Aralin Panlipunan I Test Question

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Aralin Panlipunan I Test Question

YUNIT I
1. Ang kasaysayan ay hango sa salitang Griyego na HISTORIA. Ito ay
nangangahulugan ng:
A. Paglalarawan sa katangiang pisikal ng isang lugar ayon sa anyong lupa
at tubig.
B. Pagsisikap ng tao na matugunan ang pangangailangan batay sa sapat
na mapagkukunan.
C. Pagtalakay sa pulitika na bahagi ng pagtatatag sa sariling pamahalaan
D. Pananaliksik sa mga di nakasulat at nakasulat na tumutukoy sa
mahahalagang pangyayari.
SAGOT: D

2. Ano ang katangian ng Soberanya bilang isa sa mga pangkat ng Estado?
A. Paraan ng estado upang matugunan ang pangangailangan ng mga
mamamayan
B. Tirahan at nasasakupan ng isang estado kung saan kinukuha ang mga
likas na kayamanan
C. Tumutukoy sa pangkahalatang bilang ng mga tao na naninirahan sa
isang lugar
D. Pagkakaroon ng kapangyarihan na mapasunod ang mga tao sa
pamamagitan ng batas at patakaran
SAGOT: D

3. Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na Batayang Primarya bilang
matibay na ebidensya sa pagsulat ng kasaysayan?
A. Batayang aklat sa pag-aaral
B. Buto ng sinaunang tao at mga artifacts
C. Opinyon at kuru-kuro sa 1angk at telebisyon
D. Paskil sa paaralan tulad ng sa bulletin board
SAGOT: B

4. Ang Oral Tradition ay isa sa mga batayan sa pagsulat ng kasaysayan, ito
ay tumutukoy sa:
A. Paggaya ng mga kagamitan mula sa original na ebidensya
B. Pagkukwento ng mga alamat, epiko, kwentong bayan, mitolohiya at awit
C. Pagpapamana ng mga kagamitan at ari-arian
D. Pagsusuot ng mga katutubong kasuotan sa isang pook at okasyon
SAGOT: B

5. Ang klimang pangkat ng Pilipinas ay batay sa kanyang lokasyon na:
A. malayong nasa itaas ng equator
B. mismong nasa equator
C. banayad na Nasa ibaba ng equator
D. banayad na nasa itaas ng equator
SAgOT: D

6. Ang Pilipinas ay binubuo ng _____________ pulo.
A. 7,707 C. 7,701
B. 7,107 D. 7,109
SAGOT: D

7. Itoy binubuo ng biyaya ng lupa, karagatan, ilog, kagubatan, at kapaligirang
pangkalikasan.
A. likas na yaman C. yamang pisikal
B. yamang pantao D. Lakas paggawa
SAGOt: A

8. Kasama ng Pilipinas, ang bansang ____________ at iba pang mga estadong
arkipelago ay namuno sa pagpapanukala at pagsasakatuparan ng
pandaigdigang kumperensiya sa Batas sa Karagatan.
A. Indonesia C. Brunei
B. Malaysia D. Thailand
SAGOT: A

9. Ang kauna-unahang tao na nakarating sa Pilipinas ay ang mga:
A. Indones
B. Malay
C. Austronesyano
D. Ita
SAGOT: C

10. Ang pinagmulan ng lahing Pilipino ay
A. iisa lamang
B. dalawa lamang
C. tatlo lamang
D. marami
SAGOT: D

11. Ang paggawa ng kagamitang metal ay laganap noong panahon ng
A. paso
B. paghahabi
C. bagong bato
D. lumang Bato
SAGOT: B

12. Ang mga Pilipino sa panahon ng metal ay
A. nagtatanim na
B. naghahabi na
C. nangangaso
D. pumipitas ng prutas at gulay
SAGOT: B

13. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng kabuhayan ng mga sinaunang Pilipino?
A. Nakikipagkalakalan na sila sa mga karatig-bansa at maunlad na ang
pagsasaka
B. Nabubuhay lamang sa pagkakaingin at pangangaso ang mga Pilipino
C. Palipat-lipat ng tirahan at di pa sapat ang kanilang kaalaman sa pamumuhay
SAGOT: A

14. Ano ang katangian ng barangay sa panahon ng sinaunang Pilipino?
A. Mauunlad at nakapagsasarili ang mga bawat barangay
B. Mayroon nang malalaking kahariang kinabibilangan ang mga barangay
C. Madalas nakikidigma sa kapwa barangay
SAGOT: A

15. Paano nagiging pinuno o datu ang isang tao noong sinaunang panahon?
A. Kung siya ay nanalo sa digmaan o kung siya ay anak ng dating datu
B. Kung siya ang pinakamayaman sa barangay
C. Kung siya ang inihalal ng mga kasapi ng barangay
SAGOT: A

16. Naipamalas ng mga sinaunang Pilipino ang kahusayan sa paglalakbay sa
pamamagitan ng:
A. Pagwawagi sa karera ng mga bangka
B. Paggawa ng mahuhusay na bangkang dagat
C. Paninirahan sa tabing dagat
SAGOT: B

17. Isang katibayan na mayroon nang mataas na antas ng kultura ang mga Pilipino
noon ay ang:
A. Paninirahan nila sa tabing dagat
B. Pagkakaroon ng mga awit at tula
C. Pagkakaroon ng maunlad na sistema ng pakikipagkalakalan
SAGOT: B

18. Paano nakarating ang Islam sa Pilipinas?
A. Pangangalakal ng mga Arabeng Muslim
B. Paglalakbay sa Arabya ng mga sinaunang Pilipino
C. Pananakop ng mga Arabeng Muslim
SAGOT: A

19. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay na maunlad na ang kaalaman ng mga
sinaunang Pilipino sa teknolohiya?
A. Kahusayan sa pangingisda
B. Paggamit ng mga Pilipino ng sistema ng pagmimina ng metal
C. Kahusayan sa pakikidigma
SAGOT: B

20. Paano lumaganap ang Islam sa Mindanaw?
A. Tinakot ang mga katutubong Pilipino
B. Nakipag taling-puso ng mga misyonerong Muslim sa mga anak ng mga
pinunong Pilipino
C. Sinakop at binili ng mga mangangalakal na Arabe ang mga lupain sa
Mindanaw
SAGOT: B

YUNIT II

1. Alin sa mga sumusunod ang hindi maituturing na salik sa pagpunta ng
kanluraning Kastila sa ating lupain?
A. Paghina ng impluwensya ng simbahang Katoliko sa Europa.
B. Paglalakbay ni Marco Polo
C. Krusada
D. Pagbubukas ng Suez Canal
SAGOT: D

2. Alin sa mga sumusunod na bansa sa Europa ang nanguna sa
paglalakbay para maghanap ng ibang ruta papuntang Silangan?
A. Espanya
B. Ingglatera
C. Pransya
D. Portugal
SAGOT: D

3. Si Magellan ang unang dayuhang Europeo na nakarating as Pilipinas
at nakipag-ugnayan sa mga katutubo. Ang unang pulo kung saan siya
dumaong ay ang:
A. Samar
B. Homonhon
C. Cebu
D. Mactan
SAGOT: A

4. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang naging pinakamahalagang
resulta ng paglalakbay ni Magellan para sa mundo?
A. Ang pagkatuklas sa Pilipinas
B. Ang patunay na ang mundo ay bilog
C. Ang pagkatuklas ng mga rekado sa Moluccas
D. Ang pagiging Kristiyano ng mga katutubo sa ating kapuluan
SAGOT: B

5. Ang misyon ng ekspedisyon ni Legazpi
A.Mag lagay ng Arsobispo
B. Mga misyonerong pari
C. Sakupin ang Pilipinas
D. Maglagay ng paaralang Katoliko
SAGOT: C

6. Nagpatibay ng pagkakaisa kina Legazpi at
Sikatuna
A. Pamahalaang Eklesyastikal
B. Sanduguan
C. Kontrata
D. Ayuntamiento
SAGOT: B

7. Mga paring nanguna sa pagpapalaganap ng
Kristiyanismo pagdating ng mga Kastila.
A. Ordeng Augustino
B. Ordeng Sto. Tomas
C. Pamahalaang Sentralisado
D. Raha Sulayman
SAGOT: A

8. Pangunahing misyon ng mga pari sa
pagdating sa Pilipinas.
A. Mapalaganap ang Islam
B. Krus at Espada
C. Mapalaganap ang
Kristiyanismo
D.Mapalaganap sa Maynila
SAGOT: C

9. Ang mga namuno sa mga lalawigang hindi pa mapayapa ay ang
mga
A. Alcaldes Mayores
B. Cabeza de Barangay
C. Corregidores
D. Gobernadorcillo
SAGOT: C

10. Ang naglitis ng mga kaso ay ang
A. Gobernador Heneral
B. Regidores
C. Royal Audiencia
D. Visitador
SAGOT: C

11. Ang mga patakaran ng mga Kastila ay
A. demokratiko.
B. liberal.
C. mapanikil.
D. progresibo.
SAGOT: C

12. Ang ekonomiya ng Pilipinas sa ilalim ng mga Kastila ay
A. nasa kamay ng mga Kastila lamang.
B. napaunlad ng mga Pilipino.
C. napaunlad ng mga Kastila.
D. nagpahirap sa kabuhayan ng mga Pilipino.
SAGOT: D

13. Ano ang pinakamahabang pag-aalsang naganap laban sa Kastila?
A. Magat Salamat C. Tablot
B. Dagohoy D. Bankaw
SAGOT: B

14. Saan naganap ang pag-aalsa sa Bankaw?
A. Cagayan C. Bohol
B. Hilagang Luzon D. Leyte
SAGOT: B

15. Sino ang ikalawang patnugot ng La Solidaridad?
A. Marcelo H. del Pilar C. Jose Rizal
B. Graciano Lopez Jaena D. Mariano Ponce
SAGOT: A

16. Sino ang sumulat ng Fray Botod na tumutuligsa sa mga pang-aabuso at
gawaing di-mabuti ng mga prayle?
A. Jose Rizal C. Mariano Ponce
B. Marcelo H. del Pilar D. Graciano Lopez Jaena
SAGOT: D

17. Ang pagkakaalam na may Katipunan na ay nagsimula lamang sa:
A. away ng dalawang kasapi
B. liham na nakumpiska ng mga Kastila
C. artikulong nakasulat sa pahayagan
D. kwento ng mga nagtatag
SAGOT: A


18. Sa unang yugto ng himagsikan, kinilalang mahusay na pinuno sa labanan si:
A. Andres Bonifacio
B. Ladislao Diwa
C. Teodoro Patinio
D. Emilio Aguinaldo
SAGOT: D

19. Kasama sa walong lalawigan na nag-alsa noong panahon ng himagsikan ang
Cavite, Laguna, Maynila, Bulakan, Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga at:
A.Romblon
B.Quezon
C. Batangas
D. Mindoro Oriental
SAGOT: C

20. Ang kawalan ng pagkakaisa ng mga lider sa himagsikan ay nagdulot ng:
A. katiwalian
B. tagumpay
C. kapangyarihan
D. kabiguan
SAGOT: D

YUNIT III

1. Ito ay naglalarawan ng katipunan ng mga karapatan ng tao ay
A. Biak-na-Bato C. Kongreso
B. Saligang-Batas D. Hukuman
SAGOT: B

2. Ang pagtatatag ng Diktadura ay nagbigay-daan upang:
A. madeklara ang kasarinlan sa Kawit
B. W\walang tumuligsa kay Aguinaldo
C. tumapang ang mga Pilipino
D. mabawi si Aguinaldo
SAGOT: A

3. Alin ang tama? Ang Pamahalaang Rebolusyunaryo ay
A. itinatag sa Kawit.
B. itinatag sa malolos.
C. itinatag sa Hongkong.
D. itinatag sa Maynila.
SAGOT: B

4. Ang unang pagdiriwang ng kasarinlan:
A. Hulyo 4, 1946 C. Hunyo 12, 1898
B. Hulyo 12, 1899 D. Disyembre 30, 1896
SAGOT: B
5. Ang kasunduang naglilipat ng pamamahala sa Pilipinas mula sa mga
Espanyol papunta sa Estados Unidos:
A. Tratado ng Paris
B. Pakto ng Warsaw
C. Teller Amendment
D. Batas Militar
SAGOT: A

6. Ang lugar daungan kung saan lumubog ang pandigmang barko ng
Estados Unidos na Maine:
A. Manila Harbor
B. Havana Harbor
C. Cebu Harbor
D. Davao Harbor
SAGOT: B

7. Ang bansag sa pag-aalsang pinamunuan ni Calixto Garcia, para sa
kalayaan ng Cuba, na madaling nasupil ng mga Espanyol sa loob
lamang ng ilang buwan.
A. La Guerra Chiquita
B. The Ten Year War
C. The Boxer Rebellion
D. The EDSA Revoution
SAGOT: A

8. Ang kumatawan sa Pilipinas para sa usapin ng pagbuo ng Tratado ng
Paris:
A. Jose Rizal
B. Emilio Aguinaldo
C. Felipe Agoncillo
D. Andres Bonifacio
SAGOT: C

9. Ang Batas Tydings Mcduffie ay isa sa mga batas tungkol sa kasarinlan ng
mga Pilipino na may probisyong:
A. Pagkilala sa mga sagisag ng Estados Unidos tulad ng bandila
B. Pagkontrol sa ekonomiya ng Pilipinas bilang kolonya sa loob ng 50 taon
C. Pagpili ng dalawang kinatawan ng bansa para sa kongreso ng Estados
Unidos
D. Tiyak na paglaya ng Pilipinas sa loob ng 10 taon o Transition Period.
SAGOT: D

10. Ang pagpapadala ng mahuhusay na lider Pilipino sa Estados Unidos ay dahil
sa kagustuhan ng mga Pilipino na makapagsarili. Ito ay kilala sa ating
kasaysayan bilang:
A. Asembleya ng Pilipinas
B. Kasunduang Militar
C. Misyong Pangkalayaan
D. Tydings-Mcduffie Law
SAGOT: C

11. Alin sa mga sumusunod ang ipinairal ng mga Amerikano tungo sa mabuting
pamamahala ng mga Pilipino?
A. Pagbibigay ng kalayaan sa mga Pilipino na makapamahala sa sarili
B. Paglawak ng mga kalakal sa pamilihan mula sa Estados Unidos
C. Pagpapahintulot sa mga kababaihang Pilipino upang mag-aral
D. Pagsunod ng mga Pilipino sa kabuhayang Amerikano
SAGOT: A

12. Alin sa mga pangungusap ang HINDI kabilang sa Nasyonalismong Pilipino?
A. Ang digmaang Pilipino at Amerikano ay nagpatuloy upang makalaya sa
mga mananakop.
B. Ipinaglaban ng mga Pilipino ang kanilang mga karapatan at adhikain.
C. Mas hinangad ng mga Pilipino ang maunlad at mayaman ng buhay
kahit walang kalayaan.
D. Sinikap ng mga Pilipino na makamtan ang pagsasarili laban sa mga
Amerikano.
SAGOT: C

13. Ang pagbuo ng Asembleya Filipina ay isa sa paghahanda ng mga Pilipino sa
kalayaan. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpakita ng
kakayahan ng mga Pilipino sa pamumuno?
A. Paglinang ng likhang kultural laban sa Amerikano
B. Pagpapaunlad ng impluwensyang Amerikano sa pamahalaan
C. Pagsunod ng mga Pilipino sa patakarang pang-edukasyon ng mga
Amerikano
D. Pinagbuti ng mga Pilipino ang pamamalakad sa pamahalaan
SAGOT: D

14. Ang Batas Hare-Hawes-Cutting at Batas Tydings-McDuffie ay mahalaga dahil
ang mga batas na ito ang nagtadhana ng:
A. Pag-iral ng pamahalaang sibil kapalit ng pamahalaang militar
B. Pagkakaroon 10 taong transisyon sa pamamahala bago ang kalayaan
C. Pagpapalit ng pinunong Pilipino sa pamunuang Amerikano
D. Pagtatatag ng Pamahalaang Rebolusyonaryo laban sa Estados Unidos
SAGOT: B

15. Ang Saligang-Batas ng 1935 ay masuring binalangkas ng mga Pilipino dahil to
ang magiging pamantayan ng Estados Unidos upang malaman kung may
kakayahan na ang Pilipino sa kasarinlan. May probisyon ang ito ay tungkol sa:
A. Kakayahan ng mga Pilipino na maipaglaban ang Pilipinas sa ilalim ng
Pamahalaang Komonwelt
B. Kasanayan ng mga Pilipino na maisulong ang sistema ng edukasyon
na itinatag sa ilalim ng Komonwelt
C. Kwalipikasyon ng mga pinuno at sistema ng pamahalaan sa ilalim ng
Pamahalaang Komonwelt
D. Pagsulong ng ekonomiya at kabuhayan ng mga Pilipino sa ilalim ng
Komonwelt
SAGOT: C

16. Pinagtibay ang Saligang-Batas ng 1935 matapos ang plebisito na sinangayunan
ng nakararaming Pilipino. Kasunod nito ay pinili ang mga delegado na
magsasagawa nito. Ipinakita ng mga Pilipino na sila ay may:
A. Kalayaan sa pagsapi sa Estados Unidos bilang opisyal na teritoryo
B. Karapatang mahalal at maghalal ng pinuno sa pamahalaan
C. Karapatang makapag-aral ang bawat Pilipino
D. Pantay na karapatan sa pakikipagkalakalan sa mga dayuhang bansa
SAGOT: B

17. Dumating sa Pilipinas ang mga Hapon noong:
A. makaalisang mga Amerikano.
B. nagsasanay sa sariling pamamahala ang mga Pilipino.
C. nagpapagawa pa ng batas pangkalayaan ang mga Pilipino.
D. nakamit na ng mga Pilipino ang ganap na paglaya sa mga Amerikano.
SAGOT: C

18. Anong relasyon ang namagitan sa Amerika at Hapon sa pagsisimula ng
ikalawang digmaang pandaigdig?
A. Matagal na silang may alitan
B. Magkaalyado o magkaibigan
C. May tiwala sa bawat isa
D. Magkalapit ang kinaroroonan
SAGOT: A

19. Saang pangkat kabilang ang mga Hapon noon?
A. Allied
B. United Nations
C. NATO
D. Axis
SAGOT: C

20. Ang tunay na layunin ng mga Hapon sa pagsakop sa Pilipinas:
A. pagsunod sa pakiusap ng mga Pilipino
B. pagtalima sa utos ng United Nations
C. pagsakop sa bansa upang patunayan na makapangyarihan sila
D. pagsunod sa kasunduan nila ng Amerika na manakop din
SAGOT: C

YUNIT IV

1. Ang unang pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas:
a. Manuel Quezon c. Manuel Roxas
b. Sergio Osmea d. Jose P. Laurel
SAGOT: C

2. Naganap noong Hulyo 4, 1946:
a. Ipinahayag ng mga Amerikano ang kalayaan ng Pilipinas.
b. Ipinahayag ang kalayaan ng Amerika.
c. Naganap ang huling halalan sa ilalim ng Komonwelt.
d. Ipinahayag ni McArthur ang pagtatatag muli ng Pamahalaang
Komonwelt sa Tacloban.
SAGOT: A

3. Nilalaman ng Treaty of General Relations:
a. Binawi at isinuko ng Amerika ang lahat ng pag-aari, pangangasiwa,
pananakupan, at kapangyarihan sa buong kapuluan ng Pilipinas
maliban sa mga base militar nila sa bansa.
b. Pagkakaloob ng Amerika ng $20 M bilang tulong sa Pilipinas upang
magamit sa pagtatayong muli ng kabuhayan ng bansa.
c. Magpapadala ng tulong teknikal ang Amerika sa bansa.
d. Ipatutupad ang malayang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
SAGOT: A

4. Ang pangunahing suliraning pangkapayapaan ng administrasyong Quirino:
a. Gerilya c. Huk
b. Militarisasyon d. Terorismo
SAGOT: C

5. Ano ang tama sa sumusunod na pahayag?
a. Puro masama ang naidulot ng Batas-Militar
b. Puro mabuti ang naidulot ng Batas-Militar
c. May mabuti at masamang naidulot ang Batas-Militar
SAGOT: C

6. Kailan nagwakas ang Batas-Militar sa Pilipinas?
a. September 21, 1972
b. Disyembre 22, 1980
c. Enero 17, 1981
SAGOT: C

7. Ano ang hindi kasama sa pangkat?
a. Pagkakaroon ng mga bagong imprastraktura.
b. Pagtaas ng presyo ng bilihin.
c. Pagdami ng Pilipinong walang trabaho.
SAGOT: A

8. Ano ang pinakatamang pahayag ukol sa pagtatapos ng Batas-Militar?
a. Kaguluhan ang dahilan kung kayat winakasan na ng Pangulong Marcos
ang Batas-Militar.
b. Maayos at mapayapa na ang bansa kayat wawakasan na ang Batas-
Militar.
SAGOT: B

9. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa halimbawa ng mga salik ng
globalisasyon?
A. malayang kalakalan
B. paglaganap ng multinational corporation
C. mga bagong buwis sa imported na produkto
D. mga bansang nagkakaisa sa APEC, AFTA at GATT
E. mga bagong pamamaraan ng transportasyon at komunikasyon
SAGOT: C

10. Alin sa mga sumusunod ang negatibong epekto ng globalisasyon sa
ekonomiya?
A. paglaganap ng ibat ibang uri ng terorismo
B. patuloy na pagdami ng maliliit na digmaan sa loob ng bansa
C. paglawak ng agwat ng mga mayayaman at mahihirap
D. pagsulpot ng mga bagong sakit katulad ng AIDS at SARS
E. paglikha ng mga bagong pamamaraan sa pagpatay ng maramihan, o mga
weapons of mass destruction
SAGOT: C

11. Ang Medium Term Philippine Development Plan ni Pangulong Joseph
Estrada ay mas kilala sa tawag na ______________.
A. Strong Republic
B. 10-point Agenda
C. Angat Pinoy 2004
D. Philippines 2000
E. Bagong Lipunan
SAGOT: C

12. Aling grupo ng mga Muslim na rebelde ang nakipagkasundo sa
pamahalaang Ramos at winakasan na ang halos ilang dekada ng
pakikipaglaban sa pamamagitan ng armadong pakikibaka?
A. National Democratic Front
B. Moro Islamic Liberation Front
C. Moro National Liberation Front
D. Reform the Armed Forces Movement
E. Hukbo ng Bayan Laban sa mga Hapon
SAGOT: C
13. Alin sa mga sumusunod na mga pangkat ang bumubuo ng mga elemento ng
estado?
A. soberenya, tao, pamahalaan at teritoryo
B. pangulo, botante, kongreso, at batas
C. lehislatura, ehekutibo, hukuman, at burukrasya
D. soberenya, kongreso, at batas
SAGOT: A

14. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa isang pangkat ng tao na pinag-isa ng
pare-parehong katangian katulad ng pinagmulang lahi, wika, kaugalian, tradisyon
at paniniwala?
A. estado
B. nasyon
C. pamahalaan
D. bayan
SAGOT: B

15. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa elemento ng estado na siyang
nagiging ahensya ng pagpapatibay, paghihiwatig at pagsasakatuparan ng mga
mithiin nito?
A. pulisya
B. ehekutibo/ tagapagpaganap
C. lehislatibo/ tagapagbatas
D. pamahalaan
SAGOT: D

16. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa isang kalipunan ng mga patakaran at
prinsipyong nagbibigay soberenya sa isang bansa at naglalaman ng ibat ibang
kapangyarihan ng pamahalaan?
A. Universal Declaration of Human Rights
B. Kodigo Sibil
C. Saligang Batas
D. Batas Kriminal
SAGOT: C

17. Ang pinuno ng sangay ng tagapagpaganap:
A. Pangalawang Pangulo
B. Pangulo
C. Gabinete
D. Senador
SAGOT: A

18. Itinatakda ng pangulo upang tumulong sa maayos pangangasiwa
ng pamahalaan:
A. Senador
B. Kongreso
C. Pangalawang Pangulo
D. Gabinete
SAGOT: D

19. Pinuno ng Kataastaasang Hukuman:
A. Presidente ng Senado
B. Ispiker ng Kapulungan
C. Punong Mahistrado
D. Gabinete
SAGOT: C

20. Paraan ng pagpili ng Pangulo at Pangalawang Pangulo:
A. Halalang Nasyonal
B. Pagtaas ng kamay
C. Pagpili ng mga kinatawan
D. Pagtatalaga ng Punong Mahistrado SAGOT: A

You might also like