Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

HULWARANG ORGANISASYON NG TEKSTO

I. Depinisyon o Pagbibigay-Kahulugan nagpapaliwanag ng paksa sa pamamagitan ng pagbibigay-kahulugan, partikular sa mga salitang di-gaanong pamilyar. A. Konseptuwal standard na kahulugan ng salita o yaong matatagpuan sa diksyonaryo at iba pang sanggunian B. Operasyonal kahulugan ng salita ayon sa kung paano ito ginamit sa pag-aaral

Kasangkapan ng Depinisyon 1. Terminolohiya 2. Uring Kinabibilangan 3. Katangiang ikinaiba nito sa mga kauri Tatlong Paraan ng Pagbibigay-Depinisyon A. Paggamit ng kasingkahulugan B. Intensib maikli; taglay lang ang tatlong sangkap sa depinisyon C. Extensib malawak ang pagpapaliwanag (sanaysay na pangkatuturan)

II. -

Enumerasyon o Pag-iisa-isa Tumutukoy sa talaan o listahan ng mga idea, katotohanan o detalyeng tungkol sa pangunahing idea. Ang kaayusan ng mga idea o detalye ay maaaring magkapalitan na hindi mababago ang kahulugan. A. Simpleng Enumerasyon pagtalakay sa pangunahing paksa at pagbanggit ng mga kaugnay at mahahalagang salita. B. Komplikadong Enumerasyon pagtalakay sa pamamaraang patalata ng pangunahing paksa at mga kaugnay na kaisipan na naglilinaw ng paksa. Tinatalakay nang sunod-sunod o magkakahiwa-hiwalay at magkakaugnay na talata ang mga bagay na inisa-isa.

III. -

Pagsusunod-sunod dapat maayos ang pagkakasunod-sunod (order) Pagsusunod-sunod mula sa unang pangyayari tungo sa pinakahuli o kongklusyon. A. Kronolohikal ginagamit sa larang ng kasaysayan at maikling kuwento

B. Prosedyural ipnapakita ang pagkakasunod-sunod ng proseso na walang nakaligtaang hakbang

IV. -

Paghahambing at Pagkokontrast Pinaghahambing ang magkaparehong katangian ng dalawa o higit pang mga bagay, idea, lugar, pangyayari, tao at iba pa. Sa pagkokontrast, inilalarawan ang kaibahan ng mga ito upang lumutang ang katangian ng bawat isa.

V. -

Problema at Solusyon Ang pagbuo ng teksto ay batay sa inilahad na problema at pagbibigay-solusyon upang matugunan ang hinihinging kasagutan batay sa pagsusuri sa nalikom na mga impormasyon. Gamit ito sa pagsulat ng mga pananaliksik at pagsasagawwa ng mga eksperimento at siyentipikong pag-aaral. Maaring ang suliranin ay natural na phenomena o suliranin na bunga ng isang suliranin; gamit ang trial and error o pagninilay (discernment); pamanahong papel o term paper

VI. -

Sanhi at Bunga Nagpapakita ng pinagmulan o pinag-ugatan ng mga pangyayari at nagpapaliwanag ng mga epekto o resulta. Ang sanhi ay nagsasaad ng kadahilanan ng pangyayari at ang epekto naman ay ang resulta o bunga

You might also like