Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Panitikan Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Tumalon sa: nabigasyon, hanapin Larawan ng mga librong pampanitikan.

Isang aklatang may mga aklat pampanitikan. Sa pinakapayak na paglalarawan, ang panitikan ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluy an at patula. Subalit upang maipagkaiba ito mula sa ibang mga walang saysay na b abasahin o patalastas lamang, ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw, at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana. Samakatuw id, may hugis, may punto de bista at nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang isang sulating pampanitikan.[1] Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pam ahalaan, pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba't ibang uri ng damdami ng tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti , pagkasuklam, sindak at pangamba.[2] Ito ang isang dahilan kung bakit pinag-aar alan ang larangan ng literatura sa mga paaralan. Ang Iliad ni Homer, ang isang h alimbawa ng mga mabuting likhaing pampanitikang kanluranin, maging ang Aeneid ni Vergil.[1] Sanaysay Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Tumalon sa: nabigasyon, hanapin Etimolohiya [baguhin] Nanggaling ang salitang panitikan mula sa pang|titik|an , kung saan ikinabit ang un laping pang- at hulaping -an sa ugat na titik. Ang may-bahid kanluraning salitan g literatura ang isa pang katawagan para sa larangan ng panitikan. Nagmula ang s alitang literatura sa salitang Latin - littera - na nangangahulugang "titik".[2] Mga uri ng panitikan [baguhin] Sa pinakapayak na paghahati, dalawa ang uri ng panitikan: ang mga kathang-isip ( Ingles: fiction) at ang mga hindi kathang-isip (Ingles: non-fiction) na mga sula tin at babasahin. Ginagamit ng mga manunulat ang kanilang imahinasyon para sa pa gsulat ng mga akdang bungang-isip lamang. Umiimbento sila ng mga kathang-isip na mga tauhan, pangyayari, sakuna, at pook na pinangyahrihan ng kuwento para sa ka nilang mga prosang katulad ng mga nobela at maikling kuwento.[1] Para sa pangalawang uri ng panitikan, bumabatay ang may-akda sa mga tunay na bal ita at iba pang kaganapan, ayon sa kaniyang mga kaalaman hinggil sa paksa. Pinip ilit dito ng manunulat na maging tumpak sa mga detalye ng mga pangyayari. Hindi gawa-gawa lamang ang nakakainganyang kuwento. Kabilang sa mga hindi-bungang-isip na mga sulatin at babasahin ang mga talambuhay, awtobiyograpiya, talaarawan, sa naysay, at mga akdang pang-kasaysayan.[1] Mga anyo ng panitikan [baguhin] May dalawang pangunahing anyo ang panitikan: 1. tuluyan o prosa (Ingles: prose) - maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o p agpapahayag. 2. patula o panulaan (Ingles: poetry) - pagbubuo ng pangungusap sa pamamagita n ng salitang binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma, at nagpapaha yag din ng mga salitang binibilang ang mga pantig at pagtutugma-tugma ng mga dul o ng mga taludtod sa isang saknong. Kaugnayan sa kalinangan [baguhin] Nag-uugat ang lahat ng likhaing pampanitikan mula sa buhay, at naglalarawan ng k alinangang pinagmulan nito.[1] Kaugnayan sa kasaysayan [baguhin]

Malaki ang kontribusyon ng Panitikan sa Kasaysayan dahil dito natin makikita kun g ano ang buhay ng mga tao noon. Sa pamamagitan ng mga tula, Nobela, Kantahin, o talumpati nalalaman kung ano ang obserbasyon ng mga may-akda sa kanilang paligi d at sa kanilang mga buhay. Ang panitikan din ay nagsisilbing patunay sa mga pangyayari sa nakaraan. Tulad n g mga sulatin ni Jose Rizal na nagpapatunay sa kalupitan na sinapit ng mga Pilip ino noong panahon ng kastila. Isang tradisyonal o nakaugaliang paraan sa pagbasa at pagpapaliwanag ang mga tek stong pampanitikan. Isa itong metodong nagpapakita ng mga bagay, karanasan, at p uwersang pangkasaysayan na nagbigay ng impluwensiya tungo sa paggawa, pagsulat, paghubog, at pag-unlad ng panitikan. Panitikan sa Pilipinas Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Tumalon sa: nabigasyon, hanapin Isang halimbawa ng pantikang Pilipino ang Ang Tunay na Bhay ni P. Dr. Jos Burgos a t ng Caniyang mga Nacasama na isinulat ni Honorio Lopez noong 1912. Malawakang bahagi ng buhay pampanitikan ng mga Pilipino ang nobelang Noli me Tan gere (c. 1887) ng kanilang pambansang bayaning si Dr. Jos Rizal. Ang Panitikan sa Pilipinas ay pangunahing tumutukoy sa umiiral, umuunlad, at nam amayaning uri at anyo ng katutubong panitikan sa bansang Pilipinas. Subalit naka kasama rin dito ang mga panitikang nilikha at ginawa ng mga Pilipinong nasa laba s ng sariling bansa, sapagkat inakdaan ang mga ito ng mga Pilipino, o ng may-lah ing Pilipino sa malawak na nasasakupan ng paksa. Dahil dito, tinatawag ding Pani tikang Pilipino[1] ang Panitikan ng Pilipinas.[2] Sa kasalukuyan, tinatawag din itong Panitikang Filipino[3], sapagkat kinabibilangan ng mga likhang pampanitika ng nagmula sa at kinabibilangan ng iba t ibang wika sa Pilipinas. Mayaman ang Pilipinas sa sari-saring anyo at hubog ng panitikan na naglalarawan sa kalinangan ng mga Pilipino. Kabilang sa mga ito ang kuwentong-bayan, maikling kuwento o maikling katha, sanaysay, tula, dula, nobela, drama, balagtasan, para bula, bugtong, salawikain, kasabihan, pabula, alamat, tanaga, bulong, awiting-ba yan, epiko, pelikula, at mga iskrip na pangradyo, pangtelebisyon at pampelikula[ 3][4][5] Kahulugan ng Panitikang Pilipino [baguhin] Pangunahing lathalain: Panitikan May iba t ibang mga manunulat at mga dalubahasang Pilipino ang nagbigay ng kahulug an sa panitikan ayon sa kanilang pananaw bilang mamamayan ng Pilipinas. Kabilang sa mga ito sina Joey Arrogante, Zeus Salazar, at Patronicio V. Villafuerte, buk od pa sa iba.[6] Noong 1983, para kay Arrogante, isang talaan ng buhay ang panitikan kung saan na gsisiwalat ang isang tao ng mga bagay na kaugnay ng napupuna niyang kulay ng buh ay at buhay sa kanyang daigdig na kinabibilangan. Ginagawa ito ng isang tao sa p amamagitan ng malikhain pamamaraan.[6] Noong 1995, inilarawan ni Salazar ang panitikan bilang isang lakas na nagpapagal aw sa lipunan. Dinagdag pa niyang isa itong kasangkapang makapangyarihan na maaa ring magpalaya sa isang ideyang nagpupumiglas upang makawala. Para sa kanya, isa rin itong kakaibang karanasang pantaong natatangi sa sangkatauhan.[6] Mga katangian ng Panitikang Pilipino [baguhin] Isang paglalantad ang panitikan ng mga katotohanang panlipunan at ng mga kathang -isip na guni-guni. Hinahaplos nito ang mga sensorya ng tao: ang pantanaw, pandi nig, pang-amoy, panlasa, at pandama. Noong 2000, binigyang katangian ito ni Vill afuerte bilang isang buhay ngunit payak na salitang dumadaloy sa katawan ng tao.

May buhay ang panitikan sapagkat may sarili itong pintig at dugong mainit na du madaloy sa mga arteryo at bena ng bawat nilalang at ng isang buong lipunan. Sa k asong ito, sa mga Pilipino at sa kanilang lipunang ginagalawan.[6] Kapag binasa ang panitikan, pinagmumulan ito ng madamdaming emosyon sa isang tao o pangkat ng mga tao, sapagkat sinulat ang mga ito ng kapwa tao.[4] Sa kasalukuyan, madali at magaang ang pamamaraan ng pagkalat at pagpapamudmod ng panitikan sa Pilipinas. Dahil ito sa makabagong mga kaunlaran sa larangan ng te knolohiya. Bukod sa mga nasusulat na salita sa mga aklat, radyo, at telebisyon, kumakalat din ang panitikan sa pamamagitan ng mga kagamitang elektronika, katula d ng grabador ng tinig at tunog (tape recorder), diskong kompakto (compact disk) , plaka, mga tape ng VHS, at mga kompyuter.[3] Dahil sa internet, naging maginha wa at madali ang pagkuha ng impormasyong pampanitikan. Isa nang instrumento ito para sa mga mambabasang Pilipinong may pagpapahalaga at pagmamalaki sa kanilang pinagmulan, kasaysayan, at kalinangan o kultura.[4] Kahalagahan ng Panitikang Pilipino [baguhin] May kaakibat na kahalagan ang panitikan para sa mga Pilipino. Isa itong uri ng m ahalagang panlunas na tumutulong sa mga tao upang makapagplano ng sari-sariling mga buhay, upang matugunan ang kanilang mga suliranin, at upang maunawaan ang di wa ng kalikasan ng pagiging makatao. Maaaring mawala o maubos ang mga kayamanan ng isang tao, at maging ang kanyang pagiging makabayan, subalit hindi ang paniti kan. Isang halimbawa nito ang pangdadayuhan ng ibang mga Pilipino. Bagaman nilis an nila ang kanilang bayang sinilangan, ang panitikan ang kanilang tulay sa naiw an nilang bansa.[4] Sa panlipunan, pambansa, at pandaigdigang kaukulan, isa ang panitikan sa pinagba batayan ng pagkakaroon ng tagumpay at kabiguan ng isang bansa at ng ugnayan ng m ga bansa.[4] Pag-aaral ng Panitikang Pilipino [baguhin] Isang malaki at mahalagang bahagi ng edukasyon sa Pilipinas ang pag-aaral at pag kakaroon ng kurikulum na ukol sa panitikang Pilipino.[4] Bilang isang kurso sa p aaralan, dalubhasaan, o pamantasan, ginagamitan ang pag-aaral ng Panitikan sa Pi lipinas ng makasaysayang pananaw. Sinasaklawan nito ang kasaysayan ng Panitikang Pilipino sa iba't ibang panahong pinagdaanan ng bansang Pilipinas. Sakop din ni to ang mga mga uri at anyo ng Panitikang Pilipino, paglinang nito, mga manunulat , mga bayani, at mga mithiin ng sangkabansaan.[1] Pag-uuring pampanitikan [baguhin] Mga paraan ng pag-uuri [baguhin] May dalawang kaparaanan ng pag-uuri ng panitikan: ang ayon sa paghahalin at ang ayon sa kaanyuan o anyo.[3] Ayon sa paghahalin [baguhin] May tatlong kabahaging uri ang paraan ng pag-uuri ng panitikan ayon sa paghahali n. Ito ang pasalindila, pasalinsulat, at ang pasalintroniko.[3] Pasalindila [baguhin] Ang pasalindila ay ang paraan ng paglilipat ng panitikan mula sa dila at bibig n g tao. Noong hindi pa marunong magsulat ang mga ninuno ng mga makabagong Pilipin o, binibigkas lamang nila ang mga tula, awit, nobela, epiko, at iba pa. Kalimita ng nagtitipun-tipon ang sinaunang mga Pilipino upang pakinggan ang mga salaysayi n, paglalahad o pamamayag na ito. Paulit-ulit nilang pinakikinggan ang mga ito u pang matanim sa kanilang isipan. Sa ganitong palagiang pakikinig at pagbigkas ng panitikan, nagawa nilang maisalin ang mga ito papunta sa susunod na salinlahi o henerasyon ng mga Pilipino.[3] Pasalinsulat [baguhin]

Sa paraang pasalinsulat, isinatitik, isinulat, inukit, o iginuhit ng mga ninuno ng pangkasalukuyang panahong mga Pilipino ang kanilang panitikan. Naganap ito no ong matutunan nila ang sinaunang abakada o alpabeto, kabilang na ang mas naunang baybayin at mga katulad nito. Nagpahayag ng panitikan ang sinaunang mga Pilipin o sa balabak ng kahoy mula sa mga puno at mga dahon ng mga halaman. Ginamit nila ng panulat o pang-ukit ang matutulis na mga bato at kahoy.[5] Sa pagdating ng mg a Kastila, dinala nila sa Pilipinas ang makinang panlimbag o imprenta. Dahil sa teknolohiyang ito, napag-ingatan at naitalang pangmatagalan ang karamihan sa nau nang mga katutubong panitikan ng Pilipinas, bagaman marami ring nawala at nalimu tan na.[3] Pasalintroniko [baguhin] Isang bagong kaparaanan ng pag-uuri ang pansalintroniko, o pagsasalin ng panitik an sa pamamagitan ng mga kagamitang elektroniko na dulot ng teknolohiyang elektr onika. Ilan sa mga halimbawa nito ang paggamit ng mga diskong kompakto, plaka, r ekorder (tulad ng tape recorder at ng VHS), mga aklat na elektroniko (hindi na b inubuklat dahil hindi na yari sa papel, bagkus ay nasa mga elektronikong anyo na ), at ang kompyuter.[3] Ayon sa anyo [baguhin] Ayon sa anyo, ang panitikan ay nahahati sa tatlong uri. Ito ang patula, patuluya n at patanghal.[3] Patula [baguhin] Nasa anyong patula ang panitikan kung saknungan ito at may taludturan. Katangian ng mga taludtod ng mga tula ang pagkakaroon ng bilang at sukat ng mga pantig at ang pagkakatugma-tugma o pagkakasintunug-tunog ng mga pantig. Subalit mayroon d in namang mga panitikang patulang tinatawag na Malaya sapagkat walang bilang, su kat, tugmaan, at pagkakasintunugan ng mga pantig ng taludtod. Mayroong apat na u ri ang anyong patula: tulang pasalaysay, tulang paawit o tulang liriko, tulang d ula o tulang pantanghalan, at tulang patnigan. May mga uri rin ang bawat isa sa mga ito:[3] * Naglalarawan ang tulang pasalaysay ng mga tagpo at pangyayaring mahaha laga sa buhay ng tao. Mayroon itong tatlong mga uri: ang epiko, ang awit at kuri do, at ang balad. * May anim na uri ang tulang paawit o tulang liriko: awiting-bayan, sone to, elehiya, dalit, pastoral, at oda. * May limang uri naman ang tulang dula o tulang patanghal: ang komedya, trahedya, parsa, saynete, at melodrama. * May tatlong uri rin ang tulang patnigan: ang karagatan, duplo at balag tasan.[3] Patuluyan [baguhin] Tinatawag na patuluyan ang anyo ng panitikan kung kagaya lamang ng sa pang-arawaraw na paglalahad ang takbo ng pananalita ginamit ng may-akda. Nahahati sa mga talata o talataan ang mga bungkos ng pangungusap at hindi pasaknong.[3] Ilan sa mga uri ng anyong patuluyan ang maikling kuwento, sanaysay, nobela o kat hangbuhay, at kuwentong bayan. Kinabibilangan ang mga kuwentong bayan ng alamat, mulamat o mito, pabula, kuwentong kababalaghan, kuwentong katatawanan, at palai sipan.[3] Patanghal [baguhin] Tinataguriang patanghal ang anyo ng panitikan kung isinasadula ito sa mga entabl ado, mga bahay, mga bakuran, mga daan, o sa mga naaangkop na mga pook. Mayroon i

tong mga sangkap na diyalogong nasusulat na maaaring patula o kaya patuluyan ang anyo. Mayroon din itong mga yugto na bumibilang mula sa isa magpahanggang tatlo . Binubuo ng tagpo ang bawat yugto. Sa moro-moro, na isang halimbawa ng panitika ng patanghal, tinatawag na kuwadro ang tagpo. Kinakailangang ipalabas ito sa isa ng tanghalaan o dulaan upang matawag na patanghal.[3] Sinaunang Panitikang Pilipino [baguhin] Pangunahing lathalain: Sinaunang Panitikan sa Pilipinas Katulad ng maraming mga banyagang kabihasnan, mayroon nang panitikan sa Pilipina s noong unang mga kapanahunan.[3][5] Nagbuhat ang panitikan ng Pilipinas mula sa sari-saring mga lipon at pangkat ng mga taong dumating sa mga kapuluan nito. Ma y pagkaka-agwat-agwat na dumating sa sinaunang Pilipinas ang mga Negrito, mga In dones, at mga Malay. Ang baybayin, ang isa sa mga pagpapatibay na mayroon nang s istema ng pagsulat at pasalita sa sinaunang Pilipinas bago pa man dumating mga p angkat ng mga dayuhan nagmula sa Kanlurang bahagi ng mundo. Subalit karamihan sa mga naisulat na panitikang katha ng sinaunang mga tao sa Pilipinas ang sinunog ng mga Kastila. Nangabulok at natunaw naman ang ibang naisatitik sa ibabaw laman g ng mga balat ng punong kahoy at mga dahon ng mga halaman.[5] Paraan ng pagbasa at pagpapaliwanag [baguhin] Mayroong dalawang pamamaraan ng pagbasa at papaliwanang ng mga tekstong pampanit ikan: ang makasaysayan o historikal na paraan at ang pormalistikong kaparaanan.[ 7] Paraang historikal [baguhin] Isang tradisyonal o nakaugaliang paraan sa pagbasa at pagpapaliwanag ng mga teks tong pampanitikan. Isa itong metodong nagpapakita ng mga bagay, karanasan, at pu wersang pangkasaysayan na nagbigay ng impluwensiya tungo sa paggawa, pagsulat, p aghubog, at pag-unlad ng panitikan sa Pilipinas.[7] Sa ganitong paraan, nagkaroon ng apat na kahatian ang kapanahunang pangkasaysaya n ng Pilipinas: ang Panahon ng Pananakop Bago Dumating ang mga Kastila o Pre-Spa nish Colonial Period (1400-1600), ang Panahon ng mga Kastila o Spanish Period (1 600-1898), Panahon ng mga Amerikano o American Occupation (1898-1946), at ang Pa ngkasalukuyang Panahon Pagkaraan ng Kolonyalismo o Contemporary Post-colonial Pe riod.[7] Kaugnay ng panitikang Pilipino, sina Jose Villa Panganiban at Teofilo del Castil lo ang unang gumamit ng ganitong paraan upang makamit ang interpretasyon ng pang literaturang mga teksto.[7] Paraang pormalistiko [baguhin] Ang paraang pormalistiko ay isang pormal at empirikal na pamamaraan ng pagbasa a t pagpapaliwanag maging pagsulat ng tekstong pampanitikan na Dumating sa Pilip inas ang ganitong paraan sa pamamagitan ng Amerikanong sistemang pang-edukasyon. [7] Sa ganitong paraan, mas detalyado at empirikal (batay sa karanasan, obserbasyon, pagsubok o eksperimento, ayon sa praktikal na karanasan, sa halip na teoriya[8] ) ang pamamaraan ng pagbasa ng pampanitikang teksto na may layuning tuklasin ang kung ano talaga ang makapampanitikan o literaryo sa teksto. Nag-iiba-iba ang mg a kaparaanan mula sa diin at patutunguhan o direksyon ng mga gumagamit nito. Kab ilang sa pinagtutuunan ng pansin dito ang pagkakaroon ng pagkakaisa o unidad ng katawan ng teksto, o sa madalaing sabi: nakatuon mismo sa pinakateksto.[7] Pagsusuring pampanitikan Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang pagsusuring pampanitikan ay isang pag-aaral, pagtalakay, pagsusuri at pagpap aliwanag ng panitikan. ito ay may dalawang sangay. ang unang sangay ay ang Pagdulog. ang mga uri nito ay pormalistiko o pang-anyo. pangalawa ay ang moralistiko. pangatlo, ang sikolohikal. at ang huling uri ay so syolohikal-panlipunan. ang pangalawang uri ay ang Pananalig. ito ay binubuo ng m araming uri. ang mga uri nito ay klasisismo, romatisismo, realismo, naturalismo, impresyunalismo, ekspresyunalismo, simbolismo, eksistensiyalismo, at feminismo. Ang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda. Mga nilalaman [itago] * 1 Dalawang uri ng sanaysay o 1.1 Pormal o Maanyo o 1.2 impormal o di pormal * 2 Panlabas na kawing Dalawang uri ng sanaysay [baguhin] Pormal o Maanyo [baguhin] Ang sanaysay na pormal o maanyo - sanaysay na tinatawag din na impersonal - kung ito'y maimpormasyon. Naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa pamamagi tan ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang tinatalakay.Maanyo rin ito kung turingan sapagkat ito'y talagang pinag-aaralan. Maingat na pinili ang pananalita kaya mabigat basahin. Pampanitikan kasi kaya makahulugan, matalinhaga , at matayutay. Mapitagan ang to no dahil bukod sa ikatlong panauhan ang pananaw ay obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng may-akda. Ang tono nito ay seryoso, paintelektuwal, at walang halong pagbibiro. impormal o di pormal [baguhin] Ang sanaysay na impormal o di-pormal ay mapang-aliw, nagbibigay-lugod sa pamamag itan ng pagtatalakay sa mga paksang karaniwan, pang araw-araw at personal o isyu ng maaaring magpakilala ng personalidad ng manunulat o pakikisangkot niya sa mga mambabasa. Idinidiin nito dito ang mga bagay-bagay ,mga karanasan ,at mga isyun g bukod sa kababakasan ng personalidad ng may-akda ay maaaring empatihayan o kas angkutan ng mambabasang medya. Ang pananalita ay parang pinaguusapan lamang, par ang usapan lamang ng magkakaibigan ang may-akda, ang tagapagsalita at mga mambab asa at ang tagapakinig , kaya magaan at madaling maintindihan. Palakaibigan ang tono nito kaya pamilyar ang tono dahil ang paunahing gamit ay unang panauhan. Su bhektibo ito sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda ang panana w. Ang sanaysay o essay sa ingles ay nagmula sa salitang Latin na exagium na nangga ling naman sa pandiwa na exagere na nangangahulugang gawin, magpaalis, magtimbang , magbalanse. Noong huling bahagi ng ika-16 na dantaon, sa pamamagitan ng inilathalang sulatin ng Pranses na si Michel Eyquiem de Montaigne na pinamagatang Essais, naitakda a ng kahulugan ng essay ayon sa naging hangarin ng manunulat na maging isang pagta tangka na makapagpahayag ng mga kuro-kuro at karanasan ang sulatin. Ang sanaysay naman sa Filipino ay salitang likha ni Alejandro G. Abadilla. Pinagsa nib niya ang mga salitang pagsasalaysay ng isang sanay o nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay. Ang sanaysay ay isang malayang pagpapahayag ng kara

nasan, damdamin, kuro-kuro ng isang manunulat at ito y inilalahad sa isang malinaw , lohikal at nakakahikayat na pamamaraan. http://pinoykultura.com/20090728/ano-ang-sanaysay/#more-117 http://pinoykultura.com/ home

You might also like