Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pangatnig Pangatnig ang tawag sa mga katagang nag-uugnay sa magkasunod na salita, parirala, o sugnay. Dalawang pangkat ng Pangatnig: 1.

. nag-uugnay ng dalawang magkatimbang na salita, parirala, o sugnay na kapwa makatatayong mag-isa. at, saka, o, pati, ni, maging, ngunit, subalit, datapwat, pero, at iba pa At, saka, pati ginagamit kung nais lamang nating idagdag o isingit ang ikalawang salita o parirala o sugnay sa nauuna Hal. Masustansyang pagkain ang prutas at gulay. O, ni, at maging - tinatawag na mga pangatnig na pamukod sa dahilang pinagbubukod nito ang mga kaisipang ating pinag-uugnay Hal. Ni saktan ni pagalitan ay hindi ko ginawa sayo. Ngunit, subalit, datapwat, bagamat, at pero ay tinatawag na mga pangatnig na panalungat. Sinasalungat ng ikalawang kaisipan ang ipinahahayag ng nauuna. Hal. Bata pa si Red subalit siyay responsible na. 2. nag-uugnay ng di-magkatimbang na salita, parirala, o sugnay. Kung, kapag, pag, dahil sa, sapagkat, palibhasa, kaya, kung gayon, at sana Kung, kapag, at pag pangatnig na panubali. Hal. Uuwi ako kapag kasama ka. Dahil sa, sapagkat, palibhasa nagpapakilala ng sanhi o dahilan; Tinatawag na mga pangatnig na pananhi Hal. Palibhasay matalino, hindi nag-aaral si Ben. Kaya, kung gayon at sana mga pangatnig na panlinaw; o ginagamit upang bigyang diin o linaw ang kaisipang hatid ng sugnay na di-makapag-iisa. Hal. Kung nag-aral ako, hindi sana ako bumagsak. Panuto: Punan ng angkop na pangatnig ang patlang sa bawat pangungusap. 1. May sakit ang aking ina _____ uuwi ako nang maaga _____siya ay aking maalagaan. 2. _____ ka dadalo ay hindi na rin ako sasama.

3. _____ tinutukso ako ng aking mga kamag-aral ay hindi ako nawalan ng pag-asang magwawagi sa palig-sahan.

4. Gagamit ka bang aklat _____ sa internet ka na lang magsasaliksik.

You might also like