Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PAGSUSURI SA PABALAT: Ang taong nasa pabalat ng aklat ay si Lucas.

Ang Pader na may butas na hugis B na papuntang langit ay nangangahulugang kay B o Bessie siya nakahanap ng ibang daan papuntang langit. Ang langit kumakatawan naman sa kanyang kaligayahan. Ngunit siya ay nagkamali dahil sa kanyang pagtalon ay bumagsak siya sa kabilang bahagi ng pader. Bumagsak siya na una ang dibdib kung nasaan ang puso niya na nagpapakita sa sakit na naramdaman niya nang siya ay umibig. Kasabay ng kanyang pagbagsak ay ang pagbukas ng kanyang kamay na sumisimbolo sa kanyang pagsuko sa kanyang pag-ibig kay Bessie. Ang kanyang clearbook ay kumakatawan sa kanyang pangarap na maging isang writer na hindi niya pinakawalan kahit nabigo siya sa pagibig. Ang puwesto ng kanyang paa ay tila kabaliktaran ng head over heels na nangangahulugan ng matinding pagkahumaling at maaari itong tingnan na pahiwatig na kabaliktaran na rin ang nararamdaman niya kay Bessie matapos siyang mahulog. Sa kabilang banda, maaari ring kinakatawan ng kanyang paa ang kanyang pagkilos at ang kanyang ulo ay ang kanyang pag-iisip. Tila mas inuna niya ang pagkilos at naging sunud-sunuran siya kay Bessie dahil hinuli niya ang pag-iisip. Isa pa ay ang mga lumilipad na papel na tila nanggaling kay Lucas na maaaring kumakatawan sa mga luha. Kung ihahambing sa mga anime, kadalasan ay kapag ang karakter ay nagwalk-out, sa isang gilid lamang napupunta ang mga luha tulad noong sa likod na bahagi ng pabalat na na sa gilid lamang ang mga papel. Sa harap naman ay pakalat ang mga papel tulad ng luha ng kasiyahan (ngunit hindi sa lahat). Sa loob ng cover ay makikita rin ang mga rosas at may nakasulat na Love My Flowers na pangalan ng flower shop ni Mrs. Baylon na nabanggit sa ikatlong kuwento. At huli, makikita rin sa pabalat ang isang singsing na may nakaukit na B. Ito ang singsing na ibinigay ni Bessie kay Lucas. PAGSUSURI SA WAKAS Ang Bessie na nakita ni Lucas ay isa ng maduming babae at noon niya narealize na tapos na siya sa kanyang kwento at lalong lalo na kay Bessie. Sa limang kwento ay masasalamin natin ang kwento ng pag ibig ng ilan sa atin sa kasalukuyan. Totoong nangyayari yung ganoong love story sa iba lalo na sa same sex relationship. Ipinahihiwatig sa ating mga mambabasa na maaari nating baguhin ang wakas ng mga kwento o nobela ngunit hindi natin mababago ang realidad ng buhay kaya't dapat natin pag isipan ng maigi ang mga gagawin natin hakbang. Ang buhay natin ay walang undo button na mapipindot kapag nais nating baguhin ang nangyari na. Pinakita nito ang kakayahan ng isang manunulat na baguhin ang kanyang sinusulat ngunit hindi ang totoong mangyayari. Sa huli, masasabi kong hindi natin hawak ang ating kapalaran, hindi natin alam kung ano ang magiging wakas ng love story ng bawat isa dahil hindi tayo isang tauhan sa kwento na maaring baguhin ng writer ang love story kung kailan niya gustuhin. Ang Panginoon lamang ang natatanging nakakaalam ng ating kahihinatnan.

Quotation: 1. Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Ang iba, iibig sa di sila iniibig. Iibig nang di natututo. O iibig sa wala. O di iibig kailanman. - Pahina 6 2. Mas matinding nakakaalala ang puso kaysa utak. Pahina

3. Hindi mo pwedeng mahalin ang isang tao nang hindi mo minamahal ang hilaga, silangan, timog at kanluran ng kanyang paniniwala. Kapag nagmahal kay dapat mong tanggapin bawat letra ng kanyang birth certificate. Kasama na doon ang kanyang libag, utot at bad breath. Pero me limit. Pantay-pantay ang ibinibigay na karapatan sa lahat ng tao upang lumigaya, o masaktan, o magpakagago, pero kapag sumara na ang mga pinto, nawasak na ang mga puso, nawala na ang mga kaluluwa at ang bilang ay umabot na sa zero, goodbye na. Pero, the memory of that one great but broken love will still sustain you, tama nga na mas matindi ang mga alaala. - Pahina 236

You might also like