Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Kabanata IV

Pansinin ang mga sumusunod na dayalog dahil ang mga sumusunod ay ang mismong
mga resulta ng mga impormasyon na nakuha mula sa mga respondente. Sa pag-aaral na
ito. Natuklasan ang mga sumusunod na datos at impormasyon:

GRAP 1
“Ang distribusyon ng mga respondante ayon kursong kanilang kinukuha”

Sa grap na ito makikita na 15 sa mga respondante ay kumukuha ng


MARE (Marine Engineering). Pumapangalawa ay ang COE(College Of Education)
na merong 9 na respondente. Pangatlo ay ang kursong CPE na merong 7 respondante.
6 sa BSA, 5 sa FMA, 4 sa CE, Tatlong respondante sa ME at ang huli ay ang ECE na
meron lamang iisang Respondante.

Ang iba sa mga respondante na aming pinasagutan ng surbey ay aming


mga kakilala at kaibigan. Gusto man sana naming na pasagutan ito sa ibang estudyante
ngunit hindi nila kami pinansin at ang iba naman ay tumanggi itong sagutan.
GRAP 2
“Ang distribusyon ng mga respondante ayon kanilang mga edad”

 Edad

Sa Grap makikita na ang pinaka-madami na aming pinagtanungan


ay may Edad na 17. Ang Sumusunod dito ay 10 na respondante na may edad na 18 anyos.
Sumusunod naman ang edad na 21 na merong 6 na respondante. Sa Edad na 16, 19 at 20
naman merong 5 respondante bawat isa. Ang huli ay nga edad na 22 anyos na merong 4.
Wala naman kaming natanungan na respondante na nasa 23 anyos pataas.

Ang naging problema sa pag-aalam naming sa kanilang edad ay


napakalaki, dahil ang iba sa mga respondante ay hindi sinasabi ang tunay nilang mga
edad. Ang iba naman dito ay madalas na sinasabi na “Hulaan mo?”. Dahil dito, Ang iba
sa mga respondante na hindi sinabi ang kanilang edad ay amin na lamang itinanong sa
aming kaibigan na impormante.
GRAP 3
“Ang distribusyon ng mga respondante ayon Kasarian”

Sa Grap na ito makikita na 29 ng mga respondante ay lalaki habang 21


naman dito ay mga babae. Ang iba sa aming pinasagutan n gaming surbey ay
Homoseksuwal o ang tinatawag nating mga “Tomboy” at “Bakla” dito naming
pinagpasyahan na ilagay na lamang sila sa tunay nilang mga kasarian. Ang “Tomboy” sa
babae at ang bakla naman sa lalake

Sa unang kita, makikita na talgang madami ang Lalake na aming


napagtanungan kaysa sa babae na meron lamang 21 na respondante. Ito ay dahil, kung
babalikan mo ang GRAP 1, Makikita mo dito na 15 sa mga respondante ay kumukuha ng
kursong MARE (Marine Engineering). Dahil halos 97% nang mga MARE students na
nag-aaral sa TIP ay mga lalake. Kaya 15 sa mga respondanteng aming pinag-tanungan ay
mga lalake.
“Ang Resulta ng aming Surbey”

Teybol 1. Nagbabasa sa lugar na maraming tao at magulo

OO Hindi
16 34
Sa mga respondante, 16 sa kanila ang nagsasabing nagbabasa sila sa
lugar na maraming tao at magulo habang 34 naman dito ang nagsasabing nagbabasa sila
sa mga lugar na tahimik at kakaonti lamang ang tao.

Teybol 2. Nagbabasa sa umaandar na sasakyan

OO Hindi
29 21
Sa mga respondante, 29 sa kanila ang nagsasabi na nagbabasa sila sa
umaandar sa sasakyan. Ang iba sa aming respondante ay nagsabi na kaya sila nagbabasa
sa sasakyan ay para makapagreview sa kanilang pagsusulit. Ang 21 naman sa mga
respondante ay sumagot ng hindi. Sa kadahilanan na hindi sila makapagbasa ng mabuti
dahil sa tugtog at ingay sa kanilang paligid. Ang iba naman ay nagsabi na lalabo ang
iyong mata kung ito’y iyong gagawin.

Teybol 3. Pumipili ng pwesto kung saan ay kumportable


OO Hindi
50 0

Lahat ng mga respondante ay sumagot ng OO. Alam naman natin na


dapat tayong magbasa kung saan tayo kumportable, Nakaupo man o Nakatayo. Pero sa
mga respondante sa amin ang nagsabi na, Kung minsan siya ay nagbabasang nakatayo sa
kadahilanan na ang kaniyang lugar na pinagbabasahan ay walang mauupuan.

Teybol 4. Bumabasa sa pamamagitan ng mata lamang


OO Hindi
40 10

40 sa aming mga respondante ay nagsagot ng OO, habang 10 naman


dito ang Hindi. Sinasabi ng iba sa mga respondante na sumagot ng OO na masmaganda
kung magbabasa ka lamang gamit ang mata, Dahil daw kung kasama pati bibig sa
pagbabasa, Madidisturbo mo ang iyong mga katabi. Ang Banat naman ng mga nagsagot
ng Hindi ay masmaiitindihan mo daw ang iyong binabasa kung ito’y iyong sinasalita
habang nagbabasa.
Teybol 5. Gumagamit ng darili bilang pantulong sa pagbasa.
OO Hindi
18 32
18 sa aming respondante ay ginagamit ang kanilang darili upang
tulungan silang magbasa. Habang 32 naman ang Hindi. Ang sinabi ng 3 sa aming
respondante ay masmaganda daw ang pagbabasa na ginagabayan ng iyong darili dahil
masmadali mong malalaman ang pagkasunod-sunod ng mga pangungusap na iyong
binabasa. Ang iba naman sa nagsagot ng Hindi ay sinasabing dahil masmabilis kang
makakabasa kung hindi ka gagamit ng darili sa pagbabasa.

Teybol 6. Sumusunod ang ulo sa bawat binabasa (pakaliwa, pakanan)


OO Hindi
17 33
Sa mga respondante, 17 sa kanila ang nagsabi na sumusunod ang
kanilang ulo tuwing sila ay nagbabasa. Ito daw ay kung malaki man ang librong iyong
binabasa, Halimbawa ay kung nagbabasa ka ng Diksyonaryong makapal. 33 naman sa
dito ang nagsagot ng Hindi, sa kadahilanan na panget daw sa paningin kung ikaw ay
magbabasa habang sumusunod ang iyong ulo.

Teybol 7. Inuunawa ng mabuti ang binabasa


OO Hindi
42 8
42 sa aming respondante ang nagsagot ng OO, habang 8 naman dito
ang nagsagot ng Hindi. Ang ibang nagsagot ng OO ay nagsasabi na “bale wala ang iyong
pagbabasa kung hindi mo naman iintindihin” ang sabi naman ng isa sa aming kagrupo ay
nagsabing “diba ito’y parang Reading without comprehension, Is like Eating without
Digestion. Tama ba?”. At tama ang kanilang mga sinabi dahil bale wala naman talga
kung ito’y hindi mo iintindihin.

Teybol 8. Pumipili ng babasahin sa wikang alam at mauunawaan.


OO Hindi
40 10
40 sa aming mga respondante ang nagnagsagot ng OO habang 10
naman ang sumagot ng Hindi.

Teybol 9. Bumabasa ng matulin ngunit may pag-uunawa


OO Hindi
37 13
37 sa aming mga respondante ay nagsagot ng OO habang 13
naman ang nagsagot ng Hindi

Teybol 10. Nagkakaroon ng positibong pananaw kahit ito ay di ganoong interisado.


OO Hindi
44 5
44 sa mga respondante ang sumagot ng OO habang 5 naman sa hindi.
Bibliyograpiya

*Mga Aklat*

Alcaraz, Cid, V. et-al. Komunikasyon sa larangang Akademiko. Quezon


City Lorimar Publishing Inc. 2005.

Buss, Kathleen & Lee Karnowski, Reading and Writing Nonfiction Genres.
Chicago; The university of chicago Press, 2002.

Campbell, William G. Form and styles in Thesis Writing, Boston; Houston


Mifflin Co, Inc, 1969.

Constantino, Pamela C. at Monico M. Atienza, eds. Mga Piling Diskurso sa


Wika at Lipunan. Quezon City; University of the Philippines Press, 1996.

Pamantasang Normal ng Pilipinas (PNU) at Pambansang komisyon sa


kultura at mga sining (NCAA). Humanidades I-mga Modyul para sa
Edukasyong pang-guro. Manila; PNU Press, Septyenbre 2002.

Benales, Rolando A. 2002. Bukal 4: Pagbasa sa San Mateo, Rizal: Vicente


Publishing House

Rakandupil C. Garcia, Norma R. Obesamis, Joey M. Villanueva, Almorato


I. Cabrera Jr. Regina G. Jara at Petra S. Armos, 2002. Komunikasyon sa
makabagong pilipino.

Francisca G. Ril, Patrocinio V. Villafuerte, Dr. Lydia P. Lalunio :


Hiyas sa Pagbasa : Nov. 19 2007. FreakyRap
Rationale

Pinili namin ang paksang pagbabasa upang malamanang mga


pamamaraan o istilo ng mga mag-aaral sa Technological Institute of the
Philippines (Quezon City Campus) tungo sa wasto at maayos na pagbabasa.

Layunin

Ang Layunin ng aming sinasaliksik ay maihatid sa mga mag-aaral


ang mga paraan sa pagbabasa at kung paano madaling maunawaan ang
kanilang mga binabasa nang sa ganon ay makuha nila ang tamang
impormasyon o datos na kanilang hinahanap.

Pamamaraan

Ang mga paraan na aming gagamitin sa pangangalap ng


impormasyon ay pagsusurbey na kung saan ay mamimigay kami ng mga
katanungan na nakasulat sa isang papel. Upang malaman ang mga
pamamaraan ng mga estudyante sa TIP. Isa pa sa aming ginamit sa
pangangalap ng impormasyon ay ang pagkuha ng mga datos mula sa mga
aklat.
Kabanata V

Lagom

Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatala upang malaman ang teknik, paraan o
istilo ng mga mag-aaral ng TIP QC tungo sa mabilis mapanuri at tahimik na pagbabasa.

Gamit ang disenyong Deskriptib-Analitik, kami na mga mananaliksik ay


nagdisenyo ng surbey kwestyoner na pinasagutan sa limangpung mag-aaral na kumukuha
ng iba’t-ibang kurso sa paaralan ng TIP QC.

Konklusyon

Batay sa mga inilahad ng datos ang mga mananalikisik ay humantong sa kongklusyon.

a. Nawawalan na ng interest ang marami sa pagbasa ng aklat dahilan sa pagkalat ng


modernong Teknolohiya ngayon.
b. Sa ngayon ang pagkokompyuter ang libangan ng marami, ito ay isang dahilan upang
bumaba ang mga mag-aaral na nagbabasa ng mga aklat.
c. Hindi ganoong sapat ang mga nalalaman ng mga mag-aaral sa TIP QC. Dahilan na
rin sa mga nakakadistrak na pangangailangan.
d. Hingil na mag-aralan nagiging interesado lang sila sa pagbabasa kung ito ay may
kaugnay sa kanilang kursong kinukuha.
e. Gaya ng pagkakaroon ng syota at pagkahumaling sa barkada. Ito rin ay isa sa mga
dahilan upang mawalan ng interest ang mga mag-aaral sa pagbabasa.

Rekomendasyon

a. Para sa pamahalaan, maglimbag ng mga aklat na may sapat na impormasyon nang


saganon ay malaman ng wasto ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng
pagbabasa.
b. Para sa mga administrador ng mga paaralan. Magsagawa ng mga seminar sa
dadaluhan ng c. kanilang mga guro at bigyan ng higit na pansin ang kanilang
kasanayan at kaalaman hinggil sa pagbabasa.
c. Para sa professor sa bawat kolehiyo, lalo na sa mga asignaturang may kinalaman sa
iba’t
d. ibang kurso naway maging instrumento sila sa pagpapalaganap ng impromasyon
tungo sa maayos na pagbabasa.
e. Para sa mga mag-aaral mas palawakin pa ang inyong kaalaman sa pagbabasa nang sa
ganun ay hindi tayo mahuli sa mga impormasyon na dapat nating malaman
f. Para sa ibang pang mananaliksik, nawa’y pagpatuloy ang pagsisikap ng sa ganun ay
malaman ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagbabasa
Apendiks A

I. PAGBASA
A. Ang pagbasa ay proseso ng pag-unawa sa mga mensaheng nais
ibahagi ng may-akda sa babasahing kanyang isinulat.
B. Ang pagbasa sa nakararami ay isang paraan upang ikaw ay matuto.
At ito rin daw ay isang paraan upang malaman ang ibig ipahiwatig
ng tagasulat.
C. Dito matututunan ng mga mambabasa ang ibig ipahiwatig ng
manunulat. Malaki ang epekto ng pagbabasa sa nakararami dahil dito
sila natututo.
D. Ang epekto nito sa estudyante ay madali nilang matututunan ang
kanilang pinag-aaralan.

II. MGA PAMAMARAAN SA PAGBASA


A. Mga gawaing Pisikal
1. Maeenganyo ka magbasa kung ang libro o akda na iyong
binabasa ay na-pupukaw nito ang iyong interest.

III. Epekto ng pagkahapo sa isang mag-aaral


A. Ang epekto ng pagbabasa sa eskuwelahan ay madali ng maituturo ng
guro ang kanyang mga lektur kung nabasa ng mga estudyante.
B. Ang epekto naman nito sa pangangatawan ay isa ring abala. Dahil
baka sa iyong patuloy na pagbabasa, Ikaw ay na aaliw, dahil dito
hindi mo na mapapansin na ikaw pala ay gutom na.
Apendiks B

HALIMBAWA NG TALATANUNGANG GINAMIT UPANG MAKAPANGALAP


NG DATOS

Magandang araw! Kami ay isang grupo ng mga mananaliksik mula sa pangkat ng mga
MARE students, Technological Institute of the Philippines na nagsasagawa ng isang
sarbey para sa aming pamanahong papel sa paksang “Tahimik na Pagbabasa”
Hinihiling po namin ang inyong kooperasyon at matapat na pagsagot ng talatanungang
ito. Maraming salamat po!

Pangalan:__________________________ Kurso:_________
Kasarian:________ Edad:_____

OO Hindi
1. Nagbabasa sa lugar na maraming tao at magulo

2. Nagbabasa sa umaandar na sasakyan

3. Pumipili ng pwesto kung saan ay kumportable

4. Bumabasa sa pamamagitan ng mata lamang

5. Gumagamit ng daliri bilang pantulong sa pagbasa

6. Sumusunod ang ulo sa bawat binabasa (pakaliwa, pakanan)

7. Inuunawa ng mabuti ang binabasa.

8. Pumipili ng babasahin sa wikang alam at nauunawaan.

9. Bumabasa ng matulin ngunit may pag-unawa

10. Nag-kakaroon ng positibong pananaw, pagsisikap na maunawaan


ang
Binabasa kahit ito ay di gaanong tumutugon sa iyong interes.

You might also like