Pinagmulan NG Wika

You might also like

Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pinagmulan ng wika

Isang unibersal na katangian ng tao ang pagkakaroon ng sariling wika bagamat wal
ang nakakaalam kung paano ito nagsimula. Ang mga linggwista na siyang nag-aral a
t nagsuri sa mga wika ay nakahanap ng mga teorya na maaaring magpaliwanag sa pin
agmulan ng wika.
Mga Teorya Tungkol sa Pinagmulan ng Wika
1)Teorya ng Tore ng Babel- sa simulay iisa ang wika ng lahat g tao sa daigdig.
Nagpalipat-lipat sila ng lugar hanggang nagawi sila sa silangan sa isang kapatag
an
sa Sinar. Dito sila huminto at nagkaisa ang mga tao na gumawa ng maraming tisa
at niluto itong mabuti para maging matibay. Tisa ang ginagamit nilang bato at
alkitran ang kanilang semento. Ang sabi ng mga tao, Ngayoy magtayo tayo ng isang
lungsod na may toreng abot sa langit upang mapantayag tayo at huwag ng magkawata
k-watak.
Bumaba si Yahweh upang tingnan ang lunsod at ang toreng itinatayo ng mga tao.
Sinabi niya, Ngayon ay nagkakaisa silang lahat dahil sa iisa ang kanilang wika.
Pasimula pa lamang ito ng anumang kanilang maibigan. Ang mabutiy puntahan natin
at guluhin ang kanilang wika upang huwag silang magkaunawaan. At pinaghiwa-hiwal
ay
ni Yahweh ang mga tao sa buong daigdig kaya natigil ang pagtayo ng lungsod. Bab
el ang
itinawag nila sa lungos na iyon sapagkat dooy ginulo ni Yahweh ag wika ng mga ta
o.
(Sipi sa: Magandang Balita para sa ating Panahon (11:1-9)
2)Teoryang Bow-wow- Sinasabi sa teoryang ito na ang unang wikang natutuhan ng ta
o ay
nagmula sa panggayagaya ng mga tunog na nililikha ng mga hayop gaya ng tahol ng
aso,huni ng ibon, tilaok ng manok at iba pa. Bunga ito ng kakulangan ng kaalaman

ng mga primitibong tao kaya kahit papaano, nakatulong ang mga tunog na naririnig

mula sa ibat ibang hayop sa paglikha ng sarili nilang wika.
3)Teoryang Ding-dong- Maliban sa tunog ng hayop, ang mga tunog ng mga bagay baga
y
sa ating kapaligiran na pinaniniwalaang may sariling tunog, gaya halimbawa ng
pagtunog ng kampana, ay nakatulong din sa mga sinaunang tao sa paglikha ng wika.
Ang tunog ng kampana ay nagbabadya ng ibat ibang mensaheng nais iparating sa mga
nakikinig.
4)Teoryang Pooh-pooh- Batay sa teoryang ito, ang unang mga salita na namutawi sa
bibig
ng mga sinaunang tao ay mga salitang nagsasaad ng matinding damdamin o bunga ng
silakbo
ng damdamin gaya ng pagkatakot, sakit, labis na katuwaan o kalungkutan, at pagk
abigla.
Hindi sinasadyang nakakabigkas ng salita o kataga ang tao kapag silay nagugulat,
nabibigla o natatakot.
5)Teoryang Yo-he-ho- Isinasaad sa teoryang ito na ang wika ay nagsimula sa inday
og ng
awitin ng mga taong nagtatrabaho nang sama-sama.
6)Teoryang Yum-yum- Ipinahahayag sa teoryang ito na ang wika ay nagmula sa pagku
mpas ng maestro
ng musika at sa bawat kumpas na kanyang ginagawa ay lumalabas sa kanyang labi a
ng ga nasabing
tunog hanggang itoy ganap na isang wika.

You might also like