya kahit may sakit na siya.

Andyan na ang teacher namin pero wala pa si Tammy. Baka absent na yun. Tawagan ko kaya?

Baka hindi rin lang naman niya sagutin eh. Or baka on the way naman na siya.

Oo. On the way na siya. Think positive nalang tayo.

CHAPTER 14~

Naku. Tapos na ang first period namin pero bakit wala pa si Tammy?

Lumabas ako sa classroom. Nagbabakasakali na madadatnan ko siya.

Wala pa naman si Ma'am kaya napagpasyahan kong pumunta sa park kung saan siya madalas pumunta.

Doon ko nga siya natagpuan.

"Tammy?" Mahinahon kong tawag sakanya.

Nung nakita niya ako, lumabas siya. Tumakbo palabas ng school.

"Tammy! Tammy sandali lang!" Sigaw ko sakanya habang hinahabol.

Nagpatuloy sa pagtakbo si Tammy hanggang sa

MABUBUNGGO NA SIYA NG SASAKYAN!!

Dali-dali ko siyang itinulak at ayun ..

Ako ang nabundol.

Nawalan ako ng malay. Hindi ko alam kong nasaan ako. Madilim eh.

Pagbukas ng aking mga mata, nasa ospital na pala ako.

Si Tammy ang aking unang nakita. Siya'y umiiyak at napaiyak na rin ako.

"Tammy. Sorry na kung may nagawa man akong kasalanan sayo. Sorry kung nahulog sakin si Patrick. Wala akong balak na agawin siya sayo." Naiiyak kong sabi sakanya.

"OK na yun. Wag na nating pag-usapan. Hindi ko naman na mahal si Patrick eh. Sorry din pala tsaka thank you na rin." Mahula-hulang sagot sakin ni Tammy.

Nagyakapan na kami tas biglang bumukas ang pinto ..

Ayun, dali-daling pumasok ang barkada. Nalaman na ng lahat ang nangyari sakin at natutuwa din sila dahil nagkabati na kami ni Tammy.

"Ella, OK ka lang?" Tanong ni Tikoy sa akin.

"Syempre naman. Ako pa. OK na OK na ako lalo na't nagkabati na kami ng bestfriend ko." Tuwang tuwa kong sagot sakanila.

"Tammy, musta naman kayo ni Patrick?" Tanong ni Britney kay Tammy.

Bago pa man makasagot si Tammy, nagkatinginan muna sila ni Patrick.

Makikita mo naman na parang nag-uusap ang kanilang mga mata. Hindi ko alam kung ano man ang nais nilang ipahiwatig sa isa't isa.

"Kami ni Patrick? Sus. We're OK. We're friends na." Sagot ni Tammy.

"Weh? Prove niyo nga." Sabi naman ni Winston.

Sa una, wala pang ginagawa ang dalawa. Nagkakatinginan lang ulit. Kaya siguro kahit hindi mag-usap itong dalawa, basta magkatinginan lang sila, alam na nila kung ano ang nais sabihin ng isa't isa. Kaya din siguro nainlove sila sa isa't isa.

"Gusto niyo talaga ng proof hah?" Sabi ni Patrick habang hinihila si Tammy at kanyang yinakap. Napaiyak silang dalawa.

Hindi ko inexpect na makakaya pa nilang magsimula ulit na parang walang nangyari. Buti naman.

Makalipas ang ilang oras, umuwi na rin kami. Hindi na kami bumalik pa sa school dahil uwian naman na.

Nung nakarating na ako sa aking kwarto, tinawagan ko si Tammy.

Ako: Hello Tammy?

Tammy: Bakit best?

Ako: Wala naman. Nangangamusta lang.

Tammy: OK na OK ako best. Ikaw ba, musta na? May masakit pa ba sayo?

Ako: Sus. Ako yata si Ella Dimalanta, nawawala ang sakit basta't nandyan ka.

Tammy: At si Patrick?

Ako: Hindi ah. Kadiri naman best.

Tammy: Kadiri daw oh? Aminin mo na sakin. May gusto ka din kay Patrick noh? Ayiiiehh.

Ako: Aba, wala noh. Tsk. Ako? Magkakagusto sakanya? Mamatay muna ako.

Tammy: Sus. Aminin mo na kasi. May gusto ka rin kay Patrick. Ayiieh.

Hindi ko alam pero nakikilig ako sa panunukso sakin ni Tammy kay Patrick. Oo. May gusto YATA ako sakanya. Hindi ko alam. Ewan. Magulo eh.

Ako: Wala nga eh. Makulit? Bye na nga lang best. Gagawa pa ako ng homeworks natin eh.

Tammy: OK. Bye Mrs. Ella Dimalanta-Rivero.

*toot toot toot*

Binaba na ni Tammy ang telepono. Naku, ano na naman ba itong nararamdaman ko. Quit nalang sa plan A. Nevermind na si Plan A.

Ano na iisipin ko ngayon?

CHAPTER 15~

Umaga na naman. Papasok na naman ako sa school.

Napaaga yata akong nagising ngayon. Bakit kaya?

Dahil kay Patrick? HINDI noh!

Syempre dahil sa OK na kami. Ganun lang siguro yun. Oo, ganun lang yun.

Pagpasok ko sa classroom, hindi ko nakita si Christian.

Ang aga kaya niyang pumapasok. Hmm, baka absent or late lang yun.

Nagring na yung bell. Andyan na rin si Maam pero wala pa rin si Christian. Absent na siguro yun.

Nashocked kaming lahat sa announcement kanina ni Ma'am.

Guess what.

Nagtransfer na si Christian! :"<

Kakasad noh? Balik na daw kasi sila sa Australia eh. Huhu. Napaiyak pa talaga ako. Pero sa Saturday palang naman daw ang flight nila. Sana tinapos nalang muna niya last week niya dito. :"<

Wala na talaga yung Plan A ko. Wala na si Christian eh.

"Hoy nerd, ano ba? Wag ka ngang madrama dyan. Nakakairita." Sabi nung bakulaw na yun sakin. Aba, kung makapagsalita naman oh.

"Hoy bakulaw, hindi mo feel ang nafefeel ko. Palibhasa, nagseselos ka kasi samin nun kaya ka ganyan." Mataray kong sagot sa kanya. Tama naman ako diba? :P

"Hindi ka lang pala nerd, asa ka pa. Ako? Nagselos sa inyo ni Christian noon? Hindi ah." Sus. Nagdedeny pa. Sinabi mo na ngang mahal mo ako eh. Tsk.

"Whatever." Nakakawalang gana rin pala minsan na makipag-asaran sakanya. Hayy naku. Miss ko na si Christian.

"Class, you have a project. Its by two's. Now choose your companions." Sabi ng teacher namin. Si Ms. Ortega.

"Tammy, partner tayo?" Sabi ko kay Tammy.

"Sorry best. Si Tikoy na kasi ang partner ko eh." Hah? Hala, paano na yan? Sino na partner ko? Urgh.

"Hah? Bakit best?" At ipagpapalit pa talaga ako kay Tikoy. Hmmpt. Tampo ako. :O

"Nagmakaawa eh. Wala daw kasi siyang ibang malapitan na matalino." Sabay tawa si Tammy. Hmm, tama nga naman. Irresponsible si Tikoy eh. Eh paano naman ako? Si Patrick kaya? Hmm, WAG na.

Nakaupo lang ako. Bahala na nga lang. Ganito nalang, yung unang lalapit sakin at tatanungin niya kung pwede ko ba siyang maging partner, sasagot talaga ako ng oo.

After 2 mins. Choss. Ewan kung ilang minutes. Hindi ko naman masyadong tinitignan ang relo ko eh.

May humawak sa shoulder ko. Paglingon ko.

si Patrick Rivero lang naman.

"Bakit?" Masungit kong tanong sakanya.

"Eto naman. High blood kagad. Tatanungin ko lang sana kung may partner ka na." Sabi naman niya na parang pacute siya. Gosh, hindi siya cute. GWAPO siya eh. Huh? Hala, kayo naman. Naniwala kayo sa sinabi kong gwapo siya?

Hmm, wag kayong makilig dyan dahil joke lang yun. JOKE daw oh? Totoo naman eh.

Pagpasensiyahan na ang baliw. ..

sa PAG-IBIG ..

Joke lang. Si MS. Author oh, kung anu-ano na naman ang pinagta-type.

OK. Balik sa story.

Ayun nga, tinanong ako ni bakulaw kung may partner ako. Naalala ko yung promise ko sa sarili ko na kung sino man ang lalapit sakin at tatanungin kong may partner na ako, sasagutin ko ng OO. So, no choice ako but to answer him YES.

"OK. Ikaw ang partner ko." Nakangiti kong sagot sakanya.

Ms. Author naman, wag nakangiti, dapat masungit. Ella Dimalanta, the TOUGH girl nga diba?

Si Patrick naman, ngiting wagas ang sinukli sakin. Ang gwap--- wala. wala yun. Nevermind. LOL.

"OK class, pass that project on Monday." Sabi ni Ms. Ortega bago niya kami dinismiss.

CHAPTER 16~

Friday night. Wala akong magawa. Tinatamad pa kasi akong gumawa ng homeworks namin eh.

As usual, tulala and isip-isip mood na naman ako dito sa room ko ng bigla kong maalala yung project namin.

Tinext ko si Patrick ng ganito.

To: bakulaw

Hoy bakulaw, yung project natin. Ipapasa na natin yun next week. Wala pa tayong nasisimulan.

*end of message*

After 3 mins ng paghihintay sa reply niya, ganito ang sinabi niya.

From: bakulaw

Nerd, ikaw nalang gumawa ng project natin. Magaling ka naman tsaka kayang kaya mo yun mag-isa.

*end of message

Aba, lakas naman ng tama neto. Ako? Gagawa ng project namin mag-isa? Ano naman kasi ang ieexpect ko? Utak ipis na irresponsible na bakulaw. Ewan ko ba kung bakit siya napunta sa star section. Hmmpt.

Ganito naman ang reply ko sakanya.

To: bakulaw

Sige. Pero sasabihin ko kay Ma'am na wala kang naitulong sa project natin para wala kang grade. :P

*end of message*

Tama lang naman yung reply ko diba? Swerte naman niya kung gagawin ko yun mag-isa tas makikihati siya sa grade.

Nagreply ulit siya. Ang bilis.

From: bakulaw

Sige na nga. Bukas. Sa bahay namin. 9am. Kapag 9:01 ka dadating, ikaw gagawa ng project natin mag-isa. :P Deal?

*end of message*

Sus. Ako? Malelate? Never. Baka gusto niya 7am palang nandun na ako sa bahay nila.

To: bakulaw

Sige. Deal. Paano naman kung maaga ako bukas?

*end of message*

After 40 secs lang yata, reply na siya kagad.

From: bakulaw

Ikikiss kita sa cheeks. :))

*end of message*

Kadiri naman. Ikikiss niya ako sa cheeks? Magpapalate nalang ako. Hmmpt,.

To: bakulaw

Ayoko nga!

*end of message*

Akala ko hindi na siya magrereply pero nagreply pa.

From: bakulaw

Sige. Iba nalang. Kiss sa lips!

*end of message*

What the? Kiss sa lips? 10am nalang ako pupunta.

To: bakulaw

Kadiri ka talaga bakulaw! Wala na nga lang reward kung maaga akong dadating.

*end of message*

HIndi ko alam pero naghihintay ako ng reply niya. Hindi na siya nagreply eh. Nakatulog na siguro. Pero 8pm pa naman. Hmmpt. I don't care. I don't care daw. Naghihintay na nga ng reply.

8:10pm na Wala pa rin siyang reply. Ano ba Ella? Hindi ka inlove dun kaya wag kang maghintay ng reply niya,

After 10 mins ng paghihintay, tawag naman ang natanggap ko sakanya.

Naku, natataranta ako! Sasagutin ko kaya? Wag Ella. Baka hindi ka lang makasalita. Reject ko nalang.

Tengene! (sorry for that term) Tumawag ulit! Reject ko? Hmm, hayaan mo nga siya. Matutulog na ako. Sinilent ko nalang yung cellphone ko.

8:30pm palang natulog naku. Kasalanan 'to ni Patrick. Pero OK na yun para beauty rest nalang

Umaga na...

CHAPTER 17~

*YAWN*

Kagigising ko lang. Hayy, inaantok pa yata ko. Hmm, anong oras na ba?

Pagtingin ko sa orasan, 8:30 na pala! Hala, lagot ako. 9am ang usapan namin ni bakulaw. Kung malate ako, ako ang gagawa sa project naming mag-isa.

Bumangon na ako sa aking kama. Inayos ito tsaka bilis bilis na naligo at nagbihis.

8:55 na. Hindi na ako nagbreakfast. Buti nalang at medyo malapit lang ang bahay nila samin.

8:59am. Kumatok ako sa pintuan nila.

Yung kuya niya ang nagbukas. Ang kuya pala ni Patrick is si Jason. One year lang naman agwat nila.

Pinapasok niya ako sa loob ng bahay nila.

Pasensiya ka na Ella hah? Nagbibihis pa kasi si Patrick eh. Pakihintay nalang. Sabi ni Jason. Hayy naku. Dapat sana may parusa din siya kapag siya ang mahuli. Hindi na nga ako nagbreakfast eh.

Habang hinihintay si Patrick, tumawag si Tammy.

Ako: Oh hello Tammy.

Tammy: Asan ka ngayon best?

Ako: Andito ako sa bahay nila Patrick eh. Gagawa kami ng project namin. Bakit best?

Tammy: Bored ako eh. Tapos naman na namin ni Tikoy yung project namin. Ayoko sanang mangisturbo pero pwede ba akong pumunta dyan?

Ako: Hmm, sige. OK lang. Hindi ka naman isturbo eh. Makakatulong ka pa samin.

Tammy: Talaga best? Sige. Punta na ako dyan. Bye na.

*toot toot toot*

After 10 mins, may kumatok. Binuksan ni Jason. Ah, oo nga pala. Hindi na naming siya kinukuya. Parang barkada lang din namin siya eh.

Si Tammy na pala yun. Buti pa siya. Ang tagal ni bakulaw magbihis. Urgh. Wala kaming matatapos kung ganito. Gutom na rin ako. Pumasok na si Tammy sa loob. Umupo siya kagad sa tabi ko.

Eto ang pabulong naming pinagkwentuhan ni Tammy.

Tammy: Best. Ang gwapo naman nun. Sino siya?

Ako: Kuya ni Patrick.

Tammy: Kuya ni Patrick? Ngayon ko lang siya nakita hah.

Ako: Paano ba naman kasi best, dun siya sa Batangas nun. May resort sila dun eh, siya ang namamahala dun.

Tammy: Matagal na kayong magkakilala?

Ako: Hindi naman. Nung opening lang siguro. Crush mo best noh?

Tammy: Yup. Nalove at first sight ako best! Ang gwapo niya talaga. Gentleman at mabait. Whole package na siya.

Ako: Best, hinay hinay lang.

Tammy: Eto naman. Sayo na si Patrick basta sakin ang kuya niya.

Ako: Wag na. Baka mag-away ulit tayo dahil kay Patrick.

Tammy: Ex ko si Patrick. Single ako, single siya, single ka. Eh siya, single ba?

Ako: Aba ewan. Tanungin mo kaya.

Tammy: Nahihiya ako eh.

Ako: Sus. Ay, anong connect naman kung pagiging single natin.

Tammy: Syempre kapag single, available. Wala ng hahadlang kung sakaling may balak silang manligaw satin. Oh say?

Ako: Uyy best. Si Jason pala. Di mo maalala? Siya yung sa pool noon.

Tammy: Oh em gee! Siya yun? Shocks! Nakalimutan ko.

Bago pa ako makapagsalita, bumaba na si Patrick. Buti naman. After 30mins na paghihintay. Parusahan ko yata to.

Ako: Anong oras na bakulaw?

Patrick: 9:30

Ako: Anong oras ang usapan natin?

Patrick: 9am

Ako: So?

Patrick: Ikaw gagawa ng project natin mag-isa.

Ako: Aba, kapal din ng mukha. Kanina pa kaya ako naghihintay dito.

Patrick: Kanina pa ako naghihintay sa taas. Ikaw ang late.

Ako: Usapan natin, bahay niyo. Hindi sa kwarto mo.

Patrick: Hindi ba parte ng bahay naming yung kwarto ko?

Ako: Parte pero --

Patrick: Sige, mag-isip ka pa dyan ng dahilan mo.

Ako: Tsk. Upakan kita dyan eh.

Patrick: Tammy oh, uupakan daw ako ni Ella.

Ako: Haha. Ano yan Patrick? Hindi bagay sayo ang pacute. Haha

Patrick: Eh ikaw, bagay ba?

Ako: May sinabi ba ako.

Patrick: Wala.

Ako: Yun naman pala eh.

Tammy, Jason: Ano ba kayo, para kayong asot pusa dyan. Tama na nga yan.

Ako: Mabuti nga. Baka masapak ko pa yan eh.

Patrick: Wag. Baka pumangit ako.

Ako: Dati ka namang pangit eh.

Patrick: Magkakaroon ba ako ng libo-libong tagahanga kung hindi ako gwapo?

Ako: Isa lang naman ang tagahanga mo. Libo-libo daw oh? Kapal mo!

Patrick: Talaga naman.

Jason: Ayan, paano kayo makakagawa ng project niyo kapag ganyan kayo?

Patrick: Kami? Siya lang ang gagawa kuya.

Ako: Aba, upakan kita dyan.

Patrick: Eh late ka naman eh.

Ako: Eh ang tagal mong bumaba eh.

Tammy: Eh kung tumigil na kayo.

Ako: Mabuti nga. Wag ko nalang patulan to, baka umiyak pa.

Pumunta sa room niya si Patrick, hindi ko alam kung umiyak siya dun. Haha. Di naman siguro. Ang babaw lang eh.

After 5 mins, bumaba siya dala-dala ang mga kailangan namin para sa project. Kita niyo na. Di umiyak yan. xD Sino ba may sabing iiyak? AKO! Ano daw? xDDD Baliw si Ella!

Ako: Ganito, gupitin mo yan ng parang ganito tas ako ang magdidikit niyan dito.

Patrick: Hindi. Dapat idikit muna natin bago gupitin.

Ako: Utak ipis ka talaga bakulaw. Masisira kapag ganun.

Patrick: Sige, ikaw na matalino.

Ako: IKR. :P (I Know Right)

Si Tammy at Jason naman, nasa getting to know each other stage na. Ayun, may kanya kanya kaming table.

Table para kay Tammy at Jason na nagmemeryenda na at nag-uusap at table para samin ni bakulaw na hindi magkasundo dahil sa project namin.

CHAPTER 18~

Oh ayan, malapit na naming matapos. Anong oras na ba? Nagugutom na ako. Nanghihina na rin ako. Hindi kasi ako kumain ng breakfast eh.

Pagtingin ko sa orasan, 1pm na pala.

Ako: Wala ka bang balak kumain ng lunch?

Patrick: Kailangan nating tapusin ang project natin.

Ako: Parang ilang minuto ka lang naman kakain noh?

Patrick: Time is gold.

Ako: Time is gold? Eh 9:30 ka nga bumaba kanina. Pinaghintay mo ako ng 30 mins.

Patrick: Hindi ako nagugutom.

Ako: Pakainin mo ako.

Patrick: Swerte mo.

Ako: Swerte ko talaga kasi matalino ako kaya pakainin mo nalang ako.

Patrick: Swerte mo kasi may nagmamahal sayong gwapo.

Ako: Wala akong pakialam. Basta nagugutom na ako. Pakainin mo na ako.

Patrick: Ayoko nga.

Tammy: Oh, kain muna kayo. Kanina pa kayo dyan eh.

Ako: Salamat naman. Kanina pa kasi ako gutom eh.

Jason: Oh bro, hindi ka kakain?

Patrick: Im on diet.

Ako: Diet daw? Ang payat mo kaya.

Patrick: Mataba ka ba?

Ako: May sinabi ba ako?

Patrick: Meron.

Ako: Kelan?

Patrick: Ewan.

Ako: Baliw!

Patrick. Baliw talaga ako. ..

Ako: Buti alam mo.

Patrick: Sayo. :">

Ako: Ano?

Patrick: Wala. Kain na tayo sabi ko.

Tammy, Jason: Ayiieh. Baliw si Patrick kay Ella.

Ako: Tumigil nga kayo dyan.

Tammy: Opo, alis na muna kami.

Pagkatapos naming kumain, tinuloy ulit namin yung project namin.

Patrick: Ayan, malapit na nating matapos.

Ako: Natin?

Patrick: Oo. Natin.

Ako: Ako lang po ang gumawa niyan.

Patrick: Asa ka. Ang dami kong naitulong dyan.

Ako: Tulad ng ano?

Patrick: Pagbuhat ng mga gamit na kailangan para dito sa project natin.

Ako: Yun lang naman eh.

Patrick: Nagdikit pa ako.

Ako: Ng ano?

Patrick: Pinagdikit ko pala puso mo at puso ko.

Ako: Shut up!

Patrick: Hatid na kita sa inyo.

Ako: Kaya ko na.

Patrick: Pumayag ka naman nung si Christian.

Ako: Magkaiba naman kayo noh.

Patrick: Ah oo nga pala, gwapo ako, pangit siya.

Ako: Asa ka. Uwi na nga lang tayo Tammy.

Tammy: Uwi na tayo? Uhm, sige.

Jason: Hatid na kita Tammy.

Tammy: Sure. *to Ella* Ah best, di na ako makakasabay sayo. Sorry.

Patrick: Hoy nerd, ihahatid na ni kuya si Tammy kaya pumayag ka nang ihatid kita.

Ako: Malapit lang bahay namin. Wag na.

Tammy: Bye, una na kami.

Patrick: Bye ex ko. Bye kuya. Ingats.

Jason: Thanks bro. Ingat rin kayo ni Ella. . Kung pumayag man siya. Haha.

Patrick: Halika na.

Ako: Sige na nga.

Patrick: Maarte pa kasi.

Ako: Whatever.

Ayun, nagpahatid din ako. Mga 5pm na rin natapos. Kapagod.

Habang nakahiga ako sa kama, naalala ko ulit yung kanina. Yung mga kung anu-anong pinagsasabi ni Patrick. Hindi ko maiwasang makilig. Oo, Im Inlove. Sa taong yun. Aaminin ko na. Hindi ko na kaya.

Pero hindi ko aaminin sakanya. Ayoko pa. Wag pa muna ngayon. There is time for everything.

CHAPTER 19~

Monday na. Nakakaexcite namang pumasok ngayon.

Oo. Excited ako. Excited akong makita si ..

I mean yung project namin.

Pinaghirapan naming yun kaya ako excited.

7:25am nung nakarating ako sa school.

7:30 nagsastart yung flagcem namin kaya pumunta na ako sa field at pumunta sa line namin.

Habang hindi pa nagsisimula ang pagkanta sa Lupang Hinirang,

Tikoy: Uy Ella, musta date niyo ni Patrick kahapon?

Ako: Anong date ang pinagsasabi mo dyan?

Winston: Ay oo. GM ni Patrick kahapon. Nagdate daw kayo.

Ako: Sus. Hindi yun totoo. Wag kayong basta maniwala dun.

Britney: Pero pumunta ka sa bahay nila?

Ako: Oo.

Britney: Dun kayo nagdate?

Ako: Ano ka ba. Gumawa kami ng project namin.

Tikoy: Project, gumawa ng baby?

Winston: That means ..

Ako: Mga sira. Project natin kay Ms. Ortega ang ginawa namin. Hindi kung anu-ano dyan.

Paglingon ko sa kanan, nakita ko si Tammy at si .. Patrick.

Ewan ko ba kung bakit parang nagseselos pa rin ako kapag magkasama sila. Hmmpt.

Ang mas masakit pa sa nakita ko, pilit na inagaw ni Patrick kay Tammy yung project nila. Tutulungan yata. Aba, kelan pa siya naging gentleman? Kanina lang? Hindi pa nga ako pinakain niyan nung Saturday eh.

Winston: Selos ka noh?

Ako: Selos?

Britney: Sakanila oh. *sabay turo kina Tammy at Patrick*

Ako: Hindi ah. Bakit naman ko magseselos?

Tikoy: Kasi mahal ka ni Patrick.

Ako: Eh ano ngayon? Siya ang nagmamahal sakin at hindi ako.

Tikoy: Pero ang sweet nila noh? Bagay na bagay. Bakit ba kasi sila nagkahiwalay? Sayang!

Ako: Eh di gumawa ka ng paraan para magkatuluyan sila ulit.

Britney: Wag na Tikoy. Masasaktan si Ella.

Ako: Hindi ah. Gustong-gusto ko nga silang dalawa eh.

Winston: Gusto mo si Patrick?!

Ako: Ano?

Winston: Sabi mo gustong-gusto mo silang dalawa.

Britney: Mocha, iba sinasabi niya.

Tikoy: Hindi mo na naman naintindihan. Naku Winston. *sabay tawa*

Tumawa nalang ako. Weird nila ngayon. Isama mo na rin ako. XD

Nang makarating si Tammy at Patrick sa kinaroroonan ng barkada,

Tikoy: Kayo na ulit?

Britney: Akala ko ba mahal mo si Ella?

Winston: Saan kayo galing?

Tammy: Relax lang guys. Ang dami niyo namang tanong.

Patrick: Oo nga naman. Alam niyo, mahal na mahal ko si Tammy. Mahal na mahal ko ring kayong lahat.

Winston: Ehem.

Britney: Youre saying na kayo na ulit?

Whhhaaaaaattttt?????? Sumagot ka ng HINDI Patrick please. Masasaktan ako.

Nagkatinginan ang dalawa. Nakanganga naman ang tatlo habang nag-aantay ng sagot.

Tammy: Uhm, tapos niyo na assignment natin sa Math?

Patrick: Ah oo, nakalimutan kong gawin yun. Eto pala yung project natin Ella oh.

Ella: Buti naalala mo.

Patrick: Matalas yata memory ko.

Ella: Weh? Eh bakit ang konti ng nakukuha mo kapag exam?

Patrick: Namemental block lang ako.

Ella: Ayun, lumusot pa eh.

Patrick: Eh totoo naman. Parang hindi namemental block oh.

Ella: Sinabi ko bang hindi?

Patrick: May sinabi ka ba?

Ella: Ano?

Patrick: Wala.

At nagring na yung bell. Parang ang weweird naman yata nilang lahat ngayon. Anong meron? Anong nakain nila? Ah wait, baka si Ms. Author lang talaga ang weird. xD

CHAPTER 20~

Eto na naman. Ano ka ba Ella? Wag mong sabihin na nagseselos ka kay Tammy at Patrick. HINDI HINDI HINDI. HINDI AKO NAGSESELOS SAKANILA.

Ganito nalang. Kalimutan niyo na lahat ng mga iniisip ko tungkol kay Patrick dahil HINDI KO SIYA MAHAL.

This time, sure na sure ako about that.

Recess na. Pumunta ang barkada sa cafeteria.

Himala nga yata. Bakit ganun? Si Patrick ang kumukuha ng food ni Tammy?! Oh my Gosh. There is really something fishy going on right now.

Tammy: Oh Ella, ano sayo?

Ella: Spaghetti at Iced Tea nalang.

Tammy: Uy Patrick.

Patrick: Bakit?

Tammy: Pakikuha naman ng Spaghetti at Iced Tea para kay Ella.

Patrick: Para kay Ella. Bakit? Hindi ba siya makakuha.

Ako: Alam mo Tammy, kaya ko naman eh. Bakit mo pa uutusan yan.

Patrick: Eh kaya naman pala niya Tammy eh. Hayaan mo nga siya.

Ako: Ikaw bakulaw, anong gusto mo?

Patrick: Wala. Magsheshare kami ni Tammy sa food niya.

Speechless ako. Ano bay an. Pakiulit nga yung sinabi niya. Magsheshare sila sa food ni Tammy? Bakit?

Dumeretso na kami sa tambayan. Doon kami kumain. Over crowded kasi sa cafeteria ngayon eh.

Habang kumakain, hindi ko mapigilan na hindi tignan si Tammy at Patrick. Nagsusubuan kasi sila eh.

Tikoy: Oo nga pala dude, hindi mo pa nasasagot ang tanong naming kanina.

Patrick: Anong tanong?

Winston: Kung kayo ulit ni Tammy.

Britney: Oo nga. Sagutin niyo naman kami.

Patrick: Ah. Yun ba? Ah, hhhhi-hhhii-hhhindi.

Tammy: Yup. Hindi kami ulit. Bakit niyo naman natanong?

Tikoy: Ang sweet sweet niyo kaya.

Britney: Para saan yang sweetness niyo?

Tammy: Masanay na kayo. Ganito na kami kahit magkaboyfriend girlfriend pa kami ng iba.

Narinig niyo yun? I mean nabasa niyo? Gusto kong umiyak!

Ako: Ganun naman pala eh. Guys, masasanay din tayo sakanila.

Winston: Hindi ka nagseselos Ella?

Ako: Hindi. Basta nakikita kong masaya ng bestfriend ko, Masaya na rin ako.

Tikoy: Eh ikaw Patrick, akala ko ba mahal mo si Ella?

Patrick: Hindi yun totoo. Wala lang talaga akong maisip na allyby noon kaya yun nalang ang sinabi ko.

Tama na nga. Change topic na. Nasasaktan na ako ng sobra-sobra. Hindi pala niya ako mahal. Durog na durog na ang puso ko.

Britney: So ano yung reason ng break up niyo noon?

Tammy: May iba siyang babae. Hmmpt.

Patrick: Hala, hindi kasi ganun eh.

Tammy: Eh ano yung nabasa ko noon?

Patrick: Yung I love you sa sent box ko?

Tammy: Oo.

Patrick: Para sa cousin ko.

Tammy: Eh bakit ka naman maga-I love you sa pinsan mo?

Patrick: Kasi aalis na siya ng bansa.

Tammy: Palusot!

Sumingit na ako. Sinabi ko nalang na magbabanyo ako para mailabas ko na ang iyak ko. Hindi ko na talaga kaya ang nakikita ko at lalong lalo na yung narinig ko.

Ako: Hephep. Teka muna. Awat muna. Punta lang ako sa banyo. Parang matatagalan ako kaya kapag magbell na, una nalang kayo.

Patrick: May tissue ka? *sabay tawa*

Ako: May tissue sa C.R. At ano ang tinatawa mo dyan?

Patrick: Wala naman. Hindi ko lang mapigilan eh.

Ako: Pwes, pigilan mo. Makaalis na nga lang.

Sa banyo, iyak ako ng iyak. Hindi ko mapigilan eh.

Ella Dimalanta, the TOUGH girl, umiiyak? Ikaw ba yan Ella? At umiiyak ka dahil lang sa Patrick Rivero na yun na walang ibang gawin kundi asarin ka.

Magmamahal na nga lang ako, sakanya pa. Ano ba? At bakit ang sweet sweet nila? Akala ko ba yung kuya ni Patrick ang type ni Tammy?

Huhuhuh. T_T Kawawa ka naman Ella. Hindi ka ba naaawa dyan sa sarili mo? Ano ba? Tahan na. May klase ka pa. Madami pang lalake dyan. May ibang magmamahal sakin ng TAPAT at TOTOO.

At ayun nga. Pumunta na ako sa classroom. Malapit na din kasing magbell.

Patrick: Ang tagal mo nerd. Madami bang lumabas? *tawa ng malakas*

Ako: Tse! Tumahimik ka nga dyan.

Tammy: Patrick, wag mo nang asarin.

Patrick: Yes po.

Tammy: Oh best. Bakit napano yang mata mo? Umiyak ka ba?

Britney: Oh my gash! Umiyak ka noh?

Naku, nahalata nila. Anong sasabihin ko? Nag-away kami ni Mommy? Oo. Yun nalang.

Bago pa man akomakapagsalita, may umeksa ulit.

Patrick: Umiyak yan dahil sa sobrang hirap ilabas. Haha.

Ako: Ay hindi rin. Ang hirap kasing isuka si bakulaw eh.

Patrick: Nasa loob mo ba ako?

Oo. Nasa loob kita. Nasa puso kita. Sa tangkad mo, di ko nga alam kung bakit ka nagkasya eh. Asar. Bakit nga ba nagkasya ka pa? Yan tuloy, palagi akong nasasaktan. :((

Ako: Hindi. Wala.

Umayos na kami dahil nandyan na si Maam. Pinasa na rin pala namin yung mga project namin.

Lunchbreak, periods in the afternoon, tapos na lahat.

Uwian time na. Buti naman. Para mailabas ko na lahat lahat.

Habang naglalakad palabas ng campus,

May lumapit sakin.

Miss, ikaw ba si Ella Dimalanta? Tanong ng isang lalake sakin.

Ako nga. Bakit?

Pinapapunta ka sa Principals office.

Hah? Bakit daw?

Basta po. Inutusan lang ako.

Ah sige. Salamat na rin.

Patrick: Hala ka. Hindi mo kasi flinush kanina kaya ka pinapatawag. Haha.

Ako: Tumahimik ka nga.

Patrick: Hintayin ka namin?

Ako: Wag na. Baka matagal eh.

Patrick: Sige. Ingat ka hah?

Tama ba yung narinig ko? Ang bait naman niya that time. Ingat ka hah? Concern siya sakin? Oh my, napangiti niya ako. :">

Pagkadating ko naman sa Principals office,

Ms. Dimalanta, ikaw ang napili namin to compete in the National Math Quiz. Sabi ni principal. Naku, math naman. Madali lang yun.

Sige po sir. Sagot ko naman.

It will be done next week. Be sure to review.

OK sir.

You may now go.

Thank you sir.

Yun lang naman pala eh. Naghintay kaya sila? Baka hindi na. Hindi nga talaga.

CHAPTER 21~

Ano ba yan. Hindi ako makaconcentrate. Nasasaktan ako na natutuwa.

Nasasaktan dahil sa sinabi ni Patrick na hindi daw niya talaga ako mahal at dahil sa sweetness nila ni Tammy.

Natutuwa rin dahil sa ako ang napili nila for the National Math Quiz at dahil sa pagsabi ni Patrick sakin ng Ingat ka hah?

Waaaahhhh! Kilig vibes. Hindi parin ako makaget over up to now.

Hindi ko alam kung maiinspire ba akong gumawa ng homeworks namin ngayon pati na rin magreview or baka wala pa akong magawa dahil sa sobrang pag-iisip.

Ella, FOCUS.

Stop muna kay sadness at happiness. Go na sa mga homeworks.

Oh, nagtext si Tammy.

From: Best_Tammy

Good evening best. Uhm, may tanong ako.

*end of message*

Ano kaya yun? Nagreply ako.

To: Best_Tammy

Ano yun best?

*end of message*

Nawala na naman focus ko. Naiintriga ako eh.

Oh ayan, nagreply na.

From: Best_Tammy

Nagseselos ka ba sa amin ni Patrick best? Be honest.

*end of message*

Ano daw? Oo. Nagseselos ako pero ayokong malaman niyo yun. Sa right time nalang.

To: Best_Tammy

Anong klaseng tanong ba yan best. Syempre hindi.

*end of message*

Naku, nagsinungaling ako sa bestfriend ko. I feel so guilty. Pero not everyone deserves to know the truth naman diba? There are things na dapat ikaw lang ang nakakaalam at wala ng iba. I mean only two of you. Kayo ni God.

Wala na akong nareceive na reply ni Tammy pero text ni Patrick, I mean gm ni Patrick ang nareceive ko.

From: bakulaw

Good eve!

Gawa niyo?

Tinatamad pa akong gumawa ng mga ass.

Text pa muna?

SPECIAL MENTION:

@Tammy: Hello. Musta ka? Ingat palagi hah? Wag magpupuyat. Baka pumagit ka. Stay pretty. Love lots.

(Guys, wag mag-isip ng iba. Yung love lots na inilagay ko, expression ko lang talaga)

Group message

*end of message*

Ganyan ba talaga mag-gm ang mga lalake? Nakakatuwa. xD

Ang sakit din kasi SPECIAL MENTION si Tammy tas may LOVE LOTS pa. Balak yata nilang sirain ang focus ko sa studies ko. Or pinapaselos lang talaga nila ako?

Kainis naman oh. Ok na ako eh. Ngayon pa. Ngayon pa nilang naisipang sirain ang araw ko? Salamat sa pagsira. Maka-gm nga rin.

To: Tikoy; Best_Tammy; Britney; Winston; bakulaw

Good Evening! :) Ang saya ko. Ako ang napili nila to compete for the National Math Quiz. Review mode.

Group Message

*end of message*

Sending to 5 people

Send: 4/5 Failed: 1/5

Resend? Yes or No

Kanino ba hindi nagsend? Siguro kay bakulaw. Malas lang talaga siya. :P

Yes

Sending .

Message sending failed.

Resend? Yes or No

Ayaw talaga No nalang yata.

Yes

Sending

Message sent

After one million years, nasend na rin. Pagtingin ko sa Sent box ko, kay bakulaw nga talaga. Malas talaga siya. xD

From: Tikoy

Uyy, congrats! Treat ka bukas?

*end of message*

To: Tikoy

Hindi pa nga ako nananalo taz treat agad? Pray mo nalang na manalo ako. Traet ko kayo. :)

*end of message*

From: Winston

Nice. Review ng mabuti. Dont bring us down. :)

*end of message*

To: Winston

Syempre naman. Magrereview na nga ako eh.

*end of message*

From: Britney

Bongga! Kaya ka pala napatawag sa principals office dahil dun. Congrats teh. :))

*end of message*

To: Britney

Nagulat nga ako nung pinapunta ako dun eh. Yun pala ang sasabihin. xD Thank you na rin. :)

*end of message*

From: Best_Tammy

Wow. Congrats best. Saan daw yun? Kapag malayo, pasalubong hah? Lol. xD

*end of message*

To: Best_Tammy

Wag kang magalala best. Nasa unahan ka ng listahan ko pagdating sa pasalubong. xD

*end of message*

Si Tikoy nagtext, si Britney nagtext, si Winston nagtext, si Tammy nagtext. Si Patrick lang ang hindi. Siya pa naman ang hinihintay ko eh.

CHAPTER 22~

Wala ba talagang balak si bakulaw na icongrats ako? Kainis naman siya. :/

Itext ko kaya si Jason? Oo. Itext ko nalang. Mas matino pa yun.

To: Jason

Gandang gabi. Musta na kuya?

*end of message*

From: Jayson

OK lang ako. Medyo busy nga lang. Ikaw daw makikipagcompete for the National Math Quiz. Totoo ba yun?

*end of message*

To: Jason

Yes po. :)

*end of message*

From: Jason

Congrats! Galing mo talaga. :)

*end of message*

To: Jason

Ako pa. Ella Dimalanta yata ako. Maganda na, matalino pa. Haha. Paano niyo pala nalaman yun?

*end of message*

From: Jason

Tinext ni Tammy sakin.

*end of message*

To: Jason

Close na kayo?

*end of message*

From: Jason

Medyo. Makulit din pala siya. Haha.

*end of message*

To: Jason

Opo. Haha. Sige, review muna. Ingats!

*end of message*

Buti pa si Jason, eh yung kapatid niyang bakulaw? Waley! Don't expect nalang kasi Ella.

1 message received

Ano ba yan. Magsisimula na akong gumawa ng homework at magreview tsaka pa may magtetext.

Opening message .

From: bakulaw

*end of message*

Aba, magtetext na nga, blanko pa.

To: bakulaw

*end of message*

From: bakulaw

*end of message*

To: bakulaw

You?

*end of message*

From: bakulaw

Il

*end of message*

To: bakulaw

Ano?

*end of message*

From: bakulaw

I lo

*end of message*

To: bakulaw

You lo?

*end of message*

From: bakulaw

I lov

*end of message*

To: bakulaw

You lov?

*end of message*

From: bakulaw

I love

*end of message*

To: bakulaw

You love what?

*end of message*

From: bakulaw

I love y

*end of message*

To: bakulaw

You love y?

*end of message*

From: bakulaw

I love yo

*end of message*

To: bakulaw

Pinaglololoko mo ba ako?

*end of message*

From: bakulaw

I love ..

Yogurt! Haha. Akala mo siguro I love you noh? Pwes, hindi. :P

*end of message*

Akala ko talaga I love you yun. Magrereply na sana ako ng I love you too. Toinks. Joke lang.

To: bakulaw

Wala akong oras makipaglokohan at makipagasaran. Busy ako. Ano ba. Hindi mo nabasa gm ko?

*end of message*

From: bakulaw

Nabasa ko. Congrats nalang. Bye. *end of message*

So ganun lang yun? Congrats tas bye. Pinaasa pa ako nung una. Kainis na bakulaw! Mas lalong nawala ang focus ko! >.<

CHAPTER 23~

Ahhhhh.

Nakatulog pala ako kagabi. Unat unat muna.

Anong oras na?

7:00am palang naman.

Hah? 7am na???????????????????????

LATE NA AKO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Wala pa naman akong nareview at nagawang assignment.

Mommy!!!!!!!

Bakit anak?

Bakit hindi niyo ako ginising?

Sorry na. Kagigising ko lang din eh. 1am na ako nakauwi.

Sige ma, prepare my baon na

Magbabaon ka?

Ah hindi po. Yung damit ko po pala. Pakiprepare nalang.

Sige. Bilisan mo

Binilisan ko nang magbihis at kumain.

8am na. Wala na talaga. Late na ako. Nakakainis naman oh.

Pagpasok ko sa classroom,

Good Morning Maam

Why are you late Ms. Dimalanta?

I woke up late this morning Maam

Promise not to be late again. I hate late comers. Sit down.

Thank you Maam

Tammy: Bakit ka late best?

Ako: Ang late ko nang nagising eh. Wala pa akong natapos na homework natin. Badtrip.

Tammy: Kopyahin mo nalang yung akin.

Ako: Thanks best.

Lunchtime ..

Tikoy: Guys, malapit na ag exams natin at malapit na rin ang sembreak. Saan niyo gusto?

Britney: Ilocos Sur tayo. Maganda dun sa Vigan.

Winston: Nakapunta ka na dun Vanilla?

Britney: Oo. Ang ganda talaga Mocha. Lalo na sa Heritage.

Patrick: Kelan at bakit ka naman napadpad dun?

Britney: Yung lola ko kasi, doon naninirahan. So ano guys, doon tayo?

Tammy: Tignan ko kung mapapayagan ako.

Patrick: Itext mo ako kung magpapaalam ka na, pupunta ako sa bahay niyo para ipagpaalam ka sa Daddy mo.

Tikoy: Sweet naman bro.

Patrick: Hindi naman.

Winston: Ano pala ang maganda doon Vanilla?

Britney: Sa heritage Mocha. Lalo na kapag gabi. Ang romantic kaya dun.

Ako: Eh whats for food?

Britney: Bagnet, longganisa at empanada. Dapat itry niyo mga yun. Yummy.

Ako: Sounds exciting. Punta tayo.

Tikoy: Eh magkano pamasahe?

Britney: Hindi ko alam. Text ko nalang.

Tikoy: Sige.

RIIINNNNGGG!!!

Ok. Hindi na naman ako makapagconcentrate dahil sa narinig ko kanina.

Tammy: Tignan ko kung mapapayagan ako.

Patrick: Itext mo ako kung magpapaalam ka na, pupunta ako sa bahay niyo para ipagpaalam ka sa Daddy mo.

Paulit ulit ko nalang naririnig yan sa isipan ko. Nasasaktan pa naman ako. T_T

Ako si Ella, ang palaging nasasaktan pagdating sa love.

Hala, paano nalang ako makakapagconcentrate ?

FOCUS. FOCUS. FOCUS.

Patrick: Hoy nerd! Ang seryoso mo dyan.

Ako: Paki mo?

Patrick: Iniisip mo siguro yung pagjojoke ko sayo noh?

Ako: Anong joke?

Patrick: Yung I love yogurt.

Ako: Asa ka. Wala na nga sakin yun.

Patrick: Sinungaling.

Ako: Paano kung ganito, *linabas ang cellphone tsaka nagtext*

Patrick: Ano?

Ako: Basahin mo.

Patrick: *linabas ang phone*

From: nerd

Im Inlove to Patrick Rivero.

*end of message*

Ako: Ano?

Patrick: *nagreply*

To: nerd

Who you?

*end of message*

Ako: Ayun, meron na.

From: bakulaw

Who you?

*end of message*

To: bakulaw

Ako si Ella Dimalanta, ang inlove sayo.

*end of message*

From: bakulaw

So?

*end of message*

To: bakulaw

Inlove ka din ba sakin?

*end of message*

From: bakulaw

What?

*end of message*

To: bakulaw

Yabang mo rin noh?

*end of message*

From: bakulaw

Ok. Bye. Kinda busy right now.

*end of message*

Ako: Ganun ka ba talaga.

Patrick: Yup.

Ako: Yabang mo pala.

Patrick: Ikr.

Ako: Uy, hindi totoo yun huh? For example lang.

Patrick. K

Huh? Hindi man lang ako sinakyan or inasar? Weird naman niya ngayon.

CHAPTER 24~

Ms. Dimalanta, pinapapunta ka sa Principals Office ngayon na Sabi ni Ms. Ortega sakin.

OK Maam.

Sa Principals office

Excempted ka na sa exams niyo. Math lang pala. Next week, sembreak ang contest.

Huh? Sembreak?

Yup. Sa Batangas ang venue.

OK sir.

Urgh. Hindi ako makakasama sa outing ng barkada. :(

Pauwi na ..

Ako: Excempted ako sa test ng Math. :)

Tikoy: Bakit?

Ako: Makikicontest ako eh.

Tikoy: Sa exams ba natin yung contest?

Ako: Nope. Semestral break.

Britney: What? Hindi ka makakasama sa outing?

Ako: Ganun na nga yun.

Winston: Ang wrong timing naman. Fisrt outing pa naman natin. :(

Tammy: Saan naman daw?

Ako: Sa Batangas daw.

Tammy: Dun nalang tayo.

Winston: Ayoko. Dun nalang tayo sa Vigan.

Patrick: Sa Vigan nalang tayo.

Tikoy: Paano ka na Ella?

Ako: Tuloy nalang yung outing kahit wala ako.

Tammy: Sure ka best?

Ako: Yup. :<

Pagdating ko sa bahay ..

Ma, makikipagcompete pala ako for National Math Quiz

Congrats anak

Thanks mommy

Kelan pala yun anak?

Sa Sembreak daw po

Saan?

Batangas po

Batangas?

Opo. Bakit ma?

Taga doon kasi ang papa mo anak

Malay niyo po ma, magkita na kami ni papa

Hindi pwede

Bakit naman po?

Pagkatapos niya tayong iwan, gusto mo matutuwa pa akong makita siya? Na magkita kayo?

Ma, relax lang po. Hindi naman po ako makikilala ni papa kung sakaling magkikita kami

Sasama ako anak

Sige ma

Sa kwarto ko ..

Wala na bang ipinanganak na malas maliban sakin?

Nakakainis si bakulaw kanina. Nakakamiss din pala ang mga asar niya sakin.

Si mommy naman, ayaw pang magkita kami ni papa.

Ano ba yan. Makapag-gm nga muna.

To: Tikoy; Britney; bakulaw; Best_Tammy; Winston; Jayson

Musta kayo? Binagsakan lang ng malas ngayon. Ingats kayo. :*

Group Message ni Ms. Malas

*end of message*

Sending message to 6 people

Sending message to 5 people

Sending message to 4 people

Sending message to 3 people

Sending message to 2 people

Sending message to 1 person

MESSAGE SENT

Himala ba? Walang message sending failed?

After 10 mins na paghihintay,

WALANG NAGREPLY?

Urgh. Kainis naman sila. Pati si Tammy hindi nagtext. Ano ba yan.

1 message received

Opening message

From : Best_Tammy

Nakakainis ka Patrick Rivero!

Asan ka? Andito ako sa bahay niyo.

Good Evening sa iba.

Gm

*end of message*

Back

1 message received

Opening message

From: bakulaw

Andito ako sa bahay niyo.

*end of message*

What? Andito siya sa bahay? Eh bakit hindi pa ako tinatawag ni mommy para bumaba?

To: bakulaw

Ano?

*end of message*

From: bakulaw

Sorry. Wrong send ako. Kay Tammy dapat yun.

*end of message*

Sige lang. badtripin niyo ako. Nakakainis na. Aaminin ko na yata sakanila na may gusto ako kay Patrick. Palagi nalang akong nasasaktan eh. Sawa na ako. Pupunta na naman ako sa Batangas na durog ang puso.

Sabi rin pala ni Britney, romantic sa heritage sa Vigan. What if magdate sila dun?

OUCHHHHHH!!!!!!!! T_T

CHAPTER 25~

Ayun. Exam na namin. Excempted naman ako sa Math lang pala. Haha.

Hindi pala ako nagreview. Paano naman kasi BH ako. BH as in Broken Hearted </3

Kainis na Patrick Rivero. Kung bababa ako this quarter, sisisihin ko talaga yang bakulaw na yan.

Hala, ang hirap pa naman ng HIstory at Chemistry. Memorization. Patay!

Paalis na ako sa bahay.

"Goodluck sa test niyo anak." Sabi ni Mommy sakin sabay goodbye kiss sa cheeks.

"Thank you mommy" Sagot ko naman.

Habang nakasakay ako sa isang bus, nagbasa muna ako ng mga text nila.

From: Best_Tammy

Exams na natin. Goodluck sa lahat. Buti ka pa best Ella excempted sa Math. Ingats sa mga on the way dyan.

Gm

*end of message*

From: Winston

Ayun, exams na. Patay ako. Hindi ako nagreview eh. Goodluck nalang.

*end of message*

From: Britney

Oh my Gassshh!!! Exams na! Konting tiis nalang sembreak na! Woooh!

*end of message*

From: Tikoy

Exams na pala. Wala lang. Goodlck

*end of message*

Mga ito talaga, may time pa magtext. Teka, hindi na naman nagtext si bakulaw. Ayun, depress na dissappoint na naman ako.

MAGTEXT KA NGA SAKIN PATRICK RIVERO! IKAW NA LANG ANG PAG-ASA KO PARA GANAHAN PA MAG-EXAM. HINDI MO BA TALAGA AKO PAGBIBIGYAN? KAASAR KA!

Malapit na akong bumaba pero wala parin. :O

Pagkababa ko, yun naman pala eh. Siya ang una kong makikita.

Hinihintay ako? Haha.

Pagdaan ko sa harapan niya,

"Hoy nerd!" Oh? Hinihintay ba talaga ako?

"Oh? Bakit?"

"Ang sungit mo naman."

"Matagal na. Ngayon mo lang alam?"

"Matagal na."

"Yun naman pala eh."

"Hoy!"

"Bakit?"

"Goodlck sa test."

"Aba, ano nakain mo?"

"Ham at hotdog."

"Araw-arawin mo nga para bumait ka palagi."

"Nakakasawa."

"Sige. Alis na ako."

"Uy, teka lang."

"Bakit?"

"Wala. Sabay na tayo?"

"Sige."

OK. Ako na. Ako na kinikilig.

Kaya naman pala hindi nagtext, igogoodluck ako ng personal.

Ayun, OK na ulit ako. Inspired ako na magtest ngayon.

Inspired ba talaga ako? Parang nawala na focus ko!

Paulit-ulit nalang kasi sa isipan ko yung nangyari kanina.

Kinikilig parin ako! Ano ba yan.

Tapos na ang test!

SemBreak na. Pupunta na ako sa Batangas. :(

Tambay muna kami ng barkada.

"Ella, goodluck." - Tammy

"Samalat."

"Sayang talaga. Hindi ka makakasama sa Vigan." - Britney

"Oo nga eh. Hayaan niyo na. May next time pa naman."

"Ella!" Sigaw ng isang lalaki

"Bakit?"

"Pinapapunta ka sa Principal's office."

"Ah sige."

"Guys, uwi na kayo. Ingats nalang. Mamimiss ko kayo."

SA PRINCIPAL'S OFFICE...

"Ms. Dimalanta, we have a bad news for you."

"Ano po yun?"

CHAPTER 26~

"Postpone na daw ang National Math Quiz Ms. Dimalanta kaya free ka na this SemBreak. You can now relax." - Sir

"Sige po sir. Goodbye." - Ako

Narinig niyo yun? I mean nabasa niyo? Yessss, pwede na akong sumama sa outing namin.

Pero paano kung isurprise ko sila sa Vigan. Hindi ko pa sasabihin na hindi tuloy yung contest? Ang talino ko talaga.

Aalamin ko naman kung saan sila magsususulpot para alam ko kung saan ko sila hahanapin.

"Ma, andito na po ako." - Ako

"Oh anak. Naiready ko na yung maleta mo papunta sa Batangas." - Mommy

"Ah mommy. Eh kasi po hindi na matutuloy eh. Napostpone daw." - Ako

"Aish. OK lang yun anak. Mabuti narin para makapagreview ka ng maigi ngayong SemBreak niyo." - Mommy

"Mommy?" - Ako

"Bakit anak?" - Mommy

"Pwede po ba akong sumama sa outing ng barkada sa Vigan?" - Ako

"Sasama ba si Tammy at Patrick anak?" - Mommy Bakit naman tatanungin pa kung sasama si bakulaw? Syempre oo. Lahat kami. Mommy talaga.

"Opo. Lahat ko kami." - Ako

"Sige anak."

Umakyat na ako sa kwarto ko. Inaaayos ko yung maleta ko.

Hala, excited na talaga ako sa first outing ng barkada. :))

Nagtext ako.

To: Best_Tammy

Uy best, ingat sa biyahe niyo bukas hah? Kahit hindi ako makakasama iupdate mo parin ako kung nasan na kayo at kung ano ang ginagawa niyo. Mamimiss kita. :*

*end of message*

Ayoko naman talagang magsinungaling. Gusto ko lang silang isurprise.

Nagtext rin ako kay Jayson.

To" Jayson

Kuya, sasama ka sa outing?

*end of message*

Wala akong narecieve na reply niya pero tumawag naman siya.

Jayson: Hello Ella?

Ako: Bakit?

Jayson: Sasama ako sa outing niyo pero pwede bang magdala ng kasama?

Ako: Ok na ok po.

Jayson: Sige.

*end of call*

Parang yun lang hindi pa niya matext. Ano ba yan.

Hmm, musta na kaya si Patrick?

Huh? Ano naman paki ko dun?

Pero infairness, gulat ako kanina. Hinintay ba niya talaga ako para lang igoodluck ako? Grabe lang. Hanep.

KINAUMAGAHAN...

Naku. Super gm naman itong mga ito. Parang iniinggit ako. Well, sasama naman ako. Mas mahuhuli lang naman.

Nasa kwarto pa ako. Nag-uunat ng biglang tawagin ako ni Mommy.

"Anak, may bisita ka." - Mommy

Sino naman? Eh ang gm ng mga yun, nasa airport na sila. Baka si principal, teacher namin or classmate ko lang.

Pagkababa ko, laking gulat ko.

May nagbalik!

Si....

CHRISTIAN!!

Nagbalik si Christian. Still remember him? Yung nagtatanggol kay bakulaw nun.

Aba, ano kaya ginagawa niya dito? Akala ko nasa Australia na.

"Uy. Ikaw pala yan Christian. Kamusta ka na?" - Ako

"Eto. Malapit nang mawala sa mundo." - Christian

"Huh? Ano naman ang pinagsasabi mo dyan?" - Ako

"May taning na ang buhay ko." - Christian

"Christian naman eh. Wag mo nga akong biruin ng ganyan." - Ako

Wala akong narinig na sagot mula sakanya. Bigla nalang siyang lumuha.

Napaluha na rin ako. Totoo siguro ang sinasabi niya.

"Ella, may favor sana akong hihilingin sayo." - Christian

CHAPTER 27~

"Ella, pwede ba tayong lumabas?" - Christian

HIndi ko alam kung ano ang isasagot ko. Gusto ko sana pero gusto ko din namang sumama sa first outing namin.

Isip. Isip. Isip.

"Ella?"

Atat ka Christian? Wait naman. Nag-iisip pa ako.

"Uhm, sure." Sagot ko.

OK. Sa tingin ko naman tama ang naging desisyon ko.

Madami pa naman ang magiging outing namin eh tsaka bilang na rin ang oras ni Christian dito sa mundo.

"Saan tayo?" - Christian

Hmm, payag kaya siya kapag sinabi kong sa Vigan? Subukan ko nga.

"Ah. OK lang ba sayo kapag sa Vigan tayo?"

"OK lang naman. Bakit dun mo naisipan?"

"Ah wala naman. Maganda daw kasi dun eh."

"Ah. So, tayo na?"

Anong sinasabi niyang tayo na? Kami na as in nasa relationship na or punta na kami?

"Huh?" Sabi ko.

"Susunduin na kita mamaya. Ihahanda ko lang ang maleta ko."

Kung anu-ano kasi ang iniisip ko. Ang ibig naman kasi niyang sabihin is ayun, punta na kami.

Umalis na siya at umakyat na ako sa aking kwarto.

*tok tok tok*

"Pasok"

"Anak, sino yun? Boyfriend mo?"

"Naku ma, hindi. Kaklase ko lang yun dati."

"Ows? Maniwala? Aminin mo na sakin anak. Boyfriend mo yun noh?"

"Ma, hindi po. Nagsasabi po ako ng totoo."

"Hmmpt. Uy, akala ko ba hindi ka na tutuloy sa Batangas?"

"Ah ma, pupunta ako sa Vigan."

"Anong gagawin mo dun?"

"Outing po ng barkda. Nasabi ko na naman po to kagabi."

"Ah. Oo nga pala. Sige anak. Mag-iingat kayo dun hah?"

"Opo."

Buti nalang at umalis na si Mommy.

Ayun, tapos na akong mag-ayos. Andyan na din si Christian. Nagpaalam na ako kay Mommy tsaka kami umalis.

Matapos ang mahaba-habang biyahe, nakarating na din kami.

Tumuloy kami sa isang hotel. Syempre magkaiba kami ng room.

Habang nakahiga, napaisip ako.

Si Christian, bilang na ang oras niya sa mundo? Napakaimposible.

At gusto pa niya muna akong makasama. Ang swerte ko naman.

OK. I won't let him down. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko to make him happy just for a short period of time.

Aba, nakatulog na pala ako nang hindi ko namamalayan.

Pagkagising ko, may kumakatok.

*tok tok tok*

"Good Morning Ella." - Christian

"Oh Christian. Pasok ka muna."

"Hindi. Wag na. Magbihis ka na at makapagpasyal na tayo."

"Sige. Hintayin mo ako hah?"

"Sige." Bilisan mo."

Binilisan ko na ang pagbibihis. Nakakahiya naman kay Christian noh.

Nagkalesa kami. Ang saya lang. ^_^

Nalibot na yata namin ang lugar.

Gabi na pala.

Naglalakad lang kami doon sa may Heritage. Ang cute. Very romantic talaga ang part na yun.

Biglang tumigil si Christian sa paglalakad. Hala, baka hindi na niya kaya. Napagod na siya siguro. Baka inaatake na siya ng sakit niya na hindi ko alam kung ano.

"Ella!" Sigaw ni Christian sakin na medyo parang nanghihina talaga.

"OK ka lang ba?"

"May sasabihin sana ako sayo."

"Ano yun?"

"Mahal kita Ella. Simula nung makilala kita, alam ko na iba na ang nararamdaman ko para sayo. Mahal na mahal kita Ella."

Whhhhhhaaaaaatttttttttt???????? Naku. Ano ang isasagot ko?

Teka, hindi ako makapagsalita. Uhm, sorry pero may iba akong mahal? Urgh. Bahala na.

"Please Ella. Will you be my girlfriend?"

"Uhm....

YES."

Ay Ella. Umoo ka. Grabe. Naawa lang siguro ako kaya ako umoo.

Eh pagbigyan nalang. Mawawala na rin siya eh.

Ayun, nagsisisigaw na si Christian sa sobrang tuwa. Ako naman, nakangiti lang.

"Uy Ella! Grabe. Andito ka pala. At sinagot mo na si Christian? Bongga ka teh."

Huh? Ang familiar ng boses nung nagsabi nun. Pagtingin ko sa left side ko, si Britney at ang barkada pala.

"Ah. Hindi ko nasabi sainyo na hindi natuloy yung contest. Isusurprise ko nga sana kayo eh."

"Nasurprise mo pa rin naman kami eh." - Tikoy

"Grabe best. Dito mo pa talaga sasagutin si Christian. Kelan pa siya nanligaw sayo?" - Tammy

"Matagal na rin. Sorry kung hindi ko sinabi sayo."

Sinungaling ako. >.<

"OK lang. Hindi ko rin naman sinabi nung nanligaw si Patrick eh."

Ayun, nagsama-sama na kami. Aish. Kami na ba talaga ni Christian? Hindi na maalis sa isipan ko ang ginawa kong pagsagot kanina sakanya.

CHAPTER 28~

Ano ba yan. Parang natatawa ako.

Eto kasing si Patrick, parang nabadtrip.

Nagseselos?

Sus. Asa naman. Si Tammy ang gusto niyan eh.

"Hoy bakulaw. Ano bang problema mo dyan? Pasan ang mundo? Ganun ba yun?" Natatawa kong tanong kay Patrick. Mambabadtrip lang eh noh. xD

"Paki mo?" Ay ang taray teh. Nagseselos ito for sure. Haha. Naku, kung anu-ano na naman ang pinag-iisip ko.

"Aba, nagseselos ka samin ni Christian noh? Aminin. Haha." Humanda ka sakin Patrick Rivero. Babadtrip'in pa kita lalo. Haha.

"Ako? Nagseselos? Asa ka."

"Eh bakit ang sungit mo?"

"Ano bang paki mo hah? Concern ka sakin?"

"Eww. Hindi ah. Nagtatanong lang naman."

"Wag mo akong pakialaman. Bumalik ka nalang dun sa boyfriend mo."

Grabe. Nagwalk out. Haha. Ayun, pumunta kay Tammy. Parang pagseselos'in lang ako niyan eh.

Ako naman, pumunta na sa boyfie ko. Boyfie talaga? Kinakareer na? HIndi naman masyado. xD

"Ella!" Uy, tinatawag na ako ng boyfie ko. Papunta na nga ako sakanya eh.

Lumapit na ako.

"Uy BOYFIE, bakit?" May mainis sana. xD

"Namimiss na kita eh." Namiss agad ako? Ibang klase. Haha.

"Sus. Andito na nga ako diba? HINDI KITA IIWAN."

"Promise mo yun hah?"

"Opo."

"Alam mo, ang saya saya ko."

"Alam ko. Kitang kita dyan sa mukha mo. Abot hanggang tenga kasi yang mga ngiti mo eh."

"Ella, may sasabihin ako."

"Ano yun?"

"Babalik na ako ulit sa Australia bukas."

"Huh? Ang bilis naman."

"Gagamutin na naman nila ako eh."

"Babalik ka ulit?"

"Hindi ko alam. Kung may oras pa ako, babalikan kita."

"Mamimiss kita."

"Mamimiss rin kita. Uhm, Ella .. "

"Oh?"

"Pwede bang pag bumalik pa ako, tayo parin?"

"Hindi ko alam. Oo. Siguro."

"Sige. Ok lang kapag hindi na. Ienjoy nalang natin ang araw na ito."

Nangingiyak na kami. Lalo na ako. Aalis na naman siya. Bwisit. :"<

"Wag ka na ngang umiyak dyan. Sige ka, papangit ka na niyan." - Christian

"Dati naman eh."

"Ang ganda mo kaya."

"Sus. Nambola pa. Tayo na nga."

Uy. For the first time, may nagsabi na maganda ako. Maitweet nga yan. xD

Ayun, nagutom na kami. Pumunta kami sa Mcdo. :)))

CHAPTER 29~

Grabe. Pagod much ako.

O.O

Gusto kong magpahinga. Inaantok na talaga.

Z_Z

"Guys, wala pa ba kayong balak magpahinga?" Tanong ko sakanila.

Aba, deadma. Kainis naman oh. Nakaupo lang ako. Katabi ko ang boyfie kong si Christian syempre tsaka nakatulog na pala ako sa shoulders niya.

Pagkagising ko, nasa room na ako! Hindi ko na talaga kinaya kagabi.

Nasa harapan ko naman ngayon etong si boyfie. Aalis na pala siya ngayon. :"""<

"Good Morning Ella!" ^_____________^

Grabe lang talaga kung makangiti itong si Christian. Abot hanggang tenga. Tunaw naman ako dun. ^^

"Aalis ka na?" - Ako

"Hindi na." ^__^

"Huh? Bakit?"

"Tinawagan ko na si Mommy. Hindi na ako tutuloy. I want to spend the rest of my life with you Ella."

Ano daw? Papakasal ba ako neto?

OK. Ako na. Ako na ang speechless. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sakanya.

Tapos biglang pumasok si ..

PATRICK!

Ano naman ang ginagawa ng bakulaw na yan dito?

"Ehem. Excuse me lang hah?" - Patrick

"Bakit pare?" - Christian

"Ibibigay ko lang sana itong breakfast ni Ella kung pwede."

"Sige."

"Oh Ella. Pinapabigay ni Tammy." - Patrick

"Salamat." ^__^

"Sige, alis na ako."

"Ingats pare. Kita kits nalang mamaya." - Christian

Nakita niyo yun? Parang may kuryente sa pagitan nilang dalawa.

Uy, hindi sila inlove sa isa't isa. Basta. Hindi ko maexplain sainyo eh.

Ayun. Lumabas na kami.

Patrick's POV

Ano ba yan. Hindi na talaga ako makatiis kaya eto, babasahin niyo na ang POV ko.

Umaga.

Ang aga kong nagising. 4:30am

Naalala ko, aalis na pala yung unggoy na Christian na yun. Buti naman.

Nagpreprepare ako ng food para kay Ella.

Uy, wag mag-isip ng kung anu-ano dyan.

Aasarin ko lang.

Ang hinahanda ko eh pinakbet. Ayaw niya sa ampalaya eh.

Para maasar siya lalo, madaming ampalaya ang inilagay ko. *evil laugh*

Tapos na. Ayun, pumunta ako sa room niya. Sa iisang hotel kami nagstay eh.

Pagbukas ko, nandun pala si unggoy. Kainis naman oh. Aasarin ko sana kaso ipagtatanggol siya nung mukhang unggoy na maputi niyang boyfriend.

Hindi ako nagseselos dahil si Tammy lang naman talaga ang laman ng puso ko. <3

Naks. Loyal yata ako. ^___^

Eto na naman po si Patrick Rivero, iisturbo sa moment ng dalawang ewan.

"Ehem. Excuse me lang hah?" - Ako

"Bakit pare?" - Christian

"Ibibigay ko lang sana itong breakfast ni Ella kung pwede."

"Sige."

"Oh Ella. Pinapabigay ni Tammy." - Ako

"Salamat." ^__^

"Sige, alis na ako."

"Ingats pare. Kita kits nalang mamaya." - Christian

Nakakainis talaga si unggoy. Bwisit.

Hala, mali rin pala yung sinabi ko. Baka mag-away ang magbestfriends niyan.

Yung pinakbet na ibinigay ko, sinabi kong galing kay Tammy. Talaga naman oh. Ang tanga mo Patrick.

Pero ewan ko ba. Iba ang dating sakin ng babaeng yun. Ang sarap asarin. Grabe.

Ang cute cute niya kasi kapag nagagalit siya.

Opps. Joke lang yun.

Ang cute ni Tammy sabi ko.

Ayun. Baka wala na kayong mabasa na POV ko. Ayokong maging open sainyo. :P

CHAPTER 30~

Ok. Hindi niyo nagets? Eto ulit ang POV ko.

Patrick's POV

Love na love ko si Tammy. Nalove at first sight nga ako sakanya diba?

Tapos ayoko mang aminin sa inyo,

Nacucute'an ako kay Ella kapag inaasar ko siya kaya palagi ko siyang inaasar.

Iba ang dating nung babaeng yun sakin.

Ewan ko rin ba kung bakit kumukulo ang dugo ko dun sa unggoy na Christian na yun eh.

Selos?

Hindi noh!

Nakakainis lang kasi pinagtatanggol niya si nerd.

Ganun lang yun. Wag kayong mag-isip ng kung anu-ano.

Siguro may pagtingin na ako ng KONTI kay Ella.

Basta. Pero si Tammy pa rin talaga ang mahal ko. YATA.

Oo. Mahal ko si Tammy.

Pero naguguluhan ako sa nararamdaman ko.

Hindi ko pa masabi ang tunay kong nararamdaman sa ngayon.

Parang naglalaban si Ella at Tammy sa puso ko.

Yuck. Para kang bading Patrick. Umayos ka nga.

Basta. Maiintindihan niyo rin ako kapag naintindihan ko na rin ang tunay kung nararamdaman. Ok na?

Ella's POV

"Uy Christian. Kain muna tayo. Eto oh, yung pinabigay ni Tammy."

"Sige."

Pagkabukas ko sa takip ng container,

PINAKBET!

Masarap na sana kaso lang ang daming ampalaya.

Ayoko ng ampalaya.

Magsolve na ako ng mahirap na equation wag lang akong pakainin ng ampalaya.

Naku. Kapag nalaman kong si Patrick talaga ang may pakana nito, humanda siya sakin.

"Oh Ella. Ayaw mo ng pinakbet?"

"Ah eh. Hindi naman. Gusto ko pero ang dami kasing ampalaya eh."

"Ayaw mo?"

"Obviously, ayoko."

"Gusto mo kainin ko lahat para sayo?"

"Uy wag na. Bili nalang tayo ng iba."

"Eh paano na to? Itatapon natin?"

"Ibibigay nalang natin sa iba."

"Sige."

Nag-order kami sa isang restaurant malapit sa hotel na tinuluyan namin.

Buti nalang at 24 hours ito.

Nagkita-kita ang barkada sa harap ng hotel.

Nagulat kaming lahat nung makita namin na may kasamang babae si Kuya Jason.

Teka. Ang familiar ng mukha.

Ay oo. Naalala ko na. Siya yung nabangga ni Tikoy nun.

Tumingin ako kay Tikoy.

Nakatulala. Nakatingin lang siya dun sa babae.

Pinakilala naman siya samin ni Jason.

"She's my girlfriend. Cassie."

"Kuya, akala ko ba may iba ka nang liniligawan?" - Patrick

"Hindi. Joke lang yun. Ang tagal kasi akong nanligaw kay Cassie bago niya ako sagutin."

"Kuya. Kwentuhan mo naman kami." - Britney

"Sige. Mamaya."

Si Tammy, parang nagseselos. Ganun din si Tikoy.

Ahh teka nga. Crush yata ni Tammy si Kuya Jason eh bakit ang sweet nila ni Patrick?

Hayy naku. Ang gulu-gulo. >.<

Si Tammy may gusto nun kay Jason pero sweet nila ni Patrick.

Si Tikoy nagseselos yan for sure.

Si Patrick naman, parang nagseselos samin ni Christian.

Ahahaha. Ang epal ko talaga. xD

CHAPTER 31~

Last three days nalang uuwi na kami sa Manila.

Naglibot-libot lang kami.

"Aray!" - Ako

Natapilok eh. Pasensiya naman.

Grabe. Ganito na ba talaga kahaba ang hair ko at si Patrick at Christian pa ang lumapit sakin.

"Ok ka lang ba?" - Christian

"Medyo masakit lang itong kanang paa ko." - Ako

"Kaya mo pa?" - Christian

"Medyo." - Ako

"Gusto mo buhatin nalang kita?" - Christian

"Sige bro. Buhatin mo siya. Magaan lang naman siya eh. Sa sexy niyang yan, im sure mabubuhat mo siya." Patrick

Grabe. Kasali siya sa usapan? Kung makapagsalita naman akala mo kung sinong mataba. Payat ka din kaya Patrick Rivero. Tsk.

"Alam mo Patrick, kung mang-aasar ka lang, layuan mo nalang ako pwede?" - Ako

"Ayoko nga." - Patrick

"At bakit?" - Ako

"Wala naman. Iwan ko na nga lang kayo. Magsama kayo." - Patrick

Walk out na naman po si Patrick.

"Anong nangyari sakanya? Bakit parang ang weird niya?" - Christian

"Aba, ewan. Tara na nga." - Ako

Eh bakit ba kasi ang weird weird niya talaga?

Sus. Nevermind na nga lang.

Buhat buhat lang naman ako ng isang gwapong lalaki na NAPILITAN akong gawing boyfriend. *ano daw?*

Si Christian, buhat buhat ako. Nakakailang lang.

"Uy. Mabigat ba ako?" Tanong ko sakanya.

"Hindi nga eh."

Buti nalang talaga at ang sexy ko. Kapag si Patrick ang nagbuhat sakin, sigurado akong nag-give up na yun. Pareho kaming sexy eh.

*sexy si Patrick? Payat nun.* xD

OK. OK. Kung ano na naman ang naitatype ko dito. Pasensya naman.

"Christian, ibaba mo muna ako."

"Huh? Bakit?"

"Ah. Eh kasi kaya ko na."

"Ganun ba. Sige."

Buti nalang at madali lang kausap si Christian.

OUCH! Ang sakit parin ng kanang paa ko. T___T

Ano naman kaya ang nangyari dito? Na-sprain? Hindi naman siguro.

Pilay-pilay ako maglakad. Ang sakit eh.

Inaalalay naman ako ni Christian. Ang sweet lang. ^___^

"Kailangan yatang mahilot yang paa mo." - Christian.

"Siguro nga." - Ako

Ayiieh. Hihilutin niya paa ko? Ang sweet talaga.

Tapos biglang akong napaganito .

O____O

GULAT! Hindi ba obvious?

Grabe. Kinikilig pa ako tapos sasabihin niyang,

"Hindi ako marunong manghilot eh. May marunong ba sainyo?"

Narinig yata ni Tikoy.

"Ano sabi mo? Si Patrick. Expert yan." ^___^

Naku. No way. Magpapahilot ako dyan sa bakulaw na yan?

Putulan nalang ako ng paa.

"Patrick! Patrick." Sigaw naman ni Britney.

"Ano?" -___- Ang sungit naman kung sumagot.

"Masakit daw paa ni Ella." - Winston

"And so?" Grabe. Sasapakin ko na siya. Ang sungit!

"Hihilutin mo lang naman eh." - Tikoy

"Ayoko nga. Andyan naman si Christian. Yung BOYFRIEND niya." May emphasis sa pagkasabi niya ng BOYFRIEND. Feeling ko tuloy nagseselos talaga siya. Haha. xD

*sorry. feeler eh.* xD

"Bro. Hindi ako marunong eh." - Christian.

-____-

Ganun lang ang reaction ni Patrick. Kaasar. Ang sarap batukan.

Lumapit si Tammy sakanya at may binulong.

Ewan ko kung bulong pa yun. Narinig ko eh.

"Sige na. Hilutin mo na siya. Kahit gawin mo nalang yun para sakin. Please. Mag-uusap ulit tayo mamaya. Let's clear things out na."

Tama ba yung narinig ko?

Anong "let's clear things out" ang pinagsasabi ni Tammy?

Curious ako.

Unti unti nang lumapit si Patrick sakin.

"Saan ang masakit?" - Patrick

"Yung kanan."

Hindi na siya umiimik. Walang umiimik samin. Quiet lang.

Actually, kilig na kilig ako. ^___^

Ang gentle ng pagmamassage niya eh.

Ok. May boyfriend na ako kaya kailangan kong pigilan itong feelings ko. Dapat kong mahalin si Christian.

Tumingin naman ako kay Christian.

-____-

Ganun lang mukha niya.

Nagseselos?

Siguro.

After mins. ..

"Tama na. Hindi na masakit. Salamat."

Umalis lang siya.

Walang sinabi.

Bumalik kay Tammy.

Si Christian naman, nilapitan na niya ako.

"May sasabihin ako sayo?"

"Ano yun?"

CHAPTER 32~

"Ella.. .. babalik na ako sa Australia."

"Christian naman eh. Diba dito ka na?"

"No. Kasi .."

"Kasi ano?"

*silence*

Naluluha na si Christian at naluluha na rin ako.

"Ano Christian? Bakit?" T___T

"Si Mommy .."

"Bakit?"

"MAY CANCER SIYA. STAGE 4 NA DAW." T__T

Nashock ako. Hindi ko inexpect yun.

Ako naman kasi. Hindi ko man lang irespect ang desicion niya na bumalik na sa Australia. Eh sabi naman kasi niya hindi na siya babalik dun. He will spend the rest of his lives para makasama lang ako.

T___T

Ganun palang ang itsura ko. Umiiyak. Naalala ko na naman kasi si Papa eh.

*flashback*

3 years old palang ako.

"Hello baby. How are you?" - Daddy

"D-daddy. D-daddy!" ^__^

3 years old palang diba? Pasensiya na. Hanggang basic words palang ako eh. xD

"Don't worry baby. Hindi na aalis si Daddy. Dito lang ako. I won't leave you. I will never do that."

^___^

"I WILL SPEND THE REST OF MY LIFE WITH YOU. PROMISE KO YAN BABY."

^____^

*end of flashback*

Ayan. Naalala ko na naman ang I WILL SPEND THE REST OF MY LIFE na yan. Kaasar. Iniiwan naman nila ako palagi. :""<

Eto. Balik kay Christian. Iyak lang ako ng iyak.

"Ok lang Christian. Mas importante naman ang Mama mo kaysa sakin."

"Sorry Ella."

"No. Why say sorry?"

"Kasi yung sinabi ko sayo. Yung I will --- "

Hindi ko na siya pinatapos pa. Mas masasaktan ako. Ayokong marinig ang mga yun."

"Yun ba. Ikaw naman. Ok lang talaga. Kelan ba alis mo?"

"Mamaya na."

Yun oh. MAMAYA na daw. Naman. Iyak na ako ng iyak.

Wala na. Hindi na ako makasalita.

Lumapit na ang barkada sa min.

"Uy best. Bakit?" - Tammy

"Ah best. K-kasi. Uhm, aalis na si Christian eh." T___T

"Huh? Bakit?" - Tikoy

"Babalik sa Australia. Yung mama niya eh." T__T

"Guys, tama na ang tanong. Mas lalong maiiyak si Ella niyan eh." - Britney

"Tama ka Vanilla." ^__^ - Winston

"Iyakin pala itong si Ella." *smirk* - Patrick

"Parang hindi ka naman umiiyak bakulaw!" - Ako

"Eh nakita mo na ba akong umiyak?"

"Hindi pa."

"Tsk. Iyakin na nerd."

"Anong sabi mo?"

"I-YA-KIN. I-YA-KIN. NERD!"

"Shut up! BAKULAW!"

"Tama na yan. Uhm, bro." - Christian

"Kausap mo ako?" - Patrick?

"Ay hindi. hindi. Yung nasa likod mo." *sarcastic*

"Yun naman pala eh. Ayan. Kausapin mo ang puno."

"Pwede bang magpakatino ka naman kahit ngayon lang."

"Whatever."

"Hey, listen."

"Im listening."

"May favor ako."

"Ano naman yun?"

"Can you please take care of Ella for me?"

"Haha. Pare naman. Are you kidding?"

"No. Im serious."

"Tignan ko."

CHAPTER 32. PART 2~

"Please bro. Take care of Ella." - Christian

"Wag mo nga akong ma-bro-bro dyan. Hindi tayo close." - Patrick

"Please Patrick."

"Ok. Sige. Makulit ka eh."

"Thanks bro." *hugs Patrick*

"Pare, wag ka nga. Ang bading mo!" - Patrick

"Sorry. Masaya lang ako kasi pumayag ka nang alagaan si Ella."

"Pero Christian, baka mag-away lang ang dalawang yan." - Tikoy

"Korek ka dyan. Hindi pa sila nagkakasundo." - Britney

"Baka mag-gera pa." - Winston

"Guys, I trust him. I know na aalagaan niya si Ella. Kasunduan na namin yun."

"asdfghjklhgakshakjs" (importante siya sakin kaya aalagaan ko talaga siya) - Patrick

"May sinabi ka Patrick?" - Ella

"Wala. Ang sabi ko gutom na ako."

"Kain na tayo guys!" :)) - Tammy

Nakita ko si Tammy at Patrick. Nagbubulungan. Hmm, ano kaya yun?

Pumunta na kami sa isang malapit na kainan.

Ok. Part of me is super happy kasi aalagaan ako ni Patrick. Hindi ko inexpect na papayag din siya. Grabe, kilig vibes. <3

Pero half of me is sad kasi aalis na mamaya si Christian. Last moment na namin ito. Aalis na siya. :(((

Tapos na kaming kumain at namasyal na lang kami. Hindi nakakasawa ang mga view kahit paulit-ulit.

Nakakarelax pa ng mind kasi hindi masyadong maingay tulad sa Manila.

6:00pm

Sa isang bus station ..

"Bye Ella. Mamimiss kita. Babalik ako kapag OK na ang lahat. Magpapagamot na rin ako para may mahintay ka pang darating. Ella, i love you." - Christian

Tulo na naman ang mga luha ko. Ayoko sanang umiyak pero hindi ko mapigilan eh. Sa susunod na dalawang araw pa kasi ang uwi namin sa Manila, mauuna na siya dun at aalis na papuntang Australia.

"Ella, i love you." Wala pa akong sinagot dyan. Maga- i love you too ba ako? Mahal ko naman siya eh.

bilang kaibigan.

Pero kami naman. Boyfriend ko siya. Sige na nga.

"I l-love you too Christian." T____T

One last hug.

Group hug din namin.

Bye Christian.

We'll miss you. :"<

CHAPTER 33 (SPECIAL CHAPTER)

<Patrick's POV>

Pumunta ako sa room ko and I saw Tammy there.

Parang ang lalim ng iniisip.

Iniisip niyo kung bakit siya nasa room ko?

Wala naman. May key siya eh. Im open naman sakanya.

"Tammy." Sabi ko.

Gulat naman yata.

"Ah. P-Patrick" Sagot lang niya.

Bakit siya ganyan? Ang weird.

"May sasabihin sana ako." - Tammy

"Ano yun?"

"We're over."

What the? Diniretso talaga? Walang pasikot-sikot?

Pero ayoko naman talaga dun sa mga madami pang kaartehang sinasabi bago yung sasabihin talaga pero this?

Grabe. Hindi ko nakaya. Ang sakit eh.

"Wait. Are you joking?" I said with a forming tears on my eyes.

(ume-english na ako. nosebleed! xD)

"Im serious."

Whhhhaaaattttttt? Panaginip lang ba to?

Ay teka. Naguluhan kayo yata.

May secret relationship kami thats why we're sweet. Super denial lang kami kapag ma nagtatanong.

Ayun. OK na?

"Why?" Sh*t. Bakit ganito? Ang sakit.

"It's because of your brother."

Bakit? Si Jason? Ano? Di kaya? Wag naman sana.

"What's with my brother?"

Please. Wag sana. Wag yun ang sabihin mo.

"I think im falling for him."

Yun na. Nasabi na niya. Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko.

Por da perst taym kong umiyak. Parang bading lang. Yuck.

Ako na. Ako na speechless.

Ang sakit eh. <////3

"Tammy. Bakit?" Yun nalang ang nasabi ko.

"Hindi ko alam. Im tired of this secret relationship. I think Im falling for him."

"Nagkulang ba ako sayo? HIndi naman diba?"

"Hindi. Sobra pa nga eh. But can you blame me if I fell inlove with your brother?"

Sabagay. Wala naman siyang kasalanan. Tama ang kanyang sinabi. I was just schocked. I don't know. Psh.

<Tammy's POV>

"Hindi. Sobra pa nga eh. But can you blame me if I fell inlove with your brother?" After kong sinabi yun kay Patrick, wala na. Complete silence.

Umiiyak kaming dalawa.

I know. Taken na si Jayson. But i like him. I think its really time na para tapusin ang secret relationship namin ni Patrick.

Hindi naman ako nasasakal dun but.. i don't know.

"Tammy .. " He's saying my name.

Napapaiyak ako. T___T

".. always remember that I LOVE YOU."

Ayun na. Grabe. I don't know what to say.

Hinug niya ako. Iyak lang kami ng iyak.

"I also love you forever. Remember that."

Yun nalang ang nasabi ko with a smile in my face.

Umalis na siya sa yakap.

"Pero paano yan? May girlfriend si Kuya." - Patrick

Oo nga pala. Tsk. Paano nga kaya?

"Help me?" I said jokingly.

"Sure."

O____O

Nagjojoke lang naman ako eh.

"Kung hindi lang sana kita mahal hindi kita tutulungan eh." Pagpapatuloy niya.

Grabe. Ang bait niya talaga. Kaya nga ako nainlove sakanya eh. Ayiieh. xD

Hanggang magbestfriends nalang kami siguro.

From kabarkada to boyfirend to bestfriend. Oh say? Kami lang yata ang ganyan.

Kulitan na kami. Ang saya. Ang saya ng ganito.

*tok tok tok* Nung binuksan ni Patrick, yung mag-aayos ng room.

Umalis na kami.

<Jason's POV>

Andito kami ngayon sa isang park.

Nagtext ako kay Patrick at sinabi kong pumunta sila dito.

After 5mins ..

Andyan na sila. Magkasama sila ni Tammy.

I hate to admit this but Tammy is really pretty. Sweet. Smart. Almost perfect.

Almost 3 years akong nanligaw kay Cassie. And finally, kami na. But why do I feel this way?

Parang hindi ko na siya mahal.

Parang napagod ako sa tatlong taong paghihintay ko.

Hindi ba dapat maging masaya ako?

Nagsimula ito nung pumunta si Tammy sa bahay namin.

Nalove at first sight yata ako sakanya nun.

(hindi kasi ako hinayaang magkaPOV ni author eh.)

Ako pa nga ang naghatid nun sakanya eh.

Remember? I think I like her.

But how about Cassie?

I don't know. Iiwan ko na kaya siya? Hindi ko na siya mahal eh.

Napagod ako.

Ok. Later. Sasabihin ko na sakanya ang totoo. Kay Cassie.

Wala pa nga kaming one week eh. Tsk.

<Cassie's POV>

2 days nalang. One week na namin ni Jason.

Sabi niya kanina sakin, puntahan ko siya mamayang gabi sa may pool ng hotel. 7pm.

Bakit kaya? Surprise dinner? Date? Ang sweet naman niya. Thats why I love him eh.

Bilib din ako sa pagmamahal niya sakin. 3 years niyang hinintay ang matamis kong OO.

6pm ..

Nagpreprepare na ako.

Pink floral dress. Pink shoes. Light make up and im ready.

Its alread 7:20 in my watch. 10 mins na lang. Pupunta na kaya ako? Sige na nga. Nakarating na ako sa may pool site ng hotel.

O____O Andun na si Jason pero no table. Hindi kami magdidinner? Baka he will surprise me. Kilig.

ehem ehem. Naglakad na ako palapit sakanya.

"Jason!"

"Oh Cassie. Akala ko malelate ka."

"Kaya pala nagpreprepare ka palang eh."

"Huh? Hindi ako nagpreprepare."

"Sus. Magsisinungaling ka pa. Asan yung table natin?"

"Anong table?"

"Hindi ba tayo kakain? Hindi ba ito surprise dinner or date?"

"No Cassie."

"Naku. Tinatago mo pa. Alam ko ang style niyong mga boys."

"Huh? Pinapunta kita dito kasi may sasabihin ako."

"Ano naman yun?"

"Cassie ..

.. let us end our relationship here."

Nagjojoke lang ba siya? Hindi nakakatawa. I thought this would be a very wonderful night but why like this?

"Jason naman eh."

"Cassie. I don't love you now like the way it used to be in the past 3 years."

(sorry. wrong gramming. xD)

"What do you mean?"

"Pagod na ako."

"Ngayon pa? Ngayon pang tayo na? Jason naman eh."

"I know. But hindi na siya tulad nun. Sinagot mo ako when I was already falling for someone."

"Falling for someone? You mean .."

"Yes Cassie. May iba na akong gusto. Kaya let us end here."

"NO! NO WAY!"

"Cassie. Please."

"Ayoko. Mahal kita. Diba mahal mo rin ako."

"Pero hindi na tulad noon."

"Don't leave me please."

"I have to."

T_____T Umiiyak na ako.

Binitiwan niya ang kamay ko and then umalis na siya.

<//////////3 Sobrang sakit.

Basag na basag. Durog na durog ang puso ko sa nangyari ngayon.

Sana nagkasakit nalang ako tapos hindi ako nakapunta dito sa pool site at hindi niya nasabi sakin yun.

Ang sakit talaga. Mamatay na sana ako!

Since andito na ako sa pool site, pumunta ako sa may pool. Nasasaktan ako. Wala nang rason para ako'y mabuhay pa.

MAGPAPAKAMATAY AKO!

I drowned myself in the pool. Wala akong malay. Its dark.

Please Jason. Save me ..

<Tikoy's POV>

Ang boring naman.

Makapunta nga dun sa pool site.

Bwisit. Makikilala ko na nga si Cassie, ngayon pang may boyfriend na siya.

Badtrip. I really like her. Maganda. Sexy. Mayaman. Matalino. Saan ka pa?

Pero kailangan kong tanggapin na wala talaga akong kapaga-pag-asa sakanya.

Nung nasa malapit ako sa swimming pool.

May naliligo pala. Babae. Ang galing naman. Kanina pa lumulutang.

Baka tulog na. Haha.

Grabe. Hindi nakapaghintay magswimming. Nakadress pa.

Aalis na sana ako kaso. Yung bracelet nung babae. Parang ang familiar.

Parang kay ...

CASSIE?

Pero bakit naman siya magswiswimming ng nakaganun?

Baka naman nagpapakamatay .

Huh?

MAGPAPAKAMATAY?!

Pero bakit? LQ? Lagot si Jason sakin.

Dali-dali ko nang tinulungan si Cassie.

Dinala ko siya sa room niya pero hindi ko alam kung nasaan ang susi niya.

No choice ako. Sa room ko siya dinala.

Naku. Basang-basa siya. Papalitan ko na nga lang. Baka magkasakit pa ito.

Pero paano? Ako ang magtatanggal ng damit niya?

Tatawagan ko nalang si Britney.

Siya kasi pinakamalapit sakin. Sa room hah?

Dumating naman kagad si Britney at siya na ang bahalang nangbihis kay Cassie.

Dun siya sa kama at sa sahig ako.

Gentleman lang. Ang sakit nga pero mahal ko siya eh. Lahat kakayanin para sakanya.

CHAPTER 36~

Ako: asdfghjkl h-hindi k-kita m-m-marinig.

Anong palusot yun? Ang hina ko talaga. :l

Patrick: Wala. Tinatanong ko lang kung unggoy ka.

Ako: Bastos!

Patrick: kasi sumasabit ka sa PUSO ko. :3

Ako: Tse! Pahinga ka na nga.

Patrick: Bakit?

Ako: Kanina ka pa kasi tumatakbo sa isipan ko eh.

Patrick: Naks naman. Kelan ka pa natutong bumanat? Haha. Makakuha na nga ng hagdan.

Ako: Para saan?

Patrick: Aakyat na kasi ako ng ligaw eh. Ikaw kasi, tinititigan pa lang kita, tinatamaan na ako.

Ako: Kaw talaga. Yumuko ka nalang.

Patrick: Bakit?

Ako: Pulutin mo puso ko. Nahulog na rin sayo.

Patrick: Yun oh. So ano? May gusto ka rin sakin? Sabi ko na eh.

Ako: Tse! Joke lang po yun. Matulog ka na nga.

Patrick: Mag-good night ka muna.

Ako: Whatever! Nightmare!

*toot toot toot*

Binaba ko na yung phone. Haha. Anong nangyari sakin kanina?

Ella Dimalanta, kelan ka pa natutong bumanat?

Hindi yun bagay sa mga tough girl tulad mo.

Ayan. Kinakausap na naman ang sarili ko.

Matagal ko na itong nararamdaman.

Oo na. This time, hindi na ako magsisinungaling. 35 chapters na rin naman ang lumipas.

IM INLOVE ...

... with Patrick Rivero.

Ang astig niya. Ang gwapo niya. Ang kagat labi niya. Ang titig niya. NAKAKAMATAY SIYA!

Nakakaasar nga lang siya. :l

Pero OK na yun. Gustong gusto ko yung mga banat niya. :))

Grabe. Kung sagutin ko na kaya siya?

Pero nanligaw na ba?

Joke lang naman siguro yun. Or bumabanat lang talaga.

Hayy. Kung anu-ano na naman ang iniisip ko. NEGA ako talaga.

Si Patrick, magugustuhan ang isang tulad ko? Naman.

Sabi ko nga noon,

KAPAG NAGKABALAHIBO NA ANG PALAKA Tsaka kami magiging magsyota.

Ang nega ko. Pero mas masakit kapag nag-assume ako tapos hindi naman pala tama. OUCH yun eh.

Hayy naku. Makatulog na nga lang. Magrereview pa ako para sa National Math Quiz.

Pero hindi ako makaconcentrate. Bahala na si BATMAN.

zzzzzzZZZZZZZZZZZZZzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZzzzzzzzzzzzzzzz

*ring ring ring*

Yung alarm clock yun. Hindi sosyal ang alarm clock ko na kung anu-anong kanta ang tutugtugin. Haha.

*FAST FORWARD*

May pasok na. Yess! Pero pupunta ako sa Batangas. National Math Quiz ngayon. Wish me luck.

Pumunta ako sa school. Everyone is waiting for me there.

Naman. Haha.

Igoodluck lang ako ni Patrick, mananalo kami. Choss!

Baka nga hindi pa ako makapagconcentrate eh.

Basta i need a goodluck from Patrick Rivero.

Sa school ....

"Go Ella! Go Ella! Good Luck Ella!"

Hiyawan ang tao sa campus. I feel so very popular. Haha.

Hindi pa nga ako nanalo eh.

Hinahanap ko si Patrick.

Asan kaya siya?

"Hoy!"

"Ay hinahanap ko si Patrick!" Shemay, nagulat ako dun sa nagHOY. Napasigaw ako dun. Patay ako.

Patay talaga ako. Patay na patay dito sa nagHOY sakin.

Si Patrick!

Naku. Paano na naman kaya ito?

"Hinahanap mo pala ako hah? Haha." Sabi niya.

"Oo. Hinahanap kita. Gusto kitang sapakin eh."

"Bakit? Ano na naman ba ang nagawa ko?"

"Madami!"

"Naman. Sorry na kung may nagawa ako."

"Sus. Sorry na KUNG may nagawa ka mang kasalanan sakin?"

"Meron ba?"

"Oo. Matindi!"

"Ano yun?"

"YOU MAKE ME FALL FOR YOU."

"Kasalanan ba yun? Ang ganda nga eh. Inlove tayo sa isa't isa."

"Kasalanan mo. Banat ka ng banat, kilig naman ako. Nung nilapit mo yung mukha mo, naging statue ako na wala sa oras. Ang pang-aasar mo sakin, nakakaasar talaga."

"Haha. Wag kang mag-alala. Mahal naman din kita eh."

"Hindi kita mahal!"

"Kasasabi mo lang kaya."

"Wala akong sinabing mahal kita. Nafall lang ako. Wag kang advance."

"Ay sorry naman. Hayaan mo, maiinlove ka din sakin. Gagawin ko ang lahat."

"Pati thesis ko?"

"Ah eh. A-aalam mo naman kung gaano kita kamahal."

"Sus. Haha. Joke lang yun. Alam ko namang hindi ka pa makagawa ng iyo."

"Yun nga yun. Haha. Good luck pala."

"Salamat."

"Ehem."

Sisingit pa si Tammy. Haha.

"Uy best. Nakaisturbo ba ako?"

"Oo." - Patrick

"Naku. Hindi. Buti nga dumating ka eh."

"Haha. Goodluck pala."

"Salamat."

"Uy, tinatawag ka na pala ni Sir Principal."

"Ah. Sige. Maiwan ko na kayo."

*FAST FORWARD*

Sa Batangas, hindi ko nakita ang father ko.

Nanalo naman ako.

CHAMPION kami! Kita niyo na ang pag-goodluck sakin ni Patrick? Ibang level kung makainspire. Haha.

Umamin na rin ako. Bahala na. Inlove din naman siya sakin eh. Haha.

Pero hindi pa kami.

Sana maging kami na. ..

*ang lumalanding Ella Dimalanta*

*FAST FORWARD*

Naku. Kung makafast forward si author WAGAS! Pwede ifast forward dun sa part na magiging sila Ella at Patrick na?

Teka muna. May sisingit ULIT.

Sino kaya yun?

CHAPTER 37~

Bothered kayo sa sinabi kong sisingit?

Malapit nang magtapos ang kwento ko pero may gagawin akong story. CRAZY FOR THIS GIRL

Wala pang final plans for that but i hope you will support it like how you support this FanFic. Ewan ko kung gagawin kong FanFic yun. Watch out nalang. :D

Balik sa kwento.

Eto na. Ang nakakamatay na sisingit sa pagitan ni Ella at Patrick.

Guess who?

Si MISS AUTHOR! Haha.

Joke lang! xD Umeepal lang masyado.

Haha.

Pero matagal ko nang plan na isingit ang sarili ko dito. Dun sa Vigan part pa sana. xD

Pero since malapit ko nang tapusin to, ElRick all the way hanggang maging sila.

Si Ms. Author ang may POV nung kanina. HIndi ganun si Ella. Nahahawaan lang. xD

ELLA ..

Guys. Sorry sa mahabang patalastas. Eto na. :)))

Sa school ...

Sa tambayan ...

"Hey guys! I smell something fishy about Ella and Patrick." - Britney

"Ako nga rin Vanilla baby eh. May napapansin akong SOMETHING unexplainable." - Winston

"Kung tanungin niyo nalang sila?" - Tikoy

"Tama. Haha." - Tammy

"Ella, Patrick, kayo na ba?" - Tikoy

"Hindi." Sabi ko.

"Oo. Hindi PA." Sabi naman ni Patrick.

"Ayiieh. Best. Inggit naman ako sainyo. Si Jason naman kasi, saviour ko lang. Nandyan kapag may mangyayari saking masama." - Tammy

"Inggit best? Saan? Eh hindi naman kami." - Ako

"Ang sweet ni Patrick sayo eh."

"Sus. May kailangan lang siguro yan sakin."

"Asus. Sincere naman siya eh."

"Ganyang pagmumukha sincere?"

"Ganyan din kaya siya nung nangligaw sakin. Mafafall ka rin best. Or baka crush mo siya?"

"Kailangan talagang pag-usapan yan sa harap namin noh? Sa harap ni Patrick," - Britney

"Ella. Sincere ako. Nga pala. *hinila I.D ko* May kulang sa I.D mo." - Patrick

"Ano? Wala naman sa tingin ko."

"Meron eh. Apelido ko."

"Ayiieh!" Hiyawan ang lahat.

Grabe. Nagblublush na rin yata ako. Ang corny na ang ewan pero gustong gusto ko naman.

"Ang corny mo!"

"Grabe guys. Hindi ako makatulog kagabi." - Patrick

"Bakit naman?" - Winston

"Hindi kasi maalis sa isipan ko si Ella eh."

"Whatever." - Ako

"Uy Ella. Pwede ba tayong magdate?." - Patrick

"Ayoko nga."

"Naintindihan mo ba yung tanong ko?"

"Oo naman."

"Ano yun?"

"Pwede ba tayong magdate."

"Sure."

"Hoy. Hindi ako nagtanong. Walang question mark yun. Asa ka."

"Bukas. Saturday. 8am. Susunduin kita sa bahay niyo."

"Uy. Ano ba. Wala akong sinabing magdate tayo."

"Basta. Susunduin kita."

"Mapilit yan best. Susunduin ka talaga. Pumayag ka nalang. Shopping na rin tayo later." - Tammy

"Yun naman eh. I love you Tammy. Ganyan. Sige. Pilitin mo rin siya." - Patrick

Aray ko naman. Medyo nasaktan ako nung nag-iloveyou siya kay Tammy. Dapat sana pumayag nalang ako kagad.

"Sige. Bukas. Sunduin mo ako. 8am SHARP."

"Yes!." - Patrick

"Success pare!" - Tikoy

*FAST FORWARD*

Nagshopping kami nila Tammy at Britney. Kung saan-saan ako dinala ng mga yun. Try dito, try doon. Hayy naku. Nakakapagod.

Eto. Isang simpleng yellow dress na tube, parang cheetah yung pattern niya. Isang necklace na medyo vintage ang dating taz heels.

Naiimagine niyo? Ang pangit! >.<

Bahala nalang si BATMAN sa date namin KUNU bukas.

CHAPTER 38~

Grabee! Hindi ako makatulog dahil sa kakaisip sa DATE DAW namin bukas. OK naman ang isusuot ko. Hindi ko na kailangan ng make up dahil alam ko, maganda na ako. Choss! Haha.

9pm na. Ano ba? Pwede ba matulog na ako? Baka magkaeye bags pa ako. Pangit na ako bukas. Tsaka baka hindi ako makagising. Nakakahiya naman sa date ko.

tik tok tik tok ..

10 pm.

1 hour na ang nakakalipas pero andito pa rin ako, dilat na dilat. Mahuhuli na talaga ako ng gising nito.

'------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

*ring ring ring ring !!!!!!*

Nakakatamad namang bumangon. Anong oras na ba? Pagkatingin ko sa orasan,

7:30am na!!!!!!

Naku. Kaya ko bang magprepare ng 30 mins? Nakakainis kasi. Hindi ako makatulog kagabi. Binilisan ko na ang pagligo, pagbihis at pagkain.

Exactly 8am ..

Im ready!

*tok tok tok*

Ako na ang nagbukas sa pintuan. Baka si Patrick na yun.

"Wow Ella! Ang ganda mo ngayon. Hindi ko inaakalang pwede ka palang magmukhang ... ------ " Pagbati sakin ni Patrick.

"Sige. Ituloy mo." Mataray kong sinabi sakanya.

"Pwede ka palang magmukhang Sarah Geronimo. Tignan mo oh. Magkamukha kayo." Palusot ni Patrick. Hayy naku.

Tumingin ako sa salamin. Oo. Medyo. Parang Sarah G. ang look ko pero ang boses? Hayy, wag niyo nang tanungin.

Nagpaalam na kami kay Mama.

"Tita, hihiramin ko lang po ang anak niyo saglit. Wag kayong mag-alala. Wala pong mangyayaring masama." Pag-aassure ni Patrick kay Mama.

"Sige Patrick. Mag-iingat kayo. Bye!" - Mama

"Saan naman tayo pupunta?" Sabi ko habang pasakay sa kotse.

"Pupunta tayo sa puso ko. Para makita mo kung gaano kita kamahal." Ano daw? Babanat daw waley naman. xD

"Yung totoo kasi."

"Sa puso mo nalang kung gusto mo. Para makita ko din kung gaano mo ako kamahal."

"Tse! Kung anu-ano pa ang pinagsasabi mo. Saan nga?"

"Basta kasi. Wag na makulit."

"OK."

Parang nagtatanong lang naman. Kung anu-ano pa ang pinagsasabi.

After 30 mins., andito na kami. Dito lang pala niya ako dadalhin. Sa MOA. Ano naman ang gagawin namin dito? Magshoshopping? Basta ba ilibre niya ako. Haha.

Pero I don't like his idea of bringing me here. Hindi ako masyadong mahilig sa shopping shopping.

Sana sa isang romantic place nalang. Pero dahil sa isang Patrick Rivero ang makakadate ko ngayon, ano pa bang ieexpect ko?

Dun kami sa may ice skating ground. Actually, gustong gusto kong matutong magice skate.

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko.

"Kakain malamang."

"Ang sweet naman ng kadate ko. Sige. Dahil sa mabait ako, sayo na lahat ng yelo kung gusto mo."

"Joke lang. Eto naman. Asar kagad. Syempre maga-ice skating tayo. Kaya nga tayo andito diba?"

"Oo na po."

Kumuha kami ng ice skating shoes then ayun, nabaliw ako sa hirap paglakad.

"Ella! Bilisan mo naman."

"Teka lang naman po. Hindi ako marunong."

"Halika na nga."

Hinawakan niya kamay ko. Inaalalayan niya ako. Grabe lang. Ang haba ng hair ko. Tapos, tinitigan pa niya ako.

Oh my gash! Nakakamatay ang titig!

"Oh, nakatulala ka dyan. Naku naman. Matutunaw na ako." Natatawang sabi ni Patrick sakin.

Ano ba naman yan. Hindi ko namalayan, nakatulala na pala ako sakanya. Ang gwapo niya! Ang swerte ko dahil mahal daw niya ako.

"Umasa ka! Hindi ikaw tinitignan ko."

"Sus. Lulusot ka pa. Gwapo ko noh?"

"Yuck! Mahiya ka nga sa balat mo. Hindi kaya."

"Ikaw na ang pinakapalpak na magsisinungaling."

"Bakit naman?"

"Sa nakatulala ka kanina tapos hindi ka pa magwagwapuhan sakin? Naman!"

"Feeler ka masyado. Porket ba nakatulala kanina ibig sabihin gwapo na? Hindi ba pwedeng may lamok lang kanina?"

"Girl pick up! Walang kaconnect connect."

"Connected yun."

"Lamok? Walang lamok kanina."

"Ewan ko sayo. Basta meron. Hindi ka gwapo."

"Kung hindi mo sasabihing gwapo ako, bibitawan kita para madapa ka."

"Eto naman. Hindi talaga gentleman. Oo na. Gwapo ka na."

"Yun naman pala eh."

"Basta wag mo akong bibitawan."

"Oo naman. Hindi ko kayang nakikitang nasasaktan ang mahal ko."

"Tumahimik ka nalang kaya noh?"

"Nakakaasar ba ako?"

"Oo. Sobra!"

"Talaga?"

"Oo nga."

"Weh?"

"Oo."

"Mahal mo ko?"

"Oo ---------- Uy! Wala yun."

"Mahal mo pala ako. Haha."

"Asa ka! Oo lang ako ng oo kanina kaya oo narin ang nasabi ko."

"Naman Ella. Lulusot ka na naman eh. Aamin ka rin."

"Sus. Hindi noh! Hindi kita mahal."

"Aray naman Ella. Wag ganun. Masyadong masakit."

"Ang kulit mo eh."

"Ang kulit ko kasi kaya nadulas ka?"

"Pwe! Nadulas? Nadulas dito kakaice scating yun, tama yun. Pero ang madulas sa pagsabi ng OO? Hayy naku. Hindi."

"Aminin mo na kasi. Mahal mo ko. Alam ko yun."

"Alam mo na pala eh. Bakit mo pa ako paaaminin?"

"Ibig sabihin tama ako?"

"Huh? Ano? Wala akong sinabi. Tara na nga!"

"Tama ako! Haha. Ang galing ko talaga."

"Ano bang pinagsasabi mo dyan. Bilisan mo nalang."

Grabee! Hiyang hiya na ako sa balat ko sa mga pinagsasabi ko. Ano ba yun? May sinabi ba ako? Bahala na. Isipin niya gusto niyang isipin. Pero tama naman yun kasi. Haha.

Ang weird na Ella. Bow! xD

Umalis na kami s aice skating ground.

Since 10am na, kumain kami sa MCDO. :)))

"Anong gusto mo?" Tanong ni Patrick sakin.

"Kahit ano na dyan. Ikaw? Ano ba sayo?"

"Gusto ko lang naman ng MCDO fries eh."

"Commercial? Commercial? Wag mo ngang gayahin. Hindi bagay."

"Ginaya ko ba? May karugtong pa kasi yun eh. Gusto ko rin ng burger, cokefloat, spaghetti, chicken fillet, tsaka IKAW. Gusto kita."

"Excuse me lang. Hindi ako kasali sa pagpipilian."

"Pwede bang inorder ang puso mo?"

"Hindi pwede. Not for sale."

"Pwede kunin?"

"Hindi. Mamamatay ako kapag wala akong puso."

"Ibibigay ko puso ko sayo. Para exhange of hearts tayo."

Bago pa man ako makapagsalita,

"Ma'am, Sir, ano po order niyo?"

"Dalawang fries, burger, cokefloat, spaghetti at sundae po miss."

----------------------------------------------------------------------------------------

FAST FORWARD

Matapos kaming kumain, dinala ako ni Patrick dito sa isang romantic place. Eto yata climax ng date namin? XD

Sa isang park, may mga roses, balloons. Ang ganda!

"Ano naman ito?" Tanong ko.

"Aquarium."

"Naks. Kaya pala."

"Anong kaya pala?"

"Pating ka eh. Patrick pating. Lungga mo ba dito hah?"

"Ako ang hari dito."

"Weh? Ang epal mo."

"At ikaw ang reyna."

"Naman!"

"Hindi tayo tao."

"Bagay tayo ganun?"

"Hindi rin."

"Eh ano?"

"Joke lang. Tao naman talaga tayo."

"Hindi nakakatawa Patrick."

"Eto na talaga Ella. Seryoso na. Walang halong trip or joke. Ella, mahal kita."

"Paulit-ulit?"

"Uulit ulitin ko hanggang sa sabihin mong mahal mo rin ako."

"Parang sirang plaka lang?"

"Seryoso kasi Ella."

"Oo. Seryoso na nga. Ikaw, seryoso ka ba?"

"Mukha ba akong hindi seryoso?"

"Hindi eh. Haha."

"Pwes, seryoso ako Ella. Please. Sabihin mo rin na mahal mo ako."

"Ifoforce talaga ako na sabihing mahal kita?"

"Hindi naman sa ganun."

"Patrick, masyado bang maaga para sa isang commitment. Pwede bang ienjoy muna natin yung ganito? Yung magkabata natin."

"Then kelan mo ako sasagutin?"

"Kapag nasa tamang panahon na. Kapag nakapagtapos na tayo."

"Matagal pa yun."

"Kung hindi ka makakapghintay then you don't deserve my love."

"Pero para sayo, magtiyatiyaga ako. Maghihintay ako."

"Yun naman pala eh. Wag kasing madaliin ang mga bagay bagay."

"Pero mahal mo rin ba ako?"

"Oo. Mahal kita Patrick. Pero ayoko pa ng kahit anong commitment. Maliwanag ba?"

"Maliwanag na maliwanag. Grabe Ella. Hindi ko maexplain kung gaano ako kasaya ngayon. Ang marinig na sabihin mong mahal mo ako."

"Salamat pala sa pagrespeto mo sa desisyon ko."

"Wala yun."

Tapos, hinug niya ako. :3

CHAPTER 39 FINALE PART ONE

JS Prom na pala namin next week. Grabe. Heels, gowns, make ups. AYOKO!!

Oo. Ayoko. I rather wear our uniform than wearing those.

Sa school. ..

"Best, Prom na next week. Shopping tayo sa weekends." - Tammy

"Best. Mag-uniform nalang tayo." - Ako

"Sa Prom?" - Britney

"Oo." - Ako

"Engk! Engk! Manang alert! Ano ka ba Ella. Twice lang yun mangyayari sa high school life mo kaya dapat memorable" - Tammy

"Korek ka dyan." - Britney

"Pwede pa rin namang maging memorable kahit hindi magsuot ng mga ganun eh." - Ako

"Parang hindi naman ganun ang sinuot mo nung date niyo ni Patrick." - Tammy

Napatigil naman ako dun. Pero hindi naman gown ang sinuot ko nun. Dress. Nagheels ako pero hindi masyadong mataas at higit sa lahat, WALANG MAKE UP

"Basta AYOKO!" - Ako

"Ang KJ mo teh!" - Britney

"Sinabi mo pa." - Tammy

At nag-apir sila.

Err! Maganda na ako. Hindi ko kailangan ng cosmetics. Walang nagrereact sa sinabi kong maganda ako. Please lang. xD

Pero Ayoko. Ayoko. Ayoko.

KJ na kung KJ. Wala akong pakealam.

"Tungkol sa Prom ba ang pinag-uusapan niyo?" - Tikoy

"Oo." - Britney

"Basta Mocha ikaw ang date ko next week." - Winston

"Syempre naman. Ipagpapalit ba kita? Ikaw kung iba pipiliin mo." - Britney

"Magagawa ko ba yun? Ikaw lang ang mahal ko."

Britney blushed.

Iba talaga sila.

Teka. Asan si Patrick? Bakit hindi yata nila kasama?

"Nasan si Patrick?" - Ako

"Miss kagad?" - Tikoy

"Hindi ah." - Ako

"Sus. Dedeny pa." - Tammy

"Hindi noh. Pero asan ba talaga siya?" - Ako

" Andito ako sa PUSO mo." - Patrick

O____O

Nagulat naman ako dun.

Etchuserang frog itong si Patrick hah. Pinapakilig na naman ako.

"Ayyyiiiieeeeehhhhhh!!!!" - Sila

"Ano ka ba. Hindi ka kasya sa puso ko." - Ako

"Eh di mamaliitin ko ang sarili ko para magkasya ako dyan sa puso mo." - Patrick

"Tigilan mo ako dyan Patrick." - Ako

"Bakit? Sasabog ka na sa kilig?" - Patrick

Sasabog kagad sa kilig? Slight lang muna. x))))

"Asa ka. Parang yun lang naman. Hindi ako nakikilig dun." - Ako

"Eh kung halikan kita ngayon?"

Shhhhheeeeeeeeetttttt!!!!!!

OO. Sige. Halikan mo ako Patrick. Haha. JOKE.

Ayoko pa.

Linapit na niya ang mukha niya sakin.

"Subukan mo lang. Tatamaan ka talaga sakin." - Ako

"Wag na. Matagal na akong natamaan sayo."

"Tumigil ka Patrick. Sasapakin kita."

"Kapag sasapakin mo ako, simbahan ang bagsak natin."

"Simbahan? Sige. Sasapakin kita. Simbahan talaga ang bagsak natin kasi bebendisyonan na ng pari yang mala-halimaw mong katawan!"

"Sige. Kiss nalang kita."

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!"

Hindi ako yung sumigaw. Si Patrick. Natamaan sakin. Haha.

Tinadyakan ko eh.

For the second time niyang linapit ang mukha niya sakin.

FAST FORWARD .......

Uwian na. ..

Sa tambayan . ..

"Ano pangarap niyo?" - Tammy

"Ako, ang maipakasal kay Mocha Winston." - Britney

"Ganun din sakin." ^__^ - Winston

"Ako, ang maging isang doktor."

*Winston, binatukan sa Tikoy*

"In your dreams teh!" - Britney

"Para makita." - Tikoy

"Eh ikaw Ella." - Tammy

"Ako, ang maging isang doktor."

"Ikaw Patrick?" - Ako

"Gusto ko mapag-isa." - Patrick

"Sungit!" - Ako

"Ang puso nating dalawa." - Patrick

Waaahhhhhh!!!!

Kinilig naman ako dun.

Kung makabanat talaga, WAGAS! xD

"Hayy naku. Andyan ka na naman eh. Uwi na nga lang tayo." - Ako

Nagsiuwian na kami.

Gusto akong ihatid ni Patrick pero ayoko.

Teka. Hindi ba niya ako yayayain na maging date niya sa prom?

Baka nakalimutan lang niya.

Sus. Ang umaasang Ella. Bow!

Bakit ko naman aasahan na yayayahin ako nun?

Pagod lang siguro ako ngayon kaya kung anu-ano ang naiisip ko.

CHAPTER 40~ FINALE PART 2

Maaga kaming pumasok ngayon. Naghimala ba? Siguro dahil sa matatapos na ang kwnetong ito kaya gumising ang lahat ng maaga. x))

Sa tambayan, about JS Prom ang toopic. Naku naman.

"Guys, may partner na ba kayo para sa JS Prom?" Tanong saming lahat ni Britney

"Wala/Meron" Sabay sabay kaming sumagot at magkaiba-iba pa.

Ako, syempre WALA ang sagot ko. Hindi pa kasi ako niyaya ni Patrick eh sabay pout. LOL.

"Ako meron! Syempre si Vanilla baby Britney" - Winston

"Alam ko naman yun Mocha eh. Basta ako lang dapat ang first and last mo." - Britney

"Syempre naman Vanilla." - Winston

"Nakakainggit naman kayo. Wala si Jason eh." - Tammy

"Wala rin si Cassie. Tsk. Tayo nalang muna ang magkapartner Tammy." - Tikoy

"Sige. Uyy Patrick, isayaw mo din ako hah?" - Tammy

Naku. Si Tammy talaga. Kung pumayag si Patrick, lagot yan sakin.

"Sige ba. Pero basta ang first and last dance ko ay para kay Ella lamang. - Patrick

Sige na. Hindi na ako magseselos dahil sa pumayag siyang isayaw si Tammy pero dahil sa sinabi niiya, kinilig naman ako dun.

Pero teka. Hindi pa nga ako niyaya diba?

Pakipot mode Ella ON! xDD

"Yun ay kung papayag akong maisayaw mo Patrick Rivero." - Ako

"Papayag ka din naman eh dahil alam kong ------- "

Ay palakang to! Baka masabi pa na mahal ko rin siya. Sa Prom ko nalang kasi iaannounce na mahal ko ang lalakeng 'to.

Pero tinakipan ko ang kanyang bibig. Mahirap na.

"Uy ano yan hah? May secret kayo? Kayo na noh?" - Tikoy

"Hindi noh!" - Ako

"Hindi PA. 6 years pa siguro ang hihintayin ko." - Patrick

"Matagal pa. Makakahintay ka ba Patrick?" - Winston

"Oo naman. Para kay Ella *sabay kindat sakin*" - Patrick

Grabe naman si Patrick. Pwede ba wag niya akong kindatan?

Mas nahuhulog ako sakanya eh. Haha. x))

"Hayy naku. Hanggang salita ka lang." - Ako

"So ibig sabihin sasagutin mo talaga siya after 6 years?!"- Tammy

Tanga talaga Ella. Isip na ng palusot dali!

"Hindi ganun yun. Ano ka ba. Ang ibig kong sabihin kahit maghintay pa yan ng 6 years, wala siyang mapapala." - Ako

"Sus. Palusot ka pa. Basta ikaw date ko sa Prom." - Patrick

"Ganyan ba ako yayain ng isang Patrick Rivero sa prom?" - Ako

"Ah. Hindi. Ganito. Ehem ehem. Ella, pwede bang ikaw ang date ko sa Prom?" - Patrick

Ayan na. Papayag ba ako? Or pahihirapan muna? Baka akalain pa easy to get ako.

"Ayoko nga" - Ako

"Ano bang gusto mong gawin ko para pumayag ka?" - Patrick

Ikiss mo ko sa lips! Haha. JOKE lang.

Pakasalan mo lang ako. Toinks!

Hindi ko pa nga boyfriend ang loko eh.

Ano bang ipapagawa ko sakanya? Ligawan ako?

Ginagawa na niya.

"Kahit ano basta magpapasaya sakin." - Ako

"Wala akong alam eh. Kiss?" - Patrick

Ang galing noh?

OO Patrick! Hahaha. JOKE

"Ikiskiss kita sa pader eh. Sige na nga. Kawawa ka naman." - Ako

"Payag ka na? YES!" - Patrick

Lundag lang siya ng lundag na parang nanalo sa lotto tapos nagulat naman ako ...

YINAKAP NIYA AKO.

Sus. Kilig naman ako. Haha. >/////<

"Ehem." - Ako

Kumalas naman na siya sa yakap niya.

Teka. Ang super aga yata namin. Hindi pa ba time? Kanina pa kami hah.

Pansin niyo? Ako nga din eh. xDD

RRRRRIIIIINNNNNGGGG

Ayun na nga ang bell. Haha.

FAST FORWARD ..

Ifafast forward ko na. Eto na ang JS Prom.

Alangan naman na ikwento ko pa pati mga naklase namin.

Grabe. Ganito pala ang ayaw magJS Prom. Ang aga kong nagising. Excited lang noh?

Pumunta si Tammy at Britney. Sabay sabay kasi kaming mag-aayos.

Isang yellow gown ang suot ko. Medyo palubo siya tas silver heels. (hindi yata sila match pero bahala na) tas konting accessories lang.

Blower, curler, light make up and IM DONE!

1pm na pala. 2pm magsastart yung Prom. Baka losyang na ako pagdating sa school. Hayy.

Ang cheap noh? Sa school lang ang Prom. xDDD

Pero ang mahalaga, si Patrick ang partner ko.

1:30 na at natapos na kaming lahat mag-ayos.

Andyan na sila Tikoy, Winston at Patrick na sundo namin.

Grabee! Ang gwapo gwapo naman ng date ko! :)))

"Bye ma. Alis na po kami." Pagpapaalam ko kay Mommy.

"Bye po Tita!" - Tammy at Britney

"Ingat kayo anak hah?" - Mommy

"Opo." - Ako

Inalalayan lang naman ako ni Patrick na pumasok na kotse. Holding hands kami ni Patrick! JOKE. Haha.

MAMAYA YAN. PROMOSE. HINDI AKO MAGPAPAKIPOT NGAYON. Hahahahahaha. LOL.

"Ella, ang ganda mo."

Tama ba yung narinig ko? Ang ganda ko daw sabi ni Patrick.

"So ano? Maganda lang ako kapag may make up and everything?" Diba wag pakipot? Eh hindi naman ako pakipot. Nagtataray-tarayan lang. xDD

"Naniwala ka naman. Ang galing ko rin talagang magsinungaling. Haha." Basag naman ako dun. T.T

"Oo nga eh. Pero alam mo, ang gwapo mo Patrick."

"Syempre. Ako pa?"

"Naniwala ka? Naman Patrick. Joke lang yun."

"Bawiin mo yun kung ayaw mong halikan kita."

Hinding-hindi ko yun babawiin. Halikan mo na ako Patrick. OK lang. Hahaha.

"Ayoko nga."

"Guys, guys, andito na tayo." - Tikoy

Aagaw eksena Tikoy? Tsktsktsk.

Bumaba na kami.

After 7198491827387104138741 years, natapos na rin ang kung anu-anong ka-etchusan na ceremony.

Ibig sabihin, SAYAWAN NA!! :DDDD

Nagsayawan na ang iba at kami nalang yata ni Patrick ang hindi.

"Ella?" - Patrick

"Ano?"

"Can I have this dance?"

"Mukha mo isayaw mo."

"Ella naman eh. Pumayag ka na ikaw ang date ko."

"Pumayag ako na ako ang date mo. Hindi ang kasayaw mo."

"Parte ng date natin to."

"Sige na nga."

Pakipot pa talaga ako noh? Haha. Bibigay din pala.

Hindi ko talaga matignan sa mata itong si Patrick. Baka makahalata pa to. Mahirap na.

"Ano ba. Tignan mo naman ako sa mata." - Patrick

"Ayoko nga."

"Bakit naman?"

"WALA. Basta ayoko!"

"Ayiiieh. Baka kasi magblush ka noh?"

"Asa ka. Sapilitan lang naman ito."

"Weh? Gusto mo eh."

"Hindi ah."

"Tingin ka na. Halikan kita dyan eh."

"Subukan mo lang. Papatayin kita."

"Eh tumingin ka na kasi."

Kung hindi lang mapilit ito, hindi ako titingin eh.

"Ayan. Tumingin ka na. Dapat nga proud ka eh."

"Bakit naman?"

"Kasi kasayaw mo ang isang gwapong Patrick Rivero."

"Ang yabang mo rin noh?"

"Magbabago na ako. Para sayo. :))"

"Weh?"

"Oo. Teka lang."

Binitawan na ako ni Patrick at pumunta sa stage." Kinuha ang mic at ..

"Hello po sa lahat. Kilala niyo na siguro ako. Patrick Rivero. Andito ako ngayon para sabihin na maganda si Ella Dimalanta. Sa ganda niya, nabihag niya puso ko. Alam kong parang ako at pusa kami kung mag-away pero paraan ko lang yun para pansinin niya ako. Tsaka ang cute cute niya eh. Si Tammy na ex ko ay minahal

ko naman talaga. Hindi siya nagkulang sakin pero nung tumagal na, hindi ko alam pero bigla nalang akong nahulog dito sa mataray na babaeng ito at unti unting nawala ang feelings ko para kay Tammy. Sa unang date namin, ang saya saya ko dahil may nalaman ako pero hindi ko na isheshare kong ano yun. Pero basta. Handa akong maghintay. Magbabago rin ako para sayo Ella. Hindi na ako magiging maangas. Good boy na ako. Mahal na mahal kita Ella. Kung hindi ka pa ready, handa akong maghintay para sayo. Yun lang po. Ituloy niyo na ang sayawan."

Speechless ako dun teh! Ang haba ng hair ko.

Balak ko na ngang sagutin to eh. Hindi naman nagtanong ng "Will you be my girlfriend?"

Maiyak iyak na nga rin ako. Parang sa sine lang to.

Pero TOTOO ang lahat at hindi ako lubos na makapaniwala.

Bumaba na siya sa stage.

Hiyawan naman ang mga tao. Halos ang sinasabi nila sagutin ko na daw. Pati nga ang barkada eh.

Nagsayaw na kami ulit.

"Bakit mo ginawa yun?" - Ako

"Kasi mahal kita."

"Yun lang?"

"Kasi mahal na mahal kita Ella."

"Hindi mo ako tatanungin?"

"Ng ano?"

"Alam mo na. Yung ganun."

"Huh?"

"Ang slow mo."

"Naku. Gusto mong tanungin kita ng ganito? Ehem. Ella, will you be my girlfriend?"

Dahil naman sa nadulas ako, ganito ang nasagot ko.

"Alam mo naman pala eh. Oo. Mahal din kita. Oo. Payag ako."

Sabay pa kaming nabigla sa sinabi ko at yinakap lang siya ako.

Ang saya saya ko.

Kami na ni Patrick. Hindi na siya maghihintay. :)))

Hindi ko alam kung ano ang mangyayari samin sa future pero sana lang tumagal kami.

THE END

You might also like