Suring Pelikula

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

The conjuring

(Suring Pampelikula)

I. Direksiyon
Sa direksyon ni James Wan na isa sa pinakamagaling at matagumpay na director sa mga lumipas na taon. Bago ang kanyang tagumpay sa Mainstream Film Industry, ginawa niya ang kanyang unang pelikulang Stygian na tampok si Shannon Young na nanalo ng Best Guerilla Film" sa Melbourne Underground Film Festival (MUFF) noong 2000. Kaya hindi maipagkakaila na magaling ang ginawa
niyang pagdidirek sa pelikulang The Conjuring dahil patunay dito ang paunang ulat na ito ay kumita ng $ 3,300,000 mula sa unang huwebes ng pagpapalabas at naging labing limang beses na Box Office Hit sa buong mundo na nagdahilan dito upang umabot ng $312,459,667 ang badyet nito sa produksyon.

II. Istoryang Pampelikula


Ang istorya ng pelikulang ito ay patungkol kina Ed at Lorraine Warren na mga American Paranormal Investigators at may mga akda na nauugnay sa mga kaso ng lagim at kababalaghan. Ang kanilang mga ulat ay hango sa Amityville Horror. Sila ay nagtungo sa pamilya ng Perron upang tulungan sa nararanasang nakakagambalang mga kaganapan sa kanilang tahanan sa Harrisville, Rhode Island noong 1971.

III. Pagganap
Vera Farmiga bilang Lorraine Warren Patrick Wilson bilang Ed Warren Lili Taylor bilang Carolyn Perron Ron Livingston bilang Roger Perron Shanley Caswell bilang Andrea Perron Hayley McFarland bilang Nancy Perron Joey King bilang Christine Perron Mackenzie Foy bilang Cindy Perron Kyla Deaver bilang April Perron Shannon Kook bilang Drew John Brotherton bilang Brad Sterling Jerins bilang Judy Warren Marion Gayot bilang Georgiana Moran Steve Coulter bilang Father Gorden Joseph Bishara bilang Bathsheba Morgana Bridgers bilang Debbie Amy Tipton bilang Camilla Christof Veillon bilang Maurice

IV. Sinematograpiya
Ang sinematograpiya ng pelikulang Conjuring ay natatangi. Ang pag-iilaw at pagkuha sa angkop na anggulo ng kamera ay agad tayong dinadala sa bahay ng kababalaghan sa panahon ng 1970s. Sa bawat pagbukas at dahan dahang pagdilim ay nagbabanta na katatakutan. Maraming mga mahusay na nakamamanghang kuha at lahat ay halos perpekto.

V. Disenyong Pamproduksiyon
Ang disenyong pamproduksyon ay akmang akma sa istorya at sinematograpiya nito. ginanap ang pagkuha at teyping ng pelikulang ito sa EUE/Screen Gems Studios at ilang lokasyon sa Wilmington, North Carolina..Makaluma ang mga ginamit na disenyo at akmang akma sa istorya nito at para kang bumalik sa sinaunang panahon na punong puno ng katatakutan. Mismong ang bahay na ginamit ay siya ring mismong naging tirahan umano ng mga multo.

VI. Editing
Espesyal ang ginawa ng editor sa pelikulang ito. Karamihan kasi sa pelikulang ito ay bukod sa natural na effects ay mayroon din mga hindi pangkaraniwang effects na mas lalo pang nagpaganda dito. Kaya masasabi kong 5/5 ang editing nito. Kaya mas nadadag pa ang mga nakakatakot na senaryo. Sa madaling salita walang patay na oras.

VII. Musikal Iskoring


Ang Musikal Iskoring nito ay ginawa ni Joseph Bishara, na nooy naging katulong ni James Wan sa pelikula ng Insidious noong 2011. Espesyal ang musikang ginamit dito na lubusang tumugma at nagpaganda sa naturang pelikula. Ang ilan sa halimbawa ng ginamit na musika dito ay : "In the Room Where you Sleep" ng Dead Man's Bones "Sleep Walk" ni Betsy Bryce "Time of the Season" ng The Zombies

VIII. Paglalapat ng Tunog


Sa oras na pinanood ang pelikulang ito, masasabi na ang tunog ang isa sa nagdala at nagpaganda sa pelikulang ito. Lalo na sa pagkatugma at pagkaangkop ng mga tunog sa nagaganap o pangyayari sa isang lugar. Sa mga ginamit na sound effects siguradong paninindigan ka na ng balahibo dagdag pa ang mga nakakagulat na tunog.

IX. Buod
Noong 1971 , sina Roger at Carolyn ay lumipat sa isang abandonado at sira-sira na farmhouse sa Harrisville , Rhode Island kasama ang kanilang limang anak na babae . Sa unang araw ng kanilang paglipat ay maayos pa ang kanilang pamumuhay , bukod sa kanilang aso na si Sadie ,na tumangging pumasok sa bahay at ang isa sa mga anak na babae ay nakahanap ng isang nahaharangang lagusansa isang bodega .

Ang sumunod na umaga , Si Carolyn(nanay) ay gumising ng may isang mahiwaga gasgas at natagpuan si Sadie na patay na sa labas ng bahay . Sa paglipas ng susunod na mga araw , iba't-ibang mga kaso ng hindi pangkaraniwang pangyayari ang naganap. Ang pangyayari ay nadagdagan pa isang gabi habang si Roger(tatay) ay tumungo sa Florida . Pagkatapos makarinig ng ilang pagpalakpak at hagikhik at nakita ang mga larawan sa pader na nagsilaglagan sa hagdan , si Carolyn ay nakulong sa isang bodega . Makalipas ang ilang sandal si Cindy , ang isa sa mga anak na babae , ay nagising dahil sa paglalakad ng tulog ng kanyang kapatid na babae na si Andrea sa kanilang kuwarto at nakita ng isang espiritu sa tuktok ng isang kabinet sa kuwarto na tinalunan at inatake si Andrea . Tinawagan ni Carolyn ang kanyang alam na Paranormal investigators na sina Ed at Lorraine Warren para humingi ng tulong . Ang Warrens ay nagsagawa ng isang paunang pagsisiyasat at napagtanto na ang bahay ay maaaring nangangailangan ng isang pagpaalis ng demonyo , ngunit kailangan nila ng awtorisasyon mula sa Simbahang Katoliko at karagdagang ebidensiya bago sila muling magpatuloy . Habang nagsasaliksik ng kasaysayan ng bahay , sina Ed at Lorraine ay natuklasan na ang bahay ay pagaari noon ng isang inaakusahang bruha na si Bathsheba , na sinubukang isakripisyo ang kanyang anak sa diyablo at pinatay ang kanyang sarili noong 1863 matapos isumpa lahat ng nais kumuha sa kanyang lupa .Ang naturang ari-arian ay nooy 200 + ektarya ngunit dahil na hinati-hati ito sa mas maliit na bahagi .Sila ay nakalikom ng mga balita ng pagpatay at pagpapakamatay sa naturang bahay dahil sa kaparehas na dahilan. Sina Ed at Lorraine ay bumalik sa bahay upang lumikom ng mga katibayan upang makakuha ng pahintulot para sa pagpaalis ng demonyo . Muli si Cindy ay naglakad na naman ng tulog sa kwarto ni Andrea at nagpakita ng isang lihim na lagusan sa likod ng aparador .Si Lorraine ay pumasok at nalaglag sa sahig ng bodega , kung saan niya nikita ang espiritu ng isang babae , si Bathsheba na matagal nang patay. Ito ay sumpi sa kanya at siyang ginamit upang patayin ang kanyang sariling anak . Ang isa pang ng Perron na bata na si Nancy ay marahas na binalibag sa pamamagitan ng kanyang buhok. Animoy hinawakan ng isang hindi nakikitang lakas . Napagdesisyonan ng pamilyang perron na magkubli sa isang hotel habang sina Ed at Lorraine ay humahanap pa ng katibayan sa Simbahan upang magsagawa ng isang pagpaalis ng demonyo . Habang ang Warrens ay patungo na sa kanilang bahay , ang kanilang anak na babae ay inaatake sa kanilang sariling tahanan ng espiritu na si Bathsheba , subalit si Ed ay dumating sa oras upang maiwasan ang pagkasakit ng kanyang anak . Si Carolyn naman ay kasalukuyang sinasapian ng espiritu ni Bathsheba , dinala ang dalawa niyang anak na babae ,si Christine at April tungo sa kanilang bahay .Sina Ed , Lorraine , Roger , at dalawang katulong ay nagmadali tumungo sa bahay kung saan nila nahanap si Carolyn na sinusubukan hiwain si Christine gamit ang gunting .matapos hulihin si Carolyn nagpasya si Ed na magsagawa ng pagpaalis ng demonyo ng siya lamang , ngunit si Carolyn ay nakatakas at nagtangkang patayin si April. Si Lorraine ay nagawang pansamantalang gambalain ang sinasanibang si Carolyn mula sa pagpatay sa kanya anak na babae sa pamamagitan ng nagpapaalala sa kanya ng isang espesyal na memorya na ibinahagi niya sa kanyang pamilya , na nagpapahintulot sa Ed upang makumpleto ang pagpaalis ng demonyo , nagligtas kila Carolyn at sa kanyang mga anak na babae . pagbalik sa tahanan, sinabi ni Lorraine kay Edna ang mga pari na kanilang hiningian ng pahintulot para sa pagpaalis ng demonyo ay dininig sila at nagiwan ng isang mensahe, Na sinasabi na siya ay nagkamit ng pag-apruba mula sa Simbahang Katoliko upang maisagawa ito . Bilang karagdagan sa mga ito , sila ay mayroong pang isang kaso na kailangang siyasatin sa malayong isla.

X. Aral

Walang imposible sa Diyos , Handa niya tayong tulungan sa kahit anung problema. Basta palagiang magtiwala sa kanya dahil ang Diyos ang tanging katulong natin sa mga ganung pagkakataon .

You might also like