Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Balagtasan

Paksa: Dapat bang turuan ang mga Pilipino ng ibang lenggwahe maliban sa Ingles?
Mga miyembro ng Pangkat 1: (Di Sang-ayon) Bea Larion Danielle Pagtalunan (Lakambini) Ellyssa Garcia Carmela Borromeo Elisha Alcon Tristan Fulgencio Emmanuel Reyes

Mga miyembro ng Pangkat 4: (Sang-ayon) Jairus Francisco (Lakandiwa) Adrian Origenes Ma. Raphaela Pedroso Justine Lazo Hannah Adriano Sophia Estabaya Camille Castro

8-Mapagkalinga

Lakandiwa: Mga kaibigan! Kayoy makinig sa akin Sandaling ituon ang inyong pansin Mga ginoo, mga binibini Isang magandang araw ang aking bati. Lakambini: Dito naman mga panig, nais madingan kanilang tinig Ang mga sang-ayon; ang ideyang iba pang wika, ang pilit At ang mga hindi sang-ayon, na iisa ang igigiit; Igigiit na sapat na ang ingles-ang wikang pangdaigdig Lakandiwa: Ngayoy kanilang pagtatalunan Isang mahalagang katanungan Sapat na ba ang iisang wika lamang? Wika ng ibang bansa, dapat din bang malaman? Elisha: Ang ating wika ay napakahalaga Wikang sumisimbolo sa ating bansa Kaya naman itoy huwag balewalain Wikang Filipinoy pagtuunan ng pansin Hannah: Ang ating mundo ay patuloy sa pagbabago Patuloy sa pag-unlad at pag-asenso Walang masama kung wikang banyaga ating i-ensayo Dahil itoy magbibigay tulong sa ating mga Pilipino Tristan: Aming panig ay hindi sumasang-ayon Sa pagturo ng iba pang wika ngayon Filipinoy pag-aralan pa nating mabuti Nang malaman natin ang tamang paggamit

Adrian: Kami ay sumasang-ayon Na wika ng ibang bansay pag-aralan Ito ang misyon na magpapabuti sa ating nasyon At nang madagdagan ang ating kaalaman Emman: Hindi naman namin ipinagkakait Ang pag-aaral ng wikang banyaga Subalit hindi niyo din dapat ipagpalit Ang sariling wikang pambansa

Justine: Sa aking mura, ngunit hinog na kaisipan Aking napagtanto, ang tunay na dahilan Kung bakit akoy sang-ayon na dapat pag-aralan Ang ibat ibang wika nitong sandaigdigan Carmela: Salitang banyaga ay hindi na natin kailangan, Pagkat di naman ito ginagamit sa pamayanan. Tagalog ang wikang ating pinag-aaralan, Wikang importantet kailangan niyong tutukan. Camille: Hindi lang dapat Filipino ang ating aralin Kundi pati wikang banyaga din Para madagdagan ang ating kaalaman At tayoy maging mas kapaki-pakinabang Ellyssa: Kahit na may mga bansang sumakop sa atin, Gawin pa din natin dapat ang dating gawi. Hindi natin kailangan ng wikang banyaga, Dahil tayoy may sariling wika at ito ang dapat natin isalita.

Sophia: Ang kaalaman sa wika, di dapat limitado. Palawakin pa ang alam, dapat di lang Filipino. Sa ibat ibang lenggwahe, dapat tayoy matuto. Nang ganoon, ang ating bansay umunlad ng todo.

Bea: Ngunit parang di na natin napapakita Ang tamang paggamit ng ating wika Kayat mas aralin ang wikang pambansa Dahil di lahat tayoy may alam ng wikang banyaga. Ma. Raphaela: Minsan na tayong natawag na Indio Espanya pa ang nagbansag sa atin nito Dito pa sa bayan nating mga Pilipino Kung saan ang mga dayuhan, tayoy dapat ang sinasanto. Lakambini: Teka! Ngunit parang kami ay nalilito Kung sino ba ang dapat naming piliin? Ang panig ba sa kanan o sa kaliwa ko? Na karapat-dapat na aming gustuhin. Lakandiwa: Huwag na muna natin abalahin, Ang dalawang panig na magpahayag ng saloobin. Ituloy na natin itong paligsahan. At bigyang linaw itong balagtasan. Tristan: Hindi sa minamaliit ko ang wikang banyaga, Pero mas pakay ang lenggwahe ng sariling bansa Wikang Filipinoy dapat mahalin Wikang Filipinoy dapat tangkilikin

Justine: Ang pakikipagtalastasan sa ibat ibang uri ng dayuhan Ay sadyang napakahirap, kung ang alam mo ay Filipino lamang Ang ibat ibang wika na iyong napag-aaralan Ay matibay na sandata na iyong kailangan sa aling bansang iyong pupuntahan Elisha: Hindi sa lahat ng oras, banyaga ang iyong sinasalita Dahil ang mga Pilipino ay mas sanay sa wikang pambansa Ano bang halaga ng pag-aaral ng wikang panlabas? Kung ang makaka-intindi ay kaunti at di patas Hannah: Kahit na hindi ito ang iyong wika palagi Para sa bansa, itoy makakabuti Sapagkat itoy dagdag din sa ating kaalaman At kapag natutunan, itoy ating mapakikinabangan. Carmela: Dagdag kaalaman nga pagbanyaga ang iyong wika, Ngunit itoy di ginagamit at aksaya lang sa pera. Ang lenggwaheng Filipino ay sapat na, Pagkat ang wikang ito ang gamit natin sa tuwina. Adrian: Dapat nga nating mahalin ang ating wika, Ngunit diba dapat tayoy matuto din ng ibang salita? Upang lumawak ang ating mga isipan At hindi limitado ang bawat kaalaman Ellyssa: Ngunit hindi pa nga malawak ang ating kaisipan Pag ang Filipino ang ating pinag-uusapan Paano tayo makakapag-aral ng ibang wika? Kung di natin masyadong alam ang wikang pambansa.

Camille: Ang wikang banyaga ay malaking tulong sa atin Dahil naiintindihan nila ang saloobin natin At para dahil di na nila tayo apihin. Wikang banyaga, ating alamin. Emman: Isipin muna natin ang kagandahan ng ating wika. Ang ating mga ninuno ay nag-isip at lumikha. Isipin niyo muna ang ating minamahal na nasyon. Wika natin, ipaglaban dahil ito ang ating misyon.

Ma. Raphaella: Kung may paraan para tayo ay mapaunlad, Diba dapat magsimula sa pagpapalawak ng kaalaman? Kung ibat ibang lenggwahe ating nababanggit, Hindi na indio kundi henyo kanilang masasambit. Bea: Paano kung kaunti lang ang makakaintindi ng wikang iyon? Matutupad pa ba ang ating misyon? Wikang Filipinoy ang tanging wikang, lahat ay nakakaintindi Kayat Wikang Filipinoy, suriin ng mabuti Sophia: Hindi naman sa pag-aaral ng wikang banyaga Ay mawawala na ang pagmamahal natin sa ating bansa Wikang banyaga ay dapat pag-aralan Dahil mas lalawak pa ang ating kaalaman. Lakambini: Kaming, lakandiwat lakambini, ditoy litong-lito Sapagkat bawat kampoy may katuwirang matalino Sino nga bang nararapat na magwagi at matalo Buti pa madla ang magbigay ng trono sa panalo

You might also like