Tunay na Pangalan Buhay Termino Pangalawang Pangulo Era Partido 1. Emilio Aguinaldo
Emilio Aguinaldo y Famy 1869- 1964 Mayo 24, 1899- Abril 1,1901 Mariano Trias Unang Diktadurya Malaya Unang Republika ng Pilipinas 2. Manuel L. Quezon
Manuel Luis Quezon y Molina 1878- 1944 Nobyembre 15,1935- Disyembre 24,1941 [1]
Sergio Osmea Komonwelt Nasyonalista Disyembre 24,1941- Agosto 1,1944 [2]
3. Jos P. Laurel
Jos Paciano Laurel y Garcia 1881- 1959 Oktubre 14,1943- Pebrero 2, 1944 Ramon Avancea Ikalawang Republika ng Pilipinas KALIBAPI Pebrero 2,1944- Agosto 17, 1945 Benigno S. Aquino 4. Sergio Osmea
Sergio Osmea y Suico 1878- 1961 Agosto 1, 1944- Marso 28, 1946 bakante Pinanumbalik na Komonwelt Nasyonalista 5. Manuel Roxas
Manuel Acua Roxas 1892- 1948 Marso 28, 1946- Abril 15, 1948 Elpidio Quirino Liberal Ikatlong Republika ng Pilipinas 6. Elpidio Quirino
Elpidio Rivera Quirino 1890- 1956 Abril 17,1948- Disyembre 20,1949 bakante Disyembre 20,1949- Disyembre 20,1953 Fernando Lopez 7. Ramon Magsaysay
Ramon del Fierro Magsaysay 1907- 1957 Disyembre 30,1953- Marso 17, 1957 Carlos P. Garcia Nasyonalista 8. Carlos P. Garcia
Carlos Polistico Garcia 1896- 1971 Marso 18,1957- Disyembre 30,1957 bakante Disyembre 30,1957- Disyembre 30,1961 Diosdado Macapagal 9. Diosdado Macapagal
Diosdado Pangan Macapagal 1910- 1997 Disyembre 30,1961- Disyembre 30,1965 Emmanuel Pelaez Liberal 10. Ferdinand E. Marcos
Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos 1917- 1989 Disyembre 30,1965- Enero 17, 1973 Fernando Lopez Nasyonalista Enero 17,1973- Pebrero 16,1986 bakante Ikalawang Diktadoryal Kilusang Bagong Lipunan Pebrero 16,1986- Pebrero 25,1986 Arturo Tolentino Ikaapat na Republika ng Pilipinas 11. Corazon C. Aquino
Mara Corazn Cojuangco- Aquino 1933- 2009 Pebrero 25,1986- Hunyo 30, 1992 Salvador H. Laurel Estados Nasyonalistang Demokratikong Organisasyon Ikalimang Republika ng Pilipinas 12. Fidel V. Ramos
Fidel Valdez Ramos 1928- Hunyo 30,1992- Hunyo 30, 1998 Joseph Ejercito Estrada Lakas- Nasyonal Unyon ng Kristiyano Demokrato 13. Joseph Ejercito Estrada
Jose Marcelo Ejercito 1937- Hunyo 30,1998- Enero 20, 2001 Gloria Macapagal- Arroyo Pwersa ng Masang Pilipino 14. Gloria Macapagal- Arroyo
Maria Gloria Macapagal- Arroyo 1947- Enero 20,2001- Pebrero 7, 2001 bakante Lakas-Kampi- CMD Pebrero 7,2001- Hunyo 30, 2004 Teofisto Guingona Hunyo 30,2004- Hunyo 30, 2010 Noli de Castro 15. Benigno S. Aquino III
Benigno Simeon Cojuangco Aquino III 1960- Hunyo 30, 2010- Kasalukuyan Jejomar Binay Liberal
Emilio Aguinaldo Para sa munisipalidad, silipin ang Gen. Emilio Aguinaldo, Cavite. Para sa alay o handog, pumunta sa aginaldo. Emilio Aguinaldo
Unang Pangulo ng Pilipinas Unang Pangulo ng Unang Republika Diktador ng Pamahalaang Diktadorial Pangulo ng Pamahalaang Rebolusyonaryo
Punong Ministro Apolinario Mabini (1899) Pedro Paterno (1899) Pangalawang Pangulo Mariano Trias (1897) Sinundan si Bagong Tatag Sinundan ni (pinawalang bisa mula 1901-1935) Wesley Merritt (Gobernador-Heneral, 1901) Manuel Quezon (Pangulo, 1935)
Kapanganakan Marso 22, 1869 Cavite El Viejo (ngayong Kawit), Cavite, Pilipinas Kamatayan Pebrero 6, 1964 Lungsod Quezon,Pilipinas Partidong politikal Paksyong Magdalo ng Katipunan (1897- 1901) National Socialist Party(1935) Asawa (1) Hilaria del Rosario (2) Maria Agoncillo Hanapbuhay Militar, Guro,Rebolusyonaryo, Pulitiko Relihiyon Iglesia Filipina Independiente signature = Aguinaldo Sig.png Si Emilio Aguinaldo y Famy [1] (Marso 22, 1869Pebrero 6, 1964) ay isang Pilipinong heneral, pulitiko at pinuno ng kalayaan, ay ang unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Enero 20, 1899 Abril 1, 1901). Isa siyang bayaning nakibaka para sakasarinlan ng Pilipinas. Pinamunuan niya ang isang bigong pag-aalsa laban sa Espanyanoong 1896. Makaraang magapi ng Estados Unidos ang Espanya noong 1898, ipinahayag niya ang kalayaan ng Pilipinas at umupo bilang unang pangulo ng Pilipinasnoong Hunyo 1899. Malakas ang kaniyang loob subalit nilarawang baguhan sapagkat naniwalang tatangkilin ng Estados Unidos ang kaniyang hangarin. Nang maging ganap at lantad ang mga hangarin ng Estados Unidos hinggil sa Pilipinas, muli niyang pinamunuan ang isang pag-aaklas mula 1899 hanggang 1901. Nadakip siya sa bandang huli ng mga Amerikano noong Marso 1901, makaraang makipaglaban sa loob ng dalawang taon. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos subalit nagsuot ng isang itim na bow tie hanggang sa tuluyang nakamit ng Pilipinas ang kalayaan noong1946. Tumakbo siya bilang pangulo noong 1935 ngunit nagapi sa halalan ni Manuel Quezon. Sa mga huling panahon ng kaniyang buhay, nagsilbi siya sa Konseho ng Estado ng Pilipinas. [1][2] Siya rin ang pinakabatang pangulo ng Pilipinas. Rebolusyong Pilipino Noong 1894, sumali siya sa Katipunan o ang K.K.K., isang sikretong organisasyon na pinamumunuan ni Andres Bonifacio, at dedikado itong organisasyon upang maitaboy ang manlulupig na Kastila at makamit ang kalayaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng dahas. Ginamit niya ang nom de guerre na Magdalo, para kay Maria Magdalena. Ang kanyang sangay ng Katipunan na pinamumunuan ng pinsan niya na si Baldomero Aguinaldo ay tinawag ding Magdalo. Nagsimula ang Rebolusyon sa San Juan del Monte (siyang lungsod ng San Juan, Metro Manila]]. Ngunit sa simula ay hindi sumali ang sangay ni Aguinaldo dahil sa kakulangan ng armas, na isa sa mga dahilan ng pagkatalo ni Bonifacio sa Pinaglabanan. Habang napilitan sina Bonifacio na gumamit ng gerilya para makilaban, nanalo sina Aguinaldo sa iba't ibang laban na nakapagtaboy ng mga Espanyol ng panandalian. Noong Pebrero 17, 1897, natalo nina Aguinaldo at ilang Katipunero ang puwersa na pinamumunuan ni Gobernador-Heneral Camilo de Polavieja sa Labanan sa Tulay ng Zapote sa Cavite. Si Heneral Edilberto Evangelista, inhinyerong sibil, rebolusyonaryo, at tagatayo ng trintsera, ay namatay sa labanang ito. Ang probinsya ng Cavite ay naging importanteng lokasyon ng Rebolusyon at dito rin nakanalo ang Magdalo ng marami laban sa Espanya. Ngunit, lalong nagkaroon ng malaking agwat ang dalawang kampo sa Katipunan, ang Magdalo at Magdiwang. Dahil dito, napilitan si Bonifacio na mamagitan sa dalawang kampo. Naisip ng Magdalo na magtayo ng sarili nilang gobyerno. Si Bonifacio, kahit para sa kanya na ang Katipunan ay gobyernong ganap, pinayagan niya at pinamunuan rin ang isang halalan na sinimulan sa Kumbensyong Tejeros sa Tejeros, Cavite noong Marso 22, 1897. Nawala rito ang pamumuno niya kay Aguinaldo, at naboto bilang Ministro ng Interyor. Ito ay kinwestyon ni Daniel Tirona, na sinasabing hindi raw nararapat ito kay Bonifacio dahil siya ay hindi nakapagtapos sa pag-aaral. Nagalit si Bonifacio (nilabas ang kanyang baril at binaril na sana si Tirona kung hindi lang siya tumigil) at dineklarang null at di-wasto ang kumbensyon. Napilitan si Bonifacio na bumalik sa Morong, Rizal Hindi na kinilala ni Bonifacio ang gobyernong pinamumunuan ni Aguinaldo at sinimulang ibalik ang kanyang awtoridad, pinagbintangan ang paksyon ni Aguinaldo ng pagtataksil at nagbibigay ng utos na taliwas sa mga utos ni Aguinaldo. Sa utos ni Aguinaldo, hinuli si Bonifacio at ang kanyang mga kapatid at sa isang mock trial, nahatulan ng pagtataksil at nasintensyahan ng kamatayan. Pagkatapos ng pag- aalanganin, naisip niyang tanggalin ang hatol, ngunit pagkatapos makumbinse ni Heneral Manuel Noriel, Pangulo ng Konseho ng Digmaan, at iba pa, binalik ni Aguinaldo ang hatol. Pinatay ang magkapatid na Andres at Procorpio sa pamamagitan ng firing squadnoong Mayo 10, 1897 sa Bundok Hulog na malapit ng apat na kilometro kanluran ng Maragondon, Cavite. [baguhin]Deklarasyon ng Kalayaan, Diktadura, at Gobyernong Rebolusyonaryo Pagkatapos ng pagsimula ng Digmaang Espanyol-Amerikano, bumalik si Aguinaldo sa Pilipinas noong Mayo 19, 1898. Noong Mayo 24, dineklara niya na siya ang lider ng buong militar at nagtatag ng gobyernong diktaturyal na siya bilang diktador. Noong Hunyo 12, dineklara ang Kalayaan ng Pilipinas sa bahay ng mga Aguinaldo sa Cavite el Viejo, at binasa ang Batas na Nagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas. Ito ay sinulat sa baybay Kastila ni Ambrosio Rianzares Bautista, isang kapamilya ni Jose Rizal, na siya ring bumasa. Noong Hunyo 18, dineklara niya sa pamamagitan ng dekrito ang opisyal na pagtatag ng kanyang diktadurya. Noong Hunyo 23, dineklara naman niya ang gobyerno na rebolusyonaryo at hindi na diktadurya, siya pa rin bilang pangulo. [baguhin]Pangulo Itinatag ang Unang Republika ng Pilipinas sa Konstitusyon ng Malolos noong Enero 21, 1899 sa Malolos, Bulacan at nagtagal hanggang nahuli si Aguinaldo sa Palawan, Puerto Prinsesa ng mga Amerikano noong Marso 1, 1901. [baguhin]Administrasyon at Gabinete Nagkaroon ng dalawang gabinete si Pangulong Aguinaldo na siyang dahilan ng kanyang pamumuno sa pamamagitan ng mga dekrito. Tanggapan Pangalan Termino Pangulo Emilio Aguinaldo 18971901 Pangalawang Pangulo Mariano Tras 1897 Punong Ministro Apolinario Mabini Enero 21 Mayo 7, 1899
Pedro Paterno Mayo 7 Nobyembre 13, 1899 Ministro ng Pananalapi Mariano Tras Enero 21 Mayo 7, 1899
Hugo Ilagan Mayo 7 Nobyembre 13, 1899 Ministro ng Interyor Teodoro Sandico Enero 21 Mayo 7, 1899
Severino de las Alas Mayo 7 Nobyembre 13, 1899 Ministro ng Pandigmaan Baldomero Aguinaldo Enero 21 Mayo 7, 1899
Mariano Trias Mayo 7 Nobyembre 13, 1899 Ministro ng Kagalingan Gracio Gonzaga Enero 21 Mayo 7, 1899 Ministro ng Ugnayang Panlabas Apolinario Mabini Enero 21 Mayo 7, 1899
Felipe Buencamino Mayo 7 Nobyembre 13, 1899 Ministro ng Pampublikong Kautusan Aguedo Velarde 1899 Ministro ng Pagawaing Bayan at Komunikasyon Mximo Paterno 1899 Ministro ng Pagsasaka, Industriya at Kalakalan Len Mara Guerrero Mayo 7 Nobyembre 13, 1899 [baguhin]Polisyang Panloob Nagpagpatuloy programa programa programa programa ! ng Kongreso ng Malolos at maraming nagawa na maganda. Pinagpatuloy muna ang sistemang piskalya ng mga Kastila, pati rin sa sistema ng pagsingil ng buwis, hindi kasama ang sabong at iba pang katuwaan. Binabaan ang buwis sa digmaan at ang boluntaryong donasyon ay hiningi. Inayos rin ang sistema ng adwana. Binuksan ang pambansang pautang. Siya ay si Emilio Aguinaldo. [baguhin]Edukasyon Pinabukas kaagad ang mga paaralang elementarya. Ito ay ginawang sapilitan. Si Enrique Mendiola ay nagbukas ng Instituto de Burgos at pinili ang direktor nito ng Direktor ng Pampublikong Instruksyon. Nagbigay ng kurso na agrikultura, pagtilingin, at komersya, pati rin ang kursong A.B. ang unibersidad. Isang dekrito ang nagbigay oras para buksan ang Universidad Literaria. Ang unibersidad naman na ito ay nagbigay ng kursong medisina, siruhiya, dispensaryo, at notaryo publiko. Ang pangulo ang pipili ng propesor na siyang pipili ng rektor. Ang unang rektor ay si Joaqun Gonzales. Sinundan siya ni Len Mara Guererro. [baguhin]Lokal na gobyerno Sinunod ng Pangulo ang payo ni Apolinario Mabini at naglabas ng dalawang dekrito, isa noong Hunyo 18 at isa naman sa ika-20 para ayusin ang sistema ng gobyerno sa mga probinsya at bayan. Nakasulat dito na kahit napilitan siya na maging diktador, gusto niya na kasama ang mga pinakanararapat na maging opisyal na sila rin ay may tiwala galing sa kanilang kababayan. Sa mga dekritong ito, ang mga lalaking 21 taon pataas ay dapat maghalal ng isang Konseho Popular na binubuo ng isang Pangulo, Ikalawang Pangulo, Kapitan ng Barrio, Delegado ng Katarungan, Rehistrado Sibil, Delegado ng Pulis at Panloob na Kaayusan, at Delegado ng Buwis at Pagmamay-ari. Kinukumpirma ng gobyerno ang mga opisyal na ito. Ang mga opisyal na inihalal ng Presidente at nakumpirma sa parehong paraan ay: isang Gobernador at tatlong konsehal kasama ang residente ng munisipyo ng probinsiya at ang Provincial Council. Gayundin, ang mga kumander probinsiya militar ay ibinigay para sa bawat isa sa singil ng mga sundalo ng mga Manggagawa para sa pambansang hukbo. [baguhin]Pagbabago sa Konstitusyon Dahil na rin sa abala, dahil sa ikalimang artikulo ng Konstitusyon ng Malolos na nagtatakda ng paghihiwalay ng Simbahan at Estado, si Punong Ministro Apolinario Mabini ay nagbigay ng suspensyon ng artikulo hanggang magkaroon muli ng Kumbensyong Konstitusyonal. Ang mga lugar na kailangan ng pari ay binibigyan ng suporta. Ito ay pinagtibay noong ika-23 ng Disyembre at naging ika-100 na artikulo na transisyunal ng Konstitusyon. [baguhin]Pederasyong Bisaya Para mapatunayan ang pagkakaisa ng Republika, ginawang presidente ng Pederasyong Bisaya si Raymundo Melliza sa loob ng dalawang taon, pagkatapos manumpa ng katapatan sa Unang Republika at pagkilala kay Aguinaldo bilang pangulo. [baguhin]Polisiyang Panlabas [baguhin]Mga Nakakulong na Kastila Pinalaya ni Pangulong Emilio Aguinaldo ang mga Kastilang nakakulong sa pamamagitan ng executive clemency pagkatapos itatag ang Republika. Pinayagan din niya sila na magtrabaho sa Pilipinas. [baguhin]Digmaang Pilipino-Amerikano Noong Pebrero 4, 1899, binaril ng isang Amerikanong sundalo ang isang Pilipino. Ito ang dahilan kaya nagsimula ang Digmaang Pilipino-Amerikano at nagsimula ang labanan sa gitna ng mga sundalong Amerikano at mga Pilipinong para sa kalayaan. Ang mas malakas na armas ng mga Amerikano ay nagpaalis ng mga Pilipino sa mga lungsod at kailangan maglipat ng lugar ng Gobyernong Malolos. Lumikas si Pangulong Aguinaldo papuntang Hilagang Luzon habang hinahabol ng mga Amerikano. Noong Hunyo 2, 1899, nakatanggap ng telegrama si Heneral Antonio Luna, isa sa mga kaagaw ng pangulo at magaling na heneral, at nagtanong kung pwede sila magkita sa Kumbento ng Simbahan sa Cabanatuan. Ngunit, tinaksil siya ni Aguinaldo dahil ipinapatay siya ng mga tauhan ng pangulo matapos malaman na wala ang pangulo sa kumbento (Hunyo 5). Nilibing siya sa simbahan at walang imbestigasyong naganap. Hindi nahuli ang pumatay. Pagkamatay ni Luna, nagkaroon na ng kapangyarihan ang pangulo sa buong militar. Dahil wala na ang kagalingan ni Luna, natalo ng natalo ang militar. Noong Nobyembre 1899, nakaabot na sina Aguinaldo sa Palanan, Isabela. Nagkaroon ng labanan sa Tirad Pass na pinamunuan ni Heneral Gregorio del Pilar para matago ang pangulo. Ngunit, natalo sila sa pwersa ng mga Amerikano at namatay pa si del Pilar at 52 sa 60 na kasama ni del Pilar. Halos pagkatapos ng dalawang taon, nahuli si Pangulong Aguinaldo ng mga Amerikano sa pamumuno ni Heneral Frederick Funston sa pamamagitan ng pagkukunwari na sila'y mga nahuling Amerikano ng mga Macabebe Scouts na silang nagturo ng lokasyon ni Aguinaldo...
Manuel L. Quezon Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Manuel L. Quezon
Ika-2 Pangulo ng Pilipinas Unang Pangulo ng Komonwelt Panunungkulan Nobyembre 15, 1935 Agosto 1, 1944 Pangalawang Pangulo Sergio Osmea Sinundan si Emilio Aguinaldo(position restored. 1935) Sinundan ni Jose P. Laurel
Kapanganakan Agosto 19, 1878 Baler, Aurora Kamatayan Agosto 1, 1944 Saranac Lake, New York,Estados Unidos Partidong politikal Coalicin Nacionalista(1935- 1938);Nacionalista Party 1938-1944 Asawa Aurora Aragon Hanapbuhay Abogado Relihiyon Katoliko Si Manuel Luis Quezon y Molina [1] (Agosto 19, 1878 Agosto 1, 1944) ay ang ikalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Nobyembre 15, 1935Agosto 1, 1944). Siya ang kinilala bilang ikalawang pangulo ng Pilipinas, kasunod ni Emilio Aguinaldo (na ang administrasyon ay hindi kinilala ng ibang bansa sa mga panahong iyon at hindi kinilala bilang unang pangulo sa mga kapisanang internasyunal).
Manuel L. Quezon Ipinanganak si Manuel L. Quezon sa Baler, sa lalawigan ng Tayabas (tinatawag na ngayong Aurora) noong Agosto 19, 1878. Ang tunay niyang pangalan ay Manuel Luis M. Quezon. Anak siya nina Lucio Quezon at Maria Dolores Molina, kapwa mga guro. Nagtapos siya ng pag-aaral mula sa Colegio de San Juan de Letran noong 1893. [1] Bilang isang binata, nakilahok siya sa pag-aalsa laban sa mga Kastila. Nakipaglaban din siyang kasama ng mga Pilipinong Nasyonalista sa panahon ngDigmaang Pilipino-Amerikano, bilang katulong ni Emilio Aguinaldo. Naipakulong siya dahil sa gawaing ito. Makaraang palayain, nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos. [1]
Naging manananggol si Baler sa Quezon. Noong 1906, nahalal siya bilang gobernador ng lalawigan ng Tayabas, ngunit nagbitiw upang makapangampanya para sa Asambleya ng Pilipinas, kung saan nakamit niya ang pagiging pinuno ng Asambleya. Mula 1909 hanggang 1916, nagsilbi si Quezon sa Estados Unidos bilang naninirahang komisyonero para sa Pilipinas. Sa panahong ito naipasa ang Batas Jones (Jones Act), nagtatanggal sa Komisyon sa Pilipinas ng Estados Unidos at nagbibigay ng mas mataas na antas ng pamamahala sa mga Pilipino. Dahil dito, itinuring na bayani si Quezon nang muli siyang magbalik sa Pilipinas. [1]
Sa sumunod na dalawang taon, naglingkod siya bilang pangulo ng Senado ng Pilipinas. Noong 1935, nanalo si Manuel L. Quezon sa unang halalan ng pagkapangulo ng Pilipinas sa ilalim ng bagong Komonwelt ng Pilipinas, laban kina Emilio Aguinaldo at Obispo Gregorio Aglipay. Muli siyang nahalal noong 1941. [1]
Pagkaraan ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, tumakas siya papuntang Australya, at pagkaraan nagtuloy sa Estados Unidos. Sa dalawang bansang ito niya pinamunuan ang pamahalaan ng Pilipinas habang malayo sa bansa. [1]
Nagkasakit ng tuberkulosis si Quezon at namatay sa Saranac Lake, Franklin Country,New York noong Agosto 1, 1944 sa edad na 66. [1] Unang inilibing ang kanyang labi saArlington National Cemetery. Pagkaraan, ang kanyang labi ay inilibing muli sa Maynila, sa Manila North Cemetery at inilipat sa Lungsod Quezon sa loob ng monumento saQuezon Memorial Circle. Ipinangalan sa kaniya ang Lungsod ng Quezon sa Kalakhang Maynila at ang lalawigan ng Quezon. Siya rin ay tinawag bilang 'Ama ng Wikang Pambansa'.
Jose P. Laurel Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya (Idinirekta mula sa Jos P. Laurel) Para sa ibang gamit, tingnan ang Jose Laurel (paglilinaw). Jose P. Laurel
Ika-3 Pangulo ng Pilipinas Unang Pangulo ng Ikalawang Republika Panunungkulan Oktubre 14, 1943 Agosto 17, 1945 Pangulo Manuel L. Quezon (1941-1944) Sergio Osmea (1944-1946) Sinundan si Sergio Osmea
Mahistrado ng Kataastaasang Hukuman ng Pilipinas Panunungkulan Pebrero 29, 1936 Pebrero 5, 1942 Sinundan si George A. Malcolm Sinundan ni Wala [1]
Kapanganakan Marso 9, 1891 Tanauan, Batangas Kamatayan Nobyembre 6, 1959 Maynila Partidong politikal Kapisanan ng Paglilingkod sa Bagong Pilipinas (KALIBAPI) [2]
Si Jos Paciano Laurel y Garca (Marso 9, 1891 - Nobyembre 6, 1959) ay ang ikatlong Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Oktubre 14, 1943-Agosto 17, 1945) sa ilalim ng mga Hapon mula 1943 hanggang 1945. Isinilang si Laurel sa Tanauan, Batangas noong Marso 9, 1891 anak nina Sotero Laurel at Jacoba Garcia. Nagtapos siya ng abogasya sa U.P. noong 1915. Pagkatapos ay, Hinirang na Kalihim Panloob ni Gob. Hen. Wood noong 1923 at naging Associate Justice noong 1935. Nanungkulan siya bilang Pangulo ng Kataas-taasang Hukuman nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at itinalaga siyang Kalihim ng Katarungan ni Quezon bago lumisan. Pinili si Laurel ng mga Hapon upang magsilbing pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas. Pinangalagaan niya ang kapakanan ng bansa sa gitna ng mga kalupitan ng mga Hapon. Ibinilanggo siya bilang "collaborator" pagkaraan ng digmaan ngunit pinalaya ni Pangulong Roxas noong 1948. Noong Nobyembre 6, 1959, namatay si Laurel sa grabeng atake sa puso at istrok.
Sergio Osmea i Sergio Osmea y Suico (Setyembre 9, 1878 Oktubre 19, 1961), higit na kilala ngayon bilang Sergio Osmea, Sr. ay ang ikaapat na Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Agosto 1, 1944 Mayo 28, 1946). Siya ang ama ni dating Senador Sergio Osmea Jr. at lolo nina Senador Sergio Osmea III, John Osmena, dating GobernadorLito Osmena ng Cebu at Mayor Tomas Osmena. Isinilang siya noong Setyembre 9, 1878 sa Lungsod ng Cebu. Si Osmea ay nanguna sa mga nagtapos ng primarya sa kanyang paaralan. Nag-aral ng sekundarya sa Seminario ng San Carlos sa Cebu. Nagtungo siya sa Maynila at nag-aral sa San Juan de Letran, kung saan nakilala niya si Manuel L. Quezon. Nang sumiklab ang rebolusyong Pilipino noong 1896, bumalik sa Cebu si Osmea. Ipinadala siya ng lokal na liderato ng Cebu para ibalita kay Emilio Aguinaldo ang sitwasyon sa Cebu. Noong 1900, naging tagapag-lathala at patnugot siya ng pahayagang El Nuevo Dia. Nagbalik siya sa Maynila para mag-aral ng abogasya sa Unibersidad ng Sto. Tomas, kung saan ay muli silang nagkita ni Quezon. Noong 1903, siya at ang kanyang mga kamag-aral ay pinahintulutan ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas na kumuha ng eksamen sa bar kahit tatlong taon pa lamang ang kanilang natapos. Si Osmea ay pumangalawa sa naturang eksamen sa bar. Dalawamput limang taong gulang siya nang maatasang pansamantalang gobernador at pagkapiskal ng lalawigan ng Cebu. Pagkaraan ng dalawang taon, naging gobernador siya ng lalawigan. Nagbitiw siya sa kanyang katungkulan bilang gobernador nang maitatag ang Asemblea Filipina noong 1907. Tumakbo siya at nanalong kinatawan ng ikalawang distrito ng Cebu. Nahalal siyang ispiker ng asembleya, isang posisyong hinawakan niya ng sumunod na 15 taon. Naging senador siya mula 1923 hanggang 1935. Tinanghal siyang "Senate President Protempore" noong 1923-1933. Naging kasapi rin siya ng Misyong OsRox (Osmea-Roxas), isa sa mga misyong ipinadala sa Estados Unidos para ikampanya ang kasarinlan ng Pilipinas. Nahalal siyang pangalawang pangulo ngKomonwelt ng Pilipinas noong 1935. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kasama niya si Pangulong Manuel L. Quezonsa Estados Unidos. Nang namatay si Quezon,si Osmea ang humalili sa kanya. Sina dating pangulong Osmena at ang kasama ng mga pandigmang kabinete na huling ipagpatuloy ng ating pagapapalaya ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas,Estados Unidos at ang puwersang Kakampi kasabay ng mga gerilyang Pilipino atHukbalahap na mula sa Kampanya ng Pagpapalaya sa Pilipinas na ituloy ng pakikipaglaban sa Hapon, Kasama siya ng mga Pilipinong Heneral ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na si Basilio J. Valdes at si heneral Carlos P. Romulo pati ang mga puwersang Amerikanong lumunsad sa Leyte noong Oktubre 20, 1944. Sinabi ni pangulong Osmena at ang iba pang opisyal at mga kabinete nagsimula ng Kampanya ng Pagpapalaya sa Pilipinas noong 1944 hanggang 1945 sa pagitan ng mga sundalong Pilipino, Amerikano at ang mga pwersang gerilya na silang kalabanin ng mga Hapones. [kailangan ng sanggunian] Nagsilbi siya bilang pangulo ng bansa hanggang sa magkaroon ng halalan noong Abril 23, 1946. Paghahanda ito sa pagbibigay ng kalayaan ng Estados Unidos. Kumandidato siya bilang pangulo, ngunit natalo kay Manuel Roxas. Nang matalo kay Roxas, namahinga si Osmena sa kanyang tahanan sa Cebu. Si Sergio Osmena ay namatay noong Oktubre 19, 1961. Sergio Osmea
Ika-4 na Pangulo ng Pilipinas Ikalawang Pangulo ng Komonwelt Panunungkulan Agosto 1, 1944 Mayo 28, 1946 Sinundan si Jose P. Laurel Sinundan ni Manuel Roxas
Ika-2 Pangalawang Pangulo ng Pilipinas Unang Pangalawang Pangulo ng Komonwelt Panunungkulan Nobyembre 15, 1935 Agosto 1, 1944 Pangulo Manuel L. Quezon Sinundan si Wala [1]
Sinundan ni Wala [2]
Kapanganakan Setyembre 9, 1878 Lungsod ng Cebu, Cebu Kamatayan Oktubre 19, 1961 (edad 83) Lungsod Quezon Partidong politikal Nacionalista Party Asawa Esperanza Limjap Hanapbuhay Manananggol Relihiyon Romano Katoliko Lagda
Manuel Roxas Si Manuel Acua Roxas (Enero 1, 1892 - Abril 15, 1948) ay isang pulitiko sa Pilipinas. Siya ay ang unang Pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas (Mayo 28, 1946Abril 15,1948). [baguhin]Talambuhay Isinilang si Manuel Roxas noong Enero 1, 1892 Lungsod ng Roxas, (lungsod na ipinangalan sa kanya nang siya ay mamatay) sa lalawigan ng Capiz. Sina Gerardo Roxas at Rosario Acuna ang kanyang mga magulang. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines) noong 1912 at naging topnatcher sa Bar Exams. Nag-umpisa siya sa pulitika bilang piskal panlalawigan. Nagsilbi sa iba-ibang kapasidad sa ilalim ng Pamahalaang Komonwelt ni Manuel L. Quezon. Noong1951, naihalal siya sa House of Representatives at sa sumunod na taon ay naging speaker h. Pagkatapos maitatag ang Komonwelt ng Pilipinas (1965), naging kasapi si Roxas sa National Assembly, nagsilbi (1938-1941) bilang Kalihim ng Pananalapi sa gabinete ni Pangulong Manuel Quezon, at naihalal (1971) sa Senado ng Pilipinas. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, binihag siya (1942) ng pwersa ng mananakop na Hapon. Ngunit sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nanilbihan siya sa ilalim ng Republika ng Pilipinas na itinaguyod ng mga Hapon. Sa panahon din ito, siya ang nagsilbing intelligence agent para sa mga gerilya. Hinuli ng mga bumalik na pwersang Amerikano si Roxas sa paghihinalang pakikipagtulungan sa mga Hapon. Pagkatapos ng digmaan, pinawalang-sala siya ni Heneral Douglas MacArthur kasama kay pangulong Sergio Osmena kasama ng mga Pilipinong heneral na galing saSandatahang Lakas ng Pilipinas na sina heneral Basilio J. Valdes at si heneral Carlos P. Romulo at ibinalik ang kanyang nombramyento bilang opisyal ng Hukbong Sandatahan ng Estados Unidos. Ito ang nagbigay-buhay sa kanyang buhay politika, at sa suporta ni MacArthur, nanalo siya sa halalan sa pagkapangulo noong Abril 23, 1946laban kay Sergio Osmea dahil sa kanyang katalinuhan at kabaitan. Bilang pangulo, ang ginawa niya ay ang bell trade relations act o ang nagtakda ng 28 taon na kalakalan ng estados unidos at Pilipinas, Batas rehabilitasyon Parity Rights na pantay na paggamit ng mga amerikano at ng mga pilipino ng ating mga likas-yaman at ang pacsa o ang presidential action committee on social amelioration. Pati rin ang pagpapasulong ng industriya, pagpapaunlad ng pagsasaka, at pangangalakal sa Pilipinas. Noong Abril 15, 1948, inatake bigla si Roxas sa puso at siya ay namatay, habang nagbibigay ng kanyang talumpati sa dating base militar ng Estados Unidos saClark Air Base wala na ito sa kasalukuyan. Siya ay sinundan ni Pangulong Elpidio Quirino. Manuel Roxas
Ika-5 Pangulo ng Pilipinas Ikatlong Pangulo ng Komonwelt Unang Pangulo ng Ikatlong Republika Panunungkulan Mayo 28, 1946 (bilang Pangulo ng Komonwelt); Hulyo 4, 1946, (bilang Pangulo ng Ikatlong Republika) Abril 15, 1948 Pangalawang Pangulo Elpidio Quirino Sinundan si Sergio Osmena Sinundan ni Elpidio Quirino
Kapanganakan Enero 1, 1892 Capiz (ngayon ay Lungsod Roxas), Capiz Kamatayan Abril 15, 1948 Clark Air Base, Angeles,Pampanga Partidong politikal Nacionalista (19191945) Liberal Party (19451948) Asawa Trinidad de Leon Hanapbuhay Abogado Relihiyon Katoliko
Elpidio Quirino Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya Elpidio Quirino
Ika-6 na Pangulo ng Pilipinas Ikalawang Pangulo ng ikatlong Republika Panunungkulan Abril 18, 1948 (halal Disyembre 30, 1949) Disyembre 30, 1953 Pangulo Manuel Roxas Pangalawang Pangulo Fernando Lopez (1949-1953) Sinundan si Manuel Roxas Sinundan ni Ramon Magsaysay
Ika-3 Pangalawang Pangulo ng Pilipinas Ikalawang Pangalawang Pangulo ng Komenwelt Unang Pangalawang Pangulo ng Ikatlong Republika Panunungkulan Mayo 28, 1946 Abril 17, 1948 Sinundan si Sergio Osmea [1]
Sinundan ni Fernando Lopez [2]
Kalihim ng Ugnayang Labas Panunungkulan Setyembre 16, 1946 Abril 17, 1948 Sinundan si Naibalik [3]
Sinundan ni Joaquin Miguel Elizalde
Kapanganakan Nobyembre 16, 1890 Vigan, Ilocos Sur Kamatayan Pebrero 29, 1956 Lungsod ng Quezon Partidong politikal Liberal Hanapbuhay Abogado Relihiyon Katoliko
Si Elpidio Rivera Quirino (Nobyembre 16, 1890Pebrero 29, 1956) ay isang pulitiko at ang ikaanim na Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Abril 17, 1948-Disyembre 30,1953). Isinilang si Quirino sa Vigan, Ilocos Sur Noong Nobyembre 16, 1890 kina Mariano Quirino at Gregoria Rivera. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines) noong 1915. Nahalal sa Kongreso noong 1919. Hiniram na Kalihim ng Pananalapi ni Gob. Hen. Murphy noong 1934 at naging kasapi ng "Constitutional Convention". Naging pangalawang pangulo siya ni Manuel Roxas noong 1946. At nanumpa bilang Pangulo pagkaraang mamatay si Roxas noong Abril 17, 1948. Kinaharap ng administrasyong Quirino ang isang malubhang banta ng kilusang komunistang Hukbalahap. Pinasimulan niya ang kampanya laban sa mga Huk. Bilang Pangulo, muli niyang itinayo ang ekonomiya ng bansa, pinaunlad niya ang pagsasaka, at mga industriya. Tinalo ni Ramon Magsaysay sa kanyang ikawalang pagtakbo bilang pangulo. Namatay siya sa atake sa puso noong Pebrero 29, 1956 sa gulang na 66. Siya ang unang Ilokanong pangulo.
Ramon Magsaysay Si Ramon del Fierro Magsaysay o Ramn "Monching" Magsaysay [1] (Agosto 31,1907 Marso 17, 1957) ay ang ikapitong Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Disyembre 30, 1953-Marso 17, 1957). Si Magsaysay ay isinilang sa Castillejos, Zambales noong Agosto 31, 1907 kina Exequiel Magsaysay at Perfecta del Fierro. Nag-aral sa Pamantasan ng Pilipinas at Jose Rizal College. Naglingkod siya bilang tagapamahala ng Try-Tran Motors bago magkadigma. Nang bumagsak ang Bataan inorganisa niya ang "Pwersang Gerilya sa Kanlurang Luzon" at Pinalaya ng pwersang Amerikano at Pilipino ang Zambales noong Enero 26, 1945. Noong 1950, bilang kalihim ng Pagtatanggol kaniyang binuwag ang pamunuan ng mga Hukbalahap. Pinigil niya ang panganib na lilikhain ng pulahang Komunista at naging napakatanyag sa mamamayan. Noong eleksyon ng 1953, tinalo niya si Quirino at naging ikatlong pangulo ng republika. [kailangan ng sanggunian] Ang kanyang pangalawang pangulo ay si Carlos P. Garcia. Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang pinakamahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. SiLuis Taruc, Supremo ng Huk o ang pinakamataas na lider ng komunista, ay sumuko sa kanya. Kaya si Magsaysay ay tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya". Siya ang pinakamamahal na Pangulo ng Pilipinas dahil ibinalik niya ang tiwala ng pamahalaan. Subalit nagwakas ang kanyang pamamahala nang mamatay siya dahil sa pagbagsak ng eroplanong kanyang sinasakyan sa isang bundok sa Manunggal, Cebu noong Marso 17, 1957. Ramon Magsaysay
Ika-7 Pangulo ng Pilipinas Ikatlong Pangulo ng Ikatlong Republika Panunungkulan Disyembre 30, 1953 Marso 17, 1957 Pangalawang Pangulo Carlos P. Garca Sinundan si Elpidio Quirino Sinundan ni Carlos P. Garca
Carlos P. Garcia Si Carlos Polistico Garcia (Nobyembre 4, 1896 - Hunyo 14, 1971) ay isang Pilipinongmakata at pulitiko at ang ikawalong Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Marso 23,1957Disyembre 30, 1961). Naging pangalawang pangulo at miyembro ng gabinete niRamon Magsaysay si Garcia. Nanumpa siya bilang pangulo nang mamatay si Magsaysay. Kilala si Garcia kanyang pagpapatupad ng patakarang "Pilipino Muna" ("Filipino First"). [baguhin]Talambuhay Isinilang si Garcia noong Nobyembre 4, 1896 sa bayan ng Talibon, Bohol. Ang kaniyang mga magulang ay sina Policronio Garcia at Ambrosia Polistico. Nag-aral siya saPamantasang Silliman sa Lungsod ng Dumaguete, at kinalaunan nagtapos din siya ng abogasya sa Philippine Law School noong 1922 sa Maynila. Naging abogado at guro, pinasok niya ang politika noong 1926 bilang mambabatas na kaanib sa Kapulungan ng mga Kinatawan at naglingkod hanggang 1932. Nagsilbi si Garcia bilang gobernador ng Bohol mula 1932 hanggang 1942, at naging miyembro siya ng Senado mula 1942 hanggang 1953. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, lumaban siya sa pananakop ng mga Hapon bilang miyembro ng mga gerilya na nakabase sa Bohol, at ang tinulungan ng mga tropang Pilipino at Amerikano sa Bohol. Noong 1946 ay naging puno siya ng minoriya sa Senado. Noong 1953 si Garcia ay nanombrahan bilang Pangalawang Pangulo na kabilang sa Tiket Nasyonalista na pinangunguluhan ni Ramon Magsaysay, na dating bumuo at namuno sa isang pwersang gerilyang lumaban sa pananakop ng mga Hapones. Nakamit nila ang mapagpasyang tagumpay, at noong 1954, si Garcia ay naging bise presidente at Kalihim ng Ugnayang Panlabas. Noong Marso 1957 si Garcia ay naging presidente matapos pumanaw si Magsaysay sa isang aksidente sa eroplano, at nagwagi rin siya sa halalang pampanguluhan noong Nobyembre 1957. Habang nasa kapangyarihan, ang Pamahalaan ni Garcia ay nakipag-usap sa mga pinuno ng Estados Unidos upang mailipat sa kontrol ng Pilipinas ang mga hindi na ginagamit na base militar ng Amerika. Sa kalaunan ay naging labis ang pagiging maka-Pilipino ni Garcia at ang pagsira sa kanya ay pinasimulan sa mga pahayagan, sa himpapawid sa tulong ng CIA samantalang pinaboran naman ng mga Amerikano siDiosdado Macapagal upang manalo sa halalan noong 1961. Bukod sa kanyang mga nagawa bilang makabansang pulitiko, si Garcia ay kilala rin na makata sa kanyang diyalektong Boholano. Namatay siya sa atake sa puso noong 14 Hulyo 1971 sa edad na 75. Carlos P. Garcia
Ika-8 Pangulo ng Pilipinas Ika-apat na Pangulo ng Ikatlong Republika Panunungkulan Marso 23, 1957 (halal Disyembre 30,1957) Disyembre 30, 1961 Pangulo Ramon Magsaysay Pangalawang Pangulo Diosdado Macapagal Sinundan si Ramon Magsaysay Sinundan ni Diosdado Macapagal
Ika-5 Pangalawang Pangulo ng Pilipinas Ikatlong Pangalawang Pangulo ng Ikatlong Republika Panunungkulan Disyembre 30, 1953 Marso 18, 1957 Sinundan si Fernando Lopez Sinundan ni Wala [1]
Diosdado Macapagal Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya Diosdado Macapagal
Ika-9 na Pangulo ng Pilipinas Ikalimang Pangulo ng Ikatlong Republika Panunungkulan Disyembre 30, 1961 Disymbre 30, 1965 Pangulo Carlos P. Garcia Pangalawang Pangulo Emmanuel Pelaez Sinundan si Carlos P. Garcia Sinundan ni Ferdinand Marcos
Ika-6 na Pangalawang Pangulo ng Pilipinas Ika-apat na Pangalawang Pangulo ng Ikatlong Republika Panunungkulan Disyembre 30, 1957 Disyembre 30, 1961 Sinundan si Wala [1]
Sinundan ni Emmanuel Pelaez
Kapanganakan Setyembre 28, 1910 Lubao, Pampanga Kamatayan Abril 21, 1997 Lungsod ng Makati Partidong politikal Partidong Liberal Asawa (1) Purita dela Rosa (2) Evangelina Macaraeg Hanapbuhay Manananggol Relihiyon Katoliko Si Diosdado Pangan Macapagal (Setyembre 28, 1910 - Abril 21, 1997) ang ikasiyam na pangulo ng Pilipinas (Disyembre 30, 1961 - Disyembre 30, 1965) at ay ang ikasiyam na Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Disyembre 30, 1961-Disyembre 30, 1965).Ama siya ni Gloria Macapagal-Arroyo na naging pangulo rin. [baguhin]Talambuhay Tinagurian si Diosdado Macapagal bilang "Batang Mahirap mula sa Lubao" dahil anak siya ng isang mahirap na magsasaka. Isinilang siya sa San Nicolas, Lubao, Pampanga noong Setyembre 28, 1910 kina Urbano Macapagal at Romana Pangan. Tumira siya sa isang tahanan at pumailalim sa pangangalaga ni Don Honorio Ventura hanggang magtapos ng pagka-Doktor sa mga Batas mula sa Pamantasan ng Santo Tomas noong 1936 at pumasok sa pulitika. Bayaw siya ni Rogelio de la Rosa, embahador ng Pilipinas sa Cambo at siya ay presidente. P
[baguhin]Sariling buhay Naging unang asawa niya si Purita de la Rosa. Nang sumakabilang buhay ito, naging pangalawang asawa niya si Evangeline Macaraeg. Anak niya si Gloria Macapagal-Arroyo, ang dating Pangulo ng Pilipinas, at sina Maria Cielo Macapagal Salgado, Arturo Macapagal , at Diosdado Macapagal Jr.. [baguhin]Edukasyon Nagtapos siya ng elementarya mula sa Mababang Paaralan ng Lubao at ng sekondarya mula sa Mataas na Paaralan ng Pampanga. Nagtapos siya ng kolehiyo mula sama University of Sto.Tomas. Nagkamit siya ng degri sa larangan ng Abogasya. Nagkamit din siya ng pagka-Doktor ng Batas na Sibil at Doktor ng Ekonomiya.
Una siyang nagtrabaho bilang abogado para sa isang tanggapang Amerikano. Nahalal siya sa Kongreso noong 1949 at sa muli noong 1953. Siya ang may-akda ng Batas ng Kalusugang Rural (Rural Health Law) at ng Batas hinggil sa Naangkop na Mababang Sahod (Minimum Wage Law). Nanguna rin siya sa delegasyong para sa Tratado ng Mutwal na Depensa ng Estados Unidos at Republika ng Pilipinas (US-RP Mutual Defense Treaty). Nahalal siya bilang Pangalawang Pangulo noong 1957 at naging Pangulo noong 1961. Inilunsad niya ang Kodigong Pangrepormang Panlupang Pansakahan (Agricultural Land Reform Code) at nilinis ang katiwalian sa pamahalaan. Limang taon siyang nagkaroon ng kaugnayan sa Programang Sosyo-Ekonomiko para sa pagkontrol ng pangangalakal sa ibang bansa. Kilala rin siya sa pagkakaroon ng nasyonalisasyon ng pagtitingi (retail) at dahil sa Panukalang Batas na Pangrepormang Panglupa. Bilang dagdag, kabilang din sa kaniyang mga nagawa ang pagpapakalat ng Pambansang Wika, ang pagbabago ng petsa ng Araw ng Kalayaan mula Hulyo 4 na naging Hunyo 12, ang pag-aangkin sa Sabah (opisyal na iniharap noong Hunyo 22, 1962), at sa pagbubuo ng Maphilindo sa Kasunduang Maynila. Sa eleksiyon ng 1963, maraming nanalong kandidato mula sa Partidong Liberal at naging pangulo ng Senado si Ferdinand E. Marcos, isa ring Liberal katulad ni Macapagal. Subalit nagkaroon ng hidwaan sina Marcos at Macapagal. Humiwalay sa Partido Liberal si Marcos at ginawa siyang kandidato ng Partido Nasyonalista sa pagkapangulo sa halalan ng 1965. Tinalo ni Marcos si Macapagal sa halalang iyon. Humalili siya bilang pangulo ng Kumbensyong Konstitusyonal noong 1971.
[baguhin]Kamatayan Namatay siya dahil sa atake sa puso, pneumonia, at sakit sa bato, sa Sentrong Pangkalusugan ng Makati (Makati Medical Center) saLungsod ng Makati, noong Abril 21, 1997, sa edad na 86. Inilibing siya sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig, Maynila.
Ferdinand Marcos Si Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos (Setyembre 11, 1917 - Setyembre 28,1989) ay ang ikasampung Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Disyembre 30,1965-Pebrero 25, 1986). Siya ay isang abugado, kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan mula 1949 hanggang 1959 at kasapi ng Senado ng Pilipinas mula 1959hanggang 1965. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, siya ay naging lider-gerilya sa hilagang Luzon. Noong 1963, siya ay naging Pangulo ng Senado kapalit ni SenadorEulogio Rodriguez, Sr.. Bilang Pangulo ng Pilipinas, kahanga-hanga ang kanyang mga nagawa sa larangan ng diplomasya at pagpapagawa ng mga mahahalagang imprastraktura sa bansa. Ngunit, ang tagumpay ng kanyang pangasiwaan ay nabahiran ng talamak na katiwalian, paniniil sa karapatang pantao, at panunupil sa oposisyon. Bumagsak ang kanyang pamunuan sa Rebolusyon sa EDSA na naganap noong 1986. Ferdinand Marcos
Ika-10 Pangulo ng Pilipinas Ika-anim na Pangulo ng Ikatlong Republika Unang Pangulo ng Ika-apat na Republika Panunungkulan Disyembre 30, 1965 Pebrero 25, 1986 Punong Ministro Cesar Virata (1981-1986) Pangalawang Pangulo Fernando Lopez (1965-1973) Arturo Tolentino (1986) Sinundan si Diosdado Macapagal Sinundan ni Corazon C. Aquino
Punong Ministro ng Pilipinas Panunungkulan Hunyo 12, 1978 Hunyo 30, 1981 Sinundan ni Cesar Virata
Kapanganakan Setyembre 11, 1917 Sarrat, Ilocos Norte,Pilipinas Kamatayan Setyembre 28, 1989 (edad 72) Honolulu, Hawaii, Estados Unidos Partidong politikal Partido Liberal (1946-1965) Partido Nacionalista(1965-1978) Kilusang Bagong Lipunan (1978- 1986) Asawa Imelda Romualdez Mga anak Imee Marcos Ferdinand Marcos, Jr. Irene Marcos Hanapbuhay Tagapagtanggol Relihiyon [Philippine Independent Church Si Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos (Setyembre 11, 1917 - Setyembre 28,1989) ay ang ikasampung Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Disyembre 30,1965-Pebrero 25, 1986). Siya ay isang abugado, kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan mula 1949 hanggang 1959 at kasapi ng Senado ng Pilipinas mula 1959hanggang 1965. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, siya ay naging lider-gerilya sa hilagang Luzon. Noong 1963, siya ay naging Pangulo ng Senado kapalit ni SenadorEulogio Rodriguez, Sr.. Bilang Pangulo ng Pilipinas, kahanga-hanga ang kanyang mga nagawa sa larangan ng diplomasya at pagpapagawa ng mga mahahalagang imprastraktura sa bansa. Ngunit, ang tagumpay ng kanyang pangasiwaan ay nabahiran ng talamak na katiwalian, paniniil sa karapatang pantao, at panunupil sa oposisyon. Bumagsak ang kanyang pamunuan sa Rebolusyon sa EDSA na naganap noong 1986. Mga nilalaman [itago] 1 Talambuhay 2 Bilang isang sundalo 3 Bilang isang pulitiko 4 Unang termino (1965-1969) o 4.1 Mga suliranin o 4.2 Digmaan ng Biyetnam o 4.3 Demonstrasyon ng mga estudyante o 4.4 Mga nagawa sa loob ng unang termino 5 Ikalawang termino o 5.1 Halalan ng 1969 o 5.2 Radikalisasyon ng mga estudyante o 5.3 Sigaw ng unang sikapat o 5.4 Pag-aaklas ng mga tsuper ng jeep o 5.5 Ang pagbomba sa Liwasang Miranda o 5.6 Ang pagsususpindi ng pribelehiyo ng "Writ of Habeas Corpus" o 5.7 Ang malaking baha ng 1972 6 Batas militar o 6.1 Patuloy na panliligalig o 6.2 Ang pagpapahayag ng batas militar o 6.3 Madaliang pagkabisa ng batas militar o 6.4 Pagbabago sa pamahalaan 7 Ang Saligang Batas ng 1973 o 7.1 Halalan ng mga delegado sa kombensyong konstitusyonal o 7.2 Pagkakabuo o 7.3 Mga tadhana 8 Ang Bagong Lipunan o 8.1 Ang Lumang Lipunan o 8.2 Pagtatatag ng Bagong Lipunan o 8.3 Ang reporma sa lupa o 8.4 Mga pagbabagong Pangkabuhayan 8.4.1 Pagbabago sa agrikultura 8.4.1.1 Masagana 99 8.4.1.2 Masaganang maisan 8.4.1.3 Biyayang-dagat 8.4.1.4 Iba pang mga palatuntunan sa agrikultura 8.4.2 Industriya ng pagmimina 8.4.3 Ang industriya sa elektroniks 8.4.4 Ang cottage industry 9 Kamatayan 10 Mga Talaan 11 Mga panlabas na kawing [baguhin]Talambuhay Si Ferdinand E. Marcos ang Ikaanim na Pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas. Si Marcos ay isinilang noong Setyembre 11, 1917 sa Sarrat, Ilocos Norte. Ang kanyang magulang ay sina Don Mariano R. Marcos at Donya Josefa Edralin. Apat silang magkakapatid, sila, si Dr. Pacifico, Elizabeth at Fortuna. Ang kanyang ama ay naging kongresista ng Ilocos at gobernador ng Davao. Si Donya Josefa naman ay isang dating guro sa kanilang bayan. Sa kanyang kabataan pa lamang ay kinakitaan na siya ng katalinuhan. Palagi siyang mayroong karangalang nakukuha magmula sa elementarya hanggang sa magtapos siya ng mataas na paaralan. Limang taong gulang lamang siya nang pumasok sa elementarya sa Sarrat Central School. Sa pamantasan ng Pilipinas Siya nagtapos ng Mataas ng Paaralan noong 1933. Sa pamantasan ding iyon siya kumuha ng Abogasya at nagtapos bilang Cum Laude noong Marso, 1939. Nakamit niya ang President Manuel Quezon Medal Award dahil sa kanyang Graduation Thesis. Siya ay iskolar sa buong panahon ng kanyang pag- aaral sa Pamantasan ng Pilipinas at naging kilala siya sa campus dahil sa kanyang kahusayan sa debate at pagtatalumpati. Maging sa larangan ng palakasan tulad ng swimming, boxing, at wrestling ay kinilala siya. Isa rin siyang sharpshooter sa paghawak ng baril. Siya ang nakakuha ng pinakamataas na karangalan sa Military Science and Tactics sa buong Pamantasan. Nagsulat din siya sa Philippines Collegian, ang opisyal na pahayagan ng Pamantasan ng Pilipinas. Nagri- review noon si Ferdinand para sa bar exams nang matalo ang kanyang ama sa muli nitong pagtakbo bilang kongresista. Ang tumalo dito, si Julio Nalundasan ay nabaril at namatay pagkatapos ng halalan. Si Ferdinand ang napagbintangan, at kahit pa nga isang mahusay na abogado ang nagtanggol sa kanya, nahatulan pa rin siya ng labimpitong taong pagkabilanggo. Nasa loob siya ng kulungan ng maging topnotcher sa bar exams at nang maging ganap na abugado ay hiniling niya sa Kataas- taasang Hukuman na payagansiyang ipagtanggol ang sarili sa kasong ibinintang sa kanya. Dahil sa kanyang talino at kahusayan ay pinayagan siya ng Korte Suprema. Nanalo siya at napawalang- sala. Tinanghal siyang lawyer of the year at hinangaan ng mga kapwa abogado. Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay naglingkod siya sa hukbong sandatahan ng Pilipinas. Nakasama siya sa Martsa ng Kamatayan at nakaranas ng hirap at sakit bilang bilanggo ng digmaan sa Kuta Santiago at Capas, Tarlac. Naging meydor siya bago bumalik sa sibilyang buhay. Nagsimula ang kanyang pagpasok sa pulitika nang matapos ang digmaan. Kumandidato siya sa pagka- kongresista ng Ilocos Norte at siya ay nanalo. Ang unang pinagtuunan niya ng pansin ay ang kalagayan ng mga magsasaka sa kanilang lalawigan at sa buong bansa na rin. Nang sumunod na halalan, 1953, ay muli siyang nanalong kongresista at naging assistant minority floor leader sa kongreso. Dito niya nakalapit si Daniel Romualdez na pinsan ni Imelda. Sa pamamagitan ni Daniel ay nagkakilala sila ni Imelda na naging Miss Manila (Ginang Maynila). Sinasabi na naging makulay ang pag- iibigan nina Ferdinand at Imelda. Ikinasal sila sa Huwes noong Mayo 1, 1954. Sina dating pangulong Ramon Magsaysay ang nagging ninong nila sa kasal. Tatlo ang kanilang naging anak, sina Imee, Ferdinand Jr. at Irene. Hindi na napigil ang pag- imbulog ni Marcos sa larangan ng pulitika. Sa ikatlong pagkakataon ay nahalal siyang kongresista noong 1957 at senador naman noong 1959. Noong Nobyembre 9, 1965, nanalong pangulo si Marcos at pangalawang pangulo naman si Fernando Lopez. Natalo nila sina Diosdado Macapagal at Gerry Roxas. Umalingawngaw sa buong bansa ang kanyang slogan, Magiging Dakilang muli ang bansang ito! Totoo sa kanyang slogan, pinangatawanan ni Marcos ang pagbangon sa bansa mula sa mahirap na kalagayan nito. Nahaharap noon ang bansa sa malalaking suliranin tulad ng kakapusan ng salapi para sa edukasyon , tanggulang bansa, mga pagawain at para sa kalusugan. Gayunman, nakapagpagawa siya ng maraming patubig at naipalaganap sa buong bansa ang tinatawag na miracle rice. Ang mga magsasaka ay nabigyan ng mga kaalamang teknikal ukol sa modernong pagsasaka. Marami rin siyang naipagawang mga kalsada, tulay at School building. Nilabanan niya ang smuggling at sinimulan ang pakikipaglaban sa mga NPA. Nang sumapit ang sumunod na halalan noong 1969, muling nanalo si Marcos bilang pangulo at si Lopez bilang pangalawang pangulo. Ngunit sa pagkakataong ito ay unti- unti nang nawawala ang tiwala ng tao sa pamahalaan dala ng malalaking problemang kinakaharap ng bansa. Tumaas ang presyo ng langis at kasunod nito ang pagtaas ng mga bilihin. Marami ang naghirap at nagutom. Tumaas ang kriminalidad at nasangkot ang pamahalaan sa malalaking anomalya at eskandalo. Nagkaroon ng madadalas at malakihang demonstrasyon na nilahukan pati ng mga estudyante at taong simbahan. Ang pinakamadugong demonstrasyon ay naganap noong Enero 30, 1970 sa Tulay ng Mendiola. Noong Agosto 21, 1971 ay sinuspinde ni Marcos ang Writ of Habeas Corpus upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan. Binomba kasi ang rallyista ang Partidong Liberal o Liberal Party sa Plaza Miranda noong Agosto 21, 1971 upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa bansa. Noong Setyembre 21, 1972 ay ibinaba ang Batas Militar (Martial Law). Marami na raw krisis ang nararanasan ng bansa tulad ng pagbomba sa Plaza Miranda, pagsabotahe at pagwasak sa mga pribado at pambansang ari- arian. Walang puknat na rally ng mga manggagawa at mga estudyante at ang pinakahuli ay ang pagtambang sa Kalihim ng Tanggulang Pambansa na si Juan Ponce Enrile. Noong Nobyembre 19, 1972 ay natapos ang bagong Saligang Batas. Pinagtibay ito sa isang referendum noong Enero 19, 1973. Totoong nabawasan ang kriminalidad dahil sa takot ng mga mamamayan sa Batas Militar. Maraming ipinahuli at ipinabilanggo si Marcos, lalo na ang mga lumalaban sa gobyerno. Ngunit hindi napayapa ang damdamin ng bayan. Anuman ang ipalabas ng pamahalaan tungkol sa kalagayan ng mga mamamayan sa malalaking anomalya sa gobyerno. Hindi rin nakaligtas sa mata ng mga tao ang maluhong pamumuhay ni Ginang Imaelda Marcos at ng mga anak nito. Marami ang nagsasabi na sa nararamdamang kahirapan ng bayan ay hindi na dapat namumuhay ang Unang Ginang na tila ba ito ay nasa isang mayamang bansa. Sa panahong ito ng Batas Militar ay sumikat ang programang Bagong Lipunan.Ito ang sagot ni Marcos sa nagaganap na pagrirebelde ng mga tao. Maraming naisagawa nang mga panahong ito tulad ng pag- akit sa mga dayuhang mamumuhunan, pagsigla ng turismo sa bansa, pagtatayo ng mga impratruktura tulad ng Cultural Center of the Philippines, Folk Arts Theater, San Juanico Bridge, Philcite at iba pa. Nagkaroon na rin ng LRT na hanggang sa ngayon ay pinakikinabangan ng sambayanan at ipinagpatuloy pa ang pagpapagawa sa ibang lugar ng Kamaynilaan. Gayunman ay hindi nawala ang takot sa mga mamamayan. Maraming mga opisyal ng pamahalaan at mga military ang kinatakutan ng mga tao adahil umabuso sa kapangyarihan. Lalong nagging mahigpit ang militar sa karapatang pantao. Ipinasara ang mga palimbagan ng diyaryo at magasin pati na ang mga istasyon ng radio at telebisyon. Wala nang maririnig sa radyo at telebisyon ay pawing mga papuri sa gobyerno. Nagkaroon ng pakunwaring wakas ang Batas Militar noong Enero 17, 1981 sa pamamagitan ng Proklamasyon 2045 na nilagdaan ni Marcos. Sa kabila ng pagtatapos ng Martial Law ay hindi nahinto ang paglaganap ng kapangyarihan ng komunista sa bansa. Nabahala ang mga Amerikano kaya kinumbinse nila si Marcos na magdaos ng Presidential Snap Election upang Makita kung sinusuportahan pa rin ng tao ang kanyang pamahalaan. Idinaos ang halalan noong Pebrero 7, 1986 at nakalaban niya si Cory, ang asawa ng dating Senador Ninoy Aquino na Mahigpit niyang tagatuligsa. Ayon sa Comelec ay nanalo si Marcos ngunit sabilang ng Namfrel ay si Cory naman ang nanalo. Nagprotesta si Cory at tumawag ng civil disobedience. Nagsagawa naman ng kudeta sina Fidel Ramos at Juan Ponce Enrile. Nanawagan naman sa tao si Jaime Cardinal Sin kaya dumagsa ang mga tao sa EDSA na nagnanais na mapalayas si Marcos sa puwesto. At naganap ang makasaysayang Peoples Power na nagpatalsik kay Marcos. Si Marcos, ang kanyang pamilya at ilang miyembro ng gabinete ay dinala ng mga Amerikano sa Estados Unidos upang maiwasan ang madugong pangyayari na maaaring maganap sa pagitan ng mga tagasunod nito at ni Cory Aquino. Namatay si Marcos noong Setyembre 28,1989. [baguhin]Bilang isang sundalo Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sumapi si Marcos sa Dulong Silangan sa Puwersang Hukbong Katihan ng Estados Unidos (United States Army Forces in the Far East) bilang combat intelligence officer ng Ika-21 Dibisyon ng Hukbong Lakad. Siya ay lumaban sa pagtatanggol ng Bataan laban sa mga Hapones at naging isa sa mga biktima ng Martsa ng Kamatayan. Siya ay kinulong at pinalaya ng mga Hapones sa Capas ngunit siya ay muling dinakip, kinulong at pinahirapan sa Kuta Santiago sa Intramuros, Maynila. Nakatakas si Marcos at itinatag ang kilusang gerilya sa Hilagang Luzon, ang "Maharlika". Siya ay kinilala bilang isa sa mga magagaling na pinuno ng mga gerilya sa Luzon at ang kanyang diumanoy pinakahanga-hangang katapangawang-gawa ay sa Labanan ng Pasong Bessang at tumulong sa pagitan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano lumaban sa Hapon. [kailangan ng sanggunian]
[baguhin]Bilang isang pulitiko Pagkaraan ng digmaan at pagtatag ng Republika ng Pilipinas, hinirang ni Pangulong Manuel Roxas si Marcos bilang special technical assistant. Noong 1949, siya ay tumakbo at nagwagi bilang kinatawan ng Ilocos Norte sa Kongreso. Noong 1954 nakilala niya si Imelda Romualdez, ang "Rosas ng Leyte" at pamangkin ng Ispiker Daniel Romualdez, na naging kaisampalad niya pagkatapos ng isang madaliang panliligaw. Noong 1959 siya ay tumakbo at nanalo bilang Senador na may pinakamalaking boto. Noong 1961, naging Pangulo si Marcos ng Partido Liberal (Liberal Party) at makalipas ng isang taon, siya ang naging Pangulo ng Senado. Matagal na panahong naging kasapi si Marcos ng Partido Liberal . Hiningi niya ang nominasyon ng partido bilang kandidato sa pagka-pangulo noong 1964, ngunit ang kasalukuyang pangulo na si Diosdado Macapagal ang pinili ng partido. Tumiwalag si Marcos sa Partido Liberal at lumipat siya sa Partido Nacionalista, kung saan nakuha niya ang kanilang nominasyon. Nanalo siya at si Fernando Lopez, ang kandidato ng Partido Nacionalista sa pagka-pangalawang pangulo, laban kay Macapagal at Gerardo Roxas sa isang "landslide victory". [baguhin]Unang termino (1965-1969)
Disyembre 30, 1965- Panunumpa ni G. Ferdinand Edralin Marcos bilang ika-10 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas.
Ang Unang Pamilya Mula sa kaliwa:Imee, Irene, Pangulong Marcos,ang Unang Ginang, at si Bongbong. Noong Enero 30, 1965, nanumpa si Ferdinand Edralin Marcos bilang ika-6 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Sa kanyang talumpati sa kanyang unang pasinaya, ipinahayag ng Pangulo ang kasadlak-sadlak na kalagayan ng Pilipinas: The Filipino, it seems, has lost his soul, his dignity, and his courage. We have come upon a phase of our history when ideals are only a veneer for greed and power, (in public and private affairs) when devotion to duty and dedication to a public trust are to be weighted at all times against private advantages and personal gain, and when loyalties can be traded. Our government is in the iron grip of venality, its treasury is barren, its resources are wasted, its civil service is slothful and indifferent, its armed forces demoralized and its councils sterile., We are in crisis. You know that the government treasury is empty. Only by severe self-denial will there be hope for recovery within the next year. [1]
At kanyang ipinangako: This nation can be great again. This I have said over and over. It is my articles of faith, and Divine Providence has willed that you and I can now translate this faith into deeds. [2]
Noong Enero 24, 1966, sa kanyang kauna-unahang Talumpati sa Kalagayan ng Bansa sa Kongreso, tinanggap ng Pangulong Marcos na ang bansa'y nasa tuktok ng isang panlipunang bulkan na malapit ng pumutok, na ang mga guguling-gobyerno'y labis na nakahihigit sa kinikita nito, na ang Philippine National Bank ay malapit nang bumagsak at laganap ang krimen sa bansa. Binalangkas ni Marcos ang layunin ng kanyang pangasiwaan: 1. . Mabigyan ng pampasigla ang pagpapaunlad ng pamayanan at proyekto ng pagawaang-bayan tulad ng pagpapagawa ng mga kalsada at tulay. 2. . Isakatuparan ang palatuntunan ng reporma sa lupa.; 3. . Pagkakaroon ng kasapatan sa produksyon ng palay at magpasimula ng pag-iiba-iba ng pananim upang mapaunlad ang pag-aani.; [baguhin]Mga suliranin Tangi sa palaki na palaking paghihirap ng kalagayang-pangkabuhayan, ang pangasiwaang Marcos at nasusuong sa mga mabibigat na suliranin. Nangunguna sa mga ito'y ang paglubha ng kalagayang pangkatahimikan at kaayusan ng bansa na humantong sa mga sumusunod: 1. Paglaganap ng krimen bunga ng pagkalahatang paghihikahos at pangkabuhayang paghihirap at ang paggitaw ng naitatag na krimen; 2. Patuloy na katiwalian sa pamahalaan lalung-lalo na ang mga taong nagpapairal ng batas, na karamiha'y gumagamit ng kanilang kapangyarihan sa paggawa ng pagmamalabis o sa pagtangkilik ng krimen; at 3. Pagkakaroon ng mga pribadong hukbo ng mga mayamang tinatangkilik ng mga pulitiko. Ang mga kalagayang tulad nito'y nagdulot ng pagkaligalig at di-kasiyahan sa mga kabataan at mga mag- aaral sa mga institusyon ng karunungang may kaalaman at bihasa sa mga bagay na pampulitika. Nagtatag ang mga ito ng mga samahang demokratikong tagapamagitan sa mga publiko at pribadong paaralan; pati kolehiyong katoliko, upang mag-udyok ng pagkakaroon ng tiyak na reporma sa kabuuan ng tunay na kayariang demokratiko. Kasama rito ang kabataangdenteesi galamay ng lihim na Partido Komunista ng Pilipinas (Communist Party of the Philippines), na lalong kilala sa tawag na "Kabataang Makabayan" na gumagamit ng karahasan upang makapagtamo ng mga reporma. [baguhin]Digmaan ng Biyetnam Noong Oktubre, 1965 sinabi nila kay pangulong Marcos na mahigit sa 10,450 mga sundalong Pilipino na dinala sa Timog Biyetnam at lumaban agad sa mga Hilagang Biyetnames at mga Viet Cong sa panahon ng Digmaang Biyetnam. [baguhin]Demonstrasyon ng mga estudyante Ang unang demonstrasyon ng mga estudyante'y napukaw ng isang pangpurok na pagpupulong (summit conference) na idinaos saMaynila noong Oktubre, 1966, ng mga pinuno ng Estados Unidos, Australya, Thailand, Timog Vietnam,Timog Korea, Nueva Selanda, atPilipinas. Ang layunin ng pagpupulong na ito ay upang yumari ng isang nagkakaisang paninindigan sa digmaan sa Timog Silangang Asya at upang pagtibayin ang pakikipagtulungan ukol sa pangkabuhayan , panlipunan, at kultura sa pagitan ng mga bansa sa Asya-Pasipiko. Nang hapon ng Oktubre 24, 1966, ang Kabataang Makabayan na sinasamahan ng ibang pangkat estudyante ay nagtanghal ng isang pagtutol na demonstrasyon sa harapan ng pangulo ng Estados Unidos na si Lyndon B. Johnson. Nagkaroon ng sagupaan sa pagitan ng mga demonstrador at mga pulis malapit sa embahada ng Estados Unidos. Dinakip ang 41 demonstrador at pinaratangan ng panliligalig at pananalakay. [baguhin]Mga nagawa sa loob ng unang termino Kapaki-pakinabang ang mga nagawa ng Pangulong Marcos sa mga unang apat na taon ng kanyang panunungkulan. Ang mga ito'y ang sumusunod: 1. . Ang pagpapanibagong-ayos ng may 2,000 malalaki at malilit na industriya; 2. . Pagsugpo sa katiwalian at kasamaan sa pamahalaan; 3. . Pagpapaunlad ng mga baryo na sa unang pagkakataon sa kasaysayan nabigyan ng tiyak na kaparti sa kinikita ng pamahalaan; 4. . Pagpapatayo ng higit sa 80,000 silid-aralan at higit sa 6,000 kilometro ng mga lansangan (kabilang na ang unang phase ng North Diversion Road mula Balintawak hanggang Tabang sa Bulacan); 5. . Ang pagpapatayo o rehabilitasyon ng pamamaraan ng mga patubig, o irigasyon na ang ang kabuuang bilang nito'y nakakahigit sa lahat ng patubig na naitayo sapul sa panahon ng mga Kastila noong 1565 hanggang sa pangasiwaang kanyang sinundan; 6. . Ang pagsisimula ng Green revolution at pagkakaroon ng 'mapaghimalang palay' o "miracle rice'; 7. . Ang puspusang pagsasakatuparan ng reporma sa lupa; 8. . Ang pagpapalakas ng kilusang kooperatiba sa isang pambansang sukatan;at 9. . Ang muling pagpapasigla at pagtangkilik sa sining at kulturang sariling atin sa pamamagitan ng pamamahala ng Unang GinangImelda Marcos. [baguhin]Ikalawang termino
Disyembre 30, 1969 - Pasinaya sa Pangalawang termino ni Pangulong Ferdinand E. Marcos. [baguhin]Halalan ng 1969 Nanindigan ang reeleksyonistang Pangulong Ferdinand Marcos sa kanyang pagnanais na makapagtamo ng bagong kapasyahan ng mga botante sa halalan ng 1969. Sa pagtulong ng Unang Ginang, Imelda Marcos, na kanyang itinuturing na kanyang "lihim na sandata", si Marcos ay naging unang Pangulong reeleksyonista pagkatapos ng digmaan. Tinalo niya ang kandidato ng mga Liberal, si Sergio Osmea, Jr. sa napakalaking kalamangan. [baguhin]Radikalisasyon ng mga estudyante Sa mga unang buwan ng pangalawang panunungkulan ng Pangulong Marcos ay nagkaroon ng serye ng mga demonstrasyon ng mga estudyante at mga malalaking pagtitipon, na karamiha'y humahantong sa karahasan at panggugulo. Sa simula, ang mga demonstrasyo'y idinaraos bilang protesta laban sa pagtaas ng matrikula at ibang bayarin sa paaralan.Tinugon ito ng mga namamahala sa mga pamantasan sa pagtitiwalag sa mga namumunong estudyante at di-pagtanggap sa kanila sa alin mang pamantasan. Namagitan ang pamahalaan sa kanilang alitan sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga tuntunin at regulasyon tungkol sa pagtataas ng matrikuka na nangangailangan ng pagsang-ayon ng pamahalaan. Ang mga lider estudyante ay muling tinanggap sa mga paaralang kanilang pinili. Ngunit di naglaon, panibagong isyu ang lumitaw. Lumabas sa kalye ang mga mag-aaral at mga kapanalig. Sa gayo'y nagsimula ang "parliament of the streets." Sa pagbunsod sa mga kahilingan para sa mga reporma sa pamahalaan at mga protesta laban sa pagkakaloob ng kapangyarihan sa namumuhunan at mga oligarkiya, ang mga demonstrador ay madaling bumaling sa mga bagay na pangkaisipan (ideolohikal) tulad ng pasismo, piyudalismo, at imperyalismo. ito ang kanilang naging sigaw na panlaban. Noong Enero 26, 1970, ang araw ng pagbbukas ng regular na sesyon sa Kongreso, ang Pambansang Pagkakaisa ng mga Mag-aaral na pinamumunuan ni Edgar Jopson ay nagtipun-tipon at nagdaos ng malaking demonstrasyon sa labas ng Kongreso. Ang mga estudyante ng mga pribadong paaralan sa Maynila, kasama ang ilang sa kanilang mga gurong-tagapayo ay nangaroon upang ipahayag ang kanilang petisyon para sa pagdaraos ng isang Kumbensyong Konstitusyonal ng taong 1971. Tulad ng hinihingi ng tradisyon, dumalo ang Pangulong Marcos sa Kongreso upang magtalumpati tungkol sa kalagayan ng bansa. Kasama niya ang Unang Ginang. Pagkatapos ng mga seremonya at habang lumalabas sa gusali ng Kongreso ang Pangulo at ang Unang Ginang patungo sa kanilang sasakyan, nagsimula ang kaguluhan. Ang binabalak na mapayapang demonstrasyon ay naging isang panggulong walang taros. May 70 estudyante ang nasaktan at may ilang nangapinsala ring alagad ng batas Marcos. [baguhin]Sigaw ng unang sikapat Ang demonstrasyon ng mga estudyante noong Enero 30, 1971 ay lalong higit na madugo at marahas at ito'y tinaguriang "Labanan sa Mendiola" na mas higit na kilala sa tawag na "First Quarter Storm" o Sigaw ng Unang Sikapat. Marahil napag-alab sa kabangisan ng mga pulis sa naunang demonstrasyon sa harapan ng Kongreso, ibinaling ng lalong masugid na mga aktibistang estudyante ang kanilang pagkapoot sa Malakanyang. Pagkatapos ng maagang demonstrasyon sa may Kongreso , nagtungo ang mga estudyante sa Malakanyang at pagkaraan ng kanilang maaapoy na talumpati ay pinagpilitan nilang makapasok sa loob ng paligid ng Palasyo. Naghagis sila ng "pillboxes" at mga sariling-gawang bomba (Molotov) sa bakuran ng Palasyo. May ilang nakaagaw ng isang trak na pamatay-sunog at ito'y ibinangga sa isang trangkahan ng Malakanyang hanggang sa mabuksan ito. Nagpaputok ng mga teargas ang mga tanod Pampanguluhan ng Palasyo sa mga nanggugulo at ang mga ito'y gumanto ng mga bato at patpat at sariling-gawang bomba. Napilitang magsiurong ang mga estudyante hanggang sa daang Mendiola habang hinahabol ng mga pangkat ng mga sandatahan ng pamahalaan. Ang labanan ay tumagal hanggang makalipas ang hatinggabi nang ang mga estudyante'y naghiwa- hiwalay sa University Belt sa daang Claro M. Recto. Nang sumunod na araw, napalathala sa mga pahayagan na apat na demonstrador ang nakitlan ng buhay at marami pang nasugatan. Ipinahayag ng Panguilong Marcos sa pamamagitan ng radyo at telebisyon na ang mga pangayayari sa Mendiola ay isang binalak na pagsalakay sa pamahalaan, isang panghihimagsik na may layuning pabagsakin ang pamahalaan. Ngunit tiniyak niya sa mga tao na ang kaguluha'y nasugpo na. [baguhin]Pag-aaklas ng mga tsuper ng jeep Noong Marso 3, 1970 nagdaos ng isang pag-aaklas ang mga nagmamaneho ng pampublikong jeep ng Maynila at mga karatig-pook. Ang dahilan ay upang tuligsain ang panghuhuthot ng mga pulisya at upang hilingin na pagtibayin ng lupon ng Palingkurang-Bayan ang pagtataas ng 5 sentimo sa pamasahe ng jeep. Matagumpay ang kanilang pag-aaklas; nangako ang pamunuan ng pulisya na parurusahan ang mga tiwaling alagad ng batas; at sinang-ayunan ng Lupon ng Palingkurang-Bayan ang kanilang petisyon sa pagtataas ng pamasahe sa jeep. Noong Marso 23, at Marso 24, 1970, ang mga estudyante at mga pasahero ay nagdaos ng isang panlabang demonstrasyon na tumututol sa pagkataas ng bayad sa jeep at bus. Binato nila ang mga sasakyang pampubliko at lumikha ng malalaking siga sa daan.
Ang Pamilya Marcos at ang Kabanalan Papa Paulo VI sa pagdalaw ng huli sa Pilipinas noong 1970. [baguhin]Ang pagbomba sa Liwasang Miranda Ang Liwasang Miranda o Plaza Miranda sa Quiapo, Maynila ay siyang kinaugaliang pook ng malalaking pampulitikang pagtitipun-tipon at pagpupulong. Doon ipinakikilala at ipinapahayag ang mga kandidatong pambansa at ng Maynila. Doon idinaraos ang mga "miting de avance" o pangwakas na malaking pagpupulong, bilang pinakatampok sa mga kampanyang pampulitika. May malaking pagtatangi ang PangulongMagsaysay sa naturang pook kahit na kailanman at siya'y pinipilit na magpasiya ukol sa isang bagay na pampulitika, kanyang itinatanong "Maipagtatanggol na natin ito sa Plaza Miranda?" Sa pagsunod sa isang pampulitikang kaugalian, nagdaos ang oposisyongPartido Liberal ng kanilang pagpapahayag na pagtitipun-tipon sa Plaza Miranda noong ika-21 ng Agosto, 1971. Ito'y binalak upang ipakilala sa bansa ang mga kandidato ng Partido Liberal para Senador at mga kandidato para sa Maynila mula Punong-Lungsod hanggang sa mga konsehal. Nang mag-iika-9:00 ng gabi ng araw ding iyon, habang ang walong kandidato ng Partido Liberal sa pagkasenador, dalawampu't dalawang kandidato ng Maynila at gayon din ang iba pang mga kilalang lider ng partido ay magkakasamang nagkakatipon sa tanghalan, dalawang granada ang inihagis buhat sa karamihan ng tao at magkapanunod na sumabog. Ang isa'y bumagsak sa tanghalan kasabay ng pagsabog, at isa'y tumama sa gilid ng tanghalan at sumabog din pagkahulog sa lupa. Libu-libong tao sa pook na iyon at higit na marami pa na nanoood sa telebisyon ang nakasaksi sa pambobomba. Ang pambobomba at halos lumipol sa pamunuan at mga kandidato ng oposisyon. Nag-aagaw-buhay nang damputin sina Senador Jovito Salonga at Sergio Osmea, Jr. at Kinatawan John Henry Osmea. May malubhang tama sina Senador Gerardo Roxas at ang kanyang maybahay na si Judy, Kinatawan Ramon Mitra, at kandidato para punong-lungsod Ramon Bagatsing. Sina Senador Eva Estrada Kalaw, Kinatawan Eddie Ilarde at kandidato para sa pangalawang punong-lungsod Martin Isidro at ang kanyang maybahay ay pawang may malubhang tama rin. Ang ibang kandidato ng Partido Liberal sa pagkasenador ay di-gaanong nagtamo ng kapinsalaan Namatay noon din ang isang potograpo na nagtratrabaho sa isang pahayagan at maraming mga manonood ma sama-sama sa harapan ng entablado ang pawang nangasawi. Sa simula, ang Pangulong Marcos ang itinuturong siyang may pakana sa kalagim-lagim na pangyayari sa Plaza Miranda ngunit makalipas ang ilang taon lumitaw ang mga testigo na nagdidiin kay Jose Maria Sison at sa pinamumunuan niyang kilusan, ang Partido Komunista ng Pilipinas- Bagong Hukbong Bayan, bilang may utak sa pagpapasabog. [baguhin]Ang pagsususpindi ng pribelehiyo ng "Writ of Habeas Corpus" Ilang oras pagkaraan ng pagpapasabog ng bomba sa Plaza Miranda, ipinalabas ng Pangulong Marcos ang Proklamasyon Bilang 889 na sumususpindi sa pribelihiyo ng writ of habeas corpus (pangangalaga sa sinuman laban sa di-salig-batas at pagbibinbin sa bilangguan) upang mapanatili ang kapayapaan , mapangalagaan ang mga mamamayan at mapanatili ang kapangyarihan ng pamahalaan. Ginawa na minsan ng Pangulong Elpidio Quirino ang pagsususpindi ng pribelehiyo ng writ of habeas corpus noong dekada 50 upang sugpuin ang mga Huks. Ang pagpigil sa writ ay humantong sa pagtatamo ng mga sumusunod na layunin: 1. Pagsansala sa paglaganap ng terorismo mula sa mga lalawigan hanggang sa pook ng Maynila; 2. Pagtatamo ng impormasyon tungkol sa organisasyon ng mga komunista, misyon, pinagmumulan ng pantustos, kagamitan, lihim na tagakalap ng balita at mga bagong kasapi; 3. Pagdadakip sa ibang pinuno ng mga kilusang makakaliwa. Noong Enero 7, 1972 ganap na binawi ni Pangulong Marcos ang kautusang nagsususpindi sa pribelehiyo ng writ of habeas corpus. [3]
[baguhin]Ang malaking baha ng 1972 Noong kalagitnaan ng 1972, malalaking baha ang nagpalubog sa halos lahat ng Kalagtitnaang Luzon at lungsod ng Maynila. Ang pag-apaw ng tubig na umabot ng may isang buwa'y sumira ng mga pananim at humantong sa pagtaas ng bilihin mga panindang pagkain hindi lamang sa mga binahang pook kundi gayun din sa buong Luzon at sa karamihan pang mga pook sa bansa. Bigas, asukal at iba pang mga pangunahing pangangailanga'y nawala sa mga pamilihan. Pinangasiwaan ng pamahalaan ang halaga ng pagbibili ng bigas na nakatingal sa kanilang kamalig. Ipinag-utos ding ipagbili ang mga bigas at asukal na nakatago sa mga bodega ng mga mapagsamantalang negosyante sa isang nakatakdang halaga sa ilalim ng babalang ang mga ito'y kukumpiskahin ng pamahalaan. Bunga ng kautusan ng Pangulo'y muling lumabas ang mga bigas at asukal sa pamilihan at mga tindahan na nagpapatunay na ang kakapusan, lalo na sa Maynila ay gawa-gawa lamang.
Setyembre 21, 1972- Ipinahahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Batas Militar sa isang pagbabalita sa himpapawid. [baguhin]Batas militar [baguhin]Patuloy na panliligalig Hindi naglaon pagkaraan bawiin ang suspensyon ng karapatan sa writ ang paghupa ng tubig na likha ng baha noong taong 1972, ang kapayapaan at kaayusan ng bansa ay lumubha ng lumubha. Dumarami ang mga nagaganap na krimen. Isa lamang pangkaraniwang pangyayari ang mga mapangahas na panloloob sa mga bangko kung araw kahit na katanghaliang tapat. Lumitaw ang mga nagbibili ng proteksyon at ang pangangasiwa ng mga bisyo at halos lantaran na. Pinasasabugan ng mga maninindak ang mga pamilihan sa kabayanan (Greater Manila Terminal Food Market sa Taguig), mga gusali ng bayan (Manila City Hall at Court of Industrial Relations), ang embahada ng Estados Unidos, mga pribadong gusali (Philamlife Building sa Ermita, sangay ng Security Bank and Trust Company sa kalye Espaa sa Maynila, at ang Arca Building sa lungsod ng Pasay), ang tanggapan ng JUSMAG sa lungsod Quezon, mga gusaling naglilingkod sa pangangailangan ng madla (Meralco), ang kapaligiran ng Kombensyon Konstitusyonal at ang pangunahing tipunan ng tubig sa Kamaynilaan. Naghari ang isang nakasisindak na panahon sa lungsod ng Maynila. Nagsimula ang paghihimagsik sa maraming pook sa Kahilagaang Luzon, pook ng Bicol at sa ilang panig ng Mindanao. Karamihan dito'y ipinapalagay na likha ng impluwensya ng mga komunistang grupo at ng Moro National Liberation Front, isang pangkat ng mga Muslim, na pinamumunuan ni Nur Misuari, na naglalayong ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas at magtatag ng nagsasariling Republika ng Bansang Moro. [baguhin]Ang pagpapahayag ng batas militar Dahil sa lumalalang suliranin sa kapayapaan at kaayusan sa bansa, isinailim ni Pangulong Marcos ang buong bansa sa Batas Militar sa bisa ng Proklamasyon Bilang 1081 na kanyang nilagdaan noong Setyembre 21, 1972. Nagpalabas din ang Pangulo ng mga kautusan at atas upang maisakatuparan at magawa ang layunin ng Batas Militar, ang isalba ang Republika at ireporma ang mga institusyong panlipunan, pangkabuhayan at pampulitika ng bansa. [4]
Binigyang-diin ng Pangulo na ang proklamasyon ng Batas Militar ay hindi nangangahulugan ng pagkakaroon ng pamahalaang militar. [5] Magpapatuloy ang pamahalaang sibil. Ang mga opisyales at mga kawaning pambansa at pamahalaang lokal ay magsasagawa ng kanilang tungkulin tulad nang dati. Ayon sa Pangulo, walang dapat ipangamba ang mga taong walang kinalaman sa pagsasabwatan upang ibagsak ang pamahalaan sa pamamagitan ng marahas na pamamaraan. [6]
Sa isang pahayag sa radyo't telebisyon, winika ng Pangulo: Buhat nang ipahayag ng Kataas-taasang Hukuman ang kapasyahang ito (Lansang vs. Garcia, 42 SCRA 449) lalong lumala ang panganib at lalong lumubha o lumaki ang rebelyon. Napatigil ang gawaing pambansa. Ang mga pangunahing pook na pangkabuhayan ay hindi makakilos. Hindi makapaglapat ng katarungan ang mga hukuman... lumalaganap at palaki nang palaki ang mga paglabas sa batas at pag- iral ng krimen... na di-maabot ng kakayahan ng pulisyang pambayan at mga maykapangyarihang sibilyan Patuloy ang paghahamok ng mga pangkat ng hukbo at ng mga kumakalaban sa pamahalaan sa Isabela, Zambales, Tarlac, Camarines Sur, Quezon, at sa pulo ng Mindanao, ang Timog Lanao, Hilagang Lanao, Timog Zamboanga at Cotabato. [7]
Tinuligsa ng mga kritiko ang mga dahilang inilahad ni Marcos na nagbibigay-katwiran sa pagpapahayag ng batas militar. Sinabi ng mga ito na ang katotohanan ay nilikha ni Marcos ang mga kaguluhan at panliligalig upang magkaroon siya ng dahilang magpahayag ng batas militar at mapanatili ang sarili sa kapangyarihan. [baguhin]Madaliang pagkabisa ng batas militar Tinanggap, kung hindi man ay sinang-ayunan, ng taumbayan ang pagpapahayag ng Batas Militar dahil sa panunumbalik ng lubos na kapayapaan at kaayusan sa bansa lalung-lalo na sa Maynila. Ang panghaharang, pagnanakaw ng sasakyan, pagkidnap, pang-aabuso, pagpupuslit ng kalakal, mga ilegal na pasugalan at iba pang krimen laban sa tao at ari-arian ay nabawasan nang napakalaki. Sa bisa ng General Order No. 1, inutos ni Pangulong Marcos ang pagdakip sa mga sumusunod na lider- pulitiko at kasapi ng mga kilusang subersibo na nagsabwatan upang pabagsakin ang pamahalaan: ang mga Kinatawan na sina Roque Ablan, Jr.(Ilocos Norte)at Rafael Aquino (Sorsogon); mga Senador na sina Benigno Aquino, Jr., Jose W. Diokno at Ramon Mitra; mga Gobernador na sina Rolando Puzon (Kalinga-Apayao) at Lino Bocalan (Cavite); dating Senador Francisco Soc Rodrigo; Mga delagado sa Kombensyon Konstitusyonal na sina Napoleon Rama, Enrique Voltaire Garcia, II, Teofisto Guingona, Jr., Bren Guiao, Alejandro Lichauco, Jose Nolledo, Jose Concepcion, Jr., at Jose Mari Velez; mga mamamahayag na sina Joaquin Chino Roces, Maximo Soliven, Teodoro Locsin, Sr., Amando Doronilla, Renato Constantino, at Luis Mauricio. Ang iba pang dinakip ay sina: Hernando Abaya, Ang Nay Quang, Luis Beltaran, Jorge Bocobo, IV, Ramon Chramico, Cipriano cid, Chua Giok Su @ Bob Chua, Herminio Caloma, Romeo Dizon, Armando Eufemio, Rolando Fadul, Rolando Feleo, Jose Fuentes @ Joey, Rosalinda Galang @ Roz, Go Eng Guan, Flora Lansang, Teodosio Lansang, Guillermo Ponce de Leon, Joel Rocamora, at iba pa. Sa kabilang dako, ang pagtitiwalag o pagpapaalis sa mga di-karapat-dapat na kawani ng tanggapan ng pamahalaan (sa bisa ng Presidential Decree No. 1 o ang "Integrated Reorganization Plan") ay nakapanumbalik ng pagtitiwala ng tao sa kanilang pamahalaan. Nabawasan ng malaki ang katiwalian, kasamaan, at karaniwang kalakaran ng pamahalaan, na nagresulta sa di-kapani-paniwalang paglaki ng koleksyon ng Kawanihan ng Adwana at Kawanihan ng Rentas Internas. [8]
Napawi rin ang walang kapananagutang pag-uulat ng mga balita sa pahayagan, telebisyon, radyo at iba dahil sa pagpapasara ng Pangulo, sa bisa ng Letter of Instruction No.1, sa lahat ng istasyon ng telebisyon at radio at mga pahayagan. Tanging ang pahayagang Daily Express at mga istasyon ng pamahalaan ang pinahintulutang magpatuloy ng kanilang operasyon. Kalauna'y pinahintulutan ding magbukas ang pahaygang Manila Bulletin Today (na pag-aari ng Hans Menzi, isang malapit sa Pangulo); mga istasyon ng Radio Philippine Network at Intercontinental Broadcasting Corporation na pag-aari ng kroning si Roberto Benedicto, at ang istasyon ng Republic Broadcasting System na kilala sa tawag na GMA Networks, na ang isa sa mga nagmamay-ari ay si Gilberto Duavit na malapit sa Pangulong Marcos. Malaki ang ipinagbago ng kalagayang pangkalusugan at pangkalinisan - nawala ang mga basura sa daan at ang paligid ng mga tahanan ay naging malinis at napanatiling malinis ng mga tao na rin. Nabawasan ang mga pasugalang ipinagbabawal lalo na sa pangunahing lungsod ng Maynila. Nagkaroon ng kapayapaan at katahimikan sa mga pook ng paaralan na dati-rati'y may ligalig at karahasan. Napanatili ang halaga ng mga pagkain. Hindi nakahadlang sa pagtitinda ang pagtatakda ng halaga, di tulad nang pinangangambahan na mawawala ang mga pangunahing kagamitan at mahahalagang pangangailangan sa mga pamilihan at mga tindahan. Halaga ng Pangunahing Bilihin Bago at Makaraang Ihayag ang Batas Militar [9]
Produkto Yunit Halaga ng bilihin Setyembre 23, 1972 Halaga ng bilihin Agosto, 1972 Halaga ng bilihin Setyembre, 1971 Bigas Fancy (wagwag) Ganta 3.28 3.18 3.27
Special (BE-3) " 2.96 2.94 2.88
Ordinary(Tjeraemas) " 2.75 2.72 NA Mais White flint, milled " 2.00 2.10 1.96 Isda Bangus kilo 4.55 4.90 3.83
Lanzones Kilo (kg.) 3.56 4.83 2.43 1. ^ Ang isang ganta ay katumbas ng 8 gatang (chupa) o mahigit sa 2 kilo. [baguhin]Pagbabago sa pamahalaan Nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamahalaan mula ng ipahayag ang Batas Militar noong Setyembre 21, 1972. Ang Kongreso na siyang bumabalangkas at gumagawa ng mga batas ay binuwag. Naalisan ng tungkulin ang mga senador at kinatawan. Sa ilalim ng Batas Militar, nagkaroon ang Pangulo ng kapangyarihang lehislatibo. Gumawa siya ng mga Kautusang Pampanguluhan (presidential decree), Kautusang Pangkalahatan (General Order) at Liham Pagpapatupad (Letter of Instruction). Ang mga ito ang mangangasiwa sa Pamahalaan at lahat ng mga sibilyang kapangyarihan. Ang Kautusang Pampanguluhan ay may bisa at lakas tulad ng mga batas na ipinapalabas ng dating Kongreso. Bukod tangi ang pagpapairal ng Batas Militar sa Pilipinas. Hindi tulad ng ibang mga bansa na nagpapairal ng Batas Militar. Hindi ang hukbo ang nangangasiwa sa pamahalaan kundi ang mga pinunong sibilyan rin. [baguhin]Ang Saligang Batas ng 1973 Kabilang ang pagbabago ng Saligang Batas sa mga pagbabagong naganap sa panahon ng panunungkulan ng Pangulong Marcos. Iminungkahi ang pagpapalit ng Saligang Batas (ng 1935) sa dalawang kadahilahanan: 1. Nayari ang Saligang Batas ng Pilipinas ng taong 1935 habang ang bansa ay kolonya pa ng Estados Unidos at nangangailangan ng pagpapatibay ng Pangulo ng Estados Unidos. Sa gayon, ito'y yari ng impluwensyang Amerikano. 2. Hindi na napapanahon ang mga tadhana ng lumang Saligang Batas sa paglutas ng mga suliranin at pagtugod sa mga pangangailangan ng mga mamamayan. Alinsunod sa kahilingan ng madla, pinagtibay ng Kongreso noong Agosto 24, 1970 ang Batas Republika (Republic Act) Bilang 6132 na nanawagan para sa isang Kombensyong Konstitusyonal sa taong 1971. [baguhin]Halalan ng mga delegado sa kombensyong konstitusyonal Ginanap noong Nobyembre 10, 1970 ang halalan ng 320 delegado sa Kombensyong Konstitusyonal. Ang halalang ito ang sinasabing isa sa mga pinakamaayos sa kasaysayan ng Pilipinas sa panahong iyon. Nakakarami sa mga nahalal na delegado ang manananggol, mangangalakal, mga tao sa industriya, at manggagamot. Mayroon ding mga guro, mga ministro, mga puno ng paggawa, mga kilalang kababaihan at mga mamamahayag. Dalawang delegado, sina Carlos P. Garcia at Diosdado Macapagal ang naging Pangulo ng Pilipinas. Ang tatlo'y kasapi ng Kombensyong Konstitusyonal noong taong 1934 - sina Salvador Araneta, Jose P. Arruego, at Miguel Cuaderno. Higit na tatlumpu ang mga dating Senador at kinatawan at dalawa ang dating Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman. Apat naman ang mga pari at madre. [baguhin]Pagkakabuo
Ang Sentrong Pangkultura ng Pilipinas Ang Kombensyong Konstitustyonal (bantog sa tawag na Con-Con) ay nagtipun-tipon noong unang araw ng Hunyo, 1971. Nahalal bilang Pangulo ng Con-Con ang dating Pangulong Carlos Garcia. Ngunit siya'y yumao pagkalipas ng tatlong araw na siya'y mahalal. Gumanap bilang pangulo ng kombensyon ang Pangulong Pro-tempore Sotero Laurel hanggang sa humalili ang bagong halal na Pangulong Diosdado Macapagal. Puspusan ang ginawang pagtatrabaho ng mga delegado, habang patuloy naman ang mga rali, welga, demonstrasyon at iba pang kaguluhan sa bansa. Natapos ang bagong Saligang Batas pagkaraan ng isang taong pagpupunyagi ng mga delegado. Ang balagkas ng mungkahing bagong Saligang Batas ay pinagtibay noong Nobyembre 28, 1972 at nilagdaan noong Nobyembre 30. Ang Saligang Batas ay buong galang na iniharap sa Pangulong Marcos noong ika-1 ng Disyembre, 1972. Nagpalabas ang Pangulo ng isang kautusang pampanguluhan (Presidential Decree 86) na lumilikha sa bawat baryo ng mga munisipyo o bayan at sa bawat distrito sa mga lungsod ng Asembleya ng mga mamamayan o Citizen Assemblies upang palakihin ang saligan ng paglahok ng mga mamamayan sa isang pamamaraang demokratiko at mabigyan sila ng pagkakataong maipahayag ang kanilang pambansang saloobin. Noong Enero 10, hanggang Enero 15, 1973, pinagtibay ng mga Asembleya ang Saligang Batas sa nakakaraming halal na higit sa 14 milyon. Sa halos gayon ding kalamangan, pinagpasyahan din nila na ang Interim National Assembly na nakatakda sa Transitory Provisions ng Saligang Batas at di na dapat magtipun-tipon. Nagkasbisa ang bagong saligang Batas noong Enero 17, 1973 sa pamamagitan ng Proklamasyon Bilang 1102 ng Pangulong Marcos. [baguhin]Mga tadhana 1. . Ang bagong Saligang Batas ay nagtatakda sa pagpapalit ng sistema ng pamahalaan mula sa presidensiyal patungo sa parlamentaryan; 2. . Ang Pangulo ang siyang kakatawan sa pamumuno ng estado; [10]
3. . Isang Punong Ministrong inihalal ng Pambansang Asembleya (National Assembly) ang gumaganap ng kapangyarihang pampamahalaan kasama ng kanyang Gabinete; [11]
4. . Isang Pambansang Asembleya binubuo ng isang kapulungang (unicameral) inihalal ng mga kinatawang distrito ang may karapatan sa lahat ng kapangyarihang pambatasan; [12]
5. . Ang kapangyarihang panghukuman ay nasasalalay sa Kataas-taasang Hukuman at sa mababang hukuman na nasa pagtatakda ng batas; [13]
6. . Itinatakda ang isang Katipunan ng mga Karapatan. [14] Katulad ito halos ng mga nakatakda sa Saligang Batas ng 1935. ang tanging pagkakaibang tinutukoy sa bagong Saligang Batas ay ang pananagutan at tungkulin ng mga mamamayan. [15]
[baguhin]Ang Bagong Lipunan [baguhin]Ang Lumang Lipunan Mga ilang buwan bago ipahayag ang Batas Militar, tinunton ng Pangulo ang sakit ng bayan sa pagkakaroon ng isang "lipunang may karamdaman." Ang bagay na ito'y kanyang ibinibintang sa mga pangkating makapangyarihan na kanyang tinaguriang oligarkiya (kapangyarihan sa pamahalaang nasa kamay ng iilang tao) at mga maka-Maoistang Komunistang naghahangad ba ibagsak ang pamahalaan sa pamamagitan ng subersiyon at paggamit ng karahasan. Sa kanyang aklat, Today's Revolution:Democracy, sinulat ng Pangulong Marcos: Ang ating lipuna'y patungo sa isang lipunang maka-oligarkiya. Ito'y maliwanag na nangangahulugang ang pangkabuhayang agwat na namamagitan sa mga mayayaman at sa mga mahihirap ay nagkakaloob ng pagkakataon sa iilang masasalapi na gumamit ng hindi nararapat na kapangyarihan sa mga awtoridad sa pulitika... Ang mga piling oligarkiya'y nakapagpakilos sa mga kapangyarihang pampulitika nang ayon sa sarili nilang kapakinabangan at nagbabala't nananakot sa mga namumuno sa pulitika; bilang ganti, nakalikha ang mga tao ng isang populista (mga taong nagtataguyod ng patakarang pagmamay-ari ng lahat ng ari ng pamahalaan), personalista (mga taong nagpapahalaga sa sarili bilang tao) at indibidwalista (mapagsarili; mga taong naniniwalang ang mga gawaing pangkabuhayan ay di-kailangang higpitan ng pamahalaan) na uri ng pulitika. Nakikini-kinita natin kung gayon ang isang bagong lipunang may pagkapantay-pantay ay hindi isang huwad lamang kundi idang katotohanan. ang isang lipunang oligarkiya'y maaring matapoat na naniniwala sa pagkakakapantay-pantay na pagkakataon, ngunit habang mat malaking agwat sa pangkabuhayan ang pagkakatao'y nagsisimula sa pinagmulang guhit, kapag ang isang tao ay ipinanganak na. Ito'y nangangahulugang may ilang ipinapanganak na mayroon ng lahat samantalang ang karamiha'y ipinanganak na wala ni anuman. Kapag tayo'y magpapatuloy sa ganitong saligan, lahat na'y susunod: ang radikalisasyon ng lipunan. [baguhin]Pagtatatag ng Bagong Lipunan Upang mabago di umano'y mga di kanais-nais na naging dahilan ng mga paghihirap, paghihikaos at kriminalidad sa bansa, isinulong ni Pangulong Marcos ang pagtatag ng isang bagong uri ng pamumuhay na kapaki-pakinabang hindi lamang sa mga taumbayan kundi sa bansa at sa buong mundo. Ito ang simula ng Bagong Lipunan - isang lipunan na binubuo ng mga bagong Pilipino. Mga Pilipinong uliran, masipag, nagbibigayan, may disiplina sa sarili at laging nasasaisip ang paglilingkod sa kanyang kapwa. Napapaloob ang mga programa ng reporma ng pamahalaan sa salitang "PLEDGES" na ang ibig sabihin ay: P-eace and Order (Kapayapaan at Kaayusan); Land Reform (Reporma sa Lupa); Economic Development (Kaunlaran sa Kabuhayan);D development of moral values Government Reforms (Mga Pagbabago sa Pamahalaan); Educational Reforms (Mga Pagbabago sa Sistema ng Edukasyon); Social Services (Serbisyong Panlipunan). Itinuturing na maganda ang programa ngunit ang mga repormang naipangako ay hanggang sa papel lamang. Kung mayroon mang pagbabago at nangyari lamang sa mga unang taon ng Bagong Lipunan. [baguhin]Ang reporma sa lupa Noong Oktubre, 1972, isang buwan makaraan ipahayag ang Batas Militar, nagpalabas ng Kautusang Pampanguluhan Bilang 27 (Presidential Decree No. 27) ang Pangulong Marcos. Sa bisa ng kautusang ito, ang mga magsasaka, sa halip na kasam lamang sila ng may-ari ng bukid, ay magmamay-ari na ng bahagi ng bukid. Kung wala pa silang salaping ibabayad, tutulungan sila ng Land Bank of the Philippines. Babayaran ng bangkong ito ang kaukulang halaga sa may-ari ng lupa. Sa bangko naman magbabayad ang mga magsasaka. May isa pang paraan upang mabigyan ng lupa ang mga magsasakang walang sariling lupa. Pinapadala sila sa mga pook na maaari nilang mabungkal at matamnan. Bawat magsasaka at ang pamilya niya ay binibigyan doon ng anim na ektaryang lupa. Pinahihiram siya ng salapi para sa kanyang bagong ginagawang bukid na babayaran sa loob ng tatlong taon. Maraming magsasaka ang naipadala sa Nueva Vizcaya, Southern Leyte, Lanao del Sur, Davao del Sur, at Sultan Kudarat. Nagpagawa ang pamahalan ng mga patubig sa mga bagong sakahang ito upang maparami ang ani ng mga magsasaka. Nagpagawa rin ng mga daan upang ang mga produkto ay madala sa pamilihang bayan. Tinuruan ang mga magsasaka ng paggamit ng mga makabagong paraan ng pagtatanim. Tinuruan sila ng paggamit ng mga pataba at mga gamot na pamatay sa mga mapaminsalang kulisap. Itinuro sa kanila ang mabubuting uri ng mga kooperatiba upang makabili sila ng mga kailangan sa pagtatanim sa mababang halaga. [baguhin]Mga pagbabagong Pangkabuhayan Malaki ang pagsisikap na ginawa ng pamahalaan sa ilalim ng Bagong Lipunan upang linangin at paunlarin ang mga industriyang may kaugnayan sa pagluluwas ng mga produkto sa ibang bansa. Ang pagpapaunlad ng mga industriyang iyon ay binigyan ng unang pansin sa pagtataguyod at pagtangkilik ng pamahalaan [baguhin]Pagbabago sa agrikultura Ang pamahalaan sa ilalim ng Bagong Lipunan ay nagsikap na makapagbigay ng sapat, mahusay at murang mga pagkain sa mga mamamayan, gumawa ito ng mga palatuntunan sa ikatutupad nito. [baguhin]Masagana 99 Ang palatuntunang tinatawag na Masagana 99 ay sinimulan noong 1977. Nilalayon ng palatuntunang ito na maging masagana ang ani ng mga magsasaka at makaani ng 99 na kabang palay o higit pa sa bawat ektaryang taniman. Upang matamo ito, itinuro ang paggamit ng patubig, pataba at ng mga gamot na pamatay sa mga kulisap na sumisira o kumakain ng palay. Tinulungan silang humiram ng salapi sa bangko na pambili ng mabuting uri ng binhi, ng pataba, at ng gamot laban sa sakit ng palay. [baguhin]Masaganang maisan May palatuntunan din na ang tawag ay Masaganang Maisan. Natutungkol ito sa pagtatanim ng puting mais, dilaw na mais, batad at balatong sa 43 lalawigan. Ang balatong at sorghum ay hindi lamang mga pagkain ng tao. Pagkain na rin ito ng mga hayop na katulong sa hanapbuhay. May palatuntunan din ang pamahalaan na tinawag na Gulayan sa Kalusugan. Ang layunin nito ay maparami ang mga tanim na gulay. [baguhin]Biyayang-dagat Ang tagumpay ng Masagana 99 ang nagbigay daan sa pagluwal naman ng Biyayang Dagat o Blue Revolution. Sa pamamagitan nito, ang mga mangingisda ay nakauutang ng pera mapabuti ang kanilang hanapbuhay. Ang programa ay binalangkas ng Ministri ng Likas na Kayamanan noong 1979 upang ang mga karaniwang mangingisda ay makautang ng pera sa kanilang mga rural banks. Ang programang ito ay nilaanan agad ng Php 850 milyon ukol sa unang limang taon. Upang mabayaran naman ng mangingisda ang kanilang inutang, ang Pamahalaang Marcos ay nagsagawa ng hakbang upang maging higit na malaganap ang mapagdadalhan ng huli ng mga mangingisdang ito. May mga kooperatiba rin ang mga mangingisda at ito ay nakalagay sa lahat ng daungan ng isda. Ang mga kooperatiba ang bumibili ng huling isda sa makatuwirang halaga. Sa mga pook na walang kooperatiba, ang rural bank ang nagtatalaga ng tagapakyaw. Kasama rin sa programa ng Biyayang Dagat ang pananaliksik at pinalawak na paglilingkod, pagbibinhi at pagpapaunlad ng palaisdaan, pagsasalata at paglalagay ng mga tinggalan ng huling isda at pagpapalawak ng pamilihan. [baguhin]Iba pang mga palatuntunan sa agrikultura Isa sa mga palatuntunan ng pamahalaan tungkol sa agrikultura at ang pagdaragdag ng produksyon ng mga pananim na nailuluwas at naipagbibili sa bansa. Dahil sa palatuntunang ito dumami ang naipagbibiling niyog, abaka at asukal sa ibang bansa. Ang isa pang produktong nagbibigay ng malaking kita sa pamahalaan ay ang tabako. Pinarami rin ang produksyon ng mga sumusunod na pang-komersyong produkto: ramie, goma, abaka at bulak. [baguhin]Industriya ng pagmimina Isa sa pinakamalaking pinanggagalingan ng kuwartang pumapasok noon sa bansa ang pagmimina. Sa tanso lamang na nailabas noong1974, kulang-kulang na US$400,000,000.00 ang naipasok sa kaban ng bansa. Iyon ay pangalawa lamang sa asukal sa talaan ng sampung pinakamalaking kalakal na panluwas. Ang ginto ay pang-anim sa listahang yaon. Ang pagmimina ng nikel ay mabilis ring umunlad. Ang pagkuha ng karbon at paghanap ng langis ay lubusang binigyan ng diin ng pamahalaan sa pakikipagtulungan sa pribadong sektor. Mahigit sa sandaang kumpanya ang kinalaman sa industriyang ito na pinangungunahan ng Benguet Consolidated, Baguio Gold Mining Company, Acoje Mining Company, Marinduque Mining and Industrial Corporation, at Surigao Consolidated Mines. Ang mga bansang Hapon at Estados Unidos ang pangunahing umaangkat sa mga produkto ng industriyang ito. [baguhin]Ang industriya sa elektroniks Unti-unti ring umunlad ang industriyang pang-elektroniks sa Pilipinas. Noong 1972 ang mga pagawaan ng elektroniks at nakagawa ng 20,073 radyo-ponograpo na nagkakahalaga ng Php 30,000,000.00 at 58,212 telebisyo na nagkakahalaga ng Php 70 milyon para sa panlokal at panlabas na bilihan. [baguhin]Ang cottage industry Ang mga bagay na yari sa kamay ay siyang bumubuo ng malaking bahagi ng mga produkto ng Cottage Industries. Ilan sa mga ito ang sumusunod: mga bag at maletang balat, patis, ceramics. burdadong mga damit, sumbrerong buntal, muwebles na nara, mga kaldero, mga lamparang yari sa tela at kapis, gitara, banig, telang hablon, at mga produktong yari sa tanso na galing-Marawi Mabilis na umunlad ang cottage industries na laganap sa iba't-ibang pook sa bansa. Maraming mga bansa tulad ng Hapon, Australya, Estados Unidos, Canada, Alemanya at Espanya ang umaangkat ng mga iyon sa pamamagitan ng Philippine Trade Center na nakatayo sa mga pangunahing lungsod ng mga bansang iyon. Malakas magpasok ng dolyar sa kaban ng bansa ang industriyang ito. Minsan ay nakapagbigay ito sa bansa ng Php 508 milyong pakinabang neto. Hindi kataka-takang mangyari ito sapagkat ang pag- unlad ng industriyang ito ay pinananagutan ng National Cottage Industry Development Authority o NACIDA, isang tanggapan ng pamahalaan na naggagawad ng teknikal na alalay sa pananalapi sa hanapbuhay na iyon. Tungkol sa salapi, tumutulong ang Asian Development Bank (ADB), ang Social Security System at ilang pribadong bangko. [baguhin]Kamatayan Pagkalipas ng tatlong taon, namatay siya noong Setyembre 28, 1989 sa Honolulu, Hawaii sa edad na 72. [baguhin]Mga Talaan 1. Mandate for Greatness, First Inaugural Speech of President Ferdinand E. Marcos, 30 December 1965. 2. Ibid. 3. Nauna ng binawi ng Pangulo ang kautusan noong Setyembre 18, 1971 (sa bisa ng Proklamasyon Blg. 889-B)sa mga sumusunod na lalawigan at lungsod: Mga lalawigan: Batanes, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, La Union, Pangasinan, Batangas, Catanduanes, Masbate, Romblon, Marinduque, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Palawan, Negros Occidental, Negros Oriental, Cebu, Bohol, Capiz, Aklan, Antique, Iloilo, Leyte, Leyte del Sur (Southern Leyte), Northern Samar, Eastern Samar at Western Samar; Mga "sub-provinces":Guimaras at Biliran; Mga lungsod: Laoag (Ilocos Norte), Dagupan (Pangasinan), San Carlos (Pangasinan), Batangas City and Lipa (Batangas), Puerto Princesa (Palawan), San Carlos (Negros Occidental), Cadiz, Silay, Bacolod City, Bago City, Kalaon ,La Carlota, bais, Dumaguete, Iloilo City, Roxas, Tagbilaran (Bohol), Lapu-Lapu City, Cebu City, Mandaue, Danao, Toledo, tacloban, Ormoc, at Calbayog. Noong Setyembre 25, 1972 binawi ng Pangulo (sa bisa ng Proklamasyon Blg. 889-C) ang kautusang pumipigil sa writ sa mga sumusunod na lalawigan at lungsod: Mga lalawigan: Surigao del Norte, Surigao del Sur, Davao del Norte, Davao del Sur, Davao Oriental, Bukidnon, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Misamis Oriental, Misamis Occidental, Camiguin, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, at Sulu Noong Oktubre 4, 1971, sa bisa ng Proklamasyon Blg. 889-D, binawi ng Pangulo ang suspensyon ng writ sa mga sumusunod na lalawigan at lungsod: Mga lalawigan:Cagayan, Cavite, Mountain Province, Kalinga-Apayao, Camarines Norte, Albay at Sorsogon; Mga lungsod: Cavite City, Tagaytay, Trece Martires at Legaspi Noong Enero 7, 1972 ganap ng binawi ng Pangulo ang suspensyon ng writ sa mga nalalabing lalawigan at lungsod: Mga lalawigan:Bataan, Benguet, Bulacan, Camarines Sur, Ifugao, Isabela, Laguna, Lanao del Norte, Lanao del Sur, North Cotabato, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Pampanga, Quezon, Rizal (Greater Manila Area), South Cotabato, Tarlac at Zambales; Mga "sub- provinces":Aurora at Quirino; Mga lungsod:Angeles, Baguio, Cabanatuan, Caloocan, Coatabato, General Santos, Iligan, Iriga, Lucena, Manila, Marawi, Naga, Olongapo, Palayan, Pasay City, Quezon City, San Jose at San Pablo. 4. First Address to the Nation Under Martial Law, Radio-TV Address of President Marcos, 23 September 1972 5. Ibid. 6. Ibid. 7. Ibid. 8. Ang ilan sa mga opisyales na itinawalag sa pamahalaan ay ang mga sumusunod: Sina Commissioner Jose Evangelista at Associate Commissioners Filemon Kintanar, Gregorio Panganiban, Josue Cadiao, and Paz Veto Planas ng Public Service Commission; Justiniano N. Montano, Jr. tagapangulo ng Games and Amusement Board dahil sa katiwalian;Wenceslao Cornejo , isang hukom sa Maynila dahil sa "(a) willful violation of the Constitution and the Rules of Court and (2) intervention in the disposition of a case in another branch of the City Court of Manila" at Enrique Cube, assistant city fiscal ng Lungsod ng Pasay dahil sa "gross misconduct and dereliction of duty." 9. "Retail food prices, Philippines Sunday Express (Setyembre 24, 1972), pahina 13 10. Artikulo VII, Saligang Batas ng 1973 11. Artikulo IX, Ibid. 12. Artikulo VIII, Ibid. 13. Artikulo X, Ibid. 14. Artikulo IV, Ibid. 15. Artikulo V, Ibid. [baguhin]Mga panlabas na kawing Marcos Presidential Center Bidyo ng The Revolution From the Center na ipinalbas noong 1978 ng National Media Production Board na tumatalakay sa mga punyagi ng Bagong Lipunan Malacaang Museum: Marcos E. Marcos (sa wikang Ingles) Sinundan: Pedro A. Albano Kinatawan, Ikalawang distrito ng Ilocos Norte 19491959 Susunod: Simeon M. Valdez Sinundan: Eulogio Rodriguez Pangulo ng Senado ng Pilipinas 19631965 Susunod: Arturo Tolentino Sinundan: Diosdado Macapagal Pangulo ng Pilipinas 19651986 Susunod: Corazon Aquino Sinundan: Ibinalik Posisyon ay huling hinawakan ni Pedro Paterno Punong Ministro ng Pilipinas Hunyo 12, 1978 Hunyo 30, 1981 Susunod: Cesar Virata
Corazon Aquino Corazon C. Aquino
Ika-11 Pangulo ng Pilipinas Ikalawang Pangulo ng Ika-apat na Republika Unang Pangulo ng Ikalimang Republika Panunungkulan Pebrero 25, 1986 Hunyo 30, 1992 Punong Ministro Salvador H. Laurel [1]
Pangalawang Pangulo Salvador H. Laurel Sinundan si Ferdinand E. Marcos Sinundan ni Fidel V. Ramos
Kapanganakan Enero 25, 1933 Paniqui, Pilipinas Kamatayan Agosto 1, 2009 (edad 76) Makati Partidong politikal United Nationalists Democratic Organizations(UNIDO)/Lakas ng Bayan (LABAN)/Liberal Asawa Benigno Aquino, Jr. Hanapbuhay Inang Bahay, Politiko Relihiyon Katoliko Si Mara Corazn Cojuangco-Aquino (ipinanganak bilang Mara Corazn Sumulong Cojuangco) (Enero 25, 1933Agosto 1, 2009 [2] ) na lalong mas kilala sa palayaw na Cory ay ang ikalabing- isang Pangulo ng Republika ng Pilipinas at kauna-unahang babaeng naluklok sa nasabing pwesto (Pebrero 25, 1986Hunyo 30, 1992). Tinagurian siyang Ina ng Demokrasya dahil sa pagsuporta niya sa pagpapanumbalik ng demokrasya sa Pilipinas. Ipinanganak siya sa Tarlac kina Jose Cojuangco Sr. atDemetria Sumulong. Nakapag-aral siya sa Estados Unidos at nakapagtapos nang may digri sa Wikang Pranses. Siya ay kabiyak ni Benigno "Ninoy" Aquino, Jr. , ang pinaslang na lider ng oposisyon noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Nailuklok siya sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon (Unang Rebolusyon sa EDSA) noong Pebrero 25, 1986 at ibinalik niya ang demokrasya sa bansa. Siya ay ina ng artistang si Kris Aquino at ang kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas na si Benigno Aquino III. Pumanaw siya noong ika-1 ng Agosto 2009 at inlibing noong ika-5 ng Agosto. Mga nilalaman [itago] 1 Kalusugan 2 Gabinete ni Pangulong Corazon Aquino 3 Tingnan din 4 Mga sanggunian 5 Mga panlabas na kawing [baguhin]Kalusugan Noong Marso 24, 2008, napabalita na mayroong kanser sa kolon (cancer sa colon), isang sakit sa bituka, ang dating pangulo, na namatay may edad na 75. [3][4]
[baguhin]Gabinete ni Pangulong Corazon Aquino Kalihim Pangalan
Pangulo Corazon C. Aquino
Pangalawang Pangulo/Punong Ministro/Kalihim ng Ugnayang Panlabas Salvador H. Laurel
Kalihim ng Tagapagpaganap Joker Arroyo
Tagapagsalita ng Pangulo Rene Saguisag
Kalihim ng Pagsasaka Ramon V. Mitra
Kalihim ng Pananalapi Jaime Ongpin
Kalihim ng Kalusugan Dr. Alran Bengzon, MD
Kalihim ng Interyor Aquilino Pimentel, Jr.
Kalihim ng Kalusugan Neptali Gonzales, Jr.
Kalihim ng Impormasyon Teodoro Locsin, Jr.
Kalihim ng Paggawa at Empleyo Blas Ople
Kalihim ng Tanggulang Pambansa Juan Ponce Enrile
Kalihim ng Kalakalan at Industriya Jose Concepcion, Jr.
Fidel V. Ramos Fidel V. Ramos
Ika-12 Pangulo ng Pilipinas Ikalawang Pangulo ng Ikalimang Republika Panunungkulan Hunyo 30, 1992 Hunyo 30, 1998 Pangalawang Pangulo Joseph Ejercito Estrada Sinundan si Corazon C. Aquino Sinundan ni Joseph Ejercito Estrada
Kapanganakan Marso 18, 1928(edad 84) Lingayen, Pangasinan,Pilipinas Partidong politikal Lakas-Christian Muslim Democrats Asawa Amelita Martinez Hanapbuhay Militar Relihiyon United Methodist Si Fidel Valdez Ramos (ipinanganak Marso 18, 1928) ay ang ikalabing-dalawangPangulo ng Republika ng Pilipinas (Hunyo 30, 1992 - Hunyo 30, 1998). Isinilang siya noong Marso 18, 1928 sa Lingayen, Pangasinan. Panganay siya sa tatlong anak nina Narciso Ramos at Angela Valdez. Nagtapos siya sa United States Military Academy sa West Point noong 1950. Kumuha rin siya ng masteral ng civil engineering sa University of Illinois, Masters in Business Administration sa Pamantasang Ateneo de Manila, at nanguna sa klase niya sa Infantry training at kursong Special Forces/Pay Operations/Airborne sa Fort Benning, Georgia. Bumalik siya sa Pilipinas noong 1951 at naging heavy weapon platoon leader ngSandatahang Lakas ng Pilipinas. Ipinadala rin siya sa mga digmaan ng Korea atVietnam. Naging tanyag siya sa pamumuno sa isang pulutong ng mga sundalong tumalo sa pwersang komunista ng mga Tsino sa Labanan sa Burol ng Eerie. Kabilang sa mga medalya at parangal na natanggap niya bilang sundalo ang Philippine Legion of Honor, ang Gold Cross, ang Philippine Military Merit Medal, ang United States Legion of Merit, ang French Legion of Honor at ang U.S. Military Academy Distinguished Award. Inatasan siyang maging pinuno ng Philippine Constabulary noong 1972, hepe ng Integral National Police noong 1975, at pangalawang pinuno ng Sandatahang Lakas noong1981. Noong 1983, pansamantala niyang pinalitan si Fabian Ver, pinuno noon ng Sandatahang Lakas, nang ito ay masangkot sa pagkakapaslang sa lider-opososyon siBenigno S. Aquino Jr. Noong 1986, tinangkaang agawin ni Ferdinand Marcos ang pagkapanalo ni Corazon Aquino, balo ni Benigno Aquino, sa halalang pangpanguluhan. Nakiisa si Ramos kayJuan Ponce Enrile, noong kalihim ng Tanggulang Pambansa, sa pagkubkob sa mga himpilan ng sandatahang lakas. Ang sumunod dito ay tinaguriang People Power Revolution na nagtulak kay Marcos na lumikas patungong Estados Unidos. Naluklok si Aquino sa pagkapangulo. Ginawang ni Aquino na hepe ng sandatahang lakas si Ramos. Pagkaran ng dalawang taon, si Ramos ay naging kalihim na Tanggulang Pambansa. Noong 1992, tumakbo siya at nanalong pangulo ng bansa. Bilang pangulo, naging priyoridad niya ang pagsasaayos sa estruktura ng pamahalaan, na nagbigay ng karagdagang kapangyarihan sa pamahalaang lokal. Hinikayat niya ang dayuhang pamumuhunan, lalo na sa turismo, na naging bahagi ng kanyang programa para sa kaunlaran. Si Fidel V. Ramos ay kasal kay Amelita Martinez at mayroon silang limang anak na babae. Mga panlabas na kawing Malacaang Museum: Fidel V. Ramos (sa wikang Ingles) Sinundan: Fabian Ver Chief of Staff ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas 19861988 Susunod: Renato De Villa Sinundan: Kalihim ng Tanggulang Pambansa Susunod: Rafael M. Ileto 19881991 Renato De Villa Sinundan: Corazon Aquino Pangulo ng Pilipinas 19921998 Susunod: Joseph Estrada
Joseph Estrada Talambuhay Ni Jose Marcelo Ejercito Si Jose Marcelo Ejercito ay ika-labingtatlong pangulo ng republika ng pilipinas (Hunyo 30, 1998 Enero 20, 2001) ipinanganak sa Tondo, ang isa sa mga mahihirap na bahagi ng Maynila. Siya ay anak ni Emilio Ejrcito, Sr (1898-1977), isang maliit na sweldong pamahalaan kontratista, at Mara Marcelo (1905- 2009), isang maybahay. Siya ang ikawalo sa sampung magkakapatid. Ang kanyang mga kapatid ay sina Antonio Ejercito (1932-2005), Emilio Ejercito, Jr (George Estregan) (1939-1988), Dr. Pilarica Ejercito, abogado Paulino Ejercito, Petrocinia E. de Guzman, Marita , at Jesse Ejercito. Asawa niya (ang dating Doktor at unang ginang ng bansa na naporma-senador) na si Luisa Pimentel at nagkaroon ng tatlong anak: Jose Ejercito, Jr. (mas mahusay na kilala bilang "Jinggoy Estrada"; dating Alkalde ng San Juan naporma senador / kasal kay Precy Vitug), Jackie Ejercito (kasal kay Beaver Lopez), at Jude Ejercito (kasal kay Weng Ocampo). Joseph Estrada matugunan ang kanyang asawa Loisa Pimentel habang nagtatrabaho bilang isang katulong sa National Center for Mental Health (NMCH) sa Mandaluyong City. Siya rin ay may mga anak mula sa apat na sa labas ng matrimonyo relasyon, kasama Joseph Victor "JV" Ejercito (mula sa mga taong tanyag sa lipunan Guia Gmez) na gumawa rin ng pangalan para sa kanyang sarili sa pulitika sa para sumusunod sa mga yapak ng kanyang ama bilang kasalukuyang alkalde ng San Juan City . Pagsanjan, Laguna Mayor Emilio Ramon P. Ejercito III, na kilala sa Philippine Showbiz na si George Estregan, Jr, o ay Ejercito, ay ang kanyang pamangking lalaki. Sa panahon ng 2000 pagtataluwalagsa pamamaraan, nagkaroon si Estrada ng maraming panlabas ng relasyon at mga anak. Bilang isang aktor at direktor Huminto sa pag-aaral si Estrada sa kolehiyo upang pumasok sa larangan ng pelikulang Pilipino sa edad na 21. Nakagawa siya ng mga humigit kumulang na 120 pelikula, karamihan sa mga ito ay nauuri na action-comedy kung saan siya ang bida na ginaganapan ang mga papel ng mga taong mahirap o mga mababang antas ng lipunan. Napagwagian niya ang ilan sa pinakamataas na Gantimpala at Gawad sa Pag-arte at pagiging Direktor ng Pelikula at siya ay naging presedente para tangalin ang mga rebel o kaya pa sukuin pati na ang mga crimen. [baguhin]Bilang pulitiko Pinasok ni Estrada ang larangan ng pulitika noong 1967 nang mahalal siya bilang Alkalde ng San Juan, Kalakhang Maynila. Noong1971, pinarangalan siya bilang "Outstanding Mayor and Foremost Nationalist" ng Inter-Provincial Information Service at ng sumunod na taon bilang "Most Outstanding Metro Manila Mayor" ng Philippines Princetone Poll. Kabilang siya sa mga alkalde na sapilitang inalis nang humalili si Corazon C. Aquino bilang pangulo ng Pilipinas pagkaraang napatalsikFerdinand E. Marcos sa pwesto noong Pebrero 25, 1986 sa pamamagitan ng People Power Revolution. Tumakbo si Estrada sa ilalim ng partidong Grand Alliance for Democracy at matagumpay na nahalal sa Senado ng Pilipinas (Ika-walong Kongreso). Nahirang siya bilang Chairman of the committees on Cultural, Rural Development, and Public Works. Siya rin ay naging Vice Chairman of the Committees on Health, Natural Resources and Urban Planning. Kabilang sa mga panukalang batas na isinulong nya ay yaong ukol sa agrikultura, mga proyektong irigasyon sa pagsasaka at pagpapalawig at pag-protekta sa kalabaw. Noong 1989, tinanghal siya ng Philippine Free Press bilang isa sa Three Outstanding Senators of the Year. Isa si Estrada sa mga senador na tumangging sang-ayunan ang bagong tratado ng US Military Bases na papalit sana sa 1947 Military Bases Agreement na nakatakdang magwakas noong 1992. Nakatulong nang malaki sa pagkakapanalo niya bilang Bise Pangulo ang kaniyang popularidad bilang aktor noong halalan ng Panguluhan at Pangalawang Panguluhan noong 1992, bagama't siya ay tumatakbo sa hiwalay na tiket ng noon ay nanalong Pangulo,Fidel Ramos. Bilang Pangalawang Pangulo, pinamahalaan ni Estrada ang Komisyon Laban sa Krimen (Presidential Anti Crime Commission) mula 1992 hanggang 1997. [baguhin]Bilang pangulo (1998-2001)
Makakatulong po kayo sa pagpapaunlad ng artikulong ito sa pamamagitan ng pagdaragdag dito. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan lamang po ang pahina ng usapan. (Marso 2008) Noong 1998, nanalo si Estrada sa halalan sa ilalim ng partidong Laban ng Makabayang Masang Pilipino (LAMMP). Nakakuha siya ng 10,956,610 boto o 39.6% ng lahat ng boto. "Erap Para sa Mahirap" ang kaniyang islogan sa pangangampanya. ] [baguhin]Mga pelikula Ang Tanging Pamilya(2009) Sa kuko ng Aguila (1989) Order to Kill (1985) Bangkang Papel sa Dagat ng Apoy(1984) Machonurin (1 983) Pedring Taruc (1982) Kumander Alibasbas (19 Aragon Brothers (1969) Capitan Pepe (1969) Ang Ninong kong Nazareno (1969) Patria Adorada (1969) Sagupaan (1969) Abdul Tapang (1968) Azero Brothers (1968) Cuadro de Jack (1968) De Colores (1968) Diegong Daga (1968) Dos Por Dos (1968) Galo Gimbal (1968) Jakiri Valiente (1968) Kid Brother (1968) Killer Patrol (1968) Garuda, Flight to Fury (1964) Ako ang Papatay (19 64) Berdugo ng Mga Maton (1964 ) Cordillera (1 964) Mga Daliring Ginto (1964) Deadly Brothers (19 81) Hoy Tukso, Layuan mo Ako (1980) Okey Lang Basta't Kapiling Kita (1979) Mamang Sorbetero (19 79) Warrant of Arrest (1979) Magkaaway (1 978) Tatak ng Tondo (1978) Yakuza Contract (197 8) Bakya mo Neneng (1977 ) Huwag Mong Dungisan Ang Pisngi Ng Langit (1977) Sa Dulo Ng Kris (1977) Alas singko ng hapon, gising na ang mga anghel (1976) Arrest the Quintin Salazar (1968) Rancho Diablo (1968) Suntok o Karate (1968) Tatak: Double Cross (1968) Tatlong Hari (1968) Valiente Brothers (1968) Alex Big Shot (1967) Angkan ng Haragan (1967) Boy Aguila (1967) Ako'y Magbabalik (1966) Badong Baldado (1966) Bantay Salakay (1966) Batang Iwahig (1966) Bodyguard (1966) Dodong Tricycle (1966) Ito ang Pilipino (1966) John Doe (1966) Soliman Brothers (1966) Stowaway (1966) Totoy Bingi (1966) Batang Angustia (1965) Big Boss (1965) Buhay sa Buhay (1965) Deadly Pinoy (1965) Hahamakin ang Lahat (1965) Hamon sa Bandila (1965) Jose Nazareno, Ang Taxi Driver (1965) Labanang Lalake (1965) Maskulado (1965) Paalam sa Kahapon (1965) Pepeng Pingas (1965) Sa kamay ng mga Kilabot (1965) Salonga Brothers (1965) 64) Encuentro (1 964/II) Geron Busabos, Ang Batang Quiapo (196 4) Pambato (19 64) Panginoon ng Pantalan (19 64) Siyam na Buhay ni Martin Pusa (1964) Takot Mabuhay, Takot Mamatay (1 964) Vendetta Brothers (19 64) Barilan sa Pugad Lawin (1963 ) Basagulero ( 1963) Ginoong Itim (1963) Istambay (1 Nurse Killer (1976) Bago Lumamig Ang Sabaw (1976) Hoy Mister, Ako Ang Misis Mo (1976) Battle of the Champions (1 975) Counter Kill (1975) Diligin Mo ng Hamog ang Uhaw na Lupa(1975) Dugo at Pag- ibig sa Kapirasong Lupa(1975) Hit and Run (1975) Huwag mo akong Paandaran (1 975) Ang Nobya Kong Sexy (1975) King Khayam and I (1974) Manila Connection (1 Sapang Palay (1965) Valentin Galit (1965) 963) Ito ang Maynila (196 3) Kilabot sa Daang Bakal (1963) Kung Hindi ka Susuko (196 3) Los Paliqueros ( 1963) Patapon (19 63) Pulong Diablo (1963 ) Sugapa (196 3) Talahib (196 3) Tres Kantos (196 3) Via Europa (196 3) Asiong Meets Alembong (1 962) Digmaan Ng 974) Ransom (197 4) Tama na, Erap (1974) Ang Agila at ang Araw (1973) Dragnet (1973 ) Erap Is My Guy (1973) Okey ka, Erap (1973) Panic (1973) Blood Compact (197 2) Kill the Pushers (1972 ) Magiting at Pusakal (1972 ) Tatay na si Erap (1972) Apat na Patak ng Dugo ni Adan (1971) Digmaan Ng Mga Angkan (1971 ) Valentin Mga Maton (1962 ) Hari ng mga Maton (1962 ) Kapit sa Patalim (196 2) Markang Rehas (1962 ) Tondo Boy (1962) Asiong Salonga (19 61) Baril sa Baril (1961) Moises Padilla Story (1961) Nag- uumpugang Bato (1961) Pantalan ng Trece (1961) Sa Baril Mag- Uusap (1961 ) Cuatro Cantos (196 0) Walis (1971) Boss Areglado (197 0) Padre Pugante (197 0) Sebastian (19 70) Simon Bastardo (197 0) Alamat ng Pitong Kilabot (1969) Anim ang Dapat Patayin (1969) True Confessions (1960) Sumpa at Pangako (19 59) Batas ng Puso (1958) Mga Liham kay Tiya Dely (1958) Lo'Waist Gang (1958) Matandang Tinale (1958 ) Kandilang Bakal (1957) Sampung Libong Pisong Pag- ibig (1957) Kandelerong Pilak (1956) Sinundan: Salvador H. Laurel Pangalawang Pangulo ng Pilipinas 19921998 Susunod: Gloria Macapagal- Arroyo Sinundan: Fidel V. Ramos Pangulo ng Pilipinas 19982001 Susunod: Gloria Macapagal- Arroyo Joseph Ejercito Estrada
Ika-13 Pangulo ng Pilipinas Ikatlong Pangulo ng Ikalimang Republika Panunungkulan Hunyo 30, 1998 Enero 20, 2001 Pangalawang Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo Sinundan si Fidel V. Ramos Sinundan ni Gloria Macapagal-Arroyo
Ika-11 Pangalawang Pangulo ng Pilipinas Ikalawang Pangalawang Pangulo ng Ikalimang Republika Panunungkulan Hunyo 30, 1992 Hunyo 30, 1998 Sinundan si Salvador H. Laurel Sinundan ni Gloria Macapagal-Arroyo
Kapanganaka n Abril 19, 1937 (edad 75) Tondo, Manila Partidong polit ikal Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) Asawa Luisa Pimentel Hanapbuhay Aktor Relihiyon Katoliko
Gloria Macapagal-Arroyo Si Maria Gloria Macapagal-Arroyo (ipinanganak bilang Maria Gloria Macaraeg Macapagal noong Abril 5, 1947) ay ang ikalabing-apat na Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Enero 20, 2001 - Hunyo 30, 2010). Siya ang ikalawang babaeng pangulo ng bansa, at anak ng dating pangulong si Diosdado Macapagal. Isang propesor ng ekonomiks, si Arroyo ay pumasok sa pamahalaan noong 1987, na naglingkod bilang pangalawang kalihim at undersecretary ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya sa pag-talaga sa kanya ni Pangulong Corazon Aquino. Pagkatapos maglingkod bilang senador mula 1992 hanggang 1998, siya ay nahalal na Pangalawang Pangulo sa ilalim ni Pangulong Joseph Estrada kahit na ito ay tumakbo sa kalabang partido. Pagkatapos maakusahan si Estrada ng korupsyon, nagbitiw siya sa posisyon niya bilang gabinete bilang kalihim ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad at sumali sa lumalaking bilang ng mga oposisyon sa Pangulo, na humarap sa paglilitis. Si Estrada ay napaalis sa pwesto sa pamamagitan ng tinatawag ng mga tagapagtaguyod nito bilang mga mapayapang demonstrasyon sa lansangan ngEDSA, ngunit binansagan namang ng mga kritiko nito bilang pagsasabwatan ng mga elitista sa larangan ng politika, negosyo, militar at ni Obispo Jaime Kardinal Sin ngSimbahang Katoliko [1] . Si Arroyo ay pinanumpa bilang Pangulo ng noon ay Punong Mahistrado na si Hilario Davide, Jr. noong Enero 20, 2001 sa gitna ng lipon ng mga tao ng EDSA II, ilang oras bago nilisan ni Estrada ang Palasyo ng Malakanyang. Siya ay nahalal upang maupo bilang pangulo sa loob ng anim na taon noong kontrobersyal na eleksyon ng Pilipinas noong Mayo 2004, at nanumpa noon Hunyo 30, 2004. Mga nilalaman [itago] 1 Pagkapangulo 2 Personal na impormasyon o 2.1 Pamilya o 2.2 Edukasyon 3 Mga panlabas na kawing [baguhin]Pagkapangulo Noong Enero 20, 2001, pagkatapos ng ilang araw ng kaguluhang pulitikal at malawakang pag-aaklas, inihayag ng Kataastaaasang Hukuman na bakante ang posisyon ng pagkapangulo. Ang sandatahan at ang pambansang pulisya ay una nang inalis si Estrrada. Noong kinahapunan din nang araw na iyon, ay nanumpa si Arroyo bilang Pangulo ng Pilipinas sa pamamagitan ni Puggong Hukom Hillario Davide , Jr. [2]
Matapos ang ilang linggo, nagsampa ng kaso si Estrada na naghahamon ng batayang legal hinggil sa pagkapangulo ni Arroyo at pinipilit na siya ang nananatiling pangulo ayon sa batas, ngunit dinagdag niya na hindi niya kukunin muli ang kanyang posisyon. [3] . Noong Marso 2, 2001, ang Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas ay nagpalabas ng desisyon na nagsasabing si Estrada ay nagbitiw sa pagkapangulo at iniwan niya ang kanyang pwesto. [2]
[baguhin]Personal na impormasyon [baguhin]Pamilya Ipinanganak siya noong Abril 5, 1947 sa San Juan, Kalakhang Maynila. Ang kanyang mga magulang ay ang ika-siyam na Pangulo ng Pilipinas, si Diosdado Macapagal at siDra. Evangelina Macaraeg- Macapagal. Noong Agosto 2, 1968, ikinasal siya sa abogadong si Jose Miguel T. Arroyo na nagtapos sa Ateneo Law School noong 1972. May tatlo silang mga anak: Juan Miguel (ipinanganak noong Abril 26, 1969) nagtapos ng Diploma in Business Administration mula sa University of California, Berkeley Evangelina Lourdes (ipinanganak noong Hunyo 5, 1971) nagtapos ng MS in Foreign Service mula sa Georgetown University Diosdado Ignacio (ipinanganak noong Setyembre 4, 1974) nagtapos ng BS in Legal Management muls sa Pamantasang Ateneo de Naga [baguhin]Edukasyon Elementarya Assumption Convent High School (1954-1960) Mataas na Paaralan Assumption Convent High School (1960-1964) Valedictorian Kolehiyo Georgetown University, AB Economics (1964-1966) Deans Lister Assumption College, AB Economics (1968) Magna cum Laude Post Graduate Ateneo de Manila University, MA Economics (1978) UP School of Economics, Ph.D. in Economics (1985) [baguhin]Mga panlabas na kawing Gloria Macapagal Arroyo, opisyal na website Gloria Arroyo Nagmamahal sa Pangulo website 1. Bowring, Philip. "Filipino Democracy Needs Stronger Institutions." International Herald Tribune website. 2001, January 22. Retrieved February 14, 2009.http://www.iht.com/articles/2001/01/22/edbow.t_3.php 2. 2.0
2.1 Estrada v. Arroyo, G.R. No. 146710-15. (2001) 3. New York Times - Ex-President in Philippines Sues to Reclaim at Least His Dignity Mga tungkuling pulitikal Sinundan: {{{title}}} Susunod: {{{before}}} {{{years}}} {{{after}}} Sinundan: Joseph Estrada Pangalawang Pangulo ng Pilipinas 1998 2001 Susunod: Teofisto Guingona Sinundan: Teofisto Guingona Kalihim ng Ugnayang Panlabas 2002 Susunod: Blas Ople Sinundan: Angelo Reyes Kalihim ng Tanggulang Pambansa 2003 Susunod: Eduardo Ermita Sinundan: Franklin Ebdalin Kalihim ng Ugnayang Panlabas 2003 Susunod: Delia Albert Sinundan: Avelino Cruz Kalihim ng Tanggulang Pambansa 2006 2007 Susunod: Hermogenes Ebdane Mga tungkuling pangpartido pulitikal Sinundan: Jose de Venecia National Chairman ng Lakas-CMD 2004 kasalukuyan Kasalukuyan Sinundan: Luis Villafuerte Chairman Emeritus ng KAMPI 2004 kasalukuyan Kasalukuyan
Gloria Macapagal-Arroyo
Ika-14 na Pangulo ng Pilipinas Ika-apat na Pangulo ng Ikalimang Republika Panunungkulan Enero 20, 2001 Hunyo 30, 2010 Pangulo Joseph Ejercito Estrada Pangalawang Pangulo Teofisto Guingona(20012004) Noli de Castro (20042010) Sinundan si Joseph Ejercito Estrada Sinundan ni Noynoy Aquino
Ika-12 Pangalawang Pangulo ng Pilipinas Ikatlong Pangalawang Pangulo ng Ikalimang Republika Panunungkulan Hunyo 30, 1998 Enero 20, 2001 Sinundan si Joseph Ejercito Estrada Sinundan ni Teofisto Guingona
Kinatawan ng Ikalawang Distrito ngPampanga Kasalukuyan Panunungkulan Hunyo 30, 2010 Sinundan si Mikey Arroyo
Kapanganakan Abril 5, 1947 (edad 65) San Juan, Rizal Partidong politikal Lakas-KAMPI-CMD Asawa Jose Miguel Arroyo Hanapbuhay Ekonomista Relihiyon Katoliko Lagda
Benigno Aquino III Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya Benigno Simeon C. Aquino III
Ika-15 Pangulo ng Pilipinas Ikalimang Pangulo ng Ikalimang Republika Kasalukuyan Panunungkulan Hunyo 30, 2010 Pangalawang Pangulo Jejomar Binay Sinundan si Gloria Macapagal-Arroyo
Senador ng Pilipinas Panunungkulan Hunyo 30, 2007 Hunyo 30, 2010
Kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Lalawigan ng Tarlac Panunungkulan Hunyo 30, 1998 Hunyo 30, 2007 Sinundan si Jose Yap Sinundan ni Jose Yap
Kalihim ng Interyor at Pamahalaang Lokal Panunungkulan Hunyo 30, 2010 Hulyo 9, 2010 Sinundan si Ronaldo Puno Sinundan ni Jesse Robredo
Kapanganakan Pebrero 8, 1960(edad 52) Maynila, Pilipinas Kabansaan Pilipino Partidong politikal Partido Liberal (1998 hanggang kasalukuyan) Kamag-anak Benigno Aquino, Jr.(Ama) Corazon Aquino (Ina) Maria Elena "Ballsy" Cruz (Ate) Aurora Corazon "Pinky" Abellada (Ate) Victoria Eliza "Viel" Dee (Nakabatang Kapatid) Kristina Bernadette "Kris" Yap (Bunsong Kapatid) Alma mater Pamantasang Ateneo de Manila Hanapbuhay Ekonomista, Politiko Propesyon Ekonomista, Serbisyo sibil Relihiyon Katoliko Romano Websayt www.noynoy.ph/ Si Benigno Simeon Cojuangco Aquino, III (ipinanganak noong Pebrero 8, 1960) na mas kilala sa palayaw na Noynoy Aquino o sa tawag na P-Noy ay ang ikalabing-limang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Hunyo 30, 2010 hanggang kasulukuyan) . Noong Hunyo 30, 2010, matagumpay siyang umakyat sa puwesto sa tulong ng kanyang Transition Team. Siya ang nag-iisang anak na lalaki ng dating Senador Ninoy Aquino at dating Pangulong Cory Aquino may mga kapatid rin siya na sina Maria Elena Ballsy Aquino-Cruz, Aurora Corazon Pinky Aquino-Abellada, Victoria Eliza Viel Aquino-Dee at Kristina Bernadette Kris Aquino. Siya rin ay dating Kongresista atSenador ng Bansang Pilipinas. Habang pangulo, kilala sa sa katawagang "P-Noy" na ngangahulugang "Pangulong Noynoy".