Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Thamania Keith Gumilao

III - Paraaque

Alyansa Ang Balance Power sa Europa ay nabago nang sumanib ang Germany at Italy Binuo ni Bismark ang Dual Alliance kung saan kasama ang Austria-Hungary Isinama ang Italy sa alyansang ito kaya tinagurian itong Triple Alliance Nagkasundo ang France at Great Britain at kinilalang entente ang kanilang kasunduan Nangako ang mga alyansa na tutulungan nila ang mga kasamahan sa alyansa kung sakali mang lusubin ito ng ibang bansa Triple Alliance: Germany, AustriaHungary, Italy Triple Entente: Great Britain, France, Russia

ANG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG

Nasyonalismo

Imperyalismo Mga Dahilan ng Digmaan Alyansa

Militarismo
Nasyonalismo Ang pag-unlad sa kalakalan at kaligtasan ang nagdulot sa mga tao na magkaisa, magkabuklod-buklod at bumuo ng isang higit na malaking pangkat Ang nasabing pangkat ay nagkasundo sa iisang katutubong wika, kultura at tradisyon, at hindi naglaon ay naging isang bansa Ang pagkakaisa ng mga tao sa isang bansa ang naging pangunahing layunin ng mga bansa sa Europa

Militarismo Paniniwalang ang paggamit ng armas ay makalulutas ng mga suliraning pandaigdig Ang pamumuno sa pamahalaan ay naiimpluwensyahan ng mga opisyal sa militar May isang teoryang nagsasabi na: Kung nais ng isang bansa na magkamit ng kapayapaan, dapat siyang maghanda para sa isang digmaan sapagkat walang bansa ang nais na lusubin siya Ang paniniwalang ito ay nagdulot lamang ng takot sa mga tao, kawalan ng katiwasayan at labis na paggastos ng mga bansa upang magpagandahan ng mga armas pandigma

Imperyalismo Ang pag-angkin ng teritorya para sa pang-ekonomiya at pulitikal na katanyagan at kapangyarihan Ang rebolusyong industriyal ang nagbigay-lakas sa mga bansang kanluranin sa pakikipagkompitensya Nakalikha ng higit na maraming produkto dulot ng mga makinaryang gamit

Ang Pagsabog ng Digmaan Tao/Pangyayari Archduke Francis Ferdinand Kontribusyon/Naganap

Tagapagmana ng trono nga Austria na napatay sa Sarajevo ng isang makabayang taga-Bosnia Hulyo 28, 1914 Nagdeklara ang Austria ng digmaan laban sa Bosnia Tumulong ang Russia sa Serbia. Hiniling ng Germany na itigil ang mobilisasyon ngunit hindi nakinig ang Russia kaya nagdeklara ang Germany ng digmaan laban dito at sa isa pang kakampi ng Russia, ang France. Napilitang magdeklara ng Great Britain ng digmaan laban sa Germany dahil sa paglusob nito sa Belgium. Allied Powers France, Russia, British Empire, Italy, Serbia, Belgium, Montenegro, Japan, Portugal at Rome Central Powers Germany, Austria-Hungary, Bulgaria, Turkey Nagdeklara ang Estados Unidos ng Digmaan laban sa Germany. 1917 Umanib sa Allies ang China. Ang Allies ay may higit na kapangyarihan at kayamanan kaysa sa Central Powers, at may mataas na uri ng hukbong-dagat. Pantay sa lakas sa lupa ang dalawang panig Ang mga bansa sa Central Powers ay magkakatabi lamang habang ang mga bansang Great Britain at France ay nakahiwalay sa kakampi nitong Russia.

Germany ngunit napigilan ang paglusob na ito ng mga Pranses sa Labanan sa Marne. Ang pagsugod ng Russia sa Silangang Prussia ay napigilan ng Germany sa Tenneburg. Natalo ng Germany ang Russia sa Labanan sa Lawa ng Masurian. Sinubukang gumanti ng Russia ngunit silay nabigo. Bunga nito, nalunsad ang Rebolusyong Russo kung saan napatalsik ang ototratikong tsar at napalitan ng pamahalaang Bolshevik. Napasailalim ng Germany, Austria at Turkey ang mga lalawigan sa Kanluran ng Russia sa bisa ng isang kasunduang pinirmahan ng pamahalaang Bolshivek. Natalo ng mga British ang Germany sa Labanan sa Jutlan at sa labanan sa dagat.

Huling Pananalakay ng Germany Nagbigay-daan ang Rebolusyong Bolshivek ng pagkakataon sa Germany na sakupin ang Russian Poland. Nang lumawak ang lupang nasasakupan ng Germany, wala nang nagawa ang pamahalaan ng Russia kundi sumangayon sa Kasunduan sa Brest-Litovsk. Lumipat sa Kanlurang Europe ang mga kawal ng Germany nang bumagsak ang Russia.

Kasunduan sa Versailles Pinirmahan noong Hunyo 20, 1919 sa palasyo ng Versailles. Ayon sa probisyon, sa pag-amin ng Germany na ito ang may kasalanan sa pagsisimula ng digmaan, kailangan nitong magbigay ng bayad-pinsala.

Ibat Ibang Labanan Hinangad ng Germany na makamit ng tagumpay pareho sa Silangan at Kanluran. Nakapasok sa Hilagang France ang

Sa loob ng dalawang taon, babayaran ng Germany ang mga alyadong bansa ng halagang $ 5 milyon. Itinadhana ang League of Nations.

League of Nations Ligang pinangarap ni Pangulong Woodrow Wilson na pipigil sa isang mapaminsalang digmaan. Ang mga malayang bansang kasapi dito ay sumang-ayon na igalang at panatilihin ang hangganan ng bawat miyembrong bansa at nangakong magkakaroon ng arbitasyon sa anumang uri ng sigalot sa pagitan ng mga kasaping bansa. Ang Estados Unidos ay hindi kasapi ng ligang ito. Naging kasapi ng liga ang Germany at Russia noong 1934.

Mga Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig Pagkamatay at pagkabilanggo ng maraming tao.

Nawasaka na mga ari-arian.


Naapektuhan ang ekonomiya ng daigdig dahil sa pinsala sa imprastraktura, pagsasaka, industriya, transportasyon, at pananalapi. Pagbagsak ng mga imperyo. Sumibol ang bagong republikang Europeo.

You might also like