Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

REHIYON AT KULTURA SA ASYA

JAPAN

Maituturing na pinakamodernong bansa sa asya ang Japan subalit napanatili nito ang impluwensya ng
relihiyon sa kanyang tradisyon .
Itinuturo pa rin sa mga Haponesa ang pagsusuot ng tradisyunal na damit na kimono at obi, ang
detalyadong ritwal ng seremonya sa tsaa at pag-aayos ng bulaklak (kilala rin sa tawag na ikebana).

Mga Babaeng nakasuot ng Kimono

Isang halimbawa ng Obi
Dinudumog pa rin ng milyong Hapones ang mga dambanang Shinto at templong Buddhist.


Templong Buddhist










Dambanang Shinto






Isinasaayos naman tuwing ika-20 taon ang
dakilng dambana sa Ise o kung tawagin at Ise
Shrine.
Ise Shrine
Nakatutuwang isipin na ang mga Hapones ay
nakasakay sa pinaka-modernong
sistemang transportasyon subalit pag-uwi sa
kanilang bahay ay nagsusuot ng kimono at
tradisyunal na tsinelas , nauupo sa tatami mat , at kumakain ng pagkaing Hapones .
VIETNAM
Makikita sa mga bansang Buddhist , partikular sa Timog Silangang Asya , na hindi lamang personal na
kaligtasan ang mahalaga kundi pagpapabuti sa kundisyon ng pang araw-araw na pamumuhay.
Malaki rin ang epekto ng Buddhism sa mga patakarang pambansa.Kadalasang nangunguna ang mga
mongheng Buddhist sa mga protestang pulitikal.
Sa Vietnam, naging aktibo ang mga monghe sa pagiging nasyonalista ng mga Vietnamese.May mga
naglalabang partidong pulitikal na Buddhist.
Isang katibayan ng pagiging aktibo ng mga buddhist sa isyung pulitikal at panlipunan ay ang tanyag na
pagsunog sa sarili (self-immolation) ng mongheng Buddhist na si Thich Quang Duc noong 1963.

Ang self-immolation ni Thich Quang Duc sa
Vietnam
Ginawa niya ito, katulong ang dalawang
mongheng nagbuhos ng gasolinasa
kanyang katawan, sa isang abalang
sangandaan sa Saigon (ngayon ay Ho Chi
Min City ), mapaniil na patakaran ng
Kristiyanong rehimen ni pangulong Ngo
Dinh Diem laban sa mga Buddhist sa
Vietnam.


Si Ngo Dinh Diem
Sa ilalim ni Thich Quang Duc sa pamayanang Buddhist gayundin sa
pamahalaang Kristiyano bago naganap ang insidente, hiniling niyang
alisin ng rehimen ang restriktong ipinataw nito sa mga Buddhist gaya
ng pagbabawal sa pagwawagayway ng kanilang bandila at ang
pagpapakulong sa kanila.
Sinasabing ang naturang insidente ay lalong nagpasidhi ng
damdaming Buddhist at nagbigkis sa mga naniniwala sa relihiyong
ito.
Humantong ang mga protestang ito sa pagpapatalsik sa rehimeng
Diem sa South Vietnam noong 1963.
India
Isa sa mga tradisyong Hindu ang sati (sutte sa ibang aklat) o ang pagpapakamatay ng balong babae sa
pamamagitan ng pagsama sa cremation o pagsunog ng labi ng asawang namatay.

suttee o sati
Bagamat ipinagbawal na ito ng pamahalaang
English sa India noong 1829 pa, noon lamang
1987 isang kaso ng sati ang naitala.
Patunay lamang na sa kabila ng batas na
nagbabawal dito, patuloy parin ang ilang Hindu
sa pagsasagawa nito.
Ang pangunahing dahilan ng pagsasagawa nito
ang paglilinis ng kasalanan ng asawang lalaki sa
pamamagitan ng sati, pinaniniwalaang
makakamtan ng asawa ang kaluwalhatiaan sa kabilang buhay.
Noong 1987, isang 18 taong gulang na balong babae, si Roop Kanwar, ang nagsagawa ng sati.wala
pang isang taong kasal nang namatay ang kanyang asawa, subalit hindi ito naging hadlang upang hindi
niya isagawa ang tradisyong ito.


Si Roop Kanwar at ang kanyang asawa











Ang Pagsasagawa Ng Sati
Dahil sa pangyayaring ito, naging maigting ang pagtatalo sa pagitang ng usapin ng tradisyon at
modernisasyon .
Inaresto ang mga tumulong sa pagpapakamatay ni Kanwar, kasama ang kanyang nakababatang
kapatid na lalaki na siyang nagsindi ng apoy.
Subalit makalipas ang siyam na taon, nagdesisyon ang korteng Indian na palayain ang mga ito sa
pamamagitan ng deklarasyong ang sati ay isang tradisyong panlipunan.

Saudi Arabia
Sa lipunang Arabo, nananatili pa ring mababa ang katayuan ng kababaihan sa lipunan.
Ang diskriminasyon laban sa kababaihan ay sinasabing wala sa mga aral ng Islam na may paniniwala
sa ummah o konsepto ng pagkapantay-pantay ng lahi, kasarian, o uring panlipunan.
Subalit dahil sa ilang salik, hindi ito ganap na naipapatupad sa bansang Arabo.Halimbawa, sa usapin
ng kasal, pinapayagan ang kalalakihang magkaroon ng hanggang apat na asawa at kahit ilang
concubine.
Subalit kailangan ay mapakain niya nang pantay-pantay ang mga ito.Tila rin walang kahirap-hirap sa
lalaki na makipagdiborsyo sa kanyang asawa.
Sa usapin naman ng karapatan sa bata matapos ang diborsyo, mananatili ang anak na lalaki sa ina
hanggang umabot siya sa pitong taong gulang, pagkatapos ay sa ama na siya mananatili.
Kapag ang babae ang anak, dapat maabot muna niya ang gulang na siyam bago siya mapunta sa
kanyang ama.
Subalit kung magdesisyon ang babae na magpakasal nang hindi pa natatapos ang panahon ng legal
custody, mawawalan na siya ng karapatan sa kanyang anak.
Sa Afghanistan halimbawa, nang mangibabaw ang
Taliban, mas lumala ang diskriminasyon sa
kababaihan.
ISANG GRUPO NG TALIBAN
Ang Taliban ay isang grupo ng mga radikal na
Muslim.Dahil sa kautusanng Taliban, napilitan ang
mga babae na magsuot ng burka,
ang kanilang tradisyunal na
pananamit na tumatakip sa buong
katawan.
Mga babaeng nakasuot ng burka
Bukod dito, kailangan pa nilang magsuot ng belo na tumatakip maging sa kanilang mga mata.
Tinanggal din ang karapatan nilang bumoto, mag-arak, magtrabaho, at tumanggap ng benipisyong
pangkalusugan.
Sa pagbagsak ng Taliban, Bahagyang nabawasan ang di-makatwirang restriksyon sa kababaihan.

You might also like