katapusang hibik ng pilipinas ni: Andres Bonifacio I Sumikat na Ina sa sinisilangan ang araw ng poot ng Katagalugan, tatlong daang taong aming iningatan sa dagat ng dusa ng karalitaan. II Walang isinuhay kaming iyong anak sa bagyong masasal ng dalita't hirap; iisa ang puso nitong Pilipinas at ikaw ay di na Ina naming lahat. III Sa kapuwa Ina'y wala kang kaparis... ang layaw ng anak: dalita't pasakit; pag nagpatirapang sa iyo'y humibik, lunas na gamot mo ay kasakit-sakit. IV Gapusing mahigpit ang mga Tagalog, hinain sa sikad, kulata at suntok, makinahi't biting parang isang hayop; ito baga, Ina, ang iyong pag-irog? V Ipabilanggo mo't sa dagat itapon; barilin, lasunin, nang kami'y malipol. Sa aming Tagalog, ito baga'y hatol Inang mahabagin, sa lahat ng kampon? VI Aming tinitiis hanggang sa mamatay; bangkay nang mistula'y ayaw pang tigilan, kaya kung ihulog sa mga libingan, linsad na ang buto't lumuray ang laman. VII Wala nang namamana itong Pilipinas na layaw sa Ina kundi pawang hirap; tiis ay pasulong, patente'y nagkalat, rekargo't impuwesto'y nagsala-salabat. VIII Sarisaring silo sa ami'y inisip, kasabay ng utos na tuparing pilit, may sa alumbrado---kaya kaming tikis, kahit isang ilaw ay walang masilip.
IX
Ang lupa at buhay na tinatahanan, bukid at tubigang kalawak-lawakan, at gayon din pati ng mga halaman, sa paring Kastila ay binubuwisan. X Bukod pa sa rito'y ang mga iba pa, huwag nang saysayin, O Inang Espanya, sunod kaming lahat hanggang may hininga, Tagalog di'y siyang minamasama pa. XI Ikaw nga, O Inang pabaya't sukaban, kami'y di na iyo saan man humanggan, ihanda mo, Ina, ang paglilibingan sa mawawakawak na maraming bangkay. XII Sa sangmaliwanag ngayon ay sasabog ang barila't kanyong katulad ay kulog, ang sigwang masasal sa dugong aagos ng kanilang bala na magpapamook. XIII Di na kailangan sa iyo ng awa ng mga Tagalog, O Inang kuhila, paraiso namin ang kami'y mapuksa, langit mo naman ang kami'y madusta. XIV Paalam na Ina, itong Pilipinas, paalam na Ina, itong nasa hirap, paalam, paalam, Inang walang habag, paalam na ngayon, katapusang tawag.
HULING PAALAM
ni: Dr. Jose P. Rizal
Pinipintuho kong Bayan ay paalam, Lupang iniirog ng sikat ng araw, mutyang mahalaga sa dagat Silangan, kaluwalhatiang sa ami'y pumanaw.
Ako'y mamamatay, ngayong namamalas na sa Silanganan ay namamanaag yaong maligayang araw na sisikat sa likod ng luksang nagtabing na ulap.
Ang aking adhika sapul magkaisip noong kasalukuyang bata pang maliit, ay ang tanghaling ka at minsang masilip sa dagat Silangan hiyas na marikit.
Sa kabuhayan ko ang laging gunita maningas na aking ninanasa-nasa ay guminhawa ka ang hiyas ng diwa paghingang papanaw ngayong biglang-bigla.
Kung sa libingan ko'y tumubong mamalas sa malagong damo mahinhing bulaklak, sa mga labi mo'y mangyayaring ilapat, sa kaluluwa ko halik ay igawad.
Bayaang ang buwan sa aki'y ititig ang liwanag niyang lamlam at tahimik, liwayway bayaang sa aki'y ihatid magalaw na sinag at hanging hagibis.
Bayaan ang ningas ng sikat ng araw ula'y pasingawin noong kainitan, magbalik sa langit ng buong dalisay kalakip ng aking pagdaing na hiyaw.
Bayaang sino man sa katotong giliw tangisang maagang sa buhay pagkitil; kung tungkol sa akin ay may manalangin idalangin, Bayan, yaring pagkahimbing.
Ang mga balo't pinapangulila, ang mga bilanggong nagsisipagdusa; dalanginin namang kanilang makita ang kalayaan mong ikagiginhawa.
Bayang iniirog, sakit niyaring hirap, Katagalugan kong pinakaliliyag, dinggin mo ang aking pagpapahimakas; diya'y iiwan ko sa iyo ang lahat.
Ako'y patutungo sa walang busabos, walang umiinis at berdugong hayop; pananalig doo'y di nakasasalot, si Bathala lamang dooy haring lubos.
Paalam, magulang at mga kapatid kapilas ng aking kaluluwa't dibdib mga kaibigan, bata pang maliit, sa aking tahanan di na masisilip.
Pagpapasalamat at napahinga rin, paalam estrangherang kasuyo ko't aliw, paalam sa inyo, mga ginigiliw; mamatay ay siyang pagkakagupiling!
ANG BUHAY NG TAO ni: Jose Corazon De Jesus
Inakay na munting naligaw sa gubat ang hinahanap koy ang sariling pugad ang dating pugad ko noong mapagmalas nang upuan ko na ang laman ay alias.
O ganito pala itong daigdigan marami ang sama kaysa kabutihan kung hahanapin mo ang iyong kaaway huwag kang lalayot katabi mo lamang.
Akoy parang bato na ibinalibag Ang buong akalay sa langit aakyat Nang sa himpapawid akoy mapataas ay bigat ko na rin ang siyang naglagpak.
Mahirap nga palang ang gawang mabuhay sarili mong bigat ay pinaninimbangan kung ikay mabuti kinaiingitan kung ikawy masama kinapopootan.
At gaya ng isang Malaya sa turing ang langit at lupay naiinggit sa akin subalit sa isang mumo lang ng kanin akoy nabingwit nat yaon palay pain.
At sa pagkabigoy nag-aral na akong mangilag sa mga patibong sa mundo kahit sa pagtulog huwag pasigurot bangungot may siyang papatay sa iyo.
Ang buhay ng tao ay parang kandila habang umiikli, namamatak ang luha buhat sa pagsilang hanggang sa pagtanda ang luksang libingay laging nakahanda.
Ang palad ay parang turumpong mabilog lupay hinuhukay sa iinog-inog subalit kung di ka babago ng kilos sa hinukayan mo doon mahuhulog.
ang ina sa anak
ni: Benigno Zamora
Isang munting batang payat at may-sakit Ang di mapalagay sa hihigang banig; Naroong ang matay idilat, ipikit, O kayay umiyak sa paghihinagpis.
Sa dakong ulunay naroon ang ina Na luluha-luhat lalo pang balisa; Sa tanip ng dibdib na kakaba-kaba, Kasamay malalim nabuntung-hininga.
Noong maysakit, kung minsay tutupin, Kung minsay hahagkan nang buong panimdim; gagaling ka, anak; ikaw ay gagaling,
Ang bulong ng inang sa bunsoy pang-aliw. Malamlam na titig at tuyot na ngiti, Sa alo ng ina ay nagiging sukli; Mga hirap man diy sadyang tinitimpi
Ibig ay mabuhay ang ina ang sanhi. Walang anu-ano, at parang himala, Ang anak na bunsoy nakapagsalita; Nanay, ako nga bay di na malubha?...
Paggaling ko bagay tayoy maghahanda di ka maano minumutyang anak, Ilang araw lamang at ikaw ay lalakas Ang wika ng inang luhay nalaglag
Dahil sa matinding awat pagkahabag. Ang ating hininga, oh, anak kong hirang, Ay iisang hiblang nakabuhol lamang; Kapag ang buhaymoy napugtot pumanaw, Ang idurugtong koy sarili kong buhay
Himno Nacional Filipina ni: Jose Palma
Lupang pinipintuho Anak ng Araw ng Silangan Ang apoy niyang naglilingas Ay tumitibok sa iyo.
Bayan ng mga Pag-ibig Duyan ng kabayanihan Ang manloloob Ay di makayuyurak sa iyo kailanman
Sa bughaw mong langit, sa mga ulap mo, sa iyong mga bundok at sa dagat mo kumikinang at tumitibok ang tulain, Nang itinatangi mong kalayaan.
Ang watawat mong sa mga paghahamok Ang tinanglawan ng tagumpay, Ay di makikitang pagdimlan kailanman Ng mga bituin mot ng iyong araw.
Lupa ng ligaya, ng liwanag at mga pag-ibig Sa kanlungan moy kay-tamis mabuhay; Ikinaluluwalhati ng iyong mga anak, Na kapat inapi koy mamatay dahil sa iyo.