Pangalan: VIRGINIA S. BERNABE Kurso at Taon: BEED-IV Asignatura: PANUNURING PANITIKAN Instruktor: GNG. SOLEDAD PERALTA
KALIGIRANG KASAYSAYAN Nagsimula ang panitikan ng mga tao ng sinakop at nanatili ang mga Kastila sa Pilipinas. Tinangkilik ng mga tao ang relihiyong Katoliko at nagpalit sila ng pangalan at nagpabinyag. Natuto ang mga tao na magdiwang ng mga kapistahan bilang parangal sa mga santo, Papa at gobernador. Ang dating diwang makarelihiyon ay napalitan ng damdaming mapanghimagsik. Ang nagging paksa ng panitikan sa panahong ito ay pawing pagtuligsa sa pamahalaan at simbahan, at pag-udyok sa mga Pilipino na magising at magkaisa upang matamo ang minimithing kalayaan. MGA IMPLUWENSYA NG KASTILA SA PANITIKANG PILIPINO
1. Ang Alibata na ipinagmamalaking kauna-unahang abakadang Filipino na nahalinhan ng alpabetong Romano. 2. Ang pagkakaturo ng Doctrina Cristiana na kinasasaligan ng mga gawang makarelihiyon. 3. Ang wikang Kastila na nagging wika ng Panitikan nang panahong yaon. Marami sa mga salitang ito ang nagging bahagi ng wikang Filipino. 4. Ang pagkakadala ng mga alamat ng Europa at tradisyong Europeo rito na nagging bahagi ng Panitikang Filipino tulad ng awit, corido, moro-moro, atbp. 5. And pagkakasinop at pagkakasalin ng makalumang panitikan sa Tagalog at sa ibang wikain. 6. Ang pagkakalathala ng ibat-ibang aklat pambalarila sa wikaing Filipino tulad sa Tagalog, Ilokano at Bisaya. 7. Ang pagkakaroon ng makarelihiyong himig ng mga lathalain ng mga panahong yaon.
MGA UNANG AKLAT 1. Ang Doctrina Cristiana ang kauna-unahang aklat na nalimbag sa Pilipinas noog 1593, sa pamamagitan ng silograpiko. Ito ay naglalaman ng maraming bagay tulad ng Sampung Utos ng Diyos, Katesismo atbp. 2. Nuestra Seora del Rosario ang ikalawang aklat na nalimbag sa Pamantasan ng Sto. Tomas. Naglalaman ito ng talambuhay ng mga santo, nobena at mga tanong at sagot sa relihiyon. 3. Ang Barlaan at Josaphat ang ikatlong aklat at kauna-unahang nobelang napalimbag sa Pilipinas. 4. Ang Pasyon ay isang naratibong tula tungkol sa buhay ni Kristo, mula kapanganakan hanggang sa muli nitong pagkabuhay. Bawat saknong ay may limang linya. Bawat linya ay may walong pantig. 5. Ang Urbana at Felisa ang aklat na sinulat ni Modesto de Castro, and Ama ng Klasikang Tuluyanan sa Tagalog. Pawing tungkol sa kabutihang-asal ang nilalaman ng aklat at malaking impluwensya nito sa kaugaliang panlipunan ng mga Pilipino. MGA DULANG PANLIBANGAN 1. TIBAG Itoy nagpapakita at pagpapaalala ng paghahanap ni Sta. Elena sa kinamatayang krus ni Hesus sa pamamagitan ng pagtitibag ng bunduk-bundukan. 2. SINAKULO Pagtatanghal ito na tungkol sa buhay at pagpapakasakit ni Hesus. 3. PANUNULUYAN - Itoy isinasagawa bago mag-alas dose ng gabi ng kapaskuhan. Tungkol ito sa paghahanap ng matutuluyan ni Maria at Joseph upang iluwal ang sanggol na si Hesus. 4. PANABONG Isang mahabang tulang nagpaparangal sa isang may kaarawan o kapistahan. 5. KARILYO - Ito ay kilala sa tawag na Puppet show sa Ingles. 6. MORO-MORO Itoy itinatanghal sa araw ng pista ng bayan o nayon para magdulot ng aliw sa tao at lagging ipaalala sa mga ito ang kabutihan ng relihiyon Kristiyano. Itoy may harit reyna at mandirigmang kawal. 7. KARAGATAN - Itoy batay sa alamat ng singsing ng isang prinsesa na naihulog niya sa dagat sa hangaring mapangasawa ang kasintahan mahirap. Hinamon niya ang mga binatang may gusto sa kanya na sisirin sa dagat at ang makakuhay pakakasalan niya. 8. DUPLO Ito ang humalili sa karagatan. Itoy paligsahan ng husay sa pagbigkas at pangangatwiran na patula na hango sa Bibliya, sawikain at kasabihan. 9. KURIDO Ang salitang corrido (baybay sa Kastila) ay nangangahulugang kasalukuyang mga balita (current events) sa mga Mehikano. Nagsasalaysay ito ng katapangan, kabayanihan at pananampalataya ng mga tauhan. Bawat taludtod ay may 8 pantig. 10. SAYNETE Itoy naglalahad sa kaugalian ng isang lahi o katutubo sa kaniyang pamumuhay, pangingibig at pakikipagkapwa. 11. SARSUELA Itoy isang melodrama o dulang musical na tatatluhing yugto. Ang paksa ay tungkol sa pag-ibig, paghihiganti, panibugho, pagkasuklam at pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino.