Veneration of The Cross

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

ANG PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON

Diyosesis ng San Pablo Parokya ng San Martin de Porres

Ang Pagdiriwang ng Pagpapakasakit ________________________________________________________ ng Panginoon

PASIMULA
Hindi ipagdiriwang ang sakramento ngayon at sa kinabukasan. Ang altar ay walang anumang mantel kandila o krus. Ang pagdiriwang ay gaganapin sa ikatlo ng hapon. Tatlong yugto ang pagdiriwang ngayon: ang pagpapahayag ng Salita ng Diyos, pagpaparangal sa krus at banal na pakikinabang. Ang pari ay magsusuot ng damit na pangmisang kulay pula. ________________________________________________________

PRUSISYON PATUNGO SA ALTAR


Sa panimula ng pagdiriwang tahimik na tutungo ang pari sa sanktuaryo kasama ang mga tagapaglingkod at mga ministro. Pagsapit sa harapan ng dambana ang pari ay magpapatirapa o kaya ay luluhod at matahimik na magdarasal sumandali. Pagkatapos siya y tutungo sa upuan at ipagpapatuloy ang pagdiriwang ng walang anumang pagbati. Dadasalin ng pari ang mga sumusunod na panalangin ng magkadaop palad hindi ito pangungunahan ng manalangin tayo.

________________________________________________________

PANALANGIN
Punong Tagapagdiwang:

Ama naming makapangyarihan, alalahanin mo ang iyong awa at pagmamahal at sa iyong paglingap gawin mong banal kaming lahat na siyang dahilan kaya't dugo'y dumanak mula sa iyong nagpakasakit na Anak upang pagsaluhin kami sa piging ng Pagkabuhay na kanyang itinatag bilang aming Tagapamagitan kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. R. Amen.
O kaya:

Ama naming makapangyarihan, winakasan mo sa pagpapakasakit ng iyong Anak ang kamatayang bunga ng minanang kasalanang kinasangkutan ng lahat. Sa aming pagkakawangis bilang mga tao sa iyong nagkatawang-taong Anak na si Kristo ipagkaloob mong kamiy maging kanyang kaparis sa pagkabuhay na dulot ng iyong pag-ibig sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. R.Amen.
2

Ang Pagdiriwang ng Pagpapakasakit ________________________________________________________ ng Panginoon

UNANG BAHAGI: ANG PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS


UNANG PAGBASA
Dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan. Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias 52, 13-53, 12

Sinabi ng Panginoon, Ang lingkod koy magtatagumpay sa kanyang gawain, mababantog siya at dadakilain. Marami ang nagitla nang siyay makita, dahil sa pagkabugbog sa kanyay halos di makilala kung siyay tao. Ngayoy marami rin ang mga bansang magugulantang; pati mga hari pag siyay nakita ay matitigilan, makikita nila ang di nabalita kahit na kalian, at mauunawa ang di pa narinig ninuman! Sagot ng mga tao, sinong maniniwala sa ibinalita naming ito? Sino ang makapagpapatunay na pinahihintulutan ito ng Panginoon? Kalooban ng Panginoon na ang kanyang lingkod ay matulad sa isang halamang natanim sa tuyong lupa, walang katangian o kagandahang makatawagpansin, wala siyang taglay na pang-akit para lapitan siya. Hinamak siya ng mga tao at at itinakwil. Nagdanas siya ng sakit at hirap. Wala man lang magtapon ng sulyap sa kanya. Hindi natin siya pinansin, para siyang walang kabuluhan. Tiniis niya ang hirap na tayo ang dapat magbata, gayon din ang kirot na tayo sana ang lumasap; Akala natin ang dinanas niyay parusa sa kanya ng Diyos. Dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan; siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan. Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na tinamo niya at sa mga hampas na kanyang tinanggap. Tayong lahat ay parang mga tupang naligaw; nagkanya-kanya tayo ng lakad. Ngunit iniibig ng Panginoon na sa kanya ay ipataw ang parusang tayo ang dapat tumanggap. Siya ay binugbog at pinahirapan, ngunit di tumutol kahit kamunti man; tulad ay korderong hatid sa patayan, parang mga tupang hindi tumututol kahit na gupitan, ni hindi umiimik kahit gaputok man. Nang siyay hulihin, hatulan at dalhin sa dakong patayan, wala mang nangahas na ipagsanggalang, wala man lang dumamay. Siya ay pinatay dahil sa sala ng sangkatauhan. Siyay inilibing na kasama ng masasama at mayayaman, bagaman wala siyang kasalanan o nagsabi man ng kasinungalingan. Sinabi ng Panginoon, Ang kanyang paghihirap ay kalooban ko; inihandog niya ang sarili upang sa pamamagitan noon ay magkaroon ng
3

Ang Pagdiriwang ng Pagpapakasakit ________________________________________________________ ng Panginoon

kapatawaran. Dahil ditoy mabubuhay siya ng matagal, makikita ng lahing susunod sa kanya. At sa pamamagitan niyay maisasagawa ang aking panukala. Pagkatapos ng pagdurusa, lalasap siya ng ligaya, malalaman niyang hindi nawalan ng kabuluhan ang kanyang pagtitiis. Ang aking tapat na lingkod at lubos kong kinalulugdan ang siyang tatanggap ng parusa ng marami at alang-alang sa kanya silay aking patatawarin. Dahil ditoy siyay aking pararangalan, kasama ng mga dakila; pagkat kusangloob niyang ibinigay ang sarili at nilasap ang kaparusahan ng masasama. Inako niya ang mga kasalanan at idinalanging silay patawarin. V. Ang Salita ng Diyos. R. Salamat sa Diyos.

SALMONG TUGUNAN
AMA SA MGA KAMAY MO HABILIN KO ANG BUHAY KO. Sa iyo, O Poon, akoy lumalapit Upang ingatan mo, nang hindi malupig; Sa mga kamay mo habilin koy buhay ko Tagapagligtas kong tapat at totoo. Lahat kong kaaway ay humahalakhak; Pati kapitbahay akoy hinahamak; Dating kakilala ay nagsisiilag. Kung masalubong ko ay nagsisiiwas. Nilimot na akong tulad ng namatay, Di na pinapansin, parang yagit lamang. Subalit O Poon , ang aking tiwala Ay nasasaiyo, Diyos na dakila! Sa iyong kalinga, umaasa ako, Laban sa kaaway ay ipagtanggol mo; At sa umuusig na sinumang tao. Itong iyong lingkod, sana ay iyong lingapin, Ingatan mo akot iyong pagpalain; Iligtas mo ako at iyong sagipin, Tanda ng pag-ibig na di magmamaliw! O magpakatatag ang mga nilikha,

Ang Pagdiriwang ng Pagpapakasakit ________________________________________________________ ng Panginoon

Lahat ng sa Poon ay nagtitiwala.

IKALAWANG PAGBASA

Natutuhan niya ang tunay na kahulugan ng pagsunod at siyay naging Tagapagligtas ng lahat ng sumusunod sa kanya. Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo 9 4, 14-16; 5, 7-

Mga kapatid: Magpakatatag tayo sa ating pananampalataya, yamang mayroon tayong dakilang saserdote na pumasok sa kalangitan sa harapan ng Diyos, walang iba kundi si Hesus na Anak ng Diyos. Ang dakilang saserdote nating ito ay nakauunawa sa ating mga kahinaan sapagkat sa lahat ng paraay tinukso siya tulad natin, ngunit hindi nagkasala. Kayat huwag na tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng mahabaging Diyos, at dooy kakamtan natin ang habag at kalinga sa panahong kailangan natin ito. Noong si Hesus ay namumuhay rito sa lupa, siyay dumalangin at lumuluhang sumamo sa Diyos na makapagliligtas sa kanya sa kamatayan. At dininig siya dahil sa lubusan siyang nagpakumbaba. Bagamat siyay Anak ng Diyos, natutuhan niya ang tunay na kahulugan ng pagsunod sa pamamagitan ng pagtitiis, at nang maganap na niya ito, siyay naging walang hanggang Tagapagligtas ng lahat ng sumusunod sa kanya. V. Ang Salita ng Diyos. R. Salamat sa Diyos.

AWIT PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA

________________________________________________________ Masunuring Kristo Hesus Naghain ng buhay sa Krus, Kayat dinakila ng Diyos Binigyan ng ngalang tampok Sa langit at sansinukob. ________________________________________________________
Ang ebanghelyo Juan 18:1-19:42 ay gaganapin ng walang anumang insenso o kandilang parangal. Nararapat na maghanda ng dalawa pang ambo na magkaparehas para sa iba pang babasa ng bahagi ng ebanghelyo. Ang diyakono o pari kung walang diyakono ang gagamit ng pangunahing

Ang Pagdiriwang ng Pagpapakasakit ________________________________________________________ ng Panginoon Sisimulan ang ebanghelyo ng diyakono sa salitang: Ang pagpapakasakit ng Panginoong Hesukristo ayon kay San Juan. Pagdating sa mga salitang: Iniyukayok ni Jesus ang kanyang ulo at nalagot ang kanyang hininga sandaling luluhod ang lahat pagkatapos ay muling tatayo ang lahat. ambo. Itutuloy ang pagbasa ng ebanghelyo hanggang ito'y matapos. Maaaring magbigay ng maikling homiliya matapos ang ebanghelyo. Sisimulan ang panalanging pangkalahatan. Lahat ng tao ay luluhod. Ang punong tagapagdiwang ay mamumuno sa gawi ng upuan.

PANALANGING PANGKALAHATAN
I PARA SA BANAL NA SIMBAHAN
Lektor:

Idalangin natin, mga mahal kong kapatid, ang banal na sambayanan ng Diyos sa buong daigdig upang pagkalooban ng kapayapaan at pagkupkop, pagkakaisa at pagtataguyod ang mga kaanib nito sa sansinukob at upang tayo'y bigyan ng pamumuhay na matiwasay para tayo'y makasamba sa Diyos Ama nating makapangyarihan.
Commentator:

Lumuhod ang lahat.


Tatahimik ng ilang saglit. Commentator:

Magsitayo ang lahat.


Punong tagapagdiwang:

Ama naming makapangyarihan sa katauhan ng Anak mong si Kristo ay ipinahayag mo ang iyong kadakilaan sa lahat ng mga tao. Lingapin mo ang iyong mga ginagawa dahil sa pag-ibig upang ang iyong Sambayanang laganap sa buong daigdig ay mamalaging matatag sa pananampalatayang iyong bigay para sambahin ang banal mong ngalan sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Ang Pagdiriwang ng Pagpapakasakit ________________________________________________________ ng Panginoon

R. Amen. II PARA SA PAPA


Lektor:

Idalangin natin ang ating Banal na Papa na si N., na hinirang ng Diyos sa hanay ng mga tagapangasiwa upang kanyang bigyan ng kalusugan at mahabang buhay para sa kapakanan ng kanyang banal na Sambayanang ipinagkatiwala para paglingkuran.
Commentator:

Lumuhod ang lahat.


Tatahimik ng ilang saglit. Commentator:

Magsitayo ang lahat.


Punong Tagapagdiwang:

Ama naming makapangyarihan, sa iyong kapasyahan umiiral ang sanlibutan. Paunlakan mo ang aming kahilingan na iyong lingapin si Papa N. na iyong hinirang para kami pangasiwaan upang ang Sambayanang Kristiyano na iyong pinamumunuan ay mapamahalaan niya nang may kaunlaran sa pananampalataya at gawang kabutihang iyong inaasahan sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. R. Amen. III PARA SA KAPARIAN AT LAHAT NG KAANIB NG SIMBAHAN
Lektor:

ldalangin natin si N. na ating Obispo, gayundin ang lahat ng mga Obispo, mga pari at mga diyakono, at ang tanang kabilang sa sambayanang Kristiyano.

Ang Pagdiriwang ng Pagpapakasakit ________________________________________________________ ng Panginoon Commentator:

Lumuhod ang lahat.


Tatahimik ng ilang saglit. Commentator:

Magsitayo ang lahat.


Punong tagapagdiwang:

Ama naming makapangyarihan, ang iyong Espiritu ay nagpapabanal at nagtataguyod sa buong Simbahan. Dinggin mo ang aming pagluhog para sa iyong mga tagapaglingkod upang mapaglingkuran kang matapat sa tulong ng iyong kagandahang-loob sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. R. Amen. IV PARA SA MGA NAGHAHANDA SA BINYAG
Lektor:

ldalangin din natin ang mga inihahandang tao sa pagbibinyag upang ang kanilang kalooban ay makatugon sa pagtawag ng Diyos Ama nating makapangyarihan para sa tubig ng binyag sila'y muling maisilang sa ikapagpapatawad ng lahat ng kasalanan at sa ikapagkakamit ng pakikisalo kay Hesus na Poong Mahal.
Commentator:

Lumuhod ang lahat.


Tatahimik ng ilang saglit. Commentator:

Magsitayo ang lahat.


Punong Tagapagdiwang:

Ama naming makapangyarihan, lagi mong pinauunlad ang Sambayanan sa pagkakaroon ng karagdagang kabilang. Sa pananampalataya at pagkaunawa ay magkaroon nawa ng pag-unlad ang (aming) mga inihahanda sa pagbibinyag
8

Ang Pagdiriwang ng Pagpapakasakit ________________________________________________________ ng Panginoon

upang sa muli nilang pagsilang bilang binyagan sila'y mapabilang sa mga kaanib ng iyong angkan sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. R. Amen. V PARA SA PAGKAKAISA NG MGA KRISTIYANO
Lektor:

Idalangin din natin ang lahat ng ating mga kapatid na pawang kay Hesukristo nananalig upang marapatin ng Diyos Ama nating makapangyarihan na sila'y tipunin at lingapin sa iisa niyang Sambayanan.
Commentator:

Lumuhod ang lahat. Tatahimik ng ilang saglit.


Commentator:

Magsitayo ang lahat.


Punong Tagapagdiwang:

Ama naming makapangyarihan tinitipon mo ang mga nawalay at tinatangkilik mo ang mga nagkakatipon sa iyong Sambayanan. Lingapin mo ang mga kabilang sa kawan ng iyong Anak na sa iyo itinalaga sa buklod ng iisang binyag upang sila'y magkabuklod sa buong pananalig at sila'y magkapisan sa buklod ng pag-ibig sa pamamagitan ni Hesukristo ksama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. R. Amen.

Ang Pagdiriwang ng Pagpapakasakit ________________________________________________________ ng Panginoon

VI PARA SA MGA JUDIO


Lektor:

Idalangin din natin ang mga Judio na unang pinagpahayagan ng Diyos na totoo upang ipagkaloob niyang sa pag-ibig sa kanyang ngalan sila ay umunlad sa pagiging matapat sa kanyang tipan
Commentator:

Lumuhod ang lahat.


Tatahimik ng ilang saglit. Commentator:

Magsitayo ang lahat.


Punong Tagapagdiwang:

Ama naming makapangyarihan, pinangangatawanan mo ang iyong mga pangako kay Abraham at sa tanang sa kanya ay sumilang. Dinggin mo ang pagluhog ng iyong Sambayanan upang ang mga tao na iyong unang hinirang ay pagindapating sumapit sa kaganapan ng kaligtasan sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. R. Amen. VII PARA SA MGA DI SUMASAMPALATAYA KAY KRISTO
Lektor:

Idalangin din natin ang tanang hindi pa sumasampalataya kay Kristo upang tahakin nila ang landasin ng kaligtasan na nililiwanagan ng Espiritu Santo.
Commentator:

Lumuhod ang lahat.


Tatahimik ng ilang saglit.

10

Ang Pagdiriwang ng Pagpapakasakit ________________________________________________________ ng Panginoon

Commentator:

Magsitayo ang lahat.


Punong Tagapagdiwang:

Ama naming makapangyarihan, gawin mong ang mga hindi pa nananalig sa iyong Anak ay makatuklas sa katotohanan sa pamumuhay nilang wagas at kaming sa pag-ibig mo ay laging umuunlad sa pagmamalasakit sa tanang sa iyo'y humahanap ay maging mga saksing mapapaniwalaan ng iyong dakilang pag-ibig sa sanlibutan sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. R. Amen. VIII PARA SA HINDI PA SUMASAMPALATAYA SA DIYOS
Lektor:

Idalangin din natin ang mga hindi pa sumasampalataya sa Diyos, upang pagindapating sa kanya'y makadulog sa paniniwalang wagas na kanilang sinusunod.
Commentator:

Lumuhod ang lahat.


Tatahimik ng ilang saglit. Commentator:

Magsitayo ang lahat.


Punong Tagapagdiwang:

Ama naming makapangyarihan, nilikha mo ang lahat ng mga tao upang lagi kang hanapin at pag natagpuan ka'y masiyahang walang maliw. Ipagkaloob mong kahit may mga di kanais-nais na balakid, mabanaagan pa rin ng tanan ang mga pahiwatig ng iyong pag-ibig at matanggap nila ang mga gawang kabutihan ng mga sumasampalataya bilang
11

Ang Pagdiriwang ng Pagpapakasakit ________________________________________________________ ng Panginoon

kaakit-akit na katibayan na ikaw ang Diyos na totoo at Amang aming pinanggalingan sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. R. Amen. IX PARA SA UMUUGIT SA PAMAHALAAN
Lektor:

Idalangin din natin ang mga may tungkuling maglingkod sa bayan at umuugit sa ating pamahalaan upang ang kalooban nila ay itaguyod ng Amang Maykapal alinsunod sa kanyang kinalulugdan sa ikapagkakamit ng kapayapaan at kalayaan ng tanan
Commentator:

Lumuhod ang lahat.


Tatahimik ng ilang saglit. Commentator:

Magsitayo ang lahat.


Punong Tagapagdiwang:

Ama naming makapangyarihan, nasa iyong kamay ang adhika at karapatan ng tanan. Tunghayan mo ang mga umuugit sa aming pamahalaan upang sumagana ang tanan sa sanlibutan sa ipagkakamit ng kapayapaan at ikapapanatili ng kalayaan na ikaw ay sambahin alinsunod sa iyong loobin sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpsawalang hanggan. R. Amen. X PARA SA MGA MAY TANGING PANGANGAILANGAN
Lektor:

Idalangin natin, mga kapatid, sa Ama nating makapangyarihan na ang san1ibutan ay maibsan ng tanang katiwalian, ang mga

12

Ang Pagdiriwang ng Pagpapakasakit ________________________________________________________ ng Panginoon

karamdaman ay rnalunasan, ang kagutuman ay maparam, ang mga nasa piitan ay lumayang tuluyan, ang mga naaapi ay mahango sa kawalang-katarungan, ang mga nag1alakbay ay maluwalhating sumapit sa paroroonan, ang mga nasa ibang bansa ay makauwi sa kani1ang bayan, ang mga maysakit ay magkamit ng kagalingan, at ang mga nag-aagaw-buhay ay matiwasay na mahimlay.
Commentator:

Lumuhod ang lahat.


Tatahimik ng ilang saglit. Commentator:

Magsitayo ang lahat.


Punong Tagapagdiwang:

Ama naming makapangyarihan, binubuhayan mo ng loob ang mga nasa kapighatian, pinatatatag mo ang mga may mabigat na pinapasan. Paunlakan mo ang mga kahilingan ng mga dumaraing dahil sa maraming mga pinagtitiisan upang bawa't nasa kagipitan ay magkamit ng kasiyahang madama ang iyong pagmamahal sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. R. Amen.

13

Ang Pagdiriwang ng Pagpapakasakit ________________________________________________________ ng Panginoon

IKALAWANG BAHAGI: ANG PAGPAPARANGAL SA KRUS NA BANAL


UNANG PARAAN
Bababa ang dalawang tagapaglingkod na may hawak na nagdiringas na kandila at susunduin ang krus na nababalutan ng lambong. Tangan ng diyakono (o kung wala ng isa pang tagapaglingkod ang krus), at silay magpruprusisyon patungong altar. Pagdating sa harap ng dambana ang krus ay kukunin ng punong tagapagdiwang, habang kasama ang dalawang tagapaglingkod na may hawak ng libro at ng mikropono. Itataas ng punong tagapagdiwang ang krus ng maikatlong ulit. Sa bawat pagtataas unti-unti niyang tatanggalin ang lambong ng krus at kanyang babanggitin ang mga sumusunod sa bawat pagtataas.

UNANG PAGPAPAKITA (Sa taas na bahagi)


Punong tagapagdiwang:

Sa kahoy ng krus na banal ni Hesus na Poong Mahal nalupig ang kamatayan at sa muling pagkabuhay ang pag-asa ay sumilay. R. Purihin at ipagdangal ang ating Poong Maykapal: Ama na bukal ng buhay, Anak na siya nating Daan, Espiritung ating tanglaw.
Pagkatapos ng aklamasyon luluhod ang lahat sumandali at igagalang ang krus ng matahimik.

IKALAWANG PAGPAPAKITA (Ilalabas ang kanang braso ng krusipiho)


Punong tagapagdiwang:

Sa kahoy ng krus na banal ni Hesus na Poong Mahal


14

Ang Pagdiriwang ng Pagpapakasakit ________________________________________________________ ng Panginoon

nalupig ang kamatayan at sa muling pagkabuhay ang pag-asa ay sumilay. R. Purihin at ipagdangal ang ating Poong Maykapal: Ama na bukal ng buhay, Anak na siya nating Daan, Espiritung ating tanglaw.
Pagkatapos ng aklamasyon luluhod ang lahat sumandali at igagalang ang krus ng matahimik.

IKATLONG PAGPAPAKITA (Aalisin ang lahat ng lambong ng krus)


Punong tagapagdiwang:

Sa kahoy ng krus na banal ni Hesus na Poong Mahal nalupig ang kamatayan at sa muling pagkabuhay ang pag-asa ay sumilay. R. Purihin at ipagdangal ang ating Poong Maykapal: Ama na bukal ng buhay, Anak na siya nating Daan, Espiritung ating tanglaw.
Pagkatapos ng aklamasyon luluhod ang lahat sumandali at igagalang ang krus ng matahimik. Pagkatapos ng pagpaparangal ay ilalagay ng pari ang krus malapit sa may bandang harapan ng baitang paakyat ng sanktuaryo. Lalagyan ito ng dalawang nagdiringas na kandila. Hahanay ang lahat sa pangunguna ng pari at mga ministro at sila'y hahalik sa krus. Maaaring umawit ng kaukulang awit.

________________________________________________________
Kung ang namumuno ay Obispo, huhubarin niya ang mitra, kasulya at sapatos at saka hahalik sa krus. Matapos nito siya ay muling babalik sa upuan at muling isususot ang kasulya at sapatos. Hindi nagsususot ng singsing ang Obispo kung Biyernes Santo.

________________________________________________________

15

Ang Pagdiriwang ng Pagpapakasakit ________________________________________________________ ng Panginoon

IKALAWANG PARAAN
Ang pari o ang diyakono o ang sinumang tagapaglingkod na inatasan ay paroroon sa gawing pinto ng simbahan. Siya ay sasamahan ng mga iba pang tagapaglingkod. Sa gawing pinto ng simbahan, kukunin niya ang krus na walang lambong. Kukunin naman ng mga kasamang tagapaglingkod ang mga kandilang may sindi. Silay magpuprusisyon sa gitna ng simbahan patungo sag awing dambana. Sa malapit sa pinto ng simbahan, sa gitna ng simbahan, at sa pasukan ng gawi ng dambana, ang nagdadala sa krus ay hihinto, itataas niya ito, at aawitin niya ang paanyaya at ang mga tao ay sasagot. Pagkatapos ng bawat sagutan, lahat ay luluhod at tahimik na magbibigaygalang sa krus alinsunod sa paraang nasasaad sa itaas. Pagkaraay ilalagay ang krus at ang mga kandila sa pasukan ng gawi ng dambana.

16

Ang Pagdiriwang ng Pagpapakasakit ________________________________________________________ ng Panginoon

IKATLONG BAHAGI: ANG BANAL NA PAKIKINABANG


Bababa ang dalawang tagapaglingkod na may tangang nagdiringas na kandila at ang diyakono o ministro ng komunyon upang sunduin ang Banal na Sakramento sa lugar na inihanda para rito matapos ang pagtatanod nung Huwebes Santo. Ang dambana ay lalatagan ng puting mantel at lalagyan ng kandila ng mga tagapaglingkod. Maglalagay rin dito ang corporal at ang sakramentaryo na nakabukas sa bahagi ng rito ng pakikinabang. Sa gawi ng lamesa para sa gamit ay nakahanda na ang kalis at ang purificator at tubig para sa paglilinis matapos ang banal na pakikinabang. Pagdating ng Banal na Sakrameto sa dambana ito ay ilalagay ng diyakono sa corporal at ang lalagyan ay bubuksan. Dudulog ang pari sa dambana at luluhod saka malakas na ihahayag na magkadaop ang kamay: Punong Tagapagdiwang:

Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos ipahayag natin ng lakas-loob:
Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at ipahahayag kaisa ng lahat:

Ama namin, sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo. Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw at patawarin mo kami sa aming mga sala para ng pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso. At iadya mo kami sa lahat ng masama.
Nakalahad ang mga kamay niyang itutuloy.

Hinihiling naming kami'y iadya sa lahat ng masama, pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,

17

Ang Pagdiriwang ng Pagpapakasakit ________________________________________________________ ng Panginoon

iligtas sa kasalanan at ilayo sa lahat ng kapahamakan samantalang aming pinananabikan ang dakilang araw ng pagpapahayag ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang panalangin sa ganitong pagbubunyi:

Sapagkat iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kapurihan magpakailanman! Amen.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at pabulong na magdarasal.

Ang pakikinabang sa katawan mo, Panginoong Hesukristo, ay huwag nawang magdulot ng paghuhukom at parusa sa kasalanan ko. Alang-alang sa iyong dakilang pag-ibig nawa'y aking matanggap ang pagkupkop mo sa akin at kaloob mong lunas.
Luluhod siya. Pagkatapos ay ipapamalas sa mga tao ang ostiya habang sinasambit.

Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan. Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.
Idurugtong niyang minsanan kaisa ng sambayanan

Panginoon hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.
Siya'y makikinabang ng magalang at nakayuko sa dambana, matapos nito makikinabang naman ang mga tao. Pagkatapos ng paglilinis ng mga ciborium sa lamesa ng mga kagamitan maaaring alisin ng mga tagapaglingkod ang corporal. Sa pangunguna ng dalawang tagapagdala ng kandila ang natirang sakramento ay muling ibabalik sa lugar na pinagkunan at inihanda para dito.

18

Ang Pagdiriwang ng Pagpapakasakit ________________________________________________________ ng Panginoon

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Punong Tagapagdiwang:

Manalangin tayo: Ama naming mapagmahal, pinapakinabang mo kami sa banal na pagkamatay at pagkabuhay ni Kristo. Panatilihin mo sa amin ang ginanap ng iyong dakilang pag-ibig upang kami'y makapamuhay nang matapat sa pakikisalo sa dulot mong pagliligtas sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. R. Amen.

PAGPAPANALANGIN PARA SA SAMBAYANAN


Punong tagapagdiwang:

Ama naming bukal ng pagpapala, ang iyong pagbabasbas ay manaog nawang masagana sa iyong sambayanang gumanap sa paggunita sa pagkamatay ng iyong Anak na siyang pagkabuhay ng nagtitiwala. Ang iyong pagpapatawad ay sumapit nawa sa tanan. Ang iyong pakikisamang maaasahan ay iyong ibigay. Ang pananampalatayang banal nawa'y maging matibay. Ang kaligtasang walang maliw ay patatagin mong lubusan sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. R. Amen.
Pagkatapos ng panalangin sa Banal na Pakikinabang lilisan ang pari, ang mga ministro at ang mga tagapaglingkod ng tahimik. Huhubaran muli ang dambana. Ang krus na pinarangalan ay iiwanan sa may dambana at lalagyan ng apat na kandilang nakatanod dito. Mula ngayon hanggang sa kinabukasan niluluhuran ang krus tuwing sasapit sa harapan nito.

19

You might also like