Sa Edukasyon Ay Magtatamo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Sa Edukasyon magtatamo ng liwanag sa Bansa

Kanyang binabali leeg ng panlilinlang, At dahil sa poot, namutla krimen at kasamaan;

Ang hiningang mahalaga ng matinong edukasyon. May bisang mapang-akit nagkikintal ng saloobin; Na sa Inang Bayan ay taos na iniaalay Pati na ang di maubos-ubos na ningning. At habang ang banayad na paghinga ng hamog Ay bumubuhay sa bulaklak na naluluoy, Gayundin ang edukasyon na may biyaya; Grasyang ibinabahagi sa sangkatauhan Para sa kanya, di ipagdadamot ng tao At lahat ng sa kanya; maging ang kanyang katahimikan Dahil sa kanya isinilang ang lahat ng agham at sining, Na sa taoy nagbibigay ng putong lawrel Habang mula sa rurok ng bundok na mataas Malinaw na tubig ang siyang dadaloy Kaya ang edukasyong walang bahid ni sukat Dulot ay payapa at tatag sa lupang tinitirhan. Kung saan ang naghahari ang edukasyon Namumukadkad, sumusigla ang kabataan; Kamalian niyay walang dudang mapaninindigan, At mapapangibabawan ng pagiging marangal;

Mga nasyong barbaro, kaya niyang paamuhin Asal-hayop nitoy nagbabagot nagiging kabayanihan. At habang dumadaloy itong batis ng buhay Sa lahat ng halaman, sa palumpong sa parang, Dulot nitoy kalinga, kapayapaan, Bubusugin ng pagmamahal na walang hanggan Sa pampang nitoy umaagos nang banayad, Mga biyayang bigay niya sa kalikasan Kaya mahusay na edukasyon kapag nakamtan Lahat ng karangalay abot-kamay na. Mula sa kanyang labiy dadaloy nang walang likat Tubig na kabaitang Kristal yata ang katulad, Kanyang pananalig, titibay at tatatag, Lakas ng kasamaay kanyang tunay na masusupil, Katulad ng mga along di gaanong nagluluwat, Pagsapit sa pampang nawawalat, nababasag Ng balana sa pagsulong sa tunay na kaunlaran. Sa kaibuturan ng taoy isang halimaw, Hanap ay liwanag mabutit pinagpala, Mga kamay na nakagapos nitong salarin, Hanap ay pusong dalisay at busilak Mga kaluluwang ipinag-alab niya

Mula sa init ng pag-ibig katwirang tunay Buhay na tigib sa ginhawa siyang dulot niya At nang naroroon ang batong buhay na matayog Tinanaw ang mga along nagngangalit, Mapusok na sigwat marahas na habagat, O, daluyong ng dagat mo na di maawat, Hanggang sa silay mauubusan ng lakas, At sa waakas ay mahahapo, makatutulog, Kaya siya na sumandig sa Edukasyon, Maging tunay na gabay sa kanyang Bayan, Sa sapiroy nakaukit ang dakilang paglilingkod, Libu-libong karangalay kanyang ihahandog: Sa kanyang dibdib itatagong mga dakilang anak, Hasik ng kabaitay at malusog Sa pagmamahal at kabutihan, saloobiy lilinis. Mamahalin nilang mga panginoon ng lupa Ang araw na maghari ang edukasyong makaDiyos Sa baying nananalig sa tunay na kabutihan An gating tatanghalin ang unang silahis ng umaga Mula sa araw na animoy pagkapula-pulang hiyas, Ganda ng bukang liwayway, mapulat ginintuan, Mga brilyong kulay, kanyang isinasaboy;

Ganoon din ang gawa ng turong mainam, Nagsasabay ng ligaya sa buhay na isipan Liwanag ang alay niya sa Mahal na Inang Bayan, Aakayin niya sa luwalhating walang hanggan . . .

You might also like