Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Noel Francis T.

Galinato Fil12-SS Mga Aral Mula Sa Bayan

Mga Binibini at Ginoo, kakalapag lang natin sa paliparan Cagayan de Oro City! Ah! Kay sarap ng mga salitang iyon. Sabay sa pagtanggal ng sinturong pangkaligtasan, tumakbo sa isipan ko ang mga salitang abot najod ko na ang ibig sabihin ay nandito na talaga ako. May dalawang oras ang travel time mula sa aking lungsod at sa Cagayan de Oro. Iligan City ang lungsod kung saan ako ipinanganak at lumaki. Iligan City ang aking hometown. Marami akong mga kaibigang nagtaka kung bakit sa Cagayan de Oro ang destinasyon ng eroplanong aking sinakyan. Eh, wala kasing paliparan sa Iligan. Binansagan ang Iligan City dati bilang Industrial City of the South sapagkat maraming mga industriya ang nakatayo dito noong 1990s. Isa sa mga industriyang ito ang National Steel Corporation na nagsarado noong taong 2000. Sa pagsarado ng korporasyong ito, maraming mga negosyo at industriyang naapektohan at nagsarado. Sa kinalaunan, nagbago na ang bansag ng Iligan. Binansagan na ito bilang City of Majestic Waterfalls sa ibig na palaganapin ang turismo ilang taon mula nagsarado ang mga industriya. Hindi gaano ka urbanisado ang Iligan City. Sa city proper, kaunti lamang ang mga malalaking gusali at establisyementong makikita. Iisa lang ang pasyalang mall at hindi gaano ka hilig sa nightlife ang mga tao. Ngunit kung mga talon ang pag-uusapan, maraming maipagmalaki ang Iligan. Mayroong 23 talon na matatagpuan dito. Isa na dito

ang sikat na Maria Cristina Falls na isang hydroelectric power source sa Mindanao. Hindi lang sa pagbigay ng kuryente ang maipagmalaki ng Maria Cristina. Maganadang destinasyon ito para sa mga turista. Sinasabi nilang kabigha-bighani ang kagandahan ng 320 talampakan na Maria Cristina Falls. Ngunit hindi lamang Maria Cristina Falls ang maipagmalaki ng lungsod, kabilang na din dito ang Tinago Falls, Hindang Falls, Mimbalut Falls, Dalipuga Falls, Dodiongonan Falls, atbp. Sa dami ng talon ng Iligan, nakapagtataka kung bakit kaunti lang ang tubig na lumalabas sa gripo ng mga Iliganon. Isang dekada nang isyu ang supply ng tubig sa Iligan. May higit limang alkade na ang dumaan ngunit wala pang ipinagbago ang problemang ito. Ilan sa mga kandidato na rin sa ang tumakbo at nanalo na nagsabi na ayusin nila ang problema sa tubig, ngunit wala pa ring nangyari. Araw-araw, bitbit ang timba, pumipila ang mga tao para mag-igib ng tubig, at pinupuno nila ang mga ito para may magagamit na tubig sa buong araw. Ang iba naman, ang mga may kaya sa pera, ay nagpatayo ng malaking tanke ng tubig sa labas ng kanilang bahay o ang ibay nagpagawa ng deep well para makakuha ng tubig. Ang buhay sa aking lungsod ay simple lamang. Walang masyadong pasyalan kaya ibig naming ng mga magkaibigan na mag hang-out o mag tambay lamang sa bahay, sa mga fast food chain, o di kayay sa paaralan. Mga jeep ang naghahari sa kalsada. Buong araw paikot-ikot sila sa Iligan at naghahanap ng mga pasahero. Parang sintunado at di-sinkopadong orkestra ang tunog ng mga dyip sa kalsada. Tuwing maghapon at gabi, mga 5-8 pm, pauwi na ang mga tao sa kanilang bahay. Lagpas sa oras na iyan, lahat ay nakauwi na at nababalot sa tahimik ang mga daan. Minsan nga tumatakbo ako upang makahabol at makasay lamang ng dyip pauwi. Ang iba naman ay

sumasakay nalang sa habal-habal o pampasaherong motorsiklo para makarating sa kanilang mga bahay. Medyo malaki kasi ang Iligan kaya nakakatakot kapag wala ka pang masasakyan sa gabi. Simple at mapayapa ang buhay sa Iligan. Hindi kami nabubuhay doon sa ilalim ng takot at lalo nang hindi kami nagbabarilan araw-araw. Bihira nga ang mga taong may baril sa lungod namin. Nakakatawa kasi minsan na palaging pinagkamalan ang Iligan, bilang isang warzone. Ngunit minsan, nakaranas kami ng mga bantang pagsalakay at pagbobomba mula sa mga rebelde at terorista, kagaya ng MILF, hindi naman iyon hadlang sa amin upang mamuhay ng maligayat mapayapa. At lalo nang hindi iyon araw-araw. Ninanais pa rin namin na mamuhay ng payapa at masagana. Nabubuo kasi ang payapa sa paraan ng pakikisama at pagharap ng mga problema. Sa buhay, kailangan ang mga sakripisyo para sa kabutihan n gating kinabukasan. Masakit man para sa akin na iiwan ang Iligan upang mag-aral ng kolehiyo dito sa Ateneo, wala pa rin akong pagsisisi dahil marami akong binaon na mga aral mula sa lugar na ito. Sa Iligan, natuto akong mamuhay ng payapa sa halip ng mga problemang hinaharap. Natuto ako kung paano harapin ang mga kasalukuyang problema. Hindi man madaling harapin ang kasalukuyan, subukan natin ang ating sarili upang gamitin ang mga aral na natutunan sa nakaraan tungo sa pagharap sa kasalukuyan at kinabukasan. Ang mga aral na ito ang nagbibigay kakayahan sa akin upang harapin ang magulong mundo ng kolehiyo.

You might also like