Kultura

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

KULTURA

Ang kultura ay tumutukoy sa mga aktibidad ng sangkatauhan. Ito ay nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang mamamayan o ng bansa. May mga Batas at Programa ang itinaguyod ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng kultura. Sa katunayan, ito ay nakapaloob sa ating Konstitusyon. Sinanasabi sa Artikulo XIV, Seksyon 14 hanggang 18 ang mga sumusunod: 1. Pagtataguyod ng Estado sa pangangalaga, pagpapayaman, at dinamikong ebolusyon ng isang pambansang kulturang Pilipino. 2. Pagtangkilik ng Estado sa mga sining at panitikan. 3. Panganagalaga, pagtangkilik, at pagpapalaganap ng mga pamang historikal at kultural at mga likhang artistiko ng bansa. 4. Pagkilala, pagpapahalaga, at pangangalaga sa karapatan ng mga katutubo upang mapanatili at mapaunlad ang kanilang kultura, tradisyon at institusyon. 5. Pagbibigay na pantay na pagkakataon sa edukasyon, iskolarship, at mga insentibo. 6. Paghikayat at pagsuporta sa mga pag-aaral at pananaliksik tungkol sa sining at kultura.

MGA PROGRAMA SA PAGPAPAUNLAD NG KULTURA

May ibat-ibang programang itinaguyod ang pamahalaan upang mapagyaman at mapaunlad nito ang kultura ng bansa. Isa rito ang pagtatatag ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, na naglalayon na: 1) sanayin ang mga kabataan sa musika, sayaw, drama, at sining; 2) sanayin ang mga guro sa pamamagitan ng mga panayam, komperensya, seminar at workshop sa sining; 3) manaliksik tungkol sa katutubong musika, sayaw, at iba pang sinaunang tradisyon ng mga Pilipino; 4) magtipon, ipagpatuloy at ikalat ang mga bahagi ng mga kulturang Pilipino na malapit ng mawala; 5) pasiglahin ang pagbuo ng mga grupong pangkultura at tulungan sila sa pagtatanghal ng mga drama, konsyerto, sayaw at eksibit; 6) magsimula ng mga paligsahan upang makatulong sa pagtuklas ng mga Pilipinong may pambihirang talino sa sining; 7) at magtipon at magtago ng mga ulat tungkol sa mga pangkulturang pagtatanghal.

KARAPATAN AT TUNGKULIN SA PAGPAPAUNLAD NG KULTURA

1. Karapatan at Tungkulin sa Pag-aaral Lahat ng mamamayan ay binibigyan ng pagkakataong makapag aral. Naniniwala ang pamahalaan sa kahalagahan ng edukasyon. Kung ikaw ay nakapag-aral, makatutulong ka sa pagpapaunlad ng bansa at ng kulturang Pilipino.

Kung isang karapatan mo ang makapag-aral, ang katapat na tungkulin nito ay ang pag-aaral mo nang mabuti. 2. Karapatan at Tungkuling Makibahagi sa Agham at Sining Isang karapatan ang makibahagi sa kasiyahan sa sining at agham. Kasama rin dito ang karapatang tumanggap ng kita o pakinabang mula sa nagawang pansining o pang-agham. Ang tungkuling katumbas nito ay ang hindi pagkopya o pogsira sa nilikha ng iba. 3. Karapatan at Tungkulin sa Pagkuha at Pagpapahayag ng Impormasyon Bawat Pilipino ay may karapatang malaman ang katotohanan at anumang impormasyong mahalaga sa kaniya. Karapatan din niyang ipahayag ang sarili niyang opinyon at damdamin sa ibat-ibang paraan. Ganoon pa man, may tungkulin kang alamin kung ito ay tama o may batayan kaya. 4. Karapatan at Tungkuling Panrelihiyon Bawat Pilipino ay may karapatang pumili ng kaniyang relihiyon o sumamba sa kaniyang Diyos. Kaugnay nito, tungkulin mo namang igalang ang paniniwalang panrelihiyon ng iba kahit taliwas ito sa sarili mong paniniwala. 5. Karapatan at Tungkulin sa Pagsali sa mga Samahan Nasasaad sa ating Konstitusyon ang karapatan nating sumali o magtatag ng mga samahan o kapisanan na naaayon sa mga batas. Nakatutulong ito sa pansarili nating pag-unlad. Tungkulin naman natin ang maging mabuting kasapi sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tuntunin nito. Tungkulin din nating igalang at hindi siraan ang ibang samahan.

Sentrong Pangkultura ng Pilipinas o CCP

Pagsasanay sa mga kabataan sa musika

Pagsasanay sa mga kabataan sa pagsayaw

Pagsasanay sa mga kabataan sa pag-arte

Pagsasanay sa mga guro

Pag-aaral ng katutubong sayaw

Pag-aaral ng katutubong musika

Paggawa ng mga paligsahan sa sining

Tala ng mga Pambansang Alagad ng Sining

Arkitektura

Pablo Antonio

Juan Nakpil

Leandro Locsin

Disenyong Pangmoda
Ramon Valera

Musika
Antonino R. Buenaventura

Levi Celerio

Ernani Joson Cuenco Felipe Padilla De Leon Jovita Fuentes

Lucrecia R. Kasilag Jose Maceda Antonio J. Molina Lucio D. San Pedro Andrea O. Veneracion

Panitikan
Francisco Arcellana

Virgilio S. Almario

Panitikang Pangkasaysayan
Carlos Quirino

Pelikula
Lino Brocka

ishmael Bernal

Sayaw
Francisca Reyes Aquino

Leonor Orosa Goquingco

Sining Biswal
Napoleon V. Abueva (Iskultura)

Fernando C. Amorsolo (Pagpipinta)

Teatro
Daisy H. Avellana

Lamberto V. Avellana

You might also like