Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2200

Thank you for downloading the official text Version of Marrying the Casanova (Version 1.

0)


This text Version can ONLY be downloaded from 4shared.com and Mediafire.com. Any other source is
unauthorized, therefore considered ILLEGAL distribution. Please report any website posting this story
elsewhere outside wattpad.com.

Wattpad Username: loveorhatethisgurl

This is the first version released on February 26, 2013. This may still be subject to change
(spelling/grammar revisions, minor inconsistency changes), but plot will be the same. I would appreciate
it greatly if you would notify me of any error, no matter how small or minute.

Thank You and Happy Reading!

-The Author



This is a complete fictional story from the events to the characters. Any similarities to real life events, or
any other form of entity, living and dead or in any other state of existence, are purely coincidental. The
author cannot and will not be held accountable for such similarities or any other parallels that are
imagined and/or drawn by you, the reader, between the fictional work and real life events.




Copyrigt 2012 loveorhatethisgurl. All rights reserved.





Unless otherwise indicated, all materials on these pages are copyrighted by the loveorhatethisgurl. All
rights reserved. No part of these pages, either text or image may be used for any purpose other than
personal use. Therefore, reproduction, modification, storage in a retrieval system or retransmission, in
any form or by any means, electronic, mechanical or otherwise, for reasons other than personal use, is
strictly prohibited without prior written permission.



PLEASE!!!! Don't Copy the story and post it on other sites under your name. Give some respect to the
author.


Marrying the Casanova

PROLOGUE



I am Maybelline Mia Park. Actually hindi ko alam kung bakit Maybelline ang unang pangalan ko, siguro
big fan ang Mommy ko ng Maybelline make-up o baka naman uso talaga ang Maybelline products o di
kaya wala lang talagang ibang maisip ang parents ko ng magandang pangalan.



I really hate being called Maybelline dahil hindi naman ako mukhanag lipstick o face powder o
eyeshadow o kung ano ano pa mang make-up na meron sila.



Kung tinatanong ng iba ang pangalan ko, sinasabi ko lang Mia Park. Short and decent.



I am the epitome of clumsiness.



Kahit ano ang gawin ko hindi ako ume-excel.



Kahit saan ako magpunta palagi akong nadidisgrasya.



Not actually disgrasya katulad ng nasagasaan o kaya nahulog sa building.



Sa awa ng Panginoon hindi pa nangyari sakin ang ganun ka lalang sakuna.



Maliit na disgrasya lang naman kagaya ng nadudulas, nahuhulog sa canal, mabuhusan ng tubig,
natapunan ng pagkain.



Can you still consider it small accidents?



Kakambal ko na siguro ang .malas'. Sanay nadin naman ako sa mga hindi magandang nangyayari sa'kin
sa pang araw-araw.



Uggh!!



..but so much for that.



Ever since nakita tong si Mr. Handsome and Mr. Hot sa mall nong gumala kami with my friends, hindi na
ako napakali kaya hinanap ko talaga siya. Sinuyod ko ang buong town para lang malaman kung anong
pangalan niya, san siya nakatira at sang school siya pumapasok.



Well, di naman ako nabigo at nalaman ko din ang mga impormasyong gusto kong malaman. Then guess
what?



I transferred to livingstone Univeristy kung san siya nag-aaral ofcourse with my friends. Hindi naman din
kasi sila magpapaiwan.



I did everything para lang mapansin niya ako. Gusto kong makita niya ako as an epitome of gracefulness
but it was the other way around.



Susuko nasanaako ng malaman ko na naka arrange na pala ang marriage ko with a stranger.



Pero nabuhayan ulit ako ng loob pagkatapos kong malaman na ang stranger pala na tinutukoy ng
parents ko ay ang ultimate crush ko na si Kevin Choi.



and then with just a blink of an eye..



I'm Marrying the Casanova.



Arrange marriage ba ang sagot sa lahat ng mga pinapangarap ko?




Chapter 1: First Meeting



Mia, lets eat first nagugutom na ako.



Pagrereklamo ni Aya sakin. Kakarating lang namin ng mall pero pagkain na agad iyong nasa isipan niya.
Tatlo kaming magkakaibigan at si Aya ang pinakamatakaw sa lahat. Nagtataka nga ako kung bakit hindi
siya tumataba kahit lamon siya ng lamon. Ang sexy parin ng katawan niya.



Youre really a B Aya.



Panunukso naman ni May kay Aya.



Kung napapansin niyo lahat kami three letters lang ang bumubuo sa pangalan namin. Mia, Aya ang May.
Kaya nga three girls ang pangalan ng grupo namin.



Hindi ako baboy May so shut up.



Relax Aya. Manood na muna tayo ng movie.



Pagsusuggest ko sa kanya.



Well, if ayaw niyong kumain eh di huwag. Ako nalang ang kakain.



Tapos tumalikod na siya at naglakad papalayo samin.



Wala nadin kaming ibang nagawa kundi ang sundan siya.



Sundan nalang natin May.



Tumango lang naman si May.



Nakasunod lang kami kay Aya habang pumasok siya saGreenwich. Naghanap nadin siya ng bakanteng
mesa saka siya umupo.



Oh? Why are you here?



Mataray na tanong niya samin habang hinila namin ni May ang dalawang upuan na uupuansananamin.



Andito kami para samahan kang kumain.



Sagot ko kay Aya.



No need girls. Kaya ko namang mag-isa.



Sabi niya habang nakapulopot ang dalawang braso niya sa dibdib niya.



If thats the case then happy eating Aya.



Sabi ko.



Lets go Mia.



Tatalikod nasanakami ni May ng bigla kaming tinawag ni Aya.



Girls Im just kidding. Maupo na kayo. Ililibre ko na kayo.



Gumuhit naman ang ngiti sa labi namin ni May dahil sa sinabi ni Aya saka kami humarap at naupo.



Si Aya nadin ang nag order ng pagkain namin and as usual andami na naman niyang inorder na pagkain.



Aya what are you doing?



Tanong ko sa kanya dahil nakakahiya talaga siya. Pinagtinginan ba naman kami ng mga tao dahil sa
andami niyang dala dala. Tinulungan pa nga siya ng waiter dahil hindi na niya madala lahat ng inorder
niya.



uhhmm.. Sitting?



Nakakainis talaga si Aya. Napakapilosopo pero mahal ko parin siya kahit na ganun.



Nevermind Aya.



Ano pang hinihintay niyo? Kainan na!



Bulalas ni Aya.



Nagtinginan lang kami ni May dahil parehos kaming busog at wala kaming ganang kumain. Pero dahil
mahal namin ang kaibigan naming si Aya, kumain nadin kami ng konti.



So Mia, kamusta na pala kayo ni Jun?



Bigla nalang akong nabilaukan pagkatapos bangitin ni May ang pangalan ni Jun.



*cough* *cough* *cough*



Inabot naman ni Aya agad ang tubig saka ko ininom iyon.



*cough* *cough*



Okay ka lang Mia?


Tanong ni May.



Mukha ba akong okay May?



*choke* *choke*



Im sorry Mia, akala ko kasi naka move on kana kay Jun. Sana hindi ko nalang tinanong.



Panghihingi ng pasensya ni May.



May, matagal na akong nakapag move on kay Jun. Nabigla lang ako sa tanong mo.



Medyo matagal nadin iyong araw na naghiwalay kami ni Jun. Si Jun ang first love ko. Inakala ko talaga
noon na siya na iyong lalaking makakasma ko hanggang sa kamatayan pero I was wrong.



Inakala ko mahal na mahal niya din ako kahit ganito lang ako pero again I was wrong.



Mabuti nalang talaga at narinig ko sila ni Ivory na nag-uusap sa likod ng school building namin dahil kung
hindi baka hanggang ngayon eh nagmumukha parin akong tanga sa kanya.



Ivory, hindi ko talaga mahal si Mia. Pano ko naman mamahalin ang ganong klaseng tao? Maganda nga
siya, mayaman at mabait pero napakatanga talaga. Sa tuwing magkasama kami palagi nalang akong
napapahiya dahil sa pagiging clumsy niya. Kakambal niya ata ang malas. Hehe.



Kung ganun sino naman ang mahal mo?



Ikaw ang mahal ko Ivory. Mas maganda ka sa kanya at mas sexy.



Hindi ko talaga makakalimutan ang mga sinabi ni Jun tungkol sakin. Everytime we were on a date, hindi
nawawala ang malas sakin. Kung hindi ako natatapunan ng tubig, nadudulas naman ako.



Inaamin ko napapahiya ko siya.



Pero hindi ko naman inasahan na niloko niya lang pala ako.



Hindi ko inasahan na hinti talaga niya ako mahal.



Napakalaki kong tanga.



Mia? Are you okay?



Saka lang ako bumalik sa sarili ko pagkatapos akong kamustahin ni Aya.



Okay ka lang Mia?



Tanong naman ni May.



Im okay girls. Punta lang akong restroom.



Pero pagtayo ko, hindi ko namalayan na may waiter palang malapit sakin na may dalang tray na may
basong tubig.



Mia, watch out!!



Bulalas ng dalawa kong kaibigan.



Mabuti nalang talaga at nabantaan nila ako agad kaya hindi ako natapunan ng tubig.



Sanangayong araw, hindi ako malasin. Kahit ngayong araw lang.



Im sorry Maam.



Paghihingi ng pasensya ng waiter.



Ako po dapat ang humingi ng pasensya. Saka huwag po kayong mag-alala dahil hindi naman ako
natapunan.



WOO!!!



Sabay na buntong hininga ng dalawa kong kaibigan.



hehe. Mabuti nalang talaga at hindi ako natapunan ng tubig.



Sabi ko sa kanila saka ako ng peace sign.



Sige punta na muna akong restroom.



Naglakad ako papuntang restroom. Hindi paman ako nakarating sa restroom ng makabangga ko iyong
lalaki na may dala ng tray.



*BOGSH*



Dahil sa sobrang lakas niya, napatumba ako sa sahig at lahat ng tao nakatingin sakin. Pati nadin iyong
lalaking nakabangga ko.



Whats worse is natapon iyong dala niyang lasagna sa ulo ko.



Oh my gosh Mia are you okay?



Lumapit naman agad si May at si Aya sakin at tinulungan akong tumayo.



Iyong lalaking nakabangga ko, hindi man lang ako tinulungan o kamustahin man lang kung okay lang ako.



Nang makatayo na ako, nakatitig parin siya sakin.



Hindi ka ba hihingi ng pasensya?



Tanong ko sa kanya.



For what?



Malamig na tanong niya.



Sobra akong nainis sa kanya. Ang sarap niyang kurutin sa singin. Ang sarap niyang kalmotin at ang sarap
niyang suntukin.



For what? Hindi mo alam kung para san? Syempre dahil tinapunan mo ako ng pagkain. Tingnan mo
kung ano na ang itsura ko ngayon.



Tumitig lang siya sakin mula ulo hanggang paa saka siya nagsalita.



Wala namang pagbabago bago ka natapunan ng pagkain at pagkatapos kang matapunan. You look
stupid.



Kumulo ang dugo ko pagkatapos kong marinig ang salitang stupid.



Ive heard it so many times already pero hindi ko alam kung bakit ang sakit pakinggan ng sabihin niya
sakin iyon.



Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko.



Kung hihingi ka lang ng pasensya, tatanggapin ko iyon pero kung ako sayo bibilisan ko bago pa magbago
ang isipan ko.



Pero tahimik parin siya. Pagkatapos ng isang minuto saka lang siya ulit nagsalita.



Ikaw dapat ang humingi ng pasensya sakin.



Ano?



Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking to. Siya iyong bumangga sakin. Dahil sa kanya kaya ako
natapunan ng pagkain tapos sasabihin niya sakin na ako ang dapat humingi ng pasensya?



Bobo ka ba?



Galit na tanong ko sa kanya.



Look here Miss. Dahil sayo kaya hindi ako makakain ngayon. Wala na akong ibang cash at hindi sila
tumatanggap ng credit card dito. Dahil sa pagiging clumsy mo kaya natapon ang pagkain ko.



Tumitig ako sa mga mata niya. Nakakainis talaga ang lalaking to. Naiinis ako sa kanya. Nabwebweset
ako sa kanya.



Fine.. If ayaw mong humingi ng pasensya bilhan mo nalang ako ng bagong lasagna.



Sambit nong lalaki na parang nang-uutos lang na alila.



Anong tingin mo sakin? Sugar Mommy? Magdusa ka diyan!!



Sigaw ko sa kanya.



Mia, stop it nakatingin na lahat ng tao satin.



Mia, tulungan ka na naming linisin ang sarili mo.



Mabuti nalang talaga at hinila na ako ng dalawa kong kaibigan papuntang rest room dahil kung hindi eh
baka kung ano na ang nagawa ko sa lalaking iyon.



Nakakainis siya.



Nakakabweset.



Napaka presko niya.



Akala naman niya eh gwa..



Teka.



Pinilit kong inalala ang muha ng lalaki.



Gwapo naman talaga siya.



Matangkad.



Maputi.



Matangos ang ilong.



At ang kinis ng balat.



Ugh!!



Hindi ngayon ang tamanag panahon para isipin ko pa ang physical features niya dahil kahit na sobrang
gwapo niya eh pinahiya parin niya ako sa harap ng maraming tao.



Sanay na ako sa mga ganung bagay pero iba talaga iyong kanina. Nakakainis.



Tinulungan ako ni May at ni Aya na linisin ang sarili ko.



Iyong buhok ko ang sama ng amoy, amoy lasagna..



Mia, hindi mo naman kasi tinitignan ang dinadaanan mo.



Sabi ni Aya habang pinupunasan niya ang buhok ko.



Kinakampihan mo ba ang lalaking iyon?



Hindi nama sa ganun Aya. Ang gusto ko lang sabihin, sa susunod magiingat ka para naman hindi ka na
madisgrasya.



Tama si Aya, Mia. Tingnan mo naman iyong dinadaanan mo para sa susunod hindi na mauulit iyong
nangyari ngayon.



Tumahimik lang ako dahil totoo naman talaga iyong sinasabi nila.



Dapat sa susunod magiingat na ako.



Pagod nadin akong palaging napapahiya.



Palaging nadadapa.



Palaging minamalas.



Pero kahit na anong gawin kong pag-iingat nauulit parin ang mga kamalasan sa buhay ko.



Hayyy!!!



Napabuntong hininga nalang ako.



Pagkatapos nila akong tulungan na linisin ang sarili ko, dumeretso na kami sa labas ngGreenwich. Hindi
na namin binalikan iyong pagkain sa table namin dahil nahihiya na kami sa maraming tao. Ang dami
kasing nakakita nong nangyari kanina. Nakakahiya.



Pero paglabas namin ngGreenwich. Nagulat nalang kami ng biglang may humila saking matangkad na
lalaki.



MAY!! AYA!!



Bulalas ko habang hinihila niya ako papalayo sa dalawa kong kaibigan.



TULUNGAN NIYO AKO!!



MIA!!!



Katatapos lang nong nangyari sa loob ngGreenwich, ngayon iba naman ang mangyayari sakin.



Bitawan mo nga ako!!



Sigaw ko sa lalaking humila sakin.



Pero pagkatapos kong mafocus ang mga mata ko sa mukha niya bigla ko nalang naalala ang lasagna.



Siya iyong bumangga sakin kaya ako natapunan ng pagkain sa ulo.



IKAW???





Chapter 2: Inlove?





IKAW???


Halos marinig na ng buong tao sa mall ang tinig ko dahil sa sobrang lakas ng pagsigaw ko. Nabitawan
niya tuloy ang kamay ko at tinakpan ang tenga niya.


Pwede ba huwag kang sumigaw? Dahil hindi ako bingi.

Sabi nong lalaking humila sakin.



Paano akong hindi sisigaw eh kinikidnap mo ako.


Sambit ko naman sa kanya habang tiniklop ko iyong mga braso ko malapit sa dibdib ko.



haha. Kinikidnap? Ikaw?



Tinuro pa talaga niya ako kaya naman tumango ako.



hahaha.

Pero para lang siyang baliw na tumatawa. Pinagtatawanan niya ako.


Oy Miss dahan dahan ka sa pananalita mo ha. Wala akong balak na kidnapin ka. Sa itsura mong iyan
iniisip mo pa na may kikidnap sayo?



Tinitigan niya ulit ako mula ulo hanggang paa gaya ng ginawa niya sakin kanina.


hahaha. Nakakatawa ka talaga.


Nakakainis ang lalaking to. Konting konti nalang talaga at mapipikon na ako sa kanya. Baka masuntok ko
pa ito ng wala sa oras.


Kung talagang wala kang binabalak na masama sakin bakit bigla mo nalang akong hinila paglabas
namin sa Greenwich?


Baka nakalimutan mong hindi pa ako kumakain dahil sa ginawa mo kanina.


Aba! Tignan mo nga tong lalaking to. Kung makapagsalita ka akala mo kasalanan ko?


Tumango lang siya.


Teka, kasalanan ko ba talaga?


Inisip ko ulit iyong nangyari kanina.

Bakit nga ba ako nabangga?


Papunta akong comfort room non pero dahil iniisip ko nong panahon na iyon iyong ex kong walang
kwenta, hindi ko namalayan na may tao pala sa harap ko.


May kasalanan ka nga ako dahil hindi ko tinitignan iyong dinadaanan ko.


Pero kung matino siya, syempre hindi niya hahayaang babangga ako sa kanya at iiwas siya.


Tama, kasalanan ng lalaking to.


Hoy excuse me mister ha. Hindi ko kasalanan kung natapon man iyong pagkain mo. Kaya kung ako sayo
lubayan mo na ako. Babossh!!


Itinaas ko pa iyong kamay ko para magbye sa kanya saka ako tumalikod at humakbang papalayo sa
kanya.


Kailangan kong makaalis kaagad. Kailangan kong mahanap ang two girls.


Oyy Miss, may suka sa sahig oh baka matapakan mo.


Tinignan ko iyong sahig ng mall.

Ewww!

Nakakadiri may suka talaga. Sino naman ang walang hiyang sumuka dito? Lakas ng loob niya, sa mall pa
talaga nagsuka.


Thank you ha, kung hindi dahil sayo baka natapakan ko na talaga iyong suka. Eww! Kadiri. Nakatsinelas
pa naman ako. Kung natapakan ko iyon sigurado akong may didikit sa mga paa ko. Eww!


Oh kita mo na! Kasalanan mo talaga kanina kaya mo ako nabangga. Kaya tuloy nagugutom ako
ngayon.

Tinignan ko iyong mukha ng nagsalita. Si Lasagna Boy. Akala ko..Akala ko wala na siya.


Ganyan ka ba talaga ka tanga? Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?


Paulit ulit nalang siya. Naiinis na ako. Alam ko na tanga ako, alam ko na hindi talaga ako nilulubayan ng
malas pero hindi niya kailangang ulit ulitin iyon sa harap ko mismo.


Nakakainis ka na ha. Napipikon na talaga ako sayo. Ano ba talaga ang gusto mong gawin ko para
lubayan mo na ako?


Halos sumigaw na ako sa harap niya dahil sa sobrang pagkainis ko.


Pakainin mo ako.




.




Para matahimik na ang kaluluwa ng lalaking to. Ibinigay ko na ang gusto niya para naman mawala na
siya sa paningin ko. Para hindi na niya ako guluhin pa at para matahimik na ang buhay ko.


Andito ulit ako sa Greenwich kasama ang lalaking nagtapon ng lasagna sa ulo ko. Mabuti nalang talaga at
mukhang hindi na ako naaalala nong mga staffs dito.


So pwede na akong umalis?


Tanong ko sa kanya habang nasa harap ko siya at kumakain ng lasagna niya.


Nope.


Anong nope? Binilhan na kita ng lasagna kaya wala na akong utang sayo.


Sabi ko sa kanya habang kumakain naman siya.


Kumakain ako kaya pwede tumahimik ka?


Nakakainis talaga ang lalaking to. Pinapakulo niya ang dugo ko.


Pero kung tititigan mo lang siya ng ganito ang amo ng mukha niya. Para bang hindi niya kayang magalit
sayo?

Iyong tipong parang anghel iyong mukha niya na hindi ka matatakot sa kanya?

Kabaliktran iyong amo ng mukha niya ang tunay na ugali niya.

May dumi ba ako sa mukha?


Tanong niya habang nakafocus parin sa pagkain niya. Hindi ko alam kung may pangatlong mata ba ang
lalaking to at nalaman niya na nakatitig ako sa kanya.


Ahh wala..


Hindi ko parin mapigilan ang sarili ko na tumitig at humanga sa maganda niyang mukha.

Pakiramdam ko tuloy parang magnet ang mukha niya at hindi na matangal ang mga mata ko sa mukha
niya.

Ang ganda ng mga mata niya. Kahit hindi siya magsalita, kayang kaya ng gawin iyon ng mga mata niya.

Ang ganda ng ilong niya, ang tangos pero hindi ito katulad ng iba na matangos pero hindi maganda ang
form. Iyong ilong niya ang tangos at ang perfect ng hubog nito. Nakakainggit.

Ang ganda ng labi niya

AGH!!!!

Ano ba itong iniisip ko?

Kanina lang galit ako sa kanya dahil sa ginawa niya tapos ngayon..

AGHHH!!!

Parang gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil sa ginawa kong paghanga sa kanya.

Okay ka lang? Para ka na atang mababaliw sa mukha ko.

Mahina niyang sambit.

Ang feeling talaga ng lalaking to.

Pero tumayo lang siya at nauna ng lumabas sa pinto kaya sinundan ko siya.

San ka pupunta?

Tanong ko sa kanya pagkatapos ko siyang mahabol. Nasa tabi na niya ako at sabay na naglalakad sa
kanya.

Uuwi na. Tapos na akong kumain eh. Kaya pwede ka na ding umalis.

Iyong pagkakasabi niya para niyang inuutusan ang alila. Alila ba ako sa paningin niya? Nakaka offend
talaga.

Hindi naman sa pagmamayabang pero kung hindi talaga ako pinanganak na tanga, andami ko ng
manliligaw ngayon. May mukha naman kasi akong pwedeng ipagmalaki kahit papano.

Cge aalis na ako.

Huminto ako sa paglalakad pero siya patuloy parin.

Oy sabi ko aalis na ako.

Sigaw ko sa kanya pero hindi parin siya tumitigil. Naisip kong baka hindi niya ako narinig kaya sinundan
ko ulit siya sa paglalakad niya.

Oyy aalis na ako. Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung anong pangalan ko?

Napatigil siya bigla sa sinabi ko. Sabi ko na nga ba hindi niya ako narinig kanina.

Bakit ko naman tatanungin kung anong pangalan mo?

Ha? Ehh..ehh.. kasi magkaibigan na tayo.

Magkaibigan naman siguro kami ano? Pero sa halip na ibigay niya iyong pangalan niya, he just smirked.

Kung ayaw mong tanungin kung anong pangalan ko, ikaw na lang iyong tatanungin ko. Baka kasi
nahihiya ka sakin. Anong pangalan mo?

hahaha.. Youre funny. Nakasama mo lang ako sandali maiinlove ka na sakin?

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya.

Ako? Inlove sa kanya?

Kapag nagtatanong ba ng pangalan ibig sabihin ba non inlove ka na sa kanya?

Nakakainsulto.

Guso ko siyang sapakin at gulpihin.

Ang lakas ng loob niya para sabihin niya iyon sakin.

Idedefend ko na sana ang sarili ko ng bigla nalang siyang nawala sa harap ko. Tumingin tingin ako sa
paligid pero hindi ko na talaga siya nakita pa. Nakakainis siya.

May araw din siya sakin.

MIA!!

MIA!!

Nakita ko nalang na papalapit sakin sina Aya at May habang tinatawag ang pangalan ko.

Oh andiyan pala kayo.

Sabi ko sa kanila.

Hoy bakla kanina ka pa namin hinahanap.

Akala nga naming kinidkap ka na. San ka ba nagsuot? Asan na iyong lalaking humila sayo?

Tanong ni Aya.

Huwag mo ng ipaalala dahil mababaliw lang ako.

Infairness gwapo iyon, huwag mong sabihin may crush ka sa kanya?

hahaha.. Youre funny. Nakasama mo lang ako sandali maiinlove ka na sakin?

Naalala ko na naman ang sinabi nong lalaki dahil sa sinabi ni May.

Kahit na kaibigan ko si May kaya ko siyang saktan.

Uggh!!

Tumigil na nga kayo. Umuwi nalang tayo at baka magwala pa ako dito.


.


hahaha.. Youre funny. Nakasama mo lang ako sandali maiinlove ka na sakin?



hahaha.. Youre funny. Nakasama mo lang ako sandali maiinlove ka na sakin?


hahaha.. Youre funny. Nakasama mo lang ako sandali maiinlove ka na sakin?



Nagising nalang ako bigla dahil hindi mawala sa isipan ko ang lalaking iyon.

Kahit sa pagtulog ko hindi niya ako tatantanan?

Nakakainis.

Pero..

Totoo kaya iyong sinabi niya?

Inlove na ba talaga ako?

May ganun ba?

Isang beses ko lang siyang nakasama pero parang iba na iyong pakiramdam ko sa kanya.

Naiinis ako sa kanya pero..

Kinuha ko iyong phone ko at tinawagan si Aya. Kahit hating gabi na kailangan ko silang tawagan.


*RIING* *RIING*


Nakailang ring din bago nila ito sinagot.


(HE-LLO?)

Natawa naman ako sa boses ni Aya. Parang zombie na hindi pa nakakakain ng tao.

hehe. Gising ka pa Aya?

(Ginising mo ako Mia. Ano bang kailangan mo?)

May kailangan tayong puntahan bukas kaya pupunta ako diyan ng maaga.

(Ano? Saturday bukas Mia papahingahin mo naman ako.)

Ahh basta may importante tayong gagawin.

Isa pa hindi saturday bukas Aya, Saturday na ngayon 12 midnight na eh.

(Whatever Mia!)

Sinubukan kong tawagan si May kaya lang hindi talaga niya sinasagot phone niya. Parang mantika iyon
kung matulog.


Kailangan kong mahanap si Lasagna boy kahit anong mangyari.

Hahanapin kita.

I Swear!!!



Chapter 3: Found Him!






Mia ano bang ginagawa natin dito?


Tanong ni Aya sakin.


May hinahanap ako.


Sino?


Tanong naman ni May.


Si Lasagna Boy.


Sagot ko kay May habang busy parin ang mga mata ko sa pagchechek sa paligid sakaling makita ko siya.


Iyong nakabangga mo kahapon?


Tanong ulit ni May kaya tumango naman ako


My God Maybelline!! Akala ko naman kung anong ginagawa natin dito.


Alam kong malapit ng sumabog si Aya sa galit dahil sa tuwing tinatawag niya akong Maybelline, ibig
sabihin non nauubusan na siya ng pasensya sakin.


Tumayo na si Aya at tinanggal ang black shades na suot niya.


Huwag mong tanggaling iyan Aya, baka may makakilala satin dito.


Saway ko sa kanya habang hinila ko siya pabalik sa upuan niya.


Hinahanap lang natin si Lasagna Boy bakit pa kailangang magdisguise? Para tayong old detective nito.


Huwag ka nalang makulit diyan at isa pa huwag kang mag-alala Aya ililibre ko naman kayo ni May ng
lunch mamaya. Kahit gano kadami pa ang kainin niyo okay lang.


Saka lang siya bumalik sa upuan niya at kumalma. Alam ko naman kasi ang kahinaan ni Aya kaya hindi
ako nag-aalala sa tuwing inaatake siya.


Fine.. Kung hindi lang talaga kita mahal Maybelline.


Isang oras pa ang lumipas at hindi parin namin nakikita si Lasagna Boy. Tinignan ko ang wrist watch ko,
11:45 am na.


Mia, kumukulo na talaga ang tiyan ko.


Pagrereklamo ni Aya habang nakahawak siya sa tiyan niya.


Sandali nalang talaga. Baka kasi dadaan na siya eh. Konti nalang.


Sayang naman kasi dahil baka dadaan dito si Lasagna boy tapos aalis kami. Eh pano ko siya makikita
kung kakain na kami diba?


Mia, mamaya na iyan. Gusto ko din namang makita mo iyong crush mo kaso lang nagugutom na talaga
kami.


Napabuntong hininga nalang ako. Napakasama ko naman kung hindi ko pakakainin sa tamang oras ang
mga kaibigan ko. Ako pa naman ang nagdala sa kanila dito.


Kahit ako ramdam ko nadin ang gutom ngayon. Hindi kasi ako nakapag breakfast ng maayos dahil sa
sobrang pagmamadali ko kaninang umaga.


Cge, tayo na. Kain na tayo.


Tumayo na kami at naghanap ng pwede naming makainan. Dahil Saturday ngayon at lunchtime pa,
andaming tao sa mga restaurants. Halos nagsisiksinan na iyong mga tao sa loob ng mga kainan.


San tayo?


Tanong ko kay Aya.


Kahit san tayo pumunta wala nang bakanteng table. Kakahiya naman kung makikishare tayo sa iba
diba?


Nakakahiya nga, sa Jollibee nalang tayo. May bakanteng table pa don oh.


Turo ni May sa pamilyang kakatayo lang. Katatapos lang nilang kumain. Nagtakbuhan naman kaming
tatlo palapit sa table na iyon. Kahit hindi pa nalilinis eh inupuan na talaga namin. May apat na upuan sa
table kaya may bakanteng pang isa dahil tatlo lang kami.


Ako na mag-oorder ano gusto niyo?


Tanong ko sa kanilang dalawa.


Kahi ano nalang Mia.


Sabi ni May.


Ikaw Aya?


Sama ako sayo para makapili ako ng maayos.


Tumayo na kami ni Aya at pumila na. Sobrang haba ng pila. Ito talaga iyong kinakainisan ko sa isang fast
food chain. Ang pagpipila.


Hay!!


Napabuntong hininga nalang ako. Halos abutin kami ng kalahating oras bago kami nakarating sa counter.
Ganun kadami ang tao.


As usual si Aya na ang nag-order ng pagkain namin at ako nalang ang nagbayad.


Pagdating namin sa table halos masuka na ako dahil hindi pa ako kumakain pakiramdam ko busog na
ako.


2-pc fried chicken, large fries, spaghetti at chocolate float. Hindi pa kasali ang softdrinks at extra rice.
Okay lang sana kung kaming tatlo ang maghahati niyan kaso lahat ng iyan tig-iisa kami. Hindi ko na nga
maubos ang dalawang manok.


Si Aya talaga!


Lets eat na girls Im hungry na eh!


Bulalas ni Aya.


Excuse me..


Napatingin nalang kaming tatlo sa biglang kumuha ng atensyon namin.


Yes?


Tanong ko sa kanya dahil parang hindi na makapagsalita iyong dalawa kong kasama dahil sa sobrang
gwapo ng lalaking nasa harapan namin. Kahit ako, hindi ko maipagkakaila iyon dahil totoong gwapo siya.


Kung okay lang sa inyo baka pwede akong makishare ng table? Wala na kasing ibang bakanteng table.


Mahinahong sabi niya habang nakangiti pa. Dala dala na niya ang tray niya at nakakahiya naman kung
tatangihan naming tatlo diba? Sino ba naman ang tatangi sa gwapong katulad niya.


Sure.


Sagot ko sa kanya dahil literal na nakangagnga na ang dalawang kaibigan ko. Nagmumukha na silang
tanga sa ginawa nila.


Thanks.


Sabi niya habang umupo siya sa table na nasa tabi ko. Iyon nalang kasi ang bakante.


Akala ko kanina magiging okay lang na kasama namin siya sa table kaso lang parang naiilang na ako
ngayon. Hindi tuloy ako makakain ng maayos. Tinignan ko si Aya, baka sakaling parehos kami ng
nararamdaman pero nagkamali ako. Kung ano siya kumain pag kami lang at kung ano siya kumain
ngayon na may kasama kaming hindi namin kilala parehas lang talaga. Ang takaw takaw niya.


So ano pala pangalan mo?


Tanong ni May sa pagitan ng nakakabinging katahimikan.


Axel.


Sagot niya habang nakangiti pa siya.


Unique name.


Pagcocomento naman ni Aya.


How about you girls if its okay?


Im May, this is Aya and ofcourse Mia.


Pagpapakilala ni May samin. Isa isa naman siyang nakipag shake hands sa aming tatlo. Hindi ko talaga
mapigilan ang mamangha sa kanya. Kasi naman diba pag gwapo eh kadalasan masama ugali? O kaya
mayabang o kaya hindi friendly? Pero siya total package niya. Gwapo na, mabait pa at friendly.


Ang swerte naman ng girlfriend niya!


Hindi ko napigilan na lumabas ang mga salitang iyon sa bibig ko kaya naman napatakip ako agad sa bibig
ko.


Napaka stupid ko talaga. Nakakahiya.


Ahh wala akong girlfriend Mia.


Sabi naman niya.


Wae? Wala siyang girlfriend? Totoo ba talaga iyon? Sa gwapo niyang iyan wala siyang girlfriend?


Bakit naman?


Pakapalan na ng mukha to.


Hindi ko pa kasi nahanap iyong babaeng nagpapatibok ng puso ko. Nahanap ko na sana kaso the
feeling was not mutual. How about you? May boyfriend ka na? Ang swerte naman niya. Ang ganda mo
na ang bait mo pa.


Waa! Pakiramdam ko iyong mga dugo sa katawan ko nasa pisngi ko na dahil sobrang uminit iyong mga
pisngi ko.


Wala akong boyfriend. Pano mo naman nasabing mabait ako?


Feeling ko lang.


Actually Axel, swerte talaga ang magiging boyfriend niyang si Mia dahil maganda na, mabait pa. Kaso
nga lang..


TANGA!


Sabay na sambit ni May at ni Aya.


Oyy!! Nakakahiya kayo. Bakit kailangan niyong sabihin iyon?


Pero imbis na magsorry iyong dalawa tumawa lang sila. Nakakahiya talaga. Napatingin ako kay Axel. Pati
din siya tumawa. Nakakatawa ba talaga na lumaki akong isang tangang babae?


Punta na muna akong restroom.


Dahil naramdaman ko talaga ang hiya eh kailangan kong pumunta ng rest room ngayon. Ahh! Naiinis
talaga ko sa dalawa kong kaibigan. Bakit ba kailangan pa nilang sabihin iyon? Inilaglag nila ako kay Axel.


Tumayo na ako at dumaan sa harap ni Axel pero umandar na naman iyong malas, at nasabit iyong paa
ko sa paa ni Axel.


BOOM!!


Napapikit nalang ako. Inihanda ko na ang mukha ko na hahalik sa sahig ng Jollibee. Pero pagdilat ko, may
humawak na sa magkabilang bewang ko.

careful.


Sabi ni Axel habang hawak hawak parin niya ako. Nagkatitigan lang kaming dalawa. Ang ganda ng mga
mata niya pero mas maganda iyong mga mata ni Lasagna Boy.


*Ehem* *Ehem*


Saka lang ako pinatayo ni Axel pagkatapos sirain ni May at ni Aya ang moment namin.


Thanks.


Mahina kong sabi saka ako dumeretso sa rest room. Bakit ba ayaw akong tigilan ng malas? Naiinis na
talaga ko sa sarili ko.


Pagbalik ko sa table namin, andun padin si Axel at nakikipagtawanan sa mga kaibigan ko. Pakiramdam ko
tuloy matagal na silang magkakilala. Ang dali kasing makapagblend ni Axel sa amin. Umupo na ako sa
upuan ko at nakikinig lang sa usapan nila.


*Riing* *Riing*


Biglang tumunog iyong cellphone ni Axel kaya napatigil naman ang dalawa sa pagsasalita.


Hello?


Oh Kevin?


Naiintindihan ko. Pupunta na ako diyan. Hintayin niyo ako.


Cge cge..Bye


Saka niya binaba ang cellphone niya at pinatong sa table namin.


Girls kailangan ko na palang umalis. Nice meeting you. Sana sa susunod magkita tayo ulit.


Tumango lang kami at nagpaalam sa kanya.


Alam mo Mia, sa tingin ko may gusto siya sayo.


Sambit ni Aya habang nginunguya ang fries niya.


Oo nga Mia. May gusto siya sayo.


Sambit naman ni May.


Huh? Anong may gusto? Eh pano niyo nasabi?


Kanina kasi habang wala ka dito eh parati siyang nagtatanong tungkol sayo. Gusto nga niya hingin ang
number mo kaso sabi namin mas okay kung siya mismo humingi sayo.


Syempre positive naman iyong tingin ko kay Axel kaso nga lang parang may kulang. Hindi ko alam at
hindi ko maintindihan. Siguro walang spark. Iyon ang kulang.


Alam niyo, tumigil na kayo sa pagkain. Baka nakakalimutan niyong kailangan pa nating mahanap si
Lasagna Boy?


Pagkatapos kong pilitin si Aya na tumigil na sa pagkain, bumigay naman siya.


Mia, kaninong phone to?


Tanong ni May habang hawak hawak niya ang isang samsung galaxy S III na phone.


Diba kay Axel iyan?


Natatandaan ko kasi eh iyon iyong ginamit niya kanina. Kinuha ko iyong phone at nagscan scan. Tama
kay Axel talaga iyon. Kevin iyong nakalagay na last caller.


Kailangan natin siyang mahanap.


Sabi ko sa kanilang dalawa, tumango naman sila.


Pero pano iyong Lasagna Boy mo?


Tanong ni Aya.


Napaisip din ako. Si Lasagna Boy talaga iyong sadya namin dito pero kailangan naming mahanap si Axel
para maibigay ang phone niya.


Sa susunod nalang natin hahanapin si Lasagna Boy, kailangan na muna nating makita si Axel.


Sabi ko sa kanila.


Pero pano?


Tatawagan ko si Kevin.


Ginamit ko iyong phone ni Axel para tawagan si Axel. Ilang beses din itong nagring bago niya sinagot.


(Hello pare? Asan ka na?)


Ahh.. Hello..


Tumahimik naman iyong Kevin dahil sa pagtataka siguro.


(Sino ka?)


Tanong niya sakin.


Ahh..Im Mia.


(Stupid! Im not asking you kung anong pangalan mo. Ang tinatanong ko kung bakit nasa sayo ang
cellphone ng kaibigan ko.)


Wow lang ha? Stupid? Tinawag niya akong stupid? Eh sinong mas stupid saming dalawa? Iyong tanong
niya Sino ako tapos sasagutin ko kung bakit nasa akin ang phone ng Axel? Nakakainis ang kausap kong
to.


Naiwan niya kasi iyong phone niya sa table habang kumakain siya. Gusto ko sanang isauli.


Mabuti nalang talaga at mabait akong tao. Kung hindi baka kanina ko pa binabaan ang lalaking to.


(Pumunta ka dito sa basketball court sa park ng Green Village. Siguraduhin mo lang na isasauli mo talaga
ang cellphone ni Axel.)


Hoy lalaki!! Anong akala mo sakin? Magnana...


*toot* *toot*


ABA! Walang hiya talaga ang lalaking to!


Nakalimutang kong nasa loob pala ako ng jollibee kaya napatingin ang lahat ng mga kumakain sakin.


Mia okay ka lang?


Tanong ng dalawang kaibigan ko.


Tayo na..



.


Bumaba na kaming tatlo sa kotse ko pagdating namin sa park ng Green Village.


Sigurado ka bang andito si Axel?


Tanong ni Aya sakin.


Iyon iyong sabi nong lalaking walang hiya.


Iyong Kevin ba?


Tanong naman ni May.


Oo iyon. Patay talaga siya sakin ngayon. Oh kayo na mag-abot kay Axel ng phone niya.


Ibinigay ko kay Aya iyong phone ni Axel.


Ikaw na mag-abot.


Utos niya sakin.


Ayoko nakakahiya kaya.


Pagkatapos sabihin ni Aya at May na baka may gusto si Axel sakin nahiya na ako. haha. Nakakahiya
naman talaga diba?


O cge na nga.


Naglakad na kami papuntang basketball court ng park. Sobrang lawak naman kasi ng park nila. Hindi ito
ordinaryong park lang na katulad ng park namin. Eh mayayaman naman kasi ang mga nakatira dito.


Malapit na kami sa park ng makita ko ang isang nakatalikod na lalaking naka jersey. Pinasa sa kanya
iyong bola saka niya dinrible. Choi ang nakasulat sa jersey niya. Pagkatapos niyang magdrible nagsimula
na siyang tumakbo patungo sa ring habang naka drible padin iyong bola. May dalawang lalaking
sumubok na agawin sa kanya iyong bola pero nalampasan lang niya. Ang galing niya. Side profile lang
niya iyong nakita ko pero parang familiar talaga. Pero nong nakita ko na ng maayos ang mukha niya.
Saka ko lang nalaman na si Lasagna Boy pala iyon. Ang bilis ng tibok ng puso ko, hindi ko akalain na
magaling pala siyang mag basketball. Hindi lang siya gwapo may talent din. Hindi ko tuloy napigilan nag
sumigaw


May, Aya.. I FOUND HIM!!!


Tumakbo ako papunta sa court para lapitan siya.


MIA!! Watch out may canal!!!


Pero huli na ng marinig ko ang warning ng mga kaibigan ko dahil..


nahulog na ako sa canal...




Chapter 4: Informations




Sa lahat ba naman ng oras na pwede akong mahulog sa canal bakit ngayon pa?


Sa lahat ba naman ng canal na pwede akong mahulog bakit dito pa?


Tanggap ko naman na mapapahiya ako. Wala akong reklamo wala akong problema don pero..


Baki dito pa mismo sa harap ni Lasagna Boy?


Hanggang bewang ko iyong tubig ng canal at ang masaklap pa, hanggang tuhod ata iyong putik.


Nakakainis!!


Nakakhiya!!


Bakit?


Bakit?


Mia are you okay?


Tanong ng dalawang girls habang nilapitan nila ako. Parang gusto kong mainsulo sa tanong nila, bakit
kailangan pa nila akong tanungin kung okay lang ako eh halata namang hindi diba? Eh sila kaya mahulog
sa canal tapos tatanungin ko sila kung okay lang sila?


Hindi ko nalang sila sinagot dahil hindi ko talaga nagustuhan ang tanong nila.


Tulungan ka na namin.


Inabot nila iyong kamay nila sakin. Hahawakan ko na sana ang kamay nila kaso lang..



**BOGSHH**



Hindi ko talaga alam kung kailan ako lulubayan ng malas. Hindi pa nga ako nakaka-ahon sa pagkahulog
ko sa canal tapos tinamaan na naman ako ng bola ng basketball sa ulo. Hindi lang masakit, sobrang sakit
talaga ng ulo ko.


MIA!!!


As usual wala na namang ibang nagawa ang dalawa kong kaibigan kundi ang tawagin ang pangalan ko.


Napahawak lang ako sa ulo ko kung saan tumama iyong bola. Napakamalas ko talaga.



Thank you Miss!



Nagulat nalang ako sa sinabi nong lalaki sakin. Hindi ko pa nakikia iyong mukha niya dahil nahihiya
akong tingnan siya.


Thank you iyong sinabi niya. Hindi ako maaaring magkamali sa narinig ko. Thank you daw. Thank you
daw. Para saan ang thank you niya?


Thank you?


Mahinang tanong ko sa kanya habang nakayuko parin iyong ulo ko.


You heard it right.


Sagot nong lalaki.


Parang gusto ko siyang sipain para naman matauhan siya kung anong ibig sabihin ng sinabi niya sakin.


Thank you para saan?


Pinilit kong kumalma kahit gustong gusto ko ng sumabog.


Thank you dahil nahulog ka sa canal. Kung hindi ka kasi nahulog diyan eh malamang iyong bola na iyong
nagswimming sa diyan. Mabuti nalang talaga at nandiyan ka para saluhin iyong bola.


Parang gusto kong pumatay ng tao ngayon. Nahulog na nga ako sa canal tapos iyong pa ang sasabihin
niya?


Mia...si..


Hindi ko na pinatapos si Aya sa sasabihin niya dahil sobrang uminit iyong ulo ko sa thank you ng lalaking
iyon.


Alam mo? Kung magpapasalamat ka pwede tulungan mo muna ako? Nakita mo naman siguro na hindi
pa ako nakaka-ahon dito sa putikan nato.


Pero nagulat nalang ako ng tiningnan ko siya sa mukha. Si..


Lasagna Boy?


Literal na lumaki iyong mata niya pagkatapos ko siyang tawaging Lasagna Boy.


Lasagna Boy? Ako?


Tinuro niya iyong sarili niya.


Oo..Ikaw. Naaalala mo ba ako?


Tanong ko sa kanya. Nag-isip na muna siya bago niya ako sinagot.


Ahhh..oo..Ikaw iyong bumangga sakin. Cge ha, thank you pala dito.


Saka siya tumalikod pero tinawag ko siya ulit.


Sandali lang!!


Tumigil naman siya pero hindi niya ako nilingon.


KEVIN!!! BILISAN MO NA!!


Tawag nong lalaki sa kanya.


Kevin? Kevin ang pangalan niya? Ibig sabihin siya iyong kaibigan ni Axel? Siya iyong nakausap ko kanina
sa phone?


Oh andiyan na!


Sigaw naman niya.


Kevin..


Bago paman siya makaalis, tinawag ko na siya. Kailangan ko pang isauli iyong phone ni Axel at isa pa,
kailangan ko pa siyang makausap.


Ano?


Lumingon siya sa akin at hindi maganda iyong ekspresyon ng mukha niya. Para na siyang napipikon sa
sobrang pangungulit ko sa kanya.


Sandali lang..


Girls, help me..


Inabot naman ni May at ni Aya ang mga kamay nila saka ko iyon hinawakan. Sobrang nahirapan ako sa
pag-ahon dahil ang kapal ng putik na dumikit sa mga paa ko. Ang sama pa ng amoy. Nakakadiri talaga
pero wala na akong magawa.


Pwede ba sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin para makabalik na ako sa team ko.


Sambit niya sakin.


Sandali nalang..


Sabi ko sa kanya. Ang hirap naman kasing umahon.


Baka pwede mo akong tulungan kesa naman nakatunganga ka lang diyan?


Pero sa halip na tulungan niya ako eh tumalikod na siya at tuluyan ng tumakbo papunta sa team niya
habang dala dala niya iyong bola.


WAAA!!


Paano niya ako nakayang iwan dito? Kahit man lang tulong hindi niya ginawa. Ganun ba talaga siya
kalamig? Hindi man lang ba siya tumutulung sa taong may kailangan ng tulong?


Let me help you!!


Nabigla nalang kaming tatlo ng lumitaw nalang kung san galing si Axel.


Axel?


Ngumiti lang siya sakin at hinawakan ang dalawang kamay ko. Si May at Aya, tumabi nalang dahil
parang kaya naman akong iahon ni Axel dito.


Hindi nga ako nagkamali dahil isang hila lang niya sakin naka ahon na agad ako sa mabahong canal na
iyon.


Pag-ahon na pag-ahon ko tinakpan naman agad ni May at Aya ang mga ilong nila. Alam ko mabaho ako
pero hindi niyo na sana ginawa iyon sa harap ko. Pwede namang tumalikod muna diba?


Ano bang nanagyari sayo at nahulog ka diyan sa canal?


Tanong ni Axel sakn. Buti pa si Axel kahit ilang inches lang iyong layo namin sa isat-isat hindi niya talaga
tinakpan iyong ilong niya. Pero nakakaguilty din dahil alam kong tinitiis niya lang iyong masamang amoy
na naaamoy niya sakin.


Pwede mo namang takpan iyong ilong mo. Hindi ako magagalit.


Sambit ko sa kanya pero ngumiti lang siya.


Hindi na kailangan Mia. So ano? Bakit ka ba nahulog diyan?


Eh kasi..


Huwag mo ng tanungin Axel dahil sinabi na namin kanina sayo na sadyang tanga talaga iyang si Mia.


Sambit ni Aya tapos tumawa na sila ni May. Nakakainis talaga sila oh.


haha. Sa susunod Mia, mag-iingat ka. Bakit pala kayo andito?


Tanong ni Axel samin. Muntik ko nading makalimutan iyong rason kung bakit kami andito. Mabuti
nalang talaga at tinanong kami ni Axel.


Ahh iyong phone mo kasi naiwan mo sa table kaya tinawagan ko si Kevin at tinanong ko sa kanya kung
san ka namin makikita. Dito kasi iyong sinabi niya kaya pinuntahan ka na namin dito.


Kinuha na ni Aya iyong phone ni Axel tapos eh binigay niya.


Thank you. Hindi ko namalayang naiwan ko pala to sa table. Nakakahiya naman. Pumunta pa talaga
kayo dito.


Sabi niya habang nakakamot sa ulo niya.


AXEL!!!


Biglang may lumapit samin. Si Lasagna Boy..Este si Kevin pala. Pawis na pawis dahil sa paglalaro ng
basketball.


Oh Kevin. Tapos na ba kayo?


Tanong ni Axel kay Kevin.


Kanina ka pa namin hinintay. Bakit ngayon ka lang?


Pasensya na may dinaanan kasi ako kanina.


Ganun ba..hmm..Bakit mabaho?


Agad na tinakpan ni Kevin iyong ilong niya gamit ang kamay niya saka siya tumingin sakin.


Oh? Naka ahon ka na pala.


Saka niya ako tinignan ulit mula ulo hanggang paa. Hobby ba niya talaga ang tumingin ng ganyan?


Kaya naman pala mabaho dito.


Kahit pa crush ko siya eh nasaktan padin ako sa sinabi niya. Nakakahiya..Bakit pa naman kasi ako
nahulog kanina.


Parang gusto ko ng maiyak.


Kevin, tama na iyan.


Saway ni Axel sa kaibigan niya. Tama nga ako kanina, si Kevin iyong nakausap ko sa phone. Ang sama
pala ng ugali niya? Parang ang sungit sungit niyang tao pero kahit na ganun siya gwapo padin naman
siya.


Magkakilala pala kayo?


Tanong ni Kevin kay Axel.


Oo. Kanina ko lang sila nakilala, naiwan ko kasi iyong phone ko sa table kaya sila andito.


Tumitig na naman si Kevin sakin.


Ikaw pala iyong nakausap ko kanina?


Yumuko nalang ako habang sinisipa ko iyong maliliit na bato at hindi ko na siya sinagot.


Magkakilala din kayo?


Tanong naman ni Axel kay Kevin.


OO/HINDI

....


Sabay naming sagot ni Kevin. Pero magkaiba iyong sagot namin. Oo iyong sinabi ko tapos hindi naman
kay Kevin. Bakit niya sinabing hindi? Eh magkakilala naman kami ah?


Huh?


Nabigla nalang si Axel sa sagot namin.


Hindi ko sila kilala. Tayo na nga!


Hinila na ni Kevin si Axel.


Sandali lang pare.


Girls mauna na ako sa inyo ha. May practice pa kasi kami. Magkita nalang tayo ulit. And thank you pala
dito sa phone. Babawi ako next time promise.


Paalam ni Axel samin saka siya ngumiti at kumaway.


Kumaway din naman si Aya at May sa kanya.


Ang malas ng araw ko. Oo nakita ko si Lasagna boy at alam ko na kung anong pangalan niya pero bakit
kailangan pa niya akong makita sa ganitong sitwasyon?


Hindi ko talaga maintindihan kung anong gusto ng tadhana.


Hay!


Wala na akong ibang nagawa kundi ang bumuntong hininga.


Mia, umuwi na nga tayo para naman makapagbihis ka.


Sabi ni May.


Tumango lang ako saka kami pumasok sa kotse ko. Si May na iyong nag drive ng kotse dahil sobrang
napuno ng putik ang mga paa ko.



.........



Kevin..


Kevin..


Kevin..


Kevin..


Paano ko siya makikitang muli? Pero gusto ko eh pag nagkita kaming ulit eh hindi na sa ganung
sitwasyon katulad kanina. Nakakahiya iyon. Gusto ko pag nagkita kami ulit, maganda ako tapos
presentable at higit sa lahat mabango.


Inalala ko lang iyong nangyari kanina bago ako mahulog sa canal.


Choi..


Choi iyong nakalagay na family name sa jersey niya. Tama!! Kevin Choi!


Agad akong bumangon sa kama ko saka ko binuksan ang laptop ko. Katatapos ko palang maligo at
sinigurado ko talagang sinabunan ko ng maayos iyong katawan ko at nagperfume pagkatapos. Ayoko ng
maulit iyong nangyari sakin kanina.


Binuksan ko agad iyong faceboook account ko saka ko tinype sa search bar ang pangalang Kevin Choi.
Dahil sobrang common ng name niya eh andaming lumabas na mga pangalan. Kailangan ko pang iclick
iyon isa isa para naman malaman ko kung siya ba iyon o hindi. Pagkatapos ng limang ulit na click dahil
hindi si Lasagna boy ang may-ari ng ibang profile iyon, saka bumukad sakin ang isang profile picture ng
babae at lalaki. Hindi ako maaring magkamali dahil mukha talaga ni Kevin iyon.


Pero..


Sino tong kasama niya?


Tinitigan ko ng matagal iyong babaeng kasama niya. Ang ganda niya. Sobrang ganda. Mas maganda pa
siya sakin. Ang kinis ng mukha niya at ang ganda ng labi niya. Idagdag pa diyan ang mga mata niya na
parang nangungusap.


Kaano niya si Kevin?


Girlfriend kaya siya ni Kevin?


May girlfriend na ba si Kevin?


Dahil hindi ko makita iyong full profile niya, mga basic informations lang ni Kevin ang nakita ko.



Single..



Single si Kevin.


Parang gusto kong sumigaw sa sobrang tuwa.


Hindi pala niya girlfriend iyon. Kinabahan naman ako. Baka pinsan niya lang iyon o baka naman
kapatid.


Binasa ko iyong ibang informations niya. Livingstone University. Don pala siya nag-aaral? Gusto kong
malaman iyong course niya kaso eh hindi naman niya inilagay don. Bukod pa sa kung san siya nag-aaral
wala na akong ibang nakitang impormasyon kagaya ng birthday niya o kung taga san siya.


I clicked the Add Friend Button saka ako nag log-out.


Kailangan ko siyang makita ulit. And alam ko na ngayon kung anong gagawin ko.


Kailangan kong lumipat sa Livingstone University.






Chapter 5: Transfer Students





Maybelline, ilang weeks nalang mag mimidterm na tapos magtatransfer ka pa?



I know Mom pero kailangan ko talagang magtransfer sa Livingstone University. Pretty please?



Ginawa ko na lahat para lang payagan ako ni Mommy. Nagpacute na ako, hinalikan ko na iyong pisngi
niya, niyakap ko na siya, nilambing ko na siya pero hindi parin siya bumibigay.



Ano ba talaga ang reason mo bakit mo gustong magtransfer sa ibang school? May nakaaway ka ba sa
current school mo?



Tanong ni Mommy sakin.



Wala Ma. Ang babait nga nila sakin kaso lang talaga gusto kong pumasok don sa Livingstone. I heard
magandang university daw don. Baka sakaling pag lumipat ako don tatalino na ako diba?



If you really want to transfer you can pero hintayin mo nalang na matapos ang sem nato. Next sem
ililipat na kita agad.



Next sem? Ibig sabihin non..



Binilang ko iyong buwan pang natitira bago ang second semester gamit ang mga daliri ko.



Tatlong buwan pa? Three more months?



Hindi ako makakahintay ng ganun katagal..



Mom, ang tagal pa matapos ng sem. Sige na Mommy please? Sige na. Please help me Mom. Kailangan
ko talagang maka transfer don. I promise pag papayag ka, mag-aaral na akong mabuti.



Nag-isip na muna si Mommy bago siya nagsalita ulit.



Fine..Fine..Basta, promise me na mag-aaral ka na ng mabuti. If babagsak ka, kahit isang subject man
lang, ibabalik kita sa dati mong school.



Waaa!!!



Sa wakas napapayag ko nadin si Mommy.



Dahil sa sobrang tuwa ko niyakap ko agad ng mahigpit si Mommy.



Thanks Mommy. Super duper mega thank you..



.



What?



Are you serious?



Tumango lang ako bilang tugon ko kay May.



Lilipat ka ng school? Pero malapit na iyong midterms natin.



Sambit naman ni Aya.



I know pero napapayag ko na si Mommy.



San ka lilipat?



Tanong ulit ni Aya.



Livingstone University.



Sagot ko naman.



Livingstone? Bakit naman don? I heard madaming maaarte don. Madami din namang maaarte sa
school natin pero mas madami ata sa kanila.



I dont care Aya, basta gusto kong lumipat don.



Bakit? Anong reason mo?



Tanong naman ni May.



Dahil gusto kong makita ulit si Kevin.



KEVIN?? LASAGNA BOY??



Tinakpan ko iyong dalawang tenga ko gamit ang mga kamay ko. Kailangan ba talagang sumigaw? Hindi
ba pwedeng hinaan lang nila iyong boses nila? Hindi naman kami malayo sa isat-isa para sumigaw dahil
wala naman kami sa bundok.



Bakit kailangan niyo pang sumigaw?



Eh kasi naman.. Lilipat ka lang don para lang makita mo ulit si Lasagna Boy? Ano bang pinakain niya
sayo at para ka ng adik sa kanya pagkatapos ka niyang hilain.



Hindi niya ako pinakain. Ako iyong nagpakain sa kanya. Anyway, sa ayaw at sa gusto niyo lilipat na ako
don. Hindi ko din hinihingi ang permiso niyo kaya wala na kayong magagawa.



Kilala ka namin Mia at alam naming hindi ka na talaga namin mapigilan kahit pa tumumbling kami dito
sa harap mo.



Napatawa nalang ako sa sinabi ni May.



Tumbling?



hahaha.



Bakit sa lahat ng word na pwedeng gamitin tumbling pa talaga?



Dahil hindi ka na namin mapigilan, sasama nalang kami sayo.



Nagulat nalang ako sa sinabi ni Aya.



Sasama kayo sakin? You mean..



Pero hindi ko na natapos ang sasabihin ko sana dahil dinugtungan na iyon ni Aya at May.



Yeah.. Lilipat nadin kami ng school!



Sabay nilang dalawa.



Oh well! Ang swerte ko talaga dito sa mga kaibigan ko.



Hindi ko naman sinabi sa kanila na lumipat din sila ng school pero ginawa parin nila.




.





Mia, kinakabahan talaga ako. Pano kung may umaway satin dito?



Kanina pa talaga itong si Aya.



Inaamin ko kinakabahan din ako pero ayokong magpatalo sa kaba ko.



Pinili ko to at ginusto ko to kaya kailangan kong panindigan.



Huwag kang mag-alala Aya, walang aaway satin dito.



Sabi ko sa kanya para hindi na siya kabahan pa.



Oo nga Aya, wala namang aaway satin dito kung hindi natin sila aawayin diba? Huwag ka ngang praning
diyan.



Sambit naman ni May.



Dahil hindi pa ayos iyong uniform namin, naka casual nalang kami. Kaya pagpasok na pagpasok namin sa
University nakatitig lahat ng mga estudyante samin dahil kami lang iyong naiiba. Wala pa nga kaming ID
dahil hindi pa din napoprocess. Dahil sa mga mukha namin, nagmumukha kaming mga outsiders.



Kung hindi lang talaga malakas ang Daddy at Mommy ko sa may-ari ng Livingstone University sigurado
akong hindi na kami nakapagtransfer.



Dumeretso na kami ng building namin dahil hindi talaga namin nagustuhan iyong mga titig nila.



Dahil sa hindi ko alam kung ano iyong course ni Kevin dahil hindi pa niya na confirm iyong friend request
ko sa kanya, nagstick nalang ako sa dati kong course.



Mabuti nalang talaga at naisipang sumama ng two girls sakin. Sigurado akong nahimatay na ako sa kaba
kung ako lang talaga ang andito ngayon. Hinanap na namin iyong room na naka assign sa unang subject
namin para sa Monday.



Eto na ba iyon?



Tanong ni Aya.



Tinignan ko iyong registration form ko.



Room 218.



Eto na nga..



Mauna ka na May...



Utos ni Aya kay May.



Ayoko nga. Nakakahiya. Ikaw nalang kaya.



Ayoko din noh..



Tumigil na sina May at Aya sa pagtutulak kong sino ang mauunang pumasok saka sila tumingin ng
masama sakin.



Ano?



Tanong ko sa kanilang dalawa. Hindi ko gusto ang mga titig nila.



Ikaw na Mia!!



Ako?



Napaturo nalang ako sa sarili ko.



Yup!!



Sabay tango nilang dalawa.



Bakit ako? Ayoko noh. Nakakahiya kaya!!



Pero bigla nalang kinabig ni Aya ang doorknob saka nila ako tinulak papasok sa loob.



Pagpasok na pagpasok ko, ngumiti nalang ako sa kanilang lahat.



Nakakahiya!!!



HELLO!!!



Bati ko sa kanilang lahat saka ako kumaway.



Akala ko maaga pa para sa klase namin pero bakit andito na iyong teacher?



Early birds ba talaga iyong mga teachers dito?



Ang awkward lang!! Kahit isang kaklase walang nag hello back sakin o kaya Hi man lang.



And you are?



Tanong ng lalaking professor. Nakasuot siya ng salamin at naka blue na long sleeve habang hawak hawak
ang isang white board pen at libro. Nasa kalagitnaan ata siya ng pagsusulat ng pumasok ako. Sa itsura
niya, alam kong napaka strict niyang professor. Hindi ko ata gusto ang nanagyayaring ito.



Hello po Sir.! Im Maybelline Mia Park po at transfer student po ako.



Saka ako nag bow sa kanya. Wala akong halong koreana at lalong alam ko na wala ako sa Korea kaya
hindi ko kailangang mag bow sa kanya pero dahil sa sobrang hiya nagawa ko iyon. Hindi ko siya kayang
tignan sa mga mata niya.



Miss Park you are very late for your class!



Galit na sambit nong professor.



Late?



Tama ba iyong narinig ko?



Late ako?



Pero sinigurado naming tatlo na maaga kami ngayon.



Teka lang..Asan na ba sila?



Tumingin ako sa likod ko pero wala sila. Hindi pala sila nakasunod sakin.



Akala ko ba mga kaibigan ko sila? Bakit nila ako iniwan sa ere?



Late po? Ako po late na po ako?



Hindi ko alam kung anong nakakatawa don sa sinabi ko pero napuno ng tawa ang buong klase. Hindi
naman ako nagjojoke ah.



Give me your registration form.



Agad ko namang binigay sa professor ang registration form ko.



You are supposed to be in the next class right after my class. 9:00 AM ang nakasulat dito sa schedule
mo and 8:30 AM palang.



Tinignan ko iyong oras gamit ang relo ko.



8:30 pa nga lang.



Nakakahiya!!!



Ibig sabihin hindi ito iyong class ko?



Pagkatapos pa pala nito?



WAAAA!!



Bakit ba hindi ko tinignan iyong oras kanina bago ako pumasok?



Ibinigay na ng professor iyong registration form ko.



Im sorry po Sir!!



Ilang beses akong nag bow sa harap niya. Sobrang nakakahiya talaga. Inistorbo ko iyong klase niya.



AHHH!! Nakakinis!!




Tumalikod na ako at tinungo iyong pinto. Pero dahil sa pagmamadali kong makalabas..



Tinapik na naman ako ng malas..



at nadulas..



HAHAHAHAH!!




HEHEEHEH!!!




HIHIHIHII!!!




WAAA!!!



Hindi ko na talaga kaya to. Bakit ba ayaw akong lubayan ng malas?



Kahit ba isang araw lang hindi ba pwedeng magpahinga?



Hindi lang ako napahiya, pinagtawanan pa ako ng buong klase.



Let me help you..



Biglang lumapit ang isang babae sakin at inalay ang kamay niya.



Nakakahiya dahil hindi ko naman siya kilala pero kinuha ko narin iyong kamay niya.



Tinulungan niya akong makatayo.



Ang bait niya. Sa lahat ng estudyante na nasa loob ng room, siya lang talaga iyong hindi tumawa. At
tinulungan pa niya ako.



Ang bait niya..



Thanks..



Mahina kong sambit sa kanya pagkatapos niya akong tulungang makatayo.



Youre welcome.



Pagtingin ko sa mukha niya, ngumiti siya. Napaka genuine ng mga ngiti niya, walang halong kaplastikan.



Pero hindi ko maalis iyong mga mata ko sa kanya dahil napaka pamilyar talaga ng mukha niya.



Nagkita na ba tayo somewhere?



Tanong ko sa kanya.



Tinitigan na niya muna ako bago siya sumagot.



I guess hindi pa.



Saka siya ngumiti ulit.



Bakit napakapamilyar ng mukha niya?



You may go out now Miss Park!!



Dahil sa parang anghel na nasa harap ko muntik ko ng makalimutan na nasa loob pa pala ako ng
classroom.



Opo Sir!



Saka ako nag bow ulit sa professor.



Next time be careful. Ang ganda mo pa naman.



Sabi nong babae na tumulong sakin.



Ngumiti lang ako sakanya saka ako lumabas ng pinto.



WOAAA!!



Mia, anong nangyari? bakit ka pumasok don? Hindi pa natin time. 8:30 palang oh.



Sambit ni Aya.



Anong pumasok? Hindi ako pumasok don tinulak niyo ako. Nakakainis talaga kayo. Iniwan niyo ako sa
ere. Kung alam niyo lang kung anong nangyari sakin sa loob.



Nakakainis talaga ang mga kaibigan kong to. Itinaas ko iyong kamao ko para batukan sila pero syempre
hindi ko naman ginawa iyon. Hanggang actions lang ako.



Pinahamak ba naman ako.



Bakit ano bang nangyari?



Tanong nilang dalawa sakin.



Huwag niyo ng alamin!!



Sigaw ko sa kanilang dalawa.



Tumahimik lang ako habang nakasandal sa may railing. Iniisip ko parin iyong babaeng tumulong sakin
kanina.



Hindi pa daw kami nagkita pero napakapamilyar ng mukha niya.



Alam ko nakita ko na siya somewhere.



Inisip ko talaga ng husto kong san ko siya nakita.



OMO!!!



Siya nga iyon!!



Siya iyong katabi ni Kevin sa picture.



Iyong magandang babae.



Binuksan ko iyong facebook ko gamit ang mobile phone at hinanap ang profile ni Kevin.



Tinitigan ko ulit iyong picture niya at iyong mukha ng katabi niya.



Siya nga.



Iisa lang sila.



Dito pala siya nag-aaral?




Chapter 6: Casanova





Naghintay pa kaming tatlo ni May at Aya para sa next subject namin. Hindi namin inasahan na ganito
pala kami kaaga. Nakalimutan ko nadin iyong kahihiyan na nangyari sakin kanina. Nawala na talaga iyon
sa isipan ko pero ang hindi matanggal tanggal sa isipan ko ay iyong babaeng tumulong sakin. Ang
babaeng katabi ni Kevin sa picture niya. Magkapatid ba talaga sila o kaya eh pinsan?



Speaking of Kevin, kanina pa ako andito sa university pero hindi ko parin siya nakikita. Baka naman nasa
kabilang building siya? O baka naman..Hmm..



Kinakabahan na talaga ako.



Bulalas ni Aya habang hawak hawak niya ang kanyang dibdib.



5 minutes magsisimula na iyong class natin.



Sambit naman ni May. Mabuti pa si May mukhang walang inaalala. Nasa personality naman din kasi niya
na hindi madaling kabahan at parang walang kinatatakutan.



Lumipas na ang limang minuto at sobra na ang kabog ng dibdib ko. Lumabas na iyong professor kanina
kaya naman niyuko ko lang iyong ulo ko para hindi niya ako makita. Hindi naman niya siguro naalala
iyong mukha ko.



Isa isang nagsilabasan ang mga estudyante sa loob. Hinanap ko iyong babeng tumulong sakin kanina
pero hindi ko siya nakita. Nakalabas na ata ang lahat ng estudyante pero wala talaga siya.



Baka, hindi ko lang namalayan.



Namalayan ang ano?



Tanong ni Aya sakin.



Ahh wala..



Pagsisinungaling ko sa kanya.



Ayoko din namang sabihin sa kanila iyong nangyari sa loob dahil sigurado akong pagtatawanan na
naman nila ako.



Tayo na Mia.



Sabi ni May sakin. Tumango lang ako at sumunod sa kanila ni Aya.



Iyong ibang classmates namin, pumasok nadin pero konti pa talaga kami. Mabibilang lang ng mga daliri
ko sa kamay ang mga nakasabayan namin papasok ng room.



Dito nalang tayo, mahirap na kasing magpaharap.



Sabi ni Aya samin.



Umupo nadin ako sa tabi nila. Sa totoo lang nawalan ako ng gana. Hindi dahil sa napahiya ako kanina sa
harap ng maraming tao kundi dahil sa babaeng hindi ko nakita ulit. Andami kong gustong itanong sa
kanya. Andami kong gustong malaman tungkol sa kanya.



Gusto kong malaman kung sino siya.



Kung kaano ano niya si Kevin.



Okay ka lang ba Mia?



Tanong ni Aya sakin.



Oo nga Mia kanina ka pa wala sa sarili ah. Ano ba kasing nangyari kanina sayo?



Tanong naman sakin ni May.



Wala..



Hayaan nalang muna natin siya.



Sambit ni Aya kay May.



Tahimik lang ako sa loob ng classroom habang hinihintay ang professor namin.



Hi girls. Transfer students ba kayo?



Tanong nong classmate namin kay Aya at May. Hindi ko na siya tinignan dahil nga wala ako sa mood at
isa pa wala akong ganang makipag-usap sa iba.



Ahh yeah. Gusto kasing lumipat ng friend namin dito kaya sumama nadin kami.



Pagpapaliwanag naman ni Aya.



Anong pangalan niyo?



Tanong nong babae.



Im May..and this is Aya..and this is Mia..



Hi!!



bati ni Aya sa kaklase namin.



Hi din Aya..and Hi Mia..



Lumingon ako sa kanya at ngumiti pero nagulat nalang ako ng makita ko siya ulit.



Ohh its you..Mia pala ang pangalan mo. Ikaw iyong kanina..



Pinutol ko na iyong sasabihin sana ng babae dahil baka madulas pa siya at masabi niya sa mga kaibigan
ko na napahiya na naman ako sa harap ng madaming tao.



Hi.Im Mia.. and you are?



Tanong ko sa kanya.



Im Zelle..



Oh nice name..



Sambit naman ni Aya at ni May.



Thanks..So kung okay lang sa inyo baka pwede akong maupo sa tabi niyo? Sa harap kasi ako nakaupo eh
ayoko ng magpaharap.



Sure..



Sabay naming sagot sa kanya.



Ang bait niya. Palangiti, mas lalo siyang gumaganda pag ngumingiti siya. Lumalabas iyong dalawang
dimple niya. Ang cute..



Nakakainggit!!



Nakakinggit iyong magandang mukha niya.



Idagdag mo pa iyong inner beauty niya.



Kahit bago pa lang kami dito siya pa talaga iyong unang lumapit samin.



Kinuha na ni Zelle ang bag niya sa upuan niya sa harap saka siya tumabi sakin.



Unang kita ko palang sayo kanina Mia pero magaan na talaga ang loob ko sayo.



Sambit niya. Natuwa din naman ako dahil iyon din ang naramdaman ko sa kanya.



Nong una kong nakita iyong picture niya sa facebook profile ni Kevin, nakaramdam ako ng konting 'selos'
dahil sobrang ganda niya. Parang hindi ko siya abot pero ngayon, nawala lahat ng iyon. Sobra akong
namangha sa kanya.



Thank you pala sa pagtulong sakin kanina.



Bulong ko sa kanya dahil mahirap na baka marinig kami ni May at Aya.



Youre welcome.



Actually hinanap kita kanina kaso lang hindi kita nakita. Iyon pala dahil hindi ka na lumabas.



Oo, dito din kasi yong klase ko pagkatapos nong kanina. Mas maganda na iyon dahil hindi na ako
mapapagod para lumipat ng ibang room. By the way, bakit ka nga pala lumipat dito with your friends?



Napaisip na muna ako.



Pwede ko kayang sabihin sa kanya iyong totoong dahilan ko kung bakit ako andito?



Pwede naman siguro.



Wala naman sigurong masama.



Actually..Dahil kay Kevin..



Kevin? You mean Kevin Choi?



Tumango ako bilang tugon ko sa kanya habang nakayuko ako.



hehe. Tell me Mia, may gusto ka ba sa kanya?



Hindi ko siya nasagot ng deretso.



Oh let me change the question. May crush ka ba sa kanya?



Saka ko dahan dahang inangat ang ulo ko at tinignan siya sa mukha niya. Hindi ko kasi kayang tignan siya
deretso sa mga mata niya.



Crush is paghanga diba?



Tumango naman siya.



Uhmm..Oo..Parang ganun pa nga. Pero ang weird lang kasi dahil isang beses ko palang siya nakita non
pero iba na agad iyong naramdaman ko sa kanya..



Ewan ko kung bakit ko nasasabi ang lahat ng to kay Zelle eh ngayon ko lang naman siya nakilala. Dahil
siguro sobrang gaan ng loob ko sa kanya. Malakas talaga ang pakiramdam ko na magkakasundo kaming
dalawa.



Hindi na ako magtataka. Kevin Choi is entitled as the casanova of Livingstone University



Casanova? Anong ibig sabihin non?



Ilang beses ko nading narinig ang word na Casanova pero hindi ko talaga alam ang ibig sabihin niyan.
Hindi nadin naman ako nag aksaya ng oras para hanapin sa dictionary o google ang meaning ng word na
iyan dahil hindi ako interesado non. Pero ngayon iba na.



Kinuha ni Zelle ang phone niya sa kanyang bag saka niya ti-nap ang screen ng ilang beses na para bang
may hinahanap.



If you ask mr. dictionary the meaning of casanova, hell say..



Sambit ni Zelle saka niya binasa ang ibig sabihin ng casanova.



Casanova is someone good-looking, charming, and possess an attractive aura to attract girls.



Uhmm..Iyong pala nag ibig sabihin ng Casanova. Hindi na ako magtataka kung iyon talaga iyong tingin ng
mga tao sa kanya dito sa campus. Good-looking din naman kasi siya at charming..



May dagdag pang meaning si Mr. Dictionary sa Casanova. A Casanova is a charming womanizer. He was
a real person popular in the European royal house holds of the 18th Century.



Dagdag ni Zelle.



Parang ayokong maniwala sa sinabi niya. Si Kevin isang Casanova at ang ibig sabihin ng Casanova ay
womanizer? Ibig sabihin womanizer si Kevin?



Zelle, pwedeng magtanong?



Pakapalan na talaga ng mukha to. Hindi ako makakatulog mamayang gabi hanggat hindi ko nalalaman
ang gusto kong malaman kanina pa.



Sure, go ahead.



Gaano mo kakilala si Kevin? Actually, hinanap ko iyong facebook profile niya tapos nakita ko iyong
picture mo. Magkatabi kayong dalawa.



Tumahimik na muna si Zelle. Parang ayaw niyang sagutin iyong tanong ko. Ayoko din naman siyang
pilitin dahil alam kong hindi pa talaga kami close at wala akong karapatan na tanungin siya ng ganun.



Kung hindi mo kayang sagutin okay lang naman sakin..



Its okay Mia.. Actually, kababata ko si Kevin. Matagal na kaming magkakilala.



Magkababata sila?



So mali pala iyong mga hinala ko tungkol sa kanila nong isang gabi?



Hindi sila magkapatid.



Hindi sila magpinsan.



At hindi din sila mag girlfriend at boyfriend.



Magkababata sila.



Pero ibig sabihin non.



Pwedeng maging sila diba?



Tiningnan ko si Zelle. Sa tingin ko may iba pa silang connection sa isat isa na ayaw niyang sabihin.



Gusto kong itanong sa kanya kung ano iyon.



Pero pinigilan ko ang sarili ko dahil alam kong masyado ng personal kung itatanong ko pa sa kanya.



Maari kayang gusto niya si Kevin?



O baka naman gusto siya ni Kevin?



O kaya sila talaga kaya lang hindi nila inaamin?



Gusto kong malaman ang totoo..



Haayy!!!



Ano pala ang course mo?



Tanong ni Zelle sakin. Alam ko naman kung anong gusto niyang iparating. Gusto niyang ibahin iyon topic
namin dahil ayaw na niyang pag-usapan iyong tungkol kay Kevin.



Marketing..Ikaw?



Really? Marketing din ako eh. Patingin naman ng registration form mo.



Kinuha ko iyong form ko sa bag saka ko inabot sa kanya.



Binasa naman niya iyong mga nakasulat sa registration form ko.



wow ang galing lang. Classmates pala tayo sa lahat ng subjects except lang sa subject kanina.



Sabi niya sabay ngiti niya sakin.



Talaga? Mukhang palagi na tayong magkikita mula ngayon.



Mas maganda nga iyon eh. Sa totoo lang wala talaga akong close friends dito. Lahat kasi sila parang
may sariling mundo.



Napatawa tuloy ako sa sinabi niya. Anong ibig sabihin niya sa may sariling mundo?



hahaha.



Para kasing baliw iyong mga kaklase namin dahil sa sinabi niya.



GOOD MORNING CLASS!!



Ang dami pa sana naming pag-uusapan ni Zelle ng dumating ang professor namin. Nasa mig 40s na siya
at mukhang mabait naman. Wala siyang suot na eye glasses hindi katulad ng ibang mga professors.



At kahit nasa mid 40s na siya ang ganda parin ng kutis niya.



Kahit napahiya ako kanina, masaya naman ako ngayon dahil may bago na akong kaibigan aside from
May at Aya.



Sana maging maayos na iyong buhay ko dito sa livingstone University. Huwag na sana ako sundan ng
malas.



Napatingin ako kay Zelle.



Kahit side profile lang ang tingnan mo mamamangha ka parin sa kanya.



Masyado akong nahihiwagaan sa kung anong meron sa kanila ni Kevin bukod sa sinabi niyang
magkababata silang dalawa.



sana lang..



sana lang hindi silang dalawa..



Chapter 7: Womanizer



Good morning class!!


Good morning Professor Lim!!


Bati ng mga kaklase ko sa professor namin. Inilapag ni Professor Lim ang dala dala niyang books at
laptop niya.


Please, help me with this Mr. Estoperez.


Tumayo namang iyong lalaking nakaupo sa harap ni Maam at ikinabit ang mga cable wires ng projector
patungo sa laptop ni Professor Lim.


Nakuha naman agad naming tatlo ang atensyon ni Professor Lim. Napatingin siya sa direksyon naming
tatlo kaya mas lalo akong kinabahan.


Are you in my class?


Tanong niya sa aming tatlo.


Siniko ako ni May na nasa kaliwa ko bilang senyas na dapat ako iyong sumagot sa tanong ng Professor.


Yes po Professor Lim.


Mahina kong sagot pero sapat naman iyong para marinig niya ako. Ngayon hindi lang si Professor Lim
ang nakatingin samin kundi pati narin iyong ibang kaklase ko. Lahat kasi sila naka uniform tapos kami
lang iyong hindi.


Walang nagsabi sakin na may trasnfer students pala ngayon and to think na malapit na ang midterm.
Im telling you now girls, you really need to catch up.


Yes Maam.


Total hindi pa naman tapos si Mr. Estoperez sa pagaayos, come here in front and introduce
yourselves.


Tumayo na kaming tatlo at pumunta sa harapan. Dahan dahan akong naglakad para naman hindi ako
madulas. Ayokong maulit iyong nangyari kanina. Bakit ba naman kasi ang dulas ng sahig nila dito?


Siniko na naman ako ni May para sabihin sakin na ako na iyong mauna.


Hello!! Im Maybelline Mia Park.


Ngumiti ako sa kanilang lahat.


Duh!! I admit shes pretty pero walang wala ang ganda niya kung ikukumpara sa ganda ko noh.


Napatingin nalang ako sa direksyon ng narinig kong nag-uusap.


Ako ba iyong pinag-uusapan nila?


Parang ako nga dahil sobrang sama ng tingin nong babae sakin.


Sa tingin ko hindi kami magkakasundo ng kaklase kong to. Itsura pa lang niya alam kong napaka arte
niya. She looks like a bitch in her uniform. Napaka iksi ng palda niya. Ibang iba sa mga palda ng iba ko
pang kaklase. And her hair, hindi ko kayang iexplain kung pano niya ginawa iyon. Sa tingin ko pumunta
pa ata siyang salon bago siya pumasok ng school.


I took a step back dahil tapos na ako sa pagpapakilala sa sarili ko. Tama na siguro iyon.


Sabay namang pumunta sa harap si May at Aya.


HELLO!!


Sabay din nilang bati sa mga kaklase namin.



Ang daya talaga nila. Eh ako lang kanina mag-isa tapos ngayon silang dalawa?


Im May..


Sambit ni May.


and Im Aya.


Sambit naman ni Aya.


Nice meeting you guys!


Sabay nilang sabi.


Waa! Pwede naman naming gawin iyong tatlo bakit nila ako pinauna.


Pwede na kayong maupo. And next time please wear your uniform girls.


Sabi ni Professor Lim.


Yes Maam.


Sagot naming tatlo saka kami bumalik sa mga upuan namin.


Huwag kang mag-alala Mia, mabait iyang si Professor Lim.


Bulong sakin ni Zelle.


Talaga? Mabuti naman kung ganun. Madami bang terror na professors dito?


Actually madaming terror na professors dito sa university pero sa department natin isa lang, si
Professor Choi.


Babae ba?


Tumango si Zelle. Professor Choi. Magka apelyedo pa talaga sila ni Kevin Choi.


Si Professor Choi kasi ang may-ari ng school nato. Actually iyong asawa niya pero consider narin na siya
iyong may-ari diba? By the way, siya iyong Mommy ni Kevin.


Akala ko talaga magka apelyedo lang silang dalawa pero hindi pala. Patay talaga ako nito. Kailangan ko
talagang magsunog ng kilay para hindi ako mapahiya sa Mommy ni Kevin.


WAAA!!


Goodluck talaga sakin!!


WAA!!


By the way Zelle, sino pala iyong girl?


Tinuro ko iyong babaeng tumingin sakin ng masama.


Ahh siya ba? Shes Angel. I should warn you Mia to stay away from her. I must admit na hindi bagay ang
pangalan niya sa kanya. Shes the opposite of an angel.


Tama nga ako sa hinala ko.


Pero natuwa nadin ako dahil pati pala si Zelle hindi niya gusto si Angel. Magkakasundo talaga kaming
dalawa.



.........



Dahil major namin ang class namin kay Professor Lim, 3 hours iyong lecture kaya paglabas namin 12
noon na. Ang sakit talaga ng pwet ko kakaupo ng tatlong oras. Wala naman akong naintindihan don sa
pinagsasasabi ni Professor Lim.


San kayo maglulunch?


Tanong ni Zelle samin habang naglalakad kami sa hallway.


Sa school cafeteria nalang siguro.


Sagot ko.


Can I join you girls?


Sure Zelle.


Sagot naman ni May at ni Aya.


Naglakad na kami papuntang school cafeteria. Mabuti nalang talaga at andito si Zelle para maging tour
guide namin. Hindi pa kasi namin masyadong alam ang pasikot sikot ng university.


Habang naglalakad kami si hallway, napansin ko agad iyong dalawang taong naghahalikan. Sobrang
nanlaki ang mga mata ko dahil iyong mga estudyanteng nasa paligid namin parang normal lang sa kanila
na makakita ng naghahalikan sa grounds ng school nila.


Pero mas lalo akong nagulat ng mapansin kong si Angel pala ang babaeng iyon. Napaka landi pala ng
babaeng iyon. Tapos kung makapagsalita siya tungkol sakin. Eh halata namang mas maganda ako sa
kanya.


Hindi ko namalayan na tumigil na pala ako sa paglalakad at nasa harap ko na pala sila. Pero hindi parin
sila tumitigil sa ginagawa nila. Hindi ko masyadong makita iyong mukha ng lalaki dahil natatakpan siya ni
Angel.



Mia, hayaan mo na sila.


Hinawakan ni Zelle nag kamay ko at hihilain na sana ako papalayo sa dalawa kaso lang tumigil sila sa
paghahalikan pagkatapos nilang marinig ang boses ni Zelle.


Pakiramdam ko humiwalay iyong kaluluwa ko sa katawan ng makita ko ang mukha ng lalaking kahalikan
ni Angel.


Si..


si Lasagna boy..


si Kevin..


Zelle?


Kung nagulat ako sa nakita ko, parang mas nagulat pa ata si Kevin ng makita niya si Zelle.


Ano bang meron sa kanilang dalawa bukod sa magkababata sila?


Sigurado na ako ngayon na wala silang relasyon dahil hindi naman siguro makikipaghalikan si Kevin kay
Angel kung sila ni Zelle diba?


Im sorry for interrupting you guys. Sige you can continue on what youre doing kanina.


Sabi ni Zelle habang hawak hawak parin niya ang kamay ko.


You heard her Babe, lets contiue it na. Nabitin talaga ako eh.


Tinabig ni Kevin si Angel saka siya lumapit kay Zelle.


Zelle..


Hindi ko alam kung anong gustong sabihin ni Kevin kay Zelle dahil bigla nalang akong hinila ni Zelle saka
kami tumakbo papalayo kay Kevin at Angel. Hindi na namin narinig kung anong sasabihin pa sana ni
Kevin.



.........



Ganun ba talaga si Kevin?


Tanong ko kay Zelle. Unti unti ko ng nakikilala si Kevin. Pero ayokong maniwala dahil parang hindi iyon
ang totoong ugali niya.


Uhmm.. Linggo linggo papalit palit siya ng girlfriend na para bang may expiration date ang mga babae.
Ewan ko ba kung bakit pumapayag iyong mga girls na makipagrelasyon kay Kevin eh alam naman nilang
womanizer ito.


Womanizer si Kevin. Isa nga siyang Casanova, walang duda. Pero bakit niya ginagawa iyon?


Hay naku Mia, tama nga iyong hinala ko ng una ko pang makita si Kevin.


Bulalas ni Aya saka niya sinubo ang isang kutsarang pagkain sa bibig niya.


Mia, kung ako sayo kakalimutan ko nalang iyang si Kevin at maghahanap nalang ako ng bagong crush.
Eh ang dami namang lalaki dito sa mundo noh. Kailangan mo lang ibukas iyang mga mata mo para sa
ibang lalaki.


Sambit naman ni May.



Hindi ko na sinagot si May at pinagpatuloy ko nalang ang pagtusok tusok sa pagkain ko gamit ang
tinidor. Sa totoo lang hindi ko alam kung anong ginawa sakin ni Kevin para makaramdam ako ng ganito
sa kanya. Pero nalilito din ako sa sarili ko kung ano ba talaga ang nararamdaman ko.



Kung magiging kami ni Kevin, okay lang ba sakin na isang linggo lang kami tapos iiwanan na niya ako?


Pero baka kung maging kami, baka matutunan din niya akong mahalin. Baka hindi na niya ako iiwan.
Baka sakin niya mahahanap ang true love. Hindi ko malalaman kung hindi ko susubukan.


You really like him dont you?


Tanong ni Zelle sakin sa gitna ng lunch namin.


Yeah..

Sagot ko.

Pero iyong eksena kanina. Bakit tumigil si Kevin sa paghalik kay Angel pagkatapos niyang marinig ang
boses ni Zelle? At ano ba iyong gusto niyang sabihin sana kay Zelle? Bakit ganun nalang siya kung
makatingin kay Zelle?


May kakaiba sa kanilang dalawa. Parang may namamagitan pa sa kanila hindi lang dahil magkababata
silang dalawa. I know theres something more.


Gusto kong tanungin si Zelle pero natatakot ako..


AGGHH!! Bahala na!!!


Zelle?


Yes?


Pwedeng magtanong ulit?



Sure, go ahead.



Pero kung hindi mo naman sasagutin okay lang talaga sakin. Itatanong ko lang sana kung..



Nakakahiya talaga to pero hindi matatahimik ang kaluluwa ko hanggat hindi ko malalaman ang totoo.


kung...gusto mo din ba si Kevin?


Napatigil si May at Aya sa pagkain pagkatapos nilang marinig nag tanong ko.


Mia..thats too personal.


Bulalas ni May.


Im sorry Zelle, kalimutan mo nalang iyong tanong ko.. hehe..


Pero sa halip na magalit si Zelle o ma offend dahil sa tanong ko, ngumiti pa siya sakin. Napakatotoo
talaga ng ngiti niya.


I dont like him Mia. Actually may iba akong gusto.


Para akong nabunutan ng tinik pagkatapos kong marinig ang mga salitang iyon mula kay Zelle.


So you mean na..hindi kayo ni Kevin?


Tumawa na talaga si Zelle.


Ano naman ang sumagi sa isip mo at naisipan mo iyan. Kung kami ni Kevin, baka nasampal ko na siya
kanina pagkatapos ko siyang makitang nakipaghalikan kay Angel. hahaha.


Pero bigla nalang naglaho ang mga tawa ni Zelle at biglang nag shift ang ekspresyon niya. Kung hindi
lang talaga seryoso ang mukha niya ngayon, sasabihin ko na sana sa kanya na pwede siyang mag artista.


Actually.. Hindi naman ganun si Kevin dati.


Sambit ni Zelle.


Anong ibig mong sabihin Zelle?


Hindi dating ganyan si Kevin. He was once a one woman man. Kahit napakadaming nagkakandarapa sa
kanya, hindi niya pinapansin. Dahil isa lang talaga ang mahal niyang babae.


Parang ang lungkot ni Zelle habang sinasabi niya iyon.


Anong nangyari?


Ako naman si gustong malaman ang lahat, tanong ng tanong.


Matagal din niyang niligawan iyong girl na gustong gusto talaga niya pero hindi siya sinagot. Ilang beses
niyang sinuyo ito, paulit ulit. Pero paulit ulit din siyang nasaktan. Paulit ulit din siyang nirereject ng girl
na gusto niya.


Hindi ko alam na nakaranas nadin pala si Kevin ng heartbreak. Akala ko ang mga gwapong katulad niya
ay hindi nakararanas ng sakit sa puso. Iyong tipong sobrang sakit na, na pakiramdam mo ilang ulit na
binabasag ang puso mo. Alam ko ang pakiramdamam na iyong dahil minsan ko ng naranasan na niloko.


Simula non, biglang nagbago si Kevin. Linggo linggo na siyang may babae parati.


Ang ganda siguro ng babaeng gusto niya. Napakaswerte nong girl dahil totoong mahal siya ni Kevin pero
hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya sinagot si Kevin.


Asan na iyong girl?


Tanong ko kay Zelle.


So much for that Mia, kumain nalang tayo..


Ngumiti si Zelle sakin kaya ngumiti nadin ako at tinapos na ang pagkain namin.




Chapter 8: Sharing





Anong next class natin Mia?


Tanong ni Aya sakin habang kumakain ako. Itinabi ko na iyong kutsara at tinidor ko, saka ko kukunin na
sana iyong registration form kaya lang eh inunahan na ako ni Zelle.


Foreign Language 1:30-3:00 pm.


Sagot ni Zelle sa tanong ni Aya.


Classmates din ba tayo Zelle?


Tanong naman ni May kay Zelle.


Yup. Except sa isang subject.


By the way Zelle, hindi naman dahil sa masyado kaming tsismosa ha. Pero we considered you na kasi as
our close friend. Actually Im thinking na hindi na bagay ang three girls samin dahil apat na tayo. Kaya
mag-iisip ako later ng bagong name.


Sambit ni Aya.


And your point is?


Tinaasan lang ni Zelle ng kilay si Aya dahil hindi niya alam kung san ba tutungo iyong sinabi ni Aya.


I swear talaga kahit na ganun iyong itsura ni Zelle, ang bait parin niya tignan. Hindi katulad ng iba na
kapag tumataas iyong kilay pakiramdaman mo pati sila tumataas din, hindi na ma reach.


Uhmm..eheheh.. Gusto ko lang sanang itanong kung sino ang gusto mo? hehe


AYA!!


Saway ko sa kanya.


Ano ka ba Mia, okay lang iyan noh close na tayong apat.


Sambit naman ni May. O cge magkampihan kayong dalawa. Kahit noon pa talaga nararamdaman kong
magkakampi sila sa lahat ng bagay kahit na dapat kaming tatlo ang magkampihan. Pakiramdam ko mas
close silang dalawa kesa sa close kamign tatlo.


Thats true Mia, wala namang masama sa tanong nila..


Sambit naman ni Zelle.


Actually.. hindi ko alam kung kilala niyo ba iyong gustong gusto ko since bago pa kayo dito. Pero kasi.. I
think hindi niya ako gusto.


Napakalungkot ng mukha ni Zelle habang sinasabi niya iyon. Pareho pala kami ng nararamdaman. Ako
kay Kevin at siya don sa crush niya. Kahit napakaganda niya, meron din palang guys na hindi
nagkakagusto sa kanya. Almost perfect na si Zelle ano pa bang hinahanap nong guy? Bulag ba siya at
hindi niya makita si Zelle?


Sinong gusto niya?


Sabay na tanong ni May ata Aya.


MIAAA?


Sobra talaga akong nagulat ng may bumanggit ng pangalan ko. Hindi ko kasi inasahan iyon dahil sobrang
tahimik at seryoso naming tatlo.


Napalingon nalang kaming lahat sa lalaking tumawag samin saka namin namalayan na is Axel pala iyon.


Ikaw nga!!


Bulalas niya habang lumapit siya sa table namin.


Axel?


Tumango naman siya.


Hi Axel! Hello Axel!


Bati ni May at ni Aya.


Hi din girls.


Oh! Hi Zelle. Magkakilala pala kayo? Grabeh! Sobrang liit ng mundo.


Hindi na ako nagulat kung magkakilala si Zelle at si Axel. Sa ganda ba naman ni Zelle sigurado akong sikat
na sikat na siya dito sa university. Baka nga may gusto pa si Axel kay Zelle.


Uhh yeah! Were classmates. Kanina lang kami nagkakilala.


Sagot ni Zelle habang nakangiti kay Axel.


Pwedeng makiupo?


Tanong ni Axel sakin.


Sure. Hindi naman ako ang may-ari ng upuan na iyan kaya hindi mo na kailangan pang magtanong kung
pwede.

Sagot ko.

hehehe. Ang cute mo talaga Mia.


Sabay kurot sa pisngi ko.


Aray!!!


Napahawak nalang ako sa kaliwang pisngi ko dahil sa sakit ng pagkurot niya.


May six seats iyong table. Katabi ko si May tapos sa kabila naman si Zelle at Aya, may dalawang bakante
pa sa magkabilang sides, sa tabi ni Zelle at sa tabi ko. Hindi ko alam kung nahihiya ba si Axel tumabi kay
Zelle kaya tumabi nalang siya sakin o baka dahil trip niya lang talaga.


Actually Mia, kanina pa ako nakatingin dito kaya lang hindi ako sigurado kung ikaw nga. Hindi ko naman
kasi inasahan na dito ka pala nag-aaral. Ngayon lang kasi kita nakita dito.

Pagkukwento ni Axel.


ahh.. hehe. Kanina lang din kasi nag transfer dito.


Sagot ko sa kanya habang nakangiti.


Transfer? Wow. Ibig sabihin magiging schoolmates na tayo? Thats cool!!


Bulalas niya.


Hindi ko talaga maipaliwanag kung bakit iba iyong mga titig ni Zelle kay Axel. Kahit na nag-uusap kami ni
Axel, nakikita parin ng mga mata ko ang mga titig ni Zelle na sobrang dikit na dikit kay Axel. Parang super
glue na ayaw matanggal. Parang biko na sobrang lagkit.



By the way Mia, may gig kami mamayan gabi. 7 PM sana makapunta ka. Isama mo nadin si May at Aya.


Huh? Pero kasi...kasi hindi ko alam kung san iyong venue.


Sa totoo lang ayoko talagang pumunta dahil may gagawin ako mamaya. Kailangan ko pang makausap si
Kevin pagkatapos ng klase.


Dont worry alam naman ni Zelle kung san iyong venue. Palagi kasi siyang pumupunta don. Diba Zelle?
Samahan mo nalang sina Mia mamaya ha?


Sabi ni Axel sabay kindat pa kay Zelle.


ahhh..oo..oo..

Nauutal na sagot ni Zelle.


Thanks Zelle.


Punta ka Mia ha, ipapakilala din kita sa bestfriend kong si Kevin. Hindi kasi kita napakilala non ng
maayos nong isang araw dahil nagmamadali kami.


Si Kevin? Pupunta mamaya sa gig? Kung ganun hindi ko na siya kailangang hanapin pa dahil alam ko na
kung san siya makikita mamaya.


cge go!!!!

Mabilis na sagot ko.

hahahah!


hehehehe!


hihihihi!


Hindi ko alam kung anong nakakatawa don sa sinabi ko pero tumawa talaga sila ng sobra. Hindi naman
ako clown para pagtawanan.


Cge Mia, see you this evening. Bye.


Tumayo na siya at tinapik ang kaliwang balikat ko.


Bye girls. Bye Zelle!


Nagpaalam din naman sina May at Aya kay Axel. Pati narin si Zelle.


Tapos na kaming kumaing apat kaya lang wala pang 1:30 kaya naisipan naming dito nalang muna
magpalipas ng oras sa cafeteria.


Zelle.. sabihin mo nga samin.. si Axel ba iyong tinutukoy mo na gusto mo?


Deretsong tanong ni May kay Zelle. Hindi naman makatingin ng deretso si Zelle kay May. Parang tama
nga si May sa sinabi niya. Tingin ko din naman si Axel nga iyong gusto ni Zelle dahil kakaiba iyong mga
titig ni Zelle kay Axel.


yeah..you guessed it right.. pero sinabi ko naman sa inyo na hindi niya ako gusto diba?



Nahihiyang sagot ni Zelle.



Zelle, hindi naman niya sinabi sayo diba na hindi ka niya gusto? Kaya huwag kang mag emote diyan.


Sambit naman ni Aya.


Alam kong hindi niya sinabi pero nararamdaman ko. I think he likes Mia.


Saka tumingin si Zelle sakin. Napaturo nalang ako sa sarili ko sabay lingon sa kaliwa, kanan at likod ko.
Ako nga ang tinutukoy ni Zelle dahil wala ng ibang tao sa likod ko. Pero bakit ako?


Ako? Ano ka ba Zelle, hindi pa nga kami magkakilala noh. Pangalawang beses palang naming magkita ni
Axel. Diba girls?


Say yes! Say yes kundi lagot talaga kayo sakin mamaya.


Alam mo Zelle, napansin ko din iyon eh. Nong una kaming magkita tanong lang siya ng tanong tungkol
kay Mia nong pumunta si Mia ng restroom. Naalala mo iyon Aya?


Oo nga. Tama nga. Ewan ko lang talaga pero malakas kutob ko may gusto siya kay Mia.


Hidi ko talaga maaasahan ang mga kaibigan kong to. Bakit pa nila kailangang sabihin iyon kay Zelle?
Tinignan ko si Zelle. Ang lungkot ng mukha niya.


Zelle, dont worry dahil hindi naman sinabi ni Axel sakin na gusto niya ako kaya wala tayong dapat i-
assume. Sa tingin ko nga eh ang gusto niya talaga ay ikaw kaso nahihiya lang siya. hehehehe.


Its okay Mia. Tanggap ko naman.


Mas lalong lumungkot iyong mukha ni Zelle. Maganda parin naman siya kahit na malungkot iyong mukha
niya pero iba talaga kapag ngumingiti siya.


May naisip ako!!


Bulalas ni Aya habang hawak hawak ng hintuturo niya ang gilid ng noo niya.


*Tiing*


Ano iyon?


Tanong ni May sa kanya.


Total, hindi naman gusto ni Mia si Axel dahil si Kevin ang gusto niya. Bakit hindi nalang tayo gumawa ng
operation para naman magustuhan ni Axel si Zelle.


Pagsusuggest ni Aya.


Tama nga. Matalino rin pala tong si Aya. Hindi lang pala puro pagkain iyong laman ng utak niya. hehehe


Game ako diyan. Operation AXELLE love team!!


Bulalas ko habang itinaas ko pa iyong kanang kamay ko.


Pero what will you get in turn girls?


Tanong ni Zelle kay Aya.


Tutulungan niyo ako tapos wala naman akong matutulong sa inyo lalo na kay Mia.

Sambit ni Zelle.

Naku Zelle! Huwag kang mag-alala dahil pagkain lang naman ang katapat ni Aya at ako naman okay na
ako kahit wala na. And as for Mia, pwede mo siyang tulungang mapalapit kay Kevin since magkababata
naman kayo.

Sagot ni May.


*tiiing*


Ang tatalino talaga ng mga kaibigan ko. Minsan napaisip ako kung bakit hindi ako nahawa sa pagiging
matalino nila. Palagi nalang kasi akong kulelat pagdating sa loob ng classroom. Maliban sa napapahiya
ako palagi. Eh hindi pa umeexcel sa academics.


Sure. Thats fine with me.


Pag aagree ni Zelle. Bumalik na ulit iyong maaliwalas na mukha niya at ngumingiti na siya ngayon.


Sana maging okay ang plano namin.


By the way Mia, what time tayo pupunta ng gig?


Tanong ni Zelle.


Wala naman akong gagawin so 6:30 pwede na tayong pumunta don.


Sagot ko sa kanya.


Ikaw Zelle wala ka bang lakad?


Tanong naman ni May kay Zelle.


Wala naman. Except na may practice ako mamaya. Malapit na kasi iyong basketball competition nila
Kevin kaya kailangan nadin naming magpractice.


WHAATT?? Pwede palang sumali sa team kahit na babae?


Bulalas ko.


hehehe. Youre so cute Mia. Cheering iyong ibig kong sabihin. Ako kasi iyong cheerleader.


Tumawa nadin si May at Aya.


ahh.. Hindi mo naman kasi sinabi kaya hindi ko nagets. Kayo din naman May diba? Aya?


Pero umiling lang silang dalawa.


Nagets namin iyon Mia. Ikaw lang ata iyong hindi. hehehe


Sabay sabi nilang dalawa sakin. Nakakainis lang!!


Until what time ba matatapos practice niyo?


Tanong ko kay Zelle.


By Five thirty tapos na kami. Magkita nalang tayo by six thirty siguro.


YEP!!! Sisimulan na natin mamaya ang operation dukot Axels heart!! goo!!


Bulalas ni May.


Chapter 9: Plan A





Aya, sigurado ka ba na ito susuotin ko?



Tanong ko kay Aya habang dala dala ko iyong black mini dress na may mga shimmering splendid pa.
Sobra talaga iyong mga kinang ng damit. Para naman akong magmumukhang disco ball nito.



Yup. Im sure mapapansin ka ng lahat pagpasok palang natin don. Sagot niya.


Are you sure? Mapapansin nga ako ng mga tao dahil sobrang ikli naman nito. At isa pa hindi tayo
magdidisco. Manonood lang tayo ng gig. Sambit ko.



Huwag ka na maarte Mia, suotin mo na iyan bilis. Darating na dito si Zelle maya maya.


Sabi naman ni May habang tinulak niya ako papuntang banyo ng kwarto ko.


Sige na nga. Napilitan akong napasige kay Aya.


Baka naman kasi mahuli kami kung aarte pa ako dito. Pumasok na ako ng banyo saka ko sinuot iyong
damit na pinili ni Aya at May.


Mia, tapos ka na?


Tanong ni Aya habang kinakatok niya iyong pintuan ko.


Oo pero kasi..


Parang hindi ko yata kayang lumabas na ganito iyong suot ko. Pano pa kaya kung pupunta na talaga kami
don sa gig ni Axel.


Huwag na maarte. Labas ka na.


Dahil sobrang lakas na talaga iyong mga katok nila sa pinto na para bang masisira na iyong pintuan ko.
Lumabas nadin ako habang hawak hawak ko iyong dulo ng damit dahil hinihila ko iyon pababa. Sobrang
ikli kasi nong damti talaga.


O see? Bagay sayo eh. Sabi ko naman sayo.


Sabi ni Aya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa na nakangiti.


Eh kasi..


*tok* *tok*


Maam Mia?


Narinig ko iyong boses ni Ate Kate sa labas ng kwarto ko.


Yes ate?


May bisita po kayo. Pinapasok ko na po.


Si Zelle na siguro iyon.


Bulalas ni May.


Tinungo na naming tatlo ang pinto at binuksan iyon. Hindi nga kami nagkamali. Si Zelle nga iyong andito.
Well, wala naman talaga kaming ibang inaasahan kaya talagang hindi kami magkakamali.


Zelle. Pasok ka.


Hinawakan ko iyong kamay ni Zelle saka ko siya hinila papasok sa loob ng kwarto ko.


Thanks Ate.


Sige po Maam.


Saka ko isinara iyong pinto ng room ko.


Nice room.


Pagcocommento naman ni Zelle habang iniikot ikot niya iyong mga mata niya sa buong paligid ng kwarto
ko. I admit masyadong malaki iyong kwarto ko para sa sarili ko lang. Pero dahil wala naman akong ibang
kapatid, binigay na lahat nila Mommy at Daddy sakin ang malaking space. Sa totoo lang masyado nila
akong sinospoil, lahat ng hinihingi ko nakukuha ko. Hindi mo rin naman sila masisisi dahil wala akong
kahati sa atensyon nila.


Thank you Zelle.


Pagkatapos libutin ng paningin niya ang buong kwarto ko, ako naman iyong tinignan niya mula ulo
hanggang paa.


But what are you wearing?


Tanong niya habang nakatiklop iyong dalawang braso niya sa dibdib niya.


Huh? Eh kasi..


Ano ka ba Zelle, iyan ang uso ngayon noh. At isa pa bagay naman kay Mia diba?


Sambit ni Aya.


I know bagay sa kanya iyong damit pero hindi bagay ang damit na iyan para sa pupuntahan natin. You
have to change your dress Mia, hindi gusto ni Kevin ang mga ganyang tipong damit.

Sabi ni Zelle.

Ill go choose your dress for tonight.


Saka naglakad si Zelle paputang closet ko at naghanap ng damit na susuotin ko. Pagkatapos ng ilang
sandali, nakapili na siya saka siya muling lumapit sakin.


Wear this.


Saka niya binigay iyong mga damit na dala niya at tinulak ako paputang banyo. Pagpasok ko sa loob ng
banyo, saka ko lang natignan iyong mga damit na binigay niya. Isang floral printed pink corset dress at
isang black cardigan. Hindi ko alam na may ganito pala akong dress sa loob ng closet ko. Hindi kasi ako
iyong namimili ng damit ko. Kadalasan si Mommy lang kaya hindi ko memoryando iyong iba ko pang
damit.


Pagkatapos kong magbihis, lumabas na agad ako.


You look perfect.


Bulalas ni Zelle pagkakita niya sakin.


Ikaw kasi Aya, hindi ka kasi marunong. hehehe Sabi ni May kay Aya saka niya sinundot iyong balikat
nito.



Che! Oh Mia, suoton mo natong black heels mo.


Sigaw ni Aya saka naman niya inabot iyong black heels. Kukunin ko na sanaiyong sapatos pero pinigilan
ako ni Zelle.


Not that Mia. Just go for flats. Here, nakapili na ako.


Inabot nadin ni Zelle iyong black doll shoes ko saka ko sinuot iyon.


Now youre ready.


Bulalas ni Zelle. Tinignan ko na muna iyong sarili ko sa full length mirror ko. Tama si Zelle, mas maganda
ako ngayon sa suot ko. I look decent kung icocompare sa suot ko kanina. Naiingit ako kay Zelle, dahil
mas alam niya kung ano iyong mga gusto ni Kevin.


Sana balang araw matutunan ko din iyong mga alam niya tungkol kay Kevin.


Lets go girls!


Bulalas ni Aya.


.....


Isang kotse lang iyong dala naming apat. Ang kotse ni Zelle. Nasa parking lot na kami ng venue na
sinasabi ni Axel pero hindi parin kami bumababa dahil sobrang kinakabahan ako. Pakiramdam ko
kinakabahan rin si Zelle.


Tayo na!


Bulalas ni Aya. Kanina pa talaga siya atat na atat na pumasok sa loob.


Pero..



Sabay namin ni Zelle. Tama nga ako. Kinakabahan nga si Zelle. Akala ko ako lang iyong nakakaramdam ng
kaba.


Tayo na kasi..


Binuksan na ni Aya iyong pinto ng likod ng kotse saka siya lumabas. Lumabas nadin si May at tangin kami
nalang ni Zelle ang nasa loob. Siya sa drivers seat at ako naman sa front seat. Wala nadin kaming
nagawa kundi ang lumabas nadin.


Dont worry girls. Gagana iyong plano natin.


Pag-aassure ni May.


Pano kung hindi?


Tanong ko kay May.


Kung hindi eh may plan B pa naman.


Sabi ni May.


Pano kung hindi parin gagana?


Tanong ni Zelle.


Eh may plan C pa. Andami pang letters sa alphabet kaya hindi tayo mauubusan. Huwag kayong mag-
alala.


Eh pano kung Plan Z na tapos wala padin?


Tanong ko naman kay Aya.


Eh balik A tayo. Plan A2 naman. Hanggang infinity ang plan natin kaya huwag mag-alala.


Hinila na ako ni Aya papasok ng bar. Hinila din naman ni May si Zelle.


Hay!!


Napabuntong hininga nalang ako. Sana lang gumana iyong plano namin.


Pumasok nadin kami sa loob. Ang ganda ng bar nato. Hindi ito iyong tipong bar na sobrang gulo at
sobrang ingay. Actually maingay sa loob dahil may bandang nagkakantahan sa stage ng bar kaso nga
lang hindi iyong tipo ng ingay na nakakasakit sa tenga.


Naghanap na kami ng table na pwede naming maupuan. Pero may nakareserve na palang table para
samin sa harapan malapit sa stage.


Si Axel siguro nagpareserve nito para satin dahil alam niyang darating ka.


Sambit ni Zelle na may halong lungkot ang mukha niya.


Ano ka ba Zelle, huwag ka ng mag emote diyan. Mag enjoy nalang tayo.


Hindi nagtagal, natapos nadin iyong bandang nagperform at pinakilala na samin ang susunod na
magpeperform.



Lets us all welcome. The Galaxy Band!!


Nagsitayuan iyong mga tao sa loob ng bar at nagpalakpakan. Iyong reaksyon nila sa naunang band hindi
katulad ng reaksyon nila ngayon. Sobrang ingay ng mga audience at ang sakit ng mga tilian ng mga
babae. Napatakip tuloy ako sa tenga ko.


Ganito ba talaga dito?


Sigaw ko kay Zelle dahil kung hihinaan ko sigurado akong hindi niya ako maririnig.


Oo! Masanay ka na.


Mas lalong nagtilian iyong mga babae nang lumabas na sina Axel at ang tatlong kasama niya. Kasama na
don si Kevin. Naka black shirt lang ito, black pants at converse pero sobrang gwapo niya. Lalo na at
nakasabit sa katawan niya iyong gitara niya.


Parang gusto ko ring sumigaw at tumili para ipakita iyong paghanga ko sa kanya pero pinigigilan ko ang
sarili ko. Bakit ba ang gwapo niya?


Hindi nagtagal nagsimula na silang tumugtog. Si Axel iyong vocals at rhythm guitarist ng banda. Si Kevin
naman ang nasa right side ni Axel. Siya ata ang lead guitarist nila. Iyong dalawa pa nilang kasama hindi
ko na kilala. Pero gwapo din naman iyong dummer at bass nila.


? Adik sa yo
Awit sa akin
Nilang sawa na sa
Aking mga kuwentong marathon
Tungkol sa yo
At sa ligayang
Iyong hatid sa aking buhay
Tuloy ang bida sa isipan koy ikaw ?

Waaaa!!!

Ang gwapo nila!!

Hindi na ako magtataka kung bakit gustong gusto ni Zelle si Axel. Bukod sa gwapo ito at mabait, ang
ganda pa ng boses nito. Iyong tipong boses pa lang maiinlove ka na. Siguro kung mas nakilala ko ng
maaga si Axel baka sa kanya na ako maiinlove pero dahil talagang sinadya ng tadhana na hindi, kay Kevin
ako nainlove.


? Sa umagat sa gabi
Sa bawat minutong lumilipas
Hinahanap-hanap kita
Hinahanap-hanap kita
Sa isip at panaginip
Bawat pagpihit ng tadhana
Hinahanap-hanap kita ?

Tinitigan ko si Kevin, sobrang gwapo niya while hes strumming his guitar like crazy.

WAAA!!

Mamamatay na ata ako nito. Bakit ba sobrang gwapo ng mahal ko?

Gusto kong umakyat sa stage at yakapin si Kevin pero natatakot akong baka hindi na ako makalabas ng
buhay dito sa bar dahil andaming babaeng haharang sakin

? Sabik sa yo
Kahit maghapon
Na tayong magkasama parang telesine
Ang ating ending
Hatid sa bahay nyo
Sabay goodnight, sabay may kiss
Sabay bye-bye
Sa umagat sa gabi
Sa bawat minutong lumilipas
Hinahanap-hanap kita
Hinahanap-hanap kita ?

Tinitigan ko si Zelle, tahimik lang siyang nakaupo sa upuan niya at tinitignan si Axel. Ang lagkit ng tingin
niya kay Axel. Gustong gusto talaga niya si Axel. Sana nga magkatuluyan silang dalawa.

?Sa isip at panaginip
Bawat pagpihit ng tadhana
Hinahanap-hanap kita
Ooohhh?

KEVIN!!!!!! GO!!!!

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Napatayo na ako at sumigaw na parang wala ng bukas. Wala na akong
pakialam kung wala na akong boses pagkatapos nito.

KEVIN!!!

AHHHH!!!!!


? Sa school, sa flag ceremony
Hanggang uwian araw-araw
Hinahanap-hanap kita
Hinahanap-hanap kita
At kahit na magka-anak kayot
Magkatuluyan balang araw
Hahanap-hanapin ka
Hahanap-hanapin ka ?


Natapos na iyong unang kanta nila pero parang hindi parin ako nakakarecover sa kagwapohan ng mga
lalaking nasa harapan ko. Lalong lalo na si Kevin. WAAA!! Kahit guitar lang iyong hawak niya sobrang
gwapo na niya pano pa kaya kung kakanta na siya? Sana kumanta siya.


Pero natapos pa ang dalawang kanta nila pero hindi parin kumakanta si Kevin. Siguro nga guitarist lang
talaga siya at hindi singer.


Thank you everyone!!!


Iyong ang huling sinabi ni Axel bago sila bumaba ng stage. Iyong mga babae naman, sinalubong sila at
nagpa autograph. Nagulat ako don, ganun ba talaga sila ka sikat? Ehh kahit ako din naman siguro
magpapautograph ako kung hindi ko sila kilala.


Kalahating oras din ang lumipas bago sila natapos sa kakapirma nong mga papel at lumapit sa table
namin.


Hi Mia. Mabuti nalang at nakarating ka.


Bati kaagad ni Axel sakin.


By the way ipapakilala ko kayo sa mga members. This is Jerome, our drummer.


Hi girls!


Bati nong Jerome. Blonde iyong buhok niya at sobrang kinis ng mukha niya.


Si Mark, bassist namin.


Hello!

Bati niya sa'min saka niya itinaas iyong isang kamay niya.


Pare, mauna na pala kami ni Mark. May naghihintay samin eh.


Sambit ni Jerome saka niya tinuro iyong dalawang girls malapit samin. May girlfriend pala sila.


Cge pare. Sa friday ulit.



Sabi ni Axel saka niya tinapik isa isa ang mga balikat ni Jerome at Mark.


Si Kevin Choi. Bestfriend ko.


Pagpapakilala ni Axel kay Kevin samin. Ngumiti ako kay Kevin pero hindi siya ngumiti pabalik sakin.


Magkakilala naman siguro kayo pero gusto ko lang talagang i-introduce kayo sa isat isa formally. Sabi
ni Axel.


Hi Zelle! Bati naman ni Axel kay Zelle.


Sa wakas, napansin nadin ni Axel si Zelle. Kanina pa ata naghihintay si Zelle na batiin siya ni Axel. Naupo
nadin si Kevin at Axel at sinamahan kami sa table. Nag order narin sila ng drinks.


Nagkwentuhan lang kami at kinilala ng mabuti ang isat isa pero tahimik lang talaga si Kevin at pasulyap
sulyap kay Zelle. Hindi ko alam kung bakit hindi niya pinapansin si Zelle eh magkababata naman sila.
Alam kong malalim din iyong pinagsamahan nila.


Excuse me lang ha. May nakita kasi kaming gwapong guys don. See you later.


Paalam ni May at ni Aya. Dito na ata magsisimula ang plano namin. Sana nga lang gumana.


Sure girls.


Sagot naman ni Axel saka umalis si Aya at May.


Excuse me, punta lang akong restroom.


Tumayo naman si Kevin.


Balik ka agad tol ha?


Pero hindi na sumagot si Kevin at dumeretso na sa pag-alis.


Kaming tatlo nalang iyong naiwan. Napapagitnaan nila akong dalawa na para bang ako iyong palaman ng
sandwich. Nasa kanan ko si Zelle habang nasa kaliwa ko naman si Axel.


Mia, hihintayin kita sa labas may sasabihin ako sayo.


Bulong ni Axel sakin saka siya tumayo at lumayo sa amin ni Zelle.


Ano daw?


Tanong ni Zelle sakin pag-alis ni Axel.


May sasabihin daw kasi siya sakin. Sige na Zelle ito na iyong tinatawag nilang right timing. Puntahan
mo na si Axel.


Tinulak ko si Zelle para tumayo siya pero hinila niya iyong kamay ko.


Samahan mo ako Mia. Kinakabahan ako.


Ano ka ba. Kaya mo na iyan. Go na at isa pa hihintayin ko pa dito si Kevin noh. Para naman may
moment kaming dalawa.


Sige na. Kinakabahan talaga ako. Please? Sasamahan mo lang naman ako tapos babalik ka nadin dito.
Hindi ka naman magtatagal. Sisiguraduhin natin nakabalik ka na dito bago pa dumating si Kevin. Please?


Dahil ginamitan ako ng super cute face ni Zelle at puppy eyes. Wala nadin akong nagawa kundi pumayag
sa gusto niya.


Sige na pero mabilis lang ako don ha? Babalik din ako agad.


Tumango naman siya. Tumayo nadin ako at sabay na kaming lumabas para sundan si Axel. Nahanap
namin siya na nakaupo malapit sa mini fountain sa labas ng bar.



Axel!!


Tawag ko sa kanya.


Oh Mia. Andito ka na pala.


Hi Axel.


Bati naman ni Zelle kay Axel.


Hello Zelle. Andito ka pala. Akala ko kasi si Mia...


Ahhh..Ano kasi..Sinama ko na si Zelle dahil wala siyang kasama don sa table. Wala pa kasi si Kevin. Ano
pala iyong sasabihin mo?


Pinutol ko na iyong sasabihin sana ni Axel dahil alam kong hindi iyon magugustuhan ni Zelle. Baka kasi
panghinaan lang siya ng loob dahil don.


Ahh..sa susunod ko nalang sasabihin iyon Mia. Akala ko kasi tayo lang mag-uusap.


Ganun ba? Sige sa susunod nalang. Siyanga pala may sasabihin si Zelle sayo.


Tinulak ko si Zelle palapit kay Axel.


Go sabihin mo na bilis!


Bulong ko kay Zelle.


Ahh kasi...Hmm..Axel..hmm..


Tumingin ulit si Zelle sakin na para bang sinasabi niyang hindi niya kaya.


Go na!


Bulong ko sa kanya.


Kasi Axel..Gusto ko lang sabihin sayo na noon paman..hmm..uhmm..ahhh..I really....


Zelle!!


Lalabas na sana ang mga salitang I really like you mula sa bibig ni Zelle kaso nga lang may pumigil sa
kanya. May kumuha ng atensyon niya.


Malapit na sana eh..


Napatingin kaming tatlo don sa tumawag kay Zelle. Si Kevin pala..


Kevin...


Ang sama ng tingin ni Kevin kay Zelle. Iyong tipong parang gusto na niya itong sigawan. Hindi ko alam
kung bakit ganun nalang ang mga titig niya kay Zelle.


Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo? Sinabi ko naman sayo na hindi mo dapat gawin iyan.


Saway niya kay Zelle. Hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin ni Kevin kay Zelle.


Lets go.. Ill take you home..


Galit na sabi ni Kevin kay Zelle na para bang inuutusan niya lang ito.


Alam ko na kamay talaga ni Zelle ang gusto niyang hilahin palayo kay Axel pero sa halip na kamay ni Zelle
ang mahawakan niya. Iyong kamay ko ang nahawakan niya.



Chapter 10: Rape





Hawak hawak ni Kevin ang kanang kamay ko habang hila hila niya ako palayo ng bar. Hindi ko alam kung
san kami pupunta. Hindi ko alam kung san niya ako dadalhin. Hindi ko rin alam kung anong mangyayari
sakin kapag nalaman niyang ako iyong nahila niya at hindi pala si Zelle.



Lagot!



Gusto kong unahan siya. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi ako si Zelle. Na ako, si Mia ang nahila niya
pero masyadong akong nalamon ng kilig na nararamdaman ko. Parang gusto kong sumigaw dahil hawak
ni Kevin ngayon ang kamay ko. Parang mga paru paru sa loob ng tiyan ko na nagliliparan sa tuwa.



Waa!!



In love na talaga ako!



Ilang beses ko ba dapat sabihin sayo para maintindihan mo na hindi mo dapat sabihin kay Axel na may
gusto ka sa kanya?



Alam ko galit na si Kevin dahil sa tono ng boses niya. Bigla nalang niyang binitawan ang kamay ko nong
makalayo na kami sa bar saka niya ako hinarap.



Pero sobrang nagulat siya ng makita niya ang mukha ko . Sino ba naman ang hindi magugulat eh akala
niya si Zelle iyong hila hila niya pero it turns out na ako pala.



Ikaw? Malakas na sigaw niya.



Tumango lang ako. Hindi ko alam kung ilang beses akong ang nod sa kanya.



Bakit ka andito?



Tanong niya sakin.



Eh kasi hinila mo ako?



Totoo naman diba? Hinila niya talaga ako kaya ako andito ngayon sa harap niya.



Bakit...



Hindi na niya tinapos iyong sasabihin niya at napahawak nalang siya sa noo niya. Naisip niya siguro na
sobrang tanga niya dahil hindi niya tinignan kong kaninong kamay iyong nahila niya.



Bahala ka na nga diyan!



Saka siya naglakad palayo sakin.



Kevin! San ka pupunta?



Tanong ko sa kanya habang sumusunod ako sa kanya.



Kahit saan basta malayo sayo.



Sagot niya sakin pero hindi niya ako nililingon. Patuloy parin siya sa paglalakad.



Iiwan mo ako dito? Pano kung may mangyaring masama sakin? Pano kung may masamang tao dito
tapos..tapos.



Sana nga lang meron talaga. Sabi niya.



Kevin, huwag mo akong iwan...



ARAY!!!



Napatigil ako sa paglalakad ko dahil natapilok ako. Napahawak ako sa right ankle ko dahil sa sobrang
sakit. Pano ba naman kasi, hindi smooth iyong daan na nilalakaran ko. Bakit ba naman kasi sa dami ng
pwedeng pagdalhin sakin dito pa sa tahimik at madilim na lugar. Napatingin ako sa paligid, sobrang
nakakatakot pala dito. Lalo na kung ikaw lang mag-isa. Mabuti pa tumayo na ako at baka maiwan ako ni
Kevin.



KEVIN!!!



Sinubukan kong tumayo kahit na masakit talaga iyong paa ko pero pagtayo ko wala na si Kevin.



Asan na siya?



Tumingin tingin ako sa paligid. Wala na talaga siya. Asan na siya? Iniwan niya ba talaga ako? Ako nalang
mag-isa dito? Tinignan ko ulit ang paligid. Sobrang dilim at ang tahimik. Iyong tipong pang horror sa
movie talaga.




Huwag kang matakot Mia!! Kaya mo iyan. Kahit na mag-isa ka lang dito wala namang mangyayaring
masama sayo.



Kinalma ko ang sarili ko. Naisipan kong tawagan si May at Aya pero hindi ko magawa dahil naiwan iyong
cellphone ko sa bag. Pano na to? Ano ng gagawin ko.



Tama Mia, maglakad ka lang para naman hindi ka mastuck up dito.



Dahan dahan kong hinakbang ang mga paa ko kahit na masakit. Pinilit ko talaga kesa naman sa maiwan
akong mag-isa dito.




Asan na ba kasi si Kevin? Pano niya ako nagawang iwan dito? Wala ba talaga siyang pakialam sakin?
Paano kung.. Paano kung may..



WALA MIA!! HUWAG KANG MATAKOT!!



Pinagpatuloy ko lang iyong paglalakad ko. Makakuwi ako ng safe sa bahay kaya wala akong dapat na
ipag-alala.



Miss you need help?



Woo!! Mabuti nalang at may tao pala dito.



Sige po Kuya. Medyo masakit po kasi iyong kanang paa ko. Sagot ko.



Pero paglingon ko don sa taong nag offer ng tulong, nagbago agad ang isipan ko. Pano ba naman kasi.
Nakakatakot iyong mukha niya. Nasa mid 30s na ata siya at parang adik iyong mukha niya. May dala pa
siyang bote na may kulay yellow sa loob. Sigurado akong rugby iyon. Hindi lang pala siya mukhang adik,
adik talaga siya.



Ano bang nangyari diyan sa paa mo?



Tanong niya sakin habang may ngiti na nabuo sa labi niya. Wala sa paa ko iyong mga titig niya kundi
nasa legs ko.



Ahh wala po Kuya. Sige po mauna na po ako. Kaya ko naman.



Pagsisinungaling ko sa kanya saka ako naglakad ng dere-deretso.



Bakit naman nagbago agad ang isip mo? Kanina lang eh pumayag ka. Huwag kang mag-alala dahil wala
naman akong hihinging kapalit na pera. Kahit experience lang sa maganda mong katawan payag na ako.
hihihihih



Tumayo ang balahibo ko pagkatapos niyang tumawa. Ang bastos talaga ng adik nato. Bakit may
nabubuhay pa sa mundo na katulad niya?



Nagsimula na akong kabahan. Sana lang makalabas pa ako sa lugar na to ng buhay. Baka kinabukasan,
mabasa nalang sa diyaryo na may magandang babaeng namatay sa kalyeng ito. Kung talagang dito na
magtatapos ang buhay ko, sigurado akong mumultuhin ko talaga si Kevin. Hinding hindi ko talaga siya
patatahimikin.



Cge po Kuya. Aalis na po ako. Salamat po.



Mas lalo kong binilisan at nilakihan ang mga hakbang ko kahit namimilipit na ako sa sakit. Pero
nararamdaman ko paring sumusunod iyong adik sakin.



Tingnan mo hindi mo kaya. Buhatin na kita.



Saka niya hinawakan ang kanang balikat ko habang hawak hawak parin niya iyong bote ng rugby niya.



Ano ba. Sinabi ko naman sayong kaya ko. Umalis ka na nga sa harapan ko. Nakakatakot ka!!



Hindi ko na napigilan na sigawan siya. Hindi ako dapat nagpapadala sa takot ko. Kailangan kong lumaban
para ipakita sa kanya na hindi niya ako kayang takutin.



Aba! Ang arte mo naman. Para hawak lang. Ako na nga ang nagmamagandang loob dito. Kung hindi ka
kayang daanin sa mabuting usapan eh di pipilitin nalang kita.



Saka niya tinapon iyong bote ng rugby sa may dahuman at hinawakan niya iyong magkabilang balikat ko.
Dahil sa sobrang lakas niya, he already pinned me sa poste na patay sindi ang ilaw. Nakakatakot iyong
mukha niya kanina pero mas lalong nakakatakot ang mukha niya sa malapitan.



Bitawan mo nga ako!!



Sinubukan kong maglaban. Sinubukan kong kumawala pero wala atang epekto iyon sa kanya.



SAKLOLO!!! TULONG!!! TULONG!!!



Sumigaw ako ng husto para may makarinig sakin. Kailangan ko ng tulong. Kailangan kong makawala sa
adik nato. Hindi pwedeng marape ako dito. Hindi pa nga ako nahahalikan ni Kevin tapos mararape na
ako. Ayoko!! HINDI PWEDE!!!



Kahit anong sigaw ko walang nakirinig sakin. Wala masyadong lumabas sa bibig ko dahil naubos na ata
iyong boses ko kakasigaw kanina sa gig nila Axel.



Kahit na anong gawin mo walang makakarinig sayo. Kung pumayag ka lang kanina eh hindi na sanakita
pipilitin.



TULONG!!!



TULONG!!!



SAKLOLO!!!



Gusto kong sumigaw pero ubos na lahat ng boses ko.



Naramdaman ko nalang ang mga kamay ng adik na tinanggal ang suot kong cardigan.



Wala na akong ibang nagawa kundi ang umiyak.



Huwag po. Maawa po kayo. Huwag po.



Hinang hina na ako. Hindi ko na siya kayang pigilan pa. Patuloy ang mga luha sa mga mata ko sa
pagdaloy patungo sa pisngi ko.



Tuluyan ng natanggal ng adik ang suot kong cardigan saka niya iyon tinapon sa kung saan.



Naramdaman ko iyong mga kamay niya sa mga balikat ko pababa sa mga kamay ko.



KEVIN!!! TULUNGAN MO AKO!!



Gusto kong sumigaw ulit pero wala na talaga. wala nang lumabas sa bibig ko. Wala na!!



WALANG HIYA KA!!!!



Sobrang bilis ng pangyayari. Bigla nalang natumba iyong adik sa damuhan malapit sa bote ng rugby na
tinapon niya kanina. Napahawak siya sa labi niya.


Tinignan ko iyong lalaki na sumuntok sa adik. Dahil patay sindi ang ilaw sa poste, hindi ko nakita ng
maayos ang mukha ng lalaki hanggang sa..



Kevin?



Tumayo ulit iyong adik at sinubukang suntukin si Kevin pero inunahan siya ni Kevin. Natumba ulit iyong
adik saka sinipa ni Kevin iyong tiyan niya ng ilang beses. Nakakaawa iyong adik pero bagay lang sa kanya
iyan.




Sobrang nanginginig ang buong katawan ko. Napaupo nalang ako habang nakasandal sa poste at binalot
ang katawan ko gamit ang dalawang kamay ko.



Hindi parin ako tumitigil sa pag-iyak. Sobrang takot na takot ako. Muntik ng may mangyaring masama
sakin. Muntik na akong marape ng adik.




Hindi nagtagal tinigilan nadin ni Kevin iyong adik dahil hindi na ito makatayo. Pinulot niya iyong cardigan
ko saka siya lumapit sakin.




Tumayo ka na diyan.



Mahinang utos niya sakin. Pero hindi parin ako tumitigil sa pag-iyak kahit na alam kong ligtas na ako.



Yumuko si Kevin at hinarap ako.



Huwag ka ng matakot, wala na siyang gagawin sayo. Andito na ako. Isuot mo na to.



Binigay niya iyong cardigan sakin pero hindi ko kinuha iyon. Paano ako tatayo nalang ng basta basta? Na
parang walang nangyari sakin? Alam kong ligtas na ako pero hindi parin nawawala iyong takot na
naramdaman ko.



Wala ng ibang nagawa si Kevin kundi ang sumandal sa gilid ng poste kong nasan ako. Magkatabi lang
kaming dalawa pero hindi na siya nagsasalita.



Ikaw naman kasi eh. Bakit mo ba kasi ako sinusundan?



Tanong niya sakin. Tumingin ako sa kanya saka ko siya sinuntok. Sinuntok suntok ko iyong braso niya
kahit na alam kong hindi siya nasasaktan.



Hindi naman kita sinusundan! Ikaw iyong humila sakin. Kasalanan mo to! Sigaw ko.



Hindi ko parin siya tinigilan. Binuhos ko lahat ng takot na naramdaman ko sa pagsuntok sa kanya.



Im sorry na. Alam ko kasalanan ko.



Para akong nabingi sa sinabi niyang sorry. Mula sa Casanova ang salitang iyon. Hindi ko inasahan na
hihingi siya ng pasensya sakin. Napatigil nalang ako sa pagsuntok sa kanya. Hindi ko inasahan na
marunong din pala siyang mag sorry.



Suntukin mo pa ako. Makakatulong iyan sayo.



Mahina niyang sambit pero hindi ko na kayang gawin iyon sa kanya pagkatapos niyang mag sorry.



Hindi ko naman talaga sinadya na iwanan ka. Hindi ko din naman talaga ginusto iyong sinabi ko sayo
kanina na sana may mangyari sayo. Inaasar lang kita kanina. Akala ko lang talaga nakasunod ka pa sakin
pero paglingon ko nawala ka nalang bigla. Mabuti nalang talaga at nakita kita agad. Kung hindi baka..



Napaiyak ako ulit dahil sa sinabi ni Kevin.



Hoy! Bakit ka umiiyak. Sinabi ko naman sayo na hindi ko intensyon iyon.



Napaiyak ako dahil inakala ko talaga na iniwan na niya ako. Akala ko talaga wala siyang pakialam sakin.
Pero kahit na ganun siya ayaw parin niyang mapahamak ako.



Pasensya na. Hindi ko na uulitin iyon.



Pagktapos ng dalawampung minuto, nakarecover nadin ako sa takot. Hindi ko parin nakalimutan iyong
nangyari sakin kanina pero hindi na ako takot. Dahil alam kong hindi ako pababayaan ni Kevin.



Umuwi na tayo? Gabi na!



Sambit ni Kevin saka siya tumayo hawak hawak parin niya iyong cardigan ko.



Tinignan ko iyong oras gamit ang wristwatch ko. 9:30 PM na pala. Hindi ko namalayan iyong oras. Gano
ba kami katagal dito?



Tumayo nadin ako. Hinawakan ko iyong poste para alalayan ako sa pagtayo ko.



Isuot mo na to para hindi ka ginawin.. Sambit ni Kevin.



Kukunin ko na sanaiyong cardigan ko pero bigla nalang niya akong tinulungan sa pagsuot non. Dumikit
iyong balat niya sa balat ko habang tinutulungan niya ako at bumalik ulit iyong mga paru parung
nagliliparan sa tiyan ko.



Si Kevin lang talaga ang nagpaparamdam sakin nito. Hindi katulad nong adik na iyon na sobrang
nakakadiri. Tinitigan ko iyong adik, nakahiga parin sa damuhan. Nakatulog na ata. Puno ng pasa iyong
mukha niya.



Grabeh naman kung makipag-away si Kevin. Halos patayin na niya kanina iyong adik.



Ihahatid na kita sa inyo. Baka ano pang mangyari sayo. Magtataxi nalang tayo wala akong dalang
kotse.



Tumango lang ako bilang tugon ko sa kanya.



Nauna ulit siyang maglakad sakin pero bigla nalang siyang huminto pagkatapos niyang mapansin iyong
paa ko.



Anong nangyari diyan?



Tanong niya sakin.



Kanina kasi habang sinusundan kita, bigla nalang akong natapilok.



Bigla nalang siyang yumuko at tinanggal iyong sapatos ko. Hinawakan niya iyong kanang paa ko saka niya
ito sinundot sundot.



Hindi ka kasi nag-iingat. Kakambal mo ba ang malas?



Saka niya binalik iyong sapatos ko sa paa ko. Pakiramdam ko ako ngayon si Cinderella. Sinusuot ng prince
charming ko ang sapatos sa mga paa ko. Ang gwapo ni Kevin. Mas lalong nahuhulog ang loob ko sa
kanya.



Bubuhatin nalang kita para hindi na iyan mamaga pa. Mahinang sabi niya.



Bubuhatin ako ni Kevin?



Hindi ba mali iyong narinig ko?



Ano?



Tanong ko sa kanya. Baka kasi mali lang iyong narinig ko. Baka mapahiya ako.



Sabi ko bubuhatin na kita hanggang sa makahanap tayo ng taxi.



WAAA!!



Oo napilayan ako!



Oo muntik na ako marape!



Pero hindi ko inasahan na ito pala ang kapalit ng lahat ng kamalasan na naranasan ko ngayong gabi.
Hindi lang ako tinulungan ni Kevin, bubuhatin pa niya ako.



WAAA!!



Hindi na sana matapos ang gabing to.



Sana huminto ang oras.



Sana ganito nalang kami palagi.



Hindi ko alam kung paano ako magrereact. Gusto kong yakapin si Kevin at mag thank you sa kanya pero
baka naman kasi isipin niya napaka chancing ko.



hhihihihi!



Successful iyong plan A namin!



Sana si Zelle din at Axel.



Chapter 11: Hold Up!



Umupo si Kevin sa harap ko para ialay ang likod niya.




Pakiramdam ko naipon ang lahat ng mga dugo ko sa katawan papuntang pisngi ko dahil bigla nalang
itong uminit. Mabuti nalang talaga at nakatalikod siya at medyo madilim iyong paligid.





hihihi.




Nababaliw na talaga ako.




Ano ba? Magpapakarga ka ba o maglalakad ka nalang?




Tanong niya sakin. Saka lang ako bumalik sa katinuan ko.




Ahh oo!!



Dahan dahan kong siyang niyakap at humawak sa may leeg niya. Parang ganito lang iyong scene sa mga
nakikita kong koreanovela. Iyong kakargahin ng bidang lalaki ang bidang babae para i-piggyback ride.




Waa!!




Hindi ko talaga inasahan na magiging ganito kabilis iyong connection naming dalawa ni Kevin. Wala pang
isang buwan pero nakayakap na ako sa kanya.




Kumapit kang maagi.



Sambit ni Kevin saka siya dahan dahang tumayo. Nahihiya ako dahil baka mabibigatan siya sakin. Kung
alam ko lang sana na ganito iyong mangyayari eh nakapag diet sana ako.



Hay!!




Pero wala huli na eh. Wala na akong magagawa.




Ang bigat mo naman.




Sambit niya saka siya dahan dahang naglakad.




Kung nabibigatan ka pwede mo naman akong ibaba. Hindi ko naman sinabi sayo na kargahin mo ako.




Kung palalakarin kita baka abutin tayo ng umaga bago paman tayo makalayo sa lugar nato.




Hindi na ako umimik pagkatapos non. Ayoko kasing humantong sa away iyong usapan namin. Gusto ko
pang namnamin ang sandaling ito. Buhat buhat ako ni Kevin sa likod niya habang naglalakad kami sa
madilim na daan tulad nito.




Napaka romantic. Akala ko talaga sa pelikula lang nangyayari ang mga ganitong bagay o kaya naman eh
sa mga libro lang pero nangyayari talaga pala ang mga ganito sa totoong buhay.




Pero nabigla nalang ako ng mapatigil si Kevin sa paglalakad.



May problema ba?




Tanong ko sa kanya pero hindi siya umimik.




Kevin..




May mga..



Hindi na natapos ni Kevin ang sasabihin niya sana ng bigla nalang magsalita ang isang lalaki.




Kung seswertehin ba naman tayo oh!!



Napatingin ako don sa lalaking nagsalita. Hindi na ba matatapos ang problema namin ni Kevin? Tama na
iyong adik. Hindi na kailangang dagdagan pa ang problema.




Oo nga pare! Mukhang mayaman ang mga to.




Sabi naman nong isang lalaki. Apat silang nasa harap namin na may hawak hawak na mga bote ng alak.




Madami ba talagang adik sa lugar na to? Bakit ba naman kasi dito ako hinila ni Kevin?




Sa tingin ko nasa 19-23 lang iyong mga edad ng lalaki. Bakit ba hindi nalang sila mag-aral kesa naman
sayangin nila iyong mga buhay nila sa pag-iinom at pagrurugby?




Waa pare. Ang ganda nong babae. Type ko ang mga katulad niya. Ang kinis!!




Bigla na naman akong kinabahan pagkatapos sabihin nong lalaking iyong ang mga salitang hindi kanais-
nais sa pandinig ko. Humigpit ang mga yakap ko kay Kevin.




Bakit ba habulin ako ng mga adik?




Waaa!!




Mas gugustuhin ko pang habulin ako ng aso kesa naman habulin ako ng mga adik na katulad nila.




Type ko din iyong babae pare kaya lang naunahan mo ako kaya sige na nga. Sayo nalang iyan.




Napaatras si Kevin ng isang hakbang.




Alam ko magaling si Kevin makipaglaban pero hindi niya kakayanin ang apat na iyan na siya lang mag-isa.
Pwede ko naman siyang tulungan pero dahil sa sitwasyon ko ngayon mahirap iyon.




Pare, ganda naman ng chicks mo. Swerte mo diyan. Ang puti at ang kinis. Ang ganda pa ng buhok. Ang
seksi pa. Pahiram naman oh. Kahit ngayong gabi lang. Titikman ko lang. hihihi. Huwag kang mag-alala
dahil ibabalik ko din naman siya sa'yo pagkatapos.




Sambit nong lalaki saka sila nagtawanan ng kasama niya.




Titikman nila ako?




Ano ako pagkain para tikman?




Nahihibang na ba sila?




Oo nga pare. Huwag kang mag-alala dahil hindi ka namin sasaktan kung ipapahiram mo sa amin iyang
girlfriend mo.




Gusto kong magpasalamat don sa adik dahil sinabi niyang girlfriend ako ni Kevin pero syempre
nangibabaw parin iyong takot ko dahil baka kung anong mangyari sa amin ni Kevin.




Anong tingin mo sa girlfriend ko? Laruan na pwedeng ipahiram?




Nagulat ako sa sinabi ni Kevin. Girlfriend? Sinabi niya na girlfriend niya ako?




Sandali lang.




Ibinaba ako ni Kevin saka niya nilapitan ang apat na lalaking humarang sa amin.




Mag-iingat ka.




Sabi ko sa kanya at tumango naman siya.




Hindi ko alam na nakakahawa pala ang kamalasan ko.




Bakit ba talagang hindi ako tinatantanan ng mga pasabog ng kamalasan? Andami ng nangyari sa araw
ko. Napahiya ako kaninang umaga dahil pumasok ako sa classroom habang may nagkaklase pa. Kanina
muntikan na akong ma rape at ngayon naman.




Aba tol! Malakas ang loob nito.




Bulalas nong isang lalaki.




Sabay sabay nilang sinugod si Kevin pero umilag lang si Kevin. Nailagan niya lahat ng mga suntok na
binigay ng mga adik sa kanya.




Go Kevin!




Go! Kaya mo iyan!




Para akong baliw dito na nanood ng laban ni Pacquiao. Sinusuntok suntok ko pa iyong ere na para bang
may kalaban talaga ako.




Wala pang sampung minuto pero tumba lahat ng mga adik na nakalaban ni Kevin. Kahit isang galos wala
siyang natamo. Ang galing niya talaga.




WOOO!!!!




Sigaw ko habang pinapalakpan ko siya. Pero bigla nalang akong napatigil ng may naramdaman akong
matulis na bagay sa leeg ko. Parang iyong dulo ng lapis na dumikit sa balat ng leeg ko.




Huwag kang kikilos kong ayaw mong masaktan ang babaeng to!!




Alam ko hindi ako iyong sinabihan ng lalaking humahawak sakin pero pati ako napasunod niya. Hindi ako
makakilos dahil sa sobrang takot. Akala ko lapis lang iyong nasa leeg ko pero matulis na kutsilyo pala
iyon. Kapag kikilos ako, sigurado akong dugo ang dadaloy mula sa leeg ko.




Ibaba mo ang kutsilyo mo!!




Utos ni Kevin sa lalaking humawak sakin.




Ano ba iyang iniisip niya? May hawak na ngang kutsilyo tapos kung makapag utos para lang inuutusan
ang alila nila na magtimpla ng juice.




haha! Anong akala mo sakin tanga? Bumili lang ako ng sigarilyo tapos ito na iyong aabutan ko? Ang
galing mo din dahil napatumba mo lahat ng miyembro ko. Pero ibahin mo ako.



Waa!!





Sinong mag-aakala na may isa pa pala silang kasama?




Akala ko apat lang sila pero lima pala.




Hold up to!! Akin na iyang mga gamit mo kung ayaw mong may masamang mangyari sa girlfriend mo.
Isang aksyon lang to at tapos ang buhay nito! Sayang maganda pa naman sana! ahahaha




Hold up?




Hold up to?




Pagkatapos ng rape hold up na naman?




Imagine sa isang gabi lang lahat nangyari to.




Bakit ba ang malas ko?




Bakit ganito nalang palagi?




Kevin, huwag mong ibigay iyong mga gamit mo. Hindi naman siguro ako sasaktan ng lalaking to.




Tumahimik ka babae ka kung ayaw mong ibaon ko tong kutsilyo sa leeg mo.




WAA! Kuya huwag naman!!




Wala nadin ibang nagawa si Kevin kundi kunin iyong wallet niya sa kanyang bulsa saka tinapon sa harap
ng lalaki.




Iyong cellphone mo at pati nadin iyong relo mo!




Utos nong lalaki kay Kevin habang hawak hawak parin niya ako.




Sinunod din naman ni Kevin ang utos nong holdupper saka niya tinanggal ang relo sa kanyang kamay at
kinuha ang cellphone sa bulsa niya.




Itatapon na sana ni Kevin iyong relo at cellphone sa harap ng holdupper ng biglang magsalita ang
holdupper.




Huwag mong itapon. Baka masira! Akin na..!!




Pakawalan mo muna siya!




Sabi ni Kevin.




Cge sabay tayo. Iabot mo iyang gamit mo at pakakawalan ko tong girlfriend mo.




Sinigurado na muna ng holdupper na nakuha na niya iyong cellphone at relo ni Kevin bago niya ako
tinulak kay Kevin. Ang lakas talaga ng pagtulak niya kaya napayakap tuloy ako kay Kevin. Ang bango niya!




Salamat Manong!




Pero syempre hindi ko sinabi iyon dahil baka kung anong isipin ni Kevin.




Iphone ba to?


Tanong nong holdupper saka niya kinuha iyong wallet ni Kevin at tumakbo. Iniwan na niya talaga iyong
mga kasama niyang natutuloy sa daan.



Okay ka lang ba?



Tanong ni Kevin sakin.




Oo. Im sorry, kasalanan ko to. Kung hindi lang talaga...




Pero hindi na niya ako pinatapos sa pagsasalita ko.




Kinarga na ulit ako ni Kevin at naglakad na papalayo sa nakakatakot na kalyeng iyon. Ngayon ko lang
nalaman na talagang mas nakakatakot ang mga buhay na tao kesa sa mga patay.




Sa susunod talaga iiwasan ko na iyong kalyeng iyon.



Sayang naman iyong gamit ni Kevin. Iyong Iphone at ang pera niya. Pati nadin iyong relo niya. Dahil sa
pagkamalas ko kaya nadamay siya. Naguiguilty talaga ako.





Im sorry talaga..




Bulong ko sa kanya habang binubuhat niya ako sa likod niya.




Kahit na ilang beses ka pang humingi ng pasensya hindi mo na maibabalik iyong mga gamit ko kaya mas
mabuti pang tumahimik ka na lang.




Hindi ba tayo maghahanap ng taxi? Kakargahin mo lang ba ako hanggang sa bahay namin?




Tanong ko sa kanya.




Wala na akong pera kaya wala tayong pambayad ng taxi. Eh ikaw may pera ka ba diyan?




Wala din. Naiwan ko kasi iyong bag ko sa bar. Hindi ko kasi alam na ganito pa la ang mangyayari.




Eh di tumahimik ka na. Mas lalo kang bumibigat sa tuwing nagsasalita ka diyan.




Sinunod ko nalang iyong sinabi ni Kevin. Hindi ako nagsalita habang binubuhat niya ako. Ang lapit ng
mukha ko sa leeg niya. Naamoy ko iyong pabango na gamit niya. Sobrang bango niya. Sobrang bango pa
ng buhok niya. Ang sarap niyang yakapin.




Bigla nalang sumagi sa isipan ko iyong sinabi niya sakin kanina na dapat sana kay Zelle.




Ilang beses ko ba dapat sabihin sayo para maintindihan mo na hindi mo dapat sabihin kay Axel na may
gusto ka sa kanya?




Kevin pwedeng magtanong?




Matagal din bago sumagot si Kevin pero pumayag din naman siya.




Iyong sinabi mo kanina. Bakit ayaw mong sabihin ni Zelle ang nararamdaman niya para kay Axel?



Hindi nakasagot si Kevin sa tanong ko. Mali ata na tinanong ko sa kanya iyon.




Hmm..Sinabi kasi ni Zelle sakin na magkababata kayo kaya alam ko kung anong meron kayo. hehehe




Ano pang sinabi niya?




Tanong ni Kevin sakin.




Uhmm..Wala na..Bakit meron pa ba bukod don?




Wala naman..May itatanong lang ako sayo..Okay lang?




Feeling ko ang close close na namin ni Kevin. Pano ba naman kasi nagpapalitan na kami ng mga tanong
ngayon.




Kinilig tuloy ako ng wala sa oras.




Bakit ba naman kasi ang sweet niya. Kinarga pa talaga niya ako kahit alam kong nahihirapan na siya.




Sige. Ano iyon?




Kumakain ka ba sa tamang oras?




Huh? Oo naman. Bakit mo naman nasabi?




Wala lang..Ang liit lang kasi ng ano mo..Hahaha. Kahit na nasa likod kita hindi ko maramdaman.
hahaha



Biglang uminit iyong pisngi ko dahil sa sinabi niya. Sinapak ko iyong mga balikat niya kaya muntikan na
akong mahulog.




WOA!!




hahah. Huwag kang malikot kung ayaw mong mahulog ka diyan. ahahaha




Ang bastos bastos mo talaga!!




hahahahah! Kumain ka ng madaming gulay para naman lumusog ka. Baka malay mo sa susunod may
mararamdaman na ako hindi katulad ngayon. hahaha



Ang bastos talaga ng lalaking to. Kaya naman pala niya ako kinarga dahil gusto lang niyang
maramdaman iyong ano..




Nakakainis!!!



Asan na ba iyong bahay niyo?



Pag-iiba niya ng usapan.



Lumiko ka don sa kanto pagkatapos. Malapit na tayo.



Sa totoo lang naaawa na ako sa kanya dahil kanina pa niya ako karga karga. Alam ko nabibigatan na siya
sakin.



Pwede mo naman akong ibaba. Kaya ko namang maglakad.



Huwag na. Para naman makauwi ka na agad. At isa pa baka mamamaga pa iyang paa mo pipilitin mo
talagang maglakad.



Hindi nagtagal nakarating nadin kami sa tapat ng bahay namin.



Dito na ba?



Tanong niya.



Oo. Ibaba mo na ako. Mag dodoorbell lang ako.



Ang laki ng bahay niyo ah.. Ako nalang mag dodoorbell.



Pinindot na ni Kevin iyong doorbell ng bahay namin. Pagkatapos ng limang minuto may nagbukas na ng
gate namin.



Maybelline? Oh my God! where have you been? At anong nangyari sayo? Kanina pa ako alalang alala
sayo. Mabuti nalang talaga at wala pa ang Daddy mo dito.



Im sorry Ma. Natapilok lang po ako kaya hindi ako nakauwi agad. Naiwan ko din po kasi iyong bag ko
kay Aya at May kaya hindi ko po kayo natawagan.



Iyong bag mo nasa loob na, nanggaling dito si May at Aya pero hindi ka nila kasama.



Im sorry talaga Ma.



Pumasok ka na para magamot na iyang paa mo. Sino ba tong kasama mo? Boyfriend mo ba?



Ang cool ng Mommy ko. Kahit nasa harap namin siya at nakikita niya akong kinakarga ng lalaki hindi siya
nagagalit. May tiwala naman kasi siya sakin.



Classmate ko po sa bago kong school Ma. Siya po iyong tumulong sakin.



Iho, salamat talaga. Naistorbo ka pa namin. Pakipasok nalang si Maybelline sa loob.



Cge po Tita.



Nakasunod lang kami kay Mommy habang tinuturo niya iyong kwarto ko kay Kevin. Kung tutuusin
pwede naman akong ibaba ni Kevin dahil kaya ko nang maglakad pero hindi parin niya ginawa.



Binuksan ni Mommy iyong pinto ng room ko, saka ako nilapag ni Kevin sa kama ko.



Thanks Kevin.



Sabi ko sa kanya pagkatapos.



Thank you iho. Kevin pala ang pangalan mo. Thank you talaga. Napaka clumsy kasi ng anak ko kaya
naman nag-aalala ako palagi dito.



Walang anuman po.



Gusto mo ba ng juice o kahit na ano?



Hindi na po. Uuwi na po ako medyo gabi nadin po kasi.



Cge kung iyan talaga ang gusto mo. Pero ipapahatid nalang kita sa driver para hindi ka na mahirapan
pa. Ano palang family name mo Kevin?



Napaka chismosa talaga ng Mommy ko.



Choi po. Kevin Choi.



Choi? Kayo ba iyong may-ari ng Livingstone University?



Tumango lang si Kevin kay Mommy.




Cge po Tita. Mauna na po ako.



Cge Kevin. Ihahatid na kita sa baba para mahatid ka na ng driver. Thank you talaga sa pagtulong mo sa
anak ko.



Sa wakas na kauwi nadin ako. Akala ko talaga hindi na ako makakauwi ng buhay.



Napakathankful ko kay Kevin dahil hindi niya talaga ako iniwan.



Pinahanga niya ako lalo at pakiramdam ko mas mahal ko na siya ngayon kesa kahapon.



Sana nga magtuloy tuloy na to.



Chapter 12: Approval






Waaa!!



Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Para akong nakahiga sa ulap. Para akong lumilipad. Para
akong nasa duyan.



Si Kevin..



Kinikilig parin talaga ako. Ramdam ko parin iyong mga mga paru paru na lumilipad sa loob ng tiyan ko.



Maybelline.



Dahil sa pananaginip ko ng gising hindi ko namalayan na nakapasok na pala si Mommy sa room ko.



Ma..Nakauwi na po si Kevin?



Tanong ko sa kanya.



Pinahatid ko na siya sa driver.



Mabuti naman po.



Umupo si Mommy sa kama ko.



Nagpakuha na pala ako ng maligamgam na tubig para naman hindi na mamaga iyang paa mo.



Thanks Mom. Youre the best talaga.



Gusto kong yakapin si Mommy pero hindi ko nalang ginawa para hindi na magalaw iyong katawan ko.



May hindi ka ba sinasabi sakin? Ano bang nangyari kanina at mukhang masaya ka?



Bumungisngis ako sa harap ni Mommy.



Waa!!



Ngayon ko lang talaga ginawa to. Hindi ko kasi mapigilan eh. Sa totoo lang hindi ko to naramdaman
maski pa nong naging kami ng ex ko.



Pano mo naman nasabi na masaya ako Ma? hehe.



Hindi kasi halata Maybelline. Iyak ka kasi ng iyak diyan.



Etong si Mommy oh nahahawa na kay Vice Ganda dahil sa panonood ng showtime.



hehehe!



hahaha!



Ang saya ko talaga.



*tok* *tok*



Ate? Eto na po iyong pinakuha niyong maligamgam na tubig.



Tumayo na si Mommy at binuksan iyong pinto ng room ko.



Thank you Kate.



Cge po ate.



Dala dala ni Mommy iyong maliit na batya na may lamang tubig.



Ibabad mo na muna iyang kanang paa mo dito anak.



Yes po Ma.



Tinulungan ako ni Mommy na mababad iyong paa ko tapos bumalik ulit siya sa pag upo

sa kama ko.



Cge na anak, sabihin mo na iyong nangyari kanina.



Hmm..Ayoko nga.. hehe..Biro lang Mommy. Eh kanina kasi pumunta kaming bar dahil may gig iyong
classmate namin. Bandmate din niya si Kevin. Pagkatapos nong gig, nagkwentuhan tapos nahila ako ni
Kevin dahil inakala niya kasing ako iyong kaibigan kong si Zelle. Tapos napunta kami don sa madilim na
kalye dahil natapilok ako bigla nalang siyang nawala. Inakala niya kasi na nakasunod lang ako.



Huminto ako sa pagkukwento. Hindi ko kasi alam kung dapat ko bang sabihin kay Mommy na muntik na
akong ma rape. Baka kasi sa susunod hindi na niya ako payagang gumala kasama ang friends ko. Baka
mag hire pa siya ng bodyguard para bantayan ako. Ayokong mangyari yon. Para akong kalapating
kinukulong pag may kasama kang bodyguard kahit san ka magpunta.



Pero pinili ko paring sabihin kay Mommy dahil karapatan din naman niyang malaman kung ano talaga
ang nangyari sa anak niya.



Pagkatapos? Anong nangyari?



Si Mommy talaga kung makatanong parang tinatanong lang kung anong nangyari sa walang hanggan.



Tapos non Ma, ako nalang mag-isa sa kalyeng madilim at nakakatakot tapos bigla nalang may adik na
lalaking lumapit sakin. Nakakatakot iyong itsura niya. Sobrang nakakatakot. Tapos non eh tinangka
niyang saktan ako..Muntik na nga akong...



Oh my God Maybelline. Okay ka lang ba?



Hinawakan ni Mommy iyong dalawang balikat ko at chineck iyong mga bahagi ng katawan ko kung may
galos ba o pasa.



Ma, walang nangyari dahil dumating si Kevin..



Saka lang tumigil si Mommy pagkatapos kong sabihin iyon sa kanya.



Anong ginawa niya don sa adik?



Naalala ko na naman iyong ginawa ni Kevin. Kahit hindi ko masyadong nakita ng maayos ang nangyari,
naalala ko parin lahat. Kung pano niya sinuntok at sinipa iyong lalaki na walang kahirap hirap.



Hes my Superhero.



hihihihi.




Sinuntok niya iyong lalaki Ma!



Sinuntok suntok ko iyong hangin para naman ma-visualize ni Mommy ng maayos iyong nangyari kanina.


tapos sinipa pa niya ng ganito Ma...




ARAY!!!



Dahil sa sobrang pagka excite ko, nakalimutan kong nakababad pala iyong paa ko sa tubig kaya naman
sumakit ulit ito.



hahaha! Dahan dahan Maybelline..



Im sorry Ma, nadala lang talaga ako sa eksena kanina. hehehe



hehehe. Ano pang sumunod na nangyari anak?



Inayos ko na muna iyong paa ko sa batya saka ako nagkwento ulit kay Mommy.



Pagkatapos non Ma, kinarga ako ni Kevin dahil masakit iyong paa ko. Kahit na sobrang bigat ko Ma,
kinaya niya parin. Hindi niya talaga ako iniwan. Pagkatapos non eh, bigla na namang dumating ang apat
na lalaki.



What? Hindi pa pala don natatapos ang lahat?



I know Mom. Tapos non eh, binaba ako ni Kevin dahil kakalabanin niya iyong mga masasamang tao.
Parang si Spiderman lang Ma, walang kahirap hirap, napatumba niya lahat ng kalaban. Wala man lang
siyang galos.



and then?



hehe.



The best talaga si Mommy kaya love na love ko siya.



Nakikinig talaga siya sa mga kwento ko.



Para ngang siya pa iyong mas excited kesa sakin eh.



Tapos non Ma, hindi namin alam na may isa pa pala silang kasama. Bumili lang daw ng sigarilyo kaya
tinutukan ako ng kutsilyo sa may leeg. Sobrang nakakatakot iyon Mommy, akala ko talaga katapusan ko
na non. Hayy. Pero hiningi nong holdupper iyong pera ni Kevin pati nadin cellphone at relo.



Binigay ba niya?



Oo Ma. Kung hindi niya binigay malamang patay na ako ngayon. Malamang hindi mo na ako kausap
ngayon. hehe.



hehe. Ikaw talaga Maybelline ngayon lang ulit kitang nakitang masaya simula nong..



Biglang tumigil si Mommy dahil alam niyang hindi ko gustong marinig ulit ang pangalan ng ex ko. Sinabi
ko na kasi sa kanya noon na ayoko ng marinig iyong pangalan ng walang hiyang lalaking iyon.



Im sorry baby.



Its okay Ma. What do you think of Kevin Ma? Hes so handsome right? And gentleman.. Hes like a
superhero.



You like him dont you?



Uhmm.. Its useless kung magsisinungaling ako. hehe. Anong tingin mo sa kanya Ma?



Tumahimik na muna si Mommy na tila ba nag-iisip kung anong sasabihin niya.



Nong una talaga anak ayoko sa kanya dahil andami kong naririnig na masama tungkol sa batang iyon.
Pero pagkatapos mong magkwento nagbago lahat ng paningin ko sa kanya. Im happy for you
Maybelline.



Huh? What do you mean Ma? Kilala mo na pala si Kevin?



Yes baby. Hindi ko lang alam na magkakilala pala kayo. Kaya ka ba lumipat ng school dahil sa kanya?



Tumango ako bilang tugon ko kay Mommy. Pero hindi ko talaga alam kung bakit kilala na ni Mommy si
Kevin.



Pano mo siya nakilala Ma?



Unang beses ko palang siyang nakita kanina pero andami ko ng naririnig tungkol sa kanya. Magkakilala
kasi kami ng Mommy niya at may hiningi silang favor.



Favor?



I know na close si Mommy at Mommy ni Kevin kaya nga ako nakapasok ng Livingstone University pero
hindi ko alam kung anong favor ang hinihingi ng Mommy ni Kevin kay Mommy.



What kind of favor Ma?



Its a secret for now Maybelline. So ano? Nangliligaw ba si Kevin sayo?



Unfortunately, hindi Ma.



But why? I think he likes you too.



I dont know Ma.



Sananga lang pagkatapos ng nangyari kanina, magiging close kami ni Kevin. Sana magbago na siya. Sana
makalimutan na niya iyong babaeng bumasag sa puso niya.



Dont worry Baby. Gagawa ako ng paraan.



Saka lumapit si Mommy sakin at hinalikan ang noo ko.



Ipapakuha ko nalang tong batya kay Ate kate mo ha? Magpahinga ka na pagkatapos.



Yes Ma.



Goodnight anak.



Goodnight din Ma.



Saka lumabas ng room si Mommy.



Sa totoo lang hindi ko naintindihan iyong sinabi ni Mommy na gagawa siya ng paraan. Kung tutuusin
hindi naman kayang pilitin ni Mommy si Kevin na ligawan ako. Ayoko din naman mangyari iyon. Na
liligawan lang niya ako dahil sa inutos ni Mommy.

Knowing Kevins personality, alam kong hindi rin siya papayag na ligawan ako dahil lang sa inutosan siya.


*tok* *tok*


Maam? Kukunin ko na po iyong batya.


Pasok ate Kate..


....


Nancys POV


Pumasok na ako ng kwarto namin ng asawa ko saka ko kinuha iyong phone ko at tinawagan si Aurora.


*riiing* *riiing*



(Hello Nancy?)



Hi Aurora. Sorry for calling you this late. Gusto ko lang itanong kung nakauwi na ba diyan si Kevin?



(Kevin? Yes, bago lang. Actually hindi ko nga alam kung anong nangyari sa kanya pero nawala daw iyong
wallet at phone niya. Hindi ko din alam kung pano siya nakauwi dito kung wala siyang pera.)



Actually Aurora, pinahatid ko si Kevin sa driver namin. May nangyari kasi sa kanila ni Maybelline,
tinulungan ng anak mo ang anak ko. Gusto ko lang magpasalamat sayo at pinalaki mo ng maayos si
Kevin. Gusto ko din humingi ng pasensya dahil don sa mga nasabi ko tungkol sa anak mo.



(Hindi ko kailangang humingi ng pasensya Nancy. Chismis lang lahat ng mga narinig mo tungkol kay
Kevin.)



I hope its not too late para don sa hiningi mong pabor.



(Ofcourse not Nancy. Hinihintay ko ngang magbago ang isip mo. So Ill see you then tomorrow para
mapag-usapan natin ang tungkol diyan?)



Sure Aurora. Magkita nalang tayo bukas.


Mga dalaga palang kami nong magkilala kami ni Aurora. Classmates kami non sa college at sobrang
malapit na kami sa isat-isa.



Nong isang linggo, nagkita kami at may hiningi siyang pabor. Inisip niya na kami iyong magiging tulay
para hindi mawala sa kanila ang Livingstone University.



Gusto niyang ipakasal ang mga anak namin para sa merge ng mga companya namin. Bilang ina ni
Maybelline ayokong gawin sa kanya iyon. Ayokong magsettle ng kasal na alam kong hindi naman siya
sang-ayon..



Naghire ako ng private investigator para alamin ang ugali ni Kevin Choi, pero mas lalo akong nadismaya
ng malaman kong hindi siya matinong lalaki. Alam kong hindi siya babagay sa anak ko. Isa lang naman
ang gusto ko para sa anak ko, ang maalagaan siya at mamahalin siya ng lubos ng magiging asawa niya.



Inakala kong hindi bagay si Kevin para sa anak ko pero pagkatapos kong malaman ang nangyari kanina,
nagbago ang isip ko. Hindi ko inasahan na gusto pala ni Maybelline si Kevin, mas lalong hindi ko inasahan
iyong ginawa ni Kevin para kay Maybelline.



Hi hon! Sorry natagalan ako. Naging busy lang sa office.



Hello hon!



Kinuha ko iyong gamit ng asawa ko saka ko nilapag iyong sa table sa loob ng kwarto namin.



You look tired. Kumain ka na?



Tapos na hon. Kumain na ako sa office. Anything wrong? Mukhang malalim at ang iniisip mo?



Tinulungan ko ang asawa ko ng tanggalin iyong coat niya.



May nangyari kasi kanina kay Mia. Muntik na daw siyang ma rape at ma hold up.



What?



Relax hon. Wala namang nangyari sa kanyang masama. Muntik lang.



Pinaupo ko ang asawa ko sa couch para pakalmahin. Natatakot akong atakihin siya sa puso dahil sa
sobrang pag-aalala.





How can I relax Nancy? Muntikan ng may mangyaring masama sa anak natin. Mag hihire ako ng
personal bodyguard para sa kanya.



Tinabihan ko ang asawa ko habang minamasahe ang mga balikat niya.



Hindi natin pwedeng gawin iyon. Ayokong mawalan ng kalayaan ang anak natin. Iyong tumulong sa
kanya kanina, si Kevin Choi. Anak ng mga Choi.



Nagulat din ang asawa ko dahil sa sinabi ko. Alam niya din kasi kung anong reputasyon ni Kevin.



Totoo?



Hindi din ako makapaniwala. Pero gustong gusto siya ni Maybelline at isa pa, ang bait niyang bata.
Hindi niya pinabayaan ang anak natin kanina kahit pwede naman niyang gawin iyon. Nawala pa nga ang
cellphone at wallet niya dahil inuna niya iyong buhay ng anak natin.



Tumahimik na muna si Dan.



Tinawagan ko na pala si Aurora. Magkikita kami bukas para pag-usapan iyong tungkol sa alok nila. Ano
papayag ka ba?



Hindi ko pa kayang ibigay ang anak natin. Pero alam kong hindi rin natin siya maaalagaan ng maayos
dahil sa sobrang busy natin. Siguro nga, panahon na para iba naman ang mag-alaga sa kanya.



Ibig sabihin ba niyan pumapayag ka na?



Tumango lang si Dan bilang tugon niya sa tanong ko.



Pero dapat pa nating pag-usapan iyan bukas. Sasamahan kita para maayos agad ang usapan.



Tama ang asawa ko. Panahon na para iba naman ang mag-alaga sa anak namin. Pero sisiguraduhin
naming si Kevin talaga ang tamang lalaki para kay Maybelline.





---

AN: This is fiction! I know imposible na mangyari ito sa totoong buhay. walang ganyang parents.


Chapter 13: Rejection




Zelles POV




Sobrang nagulat ako nong tawagin ni Kevin ang pangalan ko. Pero mas lalo akong nagulat nong si Mia
ang nahila niya sa halip na ako. Pero mas mabuti ng ganon dahil nagkaroon kami ng oras ni Axel na
makapag-usap na kami lang.



Walang istorbo.



Matagal ko ng gustong sabihin sa kanya ang tunay na nararamdaman ko.



Pero natatakot ako dahil alam kong hindi niya ako gusto. Ginawa ko lahat para mapansin niya ako pero
pakiramdam ko wala parin itong epekto.



Pero tama si Mia, tama iyong sinabi niya sakin na hanggat hindi sinasabi sakin ni Axel na hindi niya ako
gusto, hindi ako dapat titigil.



Inipon ko na ang lahat ng lakas ng loob ko.



San sila pupunta?



Tanong ni Axel pagkatapos hilahin ni Kevin si Mia.



Hindi ko alam. Hayaan mo nalang ang dalawang iyon. Baka may date pa sila. hehe



Napaka awkward ng situation namin ni Axel ngayon. Magkaibigan kaming dalawa pero hindi pa talaga
kami nagsama na kami lang dalawa. Palagi kasing andun si Kevin sa tuwing magsasama kami ni Axel.



Date? Sigurado ka?





Nasa harap ako ni Axel ngayon pero iyong utak niya wala sakin.



Nasa harap ako ni Axel ngayon pero iyong mga mata at tingin niya wala sakin.



Sinama ata ni Mia ang utak at mga mata ni Axel.



Actually hindi pero baka. Hindi naman siguro hihilahin ni Kevin si Mia kung wala silang usapan diba.



Gusto ba ni Kevin si Mia?



Para akong sinaksak ni Axel sa tanong niya.



Para niyang sinasabi sakin na hindi ako ang dapat na nasa harap niya kundi si Mia.



Gusto mo ba si Mia?



Saka lang siya napatingin sakin pagkatapos kong itanong iyon sa kanya.



What do you mean?



Huminga ako ng malalim.



Sasabihin ko na ang lahat.



Bahala na si Batman kung anong magiging sagot niya.



Axel... Hindi ko alam kung manhid ka ba talaga at hindi mo nalalaman kung ano talaga iyong
nararamdaman ko para sayo o nagbubulagbulagan ka lang.



Huminga ulit ako ng malalim saka ako nagtapat sa kanya.



I like you Axel. Noon paman gusto na kita.



Tinitigan ko lang si Axel sa mga mata niya. Hindi parin siya kumikibo. Hindi ko alam kung anong
tumatakbo sa isipan niya ngayon.



Zelle.. Alam mong nasa sayo na ang lahat. Maganda ka, mabait ka, talented ka, matalino ka. Wala ng
hahanapin ang mga lalaki sayo. Gusto din naman kita eh..



Nabuhayan ako ng loob pagkatapos sabihin ni Axel na gusto niya rin ako. Inakala ko talaga na ako lang
iyong nakakaramdam ng ganito. Akala ko habang buhay nalang akong magiging ganito. Pero tama nga
iyong iba na hindi masama kung ang babae ang magtatapat sa lalaki ng tunay na nararamdaman niya.



Kaya lang Zelle..



Kaya lang ano?



Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Akala ko hanggang don nalang iyong pero may karugtong pa pala
iyong sasabihin niya.



Kaya lang..Para lang talaga kitang kapatid. Gusto kita bilang kapatid. Hanggang don nalang iyon Zelle.
Huwag mo sanang masamain.



Para akong sinaksak muli ni Axel dahil sa sinabi niya.



Kapatid?



Kapatid lang iyong turing niya sakin?



Hindi ko alam kung anong tamang gagawin ko pagkatapos kong marinig na kapatid lang ang turing niya
sakin.



Dapat ba akong manatili sa harap niya at sabihin na nagbibiro lang ako? Para naman kahit papano hindi
na ako mapahiya sa kanya.



O dapat bang umalis nalang ako at hindi na siya kausapin pang muli at iisipin ko nalang na walang
nangyari.



Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.



Thank you?



Dahil gusto mo rin ako bilang kapatid?



Its okay?



Pero ang totoo hindi okay dahil sobrang sakit.



Zelle.. Hindi ako ang lalaking para sayo. Youre to good for me.



Pero ikaw lang ang gusto ko Axel.



Gustong kong sabihin sa kanya iyon. Pero natatakot ako. Natatakot akong marinig ulit na hanggang
kapatid lang ang kaya niyang ibigay sakin. Hanggang don lang.



Huwag kang mag-alala dahil mahahanap mo rin ang taong para sayo. Malay mo nasa paligid mo lang
siya.



Tinapik niya iyong kanang balikat ko to comfort me.



Gusto mo ba si Mia?



Huminga na muna ng malalim si Axel bago niya sinagot ang tanong ko.



Ang totoo niyan oo. Pero hindi ko alam kung pano ko sasabihin sa kanya. Tulungan mo naman ako Zelle
oh. Mukha kasing close kayo.



Manhid ba talaga siya?



Hindi ba niya nakikitang nasasaktan ako dahil sa sinabi niyang kapatid lang ang turing niya sakin?



Tapos ngayon sasabihin niyang tulungan ko siya kay Mia?



Alam mo Zelle, noon hindi talaga ako naniniwala sa love at first sight. I thought it was childish. Pero
nong makita ko siya sa mall nong isang linggo, bigla nalang huminto iyong buong paligid ko. Siya lang
iyong nakita ko. Kaya pumasok ako non sa fast food chain kung san sila kumakain ng mga kaibigan niya
kahit na kagagaling ko lang sa pagkain non.



Habang nagkukwento si Axel sa unang pagkikita nila ni Mia, nakikita ko iyong kislap sa mga mata niya.
Nararamdaman kong masaya siya habang inaalala niya si Mia.



I know its childish pero sinadya ko talagang umupo kasama nila. Iniwan ko pa nga iyong cellphone ko
eh. hahaha.



Napakamot siya sa ulo niya habang nakangiti. Hindi ko maintindihan kung bakit pa niya kailangang
sabihin sakin ang lahat ng to.



Papunta na ako non sa park dahil tumawag si Kevin non pero natagalan ako dahil sa sumakit iyong tiyan
ko dahil sa pagkain ng sobra. haha. Naghanap pa ako ng comfort room. hehe. Pagdating ko sa park,
andon nga si Mia pero hindi ko inasahan iyong nangyari sa kanya. hehehe. Nakakatawa talaga siya.
Napacute niya. Gustong gusto kong kurutin iyong mga pisngi niya.



Bakit mo ba kailangang sabihin ang lahat ng to sakin Axel? Bakit hindi mo nalang ako deretsuhin? Kung
gusto mong layuan na kita gagawin...



No no Zelle. Im sorry kung na offend kita pero hindi iyan ang ibig kong sabihin. Im sorry, Im being
stupid again. Hindi ko na inintindi iyong nararamdaman mo. Pero Zelle, makakalimutan mo rin ako.
Mahahanap mo rin iyong perfect guy para sayo. Andiyan naman si Kevin..



Hindi ko na tinapos iyong sasabihin pa sanani Axel. Masyado ng masakit. Masyado na akong
nagmumukhang tanga dito.



Sana lang hindi ko na sinabi sa kanya na gusto ko siya.



Hindi na sana ako napahiya ng ganito.



Napakalaki kong tanga dahil umasa ako na gusto niya rin ako.



Napakalaki kong tanga dahil hindi ko pa naramdaman na hindi niya talaga ako mahal.



Ang tanga ko!



Ang tanga tanga ko!



I have to go Axel. Mag-iingat ka.



Ihahatid na kita Zelle.



Huwag na Axel. Kaya ko naman at dala ko din iyong kotse ko.



Sigurado ka ba?



Tumango lang ako.



Favor lang. Huwag mo sanang sabihin kay Kevin iyong mga sinabi ko sayo.



Tumango naman si Axel.



Tumalikod na ako at deretsong pumunta ng parking space kung san ko pinarada iyong kotse ko. Hindi na
ako naglakas loob ng lumingon pa para sa kanya dahil ayoko ng masaktan.



Sanahindi nalang ako umasa.



Pumasok na ako ng kotse ko saka ko binuhos ang emosyon ko na kanina ko pa pinigilan.



Sinandal ko ang ulo ko sa steering wheel saka tumulo ang mga luha ko.



Ano pa bang kulang sakin?



Ano bang meron si Mia na wala ako?



Kaya ko namang baguhin ang sarili ko para mahalin niya din ako.



Tama nga si Kevin. Hindi ko na sanaginawa iyon. Hindi ko na sanasinabi kay Axel na gusto ko siya.



Zelle, ayokong nakikita kang nasasaktan. Huwag ka ng umasa kay Axel dahil alam kong wala siyang
nararamdaman para sayo.



Pano mo nasasabi iyan Kevin?



Kilala ko si Axel. Alam ko kung may gusto siya sa isang babae o wala.



Hindi ako naniniwala sayo. Sinasabi mo lang iyan dahil gusto mong ikaw iyong sasagutin ko. Kevin kahit
ilang beses mo akong tanungin ganun padin ang sagot ko. Kahit na ano pa ang gawin mo, hindi na
magbabago ang isip ko. Mahal kita pero hanggang..



Hanggang kaibigan lang? Alam ko iyon Zelle. Napakalaki kong tanga dahil kahit na ilang beses mong
ipamukha sakin na hindi mo ako gusto, patuloy parin akong umaasa. Patuloy parin akong bumababalik
sayo. Patuloy parin iyong sakit dahil hindi kita kayang kalimutan. Pero kahit na nasasaktan ako okay
lang, pero ayokong ikaw na iyong nasasaktan. Huwag mong ipagtapat kay Axel ang nararamdaman mo
dahil alam ko kung san iyan hahantong. Ayokong maging katulad ka sakin.



Pwede ba Kevin tigilan mo na ako? Tigilan mo na iyang mga kasinungalingan mo. Gusto din ako ni Axel
pero hindi niya sinasabi sakin dahil sayo. Dahil magkaibigan tayo. Dahil alam niyang gusto mo ako. Kung
hindi dahil sayo baka..



Baka ano? Baka kayo na ngayon? Fine Zelle. Lalayo na ako sayo. Hindi na kita kukulitin pa. Hindi na ako
aasa na balang araw mamahalin mo rin ako gaya ng pagmamahal ko sayo. Pero hindi mo parin maalis
sakin ang pag-aalala para sayo.



Bumalik sa isipan ko ang huling seryosong pag-uusap namin ni Kevin. Simula non, nagbago na siya.
Nalaman kong may girlfriend na pala siya, gusto kong magalit dahil sa ginawa niya pero naguiguilty ako
dahil alam ko na ako iyong dahilan kong bakit siya nagkaganon. Linggo linggo nalang siyang nagpapalit
ng girlfriend. Sinubukan kong kausapin siya tungkol don pero wala akong karapatan.



Ngayon, alam ko na kung anong nararamdaman ni Kevin. Alam ko na iyong sakit na naramdaman niya
noon dahil sakin. Ngayon alam ko na kung paano magmahal na hindi sinusuklian ang pagmamahal mo.



At ang masakit pa, iyong taong mahal mo, mahal niya ang kaibigan mo.



Siguro nga tama lang to para sakin.



Ginawa ko nadin to dati kay Kevin.



Ganito din iyong nararamdaman niya noon.



Sana..



Sana si Kevin nalang ang nagustuhan ko.



Hindi na sana ako nasasaktan ng ganito.



Pero sinubukan kong turuan ang puso ko na mahalin si Kevin, pero kahit na anong gawin ko, hanggang
kaibigan lang ang mabibigay ko sa kanya.



Hindi ko kayang pilitin ang puso ko. Ayoko din namang lokohin si Kevin na mahal ko din siya dahil alam
kong mas lalo ko lang siyang masasaktan.



Ang daming pumapasok sa isipan ko.



Kung sana nakinig nalang ako kay Kevin.



Pero huli na ang lahat dahil nasabi ko na, nagawa ko na.





Chapter 14: Expiration Date




Zelle!!!



Bulalas ko habang papasok ako sa room namin. Mabuti nalang at hindi ako nahuli sa klase namin. Akala
ko talaga eh mahuhuli na ako.



Good morning Mia.



Good morning Mia.



Bati sakin ni May at Aya.



Good morning din girls.



Bati ko sa kanila pabalik. Mukhang good mood ang dalawang ito ah. Hindi ko alam kung anong nanagyari
sa kanila kagabi at ganito nalang iyong liwanag sa mga mukha nila.



Good morning Zelle.



Bati ko naman kay Zelle.



Good morning din Mia.



Bati ni Zelle sakin pabalik habang ngumiti siya ng mapakla. Napakalungkot ng mukha ni Zelle. Hindi kaya
may nangyaring hindi maganda kagabi sa kanila ni Axel?



Okay ka lang ba Zelle?



Tumango lang si Zelle bilang tugon niya sakin.




Anong nangyari kagabi? Naging okay ba ang lahat?



Tanong ni May kay Zelle.



Huwag nalang natin iyang pag-usapan girls. Wala ako sa mood eh.



Saka ulit siya ngumiti pero hindi kagaya nong genuine smile niya kahapon, napakapeke ng ngiti niya
ngayon. Alam kong pinipilit niya lang ngumiti kahit na nasasaktan siya.



Ikaw Mia, anong nangyari sa inyo ni Kevin kagabi?



Tanong naman ni Aya sakin.

Magkukwento na sana ako pero bigla nalang tumayo iyong kaklase namin sa harapan saka siya sumigaw.



WHAATT??



Para kaming nabingi dahil sa lakas ng boses niya. Napakasakit talaga sa tenga iyong tinig niya.



KEVIN? SINONG KEVIN? KEVIN CHOI BA?



Oo! Bakit? May angal ka?



Tumayo din naman si May saka niya sinigawan pabalik si Angel.



How dare you? Kaya pala nawala nalang bigla si Kevin kagabi dahil pala dinukot niyo siya?



Napahawak lang si Angel sa magkabilang bewang niya at nanlilisik ang mga mata.



Bakit ka ano ano mo ba siya para umasta ka nalang ng ganyan?



For you information, I am his girlfriend..



Whats with all this commotion?



Parehong napatigil si May at Angel sa pagpapalitan ng sigaw ng dumating nag professor namin.



Nothing Sir.



Sagot ni Angel.



Nagsimula na iyong klase namin and as usual nahirapan na naman ako sa pagcacatch up. Hay..
Nakakainis.



Bigla kong naaalala na Tuesday pala ngayon at ibig sabihin, mamaya na iyong subject namin na Mommy
ni Kevin ang professor.



Tapos hindi pa ako nakapagstudy. Pano kapag tatanungin niya ako tapos hindi ako makasagot.



Sabi pa naman ni Zelle na super strict daw iyon.



Baka mapahiya ako.



Hindi pwede!



Kung mag absent nalang kaya ako?



Eh baka mas lalong magaling iyon dahil first day ko palang sa klase niya tapos absent na agad.



Waa!!



Bigla tuloy akong kinabahan.




...




Natapos na iyong unang subject namin. May bakante pa kaming 1 hour and 30 minutes para sa next
subject.



Excited ako dahil sa wakas mamemeet ko narin iyong Mommy ni Kevin pero may halong takot at kaba
dahil baka mapahiya ako.



Hindi talaga to pwede.



Okay ka lang Mia?



Tanong ni Zelle sakin habang naglalakad kami sa hallway papuntang library.



Ha? Bakit mo naman natanong?



Namumutla ka kasi. May lagnat ka ba?



Hinawakan ni Zelle iyong noo ko gamit ang palad niya.



Hindi ka naman mainit. Masakit ba ang ulo mo?



Umiling ako dahil wala naman talagang masakit sakin. Kinakabahan lang talaga ako.



Pupunta nalang muna ako ng comfort room Zelle.



Samahan ka na namin.



Sabi ni Zelle.



Oo nga Mia samahan ka nalang namin.



Sabi naman ni May at Aya.,



Huwag na. Magkita nalang tayo sa library.



Sigurado ka? Alam mo na ba kung san iyong library?



Tanong ni Aya.



Oo. Nakita ko kanina habang papunta ako sa room.



Cge Mia.



Saka ako lumiko para pumunta ng comfort room.



Kung totoo man iyong sinabi ni Zelle na namumutla ako hindi talaga iyon pwedeng mangyari. Ayokong
makita ng Mommy ni Kevin na ang pangit pangit ko. Kailangan kong maglagay ng koting lipstick at face
powder.



Binuksan ko na iyong comfort room ng girls pero nagulat nalang ako ng makita ko si Angel na
nakapatong sa sink habang nakayakap siya sa leeg ni Kevin at naghahalikan na naman silang dalawa.



Hobby ba talaga nila ang maghalikan kahit saan?



Nakatingin lang si Kevin sakin sa salamin na nasa likod niya habang hindi parin siya tumitigil sa paghalik
kay Angel.



Pinapaselos ba niya ako?



Aghhh!!



Pinapaselos man niya ako o hindi wala na akong pakialam dahil nagseselos na ako.



Binitawan ko iyong dala kong sling bag saka ko sinugod si Angel. Hiniwalay ko silang dalawa at gulat na
gulat si Angel sa ginawa ko.



What the fvck are you doing?



Galit na galit na tanong niya sakin.



Pinipigilan kayo. Kung gusto niyo talagang gawin iyan maghanap kayo ng ibang lugar. Huwag dito sa
rest room ng mga girls. Napakalandi mo talaga babae ka!!



Si Kevin naman parang muntangang nakatingin lang sa amin ni Angel na nagbabangayan.



Malandi? Malandi na ba ngayon ang makipaghalikan sa boyfriend ko? Ano namang masama don eh
boyfriend ko naman si Kevin. baka naman nagseselos ka lang dahil gusto mo ang boyfriend ko?



Huh!!



Umiinit talaga ang dugo ko sa babaeng to. Gusto ko siyang sabunutan hanggang sa matanggal lahat ng
mga buhok niya sa ulo niya.



Gusto ko siyang sampalin hanggang dumikit na iyong blush on sa pisngi niya sa palad ko.



Nakakiinis talaga siya!!



Ang lakas din naman ng loob mo na sabihin mo iyan sakin. Hindi ako nagseselos noh. Hindi ka naman
talaga mahal ng boyfriend mo.



Eh sa tingin mo ikaw iyong mahal ni Kevin? Nagsama lang kayo kagabi tapos iniisip mong ikaw na iyong
mahal niya? Hindi mo yata kilala si Kevin. Kabago bago mo lang dito kinakalaban mo na ako. Sinasabi mo
pang malandi ako?



Malandi ka naman talaga. Akala mo ang ganda ganda mo na eh para ka namang zombie dahil sa kapal
ng make up mo!!



Anong sinabi mo?



Bumaba si Angel mula sa pagkakaupo niya sa malaking sink ng comfort room saka niya ako sinabunutan.



Ang sakit ng pagkakahila niya sa strand ng buhok ko.



Pakiramdam ko natanggal lahat ng buhok ko na hinila niya.



Hindi ako nagpatalo dahil hinila ko din iyong mga hibla ng buhok niya gamit ang dalawa kong kamay.



ARAY!!



NASASAKTAN AKO!!



Sigaw ni Angel habang hinihila parin niya iyong buhok ko. Alangan namang tigilan ko iyong pagsasabunot
ko sa kanya dahil lang nasasaktan siya?



Nasasaktan din naman ako ahh pero pinilit kong kalimutan iyong sakit. Gusto ko lang talagang makaganti
sa babaeng ito.



Malandi ka!!



Sigaw ko sa kanya



Malandi ka din! Gusto mong agawin ang boyfriend ko!



Mas malandi ka! Nakikipaghalikan ka at dito pa talaga sa rest room!!



Walang nagpapatalo sa amin ni Angel. Kung gaano kasakit iyong ginagawa niyang pagsabunot sakin
times two naman ang sakit na binibigay ko sa kanya.



Cge girls, mauna na ako ha. Mukhang hindi pa ata kayo matatapos diyan eh.



Napatigil nalang kaming dalawa ni Angel pagkatapos magsalita ni Kevin. Hindi man lang niya kami inawat
sa pagitan ng away namin tapos iiwan pa niya kami?



But babe.. Hindi mo man lang ba ako tutulungan sa umaway sakin? Dahil sa kanya nagulo iyong buhok
ko.



Maarteng sambit ni Angel habang nakahawak pa siya sa buhok niya at nakapout iyong lips niya.



Hindi na kaya mo na iyan at isa pa huwag mo akong tawaging babe.



Parang binuhusan ng malamig na tubig si Angel dahil sa sinabi ni Kevin.



Sabi ko naman kasi sa kanya na hindi talaga siya mahal ni Kevin eh ayaw pa niyang maniwalay.



Iyan tuloy!



hahaha..



Parang gusto kong tawanan si Angel dahil sa kalagayan niya ngayon.



What? But I dont.. I dont understand babe. Why are you doing this to me ba? Hindi mo na nga ako
inawat kanina tapos iiwan mo pa ako? Wala naman akong ginawa babe eh.



Mangiyak ngiyak na talaga habang nagsasalita siya.



hahaha. Sabi ko naman sayo eh, hindi ka talag mahal ng boyfriend mo.



Tumawa ako ng malakas.



hahaha!!



Nag echo na nga iyong tawa ko dito sa loob ng rest room.



Huwag ka ngang makialam bruhita ka! Kasalanan mo to. Kung hindi ka sana pumasok baka natuloy pa
iyong gagawin sana namin.



Hahahaha!!!



Pero tumawa lang ako ng tumawa.



Kevin babe, whats wrong.



Lumapit si Angel kay Kevin sana niya hinawakan ang braso nito pero kinuha ni Kevin ang dalawang
kamay ni Angel saka niya ito inalis sa braso niya.



Sabi ko naman sayo na huwag mo na akong tawaging babe.



Bakit kasi? Wala naman akong ginawa. Whats wrong?



Tumulo na talaga iyong mga luha ni Angel na kanina pa niya pinipigilan. Nakakaawa tuloy siyang tignan.
Ang gulo ng buhok niya tapos iyong mga luha niya naging black na dahil sa mascara niya. Nag make up
na nga siya sana iyong waterproof nalang para naman hindi siya magmukhang aswang.



Hahaha.



Hindi mo ba naaalala?



Tanong ni Kevin kay Angel.



Naalala? What is it babe?



Tinignan ni Kevin iyong relo niya.



August 27, 9:45 AM.



Huh?



Hindi parin makuha ni Angel kung anong gustong ipaalam ni Kevin . Pati rin ako hindi ko magets kaya
tumahimik nalang ako habang nakatitig sa kanilang dalawa.



Five minutes ago, girlfriend pa kita pero ngayon hindi na.



Sambit ni Kevin saka siya nag smirk.



Whaat? Pero hindi ako nakikipagbreak sayo babe.



Hahaha! Nakalimutan mo na ata kaya ipaparemind ko sayo. Seven days ago sinagot kita at exactly 9:40
AM. Now that one week is over tapos narin tayo.



One week?



Naalala ko iyong sinabi ni Zelle.



Hanggang one week lang talaga ang palugit ni Kevin sa mga girlfriend niya.



Ibig sabihin non single na siya ulit?



Sino naman kaya ang next target niya?



Babe, please gagawin ko lahat huwag mo lang akong iwan. Kahit katawan ko kaya kong ibigay sayo
please babe.



Lumuhod na talaga si Angel habang nakahawak sa mga tuhod ni Kevin. Punong puno na ng maiitim na
luha ang mukha niya.



Hindi ko inasahan na gagawin iyon ni Angel.



Mahal niya talaga si Kevin.



Im sorry Maxi pero its over.



Maxi?



Sino si Maxi?



Diba si Angel iyan?



Maxi? Sino si Maxi? Walang hiya ka talaga!!



Tumayo agad si Angel saka niya sinampal si Kevin.



Balang araw pagbabayaran mo rin lahat ng to. Magsisisi ka at iniwan mo ako!!



Saka deretsong lumabas si Angel sa restroom.



Wala tuloy akong ibang nagawa kundi ang matawa.



Pano ba naman kasi akala ko talaga eh sa pelikula ko lang mapapanood ang ganitong eksena.



Iyong tipong..



hahaha!!!



Napahawak ako sa tiyan ko habang tumawa ng malakas.



Why are you laughing? Anong nakakatawa?



Tanong ni Kevin sakin.



Nakakatawa lang talaga iyong eksena eh.. hehehe



Sa tingin mo ang itsura mo ngayon hindi nakakatawa?



Tumigil ako sa pagtawa saka ako tumalikod para humarap sa salamin.



WAAA!!



Muntik ko ng hindi makilala ang sarili ko.



Ako ba to?



Aalis na sana si Kevin ng tinawag ko siya.



Kevin!!



What?



Huminto lang siya sa paglalakad pero hindi siya tumingin sakin.



Bakit ba hanggang isang linggo lang lahat ng mga girlfriend mo?



Tanong ko sa kanya.



Hindi naman talaga lahat..



Matipid na sagot niya.



Nabuhayan ako ng loob dahil sa sinabi niya. Ibig sabihin ba non may pag-asa ako na maging kami tapos
hindi kami maghihiwalay pagkatapos ng isang linggo?



Sabi ko na nga ba..



hehe..



Ibig sabihin ba non..



Tatapusin ko na sana iyong sasabihin ko kaso lang si Kevin na iyong dumogtong.



Oo tama ka. Iyong iba hindi umaabot ng isang linggo. Minsan tatlong araw lang, minsang isang araw
lang din.



*toink*



Akala ko pa naman may lumampas ng isang linggo.



Kahit isang buwan walang nagtagal?



Tanong ko sa kanya ulit.



Lahat ng babae may expiration date.. at isang linggo na ang pinakamatagal.



Kevin..



Ano na naman?



Sa tono ng boses niya alam kong konting konti nalang at maiirita na talaga siya sakin.



Eh sa pinanganak talaga akong makulit ng mga magulang ko eh.



Alam kong mabait ka talaga..at isa pa..hindi rin ako naniniwala na..



Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko dahil bigla nalang niya akong hinarap saka siya lumapit sakin.



Hanggang sa isang pulgada nalang iyong layo ng mukha niya sa mukha ko.



I know what you are trying to portray. Liligawan mo ako?



Nagulat ako sa tanong niya kaya hindi ako nakasagot agad.



Then he smirked.



Kung manliligaw ka, go ahead. Pero huwag kang umasa na sasagutin kita. Depende pa iyon sa magiging
performance mo.



Saka siya lumayo at tumalikod sakin.



Para akong muntanga na nakatayo lang mag-isa dito sa rest room. Mabuti nalang talaga at walang
pumapasok.



Ako?



Manliligaw kay Kevin?



Naalala ko iyong sinabi ni Kevin kanina kay Angel.



Hahaha! Nakalimutan mo na ata kaya ipaparemind ko sayo. Seven days ago sinagot kita at exactly 9:40
AM. Now that one week is over tapos narin tayo.



Sinagot ni Kevin si Angel.



Ibig sabihin si Angel pa iyong nanligaw kay Kevin?



Chapter 15: Professor Choi




Waaa!!



Para na akong mababaliw sa kakaisip dahil sa nangyari kanina lalo na iyong sinabi ni Kevin.



Kahit na gusto ko pa siya hinding hindi ko siya liligawan.



Ano nalang ang sasabihin ng mga tao tungkol sakin?



Pano nalang iyong pride ko bilang babae.



Ayokong mangyari iyon.



Ayoko!!



Mia!!



Lumingon ako dahil may tumawag ng pangalan ko.



Zelle? Bakit ka andiyan?



Tanong ko sa kanya.



Andito ang library oh. San ka ba pupunta? Akala ko alam mo kung nasan ang lib?



Dahil sa sobrang pag-iisip ko hindi ko namalayan na lumampas na pala ako sa library namin.



Ahh sorry.



Naglakad ako papalapit kay Zelle.



Mabuti nalang talaga at nakita kita. Pasok na tayo. kanina ka pa namin hinihintay eh. Ano bang nangyari
sayo at angtagal mo? Akala namin na flush kana sa inidoro. hehehe



Pumasok na kami sa loob ng library. First time kong pumasok dito. Wala namang pagkaiba sa dating lib
namin sa dati kong school. Magkasinglaki din naman.



Inilabas ko na iyong libro ko para sa klase namin mamaya. Kailangan kong mag advance reading para
hindi ako mapahiya sa Mommy ni Kevin.



Ano bang nangyari sayo kanina Mia? Akala talaga namin nalunod ka na sa tubig ng inidoro. hehehe



Panunukso ni Aya habang hawak hawak ng dalawang kamay niya ang libro namin.



Eh pano kasi. nakita ko si Angel at si Kevin sa loob ng rest room naghahalikan.



ANO???



Napatayo si May at Aya saka napasigaw.



Shhh!!



Sinaway naman agad sila ng ibang mga estudyanteng nag-aaral.



Ay sorry sorry!



Sambit nilang dalawa saka sila nag peace sign. Masyado kasi silang nadala don sa sinabi ko.



Anong ginagawa nila don? Did they you know..



Tanong ni Aya.



Hindi..Hindi nila ginawa iyang iniisip mo. Naghahalikan lang sila.



Pagpapaliwanag ko.



Anong ginawa mo pagkatapos?



Tanong naman ni May.



Pinigilan ko sila hanggang sa nagkasabunutan kami ni Angel. Tapos nalaman ko nalang na tapos na pala
iyong isang linggo na pagsasama nila bilang girlfriend at boyfriend.



What??



Hindi makapaniwalang tanong ni Aya.



Ibig sabihin break na sila?



Tanong naman ni May.



Yes. Ibig sabihin din eh single na ulit si Kevin at mas malaki na iyong pag-asa ni Mia.



Sambit naman ni Zelle.



Yiee Mia. So ano effective ba iyong Plan A natin?



Tanong ni Aya habang nilalapit niya iyong mukha niya sa mukha ko.



Actually oo pero akala ko talaga eh pagktapos nong gabing iyon magiging okay nami. You know, iyong
close na kami pero iba iyong inasal niya kanina nong magkita kami eh. Hindi ko talaga inasahan iyon
mula sa kanya.



Haayy!!



Napabuntong hininga nalang ako pagkatapos.



Okay naman talaga kasi kami nong isang gabi eh tapos ngayon balik sa dati na ulit kami? Waaaa!! May
personality disorder ba si Kevin?



Ahh.. So meaning, effective iyong Plan A natin kaso nga lang eh kulang pa. Huwag kang mag-alala dahil
may Plan B pa naman.



Sabi ni May.



By the way Zelle, ano nga palang nangyari sa inyo ni Axel? Okay ba? Naging successful ba?



Tanong naman ni May kay Zelle.



Huwag mo nalang tanungin. Ayoko na.



Mahinang sabi ni Zelle.



Anong ayaw mo na? Ayaw mo na saan?



Tanong ni Aya.


Ayoko na. Ayoko ng umasa. Ayoko na dahil hindi naman talaga niya ako gusto. Sinabi niya mismo sakin
na kapatid lang iyong turing niya sakin at si Mia talaga ang gusto niya.



Napatakip nalang ako bigla sa bibig ko gamit ang dalawang kamay ko. Si Axel? Gusto niya ako? Ano
naman ang nagustuhan niya sakin? Iyong pagkatanga ko?



Hindi na ako magugulat Zelle. Halata naman sa mga mata ni Axel nong una kaming magkita.



Sambit naman ni Aya.



Pero talaga bang susuko ka na?



Tanong ni May.



Oo. Tama na iyon.



Sagot ni Zelle.



Zelle.. Susuko ka na lang dahil sinabi niya na hindi ka niya gusto? Hindi ka man lang ba gagawa ng
paraan para magbago ang isip ni Axel?



Nakatingin ako ng deretso kay Zelle. Hindi ako sang-ayon sa sinabi niya na susuko nalang siya.
Pagkatapos niyang sabihin kay Axel ang lahat ganun nalang? Susuko na lang siya?



Mia..



Zelle, kung gusto mo talaga si Axel gagawin mo ang lahat. Kahit na ilang beses ka pang masaktan
gagawin mo parin ang lahat. Huwag kang sumuko dahil lang sa sinabi niya na hindi ka niya gusto. Susuko
ka na pag nagawa mo na lahat.



Tumahimik lang si Zelle at hindi makatingin sakin ng deretso.



Alam mo Mia, tama ka eh.



Mahinang sabi ni Zelle pagkatapos niyang makapag-isip.



Siguro nagustuhan ka ni Axel dahil sa personality mo. At kung kailangan na gayahin kita gagawin ko
iyon. Mahal ko si Axel kaya gagawin ko ang lahat para mahalin niya din ako. Susuko lang ako kung
talagang wala na akong ibang magagawa.



Lumiwanag iyong mukha ko pagkatapos sabihin iyon ni Zelle.



Thats the spirit Zelle.



Bulalas ni Aya.



So anong Plan B natin May?



Tanong ko kay May.



Ganito. Narinig ko kasi na may magaganap daw na conference sa isang resort this weekend. 3 days and
two nights iyon. So ang gagawin natin..



Binulong ni May samin ang plano niya saka kami tumango tango pagkatapos. Magandang plano iyon
pero sana lang gumana lalo na para kay Zelle at Axel.







Pagkatapos naming magplano para sa susunod na hakbang namin, dumeretso na kami para sa next
subject namin.



Dahil sa pagiging busy namin sa pagpaplano, nakalimutan ko tuloy na mag advance reading. Waa!!



Papano na to ngayon?



Habang papalapit kami ng papalapit sa room namin mas lalong lumalakas ang tibok ng puso ko.



Keribels iyan Mia.



Huwag kang mag-alala.



Pagdating namin sa harap ng pinto ng classroom namin, huminga ako ng malalim saka ako pumasok.



Don na kami naupo sa pinakalikuran para naman hindi kami matawag sa oral recitation. Sabi kasi ni Zelle
every meeting nagbibigay ng recitation si Professor Choi. Woo!!



Mabuti nalang at nakauniform na kaming tatlo. Atleast hindi na kami magsastand-out.



Pagkatapos ng limang minuto pumasok narin ang isang matangkad at mestisang professor. Ang ganda ng
kutis niya, halatang alagang alaga. Napakakinis at napakaputi. Iyong tipong aakalain mong para na siyang
namumutla dahil sa sobrang puti ng kutis niya.



Kung ako lang iyong tatanungin hindi ko talaga maiisip na siya iyong Mommy ni Kevin. Para kasing ang
bata bata pa niyang tignan.



She looked ten years younger.



Baka naman model siya ng Olay sa tuwing walang pasok?



Waaa!!



Sobrang ganda niya talaga.



Good morning class!



Good morning Maam.



Bati namin sa kanya pabalik.



May bago kayong classmate right? Please introduce yourselves.



Waa!!



Akala ko talaga makakaligtas kaming tatlo dahil nakauniform na kami pero hindi parin pala. Sabay sabay
na kaming tumayo at pumunta sa harapan. Isa isa din naming pinakilala ang mga sarili namin. Ako iyong
pinakahuling nagpakilala.



Hi everyone. Im Maybelline Mia Park.



Saka nagpalakpakan ang lahat. Napansin kong wala si Angel ngayon. Kahit naman siguro ako, kung sakin
iyong nangyari kanina baka hindi narin ako papasok.



Please take your seats.



Babalik na sana kaming tatlo sa mga upuan namin kaya lang bigla akong tinawag ni Professor Choi.



Miss Park please stay for a while.



Maam?



May graded recitation tayo ngayon and ikaw ang unang sasagot ng first problem.



WAAA!!!



Anong gagawin ko?



Ayoko!!



Hindi ko kaya!!



Mapapahiya lang ako!!



Naalala ko iyong sinabi ni Zelle.



Nakakatakot talaga siya. Pag di ka nakasagot sa problem niya talagang mapapahiya ka sa buong klase.



Waaa!!!



Sinulat na ni Professor Choi iyong problem sa board pagkatapos ibinigay niya sakin iyong white board
pen.



You may start now Miss Park. Ill be back after five minutes. May kukunin lang ako sa office.



Tinignan ko iyong problem. Ano to? Bakit walang ganito sa dati kong school? Waa!!



Pano ko sasagutan to?



Pano?



Uhh pleasse!!



Mapapahiya na nga lang kay Professor Choi pa, sa Mommy pa ni Kevin.



Pakiramdam ko ang bilis ng takbo ng oras. Pagtingin ko sa relo ko, three minutes nalang ang natitira.
Two minutes na iyong nasayang ko.



Wala pa akong nasusulat sa board dahil talagang hindi ko alam.



Two minutes left...



One minute left..



Thirty seconds..



Twenty seconds...



Ten seconds..



Nine..Eight..Seven..Six..Five..Four..Three..Two..One..



Are you done Miss Park?



Waaa!!



Bat ambilis ng five minutes? Five seconds lang ata iyon eh.



Pagtingin ng Professor namin sa board, wala talaga akong nasulat. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin
ng reaksyon ng mukha niya.



Nakakatakot!!



Mapapahiya talaga ako nito.



Omo!! Lagot na talaga siya.



Well, masanay nalang tayo. Hindi lang naman siya iyong napapahiya palagi eh. Lahat naman tayo.



Except kay Zelle.



Matalino naman kasi siya. Lahat ng problems nasosolve niya.



Yeah right.



Gumaan iyong pakiramdam ko ng konti pagkatapos kong marinig sa mga kaklase ko na halos lahat pala
sa kanila eh pinahiya na ni Professor Choi. Pero diba? Mommy siya ni Kevin kaya dapat hindi mangyari
sakin to.



Wala kang nasulat?



Tanong ni Professor Choi.



Iniyuko ko lang iyong ulo ko pagkatapos eh pinikit iyong mga mata ko.



*thump* *thump*



Waa!!!



Anong gagawin ko?



Kailangan kong ihanda ang sarili ko..



Well.. Its okay..



WOAAHH???



Okay lang daw?



Hindi nagalit si Maam?



Hindi pinahiya si Mia?



First time in history.



Good mood ata si Maam?



Parang.. o baka gusto niya si Mia?



Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko.



Maam? Ano po iyon?



Tinanong ko siya ulit baka sakaling mali lang iyong narinig ko.



You may now take your seat Miss Park. Ako nalang iyong sasagot. Naiintindihan ko naman na hindi mo
nasagutan iyong problem since transfer student ka.



Po?



Tumango lang si Maam kaya dahan dahan akong naglakad papuntang upuan ko sa likod.



Wow Mia hindi ka pinahiya ng professor natin?



Namamanghang tanong ni Aya.



Hindi ata siya makapaniwala sa nangyari. Maski ako din naman hindi makapaniwala sa nangyari.
Inasahan ko talagang papagalitan ako ni Professor Choi.



Ang bait pala ng Mommy ni Kevin.



Baka tama nga iyong sinabi ng kaklase ko kanina. Baka gusto ako ng Mommy ni Kevin kaya hindi niya ako
pinagalitan. Kapag naging kami na ni Kevin, hindi na ako mahihirapan na kunin ang loob ng mother in
law. Hindi katulad ng mga koreanovela na hindi nagkakasundo iyong mother in law at asawa ng lalaking
bida.



HAAYY!!



I think Tita likes you.



Bulong sakin ni Zelle.



Talaga?



Tumango naman si Zelle.



Ibang iba iyong glow ng mukha niya ngayon. Hindi ko alam pero sa tingin ko may nangyaring maganda
ngayong araw nato.



Totoo ba talagang terror si Maam?



Hindi kasi ako makapaniwala sa sinasabi nilang terror si Professor Choi. Napakabait niya kasing tignan,
ibang iba sa aura ng mga terror Professors namin sa dating school.



Yup. Hindi lang talaga halata sa mukha pero nakakatakot siya kung magalit.



Si Professor Choi na iyong nagsulat ng solution sa board saka niya ito inexplain. Napakaganda niyang
guro. Hindi ko tuloy mapigilan na humanga sa kanya. Ang galing pa niyang magturo.



By the way class, this coming Friday wala tayong pasok dahil sa conference. Makikita niyo sa
announcement board ang ibang details. Hindi siya compulsory kaya kung gusto niyong sumama, basahin
niyo iyong poster sa baba if ayaw niyo naman its still okay.




WOOO!!!



WAAA!!



YEHEY!!!



Naghiyawan iyong mga kaklase namin pagktapos iannounce ni Maam iyong upcoming event this
weekend.



Ano Mia, Zelle. Ihanda niyo iyong mga sarili ninyo ha? Kailangan maging successful na to.



Sabi ni May sa gitna ng kasiyahan ng mga kaklase namin.



hahaha. Excited na ako. Sisiguraduhin ko talagang magiging kami ni Kevin pagkatapos ng Plan B natin.



Bulalas ko sabay tawa ko ng malakas.



Hahaha!!



Humanda ka Kevin!!



Hinding hindi kita liligawan



Pero sisiguraduhin ko sayo na ikaw iyong manliligaw sakin pagkatapos ng linggong ito.



HAHAHAHAHA!!!



Miss Park? Are you okay?



Dahil sa sobrang pag-iisip ko ng mangyayari samin ni Kevin ngayong darating na weekend. Hindi ko
namalayan na tapos na pala sa paghihiyawan ang mga kaklase ko kaya tuloy rinig na rinig na buong klase
ang tawa ko.



Im sorry Professor.



Tumayo ako saka ako nagbow sa kanya.



Nakakahiya!!!



Ohh!! Akala ko kasi may nangyari na sayo.



Sambit ni Professor Choi.



Wala po.



Saka ako umupo sa upuan ko.



Okay Class, thats all for today. Prepare for another recitation next meeting. Dismiss!





Chapter 16: Plan B






(Mia? Ano? Andiyan ka na?)



Oo kanina pa pero wala pa si Kevin eh. Sigurado ka bang dito siya pupunta?



(Oo, sigurado ako. Huwag kang mag-alala dahil darating iyon. Nalalate nga lang)



Kinakabahan talaga ako Zelle.



(Huwag ka ng kabahan. Basta galingan mo nalang iyong pag-arte mo okay?)



Cge cge. Ano okay lang ba kayo ni Axel diyan?



(Wala pa ako sa venue pero parating na ako. Andon na siguro si Axel.)



Cge gawin mo din iyong best mo. Fighting!!!



(Fighting!!)



Pagkatapos naming mag-usap ni Zelle, ibinalik ko na iyong cellphone ko sa bag. Bakit ba antagal ni
Kevin? Darating pa kaya siya?



Tinignan ko iyong dala kong gamit. Isang maliit na maleta at isang hand carry. Hindi naman siguro ako
mahihirapan sa pagdadala nito.



Naalala ko iyong sinabi ni May kahapon.



Sabi ni Kuya Kim may papasok daw na bagyo within this week. Siguro sa Friday night papasok ang bagyo
sa Pilipinas. Perfect timing iyon Mia.



Perfect timing? Ang bagyo?



Yup. Kung magkakaroon ng bagyo ibig sabihin hindi kayo makakauwi agad. Kaya magkakaroon pa kayo
ng time para makapagsolo. Pero binabalaan kita ha, kahit na gustong gusto mo si Kevin huwag mo
isusuko iyong bandera mo.



ahahaha. Baliw ka talaga. Bakit ko naman gagawin iyon noh?



eh malay natin diba? Mabuti ng binalaan kita agad.



hihihih



Napatawa tuloy ako ng mag-isa habang naisip ko iyong nakakatawang sinabi ni May sakin. Baliw talaga
si May.



Anong nakakatawa?



Napatayo tuloy ako bigla dahil sa sobrang gulat ko.



Oh? Andito ka na pala? Akala ko di ka sasama eh.



Pagsisinungaling ko kay Kevin. Ang gwapo niya ngayon. Naka black v-neck shirt lang siya tapos maong
pants at black shoes pero iyong aura niya sobrang lakas ng appeal.



Tayo lang? Asan iyong iba?



Tumingin tingin ako sa paligid ko. Walang tao. Syempre wala iyong iba dahil maling venue ang binigay ni
Zelle sa kanya. hahaha. Planado na talaga lahat ng to eh.



Parang? Eh wala ng iba eh.



Sana lang hindi niya mahalata na niloloko lang namin siya.



Kanina kapa andito?



Tanong niya.



Kadarating ko lang din.



Tinignan ni Kevin iyong relo niya.



Actually 2 hours late na ako. Kadarating mo lang din so isa lang ibig sabihin non.



Ano?



Naiwanan na tayo.



Tinignan ko iyong ekspresyon ng mukha niya. Parang hindi parin siya nakakahalata. hehehe.



Haa? Anong gagawin natin ngayon?



Pang best actress na talaga ang drama ko ngayon. hahaha



Puntahan na natin iyong venue.



Saka tumalikod si Kevin sakin at naglakad papunta sa drivers seat.



Woo!!



Eto na talaga to. Moment na namin to.



Cge saglit lang. hehe.



Kinabit ko na iyong shoulder bag sa balikat ko saka ko binitbit iyong maliit na maleta ko. Maglalakad na
sana ako papalapit sa kotse ni Kevin ng bigla nalang itong umandar papalayo sakin.



KEVIN?



Kevin!! Saglit lang!!



Pero pinaharurot na niya iyong kotse niya.



Walang hiyang Kevin iyon. Akala ko pa naman sabay kaming pupunta don sa venue.



Nakakakinis!!



Binitawan ko iyong maleta ko saka ko iyon inupuan. Nakapatong iyong mukha ko sa dalawa kong kamay.



Paano niya ako nagawang iwan dito?



Tinignan ko iyong kalangitan. Dumidilim na. Nagagalit na ata ang langit dahil sa ginawa kong
pagsisinungaling.



Akala ko pa naman magiging successful ang Plan B namin.



Parang gusto ko tuloy umiyak. Bakit ba niya ako iniwang mag-isa dito?



*beep* *beep*



Hoy!! Bilisan mo diyan! Pumasok ka na. Ang haba haba na ng mukha mo!



Inangat ko iyong ulo ko.



Kevin?



Akala ko.. Akala ko tuluyan na niya akong iniwan pero hindi pala. Binalikan niya ako. Pakiramdam ko
lumulundag iyong puso ko dahil sa tuwa.



Bilisan mo na bago ka pa maulanan diyan.



Tumango lang ako at tumayo.



Hindi mo man lang ba ako tutulungan?



Tanong ko sa kanya.



Kaya mo na iyan.



Kumunot ulit iyong noo ko. Napaka ungentleman talaga ni Kevin. Pero kahit ganun pa siya, hindi parin
maalis na gusto ko siya.



Tss!!



Binuksan niya iyong pinto ng kotse niya saka siya lumabas at nilapitan ako.



hehe. Hindi mo naman pala ako matitiis eh.



Sabi ko sa kanya habang dala dala niya iyong maleta ko saka niya pinasok iyong sa likod ng kotse niya.



Pasok na bilis!



Utos niya sakin. Binuksan ko nadin iyong pinto sa front seat saka ako pumasok.



Pagpasok ni Kevin sa kotse tumitig na muna siya sakin.



May dumi ba sa mukha ko?



Tanong ko sa kanya saka ko tinignan iyong mukha ko sa rearview mirror.



Bakit diyan ka umupo? Don ka sa likod!



Sigaw niya sakin. Napatakip tuloy ako sa dalawa kong tenga dahil sa sobrang lakas ng boses niya. Bakit
ba niya kailangang sumigaw eh nasa harap lang niya ako. Kung makasigaw akala nasa kabilang bundok
ako.



Ayoko! Dito lang ako.



Tss. Napaka stubborn mo talaga.



Bulong niya sa sarili niya pero narinig ko parin. Eh sa pinanganak talaga akong ganito eh.



Seatbealt!



Sambit niya saka niya pinaandar iyong makina ng kotse.



Huh?



Narinig ko naman iyong sinabi niya kaso lang may napanood akong scene sa TV. Ganitong ganito rin,
hindi kasi narinig nong babae iyong sinabi ng lalaki kaya naman iyong lalaki pa iyong nag-ayos ng
sealbelt. Nakakakilig iyon. Moment ko na iyon.



Sabi ko seatbelt.



Huh?



Talagang paninindigan ko na tong pagiging best actress ko. hahaha.



Tss! Bingi ka ba? SINABI KO SEATBELT!! Pero kung ayaw mo eh di huwag.



WAA!!



Bakit ba kailangan pa niyang sumigaw?



Inakala ko pa naman ganun din iyong gagawin niya, iyong tipong si Kevin ang mag-aayos ng seatbelt ko
tapos eh sisigawan niya lang pala ako.



Tss!!



Inayos ko nalang iyong seatbelt ko na mag-isa. Bakit pa kasi pinanganak si Kevin na hindi sweet?



Haay!!



Pagkatapos kong i-ayos iyong seatbelt ko, pinaharurot na ni Kevin iyong kotse ko.



WOO!!



Hinahabol ba kami ng mga pulis? Para na kaming lumilipad dahil sa sobrang bilis ng takbo ng kotse ni
Kevin.



Kevin? Ano palang favorite color mo?



Tanong ko sa kanya para naman hindi maging awkward iyong moment namin. hehehe



Pero isang minuto na ang lumipas hindi parin sinasagot ni Kevin ang tanong ko.



Baka wala siyang favorite color?



Palitan ko nalang iyong question.



Ibahin ko nalang iyong tanong. Anong favorite food mo? Favorite actress? Sinong crush mong artista?



Sobrang dami na ng tanong ko. Pero kahit isa hindi niya sinagot.



ahh.. Baka nag coconcentrate ka lang sa pagdadrive. Gusto mong kumain? nagdala ako ng snack
sakaling magutom tayo. hehe



Kinuha ko na iyong sandwich sa bag ko saka ko binigay sa kanya.



Ayoko!



Matipid na sagot niya.



Ay oo nga pala, nagmamaneho ka. Ang tanga ko talaga. ehehe. Pasensya. Susubuan nalang kita.



Binuksan ko na iyong sandwich para subuan si Kevin.



Pwede ba Maybelline tigilan mo na iyan? nakakairita ka na eh. Tumahimik ka nalang pwede? Huwag mo
akong istorbohin.



Naiiritang bulalas ni Kevin.



Gusto kong masaktan dahil sa sinabi ni Kevin. naiirita daw siya sakin. Nakakaistorbo daw ako sa kanya,
pero hindi ko magawa dahil tinawag niya ako sa pangalan ko.



Maybelline..



Pano niya nalaman ang first name ko?



Sa totoo lang ayaw na ayaw ko na tinatawag akong Maybelline pero kung si Kevin ang tatawag sakin
niyan..hihihihi..



hihihihi..



Hindi ko talaga mapigilang bumungisngis.



May nakakatawa ba?



Tanong ni Kevin habang nakafocus iyong mga tingin niya sa daan.



Wala lang.. hihihi..



Kung hindi ka talaga titigil sa pagtawa mo iisipin ko na talaga na baliw ka.



hihihi. Pano ba naman kasi. Hindi ko talaga inasahan na alam mo iyong pangalan ko. Natutuwa lang
talaga ako. Pano mo ba nalaman iyong pangalan ko?



Tanong ko kay Kevin.



Baka naman kasi nalaman niya dahil nagsearch siya tungkol sa pagkatao ko?



Baka kasi gusto niya din ako pero hindi lang niya sinasabi sakin dahil nahihiya siya?



hehehe..



Bakit naman kasi hindi ka magugustuhan ni Kevin Mia eh ang ganda ganda mo kaya.



hehehe..



Nakakabaliw pala ang ganitong pakiramdam. Hindi ko kasi mapigilang tumawa dahil sa sobrang kilig.



Nalaman ko sa facebook.



Sagot niya.



Facebook?



Waa!!



Sabi ko na nga ba hinanap niya ako sa facebook.



yieee!!



May pag-asa ka na Mia.. Gusto ka din ni Kevin hindi lang talaga niya sinasabi.



Diba inadd mo ako? Hindi ko sana tatanggapin kaso lang eh alam kong makulit ka kaya tinanggap ko
nalang.



*toink*



Akala ko pa naman hinanap niya ako. Pero okay nadin iyon kesa naman hindi niya tinanggap iyong friend
request ko.



Malayo pa ba tayo?



Tanong ko kay Kevin.



Isang oras pa. Sana makarating tayo don bago bumuhos ang malakas na ulan.



Tinignan ko iyong paligid. Ang dilim dilim na nga. Parang any minute from now bubuhos na ang malakas
na ulan. Tama nga iyong sinabi ni May.



Five minutes after..



Sobrang lakas na ng ulan. Kung kanina sobrang bilis ng kotse ni Kevin, ngayon wala na sa kalahati iyong
bilis ng takbo dahil sa lakas ng ulan.



Dahil sa sobrang lakas ng patak ng ulan, naririnig na namin iyon sa bubong ng kotse na sinasakyan
namin. Pati iyong wipers ng kotse halos hindi na kayanin ang sobrang tubig.



Sabi ni May makakatulong iyong bagyo para sa plano namin pero ngayon parang hindi na ako naniniwala
don. Pano ba naman kasi nakakatakot na iyong ulan dahil hindi na talaga normal dahil sa sobrang lakas
nito.



Waaa!!



Makakaabot pa ba tayo don?



Tanong ko kay Kevin.



Kailangan nating makaabot kung ayaw nating ma stranded dito. May binalita bang bagyo?



Meron daw sabi ni May pero hindi ko naman inakala na ganito iyong magiging epekto nong bagyo. Ang
lakas ng ulan.



Delikado nato.



Sambit ni Kevin.



Tumahimik nalang ako at nagdadasal na sana tumigil na iyong ulan. Bahala na talaga kung wala na
kaming moment ni Kevin ang mahalaga malayo kami sa disgrasya.



Sobrang na talaga akong kinakabahan dahil habang tumatakbo iyong oras, mas lalong lumalakas iyong
ulan. Pakiramdam ko talaga anytime from now mabubutas na iyong bubong ng kotse. Mababasa na
talaga kami nito.



Huwag naman sana.



Malapit na ba tayo?



Tanong ko kay Kevin.



Kung walang ulan, makakarating tayo sa venue ng kalahating oras pero dahil sa baha baka abutin pa
tayo ng dalawang oras dito.



Dalawang oras?



Dalawang oras kami dito?



Oo, aaminin ko mahabang moment talaga iyon para samin ni Kevin pero ayokong magmoment sa
ganitong sitwasyon.



Niyakap ko iyong sarili ko dahil sa sobrang lamig ng aircon idagdag mo pa iyong ulan na nakadagdag ng
lamig sa loob.



Nilalamig ka ba?



Tanong ni Kevin sakin.



Ahh okay lang..



Pagsisinungaling ko pero sa totoo lang lamig na lamig na talaga ako.



Pasensya ka na pero hindi ko pwedeng patayin iyong aircon. Pag gagawin ko iyong magiging blur iyong
salamin.



Kahit na ang sama sama ng ugali ni Kevin sakin ramdam na ramdam ko iyong pag-aalala niya.



Okay lang. Naiintiindihan ko naman.



May jacket ako diyan sa bag ko sa likod kunin mo at isuot mo.



Mahinang utos niya sakin.



Okay lang talaga ako.



I know youre not. Huwag na matigas ang ulo Maybelline. Kunin mo na.



Sa tono ng boses niya, alam kong seryoso talaga siya. Inabot ko iyong bagpack niya sa likod ng kotse saka
ko hinanap ang jacket niya. Pagkatapos kong mahanap binalik ko ulit iyong bag niya sa likod.



Black leather jacket iyong dala niya.



Ito din iyong suot niya nong una kaming nagkita.



Isuot mo na.



Tumango lang ako saka ko sinuot iyong jacket niya. Nakatulong naman kahit papano. Hindi na ako
nilalamig tapos naaamoy ko pa iyong pabango niya sa jacket niya.



hihihihi..



Ang landi ko talaga.



Pahina ng pahina iyong takbo ng kotse namin.



Hindi na ata kaya ng kotse.



Bulalas ni Kevin saka niya hinampas iyong kanang palad niya sa steering wheel.



Ha? Anong hindi na kaya?



Nalilitong tanong ko sa kanya.



Kailangan nating maghanap ng matutuluyan sa ngayon habang hindi pa tumitigil iyong ulan. Kung
magpapatuloy tayo sigurado akong masastranded lang tayo. Any minute from now titigil na nag makina
ng kotse. Mas delikado.



Tumingin tingin ako sa labas pero hindi ko masyado makita iyong paligid dahil sa sobrang lakas ng ulan.



May malapit ba na hotel dito?



Tanong ko sa kanya.



Wala na. Malapit na tayo sa venue kaya mahihirapan na tayong maghanap ng hotel. Makikiusap na lang
tayo..



Naghanap si Kevin ng lugar kung san magiging safe iparada iyong kotse niya. Mahirap na daw kung
tangayin ito ng tubig pero talagang wala kaming nakita. Anong klaseng lugar ba to at konti lang ang mga
bahay sa paligid?



Pano na to?



Tanong ko sa kanya.



Huwag kang mag-alala, makakahanap din tayo ng lugar.



Pagkatapos ng sampung minuto nakahanap din kami ni Kevin ng isang bahay.



Dito ka lang. Makikiusap lang muna ako.



Sabi ni Kevin.



pero..



Pero lumabas na siya ng kotse. Kahit pa tinakpan niya iyong ulo niya gamit ang dalawang kamay niya.
Basang basa parin siya.



Naiinis ako kay May. Bakit kasi hindi niya sinabi na sobrang lakas pala ng bagyo para naman
nakapaghanda ako kahit papano.



Pagkatapos ng labinlimang minuto bumalik nadin si Kevin.



Ano daw?



Tanong ko kay Kevin pagpasok niya ng kotse.



Pwede daw nating iparada iyong kotse ko dito.



Binuksan ng isang lalaking nakapayong iyong gate saka kami pumasok. Pagpasok namin sa gate nakita ko
agad iyong itsura ng bahay.



Hindi ito magara, kahoy lang iyong bumubuo sa bahay pero maganda narin kahit papano.



Bumaba kana.



Utos ni Kevin saka niya kinuha iyong bag niya sa back seat.



Iyong bag ko nasa trunk pa eh.



Bukas mo na kunin iyon. Malakas ang ulan. Bilisan mo na.



Wala nadin akong ibang nagawa kundi sundin si Kevin. Iyong shoulder bag ko lang ang nadala ko saka
ako lumabas.



Tumakbo ako papunta don sa parte na may bubong para hindi ako mabasa.



Maraming salamat po talaga Manang. Huwag po kayong mag-alala dahil magbabayad po kami.



Nakita ko namang isinara nong lalaking nakapayong ang gate nila.



Hindi ko alam na babae pala ang kasama mo. Hindi mo naman kasi sinabi. Iho isang kwarto lang ang
bakante sa bahay namin kaya hindi pwedeng..



Huwag po kayong mag-alala Manang dahil asawa ko po siya...



Asawa?



Wife?



Kelan pa kami kinasal ni Kevin?



Chapter 17: One Room




Asawa ako ni Kevin?



Ahh ganun ba iho? Akala ko kasi eh girlfriend mo. Sabi nong babae.



Hindi po Manang. hehe Pagsisinungaling ni Kevin sabay ngiti.



Cge pumasok na kayo, sasamahan ko kayo sa kwarto niyo.



Inakbayan ako ni Kevin saka namin sinundan si Manang. Tinignan ko si Kevin pero tanging kindat lang
iyong binigay niya sakin.



Dito iyong kwarto niyo. Hindi ko naman talaga pinapaupahan tong bahay namin kaya manatili lang kayo
dito hanggang sa gusto niyo. Huwag nadin kayong magbayad.



Binuksan ni Manang iyong pinto ng kwarto saka niya kami pinapasok.



Naku Manang nakakahiya naman po iyon.



Sambit ni Kevin.



Huwag na kayong mahiya. Matagal nadin kaming walang kasama dito ng asawa ko dahil malaki na iyong
anak namin. Nasa ibang bansa na at nagtatrabaho. Dati niya tong kwarto kaya pagpasensyahan niyo na
talaga.



Salamat po talaga Manang.



Walang anuman. Sige maiwan ko na muna kayo para naman makapagpahinga kayo. Tatawagin ko
nalang kayo mamaya para sa hapunan.



Saka kami tinalikuran ni Manang at tinungo ang pintuan ng kwarto para lumabas.



Iba na talaga ang mga kabataan ngayon. Maaga ng nag-aasawa.



Rinig na rinig ko iyong bulong ni Manang habang isinara niya iyong pinto ng kwarto.



Paglabas ni Manang hinampas hampas ko si Kevin gamit ang unan na nakita ko.



Arayy!! ano bang problema mo?



Tanong niya habang iniilagaan ako.



Bakit mo sinabing mag-asawa tayo? Haa? Ang feeling mo talaga. Kelan pa tayo kinasal?



Hindi ko parin siya tinitigilan sa paghahampas.



Sa tingin mo ba kung sinabi kong mag schoolmates lang tayo patutuluyin niya tayo dito sa bahay nila?



Napahinto ako sa paghampas kay Kevin. Tama nga siya, kung hindi niya sinabi iyon malamang stranded
na kami sa daan.



Bakit ba ang talino niya? Ang bilis niyang makapag-isip eh.



at isa pa.. huwag ka ngang umasta na hindi mo nagustuhan iyong sinabi ko dahil halata namang
gustong gusto mo iyong sinabi ko.



Nakakainis ka talaga!! Sigaw ko.



Hinagis ko iyong unan na hawak hawak ko sa mukha niya pero nasalo naman niya ito.



Kung ayaw mong mapaalis tayo dito. Magpanggap kang asawa ko..



Sambit ni Kevin.



Kahit na totohanin na namin to kering keri ko. hahaha. Ang totoo naman kasi niyan eh kahit na
hinampas ko siya ng unan eh gusto ko naman talaga iyong pagsisinungaling niya.



Sana nga eh totoo na talaga.



Maligo ka na at magbihis bago ka pa magkasakit niyan.



Utos niya sakin



Eh pano ka?



Tanong ko sa kanya na may pag-alala. Kung hindi rin siya magbibihis sigurado akong magkakasakit din
siya.



Pagkatapos mo ako na kaya bilisan mo. O baka naman gusto mong sabay na tayong maligo?



Saka siya lumapit sakin dahan dahan.



Naalala ko iyong sinabi ni May. Kahit na gusto ko si Kevin hindi ko dapat isuko iyong dapat isuko.


Ano? Bakit hindi ka makapagsalita diyan? Silence means yes?



Konting konti nalang talaga at maglalapit na kami.



Ang adik mo!! Diyan ka na nga.



hahaha..Nakakatawa talaga iyong mukha mo.



Sabi ni Kevin habang tumatawa ng malakas.



Daig mo pa iyong kamatis na malapit ng mabulok. hahahaha



Gusto ko siyang hampasin sa mukha. Kamatis na malapit ng mabulok? Kahit nga pimples wala siya
makita sakin wrinkles pa kaya?



Ang bata bata kaya ng mukha ko.



Baby Face!



Maliligo na ako. Binabalaan kita ha. Huwag na huwag kang pumasok sa banyo kundi lagot ka talaga
sakin.



Pero hindi na siya nagsalita.



Kinuha ko na iyong bag ko saka ako pumasok ng banyo.



Binabalaan kita ha!! Susuntukin talaga kita!



Pahabol ko pa sa kanya bago ko isinara iyong pinto.



Hindi naman ganun kalaki iyong banyo nila pero may bath tub naman. Ang linis din. Ang presko rin dahil
sa kahoy iyong buong dingding.



Inikot ikot ko muna iyong mga mata ko sa paligid para hanapin iyong mga gamit na kailangan ko. Mabuti
nalang at may bubble bath liquid sila at towel at kung ano ano pa. Naiwan ko kasi sa maleta ko sa kotse
ni Kevin, andun pa naman halos lahat ng mga gamit ko.



Pinaandar ko na iyong faucet saka ako naglagay ng bubble bath. Tinanggal ko nadin iyong mga damit
saka ko binabad ang katawan ko sa tub.



Ang presko ng pakiramdam ko.



Akala ko talaga kanina eh masastranded na kami sa daan.



Magkakamoment nga kami ni Kevin pero buwis buhay naman iyong pinagdaanan namin.



Mabuti nalang din talaga at pinatuloy kami ni Manang dito.



Habang nagbababad ako, andaming pumapasok sa isipan ko. Kung anong moves ang gagawin ko para
naman hindi kami mahalata ni Manang. Pumasok din sa isip ko kung ano na ang nangyari kay May ata
Aya at lalo na kay Zelle.



Kung tawagan ko kaya sila?



Ahh!!



Huwag nalang baka marinig pa ni Kevin iyong usapan namin.



Nagbabad pa ako ng konti pang oras dahil ramdam na ramdam ko iyong freshness sa katawan ko.



*tok* *tok*



Pero bigla nalang akong napatakip sa katawan ko gamit ang mga kamay ko pagkatapos kong marinig ang
katok sa pinto.



Sino iyan?



Sigaw ko.



Hoy Maybelline buhay ka pa ba diyan? Humihinga ka pa o nalunod ka na sa inidoro? Bilisan mo diyan at
maliligo ako!



Muntik ko ng makalimutan na kailangan pa palang maligo ni Kevin.



Oo. Malapit na. Umalis ka na diyan.



Baka kasi bigla nalang pumasok eh.



Bilisan mo.



Oo nga sabi.



Tumayo na ako saka ko pinagpatuloy ang ritual ko sa shower.



Pagkatapos ng fifteen minutes kinuha ko na iyong white towel na nakasabit malapit sa pintuan saka ko
binalot sa katawan ko.



Hihiramin ko na muna to kay Manang.




Binalot ko nadin iyong maliit na towel sa buhok ko. Wala kasi silang hair dryer dito.



Binuksan ko na iyong shoulder bag ko na nakapatong sa sink saka ko kinuha iyong mga damit ko.



Asan na iyon?



Asan na iyon?



Kahit anong hanap ko sa damit ko hindi ko talaga mahanap. Naalala ko iyong maleta sa loob ng kotse ni
Kevin. Andun iyong mga damit ko.



Waa!!



Pano ko ba nakalimutang dalhin iyon?



Si Kevin naman kasi eh.



Tanging underwear ko lang ang andito sa shoulder bag ko.



Pano nato?



Hindi ko naman pwedeng kunin iyon sa kotse na nakaganito lang ako. Tinignan ko iyong sarili ko sa
salamin.



Hindi talaga pwede.



Uutusan ko nalang si Kevin.



Kevin?



Kinatok ko iyong pinto mula sa loob.



Kevin?



Oh ano? Nakalimutan mo na ba na iyong lock ng pinto nasa loob ng banyo at wala sa labas?



Ehh.. Ano ako engot? Nakakainis talaga tong si Kevin. Kahit kailan talaga hindi ka bibigyan ng matinong
sagot nito.



Ano kasi eh. Iyong damit ko naiwan ko sa maleta. Kunin mo naman oh.



Sana lang talaga pumayag siya.



Ano? Hindi kita marinig.



Sigaw niya.



Sabi ko iyong damit ko naiwan!



Iyon na iyong pinakamalakas na sigaw ko.



ANO?



Haay nakakainis. Bingi pala tong kausap ko. Binuksan ko iyong pinto ng banyo saka ko nilabas iyong
mukha ko pero iyong katawan ko nakatakip sa pinto.



Sabi ko iyong damit ko naiwan sa kotse. Iyong undies ko lang andito sa bag ko eh.



Nakakahiya mang sabihin pero kailangan niya talagang malaman para naman matulungan niya ako.
Hindi ako makatingin sa kanya ng deretso. Pakiramdam ko naipon lahat ng dugo ko sa pisngi ko.



Ahhh..



Akala ko iyon lang ang reaction niya pero bigla nalang siyang..



hahahahaha...



Kailangan ba niya talagang tumawa?



Eh di huwag!!!



Isinara ko ng malakas iyong pinto ng banyo saka ako sumandal. Akala ko pa naman tutulungan niya ako.
Nagkamali talaga ako sa kanya. Sana hindi nalang ako naligo. Mas mabuti ng magkasakit ako kesa naman
nakaganito lang ako.



*tok* *tok*



Ano?



Sigaw ko kay Kevin.



Buksan mo iyong pinto.



Nababaliw na ba siya? Bubuksan ko iyong pinto tapos makikita niya akong nakaganito?



WAAAA!!



Anong plano niya sakin?



Maybelline buksan mo iyong pinto.



Nababaliw ka na ba Kevin? Hindi porket gusto kita isusuko ko na iyong sarili ko sayo. Hindi ako papayag
diyan sa gusto mo. Kaya naman pala pinaliligo mo ako dahil may plano ka pala. Lalaki ka talaga!!



hahaha!!



Narinig ko na naman iyong tawa niya sa kabilang pinto.



Ano bang nakakatawa Kevin? nababaliw ka na ba diyan?



Nakakatawa ka kasi talaga. Iba kasi iyong iniisip mo. Hindi ko alam kung bakit ka nakakapag-isip ng
ganyan.. haha.



Pakiramdam ko mas lalong namumula iyong magkabilang pisngi ko.



Ano bang ibig sabihin mo?



haha. Sabi ko buksan mo iyong pinto dahil ibibigay ko sayo tong damit ko.



ahaha..baliw ka talaga Mia. Pano mo naman naisip ang ganung bagay? Nakakahiya ka talaga.



Hindi mo nalang sana sinabi sa kanya..



WAAA!!



Hindi ko na ata kayang makita si Kevin dahil sa sobrang hiya..



Buksan mo na!



Kailangan kong buksan to para makuha ko iyong damit pero kailangan ko ding protektahan iyong
katawan ko at baka may makita siyang hindi pa niya dapat makita.



Ipikit mo na muna iyong mga mata mo.



Sigaw ko sa kanya.



Oo na nakapikit na. Bilisan mo na.



Dahan dahan kong binuksan iyong pinto saka ko siya tinignan. Nakapikit nga iyong mga mata niya.
Kinuha ko na iyong damit na hawak hawak niya saka ko isinara muli iyong pinto.



Tinignan ko iyong damit na binigay niya. Isang white v-neck tshirt at isang blue pajama.



Sinuot ko na iyon saka ako lumabas ng banyo. Para akong maskot dahil sa laki ng suot kong damit.



Maligo ka na.



Sabi ko kay Kevin. Sana siya nalang iyong nauna dahil mas basa siya kesa sakin.



Tumango lang siya saka siya pumasok ng banyo. Umupo ako sa harap ng salamin at sinuklayan ang basa
kong buhok.



*tok* *tok*



Iha iho?



Tumayo ako sa kinauupuan ko saka ko binuksan iyong pinto.



Manang kayo po pala.



Halika na kayo ija para naman makakain na kayo ng hapunan.



Mahinang sabi niya.



Manang maraming salamat po talaga sa tulong niyo.



Walang anuman ija. Asan na iyong asawa mo?



Napaka awkward parin pakinggan iyong salitang asawa. Hindi parin kasi nagsisink in sa isipan ko iyon.
Pero sabi nga ni Kevin kailangan daw naming magpanggap para hindi kami mapalayas dito.



Naliligo pa po si Kevin Manang. Sabay nalang po kaming lalabas.



Cge ija. Hihintayin ko nalang kayo sa hapagkainan.



Cge po Manang salamat po.



Ang bait talaga ni Manang. Kahit na hindi talaga kami bisita dito eh pinaghanda parin niya kami ng
hapunan.



Isinara ko na iyong pinto saka ko kinatok iyong banyo.



Kevin, tinatawag na tayo ni Manang. Kakain na daw tayo kaya bilisan mo diyan.



Sigaw ko kay Kevin saka ako bumalik sa upuan ko.



Oo na lalabas na.



Pagkatapos ng ilang minuto lumabas na si Kevin mula sa banyo. Kitang kita ko iyong itsura niya mula sa
repleksyon ng salamin kaya bigla nalang akong napatayo dahil sa sobrang pagkagulat.



Bakit ganyan ang suot mo?



Tanong ko sa kanya habang di ako mapakali. Hindi ko alam kung anon gagawin ko. Hindi ko alam kung
san ako titingin. Pano ba naman kasi, tanging towel lang ang nakatakip sa ibabang parte ng katawa niya.



Waaa!



Nakakabaliw pero nakakaadik, hindi ko mapigilang hindi mapatingin.



Eh sa naiwan ko ang damit ko dito sa labas eh.



Sagot naman niya saka siya yumuko para kunin iyong bag niya at hanapin ang damit niya.



Kung sana pinakuha mo nalang sakin para ako na iyong nagbigay.



Sabi ko sa kanya habang nakatalikod ako. Pero kahit na nakatalikod ako kitang kita ko parin iyong
repklesyon niya sa salamin.



hahaha!!



Pati brief ko ikaw kukuha?



Waa!!



Manyak talaga tong si Kevin. Kung sabihin niya iyong word na brief parang wala lang sa kanya. Pero
pakiramdam ko mas manyak ako kay Kevin dahil kahit na nakatalikod ako tinitignan ko parin iyong
katawan niya sa salamin.



hahahaha.



Oh di ka makasagot diyan?



Kung sa banyo ka kaya magbihis?



Tanong ko sa kanya. Sana hindi niya mahalata na nakatingin ako sa repleksyon niya sa salamin.



haha. Akala mo may plano akong magbihis sa harap mo? Ano ka sinwserte?



Nakakabweset talaga tong si Kevin. Mabuti nalang talaga at gusto ko siya dahil kung hindi pa, malaman
kanina pa iyan nawalan ng hininga.



Pumasok na si Kevin sa banyo dala dala ang mga damit niya.



Tapos nadin ako sa pagsusuklay at pag-aayos ng buhok ko. Lalabas na sana ako ng kwarto kaya lang eh
naabutan ako ni Kevin.



Sabay na tayong lumabas para hindi sila magduda.



Sabi niya. Tumango lang ako.



Paglabas namin ng kwarto, inakbayan niya agad ako.



Ano to?



Tanong ko sa kanya habang tinuturo iyong kamay niya na nakapatong sa balikat ko.



Huwag kang mag-alala, hindi kita china-chansingan. Ginagawa ko lang to dahil akala nila mag-asawa
tayo. Diba HONEY?



Saka siya ngumiti ng nakakaloko.



Hohoho!



Iniimagine ko pa lang na mag-asawa kami ni Kevin sobrang saya na, pano na kaya kung totohanin na
namin?





Chapter 18: First Dinner




Kumain na kayo. Hinintay talaga namin kayo para naman makapagsabay na tayong apat.



Sambit ni Manang. Nakaupo na silang dalawa ng asawa niya. Ganito ba talaga sila kung makapagluto?
Andaming pagkain, parang may fiesta lang.



Fiesta po ba dito Manang?



Tanong ko sa kanya habang hinila ko iyong isang bakanteng upuan saka ako umupo.



Ay hindi. hehe. Matagal na kasi kaming walang kasalo sa pagkain kaya dinamihan na namin. Hindi din
kasi namin alam kung anong pagkain ang gusto niyo.



Umupo narin si Kevin sa tabi ko.



Naku Manang nakakahiya po talaga. Kahit naman po tuyo lang iyong ulam kakainin po namin iyon.



Sabi ni Kevin.



Super madaming thank you po talaga dito Manang. Ano po pala ang pangalan niyo Manang?



Josefa ija, siya naman ang asawa ko si Pat.



Pinakilala ni Manang Josefa iyong asawa niya. Siya iyong nagbukas kanina sa gate na may dalang payong.
May suot si Manong Pat na bilog na salamin. Iyong katulad kay Harry Potter. Pero kabaligtaran ata iyong
ugali ni Manang Josefa at Manong Pat dahil hindi palangiti si Manong, hindi katulad ni Manang.



Hello po Manong Pat.



Itinaas ko iyong kanang kamay ko saka ako kumaway sa kanya.



Hello din.



Bati sakin ni Manong Pat, pero hindi siya ngumingiti.



Ano pala ang mga pangalan niyo mga anak?



Tanong ni Manang Josefa samin.



Ahh oo nga po pala, hindi pa namin napapakilala iyong mga sarili namin. Nakakahiya naman po. Ako po
pala si Maybelline Mia Park at siya naman po si Kevin Choi, school..



Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, natakpan na ni Kevin ang bibig ko.



haha. Pasensya na po talaga kayo dito sa asawa ko Manang Josefa, sadyang makakalimutin lang talaga
siya. hehe.



Waa!!



Muntik ko ng makalimutan na kailangan pala naming magpanggap ni Kevin na mag-asawa kami. Hindi
pala muntik dahil talagang nawala talaga sa isipan ko at nakalimutan ko.



Tinanggal na ni Kevin iyong kamay niya sa bibig ko saka ako nagsalita ulit.



hihihi..Noon po iyon Manang pero ngayon po iba na ang apelyido ko. Maybelline Mia Park Choi na po
ako.



Wala talga silang ideya na kinilig ako pagkatapos kong sbaihin ang bago kong pangalan. Maybelline Mia
Park Choi, ang ganda talagang pakinggan. Kelan kaya babaguhin ni Kevin ang apelyido ko? May
pakiramdam akong malapit na malapit ng mangyari iyon. hehe. Libre lang mangarap eh.



Kayo talagang mga bata kayo. Magdasal na tayo para naman pakakain na tayo at akoy gutom na gutom
na.



Tumango lang kami ni Kevin saka namin niyuko ang mga ulo namin. Si Manang Josefa iyong naglead ng
prayer.



Amen.



Pagchochorus namin pagkatapos magdasal ni Manang Josefa.



Kumain na kayo. Huwag kayong mahiya ha?



sabi ni Manang Josefa.



Manang, kayo po ba ang nagluto nitong kare-kare?



Tanong ni Kevin.



Ahh oo iho. Hindi ko alam kung magugustuhan mo iyan. Paborito mo ba ang kare-kare?



Tanong naman ni Manang kay Kevin.



Opo. hehe



Paborito mo pala ang kare-kare?



Tanong ko naman kay Kevin. Ngayon alam ko na kung anong paboritong pagkain ni Kevin.



Naku iha, asawa mo si Kevin pero hindi mo alam kung anong paboritong pagkain niya?



WAAA!!



Nakakahalata na kaya si Manang Josefa? sana naman hindi pa. Ngumiti lang ako kay Manang Josefa
bilang tugon ko sa kanya.



Nakita kong nilalagyan ng pagkain ni Manang Josefa ang plato ng asawa niyang si Manong Pat. Naalala
ko tuloy na ginagawa din iyon ni Mommy kay Daddy. Dapat ako din kay Kevin dahil mag-asawa kami
ngayon. Kinuha ko iyong plato ng kanin saka ko nilagyan iyong plato ni Kevin. Napansin kong nagulat siya
sa ginawa ko pero hindi narin siya umimik. Nilagyan ko rin iyong plato niya ng kare-kare.



Ang sweet niyo naman.



Pagcocommento ni Manang Josefa.



hehe. Salamat po Manang.



Kinuha ko ulit iyong plato ng kanin saka ako naglagay sa plato ko. Kukunin ko na sana iyong plato ng
fried chicken kaya lang naunahan ako ni Kevin sa paglagay sa plato ko ng gulay.



Alam niyo po Manang, paborito po ng asawa ko itong gulay.



Saka siya naglagay ng madami sa plato ko.



Waa!!



Pinakaayaw ko pa naman ang gulay. Hindi naman sa maarte ako kaya lang eh kalabasa lang talaga ang
kinakain kong gulay.



Talaga iha? Paborito mo pala ang pinakbet? Kaya naman pala ang kinis ng balat mo dahil pala iyan sa
gulay. Huwag kang mahihiya iha ha, damihan mo pa.



Wala na akong ibang nagawa kundi ang ngumiti ng peke. Paninindigan ko nalang to. Tinignan ko iyong
gulay na hinain ni Kevin sa plato ko. May bagoong ba to?



Ahh Manang, may bagoong po ba to?



Tanong ko kay Manang.



Oo Iha. Bakit?



Ahh.. Wala lang po.



Sagot ko kay Manang.



Sa totoo lang nag-aalala akong kainin iyong pinakbet dahil allergic ako sa bagoong. Pero kung hindi ko
kakainin baka makahalata si Manang na peke lang na mag-asawa kami ni Kevin. Hindi naman siguro ako
magkakaroon ng allergic reaction kung konti lang iyong kakainin ko.



Kukuha pa sana ako ng ibang ulam kaya lang nagsalita ulit si Kevin.



Alam niyo po Manang, pag may gulay po na nakahain hindi na po talaga naghahanap ng ibang ulam si
Maybelline. Hindi niya na po pinapansin ang mga ibang ulam.



Tinitigan ko si Kevin pero nagsmirk lang siya saka niya nilagay sa bibig niya ang isang karne ng ulam niya.
Nananadya ba talaga siya?



Nakakainis na talaga!!



Alam niyo po Manang paborito po talaga ni Kevin ang okra.



Kinuha ko iyong dalawang hiwa ng okra sa plato ko gamit ang tinidor saka ko sinubo sa kanya. hahaha!!
Napansin ko iyong pag-aalangan sa mukha niya pero kinain niya parin kahit papano.



Alam niyo po Manang gusto gusto po ni Maybelline ang pipino. Diba Honey?



Kumuha si Kevin ng tatlong pipino gamit ang kamay niya saka niya sapilitang sinubo sakin.
Nakakabweset talaga tong si Kevin.



Ngumiti ako kay Manang kahit na sobrang nandidiri ako sa nginunguya kong pipino.



Ilang taon na ba kayong mag-asawa?



Tanong naman ni Manong Pat kay Kevin.



Wala pa pong isang taon Manong Pat. Bagong kasal palang po kami ni Maybelline.



Bakit pala kayo nagpakasal ng maaga? Dahil ba nadisgrasya mo itong asawa mo?



Muntik ko na talagang maisuka iyong pipino sa bibig ko dahil sa gulat. Grabeh naman iyong tanong ni
Manong Pat. Hindi ko talaga inasahan iyon mula sa kanya. Napaka deretso ng tanong.



Pat..Ano ka ba. Masyado ng personal ang tanong mo.



Saway ni Manong Josefa kay Manong Pat.



Anong personal? Gusto ko lang namang malaman iyong dahilan kung bakit sila nag-asawa ng maaga. Eh
kung ayaw nilang sagutin eh di huwag. Hindi ko pipilitin.



Kanina ko pa talaga napapansin na parang hindi kami gusto ni Manong Pat. Hindi ko alam kung bakit siya
ganun.



Manong Pat, hindi po kami nagpakasal ni Maybelline dahil nadisgrasya ko po siya. Nagpakasal po kami
dahil mahal po namin ang isat-isa.



Tinitigan ko si Kevin habang nagpapaliwanag siya kay Manong Pat. Ang seryoso ng mukha niya, parang
gusto ko na tuloy maniwala na mag-asawa kaming dalawa pero kailangan ko paring alalahanin na
nagpapanggap lang kami.



O tignan mo Pat.



Sambit ni Manang Josefa.



Hindi naman kasi lahat ng maagang nag-aasawa iyan ang dahilan.



Pagpapatuloy ni Manang.



Tapos na akong kumain. Excuse me lang.



Tumayo na si Manong Pat saka siya pumasok sa kwarto nila. May problema ba siya samin ni Kevin? Para
kasing hindi kami welcome dito sa bahay niya.



Pagpasensyahan niyo na iyong asawa ko ha? Iyong anak kasi naming babae maagang nag-asawa kaya
medyo nagtatampo. Kayo pa tuloy iyong napagbuntungan ng tampo niya.



Kaya naman pala eh. Akala ko talaga eh ayaw niya ng bisita sa bahay nila. Kung kay Daddy din mangyari
iyon, sigurado akong magtatampo din siya pag mag-aasawa ako ng maaga. Naiintindihan ko din iyong
pakiramdam ni Manong Pat.



Okay lang po iyong Manang.



Sambit ni Kevin.



May plano na ba kayong bumuo ng pamilya?



Nabigla talaga ako sa tanong ni Manang. Bumuo ng pamilya? Kami ni Kevin? Ibig sabihin, bumuo ng
baby? hihihihi



Wala pa po sa isipan namin iyan Manang. Gusto pa po naming ienjoy iyong buhay mag-asawa na kami
lang pong dalawa. Baka sa susunod na taon susubukan na po naming bumuo ng baby.



Waa!!



Pakiramdam ko sobrang pula na ng pisngi ko. Nakakahiya na talaga tong topic naming tatlo.



Bakit ba palagi nalang akong ginugulat ni Kevin? Kung makasagot kasi siya sa tanong ni Manang parang
tunay na talaga kaming mag-asawa.



Tama iyan iho. Pag may anak na kasi kayo, mahahati na iyong atensyon ng asawa mo dahil sa anak niyo.
Enjoyin na muna ang bawat isa.



Ngumiti nalang ako kay Manang dahil hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko sa kanya.
Nakakahiya talaga. hihihi



Manang Josefa, maraming salamat po talaga sa hapunan. Sobrang sarap po talaga.



Sabi ko kay Manang pagkatapos kong mabusog. Kahit na pinakbet lang iyong ulam ko nabusog padin ako
at nasarapan. Kahit na hindi talaga ako kumakain ng gulay, nasarapan naman ako kahit papano. Sana
lang talaga hindi ako atakihin ng allergy mamaya.



Walang anuman iha. Masaya ako at nagustuhan niyo iyong niluto ko.



Ang sarap niyo pong magluto. Dahil po diyan, sabi ni Kevin siya na daw iyong magliligpit at maghuhugas
ng pinagkainan natin.



hahaha!!



Akala ni Kevin nakalimutan ko na iyong ginawa niya sakin ha. Tinignan ko si Kevin saka ako nag smirk sa
kanya.



Huwag na nakakahiya naman sa inyo eh mga bisita ko kayo.



Manang Josefa kami nga po dapat iyong mahiya sa inyo eh.



Sabi ko kay Manang.



Talaga bang okay lang sa inyo?



Tanong ni Manang.



Okay lang po talaga Manang. Diba honey?



Siniko ko si Kevin saka naman siya nagsalita.



Opo Manang. Okay lang po talaga. Tutulungan naman po ako ni Maybelline eh. Diba hon?



Tinitigan ko ng masama si Kevin. Nakakabweset talaga iyong mukha niya pero hindi parin matanggal
tanggal iyong kagwapohan niya.



Sige, kung okay lang talaga sa inyo eh kayo na ang bahala dito. Magpapahinga na kami ng asawa ko.



Tumayo na si Manang mula sa upuan niya.



Sige po Manong Manang, goodnight po.



Pumasok nadin si Manang sa kwarto nila.



Simulan na natin to para naman makapagpahinga nadin tayo.



Sambit ni Kevin. Pero tumitig lang ulit ako ng masama sa kanya.



Natin?



Tanong ko.



Oo bakit? Gusto mo bang ikaw lang magligpit? Okay lang din sakin.



Sinabi ko kay Manang na ikaw iyong maglilipit at maghuhugas ng mga pinggan. Wala akong sinabing
tutulungan kita.



Huh? Pero sinabi ko kay Manang na tutulungan mo ako.



Oo nga pero hindi ako pumayag diba? Hindi naman ako tumango ah.



haha!!



Akala talaga niya siya lang iyong marunong mang-inis?



Maybelline kailangan mo akong tulungan dito. Hindi ko kayang iligpit ang lahat ng to.



Tinignan ko iyong oras gamit ang wristwatch ko.



Huwag kang mag-alala Kevin madami ka pang oras. Babush!! Magpapahinga na ako.



Itinaas ko ang isang kamay ko saka ako nag wave sa kanya.



Maybelline huwag mo akong iwan dito!



Hindi ko na sinagot si Kevin. Tumakbo na ako papunta sa kwarto namin. Manonood nalang muna ako ng
TV dahil maaga pa naman para matulog.



Bahala na si Kevin magligpit don.



hahahaha!!!



Binuksan ko na iyong TV sa kwarto saka ako nahiga sa kama, hawak hawak ko ang remote control
habang palipat lipat ako ng chanel. Tinitignan ko kung anong magandang panoorin.



hahaha!!



Ano na kayang ginagawa ni Kevin?



hahaha!!



Habang nagpapahinga ako dito at nanonood ng TV. Nasa labas naman siya at naghuhugas ng pinggan.



hahaha!!



Ang galing mo talaga Mia. Naisahan mo si Kevin.



Chapter 19: First Night




Kanina pa ako palipat lipat ng chanel pero wala talaga akong mahanap na magandang papanoorin. Hindi
ko type ang mga palabas ngayon. Wala kasing cable sila Manang kaya hindi ako makakapanood ng
cartoons.



Ano na kayang ginagawa ni Kevin ngayon?



hehe. Masilip nga.



Bumangon na ako mula sa pagkakahiga ko sa kama saka ko tinungo ang pinto. Dahan dahan kong
binuksan iyon saka ko siya sinilip.



hehehe!



Natatawa ako dahil ang isang casanova, naghuhugas ng pinggan. Sino namang mag-aakala na magagawa
niya iyon? Pero naguiguilty din ako dahil hindi ko man lang siya tinulungan.



Tulungan ko kaya?



Ehh.. huwag nalang. Pinakain kaya niya ako ng gulay kanina. Bagay lang sa kanya iyan.



Para akong baliw na nagsasalita mag-isa dito. Bumalik na ako sa kama ko saka ulit ako nanood ng TV.
Pero talagang amboring ng mga palabas kaya pinatay ko nalang. Tinabi ko iyong remote control saka ako
nahiga ng maayos sa kama. Nakatitig lang ako sa kisame ng kwarto namin. Ano na kayang ginagawa nila
Zelle ngayon? Naging effective din kaya ang plano namin para sa kanila ni Axel?



Sana naman oo.



Kinuha ko iyong bag ko saka ko hinanap ang phone ko. Kailangan kong tawagan si Zelle para makibalita.
Hindi talaga ako mapapakali nito hanggat hindi ko malalaman ang progress nila.



Hinanap ko iyong pangalan ni Zelle sa phonebook ko saka ko pinindot ang call button pero..



Ayy! Walang signal?



Tinaas ko iyong cellphone ko para maghanap ng signal pero wala talaga.



Useless lang pala to.



Saka ko tinapon iyong phone ko sa kama.



Kama?



Napatitig ako sa kama. Iisa lang pala iyong kama dito sa kwarto. San ako matutulog? San matutulog si
Kevin?



Nalala ko na naman iyong sinabi ni May sakin.



WAAA!!



Pano kung?



Pano kung makalimutan ni Kevin na nagpapanggap lang kaming mag-asawa tapos gagawin niya iyong..?



Waaa!



Hindi!! Hindi pwedeng mangyari iyon.



Anong gagawin ko?



Para na akong bubuyog na kilos ng kilos dahil hindi ko malaman kung anong dapat kung gawin. Hindi ako
mapakali. Anong gagawin ko?



Mag-isip ka Mia!! Ano na? Bilis.. Bilis..



Tinungo ko ulit iyong pintuan at dahan dahang binuksan iyon. SInilip ko si Kevin pero nakita ko siyang
papalapit na siya sa kwarto namin. Sinara ko agad iyong pinto at tumakbo sa kama. Tinapon ko iyong
sarili ko sa kama saka ko hinila ang kumot para itakip sa katawan ko. Agad ko ding pinikit ang mga mata
ko kahit hindi pa talaga ako dinadalaw ng antok.



Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto namin. Halos marinig ko nadin ang sariling tibok ng puso ko.
Sobrang kinakabahan ako sa mangyayari. Sakali mang may gawin si Kevin sakin, kailangan kong
protektahan ang sarili ko. Kung kailangan ko siyang suntukin gagawin ko. Bahala na talaga kung dumugo
ang ilong niya.



Narinig ko iyong mga yabag ng mga paa ni Kevin na papalapit sakni. Papalapit sa kama. Ano bang iniisip
niya? Nababaliw na ba talaga siya? Balak ba niyang tumabi sakin sa pagtulog?
Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko.



MAYBELLINE!!!



Waa!! Sobrang nagulat ako sa pagsigaw niya pero bakit ba niya ako tinatawag? Dahil ba gusto niya
akong gisingin? Dahil ba gusto niya na may mangyari samin?



Waaa!!



Kevin nakakalimutan mo na siguro na nagpapanggap lang tayo na mag-asawa. Hindi natin dapat gawin
iyang iniisip mo.



MAYBELLINE!!



Tinawag niya ulit ako pero hindi ko talaga siya sinagot. Nagtulog-tulugan parin ako.



Ilang minuto nadin ang lumipas at hindi na ulit ako tinawag ni Kevin. Pero ramdam ko parin iyong
presensya niya sa tabi ko. Nakatayo at nakatitig sakin. Hindi ko talaga binuksan ang mga mata ko.



Hay!

Narinig kong bumuntong hininga si Kevin. Ilang sandali lang, bigla nalang hinila ni Kevin ang unan na
nasa ilalim ng ulo ko.



Aray!!! Bakit mo kailangang gawin iyon?



Tanong ko sa kanya saka ko binuksan ang mga mata ko.



Nakita kong hawak hawak na niya ang unan ko gamit ang dalawang kamay niya.



Sinubukan kitang gisingin pero ayaw mong gumising eh kaya hinila ko nalang.



Simpleng sagot niya.



Huh? Kaya mo ako ginising dahil gusto mong kunin iyong unan?



Tanong ko sa kanya.



Ang damot mo naman kung hindi mo pa ibibigay sakin ang unan. Ang lambot na nga ng hinihigaan
mo.



Iyan ba talaga ang kailangan mo?



Tanong ko ulit sa kanya. Hindi kasi ako makapaniwala na unan lang pala ang kailangan niya.



Oo.. pero kung gusto moring ibigay iyong kumot sakin eh di mas okay.



Iyon lang talaga? Wala ng iba?



Tanong ko ulit. Paulit ulit na iyong tanong ko.



Oo nga. Ang kulit mo.



Inilapag niya iyong unan sa couch saka siya humiga. Medyo may kaliitan iyong couch kaya lumampas na
iyong mga paa niya.



Diyan ka matutulog?



Tanong ko sa kanya. Naaawa kasi ako sa kanya.



Bakit? Gusto mo tabi tayo?



Ha? Ahh.. ehh..ahh..ehh..ano..eh..



Ano bang dapat kong sabihin? Mali ata iyong tanong ko sa kanya.

Tss.. Sorry ka nalang pero ayaw kitang katabi. Mas gusto ko pang magdusa dito sa couch kesa ikaw
iyong katabi kong matulog.



Ang sama talaga ng lalaking ito.



Patayin mo na iyong ilaw. Matutulog na ako.



Ayy!! Ano tingin niya sakin? Katulong? Kung makautos lang wagas. Di ko sana papatayin iyong ilaw kaya
lang pinikit na niya iyong mga mata niya. Wala nadin akong nagawa kundi ang tumayo at patayin ang
ilaw.



Sinubukan kong ipikit ulit ang mga mata ko para makatulog pero hindi ako makatulog dahil hindi ako
komportable.



Si Kevin at ako nasa iisang kwarto lang.



Pano pag nakatulog ako tapos eh gagapangin niya ako?



Waa!



Pano ako makakatulog nito?



Bulong ko sa sarili ko. Ang lakas parin ng tibok ng puso ko. Binuksan ko iyong mga mata ko para tignan si
Kevin.



Tulog na kaya siya?



Kailangan ko nading makatulog nito.



Five minutes..Ten minutes..Thirty minutes..



Hindi parin ako makatulog.



Tama!! Magbibilang nalang ako..



one.. two..three..one hundred eighty seven..



.



Nagising nalang ako dahil sa sobrang kati ng buong katawan ko. Ang kati ng mga paa ko, ang mga braso
ko lalo na iyong likod ko. Bumangon ako sa kama saka ako naglakad patungo sa switch ng ilaw. Binuksan
ko iyong ilaw saka ako lumapit sa salamin.


Ang mukha ko!!



Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko.



Allergies!!



Inalal ko kung ano iyong nakain ko at ang kati kati ng buong katawan ko. Ang pula pula pa ng mukha ko.



Naalala ko iyong pinakbet na nakain ko. May bagoong iyon kaya ako nagkakaganito.



Kinuha ko iyong bag ko saka ako naupo sa kama. HInanap ko iyong anti-histamine na dala ko. Mabuti
nalang at pindalhan ako ni Mommy nito.



Lumabas ako ng kwarto dala dala iyong anti-histamine. Dumeretso ako sa kusina at kumuha ng tubig,
saka ko ininom iyong gamot.



Papasok na sana ako ulit ng kwarto kaya lang naisipan kong magpahangin na muna. Hindi parin naman
ako makakatulog nito hanggat hindi pa umeepekto iyong gamot. naupo na muna ako sa veranda.



Hanggang ngayon umuulan parin. Kailangan pa kaya titigil ang ulan?



Itinaas ko iyong kamay ko para maramdaman iyong lamig ng ulan. ang lakas ng patak ng ulan sa palad
ko. Tatlong segundo lang ang lumipas pero basang basa na ang kamay ko.



Bigla ko nalang naramdaman na may naglagay ng kung ano sa balikat ko. Pagtingin ko sa likod ko, si
Kevin pala.



Baka lamigin ka.



Sambit ni Kevin saka siya umupo sa tabi ko. Ito din iyong jacket na sinuot ko kanina sa kotse.



Salamat Kevin.



Anong nangyari diyan sa mukha mo?



Tanong niya sakin. Napahawak ako sa mukha ko. Ang panget ko ngayon. Para akong kinagat ng libo
libong langgam.



Allergies.



Allergies? Dahil sa?



Dahil sa pinakbet kanina. May bagoong kasi iyon..



Nacoconscious ako dahil sa pagtitig niya sakin.



Dahil sa bagoong? Bakit hindi mo sinabi sakin na allergic ka pala don?



Sa tono ng pananalita niya. Alam kong nag-aalala siya para sakin.



Kung sinabi ko iyon sayo kanina baka makahalata si Manang satin.



Makati pa ba?



Tanong niya sakin.



Medyo. Hindi pa kasi tumatalab iyong gamot na ininom ko. Pero maya-maya mawawala nadin ito.



Tumango naman si Kevin.



Sandali lang. May kukunin lang ako.



Ugh?? May naiwan kaya siya sa kwarto?



Hinawakan ko iyong jacket na pinatong ni Kevin sa balikat ko. Gentleman din naman pala siya kahit
papano.



Tinitigan ko ulit iyong ulan. Kailan kaya to titigil? Kahit humina man lang sana pwede na. Pero ang totoo,
nagpapasalamat talaga ako sa ulan dahil baka wala kami dito ni Kevin kung hindi dumating iyong bagyo.



Ilang sandali lang nakabaliw nadin si Kevin.



Ano iyang dala mo?



Tanong ko sa kanya.



Powder, effective to pampatanggal kati. Tangalin mo muna iyong jacket.



Tinanggal ko iyong jacket na nakapatong sa balikat ko saka ko ito hinawakan. Kukunin ko na sana iyong
powder na hawak hawak ni Kevin kaso hindi niya binigay sakin. Akala ko ako iyong maglalagay ng
powder sa katawan ko pero nilagyan na ni Kevin ng powder ang isang palad niya saka niya hinawakan
ang kamay ko at pinahid iyong powder.



Para niyang minamasahe ang braso ko habang kinakalat niya ng maayos ang powder. Kahit na isang
Casanova ang tingin ng mga tao sa kanya, naniniwala akong may kabutihan paring natatago sa puso niya.
Tamang babae lang ang hinihintay niya at sigurado akong hindi na siya maghahanap ng iba.



At ako na siguro iyon.



hihihih..



Napatawa tuloy akong mag-isa habang iniisip ko na ako iyong tamang babae.



Okay ka lang?



Tanong niya.



Ahh oo.



Iyong kabila naman.



Pagkatapos niyang lagyan ng powder ang kanang braso ko iyong kabila naman ang nilagyan niya.



Tapos na iyong dalawang braso mo. Ang paa mo naman. Akin na.



Itinaas ko iyong kanang paa ko, nirolyo naman niya iyong suot kong pajama pataas hanggang tuhod ko.



Naglagay ulit siya ng powder sa palad niya saka niya pinahid sa binti ko.



Iyong kaliwa naman.



Sabi niya. Ganun din ang ginawa ni Kevin, pinapahid niya iyong powder sa kaliwang binti ko. Iyong palad
ni Kevin, dumidikit sa balat ko.



Pakiramdam ko nagsibalikan ulit iyong mga paru-paru sa loob ng tiyan ko.



Kevin.



Sobra akong natotouch sa ginagawa niya sakin. Gusto ko siyang yakapin at magpasalamat.



Iyong mukha mo naman Maybelline.



Nagbuhos si Kevin ng powder sa dalawang palad niya saka niya pinahid sa magkabilang pisngi ko.



hahahaha!!



Para kang white lady!



Tinitigan ko lang si Kevin habang tumatawa siya. Ngayon ko lang siyang nakitang tumawa ng ganito. Para
siyang batang tuwang tuwa dahil binilhan siya ng laruan ng magulang niya.



Salamat Kevin.



sabi ko sa kanya.



Para san?



Para dito. Masaya lang ako dahil hindi mo ako pinapabayaan.



Eh kasi nga asawa kita ngayon.



Hindi ko maipaliwanag kung ano talaga ang nararamdaman ko. Halong halong emosyon.

Natutuwa ako na parang naiiyak. Na totouch.. Hayy!!



Sobrang saya ko talaga at dahil iyon kay Kevin.



Kung sana totoo nalang nag lahat ng to.



Kung sana hindi nalang kami nagpapanggap.



Bakit ka pa pala gising?



Tanong ko sa kanya.



Nagising ako nong buksan mo iyong ilaw. Napansin kong lumabas ka pero hindi ka agad nakabalik kaya
hinanap kita.



Ganun ba? Bakit nga pala alam mo iyong tungkol sa powder? San mo din pala nakuha iyan?



Ahh ito ba? Palagi kong dala dala to kahit saan. Si Zelle kasi allergic sa seafood. Paminsan minsan
nakakakain siya ng ganun tapos pumupula din iyong buong katawan niya. Eh di kasi siya nagdadala ng
gamot palagi kaya ako nalang iyong nagdadala para sa kanya.



Ang bait ni Kevin. Ang swerte ni Zelle dahil naging kababata niya si Kevin.



Kitang kita ko iyong concern ni Kevin para kay Zelle sa mga mata niya.


Ang swerte naman ni Zelle sayo.



Sabi ko sa kanya.



Bakit mo naman nasabi iyan?



Wala lang. Inaalagaan mo kasi siya kahit hindi naman niya sinasabi sayo.



Sa tingin ko hindi eh. Malas ata siya dahil naging kabigan niya ako.



Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ni Kevin don sa sinabi niya. Gusto ko pa sanang magtanong pero
hindi ko na tuloy.


Bumalik na tayo sa kwarto para naman makapagpahinga ka na.



Sabi ni Kevin.



Tumango lang ako at tumayo. Sabay na kaming naglakad ni Kevin papasok sa kwarto habang nasa balikat
ko na ulit iyong jacket.



Tinignan ko si Kevin, napakaganda ng mood niya ngayon. Dahil kaya iyong sakin?



hehehe..



Ngayong gabi, mas lalo kong nagustuhan si Kevin.





Chapter 20: Back Massage




Kevins POV



Ginising ako ng sikat ng araw kinabukasan. Anong oras na ba? Hinanap ko iyong cellphone ko sa couch.
Itinabi ko kasi iyon kagabi sa pagtulog.



6:30 na pala.



Bumangon na ako at umupo sa couch. Tinignan ko iyong labas ng bintana.



Mabuti naman at may araw na.



Akala ko talaga kagabi eh magtatagal pa ang ulan.



Tumayo na ako at nilapitan si Maybelline.



Maybelline gising na.



Pero himbing na himbing parin siya sa pagtulog. Umupo ako sa kama malapit sa may paanan niya at
tinitigan iyong mukha niya.



Mabuti naman at wala na iyong allergies niya.



Iyong mukha niya, napakaamo. Iyong tipong hindi niya kayang magalit. Para siyang anghel na natutulog.
Pero theres something in her na hindi ko maipaliwanag. Iyong personality niya, ibang iba sa lahat ng
babaeng nakilala ko at ibang iba din siya kay Zelle. Puro positibo lang ata ang alam ng babaeng ito. Kahit
na nahulog na siya sa kanal hindi parin siya umiyak.



Gusto kong mainis sa kanya dahil palagi nalang niya akong sinusundan na parang aso. Kahit san ako
pumunta palagi ko nalang siyang nakikita pero hindi ko magawa dahil sa kung anong meron sa kanya na
hindi ko alam. Dahil sa pagiging clumsy niya, napapatawa niya ako ng hindi niya nalalaman.



Ayoko rin namang ipaalam sa kanya dahil baka lumaki ang ulo.



Hinawakan ko iyong braso niya to check kung may naiwan pa bang pamumula.



May konti parin.



Tumayo na ako at dumeretso sa banyo. Mamaya ko nalang siya gigisingin. Nanghilamos na ako saka ako
lumabas ng banyo.



Tinignan ko ulit si Maybelline.



Tss..



Bakit ba masyado akong concern sa kanya.



Lumabas na ako ng kwarto namin.



Oh Kevin gising ka na pala. Asan na si Maybelline?



Tanong ni Manang Josefa. Naabutan ko siyang naghahanda ng agahan namin.



Natutulog pa po Manang, hindi ko na ho ginising dahil hindi siya nakatulog ng maayos kagabi. Nagka
allergy ho kasi.



Ganun ba? Nakainom na ba siya ng gamot? Teka lang maghahanap ako dito.



Huwag na po Manang. Nakainom na po siya kagabi. Magiging okay nadin siya maya maya. Ano po pala
ang hinanda niyo? Tulungan ko na po kayo.



Naku Iho, huwag na, kaya ko na to. Itlog lang naman at hotdog itong niluluto ko. Maupo ka nalang
diyan.



Ah Manang huwag niyo na hong ipagluto si Maybelline ng itlog. Bawal ho kasi sa kanya iyan. Baka mas
lalong lumala pa iyong allergies niya.



Hinila ko na iyong isang upuan saka ako naupo.



Ah ganun ba iho? sige dadamihan ko nalang iyong hotdog niya.



Si Manong Pat ho asan?



Kanina ko pa kasi hindi napapansin si Manong kaya nagtaka ako.



Nasa loob ng kwarto inaayos iyong dadalhin namin mamaya. Aalis kasi kami ng asawa ko dahil titignan
namin iyong mga gulay na tinanim namin sa may bahay kubo. Baka kasi tinangay na ng baha.



Sana naman ho hindi iyon tinangay ng baha.



Sana nga iho. Kayo na muna iyong bahala dito sa bahay habang wala kami.



Tinitigan ko iyong labas. Maaliwalas na. Pwede na siguro kaming makauwi ni Maybelline ngayong araw.
Nakakahiya na kung dito pa kami matutulog.



Ahh Manang, baka po aalis na kami mamaya ni Maybelline. Maganda nadin ho kasi yong panahon.
Hindi naman siguro babalik iyong ulan.



Kumuha ng apat na plato si Manang saka niya iyon inayos sa hapagkainan. Tumayo naman ako at
kumuha ng kubyertos para tulungan si Manang sa pag-aayos.



Naku Kevin, mukhang hindi pa kayo makakauwi ngayon. Narinig ko sa radyo na barado daw iyong daan
dahil sa landslide kagabi. Baka bukas pa iyon maayos. Dito na muna kayo magpalipas ng gabi.



Akala ko pa naman makakauwi na kami ngayon. Hindi naman sa ayoko na manatali pa kami dito pero
inaalala ko lang si Maybelline. Baka hinahanap na siya ng mga magulang niya. Wala pa namang signal
dito.



Alam mo Kevin, napakaswerte mo diyan sa asawa mo.



Bakit niyo naman po nasabi iyan Manang?



Sa totoo lang hindi ko din maipaliwanag pero sa tuwing nakikita ko siya, napapatawa ako. Iyong
presensya lang ni Maybelline pakiramdam ko tanggal lahat ng problema ko.



Akala ko ako lang iyong nakaramdam ng ganito pero hindi pala. Sa tuwing kasama ko si Maybelline
parang nakakalimutan ko iyong sarili ko. Nakakalimutan ko na may imahe akong pinapanatili, ang
pagiging isang Casanova. Napakagaan ng pakiramdam ko pag kasama ko siya.



Tatawagin ko lang iyong asawa ko para naman makapag-almusal na tayo.



Cge po Manang..







Hindi pa ba bumabalik sila Manang? Gabi na ahh.



Kanina pa palakad lakad at paikot ikot si Maybelline. Ewan ko ba kung bakit hindi siya mapakali.



Baka pabalik nadin iyon. Inaasikaso lang iyong mga gulay na pananim nila.



Pero hindi parin tumitigil si Maybelline.



Pwede ba, tumigil ka na diyan sa kakalakad mo? Ako iyong nahihilo dahil sa ginagawa mo eh.



Nilapitan ako ni Maybelline at hinawakan ang braso ko.



Kevin, pano kung may nangyari kina Manang kaya wala pa sila dito?



Napapraning ka na ba? Baka may dinaanan lang iyon. Huwag ka ngang mag-isip ng masama diyan.



Baka nga may dinaanan lang.



Kung ako sayo magpapahinga nalang ako. Baka makauwi na tayo bukas kaya mag-ipon ka ng malakas
para sa byahe. Mahihirapan tayo dahil sira sira iyong ibang daan.



Paano naman ako magpapahinga kung alam ko na hindi pa dumadating sina Manang?



Ako ng ang maghihintay sa kanila. Tatawagin na lang kita pag dumating na sila.



Tumango lang si Maybelline saka siya pumasok sa kwarto. Tinignan ko iyong relo ko. Malapit ng mag alas
nuebe pero hindi parin dumadating sina Manang.



Okay lang kaya sila?



Kevin? Maybelline? Andito na kami!!



Tumayo ako agad at sinalubong sina Manang.



Bakit ngayon lang po kayo?



Tanong ko sa kanila.



Pasensya na kayo iho. Nagkayayaan kasi habang papauwi na kami. Birthday kasi ng inaanak namin.



Ganun po ba?



Pasensya na talaga iho at pinaghintay ko kayo. Kumain na ba kayo?



Tanong ni Manong sakin saka niya nilapag sa mesa ang isang plastic bag.



Tapos na po Manong. Nagluto po kami kanina ni Maybelline. Pasensya na po talaga at pinakialaman
namin iyong laman ng ref niyo.



Walang problema iho. May dala kaming pagkain dito galing sa birthday. May cake din. Asan na ba si
Maybelline?



Muntik ko ng makalimutan na kanina pa pala hinihintay ni Maybelline sina Manang.



Maybelline!! Andito na sina Manang.



Bigla nalang akong inatake ng katamaran kaya sa halip na puntahan ko si Maybelline sa kwarto eh
sumigaw nalang ako.



Maupo ka na iho para matikan niyo tong cake na dala namin.



Sabi naman ni Manang Josefa. Kahit na hindi namin kilala iyong may kaarawan, dinalhan padin talaga
kami ni Manang ng pagkain.



Hinila ko iyong isang upuan saka ako naupo.



Paparating na ata si Maybelline.



Sambit ni Manong Pat. Rinig na rinig namin iyong mga yabag ng paa ni Maybelline. Tumatakbo siya
papunta samin. Mukhang excited na siyang makita sina Manang.



*BOGSH!!* *BLAM!!!*



ARAY!!!



Rinig na rinig namin iyong malakas na daing ni Maybelline. Napatayo ako agad saka tumakbo papunta sa
kanya. Ganun din naman sina Manang at Manong.



Iha, okay ka lang ba?



Tanong ni Manang.



Ano bang nangyari sayo?



Tanong naman ni Manong.



Huwag niyo na hong itanong sa kanya kung anong nangyari. Normal lang po talaga na nangyayari sa
kanya iyan. Magtanong po kayo kung wala pong nangyari sa kanya.



Tinulungan ko si Maybelline na tumayo.



Kaya mo pa?



Tanong ko sa kanya.



Ang sakit sakit ng likod ko. Mamamatay na ata ako!!! Aray!!!



Ilang beses ko ng nakitang nadisgrasya si Maybelline. Natapunan ko ng pagkain iyong ulo niya, nahulog
sa canal at kung ano ano pa. Pero ni minsan hindi ko siya nakitang umiyak maliban ngayon. Mukhang
grabeh ata itong bagsak niya ngayon.



Bakit ka kasi tumatakbo? Alam mo namang lapitin ka ng disgrasya.



Binuhat ko si Maybelline at dinala sa kwarto. Si Manong naman iyong nagbukas ng pinto.



llapag mo muna siya sa kama. Dahan dahan lang.



Sabi ni Manang Josefa. Bakas sa boses niya ang pag-aalala.



Manang ang sakit ko pa talaga ng likod ko.


Bulalas ni Maybelline habang hawak hawak iyong likod niya.



Pat, kunin mo muna iyng massage oil sa kwarto natin. Bilisan mo.



Utos ni Manang sa asawa niya.



Ano ba kasi ang dahilan at nagmamadali ka kanina? Matingnan nga natin iyang likod mo.



Tinabihan ni Manang si Maybelline saka niya itinaas iyong samit ni Maybelline. Pero tumalikod na ako
agad bago ko paman makita iyong likod niya.



Naku iha, namumula ang likod mo. Kailangang mamasahe ito ng maaga bago pa man mamaga to.



Hindi ko napigilan ang sarili ko na lumingon, hindi dahil sa gusto kong makita ang likod ni Maybelline
kundi dahil nag-aalala ako para sa kanya.



Pulang-pula nga ang likod niya gaya ng sabi ni Manang. Parang konting konti nalang at mamamaga na
ito.



Josefa, ito na!!



Dumating na si Manong pat dala dala ang oil na pinakuha ni Manang.



Iho, masahiin mo na iyong likod ng asawa mo.



Binigay ni Manang ang oil sakin.



Ako po?



Tinuro ko iyong sarili ko. Alam ko nagpanggap kaming mag-asawa ni Maybelline pero hindi naman tama
na gawin ko ito sa kanya dahil wala kaming kahit na anong relasyon. Nirerespeto ko parin siya bilang
babae.



Kung kayo nalang ho kaya?



Wala na kasi akong lakas dahil matanda na ako.



ARAY!!!



Tinignan ko si Maybelline, nasasaktan na talaga siya dahil sa malapit ng mamaga ang likod niya. Wala na
akong ibang nagawa kundi ang sundin ang inutos ni Manang. Umupo ako sa kama, katabi ni Maybelline.
Nilagyan ko nadin ang palad ko ng oil saka ko to pinahid sa likod ni Maybelline. Medyo nahirapan ako
dahil masikip iyong suot niyang damit pero mas mabuti ng ganito.



Naku iho, hindi iyan uubra. Tanggalin mo iyong damit ni Maybelline. Total eh mag-asawa naman kayo.



Hindi ko alam kung anong naramdaman ko pagkatapos sabihin ni Manang iyon. Gusto ko ng sabihin sa
kanya na nagpapanggap lang kami ni Maybelline na mag-asawa. Pero natatakot din ako dahil alam kong
masasaktan ko sila pag nalaman nila na niloloko lang namin sila ng asawa niya.



Po? Pero...Nakakahiya po.



Nagtinginan lang si Manang Josefa at si Manong Pat.



Pasensya na iho. Sige lalabas na kami ng asawa ko.



Sambit ni Manang Josefa.



Pero..



Huli na ang lahat dahil nakalabas na ng tuluyan sina Manang at Manong.



Manang!! Kung alam mo lang na hindi iyon ang ibig kong sabihin. Nahihiya ako dahil hindi ko naman
talaga asawa si Maybelline..



Tinignan ko ulit si Maybelline. Humahagulgol na siya sa sakit ng likod niya. Naaawa na ako sa kanya.



Kaya mo bang masahiin ang sarili mo?



Tanong ko sa kanya pero nalaman ko na napakastupido pala ng tanong ko. Maski nga ako hindi ko
kayang masahiin ang likod ko, siya pa kaya?



Tanggaling mo iyong shirt mo, huwag kang mag-alala dahil tatalikod ako.



Tumalikod ako at pinikit ang mga mata ko.



Tapos na?



Tanong ko sa kanya pagkatapos ng ilang minuto.



Oo.. tapos na.



Sabi niya.



Sige humiga ka na muna.



Utos ko sa kanya habang nakatalikod parin ako.



Tapos na, simulan mo na dahil ang sakit na talaga ng likod ko. Basta lang ipikit mo iyong mga mata mo
ha kahit na minamasahe mo na ako?



Pagpapaalala ni Maybelline sakin.



Oo na oo na!!



Humarap na ako sa kanya at nakita siyang nakahiga sa kama. Iyong mukha niya, nakaharap sa kama.
Gustuhin ko mang manatiling nakapikit ang mga mata ko, hindi ko magawa dahil hindi ko kayang
magmasahe ng tao ng wala akong nakikita. Kung tutuusin nga hindi ko to dapat ginagawa dahil wala
akong alam sa mga ganito pero andito na eh.



Nakapikit ka ba?



Tanong ni Maybelline.



Oo.. wala nga akong makita eh.



Pagsisinungaling ko.



Ang pula na ng likod niya. Para itong nasagasaan ng bus dahil sa sobrang pula nito.



Sisimulan ko na.



sabi ko sa kanya.



Sa totoo lang nagdadalawang isip ako kung dapat ko bang gawin to. Kahit na alam kong wala akong
nararamdaman kay Maybelline at alam ko na nagpapanggap lang kaming mag-asawa, syempre lalaki
parin ako. Natatakot ako na baka kung anong mangyari sakin kung gagawin ko to pero mas natatakot
ako na baka mamaga iyong likod niya at magdulot pa ito ng sobrang sakit.



Kevin buhay ka pa ba?



Tanong niya dahil kanina ko pa sinabi na sisimulan ko na pero hindi ko parin sinisimulan.



ahh oo!!



Pinahid ko na iyong oil na nasa palad ko sa likod niya. Nakadikit iyong mga palad ko sa balat niya. Hindi
ko maipaliwanag iyong naramdaman ko. Parang uminit nalang bigla. Dahil siguro iyon sa oil sa palad ko.



hooo!!!



Habang nagtatagal mas lalong uminit iyong pakiramdam ko. Para akong pinasok sa mainit na oven.



Sandali lang bubuksan ko lang iyong aircon. Nakapatay eh.



Tumayo ako at tinungo ang aircon pero fvck!! Naka bukas pala ito. Nasa max pa. Pinahiram ko iyong mga
pawis sa noo ko gamit ang manggas ng suot kong damit.



Bumalik ulit ako kay Maybelline at pinagpatuloy iyong pagmamasahe sa likod niya.



Bibilisan ko nalang to para matapos na.



Kung alam lang ni Maybelline ako iyong nahihirapan dito.



Bumubuti na ba ang pakiramdam mo? Hindi na ba masyadong masakit?



Tanong ko sa kanya pagkatapos ko siyang masahiin.



Medyo hindi na masakit.



Sambit niya.



Cge, magbihis ka na, magbabanyo lang muna ako.



Pumasok ako agad sa banyo at binuksan iyong gripo saka ako naghilamos. Ngayon lang ako nakaramdam
ng ganito. Sa lahat pa naman ng babae, si Maybelline pa.



Ano bang meron sa kanya?



Tinitigan ko iyong repleksyon ko sa salamin.



Normal lang iyan Kevin dahil lalaki ka. Normal lang iyan. Huwag kang mag-alala!!




Chapter 21: Indirect Kiss





Andiyan na ba lahat? Wala ka ng nakalimutan? Mahirap kung babalik pa tayo dahil lang may naiwan
ka.



Sabi ni Kevin habng inaayos ang mga gamit ko.



Oo andito na lahat. Bilisan mo na iyan. Siguraduhin mong wala kang nakalimutan.



Sabi ko naman sa kanya. Gaya gaya lang ako eh.



Linya ko yan. Gaya gaya ka lang.



Sabi ni Kevin.



Gaya gaya puto Mia. hehehehe



Havey na havey talaga iyong joke ko. Nakakatawa. Palong palo. Pero ako lang iyong natawa.



Walang nakakatawa Maybelline. Halika na para makapagpaalam na tayo kina Manang. Gusto kong
makauwi.



Binitbit ko na iyong dala kong shoulder bag.



Iyong isang bag ko.



Sambit ko kay Kevin.



Ikaw na magdala niyan. Kayang kaya mo na iyan. Amazona ka naman.



Ehh? Ikaw na baka mahalata pa tayo ni Manang eh. Magpakagentleman ka kaya kahit ngayon lang.



Tss..



Wala nading ibang nagawa si Kevin kundi ang bitbitin ang maleta ko. Sabay nadin kaming lumabas ng
kwarto.



Oh handa na ba ang mga gamit niyo?



Tanong ni Manang samin.



Opo Manang.



Sagot ko naman sa kanya.



Manang, magkano po ang babayaran namin?



Tanong ni Kevin kay Manang.



Iho, sinabi ko naman sa inyo na hindi niyo na kailangang magbayad.



Pero Manang nakakahiya po talaga.



Hindi na iho, tinuring ko na kayong mga anak ko.



Manang tanggapin niyo na po to. Pasasalamat nalang po namin ni Maybelline sa pag-aalaga niyo
samin.



Inabot ni Kevin ang pera kay Manang pero talagang hindi ito tinanggap ni Manang. Mas lalo akong
humanga sa kanila dahil ang bait bait nilang mag-asawa.



Iho, ako dapat ang magpasalamat sa inyo ng asawa mo dahil matagal na kaming walang bisita dito sa
bahay.



Manang salamat po talaga sa pag-aalaga niyo samin.



Nilapitan ko si Manang Josefa saka ko siya niyakap. Dalawang araw lang kami dito ni Kevin pero
pakiramdam ko sobrang tagal na naming kakilala si Manang at ang asawa niya. Sobrang gaan ng loob ko
sa kanila.



Salamat din Maybelline.



Niyakap din ako ni Manang.



Salamat din po Manong.



Niyakap ko din si Manong Pat. Kahit na hindi maganda iyong turing niya samin nong una, bumawi naman
siya.



May hinanda kaming pagkain para madala niyo habang nasa byahe kayo.



Sabi ni Manang pagkatapos ng dramahan namin.



Naku Manang sobrang abala na po iyan pero salamat po talaga.



sabi ni Kevin.



Walang anuman iho.



Inabot ni Manang Josefa ang isang plastic bag kay Kevin.



Salamat po talaga Manang, salamat din po Manong.



Hindi ko talaga alam kung papano kami magpapasalamat ni Kevin sa kanila dahil sobra sobra iyong
ginawa nila para samin kahit na hindi naman nila kami kilala. Pinatuloy parin nila kami at pinakain.



Manang, pwede po bang mag picture taking muna tayo para naman may remembrance ako sa inyo?



Tanong ko kay Manang Josefa.



O cge Maybelline.



Inilabas ko na iyong cellphone ko tapos eh kinunan silang tatlo.



Ako na po muna ang kukuha.



Sambit ko sa kanila.



Sige iha, dito nalang kaming tatlo tatayo.



Napagitnaan ng mag-asawa si Kevin.



Ready na po? One two three..smile!!!



Nagulat ako sa naging pose ni Manong Pat. Inakbayan niya si Kevin tapos ng peace sign siya. hehe!! San
kaya niya nalaman ang ganung pose?



*click*



Tinignan ko iyong picture na nakuha ko, ang gwapo ni Kevin lalo na kapag ngumiti na siya.



Ako naman kukuha sa inyo.



Sabi ni Kevin. Ibinigay ko iyong cellphone ko saka ako lumapit kina Manang. Nasa gitna din ako
nakaposisyon. Itinaas ko iyong dalawang kamay ko at nag peace sign.



Smile kayo ha.. one, two three..



*click*



Oh kayo namang mag-asawa.



Sabi ni Manang Josefa. Nilapitan niya si Kevin saka siya nagtanong.



Alin ba ang pipindutin dito iho?



Ito lang po Manang.



Ibinigay ni kevin ang phone ko kay Manang.



Marunong ka ba niyan Josefa?



Tanong ni Manong Pat sa asawa niya.



Ito lang daw naman iyong pipindutin.



Sabi naman ni Manang sabay turo don sa phone ko.



Sige Kevin, Maybelline posisyon na kayo.



Sabi ni Manang samin.



Sige po.



Tinabihan ako ni Kevin sa pagtayo. Bigla nalang akong nanigas dahil hindi ko maipaliwanag kung anong
naramdaman ko.



First picture namin to ni Kevin. Ehhh!!!



Ready na kayo? Pipindutin ko na to ha?



Sambit ni Manang Josefa. Pinilit kong ngumiti dahil hindi ko naman gusto na maging hindi kanais nais
iyong mukha ko sa picture.



Sandali lang Josefa..



Bigla nalang pinigilan ni Manong ang asawa niya.



Bakit ba Pat?



Tanong ni Mananag Josefa.



Hindi ata maganda iyong background ng kinatatayuan nila eh. Dito nalang kaya sila sa sofa maupo?



Oo nga noh. Kita iyong hapagkainan natin.



Pagsang-ayon naman ni Manang.



Maupo nalang kayo diyan sa sofa Kevin at Maybelline.



Utos ni Manang samin. Tumango lang kami ni Kevin at naupo sa sofa.



Cge ready na ha. One..two..three..smi...



Sandali lang..sandali lang..



at sa pangalawang pagkakataon, pinigilan na naman ni Manong Pat si Manang.



Bakit na naman Pat?



Sa tono ng boses ni Manang Josefa mukhang naiirita na siya sa kakulitan ng asawa niya.



Tignan mo iyong pose nila. Wala man lang ka tamis-tamis. Kevin halikan mo kaya sa pisngi ang asawa
mong si Maybelline.



Waaa!!



Ano daw?



Tama ba iyong narinig ko kay Manong Pat?



Ano po?



Pati si Kevin nahiya din sa sinabi ni Manong. Namumula iyong pisngi niya. Si Manong Pat naman kasi eh.
Mabuti sana kung totoong mag-asawa talaga kami kaya lang eh nagpapanggap lang naman kami.



Hay naku!!



Napabuntong hininga pa si Manong Pat.



Ang mga batang ito talaga oo. Nahiya pa samin. Pinagdaanan din namin iyang ganyan.



Panunukso pa ni Manong Pat samin.



Sige Kevin kung hindi mo talaga kaya eh akbayan mo nalang si Maybelline.



Sa tuwing nakakakia ako ng ganitong sitwasyon sa mga love storyang pinapanood ko o kaya eh binabasa,
nakokornyhan talaga ako pero ngayong sakin na nangyari to. Kinikilig ako!!



WAA!!



Ganito pala talaga iyong pakiramdam.



Cge na iho para may konting sweetness naman iyong picture niyo



Pamimilit ni Manong Pat.



Cge po Manong.



Sagot ni Kevin.



Waaa! Pumayag si Kevin?



Inakbayan ako ni Kevin. Pinilit ko talagang hindi ipakita sa kanila iyong emosyon ko. Tahimik lang akong
nakaupo sa tabi ni Kevin habang inaakbayan niya ako. Pero sa loob loob ko talagang gusto ko ng
sumigaw sa tuwa.



Tignan mo itong si Maybelline Pat oh sobrang namumula.



Panunukso ni Manang Josefa. Haay!! Mag-asawa talaga sila.



Sige ready na ha..one two three.. smile!!!



Todo naman iyong ngiti ko dahil sa halong tuwa at kilig.



*click*



Waaa!!



Pero...



Sobrang nagulat ako dahil sa huling move na ginawa ni Kevin. Napahawak lang ako sa kaliwang pisngi ko
pagkatapos niyang gawin iyon.



Yeee! Gagawin mo din pala eh. Nakakatuwa talaga ang mag asawang ito.



sabi ni Manong pat sabay tawa.



Ang ganda ng pagkakakuha oh!!!



Bulalas naman ni Manang Josefa na tuwang tuwa.



Patingin nga ako Manang.



Sabi ni Kevin sabay tayo. Lumapit siya kay Manang at tinignan ang picture.



Hanggang ngayon hawak hawak ko parin ang mga kaliwang pisngi ko kung san ako hinalikan ni Kevin.
Hindi parin nagsi-sink in sa utak ko iyong nangyari.



Si Kevin..



Maybelline..Tignan mo iyong picture niyo..



Saka lang ako bumalik sa ulirat ko.



Opo Manang..



Tumayo narin ako at tinignan iyong picture namin ni Kevin. Ang ganda ko parin kahit na medyo nagulat
ako.



Hindi sa nagmamayabang ako ha.



Hayy!! Bagay na bagay talaga kayo.



Sambit ni Manang.




.






Mag-iingat kayo pauwi ha?



Tumango lang kami ni Kevin at kumaway sa kanila pabalik.



Kayo din po. Huwag po kayong mag-alala dahil bibisita ulit kami pag may oras po. Maraming salamat po
talaga.



Pumasok na kami ni Kevin sa kotse saka binaba ni Kevin iyong bintana sa drivers seat at kumaway kami
kina Manang at Manong.



Mag-iingat po kayo diyan.



Sabi ni Kevin sa kanila. Pinaandar na niya iyong makita ng kotse saka kami dahan dahang lumayo sa
kanila.



Hinding hindi ko talaga makakalimutan sila Manang. Sisiguraduhin kong makakabalik kami ni Kevin sa
kanila as soon as possible.



Tama nga si Kevin na mahihirapan kami sa daan. Sira sira kasi dahil sa landslide daw.



*growwwwwl*



HAHAHAHHA!!!



Bigla akong napahiya dahil pinagtatawanan ako ni Kevin. Bakit kasi ngayon pa ako nakaramdam ng
gutom? Hinawakan ko lang iyong tiyan ko para naman hindi na umulit iyong pagrereklamo niya.



Naalala ko iyong binigay ni Manang na baon samin ni Kevin. Kinuha ko iyon sa backseat saka ko
binuksan iyong plastic bag. May dalawang laman ito na plastic ware.



Ahhh!! Cake!!!Yum Yum!!!



Bulalas ko.



Mabuti nalang din at pinadalhan kami ng tinidor ni Manang. Sinubo ko na iyong pirasong cake sa bibig
ko.



Ang sarap!!!



Nahalata kong tumitingin si Kevin sakin habang kumakain ako ng cake.



Alam ko kung anong nasa isipan niya ngayon.



Gusto mo?



Tanong ko sa kanya.



No thanks. .Im busy driving.. Baka mabangga pa tayo.



Sagot niya.



Subuan nalang kita.



Pagpepresenta ko. Eh sa mabait ako eh..



Huwag na. Mukhang kulang pa iyan sayo eh.



Pakipot pa talaga tong si Kevin. Halata naman sa mukha niya na gusto niya talagang kumain ng cake.
Pero ayoko na siyang pilitin. Bahala na siya, ubusin ko nalang lahat to.



Groowwwwl*



hahahahaha!!



HAHAHHA!!!



Kung siya iyong tumawa kanina, panahon ko naman ngayon para bumawi. Sinasabi ko na nga ba, hindi
lang ako nag nagugutom dito sa byahe eh.



Hindi siya makatingin sakin ng deretso. Alam kong nakaramdam din siya ng hiya tulad ko kanina. hahah



Kumuha ako ng kapirasong cake gamit ang tinidor na hawak ko saka ko iyong nilapit sa kanya.



Kainin mo na, mahirap mag drive pag walang laman ang tiyan mo.



Nag-alinlangan pa siya nong una pero kinain niya parin. hehehe! Hindi niya talaga alam kung ano ang
iniisip ko. May masama akong balak kanina kaya ko siya sinubuan.



Isang tinidor lang ang gamit namin ni Kevin. Para nadin kaming naghalikan nito. hehehe!



Ito ang tinatawag nilang indirect kiss!!



hehehehehe!



Okay ka lang? Tumatawa ka na naman mag-isa diyan.



Sabi ni Kevin.



hehehe. Natuwa lang ako sa indirect kiss..este sa cake. Masarap kasi. Ang sarap noh?



Tanong ko sa kanya habang bumubungisngis ako.



umm masarap nga..



Tumawa ulit ako but this time sarili ko lang iyong nakakaalam. Pano ba naman kasi, iyong cake may
halong saliva ko kaya masarap.




hahahaha!!




Pano pa kaya kung direct na?



Oo nga pala Maybelline, iyong phone ko nasa loob ng bag ko. Nasa bulsa sa may harapan. Isend mo
sakin iyong pictures kanina.



Isinara ko na iyong plastic ware saka ko iyong binalik sa plastic bag. Kinuha ko iyong bag ni Kevin at
hinanap ang phone niya.



Binalik ko din agad iyong bag niya sa backseat saka ko nilabas ang cellphone ko.



Ito ba lahat?



Tanong ko sa kanya sabay pakita don sa pictures.



Tumango naman siya.



Iyong huling picture namin kanina ang huli kong sinend.



Ahh Kevin bakit mo pala ginawa iyon kanina?



Tanong ko sa kanya.



Iyong alin?



Tanong niya.



Iyong ano...



Anong ano?



Hindi ko talga alam kung hindi niya talaga alam ang tinutukoy ko o nagpapanggap lang siya dahil ayaw
niyang pag-usapan.



Ehh!! Nakakainis talaga tong si Kevin. Ang hirap kaya sabihin iyong salitang hinalikan niya ako sa pisngi.



Iyong ano..iyong ganito oh..



Pinout ko iyong lips ko. Para akong pato na sobrang haba ng nguso ko. Sa hindi ko talaga kayang sabihin
sa kanya ng deretso eh..



Anong ginagawa mo?



Tanong niya.



Hindi ba niya talaga nagegets iyong ibig kong sbaihin?



Hahalikan mo ako?



EHHH!!! Ang slow mo!!!



Hahaha.. Biro lang.. Hindi ko din alam eh kung bakit. Nagulat lang din ako. Namalayan ko nalang na
ginawa ko na pala iyong sinabi ni Manong Pat.



YIEEE!!



Waahahah!!



Ibig bang sabihin non may nararamdaman na si Kevin para sakin?



Ibig sabihin malaki na iyong chance ko sa kanya?



Waahaha!!



Parang gusto ko atang kumain ng pwet ng manok ngayon dahil sa sobrang tuwa ko.



Talaga? Ano iyong nararamdaman mo nong ginawa mo iyon?



Tanong ko ulit sa kanya.



Bakit mo tinatanong?



Ehh? Wala lang gusto ko lang malaman kung anong pakiramdam mo.



Matagal din bago nagsalita si Kevin.



Basta hindi ko ma explain.. Huwag ka na ngang tanong ng tanong diyan. Iniistorbo mo lang ako..



hehe!!



Ngumiti lang ako dahil sa sobrang successful ng Plan B namin.



Thank you talaga sa bagyo.



hehehe!!



At syempre thank you din kina Manang..


Chapter 22: The Past




Kevins POV



Mamayang hapon pa iyong klase ko pero hindi ko alam kung sinong multo ang tumulak sa pwet ko
papunta dito sa University. Alas nuebe pa lang pero andito na ako sa campus.



Ano bang gagawin ko dito? Panonoorin ang mga taong naglalakad?



Para na akong si Maybelline nito, kinakausap ang sarili ko ng mag-isa. Pero mas malala parin iyong sakit
niya dahil tumatawa ng mag-isa.



Umupo ako sa isang bench kung san nakikita ko ang buong first floor ng campus. May mga lovers na
nagho-holdings hands na. Ang aga-aga pa naman. May mga estudyanteng nagkukwentuhan sa mga
kasama nila habang naglalakad. May mga kumakain ng snacks, may nakikinig ng music at may isang
babaeng nadapa nalang bigla. Ang tanga naman. Parang si..



haha!! Si Maybelline nga! Kahit kailan at kahit saan palagi talaga siyang nadidisgrasya. Pero buti ngayon
nadapa lang siya, hindi gaya nong una nahulog sa kanal. Palong palo talaga ang kamalasan niya.



Tinulungan siya ng dalawang kasama niya. Sila din iyong tumulong kay Maybelline sa Greenwich kung
san kami unang nagkita.



Nakakatawa talaga tong si Maybelline. Kung siya iyong kasama mo talagang hindi ka mabobore.



Maganda ba ang tanawin? Kanina ko pa kasi napapansing titig na titig ka sa kanya.



Lumingon ako sa kanan ko saka ko nakita si Axel.



Oh pare ikaw pala..



Ginawa namin iyong signature hand gesture namin saka siya naupo sa tabi ko.



Siya ba iyong dahilan kung bakit maaga ka ngayon? Mamaya pang hapon ang klase mo diba pre?



Tinignan ko ulit si Maybelline, paakyat na sila ng second floor kasama ang mga kaibigan niya.



Ahh hindi pare. Wala din naman akong gagawin sa bahay kaya naisipan kong pumunta nalang dito sa
school.



Tinapik ko si Axel sa balikat niya.



Narinig kong magkasama kayo ni Mia habang nasa conference kaming lahat. Anong nangyari?



Tinignan ko si Axel. Hindi siya makatingin ng deretso sakin. Nakatingin lang siya sa mga ulap habang
iyong dalawang kamay niya nasa bench.



Naiwanan kasi kami, tapos biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya hindi na kami nakatuloy. Mabuti
nalang talaga at nakahanap kami ng matutuluyan.



Ganun ba? Anong ginawa niyo sa loob ng dalawang araw at dalawang gabi?



Tanong niya ulit. Hindi ko alam kung pano niya nalaman na dalawang araw at dalawang gabi kaming
nanatili don kina Manang.



Parang bigla akong nakadama ng panlalamig mula kay Axel. Wala naman kaming naging problema at
alam kung wala kaming problema ngayon maliban nalang kung..



Maliban nalang kung nagseselos siya..



Pare..



Gusto ko siyang tanungin kung gusto ba niya si Maybelline pero nagdadalawang isip ako kung dapat ko
bang itanong iyon sa kanya. Baka naman kasi hindi niya gusto si Maybelline at ma offend siya. Baka
nasobrahan lang ako sa pag-iisp.



Oo pare..Tama ka.. Gusto ko si Mia.



Hindi ko na tinuloy iyong tanong ko pero sinagot parin niya ito. Gusto ng kaibigan ko si Maybelline.
Dapat akong matuwa dahil sa wakas mas gusto na siyang ibang babae. Gusto kong magdiwang dahil
noon ko pa hinihintay na may magustuhan siyang ibang babae.




Gusto kong sabihin sa kanya na Congrats pare, ano pang hinihintay mo? Ligawan mo na! pero hindi ko
magawa dahil may kumirot sa puso ko. Para akong kinagat ng langgam, ang liit liit lang ng kagat nila sa
balat mo pero ramdam na ramdam mo iyong kirot.



Hindi ka ba masaya para sakin?



Tanong ni Axel sakin.



Ano ka ba pare, masaya ako!



Ilang beses ko siyang tinapik si balikat niya.



masaya ako..



ulit ko sa kanya.



Kevin..ikaw iyong humingi sakin ng pabor noon. Ngayon ako naman ang hihingi..



Ano iyon pare?



Tinitigan ako ni Axel sa mga mata ko. Alam kong seryoso tong magiging usapan namin. Alam kong hindi
na to biro biro lang.



Nagparaya ako noon dahil kaibigan kita. Dahil mas mahalaga para sakin ang pagkakaibigan natin kasa
ang sariling kalagayahan ko. Kinalimutan ko iyong nararamdaman ko para sa kanya dahil sinabi mong
mahal mo siya. Ayokong maging masaya habang nasasaktan ka naman. Pero noon iyon pare, tapos na
akong magparaya. Ngayon, gusto kong ikaw naman ang magparaya para sakin.



Nalala ko iyong sinabi ko kay Axel noon. Ang laki kong gago!



Anong ibig mong sabhin pare?



Bumuntong hininga na muna si Axel saka niya ako sinagot.



Huwag mong ligawan si Mia..



Para akong pinana ng nag-aapoy na palaso. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan ng ganito. Dapat pa
nga matuwa ako dahil noon ko pa dinadasal na mangyari to. Na makahanap ng ibang mamahalin ang
kaibigan ko. Pero ngayong andito na, bakit ako nasasaktan?




Ano bang sinasabi mo Axel? Hindi ko gagawin iyang pakiusap mo. Hindi ko liligawan si Maybelline at
hindi rin ako magpaparaya dahil wala naman akong nararamdaman para sa kanya. Wala kang dapat na
ipag-alala Axel.



Pinilit kong tumawa pero alam kong masyado akong kilala ni Axel. Malalaman niya kung totoo ang tawa
ko o hindi.



Sana nga totoo iyang sinasabi mo pare. Huwag mong ligawan si Mia, huwag mo siyang isali sa koleksyon
mong mga babae na pang isang linggo lang at itatapon mo na. Alam kong gusto ka ni Mia pero gagawin
ko ang lahat ng paraan para magustuhan niya din ako pabalik.



Alam kong seryoso si Axel kay Maybelline. Ngayon lang siya naging ganito. Ngayon lang niya ako
kinausap ng ganito ka seryoso. Hindi siya gago katulad ko. Hindi niya ginagawang pampalipas oras ang
mga babe, hindi niya ginagawang rebound ang mga ito, hindi gaya ng ginagawa ko.



Inuulit ko pare, wala kang dapat na ipag-alala.



Pagsisiguro ko sa kanya.



Aasahan ko iyan pare. Dahil kaya kong kalimutan ang pagkakaibigan natin ngayon kung hindi mo
magagawa ang pakiusap ko.



Tumango lang ako bilang tugon ko sa kanya.



Maiwan na muna kita pare may klase pa ako.



Tinignan niya iyong relo niya saka niya ako tinapik sa balikat at tumayo.



Cge pare, magkita nalang tayo mamaya sa practice.



Tumango lang siya at inayos ang bagpack niya na nakasabit sa kanang balikat niya.



Dahan dahang naglaho si Axel sa paningin ko hanggang sa hindi na siya maabot ng mga mata ko.



Kung tutuusin, ang laki ng kasalanan ko kay Axel. Pinagkait ko sa kanya noon ang kaligyahan niya. Naging
makasarili ako. Hindi ko sana ginawa iyno pero gaya ng sabi nila, nasa huli ang pagsisisi. Kailangan kong
protektahan ang pagkakaibigan namin ni Axel ngayon, gaya ng ginawa niya noon.



Ang totoo, hindi lang ako nagkasala kay Axel kundi pari narin kay Zelle. Ang laki kong gago. Naalala ko
iyong napag-usapan namin ni Axel noon.



*FLASHBACK*



Oh pare? Para kanino iyan ha? Whos the lucky girl?



Tanong ko kay Axel pagkakita ko sa kanya. Katatawag lang niya at sinabi niyang nasa labas daw siya ng
bahay namin. Naka t-shirt, shorts at tsinelas lang ako dahil sa pagmamadali ko.



Nakaupo si Axel sa hood ng kotse niya at may hawak na bouquet ng pulang rosas.



hehehe.. Hulaan mo.



Sabi niya sabay ngiti. Iyong ngiti niya halos umabot na sa tenga niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito
ka saya.



Sabihin mo nalang kung sino. Kaya mo ba ako pinalabas ng bahay dahil gusto mo lang ipahula sakin
kung sinong liligawan mo?



Pagbibiro ko sa kanya.



Ang totoo kasi niyan pare, hihingi lang ako ng tips sayo. Medyo kinakabahan kasi ako dahil first time
kong manligaw. Isa pa, baka kasi pumalpak ako.



haha pare.. Bakit ako iyong tinatanong mo eh hindi naman din ako maglaing sa mga ganyan. Isa pa,
alam mo namang wala pa akong niligawan.



Nilapitan ko si Axel at nakiupo narin sa hood ng kotse niya.



Mas kilala mo kasi siya..



Sabi niya.



Talaga? Sino?



Huminga muna ng malalalim si Axel bago siya nagsalita. Ang totoo niyan eh masaya ako para sa kanya.
Sigurado naman ako na kung sino man iyang liligawan niya eh hindi niya kayang tanggihan ang kaibigan
ko.



Na kay Axel na lahat, matangkad, gwapo, chinito, mabait at matalino.



Si Zelle pare..



Biglang naglaho ang ngiti sa labi ko. Parang pinasan sa balikat ko ang isang malaking krus.



Si Zelle?



Si Zelle ang liligawan niya?



Pero...



Oyy pare..Narinig mo ba iyong sinasabi ko?



Ahh oo...



Ang damiing papuri ni Axel kay Zelle pero niisa wala akong naintindihan. Blanko lang ang laman ng utak
ko.



Pare nakikinig ka ba?



Tinapik ako ni Axel sa balikat.



Pare may problema ka ba?



Tanong niya sakin dahil hindi na ako umiimik.



Pare..may gusto sana akong sabihin sayo..



Alam kong hindi tama na sabihin ko to ngayon pero ayokong mawala ang babaeng mahal ko. Hindi ko
kayang makita siyang masaya sa ibang lalaki. Alam ko napaka makasarili ko pero wala na akong
pakialam.



Ano iyon pare?



Inipon ko na ang lahat ng lakas ko saka ko sinabi sa kaibigan ko ang lahat.



Matagal ko ng gusto si Zelle. At matagal ko nading planong ligawan siya kaya lang may mga hadlang
kaya hindi natuloy..



Nakita ko ang reaksyon sa mga mukha ni Axel. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.



Pare, pasensya na. Alam kong gusto mo din si Zelle pero mas una ko siyang nakilala. Magkababata kami
kaya sa tingin ko mas may karapatan akong manligaw sa kanya kesa sayo.



Hindi ko alam kung san ko naipon ang lakas ko para sabihin sa kanya ang mga masasakit na salita. Siguro
dahil sobrang mahal ko si Zelle.



Pare, bakit hindi mo sinabi ng maaga sakin?



Tanong ni Axel sakin.



Hindi ko kasi alam na may gusto ka din sa kanya. Hindi mo naman kasi pinapakita. Pare..pasensya na
talaga. Alam ko napakamakasarili ko pero hihingi sana ako ng pabor ngayon..



Matagal din bago sumagot si Axel.



Ano iyon Kevin?



Huminga na muna ako ng malalim bago ako nagsalita.



Pare, huwag mo nang ituloy ang panliligaw mo kay Zelle. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung
magiging kayo. Hindi ko kayang masaktan ng ganun. Pare nakikusap ako sayo. Alam ko hindi tama tong
ginagawa ko pero sana gawin mo to para sakin.



Itinaas ko ang mukha ko para pigilin ang mga luhang gusto ng lumabas mula sa mga mata ko.
Napakamasarili ko pero gagawin ko ang lahat ng paraan para maging kami ni Zelle.



Pare, napakalaki ng hinihingi mong pabor. Hindi ko alam kung sinong kaibigan ang gagawa niyan pero
dahil kaibigan kita at mahal kita, gagawin ko iyan para sayo. Kahit masakit para sakin. Mas mahalaga
ang pagkakaibigan natin kesa sa nararamdaman ko para kay Zelle. Mahal ko siya at mahalaga siya para
sa'kin pero mas mahalaga ang pagkakaibigan natin. Pare, huwag mong sasaktan si Zelle. Alagaan mo siya
para sakin. Tama ka nga, mas may karapatan ka sa kanya kesa sakin.



Habang sinasabi niya iyon, para akong naguiguilty. Gusto kong bawiin ang mga sinabi ko pero hindi ko
nagawa dahil nangibabaw ang pagiging makasarili ko.



Pare, pasensya na talaga at salamat.



Walang anuman Kevin..



Tinapik niya ako sa balikat..



Kakalimutan ko na iyong nararamdaman ko kay Zelle mula ngayon. Huwag kang mag-alala dahil
makakahanap din naman ako ng ibang babae diyan. Marami pang mas maganda at mas mabait kay
Zelle. At pag nangyari iyon, sisiguraduhin kong hindi na ako magpaparaya katulad ngayon..



Ngumiti si Axel sakin pero alam kong nasasaktan siya ngayon.



Axel pare..



Tinapik lang niya ako sa balikat ko ng ilang beses.



Cge pare, muana na ako..



Sabi niya. Tinapon niya iyong palumpo ng pulang rosas sa basurahan sa tapat ng gate namin saka siya
lumapit sa tapat ng drivers seat ng kotse niya.



Itinaas lang niya iyong kanang kamay niya para magpaalam sakin. Hindi nagpakita ng ano mang
kahinaan si Axel sa harap ko kahit na alam kong sobra siyang nasasaktan sa ginawa ko.



Huwag kang mag-alala pare, sa susunod sisiguraduhin kong hindi na mangyayari ang ganito satin.
Sisiguraduhin kong hindi na tayo magkakagusto sa iisang babae, pero kung mangyari man, ako na ang
magpaparaya sayo.



Itinaas ko din ang kanang kamay ko para magpaalam kay Axel saka siya pumasok sa kotse niya at
pinaharurot ito papalayo sa bahay namin.



Patawarin mo ako Axel, alam kong hindi tama iyong hiningi kong pabor sayo pero desperado na talaga
ako.



Pumasok ako sa loob ng bahay namin at tinapon ang katawan ko sa kama ko. Sa totoo lang hindi ko ana
alam ngayon kung papano ko haharapin si Axel.



*END OF FLASHBACK*



Niligawan ko na si Zelle pagkatapos non pero nalaman kong hindi pala ako gusto ni Zelle. Hindi kami
pareho ng nararamdaman. Ilang ulit ko siyang sinuyo, ilang ulit ko siyang niligawan. Ginawa ko na lahat
ng makakaya ko para magustuhan niya ako pero wala parin. Hindi parin ang sagot niya sakin.



Nalaman ko nalang na gusto pala ni Zelle si Axel. Kung hindi ko sana pinigilan si Axel, baka sinagot na siya
ni Zelle.



Nagsinungaling ako kay Zelle, sinabi ko sa kanya na hindi niya dapat ipagtapat ang nararamdaman niya
kay Axel dahil masasaktan lang siya nito. Dahil hindi gusto ni Axel si Zelle. Pero ang totoo niyan, pinigilan
ko si Zelle na ipagtapat ang nararamdaman niya kay Axel dahil natatakot ako. Natatakot ako na baka
maging sila. Natatakot akong masaktan.



Ang laki kong gago!



Tama nga si Zelle. Ako ang dahilan kung bakit hindi naging sila ni Axel.




Chapter 23: New Girlfriend



Ano ka ba Mia, bat ba palagi ka nalang nadadapa?



Tanong ni May sakin habang papaakyat kami ng second floor.



Para kasing may nakatingin sakin kaya naconscious tuloy ako.Nadulas lang naman ako kaya ako
nadapa.



Pagpapalusot ko kay May.



hehe. Sino naman? Si Kevin? Haha.. Nababaliw ka na talaga Mia. Ano na nga pala iyong nangyari
pagkatapos?



Tanong naman ni Aya.



Asan na nga pala tayo? Ay oo.. don na sa kotse. Ayun kinain nadin niya iyong cake kaya tuloy parang
naghalikan nadin kami. Hehe.



Hanggang ngayon kinikilig parin ako sa tuwing naaalala ko iyong nangyari sa kotse. Iyong indirect kiss
namin ni Kevin.



Kadiri ka talaga Mia. Hindi macoconsider na halik iyon noh. Hindi nga naglapat ang mga labi niyong
dalawa.



Sabi ni Aya.



Kaya nga indirect kiss eh dahil hindi naglapat ang mga lips namin pero nagshare naman kami ng saliva.
Haha.. Kaya para narin kaming naghalikan. Huwag nga kayong kill joy diyan.



Eww Mia, tigilan mo na nga iyan. Nakakadiri na pakinggan eh.



Bulalas naman ni May.



Sige na sige na titigil na ako. Mga KJ kasi kayo. Siyanga pala anong nangyari kina Zelle at Axel?



Tanong ko sa kanila habang papalapit kami ng papalapi tsa room designation namin.



Actually hindi pa namin alam. Hindi kasi sinasagot ni Zelle iyon phone niya.



Sabi ni May.



Baka walang signal?



Tanong ko.



I dont think so Mia. SI Axel kasi, nasa conference kasama namin. Panay nga iyong paghahahanap niya
sayo. Sabi namin ni Aya hindi namin alam pero hindi talaga kami tinigilan. Kinuha pa niya iyong number
ng Mommy mo samin.



Pagkukwento ni May.



Kasama niyo sa conference si Axel? Ibig sabihin hindi sila nagkasama ni Zelle?



Tanong ko sa kanila.



Yup..



Sabi nilang dalawa sabay tango.



Parang ganun na nga iyong nangyari Mia.



Sabi ni Aya.



Tanungin nalang natin si Zelle kung ano talaga iyong nangyari.



Sabi ko sa kanila.



Tumango lang sila at pumasok nadin kami sa room namin. Inakala talaga namin na nasa room na si Zelle
dahil may klase pa siya sa room namin ngayon before pa ang schedule namin pero wala pa siya. Isa lang
ibig sabihin nito, absent siya kanina.



Baka papasok si Zelle ngayon.



Sabi ni May samin.



Hinintay namin si Zelle pero talagang hindi siya dumating . Nag check na ng attendance ang professor
namin at nagtaka ako dahil hindi tinawag ang apelyido ni Zelle.



Maam?



Itinaas ko ang kanang kamay ko para kunin iyong atensyon ng professor namin.



Yes Mia?



Itatanong ko lang po kung bakit hindi niyo tinawag si Zelle?



Shes sick kaya hindi na siya makakapasok. Nagpadala ng medical certificate ang Mommy niya.



Bigla akong nakadama ng awa kay Zelle. Baka nagkasakit siya dahil sa sobrang pag-iisip kay Axel.



Bisitahin natin si Zelle mamayang hapon pagkatapos ng class natin.



Sabi ko kay May at Aya.



Mabuti pa nga. Nakakaawa naman si Zelle.



Sabi ni May.



Oo nga. Nakakawa si Zelle. Hindi na nga nagtagumpay iyong Plan B natin, nagkasakit pa siya.



Sabi naman ni Aya.







Mia, bilisan mo na nga iyang paglalakad mo.



Sabi sakin ni May.



Oo na oo na. Pero pwede bang pumuna na muna tayo sa comfort room?



Tanong ko sa kanila.



Ikaw nalang. Hihintayin ka nalang namin sa parking space.



Sabi ni Aya.



Cge kita kita nalang sa parking space.



Sabi ko naman.



Lumiko na ako at dumeretso sa comfort room. Tinignan ko iyong repleksyon ko sa salamin saka ko
inayos ang buhok ko gamit ang mga daliri ko. Iniwan ko iyong bag ko sa sink at pumasok sa loob ng
cubicle.



I know right. Sabi ko naman sayo na mapapasagot ko din siya.



Bilib na talaga ako sayo Chloe. Ano bang ginagawa mo at napabago mo ang isip niya? Diba sabi mo
sakin kagabi na tinanggihan ka na niya?



Rinig na rinig ko iyong usapan ng dalawang babaeng kapapasok lang sa comfort room. Hindi naman
talaga ako mahilig makinig sa usapan ng iba kaya lang eh hindi talaga maiwasan. Alangan namang takpan
ko iyong tenga ko para lang hindi sila marinig? Bahala na sila sa buhay nila, hindi naman nila alam na
andito ako eh.



Napatawa nalang ako mag-isa dahil sa kakaisip kung anong itsura ng Chloe na iyan. Siya pa talaga iyong
nanligaw sa lalaki. Hehe. Baka sobrang panget na ng babaeng iyan dahil siya na talaga iyong lumalandi sa
mga lalaki. Hehe. Nakakaawa.



Actually hindi ko din alam kung anong ginawa ko at nagbago ang isipan niya. Iyak ng iyak ako kagabi
kaya namumugtong ang mga mata ko ngayon. Sabi kasi niyang ayaw daw niyang makipag relasyon
sakin. Ayoko sanang pumasok ngayon dahil depressed ako masyado pero pinilit ako ni Mommy kaya
napapasok ako.



Tapos?



Tapos, bigla nalang kaming nagkita kanina. Parang ang lonely lonely niya at parang ang lalim ng iniisip
niya. Nilapitan ko siya and then he suddenly kissed me. I asked him if kami na ba dahil hinalikan nalang
niya akong bigla. Tumango naman siya kaya ayun.



Wow naman Chloe. Baka narealize niyang mahal ka talaga niya kaya ginawa niya iyon. Congrats girl Im
happy for you.



Thank you girl. Actually may date kami mamaya kaya ako nagpapaganda ngayon. Tingnan mo iyong
mata ko, halata pa bang sobra iyong iyak ko kagabi?



Hindi na masyado. Lagyan mo nalang ng concealer para matakpan talaga.



Nakakahiya talaga ang mga babaeng ito. Parang napakadesperada na ng Chloe na iyan. Sino kaya ang
lalaking iyan at siya pa talaga ang niligawan?



Tinapos ko na iyong ginawa ko saka ako lumabas ng cubicle at hinugasan ang kamay ko.



Paglabas ko ng cubicle nakita ko naman agad iyong dalawang babaeng nag-uusap. Iyong suot niyang
school uniform na skirt namin sobrang ikli. Parang sinadya pa niya talagang paiklian iyon.



Habang naghuhugas ako ng kamay ko, ninanakawan ko naman ng tingin iyong Chloe. Hindi ko alam kung
maganda ba talaga siya dahil sobrang kapal ng make up niya. Naglagay pa siya ng fake lashes, para na
tuloy siyang bakla sa itsura niya. Iyong kasama naman niyang babae hindi din gano kagandahan at
makapal din ang make up pero sobrang kapal talaga ng make up nong Chloe.



Hayy!!



Ano na bang nangyari sa mga kababaihan ngayon?



Konti nalang talaga kaming matino dito sa mundo.



What are you staring at?



Hindi ko namalayan na matagal na pala akong nakatitig sa mukha ni Chloe kaya napansin na niya.



Ohh nothing.



Nainggit ka lang dahil maganda ako..sho!!!



She flipped her hair at lumabas na ng comfort room. Sumunod naman iyong isang babae sa kanya.



Ano bang problema niya?



Pagkatapos kong hugasan ang kamay ko, lumabas nadin ako ng comfort room at dumeretso sa parking
space pero hindi pa ako nakakarating ng parking space ng makita ko si Kevin na naglalakad.



Tumakbo ako para abutan siya.



Kevin!



Nagsmile ako sa kanya at sinabayan siya sa paglakad.



Oh!



Ang ikli lang ng sagto niya sakin at hindi man lang niya ako tiningnan.



San ka pupunta? Uuwi ka na ba?



Tanong ko sa kanya.



Yeah so please lubayan mo na ako.



Ehh? Nagulat ako don sa sinabi niya. May problema ba kami? Nong huli kaming magkita eh okay kami.
Tumuloy pa nga siya sa bahay namin. Pinagtimpla din siya ni Mommy ng juice pero bakit balik ulit siya sa
dating Kevin?



Baka bad mood lang Mia.



Pwede bang sabay nalang tayo? Pupunta kasi kami nila May at Aya kina..



Hindi ko na natapos ang sasabihin ko sana dahil bigla nalang siyang huminto sa paglalakad.



Pwede ba Maybelline. Huwag mo nga akong kulitin. Nakakirita ka na.



Kinuha niya iyong shades sa bag niya saka niya iyon sinuot.



Bat ka nagshashade? Wala na si Mr. Sun Kevin.



Diba iyong purpose ng shades eh para hindi ka masilaw sa sikat ng araw?



Ang sakit mo kasi sa mata Maybelline. Ano ba kasing kailangan kong gawin para lubayan mo na ako?



Ang sakit niya namang magsalita. Sa ganda kong to ang sakit ko sa mata? Grabeh naman iyon Kevin.
Mabuti nalang talaga at hindi ako iyong tipo ng tao na madaling masaktan dahil lang sa masasakit na
salita.



Kevin naman.. Ano bang problema natin?



Hindi na niya ako sinagot at dumeretso na sa paglalakad niya. Ang bilis niyang maglakad kaya naiwan
niya ako. Binilisan ko talaga iyong paglalakad ko para naman mahabol ko siya pero..



*BOGSH*



Aray!!



Napahawak ako sa pwet ko. Ang sakit. Pangalawang beses na nangyari sakin to ngayong araw. Bakit ba
kasi ang dulas dulas ng sahig dito sa University?



Inakala ko talaga titigil si Kevin para tulungan akong tumayo gaya ng ginawa niya nong nasa bahay kami
ni Manang. Ramdam na ramdam ko iyong pag-aalala ni Kevin sakin non. Pero ngayon, hindi man lang
siya huminto sa paglalakad para tanungin kong okay lang ako.



Bat ang lamig ni Kevin sakin ngayon?



May nagawa ba ako sa kanya?



Kahit na masakit iyong puwet ko, sinikap kong tumayo at sinundan siya. Dahan dahan lang akong
naglakad pero malalaki naman iyong mga hakbang ko.



Kevin!



Tinawag ko siya ng ilang beses pero hindi niya talaga ako nilingon. Mas lalo ko pang binilisan ang
paglalakad ko. Konting konti nalang at maaabutan ko na siya pero biglang..



Hi Sweetheart..



May sumalubong sa kanyang babae. Dinikit niya agad iyong katawan niya sa katawan ni Kevin. Inilagay
niya iyong dalawang palad niya sa batok ni Kevin at hinalikan ito.



Sa loob loob ko, nagdadasal ako na sana eh hindi siya patulan ni Kevin. Na sana pagalitan siya ni Kevin sa
ginawa niya.



Pero kabaliktaran iyong nangyari. Nakahawak ang kanang kamay ni Kevin sa pwet ng babae habang nasa
bewang naman ng babae ang kaliwang kamay niya. Katulad ng ginawa ng babae sa kanya, hinalikan niya
din ito.



Huh! Ang kapal ng mukha nong babaeng iyon. Nagawa pa talaga niyang halikan si Kevin sa harap ko?



Nilapitan ko iyong babae at hinila iyong hibla ng buhok niya. Hindi lang hila kundi malakas na malakas na
hila. Iyong sobrang sakit na hila na pakiramdam niya mabubunutan na siya ng ngipin na walang
anesthesia.



ARAY!! ARAY!!!"



Hawak hawak niya iyong buhok niya habang sumisigaw sa sakit. Hindi na nagdikit ang katawan nila ni
Kevin kaya binitawan ko na siya. Hinarap niya din ako at nakilala ko iyong babae. Siya iyong babae kanina
sa Comfort Room. Iyong Chloe..



Its you again? Whats your problem ba? Alam mo bang pwede kitang idemanda sa ginawa mo?



Maarte niyang tanong sakin.



So? Idemanda mo ako kung gusto mo. Umalis ka na nga. Hindi ka kailangan dito.



Pagtataboy ko sa kanya pero bigla nalang siyang lumapit kay Kevin at kumalabit sa braso nito.



Sweetheart oh inaaway ako ng babaeng iyan. Sino ba iyan? Ex mo ba?



Ako? Ex? Huh! Ako ang future at ako ang forever.



Maybelline bakit mo ginawa iyon? Ikaw ang hindi namin kailangan dito kaya kung pwede umalis ka na.



Anong problema ni Kevin? Bakit ba ganyan nalang iyong turing niya sakin? Hindi ko talaga siya
maintindihan.



Kevin. Bakit mo ba pinapatulan ang babaeng iyan? Hindi mo naman kailangang gawin iyan eh. Alam
kong ginagawa mo lang iyan dahil sa gusto mong kalimutan iyong first love mo.



Hindi ko kilala kung sino talaga iyong first love na tinutukoy ni Zelle na nagpasakit sa damdamin ni Kevin
pero ang alam ko, makakalimutan niya rin iyong first love niya kahit na hindi siya papalit palit ng
girlfriend.



Sinong.. Nevermind. Umalis ka nalang Maybelline.



Hindi ako aalis dito Kevin ng hindi ka kasama.



Kahit na makipag-away pa ako dito sa babaeng mukhang bakla na kasama niya para lang maagaw si
Kevin gagawin ko.



Girlfriend ko siya kaya siya dapat ang kasama ko at hindi ikaw.



Pero hindi mo naman siya mahal diba? At isa pa, pagkatapos ng isang linggo magbebreak din naman
kayo.



Kailangan lang talaga ng konting realization ni Kevin para malaman niya na hindi niya dapat gawin ang
ginagawa niya.



Hindi din kita mahal Maybelline. Huwag kang mag assume na dahil lang nagkasama tayo ng ilang araw
eh mahal na kita. Ginawa ko lang iyon dahil ayokong mapaalis sa bahay nila Manang.



Ang sakit sakit na niyang magsalita. Kahit na ayokong masaktan, nasasaktan parin ako. Ayokong dibdibin
iyong sinabi niya pero ang sakit na.



Ginawa niya lang iyon dahil.. dahil ayawn iyang mapaalis sa bahay ni Manang Josefa?



Lahat ba ng ginawa mo puro pagpapanggap lang? Katulad ng pag-aalala mo sakin? Pagpapanggap lang
din ba iyon?



Alam ko na totoo iyong concern niya sakin. Alam kong hindi iyong pagpapanggap.



Lahat ng iyon, pagpapanggap lang..



Relax Mia!!



Relax ka lang!!



Kalimutan mo na lahat ng sinabi ni Kevin!!



Ginawa lang niya iyan dahil kasama niya iyong bagong girlfriend niya.



Hindi ako naniniwala diyan Kevin. Sige maiwan ko na muna kayo. Hahayaan ko nalang na mag enjoy ang
baklang iyan ng isang linggo kasama mo. Alam ko namang hindi rin kayo magtatagal eh. Sige mauna na
ako dahil pupuntahan pa pala namin si Zelle sa bahay nila.



ANONG BAKLA?



Sinigawan ako ni Chloe pero hindi ko na siya pinansin.



Bakit mo pupuntahan si Zelle sa bahay nila? Hindi ba siya pumasok ngayon?



Tanong ni Kevin sakin.



Hindi, may sakit daw siya eh.



Tapos non eh naglakad na ako papalayo sa kanila. Keri lang to. Bahala na iyong baklang iyon. Bahala na!




Chapter 24: Eavesdropping




Anong dadalhin natin kay Zelle?



Tanong ni May samin ni Aya habang nasa loob kami ng kotse. Ako iyong nagmamaneho ng kotse at nasa
front seat naman si Aya at nasa backseat si May.



Cake nalang kaya?



Pagsusuggest ko.



Mia, may sakit ang dadalhan natin ng pagkain. Hindi tayo pupunta ng birthday party.



Sabi ni Aya.



Hmmm...



Nag-isip ako ng magandang dadalhin kay Zelle. Iyong makakain niya agad pagdating namin don.



Sige Aya iyon nalang.



Sabi ni May.



Iyon nalang ang ano?



Tanong ko kay May.



Napag-isipan kasi namin ni Aya na prutas nalang iyong dadalhin natin kay Zelle.



Sagot niya.



Ang daya niyo talaga. Bakit hindi niyo sinabi na nagbabrain storming na pala kayo?



Nag-isip pa ako ng malalim iyon nga lang eh nasayang lang dahil nag-uusap na pala sila ni Aya.



Para ka kasing wala sa tamang pag-iisip eh. May nangyari ba?



Tanong ni Aya.



Inalapat niya iyong palad niya sa noo ko para tignan kung may sakit ako. Naalala ko na naman iyong
nangyari kanina.



Si Kevin kasi, bigla na namang lumamig iyong treatment niya sakin.



Tinapakan ko iyong brake pedal dahil sa red na iyong ilaw ng traffic light.



Na naman?



Bulalas ni May. Tumango lang ako bilang tugon ko sa kanya.



at may bago na naman siyang girlfriend ngayon.



Dagdag ko pa.



Alam mo Mia, hindi ka naman dapat mashaken sa bago niyagn girlfriend dahil alam nating lahat na
hindi niya talaga mahal ang mga nagiging girlfriend niya.



Binitawan ko iyong brake at tinapakan ang accelarator pedal habang pinapakinggan si May sa sinasabi
niya.



Dalawa lang naman ang dahilan kung bakit ganyan nalang ang trato ni Kevin sayo eh.



dugtong pa ni May.



Ano iyon?



Sabay naming tanong ni Aya.



Una, alam mo na ni Kevin na may gusto sayo si Axel. Hindi lang gusto kundi patay na patay pa. And
considering na hindi lang sila magkaibigan kundi magbestfriends pa, nilalayuan ka niya dahil gusto
niyang maging masaya si Axel at gusto din niyang panatilihin ang pagkakaibigan nila,



Awwwww!



Iyong mga mata ni Aya parang napalitan ng mga kumikinang na bituin. Para siyang kinikilig sa love story
ni Axel at Kevin. Habang ako naman nasasaktan.



Ouch May ha.. ang sakit non..



Kahit na gusto ako ni Kevin hindi niya pwedeng sabihin at ipakita sakin dahil lang sa ayaw niyang masira
ang pagkakaibigan nila ni Axel. Hindi nalang sana nagkagusto si Axel sakin. Pero hindi pa naman kami
sigurado kung iyan ba talaga ang dahilan ni Kevin.



Ouch talaga.. Ang sakit sakit..



Pag-uulit ko.



Pero ang galing talaga ni May sa logic. Naisip niya talaga ang bagay na iyon. Kung ako lang talaga ang
mag-iisip, hindi iyon sasagi sa isipan ko.



Eh, ano iyong pangalawang dahilan May?



Tanong ko sa kanya.



Kung mali iyong unang hinala ko, baka iniiwasan at nanlalamig si Kevin sayo dahil hindi ka talaga niya
mahal!!



*a sudden car stop sound effect*



Ang bilis ng takbo ng kotse namin tapos bigla kong natapakan ang brake. Mabuti nalang at naka seatbelt
kami ni Aya dahil kung hindi baka dumeretso na kami sa salamin ng kotse. Muntikan na kaming
maaksidente. Mabuti nalang talaga at walang nakasunod samin na kotse.



ANO KA BA MIA? DAHAN DAHAN NAMAN!!!



Galit na sigaw ni Aya.



MIA MUNTI NA TAYONG MAAKSIDENTE!!



SIgaw naman ni May.



Ginulat mo kasi ako!!



Sigaw ko pabalik kay May. Talaga naman kasing ginulat ako ni May. Kung masakit iyong narinig kong
unang dahilan, times infinity naman iyong sakit ng pangalawang dahilan.



Hindi ko na sana sinabi sayo.



Sambit ni May.



Im sorry na. Hindi na talaga iyong mauulit.



Dapat lang Mia!!



Sabay nilang sabi sakin.



Sinigurado kong safe kaming nakarating sa maliit na mart na nadaanan namin. Bumaba na kaming tatlo
at pumasok sa loob. Si May iyong nagtutulak ng cart habang pumipili naman kami ng prutas ni Aya.



Mia, dahil sayo muntik na tayong maaksidente.



Sabi ni Aya.



Nagsorry naman ako sayo diba?



Sabi ko sa kanya sabay kuha ng isang pack ng mansanas at inilagay sa cart.



Ano ka ba, hindi pa sapat iyon noh.



sabi niya.



Anong gusto mong gawin ko? Lumuhod sa harap mo?



Pagbibiro kong tanong sa kanya.



Bili ka nalang ng ice cream. hehehehe



Aya, wala tayong budget para sa ice cream. Isa pa, sigurado akong hindi sila tumatanggap ng credit card
dito dahil maliit lang to na establishment.



Sabi ni May.



Ehh!! Ang sabihin niyo ayaw niyo lang talaga akong ilibre..



Nagsimula na namang magtampo si Aya dahil sa pagkain.



Aya, mamaya ililibre kitang ice cream. Eat all you can pa, promise ko iyan sayo.



Sabi ko sa kanya para matahimik na iyong kaluluwa niya.



Kumuha pa ako ng ubas at dalandan saka kami dumeretso sa counter.








Eto na ba iyong bahay nila? Sigurado ka May?



Tanong ni Aya kay May.



Nasa harap na kami ng isang malaki at puting gate. Ang laki ng bahay nila Zelle. Ano kayang trabaho ng
mga magulang niya?



Yup. Sigurado ako. Magdodoorbell na ako ha.



Pinindot na ni May ang doorbell. Hindi nagtagal, pinagbuksan kami ng maid nila Zelle.



Good afternoon po. Gusto lang po sana naming bisitahin si Zelle. Classmates po niya kami.



Sabi ni Aya don sa maid.



Ganun po ba Maam? Pasok po muna kayo.



Pinapasok kami ng maid nila Zelle. Sobrang laki ng garage nila. Ang dami pa nilang kotse.



Ohh??? Diba kotse iyon ni Kevin?



Napaturo ako don sa itim na kotse na sinakyan namin ni Kevin nong isang araw. Kay Kevin ba ang kotse
na iyon? Pero bakit naman siya pupunta dito eh may sila ng Chloe niya. Baka magkamukha lang iyong
kotse. Hindi ko naman kasi memoryado iyong plate number ng kotse ni Kevin.



Mia, ano pang ginagawa mo diyan? Iiwan ka na namin.



Tumakbo na ako agad kina May at Aya kasama ang maid nila Zelle. Hindi ko namalayang muntikan na
pala akong maiwan.



Pagpasok namin sa bahay nila Zelle, sobrang laki talaga. Malaki din naman iyong bahay namin pero hindi
ko talaga maiwasang mamangha. Ang mamahal pa ng mga muebles nila. Umakyat kami ng hagdan saka
kami huminto sa isang pinto.



Sigurado ka bang okay ka lang talaga?



Okay lang talaga ako Kevin. Huwag mo na akong alalahanin.



Kevin? Andito si Kevin? So sa kanya pala talaga iyong kotse na nakapark sa garahe nila Zelle?



Zelle... Im sorry..



Hoy Mia, hindi ba natin bubuksan iyong pinto? So ano dito nalang ta..



Shhh..



Hindi ko na pinatapos si May at pinatahimik na siya. Gaya ng sabi ko non, hindi naman talaga ako mahilig
makinig sa usapan ng iba pero naiintriga talaga ako sa usapan nila Kevin at Zelle.



Idinikit ko iyong tenga ko sa pinto ng kwarto ni Zelle para marinig ko ng maayos iyong usapan nila.



Sorry? Para naman san Kevin? Wala ka namang nagawang kasalanan sakin. Kung tutuusin nga dapat
akong mag thank you sayo dahil sobrang dami mo ng ginawa para sakin.



Alam kong sobrang nasasaktan ka na dahil kay Axel..



Kevin.. hindi mo kasalanan kung hindi ako kayang mahalin ni Axel. Sabi nga nila, hindi natuturuan ang
pusong magmahal ng iba.



Anong ibig mong sabihin Zelle?



Ayoko na Kevin.. Pagod na akong maghintay sa wala. Pagod na pagod na ako. Ginawa ko naman ang
lahat para mapansin niya pero talagang hindi kami pareho ng nararamdaman ni Axel. Nagtapat nadin
ako sa kanya Kevin pero walang nangyari. Sana nakinig nalang ako sayo. Hindi ko nalang sana sinabi sa
kanya ang totoong nararamdaman ko. Nakinig nalang sana ako sayo Kevin.



Zelle, ang laki ng kasalanan ko sayo. Sobrang pinagsisihan ko iyong ginawa ko. Meron kang kailangang
malaman Zelle..



Ano iyon?



Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Anong sasabihin ni Kevin kay Zelle?



Mia, ano bang pinapakinggan mo diyan?



Tanong ni Aya na nasa likod ko lang at nakatayo.



Mamaya na aya..Shhh..



Hindi ko alam kung mapapatawad mo pa ako Zelle. Ginawa ko lang iyon dahil maha..



Mia..Ano ba?



Mia.. Pumasok na nga tayo..



Mia..



Kinukulit na talaga ako ng dalawa.



Ano iyon?



Sandali lang..Titignan ko..



Pagkatapos nong sinabi ni Kevin ay wala na akong narinig ulit. Ano iyong titignan ni Kevin?



Dinikit ko pa iyong tenga ko sa pintuan para marinig ko iyong usapan nila pero wala talaga.



*BLAM*



Idinikit ko iyong tenga at katawan ko sa pinto at bigla nalang itong binuksan mula sa loob kaya
sumemplang ako. Dumikit iyong mukha ko sa sahig ng kwarto ni Zelle. Hindi ko talaga alam kung ilang
beses na akong napahiya katulad ngayon.



MIAA!!!



Bulalas nilang lahat maliban nalang kay Kevin. Agad naman akong tumayo. Bahala na kung ilang beses na
akong madapa, ang importante at babangon ako sa tuwing nadadapa ako.



Hello Zelle! hehe.. Hindi ka kasi pumasok kanina kaya naisipan naming bisitahin ka. May dala pala
kaming prutas para sayo. hehe



Ngumiti talaga ako ng wagas para naman matanggal iyong hiya kahit papano. Binigay ni May iyong supot
ng prutas kay Zelle.



Salamat talaga. Hindi na sana kayo nag-abala. Wala naman talaga akong sakit eh. hehe.. Maupo na
muna kayo.



Nakaupo lang si Zelle sa gitna ng kama niya habang may hawak hawak na pink na unan. Naupo kaming
tatlo sa couch malapit sa kama ni Zelle habang nakatayo naman si Kevin. Nasa loob ng mga bulsa niya
ang dalawa niyang kamay.



Wala kang sakit? Pero sabi ni Maam kanina nagpasa daw ng medical certificate ang Mommy mo.



Sabi ko sa kanya.



hehe.. Doctor kasi iyong tito ko kaya madali lang iyong medical certificate. Ayoko kasing pumasok kaya
pinilit ko si Mommy. hehe..



Ang daya talaga ni Zelle oh. Sana naging doctor nalang din parents ko para naman makapag absent ako
pag gusto ko.



Ahh Kevin, ano nga pala iyong sasabihin mo?



Tanong ni Zelle kay Kevin.



Sa susunod ko nalang sasabihin iyon sayo Zelle. Mauna na muna ako.



Sagot ni Kevin.



Aalis ka na Kevin?



Tumango lang si Kevin sa tanong ko.



Cge Kevin, salamat sa pagbisita. Mag-iingat ka.



Tumango ulit si Kevin saka siya lumabas ng kwarto ni Zelle. Kaming apat nalang iyong naiwan sa loob.
Hindi ko talaga maiwasang mainggit kay Zelle. Iniwan pa talaga ni Kevin ang girlfriend niyang si Chloe
para lang puntahan si Zelle dahil may sakit ito. Ang bait talaga ni Kevin kay Zelle. Sana ganun din siya
sakin.



Alam mo Mia, hindi ko talaga maiwasang maiinggit sayo.



Sabi ni Zelle.



Ha? Bakit naman? Ako nga iyong naiingit sayo eh.



Wala lang. Nasa sayo na kasi lahat. Plus, gusto ka pa ni Axel. At nong isang araw din nag-usap kami ni
Kevin sa phone, kinuwento niya iyong nangyari sa inyo nong weekend. Non ko lang siya ulit narinig
tumawa at dahil iyon sayo.



Huh? Tumawa si Kevin dahil sakin? Kung sa bagay minsan ko na din siyang nakitang tumawa ng totoo
nong nasa bahay kami ni Manang at nilalagyan niya ng powder ang mga braso ko. Alam ko totoong too si
Kevin non. Pero bakit niya kailangang sabihin sakin kanina na pagpapanggap lang lahat iyon para sa
kanya?



Nalilito ako kay Kevin.



Alam mo Mia, masaya ako para sayo dahil sa tingin ko, unti unti ng nahuhulog si Kevin para sayo.



Dagdag pa ni Zelle.



Sa tingin mo totoo iyan Zelle?



Tanong ko sa kanya at tumango naman siya.


Pagkatapos kasing saktan si Kevin nong first love niya, hindi na siya ulit tumatawa ng totoo. Pero dahil
sayo nagawa na niya ulit. Salamat Mia..



Ehh!! hehehe. Walang anuman Zelle. Pero kilala mo ba iyong first love ni Kevin?



Hindi nakasagot si Zelle sa tanong ko. Siguro hindi niya alam kung sino.



Ahh, salamat pala sa pagpunta ha. Thank you talaga. Papasok na ako bukas pero huwag niyong sabihin
kay Maam ha na wala talaga akong sakit.



Pagchchange topic ni Zelle.



Sure Zelle.



Sabay na sabi ni Aya at May.



Oo nga pala. Ano palang nangyari sa inyo ni Axel?



Tanong ni May sa kanya.



Hindi siya dumating eh. Mag-isa lang akong naghintay don. Nabasa pa nga ako ng ulan kakahintay sa
kanya.



Niyakap ni Zelle iyong unan na hawak hawak niya.



Nakakaawa naman si Zelle. Kailangan kong gumawa ng paraan para mabaling iyong antensyon ni Axel
papunta kay Zelle. Alam kong mahuhulog rin ang loob niya kay Zelle. Sigurado ako don. Pero ang hindi
ko sigurado eh pano ko gagawin iyon?



Siya nga pala, bukas na iyong final practice namin sa cheerdance. Punta naman kayo sa gym oh?
Panoorin niyo ako para naman maganahan akong magpractice. hehe. Isa pa, malapit na din iyong game.
Punta din kayo ha? Maglalaro si Kevin at Axel.



Sabi ni Zelle. Alam kong pinipilit lang niyang ngumiti para hindi niya maipakita samin na nasasaktan siya.
Naaawa ako para kay Zelle.



Sobrang sakit na ng nararamdaman niya.



Sure Zelle. Pupunta kami.



Sabi naming tatlo.



Since andito na kayong tatlo. Bakit hindi nalang tayo magbonding ngayon? Manood nalang tayong
movie.



Sabi niya.



Tumango naman kaming tatlo.



Chapter 25: Injured




Mauna na ako sa inyo ha. Basta pumunta kayo mamaya. Hihintayin ko kayo.



Sabi ni Zelle pagkatapos ng last subject namin. Ngayon na iyong last practice nila sa cheerdance kaya
gusto niyang pumunta kami ng gym at manood sa practice.



Sure Zelle. Ililibre lang muna namin tong si Aya. Kanina pa kasi nagtatampo eh.



Sabi ko kay Zelle. Tumango lang siya at kumaway samin. Pagkatapos non eh naglakad na siya papalayo
samin dala dala ang mga gamit niya.



Sinabi ko naman sa inyo na hindi niyo na ako dapat ilibre diba? Punta nalang tayong gymnasium
ngayon.



Sabi ni Aya. Nagtatampo siya dahil hindi namin siya nailibre ng ice cream tulad ng pangako ko sa kanya
kahapon. Kaya lang eh gabi na kami natapos ng panood ng movie kina Zelle kaya hindi ko na natupad
iyong pangako ko.



Aya naman, halika na. Libre ka na namin ni Mia.



Sabi ni May sa kanya.



Cge na nga, mapilit kayo eh.



Sabi ni Aya.



Sabay sabay na kaming lumabas ng school namin paputang cafe. Nasa tapat lang ito ng Livingstone
University kaya naglakad nalang kami.




Pagkatapos maserve ang order namin, kumain na agad si Aya na para bang ilang dekada na siyang hindi
nakakakain ng ice cream. Hanep talaga tong si Aya.



Hi!



Napalingon kaming tatlo pagkarinig namin don sa bumati.



Naaalala niyo pa kami?



Tanong nong isa pang lalaki.



Jerome right?



Tanong ni Aya sa kanya.



And youre Mark right?



Tanong naman ni May.



Waa!! Mabuti pa sila naaalala nila ang pangalan ng dalawang lalaki. Sila iyong ka bandmate ni Axel at
Kevin. Naalala ko iyong mukha nila pero iyong pangalan nila hindi.



hehe!



I smell something fishy!



Wagas kasi iyong ngiti ng dalawa kong kasama. Grabeh pa kung makatitig don sa dalawang guys..



Akala namin hindi niyo na kami naaalala. hehe



Sabi nong Jerome.



Nagdadalawang isip nga kami kung lalapitan ba namin kayo dahil baka mapahiya lang kami.



Sabi naman nong Mark.



Hindi noh, naalala pa namin kayo.



Sabi ni Aya.



Oo nga. Join us if you want.



Pagyayaya naman ni May sa dalawang lalaki.



Okay sila na iyong may kasama at may kausap. Ako na iyong loner dito. Makaaalis na nga lang!



Pero naalaa ko iyong sinabi nong dalawa nong una kaming nagkita. Mauna na daw sila dahil may
naghihintay sa kanila. Girlfriend ata nila iyon.



Excuse me lang ha, Jerome and Mark.



Kinuha ko iyong atensyon ng dalawang lalaki.



Mia right?



Tanong nong Jerome.



Tumango lang ako sa kanya.



May itatanong lang sana ako pero huwag niyo sanang masamain. Nong una kasi tayong nagkita, umalis
kayo dahil sabi niyo may naghihintay pa sa inyo. Nakita ko pa nga iyong dalawang babae eh. Girlfriend
niyo ba iyon?



Tumingin lang sila sa mata ng isat isa.



Ahh iyon ba? Kapatid namin iyon.



Sabi ni Mark.



Kapatid mo iyon?



Tanong ko kay Mark at tumango naman siya.



So ibig sabihin girlfriend mo ang isa sa dalawang iyon?



Tanong ko kay Jerome. Kung kapatid ni Mark ang dalawang babaeng iyon ibig sabihin isa sa mga andun
girlfriend ni Jerome.



Kapatid ko din iyon.



Sabi ni Jerome.



Huh? Teka lang.. Iyong dalawang girls na nakita ko, kapatid ni Mark. Tapos kapatid mo din. Ibig sabihin
magkapatid kayong dalawa?



Tanong ko sa kanila.



Tumpak!!



Sabay pa nilang sabi.



Huh? Magkapatid pala sila? Kaya naman magkaparehas iyong mga mata nila.



So ibig sabihin hindi niyo iyon girlfriend?



Tanong ni Aya sa kanila.



Tumango lang si Jerome at Mark.



Eh sino ang girlfriend niyo?



Tanong naman ni May. Tama nga ako, may malansa akong naamoy sa kanilang dalawa. Hindi lang sa
dalawa kong kaibigan kundi pati narin sa mga magkapatid nato.



Wala kaming girlfriend. NGSB kami. hahaha



sabi ni Jerome.



NO GIRLFRIEND SINCE BIRTH?



Sabay na tanong ni Aya at ni May.



Yup. NGSB! hehe.



Waaeee? Ako ba niloloko niyo?



Pagiinterrupt ko sa kanila. Hindi naman sa ako iyong kontrabida sa kanilang apat ha. Pero ang gagwapo
nilang dalawa, tapos nasa banda pa sila, imposibleng wala silang naging girlfriend simula nong
pinanganak sila. Sige, sabihin na nating wala silang nililigawan pero iyong mga babae ngayon iba na dahil
iyong iba sila na ang nanliligaw sa mga lalaki.



Mia, ano ka ba, mukha namang nagsasabi ng totoo sila Mark and Jerome eh.



Siniko ako ni May saka niya iyon binulong sakin.



Ang sabihin mo interesado ka kay Mark.



Bulong ko sa kanya pabalik. Hindi nga ako nagkamali dahil nagblush ang malanding kaibigan ko. Ngayon
ko lang siya nakitang ganito. Madalas kasi hindi siya nagpapadala sa mga gwapong lalaki pero ngayon
mukhang nitamaan na ata talaga.



Oyy hindi ahh.. Friendly lang talaga ako.



Pagdedeny niya.



Asus! Ako pa talaga niloloko niya.



Totoo talaga Mia, wala pa kaming naging girlfriend.



Sabi ni Mark.



Sige na nga. Sinabi niyo eh. Baka sabihin niyo pa kontrabida ako. hehe.



Nagkwentuhan lang sina Mark at May tapos si Jerome naman at si Aya na para bang may sarili silang
mga mundo. Para lang akong tanga dito na nakatitig sa kanila habang sumusubo ng ice cream.



Naubos ko na iyong ice cream ko pero hindi parin sila tapos sa pagkukwentuhan. Naalala ko iyong
usapan namin ni Zelle. Kailangan na pala naming pumunta ng gymnasium para manood ng practice. Pero
mukhang ayaw pang tumayo ng dalawa kong kasama.



Ako nalang siguro ang pupunta ng gym.



Excuse me lang ha. Pupunta lang akong gymansium para manood ng practice ni Zelle.



Pero kahit isang tango wala akong natanggap. Busy parin sila sa usapan nilang walang kabuluhan.



Haayy!!



Napabuntong hininga nalang ako.



Mukhang tinamaan na ata ng palaso ni kupido si May at Aya.



Tumayo na ako saka lumayo sa kanila. Lumingon pa talaga ako sakaling mapansin nila na wala na ako sa
table pero hindi parin nila ako tinitignan.



Bahala na nga kayo diyan.



Pumasok na ulit ako sa campus at dumeretso ng gymnasium. Umakyat na ako ng hagdan at naghanap ng
mauupuan. Wala namang masyadong tao sa bleachers kaya madali akong nakahanap ng magandang
pwesto.



Mukhang kanina pa ata nagsimula iyong practice nila Zelle.



Ang cute ng suot nilang uniform at bagay na bagay kay Zelle. Nagsastand out talaga siya. Ilang beses ding
binuhat si Zelle at pinalipad don sa ere.



Para naman akong hindi makahinga habang hinihagis hagis siya pataas. Pano kung hindi siya masalo
nong mga kasama niya?



Haayy!! Huwag naman sana.



Natapos na iyong practice nila Zelle at kumaway siya sakin. Nakita na niya pala ako. Pero pagkatapos ng
limang minuto, nagsimula ulit silang magpractice from the start.



Hi Mia!



Nagulat nalang ako ng biglang tumabi si Axel sakin.



Axel ikaw pala. Andito kadin ba para panoorin iyong practice nila Zelle?



Tanong ko sa kanya.



Napakamot lang siya sa ulo niya saka siya ngumiti.



Actually hindi eh. Nakita kasi kita kanina na pumasok dito kaya sinundan kita. Bumili pala ako ng snacks
at drinks. Baka kasi hindi ka pa kumakain.



Binigay niya sakin iyong isang bread pan at isang bottled iced tea.



Actually kumain akong ice cream kanina kasama sina May at Aya pero sayang naman kung hindi ko to
tatanggapin. hehe. Thank you.



sabi ko sa kanya sabay ngiti.



Alam mo Mia, masaya talaga ako at nagkaroon nadin ako ng pagkakataon na lapitan ka. hehe. Sa
tuwing nag aattempt akong lapitan ka, palagi kasing andun iyong mga kaibigan mo.



Talaga Axel? hehe



Napaka awkward ng moment nato. Alam kong gusto ni Zelle si Axel tapos si Axel may gusto sakin. Hindi
ko alam kung anong tamang treatment para kay Axel. Hindi ko alam kung itataboy ko ba siya para hindi
siya lalong mahulog sakin o panatilihin iyong communication namin dahil kung tutuusin magkaibigan
din naman kami.



Asan na pala ang mga kaibigan mo?



Tanong niya.



Kasama nila si Mark at Jerome. Nasa cafe kumakain ng ice cream. Dapat sana eh sabay kaming pupunta
dito pero mukhang dumikit na ata don sa mga kaibigan mo. Siya nga pala, Itatanong ko lang kung totoo
bang wala talagang girlfriend iyong ka band mate mo?



ahaha.. Wala pang naging girlfriend ang magkapatid na iyon. Wala pa daw kasi silang nahanap na
tamang match para sa kanila sabi nila.



Totoo pala iyong sinabi nila. Ang akala ko talaga kanina eh niloloko lang nila kami para makaporma sila
sa kaibigan ko.



Binuksan ni Axel iyong bread pan niya saka siya kumain. Binuksan ko na din iyong sakin. Pinanood ko ulit
iyong practice nila Zelle. Kung kanina perfect niya lahat ng steps, ngayon naman palagi na siyang
nagkakamali. Parang hindi siya komportable. Dahil ba alam niyang nanood sa kanya si Axel?



Ang ganda ni Zelle noh?



Sabi ko sa kanya.



Ang ganda nga niya. Ang bait pa. Ang swerte ng magiging boyfriend ni Zelle.



Sabi naman ni Axel habang nakatingin siya kay Zelle.



Kung ikaw iyong magiging boyfriend niya ibig sabihin ang swerte mo?



Tanong ko sa kanya.



Ganun na nga. Pero kung ako iyong magiging boyfriend niya, hindi siya magiging swerte. Hindi naman
kasi ako iyong lalaking bagay sa kanya.



Nagkaroon ng nakakabinging katahimikan sa pagitan namin ni Axel. Napaka awkward talaga pag kayo
lang dalawa ng lalaking may gusto sayo tapos ikaw kaibigan lang ang turing sa kanya. Hindi mo alam
kung anong sasabihin mo o kung anong pag-uusapan niyo.



Binuksan ko nalang iyong iced tea na binigay ni Axel at ininom ko iyon.



Mia, may sasabihin pala ako sayo. Noon ko pa talaga to gustong sabihin sayo. Planado na talaga ang
lahat ng to nong inimbitahan kita sa gig namin. Kaso lang eh bigla ka nalang hinila ni Kevin kaya hindi ko
nasabi ang lahat.



Alam ko tanga ako pero hindi naman ako sobrang tanga para hindi magets kung anong gustong
sasabihin ni Axel.



Ayokong sabihin niya sakin ang sasabihin niya dahil kung mangyayari iyon, mawawalan na ng pag-asa si
Zelle.



Hindi ko alam kung san nanggaling ang malakas ng hangin at bigla nalang akong napuwing. Pinikit ko
iyong mga mata ko dahil sa sakit.



Mia okay ka lang?



Tanong ni Axel sakin habang nakahawak siya sa balikat ko.



Bigla kasi akong napuwing eh.



Sabi ko. Pero bigla nalang niya akong pinaharap sa kanya at pilit na binuksan ang mata ko saka niya ito
hinipan ng malakas.



Okay ka na ba?



Ilang beses kong kinurap ang mata ko.



Okay na. Salamat!!



*BOGSSHH!*



OH MY GOSH!!



AHHH!!!



TULONG!!!



ZELLE!



Tumawag kayo ng ambulansya. Bilis!!



Zelle okay ka lang?



Zelle?



Parang huminto ang tibok ng puso ko ng makita ko si Zelle na nakahiga sa sahig. Hindi ko talaga nakita
kong anong nangyari sa kanya pero mukhang na aksidente siya. Nakapaligid sa kanya ang lahat ng
kasamahan niya.



Si Zelle!



Tumayo ako at tumakbo papunta kay Zelle. Nakasunod naman sakin si Axel.



Zelle? Zelle okay ka lang ba?



Pero hindi na binubuksan ni Zelle ang mga mata niya.



Anong nangyari sa kanya?



Tanong ni Axel sa mga kasama ni Zelle.



Nahulog siya. Hindi namin siya nasalo. Ngayon lang nangyari to.



Bakit kasi hindi niyo inaayos ang pagsalo sa kanya? Alam niyo namang delikado ang ginagawa niya!



Ngayon ko lang narinig na nagalit si Axel.



Pasensya na talaga Axel. Hindi naman talaga namin sinasadya. Hindi namin ginusto to.



Hindi nagtagal dumating nadin iyong medics at pinahiga si Zelle sa stretcher. Sinamahan ko siya
hanggang sa ambulansya.



Sa tingin ko nabalian si Zelle sa may braso niya.



Agad din naman kaming nakarating sa ospital. Pero hanggang sa waiting area lang kami ni Axel.



Tatawagan ko si Kevin.



Sabi ni Axel. Tumango lang ako at hinanap ang phone ko sa bag. Tatawagan ko sana sina May at Aya
pero naisipan kong mas makakabuti kung itetext ko nalang sila.



Pagkatapos ng kalahating oras nilapitan nadin kami ng doctor.



Okay na si Zelle. Nabali iyong kanang braso niya dahil sa impact ng pagkakahulog niya.



sabi nong doctor.



Mabuti naman po. Tatawagan ko na po iyong mga magulang ni Zelle.



sabi ko sa doctor.



Hindi na kailangan. Tinawagan ko na iyong parents niya.



Tinignan ko iyong pangalan ng doctor sa suot niyang white coat. Magkapareho iyong apelyido nila ni
Zelle. Mukhang siya ata iyong Tito na tinutukoy ni Zelle.



Pwede na po ba namin siyang puntahan Doc?



Tumango iyong doctor saka ako tumakbo papunta sa room kung san nakahiga si Zelle. Natutulog parin
siya, may suot siyang cast sa kanang kamay niya.



Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.



Zelle..



Ang dami ng pinagdaanan ni Zelle. Bakit kailangan pang mangyari sa kanya to?



Sa natamo niyang injury ngayon, sigurado akong hindi na siya makakapagperform sa cheerdance nila.


Chapter 26: Arrange Marriage




Kevins POV



*ring* *ring*



Kinuha ko iyong cellphone ko at pinindot ang answer button.



Hello?



(Kevin, si Zelle na aksidente.)



Ano? Anong nangyari? Nasan siya ngayon?



(St. Marys Hospital pare, punta ka na dito bilis.)



Saka binaba ni Axel ang linya. Fvck! Tinanong ko siya kung anong nangyari kay Zelle pero hindi niya
sinagot. Nakakainis!



Kinuha ko na iyong jacket ko at susi ng kotse at pinalipad ang sarili ko pababa ng bahay namin.



Kevin? San ka pupunta?



Hindi ko na sana sasagutin ang tanong ni Mommy pero hinarang niya ako sa may pintuan.



Ma, kailangan ko ng makaalis ngayon.



May pag-uusapan pa tayong mahalagang bagay.



Sabi niya.



Wala akong time para sa mga dramahan Ma. Please kailangan ko ng makaalis.



Hindi to drama Kevin. This is about your future kaya kailangan natin tong pag-usapan.



Kilala ko si Mommy, hindi siya nagpapatalo lalo na kapag gusto niya talaga. Para siyang spoiled brat,
kung sa bagay sinospoiled siya ni Daddy.



Fine Ma. Magkita nalang tayo mamaya sa paborito mong restaurant ng 7 PM.



Kailangan kong pagbigyan si Mommy dahil hindi talaga ako makakaalis agad ng bahay kung papatulan ko
pa siya.



Be sure to be there on time ha? Lagot ka talaga sakin. Sobrang importante ng sasabihin ko sayo.



Hindi ko alam kung anong sasabihin ni Mommy sakin pero baka sesermonan na naman niya ako dahil sa
pagiging Casanova ko. Nakakasira daw iyon sa imahe niya bilang professor at may-ari ng Livingstone
University.



Yeah Ill be there on time.



Tumakbo na ako sa kotse ko at kumaway kay Mommy bago ako pumasok.



Pinaharurot ko na iyong kotse ko papuntang ospital. Ano kayang nangyari kay Zelle? Hindi ko maiwasan
ng mag-isip ng masama pero sana lang wala talagang masamang nangyari sa kanya.



Nakarating agad ako ng ospital. Tinanong ko agad sa information center ang room number ni Zelle.
Halos nakipagkarera na ako sa isang kabayo dahil sa sobrang bilis ng takbo ko papunta sa room niya.



Pagpasok ko sa room kung nasan si Zelle, hindi ko napigilan na tumulo ang luha ko. May suot siyang cast
sa isang braso niya. Pero bakit walang nagbabantay sa kanya? Nasan si Axel? Nasan ang mga magulang
niya?



Lumapit ako sa kanya at umupo sa upuan katabi ng kama niya.



Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko ngayon.



Ano bang nangyari sayo?



Hinawakan ko iyong kamay ni Zelle.



Kasalanan ko kung bakit palagi ka nalang nasasaktan. Kahit anong gawin kong pagprotekta sayo, hindi
parin effective dahil minsan na akong nagkamali.



Gusto kong sabihin kay Zelle iyong tungkol sa kanila ni Axel na hindi ko nagawang sabihin dahil dumating
si Maybelline. Pero tulog siya ngayon. Kahit sabihin ko sa kanya hindi parin naman niya maririnig.



Im sorry Zelle.



Guilt ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko si Zelle. Alam kong sobrang laki ng maling ginawa ko at
alam kong kahit anong gawin ko hindi ko narin mababago iyon.



Kung gising ka lang sana ngayon, sasabihin ko na sana ang totoo. Na talagang mahal ka ni Axel at balak
niyang ligawan ka noon. Pero dahil sa pagiging makasarili ko, pinigilan ko siya. Ang laki kong gago noh?
Kababata mo pa naman ako, bestfriend, parang kapatid. Pero tinraydor kita. Tinraydor ko kayo ni Axel
dahil lang sa lintik na pusong to.



Tinuro ko iyong puso ko gamit ang isang kamay ko habang nakahawak naman ang isang kamay ko sa
kamay niya.



Kung maibabalik ko lang sana iyong panahon Zelle. Kung kaya ko lang sana..pinaubaya na sana kita kay
Axel. Masaya na siguro kayo ngayon.



Akala ko talaga noon na matututunan mo din akong mahalin pag nasabi ko na sayo na mahal kita pero
hindi pala. Gaya nga ng sabi mo, hindi natuturuan ang puso.



Dahil sa sobrang pagmamahal ko sayo, hindi ko namalayang nasasaktan na pala kita. Patawarin mo ako
Zelle.



Alam ko kahit na sinabi ko na kay Zelle ang lahat, wala din namang kwenta dahil tulog siya. Ang gago ko!
Ang gago gago ko!



Sa tuwing nakikita ko si Zelle, mas gusto ko siyang protektahan, mas gusto ko siyang alagaan dahil sa
guilt na nararamdaman ko. Pero unti unti ding nawawala iyong pagmamahal ko sa kanya habang
lumilipas ang mga araw dahil sa guilt na iyon. Dahil sa alam kong hindi ako bagay sa kanya.



*blam*



Narinig kong sumara iyong pinto kaya lumingon ako. Akala ko may taong pumasok pero wala naman
kaya tumayo ako at binuksan iyong pinto. Tinignan ko iyong paligid sakaling may gusto talaga sanang
pumasok sa room ni Zelle pero mukhang wala naman. Baka guni guni ko lang iyon.



Bumalik na ako sa upuan ni Zelle at hinintay na magkamalay na siya pero wala parin. Tinignan ko iyong
relo ko at malapit na palang mag 7 PM. Naaalala ko iyong usapan namin ni Mommy. Lintek na talaga
kung mahuhuli ako don.



Zelle, babalik nalang ako mamaya ha. Sana naman pagbalik ko gising ka na.



Hinawakan ko iyong pisngi niya saka ako lumabas ng kwarto niya. Kailangan kong hanapin si Axel para
magbantay kay Zelle. Bakit ba kasi iniwan nalang niya basta basta si Zelle eh wala pa iyong mga
magulang niya.



Pumunta ako ng cafeteria sa ospital para hanapin si Axel. Hindi nga naman ako nagkamali dahil andun
nga siya..



kasama si Maybelline..



Hindi ko alam kung bakit may kumirot sa puso ko ng makita kong umiiyak si Maybelline.



Pinapatahan siya ni Axel habang iyak parin siya ng iyak. Natakot siguro siya sa nangyari kay Zelle kaya
siya nagkakaganyan. Lalapitan ko sana sila pero naisipan kong huwag nang sirain ang moment nila.



Dumeretso na akong parking lot at pumunta sa usapan namin ni Mommy.








6:57 PM palang kaya I wont consider myself as late..



sabi ko sa kanya pag-upo ko.



Wala naman akong sinabi na late ka Kevin.



sabi ni Mama. Nakakapanibago, hindi naman kasi si Mommy iyong tipong early bird kahit na sa klase pa
niya. Pero ngayon napakaaga niya, napaka importante siguro ng pag-uusapan namin at hindi na siya
makahintay pa.



Ang aga mo ata ngayon Ma? Nag order ka na?



Tanong ko sa kanya habang tinitignan ko iyong menu ng restaurant.



Yep tapos na. Nag order nadin ako para sayo.



So anong pag-uusap natin Ma? Tungkol na naman ba to sa reputation ko sa school?



Tanong ko sa kanya saka ko binaba iyong menu. Useless lang din naman kung titignan ko pa iyon eh
tapos ng mag order si Mommy.



Isa iyan sa mga dahilan. May dalawa pa.



Kalmadong sambit ni Mommy.



Tss..



Im sick and tired of this topic. Walang kamatayang sermon ang aabutin ko nito. Talo pa niya ang sirang
radyo kong magsalita walang preno.



Anyway Kevin, san ka pala nagpunta kanina at nagmamadali ka?



Ma, si Zelle naaksidente.



Matalik na magkaibigan ang mga magulang ni Zelle at ang parents ko kaya naging magkababata kami ni
Zelle. Malapit din naman ang loob ng parents ko kay Zelle lalo na si Mommy.



What? Anong nangyari sa kanya? Bakit? Paano?



Ma, isa isa lang iyong tanong. Mahina ang kalaban. Hindi ko nga alam kung anong nangyari. Babalik pa
ako mamaya para alamin ang totoong nangyari.



Tumango lang si Mommy pero alam kong sobrang nag-alala siya para kay Zelle.



Di nagtagal dumating nadin iyong order namin. Sinunggaban ko agad iyong pagkain dahil sa sobrang
gutom ko.



haha. Dahan dahan lang Kevin. Pagdating talaga sa paborito mong pagkain nawawala ang Casanova
reputation mo. Kung may makakakita sayo ngayon baka sabihin..



I dont care Mom. So ano pala ang sasabihin mo? Sabihin mo na para matapos na to. Para din naman
makabalik na ako kay Zelle.



Should we eat first?



Tanong ni Mommy habang hindi parin ginagalaw ang pagkain niya.



Sabihin mo na Ma habang kumakain tayo. Makikinig naman ako eh. Im all ears.



Tumango lang si Mommy.



Ang unang dahilan kung bakit kita gustong kausapin dahil sa gusto ulit kitang pakiusapan na itigil mo na
iyang bisyo mo.



Talagang inemphasize ni Mommy ang ulit. Hindi ko nadin mabilang kung ilang beses na akong
pinakiusapan ni Mommy tungkol sa bisyo ko. Hindi sa inuman, paninigarilyo at pagdodroga na bisyo
kundi tungkol sa bisyo ko sa mga babae.



Ang one week expiration date nila.



Pero ang totoo, hindi ko alam kung kaya kong tigilan ang bisyo na iyan. Defense mechanism ko na iyan
simula nong nasaktan ako ni Zelle. Alam ko ako lang din ang nagpasakit sa sarili ko, pero kailangan kong
protektahan ang sarili ko sa mga darating pang mga sakit na iyan.



Ma, ilang beses ko bang dapat ulit ulitin sayo na wala namang masa sa ginagawa ko. Besides, hindi ako
ang humahabol sa kanila. Sila iyong naghahabol sakin.



Hay!



Napabuntong hininga lang si Mommy.



Hindi ko na talaga siguro mababago iyang isipan mo.



Sabi ni Mommy.



Siguro in time, mawawala nadin iyan sakin. Pagnahanap ko na iyong babaeng tama para sakin. Pero
naisip ko din at ilang beses akong napatanong sa sarili ko. Pano ko mahahanap iyong babaeng para
sakin kung palagi ko silang binibigyan ng expiration date?



Ma, ayokong saktan ka pero talagang nagmamadali ako ngayon. Pwede mo bang sabihin iyong
pangalawang issue?



Tanong ko sa kanya. Nakakalahati na ako sa pagkain ko kaya sa pagkatapos kong kumain siguro tapos
nadin ang usapan namin ni Mommy.



Its about our business Kevin. Sobrang nahihirapan na kami ng Daddy mo na pigilan ang bankruptcy ng
kompanya natin. Any months from now, maaring mawala na lahat satin. I mean lahat, from business, to
Livingstone University at kahit na ang bahay natin.



Nakita ko iyong lungkot sa mga mata ni Mommy. Ginagawa nila ni Daddy ang lahat para hindi ko isipin
ang mga problema patungkol sa mga bagay na iyan. Ngayon ko lang narinig ang issue nato kaya
sigurado akong seryoso si Mommy.



Wala na ba talaga tayong magagawa?



May isang solusyon Kevin. Pero Im not sure kung gagawin mo iyon para sa pamilya natin. Para sa amin
ng Daddy mo. Ikaw lang iyong makakatulong satin anak.



Sh*t! Wala akong alam pagdating sa mga business na iyan kahit pa business course ang kinuha ko. Pero
gagawin ko ang lahat para lang makatulong sa parents ko.



Alam ko hindi lang iyong parents ko ang mahihirapan kung sakaling mababankrupt iyong kompanya
namin. Pati nadin ako ang mga taong nasa paligid namin.



Ill do it Ma. Anong kailangan kong gawin?



Huminga muna ng malalim si Mommy bago siya nagsalita.



Iyong ang huling issue na sasabihin ko sana sayo Kevin. Ang tanging paraan para maisalba ang
kompaya at ang University ay kung magmemerge ang kompanya natin sa kompanya ng mga Park.



Park?



Andaming park dito sa Pilipinas.



Sinong Park?



Tanong ko kay Mommy.



Sigurado akong hindi mo pa sila nakikilala Kevin pero I think kilala mo iyong only daughter nila.



Sino?



The transfer student. Actually, shes in my Math class.



Transfer student?



Tatlong transfer student lang naman ang naalala ko.



At naalala ko din iyong nag add sakin sa facebook.



Maybelline Mia Park.



Youve got to be kidding me Mom.



Si Maybelline? Si Maybelline ang anak ng mga Park?



Im serious Kevin.



Uggh!!



So for sure may gagawin tayo at isa-sacrafice para pumayag silang makipag merge tayo sa company
nila.



Alam ko na ang mga ganyang style.



Iyong may gusto silang gawin bago sila pumayag. Kaya nga lang hindi ko alam kung anong gusto nila
samin.



Marriage Kevin.



hahaha..



Marriage..



Dont tell me Im getting married with Mrs. Park? But shes married already with her husband.



Nonsense..



Kevin? Anak?



Marriage? Huwag mo na nga akong paikot ikutin Ma. Just go straight to the point. Alam mo namang
mahina ako sa mga ganyan.



Alam ko anak bata ka pa pero kung may magagawa lang din talaga ako..



Ma, please..



Pinatigil ko si Mommy sa pagsasalita. Dahil once na nasa kalahati na siya ng pagsasalita niya hindi na
talaga siya titigil.



Please just go straight to the point.



Pakiusap ko sa kanya.



You have to marry their only daughter and the heiress of the company. Maybelline Mia Park.



hahaha..



Ang gandang biro nito.



Kelan pa naging mapagbiro ang Mommy ko?



haha.



Ako?



Magpapakasal?



sa edad kong to magpapakasal na ako?



Tapos kay Maybelline pa na gustong gusto siya ng kaibigan ko?



Anong klaseng tadhana ba naman to.



This is so fvck up!



Uso parin ba ang arrange marriage?



That was decades ago..



Pero ngayon 2012 na.. Hindi ko talaga inakalang nageexist parin ang arrange marriage na iyan.



Youre joking right? Tatawa na ba ako?



Tanong ko kay Mommy.



Hindi parin talaga pumapasok sa utak ko iyong mga huling salitang binitawan ng Mommy ko.



You know that Im not kidding Kevin. Alam ko hindi kami dapat magdesisyun para sa future mo. Pero..
Im sorry anak..



Ngayon ko lang nakita si Mommy na umiyak sa harapan ko. Nagpapakatatag siya sa lahat ng problemang
dumaan sa buhay namin. Pero siguro, sobrang bigat na ng nararamdaman niya kaya hindi na niya
napigilan ang mga luha niya.



Sinabi ko sa sarili ko kanina na gagawin ko ang lahat makatulong lang sa parents ko.



Pero ang ganitong favor..



Give me time to think first Mom. Im sorry pero gusto ko lang munang mapag-isa..



Tumayo na ako at iniwan si Mommy na mag-isa.



Chapter 27: Love Square




Hanggang ngayon hindi parin nagigising si Zelle at hindi parin dumadating iyong mga magulang niya.
Baka na traffic lang. Sabi din naman kasi ng Tito niya eh papunta na daw iyong parents ni Zelle.



*beep* *beep*



Kinuha ko iyong phone ko sa bag at binasa ang text mula kay May.



Papunta na kami diyan Mia. Huwag kang aaalis.



hay!!



Ganito pala ang pakiramdam pag nasasaktan iyong kaibigan mo. Pakiramdam mo parang ikaw iyong
nasa sitwasyon niya.



Tinignan ko iyong relo ko. Bakit wala parin si Axel? Limang minuto na ang lumipas pero wala parin siya.



Zelle, babalik ako agad. Kukuha lang ako ng kape.



Ayokong sanang iwan si Zelle pero gustong gusto ko na talagang uminom ng kape dahil sa nilamig ako sa
sobrang lakas ng aircon.



Pagkatapos kong bumili ng kape, bumalik nadin agad ako sa kwarto ni Zelle. Binuksan ko iyong pinto at
nagulat nalang ako bigla ng makita ko si Kevin. Kahit na nakatalikod pa siya alam kong siya iyon. Papasok
na sana ako ng bigla nalang siyang magsalita. Kinakausap niya si Zelle kahit na tulog ito.



Im sorry Zelle.



Ilang beses ko na siyang narinig na humingi ng tawad kay Zelle. Ano ba talaga ang kasalanan niya kay
Zelle at parang sobra siyang naguiguilty.



Kung gising ka lang sana ngayon, sasabihin ko na sana ang totoo. Na talagang mahal ka ni Axel at balak
niyang ligawan ka noon. Pero dahil sa pagiging makasarili ko, pinigilan ko siya. Ang laki kong gago noh?
Kababata mo pa naman ako, bestfriend, parang kapatid. Pero tinraydor kita. Tinraydor ko kayo ni Axel
dahil lang sa lintik na pusong to.



Para akong inilagay sa malaking freezer pagkatapos kong marinig ang lahat ng iyon. Mahal ni Axel si
Zelle? pero bakit ilang beses ng hinindian ni Axel si Zelle? Nalilito ako. Hindi ko maintindihan kung anong
sinasabi ni Kevin.



Ano ang dahilan kung bakit pinigilan ni Kevin si Axel? Nalilito ako.



Kung maibabalik ko lang sana iyong panahon Zelle. Kung kaya ko lang sana..pinaubaya na sana kita kay
Axel. Masaya na siguro kayo ngayon.



Bigla kong naramdaman ang luha na pumatak mula sa mga mata ko.



Akala ko talaga noon na matututunan mo din akong mahalin pag nasabi ko na sayo na mahal kita pero
hindi pala. Gaya nga ng sabi mo, hindi natuturuan ang puso.



Ngayon naiintindihan ko na. Alam ko na kung anong nangyari. Si Zelle.. Si Kevin.. si Axel..



Gusto ni Axel si Zelle..



Gusto ni Zelle si Axel..



Pero gusto ni Kevin si Zelle..



Ibig sabihin..



Si Zelle ang first love ni Kevin. Siya ang dahilan kung bakit naging Casanova si Kevin. Pero bakit nilihim ni
Zelle sakin ang lahat?



Dahil sa sobrang pagmamahal ko sayo, hindi ko namalayang nasasaktan na pala kita. Patawarin mo ako
Zelle.



Love Triangle sila noon. Epal lang ako ngayon. Nakakainis! Naiinis ako sa sarili ko.



Maling lalaki ang pinagpapantasyahan ko. Para siyang mga ulap na hindi ko kayang abutin kahit na
gumamit pa ako ng hagdan.



Hindi ko na alam kung tama ba iyong ginawa ko noon. Ginawa ko lahat para mapansin ako ni Kevin. Para
magustuhan niya din ako. Pero ngayon alam ko na na kahit ano pang gawin ko, hindi niya ako kayang
magustuhan dahil si Zelle ang gusto niya.



Bakit hindi ko nahalata noon pa?



Iyong pag-aalala niya kay Zelle. Akala ko bilang kaibigan lang iyon pero hindi pala. Bakit ang tanga ko?



Isinara ko na iyong pinto saka ako tumakbo papalayo.



Mia? San ka pupunta?



Nakasalubong ko si Axel na may dalang dalawang kape pero hindi ko na siya pinansin pero alam kong
sinusundan niya ako.



Bigla nalang akong dinala ng mga paa ko sa cafeteria. Mabuti nalang at hindi madaming tao kaya hindi
nakakahiyang umiyak. Umupo si Axel sa harap ko.



Anong nangyari sayo?



Tanong ni Axel pero hindi ko mahanap ang boses ko dahil nilunod na ata to ng mga luha ko.



Mia, ano ba talaga ang nangyari at umiiyak ka ng ganyan? Kausapin mo naman ako dahil sobrang nag-
aalala ako para sayo.



Love Triangle..



Mahina kong sambit sa pagitan ng pag-iyak ko.



Ano? Love ano? Hindi ko maintindihan Mia.



Lumuhod si Axel sa harap ko habang hinahawakan ang dalawa kong kamay. Gusto ni Axel si Zelle pero
hindi ko maintindihan kung bakit siya nagkakaganito sakin. Dahil ba sa panakip butas lang ako?



Mahal mo si Zelle diba?



Tanong ko sa kanya. Parasiyang nagulat sa tanong ko. Hindi niya siguro inasahan na itatanong ko sa
kanya iyon.



Narinig ko kanina mula kay Kevin mismo. Alam ko na ang lahat pero hindi ko maintindihan kung bakit
ka nagkakaganito sakin.



Mia..



Kailangan ko ng paliwanag dahil hindi ko maintindihan.



Akala ko hindi na importante iyong mga nangyari noon..



Tumayo si Axel mula sa pagkakaluhod niya at muling bumalik sa upuan niya kaharap ko. Saka niya
ininom iyong kape na dala niya.



Masasabi kong umiikot lang ang buhay ko noon kay Kevin at Zelle. Sila lang iyong mga kaibigan ko. Pero
ni minsan hindi pa kami nagsama ni Zelle na kaming dalawa lang. Parating andun si Kevin. Sobra nga
akong naiingit kay Kevin dahil mas malapit sila ni Zelle. Magkababata kasi sila. Nagising nalang ako isang
umaga tapos napagtanto ko na gusto ko na pala si Zelle hindi lang bilang kaibigan kundi mas higit pa
don. Sa araw araw na magkasama kami unti unting lumalim ang pagtingin ko kay Zelle. Hanggang sa
isang araw, naipon ko na ang lakas ng loob ko para ligawan siya. Gusto kong si Kevin ang unang
makaalam non dahil kaibigan ko siya at mas kilala niya si Zelle.



Hindi makatingin ng deretso sakin si Axel habang nagkukwento siya. Nakatingin lang siya sa kape na
hawak hawak niya. Na para bang ito ang kausap niya.



Pero nalaman kong gusto pala ni Kevin si Zelle. Pinakiusapan niya akong huwag ligawan si Zelle.
Napagtanto kong mas mahalaga iyong pagkakaibigan namin ni Kevin kesa sa nararamdaman ko kay Zelle
kaya hindi ko tinuloy iyong panliligaw kay Zelle.



Bakit napakacomplicated ng pagmamahal? Bakit ba sa tuwing nagmamahal ka may kaabit na sakit ito.
Kung hindi ikaw iyong nasasaktan, may nasasaktan ka namang iba.



Kaya ba sinabi mo sa kanila na gusto mo ako dahil ba gusto mo lang akong gawing panakip butas? Dahil
ba gusto mong makalimutan si Zelle kaya mo ito ginagawa sakin?



Tanong ko sa kanya.



Hindi Mia.. Hindi.. Mali iyang iniisip mo.



Tinabi niya iyong kapeng hawak hawak niya at hinawakan niya ulit ang kamay ko.



Mula nong binitawan ko na si Zelle. Unti unti ko din siyang nakakalimutan. Nong una masakit dahil
totoo iyong naramdaman ko sa kanya pero tama iyong sinabi ng iba. Time heals everything. Nakalimutan
ko din iyong sakit at nakalimutan ko nadin iyong nararamdaman ko para kay Zelle. Maniwala ka sana
Mia na matagal ko ng nakalimutan ang nararamdaman ko para kay Zelle bago pa man kita makilala.



Mia..bigyan mo lang ako ng pagkakataon, ipapakita ko sayo na totoo talaga ang lahat ng sinasabi ko..



Binawi ko iyong kamay ko mula sa pagkakahawak ni Axel.



Im sorry Axel pero alam mo naman na hindi pareho iyong nararamdam natin. Si Kevin ang gusto ko.



Kitang kita ko ang lungkot sa mga mata ni Axel. Alam kong nasaktan ko siya pero mas lalo ko siyang
masasaktan pag nagsinungaling ako. Kung masakit ang totoo, ano pa kaya ang kasinungalingan?



Alam ko Mia. Alam kong si Kevin ang gusto mo pero gusto ni Kevin si Zelle. Im sorry kung masakit
pakinggan pero gusto ko lang sabihin sayo ang totoo.



Hindi mo kailangang humingi ng patawad Axel dahil narinig ko kanina ang lahat. At alam kong gusto ni
Kevin si Zelle. Noon, sinabi ko talaga sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para mapansin din ako ni Kevin
pero ngayon nagbago na iyong isip ko.



Gusto ko ng tumigil sa kabaliwan kong to. Para akong tuta na sunod ng sunod sa amo niya. Ayoko na.



Dahil sakin kaya nasasaktan si Zelle.



Kung ganun Mia, bakit hindi mo ako bigyan ng pagkakataon? Pangako ko sayo makakalimutan mo rin si
Kevin. Tutulungan kita.



Pakiusap ni Axel.



Hindi mo ata ako naiintindihan Axel. Gusto ka ni Zelle at ayokong masaktan pa siya. Kalimutan mo
nalang ako. Sigurado naman akong makakalimutan mo din iyong nararamdaman mo para sakin
pagdating ng panahon.



Ayoko ng makialam sa love triangle nilang tatlo. Kung si Axel man o si Kevin ang makakatuluyan ni Zelle
magiging masaya ako para sa kanila.



Kahit masakit man kung sila nga ni Kevin ang magkatuluyan tatanggapin ko.



Pero Mia..



Im sorry Axel. Buo na ang desisyon ko..



Tumayo na ako mula sa upuan ko.



Kung buo na ang desisyon mo. buo nadin ang desisyon ko Mia.



Magsisimula na sana akong maglakad ng magsalita si Axel.



Liliwagan parin kita kahit hindi mo ako pahihintulutan. Gagawin ko parin ang lahat para sayo.



Pagod na akong makipagtalo kay Axel. Kahit na ano pa siguro ang sasabihin ko hindi ko na mababago
ang isipan niya. Naglakad na ako papalayo sa kanya at tuluyan ng lumabas ng cafeteria. Kailangan kong
magpahangin ngayon. Gusto ko sanang balikan si Zelle pero pano kung andun parin si Kevin? Hindi ko pa
kayang harapin si Kevin. Lalo na sa sitwasyon ko ngayon. Ayokong makita niya akong umiiyak.



Lumabas na ako ng ospital pero nakasalubong ko si May at si Aya.



Mia? Anong nangyari sayo? Bakit ka umiyak?



Tanong ni Aya habang nakahawak siya sa magkabilang balikat ko.



Talaga bang masama ang lagay ni Zelle Mia? Asan na siya?



Tanong naman sakin ni May.



Kinuha ko iyong mga kamay ni Aya sa mga balikat ko.



Im sorry pero kailangan ko lang munang lumabas para magpahangin. Kung gusto niyo siyang puntahan
andun siya sa room 413.



Saka ako naglakad papalayo sa kanila. Akala ko talaga na dederetso sila kay Zelle pero naramdamanan
kong sinusundan nila ako.



Mia, san ka ba pupunta at ano ba talaga ang nangyari sayo?



Tanong ni Aya habang nakasunod sila sakin. Pero dineadma ko lang iyong tanong niya.



Huminto ako sa harap ng starbucks malapit sa ospital at pumasok don. Pumasok din naman sina May at
Aya.



Ano bang problema mo? Alam kong hindi ito tungkol sa aksidente ni Zelle. Bakit hindi mo sabihin
samin?



Galit na tanong ni May.



Hindi ako makakita ng maayos dahil sa sobrang pamamaga ng mga mata ko. Parang kalahati lang ata ng
mata ko ang nakakakita.



May..



Kailangan ko tong sabihin sa mga kaibigan ko dahil ayokong dumating ang panahon na sasabog nalang
ako bigla na parang bulkan dahil hindi ko na kaya.


Pero bigla na namang tumulo ang mga luha ko.



Mia, okay lang iyan. Ibuhos mo lahat ng sakit sa pag-iyak. Andito lang kami ni May para sayo.



Tumayo si Aya mula sa upuan niya at lumipat sa upuan sa tabi ko at niyakap ako.



Pagkatapos kong maibuhos ang lahat ng mga luha ko, nagsimula na akong magkwento sa kanilang lahat.



Naalala niyo iyong sinabi ni Zelle tungkol sa first love ni Kevin?



Tanong ko sa kanila.



Oo naalala namin.



Sabi ni May.



Bakit Mia?



Tanong naman ni Aya.



Iyong first love ni Kevin..si Zelle iyon..



Mahina kong sambit.



ANO?



Sabay nilang tanong. Nagsitinginan naman iyong ibang customers samin.



Ibig sabihin... si Zelle iyong dahilan kung bakit naging Casanova si Kevin?



Tanong ni Aya. Tumango lang ako.



May iba ka pa bang nalaman?



Tanong ni May.



Gusto ni Axel si Zelle noon pero kinalimutan niya ang nararamdaman niya para kay Zelle dahil sa
pagkakaibigan nila ni Zelle.



Sabi ko ulit sa kanila.



Napaka complicated Mia. Hindi ko masyadong gets. Ibig mo bang sabihin, noon gusto ni Axel si Zelle
tapos gusto din ni Zelle si Kevin? Pero Dahil gusto ni Kevin si Zelle, nag give way si Axel para kay Kevin?



Tanong ni Aya.



Tumango ulit ako.



So ibig sabihin love triangle silang tatlo?



Tanong ni May kay Aya.



Ganun na nga..



Sagot naman ni Aya.



Pero ngayon, gusto na ni Axel si Mia. Nakalimutan na niya si Zelle. Pero ang tanong mahal pa ba ni
Kevin si Zelle?



Hindi ko na sinagot iyong tanong ni May dahil alam ko na iyong sagot. Mahal padin ni Kevin si Zelle.
Halata naman sa mga pag-alala niya kay Zelle. Halatang halata.



Pero ngayong andito ka na Mia, hindi na sila love triangle. Love square na kayong apat.



Bulalas ni May.



Tumahimik lang ako at hindi na dinugtungan pa iyong usapan namin.



Anong gagawin mo ngayon Mia?



Tanong ni Aya sakin.



Wala. Naisip ko din namang para lang akong tanga na habol ng habol kay Kevin. Makakalimutan ko rin
naman siguro siya pagdating araw. Kahit pakonti konti, kahit matagal.



Sigurado ka na ba diyan sa desisyon mo?



Tanong ni Aya.



Oo Aya. Ayoko rin namang nakikitang nasasaktan si Zelle. Kahit na sino kina Kevin at Axel ang
makatuluyan niya magiging masaya ako para sa kanya dahil kaibigan ko siya. Ganyan naman talaga ang
magkaibigan diba? Hindi nag-aaway dahil lang sa iisa lang iyong taong mahal nila. Dapat may isa na
magpaparaya at ako iyon. Sobra na kasi iyong sakit na nararamdaman niya. Ayoko dagdagan pa iyon.



Chapter 28: Ex-Boyfriend




Ilang araw na ang lumipas mula nong naaksidente si Zelle. Hindi na siya makakasama sa cheerdance
dahil hindi parin magaling iyong braso niya. Nabali daw kasi talaga iyong buto dahil sa lakas ng
pagkahulog niya. Pero mabuti nalang at walang mas masamang nangyari sa kanya.



Zelle buti naman at pinayagan ka ng parents mo na manood ng laro ngayon.



Sabi ni Aya kay Zelle. Hanggang ngayon hindi parin tinatanggal iyong cast sa braso niya.



Ayaw talaga sana nilang pumayag kaso lang eh nagpumilit ako. hehe



Sabi naman ni Zelle sabay tawa.



Hanggang ngayon hindi parin ata alam ni Zelle ang tungkol sa sinabi ni Kevin sa kanya sa ospital habang
tulog na tulog siya. Sa tingin ko iyon din sana ang sasabihin ni Kevin sa kanya nong narinig ko silang nag-
uusap sa kwarto ni Zelle kaya lang biglang binuksan ni Kevin iyong pinto kaya sumemplang ako.



Mia are you okay?



Tanong ni Zelle sakin.



Oo naman Zelle.



Sagot ko sa kanya habang pinagpatuloy ko iyong pagugunting ng cartolina.



Sigurado ka talaga Mia? Alam mo simula nong naaksidente ako parang napansin kong palagi kang
tulala. Parang ang lalim parati ng iniisip mo. May pinagdadaanan ka ba?



Tanong niya ulit sakin.



Gusto kong sabihin kay Zelle iyong narinig ko kay Kevin sa ospital. Gusto kong malaman niya ang totoo
dahil karapatan niya iyon. Pero alam ko na kung malalaman man ni Zelle ang lahat, hindi dapat sakin
manggaling iyon kundi kay Kevin mismo.



Wala Zelle. hehe.



Tumawa lang ako para hindi na siya magduda pa.



Alam mo Zelle hayaan mo lang iyang si Mia, nagiging paranoid lang talaga iyan.



Sabi naman ni May.



*tok* *tok*



Maam Mia? Andito na po ang meryenda niyo.



Narinig ko si Ate Kate mula sa labas ng pinto ng kwarto ko kaya tumayo agad ako at pinagbuksan siya ng
pinto.



Salama Ate Kate. Pakilagay nalang don sa table.



Pakiusap ko kay ate.



Pagkatapos ilagay ni Ate ang meryenda namin eh lumabas nadin siya ng kwarto ko. Mamaya na kasi
iyong basketball game ng mga players ng Livingstone University laban sa ibat ibang school kaya
napagdesisyunan naming gumawa ng banner para sa kanila.



Ayaw naming manood lang at tumunganga. Dapat din naming ubusin iyong mga boses namin at gamitin
ang pagkaartistic namin.



Kasali din pala sa varsity iyong dalawang kapatid na kabandmate nila Kevin. Si Mark at si Jerome kaya
todo kilig itong si May at Aya kanina pa.



Kumain na muna tayo total malapit din naman tayong matapos.



Sabi ko sa kanila. Pero hindi ko namalayan na bago ko pa sila imbitahin sa pagkain eh kanina pa pala
sinugod ni Aya ang pagkain.



Hay!!



Sanay na dapat ako sa kanya.



Ang sarap naman nito Mia. Kumain na kayo.



Pagiimbita ni Aya samin.



Tumawa nalang kaming tatlo ni Zelle at May.



Mia, pwedeng magtanong?



Tanong ni May habang kinakain niya iyong burger na ginawa ni Ate Kate.



Nagtatanong ka na nga diba?



Sabi ko sa kanya.



hehe.. Ay oo nga. Pero iba iyong tanong ko. Diba interschool iyong game mamaya? Pano kung makita
mo si Jun? Diba varsity player din siya sa dating school natin?



Hindi ko agad nasagot iyong tanong ni May. Actually naisip ko na din iyan kagabi pa. Iyong gymnasium
kasi ng Livingstone University ang pinakamalaki kaya don iheheld ang basketball game. Pero sa sobrang
laki non sigurado akong hindi ako makikita ni Jun.



Pero pano kung magkita talaga kami? Sana huwag naman.



Oy Mia, narinig mo iyong tanong ko?



Ulit ni May.



Saka lang ako bumalik sa ulirat ko.



Ahh oo May. Hindi naman kami siguro magkikita ni Jun mamaya. Maglalaro naman siya at manonood
lang ako. Makikita ko lang siya sa malayo pero hindi niya ako makikita.



sagot ko kay May.



Siguro nga noh.



Pagkatapos naming kumain tinapos na namin iyong banner na ginawa namin tapos eh sabay sabay na
kaming pumunta ng school.



Pagdating namin ng school sobrang dami na talagang tao. Parang may Kpop concert lang sa daming tao.
haha. Hindi! joke lang iyon. Hindi naman talaga sobrang daming tao pero madami din naman.



Naghanap na kami ng magandang pwesto para makita namin ng maayos ang laro.



Pagkatapos ng kalahating oras nagsimula na iyong game. Walong grupo ang maglalaban mula sa ibat
ibang University. Dahil sa hindi pa naman ang mga players namin ang naglaro eh tumunganga lang kami
at hindi nag cheer. Halos makatulog na nga ako dahil sa sobrang pagkainip ko.



Mia, bili na muna tayo ng snacks.



Sinundot ako ni Aya sa balikat.



Snacks na naman? Kakain lang natin Aya. Baka naman sumama iyong tiyan natin sa kakakain mamaya.



Saway ko sa kanya.



Mia naman, chichirya lang naman para naman may makain tayo habang nanonood ng game. Hindi
padin naman natin kilala iyang mga naglalaro na iyan.



Si Aya talaga oh kahit papano. Palagi nalang pagkain ang laman ng utak.



O cge na nga.



Pumayag nadin ako dahil alam kong magtatampo na naman sakin iyan pag hindi ko pagbibigyan.



Zelle, May babalik lang kami. Bibili lang ng chichirya.



Paalam ko sa dalawa.



Cge balik agad kayo ha. Baka may umupo sa upuan niyo eh.



Sabi ni Zelle.



Iwanan niyo lang muna iyang mga banner sa upuan niyo para walang uupo.



Sabi naman ni May.



Cge.



Sabi ni Aya.



Pagkatapos naming iwan iyong banner sa upuan namin eh bumaba na kami ni Aya para bumili ng mga
chichirya sa cafeteria.



Dahil si Aya naman ang nagpumilit ng bumili, siya na iyong nagrepresentang manlibre sa amin. Dahil
medyo madaming tao sa cafeteria, kailangan pa naming pumila.



So how are things going between you and your boyfriend Michelle?



Tanong nong babae na nasa unahan namin sa kasama niya. Tinignan ko silang dalawa. Ang sosyal. Pero
hindi ko lang alam kong sosyal ba talaga sila o social climber.



Nakasleeveless, miniskirt at naka 5-inch heels iyong babaeng nagtanong. Alam ko na hindi sila taga
Livingstone University dahil hindi pamilyar iyong mukha nila. Ano kaya sa tingin nila ang pinuntahan nila
dito? Beauty contest at talagang ganyan iyong suot nila? Baka magka-stampede pa mamaya eh di lagot
sila.



Oh you mean Jun? We are okay. Sinagot ko na siya kahapon lang.



Sagot naman nong babaeng naka pink dress tapos 6-inch heels. Woah lang ha? Ako iyong nahiya sa mga
suot nila. Ang laki pa ng hikaw niya. Parang tenga ko iyong nasasaktan sa kakatitig don sa hikaw niya.
Hindi ba siya nabibigatan diyan?



Pero parang may bell na tumunog sa mga tenga ko ng marinig ko ang pangalang Jun.



Si Jun kaya iyong tinutukoy nila?



Ehh Mia!! Andaming Jun sa mundo noh. Paranoid ka lang talaga.



Thats good. Lets go?



Sabi nong babae saka sila umalis dahil tapos na silang mag-order.



Si Aya na iyong pumili ng mga chichirya at drinks namin.



Pagbalik namin sa upuan namin hindi parin natatapos iyong game pero patapos na. Iyong score 31-89.
Sobrang layo. Parang pinagpraktisan lang sila ng isang team eh.



Iyong ibang tao sa gymnasium sobrang sigaw na ng sigaw pero ako wala paring paki pati nadin iyong
mga kaibigan ko. Wala din naman kaming kakilala sa kanila eh.



Natapos na iyong unang game. Iyong pangalawa batch naman ang sumunod pero wala padin kaming
kakilala kaya halos matulog na kami sa sobrang pagkabagot. Hindi ko namalayang naubos ko na pala
iyong drinks ko.



Nasa kalagitnaan na ng laro ng bigla akong tinawag ng kalikasan.



Excuse me girls. Punta lang akong CR.



Sabi ko sa kanila. Naiihi na talaga ako.



Samahan ka na namin.



Sabi ni Zelle.



Huwag na Zelle. Baka kasi may kumuha sa pwesto natin pag umalis tayong lahat.



Sabi ko naman kay Zelle. Tumango lang sila saka ako bumaba. May apat na Comfort room malapit sa
Gymnasium. Dalawa sa right side ng gym at dalawa sa left side ng gym. Nasa right side kami nakaupo
kaya don ako pumasok pero nagkumpulan ang mga tao don kaya kailangan ko pang mag-antay ng ilang
minuto pa.



Waa! Kung mag-iintay pa ako dito parang maiihi na talaga ako sa pants ko.



Lumabas na ako ng banyo at tumakbo papunta don sa left side ng gym. wala masyadong tao don dahil
sinara iyong gate sa left side ng gym para iwas gulo sa mga players. Don kasi malapit ang waiting room
ng mga players eh.



Wala pang isang minuto ng makarating ako ng banyo at dali daling pumasok sa cubicle.



HAAY!!



Success!



Hinugasan ko na iyong kamay ko pagkatapos at inayos muna ang sarili ko ng konti. Pagkatapos eh
lumabas nadin ako.



Eii Jun.. Ano ka ba. Huwag diyan noh. Baka may makakita satin.



Nakita ko ulit iyong babaeng nakapink dress kanina sa cafeteria na may kalandiang matangkad na
lalaking naka green varsity jacket.



Hindi ako maaring magkamali. Taga Delphian University ang lalaking kalandian niya. Delphian University
ang pangalan ng dati kong school kaya siguradong sigurado ako.



Wala namang makakita satin dito Michelle. Dont worry.



Ang landi talaga nila. Kung gusto nilang may mangyari sa kanila don sila sa motel. Huwag dito.



Hooh!!



Maiwan na nga!



Mga malalandi.



Kailangan kong makatawid sa kanila ng di nila napapansin. Nakatalikod naman iyong lalaki at iyong
babae hindi naman siguro ako makikita dahil nakatitig lang siya sa boyfriend niya kaya madali lang to.



Pero..



*BOGSH!*



Nadulas ulit ako.



Potek! Bakit ba palagi nalang ganito?



Oh my God Jun! May tao.



Bigla nalang tinigil nong dalawa ang ginagawa nila at napatingin sakin.



MIA???



Sobrang nagulat ako ng may tumawag sa pangalan ko. Isang pamilyar na boses na matagal ko ng hindi
naririnig.



Boses ni Jun!



Iyong Jun na tinutukoy ng babae sa cafeteria at ang Jun na ex boyfriend ko. Iisa lang.



Tinignan ko si Jun.



Ikaw nga Mia! Hanggang ngayon ba hindi ka parin nagbabago?



Tanong niya.



hahaha.. Tatanga tanga ka parin hanggang ngayon.



Sabi niya sabay tawa.



You know her darling?



Tanong nong Michelle kay Jun.



Uhmm.. yeah? I guess? haha.. well actually darling shes my ex girlfriend pero huwag kang mag-alala
dahil hindi naman ako seryoso sa kanya non. Pinagpustahan lang talaga namin siya ng mga kaibigan ko.
Hindi ako maiinlove sa katulad niya. Maganda nga, tanga naman. hahaha



Sobrang lakas ng tawa ni Jun. Para siyang nanood ng movie ni Dolphy sa sobrang lakas na tawa niya.
Napahawak pa siya sa tiyan niya.



Really darling? Poor girl.. Tanga!!



hahaha



Tumawa nadin iyong Michelle.



Pinagtutulungan nila akong dalawa.



Ano bang ginawa ko?



Hindi ko naman sila ginambala sa ginawa nila ah? Nadulas na nga ako tapos ako pa iyong pagtatawanan?
Hindi na nga nila ako tinulungan, pinagtatawanan pa nila.



Sobra akong nahiya at nainis.



Gusto ko silang patulan pero ayoko dahil alam kong maiiyak ulit ako dahil naalala ko ulit iyong ginawa
sakin ni Jun dati.



Tumayo ako mula sa pagkadulas ko at tumakbo pero isang hakbang palang iyong nagawa ko ng bigla
akong nabangga sa isang matipunong dibdib.



Bakit ang malas ko?



Bakit ngayon pa?



Bakit sa harap pa ni Jun at ng bagong girlfriend niya?



Iiyak na sana ako ng marinig ko ang isang boses..



Maybelline?



Isang tao lang dito sa Livingstone University ang tumatawag sakin sa ganyang pangalan.



Si Kevin..



Dahan dahan kong iniangat ang ulo ko para tignan siya sa mukha.



Tama nga ako..



Si Kevin nga..



Gusto ko siyang yakapin at gusto kong isumbong iyong walang hiyang Jun na iyon at iyong babae niyang
malandi kay Kevin.



Pero hindi ako sigurado kong ipaglalaban ba niya ako sa kanila. Baka pagtatawanan niya rin ako tulad
nila.



Oh my God! Youre Kevin Choi right?



Tanong ni Michelle kay Kevin na parang na star struck. Para siyang nakakita ng artista.



Tumango lang si Kevin.



Oh my God! I really cant believe it. Nakita na talaga kita sa personal. mas gwapo ka pala sa personal
kesa sa picture. pwedeng magpa autograph?



Bulalas niya habang hindi parin niya maisara iyong bibig niya sa sobrang pagkamangha.



Michelle darling. Anong ginagawa mo? Ako ang boyfriend mo.



Galit na saway ni Jun.



I know darling pero minsan lang to mangyari. Kyaaa!! Hindi ko talaga inisip na makikita kita ngayon.
Ang swerte ko talaga.



Inilabas niya iyong papel at ballpen niya mula sa bag niya saka siya lumapit kay Kevin para humingi ng
autograph.



Pahingi nadin ng kiss pagkatapos ha? At pwede nadin magpapicture?



Sabi niya gamit ang malanding boses niya. Para niyang inaakit si Kevin sa ginagawa niya.



Sure..



Sabi ni Kevin..



Sure? Ibig sabihin pumapayag siya sa gusto ng babaeng malanding iyan?



Talaga? KYAAA!! Ang swerte ko talaga.



Bulalas ulit ni Michelle sabay talon talon.



Pero parang magagalit iyong boyfriend mo eh. Kung wala kang boyfriend baka pwedeng..



Hindi ko alam kung anong sasabihin pa sana ni Kevin dahil bigla nalang siyang pinahinto ni Michelle..



Stop it Kevin! Wala akong boyfriend.



Sobrang nagulat ako sa sinabi ni Michelle. Wala siyang boyfriend? Eh kaano ano niya si Jun?



MICHELLE!!! ANONG SINASABI MO?



Kinilabit ni Jun ang braso ni Michelle.



Bitawan mo nga ako Jun. Break na tayo mula ngayon. Kami na ni Kevin. right Kevin? Iyon iyong
sasabihin mo diba? Kung wala akong boyfriend eh di tayo na? Dont worry dahil break na kami ngayon
lang..



Hindi talaga maipinta ang mukha ni Jun. Sobra na siyang namumula dahil sa galit. Dahil naagaw ni Kevin
ang girlfriend niya.



Im sorry... Pero hindi iyan ang ibig kong sabihin. Hindi ako naghahanap ng girlfriend dahil may
girlfriend na ako..



Bigla nalang hinawakan ni Kevin ang kaliwang kamay ko gamit ang kanang kamay niya tapos iyong
kaliwang kamay naman niya nakahawak sa pisngi ko.



at bigla akong..



hinalikan..



sa labi..



^0^



Ganito pala ang pakiramdam pag nagdikit ang mga labi namin ni Kevin. Hindi na talaga to matatawag na
indirect kiss...


Chapter 29: Confusing Kevin





Hindi ko inasahan iyong ginawa ni Kevin.



Si Kevin..



Hinalikan niya ako sa labi..



sa harap pa mismo ni Jun at ni Michelle..



Pero bakit?



Dahil ba gusto niya akong ipagtanggol mula sa kanila?



Ang daming umiikot sa isipan ko habang magkalapat ang mga labi namin ni Kevin pero sa isang iglap
nawala ang lahat ng iyon ng biglang umikot ang paligid namin. Para kaming nasa loob ng malaking
buhawi. Iyong paligid lang namin ang umiikot.



Aaminin ko, hindi ito ang first kiss ko pero kakaiba iyong pakiramdam na naramdaman ko. Kakaibang
kakaiba sa naramdaman ko nong hinalikan ako ni Jun noon.



Ang lambot ng labi ni Kevin.



Parang ulap na na sa langit sa sobrang lambot. Para itong cotton candy..



Pakiramdam ko talaga tumigil iyong mundo dahil lang sa hinalikan ako ni Kevin.



Akala ko hindi na talaga matatapos ang moment namin.



Ang sarap sa pakiramdam.



Hanggang sa naramdaman ko nalang na naglayo na iyong mga labi namin.



Medyo matagal din bago ako bumalik sa ulirat ko.



What the fvck!!



Bulalas ni Jun.



Muntik ko ng nakalimutan na nasa harap pala kami ni Jun at ni Michelle.



Oh my God! Girlfriend mo siya?



Tanong ni Michelle kay Kevin.



I cant believe this. Ano bang nakita mo sa kanya? Yeah shes pretty pero.. ang tanga tanga niya. Nakita
mo ba iyong nangyari sa kanya? Nadulas siya. Hindi ka ba nahihiya sa tuwing kasama mo siya? Ang
gwapo mo pa naman tapos..



Hindi na natapos ni Michelle ang sasabihin niya ng bigla nalang siyang tinitigan ni Kevin. Iyong sobrang
samang titig. Iyong tipong nanlilisik na ang mga mata ni Kevin.



Ngayon ko lang siyang nakitang tumitig sa isang tao na sobrang nanlilisik ang mga mata niya. Sobrang
nakakatakot iyong mga mata niya.



Ako iyong kinabahan para kay Michelle. Baka bigla nalang siyang suntukin ni Kevin sa mukha. o kaya sa
mata.. bull's-eye!



Huwag na huwag mong pagsasalitaan ng ganyan ang girlfriend ko kung ayaw mong mapahiya ka. Wala
ba kayong full length mirror sa bahay niyo at hindi mo nakikita ang itsura mo ngayon? Hindi ba mas
lalong nakakahiya ang itsura mo kesa kay Maybelline?




Gusto mo bang padalhan pa kita ng salamin sa bahay niyo?



Konting konti nalang at maiiyak na talaga si Michelle. Tutulo na talaga ang mga luha na pinipigilan niya.



Jun..Darling..ipagtanggol mo naman ako.. inaaway nila ako..



Agad na lumapit si Michelle kay Jun at yayakapin niya sana ito pero umiwas si Jun sa kanya.



Whats wrong darling?



Malanding tanong niya kay Jun.



Whats wrong? Nakalimutan mo na ba iyong ginawa mo kanina lang? Diba nakipaghiwalay ka sakin
dahil sa lalaking iyan?



Galit na galit na sabi niya habang nakaturo pa iyong darili niya kay Kevin.



Binabawa ko na iyon Jun. Ginawa ko lang iyon kasi akala ko..



Akala mo magiging bagong boyfriend mo siya?



Please Jun.. Im sorry.. Forgive me please..



Kulang nalang talaga lumuhod na si Michelle sa harap ni Jun para magmakaawa.



Please yourself Michelle. Pampalipas oras lang kita..



Tumulo na talaga iyong mga luha ni Michelle saka siya tumakbo papalayo sa aming tatlo. Sobrang bilis ng
takbo niya na para bang hinahabol siya ng aso.



Tumawa naman ako dahil sa tingin ko nakabawi ako don. Mas nakakahiya iyong nangyari sa kanya kesa
naman sa nangyari sakin kanina.



Kawawang Michelle.



Malandi kasi!



Ang bilis ng karma!



Tsss!



Hindi parin inialis ni Jun ang mga titig niya kay Kevin. Ang sama din ng titig niya kay Kevin. Parang galit na
galit siya dito.



Bakit ganyan ka nalang kung makatitig sakin?



Tanong ni Kevin kay Jun.



Bakit bawal ba?



Tanong naman ni Jun.



Huwag mong sabihing nagagwapohan ko din ba sakin pare?



Sarkastikong tanong ni Kevin kay Jun.



O baka naman mare?



Saka nagsmirk si Kevin.



Tinamaan ata iyong ego ni Jun dahil bigla nalang niyang kinuyom ang kanyang palad niya at lumapit kay
Kevin.



tapos biglang..



*bogsh*



Hindi nakailag si Kevin kaya tinamaan siya ng suntok ni Jun malapit sa labi niya. Hindi ata inasahan ni
Kevin iyon mula kay Jun. Minsan ko ng nakita si Kevin na lumaban nong na hold up kami pero wala
talaga siyan galos non kahit na sobrang dami ng kalaban niya. Pero ngayon natumba pa siya dahil lang sa
isang suntok.



Kevin!



Agad kong nilapitan si Kevin at tinulungan siyang lumayo.



Ano ka ba Jun. Bakit mo siya sinuntok?



Galit na tanong ko kay Jun. Nakakainis si Jun. Hindi parin siya nagbabago. Ang taas parin ng tingin niya sa
sarili niya.



Tss.. So boyfriend mo pala talaga siya ha Mia?



Tanong niya sakin.



Eh ano naman ngayon kung boyfriend ko nga siya?



Tss..



Matagal na tayong wala..



At iyan pa talaga ang pinalit mo sakin. Di hamak na mas magaling naman ako kesa sa lalaki mong iyan.



Napaka hambog talaga ni Jun.



Hindi ko lubos maisip kung anong nakita ko sa kanya non at nagkagusto ako sa kanya.



JUN PARE!! TAYO NA ANG MAGLALARO!!



Biglang may dalawang lalaking naka green varsity jacket din ang tumawag kay Jun pero hindi nila alam
kung ano iyong nangyari.



Gusto pa sana nilang alamin pero wala na silang oras.



Pasalamat ka at kailangan ko ng umalis. Pero sinasabi ko sayo, hindi pa tayo tapos..



Pagbabanta ni Jun kay Kevin.



Napaka angas niya.



Tss! Sa tingin mo natatakot ako sayo?



Sagot naman ni Kevin sa kanya.



Tinitigan muna ng masama ni Jun si Kevin bago siya umalis.



Tinignan ko si Kevin pagkatapos.



Okay ka lang ba?



Tanong ko sa kanya sa kanya na pinahirap iyong konting dugo malapit sa labi niya.




Pero nagulat ako ng hindi ako sinagot ni Kevin. Ang mas nakakagulat pa, bigla nalang siyang humakbang
dahan dahan papalayo sakin.



Anong nangyari sa kanya?



Nadulas ako kanina, pinagsabihan ng masama nila Jun at Michelle, pinahiya..



Sobrang sakit ng ginawa nila..



pero bakit..



Mas masakit iyong ginagawa ni Kevin sakin ngayon?



Kanina lang pinagtanggol niya ako mula kay Jun at Michelle.



Pero ngayong wala na sila, iniwan na niya ako.



Ano ba talaga ang papel ko sa buhay ni Kevin.



Ano ba talaga ako para sa kanya?



Hindi ko siya maintindihan.



Nakapagpasya na ako nong isang araw na kakalimutan ko na si Kevin, pero pagkatapos niya akong
halikan kanina nagbago na iyong isip ko. Gusto ko na ulit siyang ipaglaban..



pero ngayon..



Umupo ako at pinatong sa mga tuhod ko ang dalawa kong braso saka ko sinandal ang mukha ko sa braso
ko.



Ang sakit sakit na nito.



Bakit ba ginagawa ni Kevin to sakin?



Kung iiwan niya lang din ako sana hindi na niya ako pinagtanggol. Sana hindi na niya ako hinalikan. Sana
hindi na niya ako pinaasa.



Hindi ko na napigilang humagulgol.



Wala namang makakarinig sakin dito kahit pa sumigaw ako sa sobrang sakit kaya okay lang.



Habang nagkakasihayaan ang lahat ng tao sa loob ng gymansium, andito ako sa labas, nag-iisa, umiiyak
at nasasaktan.



Huwag ka ng umiyak..



Parang umulit ulit ang ganitong eksena nong minsang muntik na akong magahasa..



Dahan dahan kong inangat ang ulo ko at nakita ko si Kevin na nakayuko at nakatitig sakin.



Bakit bumalik ka pa?



Tanong ko sa kanya habang hindi parin ako tumitigil sa pag-iyak.



Kung hindi ka sana umiyak hindi na sana ako bumalik pa.



Sambit niya.



Ano bang pakialam mo kung iiyak ako? Kailangan ko pa ba ang pahintulot mo bago ako umiyak?



Tumayo ako at naglakad papalayo sa kanya.



Sabi ng isip ko na huwag na sana akong sundan pa ni Kevin pero iyong puso ko hinihiling na sana sundan
ako ni Kevin.



Nakakita ako ng bench kaya umupo ako don.



Natupad iyong hiling ng puso ko dahil sinundan ako ni Kevin at naupo sa tabi ko.



Ex boyfriend mo ba iyon?



Tanong niya sakin pero hindi ko siya sinagot dahil naiinis parin ako sa kanya. Hindi ko siya maintindihan.



Ano bang nagustuhan mo don sa lalaking iyon? Eh hindi naman gwapo, hindi rin masyadong
matangkad. At ang pangit pa ng ugali. Ang angas, kung umasta akala kung sino.



Tumayo ako at nilingon ko si Kevin.



Ano bang pakialam mo sa kanya? Isa pa, huwag mo na ngang ipaalala sakin iyong nangyari dahil naiinis
ako.



Naiinis ka saan?



Tanong niya habang naka poker face lang siya.



Naiinis ako dahil hindi ako marunong pumili ng lalaki. Ang first love ko, akala ko na siya na iyong
magiging last love ko pero hindi. Sinaktan lang niya ako. Pinahiya niya ako. at ang pinakamasakit hindi
pala niya ako mahal. Ngayon namang inakala kong nakahanap na ako ng bago, nagkamali ulit ako. Sana
hindi nalang kita nakita. Sana hindi nalang kita nagustuhan!!!



Akala ko magagalit si Kevin pagkatapos kong sabihin sa kanya ang lahat ng iyon pero hinawakan lang
niya iyong kamay ko at hinila ako pababa para makaupo ulit ako sa tabi niya.



Im sorry..



Iyon lang iyong sinabi niya.



Itinaas ko iyong ulo ko at tiningnan ang mga ulap sa langit.



Sorry?



Iyon lang iyong sasabihin niya?



Sorry dahil hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko sayo. Ang totoo niyan, hindi ko maintindihan
ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit palagi nalang akong lumalapit sayo kahit na hindi dapat. Kahit na
bawal...



Bawal?



Bawal siyang lumapit sakin?



Bawal? Anong ibig mong sabihin?



Pero hindi niya ulit sinagot iyong tanong ko.



Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan ni Kevin ngayon.



Hindi ko talaga siya maintindihan.



Parang andami ko pang hindi nalalaman tungkol sa kanya.



Alam mo. Pagkatapos kitang makita kanina habang pinapahiya ka ng ex boyfriend mo, at pagkatapos
kitang makitang umiyak nong iniwan kita, na pagtanto ko na tama nga iyong sinabi ng mommy mo..



Nagulat na naman ako sa sinabi ni Kevin.



Anong sinabi ni Mommy sa kanya?



Kelan pa sila nagkita na sila lang dalawa?



Anong pinag-usapan nila?



Anong sinabi ni Mommy?



Tanong ko kay Kevin habang tinitigan siya sa mga mata niya.



Na kailangang may mag-aalaga sayo..na kailangang may magpoprotekta sayo. na kailangan mo ng
kasama.



Sagot ni Kevin.



Siguro nga dapat na akong pumayag..



Dugtong pa niya.



Nagkaroon ng nakakabinging katahimikan sa pagitan namin ni Kevin. Tanging huni lang ng mga ibon ang
naririnig ko at ang mga dahon sa puno na iniihip ng hangin habang iniisip ko kung ano iyong ibig sabihin
ni Kevin sa dapat na siyang pumayag.



Pero talagang wala akong maisip.



Okay lang naman siguro kung tatanungin ko siya kung anong ibig niyang sabihin don sa sinabi niya.



Pumayag saan Kevin? May pinagawa ba iyong Mommy ko sayo?



Tinitigan lang ako ni Kevin na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.



Hindi mo alam?



Tanong niya sakin.



Ang tungkol saan?



Tanong ko ulit sa kanya.



Nagpapalitan lang kami ng tanong sa isat-isa.



Wala bang sinabi ang Mommy at Daddy mo sayo?



Tanong niya ulit.



Wala..



Sagot ko sa kanya.



Ganun ba. Malalaman mo rin iyan mula sa mga magulang mo. Sige Maybelline kailangan ko ng umalis
dahil baka magsisimula na iyong laro namin. Huwag ka ng umiyak diyan na parang bata.



Sabi niya saka siya tumayo at lumayo sakin.



Nakatingin lang ako sa likod niya habang naglalakad siya papalayo sakin pero bigla nalang siyang
huminto at tumingin sakin.



Oh heto..



May kinuha siya mula sa bulsa niya saka niya iyong tinapon sakin. Buti nalang at catcher ako. Nasalo ng
mga palad ko ang hinagis ni Kevin.



Huh? Lollipop? Ano ako bata?



Pagtingin ko ulit kay Kevin, wala na siya.



Dahil bumuti na iyong pakiramdam ko, naisipan kong bumalik na sa gymnasium. Sinigurado ko munang
wala ng kahit anong bakas ng pag iyak ang mga mata ko para hindi ako usisain ng mga kaibigan ko.



Oh Mia, bakit halos dalawang oras kang nawala? Susundan ka sana namin sa comfort room eh.



Sabi ni May pagdating ko sa upuan namin.



Ahh kasi madaming tao sa comfort room eh. hhehe



palusot ko sa kanila.



Alam mo Mia, mabuti nalang talaga at natagalan ka don sa comfort room dahil pag napaaga iyong
pagbalik mo, sigurado akong makikita mo si Jun sa laro nila.



Sabi naman ni Aya.



Iyon pala iyong ex boyfriend mo Mia?



Tanong naman ni Zelle sakin.



ahh oo pero past na iyon.



Hindi ko nga nakita si Jun na naglaro pero nakita ko naman siya kanina kasama iyong Michelle niya.



Hindi ko lang siya nakita kundi pinahiya pa niya ako.



Minabuti ko ng huwag sabihin kay May at Aya pati nadin kay Zelle ang nangyari sakin dahil sigurado
akong aawayan ng dalawang kaibigan ko si Jun.



Sila Jerome at Mark na!!!



Bulalas ni Aya at May.



Sila Kevin na pala ang maglalaro ngayon.



Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Hindi ko narin maintindihan kung anong nararamdaman ko. Gusto
ko ng itigil ang kabaliwan ko. Pero gusto ko ring ipaglaban si Kevin.



Nalilito na talaga ako.




Chapter 30: Arrange Marriage




Sobrang gabi na natapos ang game. 8 PM pero worh it naman dahil nanalo ang University namin. Woo!
Sobra talaga iyong kakasigaw ko sa tuwing nakakashoot si Kevin.



Zelle talaga bang uuwi na tayo? Hindi man lang ba natin i-cocongratulate iyong mga players natin?



Tanong ni Aya kay Zelle.



Nasa parking space ng kami ngayon at papasok na ng kotse ko. Ihahatid ko muna iyong tatlo dahil gabi
na. Isa lang kasi iyong dala naming kotse.



Yup. Kailangan ko pa kasing uminom ng gamot.



Sagot naman ni Zelle.



Kanina pa talaga atat na atat si Zelle na umuwi. Ayaw pa sanang pumayag ni Aya at ni May dahil gusto pa
nilang i-congratulate ang magkapatid na Jerome at Mark pero nagpumilit talaga si Zelle.



Sigurado ka ba talaga na kaya mo gustong umuwi dahil kailangan mo ng uminom ng gamot o talagang
iniiwasan mo lang si Axel?



Tanong ni May kay Zelle.



Napatingin ako kay May dahil nagulat ako sa tanong niya. Napakaderetso kasi nong tanong. Eh pwede
namang hindi na niya itanong kay Zelle dahil baka ma offend si Zelle.



Tumahimik lang si Zelle dahil hindi rin ata niya inasahan iyong tanong ni May.



hahaha. Biro lang iyon Zelle noh. Ikaw talaga. Tayo na nga.



Sabay bawi ni May sa tanong niya. Na realize niya ata na medyo masakit iyong tanong niya kay Zelle.



Its okay May. Totoo naman talaga iyong sinabi mo.



Tumahimik kaming tatlo dahil sa naging sagot ni Zelle. Napatingin lang kami sa kanya.



Ayoko talaga siyang makita. Ewan ko ba. Siguro natatakot lang akong masaktan. hehe.



Alam kong nasasaktan na talaga si Zelle pero pinilit niya paring tumawa.



Tayo na?



Tanong niya samin lahat.



Tumango lang kami saka kami pumasok ng kotse ko. Si Zelle nasa front seat, si Aya naman at si May nasa
back seat.



Dahan dahan lang ako sa pagmaneho dahil baka maulit na naman iyong nangyari saming tatlo ni Aya ata
May habang papunta kami ng mart.



Pero napansin ko sa rearview mirror na kanina pa talaga hawak ni Aya at ni May ang mga phone nila. Si
Aya para pang baliw na tumatawa mag-isa na para bang may kumikiliti sa kanya.



Okay ka lang?



Tanong ko kay Aya.



Oh! Okay lang ako Mia. Concentrate ka lang diyan sa pagdadrive. hehe.



Ano ba iyang pinapanood mo?



Tanong ko ulit sa kanya.



Wala akong pinapanood.



Eh anong ginagawa mo?



Nagtetext. hehehe



Sinong katext mo?



Si Jerome.. hehehe..



Nagulat ako sa sagot niya. Literal na may hugis puso iyong mga mata ni Aya habang sinambit niya iyong
pangalang Jerome.



Tinignan ko si May gamit ang rearview mirror.



Ikaw May? Huwag mong sabihing katext mo si Mark?



Tanong ko sa kanya.



Yup.. May problema ba don?



Actually wala namang problema kaya lang eh nagulat ako. Kelan pa sila nagpalitan ng number? Don kaya
nong minsan kaming magkita sa cafe?



Tinamaan na talaga tong si Aya at si May.



Kung sila lolokohin nong magkapatid na iyon. Makikipagpatayan talaga ako.



Lumipas ang ilang minuto at nakarating na kami sa tapat ng gate nila Zelle.



Pasok na muna kayo.



Pag-aayaya ni Zelle.



Huwag na Zelle ihahatid ko pa tong si May at Aya eh.



Ganun ba. Sige ingat kayo pauwi ha.



Nagwave si Zelle samin at nagwave nadin kami pabalik.



Inihatid ko na din si May at Aya bago ako umuwi sa bahay namin.



Good evening po Maam.



Bati ni Ata Kate sakin pagdating ko ng bahay.



Good evening din Ate Kate. Anong ulam? Nagugutom na ako.



Tanong ko kay Ate Kate. Dahil sa sobrang pagmamadali ni Zelle na umuwi hindi na kami nakapag dinner
man lang.



Ahh hindi po ako nagluto Maam eh. Sabi po kasi ng Mommy at Daddy niyo eh sa labas daw kayo kakain
ngayon.



Ganun ba? Asan po sila ate?



Nasa room po nila.



Tumango lang ako saka ako umakyat. Dumeretso na ako sa room nila Mama at Papa.



*tok* *tok*



Ma? Pa?



Binuksan naman agad ni Daddy iyong pinto nila.



Andito ka na pala Maybelline. Kanina ka pa namin hinintay.



Sabi ni Daddy.



Hindi na ako pumasok dahil si Mommy na iyong lumabas ng kwarto.



May okasyon po ba? Sino pong may Birthday? Sigurado akong hindi tayo iyon.



Sabi ko sa kanila. Malayo pa iyong birthday ko. Tapos kina Mama at Papa naman eh tapos na nong isang
buwan.



Walang may birthday anak. Gusto ka lang naming makadinner ng Mommy mo. Matagal nadin kasing
hindi tayo nakalabas para kumain.



Sabi ni Daddy.



Ang totoo niyan. Lumalabas lang kami ng parents ko pag may okasyon. Gaya ng valentines day,
birthdays o kung ano pa. Minsan ko nga lang silang makasalo sa hapunan eh. Sobrang laki ng dining table
namin pero ako lang mag-isa ang parating kumakain. Alam niyo iyong pakiramdam na iyon?
Nakakalungkot talaga. Ganun sila ka busy.



Sobrang saya ko ngayon dahil naglaan talaga sila ng oras para naman makapag dinner kaming tatlo.



Really Dad? Wow! This is great. Tayo na? Im hungry na eh.



Ngumiti si Daddy at Mommy sakin.



Sobrang excited akong umalis ng bahay namin. Gamit namin iyong kotse ni Dad. Sobrang tagal nadin
akong hindi nakapasok dito.



Nasa front seat si Mommy at nasa backseat ako.



Family Night!



As usual don na kami pumunta sa favorite restaurant namin.



Si Mommy na din iyong nag-order ng food namin.



Ma, Pa, sobrang thank you talaga sa dinner nato. Hindi niyo talaga alam kung gaano ako kasaya.



Sabi ko sa parents ko habang abot tenga naman iyong ngiti ko.



Youre welcome baby. Im sorry talaga dahil wala kaming time ng Mommy mo para sayo. Alam naming
mas importante na bigyan ka namin ng oras kesa sa mga materyal na bagay kaya were really sorry.



Sabi ni Daddy sakin.



Its okay Dad. I know naman na kaya kayo nagtatrabaho ni Mommy dahil mahal niyo ako. Dont worry
din Dad dahil kahit na hindi niyo man kayang ibigay sakin ang buong time niyo, ramdam na ramdam ko
naman iyong pagmamahal niyo para sakin.



Kinurot ako ni Mommy sa pisngi.



Ang swerte namin ng Daddy mo sayo Maybelline.



Pagkatapos ng ilang minuto dumating nadin iyong order namin. Sobrang dami ng inorder ni Mommy.
Para talagang may importanteng okasyon.



Bat andami Ma?



Tanong ko kay Mommy.



Mukha kasing pumapayat kana kaya dinamihan ko na.



Sagot ni Mommy sabay smile.



Sobrang namiss ko talaga ang mga pagkain dito sa restaurant. Mahigit isang buwan na akong hindi
nakapunta dito. Sobrang dami kong nakain. Kinalimutan ko na iyong etiquette ng pagkain. haha



Dahan dahan lang Maybelline..



Sabi ni Mommy sakin saka tumawa.



Sorry Ma, sobrang namiss ko lang talaga iyong pagkain.



Sagot ko kay Mommy.



Alam mo Maybelline, naisip namin ng Daddy mo na you need someone na to take care of you.



Sabi ni Mommy out of somewhere.



Im okay Ma. Andiyan naman si Ate Kate eh at inaalagaan niya din naman ako.



Sabi ko kay Mommy.



Thats not what I meant Maybelline. Gusto namin ng Daddy mo na may isang taong magmamahal sayo
katulad ng pagmamahal namin ng Daddy mo sayo, may mag-aalaga sayo.



Hindi ko talaga gets iyong sinabi ni Mommy.



Why Ma? May pupuntahan ba kayo ni Daddy?



Tanong ko sa kanya.



Tell her everything hon.



Sabi ni Daddy kay Mommy.



Naalala ko iyong sinabi sakin ni Kevin kanina na may sasabihin si Daddy at Mommy sakin. Ito na ba
iyon?



Kaya ba sila nakipag dinner sakin dahil may sasabihin sila sakin?



Maybelline, iyong University na pinapasukan mo..



Pagsisimula ni Mommy.



Yes Ma? Im listening.



Huminga na muna ng malalim si Mommy.



Matagal na kaming magkaibigan ni Auroa anak, si Aurora iyong Mommy ni Kevin. Ang may-ari ng
Livingstone University. Medyo may financial problem sila sa kompanya nila kaya humingi siya ng pabor
sakin. Gusto nilang makipag merge sa company natin pero hindi kami pumayag ng Daddy mo.



Nagkaroon ng financial problem si Maam Choi? Ibig sabihin apektado din si Kevin.



Ano pong mangyayari kung hindi po maaagapan iyong problema nila?



Tanong ko kay Mommy.



Mababankrupt sila at mawawala lahat ng meron sila. Including the University.



Napatakip ako sa bibig ko gamit ang dalawang palad ko. Ang sakit non.



Bakit hindi niyo siya tinulungan Ma?



Dahil maaapektuhan din kami ng Daddy mo anak if papayag kami ng ganun lang. Pero dahil may
pinagsamahan din naman kami ni Aurora kahit papano, your Dad ask her kung anong makukuha namin
in return kung sakaling papayag kami sa merging ng dalawang kompanya.



Wala talaga akong alam sa takbo ng business namin kaya hindi ko masyado maintindihan kung anong
sinasabi ni Mommy.



Ang alam ko lang eh iyong salitang merge.



So? Anong offer nila Ma?



Aurora offered his son.



Question mark iyong laman ng utak ko. Son? Ibig sabihin non eh anak diba? So si Kevin?



Anong magagawa ni Kevin? Hindi ko talaga gets.



Hindi ko po gets Ma.



Pagsasabi ko ng totoo kay Mommy.



Sinabi ni Aurora kailangan niyo daw magpakasal ni Kevin. Tinanong ko kung anong benefits non, sabi
niya kung kayo daw ang magkakatuluyan, mas lalo daw lalago ang kompanya natin dahil nadin sa tulong
ni Kevin. Nagsearch ako tungkol kay Kevin at nalaman kong may reputasyon siya sa University na hindi
ko gusto.



Naalala ko iyong inihatid ako ni Kevin sa bahay namin. Kaya pala parang kilala na ni Mommy si Kevin
dahil pala niresearch niya talaga to.



Hindi kami pumayag ng Daddy mo pero pagkatapos kong makilala ng lubusan si Kevin. Nalaman kong
may kabutihan din pala sa puso niya. At nakita ko kung pano ka niya alagaan.



Tumahimik lang ako habang nagkukwento si Mommy.



Kaya napagpasyahan namin ng Daddy mo na ipaubaya ka na sa kanya. Mas magkakaroon siya ng oras
para sayo anak at mas maaalagaan ka niya.



Pagpapatuloy ni Mommy.



Ahhh!!



Ganun ba?



Kasal?



Kung sabihin ni Mommy iyon parang hindi big deal.



Kasal iyon diba? Ibig sabihin non nasa iisang bubong lang kami ni Kevin. Magsasama na kami araw araw.
Tapos..




Waaa!!!



Mababaliw na ata ako nito.



Ito na nga iyong tinutukoy ni Kevin kanina. Ngayon naiintindihan ko na iyong lahat.



Siguro nga dapat na akong pumayag..



Naalala ko iyong sinabi ni Kevin.



So Ma? Pumayag na ba si Kevin?



Tanong ko kay Mommy.



Sabi kasi ni Kevin eh siguro lang naman diba? Hindi naman talaga niya sinabing pumayag na siya talaga.



Tumawag siya sakin kanina bago ka nakarating ng bahay. Magkikita pa kami ulit bukas pero pumayag
na siya.



Sabi ni Mommy.



Syempre natuwa ako sa loob loob ko dahil pumayag na si Kevin na magpakasal kaming dalawa. Hindi
lang naman talaga kami iyong makakakuha ng benefits kundi pati nadin iyong family nila diba?



Pero hindi rin mawala iyong pag-aalala ko. Iyong pangamba ko.



Kasal na iyong pinag-uusapan namin.




Kasal na iyong papasukan namin.



Hindi iyon basta basta lang.



Pano kung hindi magiging successful iyong kasal namin?



Andaming pumasok sa utak ko. Tama ba talaga iyong papasukan namin?



Ma? Tama ba talaga iyong gagawin namin?



Tanong ko kay Mommy.



Yes anak. Mas makakabuti iyon hindi lang para sa negosyo nila kundi para nadin sayo. Gusto naming
ligtas ka palagi anak, at si Kevin lang iyong makakatulong samin ng Daddy mo. Isa pa, alam ko namang
gusto mo si Kevin.



Pero pano kung hindi ako gusto ni Kevin Ma? Pano kung napilitan lang siya? Pano kung pagdating ng
araw sabihin niyang ayaw na niya?



Nong nag-usap kami ni Kevin Maybelline, nakita ko talaga na may nararamdaman siya para sayo.
Siguro hindi pa ganun ka lalim pero baka pagdating ng araw mas lalo pang lumalim iyon. Syempre araw
araw na kayong magsasama.



Hindi ko pa kailang sumagot ngayon. Ayoko pang pumayag pero ayoko ring humindi. May oras pa naman
ako para makapag isip diba?



Kailangan ko pa ng panahon.



Gusto kong pag-isipan ang lahat ng to.



Ayokong magmadali dahil ayokong magkamali.



Hindi lang naman kami lang ni Kevin iyong dapat pag-isipan. Pati nadin iyong mga tao sa paligid namin.
Sina Axel at Kevin.



Haayyy!!



Arrange Marriage!!



Kahit sa panaginip ko hindi ko talaga naisip na aabot sa punto na magiging ganito.




Chapter 31: Deal





Maybelline?



Tinawag ako ni Daddy dahil nawala yata ako sandali sa mundo namin.



Yes Dad?



Pumapayag ka na ba?



Tanong ni Daddy sakin.



Papayag na ba ako? Nalilito ako.



Sobrang nalilito talaga ako.



Hindi naman talaga ako mahal ni Kevin diba? Si Zelle iyong gusto niya. Si Zelle iyong first love niya.



Pano kung sa kalagitnaan marealize ni Zelle na hindi na pala si Axel iyong gusto niya at si Kevin na pala?



Tapos nakatali na si Kevin sakin.



Ano na ang mangyayari sa love story nila?



Ayokong maging kontrabida sa kahit na anong love story. Ayoko!!



Ugghh!! I dont know Dad. What if hindi mag work out young marriage namin? What if may iba pa
siyang gusto? What if..



Andami kong what ifs..



Hindi mo naman kailangang magmadali anak. Madami ka pang panahon para makapag-isip. Isa pa,
hindi rin naman malaking wedding ang kasal niyo ni Kevin dahil ayaw naming ipag sigawan sa buong
mundo na kasal na kayo ni Kevin.



What do you mean Mom?



Ang daming laman ng utak ko. Sobrang dami ng iniisip ko at sobrang dami ng hindi ko talaga
maintindihan.



Napag-isipan namin ng Daddy mo na mas mabuti kung civil wedding nalang muna sa ngayon. Mas
makakabuti din para sa inyo ni Kevin na kung sekreto nalang muna ang tungkol sa inyo.



Tama nga si Mommy. Mas mabuti kung walang makakaalam na ikakasal na kami ni Kevin. Sa tingin ko
din mas makakabuti kung walang makaalam pag kasal nadin kami. Para nadin iyon sa ikabubuti namin at
sa mga taong nasa paligid namin kagaya nalang ni Zelle at Axel.



In time baby, ikakasal din kayo ulit ni Kevin sa simbahan..



Sabi naman ni Daddy.



What if Ma, maghihiwalay din kami ni Kevin dahil hindi naman talaga niya ako mahal? O baka naman
marealize ko in the middle na hindi ko pala talaga mahal si Kevin. Baka infatuation lang tong
nararamdaman ko sa kanya?



Kahit na alam kong gusto ko talaga si Kevin, hindi naman ako sigurado na mahal ko na talaga siya.
Masyado pang maaga para sabihin ko na mahal ko na talaga siya.



What if dahil sa arrange marriage na to, malaman niyong dalawa na mahal niyo talaga ang isat isa?
Pano kung mahulog ang loob niya sa isat isa habang nagsasama kayo araw araw. Pano kung kayo talaga
ang nakatadhana para isat isa anak?



Tanong ni Mommy sakin.



Nakakalito. Paano lang naman diba?



Ma, Pa, I think kailangan ko pa ng oras para makapag-isip. Excuse me lang po muna. Dont worry po
uuwi po ako agad sa bahay.



But baby gabi na. 10 PM. Baka kung anong mangyari sayo sa labas. Mahirap na. Madaming
masasamang loob na nagkalatan diyan.



Sabi ni Daddy sakin.



I can take care of myself Dad. Gusto ko lang talaga munang mapag-isa para makapag-isip.



Sigurado ka ba diyan anak?



Tanong ni Mommy. Tumango lang ako bilang tugon ko sa kanya.



Hayaan nalang muna natin siya hon. She needs time and space.



Sabi ni Mommy kay Daddy.



Wala nading ibang nagawa si Daddy kundi ang pumayag.



Tumayo na ako at umalis at iniwan ang parents ko. Hindi naman sa hindi ko sila nirerespeto. Kailangan
ko lang talaga ng oras para sa sarili ko. Para makapag-isip.



Naglakad lakad ako habang sumasalubong sakin ang malamig na hangin. Kung alam ko lang talaga na
ganito kalamig sa labas, nagdala nalang sana ako ng jacket. Malapit ng mag 10 PM kaya malamig na ang
paligid.



Niyakap ko lang ang sarili ko habang patuloy parin ako sa paglalakad. Madami pa ding tao kaya hindi ako
makakapag-isip nito ng maayos.



San ba ako pupunta?



Wala akong plano kaya hindi ko alam kung san ako pupunta.



May dala naman akong pera dahil dinala ko iyong bag ko.



Kakain ba ako?



Pero kakakain ko lang.



Gusto ko lang pumunta sa isang tahimik na lugar.



Iyong ako lang.



o di kaya iyong konti lang iyong tao para naman makapag-isip ako ng maayos.



Naisipan kong pumunta ng park. Hindi na siguro madami ang tao don dahil gabi na. Nilakad ko lang ang
park dahil malapit lang din naman iyon.



Habang papalapit ako sa park, kitang kita ko na iyong mga ilaw sa poste ng park. Maliwanag parin pala
kahit gabi na.



Nong huli kong pagpunta dito kasama sina May at Aya sobrang dami ng tao. Halos wala na nga kaming
maupuan na bench. Pero ngayon bakante lahat ng bench at ang tahimik.



Oh?



Hindi pala lahat dahil may isang bench na may nakaoccupy. Isang lalaking nakayuko.



Lasing kaya iyon?



Oh baka naman malaking problema?



Iniwan ng girlfriend?



Walang pera?



Bumagsak sa school?



Namatayan?



Ano kayang problema nong lalaking iyon at parang pinasan niya sa balikat niya iyong buong mundo.



Hmm..



Andami palang problema dito sa mundo at lahat ng tao may problema. Pati narin ako. Pero ano kayang
problema nong mamang iyon?



Maki-echos nga.



Naglakad ako papunta don sa bench na katabi ng lalaking nakayuko.



Nakatapat sa kanya ang ilaw ng poste kaya kitang kita ko siya kahit nasa malayo pa ako.



Pero habang papalapit ako ng papalapit sa kanya.



Napagtanto ko na parang kilala ko ang lalaking to.



Si Kevin kaya to? O baka naman kafigure niya lang?



Mas lalo pa akong lumapit don sa lalaki hanggang sa nakaupo na nga ako sa bench na katabi ng
inuuupuan niya.



Nakayuko kasi siya kaya hindi ko masyado makita iyong mukha niya.



Si Kevin kaya to?



Pero ano namang gagawin niya dito mag-isa eh narinig ko may party daw pagkatapos nong game.



Baka hindi talaga si Kevin to.



Pero pano naman kasi kung si Kevin to?



Tawagin ko kaya? Wala naman siguro mawawala sakin kung tatawagin ko tapos hindi talaga siya si
Kevin.



Mapapahiya lang ako pero sanay din naman ako don.



Kevin? Ikaw ba iyan?



Hindi lumingon iyong lalaki. Nakayuko parin siya. Baka hindi nga si Kevin.



Makaalis na nga. Baka kung ano pang gawin ng mamang to si Kevin.



Tumayo na ako at maglalakad na sanapapalayo pero bigla nalang akong tinawag nong lalaki.



San ka pupunta Maybelline?



Sa loob loob ko natuwa talaga ako dahil si Kevin pala talaga iyong lalaki.



Aalis na sana ako. Akala ko kasi hindi ikaw si Kevin. Hindi ka naman kasi lumingon nong tawagin kita.



Sabi ko sa kanya. Nakayuko parin siya na para bang iyong sahig iyong kinakausap niya.



Maupo ka muna.



Sabi niya na para bang siya iyong may-ari ng bench dito sa park.



Bumalik din naman ako sa upuan ko.



Anong ginagawa mo dito? Diba may party pa kayo?



Tanong ko sa kanya.



Hindi ako sumali. Wala ako sa mood para sa party. Andami ko pa kasing dapat isipin. Andaming
problema.



Sagot niya.



Ahhh..



Ikaw anong ginagawa mo dito?



Tanong niya sakin.



Gusto ko lang sanang mapag-isa. Makapag-isip isip.



Sorry. Sige aalis na ako para naman makapag-isip isip ka ng maayos.



Tatayo na sana siya pero pinigilan ko siya.



Huwag..



Napatingin lang siya sakin.



Alam ko na pala.. Sinabi na ng Mommy at Daddy ko kanina..



Hindi siya nakasagot.



Tahimik lang kaming dalawa. Nakakabingi pala ang sobrang katahimikan. Iyong parang wala ka ng ibang
marinig.



Nakatingin lang ako sa paligid.



Walang katao tao iyong park. Sobrang opposite pag hapon.



Kapag hapon sobrang daming batang naglalaro dito, nagtatakbuhan pero ngayon wala talaga. Kami lang
ni Kevin ang andito tapos ang tahimik pa namin.



Anong desisyun mo?



Biglang tanong ni Kevin sakin.



Anong desisyun ko?



Hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Kevin dahil hindi ko talaga alam kung anong desisyon ko.



Gusto kong pumayag pero kung papayag ako napakaselfish ko naman. Pero kung hindi ako papayag
mababankrupt din naman iyong kompanya nila Kevin.



Ang totoo hindi ko alam. Nasa gitna pa ako ngayon. Ikaw nakapag-isip ka na ba?



Tanong ko sa kanya.



Matagal din bago siya sumagot.



Tumingin lang siya sa taas. Sa mga kuminikinang na mga bituin.



Alam mo minsan, naisip ko na san anaging bituin nalang ako. Palaging kumikinang na parang walang
problema. Tinitingala ng marami at hinanahap kapag hindi nakikita sa kalangitan.



Hindi ko masyadong gets kung anong ibig sabihin ni Kevin don pero hindi na ako sumagot dahil wala din
naman akong maisagot sa sinabi niya.



Pumayag na ako Maybelline..



Sabi nalang niya bigla..



Sinabi din ni Mommy kanina sakin na pumayag na si Kevin pero iba iyong effect ng pagpayag ni Kevin
dahil sa kanya mismo iyon galing.



Parang gusto ko narin pumayag dahil pumayag siya.



Inisip ko talaga ng husto to.



Pagpapatuloy niya.



Pwede ko bang malaman kung anong dahilan at bakit napapayag ka?



Tanong ko sa kanya.



Sa totoo lang curious din talaga ako kung ano talaga ang nagtulak kay Kevin para pumayag siya.
Eh alam ko naman si Zelle talaga ang gusto niya.



Madami..



Pagsisimula niya.



Nong sinabi iyon ni Mommy sakin hindi talaga ako makapaniwala. Pano ba naman kasi eh hindi na uso
ang arrange marriage na iyan. Akala ko talaga nagbibiro lang si Mommy. Niloloko niya lang ako pero
hindi pala. Totoo pala talaga. At sa lahat ba naman ng babaeng andito sa mundo ikaw pa..



Tumawa siya ng mahina pero iyong pilit.



Naisip ko non na tadhana ba talaga ang nagdala satin sa ganito? Tayo ba talagang dalawa ang
tinadhana?



Hindi ko din alam kung anong sagot sa tanong ni Kevin. Pero hindi ko alam na naniniwala din pala ang
mga lalaki sa tadhana?



Tahimik lang ako habang pinapakinggan siya.



Pero inisip ko din iyong taong pwede nating masagasaan dahil lang sa desisyun ng mga magulang natin.
Si Axel at si Zelle.



Akala ko ako lang iyong nag-iisip kina Axel at Zelle pero pati din pala si Kevin.



Gusto ka ni Axel Maybelline at sinabi niya mismo sakin iyon. Ang totoo hindi ko talaga alam kung
anong magiging reaksyon niya pag nalaman niyang ikakasal na tayo.



Hinintay ko talaga na sabihin ni Kevin na gusto niya din si Zelle pero hindi niya talaga sinabi iyon. Ayaw
niya sigurong masaktan ako. Akala niya siguro hindi ko alam na gusto niya si Zelle.



Pero kung hindi ako papayag. Sina Mommy naman iyong malalagay sa alanganin. Mawawala ang lahat
ng pinaghirapan niya. Dugo at pawis ang pinuhunan nila Mommy at Daddy sa kompanya at sa
Livingstone University.



Bigla akong nakaramdam ng awa at ng guilt para kay Kevin.



Kung pakiramdam ko nasa gitna ako sa pagpayag at hindi pagpayag at nahirapan ako ano pa kaya si
Kevin?



Hindi naman talaga niya ako mahal para pumayag siya na magpakasal sakin pero kung hindi niya ako
pakakasalan, ang pamilya naman niya ang mapupunta sa alanganin.



Hayy!!



Napabuntong hininga nalang ako.



Pero pumayag na si Kevin diba?



Pero bakit parang naguiguilty talaga ako?



Maybelline..



Tinawag ulit ni Kevin ang pangalan ko.



Lumingon lang ako sa kanya. Akala nakatingin parin siya sa taas pero nakatingin na pala siya sakin.
Tinitigan niya ako sa mga mata ko at ako din naman.



Nagkatitigan lang kami sa isat-isa.



Ano iyon?



Tanong ko sa kanya.



Isang taon...



Question mark ulit ang laman ng utak ko. Isang taon? One year?



Ano iyon?



Isang taon?



Tanong ko sa kanya at tumango lang siya.



Isang taon.. Bigyan natin ang sarili natin ng isang taon.. Kung papayag ka sa desisyun ng mga magulat
natin, gawin natin lahat sa loob ng isang taon. Sabi kasi ng Mommy mo civil wedding iyong kasal.
Pagkatapos ng isang taon, dalawa lang ang maari nating puntahan...



Medyo gets ko iyong ibig niyang sabihin ni Kevin.



Pero hinayaan ko nalang na siya iyong magsalita.



Annulment o kasal sa simbahan..



Magpapakasal kami ni Kevin.



Gagawin namin ang lahat para sa marriage namin.



Pagkatapos ng isang taon, pag naging fruitful ang pagsasama namin magpapakasal ulit kami sa
simbahan...



pero kung wala talagang mangyari sa loob ng isang taon magpapa annul kami..



Isang taon?



Tanong ko ulit kay Kevin.



Huwag kang mag-alala dahil gagawin ko naman ang lahat para mag work iyong relationship natin.
Pipilitin ko talaga..



Sabi ni Kevin.



Tumango lang ako.



Sige pumapayag na ako. Gagawin ko din ang lahat para sa marriage natin.



Tumango lang si Kevin.



Pero iyong mga taong nasa paligid natin. Sina Axel? Sina Zelle?



Tanong ko sa kanya.



Mas makakabuti kung ililihim muna natin ang lahat sa kanila.



Tama si Kevin. Mas mabuti kung hindi na muna nila malalaman ang lahat.



So ano? Deal?



Tumayo si Kevin at inabot ang kamay niya sakin.



Deal..



Tumayo din ako at nakipag shake hands sa kanya.



Isang taon..



Sa loob ng isang taon andaming pwedeng mangyari..



Lalo na titira kami sa iisang bubong.



Mababago ko kaya ang puso ni Kevin?



Mas lalo bang mahuhulog ang loob ko sa kanya?



Magiging successful ba ang marriage namin at sa simbahan ang magiging hantong namin?



O sa annulment?



Arrange marriage ba ang sagot samin ni Kevin?


Chapter 32: Secrets




Dito nalang ako. Salamat sa paghatid.



Sambit ko kay Kevin pagdating namin sa tapat ng gate ng bahay namin. Tumango lang siya at naglakad
narin papalayo sakin habang nasa loob ng bulsa niya ang dalawang kamay niya.



Dahan dahan ng nagsisink-in sa utak ko iyong naging deal namin ni Kevin. Isang taon ng pagsasama sa
iisang bubong. Dalawa lang din iyong kalalagyan namin pagkatapos. Annulment o kasal sa simbahan.



Kung mapupunta kami sa annulment ni Kevin, mahabang proseso pa iyon pag nagkataon. Kailangan
kong makasiguro na hindi kami masyadong maaapektohan kung diyan man kami tutuloy pagkatapos ng
isang taon. Kailangan kong makausap si Mommy tungkol dito.



Dahil hindi ko dala iyong susi namin nag doorbell na ako.



*ding* *dong*



Good evening Maam.



Pinagbuksan naman agad ako ni Ate Kate.



Good evening din ate. Sila Mommy po?



Nasa sala po hinihintay po iyong pagbalik niyo.



Pumasok na ako sa bahay namin at nakita ko agad sina Mommy at Daddy.



Anak..



Tumayo agad si Mommy at sinalubong ako.



Nakapag-isip isip ka na ba Maybelline?



Tanong ni Daddy sakin.



Naupo na ako sa couch namin kaharap ni Daddy.



Actually po Dad nagkita po kami ni Kevin kanina sa park. Naabutan ko po siya dong nag-iisip.



Pagsisimula ko..



Then? What happened?



Excited na tanong ni Mommy.



Nakapagsunduan po namin na pumayag sa gusto niyo. Sabi po niya gagawin po namin ang lahat ng
makakaya namin para mag last iyong marriage sa loob ng isang taon. Pero kung hindi talaga, annulment
iyong uwi namin.



Pagkukwento ko sa parents ko.



Pano kung ma iinlove kayo sa isat isa anak?



Tanong ulit ni Mommy.



Magpapakasal daw po kami sa simbahan.



Halos umabot na sa tenga ni Mommy iyong lapad ng ngiti niya.



Ako iyong kinikilig para sa inyo Maybelline.



Sambit pa ni Mommy.



Nakakatawa talaga itong si Mommy oh.



But Ma, kung matutuloy kami ni Kevin sa annulment? Eh di hassle iyong hindi lang para sa kanya kundi
para narin sakin.



I know anak pero gagawin niyo naman lahat diba para mauwi kayo sa simbahan?



Tumango lang ako kay Mommy.



Pero Ma, Pa, gusto ko lang makasigurado.



What do you mean Maybelline?



Tanong ni Daddy sakin.



Sinabi ko sa kanila iyong plano ko.



Sigurado ka ba diyan talaga anak?



Tanong sakin ni Mommy pagkatapos kong sabihin sa kanila iyong sinabi ko.



Yes Ma. Tayo lang naman ang makakaalam eh. Sige na please?



Dad? Please pumayag na kayo.



Ginamit ko talaga iyong puppy eyes, pouty lips and kaawa-awang mukha sa parents ko para pumayag
sila.



Fine Maybelline. Hindi madali iyang pinapagawa mo pero sige.



Sabi ni Daddy.



Thanks Dad. Thanks Mom.



Dahil sa sobrang tuwa ko niyakap ko silang dalawa.



Dont worry Ma, Pa. Gagawin naman namin lahat para sa kasal iyong uwi namin ni Kevin.




...




Back to Livingstone University na ulit. Pakiramdam ko ilang buwan iyong bakasyon namin dahil sa
sobrang dami ng nangyari.



Good morning Mia!!



Bati sakin ni May at Aya pagdating ko sa room namin.



Good morning din. Si Zelle wala pa ba?



Tanong ko sa kanila.



Andito na siya pumunta lang ng comfort room. Bakit? May sasabihin kaba sa kanya?



Tanong ni Aya.



Inilagay ko na iyong bag ko sa upuan ko saka ako umupo.



Wala naman pero sa inyo may sasabihin ako.



Sabi ko sa kanila.



Ano iyon? Ano iyon? Bilisan mo na. Sabihin mo na.



Sabi ni May habang iniyugyog niya iyong balikat ko.



Excited lang? Di ba pwedeng makahintay ka na muna?



Sabi ko sa kanya.



Ay sorry nadala lang eh. Tungkol san ba iyang sasabihin mo?



Tanong ulit ni May na ngayon eh kalmado na.



Ano kasi.. Basta ha? Huwag niyo sabihin to kahit na kanino ha? Secret lang natin to.



Pabulong na sabi ko sa kanilang dalawa.



Idinikit naman ni May at Aya ang mukha nila sa mukha ko para wala talagang ibang makarinig sa
magiging usapan namin.



GOODMORNING MIA!!



Nagulat kaming tatlo pagkatapos naming marinig nag boses ni Zelle.



Kung kanina magkalapit talaga iyong mga mukha namin ngayon balik normal ulit kami.



May problema ba?



Tanong ni Zelle na medyo nakakahalata na.



Ahh wala naman. hehehe. Nagkukwentuhan lang naman kami ng horror stories. hehe. Goodmorning
din pala Zelle!



Pagsisinungaling ko kay Zelle.



Im sorry Zelle pero hindi mo pa talaga pwedeng malaman ang tungkol dito.



Naupo na si Zelle sa upuan niya.



Mamaya nalang!



Bulong ko kina Aya at May.



Tumango naman sila na parang na gets nila iyong sinabi ko.



Kamusta na pala iyong braso mo Zelle?



Tanong ko sa kanya.



Ahh.. Pinuntahan ako ni Tito kahapon. Sabi niya baka next week pwede ng tanggalin ang cast ko.



Mabuti naman kung ganun. Para naman hindi ka na mahirapan. hehe



Dahil maaga kami ngayon, nagkaroon pa kami ng ilang minuto ng pagkukwentuhan.



Ms. Park may naghahanap sayo!!



Sigaw nong kaklase namin.



Sino?



Tanong ko sa kanya pero nag sign lang siya na hindi niya alam.



Saglit lang ha. Pupuntahan ko lang.



Paalam ko kina Aya, May at Zelle.



Tumayo ako at tinungo iyong pintuan namin.



Nakita ko iyong isang schoolmate namin na hindi ko kakilala.



Ikaw po ba si Maybelline Mia Park?



Tanong niya sakin.



Tumango lang ako.



Para sayo..



Sabi niya sabay abot ng isang bouquet ng roses.



Ano iyan?



Tanong ko sa kanya.



Bulaklak.


Sa ekspresyon ng mukha niya sigurado akong hindi sa kanya galing iyong bulaklak. Nakapoker face lang
ito at parang atat na atat ng umalis.



I mean kanino galing?



Tanong ko ulit sa kanya.



Makikita mo iyong pangalan niya sa card.



Sagot naman niya.



Tiningnan ko iyong card dahil nasa harap naman iyon at nakapatong sa bulaklak.



Have a nice day ahead! - Axel



Hindi ko talaga to pwedeng tanggapin. Bukod na masasaktan pa si Zelle nakakahiya kaya magbitbit ng
isang bouquet ng bulaklak habang naglalakad ka sa school ground. Lahat ng tao magtitinginan sa inyo.



Pakibalik mo nalang muna iyan sa kanya.



Nag-iba iyong mukha ng lalaki. I swear hindi talaga maipinta iyong mukha niya. Kung kanina naka poker
face lang siya ngayon parang maiiyak na siya pagkatapos kong sabihin iyon.



Please naman po. Kunin niyo na po. May mangyayari po talaga sakin pag hindi niyo iyan tatanggapin.
Please po..



Kulang nalang talaga eh luhumod iyong lalaki sa harapan ko. Nakakaawa iyong mukha niya.



Cge na nga.



Kinuha ko na iyong bulaklak na hawak hawak niya kanina pa.



Salamat po talag Maam. Salamat po talaga hindi niyo po talaga alam kung gaano po ako kasaya at
tinanggap niyo po iyan. Sige po. Alis na po ako ha. Ingat po kayo.



Saka siya kumaway at naglakad na papalayo sakin.



Ano naman ang gagawin ko dito?



Ano ang sasabihin ko kina Zelle?



Haay!!



Lalabas sanaako para itago sa locker ang bulaklak pero nakita ko iyong professor namin na papunta na sa
room namin.



Wala na akong ibang nagawa kundi ang bumalik sa upuan ko.



WOOAHHH??



Gulat na gulat si May at si Aya pero si Zelle parang walang reaksyon iyong mukha niya. Poker face din
gayanong lalaki kanina.



Kanino galing iyan?



Tanong ni Aya sakin.



Ha? Ahh...ano..ahh..



Kanino?



Tanong naman ni May.



Walang nakalagay eh.



Pagsisinungaling ko.



Palihim kong kinuha iyong card saka ko pinasok sa bulsa ko ng hindi nila alam.



Secret admirer?



Tanong ni Zelle.



hehe. Baka?



Itinabi ko lang iyong bulaklak saka ako naupo.



Dumating nadin iyong professor namin at nagsimula ng magdiscuss.



.



Natapos nadin lahat ng klase namin para sa araw nato. Si Zelle hinihintay namin para sabay na kaming
umuwi. Pumunta pa kasi ng Comfort Room.



Aya, May sasabihin ko na iyong tungkol kanina.



Pagsisimula ko sa kanila.



Alam ko na iyang sasabihin mo Mia.



Sabi ni Aya.



Talaga? Alam mo na? Paano mo nalaman?



Tanong ko sa kanya.



Alam mo Mia..



Nilapitan ako ni Aya saka niya pinat iyong balikat ko.



Kahit na kaibigan kita hindi talaga kita pagbibigyan diyan sa gagawin mo. Alam mo naman na kaibigan
natin si Zelle..



Question mark lang iyong laman ng utak ko.



Anong sinasabi mo Aya?



Tanong ko sa kanya.



Mia, hindi magandang gawain iyang back biting. Kaibigan natin si Zelle at hindi natin siya dapat
pagsalitaan ng masama kapag nakatalikod siya.



Tsk.. Tsk..



Ilang beses tinap ni Aya iyong balikat ko.



Aya hindi iyan ang ibig kong sabihin.



Sabi ko sa kanila.



Eh ano?



Tanong ni May sakin.



Dahil kanina pa kami nakatayo dito para hintayin si Zelle. Napag-isipan na muna namin na maghanap ng
upuan malapit sa kinatatayuan namin.



Mahabang kwentuhan to kaya dapat relax iyong katawan namin. Sana nga lang eh hindi ka mi
maabutan ni Zelle.



Naka arrange marriage na ako.



Pagsisimula ko sa kanila.



Arrange Marriage?



Tanong nilang dalawa sakin na parang gulat na gulat.



Tumango naman ako.



HAHAHA!!



Sabay tawa ng dalawa. Nakakatawa ba iyong sinabi ko?



Arrange Marriage? Uso pa ba iyan? hahaha. Nananaginip ka pa ba Mia?



Hindi parin sila tumitigil sa pagtawa. Nakakainis. Ang sarap nilang iwan. Sana hindi ko nalang sinabi sa
kanila.



Seryoso ako!!



Bulalas ko.



Tumahimik naman sila at natinginan sa isat isa saka sila tumingin sakin.



Seryoso talaga?



Tanong ni May.



Oo nga sabi eh.



Eh kanino naman?



Tanong ni Aya.



Kay Kevin...



Parang hindi parin sila makapaniwala pero hindi na sila tumatawa tulad kanina.



KEVIN???



SHHH!!! Hinaan niyo nga boses niyo baka may makarinig satin.



Saway ko sa kanilang dalawa.



Binigyan lang nila ako ng You have to explain look.



Ganito kasi iyon. Diba kaya tayo nakapasok dito sa Livingstone University dahil sa tulong ni Mommy
Nancy? Magkaibigan kasi si Professor Choi at ang Mommy ko. Tapos nagkaproblema sa company nila.
Konting konti nalang talaga at mag aanunsyo na sila ng bankruptcy.



Pagkuwento ko sa kanila.



Ibig sabihin mawawala iyong University sa kanila?



Tanong ni Aya.



Oo. Ang tanging paraan lang para masalba iyong company nila eh merging ng company nila at company
namin. Humingi sila Daddy ng kapalit bago sila pumayag. Tapos si Kevin naman iyong inoffer ni Professor
Choi kina Mommy.



Tumango tango lang sina Aya at May na parang hinihintay pa nilang mag sink-in sa utak nila iyong sinabi
ko.



So magpapakasal na kayo?



Tanong ni May sakin.



Oo pero huwag niyo nalang sabihin kina Zelle at Axel at sa iba. Secret lang muna to. Masyado pa kasing
complicated.



Pakiusap ko kay May.



Alam mo Mia, baka nangyayari iyan sa inyo dahil talagang destined kayo ni Kevin para sa isat-isa.
Simula pa nong unang pagkikita niyo, nagkagusto ka na sa kanya tapos eh lumipat tayo dito at ngayon
magpapakasal na kayo.



Sabi naman ni Aya.



Sana nga Aya.



Sambit ko naman.



So secret lang natin muna to? Kami lang iyong nakakaalam?



Tanong ulit ni May sakin.



Oo. Tayo lang muna. Malalaman din naman nila eh pero sa takdang panahon.



Sabi ko.



Pero hindi ko sinabi sa kanila iyong pakiusap ko tungkol kay Mommy at Daddy. Kaming tatlo lang ng
parents ko ang dapat na makaalam non.



Alam mo Mia, parang si Zelle nawalan na ng lakas ng loob para ipaglaban iyong pag-ibig niya kay Axel.
Nahihirapan din ako sa tuwing nakikita ko siyang nahihirapan.



Sabi ni Aya.



Pano kaya kung tayo nalang iyong kikilos para sa kanilang dalawa?



Tanong ni May sakin.



Nag-isip isip din ako kagabi pa kung anong dapat na gawin ko kina Axel at Zelle. Hindi naman pwedeng
habang buhay nalang akong suyuin ni Axel. Ngayon pang malapit na akog ikasal kay Kevin.



Ayoko din namang nakikita si Zelle na nasasaktan.



Kung ayaw na talaga ni Zelle, ako iyong kikilos para sa love story nila. Kung pwede kong hingin ang
tulong ni Kevin gagawin ko iyon para lang maging masaya si Zelle. at para nadin maging masaya kami ni
Kevin.



Sana! *crossfingers*



Cge May. Tayo na iyong gagawa ng paraan para sa love story ni Axel at ni Zelle. Malakas kasi iyong
kutob ko na mahal parin ni Axel si Zelle. Hindi nga lang niya alam.



Sabi ko sa kanila.



Kitang kita ko iyong pag-aalala sa mukha ni Axel nong minsang nahulog si Zelle sa practice nila. Galit na
galit siya don sa lalaking hindi sumalo kay Zelle.



Alam ko mahal parin niya si Zelle. Kailangan lang ng konting tulak para magkatuluyan sila.



Combine powers!



Bulalas ni Aya,



Combine powers?



Biglang tanong ni Zelle. Kung san san nalang sumusulpot si Zelle na parang kabote.



Ahh wala.. hahaha..



Sabi ni Aya kay Zelle.



Tayo na?



Tanong ni Zelle samin.



Sige. Pero punta muna tayong starbucks ha. May naghihintay samin ni May don eh.



Sabi ni Aya.



Hindi ko na kailangang isipin kung sino iyong naghihintay kina May at Aya sa starbucks dahil malakas ang
kutob ko na si Jerome at Mark iyon.



Chapter 33: The Day




Mia, sigurado ka bang hindi natin iimbitahin si Zelle?



Tanong ni Aya sakin. Dahil sa sobrang pagka excite nilang dalawa ni May pinagpilitan talaga nila na dito
na matulog sa bahay namin. Malaki naman iyong kama ko kaya kasya kaming tatlo.



Aya nag-iisip ka ba? Kung iimbitahin natin si Zelle, malalaman niya na ikakasal sila ni Kevin. Hello?



Sabi naman ni May kay Aya.



Ayy oo nga pala noh. Mia, tulungan mo naman akong mag-ayos oh.



Sabi ni Aya sakin habang bitbit niya iyong make up kit niya.



Ako nalang iyong mag-aayos sayo Aya.



Sabi ni May sa kanya.



Huwag na kayong magpakapagod. May binayaran naman si Mommy na mag-aayos satin eh.



Sabi ko sa kanila.



Ang totoo niyan ako lang naman talaga iyong dapat na ayusan pero dahil andito na sila eh di isali nadin
sila.



WOW! Talaga Mia? Thank you Mia. Kailangan talaga magiging maganda ako mamaya.



Niyakap ako ni Aya sa sobrang pagkatuwa niya. Nalilito nga ako kung bakit ganito nalang siya kung maka
asta. Parang siya pa iyong mas excited sakin eh.



Aya hindi ikaw ang ikakasal noh. Kung maka arte wagas!



Saway ulit ni May kay Aya.



Eh ano naman ngayon May.



Inirapan lang ni Aya si May.



Oh baka mag-away pa kayo niyan ha.



Sabi ko sa kanila.



*tok* *tok*



Maybelline? Andito na iyong mag-aayos sayo.



Narinig ko iyong boses ni Mommy sa labas ng kwarto ko.



Andiyan na sila! Andiyan na sila!



Bulalas ni Aya saka niya tinungo iyong pinto ng kwarto ko at binuksan iyon.



Siya na talaga iyong excited.



Pumasok naman si Mommy at iyong tatlong bakla. May dala dala din silang mga damit para ata isuot ko
pero hindi naman talaga kailangan dahil may nahanap na akong isusuot sa closet ko kagabi pa lang.



*clap* *clap*



Lets go girls. Ayusan na natin sila para naman matapos na tayo.



Sabi nong isang bakla na nasa gitna. Siya ata iyong leader ng powerpuff girls. Este iyong leader nila.



Iyong leader nila ang nag-ayos sakin tapos iyong dalawa naman eh inayusan sina May at Aya. Si Mommy
nakabantay lang samin at hindi talaga kami iniwan. Natatakot siguro siyang baka gawin kaming kampon
ng tatlong ito. Baka magmukha din kaming bakla sa make up namin.



Pagkatapos ng kalahating oras natapos nadin sila sa pag-aayos ng make up at buhok namin.



Aaminin ko na medyo kinabahan ako kanina dahil baka sobrang kapal ng make up na ilalagay nila. Iyong
pang pageant na make up. Iyong pang bakla talaga pero hindi pala. Sobrang light lang ng make up.
Napakanatural tignan. Feeling mo wala kang suot na make up.



Oh diba mas lalong lumabas iyong beauty mo.



Sabi nong bakla habang hinawakan niya iyong balikat ko.



Nakatitig lang ako sa repleksyon ng mukha ko sa salamin.



Ang ganda ko nga ngayon.



Halika na gurl... Magbihis ka na. Ako iyong pipili ng isusuot mo.



Saka niya ako inalalayan patayo. Pinapili niya ako don sa mga dala niyang damit.



Medyo madami din iyong dinala niya.



Wala ka bang gusto?



Tanong niya sakin.



Uhmm.. Actually may napili na akong damit kagabi eh. Iyon nalang siguro ang isusuot ko.



Patingin ka. Kunin mo muna.



Utos niya sakin.



Kinuha ko naman iyong damit na napili ko. Actually simple lang talaga siya. Isang white dress na
hanggang tuhod ko.



Pinakita ko sa kanya iyong damit na napili ko.



Pwede na ba to?



Tanong ko sa kanya.



Hmmm.. Sige iyan nalang. Mukhang mas maganda naman iyan kesa sa dala ko. Bilisan mo na. Magbihis
ka na.



Tumango lang ako at pumasok don sa banyo ng kwarto ko. Pero bago ako pumasok, sinilip ko muna
kung anong nangyayari kay May at Aya. Hanggang ngayon inaayusan parin sila pero malapit nadin
naman silang matapos.



Nakapagbihis nadin naman silang dalawa. Make up at hair do nalang talaga iyong kulang.



Ito na iyong araw..



Ang pagsisimula namin ni Kevin..



Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko.



Kinakabahan ba ako?



Excited?



Masaya?



Malungkot?



Nangangamba?



Natatakot?



Hindi ko talaga alam. Siguro lahat ng iyan naramdaman ko.



Pagkatapos kong magbihis lumabas nadin ako ng banyo.



OH MY GOD! TE! Ang ganda mo!!



Bulalas nong nagmake up sakin habang tinignan niya ako from head to foot.



Ang ganda mo nga Maybelline!



Sabi ni Mommy saka niya ako niyakap. Hindi naman ako mamatay ngayon pero bakit umiiyak si
Mommy?



Bakit ka umiiyak Ma?



Tanong ko kay Mommy habang nakayakap parin siya sakin.



Hindi lang talaga ako makapaniwala na ikakasal ka na. Pakiramdam ko baby ka pa lang kahapon pero
ngayon ang laki laki mo na.



Nakakatawa talaga si Mommy. Siya naman talaga iyong gusto na magpakasal na ako pero parang ang
kalabasan ngayon ako pa iyong nagpumilit na magpakasal na ako.



Ma, hindi naman ako mamamatay eh.



Saka lang humiwalay si Mommy sakin at pinunasan iyong mga luha niya.



Ang ganda mo naman Mia!



Sabi ni Aya sakin.



Tapos na pala sila sa pag-aayos. Tama nga si Mommy, magaling ang mga baklang nakuha niya. Mas
lalong lumitaw iyong mga kagandahan namin.



Ang ganda mo din Aya. Ikaw din May. hehe.



So ano? tayo na? Baka malate pa tayo eh.



Sabi ni Mommy samin.



Nasa kotse na kami at patungo nadin sa venue kasama si Daddy. Kung kanina medyo nalito ako kung ano
talaga iyong nararamdaman ko, ngayon naman sobra na akong kinakabahan. Baka kasi may nakakakilala
samin tapos ichismis sa iba.



Huwag naman talaga sana..



Excited ka na noh?



Tanong ni May sakin.



Hindi noh..



Hindi ko talaga alam kung excited ba ako o hindi. Basta ano..



Ahh!! Hindi ko talaga maintindihan.



Pagkatapos ng halos isang oras nakarating nadin kami sa venue. Pumasok na kami don sa building at
umakyat sa second floor hanggang sa nakarating kami sa harap ng registry office.



Andun na pala si Kevin at iyong family niya.



Hi darling! You look great.



Bati sakin ni Professor Choi saka niya ako niyakap. Hindi parin pumapasok sa utak ko na magiging Mama
ko nadin siya pagkatapos ng seremonyang ito.



Thank you po Maam.



Mama. Call me Mama Maybelline. Wala tayo sa classroom ngayon.



Cge po... Mama..



Ang awkward!



Nakipagbeso beso din sakin iyong Daddy ni Kevin.



Pumasok na tayo?



Pag-iimbita sa aming lahat ni Daddy.



Ngayon ko lang nakita si Kevin na nakaformal. Pag nasa school lang kasi kami naka uniform lang siya.
Tapos pag wala naman kami sa school naka tshirt at pants lang siya pero gwapo padin naman. Pero
ngayon iba iyong aura niya, ang gwapo niya.



Hi!



Bati niya sakin pagpasok namin ng registry office.



Hello! hehe.



Ang awkward ng ngiti ko. Hindi ko kasi alam kung anong isasagot sa kanya.



Can we start now?



Tanong nong judge samin. Tumango naman iyong parents ko at parents ni Kevin. Magkatabi lang kami
ni Kevin at nakaharap sa judge.



Awkward! Para kaming hahatulan nito.



Pero nagulat nalang ako ng bigla nalang hinawakan ni Kevin ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya pero
hindi siya tumingin sakin. Alam niya siguro na hindi ako komportable kaya ginawa niya iyon.



Family and friends, we welcome you today to witness the marriage of Kevin and Mia. You have shared
and contributed to their lives in the past, and by witnessing their marriage ceremony today, Kevin and
Mia ask you to share in their future.



Sabi nong judge.



Who gives their blessings to this union?



"We do.



Sagot ng parents ko at parents ni Kevin. Pati nadin si May at si Aya.



If anyone present can show just cause as to why this couple may not be legally joined together, you
should now declare it, or hereafter hold your peace.



Wala namang nagsalita pagkatapos sabihin iyon ng judge kaya parang matutuloy talaga ang kasal namin
ni Kevin.



Walang umangal kaya nagpatuloy na iyong judge sa pagsasalita.



Kevin and Mia, I charge and require of you both, as before a bar of justice, and in the presence of these
witnesses, that if either of you know of any legal or moral impediment to this marriage, you do now
reveal the same.



Kevin, do you take Mia to be your wife? Will you love, honour, and cherish her, in good times and in
bad, and do you promise to stay true to her as long as you both shall live?



Tanong nong judge.



Parang ako iyong kinakabahan para kay Kevin.



Pano niya masasabi iyong I Do eh hindi naman talaga ako iyong mahal niya?



Gusto kong sabihin sa kanya na isipin nalang niya na hindi ako iyong kaharap niya. Isipin nalang niya na si
Zelle talaga ang kaharap niya ngayon. Para naman masabi niya iyong magic words na I do.



I do.



Waaa!! Totoo ba talaga iyong sinabi ni Kevin? Pinisil pa niya iyong kamay ko pagkatapos niyang sabihin
iyon.



Ano bang meaning nong pisil na iyon Kevin?



Mia, do you take Kevin to be your husband? Will you love, honour, and cherish him, in good times and
in bad, and do you promise to stay true to him as long as you both shall live?



Kagabi ko pa to pinapractice.



Ang magic words na I do.



Habang nagpapractice ako kagabi ang dali lang talaga sabihin iyon. Walang kahirap hirap. Pero bakit
ngayon para akong napipi bigla? Ayaw ata lumabas nong boses ko.



Maybelline!



Siniko ako ni Kevin. Ibig sabihin nong siko na iyon kailangan ko ng sumagot.



I.. I..I..I.. dddd-oo



Kahit na utal utal iyong pagkasabi ko atleast nasabi ko parin.



Woo!!



Kevin and Mia, may you pledge to each other to be loving friends and partners in marriage. To talk and
to listen, to trust and appreciate one another; to respect and cherish each other's uniqueness, and to
support, comfort, and strengthen each other through life's joys and sorrows. May you promise to share
hopes, thoughts, and dreams as you build your lives together. May your lives be ever intertwined, your
love keeping you together. May you build a home that is compassionate to all, full of respect and
honour for others and each other. May your home be forever filled with peace, happiness, and love.
Kevin and Mia, please face each other and hold hands. Kevin, as you look at Mia, repeat these words
after me:



Sinunod naman ni Kevin iyong sinabi ng judge at tinitigan ako sa mata. Para akong naging yelo sa mga
titig niya. Any minute from now, matutunaw na ako.



Woo!!



I Kevin, take you Mia, to be my wife, to have and to hold, from this day forth, to love, honour, and
cherish, to comfort and respect, in sorrow or in joy, in hardship or in plenty, so long as we both shall
live.



Kung para na akong natutunaw sa mga titig palang ni Kevin lalo na iyong sinabi niya. Alam ko sinusundan
niya lang iyong judge pero bakit parang totoo na iyon?



O guni guni ko lang talaga?



Mia, as you look at Kevin, repeat these words after me:



Sabi nong Judge.



Ako naman ngayon ang tumitig kay Kevin.



Bakit ba ang gwapo mo ngayon?



Uggh!!



I Mia, take you Kevin, to be my husband, to have and to hold, from this day forth, to love, honour, and
cherish, to comfort and respect, in sorrow or in joy, in hardship or in plenty, so long as we both shall
live.



Kahit na sinundan ko lang iyong judge sa pagsalita. Totoo iyong sinabi ko. Mula talaga iyon sa puso ko.


The ring is a symbol of unity into which your two lives are now joined in an unbroken circle; in which,
wherever you go, you will return to one another.



Para akong nasa Math class ko ngayon. Pa tango tango dahil nagegets iyong lesson sa Math. Ngayon ko
lang nalaman na iyon pala ang dahilan kaya singsing ang token sa kasal.



Kinuha ni Kevin iyong singsing saka niya kinuha iyong kamay ko.



Maybelline, I offer this ring as a symbol of my love and devotion. Let it always be a reminder of my
vows to you.



Sabi ni Kevin habang isinisuot niya iyong singsing sa ring finger ko.



Kevin, I offer this ring as a symbol of my love and devotion. Let it always be a reminder of my vows to
you.



Sabi ko kay Kevin habang isinisuot ko iyong singsing sa daliri niya.



And now, for as much as you have made your vows, each to the other, and have declared the same by
giving and receiving your rings, I pronounce that you are husband and wife.



Pinapirma lang kami don sa isang papel tapos iyong witness din meron.



Pagkatapos ng ceremony, pinaalis nadin kami ng judge dahil may iba pa daw na magpapakasal.
Nagmamadali ata iyong judge.



Bumaba nadin kami at lumabas na sa building.



Ang bilis ng oras. Kanina bago kami pumasok sa building maliwanag pa pero ngayon madilim na.
Tinignan ko iyong wristwatch ko, malapit na palang mag 7 PM.



San po tayo pagkatapos nito Ma?



Tanong ko kay Mommy.



Si Aya at si May panay ang ngiti. May nakakatawa ba? Minsan nalilito talaga ako dito sa mga kaibigan ko.



Kami pupuntang restaurant. Kayo ni Kevin aalis.



Sagot ni Mommy.



San po?



Tanong ni Kevin kay Mommy Nancy.



Eto ticket. Mag taxi nalang kayo papuntang airport.



Question mark ulit ang laman ng utak ko. Ano naman ang gagawin namin sa airport?



Ticket para saan?



Tanong ko kay Mommy.



HONEYMOON!!


Chapter 34: Second Night




Hala!!



Wala sa usapan namin ni Mommy at Daddy ang honeymoon. Bakit hindi nila sinabi sakin in advance
para naman makapagprepare ako?



Kunin mo na Kevin anak. Baka mahuli kayo sa flight.



Sabi ni Mommy kay Kevin.



Ang sakit sa tenga nong salitang anak. Cinareer na talaga ni Mommy ha. Mukhang bet na bet niya talaga
si Kevin.



Wala nading ibang nagawa si Kevin kundi kunin iyong ticket na binigay ni Mommy.



Ma, wala po kaming damit..



Sabi ko kay Mommy. Hindi pwedeng susugod nalang kami basta basta sa kung saan tapos wala man lang
kaming pampalit ng damit. Anong isusuot namin?



Dont worry iha dahil inihanda na namin ng Mommy mo iyong luggage niyo.



Waaa!!



Gulat ako don!



Ano to?



Impromptu honeymoon?



Yiieee!! Mia alam naman naming gusto mo iyan eh. Panindigan mo na iyan!! hehehe



Panunukso ni Aya sakin.



Araw mo ngayon Aya. Sa susunod na makikita ko kayo ni Jerome lagot ka talaga sakin.



Cge na..bilisan niyo na..bilis bilis..




Tinulak na ako ni Mommy. Si Kevin din naman tinulak ng Mommy niya. Hindi nadin namin kailangan
pang maghanap ng taxi dahil may naghihintay na palang taxi samin. Planado talaga ang lahat ng to.



Si Daddy naman at iyong Daddy ni Kevin inilagay na sa trunk ng taxi ang maleta namin.



Pumasok na kami ni Kevin sa backseat ng taxi.



Maybelline anak. Kung may mangyari just go with the flow ha. Hindi ako magagalit. hehe



Bulong ni Mommy sakin pagkatapos kong ibaba iyong bintana ng taxi.



Ehh? Mommy kadiri ka talaga. Ang bata ko pa kaya para diyan at isa pa..



Shh! Shut your mouth Maybelline. Just enjoy..



Binigyan lang ako ni Mommy at ni Daddy ng flying kiss.



May binulong din iyong Mommy ni Kevin sa kanya pero hindi ko na narinig dahil masyadong mahina.
Kaya nga bulong diba?



Sina May at Aya naman panay iyong tawa nila. Alam ko talaga pinagtatawanan nila ako at iyong
sitwasyon ko ngayon.



Pagkatapos ng pamamaalam namin sa kanila umalis nadin kami papuntang airport.



Tahimik lang kami ni Kevin habang nasa kotse kami. Gusto kong magstart ng conversation sa kanya pero
hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ang awkward kasi.



Ano ba? Ano bang sasabihin ko? O anong itatanong ko?



Uhmm.. Isip ka Mia.. Isip..



*ting*



Ahh!!



Finally! May naisip na ako..



San pala..



Okay ka..



Uhh!!



Akala ko ako lang iyong nag-iisip kanina kung anong pwedeng sabihin kay Kevin. Pati ata siya nag-iisip
kung pano sisimulan iyong conversation. Sabay pa tuloy kaming nagsalita..



Ikaw muna Kevin..



Sabi ko sa kanya..



Ikaw nalang muna..



Sabi naman niya sakin..



Uhhm.. Itatanong ko lang kung san iyong destination natin? Anong bansa ba?



Siya kasi iyong may hawak ng ticket kaya siya iyong nakakaalam.



Camiguin.



Camiguin? Saang bansa ba iyon? Familiar talaga pero hindi ko alam kung saan iyon.



(AN: Actually wala na pong direct flight trip papuntang camiguin dahil po konti nalang iyong mga
travellers, isinara na po nila iyong airport. But for the purpose of this story, please allow me po. I was
thinking of other country for their honeymoon pero sabi nga nila its more fun in the philippines.)



Camiguin Island. Sa pinas lang. Hindi natin kailangang pumunta ng ibang bansa.



Sabi ni Kevin.



May pagkashunga talaga ako. Akala ko naman eh sa ibang bansa iyong honeymoon.



Ano pala iyong tanong mo?



Tanong ko kay Kevin para naman machange iyong topic.



Itatanong ko lang kung okay ka. Para kasing hindi ka komportable.



Ahh.. Ano.. Hindi naman sa ganun.. Kaya lang ano..Ahh..



Hindi ko talaga alam kung ano ang isasagot ko kay Kevin.



Mabuti nalang at nakarating na kami sa airport kaya hindi ko na kailangan pang mag-isip kung ano pa
ang pag-uusapan namin.



One hour lang iyong trip patungo sa Camiguin Island. Hindi naman siguro ako mabobore.



.............



Eto na ba iyong Camiguin Island?



Tanong ko kay Kevin pagbaba namin ng eroplano.



Yeah.



Sobrang ibang iba iyong airport nila sa airport na malapit samin. Ang liit lang ng airport. Hinding hindi ka
talaga mawawala.



Wala talaga akong ideya kung anong makikita dito sa Camiguin Island at dito kami dinala ni Mommy.



San tayo tutuloy? May alam ka ba sa lugar nato?



Tanong ko ulit kay Kevin.



First time ko din dito. Pero hindi naman natin kailangang problemahin ang tutuluyan natin.



Sabi ni Kevin.



Bakit naman?



Tanong ko ulit. Tinuro lang ni Kevin iyong lalaking may dalang placard.



Mr. and Mrs. Kevin Choi



Nakakapanibago. Mr. and Mrs.



haha!!



Mrs. Kevin Choi na pala ako ngayon.



Haha!!



Hindi ko talaga mapigilan ang ngumiti dahil sa kinikilig ako. hahaha!!



Para ka na namang baliw diyan. Ngumingiti mag-isa. Dalhin nalang kaya kita sa mental?



Napatigil ako sa pagtawa ko dahil sinaway ako ni Kevin.



Ang kill joy talaga ng lalaking to. Wala ba sa diksyunaryo niya ang salitang kilig?



Nilapitan na namin iyong lalaki na may dala ng placard.



Good evening po Sir. Nakahanda na po ang lahat para sa pagdating niyo. Dito po tayo.



Sinamahan kami nong lalaki hanggang sa makarating kami sa taxi. Siya iyong nasa front seat katabi ng
driver at nasa backseat naman kami ni Kevin.



Tapos na po ba kayong mag dinner Maam? Sir?



Tanong nong tourist guide namin.



Tapos na ho Kuya. Kumain na po kasi kami sa eroplano habang nasa byahe.



Sagot ko kay Kuya.



Ganun po ba. Gusto niyo na ho bang magpahinga o gusto niyo pong mag sight seeing?



Anong klaseng tanong iyan Kuya? Malapit ng mag 10 PM at galing pa kaming byahe. Hindi naman tama
ang word na jet lag diba dahil 1 hour lang naman iyong byahe at hindi naman kami nanggaling sa ibang
bansa. Iyong word na pagod siguro tamang gamitin.



Kuya sobrang pagod na po kami kaya gusto na po naming magpahinga. Bukas nalang po siguro tayo
mag sight seeing.



Sabi ko ulit kay Kuya.



Sige po Maam. Daldalhin ko nadin po kayo sa rest house niyo.



Rest house iyong ginamit na word ni Kuya at hindi hotel. Tumingin tingin ako sa labas gamit ang bintana
ng taxi. Wala atang hotel dito. Walang malalaking buildings. Wala nga atang mall dito.



Ano bang gagawin namin sa probinsyang ito?



Hindi nagtagal huminto nadin ang taxi na sinasakyan namin sa tapat ng isang maliit na building. Hindi
nga hotel ito. Parang mini resort?



Bahay Bakasyunan sa Camiguin.



Iyon ang nakalagay sa labas.



Lumabas na kami ni Kevin ng taxi saka naman dinala nong tourist guide ang mga luggage namin ni Kevin.
Tinulungan nadin siya ng mga lalaking nasa BBC.



Nag check in na si Kevin at sinamahan kami nong tourist guide patungo sa room namin. Ang liit lang ng
resort. Mini resort talaga ata ang tawag dito. Maliit iyong pool may jacuzzi, may dagat din sa end ng BBC.



May maliit na bar at gym. Pero ang presko ng hangin nila. Hindi katulad sa lugar namin na hindi mo na
malalanghap ang ganito ka presko ng hangin. Ang sarap sa pakiramdam.



Dito na po iyong room niyo Sir.



Parang bahay kubo iyong room namin ni Kevin. Hindi talga parang. Bahay kubo talaga.



Tip mo Kuya.



Sabi ni Kevin saka niya binigyan ng tip si Kuya.



Iniwan na kami ng tourist guide saka kami pumasok ni Kevin sa kwarto. Pagpasok ko, hinanap ko agad
iyong damit ko at pumasok ng banyo. Sobrang pagod na pagod na pagod na pagod na talaga ako. Hindi
na ako naligo dahil ang bigat ng katawan ko. Nanghilamos nalang ako at nagbihis ng pajama.



Paglabas ko ng banyo si Kevin nasa kama na at natutulog. Nakapajama nadin siya. Hindi na ata siya
maliligo o manghihilamos nadin. Pagod nadin siguro siya sa byahe.



Pero dahil ang liit lang ng room, sobrang nalito ako kung san ako matutulog. Wala man lang couch?
Hindi naman ako pwede sa sahig matulog dahil kawayan iyong floor na pang sinaunang panahon at
sigurado akong bugbog ang likod ko kinabukasan.



Nilapitan ko si Kevin saka ko siya niyugog.



Hoy Kevin gumising ka nga diyan!



Pero kahit na anong yugyog ko hindi talaga siya gumising. Alam kong gising na siya sa sobrang lakas ng
pagkayugyog ko. Pero nagtutulog tulugan lang talaga siya.



Ahh! Ayaw mo talaga ha!



Tumayo ako sa kama saka ko sinakyan si Kevin.



Hoy!!! Gising!!



Ilang beses kong niyugyog iyong mukha niya.



ANO BA MAYBELLINE? WALA KA BANG MANNERS? HINDI MO BA ALAM NA NATUTULOG AKO?



Sigaw niya sakin habang nakapikit parin siya.



Anong walang manners? Ikaw ang walang manners. Alam mo naman na isa lang iyong kama dito tapos
ikaw iyong lalaki. Sana naman nag offer ka na ako na iyong matutulog diyan sa kama!!



Sigaw ko pabalik sa kanya.



Wala talagang manners. Napaka ungentleman.



Tumayo na si Kevin at inayos ang sarili niya.



Eh san ako matutulog? Sa labas?



Tanong niya sakin. Wala talagang ibang matutulugan dito. May parang rocking chair don sa labas ng
pinto namin. Don lang siya pwede matulog.



Tumayo na si Kevin kaya naman nahiga na ako sa kama.



Lumabas siya ng room namin. Kukunin niya ata iyong rocking chair at ipapasok sa loob.



Ayaw!!



Sigaw ni Kevin. Bukas naman iyong pinto kaya rinig na rinig ko iyong sinabi niya.



Anong ayaw?



Tanong ko sa kanya.



Nakadikit iyong rocking chair sa sahig eh.



Sabi niya.



Eh di diyan ka matutulog!



hahaha!!



Kinumutan ko na iyong sarili ko saka ko pinikit ang mga mata ko.



Sigurado akong mahimbing ang tulog ko ngayon.



Pero wala pang limang minuto ng bigla ko nalang naramdaman na may malakas na impact sa kama.
Pagtingin ko si Kevin na pala nahiga sa tabi ko kaya bumangon ako mula sa pagkakahiga ko at naupo sa
kama.



Anong ginagawa mo diyan?



Tanong ko sa kanya.



Matutulog.



Sagot niya.



Sa tabi ko?



Eh anong masama? Mag-asawa tayo.



Poker face ulit iyong ekspresyon ng mukha niya.



Hello? Hindi pwede noh. Don ka sa labas. Baka kung ano pang gawin mo sakin.



Tinulak ko siya para mahulog siya sa kama pero ang lakas niya talaga.



Dito ako. Kung gusto mo eh don ka sa labas matulog.



Nahiga na siya talaga at kinumutan pa ang sarili niya.



Ganun pala ang gusto mo ha?



Nahiga nadin ako sa kama. Pero inilagay ko iyong kaliwang paa ko sa bewang ni Kevin. Siya iyong
gagawin kong unan.



Ilang beses niyang tinanggal iyong paa ko sa bewang niya pero ilang beses ko din itong ibinabalik.



Dahil sa sobrang annoyed na siya sa ginawa ko. Bumangon na siya sa kama at naupo habang tinignan
ako.



Iyan pala ang gusto mo ha? Tignan natin..



Nagulat nalang ako ng hinawakan ni Kevin ang laylayan ng suot niyang shirt.



Anong gagawin mo?



Tanong ko sa kanya.



Pero hindi na niya sinagot iyong tanong ko. Bigla nalang niyang tinanggal iyong suot niyang shirt saka
nahiga ulit. Pero ngayon dinikit na talaga niya iyong katawan niya sa katawan ko. Super magkatabi na
kami sa kama.



Naamoy ko na nga iyong pabango niya. Kahit na hindi siya naligo sobrang bango parin ni Kevin.



Ughh!! Ano ba itong iniisip ko.



Hindi ako dapat magpatalo sa kanya.



Umupo ako sa kama saka ko tinanggal iyong cardigan na suot ko. Naka sleeveless nalang talaga ako
ngayon at naka pajama. Kahit na sobrang ginaw ngayon titiisin ko nalang.



Hoy! Maybelline!! Ibalik mo iyan..



Utos niya sakin pero hindi talaga ako nagpadala. Affected ka pala Kevin ha?



Nahiga na ulit ako sa kama at niyakap pa siya ngayon. Habang nasa bewang naman niya ang kaliwang
paa ko.



Ano ka ngayon Kevin?



MAYBELLINE!!



Sinigawan niya ako. Sobrang nakakabingi pero inisip ko nalang na hindi nasaktan iyong eardrums ko sa
sigaw niya.



Naramdaman ko nalang na inalis ulit ni Kevin ang paa ko sa bewang niya saka siya tumayo. Pero this
time, umalis na talaga siya sa kama ko.



hahahaha!!



Akala mo talaga Kevin ha. Ako dapat ang andito sa kama. Akin lang to.



Tss..



Tinitigan niya ulit ako bago niya kinuha iyong tshirt niya sa kama at sinuot ulit iyon.



Saka siya dahan dahang lumabas sa room namin. Alam ko mabigat talaga sa loob niya na gawin iyon
pero wala na talaga siyang ibang magawa.



Paglabas niya ng room, padabog niyang isinara ang pintuan.



Galit? haha



Goodnight Kevin!! Huwag kang mag-alala hindi ka naman nag-iisa diyan. May mga kasama ka.
Madaming lamok diyan!



Sigaw ko sa kanya.



hahahahaha!!!



Sinuot ko na ulit iyong cardigan ko at kinumutan ang sarili ko saka ko pinikit ang mga mata ko. I know
this time hindi na ako kukulitin ni Kevin.



Nagising ako kalagitnaan ng gabi. Akala ko mahimbing akong makakatulog ngayon pero parang bakit
hindi ko at na achieve?



Kinuha ko iyong phone ko sa bedside table. 1:10 AM na.



Tinignan ko iyong pinto ng room ko.



Kamusta na kaya si Kevin? Sigurado akong giniginaw na siya.



Bakit parang naguiguilty ako?



Bigla ko nalang nahanap ko nalang ang sarili ko sa labas ng room namin at tinititigan si Kevin. Dala dala
ko iyong blanket saka ko nilagay sa katawan ni Kevin.



Nakapatong lang siya sa rocking chair at niyakap ang sarili niya habang nakapikit ang mga mata niya.



Ang sama ko talaga.



Nakakaguilty..



Im sorry Kevin..



Bulong ko sa kanya saka ako bumalik sa kama ko..




Chaper 35: Snorkeling




Ginising ako ng sikat ng araw mula sa bintana ng room namin. Pero nakapikit parin ang mga mata ko
kahit gising na ang diwa ko. Naalala ko kagabi nakasara iyon. Sinong nagbukas? Malamang si Kevin, kami
lang namang dalawa ang andito.



Maybelline gising na. Tanghali na oh.



Narinig ko iyong boses ni Kevin. Gising na pala talaga siya. Idinilat ko iyong mga mata ko. Uggh!! Bakit ba
ang hirap gumising sa umaga? Bumangon na ako sa pagkakahiga ko at naupo sa kama habang yakap
yakap ko iyong unan.



*tok* *tok*



Huh? May kumakatok na ang aga aga pa naman. Binuksan naman ni Kevin iyong pinto.



Goodmorning po Sir. Welcome drinks po para sa inyo ng asawa niyo.



Salamat. Pakilagay nalang diyan.



Cge po Sir. Salamat po.



Tumayo na ako at nilapitan si Kevin.



Ano daw?



Tanong ko sa kanya.



Coffee. Welcome drinks nila.



May maliit na table sa labas ng room namin. Don pinatong iyong tray na may coffee. Naupo na ako don
habang nasa harap ko naman si Kevin. Kinuha niya iyong tasa saka niya ininom ang kape.



hehe!!



Kinikilig na naman ako. Kung tutuusin konting bagay lang naman to at hindi dapat kiligin pa. Pero
kaharap ko ngayon si Kevin at sabay kaming umiinom ng kape. Umaga pa lang magkasama na kami. Pag
gising ko kanina siya agad ang unang nakita ko. Vitamins sa mga mata ko. hehehe!! Pano pa masisira ang
araw ko?



hihihhi!!



May problema ba? Kanina ka pa kasi nakatitig sakin. May dumi ba sa mukha ko?



Tanong ni Kevin saka niya binaba iyong tasa.



Wala naman. hehe!



Kinuha ko iyong tasa ng kape saka ako uminom.



Uhhmm.. ang sarap ng kape nila.



Bulalas ko.



Tss.. Lahat naman ata masarap para sayo.



Bilisan mo na para makapagbreakfast na tayo ng maayos. Madami pa tayong pupuntahan ngayon.



Tumango lang ako at inubos ang kape ko.





.







San pala tayo dadalhin ni Kuya? Sa mall?



Tanong ko kay Kevin habang papasok kami ng room namin. Kagagaling lang namin sa mini restaurant
para magbreakfast.



Walang mall dito Maybelline. Narinig ko sikat ang Camiguin sa hot spring nila.



Hot spring? So malaki ang tendency na maliligo kami? So kailangan kong mag two-piece? OH EM GEE!!
Kailangan kong maghanda.



Nauna na akong naligo. Sinigurado ko din na dala ko na iyong mga damit na isusuot ko sa banyo dahil
ayokong lumabas na nakatowel lang.



Nakakahiya kaya!!



Floral dress ang sinuot ko na may two piece sa loob at syempre shorts. Paglabas ko ng banyo si Kevin
naman iyong sumunod.



Habang nasa loob si Kevin ng banyo, naupo naman ako sa harap ng salamin at inayos ang buhok ko. Nag
blow dry saka ko ito binraid. Sinuot ko nadin iyong hat ko.



Paglabas ni Kevin sa banyo nakadamit nadin siya. White shirt at floral shorts ang suot niya. haha!
Ngayon ko lang siya nakita na ganyan iyong suot pero ang gwapo parin. Inayos niya iyong buhok niya
habang nakaharap sa salamin.



Lets go?



Tanong niya sakin pagkatapos niyang mag-ayos.



Okay.



Tinungo namin iyong lobby ng BBC at iniwan iyong susi ng room namin. Andun nadin pala si Kuya tourist
guide. Kanina pa ata siya naghihintay samin.



Kanina ka pa po ba dito Kuya?



Tanong ni Kevin kay Kuya tourist guide.



Hindi naman po masyado . Handa na po iyong kotse Sir.



Sabay sabay na din kaming pumasok don sa kotse. Nas front seat ulit si Kuya katabi nong driver at nasa
likod naman kami ni Kevin.



Unahin na po natin ang Ardent Hotspring Sir.



Sabi ni Kuya.



Tumango lang si Kevin.



Nakatingin ulit ako sa labas habang nasa kotse kami. Mga palay lang talaga iyong nakikita ko. Walang
mga building. Medyo mahirap din iyong dinaanan ng sasakyan dahil hindi pa sementado iyong daan.
Pagkatapos ng isa at kalahating oras. Nakarating nadin kami sa Ardent Hot Spring.



Kuya gusto mong pumasok?



Tanong ko kay Kuya tourist guide.



Huwag na po Maam. Kayo nalang po ng asawa niyo. Enjoy po.



Sigurado ka ba talaga Kuya?




Opo Maam. Hihintayin nalang po namin kayo dito sa labas.



Tumango lang ako saka kami pumasok ni Kevin sa loob.



Pagpasok namin pansin na pansin ko agad iyong mga turista. Sobrang dami pala dito.



Naghanap na kami ng table ni Kevin. Iyong iba may mga dalang pagkain kami wala.



Dito ka lang. Bibili lang ako ng pagkain.



Sabi ni Kevin saka siya umalis. May mini restaurant naman sa loob kaya hindi na mahihirapan si Kevin.



May mga rooms din na available dito sa Ardent Spring. Pwede kang mag overnight stay kung gusto mo.



Pagbalik ni Kevin kasama na niya iyong waiter dala dala ang inorder niya. Inilapag ng waiter iyong tray.



Enjoy yourselves Sir, Maam.



Sabi nong waiter saka siya umalis.



Kakain ulit tayo?



Tanong ko kay Kevin.



Kung gusto mo. Pero kung busog ka pa pwede na muna tayong bumaba at magbabad sa tubig.



Sagot ni Kevin.




Kailangan mo pa kasing bumaba ng ilang steps para makarating ka don sa spring.



Bumaba na muna tayo.



Sabay na kaming bumaba ni Kevin.



Andaming spring na iba iba iyong sizes at temperature. May nakalagay naman na placard kung gaano ito
kainit kaya mahahanda mo iyong sarili mo.



Dito na muna tayo. Hindi masyadong mainit.



Sabi ni Kevin.



Tumango lang ako pero nagulat ako ng bigla nalang niyang hinubad iyong tshirt niya. Hindi ko alam kung
dapat ko bang takpan iyong mga mata ko gamit ang mga kamay ko.



Waa!!



Iniwas ko nalang iyong tingin ko kahit na tinutukso na ako ng kaluluwa ko.



Inilapag niya iyong shirt niya don sa gilid ng spring saka siya tumalon sa tubig.



Woo!! Ang sarap..



Bulalas niya. Bakit ba ang gwapo mo Kevin?



Napatitig lang ako sa kanya habang nasa tubig siya at nag-eenjoy..



Ayaw mo?



Tanong niya sakin.



Malalim ba?



Medyo. Hindi ko nga abot eh. Lumangoy ka nalang..



Waaa!!! Sa lahat lahat ng sports na pwede ang swimming talaga ang pinaka hindi ko gusto. Hindi ako
marunong lumangoy.



Pero ayokong sabihin kay Kevin na hindi ako marunong lumangoy dahil baka pagtawanan lang niya ako.



Don nalang ako oh..



Tinuro ko iyong isa pang spring. Hindi siya ganun ka laki pero mas mababaw don. Hanggang tuhod ko
lang ata.



Bumaba pa ako ng ilang steps saka ako naglakad lakad sa spring. Hanggang tuhod ko lang talaga kaya
hindi ko na kailangan pang tanggalin iyong dress ko.



Inieenjoy ko iyong sarili ko ng bigla nalang lumitaw si Kevin sa harapan ko. Parang kabute kung san san
nalang sumusulpot.



Don tayo Maybelline oh.



Tinuro ni Kevin iyong parang super maliit na fall na galing don sa kabilang spring.



Hinawakan niya iyong kamay ko saka niya ako hinila papunta don.



Naupo naman siya don sa harapan ng fall. Iyong agos ng tubig tumatama sa mga balikat niya.



Para akong minamasahe nito. Ang sarap sa pakiramdam. Dito ka Maybelline.



Tinuro niya iyong pwesto sa tabi niya.



Kung uupo ako sa tabi niya ibig sabihin eh kailangan kong tanggaling ang dress ko? Maganda naman
iyong two piece na suot ko kaya lang nakakahiya.



Ehhh!!



Halika na!



Pagyayaya niya ulit.



Saglit lang.



Lumabas ako ng spring saka ko tinanggal ko iyong dress ko. Tumalikod ako kay Kevin habang tinatanggal
ko iyon dahil hindi ko talaga kaya. Hoo!!



Itinabi ko iyong dress ko sa tshirt ni Kevin saka ako bumaba ulit sa pool.



Pagtingin ko kay Kevin bigla niyang iniwas iyong tingin niya. Namumula iyong mga pisngi niya pero dahil
siguro iyon sa init ng tubig.



Umupo ako sa tabi ni Kevin. Nahuhulog din iyong tubig sa balikat ko. Ang sarap sa pakiramdam.
Parakang nasa langit.



Parang mawawala talaga lahat ng sakit ng katawan mo dahil dito.



Ang sarap noh?



Tanong ni Kevin sakin habang hindi parin siya makatingin sakin ng deretso.



Oo.



Sagot ko.



Masahiin kita.



Nabigla nalng ako ng hinawakan ni Kevin ang magkabilang balikat ko at minasahe.



Salamat..



Pagkatapos naming magbabad ni Kevin sa spring, kumain na kami dahil naramdaman na namin iyong
gutom.



Tanghali na ng makalabas kami ng Ardent Spring.



Kumain na kayo Kuya?



Tanong ni Kevin sa tourist guide at sa driver.



Tapos na po Sir. Pasok na po kayo Sir para makapunta na tayo ng white island.



White Island?



Ano kayang meron don?



Pagkatapos ng kalahating oras na byahe nakarating nadin kami sa susunod na pupuntahan namin.
Naglakad kaming apat hanggang sa makarating kami sa baybayin ng dagat.



Eto na ba iyong white island Kuya? Bakit hindi puti iyong buhangin?



Tanong ko kay Kuya.



Hindi po Maam. Kailangan niyo pa pong sumakay ng bangaka para makarating kayo don. Lulubog
lilitaw po iyong white Island. Pag high tide po hindi po iyon makikita, pero pag low tide po pwede kayong
pumunta don. Maswerte nga po tayo dahil low tide ngayon.



Medyo gets ko na iyong sinabi ni Kuya. Parang island sa gitna ng dagat? Ganun?



Isinuot na ni Kevin iyong life jacket niya saka niya kinuha iyong isang life jacket at isinuot nama sakin.
Hindi ko naman talaga sinabi sa kanya na isuot niya iyon sakin pero ginawa niya parin.



Parang unti unti ko ng naramdaman na talagang mag-asawa na kami.



ehehehe!!



Hinawakan pa ni Kevin ang kamay ko habang pasakay kami ng bangka.



Ang sweet!!



Shete lang! Kinikilig na naman ako.



First time kong sumakay sa bangka kaya medyo natatakot ako baka bigla nalang kaming malunod, pero
ang ganda ng view.



Ang sarap ng hangin.



Ahh!!



This is heaven!!



Plus.. Magkatabi pa kami ni Kevin!



Pagkatapos ng fifteen minutes nakarating nadin kami don sa white island. Walang anuman ang andun.
Mga turista lang din pero hindi ganun ka dami. Sobrang puti ng buhangin.



Inilalayan ulit ako ni Kevin pababa namin.



Si Kevin nadin iyong nagtanggal ng life jacket ko.



Maam, Sir isuot niyo po ito. Maganda po ang mga coral reefs at mga isda dito banda. Mag eenjoy po
kayo.



Sabi ni Kuya saka niya ibingay samin ang dalawang set ng snorkeling gears.



Salamat Kuya.



Sabi ni Kevin saka niya kinuha iyong binigay ni Kuya. Tinanggal uit ni Kevin iyong suot niyang shirt saka
niya isinuot iyong gears niya.



Tanggaling mo na iyong dress mo.



Utos ni Kevin sakin.



Sinunod ko naman siya. Medyo hindi na ako nahihiya hindi tulad kanina pero nagdadalawang isip akong
mag snorkeling. Hindi ako marunong lumunagoy talaga.



Isinuot na ni Kevin sakin ang snorkeling gears pero bigla ko siyang pinigilan.



Ikaw nalang kaya?



Sabi ko sa kanya.



Bakit naman?



Hindi ako marunong lumangoy.



Hinanda ko na iyong sarili ko na pagtawanan niya pero hindi niya ako pinagtawanan. Bakit ang bait ni
Kevin ngayon?



Huwag kang mag-alala. Hahawakan kita. Hindi ko bibitawan ang kamay mo.



Tumango lang ako. Kailangan kong pagtiwalaan si Kevin.



Magkahawak kamay kaming sinugod nag tubig.



Hindi nga naman ako binigo ni Kevin dahil hindi niya talaga ako binitawan habang nag so-snorkeling
kami.



Sobrang ganda ng daigdig sa ilalim ng dagat.


Hindi pantay iyong level ng buhangin sa ilalim, may mababaw na part tapos bigla nalang lalalim. Ang
ganda ng mga isda, ang ganda ng mga star fish. Ang ganda ng mga coral reefs.



Nakakainggit.



Kung mabubuhay ulit ako sa susunod na life, pipiliin ko talagang maging mermaid.



Pero nag eexist ba iyon?



Ilang oras din kami ni Kevin sa pag sosnorkel. Nakaka enjoy.



Hindi naman namalayan na unti unti ng humihina iyong sikat ng araw.



Maam, Sir, bili po kayo nito. Masarap po ito.



Tawag nong isang lalaki samin.



Magkahawak kamay naman kami ni Kevin na lumapit sa kanya.



Ano iyan Kuya?



Tanong ni Kevin.



Sea urchin po. Masarap po ito.



Sea urchin? Nakakain ba iyan?



Tanong ko kay Kuya.



Oo Maam. Masarap po ito. Tikaman niyo po.



Kumain si Kevin ng isa. Niyaya niya din ako dahil masarap daw pero hindi ko talaga keri. Kahit bigyan
niya pa ko ng isnag milyon hindi talaga ako kakain ng sea urchin.



Dahil malapit ng dumilim, kailangan na naming umuwi ng rest house.



Sobrang napagod talaga ako.



Pagdating namin sa BBC magbibihis na sanaako pero bigla nalang akong tinawag ni Kevin.



Maybelline!



Bakit?



Huwag ka na munang magbihis. Magsiswimming pa tayo.



Hindi naman ako takot mag swimming sa pool ng BBC dahil mababaw lang naman iyon. Hanggang leeg
ko lang.



Pagod na ako Kevin. Bukas na lang.



Ayaw..



Ngayon ko lang nakita si Kevin na ganun iyong mukha niya. Parang bata na hindi pinagbigyan ng candy.



Tuturuan kitang mag swimming.



Bigla nalang niya akong hinila papunta malapit sa pool saka niya ako tinulak.



Naka dress pa ako pero tinulak na niya ako.



Hindi ba pwedeng tanggaling na muna iyong dress?



Kakainis ka Kevin!!




Chapter 36: Third Night





Bakit mo ako tinulak?



Sigaw ko kay Kevin.



Hahahaha!!



Ano ako clown? Pagtatawanan lang? Iyong tawa niya para talaga siyang tuwang tuwa. Nakahawak pa
talaga siya sa tiyan ha habang humahalakhak siya.



hahaha!!



Nakakainis talaga tong si Kevin. Naglakad ako patungo don sa railing ng pool para umahon. Hindi nga
kasi ako marunong lumangoy diba kaya lalakarin ko nalang. Hanggang leeg pa naman iyong tubig kaya
sobrang bagal kong maglakad.



Pag-ahon ko, nilapitan ko agad si Kevin saka ko siya sinuntok sa braso niya pero tawa parin talaga siya ng
tawa.



Bahala ka nga diyan sa buhay mo!



Hahakbang na sana ako para bumalik ng room pero bigla nalang niyang hinawakan ang kamay ko.



hehe. Sige na hindi na talaga ako tatawa.



Pinigil na niya iyong tawa niya hanggang sa hindi na talaga siya tumatawa.



Magbihis na tayo para makakain na. Gutom na gutom na ako.



Sabi ko sa kanya.



Mamaya na. Tuturuan na muna kitang lumangoy. Pano kung nasa barko ka tapos malulunod iyong
barko? Eh di mamamatay ka dahil hindi ka marunong lumangoy.



Pumasok na iyan sa isipan ko ilang beses na. Kaya naman sa tuwing sumasakay kami ng barko ng parents
ko kapag nag a-out of town hinahanda ko na agad iyong life jacket ko.



Eh di ako sasakay ng barko. Sasakay nalang ako ng plane..



Pagpapalusot ko.



Eh pano kung mag crash ang plane tapos naglanding kayo sa dagat? Eh patay ka din? Don na matatapos
buhay mo?



Kakainis talaga itong si Kevin.



Alam ko sobrang importante ang swimming. Dapat talaga marunong lumangoy ang isang tao para
naman masalba mo iyong buhay mo pag may panganib pero..



Hindi talaga ako marunong at wala akong lakas ng loob..



Ano? Itulak kita ulit sa pool pag di ka pumayag.



Sabi ni Kevin.



Itutulak na sana niya ako pero nagawan ko agad ng paraan. Siya iyong tinulak ko sa pool. Binuhos ko
talaga lahat ng lakas ko para sa pagtulak sa kanya.



hahahahahaha!!!



Ako naman iyong tumawa ngayon.



hahahah..



Akala mo ikaw lang marunong ha.



Paturo turo pa ako sa kanya habang tumatawa..



Pero bigla nalang akong napatigil ng bigla nalang niyang hinubad iyong basang tshirt niya.



Iyong...Iyong pandesal..este...iyong...abs..



Tinapon niya pa sakin iyong tshirt niya. Nasalo ko naman.



Anong gagawin ko dito? Nakatitig lang ako sa shirt..



Hoy Maybelline halika na.. Talon!!



Utos niya sakin.



Oo na...



Tinabi ko iyong tshirt niya saka ko hinubad iyong dress ko. Tinungo ko nadin pagkatapos iyong railing at
dahan dahang bumaba.



Pwede ka namang tumalon. Matatakutin ka talaga.



Sabi ni Kevin saka niya ako nilapitan.



Hindi nalang ako nag react sa sinabi niya dahil baka mapikon lang ako.



Pag ako talaga nalunod papatayin talaga kita.



Pagbabanta ko sa kanya pero alam ko namang hindi ko na siya mapapatay pag nalunod na ako diba?



Nonsense talaga iyong pinagsasalita ko.



Di ka naman kasi malulunod. Hahawakan kita ha. Igalaw mo lang iyong dalawang paa mo.



Tumango lang ako.



Hinawakan ni Kevin iyong baba ko saka ko sinubukang palutangin iyong katawan ko pero nabibigatan
talaga ako sa sarili ko.



Saglit lang. Hindi ko ata kaya to.



Sabi ko sa kanya.



Hindi mo pa nga nasusubukan. Cge na.



Huwag mo akong bibitawan ha?



Tumango naman siya.



Sinubukan ko ulit at ilang beses kong ginalaw iyong mga paa ko pero hindi ko talaga kaya.



Woaahh!!



Bakit ba hindi ako marunong lumangoy?



Bakit ba ang hirap?



Sinubukan ko pa ng ikatlong beses saka lang ako naging komportable sa posisyon ko. Medyo kaya ko na
iyong katawan ko.



Ganyan nga Maybelline.



Sabi niya habang hawak hawak parin niya iyong baba ko.



Nakakapagod!



Masasanay ka din. Igalaw mo lang iyong mga paa mo..



Isang oras din akong tinuruan ni Kevin lumangoy. Hindi padin ako natuto pero atleast medyo may
natutunan ako. Pag may nakahawak sakin marunong akong lumangoy.



hahahaha!!



Nakaupo lang kami ni Kevin sa gilid ng pool habang nakababad iyong mga paa namin sa tubig.



Siyanga pala Kevin. Pano iyong class natin bukas? Ilang araw ba tayo dito?



Tanong ko sa kanya. Sunday ngayon at ibig sabihin eh bukas may klase kami. Hindi naman kami pwedeng
mag absent.



Iyong ticket na binigay ng Mommy mo sa wednesday pa ang sched.



What? Wednesday? Pero iyong class natin?



Kaya nga eh.. Nagbook na ako kagabi online. Bukas ng hapon iyong flight natin. Hindi tayo pwedeng
magtagal dito.



Grabeh naman si Mommy. Halos 1 week niya gustong manatili kami dito ni Kevin? Pano na iyong pag-
aaral namin?



Maybelline..May itatanong lang ako sayo..



Tumingin ako kay Kevin. Nakatingin lang siya sa tubig ng pool habang ginagalaw niya iyong mga paa niya.



Ano iyon?



Pano kung.. Pano kung ligawan ka ni Axel. Anong gagawin mo?



Ako? Liligawan ni Axel?



Naalala ko iyong huling usapan namin ni Axel sa ospital.



Kung buo na ang desisyon mo. buo nadin ang desisyon ko Mia.



Liliwagan parin kita kahit hindi mo ako pahihintulutan. Gagawin ko parin ang lahat para sayo.



Hindi naman siguro tototohanin ni Axel iyong sinabi niya dahil kung totoo man iyon gumawa na sana
siya ng paraan.



Hmm..



Pero pano naman siya makakagawa ng paraan eh wala naman siyang pagkakataon. Hindi na ulit kami
nagkita simula nong nag-usap kami sa ospital



Umiwas na kasi ako sa kanya non.



Maybelline?



Dahil sa sobrang pag-iisip ko nakalimutan kong sagutin iyong tanong ni Kevin.



Hindi naman niya siguro gagawin iyon..



Tumahimik lang si Kevin.



Tahimik lang kaming dalawa habang magkatabi sa side ng pool. Pero pagkalipas ng ilang minuto pareho
na naming naramdaman ni Kevin ang lamig sa mga likod namin. Kanina pa kami basang basa.



Tayo na Kevin. Giniginaw na ako.



Tumango lang siya at tinulungan akong tumayo. Sabay na kaming pumasok ng room namin.



Mauna ka na..



Sabi ni Kevin sakin.



Tumango lang ako at pumasok ng banyo para makapag hot shower..




...




Ahhh!!



Piggy mode!! Hindi ata ako makatayo sa upuan ko pagkatapos kong kumain ng marami. Sobrang sarap
ng pagkain nila.



Sobrang nabusog talaga ako.



Balik na tayo sa room?



Tanong ni Kevin sakin na nasa harap ko lang nakaupo.



Mamaya na. Parang hindi ata ako makagalaw..



May TV naman sa restaurant kaya maaaliw ako dito.



X-Factor iyong palabas. Kapamilya pala sila dito.



Hala!! Bottom two ang Daddys Home at Jeric..



Bakit sila?



Hanggang sa umuwi na talaga ng tuluyan si Jeric..



Nakakaiyak!!



Haaayy!!



Nakita kong napatakip si Kevin sa bibig niya. Inaantok na ata siya.



Pagkatapos ng kalahating oras tumayo nadin ako dahil parang bored na bored na si Kevin.



Tayo na nga. Balik na tayo sa room.



Sabi ko sa kanya. Agad naman siyang tumayo mula sa upuan niya.



Salamat naman makakapagpahinga na ako.



Pagbalik namin sa room narinig ko agad iyong cellphone ko umiiyak.



Hindi ko nadala iyong phone ko buong araw. Agad ko itong kinuha at pinindot ang answer button.



Hello?



Good evening Mia. Kamusta?



Dahil sa sobrang pagmamadali kong masagot ang tawag hindi ko nakita iyong pangalan ng tumawag. Si
Axel pala.



Ahh.. okay lang naman ako Axel. Ikaw?



Eto namimiss ka. Pinuntahan kita kanina sa bahay niyo kaya lang sabi ng kasambahay niyo wala ka
daw.



Ahh oo.. Andito ako sa Camiguin.



Camiguin? Camiguin Island? Anong ginagawa mo diyan?



Ohh Mia!! Ang galing mo! Bakit mo binanggit ang tungkol sa Camiguin?



Isip!! Isip!!



Ahhh ano.. Kasama ko parents ko..hehehehe..



Ganun ba? Kelan ang uwi mo?



Baka bukas pa.. Uhmm..Ano pala kailangan mo sana?



Wala naman.. Gusto lang kitang bisitahin sana..



Ahh..magkikita naman tayo sa school eh. Sige Axel ha kailangan ko ng ibaba ang phone.. Magpapahinga
na kasi kami..



Cge Mia. Enjoy kayo diyan and goodnight..



Binaba ko na agad iyong phone ko.



Andami ko palang missed calls from Axel at messages galing kina May, Aya at Zelle.



*riing* *riing*



Babasahin ko na sana iyong mga messages ko kaya lang biglang tumunog iyong cellphone ni Kevin.



Hello?



Dahil gusto ko talagang pakinggang iyong usapan ni Kevin at kung sino man iyong tumawag sa kanya,
hindi ko na binasa muna iyong messages.



All ears ako kay Kevin.



Oh napatawag ka pare?



Pare? So si Axel iyong tumatawag sa kanya?



Ganun ba? Huwag na pare wala ako sa bahay eh. nasa BBC ako ngayon.



Bahay bakasyunan sa Cami...



Bigla nalang napahinto si Kevin sa pagsasalita. Mabuti nalang at hindi niya naituloy iyong sinabi niya
dahil natuloy malalaman ni Axel na magkasama kami ni Kevin ngayon. Malalaman niyang
nagsisinungaling lang ako sa kanya at hindi talaga parents ko ang kasama ko.



Sa bakasyunan pare.. Dito lang sa Tita ko. Nagbabakasyon..



Mamayang gabi pa iyong uwi ko. Magkita nalang tayo bukas..



O cge pare ingat ka din diyan. Bukas nalang..



Ibinaba na ni Kevin iyong cellphone niya.



Saka lang ako nakahinga ng maluwag. Muntikan na talaga iyon.



Inilagay ko na iyong phone ko sa mesa pagkatapos kong basahin ang mga messages. Hindi na ako nag-
abala pang mag reply dahil inatake ako ng katamaran ko.



Matutulog nalang ako.



Umakyat na ako sa kama ko at nahiga na.



Si Kevin nanonood parin ng TV.



Tom and Jerry pa iyong pinapanood.



Parang bata lang talaga itong si Kevin.



Akala ko makakatulog agad ako dahil sobrang pagod na iyong katawan ko pero hindi parin ako
makatulog. Ilang beses na akong papalit palit ng posisyon pero wala parin talaga.



Napansin ko nalang na pinatay na ni Kevin iyong telebisyon at tinungo iyong pintuan ng room namin.
Akala ko ilolock niya lang iyong pinto pero binuksan niya iyon.



Lalabas ba siya?



Bago paman siya tuluyang makalabas pinigilan ko na siya.



Kevin san ka pupunta?



Tanong ko sa kanya.



Matutulog..



Naalala ko bigla. Don pala siya natulog kagabi sa rocking chair. Nakakaguilty.



Ang lamig don at andami pang lamok.



Dito ka nalang...



Bigla nalang lumabas ang mga salitang iyong sa bibig ko. Hindi ko sinadya talaga iyong pero.. ayoko ng
bawiin..



Hindi siya nakasagot sa sinabi ko.. Nagulat din ata siya..



Malaki naman tong kama. Magkakakasya naman tayo dito. Pero reminder ko lang sayo ha. Huwag na
huwag kang lumapit sakin dahil pag ginawa mo iyan.. Ekkkkk!!



Nag action ako na hiniwa iyong leeg ko.



Iyon ang mangyayari kay Kevin pag lumapit siya sakin.



Mawawalan siya ng hininga! Mawawalan ng buhay!



Tss.. Okay lang ako dito..



Okay lang naman talaga sakin. Madaming lamok diyan at alam ko hindi ka nakatulog ng maayos
kagabi..



Inilagay ko iyong isang unan sa gitna ng kama..



Dito ka sa kabila matutulog. Pag nag cross ka talaga dito sa side ko lagot ka talaga!



Pagbabanta ko ulit sa kanya..



Childish.. Sa tingin mo may gagawin ako sayo? Kahit na bigyan ako ng isang bilyon hindi ko gagawin
iyon sayo..



Ang panget talaga ng ugali ni Kevin. Ibig sabihin ba niya don eh hindi ako attractive?



Okay naman ang katawan ko ahh..



Hmmpp!!



Lumapit naman si Kevin sa kama ko..



Pag ikaw may ginawa sakin itutulak talaga kita!



Pagbabanta niya sakin.



Ehhh!!



Anong akala niya sakin?



Rapist?



Nahiga na siya agad sa kama at kinumutan ang sarili niya.



Pero hinarap niya ulit ako.



Uulitin ko Maybelline ha? Bawal kang pumunta dito sa side ko.. Lagot ka talaga! Eekkk!!



Siya naman iyong nag action na hiniwa iyong leeg niya.



Linya ko iyon at action ko iyon.



Ginaya niya lang.



Tumalikod na siya sakin at natulog na ata.



Akala mo naman eh may gagawin ako sayo. Kahit bayaran pa ako ng presidente ng dalawang bilyon
hindi ko gagawin iyon noh. Ano ka siniswerte?



Hindi ko alam kung narinig ba niya iyong sinabi ko o hindi pero bahala na talaga siya.



Tumalikod narin ako sa kanya at pinikit ang mga mata ko.



Magkatabi kami ni Kevin ngayon..



Mapapanaginipan ko kaya siya ngayon?



hehehehe!!



Sobrang dami ng nangyari ngayong araw nato at sobra akong natuwa.



Alam ko nag eeffort talaga si Kevin para sa relationship namin.



Dahil sa sobrang pag-iisip ko hindi parin ako makatulog.



Ano bang problema Mia?



Akala ko ba pagod ka?



Bakit hindi ka makatulog?



Nakatingin lang ako sa kisame..



Kaya ba hindi ako makatulog dahil andami kong iniisip?



O baka dahil nasa tabi ko si Kevin?


Chapter 37: Suitor




Nakabalik nadin kami sa wakas. Nakakahilo din pala ang isang oras na flight. Pano ba naman kasi hindi
talaga ako nakatulog ng maayos kagabi.



Haay!!



Inihatid na ako sa bahay ni Kevin..



Magkita nalang tayo sa school..



Sabi ko sa kanya. Tumango lang siya saka siya pumasok ulit sa taxi at uuwi sa bahay nila..



*ding* *dong*



Ilang beses kong pinindot ang doorbell namin pero wala parin si Ate Kate.



*ding* *dong*



*ding* *dong*



*ding* *dong*



Sandali lang po..



Narinig ko na iyong boses ni Ate Kate na papalapit sakin kaya naman huminto na ako sa pagpindot..



Maam?



Nagulat si Ate Kate ng makita niya iyong mukha ko.



Bakit para ka atang nakakita ng multo Ate Kate?



Tanong ko sa kanya.



Nagulat lang po ako Maam. Bakit po kayo andito?



Pumasok na ako sa gate namin at naglakad patungo sa pintuan ng bahay namin. Dinala ko na iyong mga
gamit ko, iyong iba naman si Ate na iyong nagbuhat.



Ano ba namang klaseng tanong iyan Ate Kate? Uuwi ako dito dahil syempre bahay ko to. Ano naman
ang nakakapagtaka don?



Nakasunod lang si Ate Kate sakin. Pagpasok ko ng bahay walang tao.



Ahh wala lang po Maam. Akala ko po kasi eh..



Hindi ko na pinatapos si Ate Kate sa pagsasalita niya.



Asan sina Mommy ate?



Nasa trabaho po Maam. Hindi pa po nakakauwi.



Tinignan ko iyong relo ko. Malapit ng mag six ahh.. Wala padin sila?



Ganun ba ate. Magpapahinga lang ako sandali ate. Diyan nalang muna ang mga gamit ko.



Opo Maam.



Umakyat na ako sa hagdan saka ako pumasok sa kwarto ko.



It feels good to be home. Home sweet home.



Tumakbo agad ako at tinapon ang katawan ko sa kama.



Makakatulog na ako ng mahimbing nito.



Bumangon ulit ako para magpalit. Binuksan ko na iyong closet ko para kumuha ng pajama pero laking
gulat ko nalang ng wala akong makita kahit na isang damit. Kahit underwear wala talaga.



Ninakawan ba kami?



O baka naman tinapon na nila iyong damit ko dahil akala nila hindi ko na gagamitin?



Kinuha ko agad iyong phone ko at dinial ang number ni mommy.



*riing* *riiing*



*riing* *riiing*



Mommy pick up!



Ilang beses nagring ang phone ni Mommy saka niya ito sinagot.



(Hello Maybelline?)



Mom where are my clothes?



(Nasa maleta mo anak. Naihanda ko na lahat diyan nong isang araw pa. May nakaligtaan ba akong dalhin
para sayo?)



Thats not what I meant Ma. Ang ibig kong sabihin iyong mga damit ko sa closet ko. Bakit nawawala
lahat?



(What? So you mean nasa bahay ka? Nakauwi ka na?)



Yeah.. Bago lang.



(Pero.. Wednesday pa iyong return ticket niyo.)



Wala na kaming gagawin don Ma and isa pa hindi ako pwedeng mag absent ng ilang araw. Nakapag
absent na nga ako kanina. Mabuti sana kung matalino ako. Okay lang sana kahit na isang buwan pa
akong hindi pumasok.



(Naku Maybelline. Pano kayo magiimprove ni Kevin niyan?)



Ma, huwag mong ibahin iyong topic. Hindi mo pa sinasagot iyong tanong ko. Asan na iyong mga damit
ko?



(Maybelline. Youre married. May asawa ka na. Alangan namang andiyan pa sa bahay ang mga damit
mo? Common sense naman anak. Nasa bahay niyo na ni Kevin ang mga gamit mo. Napadala ko na lahat
don.)



Ang tagal ng sink in sa utak ko ang sinabi ni Mommy.



Married...



Asawa...



Bahay...



Uggh!!



Oo nga pala! Bakit ba ako umuwi dito eh hindi na ako dito nakatira.



Pero hindi ko din naman alam kung san ako titira ngayon. Sigurado akong hindi rin naman alam ni Kevin
kung asan iyong bahay namin.



(Maybelline are you there?)



Yes Ma. Ma, asan na po iyong bahay namin?



(Hindi pa tapos anak dahil akala nga namin wednesday pa kayo darating. Pero iyong mga gamit niyo ni
Kevin andun na.)



Ugghh!! Bakit hindi niyo sinabi agad samin ni Kevin?



(Gusto kasi namin sanana surpresahin kayo.)



Fine Ma. Dito nalang muna ako sa bahay natin matutulog.



(But Maybelli..)



Binaba ko na agad iyong linya ng phone ko.



Haayy!!



Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko kay Mommy. Bumaba ako at binuhat iyong mabigat na
maleta ko. Ito nalang muna ang isusuot ko.



Nagbihis na ako ng pajama at natulog.




.




Hello Livingstone University.



Long time no see!!



Naglalakad ako sa hallway papuntang room namin. Pakiramdam ko sobrang tagal ko ng absent. Namiss
ko ang school namin pati nadin iyong mga kaibigan ko.



Hindi parin pala kami nagkita ni Kevin simula nong ihatid niya ako kagabi sa bahay namin. Pero nagtext
naman siya sakin na don na muna siya matutulog sa bahay nila hanggat hindi pa daw naayos iyong
bahay namin.



May sarili na kaming bahay ngayon.



At sa susunod na mga araw titira na talaga kami sa iisang bubong.



Ansabeehh?



Miaa!!



Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Zelle na hingal na hingal.



Hi Zelle. Anong nangyari sayo? Hinabol ka ba ng aso?



Huminga na muna siya ng malalim saka niya ako sinagot.



Hinabol kasi kita. Kanina pa kita tinatawag kaya lang eh hindi mo ako narinig.



Napansin ko na wala na iyong cast na suot ni Zelle sa braso niya.



Wala na pala iyong cast?



Tanong ko sa kanya.



Tinanggal na kahapon. hehe. Oo nga pala, bakit ba wala ka kahapon?



Mabuti nalang at naghanda ako ng magandang palusot para dito. Kagabi ko pa talaga inisip ang
sasabihin ko kay Zelle.



Sasabihin ko na sana kay Zelle na nagbakasyon kami ng parents ko ng bigla ko nalang narinig ang boses
ni May..



Nagka arthritis kasi siya kaya wala siya kahapon. Hindi makalakad dahil sa sobrang sakit ng paa niya.
hehehehe



Arthritis?



Ako?



Ano ako matanda?



Diba pangmatanda lang ang sakit na iyon?



Talaga Mia? Bakit hindi mo sinabi para naman nabisita kita.



Pag-aalala ni Zelle.



Nahihiya kasi siya Zelle kaya hindi niya pinasabi sayo. hehe



Sabi naman ni Aya.



Kararating lang nila ni May at nakisali na agad sa usapan namin ni Zelle.



Ahh oo Zelle.. Pasensya na talaga.



Wala nadin akong ibang nagawa kundi ang patulan ang nakakahiyang palusot ni May at Aya. Sa lahat ba
naman ng sakit na pwede nilang sabihin iyong arthritis pa talaga?



Teka lang.. Parang may bago sayo..



Lumapit si Zelle sakin saka niya hinawakan ang magkabilang pisngi ko gamit ang dalawan palad niya.



Bakit umitim ka? Nagbilad ka ba sa araw?



Tanong ni Zelle sakin..



Ha? Hindi.. Nasa bahay nga lang ako eh dahil sa arthritis ko.



Pagsisinungaling ko sa kanya.



Ang weird.. Nakita ko din kanina si Kevin. Umitim din siya parang.. ahh nevermind.



Dahil hindi kami pinadalhan ni Mama ng sun block, eto na ang nangyari sa balat namin. Umitim kami ng
two tones ata.



Alam mo Zelle pumasok nalang tayo sa room natin. Kapagod kaya tumindig dito ng ilang minuto.



Bago pa makarating ang usapan namin sa kung saan, mabuti pang iligaw ko na si Zelle.



Ayy oo nga pala iyong arthritis mo..



Hinawakan ako ni Zelle na para bang inalalayan niya ako papasok sa room namin.



Si May naman at si Aya grabeh na iyong tawa nila habang nasa likod sila samin ni Zelle.



...



Mia, gusto mo bang sumama saming tatlo? Pupunta kaming mall. Window shopping lang. hehe



Sabi ni Zelle habang naglalakad kami papuntang parking space.



Talaga?



Ang tagal ko ng hindi nakapasok sa mall. Hindi ko na ata alam kung anong andun. Chos lang!



Ayy oo nga pala iyong paa mo. Maglalakad lang tayo ng maglalakad. Baka bumalik na naman iyong
arthritis mo. Sa susunod nalang.



Binawi ni Zelle iyong invitation niya.



Gusto kong sabihin sa kanya na hindi totoo iyong sinabi ni May at Aya kaya lang baka magduda si Zelle.



Oo nga Mia, huwag ka ng sumama samin. Baka lumala pa iyang ARTHRITIS MO!



Sabi ni Aya saka niya inemphasize iyong salitang arthritis.



Ang sarap kurutin sa singit ng babaeng to oh.



Ihahatid ka nalang namin Mia. Wala kang dalang kotse diba?



Sabi ni Zelle.



Hindi ko alam kung san na napunta iyong kotse ko. Pagdating ko kagabi sa bahay wala na iyon. Baka
andun na naman sa bahay namin ni Kevin.



Nagtaxi lang ako kanina papuntang University.



Thanks Zelle.



Nakarating nadin kami sa parking space.



*beep* *beep*



Kinuha ko iyong phone ko sa bulsa saka ko binasa iyong text message mula kay Kevin.



Sabi ng Mommy wala ka daw dala na kotse. Sabay nalang tayong umuwi para mapuntahan na natin
iyong bahay natin. Tapos na daw kasi iyong pag-aayos. Hintayin mo nalang ako sa kotse ko. Papunta na
akong parking space.



Pinindot ko iyong reply button saka ako nag reply kay Kevin.



Sige. Magkasama kami ngayon ni Zelle pero pauunahin ko nalang sila. Hanapin ko nalang iyong kotse
mo.



Tapos pinindot ko na iyong send button.



Sent.



Papalapit na kami ng papalapit si kotse ni Zelle. Kailangan ko na silang paunahin. Hindi pwedeng makita
ni Zelle na magkasama kami ni Kevin dahil hindi pa niya alam ang tungkol sa amin.



Uhmm Zelle. Mauna nalang kayo. Magtataxi nalang ako pauwi. Nakalimutan ko kasing may kailangan
pa pala akong gawin.



Pagsisinungaling ko ulit kay Zelle. Andami ko ng utang sa kanya.



Hindi pa nakasagot si Zelle ng napahinto kaming lahat dahil nakita namin si Axel na nakaupo sa hood ng
kotse niya.



Magkatabi pa talaga ang kotse niya at ang kotse ni Zelle.



Hi Mia, ihahatid na kita sa bahay niyo.



Sabi ni Axel habang papalapit siya samin. Bakit ngayon pa Axel?



Tinignan ko si Zelle.



Hindi ko mabasa iyong reaksyon ng mukha niya.



Hindi mo naman kailangang magsinungaling Mia. May date pala kayo ni Axel. Hindi naman ako
magagalit eh. hehe.



Ngumiti siya. Pero alam ko fake lang iyong ngiti niya.



Defense mechanism lang niya iyon.



Zelle hindi mo naiintindihan. Hindi ito ang ibig kong sabihin. Ano...Hindi ko talaga alam na andito pala
si..



Hindi na ako pinatapos ni Zelle sa pagsasalita. Tinapik niya iyong kanang balikat ko saka siya nag nod..



Okay lang talaga ako. Enjoy lang kayo ha?



Saka siya naunang naglakad papunta sa kotse niya.



Kami na ang bahalang magpaliwanag..



Bulong ni May sakin saka nila sinundan si Zelle.



Nakapasok na sila ng kotse saka pinaharurot ni Zelle ang kotse niya papalayo samin ni Axel.



Axel..Anong ginagawa mo dito?



Tanong ko kay Axel.



Ihahatid kita. hehe.



Sagot niya sabay ngiti pa.



Bakit mo ako ihahatid?



Bumuntong hininga na muna si Axel bago niya ako sinagot.



Sinabi ko naman sayo diba na liligawan kita kahit na ayaw mo. Wala namang masama sa ginagawa ko.
Single ka, single din ako. Bigyan mo lang ako ng chance Mia.



Ahhh!!



Ano bang gagawin ko sayo Axel?



Mababaliw na talaga ako nito.



Oyy pare!!



Nagulat nalang ako ng biglang itinaas ni Axel ang kamay niya.



Paglingon ko si Kevin pala.



Lagot na naman to.



Kevin..



Tumango lang si Kevin kay Axel.



Ihahatid ko lang si Mia sa bahay nila. Gusto mo ng sumabay?



Hindi ko talaga alam kung nananadya ba itong si Axel o hindi. Alam naman niyang may kotse si Kevin.
Bakit pa niya iimbitahin si Kevin?



Hindi na pare, may dala akong kotse. Sige..



Tinapik ni Kevin si Axel sa balikat at tinungo ang kotse niya.



Nagtext pa siya sakin kanina. Sabi niya sabay daw kaming uuwi pero ngayon iniwan na niya ako.
Pinanood ko lang iyong kotse niya na papalayo sakin



Ganun din ang ginawa ni Zelle kanina.



Halika na Mia..Sigurado akong pagod ka na..



Hinawakan ni Axel ang kamay ko pero binawi ko agad iyon.



Please Axel. Hindi mo alam kung anong ginawa mo..



Gusto mo parin ba si Kevin? Kita mo naman kanina. Ni hindi ka nga niya pinansin diba?



Kung pwede ko lang sanang suntukin si Axel ginawa ko na talaga para magising na siya sa katotohanan..



Hindi mo naman kasi alam kung anong nangyayari Axel. Huwag mo na kasi akong ligawan. Mabuti pa
mag-isip isip ka na muna. Alam ko nalilito ka lang..



Anong nalilito?



Tanong ni Axel sakin.



Nalilito ka lang. Baka mahal mo pa si Zelle tapos.. basta Axel. Bigyan mo na muna ng panahon ang sarili
mo para makapag-isip isip. Huwag kang magpadalos dalos dahil lang sa akala mo totoo na iyang
nararamdaman mo.



Hinawakan ulit ni Axel ang dalawa kong kamay.



Sigurado ako sa nararamdaman ko para sayo Mia. Please give me a chance..



Axel, please.. nakikiusap ako sayo. Kahit isang linggo lang. Huwag mo akong kulitin ng isang linggo.
Mag-isip isip ka muna. Pagkatapos ng isang linggo at ako parin ang gusto mo, hahayaan na kita sa gusto
mo.



Binawi ko ulit ang kamay ko sa kanya.



Sa loob ng isang linggo kailangan naming makagawa ng paraan ni May at Aya para sa kanila ni Zelle.
Dahil kung hindi, baka buong buhay na akong kukulitin ni Axel.



Iniwan ko na si Axel mag-isa sa parking space.



Dahil sa kanya nasaktan si Zelle.



Dahil sa kanya iniwan ako ni Kevin.



At dahil sa kanya kailangan ko pa ngayong magtaxi.



Kung wala lang sana siya dito eh di sana magkasama na kami ngayon ni Kevin papunta sa bagong bahay
namin.


Chapter 38: Second Dinner



Sa wakas at nakalabas nadin ako ng University na hindi sinusundan ni Axel. Natauhan na siguro siya sa
sinabi ko.



Naghintay na ako ng taxi na pwede kong sakyan.



Andami ko pa namang kaagaw ngayon lalo na at uwian.



Pagkatapos ng kalahating oras nakapara nadin ako ng taxi.



Woo!! Hindi pala madali pag wala kang dalang kotse. Ang sakit na ng paa ko kakatayo.



Pumasok na ako sa taxi.



San po tayo Maam?



Tanong ng driver.



Wala akong masagot sa kanya dahil ako mismo hindi ko alam kung san ako pupunta. Alam ko san ako
pupunta pero hindi ko alam iyong address. Useless lang din naman kung uuwi ako sa bahay namin dahil
wala na akong gamit don. And wala pa ang parents ko.



Kinuha ko iyong phone ko sa bag at tinawagan si Mommy.



Drive ka lang Kuya. Sasabihin ko lang sayo mamaya kung san iyong address.



Sige po Maam.



*riiing* *riiing*



(Oh anak?)



Ma, san po iyong address ng bahay namin ni Kevin?



(11221 West Vallejo Subdivision.)



Okay Ma. Thank you.



(Hindi ba kayo nagsabay ni Kevin? Sinabi niya kasi sakin na sabay daw kayong pupunta sa bahay niyo.)



Nagkaproblema po kasi Ma. Pero okay na. Thanks. See you soon.



Ibinaba ko na iyong linya ng phone ko.



Kuya 11221 West Vallejo Subdivision tayo.



Sabi ko sa driver.



Cge po Maam.



Actually hindi ko alam kung san ba ang address na iyan. Hindi pa kasi ako nakapunta kung san banda
man iyan ng mundo. Hinayaan ko nalang si Kuya na dalhin ako don.



Pero wala pang kalahating oras ng huminto na iyong taxi na sinasakyan namin.



Malapit lang pala?



Andito na po tayo Maam.



Sabi ng driver.




Binayaran ko na iyong driver saka ako lumabas ng taxi.



Pumasok na ako don sa gate ng subdivision.



Excuse me Maam. San po kayo pupunta?



Tinanong ako ng security guard ng subdivision.



Hindi ko din alam kung anong isasagot ko sa kanya dahil first time ko dito.



Sa bahay ko?



Sagot ko sa security guard na nagaalangan.



Kayo po ba si Mrs. Choi?



Mrs. Choi. Narinig ko ulit ang pangalan na iyan. Pangalawang beses ko palang narinig ang Mrs. Choi kaya
naninibago parin ako.



Opo.



Ahh. Pasok po kayo. Hinihintay na po kayo ng asawa niyo. Hindi po kasi kami nagpapapasok ng kung
sino sino lang dito Maam eh.



Tumango lang ako sa security guard. Ibig sabihin safe ang lugar na titirhan namin ni Kevin. Si Mommy
kaya ang pumili dito?



Malapit lang sa school namin ni Kevin kaya hindi kami ma-lelate nito.



Naglakad lakad ako sa daan habang tinitignan ang bawat bahay. Hinahanap ko iyong kotse ni Kevin dahil
hindi ko talaga alam kung san iyong bahay namin.



Naalala ko iyong sinabi ni Mommy saki na address.



11221 West Vallejo Subdivision



Ang boba mo talaga Mia. 11221 iyong number ng bahay niyo.



Hinanap ko na iyong 11221.



Nakarating nadin ako sa tapat ng isang puting gate.



11221 iyong nakalagay sa gilid.



Eto na ata iyon.



Tumalon talon ako sa harap ng gate para makita ko iyong loob.



Nakita ko iyong kotse ni Kevin. Eto na nga iyon.



Nagdoor bell na agad ako.



*diing* *doong*



Andito na!



Narinig ko iyong boses ni Kevin at ang mga yabag ng paa niya.



Yieee!! Excited na akong makita ang bahay namin.



Pagbukas ni Kevin ng gate, bumugad sakin ang isang poker face na ekspresyon ng mukha niya.



May problema ba?



Tanong ko sa kanya pero hindi niya ako sinagot. Bigla nalang niya akong tinalikuran at pumasok na sa
loob ng bahay namin.



Pumasok na ako ng gate at isinara iyon.



Tumingin tingin ako sa paligid.



Bakit wala iyong kotse ko? May parking space pa kaya sa likod ng bahay namin?



Pagpasok ko sa bahay.



Hindi siya ganun kalaki. Hindi ganitong bahay ang inexpect ko talaga.



Hindi naman sa nag expect ako ng bahay na singlaki ng bahay namin dati pero iyong bahay namin
ngayon ni Kevin, iyong good for two people lang talaga.



May gamit nadin kami kaya hindi na namin kailangan pang alalahanin iyon.



Tinignan ko si Kevin na nakaupo lang sa couch at nanonood ng TV. May problema kaya siya?



Baka pagod lang siguro. Hindi ko nalang siya kukulitin.



Umakyat na ako ng hagdanan para tignan iyong kwarto namin. Dalawang rooms lang ang meron, iyong
isa medyo malaki at ang isa naman walang laman.



Nagpakasal na kami ni Kevin pero hindi naman pwedeng magsama kami sa iisang kwarto.
Uncomfortable iyon.



Saka nalang pag kinasal na kami sa simbahan.



Pero san siya matutulog eh walang kama don sa kabilang kwarto?



Pumasok ulit ako sa kabilang kwarto at naghanap ng extra comforter saka ko dinala iyong sa kabilang
kwarto.



Inayos ko iyon sa sahig saka ako kumuha ng dalawang unan at inayos sa comforter.



Siguro naman magiging okay ni si Kevin dito.



Naglagay nadin ako ng kumot don sa kwarto.



Bibili nalang kami ng kama pag may oras na kami.



Pumasok na ako ng kwarto ko at nagbihis tapos bumaba nadin.



Si Kevin nanonood parin ng TV. Mukhang bad mood talaga siya.



Kevin anong gusto mong kainin sa hapunan? Ipagluluto kita.



Sabi ko sa kanya pero hindi man lang niya ako nilingon.



Kahit ako nalang..



Sagot niya.



Naalala ko iyong first dinner namin sa bahay ni Manang Josefa. Kare-kare ang paborito niyang pagkain.
Dumeretso akong kusina at binuksan ang ref. May mga stock naman na pagkain pero walang ingredients
para sa kare-kare.



Pupunta na muna akong mini mart.



Bumalik akong sala at tumabi kay Kevin.



Pwede pahiram na muna ng kotse mo? May bibilhin lang ako. Wala kasi ang kotse ko.



Pakiusap ko kay Kevin.



Kinuha niya iyong susi sa bulsa niya saka niya binigay sakin.



Babalik din ako agad.



Tumango lang siya kaya binuksan ko na iyong gate at inilabas ang kotse. Pagkatapos eh bumalik ulit ako
sa loob para isara iyong gate. Ayoko nang utusan si Kevin dahil bad mood talaga siya.



Pagdating ko sa mini mart tinawagan ko agad si Ate Kate.



Ate Kate ano pong kailangan para sa kare-kare?



Inilista ko lahat ng sinabi ni Ate Kate. Mabuti nalang talaga at nagdala ako ng papel at ballpen.



Thank you ate Kate.



1 kilo of beef check, peanut butter check, bagoong alamang check, onions check, garlic check, atsuete
check, oil check, eggplant check, Pechay check, sitaw check.



Wala na ata akong nakalimutan. Dumeretso na ako sa counter at binayaran lahat ng binili ko.



Thank you Maam.



Binitbit ko na iyong plastic bag at inilagay sa front seat ng kotse.



Pag-uwi ko ng bahay ako ulit iyong bumukas ng gate. Buti nalang at dinala ko iyong susi.



Bakit walang hi-nire si Mommy na tutulong samin?



Haayy!!



Ibinalik ko na iyong susi ng kotse kay Kevin saka ako dumeretso sa kusina. Hindi man lang niya ako
tinulungan na magbuhat ng mga pinamili ko.



Naghanap ako ng procedure kung pano lulutuin iyong kare-kare. Minsan lang ako magluto sa bahay
namin pag naka day off si Ate Kate. At first ko talagang magluto ng kare-kare ngayon.



Binabasa ko iyong procedure..



Hindi naman pala ganun kahirap..



Wash the beef. Cut into serving pieces. Place in a heavy saucepan with enough water to cover. Bring to a
boil, remove the scums as it rises, cover, add more water if you need to. Kare kare is better if the meat is
tender. Let simmer until the meat is tender this will take about 1-2 hours.




Maghihintay pa ako ng isang oras para dito. Maaga pa naman.



Habang hinihintay kong lumambot iyong karne, nagsaing na muna ako. Tinuruan nadin ako ni Ate Kate
kung ilang cups na tubig ang ilalagay.



Pagkatapos ng halos tatlong oras sa kusina, natapos nadin iyong kare-kare ko. Dahil sa sobrang
pagmamadali ko hindi ko na tinikman iyong kare-kare. Sinunod ko naman iyong sukat ng mga
ingredients kaya okay nato. Malapit ng mag 8 PM. Baka gutom na si Kevin.



Inayos ko na iyong hapagkainan namin.



May kanina na, may kare kare na may plato na at kutsara.



Ano pang kulang?



JUICE!!



Dali dali akong nagtimpla ng pineapple juice sa isang pitcher at inilagay iyon sa mesa.



Kevin kain na tayo. Nagluto ako ng paborito mong kare-kare.



Sabi ko sa kanya habang nakangiti ako.



Sana naman eh mawala na iyong bad mood niya pag natikman na niya iyong kare kare na niluto ko.



Tumayo na siya at sumunod sakin sa kusina.



Naupo na din siya sa harap ng hapagkainan.



Tinitigan ko lang siya habang naglalagay siya ng kanin sa plato niya. At syempre iyong kare-kare na niluto
ko.



Sinubo na niya iyong kanina na may kare-kare sa bibig niya.



Sana naman masarap siya sa niluto ko.



*cross fingers*



UHHHKKK!!!



Hindi ko talaga alam kung nabulunan si Kevin o hindi siya nasarapan sa niluto kong kare-kare.



Bigla nalang siyang tumayo at sinuka iyong sinubo niyang pagkain sa sink.



KEVIN? Okay ka lang? Itong juice..



Binigay ko iyong isang baso na may juice sa kanya saka niya iyon ininom pero bigla ulit niya itong sinuka.



Anong problema?



Mainit ba iyong juice?



Okay ka lang?



Tanong ko kay Kevin pero hindi parin siya sumagot.



Naupo na siya ulit sa upuan sa harap ng hapagkainan.



Hindi ba masarap?



Tanong ko sa kanya saka ako bumalik sa upuan ko kaharap niya.



Kinuha ko iyong kutsara ko at tinikman iyong kare-kare.



Uhhmmm!!



Ang tamis. Sobrang tamis. Mas matamis pa sa tsokolate.



Kinuha ko iyong baso ng juice saka ko iyong ininom pero..



*PFFFFFTTTT!!*



Naibuhos ko lahat ng nainom kong juice sa mukha ni Kevin.



Sa gwapo at makinis niyang mukha!!



Napahawak nalang siya sa mukha niya na basang basa ng mix juice at ng laway ko.



Im sorry Kevin.



Pwede na bang umiyak?



WAAA!! Bakit ngayon pa?



Binaba ko agad iyong hawak kong baso at naghanap ng pwedeng pampunas sa mukha ni Kevin pero too
late dahil tumayo na siya at dumeretso sa pag-akyat ng bahay namin.



EPIC FAIL!!



Gusto kong umiyak!!



Bad mood si Kevin kaya gusto ko siyang pasiyahin pero..



Mas lalo ata akong nakadagdag sa pagka bad mood niya.



Bakit ba ang tanga tanga ko?



Ang tamis ng kare-kare tapos iyong juice..



Ang alat! Mas maaalat pa sa dagat!!



Sana di ko nalang nilagyan ng asukal iyong juice. Hindi ko na sana nalagyan ng asin accidentally..



Nakakainis!!



Paano na ako makakabawi sa kanya?



Sigurado akong gutom na siya.



Naupo lang ako sa harap ng hapagkainan at tinitigan iyong kare-kare. Nasayang lang ang effort ko sa
pagluto.



Hayyy!!



Mia!! Dont give up!!



Tumayo ako at itinabi iyong kare-kare na niluto ko.



Hindi narin naman iyong makakain.



Binuksan ko iyong ref at kumuha ng itlog. Failure ako sa pagluto ng kare-kare dahil hindi naman ako
kabisado don. Magluluto nalang ulit ako ng something na confident ako.



Ang itlog!!



Pagkatapos ng limang minuto tapos na ako sa pagluto ng omelette. Pero this time, sigurado na akong
masarap na iyong niluto ko.



Kumuha ako ng ballpen at sticky note pad sa bag ko at sinulatan si Kevin.



Im sorry Kevin. Alam ko hindi ako magaling magluto pero nakasisigurado na ako ngayon na masarap na
ang omelette na niluto ko.



Idinikit ko iyong sticky note malapit sa itlog saka ko ito tinabunan para hindi madikitan ng kung ano ano.



Kumuha lang ako ng crackers at naupo sa couch. Manonood nalang muna ako ng TV. Hindi nadin ako
kakain dahil wala nadin naman akong ganang kumain pa.



Sana lang kainin iyon ni Kevin.



Hayy Mia napaka failure mo talaga.



Puno ulit ng kamalasan iyong nangyari sa araw ko. Mula kay Zelle patungo kay Axel at ngayon kay Kevin.



Haayy!!



Bakit kaya bad mood si Kevin?



Hindi naman ata siya bad mood kanina nong nag text siya sakin.



10 PM na pero hindi parin bumababa si Kevin. Hindi na ata niya kakainin iyon niluto kong omelette.



Pinatay ko na iyong TV at mga ilaw sa baba ng bahay namin saka ako umakyat.



Napatitig ako sa pinto ng kwarto ni Kevin. Tulog na kaya siya?



Lumapit ako sa tapat ng pinto ng kwarto niya saka ako kumatok.



Kevin? Pwedeng pumasok?



Hindi sumagot si Kevin pero binuksan ko parin iyong pinto pero pagtingin ko sa kanya nakatalikod na
siya sakin.



Tulog na ata talaga siya kaya sinara ko nalang ulit iyong pinto ng kwarto niya.



Dumeretso nalang ako ng kwarto ko at humiga sakama.



Kailangan kong makatulog kahit na sobrang nalulungkot ako sa mga nangyayari.



Babawi nalang ako kay Kevin bukas at sa susunod na mga araw.



Good night Kevin!



Alam ko hindi niya ako naririnig ngayon dahil nasa kabilang kwarto siya at natutulog na siya pero gusto
ko paring mag good night sa kanya.



Im sorry ulit.



Saka ko pinikit ang mga mata ko.



Chapter 39: One on One




Kevins POV



Pagpasok ko sa kwarto ko nagulat nalang ako dahil nakaayos na iyong comforter at unan. May kumot
nadin ako. Si Maybelline ba iyong nag-ayos nito? Naalala ko kasi na wala talagang laman ang kwarto
nato kanina.



Gusto kong bumaba ulit para pasalamatan si Maybelline sa ginawa niya pero hindi ko ginawa.



Naguiguilty ako dahil hindi ko man lang siya kinausap simula nong dumating siya sa bahay. Gusto kong
sabihin sa kanya na hindi ako galit sa niluto niyang matamis na kare-kare at maalat na pineapple juice.



Bad mood lang talaga ako.



Ewan ko ba!



Humiga na ako sa comforter at ginamit ko iyong dalawang kamay ko para sa unan ko kahit na may unan
na ako.



Bakit ba bigla nalang nagbago iyong mood ko?



Kanina masaya pa ako habang tinext ko si Maybelline na magkita kami sa parking space para sabay na
kaming umuwi pero bigla ko nalang nakita si Axel.



Naalala ko na naman iyong sinabi niya sakin. Iyong tungkol sa pakiusap niya pero tinraydor ko siya.
Hindi ko lang niligawan si Maybelline kundi pinakasalan pa.



Ugghh!!



Gusto ko ng matulog pero hindi parin ako makatulog.



Ilang oras na akong nakahiga dito pero hindi parin ako makatulog.



*tok* *tok*



Kevin? Pwedeng pumasok?



Narinig ko iyong boses ni Maybelline sa labas ng pinto ng kwarto ko kaya naman dali dali kong
kinumutan iyong sarili ko at nagpanggap na tulog na ako.



Narinig kong bumukas iyong pinto pero pagkatapos ng kalahating minuto narinig ko ulit na sumara ito.



Para akong sira ulo. Nagpapanggap ako na tulog pero sa loob loob ko gusto kong kausapin si Maybelline.
May topak na ata ako. Nahawa na siguro ako sa kanya dahil palagi nalang kaming magkasama.



Ipinikit ko ang mga mata ko at sinubukang makatulog pero bigla ko nalang narinig ang mga dragon sa
loob ng tiyan ko na sumisigaw dahil sa gutom.



Ahh!!



Napahawak nalang ako sa tiyan ko saka ako bumangon at bumaba. Pero sinigurado kong hindi ako
maririnig ni Maybelline para hindi na siya magising pa.



Binuksan ko iyong ilaw sa baba at nakita ko agad iyong mga plastic ng tatlong chips. Si Maybelline ba
kumain nito?



Lumapit ako sa center table at pinulot ang lahat ng kalat.



Hindi ba siya nag dinner?



Pagkatapos kong ligpitin ang mga kalat sa center table, dumeretso na akong kusina at binuksan ang ref
kung anong pwedeng makain agad.



Kumuha lang ako ng sandwich at naupo sa harap ng hapagkainan pero napansin kong may platong
tinabunan don.



Binuksan ko iyong at nakita ang omelette at isang note.



Im sorry Kevin. Alam ko hindi ako magaling magluto pero nakasisigurado na ako ngayon na masarap na
ang omelette na niluto ko.



Bigla nalang akong napangiti dahil sa nabasa kong note. Nakakatawa talaga itong si Maybelline. Hindi ko
naman sinabi sa kanya na hindi siya magaling magluto. Sigurado akong kung asin lang talaga iyong
nailagay niya sa kare-kare, masarap sana iyon.



Nilagyan ko na ng kanin ang plato ko at inulam iyong omelette.



Mabuti naman at hindi na asukal iyong nailagay ni Maybelline ngayon. Ang sarap ng omelette na niluto
niya. Parang expert siya dito. Hindi na mainit iyong omelette dahil kanina pa ata niya ito niluto pero ang
sarap parin. Ang lambot sa bibig..



Napadami iyong kain ko dahil sa omelette na ginawa ni Maybelline. Hindi ko nadin hinugasan iyong plato
na nilagyan ng omelette. Pinatong ko nalang sa mesa at hindi na tinakpan.



Umakyat nadin ako at pumasok sa kwarto ko.



*beep* *beep*



Malapit na atang maghating gabi pero tumunog pa iyong phone ko. Binasa ko iyong text message na
pinadala.



Gising ka pa? Magkita tayo bukas ng 6 AM sa gymnasium ng campus. Laro tayo. Dala ka ng bola.



Hindi na ako nagreply sa text message ni Axel. Pupunta naman din ako kaya hindi na kailangan.









Pagising ko tulog parin si Maybelline. Naligo na ako at sinuot ang jersey ko. Dinala ko nadin iyong bola
saka ako pumunta ng University.



Pagdating ko sa campus as usual wala pang tao dahil sa sobrang aga pa. 7:30 AM ang unang class ng
University at 5:50 AM palang ngayon.



Sa tuwing gusto naming maglaro ni Axel na kami lang, dito kami pupunta ng ganitong oras para walang
istorbo.



Pumasok na agad ako ng gymnasium at nakita ko si Axel na naglalaro na.



Nagdala ka din ng bola?



Tanong ko sa kanya habang naglalakad ako papunta sa kanya at dinidribble ang bola na dala ko.



Baka kasi nakalimutan mo na namang magdala ng bola.



Tinapon niya sa ere ang bola saka ito pumasok sa ring.



Wala parin siyang palya pagdating sa shooting.



Hindi na kinuha ni Axel ang bola na pinasok niya sa ring. Hinayaan nalang niya ito hanggang sa huminto
ito sa gilid ng court.



Antagal na nating hindi nakapaglaro na tayo lang.



Sabi niya sakin saka ko pinasa sa kanya ang bola at pinasa niya sakin pabalik.



One on one ulit?



Tanong ko sa kanya.



Iyon nga iyong dahilan ko kaya kita pinapunta dito. Pero bago iyan.. May sasabihin ako sayo..



Naglakad si Axel patungo sa bleacher kaya sinundan ko siya.



Naupo ako sa tabi niya pagkatapos.



Ano iyon?



Mukhang seryoso na naman ang pag-uusapan namin ngayon.



Kinausap ako ni Maybelline kahapon. Hindi ko alam kung anong ibig niyan sabihin don pero parang
sinasabi niya na may gusto pa ako kay Zelle.



Pano nalaman ni Maybelline ang tungkol sa bagay na iyan?



Sinabi ba ni Axel sa kanya ang lahat?



Sinabi din ba niya kay Maybelline gusto ko si Zelle noon? Hindi lang gusto kundi si Zelle iyong first love
ko?



Pero pano naisip ni Maybelline na parang may gusto parin si Axel kay Zelle? Akala ko ako lang iyong
nakaisip ng ganyan pero hindi naman talaga ako sigurado kung gusto pa niya talaga si Zelle o talagang si
Maybelline na ang gusto niya.



Bakit hindi na ba talaga?



Tanong ko kay Axel.



Pati ba naman ikaw pare iniisip mong gusto ko parin si Zelle? Hindi naman sa hindi ko na siya gusto.
Gusto ko parin siya pero siguro kaibigan nalang iyong turing ko sa kanya. Parang kapatid.



Pare gusto ko lang humingi ng pasensya sayo.



Biglang sambit ni Axel sakin.



Nagulat ako sa sinabi niya dahil wala akong naalala na may nagawa siyang atraso sakin.



Para saan?



Tanong ko sa kanya.



Para don sa hiningi kong pabor. Naisip ko na napakamakasarili ko...Alam kong hindi tama iyon, kung
gusto ko talaga si Mia at kung gusto mo rin siya, dapat lumaban ako ng patas.



Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya dahil hindi ko maintindihan ang nais niyang iparating
sakin.



Anong ibig mong sabihin pare?



Gusto ko lang munang itanong sayo Kevin. Gusto mo din ba si Mia?



Mas lalong hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Axel.



Oo dahil nangako ako kay Maybelline gagawin ko ang lahat para sa relasyon namin bilang mag-asawa?



Hindi dahil ayokong masaktan ang kaibigan ko?



Silence means yes. Kaya huwag mo na akong sagutin dahil alam ko na kung ano ang sagot don sa
tanong ko.



Tumayo nalang bigla si Axel.



Simula ngayon lalaban na ako ng patas pare. Kalimutan mo na iyong pabor ko sayo. Alam kong hindi
tama na hingin ko sayo iyon. Pero babawiin ko lang iyong pabor ko sayo sa isang kondisyon.



Ano iyon?



Tanong ko.



Pag natalo mo ako, hahayaan ko ng ligawan mo din si Mia.



Ang totoo, hindi ko naman kailangang talunin si Axel sa basketball para lang maligawan si Maybelline
dahil mag-asawa na kami. Pero may umuudyok sakin na dapat ko talagang matalo si Axel sa kahit na
anong paraan.



Deal?



Tanong ni Axel sakin saka niya inabot iyong kamay niya para makipag kamay sakin.



Deal.



Sagot ko sa kanya saka kami nagkamayan.



First to score wins the game.



Sabi ni Axel saka siya naglakad papuntang ilalim ng ring. Dinribble ko naman iyong bola at pinasa ko sa
kanya.



Ikaw na mauna. Dedepensa ako.



Sabi ko sa kanya.



Dinribble ni Axel ang bola ng ilang beses habang nasa harap niya ako at nakaharang. Hinding hindi ko
siya pwedeng bigyan ng pagkakataon para makashoot dahil ang ibig sabihin non, talo ako. At hindi niya
babawiin iyong pabor na hiningi niya sakin.



Ilang beses siyang nagtangka na lampasan ako pero hindi niya nagawa.



Nakahanap ako ng pagkakataon kaya nabawi ko iyong bola mula sa kanya. Tumakbo ako habang
dinidribble ko iyong bola para ishoot sa ring pero nahabol niya ako. Hindi ko na tinuloy iyong pagshoot
dahil mawawalan lang ako ng pagkakataon sa susunod. Mababawi lang niya iyong bola mula sakin.



Sobra mo atang siniseryoso ang laro natin pre?



Tanong ni Axel sakin habang nakadepensa siya.



Ikaw din naman ah. Ngayon lang kita nakitang maglaro ng ganito.



Tumawa lang siya at tinangkang agawin ang bola sakin.



Hindi ko mabilang kung ilang beses ng naagaw ni Axel ang bola sakin at kung ilang beses ko nading
nabawi ang bola sa kanya.



Pero ang mahalaga nasa akin na ulit ang bola. Ilang minuto nalang at dadami na ang tao sa campus.
Wala na kaming natitirang oras ni Axel.



Basang basa na ng pawis ang buong katawan ko at naramdaman ko iyong pagtulo ng pawis mula sa noo
ko hanggang sa leeg ko.



Sobrang seryoso si Axel sa laro namin.



Kailangan ko ng maishoot ang bola ngayon.



Dinribble ko ang bola saka ko sinubukang lagpasan si Axel.



Hindi mo ako kaya Kevin.



Inakma kong tumalon para ishoot ang bola at tumalon naman si Axel para pigilan ako. Pero fake lang ang
lahat ng iyon dahil hindi talaga ako tuluyang tumalon. Habang nasa ere si Axel, nilampasan ko naman
siya at tumakbo patungogng ring habang dribble ko parin iyong bola.



Saka ako tumalon at inihagis ang bola patungo sa ring para mag lay up.



Tumalon din si Axel mula sa likuran ko para pigilan ako sa pagshoot pero tumama lang iyong daliri niya
sa bola.



Ilang beses paikot ikot ang bola sa gilid ng ring..



Pumasok ka!!



Sigaw ng isip ko.



Ilang beses pa itong umikot hanggang sa..



YESSSS!!!



Pumasok iyong bola..



Ibig sabihin panalo ako!! Tumalon ako dahil sa sobrang tuwa.



Panalo ka pare. So pano iyan? May the best man win?



Tinapik ni Axel ang balikat ko saka siya ngumiti. Alam kong totoo ang ngiti na binigay niya sakin.



Tumango lang ako bilang tugon ko sa kanya.



Uwi na tayo.. May klase pa ako mamaya.



Sabi ni Axel. Sabay kaming lumabas ng gym at tinungo ang mga kotse namin.



..



Kevin? Kevin ikaw na ba iyan?



Papasok palang ako ng bahay pero rinig na rinig ko na iyong boses ni Maybelline.



Bakit? May problema ba?



Tanong ko sa kanya ng makita ko siyang hindi mapakali.



San ka galing? Bakit pawis na pawis ka?



Tanong niya sakin.



Nagbasketball lang. Teka, ano bang problema mo? Bakit parang hindi ka mapakali diyan?



Iyong omelette? Nakita mo ba? Niluto ko iyon kagabi para sayo. Kinain mo ba? Nawawala kasi eh.



Naalala ko iyong omelette na kinain ko kagabi. Hanggang ngayon alalang-alala ko parin iyong lasa.



Ano Kevin? Bakit hindi ka makasagot? Pagising mo nakita mo ba iyong omelette?



Pagising ko wala na iyong omelette.



Umupo ako sa couch at nagpahinga. Sobrang napagod ako pero maganda iyong mood ko.



Ang sarap asarin ni Maybelline. hahaha!!



Ano? Hindi mo nakita iyong omelette kaninang umaga? Eh asan na iyon?



hahaha!



Nakakatawa talaga iyong mukha niya.



Parang iiyak na siya dahil hindi na niya makita iyong omelette. Bakit pa niya hinahanap iyon? Akala ko ba
niluto niya iyon para sakin.



Baka kinain ng pusa kagabi kaya wala na kaninang umaga.



Sagot ko sa kanya habang nakangiti ako.



Pusa? Kinain ng pusa? Pero naalala ko tinakpan ko iyong omelette.



Baka kinain ng malaking pusa.



hehehe!!



Palihim akong ngumingiti habang inaasar ko siya. Hindi niya talaga alam na ako iyong kumain kagabi.



Eh para naman talaga sakin iyon diba?



May pusa pala dito sa bahay? Lagot talaga iyong pusang iyong pag nakita ko siya. Titirisin ko talaga siya
na parang kuto. Nakakainis. Bakit niya kinain iyon eh niluto ko iyon para sayo.



Para sa pusa naman talaga iyong omelette kaya kinain niya.



haha!! Wala parin talaga siyang ideya na ako ang malaking pusa na kumain sa omelette.



Nakakainis talaga!! Ipagluluto nalang kita ng bago para makakain na tayo. Siya nga pala Kevin, iyong
kotse ko? Alam mo ba kung san pinarada?



Wala ka na daw kotse sabi ng Mommy mo sakin kahapon. Sabay nalang daw tayong pumunta ng
school.



ANOOO???? WALA NA AKONG KOTSE???



hahaha!!



Ang totoo niyan, ako talaga ang nagrequest sa Mommy niya na kunin na iyong kotse ni Maybelline. Pano
naman kasi kami aasenso sa relasyon namin kung hindi kami palaging magkasama.



Oo magkasama kami sa iisang bubong pero iba parin iyong sabay kaming pumunta ng school at sabay
narin kaming umuwi ng bahay namin.



Chapter 40: Savior




San ka na ngayon? Diba mamaya pa iyong klase mo?



Tanong ko kay Kevin pagdating natin sa school. Mamayang hapon pa iyong class niya pero hinatid parin
niya ako dahil wala na akong kotse.



Tatawagan ko talaga si Mommy mamaya at pipilitin ko siyang ibalik na iyong kotse ko. Hindi naman sa
ayaw kong ihatid ako ni Kevin dito sa school pero nakakahiya naman kasi sa kanya. Maiistorbo ko lang
siya.



Si Mommy naman kasi eh.



Punta nalang muna siguro akong library. Mauna ka nang lumabas. Susunod nalang ako para walang
makakita satin.



Sabi ni Kevin.



Dahil si May at Aya lang iyong nakakaalam na kasal na kami ni Kevin, kailangan naming mag-ingat sa mga
schoolmates namin. Iwas chismis.



At ngayong sabay na kaming pumapasok ng school, mas lalo pa naming kailangang mag-ingat.
Sinigurado ko munang wala ng tao sa labas ng kotse saka ko binuksan iyong pinto.



Sige kita nalang tayo mamaya.



Mag-iingat ka at makinig ka sa teacher mo para may matutunan ka.



Hindi ko talaga inasahan iyon mula kay Kevin. Akala ko kasi hindi niya na naman siya magsasalita. Mas
lalo pa akong nagulat ng ngumiti siya sakin.



Dali dali na akong lumabas ng kotse at naglakad papalayo.



Habang naglalakad ako iniisip ko si Kevin. Parang good mood na ata siya simula kaning umaga. Ibig bang
sabihin non hindi na siya galit sa nagawa ko kagabi? Iyong kare kareng matamis at ang juice na maalat?



Mia san ka pupunta? Andito kami.



Dahil sa sobrang pag-iisip ko, hindi ko namalayan na nalampasan ko na pala sina Aya at May.



Oh andito pala kayo. Ano palang nangyari sa lakad niyo kahapon? At si Zelle? Kamusta na siya? Galit ba
siya sakin?



Tanong ko kay Aya at May.



Ang panget nang pagkakahiwalay namin ni Zelle. Dahil iyon kay Axel. Nakakainis talaga si Axel.



Hindi galit si Zelle sayo noh. Hindi iyon magagalit sayo. Bakit naman siya magagalit eh hindi mo naman
kasalanan kung sayo nagkagusto si Axel.



Sabi ni May sakin.



Ano palang nangyari sa inyo ni Axel kahapon?



Tanong naman ni Aya sakin.



Uhmm.. Kinausap ko siya. Sabi ko huwag na niya akong kulitin pero ayaw niya talagang makinig sakin
eh kaya pinakiusapan ko siya na bigyan niya na muna iyong sarili niya ng isang linggo para makapag-isip
isip kung talagang gusto niya ako o kung si Zelle pa ang gusto niya.



Sabi ko sa kanila habang sabay kaming naglakad sa hallway.



Pumayag ba?



Tanong ni May.



Hindi siya sumagot eh. Pero sana pumayag siya.



Eh pano kung pagkatapos ng isang linggo ikaw parin iyong gusto niya?



Sabi ni Aya.



Kaya nga eh. Kailangan na nating gumawa ng paraan para kina Zelle at Axel. Pagkatapos ng isang linggo
at maiisip ni Axel na ako parin iyong gusto niya. Lagot na talaga. Baka kulitin lang ako non habang buhay
at malulungkot din si Zelle.



Nakarating nadin kami sa harap ng room namin pero hindi na muna kami pumasok dahil baka andon na
si Zelle. Ayokong marinig niya iyong pag-uusapan namin.



Eh anong gagawin natin? Diba ilang beses na tayong gumawa ng paraan para sa kanila pero epic fail
talaga?



Tanong ni May.



Ako na ang bahala diyan. May naisip na ako. Kailangan kong kausapin mamaya si Axel pero kailangang
hindi kami makita ni Zelle na magkasama dahil baka ma misunderstood ulit niya.



Sabi ko sa kanila.



Tumango lang sila Aya at May bilang senyas na naiintindihan nila iyong ibig kong sabihin. Pagpasok
namin ng room andun na nga si Zelle sa upuan niya. Ngumiti agad siya saming tatlo pagkakita niya
samin.



Good morning girls.



Bati niya saming tatlo.



Good morning din Zelle.



Bati namin sa kanya pabalik saka ako ngumiti sa kanya.



Naupo na ako sa tabi niya dahil kami naman iyong magkatabi.



Kamusta iyong date ninyo ni Axel kahapon?



Nawala nalang bigla iyong ngiti sa labi ko pagkatapos niyang itanong iyong tungkol sa nakita niya
kahapon.



Zelle, na misunderstood mo lang talaga ang lahat. Hindi kami nagdate ni Axel.



Gusto ko ng sabihin sa kanya ang lahat lahat tungkol samin ni Kevin para tigilan na niya iyong pag-iisip
niya ng masama tungkol samin ni Axel.



Sige na nga. Hindi nalang ako magtatanong. Baka ayaw mong sabihin iyong progress niyo eh. hehe..



Magsasalita pa sana ulit ako para depensahan iyong sarili ko pero biglang dumating iyong professor
namin.



Good morning class..



Habang nagdidiscuss ang professor namin sa harap, inilabas ko naman iyong phone ko at nagtype ng
message para kay Axel.



Pwede ba tayong magkita mamaya pagkatapos ng klase? Hihintayin kita sa parking space.




..




Sinabihan ko na sina May at Aya na mauuna akong uuwi dahil magkikita pa kami ni Axel. Sila na daw
iyong bahalang magpalusot kay Zelle. Ayokong maulit na naman iyong nangyari kahapon. Baka mas lalo
pa kaming pagdududahan ni Axel.



Pagdating ko sa parking space andun na nga si Axel at nakaupo ulit sa hood ng kotse niya.



Akala ko ayaw mo na akong makita.



Sabi niya sakin habang nakangiti. Mali ata ang nasa utak niya ngayon. Hindi ako nakipagkita sa kanya
para saming dalawa kundi para sa kanila ni Zelle.



May sasabihin lang ako sayo pero huwag na dito dahil baka may makakita satin.



Tumango naman siya at pinagbuksan ako ng pinto.



Pumasok na ako sa kotse niya saka ko siya nakitang umikot papuntang drivers side at binuksan iyon.
Pumasok nadin siya pagkatapos.



Pag-usapan nalang natin ang bagay na iyan habang nagkakape tayo. I know a good place.



Sabi ni Axel.



Muntik ko ng makalimutan na hindi ko pala nasabihan si Kevin na mauuna na akong umuwi. Baka
hihintayin niya ako.



Inilabas ko iyong phone sa bag ko saka ako nagtext sa kanya.



Kevin baka malalate ako ng uwi sa bahay. May dadaanan pa kasi ako. Magkita nalang tayo don. May dala
naman akong susi.



Saka ko pinindot iyong send button.



Ilang saglit lang nagreply na siya.



Sige. Mag-iingat ka. Hintayin nalang kita sa bahay.



Nagreply ulit ako sa kanya.



Pag gugutumin kana kumain ka nalang diyan. Huwag mo na akong hintayin.



Parang busy ka ata ah? Sinong katext mo?



Tanong ni Axel sakin habang nagmamaneho siya.



Ahh wala..



Pagsisinungaling ko.



Si Kevin ba?



Huh? Pano niya nalaman? Akala ko talaga hindi niya babangitin ang pangalan ni Kevin. Ang alam niya
kasi eh hindi kami close ni Kevin dahil hindi naman ako pinapansin ni Kevin kahit super effort na ako sa
kanya.



Hindi noh..



Pagsisinungaling ko kay Axel. Ayokong malaman niya na kasal na kami ni Kevin. Dahil..ayoko lang..



Hindi pa pala siya gumagalaw. Baka naghahanda pa iyon.. Siguro sa susunod na mga araw magsisimula
na siya.



Hindi ko nagets kung anong ibig sabihin ni Axel don. Pero hindi ko nalang siya pinansin.



Pagdating namin ng coffee shop nag order na agad si Axel. Pinilit kong magbayad sa kanya pero hindi
niya talaga tinanggap iyong pera ko. Libre nalang daw niya sakin.



Ano palang pag-uusapan natin?



Tanong ni Axel sakin.



*thunder rumble*



Napatakip ako bigla sa tenga ko pagkatapos kong marinig ang sobrang lakas at nakakabinging tunog ng
kidlat.



Wala namang nakapagsabi na uuluan ngayon o may bagyong paparating.



Pero bigla nalang dumilim iyong kalangitan.



Nakakatakot!!



Hindi ko nalang kaya sabihin kay Axel ang tungkol don sa plano ko para naman makauwi ako ng maaga.
Nakakatakot kasi ang ulan. Wala pa naman akong dalang kotse.



Pero sayang din naman iyong effort ko kung hindi ko sasabihin kay Axel.



Ahh ano. Gusto ko lang magpatulong sayo.



Pagsisimula ko sa kanya.



Tulong? Sure.. Tungkol naman saan?



Ininom ko na muna iyong kape ko saka ako nagsalita ulit.



Tungkol sa lessons ko. Hindi ko kasi masyadong gets eh at isa pa malapit na iyong exams. Natatakot ako
na baka hindi ako makapasa.



Actually hindi ko alam kung magaling ba talaga si Axel pagdating sa academics pero wala na talaga akong
maisip na iba pang dahilan. Mahina talaga ako pagdating sa pagpapalusot.



Dahil salamin iyang iyong bumubuo bilang dingding ng coffee shop, kitang kita ko iyong pagpatak ng
ulan sa labas.



Sana naman makauwi na ako ng bahay bago paman ito lumakas. Ang dilim dilim pa naman ng paligid at
wala akong dalang payong.



Masaya ako at sakin ka talaga lumapit patungkol diyan sa problema mo.



Sabi ni Axel habang nakangiti.



Akala ko talaga hindi mo na ako papansinin pagkatapos ng pangugulit ko sayo.



Haayy Axel!!



Kung alam mo lang talaga na ginagawa ko to hindi dahil gusto kitang makita. Ginagawa ko ito dahil
gusto ko kayong tulungan ni Zelle.



So kailan mo ba ako pwedeng turuan?



Tanong ko sa kanya saka ko ininom ulit ang kape ko. Ramdam ko na kasi iyong lamig. Plus hindi pa ako
nakapagdala ng jacket. Hindi ko naman kasi inasahan na uulan pala ngayong araw nato. Ang init init
kaya kanina.



*thunder rumble*



Ang lakas na naman ng kulog. Nakakatakot na talaga. Mukhang lalakas pa ata ang ulan nato.



Bukas pwede ako.



Sagot ni Axel.



Good. Pwede din ako bukas. So mga 7 PM?



Tanong ko sa kanya.



Sure.



Inubos ko na iyong kape ko.



Uuwi na ako Axel. Umuulan na kasi eh. Salamat pala dito sa kape at salamat din in advance para bukas.
Magkita nalang tayo tomorrow night. 7 PM.



Tumayo na ako.



Ihahatid na kita Mia. Ang lakas ng ulan oh. Mahihirapan kading maghanap ng taxi ngayon dahil uwian
ng mga tao.



Ayokong ihatid ako ni Axel dahil malalaman niya na iba na iyong bahay ko. Naalala ko nong tinawagan
niya ako nong nasa Camiguin ako at sinabi niyang pumunta daw siya sa bahay namin. Ibig sabihin non
alam niya kung nasan ang bahay namin ng parents ko. At malalaman niya iyong totoo tungkol samin ni
Kevin pag ihahatid niya ako sa bahay.



Pero ayoko din namang magtaxi dahil tama talaga si Axel. Mahihirapan akong maghanap ng taxi. Andami
kong kaagaw. Mas lalo akong matatagalan sa pag-uwi.



Siguro don nalang ako magpapahatid sa bahay ng parents ko tapos magpapahatid nalang ako sa driver
namin patungo sa bahay namin ni Kevin.



Ganun nalang siguro.



Okay lang ba sayo Axel?



Tanong ko sa kanya.



Oo naman. Tayo na.



Pinayungan pa ako ni Axel at pingbuksan ng pinto ng kotse. Medyo nabasa ako pero konti lang naman.



Hindi nagtagal nasa kalagitnaan na kami ng highway. Sobrang lakas parin ng ulan. Palakas ito ng palakas
at idagdag mo pa ang traffic. Halos hindi na ata umaandari yong kotse namin dahil sa sobrang traffic.



Baka mamayang hating gabi pa tayo makakauwi nito dahil sa traffic.



Sabi ni Axel.



Hindi pwedeng mamayang hating gabi pa kami makakauwi ni Axel dahil hahanapin na ako ni Kevin.



Wala ka bang alam na shortcut patungo sa bahay namin? Iyong hindi traffic.



Meron. Don nalang tayo dadaan.



Pagkatapos naming makalusot sa traffic, hindi na kami nagpatuloy pa sa highway dahil baka matatagalan
pa kami. Lumiko na si Axel. Hindi ko masyadong kabisado iyong daan na tinahak niya pero wala
masyadong tao.



Mas madali kung dito tayo dadaan.



Sabi ni Axel.



Tumango lang ako.



Inilabas ko lang iyong phone ko at earphone at nakinig ng music.



Hinahanap kaya ako ni Kevin? Hinintay ko iyong text niya pero wala parin. Baka kumakain pa siguro.



*toooot *toooot*



(AN: Sorry for the bad sound effect.)



Bigla nalang nag shut iyong phone ko. Empty battery. Hindi ko na matatanggap ang text ni Kevin kung
meron man.



Pero okay lang dahil makakarating din naman ako sa bahay ng parents ko any minute from now.



*BAMMM!!*



Anong nangyari?



Tanong ko kay Axel dahil bigla nalang huminto iyong kotse niya.



Ewan ko?



Ewan mo? I-start mo ulit yong kotse.



Utos ko sa kanya.



Ilang beses sinubukan ni Axel na i-start iyong kotse pero ayaw talaga.



Baka dahil siguro sa nabasa iyong makina sa baha sa highway.



Sabi ni Axel.



Hindi to pwede. Tumingin tingin ako sa labas para makapaghanap ng taxi pero wala talaga.



Anong gagawin natin ngayon?



Tanong ko sa kanya.



Teka titignan ko lang.



Lumabas si Axel ng kotse at binuksan iyong hood ng kotse niya. Ang lakas pa naman ng ulan. Magiging
okay kaya kami?



Pagkatapos ng ilang minuto bumalik agad si Axel sa loob ng kotse. Basang basa siya.



Ayos na ba?



Tanong ko sa kanya.



Susubukan ko ulit.



Sinubukan niya ulit na i-start iyong makina ng kotse pero ayaw talaga.



Ayaw talaga Mia.



Bigla akong nalungkot at kinabahan. Ano na ang gagawin namin?



Baka bukas pa tayo makauwi nito. Sobrang lakas ng ulan kaya hindi tayo makahingi ng tulong.



Iyong cellphone mo?



Tanong ko sa kanya.



Nilabas ni Axel iyong phone niya saka niya binigay sakin.



Drained na iyong battery Sambit ko.



Ano na ang gagawin namin dito sa loob ng kotse? Ang lamig lamig. Hindi parin tumitila ang ulan.



Gusto ko ng umuwi sa bahay namin ni Kevin..



Chapter 41: Savior




Kevins POV



Hi Kevin! You are so gwapo talaga.



Kevin I heard break na daw kayo ni Chloe. Wala ka bang bagong girlfriend ngayon?



Kevin baka pwede akong manligaw sayo?



Kevin pwede ba?



Kevin bakit di mo kami pinapansin?



Habang naglalakad ako sa hallway, nasa akin ang lahat ng mga mata ng mga kababaihan. Wala pa
kaming isang linggo ni Chloe nong hiniwalayan ko na siya.



Dalawang araw nga lang iyon.



Kung noon pinapatulan ko ang mga babaeng lumalapit sakin ngayon hindi na. Dahil ayoko lang.



At nangako ako kay Maybelline.



Papunta na akong parking space dahil tapos na iyong huling subject ko. Itetext ko na sana si Maybelline
ng makita ko iyong dalawang kaibigan niya at si Zelle. Bakit hindi nila kasama si Maybelline? Nag-away
ba sila?



Sumakay na sila sa kotse ni Zelle saka umandar iyong kotse papalayo sakin. Asan na si Maybelline?



Pumasok na ako ng kotse ko at napahawak sa manibela habang nag-iisip ako kung san ngayon si
Maybelline.



Hindi mo talaga malalaman ang sagot Kevin kung hindi mo siya tatawagan.



Hinanap ko na iyong pangalan ni Maybelline sa contacts ko at pipindutin na sana iyong call button ng
bigla nalang tumunog ang phone ko dahil may nagtext.



Binasa ko na muna iyong message.



Kevin baka malalate ako ng uwi sa bahay. May dadaanan pa kasi ako. Magkita nalang tayo don. May dala
naman akong susi.



May dadaanan siya? San naman kaya? Sigurado naman akong hindi sila magkasama ng kaibigan niya
dahil nakita ko sila kanina lang.



Binuo ko na iyong irereply ko sa kanya.



San ka pupunta? Sino ang kasama mo?



Pipindutin ko na sana iyong send button pero parang may hindi tama sa reply ko. Parang
napakachismoso ko naman kung itutuloy ko iyong pagtatanong sa kanya. Kalalaki ko pa namang tao.



Dinelete ko na iyong tinext ko sa kanya at bumuo ulit ng bagong reply.



Sige. Mag-iingat ka. Hintayin nalang kita sa bahay.



Saka ko sinend iyong reply ko.



Hindi nagtagal natanggap ko nadin iyong reply niya.



Pag gugutumin kana kumain ka nalang diyan. Huwag mo na akong hintayin.



Ibig sabihin matatagalan talaga siya? San ba kasi siya pupunta?



Tsss! Bahala ka nga sa buhay mo. Bakit ba ako nagtatanong sa sarili ko kung san ka pupunta?



Tinapon ko na iyong phone ko sa front seat saka ko pina-andar ang kotse.



Kakain naman talaga ako ng mag-isa mamaya. Hindi mo na kailangang sabihin sakin iyan dahil wala
naman akong balak na hintayin ka!



Nakakabweset!



Ang ganda ganda pa naman sana ng mood ko mula kaninang umaga pero sinira lang ni Maybelline.



Tss! Bakit ba ako nagpapa-apekto sa Maybelline na iyan?



Para na talaga akong baliw. Nagsasalitang mag-isa. Nakakahawa pala ang sakit ni Maybelline.



Dahil sa sobrang pagkabweset ko, dumaan na muna ako ng fast food chain at nag drive thru. Nag order
lang ako para sa sarili ko. Pag siya talaga dumating habang kumakain ako, hindi ko talaga siya bibigyan
kahit na lumuhod pa siya sa harap ko.



Good afternoon Sir. Welcome to Jollibee.



Bati sakin nong lalaki.



Isang large fries, isang spaghetti without drinks at isang chocolate sundae.



Pagkatapos ng limang minuto natanggap ko na lahat ng inorder ko at pauwi na sa bahay.



Ang hirap ng sitwasyon ko dahil ako iyong nagmamaneho at ako iyong magbubukas ng gate. Mabuti
sana kung kasama ko si Maybelline dahil may taga bukas ako ng gate.



Pagpasok ko sa loob ng bahay sobrang tahimik. Di tulad nong umuwi ako kaninang umaga na rinig ko na
agad iyong boses ni Maybelline.



Ugghh! Bakit ba palagi nalang siya iyong iniisip ko?



Dahil hindi pa naman talaga ako gutom, inilagay ko na muna sa mesa iyong binili kong pagkain at pinasok
muna sa ref ang sundae.



Naupo ako sa couch at nanood ng telebisyon.



Ilang beses na akong papalit palit ng chanel pero wala parin akong mapili na papanoorin. Hanggang sa
nanood nalang ako ng news.



*thunder rumbles*



Bigla nalang kumulog.



Mag-ingat po tayong lahat dahil may bagyo pong namumuo sa bansa natin. Mag-ingat po sa landslides
at sa..



Hindi ko na pinakinggan iyong news dahil lumabas agad ako.



Bakit wala pa si Maybelline?



Tawagan ko na kaya?



O text ko nalang kaya kung asan na siya?



Hanggang sa pumatak na talaga iyong ulan.



Baka papauwi narin iyon. Huwag nalang.



KInuha ko na iyong pagkaing binili ko pati narin iyong sundae na nilagay ko sa ref at dinala sa center
table ng sala.



Kakain nalang ako habang nanonood ng telebisyon.



Pero pano kung darating nalang bigla si Maybelline pagkatapos eh tapos na akong kumain? Eh di hindi
niya makikita iyong kinakain ko? Hindi siya maiinggit.



Mamaya nalang ako kakain.



Tinignan ko iyong relo ko. Malapit ng mag alas otso. Hindi parin ako kumakain dahil hinihintay ko si
Maybelline. Bakit ba hindi pa siya dumarating?



Tinitigan ko iyong sundae na ngayon eh white liquid nalang. Natunaw na talaga iyong sundae. Sayang
naman.



Sinilip ko iyong labas gamit ang bintana namin pero wala parin si Maybelline.



Mas lalong lumalakas iyong ulan. Kinuha ko iyong phone ko at tinext siya.



Asan ka na? Umuwi ka na ang lakas ng ulan.



Hinintay ko iyong reply niya pero hindi talaga dumating. Busy ba talaga siya? Ano bang ginagawa niya?



Tinawagan ko na talaga si Maybelline dahil hindi na ako mapakali.



The number you have dialed is either unattended or out of coverage area.



Shit!



Ilang beses kong tinawagan si Maybelline pero hindi ko parin siya macontact. Napakaclumsy pa naman
ng babaeng iyon. Pano kung nalunod na iyon sa baha o baka tinangay na ng malakas na hangin? Ang
payat payat pa naman non.



Tatawagan ko nalang iyong kaibigan niya.



Tatawagan ko na sana iyong kaibigan ni Maybelline pero naalala kong wala pala akong number nila.



Hinanap ko iyong pangalan ni Zelle sa contacts ko at tinawagan siya.



(Hello ?)



"Zelle? Ikaw ba 'to?"



(Kevin? I'm sorry Kevin pero umalis si Zelle. Naiwan niya iyong phone niya. Mabuti nga lang at narinig ko
na tumunog. Bakit? Anong sadya mo sa kanya?)



"Ahh Tita ikaw pala 'to. Hihingi lang po sana ako ng number ng mga kaibigan niya."



(Kaibigan niya? Si Mia ba tinutukoy mo o si May at Aya?)



"Ahh si May at Aya po kung okay lang po Tita. Kailangang kailangan ko lang kasi talaga."



(Sige Kevin hahanapin ko nalang dito sa contacts ni Zelle.)



"Tita san nga po pala nagpunta si Zelle?"



(Hindi ko rin alam iho eh. Pero baka pauwi narin iyon.)



"Sige po Tita. Maraming salamat po talaga at pasensya na po sa istorbo."



Pagkatapos ng ilang minuto dumating nadin iyong dalawang contact numbers ng mga kaibigan ni
Maybelline. Tinawagan ko na iyong Aya dahil iyon ang unang dumating na contact.




(Hello sino to?)



Ahh.. Ikaw ba si Aya?



(Sino ka nga? Hindi ako nakikipag-usap sa mga hindi ko kilala. Sige bye. at huwag mo na akong
tawagan..)



Bigla nalang niyang binaba iyong linya.



Ang taray!



Sinubukan ko iyong isang contact. Si May.



(Hello?)



Hello May? Si Kevin to. Kevin Choi.



(Ahh Kevin. Ikaw pala. Napatawag ka?)



Itatanong ko lang sana kung alam mo kung nasan ngayon si Maybelline? Hindi pa kasi siya umuuwi ng
bahay. Tinext niya ako kanina na matatagalan daw siya pero lampas alas otso na at ang lakas pa ng ulan.
Nag-aalala lang ako na baka may nangyari sa kanya.



(Hindi pa siya nakakauwi? Tinawagan mo na ba siya?)



Hindi macontact iyong phone niya. Na drained ata iyong phone niya. Alam mo ba kung nasan siya?



(Hindi ko talaga alam kung nasan siya Kevin. Pero ang alam ko magkasama sila ni Axel kanina. Kinausap
niya kasi si Axel tungkol sa kanila ni Zelle.)



Magkasama sila ni Axel?



Cge May. Salamat talaga at pasensya na sa istorbo.



Binaba ko na agad iyong linya saka ko tinawagan si Axel.



The number you have dialed is either unattended or out of coverage area



Fvck! Bat ba hindi ko kayo ma contact?



Agad ko na kinuha ang susi ng kotse ko at lumabas. Binuksan ko iyong gate kahit na wala akong dalang
payong. Basang basa na ako sa sobrang lakas ng ulan pero wala na akong pakialam.



Hindi ko alam kung san ako magsisimula sa paghahanap sa kanila. Inikot ko iyong buong town para lang
mahanap iyong kotse ni Axel pero hindi ko parin sila nakita.



Natraffic pa ako pagdating ko sa highway.



Sobrang lakas parin ng ulan.



*beep* *beep*



Sobrang ingay na ng mga kotse dahil sa atat na atat na silang makagalaw ang kotse nila.



Dahil sa sobrang traffic, naisipan kong lumiko sa isang maliit na daan para maiwasan ang traffic sa
highway.



Asan ka na ba Maybelline?



Pagkatapos ng ilang minutong pagmamaneho, napansin ko iyong isang pamilya na pulang kotse. Tumigil
na muna ako at binasa iyong plate number.



Kay Axel nga iyon.



Pinaandar ko ulit iyong kotse saka ako huminto sa tabi ng kotse ni Axel.



Binuksan ko iyong pinto at agad na lumabas kahit na sobrang lakas pa ng ulan. Total basa nadin naman
ako mula sa pagbukas at pagsara ko ng gate kanina.



Binuksan ko iyong pinto sa front seat at hinawakan si Maybelline sa kamay.



Kevin?



Nagulat siya ng makita ako.



Pare?



Pati din si Axel pero hinila ko na si Maybelline palabas sa kotse ni Axel. Pinagbuksan ko pa siya ng pinto
at mahinang tinulak papasok sa kotse ko. Umikot naman ako papunta sa drivers seat.



Kevin? Paano mo kami nahanap?



Tanong ni Maybelline sakin habang pinaandar ko na iyong kotse papalayo sa lugar kung nasan si Axel.
Hindi ko alam kung anong ginagawa nila don o kung anong nangyari. Ang alam ko lang kailangan na
naming makauwi ni Maybelline bago pa tuluyang lumakas ang ulan.



Napadaan lang ako at nakita ko iyong kotse ni Axel.



Pagsisinungaling ko sa kanya. Hindi ko talaga alam kung bakit ako nagsisinungaling eh pwede ko namang
sabihing hinanap ko siya dahil nag-aalala ako sa kanya.



Mabuti nalang talaga at napadaan ka...



Si Maybelline talaga napaka inosente. Hindi niya talaga alam na sadyang hinanap ko siya.



Pagdating namin sa bahay basang basa kami pareho.



Ohh? Kaninong pagkain to? Akin?



Tanong ni Maybelline pagkakita niya sa binili ko kanina. Hindi ko pa kasi kinain dahil sa sobrang pag-
aalala ko sa kanya.



Hindi noh.. Akin iyan kaya lang hindi ko na naubos dahil sa sobrang dami ng binili ko.



Pagsisinungaling ko ulit sa kanya.



Ehhh!! Parang may nasesense na ako Kevin ha.



Sinundot niya iyong balikat ko.



Ikaw talaga...



Sinundot ulit niya iyong balikat ko.



Ano bang problema mo?



Tanong ko sa kanya.



Binili mo iyan para sakin noh? Kaya parang hindi nagalaw. Tingnan mo iyong sundae oh tunaw na.
hehe! Ikaw talaga Kevin. Hindi ka napadaan kanina noh? Hinanap mo talaga ako noh?



hahaha!!



Tama iyong isang sinabi ni Maybelline na hinanap ko talaga siya pero mali iyong sinabi niya na binili ko
iyong pagkain para sa kanya. Hindi ko kinain iyon dahil gusto ko siyang palawayin sana.



Tsss..



Binigyan ko lang siya ng poker face para hindi niya mabasa iyong ekspresyon ng mukha ko.



Yieee!! Ikaw talaga. Nagseselos ka noh?



Pangiti ngiti pa siya habang sinasabi niya iyon pero bigla nalang akong tumawa.



Ako? Nagseselos? hahaha!! Sa mukha mong iyan magseselos ako? hahaha.. Nahulog ba ang turnilyo sa
utak mo at ganyan ka nalang mag-isip? Huwag kang mag-alala bibilhan kita ng bago bukas.



Ginulo ko iyong basa niyang buhok.



Denial ka pa talaga eh. Aminin mo na kasi.



Tss.. Wala akong aaminin.. Mabuti pa umakyat ka na para makapagbihis ka. Baka magkasakit pa tayo
nito.



Nauna na akong umakyat sa kanya pero nasa kalagitnaan palang ako ng hagan ng tinawag niya ako.



Kevin?



Nilingon ko naman siya.



Ano?



Salamat talaga. Nagbibiro lang naman ako kanina. Alam ko hindi ka nagseselos pero thank you padin
dahil sinundo mo ako.



Tumango lang ako saka ako tuluyang umakyat at pumasok ng kwarto ko.



Pagbaba ko, tinawag agad ako ni Maybelline para kumain. Ang bilis naman ata niyang nakapagluto?



Kumain na tayo. Nakakagutom iyong ulan.



Sabi niya.



Naupo na ako sa harap ng hapagkainan.



Noodles?



Tumango lang siya.



Bakit hindi? Masarap ang noodles pag umuulan noh. Isa pa tapos ka nadin namang kumain diba kaya
okay na iyan.



Kung alam mo lang Maybelline na wala pa talagang laman ang tiyan ko mula kanina dahil hinintay kita.
Tapos ngayon pakakainin mo lang ako ng noodles dahil umuulan?



Bukas na bukas din kailangan kong kausapin si Mommy para makahanap na siya ng kasambahay namin.
Ang hirap na kami lang dalawa ni Maybelline dito sa bahay.


Chapter 42: Coincidence





Axels POV



*beep* *beep*



Binasa ko iyong text message. Sobrang gulat ko ng makita ko iyong pangalan ni Mia na nakaflash sa
screen ng phone ko.



Pwede ba tayong magkita mamaya pagkatapos ng klase? Hihintayin kita sa parking space.



Sobrang tuwa ko pagkatapos kong basahin ang message na galing sa kanya. Akala ko kasi hindi na niya
ako kakausapin pa.



Pagkatapos ng klase ko, dumeretso na ako sa parking space at hinintay siya. Ngayong may kaagaw na
ako kay Mia, hindi ako pwedeng tumunganga lang at maghintay kung kelan kami aasenso. Alam ko
magsisimula naring manligaw si Kevin pagkatapos niya akong tinalo kanina sa game namin.



Isang oras akong naghintay kay Mia sa parking space pero okay lang kahit gano katagal ko siyang
hintayin. Ang mahalaga magkikita kaming dalawa.



Akala ko ayaw mo na akong makita.



Sabi ko kay Mia pagkatapos ko siyang makita papalapit sakin.



Dinala ko siya sa coffee shop na paborito ko para makapag-usap kami ng maayos at para din magkaroon
kami ng oras na kami lang.



Pero bigla nalang umulan. Ayoko pa sanang umuwi dahil gusto ko pa siyang makasama kaya lang eh
parang gusto na talaga niyang umuwi.



Ihahatid na kita Mia. Ang lakas ng ulan oh. Mahihirapan kading maghanap ng taxi ngayon dahil uwian
ng mga tao.



Sabi ko kay Mia, ayaw pa sana niya pero pumayag nadin siya dahil sa sobrang lakas ng ulan.



Okay lang ba sayo Axel?



Tanong ni Mia sakin.



Oo naman. Tayo na.



Pinahiram kami ng payong ng staff ng coffee shop at pinayungan ko si Mia papunta sa kotse ko. Sobrang
basa talaga iyong kalahating katawan ko dahil mas inuna ko siya pero okay lang naman.



Akala ko eh maihahatid ko siya agad sa bahay nila pero halos hindi na gumalaw iyong sasakyan namin
dahil sa sobrang traffic sa highway.



Baka mamayang hating gabi pa tayo makakauwi nito dahil sa traffic.



Sabi ko sa kanya.



Nag-aalala ako para kay Mia dahil baka hinahanap na siya ng mga magulang niya pero sa loob loob ko
natutuwa ako dahil mahaba pa iyong oras namin na magkasama na kami lang dalawa. Walang istorbo.



Wala ka bang alam na shortcut patungo sa bahay namin? Iyong hindi traffic.



Tanong ni Mia sakin. Kung ako lang talaga ang masusunod eh gusto kong dito kami sa highway dadaan
para naman matagalan pa kami pero ayoko namang baliwalain iyong gusto niya.



Meron. Don nalang tayo dadaan.



Sabi ko sa kanya.



Pagkatapos naming makalusot sa traffic, lumiko na ako don sa hindi masyadong dinadaanan ng mga
sasakyan.



Mas madali kung dito tayo dadaan.



Sabi ko sa kanya para naman gumaan iyong loob niya. Alam ko kasing nababahala na talaga siya sa
sitwasyon namin.



*BAMMM!!*



Bigla nalang huminto iyong kotse na sinasakyan namin.



Anong nangyari?



Tanong ni Mia sakin.



Ewan ko?



Ewan mo? I-start mo ulit yong kotse.




Sigaw niya sakin. Alam ko parang nauubusan na siya ng pasensya. Gustong gusto na ata niyang umuwi.
Hindi na niya siguro gustong makasama ako.



Ilang beses kong sinubukan na i-start iyong kotse pero ayaw talaga.



Baka dahil siguro sa nabasa iyong makina sa baha sa highway.



Sabi ko kay Mia.



Anong gagawin natin ngayon?



Hindi na talaga siya mapakali.



Teka titignan ko lang.



Lumabas ako ng kotse ko kahit na sobrang lakas ng ulan. Mabuti nalang talaga at hindi bumaha sa kung
nasan kami ngayon hindi katulad sa highway kanina.



Binuksan ko iyong hood ng kotse ko para ayusin kung may deperensiya man pero wala talaga akong
makita.



Bumalik na ako sa loob ng kotse na basang basa.



Ayos na ba?



Tanong ni Mia sakin.



Ilang beses kong sinubukang i-start iyong makina ng kotse pero ayaw talaga. Hiniram ni Mia ang
cellphone ko para tawagan ata ang mga magulang niya pero lowbat na iyong phone ko. Naglaro kasi ako
kanina habang hinihintay ko siya sa parking space. Mukhang lowbat nadin iyong phone niya.



Hindi ko talaga alam kung matutuwa ba ako dahil nastranded kami ni Mia at bakas bukas pa kami ng
umaga makauwi o malulungkot ako dahil ramdam ko na hindi niya ako gusto makasama.



Sinubukan kong aliwin si Mia. Nagkwento na ako, nagjoke na ako at kung ano ano pa pero hindi talaga
effective.



Akala ko na habang lumilipas ang minuto at ang oras, magiging komportable na siya na kami lang dalawa
ang nasa loob ng kotse pero hindi pala. Dahil habang tumatakbo ang oras mas nagiging hindi siya
komportable at mas nababahala siya.



Natatakot ka ba na tayo lang ang andito?



Tanong ko kay Mia.



Ha? Ahh..ano.. Hindi naman.. Ano lang.. ahhh.



Hindi niya masabi ng maayos ang gusto niyang sabihin. Ni hindi nga siya makatingin sakin ng deretso.



Pero nabigla nalang ako ng may nagbukas ng pinto niya at hinila siya palabas ng kotse ko. Hahawakan ko
na sana siya para pigilan siya ng makita ko si Kevin pala iyon.



Kevin?



Pare?



Pero hindi na ako pinansin ni Kevin. Nahila na niya palabas si Mia at padabog niyang isinara iyong pinto
ng kotse ko.



Anong ginagawa niya dito?



Paano niya nalaman na magkasama kami ni Mia?



At bakit niya sinundo si Mia?



Nagsisimula na ba siyang manligaw kay Mia?



Fvck! Anong gagawin ko dito? Ako nalang mag-isa. Okay lang sana kung kasama ko si Mia dahil
makakasurvive pa ako hanggang umaga pero ngayon hindi na talaga. Sigurado akong hindi ko kayang
maghintay hanggang umaga.



Isang oras din akong nasa loob ng kotse. Baka matagpuan nalang nila ako dito kinabukasan na walang
buhay dahil sa sobrang bored at sa sobrang ginaw.



Kailangan kong makahanap ng matutulugan. May malapit naman sigurong pension house dito.



Lumabas na ako ng kotse ko pero sinigurado kong nakalock iyon. Babalikan ko nalang kinabukasan.
Tumakbo ako sa gitna ng ulan. Sobrang basang basa na ako. Para na akong nagbabad sa swimming pool
ng ilang oras.



Hanggang sa huminto ako sa isang waiting shade.



Magpapahinga nalang muna ako dito saglit saka ako tatakbo ulit para maghanap ng pension house.



*thunder rumble*



Oh my gosh!! Oh my gosh!!



Narinig ko ang isang boses ng babae habang kumukulog. Nilingon ko siya at nakita kong nakaupo lang
siya sa sulok ng waiting shade. Basang basa. Tinatakpan niya iyong tenga niya habang tinatago niya iyong
mukha niya sa tuhod niya.



Nakakaawa.



Anong ginagawa niya dito mag-isa? Napaka delekado ng panahon dahil sobrang lakas ng ulan at babae
pa siya.



Miss okay ka lang?



Pero pagtingin niya ako, sobrang nagulat ako.



Zelle? Anong ginagawa mo dito?



Bigla nalang siyang tumayo at niyakap ako. Saka siya humagulgol sa pag-iyak. Niyakap ko din siya
pabalik.



Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.



Naaawa ba ako kaya ako nasasaktan para sa kanya?



A--Axel..



Umiyak pa siya ng umiyak.



Shh..Andito na ako.



Hinaplos ko iyong buhok niya na basang basa.



Ganun lang iyong posisyon namin ni Zelle ng ilang minuto. Humiwalay nadin siya sakin pagkatapos
niyang mahimasmasan.



Im sorry Axel. Hindi ko dapat ginawa iyon. Natakot lang talaga kasi ako.



Mahinang sambit ni Zelle.



Hindi mo kailangang magsorry Zelle. Anong ginagawa mo dito?



Tanong ko sa kanya.



Pagkatapos ko kasing makauwi ng bahay, naisip kong pumunta sa park para makapag-isip isip. Iyong
tungkol sa..



Pero hindi na niya tinapos iyong sinabi niya.



Kahit na hindi na niya tinapos iyong sasabihin niya sana, alam ko kung anong ibig niyang sabihin. Alam ko
kung anong iniisip niya.



Wala ka bang dalang kotse?



Tanong ko sa kanya pero umiling lang siya.



Nagtaxi lang ako patungong park pero bigla nalang bumuhos iyong malakas na ulan. Naghanap ako ng
taxi pero wala akong mahanap dahil andami kong kaagaw. Naghanap ako ng pwedeng masilungan
hanggang sa nakarating ako dito. Inakala ko na titila agad iyong ulan pero..



Umiyak ulit si Zelle pagkatapos niyang ikwento iyong nangyari sa kanya.



Shhh!! Tama na Zelle.



Hinawakan ko iyong dalawang kamay niya.



Andito naman ako. Hindi kita pababayaan. Pangako iyan.



Naghintay pa kami ng limang minuto ni Zelle. Hindi ko binitawan iyong kamay niya dahil alam kong
natatakot siya.



Bakit ka pala andito?



Hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Zelle. Magsisinungaling ba ako sa kanya o sasabihin ko ang
totoo na magkasama kami ni Mia kanina?



Ayoko siyang masaktan. Pero masasaktan siya lalo kung magsisinungaling ako.



Magkasama kami ni Mia kanina, gusto daw kasi niyang magpatuyo sakin ng lessons niyo. Pero bigla
nalang kaming inabutan ng ulan ng ihahatid ko na siya sa bahay nila. Tapos na traffic pa kami kaya
nagshort kami dito pero bigla nalang huminto iyong kotse ko..



Tapos? Anong nangyari? Asan na si Mia ngayon?



Tanong niya sakin.



Akala ko buong magdamag na kami don sa kotse ko pero bigla nalang dumating si Kevin at kinuha siya.



Nagulat din si Zelle pagkatapos niyang marinig ang tungkol kay Kevin.



Si Kevin? Pero..



Nililigawan na ata ni Kevin si Mia.



Mahinang sabi ko sa kanya.



Mabuti naman kung ganun. Gusto talaga kasi ni Mia si Kevin eh.



Sabi ni Zelle.



Tumahimik lang ako.



Im sorry Axel. Hindi iyan ang ibig kong sabihin. Im sorry kung na offend kita.



Bawi ni Zelle sa sinabi niya.



Naiintindihan ko Zelle.



Ang lakas parin ng ulan at kumukulog din paminsan minsan. Hindi kami pwedeng magtagal dito ni Zelle
dahil baka maninigas kami sa sobrang ginaw.



Tayo na? Maghanap na tayo ng matutuluyan. Takbo ka lang ng takbo. Huwag kang mag-alala, hawak ko
naman iyong kamay mo.



Itinaas ko iyong kamay ko kung san hawak hawak ko iyong kamay niya para makita niya.



Ngumiti lang siya at tumango.



Atleast ngayon medyo kalmado na si Zelle.



Isa.. dalawa..tatlo.. takbo..



Para kaming mga batang naglalaro sa ilalim ng ulan. Nagtatakbuhan kahit na sobrang lakas ng kulog.



Pero ang sarap sa pakiramdam dahil hindi ako nag-iisa sa ganitong sitwasyon. Andito si Zelle kasama ko.



Hindi nagtagal, nakahanap nadin kami ng pension house. Agad na kaming pumasok don kahit na basang
basa kami.



Lumapit agad kami sa reservation counter.



Good evening Sir, Maam.



Good evening. May available rooms pa ba?



Sabi ko.



Ill check it Sir.



Tinignan niya muna sa computer kung may bakante bang room.



May isa pa pong room available Sir.



Tinignan ko si Zelle.



Isang room nalang ang available dito.



May malapit po bang pension house dito Miss?



Tanong ni Zelle sa babae.



1 kilometer po ang layo mula dito.



Isang kilometro? Kung tatakbuhin namin iyon sigurado akong matatagalan din kami. Aabot siguro kami
ng kalahating oras dahil sa lakas ng ulan.



Kung ako lang eh okay na akong takbuhin ang isa pang pension house pero si Zelle.



Ikaw nalang mag check in Zelle. Don nalang ako sa kabilang pension house.



Sabi ko sa kanya.



Pero pano kung walang bakante don? San ka matutulog? Malayo pa ang bahay niyo mula dito. At
sigurado akong wala nading taxi ngayon dahil sa baha na iyong daan.



Sabi niya sakin.



Wala namang mawawala kung susubukan ko eh.



Sabi ko sa kanya.



Huwag na Axel. Kunin nalang natin to. Baka nag-aaksaya ka lang ng oras at pagod don. Isa pa delikado
na iyong daan. Madilim na at ang lakas padin ng ulan.



Sigurado ka ba?



Tanong ko sa kanya.



Babae siya. Nakakahiya naman kung iisang kwarto lang ang gagamitin namin. Nakakahiya sa parte niya.



Tumango lang si Zelle bilang tugon niya sakin.



Miss kukunin na namin iyong room.



Sabi niya sa babae.



Sige po Maam.



Inilabas ko na iyong credit card ko at ibinigay sa babae.



Heres your key sir. Room 54.



Ibinigay na ng babae ang susi sa kwarto namin ni Zelle saka kami pumasok sa elevator. Tatlong palapag
lang ang pension house at natutuwa ako na may elevator sila. Sobrang nakakapagod ng umakyat ng
hagdan at sobrang sakit na ng mga paa ko.



Okay ka lang Zelle?



Tanong ko sa kanya ng bigla nalang siyang natahimik at parang hindi mapakali.



Okay lang ako.



Oo nga pala. May dala kang cellphone?



Tanong ko sa kanya. Kailangan naming tawagan iyong parents niya para hindi na sila mag-alala kay Zelle.



Hindi ko dinala iyong cellphone ko pero may telephone naman ata sila room. Tatawagan ko nalang
iyong parents ko mamaya.



Sabi ni Zelle sakin.



*ting*



Nakarating na kami sa second floor at hinanap iyong room number namin.



Eto na pala.



Sabi ko kay Zelle ng makita ko iyong room 54.



Pinasok ko na iyong susi sa keyhole at binuksan iyong room.




Chapter 43: Overnight




Zelles POV




Naglakad lakad ako sa park para makapag-isip. Andaming tao, at lahat sila tuwang tuwa. Lahat sila may
mga ngiti sa labi nila.



Naupo ako sa bakanteng bench habang tinitignan ang mga tao sa paligid. Mabuti pa sila, masaya. Bakit
hindi ko magawang maging masaya?



Hindi na naman sumabay kanina si Mia samin. Baka magkasama na naman sila ni Axel. Ayaw mang
sabihin ni May at ni Aya sakina ang totoo, alam ko na magkasama sila Mia at Axel at pinagtatakpan lang
nila May at Aya sila para hindi ako masaktan.



Hindi naman ako galit kay Mia. Wala naman siyang kasalanan kaya hindi ako dapat magalit sa kanya. Ang
totoo, gustong gusto ko nga siya at alam kong totoo iyong pagkakaibigan namin. Pero hindi ko maiwasan
na magselos at masaktan sa tuwing nalalaman ko na magkasama sila ni Axel. Lalo na iyong araw na
nakita ko sila sa parking space.



Ang sakit..



Pero alam ko wala na akong magagawa..



*thunder rumbles*



AHHHH!!!



Napatakip ako agad sa tenga ko. Hindi ako natatakot sa ipis kahit na lumilipad pa ito. Kaya ko itong
patayin gamit lang ang tsinelas. Pero natatakot talaga ako sa tunog ng kulog at kidlat.



Iyong mga bata na naglalaro sa swing at slide at seesaw nag sitakbuhan patungo sa mga magulat at yaya
nila pagkatapos ang isang malakas na kulog.



Pagtingin ko sa langit sobrang dilim.



May bagyo ba?



Kailangan ko ng makauwi ngayon bago ako abutan ng ulan. Tumayo na ako pero bigla nalang bumuhos
ang ulan. Nong una mahina pa ito kaya tumakbo ako patungo sa side ng daan at naghanap ng taxi. Pero
sa dami ng tao sa park nahirapan akong maghanap. Lalo na at paunahan pala ang paghahanap na taxi.



Taxi!! Taxi!!



Huminto iyong taxi sa harapan ko.



Bubuksan ko na sana iyong pinto sa backseat pero bigla nalang may tumulak sakin.



Im sorry Miss pero ako ang nauna.



Sabi nong babae saka siya pumasok sa taxi.



Ang sama ng ugali niya. Ako naman iyong hinintuan ng taxi.



Naghintay pa ako ng taxi na dadaan pero wala na talaga akong mahanap.



Lumakas na ng sobra ang ulan kaya basang basa na ako. Tumakbo ako at naghanap ng masisilungan
hanggang sa makarating ako sa waiting shed.



Sana titila na ang ulan.



Naghintay ako ng kalahating oras don pero hindi parin talaga tumitigil ang ulan. Mas lalo pa itong
lumalakas.



*thunder rumbles*



Ahhh!!



Tinakpak ko iyong tenga ko. Nakakatakot talaga ang kulog. Ang sakit sa tenga at nakakakaba.



Tatawagan ko na sana iyong mga magulang ko pero naalala ko na hindi ko pala dinala iyong phone ko.



Ganito naba talaga ako kamalas?



Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko na dumaloy sa pisngi ko pero agad ko naman itong pinahiran.
Kailangan kong magpalakas. Hindi ako dapat paghinaan ng loob. Kakayanin ko ito at makakauwi ako.



Pero lumipas pa ang ilang minuto at ilang oras, hindi humihinto iyong ulan.



*thunder rumbles*



Basang basa na ako dahil sa lakas ng hangin napupunta sakin iyong hamog ng ulan at nabasa din ako
kanina habang tumatakbo ako.



Niyakap ko ang sarili ko.



*thunder rumbles*



TAMA NA!!!



Humagulgol na talaga ako sa takot at naupo nalang sa sulok ng waiting shed habang sinandal ko iyong
ulo ko sa tuhod ko at niyakap ang sarili ko.



Sana naman may tutulong sakin dito.



*thunder rumble*



Oh my gosh!! Oh my gosh!!



Takot na takot na talaga ako. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Hindi ko na alam kung
makakauwi pa ba ako ng bahay namin. Hindi ko alam kung makikita ko pa ba ang mga kaibigan ko. Hindi
ko din alam kung makikita ko pa ba si Axel.



Miss okay ka lang?



May tao.. Gusto kong itaas ang mukha ko para makita ko siya. Pero natatakot ako dahil baka masamang
tao siya at may gagawin siyang masama sakin. Pero pano kung mabait siya? at pano kung siya lang iyong
makakatulong sakin.



Itinaas ko iyang mukha ko at nakita ko si Axel. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya. Hindi ko
alam kung bakit siya andito. Pero sobrang natutuwa ako dahil nasa harap ko na siya ngayon.



Zelle? Anong ginagawa mo dito?



Bigla akong tumayo at niyakap siya ng mahigpit. Hindi niya alam kung gaano ako natakot kanina. Kung
gaano ako kinabahan pero ngayong andito na siya sa harap ko. Nawala ang lahat ng takot na iyon. Alam
ko walang masamang mangyayari sakin.




..





Magbihis ka na muna Zelle bago ka pa magkasakit. Basang basa ka.



Sabi ni Axel sakin.



May extra naman na damit sa pension house. Iyon nalang ang gagamitin ko. Pumasok na agad ako ng
banyo at nag hot shower. Sobrang nilamig ako kanina. Akala ko talaga eh magiging bato na ako sa
sobrang lamig.



Sobrang dami ng nasa utak ko. Tadhana ba talaga ang nagdala samin dito ni Axel? Ni sa panaginip ko
hindi ko naisip na magsasama kami ni Axel sa iisang kwarto.



Hindi na ako nagtagal sa shower dahil alam kong giniginaw nadin si Axel sa labas. Kailangan na din
niyang sumunod.



Lumabas na ako ng banyo habang pinupunasan ko ng towel ang buhok ko.



Pwede ka nang maligo Axel.



Sabi ko sa kanya. Tumango lang siya at tahimik na pumasok sa loob ng banyo.



Habang nasa loob ng banyo si Axel at naliligo, tinawagan ko na iyong parents ko dahil alam ko na sobra
na silang nag-aalala para sakin.



*riing* *riing*



(Hello?)



Hello Manang? Andiyan po ba si Mommy?



(Zen.. Zen.. Si Zelle tumatawag na..)



Narinig ko iyong sigaw ni Manang kay Mommy. Tama nga ako, kanina pa sila nag-aalala sakin.



(Hello Zelle? Anak? Asan ka? Okay ka lang ba?)



Ma, nasa pension house po ako.



(Sinong kasama mo diyan? Sang pension house iyan? Susunduin na kita diyan ngayon din.)



Ma, huwag na. Uuwi nalang ako bukas ng umaga. Ang lakas pa ng ulan ngayon at baka bigla nalang
hihinto ang kotse sa gitna ng daan dahil sa baha. Malaking problema pa.



(Wala akong pakialam anak. Kailangan kitang masundo ngayon. Nag-aalala ako sayo. Hindi ka man lang
nagpaalam sakin kanina. Tinatawagan kita pero nasa kwarto mo pala iyong phone mo.)



Pasensya na po Ma. Nag-isip isip lang po ako kanina pero bigla nalang po akong inabutan ng ulan. Hindi
ko na po nadala iyong phone ko. Pero dont worry Ma, okay lang ako dito. Kasama ko naman iyong
kaibigan ko.



(Sigurado ka ba Zelle? Pwede kitang sunduin ngayon. Kayang kaya naming lusungin ang baha ng Daddy
mo para masundo ka namin.)



Huwag na Ma. Im okay. Tumawag lang ako dahil alam kong nag-alala kayo sakin.



(Okay anak. Pero kung may problema ka tawagan mo agad ako okay? O kung gusto mo ng magpasundo
kahit na 3 in the morning susunduin ka namin. Oo nga pala anak, si Kevin tumawag dito kanina. Ako
iyong sumagot dahil naiwan mo iyong phone mo. Hiningi niya iyong number ng mga kaibigan mo at
ibinigay ko naman. Tinawagan ko din iyong mga kaibigan mo pagkatapos dahil nagsimula na akong mag-
alala sa'yo. Mabuti naman at tinawagan mo ako ngayon.)



Huwag ka ng mag-alala Ma maayos na iyong lagay ko. Goodnight Ma. See you tomorrow. Please tell
Dad not to worry.



(Yes anak. Goodnight din Zelle. Umuwi ka bukas ng umaga anak ha?)



Yes Ma.



Saka ko binaba iyong telepono.



Mommy mo?



Napalingon ako kay Axel pagkatapos niyang lumabas galing sa banyo. Naka shirt lang siya at pajama.
Pero ang gwapo parin niya.



Oo. Tinawagan ko lang dahil nag-aalala na sila.



Sagot ko sa kanya.



Mabuti naman.



Tinawagan mo na parents mo?



Tanong ko sa kanya.



Hindi na kailangan. Hindi naman siguro ako hinahanap non. Walang pakialam iyong sakin eh.



Saka tumawa ng mapakla si Axel. May problema ba sila ng parents niya? Hindi ba sila magkasundo?
Hindi ko naman kasi masyadong alam kung family matters niya dahil hindi kami close.



May problema ba kayo?



Tanong ko sa kanya.



Naupo siya sa couch ng room namin. Medyo malaki naman iyong room na nakuha namin kaya wala
masyadong problema.



hehehe.



Sinagutan lang niya ako ng tawa. Gets ko iyong ibig niyang sabihin. May problema nga talaga sila ng
parents niya at hindi niya gustong i-open up sakin. Hindi ko naman siya masisisi.



Kahit noon pa naman eh hindi na kami nagsama ni Axel na kami lang dalawa.



Anong gusto mong gawin ngayon? Gusto mo na bang matulog?



Tanong niya sakin.



Gusto kong namnamin ang pagkakataon na magkasama kami ni Axel ngayon. Kung matutulog ako, hindi
ko mararamdaman na kasama ko siya. Gusto kong makipag kwentuhan sa kanya. Gusto kong makausap
siya kahit na umabot kami ng umaga.



Oo nga pala. Kumain ka na?



Tanong niya ulit sakin.



Umiling lang ako. Dahil sa sobrang takot ko kanina at sa sobrang kaba, nakalimutan ko na iyong mga
alaga ko sa loob ng tiyan ko. Hindi ko naramdaman ang gutom. Pero ngayong nasabi niya ang tungkol sa
pagkain. Ginutom ako bigla.



hehe. Ako din eh. Kumain na muna tayo?



Sige. Gutom na talaga ako.



Sabi ko sa kanya.



Ako nga din eh.



Sabi naman niya.



Sabay na kaming lumabas ng room namin. Pero biglang gulat ko nalang ng hawak niya ang kamay ko.



Napatingin ako sa kamay ko kung san hawak hawak niya ito. Saka lang niya napagtanto na hinawakan
niya ito.



Im sorry Zelle.



Paghingi niya ng pasensya sakin. Alam ko nahiya siya don sa ginawa niya dahil bigla nalang pumula
iyong pisngi niya.



Nagkaroon ng nakakabinging katahimikan sa pagitan namin. Hindi ko alam kung pano ko basagin iyong
awkward moment namin.



*GRRRRRROWWWLL*



HAHAHAHAHA!!



Napatawa nalang ako bigla nong marinig ko iyong kumukulo niyang tiyan. Gutom na gutom na talaga
siya.



Im sorry ulit. haha! Gutom na gutom na kasi ako. haha



Nagtawanan lang kami ni Axel saka kami bumaba ng pension house. Pero narealize namin na wala
palang restaurant sa loob kaya kailangan pa naming lumabas at bumili ng instant noodles sa shoppe 24.
Malapit lang naman at pinahirap naman kami ng payong ng staff nila kaya hindi na kami nabasa.



Bumili nadin kami ng tubig at mga chichirya.



Kumain na tayo. Alam ko sobrang gutom na gutom ka na. hahaha. At ang mga alaga mo. hehe



Sabi ko kay Axel pagbalik namin sa room. May mainit na tubig naman sa room namin kaya don na kami
kumuha at inilagay sa cup noodles namin.



Ngayon lang kami nagsama ni Axel na kami lang dalawa. Akala ko non na pag kami lang dalawa eh
napaka-awkward. Iyong hindi namin alam kung anong pag-uusapan namin pero napaka komportable
lang namin sa isat isa.



Ikaw din naman ahh. Alam ko gutom na gutom ka na din. hehe



Pagkatapos ng tatlong minuto kinain na namin iyong noodles. Mas masarap sana kung kanin iyong kinain
namin pero okay nadin to kesa sa wala.



Tahimik lang kami ni Axel habang kumakain kami. Halata talagang gutom na gutom kaming dalawa.



Ahh!! Ang sarap!



Saka pinahiran ni Axel iyong labi niya gamit ang palad niya pagkatapos niyang higupin iyong sabaw ng
noodles.



Ginaya ko nadin siya at inubos ang sabaw ng noodles. One shot lang.



Ang sarap nga.



Sabi ko sa kanya.



So anong gagawin natin ngayon? Gusto mo na bang magpahinga?



Tanong niya sakin.



Umiling ulit ako bilang tugon ko sa kanya.



Manood tayong movie. hehehe



Kahit na pagod na iyong katawan ko, kaya pa naman ng isip at puso ko. Kahit na bumalik ulit kami ni Axel
sa dati kinabukasan okay lang. Iyong hindi niya ako papansinin. Iyong si Mia parati ang nakikita niya.
Matatanggap ko iyon. Ang mahala lang sakin ngayon magkasama kami. At may pagkakataon akong
makasama siya at makausap siya.



Cge ba. Game ako diyan!



Naupo na ako sa harap ng TV habang pumipili naman siya ng mga movie na pwede naming panoorin.
Mabuti nalang talaga at may libreng DVD dito. Kaya naman pala masyadong mahal iyong 24 hours nila
para sa isang room lang ng pension house. Ito na siguro ang pinakamahal nilang room kaya walang
gumamit.



Anong gusto mo? Horror?



Tanong ni Axel sakin.



Horror? Oo ba.



Tinapangan ko talaga iyong sagot ko.



Sigurado ka? Baka matatakutin ka ha. Baka mamaya hindi ka na makatulog.



Hindi ah. Ang tapang ko kaya.



Tumawa lang si Axel. Pumipili parin siya ng magandang movie.



Oh ito The Healing. Hindi ko pa napanood to.



Sabi ni Axel saka niya ipinakita sakin iyong case ng DVD.



Actually hindi padin ako nakapanood ng The Healing dahil ayoko talagang panoorin. Trailer palang sa TV
eh natatakot na ako. Pag ako lang mag-isa na nanood ng TV sa gabi tapos eh pinapakita iyong trailer
pinapatay ko talaga nag telebisyon.



Pero dahil iyon ang gustong panoorin ni Axel pumayag na ako.



Sure. Hindi pa din ako nakapanaood niyan eh.



Kailangan kong magtapang tapangan ngayon..




.




Zelle? Zelle umaga na..



Si Mommy ba iyan? Gusto kong sabihin sa kanya na five minutes pa babangon na din ako. Pero lalaki
iyong boses niya. Bahagya kong binuksan iyong mga mata ko.



Axel? Bakit siya andito sa kwarto ko? Anong ginagawa niya at papano siya nakapasok?



Zelle? Gising na. Kailangan na nating makauwi. Ihahatid na kita sa inyo.



Saka lang pumasok sa isipan ko iyong nangyari kagabi. Akala ko panaginip ko lang ang lahat ng iyon.
Isang magandang panaginip. Ayoko na sanang magising pero mas maganda pa ang nakita ko pagkatapos
kong nagising. Ang mukha ni Axel.



Iyong the healing?



Tanong ko sa kanya saka ako bumangon.



hahahha!! Iyong the healing? Huwag mong sabihing hindi mo na naalala lahat?



Tanong niya sakin saka siya tumawa. Pinagtatawanan niya ba ako?



Bakit ka tumatawa?



Tanong ko sa kanya.



Eh pano naman kasi. Sa sobrang takot mo tinulugan mo ako. hahaha. Paglingon ko tulog ka na sa tabi
ko kaya binuhat na kita at inilipat sa kama.



Naalala ko na lahat iyong nangyari. Ipinikit ko iyong mga mata ko dahil natakot talaga ako. Pero
pagkatapos non nakatulog na ata ako.



Ang saya ng gabi ko. Sobrang nakakataba ng puso.



Salamat Axel.



At syempre..



Salamat Lord sa moment na binigay mo. Kahit hindi na maulit iyon okay lang sakin. Tama na ang
minsang nagsama kami ni Axel.


Chapter 44: Girl Talk



Mias POV




Bye. Kita nalang tayo mamaya after class Kevin.



Sige ingat ka.



Ikaw din.



Saka ako lumabas ng kotse niya. As usual, sinigurado ko muna na walang tao sa paligid namin para
naman walang makakita samin.



Nakahawak ako sa railing habang umaakyat ako ng hagdan. Second floor pa kasi iyong room namin at
walang elevator dito sa campus.



Oo na kasi. Sasama na kami ni Aya pero huwag mong sabihin sa dalawa mong kaibigan ha? Baka
malaman pa ni Mia ang tungkol dito.



Akala ko ibang Aya lang iyong tinutukoy ng babaeng nagsalita pero nong marinig ko na iyong pangalan
ko. Alam ko na kung sino iyong babaeng nagsasalita kaya tumigil ako sa pag-akyat ng hagdanan at
nakinig sa usapan nila.



Thank you May. Hindi ko sasabihin kina Kevin at Axel. Magkita nalang tayo mamaya. Susunduin namin
kayo ni Aya sa bahay niyo.



Cge. Ingat ka.



Narinig ko iyong mga yabag ng paa ng kausap ni May na papalapit sakin. Tatakbo na sana ako para
magtago pero huli na ang lahat dahil nasa harapan ko na siya.



Hi Mark!



Bati ko sa kanya. Nagpanggap nalang ako na kararating ko lang at hindi ko narinig iyong usapan nila ni
May.



Hi Mia. Andiyan ka pala. Kararating mo lang?



Tanong ni Mark sakin.



Ahh oo. San ka galing?



Tanong ko sa kanya.



Ahhh!! Mark may nakalimutan pala akong sabihin sayo.



Bigla nalang lumitaw si May sa harapan ko. Hinabol niya si Mark dahil may sasabihin pa ata siya pero
nakita niya ako.



Hi Miaa! hehehe



Bati ni May sakin.



Anong sasabihin mo?



Tanong ni Mark kay May.



Ahh.. wala sige umalis ka na. papasok na kami ni Mia.



Lumapit si May sakin saka niya ako hinila.



Bye Mark.



Pagpapaalam ko kay Mark.



Ano ba May?



Tanong ko kay May habang hinihila parin niya ako papunta sa room namin.



Wala naman. Na miss lang kita. hehehe



Niloloko mo pa talaga ako. Narinig ko iyong usapan niyo. May date kayo ni Mark. Pati nadin si Aya at si
Jerome.



Tumigil ako at tinanggal iyong kamay ni May sa braso ko.



Narinig mo Mia?



Gulat na tanong ni May.



Oo. Nakakainis kayo. Bakit niyo kailangang itago sakin? Ganyan na ba talaga iyong ugali niyo? O baka
naman hindi niyo na ako tinuturing na kaibigan?



Hinawakan ni May ang dalawang kamay ko.



Mia naman. Hindi naman sa ganun. Ayaw lang talaga naming ipaalam muna ni Aya dahil para kasing
hindi ka boto kina Mark at Jerome para samin ni Aya.



Wala akong sinabi sa kanila na hindi ako boto sa dalawang iyon para sa mga kaibigan ko.



Syempre dahil kaibigan ko sila susuportahan ko sila kahit na sinong lalaki pa iyan. Huwag lang iyong adik.



Nagpanggan padin ako na nagtatampo ako kay May.



Mia! May!!



Pareho kaming lumingon ni May sa likod namin pagkatapos kaming tawagin ni Zelle.



Hi Zelle!



Bati ko sa kanya.



Parang may bago kay Zelle ngayon. Hindi naman iyong hairstyle niya, hindi din iyong uniform niya. Pero
iyong mukha niya. Maaliwalas. Hindi dahil sa make up kundi sa ngiti niya. Iyong ngiti niya sobrang
genuine talaga. Gaya nong ngiti niya nong una kaming nagkakilala.



Hi Zelle



Bati naman ni May sa kanya.



Hi Mia, Hi May. hehe



Saka niya kami niyakap na dalawa. naka group hug tuloy kami. See? May kakaiba talaga sa kanya. Sabi ko
naman eh.



Masaya ka ata?



Tanong ni May pagkatapos kaming yakapin ni Zelle.



Wala lang. ehehe..



Sabihin mo na Zelle. Papilit pa to eh



Sabi ko naman sa kanya saka ko sinundot iyong balikat niya.



Cge na nga. hehe. Pero mamayang hapon ko nalang sasabihin sa inyo eh kasi medyo mahabang kwento
eh.



Sabi ni Zelle saka siya ngumiti ulit.



Cge Zelle. May sasabihin din ako sayo eh.



Sabi ko sa kanya.



Sabay sabay na kaming pumasok ng room namin.



Hindi pa tayo tapos May.



Bulong ko sa kanya habang papasok kami ng room pero ngumisi lang siya sakin saka nag peace sign.



Pagpasok namin ng room, andun na pala si Aya nakaupo. Isa pa tong babaeng to. Hindi pa talaga kami
tapos. Kasali siya sa problema ko kay May.



Hindi nagtagal dumating nadin iyong professor namin. Malapit na pala iyong exam namin. Next week na.
Hala! Nakakakaba. Nireview lang kami ng professor namin para sa exam next week.



Si Zelle nga halos iyong nakakasagot. Ang talino talaga.



Sa kanya nalang kaya ako magpaturo?



Umm.. Hindi pala pwede. Kailan nilang magkita ni Axel mamaya eh para sa plano namin.



Magrereview nalang talaga akong mag-isa. Hindi naman ako pwedeng magpaturo sa dalawa ko pang
kaibigan dahil hindi ko gets pag sila iyong tutor ko. Ang bilis kasi nilang magturo.



Natapos na din iyong first subject namin.



Math na naman ngayon at ibig sabihin. Mommy ni Kevin ang professor namin.



Good morning class!



Bati ni Professor Choi pagpasok niya ng room. Hindi niya dala iyong laptop niya kaya baka may tendency
na wala kaming pasok.



Good morning professor.



Bati namin sa kanya pabalik.



Sana lang talaga eh wala kaming pasok. *cross fingers*



Next week na ang exam natin kaya magrereview nalang tayo ngayon.



WAA!!! Review? Ibig sabihin may tatawagin naman siya samin at may ipapasolve sa blackboard.



Baka tawagin ulit ako.



Ayoko talaga!!



May sinulat na apat na problems si Maam saka niya kinuha iyong class record niya.



Kahit na nagkikita kami nag kakasama ni Professor sa labas ng school dahil sa Mommy nga siya ni Kevin.
nakakailang parin. Hindi ako komportable dahil alam kong professor namin siya at natatakot ako sa
kanya. Iyong ganun feeling.



Tinawag si Zelle, Aya at May...



Sigurado akong ako na ang susunod nito.



Danica.



Saka lang ako nakahinga ng malalim ng hindi ako iyong tinawag. Mabuti nalang talaga at hindi ako dahil
hindi ko alam kung ano iyong isasagot ko don sa problem na sinulat ni Maam.



Pero tumingin si Professor sakin at ngumiti siya.



WAAA!! Anong ibig sabihin ng ngiting iyon?




...




Natapos nadin iyong class natin. Nakakakaba talaga. Lahat ng subjects review lang pero mas
nakakakaba ang review kesa sa normal class.



Sabi ko sa kanila habang naglalakad kami sa hallway ng campus. Papunta kaming quadrangle para mag
usap usap. Marami kaming dapat pag-usapan.



Sila May at Aya kailangang mag explain sakin.



Si Zelle naman ikukwento iyong nangyari sa kanya kung bakit siya masaya.



At ako naman may sasabihin kay Zelle.



Good afternoon girls.



Bati ni Mark at Jerome sa aming apat. Im not really sure if kasali ba kami ni Zelle don sa pagbati nila.
Baka kina Aya at May lang sila bumati.



Akala ko ba don mo kami susunduin sa bahay namin?



Tanong ni May kay Mark.



Sabi kasi ni Jerome eh dito nalang daw.



Nagtinginan kami ni Aya, May at ako.



Binigyan ko sila ng you have to explain look. Pero dahil marami akong iniisip ngayong araw nato.
Pagbibigyan ko sila.



May lakad ba kayo?



Tanong ni Zelle sa kanila.



Tumango lang si Jerome at Mark.



Ganun ba. Sayang naman dahil may sasabihin pa sanaako kina May at Aya pero okay lang. Sa susunod
ko nalang sasabihin.



Sabi ni Zelle.



Sige na May, Aya.



Sabi ko sa kanilang dalawa.



Tumango lang sila saka sila sumama kina Mark at Jerome.



Thank you Mia. Tawagan nalang kita mamaya.



Sabi ni May.



See girls. Una na kami.



Paalam ni Jerome at Mark.



Tumango lang kami ni Zelle at nagwave sa kanila.



Patuloy kaming naglakad ni Zelle hanggang sa nakarating kami sa bakanteng bench at naupo don.



So ano na Zelle?



Tanong ko sa kanya.



Ngumiti lang siya sakin. Ang saya niya talaga.



Actually Mia, may nangyari kagabi.



Pag-uumpisa niya.



Diba magkasama kayo ni Axel kahapon ng biglang tumirik iyong kotse niya?



Biglang lumakas ang pintig ng puso ko. Pano nalaman ni Zelle? Kung nalaman niya iyong tungkol don
bakit hindi siya malungkot o parang nasasaktan man lang? Bakit ang saya pa niya? Dahil ba nakapag
move one na siya kay Axel? Hindi dapat mangyari iyon.



Tumango lang ako kay Zelle.



Nasa park kasi ako kahapon para mag-isip isip. Eh bigla nalang akong inabutan ng ulan kaya ayun
nagpasilong ako sa waiting shed. Takot na takot ako non. Akala ko nga eh hindi na ako makauwi pero
bigla nalang dumating si Axel. Basang basa.. Kaya ayun niyakap ko siya..



Hindi pa nag sink-in agad sa utak ko iyong kinuwento ni Zelle kaya inalala ko iyong nangyari kagabi. Nasa
loob kami ng kotse ni Axel tapos biglang dumating si Kevin. Naiwan si Axel sa loob na mag-isa. Bakit ba
hindi ko naisip iyon? Kawawa naman si Axel. Kinalimutan lang ata namin siya ni Kevin eh.



Pero napaisip din ako. Kung hindi namin iniwan si Axel sa loob ng kotse eh hindi sila magkikita ni Zelle.
Ano nalang kaya ang nangyari kay Zelle kung hindi dumating si Axel kagabi.



Ito na siguro ang tinatawag ni destiny para sa kanila.



Yiiee!! kinikilig ako para sa kanilang dalawa.



Anong nangyari pagkatapos?



Pagkatapos non tumakbo kami sa ilalim ng ulan para maghanap ng pension house. Hindi nga niya
binitawan iyong kamay ko eh. First time talaga iyon. Hindi ko ma explain iyong feeling Mia. Natatakot
parin ako non dahil baka kung anong mangyari samin dahil ang lakas ng ulan tapos baha pa. Kaya lang
hindi ko mapigilan ang kiligin. hehehe



hihihihii.. Kwento pa nga lang iyan eh kinikilig na ako. Pano pa kaya kung ako na iyong andun sa
posisyon mo?



Sabi ko kay Zelle.



Ano pang nangyari? Magkwento ka pa.



Pangungulit ko sa kanya.



Tapos iyon. May nahanap kaming pension house kaya lang isang room nalang iyong bakante. Kinuha
nalang kesa naman lumipat pa kaming pension house eh hindi naman kami sigurado kung may bakante
pa don.



Anong ginawa niyo? hihihihi..



Kinikilig talaga ako sa mga kwento ni Zelle. Tama nga ako. May feelings pa si Axel kay Zelle. Kailangan
lang talaga ng konting tulak.



Kumain kami pagkatapos non. Tapos eh matutulog na sana kami kaya lang eh ayoko dahil gusto ko
pang makasama at makwentuhan siya ng matagal kaya ayun. sabi ko eh manood nalang kami ng movie.
The healing iyong pinanood namin. Pero sobrang natakot ako kaya pinikit ko iyong mga mata ko. Pero
pagising ko umaga na.



HAHAHHAHAHA!!!



Tawa lang ako ng tawa habang kinukwento ni Zelle iyong nangyari.



Bakit ka tumatawa Mia?



Pano ba naman kasi eh sabi mo ayaw mong matulog pero nakatulog kadin pala. hahahahaha



Nakakatawa talaga si Zelle. hahaha!



Tumawa ka nga lang diyan. Pero alam mo Mia sobrang natuwa talaga ako dahil kahit isang beses
nakasama ko si Axel. Okay na ako kahit na hindi na maulit iyon.



Tumigil ako sa pagtawa dahil nalungkot nalang ako bigla don sa sinabi ni Zelle.



Alam mo Zelle. Hindi mo dapat iniisip iyan. Hindi iyon ang huling beses na magkakasama kayo ni Axel.



Sabi ko sa kanya.



Anong ibig mong sabihin Mia?



Tanong niya sakin.



Huminga na muna ako ng malalim bago ako nagsalita.



Zelle.. Sa tingin ko mahal ka padin ni Axel. Hindi ko alam kung maniniwala ka ba don pero malakas
talaga iyong kutob ko. Alam mo ba kung bakit ako nakipagkita kay Axel kahapon?



Pinakinggan lang ako ni Zelle.



Dahil gusto ko kayong lakarin na dalawa. Alam ko kasi para talaga kayo sa isat isa.



Mia, hindi mo naman kailangang gawin iyan. Sorry Mia dahil nag-isip ako ng masama tungkol sa inyo.
Akala ko kasi eh nililigawan ka na ni Axel. Pero hindi naman ako galit sa iyo at ni minsan hindi din ako
nagalit sayo. Nagseselos lang talaga ako. Im sorry Mia.



Niyakap ako ni Zelle.



Hindi ka dapat humingi ng tawad sakin Zelle. Alam mo may sasabihin pa ako sayo.



Humiwalay sakin si Zelle saka niya ako tinanong.



Ano iyon Mia?



Alam ko wala akong karapatang sabihin sayo to pero alam ko na ang lahat Zelle.



Binigyan lang ako ni Zelle ng hindi kita maintindihan look kaya pinagpatuloy ko iyong sasabihin ko.



Alam ko na iyong tungkol sa inyong tatlo ni Kevin at Axel. Pati na rin iyong tungkol sa sinabi mong first
love ni Kevin kaya siya naging Casanova. Iyong first love na tinutukoy mo. Ikaw iyon Zelle diba?



Gulat na gulat si Zelle nong itanong ko iyon sa kanya.



Hindi ko alam kung papano mo nalaman ang tungol sa bagay na iyan Mia. Siguro sinabi ni Kevin sayo
pero inilihim ko lang naman sayo dahil ayokong masaktan ka. Im sorry Mia kung nasaktan kita.



Umiling lang ako kay Zelle.



Zelle hindi iyan ang point ko. Alam ko ginawa mo lang iyon dahil ayaw mong masaktan ako. Ginawa ko
nadin iyan sayo kaya naiintindihan kita. Pero hindi iyan ang gusto kong sabihin sayo.



Eh ano iyon Mia?



Kagabi ko pa pinag-isipan ang tungkol dito. Alam ko hindi dapat sakin manggaling dapat ang tungkol sa
issue na ito dahil kung tutuusin labas naman ako sa nangyari eh pero parang ayaw atang sabihin ni Kevin
kay Zelle kaya ako nalang ang magsasabi sa kanya.



Ako nalang ang magsasabi sa kanya na gusto siya ni Axel non at may balak itong ligawan siya noon.



Chapter 45: Tutorial




Zelle..



Huminga ulit ako ng malalim saka ko pinagpatuloy iyong sasabihin ko.



Mahal ka talaga ni Axel noon at plano niya talagang ligawan ka. Kaya lang pinigilan siya ni Kevin dahil
mahal na mahal ka ni Kevin. Nag give way si Axel para sa inyo ni Kevin at dahil nadin magkaibigan silang
dalawa. Ayaw ni Axel na masira iyong pagkakaibigan nila ni Kevin.



Bigla nalang tumulo ang mga luha ni Zelle.



Gusto ko siyang yakapin para i-comfort pero madami pa akong sasabihin sa kanya.



Zelle naniniwala akong mahal ka parin ni Axel hanggang ngayon.



Pano mo nalaman ang lahat ng iyan Mia?



Tanong ni Zelle sakin habang umiiyak na siya.



Narinig ko si Kevin nong naospital ka. Tinanong ko si Axel tungkol don at sinabi niya sakin ang lahat.
Totoo lahat ng narinig ko. Sa tingin ko Zelle iyon tungkol ata sa issue na iyan ang sasabihin sana ni Kevin
sayo nong pumunta kami sa bahay niyo..



Hindi na talaga napigilan ni Zelle ang nararamdaman niya. Niyakap niya ako ng mahigpit. Hinagod ko
naman iyong likod niya habang umiiyak parin siya.



Galit ka ba kay Kevin Zelle? Sana naman hindi. Alam ko mali siya pero ginawa lang niya iyon dahil mahal
ka niya.



Sabi ko sa kanya.



Hindi Mia.



Pagkatapos akong yakapin ni Zelle, nagsalita na ulit ako.



May sasabihin pa ako sayo Zelle. Sabi ko kay Axel na magkikita kami mamayang 7 pm pero hindi naman
talaga ako darating eh. Ikaw iyong papupuntahin ko. Marami kayong dapat pag-usapan na dalawa. Sa
tingin ko nakapag-isip isip nadin si Axel pagkatapos ng nangyari sa inyo kagabi. Maliwanag sa siguro sa
kanya ang lahat.



Tumango lang si Zelle at niyakap ulit ako.



Thank you Mia. Hindi ko talaga alam kung ano na ang nangyari sakin kung wala ka at kung hindi kita
nakilala.



Walang anuman Zelle. Thank you din dahil madami kang naitulong sakin. Sige na punasan mo na iyang
mga luha mo at puntahan mo na si Axel.



Ibinigay ko kay Zelle ang panyo na dala ko saka niya ito pinahid sa mga luha niya.



Thank you Mia.



Tumango lang ako saka tumayo si Zelle at tumakbo na papunta kay Axel. Pero huminto siya at nagwave
sakin saka niya pinagpatuloy iyong pagtakbo niya.



Alam ko this time, magkakaliwanagan na sila.



Masaya ako para sa kanilang dalawa.



Ako nalang ang mag-isang nakaupo sa bench. Kami kaya ni Kevin? Ano kayang mangyayari samin?



*beep* *beep*



Agad kong kinuha iyong phone ko at binasa iyong text message na dumating.



Asan ka na Maybelline? Andito na ako sa kotse. Kanina pa ako naghihintay sayo.



Nagreply agad ako kay Kevin.



Parating na.



Ikinabit ko iyong strap ng bag sa balikat ko saka ako naglakad papuntang parking space. Dahil malapit ng
gumabi, wala na masyadong tao sa campus pero kailangan paring mag-ingat dahil baka may makakita
parin samin. Hinintay ko muna na wala na talagang tao sa paligid ko bago ako tumakbo papasok sa
kotse ni Kevin.



Bakit ngayon ka lang? Kanina pa ako naghihintay sayo. Muntik na nga kitang iwan.



Galit na sabi ni Kevin. Mukhang kanina pa talaga ata siya naghihintay dahil iyong mukha niya parang
bulkang sasabog sa galit.



Im sorry. Nag-usap pa kasi kami ni Zelle.



Sabi ko sa kanya saka ko inayos iyong seatbelt ko. Hindi ko na sinabi kay Kevin na sinabi ko na kay Zelle
iyong tungkol sa narinig ko sa ospital dahil baka magalit siya dahil kasi nga diba gusto pa niya si Zelle
tapos malalaman niyang tinulungan ko si Zelle na magiging okay sila ni Axel syempre mahuhurt si Kevin
at magagalit siya sakin.



Habang nasa loob kami ni Kevin sa kotse niya eh hindi talaga ako nag open up ng topic dahil natatakot
ako sa kanya. Mukha kasing galit pa siya at ayoko ding madulas ang dila ko at masabi kong nasabi ko na
kay Zelle ang lahat.



Oyy san tayo pupunta?



Tanong ko kay Kevin ng bigla nalang siyang lumiko sa kanan. Dapat kasi eh straight lang kami dahil pauwi
na kami ng bahay.



Walang pagkain sa bahay natin kaya bibili na muna tayo ng pagkain.



Sabi niya.



Nalungkot nalang ako bigla. Pano kasi hindi ako marunong magluto. May alam nga ako sa pagluluto pero
hanggang itlog lang.



Oh anong nangyari diyan sa mukha mo?



Tanong ni Kevin habang pinarada niya iyong kotse sa isang restaurant.



Wala lang. Im sorry Kevin.



Tinanggal ko iyong seatbelt ko.



Dahil?



Dahil hindi ako marunong magluto. Dahil wala akong kwentang asawa.



Iniyuko ko iyong ulo ko dahil nahihiya talaga ako at nalulungkot para kay Kevin. Hindi ko man lang siya
mapaghandaan ng masarap na pagkain para samin.



Tss.. OA mo. Kung hindi ka marunong magluto eh malapit ng sembreak pwede ka namang magpaturo o
kaya mag enroll ka. Nakausap ko na pala si Mommy kanina sabi niya darating na daw iyong katulong
natin sa bahay next week kaya konting tiis nalang.



Isa pa iyong Mommy ko. Bakit kasi hindi nalang niya kami binigyan agad ng katulong para hindi na ako
napahiya kay Kevin nong nagluto ako ng kare kare. Iyong dahilan niya kasi eh para daw mas maging close
kami ni Kevin at mapagluto ko siya. Masusuka naman si Kevin kung pakakainin ko siya ng itlog tatlong
beses sa isang araw. Pati iyong kotse ko hindi pa niya binabalik. Ewan ko talaga sa kanya.



Dito ka nalang muna. Ako na iyong bibili sa loob. Sa bahay na tayo kakain.



Sabi ni Kevin saka niya tinanggal iyong seatbelt niya at lumabas ng kotse.



Mag eenroll talaga ako sa cooking class ngayong sembreak. Gusto ko din sanang matuto magbake para
naman maipagbake ko si Kevin ng cake o kaya cookies.



Malapit na iyong sembreak namin at dapat magiging productive talaga ang isang buwan na bakante ko.



Pagkatapos ng fifteen minutes eh bumalik nadin si Kevin dala dala ang isang supot ng pagkain. Ang
bango! Nakakagutom.



.



Pagdating namin sa bahay, inayos ko na agad iyong binili ni Kevin at inilipat sa lalagyan saka ko inihanda
iyong hapagkainan habang nasa taas siya at nagbibihis.



Naalala ko hindi pa pala kami nakakabili ng kama para sa kwarto niya. Masyado pa kasi kaming busy
dahil malapit na iyong finals. Pero pagkatapos ng finals baka makakabili nadin kami ng iba pang gamit sa
bahay.



Kevin! Kakain na.



Sigaw ko kay Kevin habang nasa ibaba ako ng hagdanan.



Bababa na.



Narinig kong sagot ni Kevin kaya bumalik na ako sa kusina at naupo sa upuan kaharap ng hapagkainan.



Kain na tayo?



Sabi ko kay Kevin pag-upo niya sa harap ng hapagkainan. Nagdasal na muna kami bago kami kumain
para naman marami pang blessings na darating saming dalawa at para nadin makapagpasalamat kami
sa Panginoon.



Ano palang gagawin mo pagkatapos nito?



Tanong ni Kevin sakin habang kumakain kami.



Mag-aaral. Next week na kasi iyong finals at hindi ko masyadong gets iyong lesson kaya sobrang
nahihirapan ako. Nag-aalala nga ako baka babagsak ako.



Sabi ko sa kanya.



Anong subject?



Math. Mommy mo pa nga iyong professor ko kaya mas lalong nakakapressure.



Ganun ba? Sige ako nalang ang maghuhugas ng pinagkainan natin pagkatapos nating kumain.



Akala ko pa naman sasabihin ni Kevin eh huwag kang mag-alala. Madali lang naman iyon eh. Tutulungan
pa kita. Kaya lang hindi iyon eh. Hayy!! Sabi pa naman nila magaling daw si Kevin lalo na sa math.



Ako nalang talaga iyong mag-aaral dito ng mag-isa. Walang tutor.



Pagkatapos naming kumain ni Kevin eh umakyat na ako para magbihis ng pajama saka ko dinala iyong
mga gamit ko sa baba dahil don nalang ako mag-aaral.



Inilagay ko iyong mga gamit ko sa center table namin saka ako pumasok ng kusina para uminom ng
tubig.



Si Kevin namana suot niya iyong pink apron namin at hinugasan iyong mga pinagkainan namin kanina.
Parang gusto ko tuloy kunan siya ng picture at ipost sa facebook. hahahaha! Tingnan lang natin kung
anong masasabi ng mga fans niya. Pero dahil busy ako ngayon, sa susunod ko nalang iyong gagawin.



Bumalik na akong sala namin at umupo sa sahig habang binuksan ko iyong math book. Tinitignan ko
palang iyong content ng topic namin para sa finals eh dumudugo na iyong ilong ko.



Bakit ang hirap?



Marunong akong mag derivate at mag integrate kaya lang iyong mga simple lang. At isa pa hindi ko gets
itong partial derivative? Anong pinagkaibahan nito sa nakasanayan kong derivative?



Kahit na hindi ko nagets iyong process eh binasa ko pa talaga ulit para pumasok sa isipan ko. Napansin
kong tapos na si Kevin sa paghuhugas at umakyat na siya sa taas. Hindi man lang niya ako tinanong kung
okay lang ba ako o kung gusto ko bang magpaturo.



Napaka ungentleman talaga pero minsan naman eh gentleman si Kevin. Paminsan minsan lang talaga.



Malapit ng mag 10 PM pero wala parin akong naiintindihan sa binabasa ko. Hindi ko parin masagot iyong
mga exercises sa book.



Wala na talaga akogn pag-asa dito!!



Pinatong ko iyong ulo ko sa ibabaw ng nakabukas na math book at bumuntong hininga. Ano nalang kaya
ang isasagot ko sa exam next week?



Hindi ka padin tapos?



Iniangat ko iyong ulo ko pagkatapos kong marinig ang boses ni Kevin.



Hindi pa. Akala ko tulog ka na?



Tanong ko sa kanya.



Matutulog na sana ako pero iinom na muna ako ng tubig. Kanina ka pa diyan ah.



Ehh hindi kasi ako marunong nito eh. Isa pa hindi ko maintindihan iyong explanation ng book. Ang
hirap.



Lumapit si Kevin sakin at naupo don sa couch. Nakaupo lang ako sa sahig habang nakasandal iyong likod
ko sa baba ng couch kaya medyo mas mataas siya sakin.



Partial derivative? Ang dali lang naman nito.



Ehhh? Anong madali diyan? Kahit ilang beses ko ng inulit na basahin iyong process hindi ko parin gets.
Ang hirap talaga.



Umupo nadin si Kevin sa sahig katabi ko saka niya kinuha iyong yellow paper ko.



Ganito lang iyan oh. Subukan na muna natin iyong example one.



w = x^2y - 10y^2z^3 + 43x -7 tan(4y)



May tatlong variables sa problem. x, y at z. Kung kukunin mo iyong partial derivative with respect to x.
Iyong ibang variables i-tetreat mo lang na constant.



Sabi ni Kevin.



So ang partial derivative ng problem one with respect to x is 2xy - 0 + 43 - 0. So 2xy + 43 iyong final
answer.



Sabi ni Kevin.



Bakit naging zero iyong iyong 10y^2z^3 at 7 tan(4y)?



Tanong ko kay Kevin. Iyan kasi iyong kinalilituhan ko eh. Kanina ko pa talaga hindi magets kung bakit
naging zero.



Naging zero kasi with respect to x iyong derivative na kinukuha mo eh wala namang variable x ang
10y^2z^3 at 7 tan(4y). Diba sabi ko sayo pag iyong kinukuha mo iyong derivative with respect to x iyong
ibang variables nagiging constant? So constants na iyang 0y^2z^3 at 7 tan(4y) at ang derivative ng
constant ay?



ZERO!!



Sagot ko kay Kevin.



Good!



Ngayon alam ko na kung bakit naging zero. Dahil naging constant pala iyon.



Ngayon kunin naman natin iyong partial derivative with respect to x.



Sabi ni Kevin.



(AN: Hindi ko na masyado ieexplain iyong tungkol sa derivative na iyan dahil 80% ng readers eh
highschool at hindi kayo makakarelate diyan. haha.)



Pagkatapos ng isang oras na pagtuturo ni Kevin sakin eh alam na alam ko na talaga iyong proseso. Hindi
na ako nalito.



O eto. Sagutan mo muna.



Ibinigay ni Kevin iyong yellow paper na may limang problems para exercise niya sakin. Tinignan ko muna
iyong problem. Kung titignan mo eh masasabi mong ang hirap talaga pero pag alam mo na talaga iyong
process eh hindi ka na mahihirapan.



Pagkatapos ng sampung minuto tapos ko ng sagutan lahat ng problems na binigay ni Kevin.



Ang bilis ah?



Napamanghang sabi ni Kevin.



Eh madali lang naman kasi talaga eh. Akala ko kasi sobrang hirap pero nong tinuruan mo ako narealize
ko sobrang dali lang talaga. Ang hirap lang tignan nong problema sa una.



Sagot ko sa kanya.



Kinuha ni Kevin iyong papel ko at tinignan niya ito.



*tiiickk!!!*



KEVIN?? KEVIN ASAN KA?



Bigla nalang dumilim ang paligid. Sobrang dilim. Iyong tipong wala ka talagang makita. Iyong tipong
maiisip mo na ganito pala ang pakiramdam pag bulag ka. Wala kang makita.



Andito lang ako sa tabi mo. Huwag kang gagalaw. Diyan ka lang kukuha lang ako ng kandila.



Sabi ni Kevin. Naramdaman kong tumayo siya kaya tumayo nadin ako.



Sasama ako sayo.



Hindi ko pa naman dala iyong cellphone ko at sa tingin ko si Kevin din walang dalang phone. Iniwan niya
ata sa room niya.





Chapter 46: Black Out





Huwag ka ng sumama.



Sabi ni Kevin sakin.



Ayoko. Baka di ka na bumalik o kaya baka may tumangay sayo habang naghahanap ka ng kandila sa
kusina.



Tss.. Natatakot ka lang talaga. Halika na.



Hinawakan ko iyong laylayan ng tshirt ni Kevin saka ako sumunod sa kanya. Sorbang dilim talaga. Wala
akong makita kahit na konting ilaw man lang.



Dahan dahan kaming pumunta ng kusina ni Kevin saka niya binuksan iyong drawer at kumuha ng
flashlight.



Yehey!! May ilaw na!



Binitawan ko iyong tshirt ni Kevin saka ako pumalakpak na parang bata dahil pina ilaw na ni Kevin iyong
flashlight.



Ang childish mo.



Sambit ni Kevin. Saka ulit kami naglakad para buksan iyong iba pang drawers para maghanap ng mga
kandila.



Mabuti nalang at naglagay sila ng kandila sa bahay natin.



Sambit ulit ni Kevin.



Nagdala kami ng dalawang kandila saka kami bumalik sa sala. Sinindihan ni Kevin iyong dalawang kandila
at pinatong niya don sa center table namin.



Ano ng gagawin natin ngayon?



Tanong ko kay Kevin.



Nakaupo ulit kami sa sa sahig at nakasandal sa couch at nakatitig sa kandila.



Pinatay na ni Kevin iyong flashlight dahil may kandila na naman kami.



Hindi ko alam.



Pagkatapos non hindi na ako nakapagsalita dahil hindi ko na alam kung anong sasabihin ko kay Kevin.
Ano ba kasi ang dapat kong sabihin sa kanya? a mental block ulit ako dahil sa sitwasyon namin Hindi na
ako makapag isip ng maayos. Ni hindi nga ako makapag isip kung anong topic ang pag-uusapan namin.



Kevin..



Dahil wala talaga akong maisip tinawag ko nalang siya. Wala lang! Trip lang! Gusto ko lang sabihin iyong
pangalan niya. Ang ganda kasi eh. Napakasimple lang pero napaka manly.



Ano?



Tanong niya sakin pero halata ko na hindi siya nakatingin sakin kundi sa kandila na unti unting
natutunaw.



Wala lang. hehehe



Pakatapos non wala ulit nagsalita sa aming dalawa. Hindi ko naman masasabi na awkward iyong
situation namin. Hindi na ako nakakafeel ng akwardness sa tuwing magkasama kami. Siguro dahil
nasanay na ako. Bago ako matulog mukha niyai yong huli kong nakikita tapos sa umaga naman mukhan
iya iyong una kong nakikita palagi.



Magkwento ka.



Utos niya sakin.



Huh?



Napatingin ako sa kanya. Tinignan niya lang ako saka siya ngumiti. Ngumiti ulit si Kevin. Paminsan
minsan ko lang siya nakikitang ngumiti kaya parang natutunaw iyong puso ko sa tuwing ginagawa niya
iyon. Mas lalo siyang gumagwapo.



Sabi ko magkwento ka.



Ulit niya sakin.



Ahh oo. Hmm.. Ano naman iyong ikukwento ko? Saglit lang mag-iisip na muna ako.



Agad agad kasi siyang nang-uutos na magkwento ako kaya hindi tuloy ako nakapaghanda. Nag-isip ako
ng magandang kwento.




Iyong nangyari sayo.



Akala ko kwento na kwento iyong sinasabi niya. Iyon pala kwento ng buhay ko. Ano naman ang
ikukwento ko sa kanya tungkol sakin?



Iyong pinaka nakakahiyang nangyari sa buong buhay ko?



Ang weird naman kung iyon ang ikukwento ko.



Bakit kayo nagbreak ng boyfriend mo?



Tanong ni Kevin sakin habang nag-iisip ako ng magandang ikukwento sana. Si Jun iyong tinutukoy niya
diba? Tama, nakita niya pala kami minsan ni Jun kasama iyong malanding Michelle na iyon.



Ayoko sanang balikan iyong nangyari samin ni Jun dahil masakit parin. Hindi ako nasasaktan dahil mahal
ko pa siya. Im telling you hindi ko na mahal ang gagong iyon. Nasasaktan ako dahil narealize ko kung
gaano ako katanga. Kung gaano ako nagpakatanga sa kanya.



Dahil daw tanga ako. hehehe I faint a smile.



Alam mo Kevin, narealize ko talaga nong huli kaming nagkita ni Jun na sobrang tanga ko talaga. Tama
siya. Sobrang tanga ko. Binuhos ko pa naman sa kanya ang lahat ng atensyon at pagmamahal ko. Binigay
ko naman sa kanya lahat pero hindi ko talaga alam kung anong nagawa ko para saktan niya ako ng
ganun. Mas masakit pa nong inakala kong mahal niya ako habang nasa relationship kami pero hindi pala.
Pinaglaruan niya lang ako. Ang sakit..



Niyuko ko lang iyong ulo ko habang nakayakap iyong dalawang kamay ko sa tuhod ko.



Nagsisisi ka ba?



Tanong ni Kevin sakin.



Nagsisisi ba ako? Tinanong ko din ang sarili ko. Oo. Siguro. Baka.



You know what Maybelline.. Life doesnt give you the people you want. Instead it gives you the ones
you need, to teach you, to hurt you, to love you and to make you exactly the way you should be.



Sa totoo lang namangha ako sa sinabi ni Kevin. Hindi lang dahil english ito kundi dahil narin sa buong
kahulugan nito.



Tama si Kevin.



Binigay si Jun para saktan ako. Pero ng dahil kay Jun kaya ako naging malakas. Kayo ako nakatayo sa mga
paa ko ngayon. Kung tutuusin, May positive results din naman ang ginawa sakin ni Jun eh.



Kung hindi naging kayo nong ex boyfriend mo. Kung hindi mo siya minahal, hindi ka niya masasaktan.
At kung hindi ka nasaktan wala ka ngayon sa sitwasyon mo. Ibig sabihin, hindi tayo kasal ngayon at wala
sana ako ngayon sa tabi mo.



Hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin ni Kevin don sa sinabi niya. Kung hindi daw ako sinaktan
ni Jun ibig sabihin hindi kami mag-asawa ngayon? Hindi kami magkatabi ngayon?



Pinakasalan niya lang ba ako dahil naawa siya sakin?



Its not like that Maybelline..



Nagulat ako lalo sa sinabi ni Kevin. Is he some kind of a mind reader? Nababasa ba niya iyong iniisip ko?



Ang totoo hindi ko talaga alam kung bakit ako pumayag sa offer ng mga parents natin. Hindi ko alam
kung napapayag ba ako dahil natatakot ako na mawala iyong kompanya ng parents ko o napapayag ako
dahil nakita kitang lalampa lampa nong inaway ka ng ex boyfriend mo. Ang alam ko lang nasaktan ako
non.



Parang gusto kong maiyak sa sinabi ni Kevin. Nasaktan siya sa ginawa ni Jun at nong Michelle na iyong
para sakin. Ibig sabihin ba non eh concern talaga siya sakin?



Thank you pala Kevin.



Sabi ko sa kanya. Kung hindi ko lang sana pinigilan iyong sarili ko eh baka niyakap ko na siya sa sobrang
pagkatouch at pagkatuwa ko.



Ang bait ni Kevin. Pero naiisip ko din minsan na baka may bipolar disorder siya. Hindi ko kasi siya magets
paminsan minsan. Bigla nalang gentleman at mabait katulad ngayon pero malay mo mamaya baka
maging ungentleman ulit. Napaka moody niyang tao.



Pero ang bait ng Kevin ngayon.



Tss..



He just answered me with a smirk. I really swear iyon na iyong pinakagwapo niyang mukha. He is just so
handsome whenever he smirks. Para akong dahan dahang pinapatay sa sobrang kagwapuhan niya. Oh
right! I am just being exaggerated.




*BOOOM!!*



Ano iyon?



Tanong ko kay Kevin pagkatapos naming makirinig ng something na nabasag.



Hindi sumagot si Kevin pero I knew he is listening and observing.



*Booom!!*



(AN: Again sorry for the bad sound effect)



Umulit na naman iyong nabasag na parang pinggan.



*Boom!!*



*Boom!!*



Umulit again twice and parang baso na iyong nahulog at nabasag this time. Agad namang tumayo si
Kevin sa kinatatayuan niya at kinuha iyong flashlight na nakapatong sa center table malapit sa kandila.



Stay here Maybelline..



Mahinang utos niya sakin. Its more like a whisper.



Ano iyon Kevin? Natatakot ako.



Bulong ko din sa kanya.



Baka magnanakaw. You just stay here!!



Pero hindi ako mapakali lalo na nong sabihin niya na baka magnanakaw. Pano kung hindi lang nag-iisa
iyong magnanakaw at may kasama pa pala siyang iba? Pano kung bigla nalang nilang tutukan ng baril si
Kevin? Pano kung bigla nalang siyang sasaksakin ng ice pick? Ano na ang gagawin ko pagkatapos? Iiyak
nalang dito sa dulo at magtatago habang dahan dahang nawawalan ng buhay si Kevin? Umiling ako ng
ilang beses para mawala iyong mga iniisip ko sa utak ko. I am just overthinking. Hindi naman siguro.



*BOOOM!!*



Ang lakas na talaga ng nabasag. Dalawa o tatlong pinggan ata iyon. Humakbang na si Kevin pero bigla
kong hinawakan iyong tshirt niya sa may likuran niya.



Sasama ako.



Sabi ko sa kanya.



I told you to stay here!!



Galit na iyong tono ng boses niya pero pabulong parin dahil baka marinig kami ng magnanakaw.



Ayoko. Sasama ako.



Pagpupumilit ko sa kanya.



Tss.. Why are you so stubborn?



Hindi ko sinagot iyong tanong niya.



Fine!! Fine!!



Gumuhit naman iyong ngiti sa labi ko pagkatapos pumayag ni Kevin.



Patayin na muna natin ang kandila.



Sabi ni Kevin saka niya hinipan iyong dalawang kandali. Kung wala lang talaga kami sa sitwasyon namin
ngayon baka kumanta na ako ng happy birthday bago niya hinipan iyong kandila. Iyon kasi ang ginagawa
ko nong bata pa ako sa tuwing may black out kasama ang Mommy at Daddy ko.



Hinawakan ni Kevin iyong kamay ko. I swear bigla nalang lumakas ang tibok ng puso ko. *Dugun Dugun*
Hindi ko lang talaga alam kung dahil ba iyon sa magnanakaw sa may kusina namin o dahil hinawakan ni
Kevin ang kamay ko.



Dahan dahan kaming naglakad ni Kevin papunta sa kusina. Hindi na muna namin ginamit iyong flashlight
namin dahil baka mahalata kami ng magnanakaw. Dahan dahan din iyong mga yabag ng paa namin dahil
baka marinig kami.



Pagdating namin sa kusina, pinindot agad ni Kevin iyong button ng flashlight at biglang umilaw ito.



*MEEEOOOW!!!*



Tumapat talaga sa flashlight iyong kulay orange na pusa na nakapatong sa may sink namin. Iyong mga
plato namin basag na at nakahandusay na sa sahig na walang buhay. Pati nadin iyong mga baso namin.



Mabuti nalang at hindi naubos. Ano naman kaya ang ginawa ng pusa na iyan at pinagtripan niya iyong
pinggan at baso namin.



HOOO!!!!



Nakahinga ng maluwag si Kevin pagkatapos niyang makita iyong pusa. Akala talaga niya eh pinasok na
kami ng magnanakaw. Pero wait. Ma coconsider din naman na magnanakaw ang pusa diba?
Nagnanakaw sila ng pagkain sa mesa eh.



Anong gagawin natin diyan?



Tanong ko kay Kevin na ngayon eh hawak hawak parin niya iyong kamay ko.



Masyado ng madilim ngayon para linisin natin iyan. Hayaan nalang muna natin iyan at ipagpabukas na.



Sabi ni Kevin.



SHUU!! SHUU!!



Ang cute talaga ni Kevin habang pinapalabas niya sa bahay namin iyong pusa. Hindi kasi niya isinara
iyong pinto ng kusina namin kaya kami pinasok ng pusa eh. Isinara na muna namin iyon saka kami
bumalik sa sala at naupo ulit don. Sinindihan ulit namin iyong dalawang kandila na ngayon eh
nangangalahati nalang iyong taas.



Anong oras pa kaya babalik iyong kuryente? Gusto ko na talaga matulog eh. Inaantok na ako.



Anong oras na Kevin?



Tanong ko sa kanya.



12 midnight na siguro. Inaantok ka na ba?



Tanong niya sakin.



Kahit na sobrang antok na antok na ako sinabi ko parin sa kanya na kaya ko pa. Denial queen ako eh.
Anong magagawa niya?



Kailangan naming mag-usap para naman mawala iyong antok ko kahit konti lang. Hmmm.. Anong
sasabihin ko?



*tiingg!!*



Bigla nalang may pumasok sa utak ko. Isang magandang idea at isang magandang tanong.



Kevin?



Uhmm?



Itatanong ko lang sana kung..



Hindi ko masabi ng deretso iyong itatanong ko dahil nakakahiya pero gusto ko talaga malaman eh.
hihihi!!



Ano?



Itatanong ko lang kung.. kung.. kung bakit mo ako.. iyong ano.. nong andun si Jun.. Itatanong ko lang
kung..



Hindi ko talga keri eh.



Kung bakit kita hinalikan?



Si Kevin na iyong tumapos ng tanong ko. Mabuti nalang talaga at hindi maliwanag iyong paligid dahil
baka mahalata niya na namumula iyong pisngi ko.



Oo.. Bakit nga ba?



Tanong ko sa kanya.



Hindi ko alam eh. Hindi ko na nga maalala kung anong feeling nong hinalikan kita. Ikaw? Naalala mo
parin ba iyong pakiramdam?



Tanong ni Kevin sakin.



Hindi nadin.



Pagsisinungaling ko sa kanya pero ang totoo niyan eh ramdam na ramdam ko parin. Iyong malambot
niyang labi. Iyon.. hihihi!! Sabi ko naman sayo eh denial queen ako.



Gusto mo ulitin natin?



Nagulat ako sa tanong ni Kevin. Ulitin daw namin? Sigurado ba siya? Ulitin namin iyong ano? Iyong kiss?



ihihihih!!



Seryoso ba si Kevin?



Nakahawak lang ako sa magkabila kong pisngi dahil pakiramdam ko talaga sobrang init na non. Dahil ba
nakaharap ako sa kandila o dahil sa sinabi ni Kevin na uulitin namin iyong ginawa namin? hihihi!
Nakakahiya talaga!!



Ano ka ba Mia! Mag-asawa naman kayo bakit ka pa nahihiya?



Nagulat nalang ako ng hinawakan ni Kevin ang chin ko saka niya ako pinaharap sa kanya.



Dahan dahang lumapit ang mukha ni Kevin sa mukha ko..



Anong gagawin ko?



EEHHH!!!!



Iba kasi ito don sa first kiss namin ni Kevin. Pano ba naman kasi eh non una eh parang kidlat lang iyon sa
bilis. Pero ngayon slowly... slowly.. dahan.. dahan.. dahan dahang nagkalapit ang mga mukha namin
hanggang sa ilang centimeters nalang apart iyong mukha namin sa isat isa.



Hinawakan ni Kevin iyong chin ko saka pa niya pinalapit iyong mukha niya sakin kaya I closed my eyes.
Ganito naman kasi ang dapat diba.. Para mas lalo mong mafeel iyong mga mangyayari...





Chapter 47: Sweet Morning





Ngayong nakapikit na ako, hindi ko na talaga alam kung anong susunod na mangyayari dahil wala na
akong makita. Pero ang sigurado ko, ako at si Kevin.. Iyong gagawin namin.. Uulitin ulit namin iyong
ginawa namin pero this time, mas lalo ko pang madadama ng maayos. hihihih!!



Ang sarap talagang makipaghabulan sa mga paru paru sa loob ng tiyan ko. Nakakakiliti, in short kinikilig
ako. Shete lang. Hindi pa nga mgkalapat iyong labi ko sa labi ni Kevin pero sobrang kinikilig na ako. This is
cloud nine. Ang sarap sa pakiramdam.



Pagkatapos kong ipikit ang mga mata ko, bahagya ko namang pinout iyong lips ko para mas madaling
magtagpo ang mga lips namin. Tapos pinout ko pa lalo ng konti.. at pinout pa ng konti.. at pinout pa ng
konti. Pakiramdam ko kasing haba na ng pato ang mga nguso ko pero wala na akong pakialam. Ang
importante kami ni Kevin..



One more.. Konti ko pang pinout ang lips ko.. pero bakit hindi ko parin nakakasalubong ang labi ni Kevin?
minulat ko ng konting konti ang mga mata ko para silipin kung ano na ang ginagawa ni Kevin habang
nakapout parin iyong lips ko.



Kevin?



Kevin?



Bakit wala na siya sa harap ko? Bakit hindi ko na siya nakikita? Bakit nawala nalang siya ng parang bula?
Dahil hindi ko na nakita si Kevin sa harap ko iminulat ko na talaga ng buo ang mga mata ko.



Saka ko siya nakita na nakahiga sa couch at nakatalikod sakin. Alam ko tumatawa siya dahil parang
nagvivibrate iyong likod niya. Nakahawak din iyong dalawang kamay niya sa tiyan niya.



Shete!! Nakakainis!! Naisahan niya ako don.



Napatanto ko na nakapout pa pala iyong labi ko kaya dali dali ko itong ibinalik sa normal at tumayo.



ARAAYY!!! Para san ba iyon?



Bulalas ni Kevin saka niya hinawakan iyong kaliwang braso niya dahil sa sakit na naramdaman niya.



Dahil sa sobrang galit ko sinapak ko si Kevin sa braso niya ng sobrang lakas. Iyong tipong mababali na
talaga iyong braso niya sa sakit. Pero according to Newtons third law, for every force that an object
exerts on a second object, there is a force equal in magnitude but opposite in direction exerted by the
second object on the first object. In short, kung gaano nasaktan si Kevin sa sapak ko, ganun din kasakit
iyong force na bumalik sakin. Ang sakit ng kamay ko, pero keribels lang. Denial queen naman ako kaya
nagpanggap akong hindi ako nasaktan.



Para iyon sa ginawa mo!!!



Sigaw ko sa kanya. Kahit na hindi masyadong maliwanag sa bahay namin, alam ko na alam na alam niya
na itim na itim na iyong aura ko. Sobrang napikon ako sa kanya. BIPOLAR talaga!!



HAHAHAHAH!!!!



Tumawa ulit si Kevin ng sobrang lakas. Iyong tipong naririnig na siya ng buong tao sa subdivision namin
kaya sinapak ko ulit siya.



Aray!! Tama na Maybelline.. haha! Sorry na. Hindi ko naman sinasadya iyon eh. Hahalikan naman sana
talaga kita kaya lang natawa ako sa mukha mo..



Ano daw? Tama ba iyong narinig ko? Hahalikan niya daw sana ako kaya lang natawa siya sa mukha ko?
Ano ba iyong mukha ko? Mas lalong hindi ko tanggap iyong paliwanag niya kaya sinuntok suntok ko siya
sa braso habang nakahiga siya.



Aray!! Tama na!! Tama na!!



Hindi ko parin siya tinigilan dahil nakakainis talaga siya. Ang sarap niya ipakain kay Lolong!!
Nakakabwe$et!!!



Tama na Maybelline. Nagagalit ka ba dahil hindi ko tinuloy iyong paghalik sayo?



Napatigil ako sa pagsusuntok kay Kevin sa braso niya. I was dumbfounded. Kaya nga ba ako nagagalit at
naiinis sa kanya ngayon dahil hindi niya ako hinalikan? Tss!! Im not that desperate.



O bat napatigil ka?



Tanong ulit ni Kevin sakin pero hindi ko na siya sinagot dahil I knew I just lost. Ang talino niya. Ang bilis
niyang mag-isip. Alam niya talaga kung san ako titirahin. Tinalikuran ko na siya at naupo sa isang couch
namin.



Oy Maybelline galit ka ba?



Hindi..



I answered him coldly. Akala ko si Kevin lang ang bipolar, ako din pala.



Galit ka eh. Sorry na kasi. Sige ulitin natin para hindi ka na magalit. This time hindi na talaga ako
tatawa.



Hindi ko alam kung niloloko ba ako ni Kevin o hindi pero hindi siya tumatawa eh. Does it mean that hes
really serious? Well maybe.. but..



Isa pa talaga at makakatikim ka talaga sakin..



Sabi ko sa kanya without looking at his eyes. Nakatitig lang ako sa kandila na malapit ng maupos.



Hindi na talaga ako tatawa. Promise!!!



Kahit na hindi ko tinitignan si Kevin, kita naman ng gilid ng mga mata ko na itinaas niya iyong kanang
kamay niya.



Huwag mo nga akong kulitin Kevin!!!



Sigaw ko sa kanya. Nakakairita na kasi. Hindi ko talaga alam kung seryoso siya o niloloko parin ako.



Sige na nga.. Huwag na lang. Ayoko namang ipilit ang gusto ko..



Gusto niya? So? Does it mean na gusto niya talaga akong halikan? Pero dahil naiirita parin ako sa kanya
at sa nangyari, hindi ko na siya sinagot at hindi ko na inisip pa ng husto iyong sinabi niya. Bahala na
talaga siya sa buhay niya!!











Tinakpan ko iyong mga mata ko gamit ang kaliwang kamay ko. Sobrang sakit kasi sa mata ang liwang sa
bintana.



Ahh!!



Umaga na ba? Kagabi lang ang dilim ng paligid pero ngayon sobrang maliwanag na. Ang bilis ng oras.
Gusto ko pang matulog! Tinanggal ko iyong isang kamay ko at ipinikit ulit ang mga mata ko saka ko
niyakap ng mahigpit ang unan ko.



Uggh Mia! Hindi ka pwedeng magtagal sa kama mo dahil may pasok ka pa. Kung ayaw mong malate at
mapahiya kailangan mo ng bumangon.



Five minutes!! Five minutes pa!!



Pagkatapos ng ilang minuto iminulat ko ulit iyong mga mata ko ng dahan dahan. Dahan dahan ko ding
nakita iyong nasa harap ng mata ko. Ang unan na niyayakap ko. Medyo blurry pa iyong lahat dahil siguro
may morning stars pa ako. Kinusot ko ang mga mata ko saka lang naging klaro ang lahat ng nakita ko.



WAAAA!!!!



Bigla nalang akong lumayo sa inakala kong unan na niyayakap ko. Pero paglayo ko... biglang..



*BLAAAM!!*



Ang sakit!!!!



Hinawakan ko iyong pwet ko dahil nasa sobrang sakit ng pagkahulog ko. Bakit ako andito? Bakit dito ako
natutulog? Bakit...



Bakit magkatabi kami ni Kevin sa couch?



Tsss... Kitang natutulog pa ang tao eh.



Sambit ni Kevin habang nakapikit parin iyong mga mata niya.



Kanina pa ba siya gising? Bakit hindi niya ako ginising? Iyong niyayakap ko kanina. Hindi pala talaga unan
iyon kundi si Kevin. Tinitigan ko iyong couch na hinihigaan ni Kevin. Pano kami nagkasya diyan?
Nagsisikan talaga kami diyan kagabi? Pero bakit ang himbing ng tulog ko? Hindi man lang ako nagising.



Kevin anong nangyari kagabi?



Tanong ko kay Kevin pero hindi siya kumibo.



Oyy Kevin.



Tss.. Ang kulit mo. Natutulog pa ako.



Sagot ni Kevin saka siya tumalikod sakin. Nakaharap na siya ngayon sa sandalan ng couch.



Kevin naman kasi. Ano bang nangyari kagabi?



Tanong ko sa kanya. Niyugyog ko iyong likod niya para sabihin niya talaga sakin kung anong nangyari.
Hindi naman ako nalasing pero hindi ko talaga maalala iyong nangyari.



Gusto mo talaga malaman?



Humarap si Kevin sakin kaya tinigil ko na iyong pagyugyog sa kanya.



Nirape mo ako kagabi!



Sabi niya with his poker face.



Ako? Nirape ko siya? Tsss!! Hindi ko ginawa iyon. Pero napaisip ako na baka ginawa ko talaga iyon. Pero
nakadamit naman ako ngayon at walang masakit sa katawan ko. Tinignan ko ulit si Kevin para tignan
kung tatawa ba siya pero talagang hindi. Seryoso ba talaga siya?



Seryoso?



Tanong ko sa kanya.



Tumango lang siya.



Kaya nga tayo magkatabi sa pagtulog eh. Kadiri ka talaga tumulo pa iyong laway mo kagabi.



Poker face parin si Kevin. Hindi ko parin mapagtanto kung seryoso ba siya o baka niloloko ulit ako. Pero
hindi ako makarecover sa sinabi niyang tumulo iyong laway ko kagabi. Guilty kasi ako don. Hindi naman
sa every night nalang tumutulo laway ko sa pagtulog. Paminsan minsan lang naman pag sobrang pagod
ako.



Ugghh!! Miaa!! Alalahanin mo iyong nangyari sa inyo ni Kevin..



Tumayo ako at iniwan na si Kevin na nakahiga parin sa couch saka ako dali daling umakyat papasok sa
kwarto ko. Pagpasok na pagpasok ko ng room ko, humarap agad ko sa salamin para tignan kung may
bakas ba talaga iyong mukha ko ng paglalaway kagabi pero wala naman. Baka nagsisinungaling lang si
Kevin?



Itinapon ko iyong katawan ko sa kama ko at nakatitig sa kisame. Ano bang nangyari kagabi? Pilit kong
inalala iyong nangyari.



Oo nga pala! Pinagtripan niya ako kagabi. Sabi niya ulitin daw namin iyong ginawa namin. Pero
pinagtawanan lang niya iyong mukha ko.



Tss!



Nakakainis talaga si Kevin.



Pero pagkatapos non..



*ttiiiingggg*



Naalala ko na lahat ng nangyari. Pati iyong nangyari pagkatapos akong niloko ni Kevin.





hihihihih!!




Napahawak nalang ako sa labi ko habang nakatitig parin sa kisame. hihihi!!



Baliw ka talaga Mia..



Pero ginawa talaga namin iyon.



hihihihihi!!



Ibig bang sabihin non gusto na niya ako?



hhiihhi!!



HOY!! MAYBELLINE!! MALIGO KA NA AT BAKA MALATE PA TAYO. MAAGA ANG PASOK KO!!



Sorabng nagulat ako sa sigaw ni Kevin sa labas ng pinto ng kwarto ko. hehehe! Si Kevin at ako kagabi..
eheheh



Wala kaming ginawang milagro ha? Pero ano... hihihihi!!



Hindi ko na sasabihin.. hihihi!!



Bumangon na ako sa pagkahiga ko at tinigil na ang pag-iisip sa nangyari kagabi. Marami pa akong oras
para diyan mamaya. Pumasok na ako ng banyo at naligo.





.







Cge lalabas na ako. Magkita nalang tayo mamayang hapon.



Sabi ko kay Kevin pagkatapos mawala ng tao sa paligid ng sparking space. Bubuksan ko na sana iyong
pinto ng kotse pero bigla nalang nagsalita si Kevin.



Ahh Maybelline. Baka pwedeng magtaxi ka nalang mamaya pauwi.



To tell you honestly nagulat ako sa sinabi ni Kevin. Palagi kasi kaming sabay umuwi pero ngayon eh
ipapataxi nalang niya ako.



May gagawin ka pa ba mamaya?



Tanong ko sa kanya.



Actually oo. May pupuntahan ako pagkatapos ng klase ko. May bibilhin lang.



Sasama nalang ako sayo mamaya total maaga naman akong matatapos eh.



Nag-isip na muna si Kevin bago siya sumagot.



Hindi pwede Maybelline eh. Mauna ka nalang sa bahay.



Wala nadin akong ibang nagawa kundi ang tumango at pumayag na magtaxi nalang ako. Binuksan ko na
iyong pinto ng kotse at dali daling lumabas. Habang naglalakad ako sa hallway, hindi talaga matanggal sa
isipan ko ang gagawin ni Kevin mamaya. Bakit hindi siya pumayag na isama ako? Dahil ba may date siya?
Di kaya may girlfriend na naman siya na good for seven days?



Iniling ko iyong ulo ko.



Hindi naman siguro gagawin ni Kevin iyon. Diba nangako siya sakin na gagawin niya iyong lahat para sa
relationship namin? So I assume na iniwan na niya iyong pagiging Casanova niya.



Pero Hello?



Kahit na hindi na naghahanap ng girlfriend si Kevin iyong mga babae naman ang lumalapit sa kanya.



Haayy!!



Ano kayang gagawin ni Kevin mamaya?



Dahil sa sobrang pag-iisip ko, bigla nalang akong nabangga hindi sa pader kundi sa isang tao.



Im sorry po. Im sorry. Hindi ko po sinasadya.



Ilang beses kong niyuko iyong ulo ko para humingi ng pasensya sa kanya. Haayy naku!!



Kahit kailan talaga..



Its okay iha..



Dahil sobrang familiar ng boses na iyon iniangat ko iyong ulo ko only to found out na si Tita Maricar pala
ang nakabangga ko.



TITA?



Bulalas ko.



Oh Mia, ikaw pala iyan. Hindi kita nakilala agad.



Sabi ni Tita.



Ano pong ginagawa niyo dito?



Tanong ko sa kanya.



May inaasikaso lang ako Mia. By the way bakit andito ka? Lumipat ka na ba ng ibang school?



Tumango lang ako bilang tugon ko kay Tita.



Kaya naman pala..



Sabi ni Tita saka siya ngumiti ng bahagya. Hindi ko masyadong na gets iyong sinabi niya pero hindi ko na
inisip ng husto dahil mukhang hindi naman importante.



Sa lahat pa talaga ng pwede kong makabangga si Tita Maricar pa talaga. Ang Mommy ni Jun. Sinabi ko
naman sa inyo na inakala ko totoo iyong pagmamahal na pinakita ni Jun sakin dati dahil pinakilala pa
talaga niya ako sa parents niya. Mabait naman ang parents ni Jun sakin at wala kaming naging
problema.



Oo nga pala Tita. Ano po iyong inasikaso niyo? Baka matulungan ko po kayo.



Pag ooffer ko kay Tita. Kahit na break na kami ni Jun at kahit na sinaktan niya ako. Hindi ko parin
pwedeng balewalain si Tita dahil sobrang napakabait niya sakin. Gusto ko ding suklian iyon ng
kabutihan. Kahit na sa ganitong paraan lang eh makabawi ako sa kanya.



Its okay Mia. Tapos nadin naman ako. O sha, I really have to go dahil may trabaho pa ako. Nice meeting
you again Mia and see you soon.



Saka ako hinalikan sa pisngi ni Tita. Pagkalipas ng ilang sandali hindi ko na makita iyong likod niya. Bakit
see you soon? Baka nakalimutan niyang wala na kami ni Jun kaya may tendency na hindi na muli kaming
magkita ni Tita.


Chapter 48: Good News




Pagdating na pagdating ko sa classroom. As expected!! Wala pang tao. Pano ba naman kasi ang aga pa.
twenty minutes early ako ngayon. Si Kevin naman kasi eh nagmamadali. Maaga kasi iyong pasok niya
ngayon kaya wala nadin akong magawa. Ayoko namang mag taxi papuntang school, hassle lang iyon.



Speaking of taxi. Naalala ko na naman iyong sinabi ni Kevin kanina bago ako lumabas ng kotse.
Magtataxi nalang daw ako pauwi dahil may pupuntahan daw siya. May bibilhin to be exact. Ano naman
kaya iyon? Hindi kaya nagsisinungaling lang siya?



Tss.. Kailangan kong pagkatiwalaan si Kevin.



Pero.. hindi talaga ako mapakali.



*tiiing*



Napahawak ako sa gilid ng noo ko pagkatapos kong maisip ang isang magandang plano. haha! Para
akong sira dito, pero wala namang makakakita sakin kaya okay lang.



Susundan ko si Kevin mamaya!



Sabi ko sa sarili ko.



Pero syempre hindi ako magpapahalata sa kanya. Pagkalipas ng limang minuto, ramdan na ramdan ko
na iyong boredom sa loob ng classroom kaya naisipan kong lumabas na muna. Palabas pa lang ako ng
classroom ng makita ko si Zelle papalapit sa room namin.



Oh my gosh!!



Bulalas ko sabay takip sa bibig ko. Totoo ba itong nakikita ko? Agad akong tumakbo papunta kay Zelle.



Zelle!!!



Tawag ko sa kanya habang tumatakbo ako. Nakita ko naman siyang ngumiti at kumaway sakin. Nasa
harap na niya ako ng hiningal ako ng husto.



Mia may problema ba? Bakit ka tumatakbo?



Tanong ni Zelle sakin.



Tinignan ko lang siya.



Hehehe. Gusto ko lang kasing malaman kung anong ibig sabihin niyan?



Tanong ko kay Zelle sabay turo sa kaliwang kamay niya.



Itinaas naman niya iyong kamay niya para ipakita sakin.



Ito?



Tanong niya kaya tumango lang ako.



Kami na Mia!!!



Si Axel na iyong sumagot sa tanong ko kay Zelle. Hindi talaga ako makapaniwala. Kahapon lang nong
mag-usap kami ni Zelle tapos ngayon sila na. hehehe!!



Masaya ako para sa inyo. Congratulations!!!!



Bati ko sa kanilang dalawa.



Thank you Mia. Im sorry talaga dahil nadamay ka pa bago ko nalaman na mahal ko pa pala si Zelle.



Sabi ni Axel sakin.



Sinundot ko iyong balikat niya.



Ano ka ba. Wala iyon noh. Kaibigan ko si Zelle kaya kita tinulungan. hehehe



Masaya talaga ako para sa kanila. Ngayon alam kong hindi na talaga masasaktan si Zelle. Pero naisip ko
Kevin. Baka siya naman ang masaktan pag nalaman niya na sila na ni Zelle.



Pwede bang favor?



Tanong ko sa kanilang dalawa.



Go ahead Mia.



Sabi ni Zelle.



Diba ako naman iyong tumulong sa inyong dalawa? Baka pwede niyo naman akong tulungan this time.



Sure. Ano iyon Mia?



Tanong ulit ni Zelle.



Baka pwedeng huwag niyo na munang ipaalam sa iba ang tungkol sa relasyon niyo lalo na kay Kevin.



Alam ko kasi na masasaktan talaga si Kevin pag nalaman niya ang tungkol sa bagay na ito. Ayokong
mangyari iyon. Alam ko naman na hindi pang habang buhay na matatago iyong relasyon ni Axel at ni
Zelle pero sa ngayon kailangan pa ni Kevin ng time. Ayokong mabigla siya.



Nagtinginan lang si Zelle at si Axel sa isat isa saka sila tumango.



Alright Mia. Naiintindihan ka namin.



Ang totoo niyan hindi ko pa nasasabi kina Zelle at Axel na nagpakasal na kami ni Kevin. Kung tutuusin
pwede ko namang sabihin iyon sa kanila ngayon pero ayoko lang dahil sa tingin ko hindi pa ito iyong
tamang tyempo. Sa susunod nalang siguro.



Ngumiti lang ako ng bahagya sa kanilang dalawa.



Dito nalang kami Axel. Magkita nalang tayo mamaya.



Paalam ni Zelle kay Axel.



Sige mag-iingat kayo. Magtetext nalang ako sayo mamaya.



Sabi naman ni Axel. Nakakainggit talaga silang dalawa. Ano kasi eh. Kitang kita mo na mahal na mahal
nila iyong isat isa. Masaya ako at natauhan nadin si Axel na mahal pa talaga niya si Zelle at hindi ako.



Kinuha ni Zelle iyong libro niya na dala dala ni Axel kanina saka siya kumaway kay Axel. Kumaway din
naman si Axel kay Zelle bago kami naglakad patungo sa room namin. Pagpasok namin sa loob kami pa
lang dalawa.



Asan na kaya sina May at Aya? Naalala ko na may utang pa pala sila sakin. Nagkwentuhan lang kami ni
Zelle habang hinihintay sina May at Aya at iyong iba pa naming classmates hanggang sa umabot kami sa
topic tungkol kay Kevin.



Alam mo Mia, sa tingin ko gusto ka na ni Kevin.



Sabi niya kaya nagulat naman ako. Minsan sumasagi din sa isipan ko na baka nahuhulugan na iyong loob
sakin ni Kevin lalo na iyong nangyari kagabi. Iyong hinalikan niya ako. Pero sa tingin ko hindi pa niya
nakakalimutan si Zelle. I mean mahirap naman kasing kalimutan ang first love diba?



hehehe..



Ngumiti lang ako ng bahagya kay Zelle bilang sagot ko sa kanya. Ayoko kasing pag-usapan iyong tungkol
kay Kevin lalo na pag si Zelle iyong kausap ko. Naiilang kasi ako. Parang naiinsecure ako pero hindi ako
galit kay Zelle ha. Alam ko kasi mas maganda siya sakin at mas mabait pa. Nasa kanya na lahat. Kung
ikukumpara ako sa kanya nasa talampakan lang talaga ako ni Zelle.



MIA!!



ZELLE!!!



Hooo!! Mabuti nalang at sinagip ako nina May at Aya. Bigla nalang silang dumating sa classroom namin
at naupo agad sa upuan nila.



May!! Aya!!



Bulalas ni Zelle. Mukhang good mood din ata sina May at Aya ngayon. Dahil ba may date sila kahapon?
Nakakaiingit talaga. Pero nagkakamabutihan na din ba kami ni Kevin? hehehehe!! Hindi ko pa ata
masasagot iyong tanong na iyan.



May good news ako sa inyo!!



Excited na sambit ni Zelle kina May at Aya.



Ano iyon? Ano iyon?



Sabay naman nina May at Aya.



Huwag kayong magugulat ha? Kami na ni Axel. hehehe



Bigla nalang natahimik ang dalawa at hindi makapagsalita.



HOY!!!



Tinapik ko sila sa balikat bago pa sila bumalik sa ulirat nila.



Kayo na talaga?



Hindi makapaniwalang tanong ni May.



You heard it right.



Sagot ni Zelle habang nakangiti. Pero nagulat kaming tatlo sa naging reaksyon ni Aya. Bigla nalang kasi
siyang umiyak na parang baliw.



hahaha!



Bakit ka umiiyak? Loka ka talaga..



Tanong ko kay Aya.



Pano ba naman kasi.. sa dinami dami ng ginawa nating paraan para kina Zelle at Axel nagkatuluyan din
sila. huhuh!! Tears of joy lang talaga ito..



Natawa nalang kaming tatlo kay Aya. Napaka OA talaga. As in OA.. Over Acting!!!



Oo nga pala. May sasabihin din kami sa inyo..



Pagsisimula ni May. Wala pa talaga kong ideya kung anong sasabihin ni Aya at ni May samin ni Zelle
pero I bet good news din iyon.



Ano iyon?



Tanong ko kay May.



Nagtinginan na muna sila ni Aya at tumango sa isat isa na para bang nag-uusap.



Kami na din..



Mahinang sambit ni Aya.



Really? Im happy for you girls!!



Bulalas ni Zelle..



Pero iyong reaksyon ko.. Sobrang nakakagulat talaga iyong sinabi nila.. Napatakip lang ako sa bibig ko
gamit ang dalawang kamay ko dahil sa sobrang pagkagulat. Matagal na kaming magkaibigan pero bakit
hindi ko agad nalaman? Bakit hindi ko agad napansin? Matagal na ba silang may pagtingin sa isat isa?



Oh my Gosh!! Hindi ko talaga inasahan ang to. Iyong dalawang kaibigan ko na inakala kong babae sa
buong buhay ko, lesbians pala..



Bakit hindi ka makapagsalita Mia?



Tanong ni May sakin. Iniling ko lang iyong ulo ko ng ilang beses.



Bakit ba?



Tanong naman ni Aya.



Bakit hindi niyo agad sinabi sakin?



Tanong ko sa kanila.



Sorry Mia, kahapon lang talaga kasi kami nakasigurado ni Aya sa totoong naramdaman namin eh.



Sagot ni May.



So totoo pala talaga? Waa!! Bakit nagkaganon? Pero kahit na lesbians sila hindi ko naman dapat sila
itapon lang na parang basura. May pinagsamahan din naman kami ng ilang taon kaya di ko dapat
balewalain iyon.



Kaibigan ko kayo kaya dapat ko kayang tanggapin kahit na iba iyong tinitibok ng puso niyo. Kahit na iba
iyong tibok ng puso ko sa tibok ng puso niyong dalawa. Pero sana sinabi niyo kaagad sakin noon pa na
may gusto pala kayo ng konti sa isat isa.



Sabi ko sa kanilang dalawa. Oo kailangan ko silang tanggapin pero sana naman binigyan nila ako ng hint
noon na parang iba iyong nararamdaman nila.



Nagtinginan lang sina May at Aya sa isat isa saka sila tumawa ng husto.



HAHAHAHAHA!!!



HEHEHEEHHE!!!



HIHIHIHIHIHIHIHIHI!!!



Tinignan ko si Zelle. Grabeh din iyong tawa niya. Hinawakan na talaga niya iyong tiyan na dahil sa lakas
ng tawa niya. Ano bang nakakatawa don sa sinabi ko?



Nakakalito talaga sila.



Tatawa din ba ako para hindi ako ma out of place sa kanila?



hehehehe!!!



Pagpipilit kong tawa para makasabay sa kanila pero lalo lang silang tumawa sa ginawa ko.



Shete talga! Hindi ko sila magets. Hindi ko maintindihan kung bakit sila tumatawa eh hindi naman ako
nagjojoke..



Pagkatapos ng dalawang minuto hindi parin sila tumitigil sa pgtawa kaya tumayo na ako at hinampas
iyong armchair ko ng malakas. Kahit na nasaktan iyong kamay ko okay lang.



Anong problema Mia? Galit ka ba?



Tanong ni Zelle sakin.



ANONG KLASENG TANONG IYAN? AKO NGA ANG DAPAT MAGTANONG KUNG ANONG PROBLEMA NIYO
EH...



Sigaw ko sa kanilang tatlo..



Miaaa!!! Nakakatawa ka kasi. .Pano mo naman naisip na kami nang dalawa ni Aya..ano kami lesbians?
hehe..



Sambit ni May. Tatawa pa sana siya pero pinigil lang niya.



Hindi ko gets.. Iyong sinabi niyo kanina..



Ang sabi namin ni May may boyfriend na kami. Hindi kami ng dalawa. Hindi kami lesbians noh.
Nakakatawa ka talaga Mia.



Sambit naman ni Aya.



Tinignan ko si Zelle.



Nagets mo ba iyong sinabi nila Zelle?



Tanong ko sa kanya at tumango naman si Zelle. So ako lang talaga ang tanga dito. Bakit hindi ko agad
nagets agad iyong sinabi nila.



Sinong boyfriend niyo?



Tanong ko naman pero narealize ko napakastupid ng tanong ko. Eh halata naman kung sino iyong
boyfriend nila.



Huwag niyo nalang sagutin. Alam ko naman kasi kung sino ehh...



Sabi ko sa kanila.



Magkukwentuhan pa sana kaming tatlo pero dumating na iyong professor namin. Hindi nga namin
namalayan na nagsidatingan na pala iyong mga classmates namin.




..




Mia sabay kana samin ni Axel..



Pagiimbita ni Zelle.



Huwag na Zelle. Mia dito ka na samin ni Jerome..



Huwag na.. Mia dito ka nalang samin ni Mark..



Hindi na talaga ako nakinig sa kanilang tatlo. Sila na may lovelife.. Actually may lovelife din naman ako
kaya lang eh wala siya ngayon. Hindi nga kami sabay uuwi eh. Ang sad. Loner ako ngayon.



Huwag na guys.. May gagawin pa ako sige bye..



Humiwalay na ako sa kanila kaya wala nadin silang nagawa kundi ang umalis nalang at iwanan ako. Saka
ko hinanap sa buong campus si Kevin. Sigurado akong hindi pa iyon nakakaalis. Sinuyod ko ang buong
Livingstone University hanggang nakita ko siya na kalalabas lang ng library.



hehehe.. Nagpupunta din pala si Kevin sa library? Hindi halata sa mukha eh..



Agad akong nagtago para hindi niya ako makita. Saka ko siya sinundan. Pero sinigurado kong hindi niya
ako mahahalata.



Mabuti nalang talaga at nagdala ako ng shades ngayon. Magagamit ko ito sa pag iispiya kay Kevin. San
kaya siya pupunta at bakit niya ako ipapataxi lang?



Tinungo ni Kevin iyong parking space ng school namin saka niya pumasok sa kotse niya.



ugggh!! Kailangan ko siyang masundan agad. Pero wala akong dalang kotse kaya naman tumakbo na ako
ng mabilis palabas ng university at naghanap ng taxi. Mabuti nalang at mas nauna pa ako kay Kevin.



Manong, sundan niyo po iyong sasakyan na iyon. Huwag po kayong pahalata ha..



Sabi ko kay Manong pagkatapos makalabas ni Kevin sa gate ng school namin.



Sige po Maam..



Sabi ni Kuya driver.



Ang malas mo lang talaga Kevin dahil hindi ako iyong tipo ng babae na uupo nalang at iisipin kung san ka
pupunta.



Pero habang nasa loob ako ng taxi andaming pumapasok sa isipan ko.



Pano kung makita ko si Kevin na may kasamang ibang babae? New girlfriend actually. Eh di masasaktan
ako dahil nangako na siya sakin noon na gagawin niya ang lahat para samin.



O pano kaya kung susuyuin pala niya si Zelle?



Huwag ko nalang kaya siyang sundan para hindi na ako masaktan?



Aissh!! Nakakalito.. Susundan ko ba o hindi?



Chapter 49: Spy





Susundan ko na nga lang si Kevin total andito na ako eh. Sayang din naman iyong effort ko at effort ni
Manong driver sa pagmamaneho kung hindi ko itutuloy iyong plano ko.



Maam mukhang dito na po siya pupunta.



Huminto ang taxi sa harap ng isang mall. Syempre iyong kotse ni Kevin pumasok na sa parking space.
Hindi naman makakapasok sa parking space ang taxi kaya binayaran ko na si Manong at bumaba na ng
taxi. Dahil nag effort talaga si Manong na hindi mawala si Kevin sa paningin niya binigyan ko siyang tip.



Keep the change nalang po Manong.



sabi ko sa kanya saka ako tuluyang bumaba ng taxi.



Kung tinatanong niyo kung magkano ang ibinigay kong tip kay Manong..



one peso..



hahaha!! Pasensya na Manong wala akong dalang madaming cash eh. 249 pesos kasi iyong dapat kong
bayaran at binigyan ko si manong ng 250 pesos kaya may tip siyang one peso.



Hindi naman nagreklamo si Manong. Hindi naman kasi required ang tip dito sa pinas eh di gaya sa ibang
bansa. Tumakbo na ako papasok sa entrance ng mall. Hindi ko talaga alam kung san ko hahanapin si
Kevin dahil sa sobrang laki ng mall pero atleast sigurado akong andito talaga siya kesa naman suyuin ko
iyong buong town namin para lang makita siya.



Isinuot ko na iyong shades ko para sakaling magkita kami ni Kevin hindi niya ako mahahalata.



Inikot ko iyong buong first floor para hanapin si Kevin pero hindi ko parin siya makita kaya
napagpasyahan kong magpahinga na muna. Naupo ako sa isang bench habang suot suot ko parin iyong
shades ko. Mahirap na kung tatanggalin ko iyon.



May isang batang lalaking tumabi sa upuan ko na may hawak hawak na ice cream. Kahit na hindi ako
tumitingin sa kanya alam kong panay iyong tingin niya sakin habang dinidilaan niya iyong ice cream
niya. Kitang kita ng gilid ng mata ko.



Excuse me ate pwedeng magtanong?



Hindi na niya siguro napigilan iyong sarili niya. Pagkatapos nong sinabi ng bata iniisip ng utak ko kung
ano kaya ang posibleng itatanong bata.



Ate bakit ka maganda?



Ate san ka nakatira?



Ate pwede ba makuha number mo?



Ate pwede ba manligaw?



Tinigilan ko na iyong pag-iisip ko dahil wala naman talaga patutunguhan iyong mga nasa isipan ko. Ang
bata bata pa kaya ng batang to para ligawan ako. Pero bakit panay iyong tingin niya sakin?



Ano iyon BATA?



Inemphasize ko talaga iyong word na bata para malaman niya na hindi kami pwede. Baka kasi kung
anong iniisip niya.



Hindi na ako Bata. 9 years old na ako.



Sabi niya.



9 years old ka pa lang? eh di bata ka pa..



Sabi ko naman.



Ano palang itatanong mo?



Tanong ko sa bata.



Wheres the sun?



Nagulat ako sa tanong niya. Ang layo kasi don sa inisip ko. Wheres the sun? Hindi ba niya alam kung
nasan iyong araw? Eh baka napaka bobo talaga ng batang to. Tumingin tingin ako sa paligid at mukhang
wala naman iyong magulang niya kaya okay lang na paiyakin ko to. Total hindi ko pa naman nahahanap
si Kevin.



Haayy naku. Bata ka pa talaga at walang muwang sa mundo. Hindi mo ba alam kung nasan iyogn araw?
Syempre nasa labas. Napaka bobo mo naman bata ka.



Inaway ko iyong bata dahil trip ko lang. hahaha!!



Wala naman iyong magulang niya eh.



Tinignan ko iyong reaksyon ng bata pero hindi ko nakita na parang naiiyak na siya.



Hindi ako bobo ate. Ikaw iyong boba!!!



Bigla nalang niyang sabi. Aba!! Palaban pala ang batang to. Akala ko kasi eh iyakin to.



At bakit naman ako boba? Sa ganda kong to naiisip mo na boba ako? Valedictorian ako ng highschool
noh.



Sabi ko sa kanya kahit na hindi naman talaga totoo iyong sinabi ko. Hindi din naman niya malalaman eh
kaya magsisinungaling nalang ako.



haha!



Waeeee? Ako ba niloloko mo? May valedictorian bang hindi alam kung nasan iyong araw?



Sabi nong bata. Hindi ko agad na gets iyong sinabi niya. Pano niya nasabing hindi ko alam kung nasan
iyong araw eh sinabi ko nga sa kanya kanina na nasa labas iyong araw eh.



Binigyan ko lang siya ng what do you mean look.



Ate hindi mo ba nagets iyong tanong ko sayo kanina?



Gets ko iyong tanong mo BATA!!! Eh sabi ko nga sayo diba nasa labas!!!



Nakakainis na talaga ang batang ito. Ang sarap sapakin eh.



Eh alam mo naman palang nasa labas eh bakait ka nagsusuot ng shades sa loob ng mall? Eh wala
naman ang araw dito eh. Nag susuot kadin ba ng shades kahit na gabi ate?



PAAK!!!



Bakit hindi ko agad na gets na iyong pala iyong ibig niyang sabihin? Eh dapat tinanong nalang niya agad
sakin kung bakit ako nagsusuot ng shades kesa naman tinanong niya na wheres the sun.



Nakakapikon ang batang to.



Ehh anong paki mo.. Sa ma sore eyes ako eh. Gusto mo mahawa?



Pagsisinungaling ko ulit sa kanya.



Hinawakan ko iyong mata ko habang suot suot ko parin iyong shades saka ko pinahid sa mata niya.



HALA!! MAHAHAWA KA NA MAMAYANG GABI!! MAGKAKA SORE EYES KA DIN!!



Akala talaga ng batang to hindi ako marunong pumatol sa mga mas bata sakin ha. Mukhang natakot na
man iyong bata dahil konting konti nalang at maiiyak na siya.



Alam ko pinigilan niya talaga iyong luha niya pero hindi parin niya napigil dahil tumulo na ito.



UWAAA!! Isusumbong kita sa Daddy ko!!



Sigaw nong bata habang umiiyak siya pero hindi ako natakot. Bagay lang sa kanya iyan dahil inaway niya
ako.



Eh di magsumbong ka. Wala naman ang Daddy mo dito eh. hahaha



Tumawa pa ako dahil alam ko mag-isa lang iyong bata.



ANONG WALA? UWAAA!! AYUN ANG DADDY KO OH!!!



Tinuro ng bata iyong sa likuran ko kaya napalingon ko. Paglingon ko may nakita akong lalaking may
hawak hawak na ice cream din.



SINONG NAGPAIYAK SAYO JUNIOR?



Tanong nong lalaki.



Hala!! Napakalaking tao nito. six footer ata tapos ang laki pa ng katawan. Nakakatakot pa iyong boses.



Oh sige bata ha. Nice meeting you bye!



Tumayo na agad ako saka ako tumakbo papunta sa escalator at sumakay na don. Mahirap na talaga kung
haharapin ko pa iyong tatay nong bata. Ang laking tao eh.



HOOO!!!



Napahawak ako sa dibdib ko habang iyong isang kamay ko nakahawak naman sa railing ng escalator.
Kinabahan talaga ako don. Akala ko mayayari na ako eh.



Pagdating ko ng second floor mahina lang iyong lakad ko dahil hindi pa ako nakarecover don sa nangyari
kanina sa first floor. Patingin tingin din ako sa paligid sakaling makita ko si Kevin.



Asan na kaya si Kevin?



Hindi pa naman siguro siya nakakaalis ng mall ngayon. Patuloy parin ako sa paglalakad habang
nagdadasal na makita ko na si Kevin at sana hindi umakyat dito iyong mag-ama kanina sa first floor.
Lakad parin ako ng lakad hanggang sa makita ko na si Kevin finally.



Nagtago ako sa may matandang lalaki na nagbabasa ng dyaryo habang nakaupo para hindi ako makita ni
Kevin. Patungo kasi siya sa direksyon ko kaya kailangan kong mag doble ingat.



Pagkatapos akong lampasan ni Kevin tumayo nadin ako at kinuha iyong dyaryo na hawak hawak ng
matanda.



Oyyy ineng san mo daldalhin iyang dyaryo ko?



Tanong ng matandang lalaki.



Lolo hihiramin ko lang ho ahh ibabalik ko din agad.



Sabi ko sa kanya saka ako kumaway.



Nakita mo naman na nagbabasa ako. Ang kabataan talaga ngayon wala ng galang sa mga matatanda.
Wala ng modo!!



Kahit na medyo malayo na ako kay Lolo eh narinig ko padin iyong sinabi niya.



Pasensya na talaga lolo ko at kailangan ko talagang gawin to para hindi ako makita ni Kevin.



Sinundan ko si Kevin habang nakatabon iyong dyaryo sa mukha ko pero binababa ko din ito paminsan
minsan para makita ko kung san pupunta si Kevin.



Hanggang sa pumasok nga siya sa isang jewelry shop.



Anong gagawin ni Kevin dito?



Bibili ba siya ng alahas?



Eh hindi naman siya mahilig sa alahas eh. Ang tanging meron lang sa katawan niya eh relo niya at iyong
singsing naming dalawa.



Nasa labas lang ako ng jewelry shop dahil pag papasok ako baka mahuli ako ni Kevin. Pano kasi ang liit
lang ng shop. Patingin tingin lang ako sa kanya sa labas since nakikita naman dahil glass namin iyong
pagitan namin.



Namimili lang si Kevin sa mga display nila habang may nakabuntot naman sa kanya na sales lady.



Nakakainis!! Hindi ko makita iyong mga pinipili niya dahil medyo malayo.



Papasok kaya ako? Pero baka kasi mahalata niya ako eh. Hindi lang mahalata kundi makikita at
mabubuking talaga.



Para lang akong baliw na patingin tingin sa loob kaya naman lumapit sakin iyong isa pang sales lady nila.



Do you need anything Maam?



Mabuti nalang at medyo malayo ako kay Kevin kaya hindi niya narinig iyong saleslady.



Ahhh.. Tumitingin lang.. hehe



Pasok po kayo Maam para makita niyo ng maayos iyong mga display namin.



Hihindi sana ako kaya lang eh pumayag nadin ako dahil gusto ko din talagang makita iyong tinitignan ni
Kevin.



Pero hindi ako lumapit ng masyado sa kanya dahil natakot ako. Nasa gilid lang niya ako at syempre
tinatabunan ko parin iyong mukha ko ng dyaryo.



Patingin nito Miss.



Narinig kong sabi ni Kevin.



Hindi ko man lang makita kung kwintas ba iyon o bracelet o singsing. Ang alam ko lang eh pambabae
iyon dahil nasa womens section kami.



Nakakainis!!



Gusto ko talaga makita kung maganda ba iyong tinitignan niya.



Patingin tingin din ako sa display para hindi ako mahalata.



Para po ba sa girlfriend niyo sir?



Tanong nong saleslady.



Bigla nalang tumibok ng malakas iyong puso ko. Para nga ba sakin iyong binibili ni Kevin? Kaya ba hindi
niya ako pinasama dahil gusto niya akong i-surprise?



Sana lang hindi na ako nagpunta dito.



Mia naman kasi eh. Nagdududa ka kaya ka pumunta dito. Haayy!!



Akala ko talaga eh kaya ako pinauna ni Kevin sa pag-uwi dahil magkikita sila ng bagong girlfriend niya.
Akala ko may date silang dalawa.



Waaa!!!



Miaaa!!



Nagsisisi tuloy ako kung bakit ako pumunta dito.



Hinintay ko iyong sagot ni Kevin pero hindi siya sumagot.



Baka naman sa asawa niya. hehe



Sabi naman nong isang saleslady. Tama nga siya. Hindi sumagot si Kevin kanina dahil hindi naman para
sa girlfriend niya iyong tinitignan ni Kevin kundi para sa asawa niya.



hihihhihiih!!!



Kunin ko na Miss.



Sabi ni Kevin. Tinabunan ko na iyong buong mukha ko ng dyaryo dahil any minute from now aalis na siya
sa shop. Gusto ko siyang unahan para hindi ako makita ni Kevin pero gusto ko pang itanong sa saleslady
kung anong item ang binili ni Kevin.



Pagkatapos ng ilang minuto eh umalis na nga si Kevin ng jewelry shop kaya lumapit ako don sa saleslady
na nag asikaso sa kanya.



Excuse me miss.



Sabi ko pagkatapos kong ibaba iyong dyaryo sa mukha ko.



Yes Maam?



Itatanong ko lang sana kung ano iyong binili ng lalaki kanina. pwede bang makita?



Pakiusap ko sa saleslady.



Sorry Maam pero last item na po iyon eh.



Ayy sayang!! Hindi ko makikita in advance iyong ibibigay ni Kevin.



Ahh.. Ano pala iyong binili niya?



Tanong ko ulit.



Oo alam ko ang kulit ko. Gusto ko lang malaman eh.



Bracelet po Maam. Kilala niyo po ba iyong kanina na guy?



Tanong ng saleslady.



Ahh oo.. hehehe...



Ahh girlfriend ka pa po ba niya Maam? Ikaw pala iyong pagbibigyan niya.



Bigla naman akong nagblush don sa sinabi ng saleslady. hehehehe



Hindi ako girlfriend. Asawa niya ako.



Sagot ko sa kanya saka ako tumawa ng mahina dahil kinikilig ako.



hihihi!!



Asawa? Akala ko talaga Maam wala siyang asawa. Tama ka pala Erica.



Saka niya sinundot iyong babaeng kasama niya.



Nakakaproud talagang maging asawa ni Kevin. Pano ba naman kasi ang gwapo niya.



Alam ko napaka swerte ko.



Pwede bang malaman Miss kung magkano iyong binili niyang bracelet?



129,999 pesos po iyong original price. Pero dahil may discount po kami 49,999 nalang po.



Bumukas iyong bibig ko sa presyo ng biniling bracelet ni Kevin. Kahit na nakaka afford ako ng ganun ka
mahal na bracelet hindi ko parin inakala na bibigyan niya ako ng ganun kamahal na regalo.



Alam ko malaki iyong discount ng bracelet pero ang mahal padin naman ang 50,000 pesos diba?



Sobrang lumakas ang kumpyansa ko sa sarili dahil alam ko na na unti unti na talagang nahuhulog ang
loob ni Kevin sakin.



Thank you Miss. Sige bye!!



Itinaas ko iyong kamay ko para mag wave sa kanila. Good mood kasi ako ngayon eh. ehehe



Oh my gosh!!



Bigla nalang akong tumakbo ng matulin dahil kailangan ko palang maunahan si Kevin sa pag-uwi. Ang
alam niya kasi eh mas mauuna akong makauwi sa kanya.



Sana matraffic siya o masiraaan ng sasakayan.



Lumabas ako ng mall na may ngiti sa labi ko.


Chapter 50: Finals Week





Pumara agad ako ng taxi paglabas ko na mall. Mabuti nalang talaga at wala akong kaagaw sa mga taxi
ngayon di tulad ng dati. Habang nasa loob ako ng taxi panay iyong pagdadasal ko na sana eh mas mauna
akong dumating kesa kay Kevin.



*ting*



Bigla nalang may pumasok na magandang ideya sa utak ko. Agad ko namang inilabas iyong phone ko
mula sa bag ko saka ko tinawagan si Kevin.



*riing* *riing*



(Hello Maybelline? Nagmamaneho ako ngayon pauwi nadin naman ako kaya mamaya nalang.)



Saglit lang Kevin. Huwag mo na munang ibaba.



(Ano bang kailangan mo?)



Ano kasi eh, hindi pa ako kumakain. Hindi pa kasi ako nakapagluto dahil nakatulog ako kanina, pwede
bang bumili ka nalang ng pgkain natin bago ka umuwi?



(Sige sige. Hintayin mo nalang ako.)



Saka ko pinindot iyong end call button. Hoo!! Ang galing ko talagang mag-isip ng palusot.



Kuya pakibilisan naman po.



Sabi ko sa driver.







Eto na ang bayad Kuya oh.



Inabot ko iyong bayad sa driver. Lalabas na sana ako ng bigla nalang may malakas na ilaw na
sumalubong samin.



Pagtingin ko ang kote pala ni Kevin.



Patay na talaga ako nito.



*beep* *beep*



Waaa!!



Pano ko pagbubuksan si Kevin ng gate eh andito pa ako sa labas ng bahay namin. Ilang beses ding
pinindot ni Kevin iyong busina ng kotse niya pero wala talagang magbubukas ng gate kasi naman Kevin
andito nga ako sa labas. Wala ako sa loob ng bahay!



Nakita kong bumaba si Kevin ng kotse niya saka siya pumasok sa gate namin para buksan iyon at ng
maipark niya sa loob ang kotse niya.



Pagkakataon ko na to. Magbabackdoor nalang ako total dala ko naman iyong susi ng gate namin sa
likod.



Lumabas na ako ng taxi at tumakbo patungo sa likod ng bahay namin at agad na binuksan iyong gate.



Dahil sa likod ako dumaan, sa kusina din ako makakapasok.



Maybelline?



Bigla akong kinabahan pagkatapos kong marinig ang boses ni Kevin. Nasa bahay nadin pala siya at
hinahanap niya ako. Wala na akong pagkakataon pa na umakyat sa taas at magpalit ng damit. Naka
uniform pa naman ako ngayon. Kailangan kong mag-isip agad ng paraan.



Tinago ko iyong bag ko sa cupboard namin saka ko kinuha iyong nakasabit na apron at sinuot iyon.
Kumuha nadin ako ng tubig para kompleto na iyong props ko.



Andito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap.



Sabi ni Kevin habang ininom ko iyong tubig na kinuha ko.



Oh andito ka na pala. Kanina pa kita hinihintay eh.



Sabi ko naman sa kanya pagkatapos kong ibaba iyong hawak kong baso.



Bakit hindi mo binuksan iyong gate?



Tanong niya sakin.



Ayy pasensya na hindi ko kasi narinig eh. Nakikinig kasi ako ng music kanina.



Pagsisinungaling ko sa kanya. Sinigurado kong nakaharap lang ako lagi kay Kevin dahil once na tumalikod
ako, mahahalata niya na naka uniform parin ako at malalaman niya na bago lang talaga ako nakauwi ng
bahay.



Eto na pala iyong pagkain na binili ko.



Inilagay ni Kevin iyong supot na dala niya sa hapagkainan.



Siya nga pala Maybelline, bakit ka naka apron eh uminom ka lang naman ng tubig?



Natulala ako sa tanong ni Kevin. Kailangan kong mag-isip agad ng isasagot ko sa kanya.



Ahh.. ano kasi... ahhh.. ano.. ahh..



*tiing*



Akala ko kasi eh matatagalan ka pa kaya naisipan kong magluto nalang sana ng omelette. Gutom na
kasi talaga ako. Buti nalang at dumating ka na.



Hoo!!!



Mabuti nalang talaga at parang nasa kundisyon iyong utak ko. Ang bilis ko kasing makaisip ng mga
palusot ko kay Kevin.



Ahh kaya pala. Ikaw nalang ang mag-ayos niyan. Magbibihis lang muna ako tapos kakain na din tayo.
Gutom nadin kasi ako.



Sabi ni Kevin.



Tumango lang ako sa kanya.



Pagkatapos niyang umakyat eh agad kong kinuha iyong bag ko sa cupboard saka ako pumasok ng kwarto
ko at dali daling nagbihis.



Kailangan kong munahan si Kevin.




.



Kain na tayo.



Sabi ko kay Kevin pagkatapos kong ayusin iyong hapagkainan. Umupo lang siya saka ako sumunod sa
ginawa niya.



Nadasal na muna kami bago namin sinimulan iyong pagkain ng dinner namin. Habang kumakain kami ni
Kevin, hindi ko maiwasan na hindi tumitig sa kanya. Hindi lang dahil sa kagwapohan niya kundi nadin
dahil sa natuklasan ko kanina.



May kanin ba iyong mukha ko?



Tanong ni Kevin sakin habang naka focus parin siya sa pagkain niya.



Ahh wala naman..



Sabi ko sa kanya sabay bawi ng mg mata na nakatitig sa kanya kanina.



Uhhmm... Kevin pwedeng magtanong?



Pagsisimula ko ng conversation sa kanya.



Nagtatanong ka na nga eh..



Ehhh iba naman iyong itatanong ko sayo eh.



Ano iyon?



San ka pala nagpunta kanina?



Alam ko hindi ko na dapat tinatanong kay Kevin iyon dahil alam ko naman kung san siya pumunta. Sa
mall, sa jewelry shop to be exact. Alam ko nga din kung anong ginawa niya eh. Bumili ng bracelet para
sakin.



hihihihi!!



Itinanong ko lang iyon dahil gusto ko lang malaman kung magsisinungaling ba siya sakin o hindi.



May pinuntahan lang ako.



Sagot ni Kevin.



San naman?



Tanong ko ulit sa kanya.



Alam ko nakukulitan na siya sakin pero gusto ko talaga magtanong eh.



Ahh iyong dating schoolmate ko. Sinamahan ko lang siya. Matagal nadin kasi kaming hindi nagkita eh.
Bakit mo pala naitanong?



Wala naman..



Hindi ko talaga alam kung bakit kailangang magsinungaling ni Kevin eh para din naman sakin iyong binili
niyang bracelet kanina diba? Bakit hindi nalang niya sabihin sakin at ibigay agad sakin iyong regalo niya.



Gusto kong sabihin sa kanya na sinundan ko siya kanina at alam ko na lahat pero baka masira ko kasi
iyong plano niya. Kung meron man.



Pinagpatuloy na namin iyong pagkain namin pero hindi parin ako mapakali. Panay parin iyong tingin ko
sa kanya.



Ano na naman Maybelline?



Tanong ni Kevin na parang naiirita na sakin.



Haa? Wala naman akong sinasabi ahh!!



Bulalas ko.



Wala ka ngang sinabi pero halata naman sa mukha mo na parang may gusto kang itanong.



Hahay!! Hindi ko na sana itatanong pa iyon kay Kevin pero sige na nga. Total eh siya naman iyong mapilit
eh. Pinipilit niya akong itanong ko sa kana iyon.



Ahh!! Ano lang... Itatanong ko lang sana kung may nakalimutan ka?



Binigyan lang ako ni Kevin ng hindi kita maintindihan look.



Anong ibig mong sabihin?



Tanong ni Kevin.



Ahh ano.. Baka kasi may nakalimutan ka lang ibigay sakin?



Tanong ko sa kanya.



Bakit birthday mo ba ngayon?



Ehhh!!!



Ibig bang sabihin sa sinabi ni Kevin eh ibibigay niya lang sakin iyong bracelet sa birthday ko? Ehh antagal
pa kaya non. Eh hindi na nga ako makapaghintay ngayon eh paghihintayin pa niya ako hanggang sa
birthday ko.



Pero baka naman din kasi nagpepretend lang si Kevin ngayon at naghahanap lang siya ng magandang
tiyempo. Iyong romantic scene gaya ng mga movie na napapanood ko.



Ahhh!! Kalimutan mo nalang iyong sinabi ko.. hehehe



Sabi ko kay Kevin saka ako tumawa ng mapakla.



Maghihihntay nalang ako ng konti pa bago ko matanggap iyong regalo ko galing kay Kevin. Sabi na nila
eh patience is a virtue. Kaya ko pang mahintay ng ilang buwan pa..



Pagkatapos naming kumain ni Kevin, ako na iyong nagrepresenta na magligpit at maghugas ng
pinagkainan namin. Total eh binilhan naman niya ako ng regalo kanina kahit matagal pa iyong birthday
ko.



Sigurado ka ba talaga?



Tanong sakin ni Kevin.



Sigurado ako. Magpahinga ka nalang..



Sagot ko sa kanya saka ko sinimulan iyong pagliligpit ng mga pinggan na nagamit namin.



Ikaw ang bahala. Mukhang hindi ko na din naman mababago iyong isip mo eh. At konti lang naman ang
natitirang araw darating nadin iyong pinangakong kasambahay ni Mommy.



Sambit ni Kevin saka siya umakyat sa taas.







Simula na ng finals week namin. HIndi ko talaga alam kung matutuwa ba ako dahil matatapos nadin sa
wakas iyong sem namin o malulungkot ako at kakabahan dahil exam na naman. Sigurado akong dudugo
na naman iyong ilong ko dahil sa mahihirap na questions.



Mia ready ka na ba sa exam mamaya?



Tanong ni May sakin habang nakaupo na kami sa silya namin. Hinihintay nalang namin iyong ibang
kaklase at professor namin. Maaga pa naman kaya matatagalan pa siguro sila.



Uhmm siguro?



Nakapagreview naman ako at tinuruan din naman ako ni Kevin sa math kaya hindi ako dapat mag-alala
pero pakiramdam ko kasi hindi pa enough iyon eh.



Mabuti pa mag quick review na muna tayo. Naghanda kami ni Aya ng problem set para sayo. Sagutan
mo na muna to total maaga pa naman.



Inabot ni May sakin iyong papel. Sigurado akong math subject to dahil alam nila na don talaga ako
super na mahina.



Kinuha ko iyong papel at tinignan na muna. May sampung problems. Sa tingin ko masasagot ko naman
ang lahat ng ito eh.



Kumuha na ako ng ballpen at scratch paper sa bag ko at nagsimula ng mag answer sa binigay ni May at
ni Aya.



Habang sinasagutan ko iyong problems eh busy naman sila sa kakakuwento ng nangyari sa mga date
nila. Ehh!!



Kung wala lang talaga ako sa ganitong sitwason makikisali nadin ako dahil madami na akong namiss sa
love story nila. Pero kailangan ko din itong problem set para naman ma refresh iyong utak ko.



Integral.. Derivative..



In less than thirty minutes natapos ko na iyong problem set na binigay nilang dalawa.



Tapos ka na Mia?



Tanong ni Aya sakin.



Yup.. Eto na oh..



Sabi ko sa kanya sabay abot nong papel ko.



Sigurado ka bang tapos ka na? May oras ka pa para ireview iyong sagot mo. Wala pa naman iyong
professor natin.



Sabi ni May.



Hindi ata sila makapaniwala na tapos na talaga ako.



Tapos na ako.



Ulit ko sa kanila.



Sigurado ka ba? Sige ichecheck na namin ni May ha.



Sambit ni Aya sabay kuha nong papel ko. Hindi talaga sila makapaniwala eh.



Unti unting dumating iyong mga kaklase namin pero si Zelle wala parin. Siguro nag review pa o baka
kasama pa niya si Axel ngayon.



hehehehe!!



Masaya talaga ako para sa kanilang dalawa.



Pati kina May at Aya.



Sana kami din ni Kevin magiging okay na. Okay naman kami pero iba iyong ibig kong sabihin eh. Gusto
kong ng ano.. Iyong totoong relationship.



Wooow Miaaa!!



Nagulat naman ako sa laki ng boses ni Aya.



Bakit?



Tanong ko.



Ikaw ba talaga sumagot nito? Woow lang ha!! Wow talaga. Hindi ko inasahan to. First time nangyari
to..Congratulations..



Bati ni Aya sakin.



Mia na perfect mo iyong problem set na binigay namin sayo.



Sambit ni May.



Talaga?



Hindi rin ako makapaniwala na tama lahat ng sinagot ko. Akala ko kasi eh may mga konting mali ako
don.



Nagreview ka talaga ng maayos noh?



Tanong ni May sakin.



Naalala ko naman iyong nangyari nong last week. Nong gabing tinuruan ako ni Kevin sa math tapos ng
black out bigla..Tapos biniro niya ako na hahalikan niya ako tapos hindi pala nangyari.. Pero bumawi
naman siya. hehehe!! Nangyari nga... Nakakakilig!!



Shete!!



Hanggang ngayon kinikilig parin ako sa tuwing naalala ko iyon.



Ang totoo niyan eh tinulungan ako ni Kevin na magreview.



Amin ko sa kanilang dalawa..



Wow naman! Ang sweet din pala ni Kevin.. Aminin mo nga Mia may nangyari na ba sa inyo?



Tanong ni Aya sakin sabay sundot sa balikat ko.



Ano ba iyang tinatanong mo?



Sabi ko sa kanya.



Tinatanong ko kung may nangyari naba sa inyo..



Ulit ni Aya.



Wala noh.. Ikaw talaga Aya kahit kailan ang dumi ng isip mo..



So ibig sabihin wala pa kayong improvements?



Tanong naman ni Aya sakin.



Actually meron pero konti lang..



Amin ko ulit sa kanila..



Ano ano ano?



Sabay nilang dalawa. Hindi naman halata na hindi sila excited noh? hahaha



Pero dahil andito na kami sa topic na ito.. Aaminin ko nalang..



Actually hinalikan niya ako..



hihihihi!!



Bulong ko sa kanila sabay tawa ko.



Sinong humalik sayo Mia?



Bigla kaming nagulat na tatlo ng marinig namin iyong boses ni Zelle. Andito na pala siya. Hindi man lang
namin nahalata.



Ahhh.. ano ano.. ano..



Nataranta ako bigla at hindi ko alam kung anong sasabihin ko.



Hinalikan siya ng palaka sa panaginip niya tapos naging prince na iyong palaka..



Sabi ni Aya..



Diba kabaliktaran iyong nangyari sa story na tinutukoy ni Aya? Diba iyong princess ang humalik sa
palaka?



Ayy ewan!!



Ay ganun ba Mia. Oo nga pala. May ibibigay akong invitation sa inyo sa susunod na mga araw.
Ginagawa pa kasi eh..



Sabi ni Zelle saka siya umupo sa silya niya katabi ko.



Invitation tungkol saan?



Tanong ko kay Zelle.



Secret na muna..



Sagot ni Zelle.



Ikakasal na ba kayo ni Axel? ehehehe



Biro ni Aya saka kami tumawang tatlo.



Bago pa nga lang sila tapos magpapakasal na..



hehehe!!


Chapter 51: Invitation





Sige Kevin, aalis na ako.



Paalam ko kay Kevin.



Cge, magkita nalang tayo mamaya.



Sabi naman niya.



Lalabas na sana ako pero tinignan ko muna siya.



May nakalimutan ka ba?



Tanong niya sakin. Panay kasi iyong titig ko sa kanya kaya parang nahalata niya.



Wala ka bang ibibigay sakin? Wala ka bang nakalimutang ibigay sakin?



Tanong ko sa kanya.



Ahh.. oo!! Meron pala..



Sambit ni Kevin.



Lumiwanag iyong kaluluwa ko dahil sa sinabi ni Kevin. Ito na iyong pinakahihintay ko nong isang araw pa.
Ibibigay nadin sa wakas ni Kevin iyong bracelet na binili niya sa shop nong isang araw.



Kinuha ni Kevin iyong bracelet mula sa bulsa ng pantalon niya.



Eto na..



Inabot niya sakin iyong isang maliit na..



USB?



Tanong ko sa kanya. Hindi kasi ako makapaniwala na USB ang ibibigay niya sakin.



Bakit ito?



Tanong ko ulit sa kanya.



Bumili na kasi ako ng bagong USB dahil parang bibigay na iyong dati kong USB. Eh naalala kita kaya
binilhan nadin kita. Bakit ayaw mo ba? Akin nalang..



Hindi ko naman sinabing ayaw ko ah.. Akin na to binigay mo na eh. Pero wala ka na bang iba pang
ibibigay sakin?



Tanong ko sa kanya.



Wala na. Bakit may dapat pa ba akong ibigay sayo?



Hahay!! Akala ko talaga ibibigay na ni Kevin sakin iyong bracelet pero hindi parin pala. Pero hindi ko
naman sinabi na hindi ko gusto iyong USB na binigay niya. Actually magagamit ko nga din ito eh.



Kelan kaya ibibigay ni Kevin ang bracelet? Hindi na talaga ako makapaghintay eh. Nakakainis na talaga si
Kevin. Pabitin eh.



Wala naman.. Sige aalis na ako..



Sabi ko sa kanya. Hindi na ako nagtagal pa sa loob ng kotse dahil baka mahingi ko na talaga sa kanya
iyong bracelet. Baka akalain niya atat na atat na talaga ako which is totoo naman talaga.



Sige. Goodluck sa exam!!



Pahabol pa ni Kevin. Patuloy lang ako sa paglalakad ko hanggang sa makarating ako sa hallway namin.



Siya iyon diba?



Oo siya iyon. Sigurado talaga ako. Siya iyong nakita ko sa picture.



Ang swerte niya.



Sinabi mo na pero maganda naman siya eh. Mas maganda pa ng siya sa personal kesa sa picture.



Kanina ko pa napapansin na nasa akin ang tingin ng mga schoolmates ko habang naglalakad ako. Hindi
naman sila ganito noon.



Hindi ko alam kung ako ba iyong pinag-uusapan nong mga babae na nasa gilid pero nakatingin sila sakin
eh. Tama nga din naman sila na mas maganda ako sa personal kesa sa picture. Hindi sa pagbubuhat ng
sariling bangko ha. Nagsasabi lang talaga ako ng totoo.



Kaya pala hindi niya sinagot iyong nanligaw sa kanya dahil may girlfriend na siya.



Narinig kong sabi nong isang babae. Nagets ko iyong sinabi niya. Iyong lalaki pa mismo ang nililigawan ng
babae. Dahil sabi niya may girlfriend daw eh. Unless kung lesbian iyong nililigawan. Pero I doubt.



Isa lang iyong nasa isipan ko kung sino ang tinutukoy nila. Si Kevin pero hindi pa naman talaga ako
sigurado



Paano niya kaya niligawan si Kevin?



Pagkatapos kong marinig iyon parang sumabog iyong eardrums ko. Ang sakit sa tenga. Napahinto ako sa
paglalakad ko at tumingin deretso don sa nagsalita.



Kelan man hindi ko niligawan si Kevin. Oo napilitan lang siya na magpakasal sakin pero bago namin
pinasok ang ano man ang meron kami, nagkasundo kami na gagawin namin ang lahat. Kaya nga niya
iniwan iyong dati niyang bisyo eh.



Ako ba iyong pinag-uusapan niyo?



Tanong ko sa babaeng nagsalita gamit ang nakakatakot kong boses. Mabait ako pero iba ako kung
magalit.



Haa? ahah.. anno..



Utal utal na sabi ng babae. Hindi siya makapagsalita ng deretso dahil sa takot. Bago siya nagsalita ng
hindi maganda, ginamit na muna sana niya iyong utak niya bago iyong bibig niya.



Im sorry Mia.. Hindi ikaw iyong tinutukoy ng kaibigan ko.



Sabi nong kasama niyang babae.



Anong akala niyo sakin tanga?



Mia.. ano.. ano.. Insecure lang talaga ako. Sorry. Hindi ko lang kasi matanggap na kayo na ni Kevin.



Sabi nong babae. Imbes na magalit ako sa kanya hindi ko nagawa dahil nagulat ako. Pano niya nalaman
na kami na ni Kevin?



Ang akala ko lang kasi eh may nasesense sila sa picture na hindi ko masyadong gets..



Sinong may sabi sayo niyan?



Tanong ko sa kanya.



Ahh ano.. ano kasi.. a..



ANO?



Sigaw ko sa kanya. Nagulat naman siya sa lakas ng boses ko.



Sa facebook. Iyong picture..



Hindi ko parin magets kung anon tinutukoy nong babae. Tatanungin ko pa sana siya kaya lang..



MIA!!



Bigla akong tinawag nila Zelle, Aya at May..



Wala nadin akong ibang nagawa kundi lapitan sila at iwanan iyong mga chismosa.



Ano bang ginagawa mo? Bakit nakikipagchikahan ka pa diyan? Malapit ng magsimula iyong exam
natin.



Sabi sakin ni May.



Ha? Malapit na ba?



Tinignan ko iyong relo ko. Two minutes nalang pala ang natitira. Naalala ko na natagalan akong lumabas
sa kotse ni kevin tapos natagalan pa ako sa mga chismosa. Mabuti nalang pala at hinanap ako ng mga
kaibigan ko.



Strict rule kasi ng Livingstone University na hindi na makakapag take ng exam ang mga late comers.



Tumakbo na kami papunta sa room namin. Mabuti nalang at nakaabot pa kami.



Tatlo iyong exam ko sa araw na ito at sa tingin ko nasagot ko naman ng maayos ang lahat ng tanong sa
tatlong subjects.



.



Dahil tapos na iyong exams natin for this week ibig sabihin non eh sembreak na.



Sabi ko sa kanilang tatlo habang naglalakad kami patungong parking space cafeteria ng university.



Yeah. Finally wala na tayong pasok next week. hehe.. Almost one month din iyong vacation natin kaya
party party na.



Sabi naman ni Aya sabay taas nong dalawang kamay niya sa ere.



Talagang party party na.



Sabi naman ni Zelle.



See you tomorrow sa party?



Tanong ni Zelle sa aming lahat.



Akala ko nagbibiro lang siya don sa sinabi niyang talang party party na daw pero mukhang seryoso siya
eh. Seryoso kasi iyong mukha niya. Walang halong pagbibiro.



Eto para sa inyo.



May kinuha ni Zelle na tatlong envelopes mula sa bag niya saka niya kami binigyan ng tig iisa nina May at
Aya.



Ano to Zelle?



Tanong ko sa kanya.



Invitation.



Sagot niya sabay ngiti.



Binuksan ko iyong envelope na binigay ni Zelle sakin.



Birthday mo?



Sabay naming tanong sa kanya at tumango naman siya. Tinignan ko ulit iyong date.



Bukas na?



Sabay ulit kaming nagtanong sa kanya. Magkakaibigan talaga kami eh. Iisa iyong utak namin.



Yep bukas na.



Zelle naman, bakit hindi mo sinabi ng mas maaga?



Tanong ko sa kanya.



Sinabi ko naman sa inyo na bibigyan ko kayo ng invitation kaso nga lang eh na delay iyong pagawa dahil
naging busy kami. Pasensya na talaga.



Paghihingi ng despensa ni Zelle.



Hindi mo naman kami kailangan bigyan ng invitation letter eh. Pwede namang sabihan mo na agad
kami kahit na huli na iyong invitation Zelle.



Sabi ni May.



Oo nga Zelle ang daya mo.



Sabi naman ni Aya.



Pasensya na. Gusto ko lang kasing bigyan kayo ng invitation bago niyo malalaman. Huwag na nga
kayong magtampo, alam niyo naman ngayon eh.



Sabi ni Zelle niya tinapik ng pa isa isa iyong mga balikat namin.



Eh Zelle. Bukas na iyong birthday mo eh hindi man lang kami nakabili ng regalo ng mas maaga. Tapos
hindi pa kami naghanda ng maisusuot namin.



Sambit ko kay Zelle. Alam ko engrande iyong birthdy party ni Zelle kaya kailangan talaga naming
maghanda.



Mahaba pa naman iyong oras niyo ahh.



Sabi ni Zelle samin.



Tinignan ko iyong relo na suot ko. 3 PM na, kailangan na naming umalis ngayon para bumili ng birthday
present at ng maisusuot namin.



Sige Zelle. Alis na kami. Bye!!



Sabay ulit naming paalam kay Zelle saka kami sabay na tumayo at umalis na ng cafeteria. Hindi na namin
hinintay pa na sumagot si Zelle.



Sorry Zelle nagmamadali lang talaga kaming tatlo. Madami pa kaming dapat na gawin.



Dahil wala akong kotse sumabay na ako kay May. Si Aya naman nakasunod na sa amin.




Hindi ka ba hahanapin ni Kevin Mia? Baka hinihintay ka niya..



Sambit ni May habang nagmamaneho siya.



Oo nga pala. Tawagan ko lang Muna siya May.



Mabuti nalang talaga at pinaalala sakin ni May dahil nawala talaga sa isipan ko. Kinuha ko na iyong
cellphone ko at tinawagan si Kevin.



*riing* *riing*



Ilang beses nag ring iyong cellphone ni Kevin pero hindi parin niya sinasagot. Baka may exam pa siya
ngayon kaya nag type nalang ako ng text message para sa kanya.



Mahuhuli ako ng uwi ngayon dahil may pupuntahan pa kami kasama sina Aya at si May.



Saka ko sinend. Hindi na ako naghintay pa ng reply mula sa kanya dahil baka hindi pa talaga tapos iyong
exam niya.



San ba tayo mamimili?



Tanong ko kay May.



Sa pinakamalapit na mall nalang siguro. Pano ba naman kasi itong si Zelle. Kung sinabi niya one week
before ng party eh nakapag handa pa sana tayo ng maayos. Hindi katulad ngayon, bukas na iyong party
tapos wala pa tayong maisusuot. Wala pa ng tayong regalo eh.



Tama talaga si May. Kung sana sinabi ni Zelle ng mas maaga hindi na sana kami natataranta ng ganito.



Hahay!!



Tinignan ko iyong rearview mirror ng kotse ni May para tignan kung nakasunod parin ba samin si Aya.



Nasa likod parin si Aya. Dahan dahan ka lang para hindi siya mawala.



Paalala ko kay May.



Oo nga pala may. Nagpaalam ka na ba sa boyfriend mo na hindi kayo sabay uuwi ngayon?



Tanong ko sa kanya.



Actually nakapag usap na kami kagabi na hindi na muna kami sasabay sa kanila dahil gusto namin ni Aya
magkaroon naman tayo ng oras. Matagal nadin kasi tayong hindi nakapag bonding.



Napangiti naman ako ni May. Akala ko talaga eh nakalimutan na nila ako dahil may boyfriend na sila
ngayon pero hindi parin pala.



Pinark na ni May iyong kotse sa parking space ng mall. Nasa tabi naman ang kotse ni Aya sa amin.



Dali dali na kaming pumasok sa loob ng mall dahil konti nalang ang oras na meron kami.



Ano bang uunahin natin? Maghanap ng maisusuot bukas o maghanap ng regalo para kay Zelle?



Tanong ni Aya sa amin ni May habang naglalakad kami sa third floor ng mall.



Maghanap na muna tayo ng regalo para kay Zelle. Mas importante iyon.



Pag susuggest ko sa kanila.



Tama si Mia. Maghanap na tayo ng regalo. Mas mahirap iyon kesa sa maghanap ng maisusuot.



Pag aagree naman ni May.



Actually hindi ko talaga alam kung anong ibibigay ko para kay Zelle. Parang nasa sa kanya na kasi iyong
lahat. Wala na ata siyang kailangan pang materyal na bagay eh.



Bag nalang siguro iyong ibibigay ko kay Zelle dahil mukhang mahilig siya sa bag eh. Hindi naman ako
mahihirapan na maghanap ng bag para sa kanya dahil alam ko iyong taste niya pagdating sa mga bags.



Bag iyong ibibigagay ko kay Zelle. Walang gagaya!!



Bulalas ni Aya.



Naunahan niya ako. Sana sinabi ko agad na bag iyong ibibigay ko.



Sapatos iyong ibibigay ko.



Bulalas ko. Hindi naman problema iyong sapatos dahil alam ko din kung ano iyong style ni Zelle
pagdating sa mga sapatos. Magkapareho lang kasi kami ng taste.



Alam mo ba iyong size niya?



Tanong ni May sakin..



Ayy oo nga pala. Alam mo ba May? Sabihin mo naman sakin oh.



Ayoko nga..Hindi mo alam kung anong size ng paa niya pero ako alam ko kaya sapatos iyong ibibigay ko
sa kanya..



Sabi ni May habang naglalakad parin kami sa mall at naghanap ng magandang shop.



Ang daya talaga ni May.



Dahil hindi naman din ako makapagbigay ng sapatos kay Zelle kailangan kong mag-isip ng bagong
ireregalo kay Zelle.



Hanggang sa nakita ko iyong shop na pinuntahan ni Kevin nong isang araw. Kung bracelet nalang kaya
iyong ibibigay ko sa kanya?



Dito na muna tayo.. May bibilhin ako..



Hinila ko sina May at Aya. Pumasok kami don sa shop na pinasukan ni Kevin.



Good morning Maam!



Bati ng saleslady sa amin.



Naghanap ako ng magadang design ng bracelet para kay Zelle.



Patingin nito Miss.



Sabi ko sa saleslady sabay turo don sa isang gold bracelet na may design na butterfly.



49,999 pesos nalang po iyan ngayon Maam. Naka sale po kasi iyan. 129,999 iyong original price niyan.



Sabi nong saleslady sakin. Naalala ko naman iyong bracelet na binili ni Kevin dito dati. Hindi ko talaga
nakita iyon pero alam ko iyong price. Katulad ng bracelet na napili ko ngayon.



Bagong stock ba to?



Tanong ko don sa saleslady.



Ohh!! Ikaw po ba iyong andito nong isang araw Maam? Iyong nagtanong tungkol don sa bracelet na
binili ng lalaki.



Naalala ko iyong mukha ng saleslady. Siya din iyong saleslady nong pumunta ako dito.



Alam niyo po Maam ito po iyong binili ng asawa niyo. Binigay na po ba niya sa inyo iyong bracelet?



Tanong ng saleslady sakin.



So ito pala iyong bracelet na napili ni Kevin para sakin. Bakit hindi hearts ang design eh mag asawa
naman kaming dalawa?



Hindi ko sana bibilhin iyong bracelet dahil nalaman kong ito din pala iyong bracelet na binili ni Kevin para
sakin pero sa tingin ko mas maganda kung pareho iyong bracelet namin ni Zelle.



Kukunin ko na Miss.



Sabi ko sa saleslady sabay abot ng credit card ko.


Chapter 52: Getting Ready




Salamat sa paghatid May..



Sabi ko kay May pagkatapos niya akong ihatid sa bahay namin. Sabi ko naman sa kanya na magtataxi
nalang ako pauwi para hindi na hassle sa kanya pero ayaw naman niya. Si Aya naman nauna nag umuwi
samin dahil dala din niya iyong kotse niya.



Walang anuman. Sabay nalang tayo bukas pumunta kina Zelle. Daanan nalang kita dito.



Sige May thank you talaga. Hindi pa kasi binabalik ni Mommy iyong kotse ko eh. Hindi ko alam kung
ibabalik pa ba niya iyon o hindi na. Pipilitin ko pa.



hehe. Ano ka ba.. Okay lang noh.



Tumingin tingin si May sa kabuuan ng bahay namin pagkatapos niyang ibaba iyong window sa drivers
side.



First time kong makita ang bahay niyo.



Gusto mong pumasok?



Offer ko sa kanya.



Huwag na noh. Gabi na at alam kong pagod ka na. Sa susunod nalang.



Sabi niya.



Sige ikaw ang bahala. Sige aalis na ako. Salamat talaga. Mag-iingat ka pauwi ha?



Pagpapaalala ko sa kanya saka ako lumabas ng kotse niya. Nagwave na muna ako bago siya tuluyang
lumayo sa kinatatayuan ko.



Hindi na ako nag-abala pa na mag doorbell dahil dala ko naman iyong susi ng gate.



Bakit ngayon ka lang Maybelline?



Tanong ni Kevin pagdating ko ng bahay. Nakahiga lang siya sa couch namin at nanood ng TV habang
hawak hawak niya iyong remote control.



Namili kasi kami nina May at Aya ng regalo para kay Zelle sa birthday niya. Hindi mo ba natanggap
iyong text ko? Nagtext ako sayo ah.



Inilapag ko iyong dala dala kong paper bags sa center table namin. Andun iyong damit na isusuot ko at
iyong sapatos. Iyong regalo ko naman para kay Zelle inilagay ko sa bag ko. Baka kasi makita ni Kevin.



Natanggap naman. Ibibigay mo ba ang lahat ng iyan kay Zelle?



Tanong ulit ni Kevin sakin.



Hindi ah. Binili ko iyan para isusuot ko bukas.



Bumili ka ng maisusuot mo bukas?



Hindi makapaniwalang tanong ni Kevin. Iyong reaksyon ng mukha niya parang hindi niya nagustuhan
iyong ginawa ko. Eh hindi naman niya pera iyong ginamit ko ah.



Tss.. Ang panget talaga ng reaksyon ni Kevin. Nakakadagdag sa pagka bad mood ko.



Bakit hindi ba pwede?



Sigaw ko sa kanya. Medyo wala nga ako sa mood kanina pa dahil hindi ko masyadong nagustuhan iyong
binili kong damit. Pano ba naman kasi hindi kami nakapili ng maayos ng gown dahil wala ng oras.
Natagalan kasi sina Aya at May na pumili ng regalo para kay Zelle.



Sinabi ko bang hindi pwede? Bakit ang init ata ng ulo mo ngayon?



Sabi ni Kevin pero hindi naman siya sumigaw. Akala ko eh sisigawan niya ako pabalik dahil sinigawan ko
siya.



Kumain ka na ba? Nagtira ako ng pagkain para sayo. Hihintayin sana kita kaya lang gutom na gutom na
talaga ako.



Sabi ni Kevin..



Kumain na kami kanina nila May at Aya. Aakyat na muna ako. Gusto ko ng magpahinga dahil napagod
ako kakalakad kanina. Pasensya na at nasigawan kita.



Binibit ko na iyong paperbags saka ako umakyat ng hagdan. HIndi pa ako tuluyang nakakakayat ng
second floor ng tinawag ako ni Kevin.



Maybelline! May iniwan ako sa kama mo. Ikaw na ang bahala kung anong gagawin mo don. Kung hindi
mo type itapon mo nalang.



Hindi pumasok sa utak ko iyong sinabi ni Kevin. Narinig ko lahat ng sinabi niya pero lumabas din naman
ang lahat ng iyon sa kabilang tenga ko.



Kahit na hindi ko naintindihan iyong sinabi ni Kevin, tumango parin ako sa kanya saka ko pinagpatuloy
iyong pag-akyat ko. Binuksan ko iyong kwarto ko at inilagay sa couch iyong pinamili ko. Hihiga na sana
ako sa kama ko dahil sobrang pagod na ako pero napansin ko iyong white long gown na nakapatong ng
maayos sa ibabaw ng kama.



Eto ba iyong tinutukoy ni Kevin kanina na hindi ko maintindihan?



Kinuha ko iyong gown at idinikit ko sa katawan ko. Ngayon alam ko na kung bakit ganun nalang iyong
reaksyon ni Kevin kanina. Kelan niya ito binili at bakit hindi niya sinabi agad sakin?



hihihihih!!



Kung kanina medyo napikon ako sa kanya ngayon kinilig naman ako. Bipolar talaga ako alam ko.



May taste din naman pala si Kevin pagdating sa ganito.



Sabi ko sa sarili ko. Kung kanina wala ako sa mood at napagod ako sa sobrang kakaikot ng mall ngayon
naman balik na ulit ako sa normal na sarili ko. Kung ihahantulad ko si Kevin sa drinks, isa siyang cobra
energy drink. Siya iyong nagbibigay energy sakin.



hhihihi!!



Ang corny ko talaga..



Sinukat ko na agad iyong gown at humarap sa salamin..



Woaah!!! Ang ganda mo talaga Mia..



Pinuri ko iyong babaeng nakita ko sa salamin. Pakiramdam ko ako na iyong pinakamagadang babae dahil
sa suot ko.



hihihi!!



Ang ganda ko talaga!!



Ano kayang magiging reaksyon ni Kevin pag nakita niya ako bukas na nakaganito. Maaakit kaya siya?



*ehem* *ehem*



Pinalalim ko iyong boses ko para magaya ko iyong boses ni Kevin. Kailangan kong paghandaan ang
mangyayari bukas pag nakita ako ni Kevin kaya ngayon pa lang magpaparactice na ako.



Ang ganda talaga ng asawa ko. Pwede ba kitang halikan Maybelline?



Pinout ko iyong lips ko at dahan dahang lumapit sa salamin.



Anong ginagawa mo diyan Maybelline?



Napatigil ako sa ginawa ko ng marinig ko iyong boses ni Kevin. Paglingon ko si Kevin nga nasa pinto ng
kwarto ko.



Bigla akong nataranta. Hindi ko alam kung anong gagawin ko o kung anong sasabihin ko. Pano kung
nakita ni Kevin iyong ginawa ko? Nakakahiya!!



Kanina ka pa ba diyan?



Tanong ko sa kanya habang kinakabahan ako.



Hindi naman masyado. Itatanong ko lang sana kung kasya sayo iyong damit. Mukhang kasya naman.



Sabi ni Kevin. Hindi naman siya tumatawa kaya sa tingin ko eh hindi niya talaga nakita iyong ginawa ko.



May nakita ka ba?



Tanong ko ulit sa kanya dahil hindi parin ako kumbinsido.



Bakit may dapat ba akong makita?



Tanong niya.



Wala naman..



Sagot ko.



Iyon naman pala eh. Sige matutulog na ako. Goodnight.



Sabi niya saka niya isinara iyong pinto ng kwarto ko.



Hooo!! Akala ko talaga nakita niya iyong ginawa ko.



Ikaw naman kasi Mia eh. Bakit hindi mo sinigurado na nakalock iyong pinto?



Para na akong baliw dito. Pinapagalitan ko iyong sarili ko.



Oo nga pala Maybelline..



Akala ko nakapasok na si Kevin sa kwarto niya pero hindi pa pala. Bigla nalang niyang binuksan ulit iyong
pinto.



Bakit mo ba gustong halikan iyong sarili mo? Para kang baliw. hahaha!!



Tumawa na muna si Kevin ng malakas bago niya isinara iyong pinto.



So nakita pala talaga niya iyong ginawa ko kanina? Nakakahiya!! Pero atleast hindi niya alam na
nagpanggap akong siya kanina.




.




6 PM magsisimula iyong party ni Zelle kaya dapat andun na kami sa venue by 5 PM or 5:30 PM.



*riing* *riing*



Kinuha ko iyong phone ko saka ko pinindot iyong answer button.



Hello?



(Hello Mia, sasabay ka ba samin?)



Hindi na May, sabay na lang daw kami ni Kevin eh.



(Ganun ba? SIge magkita nalang tayo sa venue maya maya. Alam niyo naman siguro kung nasan iyong
Palace Garden diba?)



Hindi ko alam iyon pero si Kevin daw alam.



(Yieee!! Mukhang nagkakamabutihan na talaga kayo ni Kevin. Alam mo may kumakalat na balita tungkol
sa inyo pero mamaya ko na lang sasabihin iyon sayo.)



haha! Wala ka talagang magawa sa buhay mo. Chismosa!



(Hindi ako chismosa noh kung iyan ang iniisip mo. Talagang interesting lang iyong chismis tungkol sa inyo
ni Kevin. Sabi kasi nila eh married na daw si Kevin sa facebook status niya pero hindi naman nakalagay
kung kanino. Bakit niya pinalitan?)



Mamaya nalang natin iyan pag-usapan May. Mag-aayos pa ako eh. Baka mahuli pa tayo.



(Sige sige ako din eh. Kita kita mamaya.)



Kahapon din nakarinig ako ng chismis tungkol samin ni Kevin pero ngayon ko lang nalaman iyong
facebook status ni Kevin. Pinalitan ba talaga niya? Mag fafacebook pa sana ako para alamin kung totoo
ba talaga iyong sinabi ni May pero wala ng oras eh. Mamaya nalang siguro pagbalik namin.



Pumasok na ako ng banyo at naligo. Hindi na ako nagtagal dahil ayokong mahuli kami ni Kevin. Ang alam
ko kasi eh nagbibihis nadin siya ngayon. Inayos ko na muna iyong buhok at make up ko saka ko sinuot
iyong gown na binigay ni Kevin.



Bilang babae, alam ko kung ano ang bagay sakin at hindi. Hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko
pero alam ko bagay sakin iyong suot ko ngayon.



Umupo ulit ako sa harap ng salamin at sinuot iyong hikaw ko. Tinignan ko nadin kung ano pa ang
kulang..



Ahh.. Necklace..



Binuksan ko iyong drawer ko at kinuha iyong kwintas na binigay sakin ni Mommy. Dahil espesyal iyong
suot ko ngayon dapat espesyal din iyong kwintas ko. Magsusuot nadin sana ako ng bracelet kaso naisip
ko na baka ibibigay na ni Kevin mamaya iyong bracelet na binili niya kaya hindi ko nalang sinuot.



*tok* *tok*



Maybelline? Tapos ka na?



Sabi ni Kevin sa kabilang kwarto.



Oo tapos na.



Pwedeng pumasok?



Sige bukas naman iyan.



Kinuha ko iyong sapatos ko at naupo sa kama ko saka ko sinuot iyon.



Tayo na?



Sabi ko kay Kevin pagkatapos kong kunin iyong purse ko pero hindi parin gumagalaw si Kevin.



May problema ba sa suot ko?



Tanong ko sa kanya pero hindi siya kumibo. Nakatitig lang siya sakin.



HOY KEVIN!!!



Sinundot ko iyong dibdib niya.



Ahh.. Ano.. Hindi ko lang naisip na bagay pala talaga sayo iyong binili ko.



Biglang umakyat ang lahat ng dugo ko sa katawan at naipon sa pisngi ko. Unti unti namang nagsibalikan
iyong mga paru paru sa loob ng tiyan ko.



Pinapakilig ako ni Kevin. Woaah!! Pano kasi.. Ngayon lang niya sinabi sakin ang mga salitang iyon sa
buong pagsasama namin. Eh para narin niyang sinabi na maganda ako diba?



hihihihi!!!



Oo nga pala. Kelan mo binili to?



Tanong ko sa kanya. Ang totoo niyan kagabi pa ako hindi makatulog dahil inisip ko talaga kung san niya
binili to at kelan at kung bakit. Eh hindi naman ako nagpabili sa kanya.



Ahh.. Bumili kasi ako ng maisusuot kahapon eh nakita ko iyan kaya binili ko nadin. Ang alam ko kasi
kahapon eh wala ka pang maisusuot kaya binilhan na kita. At isa pa nong nakita ko iyan sa display ikaw
agad iyong naisip ko.



hihihih!!



Bakit parang nagiging cheesy na si Kevin? Hindi na siya katulad ng dati.. ang sweet na niya ngayon. Ako
lang ba ang nakakahalata?



Thank you..



Sabi ko sa kanya at ngumiti ng bahagya. Kung hindi ko lang sana pinigilan ang sarili ko baka kanina pa
ako tumatalon dahil sa sobrang tuwa at kilig.



Ang gwapo mo ngayon!



Sabi ko sa kanya saka ko inayos iyong coat niya. tsumachancing lang eh. hahaha



Ang ganda mo din..



Waaa!! Parang gusto kong yakapin si Kevin dahil sa sinabi niya. First time.. First time niyang sinabi iyon
sakin at hindi ko talaga kakalimutan iyon.



Sa tingin ko magiging for real na talaga iyong relasyon namin ni Kevin pagkatapos ng birthday party ni
Zelle. Nasesense ko na na sa simbahan talaga kami hahantong..



hihihih!!



... sana kaya lang hindi bagay sayo iyong kwintas mo.



Akala ko iyon na iyon pero may karugtong pa pala..



Hindi ba bagay?



Tanong ko sa kanya habang napahawak ako sa kwintas ko. Tumango naman siya.



Ahh papalitan ko lang saglit..



Tumalikod na ako sa kanya at binuksan iyong drawer ko para maghanap ng ibang kwintas. Sa totoo lang
ito na iyong pinakamagadang kwintas na meron ako pero sabi ni Kevin hindi daw bagay eh. Tinanggal ko
na iyon at binalik sa lalagyan.



Kung huwag ka nalang kayang magsuot ng kwintas?



Sabi ni Kevin sakin.



Ha? Bakit naman.. Parang may kulang kasi pag wala akong suot na kwintas eh.



Sagot ko sa kanya habang nakatalikod parin ako.



Eh di ako nalang ang pupuno sa kulang..Tayo na?



Hindi ko ulit naintindihan kung anong ibig sabihin ni Kevin pero sinunod ko parin iyong gusto niya na
hindi na ako magsuot ng kwintas. Magkahawak kamay kami ni Kevin na bumaba ng hagdan dahil
inalalayan niya ako.



Hindi ko alam kung ako lang ba iyong nakakaramdam ng pagbabago ni Kevin. Parang ang bait niya kasi
ngayon. Pero sabi nila kaya daw biglang bumait iyong asawa mo sayo ay dahil nakagawa siya ng mali.



May ginawa bang mali si Kevin? Mukhang wala naman ata..



Pero pano kung may gagawin pa siyang mali? May mangyayari bang hindi maganda pagkatapos nito
kaya niya ako inaalagaan ng maayos?



Sana naman wala..



Chapter 53: Birthday Party





Pagdating namin sa party sobrang dami ng ng tao. Akala nga namin ni Kevin eh late na kami at nagsimula
na pero hindi pa naman daw.



Oh Mia andito na pala kayo.. Halika na muna..



Bigla nalang akong hinila ni May pagkatapos niya akong makita. Syempre kasama niya iyong boyfriend
niya.



Saglit lang Kevin ha..



Paalam ko sa kanya at tumango naman siya kaya nagpahila na ako ng tuluyan kay May. Dinala niya ako
don sa wala masyadong tao at malayo sa mga speakers.



Kanina pa ba kayo dito ni Mark?



Tanong ko sa kanya.



Hindi naman masyado. Saglit lang. Ako iyong may itatanong sayo eh. Bakit ba iyan iyong isinuot mo?
Asan na iyong black dress na binili natin kahapon?



Nagtatakang tanong ni May. Pina ikot pa niya ako para makita niya ng buong buo ang damit.



Eh sabi ko naman sayo na hindi ko type iyong eh.



So bumili ka ng bago ganun?



Hindi din noh. Wala na kayang panahon. Binigay ni Kevin to sakin.



Bigla nalang bumungisngis si May. May ibig sabihin ang ngiti niyang iyan.



Alam mo. Parang naniniwala na talaga ako na nahuhulog na ang loob ni Kevin sayo. Iba din kasi iyong
mga kilos niya ngayon. Tapos bakit binilhan ka pa niya ng gown?



Dahil napagod kami ni May naghanap kami ng mauupuan. May nakareserve naman palang table para sa
amin kaya don na kami nakaupo.



Hindi ko din alam eh. Ang sabi lang niya na nong nakita daw niya ito eh ako daw iyong una niyang naisip
agad kaya ayun. hehe.



Pinagpatuloy namin iyong pagkukwentuhan namin saka ako ngumiti.



Oh my God! Oh my God!



Napatingin kami ni May kay Aya na kararating lang.



Akala ko talaga late na ako!! Hooo!!



Sabi niya at naupo nadin sa aming tabi.



Nasan na si Jerome?



Tanong ko sa kanya.



Kasama niya sina Kevin at iyong kapatid niya. Sila iyong nagsabi sakin na andito kayo.



Sabi ni Aya.



Bakit nga ba late ka?



Tanong naman ni May.



Eh kasi ang facebook pa ako bago ako nag-ayos at may nakita ako.



Eh madami ka naman talagang makikita sa facebook eh.



Sabi ko sa kanya.



Hindi iyon ang tinutukoy ko. May nakita akong interesting na topic. hihihih.



Iba iyong ngiti ni Aya ngayon. Pakiramdama ko tungkol sakin iyong interesting topic ang tinutukoy niya.
Sakin kasi siya tumingin habang ngumingiti siya.



Ano naman iyon?



Tanong ko kay Aya. Nacurious nadin kasi ako eh. Sabi din kasi sakin ni May kanina iyong tungkol sa
relationship status ni Kevin sa facebook niya eh hindi ko nacheck dahil nagbihis na ako.



Good evening ladies and gentlemen..



Ikukwento na sana ni Aya iyong nakita niya ng biglang magsalita iyong emcee ng program. Pagkatapos
magsalita ng emcee eh nagsimula na talaga officially iyong program at umkyat nadin si Zelle sa stage.



White gown din iyong suot ni Zelle pero mas maganda iyong sa kanya. Dalang dala kasi niya iyong gown
niya hindi tulad ko.



Iyong flow ng party katulad din nong debut ko pero hindi naman daw debut ni Zelle ngayon dahil 19 na
siya. Mas matanda si Zelle sakin ng ilang buwan.




..




Hanapin na natin si Zelle bilis..



Sabi ni Aya pagkatapos ng program. Habang kumakain na iyong lahat eh nag-iikot naman kami para
hanapin si Zelle. Tapos na kasi iyong program pero si Zelle eh binabati pa ng ibang tao.



Mamaya nalang. Baka naman kasi busy pa iyon. Kumain nalang muna tayo.



Sabi ko.



Oo nga Aya. Masyado ka excited eh. Mamaya nalang. Kumain na tayo dahil gutom na ako.



Sabi naman ni May.



O cge na nga.



Hindi na namin kasama ang mga boys sa table namin dahil may sarili naman silang table na nakareserve
sa kanila.



Tumayo na kaming tatlo at kumuha na ng pagkain. Mabuti nalang at hindi na masyadong madaming tao
ang nakapila.



Oh Aya ano nga pala iyong nakita mo kanina sa facebook?



Tanong ko sa kanya pagbalik namin sa table dala dala ang plate na may pagkain.



Ahh.. Ano kasi Mia. This week kasi eh masyado akong madaming narinig tungkol sa inyo ni Kevin. Iyong
mga chismis.



Pagsisimula niya.



Ako din Mia. Iyan iyong sinabi ko sayo kanina diba?



Pagpapaalala ni May sakin.



Ang totoo niyan eh ako din eh. May narinig akong mga chismis tungkol samin ni Kevin. Sabihin ba
naman sakin na ako iyong nanligaw kay Kevin?



Tumawa lang sina Aya at May.



Alam mo kasi Mia, hindi naman talaga maiiwasan iyon dahil sa iyon na iyong nakasanayan nila kay
Kevin noon. Eh hindi mo padin naman ina-announce diba na kayo na at kasal na kayo? Eh maski nga si
Zelle hindi niya alam eh.



Sabi ni May sakin.



Mia kelan mo ba balak sabihin kay Zelle at Axel na nagpakasal na kayo ni Kevin?



Tanong ni Aya sakin.



Wala na namang problema kung sabihin niyo na iyong totoo dahil sila na ni Axel diba? At sa tingin ko
naman eh unti unti nading nahuhulog ang loob sayo ni Kevin kaya wala ng problema.



Pagpapatuloy ni Aya.



Kung tutuusin tama iyong sinabi ni Aya eh. Tinago namin kina Zelle at Axel ang totoo dahil ayokong
masaktan si Axel at syempre dahil sa tingin ko eh hindi pa gustong ipaalam ni Kevin kay Zelle ang tungkol
sa amin pero ngayon okay na ang lahat kaya wala na akong dahilan pa para itago ang lahat.



Sasabihin ko na kay Zelle.



Sabi ko kina May at Aya.



Sasabihin ko na kay Zelle ngayong gabi ang lahat dahil ayoko ng magtago sa kanya ng lihim.



Pagkatapos naming kumain eh nagpahinga pa kami dahil busog pa iyong mga alaga namin sa loob ng
tiyan.



Hindi parin namin nakikita si Zelle. Sa tingin ko eh busy pa iyon sa pag eentertain ng ibang guests niya o
baka busy pa sila ni Axel.



hehehe!!



Asan na iyong mga boys?



Tanong ni Aya samin ni May.



Hindi ko alam. Hindi ko pa nakita muli si Kevin eh simula nong magkahiwalay kami kanina.



Sabi ko kay Aya.



Bakit naman May may kailangan ka ba sa kanila?



Tanong naman ni Aya.



Hello? Pano ba naman kasi iyong ibang guests oh nagsasayawan na. Tayo nalang iyong nakaupo.



Napatingin din ako sa paligid namin. Konti nalang kaming nakaupo. Nasa dance floor na iyong iba at
sinasayaw nong partner nila.



Asan na kaya si Kevin?



May I have your attention please everyone?



Napatigil na iyong mga nagsasayaw dahil huminto na iyong music at nagsalita ulit iyong emcee. Akala ko
eh tapos na iyong program pero hindi pa pala.



Nagsabalikan na iyong mga tao sa upuan nila at nakinig sa emcee.



May isang performance tayo tonight for everyone. Please give a big round of applause for.. the galaxy
band..



Waa!!



Kyaaa!!



Pakiramdam ko balik fangirl ulit ako ngayon. Galaxy band daw. Sina Kevin iyon diba?



KYAAAAA!!!



Naghiyawan iyong mga tao pagkatapos sabihin ng emcee na magpeperform ang galaxy band



KYAAAA!!!



KYAAA!!!



Hindi rin naman nagpahuli sina May at Aya dahil kasali din sina Mark at Jerome don.



Pero nagulat kami ng hindi umakyat sa stage si Axel. Diba si Axel iyong vocalist?



Hawak hawak ni Mark iyong electric guitar niya at si Jerome naman eh hawak hawak iyong drum stick
niya. Akala ko kasi eh si Mark iyong bass ng band pero hindi niya hawak iyong bass guitar niya. Mukhang
may shifting ata sila ngayon dahil wala si Axel.



Pero bakit ba wala si Axel?



Sobrang natulala ako pagkatapos kong makita si Kevin na hawak hawak iyong acoustic guitar sa halip na
electric guitar na lagi niyang gamit.



At mas lalo akong natulala ng lumapit siya sa microphone.



Si Kevin iyong kakanta?



Tanong ni May at ni Aya sakin pero hindi ko na sila sinagot dahil nagconcentrate ako kay Kevin.



? Beautiful girl, wherever you are
I knew when I saw you, you had opened the door
I knew that I'd love again after a long, long while
I'd love again. ?



Lumakas ang tibok ng puso ko pagkatapos kong marinig ang first stanza ng kanta ni Kevin. Ngayon ko
lang siyang narinig na kumanta. Kahit sa bahay hindi talaga siya kumakanta. Akala ko nga eh sintonado
siya pero hindi pala. Ang ganda ng boses niya.



? You said "hello" and I turned to go
But something in your eyes left my heart beating so
I just knew that I'd love again after a long, long while
I'd love again. ?



Hindi ko alam kung feeler lang ba talaga ako o para sakin talaga iyong kanta ni Kevin. Sa akin lang kasi
siya nakatitig habang kumakanta siya. Naalala ko iyong first meeting namin. Hindi masyadong maganda
iyon pero dahil don kaya kami andito ngayon sa sitwasyon namin.



? It was destiny's game
For when love finally came on
I rushed in line only to find
That you were gone. ?



Kevin.. Iba talaga iyong pakiramdam ko. Hindi ko maipaliwanag. Pakiramdam ko mas lalo akong
nahuhulog sa kanya ngayon



? Whenever you are, I fear that I might
Have lost you forever like a song in the night
Now that I've loved again after a long, long while
I've loved again. ?



Pakiramdam ko sa amin lang ni Kevin umiikot ang mundo. Hindi ko na nakita ang mga tao sa paligid ko
pati narin sina May at Aya.



? It was destiny's game
For when love finally came on
I rushed in line only to find
That you were gone. ?



Ako lang at si Kevin ang andito ngayon. Mahal ko na ba si Kevin? Totoo na ba talaga tong
nararamdaman ko? Natatakot ako pero ang sarap sa pakiramdam ang ganitong feeling.



? Beautiful girl, I'll search on for you
'Till all of your loveliness in my arms come true
You've made me love again after a long, long while
In love again
And I'm glad that it's you
Hmm, Beautiful Girl. ?



WAAAA!!



KYAAA!!



GALAXY BAND!!!



Saka lang ako bumalik sa ulirat ko pagkatapos maghiyawan ng mga tao pagkatapos nilang mag perform.



ONE MORE!! ONE MORE!! ONE MORE!!!



Sigaw ng mga tao. Pero bumaba na ng tuluyan sina Kevin.



Saglit lang ha!!



Paalam ko kina May at Aya. Kailangan kong kausapin si Kevin.



Pero siguro kailangan ko na munang kausapin si Zelle tungkol sa amin ni Kevin.



Inikot ko iyong buong venue para hanapin si Zelle pero hindi ko siya nakita.



Oh Mia san ka pupunta?



Bigla nalang may tumapik sa balikat ko. Paglingon ko si Axel pala. Mabuti naman at nakita ko siya. Sobra
kasing daming tao eh.



Kanina pa kita hinahanap eh.



Sabi ko sa kanya.



Bakit may kailangan kabang sabihin?



Oo pero mamaya ko na sasabihin. Sabihin ko na muna kay Zelle bago sayo. Nakita mo ba si Zelle?



Tanong ko sa kanya.



Oo magkasama kami kanina. Magkasama sila ni Kevin bago lang. Lumabas sa may garden.



Sabi ni Axel.



Magkasama sila ni Kevin? Bakit si Zelle agad iyong pinuntahan niya pagkatapos niyang magperform?
Dahil ba hindi para sakin iyong kanta?



Ehh!! Hindi naman siguro para kay Zelle iyon. Feeling ko para sakin talaga eh.



Huwag ka ngang mag isip ng negative vibes Mia.



Sige Axel puntahan ko lang sila ha?



Samahan na kita?



Huwag na. Kaya ko naman eh.



Tumango lang si Axel sakin kaya lumabas na ako at pumunta ng garden. Dahil masyadong malaki iyong
garden kailangan ko pang mag-ikot para hanapin sila.



Hanggang sa nakita ko nga iyong white na gown. Sigurado ako si Zelle na iyon.



Ze.....


Hindi ko natapos iyong pagtawag kay Zelle dahil nakita ko nga si Kevin katabi niya at ikinakabit iyong
bracelet sa kanang kamay ni Zelle.



Iyong bracelet..



Sigurado ako iyon iyong binili ni Kevin sa shop..



Pero akala ko..



Akala ko para sakin iyon. Akala ko..



*dugun* *dugun*



Kung kanina lang sobrang saya at sobrang kinikilig ako ngayon hindi na. Parang bumaligtag iyong buong
mundo. Bakit nahantong sa ganito ang lahat?



Ang sakit..



Pakiramdam ko unti unting nababasag iyong puso ko.



Ang mas masakit pa may hawak hawak pang bouquet ng roses si Zelle. Sigurado akong galing kay Kevin
iyon.



Bakit ganito?



Bakit ang sakit?



Akala ko okay na kami ni Kevin. Akala ko unti unti na ngang nahuhulog ang loob ni Kevin sakin pero
AKALA ko lang ang lahat. Nag ASSUME ako ng bagay na hindi pala para sakin.



Hanggang ngayon si Zelle parin ang mahal ni Kevin.



Ginawa ko na ang lahat pero wala paring magandang bunga. Siguro nga hindi talaga kami para sa isat isa
ni Kevin.



Para lang akong tanga na nakatayo dito habang nasa harapan ko silang dalawa. May ngiti sa labi ni Zelle
at kahit na nakatalikod si Kevin sakin alam ko na nakangiti din siya. Dahil tanging si Zelle lang ang
nagbibigay kahulugan sa buhay niya. Ang nagbibigay ng ligaya sa kanya.



at ako..



Wala akong magawa para kay Kevin. Hindi ko kayang ibigay sa kanya ang kayang ibigay ni Zelle.



Bigla nalang tumingin si Zelle sakin..



Agad akong tumalikod at tumakbo papalayo sa kanila..


Chapter 54: Falling Slowly



Kevins POV



Para sayo.



Inabot ni Zelle sakin iyong invitation para sa birthday niya.



Akala ko hindi mo na ako bibigyan ng invitation. Di na sana ako pupunta eh.



Pagbibiro ko sa kanya.



Sus! Alam ko namang darating ka kahit na di kita bigyan ng invitation. Ang tigas kaya ng mukha mo. Di
ka tatablan ng hiya. hehe



Anong matigas? Tss.. ehehehe.. oo nga pala. May sasabihin ako sayo pero huwag na muna ngayon.



Sinundot ako ni Zelle sa balikat.



Pabitin ka talaga kahit kailan. Sabihin mo na ngayon.


Sinundot ko siya ng malakas sa noo niya.




Kahit kailan talaga ang tigas ng bungo mo. Sinabi ng huwag na muna ngayon.



Eh kung hindi ngayon kelan pa?



Tanong niya sakin.



Bukas sa birthday mo. Cge papasok na ako.



Paalam ko sa kanya bago ako pumasok sa klase ko.



Sige magkita nalang tayo bukas at hihintayin ko iyong sasabihin mo sakin ha?
Sabi ni Zelle.



Tumango lang ako saka ako tuluyang pumasok sa clasroom ko.







Dinukot ko iyong cellphone sa bulsa ko.



Missed calls galing kay Maybelline?



Nakasilent pala iyong phone ko kaya hindi ko narinig.



Nagtype ako ng message para sa kanya.


Nasan ka? Samahan mo muna ako bago tayo umuwi. May bibilhin ta..



*beep* *beep*



Hindi ko na tinapos buuin iyong message dahi inunahan ako ni Maybelline. Binuksan ko na iyong text
message na natanggap ko mula sa kanya.



Mahuhuli ako ng uwi ngayon dahil may pupuntahan pa kami kasama sina Aya at si May.



Ohh!! Kung ganun wala na akong magagawa. Ako nalang mag-isa iyong aalis.



Naglakad na ako sa hallway papuntang parking space ng may biglang humarang na dalawang babae sa
harap ko.



May kailangan kayo?



Tanong ko sa kanila.



Uhhmm Kevin itatanong ko lang kung kayo na talaga ni Mia?



Tanong nong babaeng mahaba ang buhok.



Hindi na ako magtataka kung sobrang dami na ng nakakaalam tungkol sa amin ni Maybelline pagkatapos
ng ginawa ko. I know it sounds childish pero alam ko matutuwa si Maybelline sa ginawa ko. Ang
pinagtataka ko lang eh kung bakit hindi pa niya ina-accept iyong relationship request ko sa facebook.



Oo totoo na kami na. Bakit? May problema ka ba don?



Ahh wala naman..



Sagot ng babae.



Sinabi ko naman sayo ehh. Totoo iyon.



Sabi nong kasama niya sa kanya.



Kevin.. Totoo ba na married na kayo ni Mia o echos lang iyong andun sa facebook status mo?



Tanong ulit ng babae.



Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng salitang echos. Ang alam ko lang eh wala sa Filipino dictionary
ang salitang iyon.



Kung ano man ang meron kami ni Maybelline wala na kayong pakialam don.



Sabi ko sa kanila saka ako nagpatuloy sa paglalakad ko.



Pagpasok ko sa kotse, napatingin agad ako sa kanan ko. Sa front seat. Iba iyong pakiramdam ko ngayon
dahil hindi ko kasama si Maybelline. Parang may kulang.



Bukas na bukas din sasabihin ko na ang lahat..



Aaminin ko na ang lahat sa kanila..



.



Uuwi na sana ako ng bahay ng makita ko iyong mannequin sa isang shop. Hindi ito isang typical
mannequin lang gaya ng iba. May suot itong white gown na sobrang maganda sa paningin ko.



Hindi ko alam kung ano iyong dahilan pero bigla nalang pumasok sa isipan ko si Maybelline pagkatapos
kong makita ang gown.



Lumapit agad ako dahil naalala ko bigla si Maybelline. Sigurado akong bagay na bagay ito sa kanya.
Pumasok agad ako ng shop at binili iyong white gown na suot ng mannequin.



Habang inaayos pa ng saleslady ang damit. Nag ikot ikot na muna ako sa shop nila para maghanap pa ng
magandang regalo para kay Maybelline.



Hanggang sa nakita ng mata ko iyong isang gold necklace na may heart shape pendant.



Pakisama narin ito Miss.



Sabi ko sa saleslady.



Opo Sir.



Inabot ko iyong credit card ko at lumabas na ng mall. Kailangan kog paghandaan ang lahat para bukas.



Pagdating ko ng bahay, pumasok agad ako sa kwarto ni Maybelline at pinatong don ang paper bag na
may lamang gown.



Tss.. Baka isipin ni Maybelline na basura ang laman nito at itapon nalang bigla.



Kinuha ko iyong gown sa loob ng paperbag at inayos sa ibabaw ng kama niya.



Iniisip ko palang na suot ni Maybelline to napapangiti na ako pano pa kaya kung totoo na talaga.



Inilabas ko na din iyong maliit na kahon na pinaglalagyan ng kwintas at pinatong don sa gown ni
Maybelline. Lalabas na sana ako ng kwarto niya pero naisip ko na hindi romantic kung ganito iyong
paraan na gagawin ko.



Tsss... Bukas ko nalang ibibigay to.



Kinuha ko na iyong kahon saka ako bumaba para hintayin ang asawa ko.




.




Pagbaba ko ng stage pagkatapos ng performance ko hinanap ko na agad si Zelle para sabihin sa kanya
ang lahat.



Dapat na niyang malaman ang lahat ngayon.



Umikot ako para hanapin si Zelle hanggang sa nakita ko na nga sila ni Axel.



Kevin!!



Bulalas ni Axel. Ginawa ulit namin iyong hand gestures namin.



Axel!!



Zelle! Happy birthday.



Bati ko sa kanya saka ko siya hinalikan sa pisngi.



Kung hindi talaga tayo magkaibigan baka sinuntok na kita. hehe



Pagbibiro sakin ni Axel.



Alam ko na ang tungkol sa relasyon nila. Nagulat ako sa sarili ko dahil inakala ko talaga na masasaktan
ako.



Pare, hiramin ko na muna iyong birthday girl. Okay lang?



Tanong ko kay Axel.



Sure basta ibalik mo agad ha? hehe



Tumango lang ako at ngumiti saka ko hinawakan iyong kamay ni Zelle at dinala siya sa garden.



Sasabihin mo na ba ang lahat sakin ngayon?



Tanong ni Zelle.



Oo. Dito ka na muna may kukunin lang ako.



Dumeretso na ako sa kotse ko para kunin iyong bracele na binili ko para kay Zelle. Nakita ko iyong
bouquet ng bulaklak na plano kong ibigay kay Maybelline kaya kinuha ko narin para hindi na ako babalik
ulit sa sasakyan.



Para sakin ba iyan? hehe



Tanong ni Zelle.




Sad to say but no.



Tumawa lang si Zelle ng nakakaloko. Alam ko kung anong ibig sabihin ng tawa niya. Alam na niya siguro
kung ano iyong nasa isipan ko.



For Mia right? hehe



Tanong ni Zelle at tumango naman ako.



So sasabihin mo sakin ngayon na gusto mo si Mia right at gusto mong tulungan kita?



Tumango ulit ako.



Im happy for you Kevin. Nong una ko palang kayong makita ni Mia na magkasama alam ko na agad na
siya iyong babaeng magbibigay sayo ng lahat. You know what I mean.



Kagabi pa lang iniisip ko na lahat iyong dapat na sabihin at itanong ko kay Zelle pero ngayon na kaharap
ko na siya bigla nalang nawala sa isipan ko ang lahat ng iyon. Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko.



So kelan mo naman narealize na gusto mo na si Mia?



Tanong ni Zelle sakin.



haha..



Napakamot lang ako sa ulo ko habang ngumiti.



Ang totoo niyan Zelle hindi ko talaga alam ang sagot dahil nagising nalang ako isang araw at
naramdaman kong unti unti na palang nahuhulog ang loob ko kay Maybelline..



Then?



Hindi naman siya mahirap magustuhan. Tss..



Dahil kay Mia marunong ka na ng mga cheesy lines. Youre being cheesy Kevin. hahaha



Huwag mo nga akong pagtawanan Zelle.



Alam ko na pag sinabi ko ang lahat kay Zelle ang totoo pagtatawanan niya lang ako pero sa kanya lang
ako komportable. Hindi ko naman pwedeng sabihin ito kay May at Aya dahil hindi pa kami ganun ka
magkilala.



Im sorry. Hindi ko lang talaga mapigilan. Anyway.. Ito lang ba iyong sasabihin mo? I know theres
something else.



Sabi ni Zelle.



Naalala ko na din sa wakas kung ano iyong pinaka importanteng bagay na dapat malaman ni Zelle.



Theres one more. Pasensya dahil nilihim namin ni Maybelline ang tungkol dito sa inyo ni Axel pero may
dahilan kami. Ang totoo niyan Zelle nagpakasal na kami ni Maybelline at nagsasama na kami sa iisang
bubong.



Inakala kong magugulat si Zelle sa sinabi ko pero hindi ko man lang nakita ang ganung reaksyon sa
mukha niya.



Hindi ka ba nagulat?



Tanong ko sa kanya.



Bakit naman ako magugulat eh alam ko na ang tungkol diyan. Kung hindi mo pa sinabi sakin ang totoo
ngayon magtatampo na talaga ako. Nacurious kasi ako sa mga chismis kaya binuksan ko iyong facebook
ko at tinignan iyong profile mo. Hindi na picture natin iyong nasa default picture mo. Si Mia na kasama
mo at iyong relationship status mo. Hahahah!! Ang cheesy mo na talaga ngayon.



Tumawa na naman si Zelle. Hindi ko pinalitan iyong facebook status ko para pagtawanan ako ni Zelle.
Pinalitan ko iyong para matuwa at mapangiti ko si Maybelline.



Tsss..



Kahit kailan talaga si Zelle napaka...



Tsss..



Kung pagtatawanan mo lang ako mabuti ng umalis na lang ako dito.



Aalis na sana ako para hanapin si Maybelline ng hinigit ni Zelle ang braso ko.



May nakalimutan ka ata..



Sabi ni Zelle.



Wala akong nakalimutan.



Sabi ko naman sa kanya.



Iyong regalo ko? Wala pa akong natatanggap mula sayo.



Mabuti nalang talaga at pinaalala ni Zelle sakin ang tungkol don dahil nakalimutan ko talaga at nawala
sa isipan ko.



Oh.. oo nga pala..



Dinukot ko sa bulsa ko iyong box at binigay kay Zelle. Binuksan naman niya iyon.



Hindi mo man lang ba isusuot to sakin?



Tanong niya sakin.



Tss.. Buti nalang at good mood ako ngayon. Pakihawak na muna nito.



Sabi ko kay Zelle saka ko pinahawak sa kanya iyong bouquet ng rosas na para kay Maybelline.



Kinuha ko iyong bracelet at isinuot sa kamay ni Zelle.



Remembrace ng friendship natin kaya huwag na huwag mo itong iwawala dahil lagot ka talaga sakin.



Pagbabanta ko sa kanya.



Oo na oo na..



Sagot ni Zelle habang nakangiti kaya ngumiti nadin ako.



Madami na kaming pinagdaanan ni Zelle. Kasama na don iyong mga taon na minahal ko siya higit pa sa
kaibigan. Siya iyong first bestfriend ko at first love ko.



Pero hindi siya iyong last love ko.



Mabuti pa hanapin mo na si Mia para naman makapag-usap na kayong dalawa.



Sabi ni Zelle sakin pagkatapos kong isuot sa kanya iyong bracelet.



Pero bigla nalang nag-iba iyong mukha ni Zelle kaya lumingon ako sa likod ko para tignan kung sino ang
andun..



Maybelline?



Kahit na nakatalikod na siya at tumatakbo papalayo samin ni Zelle alam kong siya iyon.



Kevin si Mia.. Sa tingin ko nakita niya tayo..



Sabi ni Zelle.



At sa tingin ko na misunderstood niya lahat ng nakita niya..



Ang laki kong tanga..



Bakit ba dito ko pa naisip na dalhin si Zelle? Bakit hindi ko naisip na baka makita kami ni Maybelline.



Inabot ni Zelle sakin iyong bulaklak.



Bilisan mo na Kevin. Habulin mo na si Mia bago pa mahuli ang lahat.



Kinuha ko iyong bulaklak saka ako tumango at tumakbo para habulin si Maybelline.



Habang tumatakbo ako, bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan.



Fvck!!



Bakit ngayon pa?



Bakit ngayon pa kung kailan sasabihin ko na sana lahat sa kanya ang nararamdaman ko. Bakit ngayon
pa?



Inikot ko na iyong buong garden pero hindi ko parin mahanap si Maybelline.



Nasan ka na ba?



Hanggang sa naisipan kong bumalik sa venue dahil baka bumalik siya don.



Oh Kevin bakit basang basa ka?



Tanong ni May at ni Aya sakin.



Si Maybelline asan?



Tanong ko sa kanila.



Huh? Hindi mo ba siya kasama? Nagpaalam siya kanina samin sabi niya hahanapin ka daw niya.



Sabi ni Aya.



Fvck! Tumalikod na ako para hanapin ulit si Maybelline ng biglang tinawag ako ni May.



Kevin!



Pagharap ko sa kanya, bigla niyang tinapon sakin iyong payong.



Gamitin mo tong payong at ibalik mo agad si Mia dito.



Sinalo ko na iyong payong at tumango.



Ang totoo hindi ko alam kung san ko hahanapin si Maybelline. Hindi ko alam kung san ako magsisimula
pero bahala na.


Kahit na buong magdamag ako dito sa labas kakayanin ko basta mahanap ko lang siya at maayos ang
lahat ng misunderstandings na nakita niya.



Inikot ko ulit iyong buong garden pero hindi ko parin makita si Maybelline hanggang sa mapansin ko
iyong maliit at madilim na daanan.



Pumunta kaya siya dito?



Agad akong dumaan don hanggang sa makita ko ang isang babaeng nakaupo na may puting suot. Kung
matatakutin kang tao iisipin mo talagang white lady ang nakaupo don. Pero alam na alam kong si
Maybelline iyon.



Dahan dahan akong lumapit sa kanya..



At inayos iyong payong sa taas ng ulo niya para hindi na siya mabasa.



Bakit ka ba nagpapa-ulan?



Tanong ko sa kanya.





Chapter 55: Official





Hindi ko alam kung san ako tutungo ngayon. Tumatakbo lang ako dahil gustong makalayo sa mga
problema ko. Sa mga nakita ko at sa nararamdaman ko.



Napatigil nalang ako ng biglang pumatak ang ulan galing sa langit. Sinalo ng kanang palad ko iyong patak
ng ulan.



Hindi ko talaga alam kung matutuwa ba ako dahil dinamayan ako ng langit o mas lalo akong masasaktan
dahil pinapaalala ng langit na dapat kong ilabas ang hinanakit na nararamdaman ko.



Nagpatuloy na ako sa pagtakbo hanggang sa nahanap ko iyong sarili ko na nakaupo na sa isang madilim
na lugar.



Tama na ang lahat ng to.



Ginawa ko na iyong lahat na pwede kong gawin. Kung tutuusin nga, sobra sobra na iyong ginawa ko para
sa nararamdaman ko para kay Kevin pero talagang wala parin.



Kailangan ko ng sumuko.



Kung ipagpapatuloy ko pa to mas lalo lang akong masasaktan.



Bigla nalang bumalik sa isipan ko ang lahat tungkol kay Kevin. Nong una kaming magkita sa greenwich.
Natapunan pa nga niya ako ng lasagna sa ulo. Mabuti nalang at hindi na masyadong mainit iyong dahil
baka nawala na talaga ang mga buhok ko sa ulo.



hehehe..



Tama bang ngumingiti ako ngayon dahil naaalala ko si Kevin? Dapat umiiyak na ako ngayon dahil sa
nakita ko kanina.



Mahal parin niya talaga si Zelle at hindi parin niya ito makalimutan. Wala na akong magagawa kaya
dapat mag move on na ako ngayon.



Dahil sa sobrang pag-iisip ko huli na ng malaman kong basang basa na pala ako.



Puti pa naman iyong suot ko ngayon.



Tatayo na sana ako para umuwi na ng bigla ko nalang maramdaman na huminto na iyong pagpatak ng
ulan.



Pero pagtingin ko sa taas...



Payong?



Bakit ka ba nagpapa-ulan?



Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Iyong boses na iyon. Hindi ako maaring magkamali.



Pero natatakot akong lumingon para tignan siya dahil baka bigla nalang akong magising sa panaginip ko
at makita kong wala talaga si Kevin.



Pero nananaginip ba talaga ako o totoo ang lahat ng to?



Maybelline!!



Tama nga ako. Si Kevin nga iyong nasa likod ko. Pero ayoko paring lumingon.



Hindi mo man lang ba ako titignan?



Sana naging bingi nalang ako para hindi ko na siya marinig pa.



Dahil sa hindi ko parin tinignan si Kevin, naisipan na niyang umupo sa tabi ko. Hindi ko alam kung anong
sasabihin ko. Hindi ko alam kung anong gusto niyang sabihin sakin at pumunta parin siya dito.



Dahil ba gusto na niyang makipaghiwalay sakin?



Dahil na narealize niya na kahit anong gawin niya hindi parin niya matututunang mahalin ako.



Bakit hindi ka nagsasalita diyan?



Tanong ni Kevin habang nasa taas parin ng ulo ko iyong payong. Akala ko talaga kanina huminto na iyong
ulan.



Anong ginagawa mo dito?



Sa wakas nahanap ko narin iyong boses ko.



Pinuntahan kita.



Sagot niya.



Bakit? May sasabihin ka ba?



Marami...



Napansin ko iyong bulaklak na hawak hawak ni Zelle kanina. Bakit nasa sa kanya ulit? Dahil ba hindi ito
tinanggap ni Zelle?



Hindi mo na kailangang sabihin sakin iyan Kevin. Alam ko na ang lahat. Sige babalik na ako.



Tumayo na ako at maglalakad na sana papalayo sa kanya pero bigla nalang iyang hinigit ng mahigpit ang
braso ko at tumayo.



Maybelline..



Masyadong mabilis ang pangyayari.



Naramdaman ko nalang ulit iyong mga patak ng ulan mula sa taas at ang..



Ganitong ganito din iyong naramdaman ko noon..



Hindi ko kayang ipaliwanag ang naramdaman ko gamit lang ang mga salita..



Iyong nakita mo kanina hindi totoo iyon.



Biglang sambit ni Kevin pagkatapos niya akong halikan sa ilalim ng ulan.



Hindi totoo iyong nakita ko kanina sa garden? Guni guni ko lang ba iyon o panaginip? Bakit parang totoo
ang lahat ng nakita ko?



Tinignan ko lang si Kevin.



Tss.. Hindi iyan ang ibig kong sabihin. Ang sabi ko, iyong nakita mo misunderstanding lang lahat ng iyon.
O eto..



Inabot niya sakin iyong bulaklak na hawak hawak ni Zelle kanina. Iyong ibang bulaklak na tanggal na at
nahulog na sa kung saan dahil sa ulan.



Diba kay Zelle to?



Tanong ko sa kanya.



Tss.. Ikaw naman kasi eh..



Sinundot niya iyong noo ko.



Next time, huwag kang makikinig sa usapan ng iba. Pero kung makikinig ka talaga, dapat intindihin mo
muna kung anong nakita mo bago ka umalis at umiyak.



Hindi ko maintindihan ng lubusan iyong sinabi ni Kevin pero parang iyong nakita ko kanina
misunderstanding lang lahat.



Ibig sabihin para sakin talaga iyan?



Tanong ko sa kanya habang tinuro ko iyong bulaklak na inabot niya pero hindi ko parin kinukuha.



Oo. Pinahawak ko lang kay Zelle kasi sinuot ko sa kanya iyong bracelet na regalo ko.



So iyong pala iyong nangyari. Kinuha ko na iyong bulaklak na inabot ni Kevin dahil para naman pala
talaga sakin iyon.



Pero iyong bracelet..



Akala ko talaga para sakin iyon pero para kay Zelle pala..



Iyong bracelet..



Sabi ko kay Kevin..



Bracelet?



Akala ko kasi eh para sakin iyong bracelet na binili mo. Kaya nong nakita kong isinuot mo iyon kay Zelle
nasaktan talaga ako.



Aaminin ko na lahat kay Kevin kahit na pagtawanan pa niya ako.



Akala ko tatawa na siya dahil nag assume ako ng bagay na hindi pala para sakin pero sinundot ulit niya
ako ng malakas sa noo ko.



Araayy!! Nakakarami ka na ha..



Bulalas ko habang napahawak ako sa noo ko. Ang sakit lang eh.



Ikaw naman kasi.. Pano mo nalaman na bumili ako ng bracelet? Sinundan mo ba ako?



Tumahimik lang ako dahil guilty ako. Sinundan ko kasi si Kevin non eh. Sana hindi ko nalang siya
sinundan para hindi na kami umabot sa ganito.



Silence means yes. Sinundan mo talaga ako. Tsk tsk.. Wala ka bang tiwala sakin Maybelline?



Tanong ni Kevin sakin. Hindi ulit ako sumagot dahil guilty ulit ako.



So wala ka talagang tiwala sakin..



Hindi naman sa ganun Kevin.. Eh kasi lang ano.. Kasalanan ko ba kung umasa ako na para sakin iyong
bracelet na may butterfly na design?



Natahimik naman si Kevin sa sinabi ko.



Pano mo nalaman na butterfly iyong design ng bracelet?



Tanong niya sakin.



Bumili din ako eh. Binili ko para kay Zelle.



Amin ko sa kanya.



Tskk.. Tskk.. Hindi mo talaga ginagamit ang utak mo ano? tsk tsk.. Para san pa ba iyang utak mo kung
hindi mo rin naman gagamitin? Mabuti pa kunin na natin iyan ngayon...



Sinuntok ko si Kevin sa braso niya.



Bakit ba lagi mo nalang akong ginaganyan?



Eh kasi naman.. Alam mo na pala iyong design ng bracelet inisip mo pa na para sayo iyon? Eh halata
naman na hindi para sayo..



Sabi ni Kevin.



Anong ibig mong sabihin?



Tanong ko sa kanya.



Etong para sayo..



Bigla nalang inilabas ni Kevin ang isang pulang kahon at binuksan iyon..



Isang gold necklace na may heart shape pendant.



Ang tanga tanga ko talaga. Bakit ba nag-assume ako na para sakin iyong bracelet eh hindi naman siguro
ako bibigyan ni Kevin ng butterfly na design na bracelet.



Naisip ko iyong sinabi ni Kevin sakin kanina.



Ang ganda mo din..



... sana kaya lang hindi bagay sayo iyong kwintas mo.



Ang boba ko talaga. Bakit hindi ko agad naisip iyon?



Maybelline..



Hinawakan ni Kevin iyong dalawang kamay ko.



Ngayong alam na nating dalawa iyong nararamdaman natin para sa isat isa. Magsimula tayo ng bagong
kabanata ng buhay natin..



Parang gusto kong maiyak sa sinabi ni Kevin.



I like you Maybelline.. I just woke up one morning and realized that Im falling slowly for you..



Naisip ko na talaga kanina na i-give up si Kevin dahil ayoko ng masaktan. Pero ngayon ayoko ng gawin
iyon.



Ngayong alam ko na kung ano talaga iyong nararamdaman niya para sakin.



Niyakap ko si Kevin.



Kahit na hindi I love you iyong narinig ko okay lang sakin. Hindi naman ako nagmamadali. Hindi naman
kami mamamatay bukas eh. Marami pa kaming araw, buwan at taon na natitira.



Alam ko darating din iyong araw na iyan na mismo ang sasabihin niya sakin.



Pagkatapos kong yakapin si Kevin, isinuot na niya sa leeg ko iyong kwintas na binigay niya.



Iingatan ko talaga to.. Mamamatay na muna ako bago to mawala sa leeg ko..



Mabuti pa umalis na tayo dito. Baka may darating nalang dito bigla na hindi kaaya-aya sa mata. Kung
titignan ka sa likod para ka talagang white lady..



hahaha..



Adik talaga si Kevin.



Anong white lady? Tayo na nga.. Basang basa na tayo eh.



Dahil nga hinalikan ako ni Kevin kanina, binitawan niya iyong payong na hawak hawak niya. Eh wala din
namang use iyong payong dahil basa na ako bago pa niya ako payungan.



Kung kanina sobrang puti ng suot ko ngayon chocolate brown na iyong dulo ng gown ko dahil sa putik.



Magkahawak kamay kaming bumalik ni Kevin sa venue. Hindi ko alam na halos isang oras din pala
kaming nawala.



Mia!!!



MIA!!!



MIA!!



Sinalubong kami ni May, Ata at Zelle.



Bakit ngayon lang kayo? Sobrang nag-aalala talaga kami sayo Mia..



Sabi ni Aya saka niya ako niyakap ng mahigpit.



Eh ano kasi.. Napasarap iyong kwento namin ni Kevin.. Pasok na tayo sa loob?



Anong papasok ka pa sa loob eh kanina pa tapos iyong party noh.



Sabi ni May.



Mia okay ka lang ba?



Tanong ni Zelle sakin.



Tumango lang ako at lumapit sa kanya.



Happy birthday Zelle. Actually hindi ko alam kung dapat ko pang ibigay sayo to dahil katulad lang din
naman to ng binili ni Kevin para sayo.



Inilabas ko iyong bracelet na binili ko para kay Zelle.



Mia naman.. Sabi nga ng kanta eh two is better than one kaya tatanggapin ko parin iyan.



Sabi ni Zelle saka siya ngumiti.



Isinuot ko iyong bracelet na binili ko para sa kanya. Kung alam ko lang sana na para kay Zelle pala iyong
bracelet na binili ni Kevin eh di sana hindi ko na binili to pero masaya naman ako kahit papano dahil
nagustuhan parin ni Zelle iyong regalo ko para sa kanya.



Thank you Mia..



Sabi ni Zelle saka niya ako niyakap ng mahigpit.



Masaya na kaming lahat..



I think.. ehhehe



Se Zelle at si Axel..



Si May at si Mark..



Si Aya at si Jerome..



at syempre..



Ako at si Kevin..



hehehe!!



Mabuti pa mauna na kayong umuwi ni Kevin. Basang basa na kayo eh. Baka magkasakit pa kayo niyan.



Sabi ni May.



Sige mauna na muna kami..



Nagpaalam na kami sa lahat saka isinuot ni Kevin sakin iyong coat niya.



Thank you..



YIIIEEEEE!!



haha.. Napatawa naman ako don sa reaction ng mga kaibigan ko. Pinasuot lang sakin iyong coat kung
makapag react wagas..



Pero ang totoo niyan kinilig talaga ako..



Pinagbuksan pa ako ni Kevin ng pinto na dati eh hindi naman niya ginagawa..



So ngayon official na talaga na tayo na?



Tanong ni Kevin sakin habang nagmamaneho siya pauwi sa bahay namin.



Tumango naman ako at ngumiti sa kanya bilang tugon ko sa tanong niya.



hehehe!!!



Nakakatuwa talaga..



Akala ko talaga eh pagkatapos ng birthday party ni Zelle eh uuwi akong luhaan at talunan pero hindi
pala..



hihihihi!!




.




Paglabas ko ng banyo, binuksan ko agad iyong laptop ko dahil hindi pa sinabi ni Aya sakin iyong nakita
niya daw sa facebook.



Isang linggo na ata akong hindi nakapag facebook dahil sa naging busy ako sa pag-aaral sa final exams
namin.



Tinype ko na iyong email at password ko..



Request?



Binuksan ko iyong request at nagulat ako sa nakita ko..



hahahahah!!!



HAHAHAH!!!



Hindi ko talaga alam na may ganitong side din pala si Kevin..



Pero kahit na natatawa ako, tinanggap ko parin iyong request na sinend niya sakin and clicked my
profile..



Married to Kevin Choi.



hehehe!!



Dapat siguro palitan ko na iyong family name ko sa facebook.. Park padin kasi nakalagay eh..



Pagkatapos kong palitan iyong family name ko eh nagpunta naman ako sa facebook profile ni Kevin.



Married to Mia Choi.



hehehe!!



Kung may namamatay man sa kilig baka kanina pa ako nawala dito sa mundong ibabaw..



Iyong picture namin ni Kevin don sa bahay ni Manang Josefa ang default picture niya kaya nakigaya
nadin ako..



hehehehe!!



Ngayon mukha na talaga kaming mag-asawa hindi tulag ng dati..



hihihihi!!



Chapter 56: First Date







Kelan daw darating iyong kasambahay?



Tanong ko kay Kevin habang umiinom kami ng kape. Wala ng pasok ngayon dahil sembreak na kaya wala
na akong aalahanin. Magagawa ko na lahat ng gusto kong gawin.



Bukas na daw.



Sagot ni Kevin saka niya ininom iyong kape niya.



Huh? Bukas na? Agad agad?



Tumango lang si Kevin bilang sagot.



Pero naalala ko. Kung may kasambahay na kami ni Kevin hindi ba kami masisikipan sa bahay namin? Ang
liit lang kaya ng bahay namin tapos..



Haalaaa!!!



Bulalas ko..



Ano? May nangyari ba?



Tanong ni Kevin.



Kung may katulong na tayo. San siya matutulog? Eh diba dalawa lang iyong kwarto natin sa bahay tapos
wala pang kama iyong kwarto mo.



Sabi ko noon na bibili kami ni Kevin ng kama para sa kabilang kwarto pero ngayon hindi parin
nangyayari. Naing busy lang talaga kami pareho.



Alam ko iyon.



Tanging sabi ni Kevin.



Eh san matutulog ang kasambahay? Sa sala?



Tanong ko sa kanya.



Sa kwarto ko.



Sagot ni Kevin.



Ive learned my lesson. Ilang beses na akong nagpakatanga dahil lang sa tumalon agad ako sa
conclusions kong hindi naman tama.



Sa kwarto ni Kevin matutulog ang kasambahay. Obviously hindi naman sila matutulog sa iisang kwarto
diba?



Gamitin mo utak mo Mia.



Paganahin mo kahit paminsan minsan lang.



Kung matutulog sa kwarto mo iyong kasambahay natin eh san ka matutulog? Don din ba?



Tanong ko sa kanya.



hehe. Gamitin mo to Maybelline..



Tinuro ni Kevin iyong ulo niya. Ibig niyang sabihin gamitin ko daw iyong utak ko.



ehh!! Eh ginamit ko na nga eh. Kung hindi ko ginamit baka pinagalitan ko na siya sa sinabi niya.



San ka nga matutulog?



Tanong ko sa kanya.



Sa kwarto mo.



Parang wala lang kay Kevin nong sinabi niya iyon pero ako iba na. Naipon na iyong mga dugo ko sa
pisngi.



Dahil ba nagkakasundo na kami ni Kevin kaya siya lilipat ng kwarto?



Waa!!



Pero kahit na ganun hindi pa naman siguro namin pwedeng gawin iyon kasi nga iyong sinabi lang niya
sakin eh I like you at hidi I love you



At isa pa..



Hindi naman talaga kami...



Anong iniisip mo?



Tanong ni Kevin sakin dahil natulala nalang ako bigla.



Huh?? Ahh wala naman..



Pagsisinungaling ko sa kanya.



Oo nga pala.. Pagkatapos nating magkape magbihis ka na dahil may pupuntahan pa tayo.



Sabi ni Kevin.



San naman?



Aayusin pa natin iyong kwarto para sa kasambahay natin. Wala pang matinong gamit don. Nakakahiya
naman.



Inubos ko na iyong kape ko.



Iyon lang?



Tanong ko sa kanya pagktapos.



Date nadin natin..



Pagkatapos nong sinabi ni Kevin tumayo nalang siya bigla at tumalikod sakin para umakyat. Hindi pa nga
niya nauubos iyong kape niya pero aalis na siya.



Hinabol ko naman siya at hinawakan iyong braso niya para sabay na kaming umakyat.



Yieee! Nahiya ka pa eh.



Pang-aasara ko sa kanya.



Sinong nahihiya? Tss..



hahaha!!



Kinurot ko siya sa pisngi.



Araay!!



Hindi ko talaga alam kung bakit pa siya nahihiya sakin. hoho!! Dahil ba first real girlfriend niya ako?


I mean.. Dati kasi eh iyong mga girlfriend niya eh pampalipas oras niya lang. Pinaglalaruan niya lang.



Ako bang first real girlfriend mo?



Tanong ko kay Kevin.



Girlfriend? Wala akong real girlfriend. Asawa kita hindi girlfriend.



Sabi ni Kevin.



Pero kasi hindi pa tayo kinakasal sa simbahan diba?



Kahit na..



Papasok na sana si Kevin sa kwarto niya para maghanda pero tinawag ko siya. May isang bagay kasi na
na curious nalang ako bigla.



Kevin!!!



Uggh?



Tanong niya sabay lingon sakin.



Sino ba iyong naging first girlfriend mo simula nong maging casanova ka?



Nag expect talaga ako ng sagot kay Kevin pero wala akong nakuha. Bigla nalang siyang tumalikod at
pumasok sa kwarto niya without a word.



Huh!!



Ang seryoso naman ata niya. Tinanong ko lang naman ah.



Baka siguro iniisip niya na magseselos ako?



Ehhh.. Bakit naman ako magseselos sa first girlfriend niya eh alam ko namang hindi niya talaga minahal
iyon.



Dahil wala naman din si Kevin eh pumasok na ako sa kwarto ko at naghanda.



Galit kaya si Kevin?



Tanong ko sa sarili ko paglabas ko ng banyo.



Oversensitive naman ata siya. Bakit naman siya magagalit sa tinanong ko.



Minabuti ko ng magbihis na muna at hindi na isipin pa si Kevin. Baka nag ooverthink lang ako.




..



Pinark na namin iyong kotse sa parking space ng mall saka kami magkahawak kamay na pumasok.



Baka may makakita satin ditong schoolmate natin..



Sabi ko kay Kevin. Hindi naman ako naiilang pero nag-aalala lang ako na baka may makakita samin ni
Kevin.



Tss. Ano naman ngayon kung makita nga nila eh wala nadin naman tayong tinatago.



Sabi ni Kevin. Hindi parin niya binibitawan iyong kamay ko.



hihihihih!!!



Dahil bukas na nga darating iyong kasambahay namin eh kailangan na naming bumili ng mga gamit ni
Kevin.



Ohh! May newly wed discount sila dito.



Sabi ko kay Kevin pagpasok namin ng isang shop.



20% discount ang laki na non noh. Mukhang kompleto din naman sila ng mga gamit dito. Medyo
madami lang tao dahil don sa discount nila. Halos mga newly weds nga pero I bet iyong iba baka
nagpapanggap lang na mag-asawa kahit hindi naman para lang makakuha ng discount.



Namili na kami ni Kevin ng mga gamit.



Inuna na namin iyong kama para sa kabilang kwarto dahil iyon ang pinaka importante.




.




Kevin kain na muna tayo.



Sabi ko sa kanya pagkatapos naming mamili ng mga gamit.



Saglit lang. Babayaran ko na muna iyong mga binili natin.



Lumapit si Kevin sa cashier at inabot iyong credit card niya.



Idedeliver nalang po namin iyong mga napili niyo sa bahay niyo Sir. Paki fill up nalang po ang form.



Sabi nong babaeng cashier kay Kevin.



Tayo na Maybelline..



Sabi ni Kevin pagkatapos niyang i-fill up iyong form para sa delivery ng mga gamit na binili namin.



San tayo kakain?



Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami palabas ng shop.



San mo ba gustong kumain?



Tanong niya.



Sa totoo lang hindi ko alam. Kahit saan nalang siguro.



Wala talaga akong maisip na specific na lugar eh. Ang gusto ko lang eh makapag lunch na kami dahil
gutom na gutom na talaga ako. Hindi kasi kami nagbreakfast ni Kevin kanina. Kape lang iyong laman ng
tiyan namin.



Magkahawak kamay kami ni Kevin habang naglalakad. Kahit na madaming tao eh wala parin siyang
pakialam.



hihihi!!



This is it na talaga! hihi.. Parang hindi parin ako makapaniwala na nagconfess si Kevin sakin kagabi. Para
parin kasing panaginip ang lahat. Hindi pa nagsisink in sa utak ko. Pero totoo na talaga ang lahat ng to
eh. Hindi ito panaginip.



hihihih..



Hindi ko talaga mapigilan na ngumiti na parang baliw habang nakahawak iyong isang kamay ko sa kamay
ni Kevin at nakahawak naman iyong kabilang kamay ko sa tiyan ko. Iyong mga paru paru kasi sa loob ng
tiyan ko pabalik balik nalang palagi.. hehehe



Pinapakilig ako ni Kevin ng wala sa oras.



hihhihi



Ano na naman ba ang iniisip mo?



Tanong ni Kevin sakin. Napatigil ako sa pagngiti ko dahil baka nagmumukha na naman akong baliw.



Pasensya na Kevin. May naisip lang talaga akong nakakatawa.



Sabi ko.



Huwag kang ngumiti pag madaming tao sa paligid.



Sabi niya.



Dahil ba nahihiya ka na baka isipin nilang may baliw kang kasama?



Hindi ko naman gustong mapahiya si Kevin. Kinikilig lang talaga ako. Simula nong mag confess si Kevin
sakin naisip ko na dapat talaga na gawin ko ang lahat para hindi siya mapahiya sakin. Ayokong maulit
iyong nangyari sakin noon. Iniwan ako ni Jun dahil daw nakakahiya iyong pagiging tanga ko.



Pero hindi ko naman kagustuha na maging tanga ako. Sino ba namang tao ang gustong maging tanga?
Talagang lapitin lang ako ng disgrasya.



Mabuti nga ngayon at hindi na ako masyadong nadidisgrasya. Baka naman si Jun iyong malas na tao at
hindi ako?



Bakit naman ako mahihiya?



Nabigla ako sa naging sagot ni Kevin. Ibig ba niyang sabihin don sa sinabi niya eh hindi niya ako
kinahihiya di tulad ng ginawa ni Jun?



Binigyan ko lang siya ng anong ibig mong sabihin look at nagets naman agad iyong ni Kevin. Matalino
naman kasi siya di katulad ko.



Ayokong ngumiti ka sa harap ng madaming tao dahil baka mahulog sila sayo. Baka iyan pa ang dahilan
para mawala ka sakin.



hihihihih!!



Sinundot ko si Kevin sa braso niya. Pano ba naman kasi pinapakilig na naman niya ako.



Waaa!!



Baka nagmumukha na akong kamatis dahil sa sinabi niya.



Ikaw talaga Kevin! hihihi



Pumasok kami ni Kevin sa Greenwich kung san kami unang nagkita. Hinintay ko lang siya sa table habang
nasa counter pa siya at nagorder ng kakainin namin.




Naalala mo ba dito?



Tanong ni Kevin pagbalik niya sa table namin dala dala iyong number para sa order namin.



Pano ko naman makakalimutan ang lugar nato eh tinapunan mo ako ng Lasagna sa ulo ko non.



Umarte ako na parang galit parin sa kanya kahit ang totoo eh nagpapasalamat ako at nangyari iyon.
Dahil hindi na siguro kami nagkita kung hindi iyon nangyari.



Ikaw kaya iyong nagtapon ng Lasagna sa sarili mo. Kung hindi mo ako binangga non eh di sana hindi ka
na natapunan.



Sabi naman ni Kevin.



Kung hindi tayo nagkabanggan non baka wala na tayo ngayon dito noh.



Siguro nga. Pero tanong ko lang Maybelline. Sinundan mo ako non dahil na love at first sight ka sakin?
Imagine lumipat ka pa talaga ng school para lang sundan ako. haha. Iba talaga iyong charisma ko.



Siya na iyong hambog. Kung makabuhat ng sariling bangko wagas eh. Parang wala ng bukas.



Oyyy!! Hindi noh.. Kapal talaga ng mukha mo...



Pagsisinungaling ko sa kanya.



Lumapit ako ng school dahil ayoko na sa dating school ko.



Pagpapalusot ko sa kanya. Alam ko hindi siya maniniwala don sa sinabi ko pero bahala na talaga siya.



Sus! Palusot ka pa ehh. Eh halata namang..



Hindi na natapos ni Kevin iyong pangungusap niya dahil dumating na iyong order namin.



Mabuti nalang talaga at dumating iyong order namin. At leats nakalusot na ako don sa usapan namin ni
Kevin.



Lasagna din iyong inorder ni Kevin tulad ng unang pagkikita namin. Sa tuwing nakakakita ako ng Lasagna
naiisip ko agad si Kevin.



hahah!!



Hindi naman dahil sa mukha siyang Lasagna pero dahil Lasagna boy iyong tawag ko sa kanya nong hindi
ko pa alam iyong pangalan niya.



Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan ni Kevin habang kumakain.










Uwi na tayo?



Tanong ni Kevin pagkatapos naming kumain.



Agad agad? Eh maaga pa naman ahh..



Sabi ko sa kanya. Gusto ko pang makasama siya ng matagal eh. At gusto ko ding manood ng movie
kasama siya. Showing na iyong This guys in love with you mare at for sure laughtrip iyon.



Bukas nalang ulit. Baka kasi darating na iyong delivery eh walang tao sa bahay.



Sabi ni Kevin.



Naalala ko iyong delivery. Badtrip talaga eh. Pero may bukas pa naman kaya tumango nalang ako kahit
na labag talaga sa kalooban ko.



Naglakad na kami ni Kevin papuntang parking space ng bigla akong tinawag ng kalikasan.



Kevin saglit lang.. Punta lang akong comfort room.



Paalam ko sa kanya.



Hintayin nalang kita dito..



Sabi niya sakin.



Tumango lang ako at tumakbo na papuntang comfort room. Mabuti nalang talaga at hindi masyadong
madami iyong tao.



Dahil puno lahat ng cubicles sa comfort room kailangan ko pang maghintay. Sumunod na agad ako sa
comfort room pagktapos lumabas nong babeng may blonde hair.



Ang ganda niya. Para siyang barbie doll sa sobrang ganda. Nakaka intimidate nga iyong kagandahan eh.



Pagpasok ko sa cubicle, ginawa ko agad iyong dapat kong gawin. Lalabas na sana ako ng cubicle ng
mapansin ko iyong paper bag.



Naiwan kaya to ng blonde girl?



Kinuha ko iyong paper bag at lumabas ng cubicle pero hindi ko na nahanap iyong blonde girl.



Nasan na kaya siya?



Mukhang importante pa naman iyong laman ng paper bag.



Lumabas ako ng comfort room para hanapin siya kasama si Kevin pero hindi ko na mahanap si Kevin.



Andito lang siya kanina ahh..



Naisip kong mamaya nalang hanapin si Kevin at unahin na muna iyong blonde girl. Hindi naman siguro
ako mahihirapan sa paghahanap sa kanya dahil sa kulay ng buhok niya.



Halos malibot ko na iyong buong first floor ng mall saka ko lang siya nakita. Nakatalikod lang siya habang
naglalakad kaya hinabol ko na siya.



Excuse me Miss.



Tinapik ko iyong balikat niya saka siya napatigil sa paglalakad sa kanya.



Yes?



Ang ganda niya talaga. Hindi ko mapigilan na mapahanga.



Itatanong ko lang sayo kung sayo to?



Pinakita ko iyong paper bag sa kanya..



Oh! Hindi ko namalayang naiwan ko pala to. Thank you.. You are?



Bulalas niya saka niya kinuha iyong paper bag.



Mia..



Mia! Nice name. Im Venice..



Inabot niya iyong kamay niya sakin. Hindi lang pala mukha niya iyong maganda. Pati pangalan din niya.





Chapter 57: First Day





Thank you Mia..



Sabi ulit ni Venice. Ang gandang babae. Ang tangkad. Ang kinis. Ang puti. Ang ganda pa ng pangalan niya.
Nasa sa kanya na talaga lahat.



Waaa!!



Nakakamesmerize iyong beauty niya kaya hindi ko mapigilang mapatitig sa mukha niya.



May dumi ba iyong mukha ko?



Tanong niya sakin.



Ahh wala naman.. Ang gada mo kasi eh. hehe



Sabi ko sabay tawa ng mahina. Alam ko masama mainggit pero nakakainggit talaga siya. Siya iyong pang
model type na babae.



Kung okay lang sayo baka pwedeng hingin ang number mo?



Nagulat ako don sa sinabi niya. Eh Im just a nobody kung icocompare ako sa kanya tapos hihingin niya
iyong number ko.



Huh?



Tanging sagot ko sa kanya.



hehe. Hindi ko alam kung ano iyong dahilan pero sa tingin ko may something sayo na gusto ko. Gusto
kitang maging kaibigan. Kararating ko lang kasi ng pinas eh.



Kaya naman pala medyo may accent na iyong tagalog niya pero sa tingin ko magaling naman siyang
magtagalog. May accent nga lang.



Sure.



Binigay ko sa kanya iyong number ko at binigay din naman niya iyong number niya sakin.



Sige Venice ha? Aalis na ako. Hinihintay na siguro ako ng asawa ko. hehe



Alam ko nagulat siya sa sinabi ko. Sana sinabi ko nalang na boyfriend.




May asawa ka na pala Mia?



Tanong niya habang nakangiti parin.



Uhmm.. Oo.. hehe.. Kevin pangalan niya. Sige Venice. Mag-iingat ka.



Paalam ko sa kanya saka ako kumaway.



Ikaw din Mia. Thanks dito.



Sabi niya saka ako tumalikod.



Nilibot ko ulit iyong buong floor ng mall para lang hanapin si Kevin pero hindi ko na talaga siya makita.



*riiing* *riing*



Kevin Calling



Hello?



(Nasan ka ba? Kanina pa kita hinanap.)



Pasensya na Kevin may binalik lang akong bag. Naiwan niya kasi don sa comfort room. Nasan ka?



(Andito ako sa parking space. Deretso ka na dito.)



Sige. Hinatayin mo nalang ako diyan.



Binaba ko na iyong phone ko at nglakad na papuntang parking space. Hanggang ngayon hindi parin
maalis sa isipan ko si Venice.



Baka kung naging lalaki ako, mga tipo siguro ni Venice ang magugustuhan ko. hahaha!!





.





Pagdating namin sa bahay kanina pa pala naghihintay iyong mga nagdeliver ng mga gamit na binili
namin. Mabuti nalang at hindi sila umalis.



Pinasok na nila iyong mga gamit na binili namin saka namin inayos iyong kabilang kwarto ni Kevin.



San ka pala nagpunta kanina?



Tanong ni Kevin sakin habang inaayos ko iyong bed sheet ng kama.



May naiwan kasing paper bag don sa cubicle kaya hinanap ko na muna siya. Mukhang importante iyong
laman non eh. Alam mo ang ganda niya. Blonde iyong buhok niya tapos ang tangkad pa.



Tss..



Magpablonde kaya ako?



Tanong ko kay Kevin habang hinimas ko iyong buhok ko. Black talaga iyong natural hair color ko pero
pinadye ko ng brown.



Huwag. Masyadong matingkad iyong kulay.



Sabi ni Kevin.



Oo nga pero baka naman bagay sakin. Iyong kay Venice nga eh ang ganda eh.



Sabi ko habang pinagpatuloy ko na iyong pag-aayos ko. Si Kevin naman inaayos iyong cabinet ng kwarto.



Venice?



Yup. Venice. Ang ganda ng pangalan niya noh?



Parang familiar..



Lumapit ako kay Kevin pagkatapos nong sinabi niya.



Familiar? Magkakilala ba kayo?



Excited na tanong ko. Hello! Maliit lang kaya ang mundo. Hindi naman siguro imposible kung
magkakilala silang dalawa.



Hindi. Wala akong kilalang Venice. Familiar alng iyong Venice na salita. Diba lugar iyon? Kelan pa naging
pangalan iyon?



Akala ko naman eh magkakilala sila.



Lugar ata iyon sa Italy.



Sabi ko kay Kevin. Dinukot ko iyong phone ko sa bulsa ko. Bakit kaya hindi parin tumatawag o nagtetext
si Venice?



I-text ko kaya?



Mamaya nalang siguro baka busy pa siya eh.



May sinasabi ka Maybelline?



Tanong ni Kevin.



Umiling lang ako sa kanya saka ako bumalik sa ginawa ko.




.




Nilibot ko iyong buong paningin ko sa paligid. Mukha na talaga siyang kwarto ng tao hindi tulad nong
dati.



Hahay!!



Napabuntong hininga ako dahil sobrang nakakapagod din pala ang paglilinis at pag-aayos. Akala ko kasi
eh ang pag-aaral lang iyong nakakapagod.



Sa wakas natapos nadin. Sige Kevin matutulog na ako. Napagod ako eh.



Hindi ko na hinintay iyong sagot ni Kevin. Lumabas na ako at pumasok sa kwarto ko. Andaming nangyari
sa araw na ito kaya pagod talaga iyong buong katawan ko. Pumasok na ako ng banyo para maghilamos
at para magpalit nadin ng pajama.



Lumabas na ako ng banyo para magpahinga na pero nagulat ako ng makita ko si Kevin na naglalagay ng
unan at kumot sa couch na nasa loob ng room ko.



Anong ginagawa mo diyan?



Tanong ko sa kanya.



Inaayos iyong tutulugan ko. HIndi ba halata?



Tanong niya pabalik sakin.



Tenk! Oo nga pala. Muntik ko ng makalimutan na dito na pala matutulog si Kevin sa kwarto ko. Pero
bakit sa couch siya matutulog? Eh diba nagconfess na siya kagabi sakin na gusto niya ako. Ayaw ba niya
akog katabi?



Sige matutulog na ako. Goodnight Maybelline.



Sabi ni Kvein saka siya humiga sa couch. Wala nadin akong ibang nagawa kundi ang mahiga narin sa
kama ko.



Pero sadyang malikot iyong pag-iisip ko at hindi ako makatulog.



Kevin gising ka pa?



Tanong ko sa kanya habang nakatitig ako sa kisame.



Oo. Bakit?



Akala ko talaga eh tulog na si Kevin pero hindi pa pala. Hindi rin siguro siya makatulog dahil hindi naman
komportable iyong tinutulugan niyang couch.



Bakit diyan ka natutulog? Eh hindi ka naman komportable diyan.



Sabi ko sa kanya.



Baka kasi anong gawin mo sakin pag tatabi ako sayo.



Napabangon ako bigla mula sa pagkakahiga ko dahil sa sinabi ni Kevin. Anong akala niya sakin? Rapist?
Manyak? Hindi nga pumasok sa isipan ko ang tungkol sa pinagsasabi niya tapos.. Ehh!! Nakakainis talaga
siya.



Hahaha! Relax lang Maybelline. Nagbibiro lang naman ako eh. haha! Ikaw talaga. Hindi ka naman
mabiro.



Pagpapatuloy niya habang nakahiga parin siya at nakatingin sakin.



Ikaw naman kasi eh. Pinagmumukha mo akong rapist sa sinasabi mo.



Pagrereklamo ko sa kanya.



Haha! Biro lang naman eh.



Concern lang naman ako sayo kaya kita tinatanong.



Sabi ko sa kanya saka ako humiga ulit.



Alam ko. Pero dito na muna ako matutulog hanggat hindi pa tayo handa. Mas mabuti ng ganito para
makaiwas tayo sa disgrasya. Babae ka at lalaki ako. Gusto mo ako at gusto din kita kaya mahirap na.



Hindi na ako nakapagsalita ulit. Iniisp din pala ni Kevin ang tungkol sa ikabubuti naming dalawa. Gets ko
naman iyong ibig niyang sabihin eh. Pareho pa kaming hindi handa para gawin ang tungkol don. Ibig
sabihin lang non eh hindi siya tulad ng ibang lalaki na iyong lang ang habol sa mga babe. Hes a true
gentleman.



Pero kong mapilit ka talga eh wala na akong magagawa kundi ang pagbigyan ka. haha!



Tinapon ko iyong unan kay Kevin. Hinagis ko talaga iyon ng malakas pero nasalo naman niya kaya hindi
siya nasaktan.



Ikaw pala ang manyak eh.



Bulalas ko pero tumawa lang talaga siya ng malakas. Binabawi ko na talaga iyong sinabi kong gentleman
si Kevin.



May tinatago din pala siyang wild imaginations eh.




..




FUUUU!!!



Ilang araw palang ang lumipas tapos balik eskwela na ulit. Tapos na iyong sembreak. Waaa!! Bakit hindi
ko man lang ata natikman iyong tamis ng walang pasok?



Parang ang bilis ng mga araw eh.



huhuhu!!



Kahit labag sa loob ko, kailangan ko ng bumangon at maghanda sa pagpasok. Pero five minutes pa. Five
minutes more.



Maybelline. Bumangon ka na kung ayaw mong malate ka sa unang araw ng klase mo.



Pipikit pa sana ulit ako pero nakita ko ang magandang mukha ni Kevin kaya nawala iyong antok ko.



Nakapagbihis ka na pala?



Tanong ko sa kanya.



Oo. Bilisan mo na para makaalis na tayo. Hihintayin nalang kita sa baba. Nakapagluto na si Manang ng
pagkain.



Tumango lang ako at dumeretso na sa banyo para maligo at makapaghanda sa first day og school ng
second sem.



Good morning ija. Umupo ka na para makakain na kayo ni Kevin.



Sabi ni Manang pagbaba ko.



Mula nong dumating iyong kasambahay namin, wala na talaga kaming naging problema ni Kevin. Ang
sarap mag alaga ni Manang. Lalo na iyong pagkain niya. Sobrang sarap. Tataba talaga ako nito. Sobrang
bait pa niya. Wala na talaga kaming hihilingin pa sa isang katulad ni Manang.



Sige po Manang. Si Kevin po?



Tanong ko kay Manang.



Kumuha lang ng tubig.



Umupo na ako sa upuan at hinintay na si Kevin.



Kain na tayo?



Sabi ko kay Kevin pagkatapos niyang uminom ng tubig. Tumango lang siya at umupo nadin.



Manang, sabay na tayong kumain.



Pag-yayaya ko kay Manang.



Huwag na Maybelline. Kayo nalang ni Kevin. Kakain nalang ako mamaya pag tapos na kayo.



Sige na Manang. Para sabay na tayong lahat.



Okay lang talaga ako Maybelline. Sige na kumain na kayo para hindi kayo ma late.



Wala nadin akong ibang nagawa kundi ang sundin ang kagustuhan ni Manang. Gusto ko sanang sabay
nadin kami ni Manang na kumain sa hapagkainan para naman mas masaya iyong kainan kaya lang ayaw
niya talaga eh.



Sige po Manang.. Alis na kami..



Paalam ko kay Manang.



Sige mag-iingat kayo ha.



Tumango lang kami ni Kevin at pumasok na ng kotse. Hindi nadin namin kailangan ni Kevin na buksan
iyong gate dahil si Manang na iyong nagbubukas.



Anong oras ka matatapos?



Tanong ni Kevin habang nagmamaneho siya.



Hanggang 3 PM lang ako ngayon.



Ikaw?



Tanong ko naman sa kanya. Hindi ko pa kasi memoryado iyong schedule niya eh. Pinakita na niya sakin
iyong registration form niya pero hindi ko naisaulo iyong schedule ng klase niya.



Hanggang 4:30 PM pa ako ngayon. Hintayin mo nalang ako para sabay na tayong umuwi.



Sige. Walang problema.



Sabi ko naman.



Pagdating namin sa school, hindi na kami tulad ng dati na hihintayin na muna na wala ng estudyante sa
paligid bago ako lumabas ng sasakayan.



Ngayon eh pinagbubuksan na talaga ako ni Kevin at sabay na kaming maglalakad sa hallway. Hindi lang
basta sabay kundi magkahawak kamay pa.



Kahit na ang sama ng mga titig ng mga schoolmates namin hindi parin natitinag si Kevin. Kahit na
nagbubulong bulungan na sila ng masama tungkol sakin wala akong pakialam. Eh sa naiingit lang sila eh.



Dito na iyong room mo diba?



Tanong ko kay Kevin.



Dito nga. Pero mamaya na ako papasok. Ihahatid na kita don sa room mo.



Sabi ni Kevin.



Huwag na noh. Kaya ko naman at isa pa malapit ng magsimula iyong klase mo baka malate ka pa.
Magkikita naman tayo mamayang lunch eh.



Sigurado ka ba?



Tanong niya na para bang nag-aalangan siya.



Oo. Hindi na ako bata. Sige na pasok ka na. Text mo nalang ako pagtapos na kayo.



Tumango lang si Kevin. Pinisil na muna niya iyong kamay ko saka niya ito binitawan.



Sigurado ka talaga ha? Papasok na ako.



Tumango lang ako at kumaway sa kanya. Alam kong hindi pa papasok si Kevin hanggat hindi pa ako
nakakaalis kaya tumalikod na ako at lumayo na sa kanya. Baka kasi magbago pa iyong isipan niya at
ihatid pa ako sa classroom ko.



Malapit na sana ako sa classroom ko ng napansin ko iyong mga schoolmate ko na nagkumpulan sa
corridor.



Anong meron?



Tanong ko don sa babeng tumatakbo papalapit sa kanila pero hindi niya ako pinansin. Busy ata kaya
lumapit nadin ako at nakisilip don sa sinisilip nila sa first floor since nasa second floor kami pero hindi ko
talaga masilip iyong tinitignan nila dahil sa sobrang dami ng tao.



May artista ba?



Tanong ko ulit sa kanila pero niisa walang sumagot sa tanong ko. Deadma lang lahat sila.



Kyaaa!



Sheeeteee!!



Ang gwapo niya!!



I know right. Siya lang iyong pwedeng ipamtapat sa Casanova natin.



Casanova din kaya siya?



Pero hindi na Casanova si Kevin diba?



Ayy oo nga. May girlfriend na pala iyon. Dahil may girlfriend na si Kevin ayoko na sa kanya. Sa kanya na
ako.



Pero napakafamiliar ng itsura niya



Oo nga. Parang nakita ko na siya dati pa.



Diba siya iyong kasali sa basketball team na nakalaban nila Kevin dati?



Ayy oo nga pala. Siya iyon.



Anong pangalan niya?



Ewan ko. Tanungin natin mamaya.



Waaa!! Huwag na kayong umasa na magugustuhan niya kayo dahil siguro akong mga tipo ko iyong gusto
niya.



Dahil hindi ko naman nakita iyong pinagtitinginan ng mga tao eh nakinig nalang ako sa usapan nila.



Hindi naman siguro artista iyong tinitignan nila. Hindi naman siguro iyon si Daniel Padilla oh si Enrique
Gil dahil pag sila talaga andito sa school namin makikipagpatayan talaga ako.



O di kaya bigbang o CNBlue..



Waaa!!



Baka malate pa ako ng dahil dito. Makapaglakad na nga lang. Bahala na talaga sila sa buhay nila.




Chapter 58: Unexpected Seatmate





Minabuti ko ng ipagpatuloy nalang iyong paglalakad ko kesa makichismis pa ako don sa sinasabi nilang
gwapong lalaki.



Baka pa malate ako ng dahil don.



Pagpasok ko ng classroom sinalubong agad ako ng mga kaibigan ko.



MIAAA!!



Mia!



Mia namiss kita. Long time no see.



Sabi ni Aya sakin.



haha.. Ang OA mo talaga. Anong long time no see eh nagkita pa tayo kahapon.



Kung makaarte talaga itong si Aya wagas eh. Nagbonding kami kagabi kasama ang mga boyfriend namin.



Baka kasi hindi na kami makapagbonding na kompleto kaming lahat dahil magiging busy ulit kami sa
studies namin.



Naupo na ako sa upuan ko kung san katabi ko ulit si Zelle. Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan
hanggang sa isa isa ng nagdatingan iyong mga classmates namin.



Mia, I heard may bago daw transfer student dito sa Livingstone University.



Kwento ni Zelle sakin.



Siguro iyon iyong kinabusyhan ng mga estudyante kanina.



Really? Anong department?



Tanong ko kay Zelle. Hindi ako interesado dahil gwapo siya. Interesado lang akong malaman dahil naging
transfer student din ako dati at alam ko iyong pakiramdam pag first date ng pasok. Siguro ako
kinakabahan na iyon.



Marketing din. Baka nga magiging classmate natin siya eh.



Sabi naman ni May.



Pero baka hindi din. Ay ewan hindi pa naman dumadating eh.



Sabi naman ni Aya.



Hanggang sa nagshift na kami ng ibang topic at tuluyan na naming nakalimutan iyong transfer student.



Good morning class!



Napatigil nalang kaming apat dahil sa dumating na iyong professor namin.



Good morning.



Bati namin sa kanya pabalik.



Mukhang hindi ata natin classmate iyong transfer student. Wala pa kasi eh. Pwera nalang kung late
siya.



Bulong ni Aya sakin.



Siguro nga.



Bulong ko din sa kanya pabalik.



Oh by the way may bagong classmate kayo.



Biglang sabi ni Maam bago paman niya simulan iyong lesson namin.



Kyaaa!!



Bigla nalang nagsigawan iyong mga classmates na babae namin. Ehhh? Parang over naman ata sila kung
makapag react eh hindi pa nga nila nakikita iyong



Classmate pala talaga natin. I wonder kung gwapo nga ba talaga siya. Baka walang sinabi iyong itsura
niya sa boyfriend ko.



Sabi ni Zelle samin.



Baka hanggang daliri lang ng mga paa ni Mark iyong itsura niya eh.



Sabi naman ni May.



Haay!!



Alam ko na!! Alam ko na!! Pinagyayabang niyo lang iyong mga boyfriend niyo.



Tumawa lang silang dalawa.



Ang totoo excited nadin akong makita iyong mukha ng transfer student. Matignan nga kung kasing
gwapo talaga siya ni Kevin.



Pasok ka na Mister.



Sabi ng professor namin don sa transfer student. Hindi ko pa nakikita iyong mukha niya since nasa labas
padin siya ng pinto ng room namin.



*beep* *beep*



Dinukot ko iyong phone ko sa bulsa ng uniform ko at binasa iyong text message.



Kyaaa!!



Ang gwapo niya!!



My gosh! Crush ko na siya!!



Kahit na nagsigawan na iyong mga classmates kong babae eh hindi parin ako tumingin sa kanya dahil si
Kevin na iyong nag text sakin.



Mia! Mia iyong transfer student si..



Siniko ako ni May pero hindi ko siya pinansin.



Dumating na ba iyong professor niyo? Magkita nalng tayo mamayang lunch.



hehe! Si Kevin talaga oh. Kakakita lang namin kanina tapos namiss na niya agad ako.



Miaa!! Tignan mo iyong transfer student.



Siniko ulit ako ni May pero deadma parin ako sa kanya. Hindi naman talaga importante sakin iyong
transfer student eh. Ang importante eh iyong irereply ko kay Kevin. Pinindot ko iyong reply button at
bumuo ng text message para kay Kevin.



Oo dumating na iyong professor namin. Sige magkita nalng ta..



Goodmorning everyone. Im Steven Jun Carillo..



Hindi ko na natapos iyong pagtype ng reply para kay Kevin dahil nagulat ako don sa transfer student na
nagsalita.



Magkaboses sila ng ex boyfriend ko na si Jun. Hindi lang sila magkaboses kundi magkapangalan pa.
Inangat ko iyong ulo ko para tignan siya at hindi naman ako nagkamali dahil si Jun talaga iyong transfer
student.



Binawi ko naman agad iyong tingin ko dahil nakatitig siya sakin. Iba iyong titig niya sakin.



Anong ginagawa dito ni Jun? At bakit siya lumipat sa University namin?



Mia! Si Jun! Si Jun iyong transfer student.



Narinig kong sabi ni Aya.



Mia andito si Jun.



Bulalas naman ni May pero hindi ko na sila pinansin. Pinagpatuloy ko lang iyong message ko para kay
Kevin.



..yo mamayang lunch.



Saka ko pinindot iyong send button.



Okay Mr. Carillo. Pwede ka na munang maupo diyan sa bakanteng upuan for the mean time.



Sambit ni Professor. Pero hindi ko parin siya tinitignan. Nakayuko parin ako kahit ansakit na ng batok ko.



Ano ba kasing ginagawa niya dito? Bakit pa niya kailangang lumipat? Dahil ba nakick out siya? Eh bakit
naman sa dami dami pa ng university na pwede niyang pasukan dito pa talaga. Gusto ba talaga niyang
asarin ako?



Naalala ko iyong time na nagkita kami ng Mommy ni Jun.



May inaasikaso lang ako Mia. By the way bakit andito ka? Lumipat ka na ba ng ibang school?



Its okay Mia. Tapos nadin naman ako.



O sha, I really have to go dahil may trabaho pa ako. Nice meeting you again Mia and see you soon.



Ito ba iyong inaasikaso ni Tita non? Ang pagtransfer ni Jun ng university? Pero ano naman iyong
tinutukoy niyang see you soon?



Agghh!!



Sumasakit ang ulo ko sa mga nangyayari. Bakit ba nangyayari ang lahat ng to?



As I call your name, tumayo na kayo and bring your things with you. I have already finalized your seat
plan.



Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Maam.



Seat plan?



Seat plan?



Maam please walang ganyanan.



Hindi namin nagustuhan lahat ang ibinalita ni Maam. Eh pano ba naman kasi may malaking chance na
hindi na namin kaclose iyong magiging seatmate namin tapos mawawalan pa kami ng cheatmate tuwing
may quiz.



Mia!



Aya!



Zelle!



May!



Waa!! Parang gusto na naming maiyak dahil sa balita ni Maam. First day of school palang tapos bad
news na agad. Bakit ba kasi may seatplan pa? May bweset na nga kaming classmate hindi ko pa
makakatabi iyong mga kaibigan ko.



Ano naman iyon?



Cortes?



Maam?



Bring your things with you and sit here. That will be your permanent seat for the whole semester for
this subject.



Seryoso talga si Maam sa seatplan niya. Niyakap ko lang iyong bag ko habang isa isang tinawag ni
Maam iyong mga pangalan namin.



Kryzelle Bangs?



Napatingin lang kaming tatlo kay Zelle pagkatapos niyang matawag.



Zelle!



Niyakap ko siya ng mahigpit. Ako na talaga OA! Alam ko naman na magsasama parin kami sa iisang room
ni Zelle pero hindi na kasi kami seatmate kaya nalulungkot ako.



Its okay Mia.



Dinala na ni Zelle iyong bag niya at naupo na sa second row.



Ayani Nessa?



Waaa!!



Si Aya naman iyong tinawag ngayon. Nasa second row din siya katulad ni Zelle pero malayo iyong upuan
niya kay Zelle.



Aya!



Bulalas namin ni May.



Stella May Almarez?



Tinawag naman ng professor namin si May. Nasa third row iyong upuan niya. Sobra ang dasal ko na sana
eh tabi kami ni May pero ilang pangalan na ng classmates ko ang tinawag pero hindi ko parin narinig
iyong pangalan ko.



Hanggang sa tatlo nalang kaming natitira na hindi pa tinatawag.



Si Mary Jane, ako at ang bweset na si Jun.



Ahhh!!! Nakakabweset talaga!!



Mas malaki yong chance na magiging seatmate kami ni Jun. Sana lang eh magitnaan namin si Mary Jane
para naman hindi kami talaga magtabi.



*cross fingers*



Mary Jane Estoperez?



Acck!!!



Wala na!!



Para akong nasunugan ng bahay dahil sa nangyari.



Maybelline Mia Park?



Hanggang ngayon eh Park parin ang dinadala kong family name dahil pinoprotektahan ako ng parents ko
at parents ni Kevin sa mga chismis. Mas mabuti daw na iyon na muna ang gamitin ko.



Umupo na ako don sa upuan katabi ni Mary Jane.



Supposedly si Miss Park na iyong huli sa seatplan ko pero nalaman ko kanina na may bagong student
pala kaya dinagdag na kita Mr. Carillo. You may now sit beside Miss Park.



Nakita kong tumango lang si Jun saka siya tahimik na umupo sa tabi ko.



Waa!!



Sino bang makakatulong sakin ngayon?



Thats it! I know na hindi pa kayo komportable sa bagong seating arrangement niyo pero youll get used
to it.



First day of school minamalas na ako.



Dahil first metting palang natin ngayon eh hindi na muna tayo dederetso sa lessons natin. I-didiscuss ko
lang sa inyo ang rules and regulations ko ang ofcourse my grading system.



Buong discussion ni Maam ay nakatitig lang ako sa white board at sa mga sulat niya pero niisa wala
akong maintindihan.



Iniisip ko parin iyong seatmate na nasa kanan ko.



Ehh!!



Ano bang nagawa ko at pinaparusahan ako ng tadhana? Ni sa panaginip nga ayokong makita ang
pagmumukha ni Jun sa personal pa kaya?



Ahh!! Mababaliw na talaga ako nito!!



Miss Park? Are you okay?



Bigla nalang napatitig sakin iyong mga classmates ko including our professor.



Sa sobrang pagkainis ko kay Jun, lumabas na pala sa bibig ko iyong mga salita na akala ko eh nasa isipan
ko lang.



Can I go out for a while Maam? I just have to go to the comfort room.



Pagsisinungaling ko sa professor namin.



Then please find your way.



Binigyan ako ng worried face ng tatlo kong kaibigan. Alam nila kung ano iyong pinagdadaanan ko
pagkatapos dumating ni Jun.



Tumayo na ako at dumeretso na sa banyo.



Tinitigan ko iyong repleksyon ko sa salamin ng girls comfort room. Sa lahat ng maging pwedeng transfer
student bakit si Jun pa?



Inilabas ko iyong phone mula sa bulsa ko at nagtype ng text message para kay Kevin.



Kevin.. si Jun classmate ko na. Lumipat na siya ng school.



Pipindutin ko na sana iyong send button pero naisip ko iyong magiging reaksyon ni Kevin.



Baka mag-aalala lang siya. Mas mabuti ng hindi niya malaman na andito na sa University namin si Jun.



Binura ko iyong text message na binuo ko saka ko binalik sa bulsa ko iyong phone.



Hindi na siguro dapat malaman ni Kevin ang tungkol dito eh hindi naman ako inaano ni Jun eh.



Teka! Teka!



Hindi ko alam kung bakit ako nag-aalala na parang baliw diyan kay Jun eh hindi naman siguro ako ang
dahilan kung bakit siya lumipat ng school. Baka wala lang talagang tumanggap sa kanya na ibang school
kaya siya andito.



Umaandar na naman ang pagiging assuming ko. Eh hindi nga niya ako kinausap kanina eh. Baka naman
nagkataon lang talaga ang lahat at hindi naman niya pinili ang Livingstone University.



Isa pa eh naghiwalay kami ni Jun dahil ayaw na niyang magkaroon ng girlfriend na tanga katulad ko.
Bakit naman siya lilipat ng school para sakin eh ayaw na nga niya sakin dati pa.



Hay! Mia!! Assuming ka talaga!



Inayos ko na iyong buhok ko.



Wala kang dapat ipag-alala Mia. Hindi ikaw iyong dahilan kung bakit andito ngayon si Jun.



Sabi ko sa sarili ko sabay tango.



Pagkatapos kong ayusin iyong sarili ko eh naisipan ko ng lumabas ng banyo. Baka hinahanap na ako ng
professor namin.



Paglabas ko ng banyo, sobrang nagulat ako ng makita ko si Jun nakasandal sa pader habang nasa loob
naman ng bulsa niya iyong dalawang kamay niya.



Hindi lang iyon. Sobrang lagkit pa ng tingin niya sakin. Iyong tipong may ginawa akong masama sa
kanya.



Anong ginagawa mo dito?



Tanong ko sa kanya.



Ay hindi hindi! Kalimutan mo nalang iyong tanong ko sayo. Hindi mo na kailangang sagutin pa iyon.



Nagiging assuming na naman ako. Baka naman may hinihintay lang siyang ibang tao na nasa loob pa ng
comfort room.



Pero ako ang iyong andun kanina ahh!!



Ahh!! Alam ko na..



Baka naman may third eye si Jun at may hinihintay siya sa loob na hindi ko nakikita..



heheh!!



Baka iyon na nga iyong dahilan kung bakit siya andito. Makaalis na nga total hindi naman kami friends
para magpansinan kami.



Pinagpatuloy ko na iyong hakbang ko. Lalagpasan ko na sana si Jun ng bigla nalang niyang hinigit iyong
kamay ko.



Chapter 59: New Found Friend




Mia!!



Kilala ba kita?



Tama iyan Mia. Kailangan mong magpanggan na hindi mo kakilala si Jun para naman tumigil na siya sa
pang gugulo sayo.



Ano na namana ba iyan Mia? Hindi ako nakikipag biruan sayo.



Bulalas ni Jun. Ang kapal talaga ng mukha niya. Eh sino bang may sabing gusto kong makipagbiruan sa
kanya?



Sinubukan kong bawiin iyong kamay ko mula kay Jun pero hindi ko magawa dahil masyado siyang
malakas.



Mia.. Im sorry.



Nagulat ako sa sinabi ni Jun. Simula pa nong maging kami hindi ko narinig ang salitang Im Sorry mula sa
kanya. Sa tuwing nag-aaway kami ako ang laging humihingi ng tawad kahit hindi ko naman kasalanan.
Palaging ako iyong humihingi ng pasensya.



Mia.. Kausapin mo naman ako. Andito ako hindi para awayin o guluhin ka. Andito lang ako para
imbitahin ka sa birthday ni Mommy. Sinabi ko kasi sa kanya na pupunta ka.



Binuhos ko na iyong lahat ng lakas ko para bawiin iyong kamay ko mula sa pagkakahawak ni Jun kaya
nagawa nagawa ko.



Woaah lang ha! Kung makapag invite ka feeling mo girlfriend mo parin ako? Lakas naman ng loob mo!!



Tumalikod na ako kay Jun pero bigla niya ulit hinawakan ang kamay ko.



Mia sandali lang.. Pakinggan mo na muna ako.



Pwede ba Jun? Nakakainis na iyang pagmumukha mo. Hindi ka na sana nagpakita sakin.



Bulalas ko.



Mia naman..



Ano pa bang gusto mo? Mag thank you ako? O sige thank you Jun dahil lumipat ka pa ng school para
lang imbitahan ako sa birthday ng Mommy mo. Thank you talaga. O masaya ka na?



Hindi lang naman iyan ang dahilan kung bakit ako lumipat eh.



Naiinis ako!! Naiinis ako sa tuwing naiisip ko si Jun. Naiinis ako sa tuwing naririnig ko iyong boses niya at
lalong naiinis ako sa tuwing nakikita ko iyong panget na mukha ni Jun.



Kung ano man iyang dahilan mo hindi ako interesado kaya excuse me..



Mabilis akong naglakad pabalik sa classroom namin.



What took you so long? Miss Park? Mister Carillo?



Bigla nalang nag-iba iyong ekspresyon ng professor namin.



Akala ko ba pupunta lang kayong comfort room?



Baka gusto niyong mag paliwanag kung anong nangyari sa labas at sabay pa talaga kayong umalis at
bumalik?



Aissh!!



Bakit ba sunod sunod iyong kamalasan ko? Gusto ko ng makita si kevin para naman mawala na iyong
bad trip ko.



Im sorry Maam. Madami lang pong tao sa comfort room.



Sabi ko sa professor namin saka ako dumeretso sa upuan ko.



Magkasama kayo ng transfer student?



Tanong ni Mary Jane sakin.



Hindi noh. Hindi ko nga kilala iyang transfer student na iyan.



Tahimik namag umupo si Jun sa upuan niya na nasa tabi ko pero hindi ko talaga siya tinignan.



Pero aminin mo gwapo siya. Crush mo siya noh?



Hindi ko talaga alam kung paano naisip ni Mary Jane ang tanong na iyan.



Nababaliw ka na ba Mary Jane? Eh hindi ko nga type ang ganyang lalaki. Isa pa may boyfriend na ako.



Kahit hindi kami close ni Mary Jane eh magkaibigan naman kami at mabait naman siya. Wala akong
magiging problema sa kanya pwera na lang iyong isang katabi ko.



Eh pano iyan? Mukhang type ka niya Mia. Sinundan ka pa talaga niya kanina tapos sabay pa kayong
bumalik. Akala ko nga eh magkakilala kayo.



Tigilan mo nga ako Mary Jane.



Class dismiss!



Sobrang tuwa talaga iyong naramdaman ko pagkatapos i-announce ni Maam na tapos na iyong class
namin.



Agad akong tumayo at nilapitan iyong mga kaibigan ko. 9 AM palang at 10:30 pa iyong next class namin.



Cafeteria tayo?



Pagyayaya ko sa kanilang tatlo at tumango naman sila.



Miaa!!



Ahhh!! Bweset talagang buhay to. Narinig ko na naman iyong boses ni Jun na sobrang sakit sa tenga.



Hindi mo ba talaga ako titigilan Jun?



Hinarap ko siya at sinigawan ng malakas.



Sa ngayon titigal na muna kita dahil may klase pa ako. Pero kukulitin kita ng kukulitin next time
hanggang sa papayag ka na don sa sinabi ko.



Iyon lang iyong sinabi ni Jun saka siya tumalikod at naglakad papalayo sakin.



Ano iyong sinasabi ni Jun?



Tanong ni Aya.



Anong ibig niyang sabihin na papayag ka? Papayag saan?



Tanong naman ni Zelle.



Mamaya ko nalang sasabihin ang lahat pagdating natin sa cafeteria.



...



WHAAT?



Bulalas ni May pagkatapos kong ikwento sa kanila iyong nangyari sa amin ni Jun habang nasa labas kami
ng comfort room.



Kaya lumipat siya ng school dahil gusto ka niyang imbitahin sa birthday ng mommy niya?



Tanong naman ni Aya.



Tumango lang ako bilang sagot ko. Iyon pala iyong ibig sabihin ng Mommy ni Jun na see you soon.
Ngayon ko lang nagets.



Haay!!



Napabuntong hininga lang ako. Nakakabadtrip talaga iyong araw ko.



Mia, baka naman may iba pang dahilan si Jun kaya siya lumipat dito sa university natin. I can sense that
he wants something more than the inivitation.



Sabi ni Zelle.



Actually may sinabi siya na may iba pa daw siyang dahilan pero hindi ko na siya pinakinggan.



Sabi ko kay Zelle.



Baka naman gusto ka pa niya?



Dugtong pa ni Zelle.



Siya? May gusto pa sakin? Eh hindi nga niya ako gusto nong kami pa noon eh ngayon pa kayang hindi
na kami?



Pero diba sabi mo humingi siya ng sorry sayo? Eh never pa niyang ginawa sayo iyan dati ah.



Sabi naman ni Aya.



Oo.



Eh baka nagbago na siya?



Sabi naman ni May.



Kahit nagbago na siya eh hindi na mababago ang lahat. Hindi ko na siya mahal. Si Kevin na ang mahal ko
ngayon.



Hindi si Kevin ang first love ko at lalong hindi ako ang first love niya pero ang importante, ako iyong last
love niya at siya ang last love ko.




---



San tao ngayon? Wala iyong teacher natin eh. 11 am pa at hindi pa tapos si Kevin.



Dapat sana eh may class kami ng 10:30 hanggang 12 noon pero hindi kami sinipot ng teacher namin.
Siguro dahil first day of class palang.



Standby nalang muna tayo sa cafeteria.



Pasusuggest ni Zelle.



Go na.



Sabi naman ni Aya.



*beep* *beep*



Dinukot ko iyong phone ko at binasa iyong text message habang naglalakad kami sa hallway ng
university.



Hi Mia Kamusta? This is Venice. Pwede ba tayong magkita? Kung hindi ka busy,



Bigla nalang akong napangiti. Akala ko talaga eh hindi na magtetext si Venice sakin. Gusto ko talaga
siyang maging kaibigan.



Nagtext si Kevin?



Tanong ni Zelle habang nglalakad kami sa hallway.



Ahh hindi. Iyong new found friend ko lang. Mauna nalang kayo sa cafeteria. Susunod naang ako.
Imemeet ko lang sandali si Venice.



Sabi ko sa kanila.




Sama kami Mia. Para naman makilala namin iyang bagong friend mo at para maging friend nadin
naman siya.



Sabi ni May.



Next time nalang. Baka kasi mahiya siya eh o baka ma OP sa inyo. hehe



Nagpaalam na ako sa kanila saka ako lumabas ng school.



Hintayin nalang kita sa Pink Cafe sa tapat ng Livingstone University kung okay lang sayo.



Pinindot ko iyong send button. Ilang saglit lang eh nakatanggap ako ng reply kay Venice.



Sure.



Pagdating ko sa cafe, akala ko talaga eh hihintayin ko pa si Venice pero nagulat nalang ako ng makita ko
siyang kumakaway sakin.



Nakawhite naman siya ngayon at may suot pang shades.



Ang ganda talaga niya.



Nagsastand out pa siya dahil sa kulay ng buhok niya.



Mia!



Venice!



Umupo na ako sa harap ni Venice. Ang ganda talaga niya sobra. Nakakainggit!!



Im glad at pumayag kang makipagkita sakin.



Sabi ni Venice.



hehe. Wala kasi iyong teacher namin eh kaya may vacant ako.



Sa livingstone ka pa nag-aaral?



Tanong ni Venice.



Hindi pa ako nakasagot ng ibinigay ng waiter ang order na drinks namin. Hindi naman ako nag order.
Baka sa Venice kanina habang hinihinta niya ako.



Ang ganda ganda na nga niya ang bait bait pa niya.



Thank you dito enice. hehe.. Oo sa livingstone ako nag-aaral pero kakalipat ko lang.



Youre welcome. Actually sa school mo rin na ako mag-aaral kaya pumunta kami diyan kanina ng
mommy ko para asikasuhin iyong pag transfer ko.



Ang liit talaga ng mundo. This time natutuwa ako dahil may bago na akong kaibigan at iisa pa iyong
school namin.



Kaya ba ambilis mong makapunta dito?



Tanong ko sa kanya. Kaya naman pala ambilis makarating ni Venice dito sa cafe.



Yup.



Diba sabi mo kararating mo lang ng pinas?



Tanong ko kay Venice saka ko ininom iyong drinks na binili niya.



Yup. Umalis ako ng Pilipinas two years ago para magpahinga at hanapin ang sarili ko. Im sorry Mia,
hindi ko dapat kinukwento sayo to.



Ininom nadin ni Venice iyong drinks niya.



Ano ka ba Venice. Okay lang noh. Mas gusto ko nga na magkwento ka para mas makilala kita.



Okay lang ba sayo?



Tanong ni Venice.



Oo naman noh. Makikinig lang ako.



Actually Mia..



Bumuntong hininga na muna si Venice bago niya pinagpatuloy iyong kwento niya.



I left the Philippines with my heart broken.



Wae? Sa ganda mong iyan nasasaktan kapa pagdating sa pag-ibig?



Sino ba namang mag-aakala na may pinagdadaraanan din pala si Venice tungkol sa pag-ibig. Kung
titignan mo kasi siya parang nasa kanya na iyong lahat. Iyong tipong walang inaalalang problema. Iyong
tipong iyong mga lalaki ang nasasaktan dahil sa kanya.



Actually Mia siya iyong first loe ko.



Pagkukwento ulit ni Venice.



Tapos? Anong nangyari?



Interesting iyong love story ni enice pero parang nakakalungkot din.



Nagbreak kami. Hindi ko alam kung ano talaga iyong dahilan kubg nakit niya ako hiniwalayan.



Nagulat ako sa sinabi ni Venice. Siya pa talaga iyong iniwan?



Siya iyong nang-iwan sayo? Wow lang ha. Sa ganda mong iyan? Siguro gwapo din siya noh?



Tanong ko kay Venice.



Oo naman. Actually Mia, bumalik ako ng pilipinas dahil handa na ako. Nahanap ko na iyong sarili ko
ngayon at nahilom na iyong sugat na dinulot niya sakin noon.



Mabuti naman kung ganun Venice. Anong balak mo ngayon?



Balak kong hanapin siya ulit at magsimula ulit kasama siya. Sa livingstone din siya nag-aaral eh kaya
balak kong pumasok don.



Nakakalungkot naman iyong ending ng love story nina Venice. Pero gaya sa mga kwento pwede namang
magsimula ulit ng panibagong kabanata.



Hinawakan ko iyong kamay ni Venice.



Dont worry Venice. Tutulungan kita sa abot ng makakaya ko.



Ngumiti naman si Venice sakin.



Ibig bang sabihin niyan Mia eh magkaibigan na tayo?



Tanong ni Venice.



Oo naman Venice.



Thank you Mia. So much for my story. Ikaw naman iyong magkwento. Gusto kong malaman ang lahat
ng tungkol sayo.



Sabi ni Venice. Ang totoo niyan ayokong sabihin sa kanya iyong naging love story ko. Ano kasi.. Basta
lang. Parang may something na bumubulong sakin na huwag kong sabihin.



Huwag na Venice. Baka kasi mabore ka lang sa kwento ng buhay ko.



Sige na Mia. Magkaibigan naman tayo eh. I remember na sinabi mong may asawa ka na. Parang ambata
mo pa naman yata para mag-asawa. Dahil ba nadisgrasya ka niya?



Tanong ni Venice.



Iyan iyong dahilan kung bakit ayaw ipadala ng mga parents namin ang family name ni Kevin. Dahil sa
sobrang bata pa naman, iisipin ng iba eh nabuntis ako. Masisira iyong pangalan ko.



Hindi Venice. hehe. Gusto mo sumama sakin? Ipapakilala kita sa mga kaibigan ko at sa asawa ko.



Tinignan ko iyong oras. Tamang tama malapit na mag 12 noon. Tapos na si Kevin sa klase niya.



Sabay tayong mag lunch.



Pag-iimbita ko kay Venice.



Okay lang ba iyon? Wala pa kasi akong mga kaibigan dito.



Sabi ni Venice.



Oo naman. Halika na.



Sabay kaming tumayo ni Venice at lumabas ng cafe.



Oh Mia! Saglit lang! Naiwan ko pala iyong phone ko sa table kanina. Babalikan ko lang. Dito ka lang
muna ha. Babalik din ako agad.



Paalam ni Venice. Mabuti naman at naalala niya agad dahil baka nawala na iyon kung hindi niya naalala
agad.



Tumango lang ako saka pumasok si Venice sa loob.



Maybelline!!



Paglingon ko nakita ko agad si Kevin.



Kevin! Tapos na ba iyong klase niyo? Tamang tama may ipapakilala ako sayo.



Sabi ko kay Kevin pagkatapos niyang lumapit sakin.



Sino naman?



Si Venice. Iyong sinasabi ko sayo..



Hinintay namin si Venice pero hindi na namin siya muling nakitang lumabas. Papasok na sana kami ni
Kevin para sundan siya ng makatanggap ako ng text message mula sa kanya.



Im sorry Mia. Something urgent came up. Next time ko nalang imemeet iyong friends and husband mo.


Chapter 60: Mask





Venices POV



Bumalik ako sa loob ng cafe para kunin iyong phone na naiwan ko sa table. Ang tanga tanga ko para
makalimutan ko iyon.



Pagpasok ko ng cafe, sinalubong naman agad ako ng waiter na nagpunas ng table namin ni Mia.



Maam iyong phone niyo po naiwan.



Akala ko talaga eh nawala na iyon pero mabuti nalang at mabait ang staffs nila dito.



Inabot sakin ng waiter ang phone ko.



Thank you talaga.



Kinuha ko na iyong phone ko at tinungo ang pinto ng cafe. Ayokong paghintayin ng matagal si Mia dahil
bagong kaibigan ko siya. Nakakahiya naman kung gagawin ko iyon sa kanya.



Binuksan ko iyong pinto at nakita si Mia. Tatawagin ko na sana siya ng mapansin ko iyong kasama niyang
lalaki.



Si Kevin!!



Bigla nalng bumalik sa isipan ko iyong sinabi ni Mia nong una kaming magkita.



May asawa ka na pala Mia?



Uhmm.. Oo.. hehe.. Kevin pangalan niya. Sige Venice. Mag-iingat ka.



Si Kevin ang asawa ni Mia? Pero bakit? Paano?



Andaming tanong na pumasok sa isipan ko.



Hindi ko maiwasan ang mainggit at magselos habang pinagmamasdan ko silang magkahawak kamay at
sweet sa isat isa.



Hindi ko na tinuloy ang paglabas ng cafe dahil hindi pa ako handang makaharap ulit si Kevin. Pumasok
nalang ako sa rest room ng cafe saka ko tinext si Mia.



Im sorry Mia. Something urgent came up. Next time ko nalang imemeet iyong friends and husband mo.



Habang nakatitig ako sa repleksyon ko sa salamin. Alam kong ibang iba na ako sa dati kong sarili. Kahit
na magpakita pa ako kay Kevin ngayon, sigurado akong hindi na niya ako makikilala. Nagbalik lahat sa
isipan ko iyong huli naming pagkikita ni Kevin.



Im sorry Wendy pero gusto ko ng makipaghiwalay sayo.



Pero.. whats the reason Kevin?



Nong una palang Wendy kinlaro ko na sayo na kaya lang naging tayo dahil gusto kong makalimutan si
Zelle. One week is over Wendy at walang nagbago. Ganun padin iyong nararamdaman ko para kay Zelle.
Tapos na tayo.



But Kevin.. Please.. Please.. Bigyan mo pa ako ng isa pang chance .One more week at makakalimutan mo
din si Zelle. I promise you Kevin. Please..



Im sorry Wendy/



Ano bang kulang sakin Kevin? Sabihin mo lang. Kung sa tingin mo hindi pa ako maganda, kaya ko pang
magpaganda para sayo. Sabihin mo lang at gagawin ko.



Were over Wendy.



Iyon na iyong pinakamasakit na nangyari sakin. First boyfriend ko si Kevin, first love at first heartbreak.
First girlfriend din ako ni Kevin but not his first love and his first heartbreak.



I know hindi pa enough ang dating ako. Ang wendy na sinaktan ni Kevin kaya umalis ako ng Pilipinas para
ayusin ang sarili ko.



Aaminin ko, I went under the knife just to get my face done. Pati pangalan at background ko pinaayos ko
kay Mommy para maging bagong tao.



Binaon ko na sa limot si Wendy na dating ako at pinanganak ang bagong Venice. Ang Venice na
makakaharap ni Kevin one of these days. At ang Venice na mamahalin ni Kevin habang buhay.



Hindi ka man napaibig ni Wendy Kevin. I swear paiibigin ka ni Venice this time.



Sabi ko habang nakaharap ako sa salamin. I know Venice is perfect. Sigurado akong hindi na ako iiwan ni
Kevin ngayon.



Bago ako bumalik ng Pilinas, inakala kong iisang babae parin ang magiging karibal ko. Akala ko hanggang
ngayon si Zelle parin iyong magiging kaagaw ko sa pagmamahal ni Kevin.



I never thought na may bago na pala si Kevin. Whats worst is hes already married now. Pero sabi nga
nla..



Mas madaling hulihin ang manok pag nakatali na.



I thought that Mia will be my friend and my alliance but it turns out na siya na pala ngayon ang magiging
karibal ko.



Im sorry Mia pero kailangan kong agawin si Kevin sayo by all means.







*riing* *riing*



Hello Mom?



(Good Wendy! Where are you? Malapit ng gumabi.)



Mom its Venice .Matagal ng patay si Wendy.



(Fine! Asan ka ba ngayon Venice?)



May inaasikaso lang ako Mom. Uuwi nadin ako pagkatapos nito.



(Huwag mo akong pahintayin ng matagal Venice. Alam mo namang nag-aalala ako sa'yo.)



Dont worry about me Mia. Uuwi nadin ako. Sige na Mom bye na muna.



Ibinaba ko na iyong tawag ni Mommy dahil nakita kong lumabas na ng gate ng University ang kotse ni
Kevin.



Hangang ngayon iyon padin pala ang gamit niyang kotse.



Agad ko ng pinaandar ang makina ng kotse ko at sinundan sila.



I made sure na hindi ako masyadong malapit sa kanila pra hindi nila ako mahalata.



Theres no room for mistake now Venice. Kailangan mong makuha si Kevin ngayon.



Sinundan ko sila hanggang sa pumasok iyong kotseng sinasakyan nila sa isang gate. Inihinto ko naman
iyong kotse ko ten meters away from where they entered.



That is their house?



Tanong ko sa sarili ko.



Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. I expected more sa itsura ng bahay nila. Hindi ko nga alam kung
bahay ba ng tao ang tinitirhan nila o bahay ng daga sa sobrang liit.



Hindi ko alam kung ilang minuto o ilang oras na akong nakatitig sa bahay nila. Pinaandar ko na ulit ang
makita ng kotse ko at aalis na sana ng biglang may nagbukas ng kanilang gate.



Maya maya eh lumabas ulit ang sasakyan nila at kumaway na iyong kasambahay sa kanila. Tinignan ko
iyong oras sa wristwatch ko. 7 pm na. San naman kaya nila balak pumunta?



Sinundan ko ulit sila hanggang sa nakarating kami sa isang restaurant. Hindi pa ako dinala ni Kevin dito ni
minsan.



Nakita ko silang pumasok sa loob ng restaurant na magkahawak pa ang kamay.



I waited for ten minutes bago ako sumunod sa kanila sa loob ng restaurant.



Good evening Maam.



Bati ng staff nila but I did not bother to greet him back. What for? Eh hindi naman siya ang may-ari ng
restaurant. Hes just a nobody.



Inakala ko na sina Kevin lang at Mia ang magkasama pero hindi pala. May kasama pa silang tatlong
babae at talong lalaki.



Obviously they are lovers. Kilala ko lahat ng tatlong lalaki na kasama nila. They are Kevins bandmate.
Mark, Jerome and Axel. Iyong dalawang babae naman hindi ko kilala. Pero iyong isa kilala ko. Kilalang
kilala ko.



Pano ko naman makakalimutan ang pagmumukha at pagkatao ni Zelle?



Ang babaeng naging hadlang sa pagmamahalan namin ni Kevin.



Ang babaeng kinamumuhian ko.



Habang nagtatawanan silang lahat, Im bleeding inside. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko
nga alam kung kailan darating iyong araw na magiging masaya din ako.



Pumwesto na ako don sa table malapit sa kanila and made sure na hindi ako makikita ni Mia.



Lumapit sakin iyong waiter at binigay iyong menu nila but I did not bother to waste my time looking on
their menu.



Vegetable salad and water.



Sabi ko sa waiter.



Yes Maam.



Mula sa kinauupuan ko, rinig na rinig ko iyong tawa at pag-uusap nila. Habang nakikita ko naman lahat
ng kinikilis nila.



Enjoy your meal Maam.



Sabi nong waiter pagkatapos niyang ayusin iyong order ko sa table ko.



Kahit na nasa harap ko na iyong pagkain ko, hindi ko parin ito ginagalaw. Bigla nalang akong nawalan ng
gana habang pinagmamasdan ko ang eksena nina Kevin at Mia.



Para akong nanonood ng sine. Kung sa tingin nila love story ang ginagawa nila, para naman sakin eh
horror story ang ginagawa nila.



Hindi ko nga alam kung bakit ko ginagawa to. Sinasaktan ko lang ang sarili ko dahil sa ginagawa ko.



Habang nakikita kong masaya si Kevin kasama si Mia. Kasama ang ibang babae, unti unting nababasag
ang basag ko ng puso.



Hindi ako pwedeng maging mahina.



Bulong ko sa sarili ko.



Youre not Wendy anymore. You are Venice.



Kailangan kong lakasan ang loob ko kung gusto kong makuha si Kevin mula kay Mia.



Instead of torturing myself here and wasting my time, I have to think of a plan para sirain silang dalawa.
Kahit na masaktan pa si Mia gagawin ko.



Kakalimutan ko iyong mabuting pagkikita namin ni Mia kanina for the sake of my own happiness.



Inilabas ko ang wallet ko at nag iwan ng one thousand peso bill sa table. Tumayo na ako and took a last
glimpse of Kevin and Mia.



Naiingit ako! Nagseselos ako!



Dumaan na muna ako ng banyo at pumasok sa huling cucible and cried my heart out. Kailangan ko lang
ibuhos ang lahat ng sakit na naramdaman ko.



Humagolgol lang ako sa loob ng cubicle total wala namang makakakita at makakakilala sakin kahit na
marinig nila ako.



*tok* *tok*



Miss? Are you okay?



Tumigil lang ako sa pag-iyak ng may kumatok sa pinto ng cubicle ko.



Yes Im okay.



Pinunasan ko iyong mga luha ko at naghintay na mahimasmasan ako bago ako lumabas.



Hinugasan ko iyong kamay ko saka ko binasa ang buong mukha ko ng tubig. Kailangan kong maghilamos
para hindi mahalata ang mga luha ko.



Pero napatigil ako sa ginawa ko ng makita ko ang mukha ni Zelle sa repleksyon ng salamin. Iba iyong titig
niya sakin kaya bigla akong kinabahan.



Gusto kong makaharap si Zelle pero hindi sa ganitong sitwasyon.



Not in my vulnerable state.



Nakikilala ba niya ako? Bigla akong kinabahan sa mga titig ni Zelle.



Zelle tapos na ako.



Mas lalo akong nagulat ng bigla nalang lumabas si Mia sa isang cubicle.



Napatitig din siya sakin at nagulat.



Venice?



Bigla nalang akong nilapitan ni Mia at hinawakan ang kamay ko.



Anong ginagawa mo dito?



Tanong ni Mia sakin.



Uggh..



Hindi ko alam kung anong idadahilan ko kay Mia. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na sinundan
ko sila ni Kevin papunta dito.



Uh.. Nagdinner lang..



Pagsisinungaling ko kay Mia habang nagkatitigan parin kami ni Zelle.



Napansin naman ni Mia ang kakaibang tinginan namin ni Zelle kaya tinanong niya kami.



By chance, magkakilala ba kayo?



Tanong ni Mia samin.



No!!



Agad na sagot ko sa kanya.



Oh! Akala ko kasi magkikalala kayo. Zelle, this is Venice. Siya iyong tinutukoy ko sayo na bagong friend
ko.



Sambit ni Mia.



Venice? I thought you are someone else.



Sabi ni Zelle.



Nahalata kaya niya ako?



Bakit? Magkamukha ba kami?



Tanong ko sa kanya. Sa lahat ng taong makakasalamuha ni Venice mula ngayon. kay Zelle ako dapat na
mag-ingat dahil siya iyong nakakakilala sakin ng husto.



Oh hindi naman. Sobrang layo nga ng mukha niyo eh. But your aura and her aura are the same. hehe.
Sorry nag over think lang talaga ako.



Sabi ni Zelle.



Ngumiti lang ako bilang sago ko sa kanya.



Venice this is Zelle. hehe. Friend ko.



Ngumiti lang ulit ako.



By the way Venice, since andito ka naman why not join us? ipapakilala kita sa iba kong kaibigan at
asawa ko. Bigla ka lang kasing nawala kanina sa cafe.



Sabi ni Mia.



I would love to Mia pero hinihintay na kasi ako ng Mommy ko sa parking space. Im sorry talaga. May
next time pa naman diba?



Biglang lumungkot iyong mukha ni Mia.



Ganun ba? Sayang naman. Pero sige next time nalang.



Pumayag din naman si Mia dahil wala na siyang magagawa sa pagsisinungaling ko.



Promise Mia. Next time babawi ako.



Pag aassure ko sa kanya. Pero next time, ready na akong harapin silang lahat. Including Kevin. Kailangan
ko lang ng oras para makapag handa ako.



Pero Venice. Itatanong ko lang kung ikaw ba iyong umiyak kanina sa huling cubicle?



Tanong ni Mia.



Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. Hindi ko inasahan na siya pala iyong kumatok sakin kanina.



Ikaw ba iyong kumatok?



Tanong ko kay Mia.



Actually hindi. Si Zelle iyon. Sabi niya kasi eh parang familiar iyong iyak kaya nag-alala siya at kinatok ka
niya.



Tinignan ko si Zelle at binigyan siya ng thank you look pero ang totoo ay nag-aalala ako dahil baka
nahalata na ako ni Zelle.



Huwag naman sana dahil hindi pa ako nagsisimula sa mga plano ko.



Dapat akong mag-ingat mula ngayon.



Bakit ka pala umiyak Venice?



Tanong ulit ni Mia sakin.



Ang kulit kulit ni Mia. Mas lalo pa niya akong binigyan ng rason para hindi ko siya magustuhan.



Ahh ano kasi.. Ahh..



Hindi na naman ako makapag-isip ng idadahilan ko sa kanya.



Huwag mo nalang tanungin Mia. Baka naman kasi personal iyong dahilan.



Sabi ni Zelle kay Mia.



Ayy sorry Venice. hehe. Pasensya na talaga at napaka FC ko. Feeling close. hehe



Tumawa lang din ako kay Mia.



Pero promise talaga ha next time babawi ka. Aasahan namin iyan. Para naman makilala mo iyong
asawa ko. Excited nadin kasi siyang makilala ka.



Sabi ni Mia.



Excited nadin ako Mia.



Excited na akong magkita kami ni Kevin.



Excited na akong makaharap siya.



Excited na akong maagaw ko siya sayo.



At pag nagawa ko iyan. Magiging kawawa ka.



Nagpaalam na ako sa kanila saka ako tuluyang lumabas ng restaurant. Alam ko na hindi magiging madali
ang magiging hakbang ko mula ngayon. Kailangan kong pagplanohan ang lahat.



Kailangan kong ayusin ang lahat.



Kailangan kong maging handa.



I swear babawiin ko si Kevin.



Chapter 61: Back Off!




Sigurado ka bang ayaw mo ng magpasama?



Tanong ni Kevin sakin habang nasa loob kami ng kotse.



Oo. Hindi na kailangan. Gusto mo bang makita ka ng mga fans mo na nakapambahay lang?



Tanong ko kay Kevin.



Kahit na alam na ng buong University na kami na ni Kevin, andami parin niyang fans. Sixty percent ng
fans niya naging haters ko. Forty percent naman ang approve sakin para kay Kevin. Ang OA lang noh?
haha



Pero hanggang ngayon ang alam lang nila eh girlfriend ako ni Kevin. Hindi nila alam na nagsasama na
talaga kaming dalawa sa iisang bahay. Baka kung malaman nila maging ninety percent na iyong haters
ko.



Okay lang sakin basta makasiguro lang akong makakarating ka ng maayos sa classroom mo.



Sabi niya.



Dapat kasi eh may klase din si Kevin ngayon pero dahil na confined iyong professor nila eh wala silang
pasok. 1:30 pa iyong class niya.



Ayoko din sanang pumasok dahil classmate kami ni Jun ngayon. mabubweset na naman ako pero
kailangan eh.



Haha.. Nakakatawa ka talaga. Paano naman ako hindi makakarating ng maayos eh wala namang
kidnapper dito sa University.



Sabi ko sa kanya.



Over protective talaga si Kevin pero gusto ko ang ganung side ni Kevin. Ibig sabihin lang non eh ayaw
niyang mapahamak ako dahil importante ako sa kanya.



hihihi!!!



Malay mo baka meron.



Sabi ni Kevin.



Ehh!! Ang sabihin mo gusto mo lang talaga akong ihatid.



Sabi ko sa kanya sabay kurot sa magkabilang pisngi niya.



Aray! Aray!



Pagrereklamo ni Kevin pero tumawa lang ako. Nakakagigil talaga ang kagwapuhan niya minsan.



Alis na ako at baka malate pa ako ng dahil sayo.



Sabi ko kay Kevin.



Bubuksan ko na sana iyong pinto ng bigla nalang hinawakan ni Kevin ang kamay ko.



May nakalimutan ka Maybelline.



Lumingon naman ako at hinanap sa loob ng kotse kung ano man iyong tinutukoy niya.



Ano?



Tanong ko sa kanya dahil hindi ko talaga mahanap ang nakalimutan ko. Hawak hawak ko naman iyong
libro ko at nakapatong naman sa lap ko iyong bag ko.



Eto..



Bigla nalang hinawakan ni Kevin ang likod ng ulo ko habang hawak naman niya iyong isa kong kamay.



He titled his face in a forty five degree angle as his face slowly approached my face. Sigurado ako ngayon
na hindi siya nakikipagbiruan sakin kaya pinikit ko lang iyong mga mata ko until I felt his soft lips on my
lips.



Hindi ko alam kung ilang beses na naming ginawa ni Kevin to pero it felt like the first time everytime we
kiss.



As if Im on cloud nine.



Nabitawan ko iyong libro ko at napahawak sa batok ni Kevin habang magkahawak parin iyong isang
kamay namin sa isat isa.



We both gasped for air when we parted.



Good luck kiss for you.. hehe



Sabi ni Kevin sabay tawa pagkatapos naming kumalma.



Thank you. hehe



Iyon lang iyong tanging nasagot ko sa kanya.



Pasok ka na. Baka magbago pa ang isip ko at iuwi kita sa bahay.



Tumango lang ako at hinalikan si Kevin sa pisngi sa huling pagkakataon.



Goodluck kiss para sa pag-uwi mo. hehe



Sinuklian ako ni Kevin ng isang matamis na ngiti bago ako lumbas ng kotse niya.



Mabilis iyong lakad ko pagdating ko sa hallway. Para kasing late na ako dahil konti nalang iyong mga
estudyante sa paligid.



Maybe..



Lilingon na sana ako dahil parang narinig ko iyong boses ni Kevin pero bigla nalang may humila sakin ng
malakas.



Aray!! Aray!!! Ano ba? Bitawan mo nga kao.



Hindi ko makita iyong mukha niya dahil nakatalikod siya sakin habang hinihila niya ako.



Bingi ka ba? Sabi kong bitawan mo ako!!



Sinigawan ko na iyong lalaking humila sakin pero hindi parin siya tumitigil at hindi parin niya ako
binibitawan.



Patuloy parin niya akong hinihila ng malakas hanggang sa nakarating kami sa second floor at third floor.



HOY!!!



Kahit anong gawin kong pagpumiglas wala parin iyon sa lakas na meron siya.



Hanggang sa nakarating na nga kami ng rooftop.



Ano ba may klase pa ako!!



Saka lang niya binitawan iyong kamay ko. Napahawak ako sa may pulsuhan ko dahil sa sakit. Sobra iyong
pagkahigit niya.



Sino ka ba? At anong kailangan mo sakin?



Galit na tanong ko sa kanya. Nakatalikod parin siya sakin kaya hindi ko makita iyong mukha niya. Unti
unti siyang humarap sakin at nagulat ako ng makita ko iyong bweset na pagmumukha ni Jun.



MIA..



Ke aga aga nabubweset na naman ako.



Jun?



Unti unting lumapit sakin si Jun pero unti unti din akong humakbang paatras.



Walang hiya ka talaga!! Alam mo namang may klase pa ako. Sino namang nagpahintuloy sayo na dalhin
ako ng rooftop?



Nakakainis talaga si Jun. Sarap patayin at sakalin.



Im sorry Mia. Alam ko kasing hindi mo ako kakausapin kaya pinilit na kitang dalhin dito.



Kahit na takasan ko pa si Jun ngayon, alam kong hindi parin niya ako titigilan hanggat hindi niya
nagagawa ang gusto niya.



Mas mabuti ng pakinggan ko na kung ano man iyong gusto niyang sabihin para naman matahimik na
iyong kaluluwa niya.



Two minutes. Bibigyan kita ng dalawang minuto para sabihin ang gusto mong sabihin.



Sabi ko sa kanya habang nakatingin ako sa relo ko.



Mia naman.. Hindi kakasya..



Hindi ko na pinatapos si Jun sa pagsasalita dahil sinimulan ko na iyong dalawang minuto na binigay ko sa
kanya.



One minute and fifty seconds.



Pagreremind ko sa kanya.



Mia.. lumipat ako dito hindi lang para imbitahin ka sa birthday ng Mommy ko. Lumipat ako ng
university dahil gusto kong mapalapit sayo.



Ayoko sanang makinig sa sinabi ni Jun pero hindi ko maiwasan dahil kaharap ko siya.



Mia gusto kong humingi ng isa pang pagkakataon.



Mia Im sorry sa lahat ng nagawa ko. Ang tanga tanga ko dahil pinakawalan kita. Ang tanga tanga ko
dahil hindi kita inalagaan. Alam ko na ngayon na ako iyong tanga at hindi ikaw. Ang laki kong hangal.



Hindi parin ako nagsasalita dahil ayokong makipag-usap kay Jun.



Pero pagkatapos nong nangyari nong huli nating pagkikita, narealized ko na hindi ko kayang mawala ka.
Hindi ko kayang makita ka sa piling ng iba Mia.



Ni isang beses hindi ko tinignan si Jun. Baka masuka pa ako ng wala sa oras pag nakita ko iyong mukha
niya habang sinasabi niya iyong nakakadiri at parang tae na linya niya.



Ang linya niya na kasing dumi ng pagkatao niya.



Mia, tayo na lang ulit please.



Five.. four.. three.. two.. ONE..



Ito na ba ang scene sa one more chance nina John Lloyd at Bea kung san kailangan kong sabihin na..



He loved me at my worst. You had me at my best. But binalewala mo lang lahat yun... And you chose to
break my heart.



Tss.. Nakakadiri..



Kahit sa panaginip ayokong makatambal si Jun kahit kasing gwapo pa siya ni John Lloyd.



Mia..



Lumapit ulit si Jun sakin ng isang hakbang.



Tapos na ang dalawang minuto mo Jun kaya aalis na ko.



Tumalikod na ako kay Jun pero bago paman ako makahakbang papalayo sa kanya nahigit niya ulit ang
braso ko.



Mia gagawin ko ang lahat mabalik lang iyong pagmamahal mo sakin.



Sasampalin ko na sana ng malakas si Jun ng marinig ko ang boses ni Kevin mula sa likod ko.



Huli na ang lahat pare dahil kami na.



Nagningning ang mga mata ko paglingon ko kay Kevin. Ang gwapo niyang nilalang! Hindi ako
makapaniwala na kami na talaga.



Hinawakan ni Kevin ang kamay ko habang hawak naman ni Jun ang kabilang kamay ko.



Para kaming sandwich na tatlo at ako iyong palaman nila.



Hindi pa huli ang lahat. Girlfriend mo lang siya at hindi asawa kaya hangga't hindi pa kayo kasal may
pagkakataon parin ako para mabawi siya.



Sabi ni Jun sabay hila sakin papalapit sa kanya pero hindi ako bumitaw kay Kevin. Ayokong mapunta kay
Jun.



Hindi mo alam ang lahat kaya huwag kang magmarunong. Bitawan mo ang asawa ko!!



Hinila naman ako ni Kevin papunta sa kanya.



Ang kapal ng mukha mo para tawagin siyang asa. Hindi mo asawa si Mia!!



Hinila ulit ako ni Jun.



Bitawan mo siya sabi!!



Hinila ulit ako ni Kevin at hinila ulit ni Jun.



Potek!!



Ang sakit na!!



Pakiramdam ko mahihiwalay na iyong katawan ko sa dalawang braso ko dahil sa ginagawa nila.



Bitawan mo siya!!



AYOKO!!!



BITAWAN MO SIYA SABI!!!



Aaminin ko nong nagkahiwalay kami ni Jun at bago ko pa nakilala si Kevin. Minsan kong hiniling na sana
darating ang araw na aagawin ako ni Jun sa isang gwapong lalaki.



Kagaya sa mga nakikita kong drama sa TV.



Akala ko kasi ang haba haba ng hair ko pag nangyari sakin iyon.



Akala ko maganda sa pakiramdam.



Pero ngayon na dumating na iyong araw na hiniling ko eh parang gusto ko ng bawiin. Ang sakit sakti sa
kili-kili.



Ayoko ng mangyari ulit sakin to.



SINABI NG BITAWAN MO ANG ASAWA KO!!



Sigaw ni Kevin.



SINABI NG HINDI MO SIYA ASAWA!!!



Sigaw naman ni Jun.



Hinila nila ako ng hinila na parang hindi ako nasasaktan.



Ano ba!! NASASAKTAN AKO!!



Sumigaw na ako dahil talagang hindi ko na kaya iyong ginagawa nila. Hindi ko na kaya iyong sakit sa kili
kili at sakit sa tenga dahil sa sobrang lakas ng boses nila.



Agad naman silang bumitaw pareho.



Totoo iyong sinabi ni Kevin sa'yo Jun. Asawa na niya ako! Mag-asawa na kami dahil nagpakasal na kami
kaya wala ka ng dapat na gawin na paraan dahil huli ka na.



Hindi makapaniwala si Jun sa narinig niya pero wala na akong pakialam kung maniwala man siya o hindi.



Mia..



Umalis ka na nga. Ayokong makita iyang pagmumukha mo. Nang dahil sayo kaya hindi ako nakapasok
ng klase ko.



Wala nading ibang nagawa si Jun kundi ang umalis sa harapan namin ni Kevin.



Mabuti nalang talaga at hindi sila nagsuntukan.



Akala ko kasi eh magsusuntukan silang dalawa dahil pinag-aagawa nila ako. Iyong naman kasi iyong
nakikita ko sa mga dramas pero syempre iba iyong drama.



Mabuti nadin at hindi nila ginawa iyon dahil baka masira lang iyong mukha ni Kevin.



Pero nong minsan nag suntukan nadin sila at dinaya ni Jun si Kevin.



Bweset talaga si Jun sa buhay namin kahit kelan.



Pero bigla nalang nawala ang pagkabweset ko ng maramdam ko iyong yakap ni Kevin mula sa likod ko.



Bigla akong nakadama ng kilig. Bigla ulit sumulpot ang mga paru paru sa tiyan ko. Ito iyong tinatawag
nilang backhug na nakikita ko sa mga dramas.



hehehe!!



May problema ba?



Tanong ko kay Kevin habang tinago ko iyong naramdaman kong kilig.



Narealize ko lang na hindi ko pala kayang mawala ka Maybelline..



Mas lalo akong kinilig dahil sa sinabi ni Kevin.



Don't worry Kevin. Hindi naman ako mawawala sayo eh. Wala kang dapat ipag-alala.



I assured him.



Kahit na ano man ang humadlang samin ni Kevin kakayanin ko. Walang makakapaghiwalay samin.
Pwera nalang ang kamatayan.



Promise mo iyan ha?



Tumango lang ako saka ako humarap sa kanya.



Teka lang. Pano mo nalaman na andito kami ni Jun sa rooftop?



Nakakapgtaka kasi dahil bigla nalang sumulpot si Kevin. Eh akala ko kasi umuwi na siya sa bahay namin.




Sinundan kasi kita kanina dahil naiwan mo tong libro mo. Tinawag kita kanina pero bigla nalang may
humila sayo. Kaya agad akong umakyat dito sa rooftop.



Binigay ni Kevin sakin iyong libro. Nabitawan ko pala to dahil sa intimate scene namin kanina ni Kevin
sa kotse.



Namula naman ako habang iniisip ko iyong nangyari samin.



Ikaw pala iyong tumawag sakin kanina? Akala ko kasi guni guni ko lang iyon. Pero thank you Kevin.



Kung hindi dumating si Kevin hindi ko na talaga alam kung anong nangyari.



Pero diba sabi mo eh sinundan mo kami? Bakit parang natagalan ka ata?



Kung sinundan agad kami ni Kevin eh di sapat kanina pa siya umabot. Pero ilang minuto din ang lumipas
bago siya sumulpot.



Eh kasi bigla akong na stranded kanina sa second floor. Bigla ba naman akong pinagkaguluhan ng mga
girls at kinunan ng picture? Buti na nga lang at nakatakas ako. Pinagpawisan ako sa kanila.



Natawa ako kaka-imagine kung anong nangnyari kay Kvein.



Hahah!!



Parang siyang nirape ng 100 girls..



hahaha!!



Pano ba naman kasi. Naka shorts at sando ka lang. Kahit nga naka uniporme ka eh pinagkakaguluhan ka
ngayon pa kaya na ganyan ang suot mo? hahah



Tumawa parin ako ng tumawa dahil sobrang nakakatawa talaga iyong nangyari sa kanya.



Hindi ko talaga maimagine.



Baka may nag tag na nga sakin sa facebook ng mga picture ni Kevin kung san siya dinumog ng mga girls.



hahaha!!



Bakit ka tumatawa?



Tanong ni Kevin.



Eh nakakatawa kasi eh. hehe.. Pero thank you talaga. Pano na iyan ngayon? Late na ako sa klase ko.
Nakakahiya naman kung papasok pa ako eh thirty minutes nalang iyong natitira para sa next subject ko.



Sabi ko kay Kevin.



Punta na muna tayo sa cafeteria. Samahan kita don.



Ehh? Baka naman guluhin ka ulit nga mga schoolmates natin.



Pag-aaalala ko.



Oo nga noh. Dito nalang muna tayo, Mas mabuti dito walang tao. Magagawa natin iyong ginawa natin
kanina sa kotse.



Sabi ni Kevin.



hahahaha!!!





Chapter 62: Mia's Secret





Hello Zelle? Asan na kayo?



(Papunta na kami sa usapan natin Mia. Kasama ko si May at si Aya.)



Cge. Magkita nalang tayo don. Papunta nadin ako.



Saka ko pinindot iyong end button ng phone ko. Im on my way to the mall kasama ang mga kaibigan ko.
Ayoko sanang sumama sa kanila dahil sobrang pagod iyong katawan ko pero pinilit talaga nila ako.



Kevin aalis na ako.



Paalam ko kay Kevin habang nakaupo siya sa couch at nanonood ng telebisyon.



Sige mag-iingat ka.



Pero hindi ko parin hinakbang ang mga paa ko dahil hindi iyong ang gusto kong marining mula sa kanya.



Akala ko kasi sasabihin niyang..



Ihahatid na kita.



Hindi mo man lang ba ako ihahatid?



Tanong ko sa kanya habang nakatalikod parin siya sakin.



San ka ba pupunta?



Sa mall.



Sagot ko.



Malapit lang naman iyan. Mag taxi ka nalang.



Hindi ko talaga maintindihan si Kevin. Kagabi lang ang sweet sweet namin sa isat isa pero ngayon
parang nag iba na naman iyong ihip ng hangin. Kung hindi lang talaga siya lalaki iisipin ko talagang may
dalaw siya ngayon.



Eh di huwag. Magtataxi nalang ako. Huwag mo nadin akong hintayin sa lunch dahil gagabihin kami.



Mataray na sambit ko sa kanya pero hindi man lang siya sumagot sakin kahit na okay.



Tss.



Tinungo ko na iyong pinto at padabog na isinara iyon. Wala si Manang ngayon dahil day off niya kaya
bahala na si Kevin kung ano man ang lulutuin niya para sa sarili niya.



Naglakad ako papalabas ng subdivision namin para maghanap ng taxi. Mabuti nalang at nakahanap ako
agad.



Manong sa West Mall tayo.



Sabi ko sa driver pagpasok ko sa taxi.



*riing* *ring*



+639********* Calling



Pinindot ko iyong end call button dahil hindi ako iyong tipo na basta basta nalang tumatanggap ng tawag
sa unknown numbers. Madaming manloloko sa paligid.



Ibabalik ko na sana iyong cellphone ko sa bag ng muli itong tumunog.



*riing* *riing*



Sino naman kaya itong tumatawag?



Hindi niyo ho ba sasagutin Maam?



Tanong ng driver sa akin.



Ahh hindi Manong. Hindi ko rin naman kasi kilala kung sino.



Baka ho importante iyan Maam hindi lang natin alam.



Sabi ni Manong driver.



Sa totoo lang tama rin naman iyong sinabi ni Manong. Pano kung importante nga itong tumatawag
tapos idededma ko lang?



Pinindot ko na iyong answer button para malaman ko kung sino iyong tumawag.



Hello?



Hello?



Hello?



Nakatatlong hello na ako pero hindi parin sumasagot iyong kabilang linya. I checked the screen of my
phone dahil baka naputol na iyong tawag pero andun parin naman.



Hello?



Ito na nga ba iyong sinasabi ko kung bakit ayaw kong tumatanggap ng tawag mula sa hindi ko kakilala
dahil alam kong wala lang silang magawa sa buhay kaya nang iistorbo sa ibang tao.



Hello? Kung hindi ka parin magsasalita ibababa ko na talaga ito.



Sambit ko sa kanya pero hindi parin siya nagsalita.



Ibaba ko na sana iyong tawag pero bigla nalang nagsalita iyong tumawag.



Mia...



I swear sobrang kilala ko iyong boses niya. Na badtrip na anga ako kanina kay Kevin dahil hindi man lang
niya ako hinatid tapos ngayon dadagdag na naman si Jun sa pagkabadtrip ko.



San mo nakuha ang number ko?



Galit na tanong ko sa kanya.



Simula nong mag break kami ni Jun pinalitan ko na iyong phone number ko. Hindi dahil sa ayokong
tawagan pa ako ni Jun dahil alam ko naman na hindi niya gagawin iyon. Nagpalit lang ako ng number
dahil ayokong may dahilan pa ako para itext o tawagan siya para makipagbalikan. Gusto kong kalimutan
siya agad non dahil sa sakit na dinulot niya.



Binayaran ko iyong classmate natin para makuha iyong number mo Mia. Sorry.



Tss..



Bweset talaga si Jun kahit na kailan. Nabubweset ako dahil palagi nalang niyang ginagamit ang pagiging
gwapo at pagiging mayaman niya para makuha niya ang lahat ng gusto niya. Kahit non pa iyon na iyong
issue ko sa kanya pero dahil mahal ko siya non hindi ko siya magawang iwan. Except nong time na
nalaman kong napilitan lang siya sakin.



Nakakainis ka Jun. Huwag na huwag mo na akong tawagan ulit.



Pagbabanta ko sa kanya.



Mia gusto ko lang makausap ka. Please..



Hindi ko na pinatapos si Jun dahil tinapos ko na iyong tawag niya. Akala ko talaga hindi na tatawag muli
si Jun pero ilang beses niyang ginawa iyon kaya napilitan na akong patayin iyong phone ko.



Andito na po tayo Maam.



Sabi nong driver.



Thank you Manong.



Ibinigay ko na iyong bayad ko saka ako lumabas ng taxi at pumasok ng mall. Kahit naka off iyong phone
ko alam ko naman kung san ko mahahanap ang mga kaibigan ko. Sa paboritong restaurant ni Aya.



Dumeretso na ako don at lumapit sa table nila.



Andito ka na pala Mia.



sabi ni Aya habang kumakain siya ng spaghetti.



Kumakain ka na naman.



Sabi ko sa kanya saka ako umupo sa tabi ni Zelle. Kaharap ko si May at si Aya.



Bakit masama ba? Paminsan minsan lang naman eh.



Tumawa nalang kaming tatlo dahil ang paminsan minsan ni Aya hindi paminsan minsan lang.



Siyanga pala. Bakit tayo andito ngayon?



Tanong ko sa kanila.



Wala lang Mia. Matagal na kasi tayong hindi nakapag bonding na tayo lang.



Sabi ni Zelle.



Tama nga si Zelle. Matagal nadin kaming hindi nakapagbonding na kami lang apat. Parati kasi naming
kasama ang mga boyfriend namin sa tuwing lumalabas kami.



So san tayo ngayon?



Tanong ko kay May.





Window shopping lang tapos manood tayo sine.



Sabi ni May.



Tumango lang ako.



Oo nga pala Mia. Kanina ka pa namin tinatawagan pero naka off iyong phone mo. Akala nga namin eh
hindi ka na darating.



Sabi ni Zelle.





Ahh si Jun kasi tumawag sakin at kinukulit ako kaya pinatay ko. Medyo natagalan ako dahil sa traffic.



Sabi ko sa kanya.



Hindi ka ba hinatid ni Kevin?





Tanong ni Aya.



Hindi eh. Ewan ko nga don kung anong nangyari sa kanya at parang wala sa mood.



Sabi ko.



Ginugulo ka parin ba ni Jun?



Tanong naman ni May.



Tumango lang ako.



Mabuti pa huwag na natin siyang pag usapan. Nababadtrip lang ako sa kanya.



Kumain na muna kaming apat bago kami nag ikot ikot sa mall para mag window shopping. Wala naman
akong kailangan bilhin dahil nakapag grocery na kami ni Kevin nong isang araw.



Si Zelle naman bumili ng sapatos dahil na love at first sight daw siya don.



Si May naman at Aya bumili din ng mga damit. Bibili din sana ako ng damit kaso lang eh wala akong
nagustuhan.



Akala ko eh mag wiwindow shopping lang kami pero it turns out na nagshopping talaga sila. Ako lang
iyong nag window shopping.



Dahil sa sobrang nalibang kami sa pamimili at pagtitingin sa mga paligid eh hindi ko namalayang malapit
na palang mag 4 pm.



Manood na tayong sine Mia. Maganda ang palabas ngayon. Secret affair. Go na tayo.



Sabi ni Aya habang dala dala niya iyong apat na paper bag.



Huwag na lang kaya? 4 pm na eh. Sigurado ako gagabihin na tayo niyan. Baka hanapin ako ni Kevin.



Pagtanggi ko kay Aya.



Sinabi ko kay Kevin na huwag na niya akong hintayin dahil gagabihin kami pero dala lang naman iyong ng
galit ko dahil hindi niya ako hinatid.



Ayoko ng manatili pa sa mall at manood ng sine dahil bigla ko nalang namiss si Kevin. Dahil siguro sa
hindi maganda iyong paghihiwalay namin sa bahay.



Sus. Ano ka ba ang KJ mo talaga. Halika na nga.



Bigla akong hinila ni May at ni Aya papunta sa sinehan habang kumuha naman ng ticket si Zelle at bumili
nadin ng popcorn.



Alam ko minsan lang kaming lumabas pero hindi ko talaga maiwasan na hindi magalala para kay Kevin.



Pagpasok namin ng sinehan nagsimula naman iyong palabas. Sakto lang talaga iyong pagpasok namin.
Pero wala pa sa kalahati ang palabas ng tumayo ako dahil hindi ko na talaga kaya.



Comfort room lang ako.



Signal ko sa kanila saka ko tinungo iyong comfort room. Hindi naman talaga ako tumayo dahil tinawagan
ako ng kalikasan. Tumayo ako dahil kailangan kong tawagan si Kevin. Baka nag-aalala na siya sakin.



Pinindot ko iyong on button ng phone ko. Hindi na siguro ako kukulitin ni Jun ngayon. Baka nagsawa na
iyong kakatawag sakin.



54 missed calls



5 messages



+639*********



Mia kailangan nating mag usap.



Please Mia may gusto lang akong sabihin.



Mia magreply ka naman.



Im sorry Mia. Ayokong gawin sayo to pero kailangan. Maghihintay ako dito sayo sa park kung ayaw
mong mabunyag ang secreto mo.



Hindi ko na sana papatulan iyong text message ni Jun dahil alam kong tinatakot lang niya ako para
makipagkita siya sakin pero pagkatapos kong mabasa ang huling message niya sobra akong nagulat.



Paano nalaman ni Jun ang tungkol dito?



Alam ko hindi nagbibiro si Jun. Kailangan ko siyang makita ngayon.



Lumabas na ako ng sinehan nang hindi nagpapaalam sa tatlong kaibigan ko. Wala na akong oras para
bumalik sa upuan ko at magpaliwanag sa kanila.



Paglabas ko ng mall madilim na. Sana hindi pa huli ang lahat.



Pumara agad ako ng taxi.



Green Park Manong.



Sabi ko sa driver.



Pakibilisan din po Manong. Nagmamadali po ako.



Sige po Maam.



Mabuti nalang at hindi masyadong traffic. Pagkatapos ng twenty minutes nakarating nadin ako ng park.



Akala ko talaga hindi ko na maaabutan si Jun sa park. Sobrang tagal na ng huling punta ko sa park na ito.
Palagi kami ni Jun dito noon dahil malapit lang ito sa dati naming University.



Sobrang laki na ng pagbabago ng park. Gaya ng pagbabago ko at pagbabago ng nararamdaman ko para
kay Jun.



Mabuti naman at dumating ka.



Sabi ni Jun.



Nakatingin lang ako ng deretso sa kanya. Hindi ko alam kung anong gusto niyang mangyari at
binablackmail niya ako.



Pano mo nalaman ang tungkol don?



Tanong ko sa kanya.



Hindi na mahalaga iyon. Maupo ka na muna.



Sabi ni Jun.



Hindi na kailangan. Sabihin mo lang kung anong gusto mong gawin ko para matahimik na iyang
kaluluwa mo.



I told him using my coldest voice.



Maupo ka na muna dito sa tabi ko Mia. Wala naman tayong hinahabol na oras eh. Mahaba pa ang
gabi.



Sabi niya sabay tingin sa relo niya pero hindi ko siya sinunod. Ayoko ngang makita ang pagmumukha niya
tapos gusto pa niyang paupuin niya ako sa tabi niya.



Nababaliw na ba siya?



Naalala mo ba ang park nato? Dito mo ako sinagot.



Sabi ni Jun.



Tss..



Baliw na talaga siya.



Bakit naman niya binabalikan ang tungkol sa nakaraan namin. Para sakin isang bangungot ang lahat ng
nangyari noon. Isang bangungot na gusto kong kalimutan. Isang bangungot na gusto kong ibaon sa lupa.
Pero kahit kailangan alam kong hindi ko matatakasana ng bangungot na iyon.



Sinagot kita dahil akala kong mahal mo ako. haha. Para akong tanga non. Siguro sa araw araw na
magkasama tayo non pinagtatawanan mo ako. Dahil nagawa mong lokohin akol. Nagawa mong paikutin
ako sa mga kamay ko.



Sabi ko sa kanya ng mapakla.



Im sorry talaga Mia. Alam ko kasalanan ko ang lahat ng iyon pero nagbago na ako. Gusto kong
magbago para sayo. Please Mia. Bigyan mo lang ako ng isa pang pagkakataon.



Ang alam ko eh matalino naman itong si Jun kahti papano pero bakit hindi niya maintindihan ang
salitang HINDI.



Hindi na pwede.



Mahirap bang intindihan ang katagang iyan?



Pumunta ako dito hindi para pag usapan ang tungkol sa nakaraan natin. Sabihin mo na kung anong
kailangan mong gawin ko para tumahimik ka.

Ulit ko sa kanya.



Walang dapat makaalam ng sekreto ko.



Walang dapat makaalam ng ginawa ko.



Kahit na ang mga kaibigan ko.



Lalong lalo na si Kevin.



Ayokong gamitin ang nalaman ko against you Mia pero you left me with no choice. Kung hindi ko sinabi
iyon sayo alam kong hindi ka pupunta dito para makipag kita sakin.



Sabi ni Jun.



I am so tired listening to his voice. Listening to his lies and listening to all his shits.



Just get straight to the point Jun!!!



Sigaw ko sa kanya dahil sobrang napikon na ako.



Hindi maganda iyong simula ng araw ko dahil hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit napaka
strange ni Kevin kanina at ayokong matapos ang araw ko ng hindi maganda.



Pumunta ka sa birthday ng Mommy ko Mia.



Inabot ni Jun ang isang envelope.



I bet its an invitation for Titas birthday.



Hindi ko pa kinuha iyong envelope.



Paano ako makakasigurado na hindi mo ako aahasin pag pumunta ako sa birthday ng Mommy mo?



Tanong ko kay Jun.



I promise Mia. Pagkatapos mong pumunta sa birthday ng Mommy ko hindi ko na gagamitin ang
nalaman ko against you.



Sabi ni Jun.



Tumango lang ako at kinuha iyong envelope na inabot ni Jun.



Sa totoo lang hindi ko talaga alam kung nagsasabi ba siya ng totoo pero kailangan kong gawin ang gusto
niya para lang mananatiling sekreto ang sekreto ko.




Chapter 63: Preparations




Kevins POV





Hello Zelle?



(Oh Kevin? Napatawag ka?)



May gusto lang sana akong hingin sayong pabor. Kung okay lang?



(Oo naman. Kung maka tanong naman to parang wala tayong pinagsamahan. Ano iyon?)



Ano kasi. Bukas ng gabi gusto kong sorpresahin si Maybelline. Third month na namin bukas simula nong
ikinasal kami pero hindi pa kami nakakapag celebrate. Nabasa ko kasi sa internet kanina na mahilig
kayong mga babae sa ganyang celebration.



(Yieee!!! Talaga Kevin? Hindi ata nabanggit ni Mia ang tungkol diyan. Sige tutulong ako. Ano bang
magagawa ko?)



Isama mo lang si Maybelline kahit san bukas para hindi niya ako mahalata. Magkita nalang tayo ng 7
pm bukas at isama mo siya.



(hehehe. Nakakakilig naman kayo. Sige ba. Iyon lang naman pala.)



Thank you Talaga Zelle.



Ibinaba ko na iyong phone ko at pinatong sa bedside table.



Sino iyon?



Nagulat ako ng biglang binuksan ni Maybelline ang pinto ng kwarto namin at pumasok. Narinig niya kaya
iyong sinabi ko? Sana naman hindi.



Ahh si Axel. May itinanong lang. Tapos ka nang kumain?



Tanong ko sa kanya para mabaling sa iba iyong topic namin.



Oo. Bakit hindi ka sumabay sakin?



Tanong niya saka siya umupo sa couch at nanood ng telebisyon.



Busog pa kasi ako eh at wala akong gana.



Ang totoo niyan, hindi ako sumabay sa kanya sa pagkain dahil tinawagan ko lahat ng kaibigan ni
Maybelline para humingi ng pabor sa kanila para bukas. Mabuti nalang at napapayag ko silang lahat.
Sina Axel, Mark at Jerome naman ang tutulong sakin na mag-ayos ng venue.



Simpleng dinner lang ang ihahanda ko bukas pero sa halip na sa restaurant kami kakain, gusto ko ako
mismo ang mag-aayos ng mga props sa paligid namin para mas maging romantic.



Wala kang gana? Baka naman magkasakit ka niyan. Gusto mo ikuha kita ng kahit sandwich lang?



Tanong niya pero umiling lang ako at lumapit sa couch para tabihan siya.



Huwag na. Nakikita lang kita ngayon busog na ako.



Sinundot naman niya iyong braso ko.



Ikaw talaga Kevin. Pinapakilig mo na naman ako.. hihihi



Ang cute cute talaga ni Maybelline sa tuwing sinasabihan niya ako ng ganyan. hahah



...




Hello Zelle? Asan na kayo?



Narinig ko si Maybelline habang kausap niya si Zelle sa cellphone niya. Mabuti naman at maaga silang
aalis ngayon. Mas maaga, mas madami akong magagawang preparasyon para mamaya.



Cge. Magkita nalang tayo don. Papunta nadin ako.



Kahit nakaharap ako sa telebisyon, wala akong naintindihan kahit na isang salita dahil naka focus iyong
tenga ko kay Maybelline.



Kevin aalis na ako.



Paalam ni Maybelline sakin pagkatapos niyang makipag usap kay Zelle. Naalala ko iyong sinabi sakin ni
Axel kagabi, dapat daw maging konting cold ako kay Maybelline para mamaya eh mas ma surprise siya
sa gagawin ko.



Sige mag-iingat ka.



Tanging sambit ko sa kanya habang nakatalikod parin ako sa kanya at nagpapanggap na busy sa panood
ng telebisyon.



Ang totoo niyan gusto ko talaga siyang ihatid sa mall pero mas mabuti ng huwag nalang para mas
makapag simula na agad ako sa gagawin ko.



Hindi mo man lang ba ako ihahatid?



Tanong ni Maybelline sakin. Alam ko na inisip niyang ihahatid na kita ang sasabihin ko. Sa tuwing aalis
siya ng bahay at may pupuntahan palagi ko siyang ihahatid kahit na sobrang layo pa ng pupuntahan niya
pwera nalang ngayon.



Nanatili parin ang mga mata ko sa telebisyon kahit na hindi naman talaga ako interesado sa palabas.



San ka ba pupunta?



Tanong ko sa kanya.



Sa mall.



Malapit lang naman iyan. Mag taxi ka nalang.



Im sorry Maybelline. Malalaman mo rin mamaya kung bakit ganito nalang ako kung umasta sayo
ngayon. Kailangan lang talaga. Maiintindihan mo rin mamaya.



Eh di huwag. Magtataxi nalang ako. Huwag mo nadin akong hintayin sa lunch dahil gagabihin kami.



Mataray na sigaw ni Maybelline. Alam ko hindi niya nagustuhan ang trato ko sa kanya pero wala

na akong magagawa.



Tinungo niya iyong pinto at padabog na isinara iyon.



Manang pwede ka ng lumabas.



Sigaw ko kay Manang pagkatapos lumabas ni Maybelline sa bahay namin. Ang totoo eh inakala ni
Maybelline nag day off si Manang. Day off naman talaga ni Manang pero pinakiusapan ko siya para
magluto ng dinner namin ni Maybelline.



Wala na ba siya iho?



Tanong ni Manang paglabas niya sa banyo.



Wala na Manang. Salamat talaga at pumayag kayo sa pakiusap ko. Huwag po kayong mag-alala dahil
dodoblehin ko po ang sahod niyo ngayong buwan.



Sambit ko kay Manang.



Naku Kevin hindi na kailangan. Ginagawa ko ito hindi lang dahil pinakiusapan mo ako kundi dahil nadin
kay Mia. Gusto ko siyang pasiyahin at gusto ko kayong tulungan.



Ang swerte namin kay Manang dahil sobrang bait nito.



Dumeretso na kami ni Manang sa Chateau Garden. Sobrang layo pa ng lugar na iyon sa bahay namin
dahil nasa bandang bundok iyon.



Pagdating namin ni Manang sa venue andun nadin pala sina Axel, Jerome at Mark.



Pare.. kanina kanina pa kayo?



Tanong ko sa kanilang tatlo pagbaba ko ng kotse.



Hindi masyado pare. Ano? Simulan na natin?



Tanong ni Axel saka kami tumango lahat.




.




*riiing* *riing*



Dinukot ko iyong phone ko mula sa bulsa ko pagkatapos kong marinig na tumunog ito.



(Kevin tapos na ba kayo diyan? Gusto ng umuwi ni Mia.)



Huwag Zelle. Hindi kayo pwedeng umuwi dahil walang tao sa bahay namin ngayon. Mabuti pa libangin
niyo na muna. 7 pm mo na siya dalhin dito.



(O sige sige. Pipilitin nalang namin siya na manood ng sine. Tatawag nalang ulit ako pag papunta na kami
diyan.)



Sige. Salamat talaga Zelle.



Konti nalang at kulang at ayos na ang lahat. Tinulungan na kami ng mga staffs ng Chateau Garden para
mas lalong mapadali ang pag-aayos. Hindi din pala madali ang lahat.



Pwede din naman kaming mag order ng pagkain nila dahil nagseserve naman sila pero alam ko mas
magugustuhan ni Maybelline ang mga luto ni Manang.



Pagkapos ng dalawang oras natapos nadin at naayos na ang lahat.



Nakatingin lang kaming lahat sa isang table na may kandila sa gitna at may madaming bulaklak sa
paligid. Isang salita lang ang kaya kong ibigay sa nakita ko.



PERFECT



Sigurado akong magugustuhan ito ni Maybelline. Alam kong mawawala ang lahat ng tampo niya sakin
kaninang umaga pagkatapos niyang makita to.



Tumawag na ba si Zelle pare?



tanong ni Mark sakin.



Hindi pa. Nanood pa siguro iyong ng movie pero pupunta nadin dito iyon maya maya.



Sabi ko sa kanya.



Nagpahinga na muna kaming lahat. Sobra ko silang naabala kaya babawi ako sa kanila bukas na bukas
din.



Hindi ka pa ba magbibihis iho?



Tanong ni Manang sakin.



Mamaya na po siguro Manang.



Mabuti pa magbihis ka na ngayon. Malay mo baka parating na dito sina Mia tapos hindi ka pa bihis.



Alam mo pare tama si Manang. Mas mabuti pang magbihis ka na ngayon.



Sabi naman ni Jerome.



Sige pare.



Sabi ko sa kanila.




Ahh pare mauna na pala kami dahil baka makaistorbo pa kami. Enjoy nalang.



Sabi ni Axel.



Sige mag-iingat kayo.



Ihahatid nalang namin si Manang sa bahay niyo.



Sabi ni Mark.



Salamat talaga pare pangako babawi ako bukas. Ililibre ko kayo kahit na san niyo gusto.



Sabi ko sa kanila.



Asahan namin iyan ha.



Sabi ni Jerome. Tinapik nila isa isa ang balikat ko saka sila kumaway.



Mauna na ako iho ha. Goodluck sa inyo ni Mia.



Sabi naman ni Manang.



Dala niyo po ba ang susi ng bahay Manang?



Tanong ko sa kanya. Baka kasi hindi niya dala ang susi at hindi siya makapasok ng bahay.



Oo nasa sakin.



Isa isa silang nagpaalam saka ako kumaway sa kanila.



Pagkatapos nilang makaalis eh pumasok na ako ng room sa Chateau Garden para magbihis. Nirentahan
ko ang room buong gabi para don na kami makapag pahinga ni Maybelline pagkatapos ng dinner namin.
Hassle kung uuwi pa kami ng bahay dahil masyadong malayo ang lugar na to.



Pagkatapos kong magbihis naupo na ako don sa upuan sa table namin. Habang tinitignan ko ang paligid
sobra akong namangha sa view. Kitang kita ang buong city habang punong puno ito ng ibat ibang kulay
ng ilaw.



Tinignan ko ang relo ko dahil hindi parin tumatawag si Zelle.



7 pm na. Papunta na kaya sila dito?



Naghintay pa ako ng limang minuto pero hindi parin siya tumawag kaya naisipan kong tawagan nalang
siya.



Kinuha ko iyong phone ko at hinanap ang pangalan ni Zelle sa contacts.



*riiing* *riiing*



*riiing* *riiing*



*riiing* *riiing*



*riiing* *riiing*



Nakailang ring na ito pero hindi parin siya sumasagot.



Baka hindi pa tapos ang palabas na pinapanood nila?



Tumayo na muna ako at naglakad lakad sa paligid.



Ano kaya ang magiging reaksyon ni Maybelline mamaya pag nakita niya ang lahat ng to? Iiyak kaya siya?
Tatawa? yayakapin kaya niya ako?



hehehe!



Kahit na ano pa ang magiging reaksyon niya alam kong masisiyahan at masosorpresya siya.




Zelles POV




*riiing* *riiing*



*riiing* *riiing*



*riiing* *riiing*



*riiing* *riiing*



May.. Aya.. tumatawag si Kevin. Anong sasabihin ko?



Natatarantang tanong ko sa kanilang dalawa.



Relax Zelle!! Relax lang..



sabi ni May.



Paano ako rerelax? Nawawala si Mia. Anong gagawin ko?



Huwag mo na munang sagutin Zelle.



Sabi naman ni Aya.



Tumango lang ako at hinayaan na mag ring ng mag ring ang phone ko.



Tatawagan ko ulit si Mia.



Sabi ni May.



Tinawagan nya ulit si Mia pero nakapatay parin ang phone niya at hindi parin siya ma contact.



Nagpaalam lang kanina si Mia samin na pupunta lang siya ng Comfort Room pero hindi parin siya
bumabalik. Hindi namin alam kung san na siya nagpunta.



Hindi rin namin alam kung ano na ang nangyari sa kanya.



Anong sasabihin natin kay Kevin?



Tanong ko sa kanila.



Hindi ko din alam Zelle.



Sabi ni Aya.



Mas mabuti pa hanapin nalang natin si Mia ngayon tapos dalhin natin siya agad sa venue.



Sabi ni May at tumango naman kaming lahat. Walang mangyayari kung tatayo lang kami dito at
maghihintay ng milagro.



Pero pano si Kevin?



Tanong ko kay May.



Itext mo nalang siya na papunta tayo.



Sabi ni May.



Pero pano kung hindi natin mahanap si Mia?



Tanong naman ni Aya kay May.



Huwag kang mag-isip ng ganyan Aya. Mahahanap natin si Mia. Kailangan nating mahanap si Mia.



Sabi ni May.



Nagtype na ako ng text message para kay Kevin. Alam ko pagsisinungaling ang gagawin ko pero
kailangan ko lang gawin para hindi masira ang lahat ng pinagpaguran ni Kevin.



Kevin huwag kang mag-alala papunta na kami diyan sa venue kasama si Mia. Hintayin mo lang kami.
Basta dadalhin namin si Mia diyan.





...






Kevins POV


Ilang oras na akong naghihintay pero hindi parin sila dumarating. Hindi ko alam kung papunta na ba sila
dito o hindi ba.



*riiing* *riing*



Ilang beses ko nading tinawagan si Zelle pero hindi parin niya sinasagot ang tawag ko.



Tinigil ko na ang pagtawag kay Zelle at hinanap ang pangalan ni Maybelline sa contacts ko at tinawagan
siya.



The number you have dialed is either unattended or out of coverage area.



Hindi ko na talaga alam kung anong iisipin ko pero kinakabahan ako. Pano kung may masamang nangyari
sa kanila habang papunta sila dito?



Paano kung..



Tss..



Maybelline? Nasan ka na ba?



Tinawagan ko ulit ang cellphone ni Maybelline pero ganun parin.



The number you have dialed is either unattended or out of coverage area.



Dapat na ba akong umalis? Pero papano ang lahat ng to?



Walang saysay ang lahat ng pinagpaguran ko kung wala si Maybelline dito.



Kinuha ko na iyong susi ng sa bulsa ko at tinungo ang kotse ko.



*beep* *beep*



Zelle



Kevin huwag kang mag-alala papunta na kami diyan sa venue kasama si Mia. Hintayin mo lang kami.
Basta dadalhin namin si Mia diyan.



Bigla nalang akong napangiti sa nabasa ko. Akala ko talaga may masama nang nangyari.



Lumabas ulit ako ng kotse at inayos ang coat ko at umupo na don sa upuan.



Ilang minuto nalang at darating na si Maybelline. Matutuloy narin ang celebration namin.



thirty minutes..



fifty minutes..



one hour..



two hours..



three hours..



four hours..



Excuse me Sir. Matutuloy pa po ba ang..



Hindi ko na pinatapos ang staff na lumapit sakin sa pagsasalita niya dahil tumayo na ako.



Pakiligpit nalang ang lahat ng to.



Utos ko sa kanya.



Sigurado po ba kayo Sir?



Tumango lang ako at dumeretso na sa kotse ko para umuwi. Hindi ko alam kung anong dahilan ni
Maybelline at hindi siya nakapunta dito pero sobra akong nasaktan.





Chapter 64: Antagonist





Kung wala ka ng iba pang sasabihin aalis na ako.



Mataray na sambit ko kay Jun.



Ihahatid na kita Mia.



Sabi niya.



Hindi na kailangan. Kaya ko na ang sarili ko.



Sabi ko sa kanya saka ako tumalikod at naglakad papalayo sa kanya.



Natatakot ka bang makita tayo ni Kevin?



Hindi ko na pinansin pa ang tanong ni Jun at patuloy na na naglakad papalayo sa kanya.



Pumara na agad ako ng taxi para umuwi ng ng bahay. Gusto ko ng makita si Kevin.



*beep* *beep*



Kinuha ko iyong phone ko sa bag saka ko binasa ang text message.



Venice


Hi Mia. Pwede ba tayong magkita ngayon? Nasa marflex resto ako ngayon.



Magtatype na sana ako ng reply para kay Venice ng biglang mag shutdown ang phone ko.



Dead batt?



Manong sa marflex resto nalang tayo.



Sabi ko sa driver.



Okay lang naman siguro kung hindi na muna ako uuwi. Nasabihan ko din naman si Kevin kaninang
umaga na gagabihin ako.



Oppss!!



Pano sina Zelle, May at Aya? Naalala ko na hindi pa pala ako nakapag paalam sa kanila.



Ehhh..



Tatawagan ko nalang sila pag uwi ko ng bahay. Im sure maiintindihan nila ako. Hindi naman siguro nila
ako hahanapin dahil alam naman nila na hindi ko talaga feel iyong sine bonding namin dahil gusto ko ng
umuwi. Pero ngayong nagtext si Venice, nag-iba ang ihip ng hangin. Parang gusto kong makipagbonding
sa kanya.



Pagkatapos ng isang oras nakarating nadin ako ng marflex resto. Malapit lang naman iyon sa park pero
medyo natagalan ako dahil sa traffic.



Salamat Manong.



Binayaran ko na si Manong saka ako pumasok ng marflex resto.



Venice!



Kumaway ako sa kanya pagkatapos ko siyang makita sa isang table.



Hi Mia!



Kumaway din siya sakin saka ako lumapit sa kanya.



Akala ko hindi ka darating. Hindi ka kasi nagreply sa message ko. Uuwi na sana ako. hehe



Sabi ni Venice pagkatapos kong maupo sa harap niya.



Pasensya na Venice hindi na ako nakapagreply dahil na dead batt na iyong phone ko. Buti nga at nabasa
ko pa iyong message mo. hehe.



Sabi ko naman sa kanya. Ewan ko ba kung bakit ang gaan ng loob ko kay Venice.



Mag order na tayo? Treat ko.



Sabi ni Venice.



Treat mo na naman? Nong isang beses treat mo din. Ako naman ang magbabayad ngayon.



Sabi ko sa kanya.



Nakakahiya na kasi dahil nong isang beses na nagkita kami sa coffee shop malapit sa university namin
siya iyong naglibre sakin.



Sigurado ka? Okay lang naman sakin Mia.



Tanong ni Venice sakin.



Oo okay lang. hehe.



Nag order na kami ni Venice sa waiter na lumapit samin at hinintay na dumating iyong food.



Oo nga pala Venice. Bakit mo pala ako inimbitahan? May okasyon ba?



Tanong ko kay Venice.



Wala naman Mia. Wala kasi iyong parents ko. May business trip kasi sila. Ayoko namang kumain ng
mag-isa sa bahay kaya lumabas nalang ako. Naisip kita kaya naman tinext kita kung pwede ka. Hindi ba
ako nakakaabala sayo?



Hindi Venice noh. Masaya nga ako at tinext mo ako. Medyo badtrip kasi ako kanina. Kailangan ko kong
makahinga at timing naman iyong text mo.



Badtrip? Bakit naman? Nag-away ba kayo ng husband mo Mia?



Tanong ulit ni Venice.



Magaan ang loob ko kay Venice pero parang ayokong sabihin sa kanya ang lahat. Para kasing may
tinatago siya sakin. Pero baka nag ooverthink lang ako. Siguro naman wala siyang tinatago sakin. Hindi
lang niya nasasabi ang lahat dahil hindi pa namin masyadong kilala ang isat isa.



Kung sasabihin ko kay Venice ang tungkol sa problema ko siguro magiging daan iyon para mas maging
close kami.



Actually Venice nabadtrip ako don sa ex boyfriend ko.



Pagsisimula ko.



Ex boyfriend mo?



Tumango ako.



Bakit? Ginugulo ba niya kayong dalawa ni Kevin?



Tanong ulit niya.



Medyo. Ang kulit niya kasi eh. Nakakainis. Sinabi ko na sa kanya na ayoko na talaga sa kanya pero hindi
parin niya ako tinitigilan. Ang masama pa non binlackmail pa niya ako kanina dahil nalaman niya iyong
sekreto ko.



Pagkukwento ko.



Sekreto? Anong sekreto?



Oppss!! Mali iyong nasabi ko kay Venice. Hidni ko na sana binanggit sa kanya ang tungkol sa sekreto ko.
Alam ko curious na siya ngayon dahil sa sinabi ko. Kahit naman siguro sino macucurious pag narinig ang
salitang sekreto.



ahh..Wala..hehehehe



Sabi ko nalang sa kanya saka ako ngumiti.



Ahh gets ko. hehe. Kaya nga sekreto diba dahil bawal sabihin. hehe. Ang kulit ko talaga. hehe.



Sabi ni Venice saka siya ngumiti.



Dumating na iyong order namin ni Venice kaya nag focus na muna kami sa pagkain habang
nagkukwentuhan naman ng konti.



*riing* *riing*



Excuse me lang Mia ha.



Tumango lang ako saka tumayo si Venice at sinagot iyong tawag niya.



..



Venices POV


(Venice where are you? Kanina pa kita hinihintay. Buong araw kang wala sa bahay natin.



Mom Im sorry talaga. May inaasikaso lang ako. Huwag mo nalang akong hintayin. Baka bukas pa ako
uuwi Mom. Sorry.



(But Venic..)



Hindi ko na pinatapos si Mommy at pinutol ko na iyong linya. Sigurado akong sesermonan na naman
niya ako dahil buong araw akong wala sa bahay.



Tss.. Hindi niya ako masisi. Alam naman niya ang lahat tungkol sakin. Alam naman niya ang dahilan kung
bakit nagpa plastic surgery ako. Alam niya ang dahilan kung bakit ako bumalik ng Pilipinas.



Ang totoo niyan, buong araw kong sinundan si Kevin at nalaman ko na naghanda siya ng celebrasyon
para sa kanila ni Mia. Hindi ko alam kung ano talaga ang okasyon, ang alam ko lang hindi pwedeng
matuloy ang plano ni Kevin.



Tinawagan ko si Mia para hindi siya makapunta sa venue. Inakala ko talaga na nakarating na siya don sa
Chateau Garden at huli na ako para pigilan sila but seems like luck is on my side right now.



Ang kailangan ko lang gawin ngayon, patagalin ang dinner namin ni Mia. Pero alam ko na hindi pa sapat
na mag dinner lang kami. Kailangan ko pang makaisip ng paraan para matagalan si Mia.



Bumalik na agad ako ng table namin bago pa makahalata si Mia.



Sino iyong tumawag?



Tanong niya.



Ahh si Mommy. Tinanong lang niya kung nakapag dinner na ako.



Pagsisinungaling ko sa kanya saka ako umupo at pinagpagtuloy ang pagkain ko.



Mahal na mahal ka talaga ng Mommy mo noh?



hehe. Oo naman. Only child lang kasi ako.



Sabi ko sa kanya.



Ang totoo niyan hindi ko tunay na magulang ang parents ko. Ampon lang ako. Inampon nila ako dahil
hindi sila makabuo ng anak ni Dad. Kaya siguro naging spoiled ako dahil binigay nila lahat ng gusto ko.



Umm Mia. Pagkatapos nating kumain may free time ka pa ba?



Tanong ko kay Mia.



Bakit Venice? May pupuntahan ka pa ba pagkatapos nito?



Wala kasi akong kasama sa bahay. Baka pwedeng don ka na matulog please?



Pakiusap ko sa kanya. Hindi ako nakapag enroll sa acting class pero mabuti nalang at mahilig akong
manood ng mga dramas sa TV kaya alam na alam ko kung pano maging isanag maldita at pano maging
isang kontrabida.



Sa love story nina Mia at Kevin alam na alam ko kung ano ang role ko. Ako ang kontrabida, ako ang
antagonist pero sa susunod ako na ang bida sa love story namin ni Kevin. I know it will happen soon.



Gusto ko sana Venice pero baka hindi ako payagan ng asawa ko.



Alam ko na hindi papayag si Mia sa naisip ko pero baka pwede ko pa siyang pilitin.



Baka naman pwedeng huwag ka nalang magpaalam sa kanya. heheh. Once lang naman to Mia. Bukas
ka nalang umuwi sa inyo please?



Pumayag ka Mia. Kailangang bukas ka pa makauwi para hindi ka na makaabot sa inihanda ni Kevin para
sayo.



Bukas na bukas din magsisimula na ang hindi pagkakasunduan ninyo ni Kevin at hindi magtatagal babalik
na din siya sakin.



Kung papayag si Mia wala namang problema sa ginawa kong pagsisinungaling sa kanya na may business
trip ang parents ko. Pwede naman kaming tumuloy don sa isang bahay namin. Walang tao don at
makaka cover up ang ginawa kong pagsisinungaling.



Im sorry talaga Venice. Gusto kong samahan ka dahil alam ko nakakatakot matulog pag wala kang
kasama pero ayoko talagang gumawa ng dahilan para mag away kami ni Kevin. Im sorry talaga Venice.



Thats okay Mia. Naiintindihan kita.



Ngumiti lang ako kahit na ang totoo eh gustong gusto ko na siyang sakalin.



Pero hindi bale na. Hindi naman masisira ang plano ko na sirain sila ni Kevin dahil lang sa hindi pumayag
si Mia. May isa pa akong plano at alam ko gagana iyon.



Naubos na ang pagkain namin ni Mia pero ayoko pang umuwi. Kailangan ko pang patagalan ang pag-
uusap namin ni Mia para hindi pa siya makauwi.



Mia.. alam mo bang ampon lang ako?



Pagkukwento ko kay Mia. Wala akong pakialam kahit na malaman niya ang totoo sakin. Kahit na
kaawaan niya ako okay lang. Wala akong pakialam. Ang importante lang masira ko sila ni Kevin.



Ha? Totoo ba ang sinasabi mo Venice?



Hindi makapaniwalang tanong ni Mia.



Tumango naman ako at nagkuwento ulit.



Lumaki ako sa ampunan ng pitong taon. Hindi ko alam kung sino ang tunay na magulang ako. Ang alam
ko lang, baby pa lang ako ng iniwan nila ako sa ampunan. Pero kinupkop ako ng mga magulang ko
ngayon dahil hindi sila makabuo ng anak.



Hindi ko maintindihan kung anong ekspresyon ng mukha ni Mia. Parang hindi siya mapakali at parang
hindi siya nakikingi sa kinukwento ko.



Mia nakikinig ka ba?



Tanong ko sa kanya.



Im sorry venice pero kailangan ko na talagang umuwi. Baka hinahanap na ako ni Kevin. Hindi kasi ako
nakapag paalam ng maayos sa kanya. Huwag kang mag-alala dahil tatawagan kita mamaya pagdating na
pagdatin ko sa bahay namin para naman hindi ka malungkot.



Tumango nalang ako dahil alam ko wala na akong magagawa. Buo na ang desisyon ni Mia. Tiningnan ko
ang relo ko at 9 PM palang. Sobrang aga pa.



Mabuti pa Mia ihatid na kita. Gabi na masyado at delekado na ang daan.



pag ooffer ko sa kanya.



Okay lang ba sayo Venice?



Tanong ni Mia.



Oo naman. Lets go.



Dumeretso na kami sa parking space kung san ko pinarada ang kotse ko. Pumasok na muna ako ng kotse
saka ko pinagbuksan si Mia sa fron seat at pumasok nadin siya.



San pala ang bahay niyo?



Tanong ko sa kanya kahit na alam ko na kung san sila nakatira ni Kevin.



11221 West Vallejo Subdivision.



Sabi ni Mia.



Tumango lang ako at nagmaneho na.



Nasa kalagitnaan na kami ng daan papunta sa bahay nila Mia at oras na para simulan ko ang mini drama
ko.



Arayy!!!



Pinisil pisil ko iyong tiyan ko at tinigil ang kotse.



Venice are you okay?



Hinawakan ni Mia ang balikat ko. Alam kong sobrang nagaalala siya para sakin dahil parang hindi niya
alam kung anong gagawin niya.



Araaayyy!!!



Mas lalo kong nilakasan ang boses ko para mas lalong mag-alala si Mia.



VENICE? VENICE? ANONG MASAKIT?



Natataranta na si Mia at tinanggal na ang seatbelt niya para mas lalo siyang makalapit sakin.



Mia i--yong t--iyan k--o.. Sobb--rang.. Araayyy!!!



Venice konting tiis lang. Dadalhin kita sa ospital. Sandali lang.



Lumabas si Mia ng kotse at binuksan ang drivers door.



Venice kaya mo bang tumayo? Ililipat kita sa front seat. Ako ang magmamaneho patungko sa ospital.



Tumango lang ako at umarte na talagang nasasaktan ako.



Inalalayan ako ni Mia papasok ng front seat saka siya umikot muli sa drivers seat at pinalitan ako.



ARAAAY!!! HINDI KO NA KAYA!!!



Sigaw ko.



Huwag kang mag-alala Venice. Papunta na tayo ng ospital.



Si Mia na ang nagmaneho ng kotse ko. Literal niyang pinalipad ang kotse ko at di nagtagal nakarating
nadin kami ng ospital.



Pumasok kami ng emergency room kung san kami nilapitan agad nga mga nurse.



Anong nangyari maam?



Sumakit iyong tiyan niya. Pakitulungan naman please.



Natatarantang sambit ni Mia.



Pinasakay nila ako sa stretcher at dinala sa isang room. Pinainom nila ako ng gamot pero pineke ko lang
ang pag inom nito.



Venice okay ka na ba?



Tanong ni Mia sakin pagkatapos akong asikasuhin ng mga nurse at doctor. Siguro malapit ng mag alas
onse.



Okay na ako Mia. Thank you talaga sa pagdala sakin dito. Pero Mia huwag mo akong iwan please
hanggang sa dumating ang parents ko.



Hinawakan ni Mia ang dalawa kong kamay.



Huwag kang mag-alala Venice. Hindi kita iiwan. Promise iyan.



Sorry sa istorbo Mia. Hindi ko lang talaga gusto ang amoy ng ospital kaya natatakot akong mag isa.
Huwag kang mag-alala dahil darating na iyong parents ko bukas ng umaga.



Pagsisinungaling ko ulit sa kanya.



Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na nasa bahay lang ang parents ko.



Dont worry about me Venice. Magpahinga ka na. Dito lang ako sa tabi mo.



Tumango lang ako kay Mia. Hindi ko binitawan ang kamay ni Mia para malaman ko kung nasa tabi ko pa
ba siya o wala na.



Hindi man pumayag si Mia kanina sa pakiusap ko napigilan ko parin sila ni Kevin. Ako parin ang nagwagi
sa huli.



Chapter 65: Too Late





Sobrang kinabahan ako ng biglang sumakit ang tiyan ni Venice. Inakala ko talaga na baka hindi na niya
makayanan ang sakit pero mabuti nalang at naka abot kami ng ospital ng tama sa oras.



Hinintay ko na muna na makatulog si Venice saka ako umalis sa tabi niya. Kailangan kong tawagan si
Kevin para malaman niya kung anong nangyari. Sigurado akong nag-alala na siya sakin.



Pinindot ko na iyong telephone number namin sa bahay.



*riing* *riing*



(Choi Residence good evening.)



Manang? Si Kevin po?



Napansin kong hindi agad nakasagot si Manang. Hindi ko alam kung hindi ba niya naintindihan ang
tanong ko o baka hini niya ako narinig.



Manang? Si Kev..



Hindi ko na natapos ang sinabi ko dahil nakapag salita na si Manang.



(Mia anak? ikaw ba iyan? Hindi mo ba kasama si Kevin ngayon? Nasan ka? Bakit hindi kayo magkasama?)



Po? Diba po nasa bahay lang siya kanina? Umalis ba siya? Hinanap niya po ba ako?



(Mia..Kailangan mong puntahan si Kevin ngayon na.)



Hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin ni Manang. Umalis ba si Kevin para hanapin ako? Siguro
nga dahil matagal akong nawala. Malapit nading maghating gabi.



Hindi po pwede Manang. Pakisabi nalang sa kanya na andito ako sa ospital. Bukas ko nalang po
sasabihin kung ano ang nangyari.



(Mia.. Tawagan mo ang mga kaibigan mo para malaman mo ang totoo. Kung hindi mo pupuntahan si
Kevin malaking gulo ang mangyayari.)



Kinabahan ako bigla dahil sa sinabi ni Manang. Anong malaking gulo? May bomba ba na sasabog? May
bahay ba na masusunog kung hindi ko pupuntahan si Kevin?



Pero wala namang mawawala sakin kung tatawagan ko si Zelle.



Sige po Manang. Salamat po.



Tatawagan ko na sana si Zelle pero naalala ko na hindi ko pala memoryado ang number niya kaya
pumunta nalang ako sa information center para makahirap ng charger kung meron man.



Excuse me nurse. May charger ka po ng iphone? baka pwedeng makahirap saglit lang. May kailangan
lang talaga akong tawagan.



Pakiusap ko sa nurse na nasa information center.



Sure Maam. Pwede kang mag charge in that outlet.



Inabot ng nurse ang charger niya at tinuro iyong outlet malapit sakin. Inilabas ko na iyong phone ko at
naghintay ng dalawang minuto bago ko pinindot iyong on button.



78 messages received



Sisimulan ko na sana ang pagbabasa ng messages ng biglang nag vibrate at tumunog ang phone ko.



Zelle Calling..



Hello Zelle?



(Oh my gosh Mia. Asan ka ba?)



Nasa ospital. Bakit Zelle?



(What? Bakit? Anong nangyari sayo? Nadisgrasya ka ba?)



Hindi ako. Si Venice. Bigla kasing sumakit ang tiyan niya kaya sinamahan ko siya dito. Im sorry talaga
Zelle dahil pinag-alala ko kayo. Bigla nalang akong umalis kanina.



(Mia hindi ito ang panahon para humingi ka ng tawad. Malaking gulo ang ginawa mo kanina.)



Hindi ko na naman maintindihan si Zelle. Anong malaking gulo? Hindi lang naman ako nakapag paalam
sa kanila tapos malaking gulo na?



(Mia andiyan ka pa ba?)



Oo Zelle. Bakit ba? Anong nangyari?



(Pupuntahan ka na namin diyan. Mamaya nalang namin iexplain ang nangyari. Sang ospital ka ba
ngayon?)



St. Marys hospital.



(Sige hintayin mo kami diyan.)



Itatanong ko pa sana kung anong dahilan at parang natataranta silang lahat pero bigla nalang binaba ni
Zelle ang phone.



Tinawagan ko naman si Kevin para tanungin siya kung bakit wala siya sa bahay.



The number you have dialed is either unattended or out of coverage area.




Huh? nasan kaya si Kevin?



Hinayaan ko na muna na makacharge ng konti ang phone ko habang hinihintay ko sina Zelle. Hindi na
ako bumalik sa loob ng room ni Venice dahil sigurado akong tulog na siya ngayon.



Pagkatapos ng isang oras nakarating nadin si Zelle kasama sina May at Aya. Tumatakbo pa sila habang
papalapit sakin.



May nangyari ba?



Tanong ko sa kanila habang hinihingal pa sila.



Halika na Mia. Wala na tayong oras.



Bigla nalang akong hinila nina May at Aya.



Ha? Anong ibig niyong sabihin?



Tanong ko sa kanila pero patuloy parin sila sa paghila sakin.



Teka lang iyong phone ko naiwan!!



Sigaw ko sa kanila pero hindi parin sila tumigil. Si Zelle na iyong kumuha ng phone ko, kukunin narin niya
sana iyong charger kaso lang binawi sa kanya nong nurse. Hindi naman talaga iyon sakin.



Bigla nalang nila akong pinapasok sa front seat at walang salitang pinaandar na ni Zelle ang kotse niya
habang nasa back seat sina May at Aya.



Teka.. Teka ano ba talaga ang nangyari? baka naman may gustong mag explain?



Tanong ko sa kanila pero patuloy parin sila sa pagiging tahimik.



ANO BA??



Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko kaya sumigaw na ako.



Mia san ka ba talaga nag punta? Bakit hindi ka nagpaalam samin?



Tanong ni May sakin.



Pasensya na May, balak ko naman talagang sabihin sa inyo kung nasan ako kaya lang bigla akong na
dead batt.



Pagpapaliwanag ko sa kanila.



Pero bakit bigla ka nalang umalis ng sinehan ng hindi nagpapaalam?



Tanong naman ni Aya.



Ako na nalagay sa hot seat.



Im sorry Aya. Bigla kasing nagtext si Jun. Kailangan ko lang talaga siyang puntahan..Teka teka.. Bakit
ako na iyong nagpapaliwanag ngayon? Alam ko may kasalanan ako pero kanina ko pa kayo tinatanong
kung anong nangyayari ayaw niyo naman sabihin sakin.




Sabi ko sa kanila.



Malalaman mo din ang lahat Mia pagdating natin don. Sana lang hindi pa huli ang lahat.



Sabi ni Zelle habang nagmamaneho siya.



Dahil medyo madilim na, hindi ko na medyo makita ang paligid.



San pa ba tayo pupunta Zelle?



Kanina pa ako nagtatanong pero hindi parin nila ako sinasagot.



Andito na tayo.



Sabi ni Zelle saka siya bumaba kasama sina May at Aya. Bumaba nadin ako para malaman ko kung san
talaga nila ako dinala.



Anong meron dito?



Tanong ko sa kanilang tatlo.



May mga ilaw sa paligid pero unti unti na itong inaalis ng mga staffs.



Its too late..



Mahinang sambit ni Zelle. Para na siyang maiiyak pero hindi ko maintindihan kung bakit.



Bakit ba? Ano bang nangyari Zelle?



Mia...



Lumingon ako kay May dahil parang hindi kaya ni Zelle na sabihin sakin kung anong nangyari.



May anong nangyayari?



Tanong ko sa kanya.



Tinawagan kami ni Kevin isa isa para humingi ng pabor...



Nakinig lang ako kay May at hinayaan siyang tapusin ang sasabihin niya.



Sinabi niya na kailangan ka naming samahan buong araw habang hinahanda niya ang sorpresa para
sayo. Kaya ka namin pinilit na magsine kahit na ayaw mo na dahil hindi pa handa ang lahat.



Sorpresa?



Tumango lang si May.



Third monthsary na ninyo ni Kevin pero ni minsan hindi pa kayo nakapag celebrate kaya gusto ka niyang
pasiyahin. Pero hindi ka dumating Mia. Hindi namin alam kung nasan na si Kevin ngayon.



Tinignan ko ulit ang buong paligid. Kahit unti unti na nilang nililigpit ang lahat kitang kita ko parin ang
effort na ginawa ni Kevin pero sinayang ko lang ang lahat.



Bakit hindi ko man lang naisip na kaya ganun nalang umasta si Kevin kaninang umaga dahil may tinatago
siya sakin.



Kinuha ko ulit ang cellphone ko at tinawagan si Kevin pero hindi ko parin siya ma contact.



Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung nasasaktan ako dahil hindi natuloy ang hinanda ni Kevin
para samin ano pa kaya ang nararamdam ni Kevin ngayon? Sigurado akong galit na galit na siya sakin.



Sigurado akong malungkot siya.



Lumapit ako sa isang staff na nagliligpit.



Nasan na po iyong lalaki dito kanina?



Tanong ko sa kanya.



Si Mr. Choi po ba ang tinutukoy niyo?



Tumango lang ako.



Kanina pa po siya nakaalis. Kayo po ba ang asawa niya?



Tumango ulit ako.



Naku po Maam. Bakit ngayon lang kayo? Ilang oras pong naghintay ang asawan iyo sayo. Sobrang
naawa na nga po kami sa kanya.



Bigla nalang tumulo ang luha ko pagkataops kong marinig iyon. Sinayangan ko lang ang pagod ni Kevin.
Sinayang ko lang ang pera niya at pinahintay pa siya ng matagal. Buti sana kung naabutan ko pa siya
pero hindi.



Huli na ang lahat.



Hanapin natin si Kevin.



Sabi ko kina Zelle, Aya at may saka ako pumasok ulit sa kotse.



Kung san san na kami nakarating para hanapin si Kevin pero hindi talaga namin siya nakita.



Baka nakauwi na siya Mia.



sabi ni May.



Baka nga. Deretso nalang tayo sa bahay Zelle.



Sabi ko kay Zelle saka niya inikot ang steering wheel ng kotse niya.



Literal na lumilipad na iyong kotse namin sa sobrang bilis ng pagmamaneho ni Zelle.



Zelle dahan dahan lang..



Sambit ni May pero hindi parin nagpaawat si Zelle.



In just twenty minutes nakarating nadin kami sa tapat ng bahay namin.



Andito na tayo Mia.



Sabi ni Zelle.



Thank you Zelle. Thank you sa inyong lahat at sobrang sorry sa abala. Babawi ako next time.



Sabi ko sa kanilang tatlo. Napaka swerte ko dahil sila ang naging kaibigan ko. Napaka supportive nila at
napakabait. Wala na akong mahihiling pa.



Dito nalang muna kami Mia. Baka kasi wala si Kevin sa loob. Hintayin ka nalang namin dito.



Sambit ni Aya.



Huwag na Aya. Sobrang naistorbo ko na kayo. Sige na.



Ayaw pa sana nilang umalis kaso lang mapilit talaga ako.



Sigurado ka talaga Mia?



Tanong sakin ni Zelle at tumango naman ako. Hinintay ko na muna silang makaalis bago ako pumasok
ng bahay namin.



Sana andito na si Kevin. Hindi ko talaga alam kung san ko siya hahanapin kung wala pa siya sa bahay
namin.



KEVIN? KEVIN? KEVIN?



Sumigaw agad ako para marinig ako ni Kevin kung sakali.



Mia? Magkasama na ba kayo Kevin?



Tanong ni Manang sakin na kagigising lang. Sa couch na siya nakatulog at nagising sa lakas ng boses ko.



Manang? Wala pa po ba dito si Kevin?



Tanong ko kay Manang.



Alam ko nag-aalala din si Manang para kay Kevin. Kasalanan ko ang lahat ng to. Kung hindi lang sana ako
umalis sa sinehan.



Hindi parin ba kayo nagkikita?



Napaupo ako sa tabi ni Manang dahil sobrang nanghina ang buong katawan ko. Hindi lang ang katawan
ko kundi pati narin ang pag-iisip ko. Hindi ko alam kung san ako pupunta, hindi ko alam kung san ko
hahanapin si Kevin.



At kung makita ko na siya, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya. Sinaktan ko siya. Sinayang
ko ang lahat ng pagod niya.



Bakit ba wala akong magawang tama para kay Kevin?



Manang hindi ko na alam kung san ko hahanapin si Kevin.



Kinuha ko ulit ang phone ko para tawagan si Kevin pero hindi ko parin siya macontact.



Mia iha.. Isipin mo kung san pwedeng pumunta si Kevin pag hindi maganda ang pakiramdam niya. Sa
tingin mo ano ang gusto niyang gawin?



Tanong ni Manang sakin habang hinahaplos niya iyong likod ko.



Kung ako po ang nasa sitwasyon ni Kevin syempre po gusto kong makapag-isip. Gusto kong mapag-isa.
Gusto ko ng katahimikan.



Saka pumasok sa isipan ko ang isang lugar na nadaanan ni Kevin nong minsang pauwi kami ng bahay.



Pumunta naman tayo diyan minsan Kevin.



One of these days.



Manang pag uwi ko kasama ko na si Kevin.



Tumango lang si Manang at ngumiti. Dahil sa ngiti ni Manang mas lalo akong nabigyan ng lakas ng loob.
Lumabas agad ako ng bahay at tumakbo palabas ng subdivision namin para pumara ng taxi.



Manong sa Rainbow River po tayo.



Sabi ko sa driver.



Siguradong sigurado na ako na andun si Kevin. Nong hiniwalayan ako ni Jun don din ako pumunta. Hindi
ko alam kung bakit pero sa tuwing nakikita ko ang mga ilaw sa paligid ng Rainbow River nakakalimutan
ko iyong sakit na nararamdaman ko. Siguro iyon din ang iniisip ni Kevin.



Pagkatapos ng ilang minuto nakarating nadin ako sa Rainbow River.



Manong dito nalang po ako.



Inabot ko na iyong bayad ko at hindi ko na hinintay iyong sukli ko. Hindi ko na kayang maghintay ng kahit
isa pang segundo.



Maam iyong sukli niyo po!



Siga ng driver ng taxi pero pinagpatuloy ko na iyong takbo ko.



Inikot ko iyong buong mata ko sa paligid para hanapin si Kevin.



KEVIN?



KEVIN?



Halos maubos na iyong boses ko kakasigaw hanggang sa napansin ko iyong itim na kotse ni Kevin sa
ibaba malapit sa ilalim ng bridge. Lumapit agad ako don at nakita kong nakaupo si Kevin sa hood ng
kotse niya.



KEVIN?



Sigaw ko ulit at lumingon naman siya.



Si Kevin nga. Agad akong tumakbo pababa ng para lapitan si Kevin ng bigla akong..



AHHH!!!!



Nadulas at naslide pababa kung nasan si Kevin.



Ang tanga ko talaga! Bakit hindi ko naisip na madulas iyong putik?



Chapter 66: Traitor Witch





Talagang nadulas iyon pwet ko mula sa taas kung san ako nanggaling patungo sa baba kung nasan si
Kevin. White pants pa naman ang suot ko. Sigurado akog sobrang itim na ng pwet ko dahil sa putik.
Medyo basa pa naman ng konti ang putik.



WAAAA!!!



Bakit ngayon pa?



Bakit kailangang sa harapan pa talaga ni Kevin mangyari sakin to?



Bakit ba napaka clumsy ko?



Nakakahiya!!!



Pakiramdam ko para akong hinog na kamatis dahil sa sobrang pula na ng pisngi ko. Mabuti nalang at
hindi masyadong maliwanag iyong paligid.



Maybelline okay ka lang?



Agad na lumapit si Kevin sakin at tinulungan akong tumayo. Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa
nangyari at dahil sa napahiya ako kay Kevin.



Okay ka lang?



Ulit nito sakin.



Ahh.. Oo..



Pinagpag ko iyong putik na dumikit sa pwet ko kaya lang napaka wrong move non. Dumikit sa mga palad
ko iyong putik.



Tss..



Hinayaan ko nalang sana iyon.



Galit ka ba sakin Kevin?



Tanong ko kay Kevin. Hindi ko na pinansin iyong putik na dumikit sa mga palad ko. Matagal pa bago
sumagot si Kevin pero ang importante eh sumagot parin siya.



Magagalit sana ako sayo kaya lang nadulas ka kaya hindi na natuloy. Hindi ko kasi mapigilan na
tumawa..



HAHAHAHAHAHAHA!!!!



Bigla nalang tumawa ng malakas si Kevin. Iyong tipong aakalain mong baliw na siya dahil sa lakas ng
tawa niya.



Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil sa pagkadulas ko kaya hindi na natuloy ang galit ni Kevin o
maiinis ba ako dahil pinagtawanan lang niya ako ng malakas.



AHH! Ganun pala ha? Pinagtatawanan mo ako? O eto sayo..



Pinahid ko iyong dalawang palad ko na may putik sa pisngi niya saka ako tumakbo ng mabilis papalayo sa
kanya.



HAHAHAHAH!



Kung may makakakita samin sigurado akong pagkakamalan nila kaming bagong labas ng mental o baka
naman nakatakas ng mental hospital.



MAYBELLINE! BUMALIK KA DITO!



Tumakbo si Kevin para habulin ako kaya naman mas lalo kong binilisan ang takbo ko.



Hindi mo ako mahuhuli. Hindi ako magpapahuli sayo. hahaha



Tumakbo ako na parang wala ng bukas dahil malapit na akong mahuli ni Kevin.



Hanggang sa..



haha. Huli ka!!



Niyakap ni Kevin ang bewang ko kaya hindi na ako nakatakbo pa. Kahit na tumakbo ako papalayo kay
Kevin sobra parin akong natuwa ng mahuli niya ako.



Para kaming bumalik ulit sa pagkabata.



Nakakilig!



Dahil pareho naman kaming naputikan na ni Kevin, hindi na kami nagdalawang isip pa na mahiga sa
damuhan na may putik.



Ang daming kumikinang na bituin sa langit. Ang ganda panoorin.



Im sorry kanina Kevin.



Pagsisimula ko.



Nasayang ko ng sobra ang effort mo, ang pera mo, ang time mo. Im sorry talaga.



Kailangan kong humingi ng tawad kay Kevin.



Hindi mo kailangang humingi ng tawad Maybelline. Sa totoo lang sobrang sumama ang loob ko kanina
dahil hindi ka nakarating. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya pumunta ako dito..



Im sorry tala...



Shhh..



Tinakpan ni Kevin ang labi ko gamit ang hintuturo niya.



Let me finish first.



Sabi niya at tumango naman ako.



Kaya hindi ako umuwi agad ng bahay dahil ayokong umuwi don at makita ka na masama pa ang loob
ko. Natatakot ako na baka hindi kita pansinin at masaktan ko ang damdamin mo. Mas kakayanin ko pa
na ikaw iyong magpapasakit sa kalooban ko kesa ikaw ang masaktan ko.



Sobrang natouch ako sa sinabi ni Kevin. Parang gusto kong maiyak pero walang luha na lalabas sa mga
mata ko. Siguro na ubos na ang mga luha ko dahil sa kakaiyak kanina.



Pero kanina ng makita kita, parang nawala nalang bigla ang lahat ng sakit ng iyon. Lalo na ng makita
kitang nadulas. Nakakatawa talaga ang mukha mo.. haha.



Saka siya mahinang tumawa.



Nakakaasar ka talaga!



Sigaw ko sa kanya.



Ang sarap mo kasing asarin eh. hehehe.



Sinuntok ko siya ng malakas sa braso niya pero alam ko hindi iyon masyadong masakit dahil hindi ko
masyadong nagamit ang pwersa ko dahil nakahiga ako.



Aray!!!!



Sigaw niya kahit hindi naman talaga siya nasaktan. Ang drama talaga.



Ngumiti si Kevin sakin pagkatapos at pinahiga ako sa dibdib niya.



Bakit ka nga pala hindi nakapunta kanina? Ano bang ginawa mo?



Tanong ni kevin sakin.



Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na nagkita kami ni Jun. Mas lalong hindi ko pwedeng sabihin sa
kanya iyong imbitasyon ni Jun.



Naalala mo ba iyong Venice na bagong kaibigan ko?



Tanong ko kay Kevin.



Nagkita ulit kayo?



Tanong naman niya sakin.



Uhmm.. Oo. Tinext niya ako na sabay na kaming mag dinner. Wala kasi iyong parents niya kaya
sinamahan ko na muna. Gusto pa nga niya na don ako sa bahay nila matulog pero hindi ako pumayag.



Pagkukwento ko.



Nakaramdam ako ng konting guilt. Konti lang dahil alam kong hindi ako nagsisinungaling kay Kevin. May
bagay lang talaga na hindi ko sinabi sa kanya. Mas mabuti ng hindi na niya malaman ang tungkol sa mga
bagay na iyon parte kay Jun.



Alam ba ng Venice na iyan na may asawa ka na?



Oo. Sinabi ko na sa kanya iyon. Hindi naman ako pumayag eh. Uuwi na sana ako, inihatid pa nga niya
ako kaya lang bigla nalang sumakit iyong tiyan niya kaya naman dinala ko siya sa ospital.



Tumango lang si Kevin para sabihin sakin na naintindihan niya lahat ng sinabi ko.



Kelan ko ba mamemeet ang Venice na iyan?



Tanong ni Kevin.



Bukas? Gusto mo? Itetext ko siya.



Sige. Kailangan ko na talagang makilala ang bagong kaibigan mo. Teka nga pala, diba makasama kayo
nina Zelle? Bakit ka napahiwalay sa kanya?



Tanong ni Kevin.



Bigla akong kinabahan. Akala ko lusot na ako sa pagtatago ko tungkol sa bagay na iyon. Ayokong
magsinungaling kay Kevin.



Pero hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na nagkita kami ni Jun.



*rain drops falling*



Siguro malas ako na swerte ngayong araw dahil bigla nalang pumatak ang ulan. HIndi ko na nasagot ang
huling tanong ni Kevin sakin. Mabuti ng ganun para naman hindi ako makapag sinungaling sa kanya at
matago ko iyong hindi dapat malaman ni Kevin.



Sabay kaming tumayo ni Kevin mula sa pagkakahiga namin at tumakbo papunta sa loob ng kotse niya.



Para kaming mga batang nagtatakbuhan sa ilalim ng ulan na magkahawak ang kamay at may ngiti sa
mga labi namin.



..



Tawagan mo na iyong kaibigan mo Maybelline.



Sabi ni Kevin sakin.



Nahihiya ako. Itetext ko nalang.



Sabi ko kay Kevin saka ako bumuo ng text message para sa kanya. Hindi naman pwedeng Venice magkit
tayo mamaya.



Ang rude naman non. Kakamustahin ko nalang siguro muna siya.



Venice kamusta ka na?



Saka ko pinindot iyong send button.



Pagkalipas ng dalawang minuto tumunog ang cellphone ko.



Venice Calling..



Hello Venice?



(Mia. Okay na ako. Thank you pala kagabi ha. Anong oras ka na pala nakauwi?)



Uhmmm.. Almost midnight na ata iyon Venice.



(I see. Kamusta naman kayo ng asawa mo? Nag-away ba kayo ni Kevin?)



Hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin ni Venice sa tanong niya. Pano niya ansabi na nag-away
ba kami ni Kevin? Anong basis niya?



Anong ibig mong sabihin Venice?



(Oh nothing really.. hehe)



Oo nga pala Venice. Pwede ka ba mamaya? Gusto ka kasing makilala ng asawa ko.



(Ng asawa mo? Si Kevin? Bakit naman?)



Nasabi ko kasi sa kanya kagabi na magkasama tayo.



(And? Nagalit ba siya?)



Huh? ahmm.. Hindi naman. So ano pwede ka ba mamaya?



(Sure. Gusto ko nadin siyang makita ulit.)



Ulit?



(I mean gusto ko na siyang makita.)



Good. Text ko nalang sayo when and where.



Binaba ko na iyong tawag ko sa kanya. Ang weird ni Venice. Dahil siguro iyong sa nakain niya kaya pati
utak niya hindi na gumagana ng maayos.



Ano pumayag ba?



Tanong ni Kevin sakin pagkatapos naming mag-usap ni Venice sa phone.



Yup. Gusto ko na daw din niyang makita eh.



Good. Maghanda na tayo para ma meet na natin siya.



Parang napaka weird din ni Kevin. Bakit parang excited siyang mameet si Venice?



Excited ka ata?



Tanong ko sa kanya.



Ang weird nila pareho ni Venice. Parang may something?



Hindi naman. Gusto ko lang talagang mameet siya dahil siya iyong dahilan kaya hindi tayo natuloy
kagabi.



Bigla akong ngumiti. Akala ko kasi eh may something na kaya gusto niyang mameet si Venice. Sabi ko
kasi sa kanya dati ang ganda ganda ni Venice. Naisip ko lang na baka gusto niya mameet dahil mukha
itong supermodel.



Lumapit ako kay Kevin at umakmang yakapin siya pero bigla niya akong pinigilan at hinawakan ang
kaliwang braso ko.



Ano to?



Tanong niya.



San mo nakuha to?



Tanong pa ulit niya pero hindi ako makasagot dahil hindi ko alam kung san ko nakuha ang malaking pasa
ko. Bakit ngayon ko lag to napansin?



Inisip ko kung anong ginawa ko at nagkaroon ako nito hanggang sa pumasok sa isipan ko iyong
pagkadulas ko.



Ahh.. Baka dahil lang to kagabi nong madulas ako.



Sabi ko kay Kevin.



Ikaw naman kasi eh. Hindi ka nag-iingat. Bakit hindi mo sinabi na may pasa ka pala?



Kitang kita ko sa mukha ni Kevin ang pag-aaalala niya.



Ngayon ko lang din kasi napansin eh.



Maupo ka muna diyan. Kukuha ako ng ice.



Pinaupo ako ni Kevin sa couch namin.



Huwag na Kevin. Hindi naman masakit eh.



Kahit na pisilin ko pa hindi naman talaga masakit pero hindi talaga nagpaawat si Kevin para lagyan ng ice
ang pasa ko.



Let me.



Hinawakan ni Kevin ang braso ko na may pasa saka niya pinatong ang yelo na binalot sa puting towel.



Hindi naman talga masakit eh.



Sabi ko sa kanya.



Shh.. Alam ko iniinda mo lang iyong sakit para hindi ako mag-alala.



Hindi na ako sumagot kay Kevin. Alam ko naman talo parin ako.



Next time be careful. Ayokong masaktan ka ulit.



Ang swerte swerte ko talaga sa asawa ko. Ni hindi man lang siya nagalit sakin kagabi dahil sa ginawa ko
tapos ngayon inaalagaan pa niya ako.



hihihihi!



.




Bumaba na kami ni Kevin sa restaurant kung san ko nakita si Venice sa comfort room. Tinext ko na din
siya kung san kami magkikita at kung anong oras.



Pasok na tayo?



Tumango lang ako.



Magkahawak kamay ulit kami ni Kevin na pumasok ng restaurant at naghanap ng table. Akala ko talaga
na andun na si Venice pero wala pa pala siya.



Mamaya nalang tayo mag order pagdating ni Venice.



Sabi ko kay Kevin at pumayag naman siya. Nagkwentuhan lang kami ni Kevin tungkol sa ginawa niyang
preparasyon kagabi. Natawa nalang kami pareho kesa naman iyakan namin iyong nangyari.



Pagkatapos ng kalahating oras hindi parin dumating si Venice at parang naiinip na si Kevin kakahintay.



Andito na ba siya?



Tanong ni Kevin sakin.



Lumingon lingon ako sa paligid pero hindi ko parin nakita si Venice.



Wala pa eh.



Shes thirty minutes late Maybelline. Darating pa ba siya o hindi? Sinasayang niya iyong oras natin.



Sabi ni Kevin. Napaka impatient naman nito.



Baka natraffic lang. Hintayin lang natin. Sabi naman niya na darating siya eh.



Actually hindi pa nalalate si Venice sa tuwing magkasama kami pero siya naman iyong nagiinvite sakin
eh. Baka na traffic lang talaga.



Alam ko darating si Venice.



Sabi mo eh at ikaw ang boss kaya hintayin na natin siya.



Napangiti lang ako sa sinabi ni Kevin. Under talaga siya sakin. hihihihi!!



Punta na muna akong restroom.



Paalam nito.



Tumango lang ako saka tumayo si Kevin.



After thirty seconds dumating naman si Venice.



MIA!!!



Tumayo ako at nilapitan siya.



Venice.. kamusta? Hindi na ba masakit ang tiyan mo?



Sabay kaming pumunta sa table namin at umupo.



Hindi na. Thank you talaga ha. By the way asan na iyong asawa mo?



Tanong niya ng mapansin niya na mag-isa lang ako.



Pumunta ng restroom. Babalik din agad iyon.



Excuse me Mia, pupunta lang akong rest room saglit... hehe..



Paalam ni Venice.



Samahan na kita?



Huwag na. Hindi naman ako magtatagal eh.



Tumango lang ako.



Hinintay ko silang pareho pero hindi pa sila dumarating. Tatlong minuto na ang lumipas pero ni isa sa
kanila hindi pa bumabalik.



Binigyan na kami ng menu ng waiter pero wala parin sila.



After five minutes naisipan ko na talagang sundan si Veniceo di kaya si Kevin.



Dumeretso na akong rest room. Nasa pinakasulok ng restaurant ang rest room at kailangan mo pang
lumiko ng dalawang beses kaya hindi talaga kita ng mga tao. Sinadya talaga iyon para naman hindi
pandidirian ang mga taong kumakain.



Pero sobrang nagulat ako sa nakita ko pagkatapos kong lumiko ng pangalawang beses..



Agad akong tumalikod at sumandal sa pader para hindi nila ako makita.



Hindi to totoo diba?



Hindi ito totoo diba?



Hindi pwede..



Hindi naman siguro magagawa ni Kevin ang nakita ko.



Venice is torridly kissing Kevin.





Chapter 67: Bitchy Venice




Venices POV



Hindi alam ni Mia na nauna na akong nakarating sa restaurant na tinext niya at tahimik na nagmamasid
sa kanila.



Kailangan ko lang makahanap ng tiyempo para magawa ko lahat ng plano ko.



Sobrang nabadtrip ako ng malaman kong hindi pala nag-away si Mia at Kevin. Fvck! Pagkatapos ng
ginawa ko okay padin sila? Sobrang ginalingan ko iyong pag-arte ko pero hindi parin pala sapat iyon.
Ibang klase din itong si Mia. Ano bang gayuma ang ginawa niya para baguhin si Kevin?



Anyway, hindi ko na dapat sayangin ang oras ko kakaisip sa bagay na lumipas na. If I failed yesterday, it
doesnt mean that I wont succeed today. Marami pa akong plano para sirain sina Mia at Kevin at para
agawin si Kevin. Hindi ako susuko nalang basta basta.



Pagkatapos ng kalahating oras ng paghihintay, tumayo nadin si Kevin para pumunta ng restroom. Ito na
ang tamang pagkakataon para magpakita kay Mia.



Tumayo na ako at tinanggal ang cap at shades ko saka ko tinawag si Mia.



MIA!!!



Kitang kita sa mukha niya ang tuwa ng makita niya ako. Ako na ang best actress. Kulang nalang bigyan
ako ng award. hahaha! Kawawang Mia. Uto uto kasi.



Venice.. kamusta? Hindi na ba masakit ang tiyan mo?



Tanong ni Mia sakin.



Hindi na. Thank you talaga ha. By the way asan na iyong asawa mo?



Kasing plastic ng mukha ko ang trato ko kay Mia. Hindi lang talaga niya alam na plastic ako sa kanya.



Tinanong ko agad kung nasan na si Kevin kahit alam ko naman talaga kung san siya pumunta. Kailangan
kong madaliin ang lahat bago pa makalabas si Kevin ng restroom.



Pumunta ng restroom. Babalik din agad iyon.



Sagot ni Mia.



Excuse me Mia, pupunta lang akong rest room saglit... hehe..



Nagpaalam na agad ko sa kanya. Wala na akong pakialam kung makahalata man siya sa weird na
kinikilos ko. Bahala ka nang mag-isip Mia.



Samahan na kita?



Eepal pa talaga ang nakakainis na ang Miang ito.



Huwag na. Hindi naman ako magtatagal eh.



Sabi ko sa kanya saka ko siya binigyan ng pinakamatamis at pinaka plastic na smile ko saka ako tumayo
at dumeretso ng restroom.



Hindi sa restroom ng mga girls kundi sa restroom ng mga boys. Magkatabi lang naman sila kaya hindi
ako mahihirapan.



At dahil babae ako, hindi ako pwedeng makapasok sa restroom nila. Hinintay ko lang na lumabas si Kevin
bago ko siya susunggaban.



I opened my pouch at kinuha ang red lipstick ko saka ko ito pinahid sa labi ko. Ilang beses ko na akong
naglagay ng lipstick pero it feels like its not enough. Kung pwede ko lang sanang ubusin ang buong stick.



Mabuti nalang at walang ibang tao. Mas madali para sakin na gawin ang pinaplano ko.



Pagkatapos ng ilang minuto nakalabas nadin si Kevin ng restroom kaya agad ko siyang hinigit ng malakas
at pinasandal sa pader saka ko siya hinalikan. I kissed him torridly even though he did not respond to my
kiss.



Alam ko nagulat siya kaya hindi siya nakagalaw at hindi niya ako napigilan.



But when he came back to his senses, agad niya akong tinulak ng malakas kaya napaupo ako sa sahig.
Yes it hurts pero whats important is, nahalikan ko siya ulit.



FUCK YOU!!!



Malakas na sigaw ni Kevin.



I just gave him a confused look but deep inside I smirked, dahil bumakas sa mga labi ni Kevin ang pulang
lipstick ko.



Hinding hindi niya ako maiintimidate sa fuck you dahil naniniwala akong the more you fuck the more
you love.



hahaha!



Ganito pala ang pakiramdam. Nasaktan ako mula sa pagkakatulak ng malakas ni Kevin pero sobra akong
nasiyahan. Nasiyahan sa halik at sa reaksyon niya.



Simula pa lang ito Kevin. Madami pa akong pasabog kaya humanda ka. And the next time, hindi lang
halik ang makukuha ko mula sayo.



Ohh.. Im sorry...



Hinilamos ko iyong dalawang palad sa mukha ko para magpanggap na nahihiya ako sa ginawa ko.



Im really sorry. Hindi ko talaga sinasadya.



Pagsisinungaling ko.



Hindi mo sinadya? Alin ba don ang hindi mo sinadya?



Sigaw ni Kevin sakin.



Im sorry talaga Sir. Akala ko talaga ikaw iyong ex boyfriend ko. Im sorry.



Sinubukan kong umiyak pero wala talagang luha na lumabas sa mga mata ko kaya nagpanggap nalang
ako na umiyak.



Fvck!!!



He cussed again before leaving me while wiping his lips with his handkerchief.



I think nagawa ko ng maayos ang plano ko. hahaha!! Hindi talaga ako makapaniwala sa galing ko sa pag
arte. Siguro naman hindi ako nakilala ni Kevin bilang Wendy.



Pumasok na muna akong restroom ng mga girls para ayusin ang sarili ko bago ako bumalik sa table
namin.





.....





Mias POV



Hindi ko nakita ang reaksyon ni Kevin dahil nakasandal siya sa pader at natakpan siya ng likod ni Venice.
Pero alam kong si Kevin iyon dahil sa suot nito.



Pero bakit nila ginawa iyon?



Magkakilala ba sila? Pero..



Dapat ko ba silang pigilan? Dapat ba akong lumapit sa kanila at sampalin silang dalawa? Pero pano
kung..



Aissh..



Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko.



Excuse me po san po kayo pupunta?



Tanong ko sa babaeng nasa mid 40s na. Papunta kasi siya sa direksyon ko.



Comfort room. Bakit?



Ahh.. Close po ang comfort room nila. Underconstruction po.



Pagsisinungaling ko sa kanya.



Ahh ganun ba? May iba pa bang banyo?



Lumapit ako sa kanya saka ko siya ginabayan papalayo ng comfort room.



Nasa second floor po meron.



May comfort room naman sa second floor kaya pwede siya don.



Hayy!!



Hindi ko talaga alam kung bakit ko ginawa ang bagay na iyon. Gusto ko silang pigilan ni Venice pero bakit
ko pinaalis iyong babae? Dahil ba natatakot ako na malaman ni Kevin na nakita ko iyong ginawa nila ni
Venice?



Ahh!!



Ang sakit ng puso ko. Ngayon lang talaga ako nakaramdam ng ganito.



Maam are you okay?



Tanong ng waiter sakin ng mapansin nito na parang wala ako sa sarili na bumalik sa table namin.



Kailangan niyo po ba ng medicine?



Tanong niya ulit.



May gamot ba kayo sa sakit ng puso?



Tanong ko sa waiter at hindi naman ito nakasagot. Akala niya siguro may sakit talaga ako sa puso at baka
ma ha-heart attack ako.



Ang sakit kasi ng puso ko. Pakiramdam ko mababasag na ito anytime from now.



Nagets naman ng waiter ang ibig kong sabihin kaya pinayuhan niya ako.



Kung hindi niyo na kaya Maam pwede naman kayong bumitaw. Sige po Maam excuse me.



Nong una hindi ko nagets ang sinabi ng waiter pero na absorb din naman ng utak ko pagkatapos ng ilang
minuto.



Tama talaga siya. Kung hindi ko na kaya iyong sakit kailangan ko ng bumitaw. Sabi nga nila love isa pain.
Kaakibat ng pagmamahal ang masaktan. Ilang beses na akong nasaktan dahil kay Kevin pero kinaya ko
ang lahat ng iyon dahil mahal ko siya.



Baka na misunderstood ko lang iyong nangyari kanina. Baka naman hindi nila sinadya iyon. Hindi ko
naman talaga nakita ang lahat ng pangayari eh. Baka naman bumitaw din sila sa isat isa agad.



Hindi na katulad ng dati si Kevin. Hindi na siya isang Casanova na pumapatol sa kung sino sino lang.



Tama! I have to endure this pain. Masakit oo pero mahal ko si Kevin. Dahil sa kaya ko pa namang indahin
iyong sakit, kailangan pa akong kumapit kay Kevin.



Maybelline?



Naunang bumalik si Kevin sa table namin. Ngumiti ako sa kanya na parang wala akong nakita kahit na
parang nababasag na iyong puso ko sa sobrang sakit.



Okay ka lang ba Kevin?



Tanong ko sa kanya.



Ang putla kasi ng mukha niya. Iyong parang kakakita lang niya ng multo pero naintindihan ko siya dahil
baka naka feel siya ng guilt sa ginawa nila ni Venice.



Mag-aassume nalang ako na wala akong nakita.



Okay lang ako. Pinagpawisan lang dahil ang init sa rest room. Sira ata iyong aircon.



Sabi niya saka siya umpo sa tabi ko.



Ang rest room ba ang mainit o iyong ginawa nila ni Venice?



Tsskk..



Hindi pa ba dumating iyong friend mo? Umuwi nalang kaya tayo? May babae kasing baliw dito.



Sabi ni Kevin.



Lumingon lingon ako sa paligid para hanapin iyong baliw pero wala naman akong nakita.



Hindi tayo pwedeng umuwi dahil andito na siya. Kanina pa.



Sabi ko sa kanya.



Asan?



Ayun oh!



Tinuro ko si Venice na nasa likod lang namin galing comfort room.



IKAW????



Naguluhan ako sa naging reaksyon ni Kevin ng bigla nalang siyang tumayo at tinuro si Venice. Hindi ba
niya inasahan na si Venice ang kaibigan ko? So naghalikan lang silang dalawa ng hindi man lang nila kilala
ang isat isa? Dahil ba na attract siya sa kagandahan ni Venice kaya niya ginawa iyon?



Tss..



Bakit? Magkakilala ba kayo?



Tanong ko sa kanilang dalawa.



HINDI! / OO!



Magkaiba iyong sagot nilang dalawa. Hindi ang sinabi ni Kevin at oo naman ang sinabi ni Venice. Hindi ko
alam kung anong paniniwalaan ko. Siguro dapat kong i-discover kung ano talaga ang relasyon nilang
dalawa.



Hindi naman siguro sila maghahalikan pag hindi nila kilala ang isat isa. Pero bakit nag deny si Kevin?
Nakakagulo.



Anong totoo?



Tanong ko sa kanila ulit.



Hindi pala kami magkakilala. hehe. Sige Mia mag order na tayo?



Sabi ni Venice saka siya ngumiti at umupo sa harap namin ni Kevin. Napaupo nadin si Kevin sa tabi ko.



Dumating na iyong order namin pero wala pading nagsasalita sa aming tatlo. Napapagitnaan parin kami
ng malamig at nakakabinging katahimikan.



Siguro kailangan ko ng basagin ang yelo na nasa gitna namin.



By the way Venice this is my HUSBAND.. Kevin..



Inemphasize ko talaga iyong word na husband para pumasok sa kokoti niya na asawa ko si Kevin. Kahit
na kaibigan ko siya hindi ko siya bibigyan ng pagkakataon na maagaw niya si Kevin.



So Ikaw pala ang asawa ni Mia. Its nice to finally meet you. Sorry about earlier.



Sambit ni Venice.



Ano ba ang sinasabi ng Venice nato? Anong tinutukoy niya? Iyon bang ginawa nila kanina ni Kevin?
Kailangan kong tanungin si Kevin pagdating namin sa bahay.



Inabot ni Venice ang kamay niya para makipag shake hands kay Kevin pero hindi ito tinanggap ni Kevin.



Tayo na Maybelline.



Bigla nalang tumayo si Kevin at hinila ako palabas ng restaurant. Nagulat si Venice sa ginawa ni Kevin
pero wala nadin siyang nagawa. Binigyan ko lang siya ng Im sorry look saka kami tuluyang nakalabas ni
Kevin.



Bakit mo ginawa iyon Kevin? Nakakahiya naman sa kanya.



Kahit na nairita ako kay Venice ng konti dahil sa nakita ko hindi parin maganda iyong inasal ni Kevin.



Hindi ko siya gusto para sayo.



Pero Kevin hindi mo pwedeng piliin kung sino ang pwede kong maging kaibigan.



Maybelline.. Please just listen to me.. Hindi ko din naman gustong pigilan ka sa mga desisyon mo lalo na
pagdating sa mga kaibigan mo pero hindi ko talaga siya gusto.



Bakit ba? Dahil attracted ka sa kanya at natatakot ka na baka mahulog ang loob mo sa kanya at iwanan
mo ako?



Deretsong tanong ko kay Kevin. Nakainis na kasi. Sobrang dami ng nangyari at hindi ko na alam kung
anong iisipin ko. Nalilito ako.



Anong ibig mong sabihin?



Tanong ni Kevin na may confused look.



Halata naman diba na mas maganda siya sakin. Mas matangkad. Nasa sa kanya na lahat ng hinanap ng
isang lalaki. Kung tutuusin mas bagay nga kayo kesa sa bagay tayo.



Inaamin ko. Nanliit ako sa sarili ko pagkatapos ko silang makitang naghahalikan. Alam ko kasing mas
lamang si Venice sakin sa kahit na anong anggulo.



Ano bang sinasabi mo?



Hindi ko alam kung nagpapanggap lang ba si Kevin na hindi niya ako naintindihan o talagang hindi niya
ako gets.



Nakita ko kayong naghahalikan kanina sa comfort room.



Pag-aamin ko. Kailangan ko nading malaman ang totoong dahilan kung bakit nila ginawa iyon. O kung si
Venice man ang nauna, gusto kong malaman kung bakit pumayag si Kevin.



You got it wrong Maybelline.



Hinawakan ni Kevin ang magkabilang palad ko.



Nagulat din ako sa ginawa niya. I swear hindi ko siya hinalikan dahil nagandahan ako sa kanya o kung
ano man. Paglabas ko ng restroom, bigla nalang niya akong tinulak at hinalikan sa labi. Pero tinulak ko
agad siya. I even cussed at her. Tinanong ko siya kung bakit niya ginawa iyon at sabi naman niya na
inakala daw niya na ako iyong ex boyfriend niya. She said sorry pero hindi ko parin siya gusto para sayo.
Hindi dahil sa ginawa niya pero I sensed something in her. Something na hindi ko ma explain. Ang alam
ko lang wala siyang maidudulot na maganda sayo..



Tinitigan ko si Kevin at mukha naman siyang nagsasabi ng totoo.



Totoo?



Tumango lang siya at hinalikan ako sa labi. Dahil sa halik ni Kevin nawala lahat ng panliliit ko. Nawala
lahat ng pagdududa ko. Nawala lahat ng sakit na naramdaman ko.



Pinalitan ni Kevin ang lahat ng iyon ng confidence, trust at pagmamahal.


Chapter 68: Friendship Test





Naalala ko iyong sinabi ni Venice sakin minsan tungkol sa ex boyfriend niya na iniwan siya. Siguro sobra
na talaga iyong pangungulila niya kaya niya napagkamalan si Kevin na ex niya. Kung nakaramdam ako ng
inis sa kanya, napalitan na man ito ng awa.



Im sorry Kevin pero kailangan kong tulungan si Venice. Isa pa ako lang iyong kaibigan niya.



Sabi ko kay Kevin.



Nangako ako kay Venice na tutulungan ko siya. Hindi naman talaga siya masamang babae. Na
misunderstood ko lang iyong nakita ko sa rest room.



Kaibiganin mo na ang lahat huwag lang siya.



Sabi ni Kevin sakin.



Hindi ko talaga alam kung anong naramdaman ni Kevin kay Venice pero wala talaga akong bad vibes na
nararamdaman kay Venice.



Alam mo Kevin baka ayaw mo sa kanya dahil sa nagawa niya. Huwag kang mag-alala sigurado akong
hindi na iyon mauulit.



Pag-aassure ko kay Kevin.



Ano bang dapat kong gawin para layuan mo si Venice?



Napakaseryoso na ng mukha ni Kevin. Alam kong hindi ako mananalo sa kanya ngayon dahil hindi siya
titigil hanggat hindi niya nakukuha iyong gusto niya.



O sige ganito nalang. Ipapakilala ko si Venice kina Zelle, Aya at May. Pag nagustuhan nila si Venice at
okay sa kanila, wala ka nang ibang magawa kundi ang payagan ako. Pero pag hindi okay sa kanila,
lalayuan ko na talaga si Venice.



Siguro kung ganito iyong usapan may dahilan na ako para layuan si Venice. Ayoko kasing layuan siya na
wala man lang concrete na dahilan.



Atleast kung ayaw din nila Zelle sa kanya eh di sila na iyong tama na may something kay Venice na hindi
ko nakikita.



Hindi pa ba nakikilala ng mga kaibigan mo si Venice?



Tanong ni Kevin.



Hindi pa officially. Hindi pa nga nila nakikita si Venice. Pero si Zelle minsan na niyang nakita si Venice sa
rest room nong nag dinner tayo kasama sila.



Paalala ko kay Kevin.



Tapos? Anong sabi ni Zelle?



Inalala ko iyong naging reaksyon ni Zelle nong makita niya si Zelle.



Ahh.. Naalala ko na. Parang may sinabi si Zelle na parang may kapareha si Venice. Hindi iyong mukha
kundi iyong aura.



Tumahimik si Kevin pagkatapos kong sabihin iyon sa kanya. Parang ang lalim ng iniisip niya.



KEVIN?



Winagayway ko iyong kaliwang kamay ko sa harap ng mukha niya.



Ahh. Tayo na.



Pinaandar na ni Kevin iyong makita ng kotse niya saka kami umuwi ng bahay. Tatawagan ko na lang
mamaya si Venice.




..




*tok* *tok*



Mia iha? Bumaba ka na para makakain na kayo ni Kevin.



Narinig ko iyong boses ni Manang sa labas ng pinto ng kwarto namin ni Kevin.



Sige po Manang. Bababa nadin ako.



Nauna nang bumaba si Kevin dahil tinulungan niya si Manang magluto. Ewan ko talaga kung anong
nakain niya at ginawa niya iyon. Baka gusto lang niyang bumawi dahil sa ginawa ni Venice sa kanya. Na
guilty siguro. hahaha! Pero sinabi ko naman sa kanya na hindi ako galit.



Kinuha ko iyong cellphone ko at tinawagan si Zelle.



*riing* *riing*



(Hello Mia?)



Hello Zelle pwede ka ba bukas?



(Uhmm.. Oo bakit? Oo nga pala. Kamusta kayo ni Kevin? Nag-away ba kayo?)



Hindi. haha. Akala ko nga talaga eh magagalit na siya sakin pero hindi naman pala. Gusto ko lang
sanang ipakilala sa inyo si Venice ng maayos.



(Ha? Si Venice? Bakit pa?)



Anong bakit pa? Syempre kaibigan ko kayo tapos kaibigan ko din siya. Sige na Zelle please?



(Sige na nga. Wala naman siguro akong choice. Kwentuhan mo na muna ako tungkol sa inyo ni Kevin.)



Bukas nalang. hehe. Pakitawagan mo nalang sina May at Aya Zelle ha? Thank you.



(Tss. Oo na. Itext mo nalang sakin kung anong oras at kung saan.)



Sige Zelle. Thank you. hihihi



Tinapos ko na iyong phone call ko kay Zelle. Kailangan ko ng ipakilala si Venice sa mga kaibigan ko para
malaman ko kung anong tingin nila sa kanya.



Hinanap ko iyong pangalan ni Venice sa contacts ko sa ka ko pinindot ang call button.



*riing* *riing*



(Mia!)



Hi Venice. Sorry talaga kanina ha. Ako na ang hihingi ng pasensya sa kinilos ng asawa ko. Nakakahiya
naman sayo.



(Its okay Mia. Kasalanan ko naman talaga eh. Ako dapat iyong humingi ng pasensya. Nahalikan ko kasi
siya dahil inakala ko na siya iyong ex boyfriend ko. Baka nailang lang siya pagkatapos niya akong makita
sa table mukha kasing nagustuhan niya iyong halik ko sa kanya.)



Natahimik nalang ako bigla sa sinabi ni Venice. Nagustuhan ni Kevin nag halik ni Venice? Ah huwag kang
mag conclude agad Mia. Baka iba lang iyong interpretasyon ni Venice.



Venice pwede ka ba bukas? Ipapakilala sana kita sa mga kaibigan ko. Nakilala mo na iyong isa. Si Zelle.



Pag-iiba ko ng topic.



(Sure. Just text me when and where. Pupunta ako.)




...




Zelles POV



Dumeretso na ako sa coffee shop na tinext ni Mia. Hindi ko na pinuntahan sina May at Aya dahil sila na
daw ang pupunta dito.



Naghanap na ako ng table namin dahil medyo napaaga ako ng dating at wala pa sila. Ang totoo niyan,
mula nong makita ko iyong Venice na kaibigan ni Mia hindi na ako mapakali. She reminded me so much
of my ex..



My ex bestfriend..



Wendy.



Hindi ko alam kung sang lupalop na siya ngayon. Simula nong maghiwalay kami ng landas, nawalan na
ako ng balita sa kanya. I heard umalis siya ng bansa kasama ang pamilya niya pero I dont know where.



Gusto ko siyang pigilan non. I want to save our friendship pero ayaw na niya.



Si Wendy ang bestfriend kong babae pero nag-away kami ng dahil kay Kevin.



Such a lame reason.



Kung alam ko lang sana na gusto pala niya si Kevin, kung sinabi lang sana niya sakin earlier, baka
nagawan ko pa ng paraan na magkatuluyan sila.



Pero sinabi lang niya na mahal niya si Kevin pagkatapos ko siyang masaktan. Naging sila ni Kevin after.
Wendy was Kevins first girlfriend, pero alam ko na hindi niya talaga minahal si Wendy.



Pagkatapos nilang maghiwalay, ako ang sinisi ni Wendy. Hindi ko naman kasalanan kung hindi siya
kayang mahalin ni Kevin. Hindi niya mapipilit ang tao.



I tried to explain to her my side pero hindi niya ako pinakinggan. Bigla nalang niyang tinapos ang
pagkakaibigan namin.



And that was the end of everything between us.



Hi!



Napatigil ako sa pagrereminisce ng marinig ko ang isang pamilyar na boses.



You are Zelle right?



Tanong pa nito.



Yeah. Maupo ka.



Tumango naman siya at naupo sa bakanteng upuan kaharap ko.



Wala pa ba si Mia?



Tanong niya.



Wala pa. Would you mind kung magkwento ako sayo?



Tanong ko sa kanya.



Not at all.



Sabi niya sabay iling.



Her voice is like Wendys Voice. Her aura.. Katulad na katulad aura ni Wendy. Hindi ko talaga mapigilan
ang sarili ko na maisip si Wendy.



Bago ko makilala sina Mia, may bestfriend ako dati. Her name is Wendy. Hindi lang kami
magbestfriend, para narin kaming magkapatid. Kambal at hindi mapaghihiwalay.



Kahit san ako magpunta, andun siya. Kahit san siya magpunta, nakasunod ako lagi sa kanya.
Napagkakamalaman na nga kaming kambal eh dahil magkamukha nadaw kami. Dahil siguro palagi
kaming magkasama kaya akala ng mga tao eh kambal talaga kami.



Pagkukwento ko sa kanya.



So maganda din pala siya?



Tanong ni Venice sakin.



Oo. Maganda siya. Mas maganda nga siya sakin eh.



Totoo iyong sinabi ko kay Venice. Mas maganda si Wendy sakin pero wala siyang tiwala sa sarili niya.
Palagi niyang kinukumpara ang sarili niya sakin. She always thought na Im better than her. Wala siyang
confidence sa ganda niya, talent niya at talino niya. Hindi niya naisip ang lahat ng meron siya cause
shes always busy comparing herself to me.



Pero sa tingin mo sino ang mas maganda, si Wendy o ako?



Nagulat ako sa tanong ni Venice. Hindi ko alam kung anong point niya para tanungin ako ng ganun pero
sinagot ko parin siya.



No doubt na mas maganda ka kesa kay Wendy. Pero kung papipiliin mo ako between you and Wendy
pipiliin ko si Wendy.



But I didnt ask you to choose.



Sabi nito.



Anyway, why are you telling me about your story with Wendy?



Tanong ni Venice sakin.



Actually I do not know. Siguro dahil naaalala ko siya sayo as Ive told you before.



Haha. Hindi naman kami magkamukha ni Wendy.



Sabi pa nito.



I know but your voice..



ZELLE!! VENICE!!



Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla nalang dumating si Mia kasama sina May at Aya.



Hi Mia!



Bati ni Venice kay Mia.



Nandito na pala kayo.



Sabi naman ni Mia.



Hi Zelle.



Bati ni Aya at ni May sakin.





..


Nagulat ako sa inorder ni Venice. Vanilla Bean Crme Frappuccino. Iyon din ang palaging inoorder ni
Wendy sa tuwing pumupunta kami ng coffee shop.


Alam mo Venice, iyan din ang inoorder lagi ni Wendy.



Sabi ko sa kanya.



Napatingin lang siya sa beverage niya saka siya tumingin sakin.



You know what Zelle? Tss.. I dont want to be rude pero sawang sawa na akong marinig ang tungkol sa
Wendy na iyan. I dont even know her kaya tumigil ka na sa mga kwento mong hindi naman interesting.



Sigaw ni Venice.



Actually I didnt expect it from Venice pero tama siya, hindi na ako dapat nagkukwento sa kanya tungkol
kay Wendy dahil hindi naman siya si Wendy.



Pero bakit parehong pareho ang mga kilos ni Venice sa mga kilos ni Wendy?



Alam mo Venice, hindi mo dapat sinisigawan si Zelle ng ganyan.



Sabi ni May.



Hinawakan ko lang ang kamay ni May para ipaalam sa kanya na huwag na niyang patulan si Venice.



Ahh. .ehehhe.. Hindi naman sinasadya ni Venice iyon May. Magkwentuhan nalang tayo.



Sabi naman ni Mia.




Oh by the way. Kamusta na si Kevin Mia? Sinabi ba niyang naghalikan kami kahapon?



Tanong ni Venice na kinagulat naman naming tatlo. Except for Mia.



WHAT? NAGHALIKAN KAYO NI KEVIN?



Napatayo si Aya dahil sa gulat.



Ahhh.. Hindi ganun girls, inakala kasi ni Venice na si Kevin iyong ex boyfriend niya kaya nahalikan niya.
Pero sabi naman ni Kevin saglit lang daw iyon. Natulak daw niya agad si Venice.



Pagpapaliwanag ni Mia. Hindi ko talag alaam kung bakit niya pinagtatanggol si Venice.



I bet he liked it.



Sabi naman ni Venice na lalong nagpagalit kay May at Aya.



Sa tingin ko Venice hindi naman siguro. hehehe



Sabi ni Mia pero nagsmirk lang si Venice.



Ganyan ka ba talaga?



Tanong ni May kay Venice.



May, huwag na.



Bulong ko kay May pero hindi talaga siya nagpapigil.



What do you mean?



Tanong naman ni Venice.



What do you mean mong mukha mo. Bakit ba parang gusto mong mag-away sina Kevin at Mia? Diba
ikaw din iyong dahilan kung bakit hindi nakarating si Mia nong monthsary nila? Siguro pinlano mo ang
lahat noh?



Sa aming apat na magkakaibigan, si May ang may pinaka strong na personality. Siya din ang
pinakamaldita at pinakapranka sa amin.



I dont know what youre talking about. Ganyan ka ba tumrato ng tao? First meeting palang natin pero
binabastos mo na ako.



Tanong ni Venice.



Because you are acting like a bitch.



Napakainit na ng titigan nina Venice at May.



Ahh girls. Huwag naman kayong mag-away. Happy happy lang tayo dito.



Saway ni Mia sa dalawa saka siya ngumiti.




..




Sige Venice mag-iingat ka.



Paalam ni Mia kay Venice. Kaming apat nalang ang natira sa parking space.



Sabay ka na sakin Mia.



Pagyayaya ko kay Mia dahil wala siyang dalang kotse.



Anong tingin niyo kay Venice?



Tanong niya bigla sa aming tatlo.



Ill go first.



Sabi ni Aya.



I think shes a bitch. Hindi ko siya gusto. Ayoko siyang maging kaibigan. Ang maldita niya, napaka
feeling niya. I think she has hidden agenda.



Pagpapatuloy ni Aya.



Anong hidden agenda?



Tanong ni Mia.



I think gusto niya ang asawa mo Mia. Gusto niya si Kevin.



Sabi ni Aya.



I agree with Aya. Kaya lumalapit sayo si Venice dahil gusto niyang agawin sayo si Kevin Mia. Huwag ka
nang lumapit sa kanya.



Sabi naman ni May.



Ha? Hindi naman siguro.



Sabi ni Mia.



Napaka naive talaga ni Mia. Halata naman sa mga kinilos ni Venice na gusto niya si Kevin. Pareho kami
ng iniisip ni May at Aya. Pero may something na buma-bother sa isipan ko at kailangan kong malaman
kung ano iyon.



Sabi din ni Kevin layuan ko na daw si Venice.



Sabi ni Mia.



Kaya nga eh. Layuan mo na siya. If this is a friendship test. Bagsak na si Venice.



Pagmamaldita ni May.



Tumahimik lang ako dahil nasabi na nina May at Aya ang gusto kong sabihin.


Chapter 69: What is Right?






Pagising ko wala na si Kevin sa couch niya. Kinuha ko iyong digital clock para tignan ang oras. 7:30 AM
palang ng umaga. Ibinalik ko na iyong digital clock sa bedside table at bumangon.



Inayos ko na muna iyong higaan ko bago ako tuluyang bumaba.



Goodmorning muffin!



Lumingon ako sa likod ko pero wala naman akong nakitang muffin.



Ako ba?



Tanong ko kay Kevin sabay turo sa sarili ko pero ngumiti lang siya. Muffin? hehehehe. Ibig sabihin non
may endearment na siya sakin?



hihihihi!!



Ang ganda naman ng simula ng araw ko. hihihihi!



Pero ano naman kaya ang itatawag ko kay Kevin? Kailangan iyong ano.. Iyong sweet at hindi common.
Gayang kay Kevin. Muffin daw ako. hihihihih!!!



Tumabi ako kay Kevin sa couch.



Ano iyan?



Tanong ko sa kanya. Pinipirmahan niya kasi iyong papel. Parang important document ata iyon.



Para kay Daddy to. Gagraduate na kasi ako at sinigurado lang niya na magtatrabaho ako sa company
niyo kaya pinapirmahan niya sakin tong kontrata.



Dahil one year ahead si Kevin samin pati nadin sina Axel, ibibg sabihin gagraduate na sila this March.
Kami naman may isang taon pa.



Ganun ba?



Kevin.. Mia.. Kumain na kayo.



Tawag ni Manang.



Kain na tayo.. MUFFIN.



Sabi ni Kevin saka niya ako inakbayan papuntang kusina. Shete kahit hindi na kami magbreakfast busog
na ako sa muffin na sinasabi ni Kevin.



hihihihih!



Sabay kana samin Manang.



Pagiimbita ko kay Manang.



Mamaya nalang ako Mia. Mauna nalang kayo ni Kevin. Mag-aayos na muna ako.



Ehhh.. Si Manang talaga oh.



Nagdasal na muna kami ni Kevin bago kami kumain.



Oo nga pala. Kamusta iyong lakad niyo nong isang araw?



Tanong ni Kevin sakin. Iyong pagpapakilala kay Venice sa mga kaibigan ko ang tinutukoy niya.



Hindi okay. Nag-away lang si May at si Venice at sabi nila ayaw daw nila kay Venice.



Hindi ko na kinwento kay Kevin ang sinabi nila May na sa tingin nila eh may gusto si Venice kay Kevin.



See? Sabi ko naman sayo diba?



Natahimik lang ako. Oo! Ako nga ang shunga!



Bakit hindi ka na makapagsalita diyan?



Ehhh!! Kasi naman.. Oo na ikaw na panalo. Hindi na ako makikipagkaibigan kay Venice.



Sabi ko kay Kevin para matahimik na ang kaluluwa niya.



Ayoko kasing mag-away kami kaya susunod nalang ako sa kanya at isa pa andami ng umaangal sa amin
ni Venice.



Baka totoo talaga iyong instinct nila. Ako lang iyong shunga na hindi nakaramdam ng bad vibes.



.



Dahil Sabado naman at walang pasok sa school, oras na para magbabad sa telebisyon. Andami kong
korean dramas na kailangang panoorin. Pinahiram kasi ako ni Zelle ng mga DVDs kaya natambakan ako
ng panonoorin.



Maybelline, aalis na muna ako ha.



Sabi ni Kevin kaya pinause ko na muna iyong Rooftop Prince saka ako lumapit kay Kevin.



San ka pupunta?



May aasikasuhin lang. Huwag kang mag-alala. Babalik din agad ako.



Inayos ko lang iyong kwelyo ng polo shirt niya saka ako tumango.



Ingat.



Hindi ko na siya hinatid sa labas dahil si Manang na iyong nagbukas ng gate.



Sobrang iyong tawa ko sa Rooftop Prince ng bigla ko nalang nakita iyong envelope sa center table na
nasa harap ko.



Kay Kevin to diba?



Ito iyong pinirmahan niyang papel kanina at mukhang importante. Kinuha ko agad iyong cellphone ko at
tinawagan si Kevin pero hindi niya sinasagot iyong cellphone niya. Hindi niya ata narinig o baka nasa
meeting siya with his Dad.



Manang? Alam mo po ba kung san pupunta si Kevin?



Tanong ko kay Manang. Hindi naman kasi sinabi ni Kevin kung san siya nagpunta. Ang sabi lang niya eh
may aasikasuhin siya.



Hindi Mia eh. Bakit naman?



Naiwan po niya kasi iyong envelope? Pero hindi ako sigurado kung naiwan ba niya o hindi niya
kailangan to.



Binuksan ni Manang iyong envelope at tinignan iyong papel.



Sa tingin ko kailangan niya to. Gusto mo hanapin ko siya at dalhin to sa kanya?



Tanong ni Manang sakin.



Huwag na po Manang. Ako nalang po iyong magbibigay nito.



Dumeretso na ako sa labas ng bahay namin na naka tsinelas lang ako, malaking tshirt at shorts. Naglakad
ako palabas ng subdivision namin at pumara ng taxi.



San po tayo Maam?



Tanong nong driver. Hindi ko alam kung anong isasagot ko dahil hindi ko naman talaga alam kung nasan
si Kevin.



Pero kung kailangan niya tong envelope. Baka andun sila sa kompanya nila.



Choi Building tayo manong.



Sabi ko sa kanya.



Habang nasa taxi ako, bigla ko nalang nakita ang kotse ni Kevin na nakapark sa labas ng coffee shop.
Tinignan ko muna iyong plate number para makasigurado akong kay Kevin nga iyon.



Ahh Manong dito nalang.



Binayaran ko na si Manong at bumaba na ng taxi.



Nilapitan ko iyong kotse ni Kevin at nilapit ang mukha ko sa window dahil tinted ito at hindi nakikita ang
loob.



Wala si Kevin. Asan kaya siya?



Malayo pa dito ang Choi Building kaya sigurado akong wala siya don. Andito lang siya sa malapit.



Inilibot ko iyong mga mata ko sa buond paligid hanggang sa makita ko siya sa isang coffee shop. Hindi
tinted iyong window ng shop kaya kitang kita ang mga tao sa loob.



Pero nagulat ako ng makita ko iyong kasama niya. Hindi ang Daddy niya. Hindi ang mga kaibigan niya
kundi si Venice.



Si Venice..



Akala ko ba ayaw niya kay Venice?



Akala ko ba hindi niya gusto si Venice bilang kaibigan ko?



Akala ko ba hindi sila magkakilala?



Pero bakit magkasama sila ngayon?



Andaming pumasok sa isipan ko at hindi ko alam kung anong tama don. Hindi ko alam kung anong
gagawin ko.



Dahil sa sobrang galit ko, napunit ko iyong envelope na hawak hawak ko.



Kaya ba ayaw mo si Venice bilang kaibigan ko dahil gusto mo siya bilang babae?



So totoo pala iyong hinala ko na attracted ka talaga kay Venice?



Kung sa bagay para naman siyang supermodel. Kahit na sinong lalaki hindi makakatanggi sa kanya.



AGHHHH!!!!



Naiinis ako. Bakit ang tanga tanga ko?



Nong nakita ko silang naghalikan, sobra akong nasaktan pero kinalimutan ko ang lahat ng iyon dahil
nagpaliwanag si Kevin sakin.



Gumawa siya ng palusot at naniwala naman ako dahil tanga ako!



Pero hindi ko naisip na baka nagsinungaling lang si Kevin. Hindi ko naisip na baka ginawa lang niya ang
kwentong iyon.



All this time inakala kong si Venice nag nagsisinungaling pero siya pala ang nagsasabi ng totoo.



Nagustuhan ni Kevin ang halik na iyon kaya siguro nakipagkita siya ngayon sa kanya.



Inakala kong hindi na siya iyong dating Kevin pero siya parin pala iyon. Isa parin siyang Casanova at hindi
na mababago iyon.



Abot tenga iyong ngiti ni Venice habang magkaharap sila ni Kevin at nagkakape. Ako naman nakatitig sa
kanilang dalawa at parang tangang umiiyak.



Ang sakit sakit.



Sobrang sakit.



Naramdaman ko iyong mga tuhod ko na nanginginig at parang hindi na kayang suportahan ang buong
katawan ko.



Baka any minute magcocollapse nalang ako bigla.



Ito iyong sinabi ng waiter sakin non na pag hindi ko na talaga kaya, pwede na akong bumitaw.



Ito na siguro iyong tamang panahon para bumitaw ako. Hindi lang ito ang unang beses na
nagsinungaling si Kevin sakin.



Pangalawang beses na niya to.



Ayoko na!! Ayoko ng maging tanga!



Umalis ako sa kinatatayuan ko habang patuloy parin iyong mga luha sa pagdaloy sa magkabilang pisngi
ko.



Ang sakit!



Kinuha ko iyong cellphone ko at tinawagan si Mommy.



*riiing* *riing*



*riiing* *riing*




*riiing* *riing*



Mom please pick up..



*toot* *toot*



Pakiramdam ko tinalikuran na ako ng buong mundo. Ang lungkot lungkot ng pakiramdam ko. Parang
akong nasa malayong isla na ako lang mag-isa at walang kasama.



Pumara ako ng taxi at dumeretso bahay namin. Sa bahay namin ng parents ko.



*diing* *doong*



*diing* *doong*



*diing* *doong*



Pati ba naman sa bahay ko walang tao?



*diing* *doong*



*diing* *doong*



*diing* *doong*



Saglit lang po..



Narinig ko iyong boses ni Ate Kate na papalapit sakin.



Ate kate bilisan mo naman.



Pagbukas ni Ate Kate ng gate agad akong pumasok.



Maam? Okay lang po ba kayo? Bakit kayo andito at bakit kayo umiiyak?



Hindi ko na siya sinagot at dumeretso na sa kwarto ko.



Tinapon ko iyong katawan ko sa kama ko at umiyak ng umiyak. Inilabas ko lahat ng sakit na naramdaman
ko.



Ganito pala ang pakiramdam ng niloloko.



Ganito pala ang pakiramdam pag pinaglihiman ka.



Ganito pala ang pakiramdam ng masaktan.




.




*riiing* *riiing* *riing* *riiing*



Kanina pa umiyak ng umiyak ang cellphone ko pero hinayaan ko lang ito dahil alam ko naman kung sino
ang tumatawag.



Si Kevin.



Ang Casanova.



Ang Manloloko.



Ang sinungaling.



Naiinis ako dahil wala man lang akong mapagsabihan sa problema ko. Ilang oras na akong naghintay na
dumating si Mommy pero wala parin siya. Naubos na ang mga luha ko dahil sa kakaiyak ko pero hindi
parin nawala iyong sakit at kirot sa puso ko.



Tss.. Andami ko pang naiwan sa bahay ni Kevin. Bahala na iyong mga damit ko don dahil pwede naman
akong bumili ng bago. Pero iyong mga gamit ko sa school, iyong books, notebooks ko hindi ko pwedeng
iwan iyon.



Kailangan kong balikan iyon.



Bumaba na ako ng kama ko at lumabas ng kwarto ko. Bababa na sana ako ng hagdan ng makita ko iyong
susi ng kotse ko.



Kinuha ko na muna iyon saka ako bumaba ng tuluyan.



Maam? san po kayo pupunta? Uuwi na po ba kayo sa inyo?



Tanong ni Ate Kate pero hindi ko ulit sinagot iyong mga tanong niya.



Nasan iyong kotse ko Ate?



Nasa labas po.



Pakibuksan nalang po iyong gate. Aalis ako.



Pero Maam..



Pinagdilatan ko lang si Ate Kate ng mata. Alam na alam niya pag nagagalit ako at pag wala ako sa mood.



Sige po Maam.



Dumeretso na ako sa kotse ko at umuwi..este pumunta sa bahay ni Kevin para kunin ang mga gamit ko.



Inihinto ko na iyong kotse ko sa labas ng gate namin saka ako pumasok. Dahil dala ko naman iyong susi
ng gate, hindi na ako nag doorbell. Pero bago ako makapasok sa bahay namin, napatitig muna ako sa
kotse ni Kevin.



Kumuha ako ng tools sa likod ng kotse ni Kevin saka ko tinanggal ang isang gulong nito. Mabuti nalang at
tinuruan ako ni Dad na magpalit ng gulong sakaling magkakaflat tire ako.



Sigurado akong hindi ako hahayan ni Kevin na makalayo kaya sinigurado kong hindi niya ako
masusundan.



Pumasok na ako ng bahay namin at agad naman siyang lumapit.



Muffin! Kanina pa kita tinatawagan pero hindi mo sinasagot iyong phone mo. San ka ba nagpunta?



Muffin?



Mukha ba akong muffin? Iniinsulto ba niya ako?



Kaya pala parang ang sweet sweet niya sakin kanina dahil pala may gagawin siyang kalokohan. Hindi ko
na siya pinansin at dumeretso na ako sa kwarto ko. Nakasunod lang si Kevin sakin pero hindi ko na siya
pinansin.



Kinuha ko iyong pink na maleta ko at pinasok ang lahat ng libro ko, notebook at konting mga damit na
nakita at naabot ng mga kamay ko.



Ano bang ginagawa mo? San ka pupunta?



Tanong ni Kevin sakin pero hindi ko siya sinagot.



Maybelline may problema ba tayo?



Pero pinagpatuloy ko lang iyong pagiimpake ko.



Kausapin mo naman ako. Ano bang problema?



May nagawa ba ako?



Sabihin mo sakin.



Isinara ko na iyong maleta ko at lalabas na sanang kwarto pero humarang si Kevin.



Ano ba? Padaanin mo nga ako!!!



Sinubukan kong paalisin siya sa harapan ko pero ang lakas niya. Hindi ito nakayanan ng katawan ko lalo
nat hinang hina ako.



Umiyak ka ba? Bakit namumugtong ang mga mata mo?



Hinawakan ni Kevin ang magkabilang balikat ko pero inalis ko naman agad iyon.



Padaanin mo na muna ako at sasabihin ko sayo ang lahat.



Pagsisinungaling ko sa kanya. Ayaw pa sana ni Kevin pero ako parin iyong nagwagi sa huli. Umalis na siya
sa pinto ng kwarto ko kaya agad akong lumabas at bumaba ng hagdan.



Mia san ka pupunta?



Tanong ni Manang sakin pero hindi ko na siya sinagot. Agad na akong lumabas ng

bahay bago pa ako maabutan ni Kevin.



MAYBELLINE!!!



MAYBELLINE HUWAG MO AKONG IWAN!!




Ito iyong gusto ko diba? Ang iwan si Kevin. Ang bumitaw. Pero bakit ang sakit sakit? Gusto ng utak ko na
umalis at lumayo sa kanya para hindi na ako masaktan.



Pero bakit..



Bakit sinasabi ng puso ko na dapat akong manatili?



Pag hindi nagkakasundo ang puso at isip mo. Ano ba dapat ang sundin? Ang isip mo o ang puso mo?



Alin ba sa dalawa ang tama?


Chapter 70: This Feeling





Kevins POV


Hindi ako nakatulog ng maayos for how many nights dahil lang sa kakaisip ko don sa Venice na iyon.
Hindi dahil hinalikan niya ako kundi dahil sa pag-iisip kung sino talaga siya. Parang nakita ko na siya dati
pa pero hindi ko lang talaga maalala kung saan.




Mababaliw na talaga ako kakaisip kung san ko siya nakita. I have this feeling na magkilala kaming
dalawa.



Theres only one way to find out who exactly is Venice.



Meet her again.



Kinuha ko iyong cellphone ni Maybelline at hinanap ang contact number ni Venice. Mabuti nalang at
hindi ako natagalan hanapin iyon. Kinopya ko na iyong numero ni Venice saka ko binalik ang cellphone ni
Maybelline sa beside table.



*riiing* *riiing*



(Whos this?)



Kevin. Maybellines husband.



(Ohhh!! Its you pala. hehe. Napatawag ka ata Kevin?)



Biglang nagbago ang tono ng pananalita ni Venice. Bigla itong lumambing galing sa maarteng tono niya
kanina.



I just want to meet you again. Okay lang ba?



(Really? Sure. When? Now? Later?)



Mamaya. Okay lang ba?



(Oo naman noh. Basta ikaw. Just text me when and where okay?)



Okay.



...........



Dahil sabado naman at walang pasok, balak ko sanang yayain na lumabas si Maybelline pero naisip kong
kailangan na munang makaharap ko si Venice para maging malinaw na sakin ang lahat.



Maybelline, aalis na muna ako ha.



Paalam ko sa kanya habang nasa harap siya ng telebisyon at nanonood ng drama na hindi ko
maintindihan ang language.



San ka pupunta?



Tanong niya sakin



May aasikasuhin lang. Huwag kang mag-alala. Babalik din agad ako.



Sagot ko sa kanya. Mas mabuti ng hindi niya malaman kung san ako pupunta. Pero alam ko hindi ako
nagkasala sa kanya dahil hindi naman ako nagsinungaling. Hindi ko lang talaga sinabi sa kanya kung san
ako pupunta.



Inayos niya ang kwelyo ng damit ko saka siya tumango.



Kung nagtanong pa sana siya ulit kung san talaga ako pupunta sinabi ko na sa kanya pero tumango lang
siya kaya minabuti kong tumahimik na.



Ingat.



Hindi na niya ako hinatid hanggang sa labas ng bahay. Nagpabukas nalang ako ng gate kay Manang saka
ko pinaharurot ang sasakyan ko.



Pinark ko iyong kotse ko sa harap ng coffee shop malapit sa daan dahil hindi naman ako magtatagal.



Pumasok na ako ng coffee shop saka ko nakitang kumaway si Venice sakin na abot tenga ang ngiti.
Inakala ko talaga na ako iyong mauuna sa kanya pero hindi pala.



Sorry to keep you waiting. Kanina ka pa?



Tanong ko kay Venice saka ako umupo sa harap niya.



Its okay Kevin. Sinadya ko talaga to come here early dahi ayokong paghintayin ka.



Sabi ni Venice.



Hindi na ako nakapagsalita pagkatapos non dahil hindi ko na alam kung anong sasabihin ko. Hindi naman
talaga ako nakipagkita sa kanya dahil may sadya ako o may sasabihin ako sa kanya. Nagpakita ako dahil
gusto kong malinawan ako. Gusto kong malaman kung anong pagkatao niya. Kung san siya galing at
kung papano niya nakilala si Maybelline.



Bakit hindi ka na makapagsalita Kevin?



Tanong niya.



Im sorry hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko.



Sabi ko.



No worries. Alam ko naman ang dahilan kung bakit ka nandito. Sinabi ko na nga ba at hindi mo
natakasan ang kamandag ko.



Sabi nito.



Anong ibig mong sabihin?



Nagpakita ka sakin dahil nagustuhan mo iyong ginawa ko sayo. Iyong halik ko sayo. Youre attracted
to me Kevin at kitang kita iyong sa mga mata mo.



Venice got the idea wrong.



Hindi ko alam kung bakit niya naisip ang ganung bagay.



Im sorry Venice pero you got me wrong. Hindi ako nagpakita sayo para..



Shhh.. Alam ko kung anong gusto mo Kevin. Ang katawan ko. Dont worry dahil ibibigay ko to sayo ng
buong buo. Tama nga ang nading desisyon ko. Mabuti nalang at ginawa kong magbago dahil alam kong
mababawi kita.



Kelan man hindi ako nagkainteres sa mga babaeng maganda lang at walang puso.



Maganda ang katawan pero maitim ang budhi.



Inaamin ko marami akong kasalanan sa mga babae, pero pinagsisihan ko na ang lahat ng iyon. Kahit na
papalit palit ako ng girlfriend, ni isang babae wala akong dinala sa kama.



Hindi ko naintindihan ang punto ni Venice pero sa sinabi niyang iyon para siyang may dating sarili na
iniwan niya.



Hindi ko alam kung papano niya ginawa iyon.



Ang boses niya habang kausap ko siya sa telepono..



Ang aura niya..



Iisang tao lang ang pumasok sa isipan ko at klarong klaro na kung anong nasa isipan ko.



Si Wendy..



Pero paano siya naging Venice ngayon?



Paano niya nabago ang mukha at buong pagkatao niya?



Tama ba ang hinala ko na si Wendy at si Venice ay iisa?



So ano simulan na natin?



Bumalik agad ako sa sarili ng hawakan ni Venice ang kamay ko.



Hindi ako nakipagkita sayo Venice para diyan. Mali lahat ng iniisip mo. Hindi ako attracted sayo at
lalong hindi katawan mo ang habol ko. Mahal ko ang asawa ko kaya huwag kang mag ilusyon diyan.



Biglang naglaho ang mga ngiti ni Venice.



But Kevin... Kung hindi iyan ang dahilan kung bakit ka nakipagkita sakin. Ano?



Kung mapatunayan kong tama lahat ng hinala ko. Humanda ka sakin.



Pagbabanta ko sa kanya saka ako tumayo at lumabas ng kotse. HIndi ko na tinignan pa kung ano ang
reaksyon ni Venice.



Sigurado akong umiyak na iyon kung siya talaga at si Wendy ay iisa. Dinadaan ni Wendy ang lahat sa
iyak.


Bumalik na ako sa kotse ko at tinawagan ang isang private investigator ng pamilya namin.



(Hello Mr. Choi? Napatawag po kayo? May ipapagawa po ba kayo?)



May gusto lang akong pa imbestegahan sayo.



(Sino po?)



Si Wendy de Castro. Alamin mo kung san siya nagpunta. Kung nasan na siya ngayon at alamin mo din
kung anong ugnayan niya kay Venice. Hindi ko alam kung anong apelyido pero hindi naman common ang
pangalan niya kaya madali mong mahahanap.



(Walang problema Sir.)



(AN: Nakapagbigay naba ako ng family name ni Wendy? Kung oo pakicomment nalang kung anong
family name niya sa past chapters..nakalimutan ko kasi at nakakatamad mag back read. Thanks)



Pinaandar ko na iyong makina ng kotse ko saka dumeretso na sa pag-uwi. Sasabahin ko na sana ang
lahat ng mga hinala ko kay Maybelline pero wala siya sa bahay pagdating ko.



Manang san nagpunta si Maybelline?



Tanong ko kay Manang pagkatapos kong uminom ng tubig.



Hindi ba kayo nagkita?



Tanong ni Manang at umiling ako.



Sinundan ka niya para ibigay sayo ang documento don sa loob ng brown envelope.



Ilang beses kong sinubukang tawagan si Maybelline pero hindi niya sinasagot ang cellphone niya.



Hinanap ko ang pangalan ni Zelle sa contacts ko para itanong sa kanya kung kasama ba niya si
Maybelline.



(Hello Kevin?)



Zelle kasama mo ba si Maybelline.



(Hindi eh. Bakit wala ba siya sa inyo?)



Wala eh.



(Baka naman may inasikaso lang iyon. Huwag kang mag-alala uuwi din iyon.)



Baka tama nga si Zelle. Baka nabore lang siya dito sa bahay dahil iniwan ko siya kaya siya lumabas.



Pero sabi ni Manang sinundan niya ako?



Nakita kaya niya kami ni Venice?




...




Ilang oras na akong naghihintay kay Maybelline pero hindi parin siya umuuwi. Ilang beses ko nadin
siyang tinawagan pero ayaw parin niyang sagutin ang cellphone niya.



Tatawag na sana ako ng pulis dahil baka kung ano ang nangyari kay Maybelline ng bigla nalang siyang
nagpakita.



Muffin! Kanina pa kita tinatawagan pero hindi mo sinasagot iyong phone mo. San ka ba nagpunta?



Yayakapin ko na sana siya pero iba iyong reaksyon ng mukha niya. Para siyang binalutan ng itim na aura.
Ngayon ko lang siyang nakita ng ganito.



Parang ang laki ng nagawa kong kasalanan sa kanya dahil sa sama ng mga titig niya sakin.



Hindi niya ako sinagot at deretso ng umakyat papunta sa kwarto namin. Agad ko naman siyang sinundan
hanggang sa kunin niya iyong maleta niya.



San ba siya pupunta?



Magbabaksyon?



Bakit hindi niya ako isasama?



Kinuha niya iyong mga gamit niya at pinasok sa malate niya. Gusto ko siyang pigilan pero ayaw gumalaw
ng mga katawan ko. Ayaw sundin ng katawan ako ang gusto ng utak ko.



Ano bang ginagawa mo? San ka pupunta?



Hindi ako sinagot ni maybelline at pinagpatuloy lang ang ginagawa niya.



Maybelline may problema ba tayo?



Hindi ko talaga alam kung anong nagawa ko sa kanya at gusto niyang iwanan ako. Dahil ba hindi ko siya
nilabas?



O dahil ba nakita niya kami ni Venice?



Kung may issue siya sakin dapat niyang sabihin para ma explain ko ang side ko. Pero pano ako
mageexplain kung hindi ko man lang alam kung anong dahilan kung bakit siya galit sakin.



May nagawa ba ako?



Sabihin mo sakin.



Hindi parin siya kumibo. Nakita kong isinara niya iyong maleta niya saka niya iyon ibinaba sa kama.



Bigla akong humarang sa pinto. Hindi ko siya pwedeng pakawalan ng basta basta lang. Kailangan kong
malaman kung anong problema. Kailangan naming mag-usap. Kailangan naming ayusin ang problema
naming dalawa.



Ano ba? Padaanin mo nga ako!!!



Sinubukan niyang kumawala sakin pero hindi niya nagawa.



Umiyak ka ba? Bakit namumugtong ang mga mata mo?



Tanong ko sa kanya ng mapansin ko ang ibaba ng mga mata niya. Parang kagagaling lang niya sa pag-
iyak.



Padaanin mo na muna ako at sasabihin ko sayo ang lahat.



Hindi sana ako papayag sa gusto niya pero kung hindi ako aalis sa pinto. Alam kong hindi rin niya
sasabihin sakin ang problema.



Tumabi ako. Akala kong sasabihin na niya ang lahat pero bigla nalang siyang dumeretso sa hagdan at
bumaba.



Mia san ka pupunta?



Narinig kong tanong ni Manang kay Maybelline pero hindi niya ito sinagot. Agad siyang lumabas ng
bahay. Tumakbo ako para habulin siya pero ang bilis niya.



MAYBELLINE!!!



MAYBELLINE HUWAG MO AKONG IWAN!!



Hinabol ko siya hanggang sa labas ng gate namin. Akala ko talaga na maabutan ko na siya dahil hindi siya
agad na makakapara ng taxi sa loob ng subdivision namin.



Pero nagulat ako ng bigla nalang siyang pumasok sa kotse niya. Bakit nasa sa kanya na ang kotse niya?
Ibinalik na ba ng magulang niya sa kanya?



Agad akong bumalik at pumasok sa gate.



Manang pakibukas ang gate! Susundan ko si Maybelline.



Dinukot ko na iyong susi sa bulsa ko. Papasok na sana ako ng kotse ko ng bigla kong nakita na wala na
pala ang isang gulong ng kotse ko.



FVCK!!!



Hindi ko napigilan na mapamura habang sinipa ko iyong kotse ko.



Ganito pala ang pakiramdam ng maiwan.



Hindi ko kayang maipaliwanag ang sakit. Parang may parte ng katawan ko ang dinukot. Parang may
parte ng puso ko ang nawala.



Ngayon ko lang naranasan ang ganitong pakiramdam ng dahil madalas ako iyong nang-iiwan. Ni hindi ko
man lang inisip ang nararamdaman ng mga babaeng iniiwan ko.



Ngayon alam na alam ko na ang pakiramdam nila. Hindi madali. Ang sakit sakit.



I hate this feeling!



Para akong pinapatay ng dahan dahan sa sobrang sakit.



Kung ano man ang dahilan ni Maybelline sa ginawa niya, kailangan kong malaman. Kailangan naming
maayos nag lahat ng ito.




Chapter 71: Evil Plan




Ilang araw nadin akong umalis sa bahay namin ni Kevin at hanggang ngayon hindi parin kami
nagkakaayos.




Ewan ko ba sa sarili ko! Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ako umaasta ng ganito.



Ginusto ko to. Ako iyong umiwan kay Kevin. Ako iyong bumitaw. Desisyon ko lahat ng iyon pero bakit
nasasaktan ako? Bakit ang sakit sakit? Bakit parang gusto kong bumalik sa kanya. Bakit parang gusto
kong kumapit ulit?



Nababaliw na siguro ako.



Gusto ng isipan ko na kalimutan si Kevin pero iba naman ang sinasabi ng puso ko.



Ayaw mang aminin ng isip ko, sinisigaw ng puso ko na namiss ko si Kevin.



Ilang araw nadin akong sinusuyo ni Kevin pero para parin akong malaking puno na hindi matanggal sa
kinakapitang lupa.



Nagmamatigas parin ako na parang bato na hindi kayang biyakin.



Pero ang totoo, durog na durog na ako. Parana akong buhangin na hindi na madurog pa dahil sa sobrang
pino.



*diing* *doong*



*diing* *doong*



*diing* *doong*



Ate Kate pakibukas naman ng gate. Baka pizza delivery na iyan.



Pakiusap ko kay Ate.



Sige po Maam.



Alam mo Mia ang shunga shunga mo!



Sabi ni May.



Alam mo Mia ang manhid manhid mo!



Sambit naman ni Aya.



In short Mia nakakainis ka!



Sabi naman ni Zelle.



Ano ba iyang sinasabi niyo? Ano bang problema niyo sakin?



Tanong ko sa kanila.



Maam bulaklak mo pinabibigay ni Sir Kevin. Sabi niya po maghihintay daw po siya sa labas.



Sabi ni Ate Kate na may dala dalang bouquet ng rosas.



Pakisauli nalang iyan Ate Kate. Sabihin mo wala ko dito at sabihin mo sa kanya na huwag na siyang
bumalik dito..



Si Ate Kate ang palagi kong inuutusan sa tuwing nasa labas si Kevin at naghihintay na kausapin ko siya.



Pero Maam... Sayang naman po ito.



Sabi ni Ate Kate.



Kung gusto mo Ate sayo nalang. Ilagay mo don sa kwarto mo pero sabihin mo kay Kevin na umalis na
siya dahil hindi ko siya kakausapin.



Utos ko kay Ate Kate.



IYAN!!!!



Sabay na sabi nila May, Aya at Zelle.



Anong iyan?



Tanong ko sa kanila.



Iyan ang dahilan kung bakit naman nasabi na shunga, manhid at nakakainis ka.



Sabi ni May.



Alam mo Mia, paano mo nakakayan na makitang ganyan si Kevin? Nasasaktan siya dahil iniwan mo siya.
Tapos hindi mo pa kinausap. Ano bang gusto mong mangyari sa inyong dalawa?



Tanong ni Zelle sakin.



Ang gusto ko huwag na siyang bumalik dito.



Sagot ko habang nagmamatigas ako pero sa totoo, hinang hina na ako. Kabaliktaran ng gusto ng puso ko
ang lumabas sa bibig ko.



Gusto kong bumalik dito si Kevin araw araw para suyuin ako. Gusto kong lumabas at yakapin siya at
sabihin na kalimutan nalang naman ang lahat para makapagsimula na kami ng bago pero ayaw sumunod
ng katawan ko.



Sigurado ka ba talaga diyan? Baka naman pag napagod na si Kevin sa kakahabol sayo saka mo lang
marerealize na hindi mo pala kayang mawala siya.



Sabi ni May.



Alam mo Mia. Kung ano man ang problema niyo kailangan niyong pag-usapan ni Kevin iyan. Huwag
mong solohin.



Sabi naman ni Zelle.



Pag dumating ba ang araw na iyon kaya mo ba? Hindi mo ba pagsisisiha ang lahat?



Tanong ni Aya.



Pag dumating ang araw na iyon baka hindi ko makayanan. Baka maisipan kong magpakamatay. Kung
ngayon nga nasasaktan na ako, panno pa kaya kung wala na talaga si Kevin sa tabi ko? Pano kung ayaw
na niya akong makasama? Pano kung bibitaw na siya?



Ikamamatay ko iyon.



Alam mo Mia. Ang problema kasi sayo ang shunga shunga mo. Hindi mo ginagamit to.



Tinuro ni May iyong ulo niya gamit ang kanyang hintuturo.



Oo nga Mia. Baka naman kasi na misunderstood mo lang iyong nakita mo. Baka may pinag-usapan lang
sila tungkol sa business.



Sabi ni Aya.



Eh bakit abot tenga iyong ngiti ni Venice?



Tanong ko sa kanila.



Eh kasi malandi siya. Sabi naman namin sayo diba na gusto niya si Kevin. Baka inaakit lang niya si Kevin
kaya siya ngumingiti. Maganda nga siya ang sama naman ng budhi. Ang itim itim ng budhi ng babaeng
iyon. Nakakainis! Impakta siya!



Sambit ni May.



Alam mo Mia. Kailangan mong pag-isipan ang lahat at kailangan mong magdesisyon sa lalong madaling
panahon. Gusto mo pa ba si Kevin o hindi na? Handa ka na bang mawala siya? Dahil kung hindi, bumalik
ka na sa kanya bago pa maging huli ang lahat.



Sabi ni Zelle.




....



*tok* *tok*



Baby? Gising ka pa ba?



Narinig ko iyong boses ni Mommy sa labas ng kwarto ko pero hindi na ako sumagot kaya umalis nadin
siya. Akala niya siguro tulog na ako.



HAY!!!



Napabuntong hininga nalang ako habang nakahiga ako at nakatitig sa kisame ng kwarto ko.



Paano kung tama sila May, Aya at Zelle?



Pano kung plano lang talaga ni Venice ang lahat?



Pano kung kontrabida pala siya sa buhay ko?



Napaisip ako sa tanong ni Zelle.



Gusto mo pa ba si Kevin o hindi na? Handa ka na bang mawala siya? Dahil kung hindi, bumalik ka na sa
kanya bago pa maging huli ang lahat.



Gusto ko pa si Kevin. Hindi naman nawala iyon kahit na nasaktan niya ako. Pero hindi ko kayang mawala
siya.



Tama si Zelle, kailangan kong bumalik kay Kevin bago pa mahuli ang lahat.



*riiing* *riiing*



Kinuha ko iyong phone ko agad agad sa pag-aakalang si Kevin ang tumawag pero si Venice pala. Hindi ko
na sasagutin pero marami akong itatanong at sasabihin sa kanya.



Hello?



(Hi Mia. How are you? Bakit hindi mo na ako tinatawagan? Galit ka ba sakin?)



Ayoko ng magpaligoy ligoy pa Venice. Do you like my husband?



(Huh? What? Anong ibig mong sabihin? Anong klaseng tanong iyan?)



Just answer it with a yes or a no.



(Ofcourse no. Alam ko namang asawa mo siya noh kaya hindi ako magkakagusto sa kanya.)



Pero nagkita kayo nong isang araw. Anong pinag-usapan niyo?



(Nothing really. Nagulat nga din ako eh kung bakit siya nakipagkita sakin. Oh my! Nilihim ba niya sayo?
Im telling you Mia. Hindi ko gusto si Kevin pero hindi mo ako masisisi if hes attracted to me.)



Venice. Gusto mo ba talaga akong maging kaibigan o kinaibigan mo lang ako para mapalapit ka kay
Kevin?



(What are you talking about Mia?)



Napansin ko lang. Parang sinisira mo kami ni Kevin. Dahil ba gusto mo siya at tinatago mo lang sakin
ang totoo?



(Youre being paranoid Mia. Mali ang lahat ng iniisip mo.)



Sana nga nagsasabi ka ng totoo Venice. Dahil pag nalaman kong niloloko mo lang ako mananagot ka
talaga sakin.



(Oh em gee! Are you threatening me now? Bakit ba ganyan ka Mia? Hindi ka naman dating ganyan ah.
Dont tell me nag-away kayo ni Kevin ng dahil sakin?)



Hindi agad ako nakasagot kay Venice.



(So tama nga ako. Nag-away nga kayo ng dahil sakin. Mia, uulitin ko ulit. Hindi ko gusto si Kevin. At
kinaibigan kita dahil gusto ko. Dahil gusto kita at hindi dahil gusto kong maagaw si Kevin mula sayo and I
can prove you that. I just want a friend Mia. Thats all.)



Paano?



(Pagbabatiin ko kayo ni Kevin. Pero promise me one thing.)



Ano iyon?



(Pag nagkabati na kayo ni Kevin friends na talaga tayo kahit na ayaw sakin ng mga friends mo. Is that
okay?)



Okay Venice.



(So ganito iyong plano ko. Since ako naman ang dahilan kung bakit hindi ka nakapunta sa inihandang
celebration ni Kevin para sa inyo, I will set up a lunch bukas para sa inyong dalawa. Papupuntahin ko si
Kevin sa venue para naman makapag-usap kayo at para maayos na ang lahat ng misunderstandings
between the both of you. Dont worry about everything Mia, kailangan mo lang matulog ng maaga at
magbeauty rest.)



Gagawin mo talaga iyon?



(Yup. If thats the only way para mapatunayan ko sayo na wala talaga akong balak na masama sa inyo ni
Kevin.)



Thank you Venice.



(You are welcome Mia. Pero dont tell anyone muna ha about our plan. Baka kasi maruin eh.)



Makakaasa ka. Thank you talaga.



Katulad ng sinabi ni Venice, natulog ako ng maaga para hindi mugtong ang mga mata ko pag nagkita
kami ni Kevin kinabukasan.



Maaga akong nagising na medyo kinakabahan at excited. Kinakabahan dahil hindi ko alam kung anong
sasabihin ko kay Kevin. Excited dahil finally maayos nadin namin ang lahat ng misunderstandings.



Hindi lang sa aming dalawa ni Kevin kundi narin pati kay Venice. Malalaman nadin ng mga kaibigan ko na
mabait talaga si Venice at hindi totoo iyong nararamdaman nilang masamang aura sa kanya.



Pumasok na ako ng banyo at naligo. Pagkatapos eh binuksan ko iyong closet ko para maghanap ng
magandang maisusuot.



Nakailang palit nadin ako ng damit bago ko napagpasyahan na iyong yellow dress nalang ang isusuot ko.



Oh baby where are you going?



Tanong ni Mommy sakin pagkatapos kong bumaba.



Somewhere Mom.



Mukhang good mood ka ata ahh.



Sabi naman ni Dad at ngumiti ako.



I will tell you the good news later. hehe.



Sabi ko sa kanila. Hinalikan ko muna iyong parents ko sa pisngi bago ako lumabas ng bahay.



Bye Ate Kate!



Paalam ko kay Ate Kate.



Pag nagkabati kami ni Kevin, bibigyan ko ng regalo si Ate Kate dahil siya iyong naging punching bag ko
these past few days.



Siya iyong palaging napagbubuntungan ko ng galit. Siya iyong palaging inuutusan ko pag nasa labas si
Kevin ng bahay namin. Minsan nga natataasan ko siya ng boses.



Pinagbuksan ako ni Ate Kate ng gate saka ko pinaharurot iyong kotse ko.



After 2 hours nakarating nadin ako sa lugar na tinext ni Venice. Sobrang layo pero ang ganda ng lugar.



Eto na nga iyon.



Kinuha ko iyong cellphone ko at tinawagan si Venice.



(Hello?)



Hello Venice andito na ako.



(What? Bakit ang aga mo?)



Excited. hihihi. Asan ka na ba?



(Im on my way na. Hintayin mo nalang ako sa lobby.)



Pumasok ako ng building at umupo sa upuan sa lobby. Iyong place na pinili ni Venice ay isang resort. Sabi
niya kasi, pagkatapos ng dinner namin ni Kevin marami kaming pwedeng gawin gaya ng pagsi-swimming,
biking at kung ano ano pa. Nagpareserve nadin siya ng room para sa amin ni Kevin.



After half an hour nakarating nadin si Venice.



Kung kanina ang pakiramdam ko ang ganda ganda ko na sa yellow dress ko, biglang nagbago iyon dahil
kinabog ako ni Venice.



Grabeh! Ang ganda talaga niya! Ang haba ng legs sa suot niyang mini dress. Nakakasilaw iyong mga legs
niya.



Hi Mia!



Bati ni Venice sakin. Hindi talaga maiwasan na mapatingin sa kanya ang mga tao mapalalaki man o
babae dahil sa sobrang ganda niya.



Hi Venice.



Naupo nadin siya sa tabi ko.



Nakapagreserve na ako ng room para sa inyo ni Kevin mamaya. Dito na kayo matulog para naman
makabawi kayo sa isat isa. Napaayos ko nadin iyong setting para sa lunch niyo. See that one?



Tinuro ni Venice iyong table malapit sa pool. Kita lang naman mula sa lobby kaya hindi na kami lumabas.



Diyan iyong lunch niyo. Romantic right?



Tumango lang ako. Ang bait ni Venice. Tama nga iyong instinct ko about her. Na misunderstood lang
talaga siya ng mga kaibigan ko at ni Kevin kaya inakala nilang may masama itong balak.



*beep* *beep*



Tumunog iyong cellphone ni Venice. Binasa niya iyong text message saka siya humarap sakin.



Mia, hes here. Kevin is here!



Tumayo si Venice na parang siya iyong excited.



Itinaas niya iyong kamay niya para tawagin iyong isang staff ng resort.



Iyong sinabi ko sayo. Escort him.



Utos ni Venice sa kanya at tumango naman ito.



Tama nga si Venice. Napaghandaan na niya ang lahat. Wala na akong kailangang gawin kundi ang
magbeauty rest. Mabuti nalang at nagawa ko iyon.



Sobrang lakas na ng tibok ng puso ko dahil sa wakas magkakausap narin kami ni Kevin. Makakahingi
narin ako ng sorry sa kanya. Maaayos nadin namin ang lahat.



Mia, pumunta na tayo don. Ihahatid lang kita tapos ikaw na ang bahala okay? Diskarte mo na iyon.



Sabi ni Venice.



Tumango lang ako at tumayo.



OHH!!!!



Bulalas ni Venice.



May problema ba?



Tanong ko sa kanya.



Iyong damit mo.



Tinignan ko iyong suot kong damit.



May problema ba sa suot ko?



Malaki Mia. Hindi bagay sa venue at sa ambiance. Mabuti nalang at nagpadala ako ng mga damit sa
yaya ko kanina dito. Andun na lahat sa room niyo ni Kevin. Halika. Pahihiramin kita ng magandang
damit.



Sobrang thankful ko kay Venice. Hindi lang niya kami tinulungan ni Kevin na magkaayos. Pahihiramin pa
niya ako ng damit. Alam ko mas lalo akong gaganda pag suot ko ang damit ni Venice dahil sa taste niya.
Fashionista kasi siya.



Pumasok na kami ni Venice sa kwarto na nireserve niya para sa amin ni Kevin at binuksan iyong closet.
Sobrang daming damit. Namili si Venice ng damit saka niya ito binigay sakin.



Here Mia. Ito isuot mo. Sigurado akong bagay to sayo.



Sabi ni Venice.



Thank you Venice. Hindi ko talaga alam kung paano kita pasasalamatan.



Ngumiti lang siya sakin.



Lalabas lang ako to check if everything is okay. Pagkatapos mong magbihis lumabas kana dahil
hinihintay ka na ni Kevin.



Pagkatapos lumabas ni Venice ng room, isinuot ko na iyong black sexy dress na binigay niya. Tinignan ko
ang kabuuan ko sa salamin at inayos ang buhok ko. Pagkatapos eh dumeretso na ako sa pinto para
lumabas.



Pero nagulat ako ng hindi ko iyon mabuksan.



Nakalock ang pinto!!



Chapter 72: The Other Side






Venices POV




Kahit kailan talaga uto uto si Mia. hahaha!



So naive...



Ang tanga tanga!



Ang dali lang niyang utuhin!



Sa tingin niya talaga tutulungan ko sila ni Kevin na magkabati? No way! Ngayon na nag-away na sila dahil
sakin, sasagarin ko na ang mga plano ko. I will make sure na pagkatapos ng araw na to, mapapasakin si
Kevin.



And as for Mia..Forever na siya don sa room! hahahaha!!



Naglakad na ako papunta sa lobby at nakasalubong ko si Marco. Ang staff ng resort na binayaran ko.



Ano nakuha mo na ba ang cellphone niya?



Tanong ko sa kanya.



Opo Maam. Eto po.



Inabot sakin ni Marco ang cellphone ni Kevin. Since gumawa na ako ng plano, sinigurado ko na perfect
ito. Hindi ako tanga para hindi maisip na pwedeng tawagan ni Mia si Kevin habang inaakit ko siya.



Tawagan na niya ang mga kaibigan niya huwag lang si Kevin. Kahit na i-rescue pa siya ni Superman
magiging huli padin ang lahat.



hahahaha!!


Naaamoy ko na ang tamis ng aking tagumpay! Kung kailangan kong pilitin si Kevin sakin gagawin ko.



Kinuha ko iyong cellphone ni Kevin saka ko ito pinatay at tinago sa bag ko. Palihim ko rin naman itong
ibibigay sa kanya mamaya kaya hindi niya malalamang may kumuha pala ng cellphone niya.



Dumeretso na ako sa table namin malapit sa pool. Akala talaga ni Mia na para sa kanila ang set up na
ginawa ko? hahaha. Ano ako tanga para gawin iyon? Ginawa ko to para sa amin ni Kevin.



Nakaupo na si Kevin sa upuan at nakatalikod. Likod palang ni Kevin ulam na. Pano kaya pag humarap na
siya?



Maybelline?



Bigla nalang tumayo si Kevin at humarap sakin pagkatapos niyang marinig ang mga yabag ng paa ko na
papalapit sa kanya.



Biglang lumungkot ang mukha ni Kevin nang makita niya ako pero I expected it already at na ihanda ko
na ang sarili ko. Hindi ako ang inasahan niyang makita pero I will make him happy no matter what it
takes.



Venice? Nasan si Maybelline?



Tanong niya.



Ahhh.. ano kasi.. Sabi niya sakin huwag mo na daw siyang hintayin dahil hindi na siya pupunta. Sabi
kasi niya narealized niya na hindi ka na daw niya mahal.



Magsisinungaling nadin naman ako, eh di iyong wagas na.




.






Mias POV




Bakit lock ang pinto?



Ilang ulit ko itong sinubukang buksan pero ayaw parin.



May tao ba diyan? Pakibuksan naman to!!!



Sigaw ako ng sigaw pero wala paring nagbubukas ng pinto. Ngayon alam ko na talaga kung anong tunay
na ugali ni Venice. Kung anong puti ng mukha niya, kung anong ganda ng itsura niya, kabaliktaran naman
nito ang kalooban niya. Ang itim ng budhi niya. Ang sama ng ugali niya.



Naiinis ako dahil naging tanga ako. Bakit ba ako nagpadala sa mga salita niya? Bakit ako naniwala sa mga
kasinungalingan niya?



I learned my lesson pero mas lamang parin iyong kasabihan na nasa huli ang pagsisisi.



Nagsisisi ako dahil naniwala ako kay Venice. Gusto kong umiyak dahil sa katangahan ko pero alam ko na
kahit ilang baldeng luha pa ang iiyakin ko, hindi na mababalik ang nawala at nasayang na panahon.



Ang kailangan ko ngayon, gumawa ng paraan para makalabas dito.



Kinuha ko iyong cellphone ko para tawagan si Kevin. Siya lang iyong makakatulong sakin.



The number you have dialed is either unattended or out of coverage area.




Sinubukan ko ulit na tawagan si Kevin pero ganun parin. Hindi ko parin siya macontact. Sigurado akong
ginawan na ni Venice ng paraan para hindi ko macontact si Kevin.



Walang hiyang Venice! Pag nakatakas ako dito uubusin ko talaga ang buhok niya sa ulo. Kakalbuhin ko
talaga nag punyetang iyon!



Naglibot libot ako sa loob ng room para maghanap ng kung anong pwedeng gamitin. Sinubukan ko ding
buksan ang bintana para don ako dumaan pero wala parin.



*riiing* *riiing*



Sinagot ko agad ang cellphone ko pagkatapos kong makita ang pangalan ni Zelle sa screen ng cellphone
ko.



(MIA!!!!!)



Inilayo ko iyong cellphone sa tenga ko dahil sa lakas ng boses ni Zelle.



Zelle!



(Miaaaa... Alam ko na ang tunay na pagkatao ni Venice kaya please lang huwag ka ng lumapit sa kanya
kahit na kailan.)



Ano?



(Naghire ako ng private investigator para malaman ang pagkatao niya. Ngayon alam ko na talaga kung
sino siya. Siya si Wendy Mia. Umalis siya ng bansa para ibahin ang mukha niya. Pero kahit na iba na ang
mukha niya, iba na ang itsura niya, ganun padin ang mga kilos niya. Ganun padin ang boses niya. Ganun
padin ang aura niya. Si Wendy ang ex bestfriend ko na patay na patay kay Kevin. Siya din iyong first
girlfriend ni Kevin pero Mia hindi siya minahal ni Kevin.)



Bakit ngayon mo lang sinabi to Zelle?



(Im sorry Mia. Ngayon lang din sinabi sakin ng private investigator. Pero huwag kang mag-alala Mia.
Ngayong alam na natin ang totoong pagkatao niya, maiiwasan mo na siya at hindi na siya makakagulo pa
sa inyo ni Kevin.)



Huli na ang lahat Zelle.



(What do you mean Mia?)



ti-nrap ako ni Venice sa isang kwarto. Niloko niya ako. Sinabi niyang tutulungan niya kaming magkaayos
ni Kevin pero hindi niya tinupad. Hindi ako makalabas ngayon at pinuntahan na ni Venicesi Kevin.



(What? Anong nangyari? Bakit hindi mo sinabi ang mga plano niya?)



Im sorry Zelle naging tanga ako. Sabi kasi ni Venice na huwag ko daw sabihin sa inyo at naniwala
naman ako.



(Nasan ka ngayon? Pupuntahan ka agad namin.)



Napansin kong may smoke dector sa kisame ng kwarto kaya may pumasok agad sa isipan ko.



No need Zelle. Tatawagan nalang kita ulit.



(But Mi...)



Ibinaba ko na agad ang tawag ni Zelle at naghanap sa kwarto ng posporo o lighter. Siguro naman meron
dito.



Binuksan ko lahat ng drawers sa mga cabinet pero wala talaga akong makita. Kailangan ko ng makalabas
agad. Pano kung may ginawa na si Venice kay Kevin? Paano kung huli na ang lahat?



Huwag kang magisip ng ganyan Mia. Think positive! Tumigil ang mga mata ko sa lampshade.



Hindi ko alam kung makakagawa ba ako ng apoy mula sa lampshade pero kailangan kong subukan.



Inilipat ko iyong lampshade sa tapat ng smoke detector saka ko pinindot ang on button.



Naghanap ako ng kahit na ano para makatrigger ng apoy sa lampshade pero tanging soda cans lang ang
nakita ko sa mini ref.



Pwede kaya to?



Wala namang mawawala kung susubukan ko.



Alam ko delikado ang gagawin ko pero kailangan kong gawin to. Kailangan kong subukan. Kailangan kong
mapigilan si Venice sa masamang balak niya kay Kevin.



Lumapit ako sa pinto para kung sakaling bubukas ito, makakatakbo agad ako. Bahala na kung masunod
ko man ang buong resort nato. Ang importante makalabas ako.



Inihagis ko iyong dalawang soda can sa bombilya ng lampshade. Binuhos ko talaga lahat ng lakas ko pero
nagspark lang ito at hindi umapoy.



Sinubukan ko ulit na maghagis ng isang soda can pero wala parin.



Mawawalan na sana ako ng pag-asa ng bigla nalang may usok na lumabas mula sa lampshade. Hanggang
sa tumunog na nga ang fire alarm.



Narinig kong tumunog nadin ang fire alarm sa may hallway sa labas at nagtatakbuhan na ang mga tao.



Rinig na rinig ko ang mga sigaw ng mga tao na natataranta pero ni isa wala paring bumukas ng pinto
kung nasan ako.



TULONG!!! TULONG!!!



Sigaw ko.



Sir dito po na-detect ang apoy!



Narinig ko ang isang boses ng lalaki sa labas ng kwarto.



Buksan mo na!



Pagkatapos ng ilang segundo nabuksan nadin ang pinto. Nakahinga ako ng maayos dahil nakawala nadin
ako sa wakas sa mga bitag ni Venice.



Asan ang sunog?



Tanong ng lalaki sakin.



Wala pong sunog. Alis na po ako.



Umalis agad ako dahil wala na akong oras para magpaliwanag sa kanya.



FALSE ALARM!! FALSE ALARM!!



Nagsibalikan na ang mga tao pagkatapos nilang malaman na wala naman talagang sunog. Tumakbo na
agad ako hanggang sa makarating ako malapit sa pool.



KEVIN!!!!



I screamed at the top of my lungs at hindi naman ako nabigo dahil narinig ako ni Kevin. Agad akong
tumakbo sa kanya at tinabig si Venice. Mabuti nalang at hindi siya nahulog sa pool.



Maybelline? San ka ba nagpunta?



Niyakap naman ako pabalik ni Kevin. Sobrang namiss ko siya. Sobrang namiss ko ang yakap niya.



MIA? Bakit ka andito? Diba sinabi mo sakin na hindi ka darating?



Tanong ni Venice sakin.



Kumawala ako sa yakap ni Kevin saka ko hinarap si Venice.



Kelan ko naman sinabi sayo iyan Venice? Or should I say WENDY?



Biglang namutla si Venice pagkatapos niyang marinig ang dating pangalan niya.



A-nong iiii-big mong sa-bi-hin Mia? Hindi ako si Wen-dy.



Pagmamaang maangan niya. Kahit na i-deny pa niya ng ilang beses na hindi siya si Wendy, halata parin
ang reaksyon ng mukha niya.



Ikaw si Wendy Venice. Nagpa plastic surgery ka para lang mabago mo ang mukha mo. Pero kahit na
baguhin mo ang itsura mo, hindi parin maitatanggi na ikaw parin ang Wendy na ex bestfriend ni Zelle.



Hindi ko alam kung anong pinagsasabi mo Mia. Hindi ko kilala si Wendy.



Ang pinakaiinisan ko sa lahat eh iyong nagsisinungaling at nagdedeny pa kahit na bukong buko na siya.



You know what Venice, tinuring kitang kaibigan. Nagpakatotoo ako sayo. Kahit na sinabi na ng lahat na
layuan kita hindi ko parin ginawa dahil gusto talaga kitang maging kaibigan. Pero tinraydor mo ako
Venice. Noon sobra ang paghanga ko sayo dahil ang ganda mo at ang bait mo. Pero ngayon naaawa ako
sayo. Dahil kahit na maganda ka plastic lang pala ang mukha mo. Hindi lang ang mukha mo ang plastic
kundi pati na iyang pag-uugali mo.



Biglang humalakhak si Venice.



hahaha! I guess hindi na ako pwedeng magpanggap dahil nabuko mo na ako. I see...



Hindi ko na pinatapos si Venice sa pagsasalita. Bigla nalang kumulo ang dugo ko pagkatapos niyang
humalakhak.



Para siyang asawa ni Satanas kung tumawa. Gusto kong sabunutan siya hanggang sa maubos lahat ng
hibla ng buhok niya.



*slap*



Napahawak si Venice sa kaliwang pisngi niya pagkatapos ko siyang sampalin.



Masakit ba?



Tanong ko sa kanya.



Siguro hindi ka nasaktan. Sampal lang iyan kung ikumpara sa kutsilyo na dumaan sa retokadong mukha
mo!



Mataray na sambit ko sa kanya.



How dare you?



Sinubukan akong sampalin ni Venice pero nahawakan ko agad ang braso niya bago paman dumapo ang
palad niya sa pisngi.



How dare me? How dare you!! You didnt know the other side of myself Venice. Inakala mong mabait
lang ako at uto uto. Pero ngayon alam mo na kung ano ako kung magalit. Higit pa ako sa leono sa dragon
na bumubuga ng apoy.



Binitawan ko iyong pagkakahawak ko sa braso niya at sinampal siya ulit sa kabilang pisngi niya.



*slap*



Napahawak ulit siya sa pisngi niya.



You should thank me for that Venice. Pinantay ko lang ang pisngi mo para magmukhang blush on!



Sobrang galit na iyong mukha ni Venice. Ngayon ko lang siyang nakitang ganun. Palagi kasi niya akong
pinapakitaan ng angelic face niya. Pero ngayon lumabas nadin ang tunay na mukha niya, ang demonic
face niya.



Tapos ka na ba Mia? Ngayon ako nama..



Hindi ko ulit pinatapos si Venice sa sasabihin niya sana.



No Venice. Hindi pa ako tapos kaya huwag kang maging bastos!



This is for all the shits that you brought to us.



Tinulak ko si Venice sa pool na malapit samin. She just dug her own grave. Siya ang pumili ng lugar na
to. Siya ang pumili ng sariling libingan niya.



OH MY GOSH! OH MY GOSH! HELP ME! MALULUNOD AKO!!! MALULUNOD AKO!!



Sigaw ng sigaw si Venice habang nasa pool siya.



She looked so pathetic. Para siyang nasa 50 50 state. Any second from now mamamatay na siya o di
kaya mabubuhay.



MIA PLEASE HELP ME!! PLEASE!!!



Akala mo ba maloloko mo pa ako Venice? Paano ka malulunod diyan sa pool kung hanggang balikat mo
lang iyan. LIAR!! GO TO HELL VENICE!!



Pagkatapos marinig ni Venice iyon tumayo na siya agad at tinigil ang pagpapanggap niya. Akala niya
siguro hindi ko nakita ang sign board na 4 feet na nakadikit sa gilid ng pool.



Hinding hindi na ulit ako magpapaloko sa mga katulad ni Venice.



Lets go Kevin. Umalis na tayo sa impyernong lugar na to. Ayokong makita ang plastic na pagmumukha
ng asawa ni Satanas.




Chapter 73: Under Arrest!





Lets go Kevin. Umalis na tayo sa impyernong lugar na to. Ayokong makita ang plastic na pagmumukha
ng asawa ni Satanas.



Hinawakan ko iyong kamay ni Kevin at hinila ko siya. Habang inaaway ko si Venice, hindi siya umimik na
kahit na isang salita. Siguro dahil nagulat siya sa ginawa ko. Hindi pa kasi nakita ni Kevin ang ganung side
ko.



Habang naglalakad kami ni Kevin sa gilid ng pool nakita ko iyong mga staff na tinulungan si Venice na
makaahon mula sa pool.



Pero hindi pa kami tuluyang nakakalayo sa pool ng biglang dumating sina Zelle, Aya at May.



MIAAAA!!!!!



Sigaw nila sakin.



Bakit kayo andito?



Tanong ko sa kanila.



Eh kasi sabi mo kinulong ka ni Venice kaya andito kami pa i-rescue ka. Asan na ba si Venice at
kakalbohin ko siya?



Sigaw ni Aya.



Oo nga pala Mia, Kevin. May kasama kami.



Sabi ni Zelle.



Bigla nalang naglabasan ang apat na pulis na hindi ko alam kung san galing.



ZELLE!!! Bakit pa kayo nagdala ng pulis?



Tanong ko sa kanila.



Eh kasi para makulong na iyang Venice O Wendy na iyan at hindi na makagawa ng masasamang bagay.
Ang demonyitang iyan! Unang kita ko pa lang sa kanya kitang kita ko na ang sungay sa ulo niya!!



Si May iyong sumagot kahit na si Zelle iyong tinanong ko. Nakakatawa talaga si May dahil ayaw na ayaw
niya kasi kay Venice.



Pero anong sasabihin natin sa pulis? Na ikinuong nila si Maybelline?



Sabi ni Kevin.



Kung hindi talaga nagsalita si Kevin hindi ko talaga maaalala na kasama pala namin siya. haha. Biro lang!
Akala ko kasi napipi na si Kevin pagkatapos niyang makita ang isang side ko.



Oo nga noh?



Sabay na tanong nila May, Aya at Zelle sa kanilang sarili.



Ayokong parusahan si Venice ng sobra dahil hindi naman ako Diyos. Pero sa tingin ko kulang pa iyong
ginawa ko sa kanya. Kulang pa iyong sampal at pagtulak ko sa kanya sa pool. Sigurado akong babalikan
niya kami ni Kevin dahil sa pagpapahiya ko sa kanya.



Hindi ko na hihintayin na gawin pa ni Venice iyon. Bago paman niya magawa iyon, tuturuan ko na siya ng
leksyon.



Sino po ang aarestuhin Maam?



Tanong ng pulis kina Zelle pero wala silang naisagot. Wala naman talaga kasi silang pruweba against kay
Venice kaya hindi nila ito basta basta dadakpin.



Siya po!



Sabi ko sa pulis sabay turo kay Venice. Hindi pa nga nakakarecover si Venice sa ginawa ko may isa pa
akong pasabog sa kanya.



Sigurado akong magtatanda siya sa gagawin ko.



Are you out of your mind? Bakit? Ano bang ginawa ko sayo? Ikaw nga dapat ang hulihin ng mga pulis
dahil tinulak mo ako sa pool!



Sigaw ni Venice sakin pero I just gave her a smirk.



Maybelline ano bang ginagawa mo? Hindi ka pwedeng magbintang ng ganyan lalo na at wala tayong
pruweba.



Bulong ni Kevin sakin.



Meron Kevin.



sagot ko kay Kevin.



Hulihiin niyo na po ang babaen iyan! Kinuha niya ang cellphone ng asawa ko!!



Sigaw ko sa mga pulis.



Sobrang nakakatawa ang mukha ni Venice. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba kaya siya namutla ng
ganun o dahil sa lamig ng tubig pool o dahil nabura iyong make up niya sa tubig. Kahit ano man ang
dahilan, nakakatawa parin si Venice.



Nakakatawa na nakakaawa.



No Please! Please huwag niyo akong hulihin!!!



Sigaw ni Venice na sobrang natakot at namutla.



May pruweba po ba kayo Maam?



Tanong ng pulis sakin.



Nawawala ang cellphone ng asawa ko at sa tingin ko andun sa bag ng babaeng iyan. Pakitignan nalang.



Utos ko sa pulis.



Kinuha nila iyong basang bag ni Venice dahil hawak hawak niya iyong nong tinulak ko siya sa pool.



Kinapa naman ni Kevin ang cellphone niya at wala talaga ito sa kanya.



Bakit hindi ko namalayan na wala na pala ang cellphone ko? Pano napunta kay Venice?



Tanong ni Kevin sakin.



Hindi ko alam kung paano niya nagawa iyon pero sigurado akong siya iyong kumuha.



Sagot ko naman kay Kevin.



Akin na iyang bag mo Miss.



Sabi ng pulis kay Venice pero hindi binigay ni Venice ang bag niya. Niyakap niya ito ng mahigpit.



NO!!! Hindi pwede!!



Pero nagawan parin ng pulis na kunin iyong bag mula sa kanya. Binuksan iyon ng mga pulis at nahanap
nga nila ang cellphone Kevin.



Eto po ba iyon Sir?



Tanong ng pulis kay Kevin.



Oo! Iyan nga boss!



Sagot ni Kevin sa pulis. Sigurado akong sira na iyong cellphone ni Kevin dahil basa na ito.



NO!!! HINDI KO ALAM KUNG PANO NAPUNTA IYAN SA BAG KO! HINDI AKO ANG KUMUHA NIYAN!!!



Sigaw ni Venice sa mga pulis.



Sa prisinto ka na magpaliwanag Miss!



Sabi ng pulis saka pinusasan ang dalawang kamay ni Venice.



Naaawa ako kay Venice dahil humantong pa talaga kami sa ganito. Pero siya rin iyong gumawa niyan sa
sarili niya. Kahit na naaawa ako sa kanya, hindi ko parin mapigilan ang matawa dahil sa itsura niya.



Para siyang basang sisiw. hahaha!!



Ngayon alam ko na na mas maganda parin ako sa kanya.



NO!!! PLEASE!!! TULUNGAN NIYO AKO!! NAGSISISI NA AKO!!!



Sigaw ng sigaw si Venice habang dinadala siya ng mga pulis.



BAGAY LANG IYAN SAYO BITCH!!!



Sigaw naman ni May.



Ang maldita talaga ni May.



Hanggang sa tuluyan na ngang dinala si Venice ng mga pulis.



Anong nangyari?



Tanong nila Zelle, Aya at May sakin pagkatapos mawala ni Venice.



Inaway ko si Venice.



Simpleng sagot ko.



Waaee?? Di nga! Ikaw? Inaway mo si Venice?



Pang iinsulto ni Aya sakin. Sina May at Zelle naman hindi makapagsalita.



HAHAHAHAHA!!



Napatingin kaming lahat kay Kevin dahil sa sobrang lakas ng pagtawa.



May nakakatawa ba?



Tanong ko sa kanya.



HAHAHAHA!!



Tawa parin siya ng tawa na para nang nasiraan ng bait.



Anong nakakatawa Kevin?



Tanong naman ni Zelle sa kanya tapos tinuro naman ako ni Kevin.



Ako?



Turo ko sa sarili ko.



Ako nakakatawa? Bakit naman? May dumi bang mukha ko? Mukha ba akong clown? Bakit mo ako
pinagtatawanan?



Hindi ko talaga magets si Kevin minsan. Para kasing may sarili siyang mundo eh. O baka naman may
nakikita siyang multo na nakakatawa kaya siya lang iyong tumatawa.



Kinalma na muna ni Kevin ang sarili niya bago siya nagsalita.



*slap*



Sinampal ni Kevin ang hangin.



Masakit ba?



Siguro hindi ka nasaktan. Sampal lang iyan kung ikumpara sa kutsilyo na dumaan sa retokadong mukha
mo!



You didnt know the other side of myself Venice. Inakala mong mabait lang ako at uto uto. Pero ngayon
alam mo na kung ano ako kung magalit. Higit pa ako sa leon o sa dragon na bumubuga ng apoy.



You should thank me for that Venice. Pinantay ko lang ang pisngi mo para magmukhang blush on!



Inulit ni Kevin ang ginawa ko kanina. Kuhang kuha niya iyong mga sinabi ko. Pano kaya niya namemorize
ang lahat ng iyon?



HAHAHAHAHHAHAHAHAHAH!!



Nagtawanan naman sina Zelle, Aya at May. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa pangagaya ni Kevin o
dahil sa ginawa ko.



Tumigil na nga kayo. Hindi nakakatawa!



Saway ko sa kanila.



Mia ginawa mo talaga iyon? haha. Hindi ako makapaniwala. Sino nagturo sayo? Si May ba?



Tanong ni Aya sakin.



Hindi ko tinuruan si Mia. Sa tingin ko may tinatago talaga siyang kamalditahan sa loob ng katawan niya.
Mag dahan dahan nalang tayo ngayon dahil nasa loob ang kulo ng babaeng iyan. hahaha!



Sabi naman ni May.



Nabubweset talaga ako sa kanila. Ako na naman ang pinaupo sa hot seat.



*bogsh!*



Sinuntok ko si Kevin sa balikat niya pero parang wala lang iyon sa kanya. Nakisabay parin siya sa pagtawa
sa tatlo kong kaibigan.



....




Theres no place like home..



I totally agree with it. Ibang iba talaga iyong feeling pag andito ako sa bahay namin ni Kevin. Naging
bahay ko din naman iyong bahay ng parents ko pero nong bumalik ako don parang may kulang.
Ordinaryong bahay nalang siya para sakin, nawala na iyong essence ng home. Siguro dahil hindi ko
kasama si Kevin.



At syempre. Wala ng tatalo pa sa alaska....este sa mga bisig ni Kevin. hihihihi! Kung dati sa couch siya
natutulog ngayon katabi ko na siya. hihihihihi!!



Siguro dahil namiss niya ako ng husto. hihihi! Miss ko din naman siya eh! kekekeke



Im sorry Maybelline.



Biglang sambit ni Kevin habang nakahiga kaming pareho sa kama. Ginawa kong unan ang dibdib ni Kevin.



Sweet! Shete! Kinilig ako bigla!



Para san?



Tanong ko sa kanya.



Dahil hindi ko sinabi sayo. Dahil naglihim ako sayo. Kung hindi ko lang talaga tinago na makikipagkita
ako kay Venice hindi na sana tayo umabot don sa paglalayas mo.



Bigla akong naguilty.



Kung tutuusin kasi ako dapat ang humingi ng tawad. Kasalanan ko naman talaga lahat eh. Kung hindi
lang sana ako nagpadalos dalos sa mga kilos ko. Kung sana ginamit ko muna iyong utak ko bago ako
naglayas.



Kung sana.. pero wala eh. Huli na ang lahat. Nag-away na kami ni Kevin. Pero masaya ako at okay na
kami ulit.



Ang isa pang dahilan kung bakit ako naguiguilty dahil sa ginawa ni Kevin. Hindi siya nagsinungaling
sakin. Hindi lang niya sinabi kung san siya pupunta. Gaya ng ginawa ko sa kanya. Hindi ako
nagsinungaling sa kanya pero tinago ko iyong tungkol kay Jun.



Kevin hindi mo kasalanan. Kung sana hindi ako nagpadalos dalos..



Shhh!!



Pinatigil ako ni Kevin sa pagsasalita.



Mas mabuti pa kalimutan nalang natin iyon. Ang mahalaga, kahit na nag-away tayo atleast may
natutunan tayo. Simula ngayon wala na tayong dapat na ilihim pa sa isat isa. Ayokong layasan mo ako
ulit. Hindi ko kaya iyong sakit.



Sabi ni Kevin habang hinahaplos niya iyong buhok ko.



Dapat ko na bang sabihin kay Kevin ang totoo? Na nagkita kami ni Jun at inimbitahan niya ako sa
birthday ng Mommy niya?



Naalala ko bigla na malapit na palang dumating ang araw na iyon.



Siguro dapat ko ng sabihin kay Kevin. Karapatan niyang malaman. Pero..



Natatakot ako.. Pano kung malaman ni Kevin ang sekreto ko? Sigurado ako hindi niya iyong
magugustuhan.



Maybelline? Tulog ka na ba?



Tanong ni Kevin sakin.



Ahhh? Hin--di pa. Gising pa ako.



Akala ko tinulugan mo na ako. Hindi ka kasi sumagot eh.



Sabi nito.



Naguilty ulit ako.



Bahala na! Hindi ko nalang sasabihin kay Kevin. Sigurado akong pagkatapos ng birthday party ng
Mommy ni Jun hindi na niya ulit ako guguluhin. Nangako siya sakin.



Inaantok ka na noh?



Tanong ni Kevin sakin.



Medyo.



Tanging sagot ko.



Mabuti pa matulog na tayo.



Tumango lang ako. Ipipikit ko na sana iyong mga mata ko ng biglang nagsalita si Kevin.



Goodnight kiss ko?



Tanong nito. Itinaas ko iyong ulo ko para tignan siya sa mukha. Akala ko kasi nagbibiro siya pero walang
bakas ng ngiti sa labi niya.



Seryoso?



Tanong ko sa kanya at tumango naman siya.



Sabi mo eh.



Hinalikan ko siya sa pisngi sabay sabi ng..



Goodnight cupcake.



Cupcake! hahahaha!! Ang corny!! Pero ang sweet! Totoo talaga iyong sinasabi ng iba na pag inlove ka
nagiging corny ka.



hihihihih!!



Iyon lang?



Tanong ni Kevin na parang hindi siya nakuntento.



Sabi mo kiss eh.



Sabi ko naman sa kanya.



Hindi na tayo mag girlfriend at boyfriend muffin. Mag-asawa na tayo. Ipapakita ko sayo kung ano
talaga ang dapat.



In one swift motion bigla nalang nakapatong si Kevin sakin pero he has his arms for his bodys support
kaya hindi ako nabigatan.



Biglang kumabog ng sobrang bilis at sobrang lakas ang puso ko. Ito na ba iyong sinasabi nila na ginagawa
ng mag-asawa?



Waiittt...



Hindi ako nakapaghanda..



Kevin..saglit lang..



Kailangan kong pigilan si Kevin. Kahit na mahal ko siya hindi pa pwede dahil hindi pa ako ready. Isa pa
may red tide. Hindi talaga pwede.



Pero nakakahiya naman kung sasabihin ko kay Kevin.



Waaaa~~~~



Anong gagawin ko?



Hindi pwedeng saglit lang Maybelline. Ngayon na dapat to.



Unti unting inilapit ni Kevin ang mukha niya sa mukha ko hanggang sa naglapat ang mga labi namin. I
kissed him passionately na parang pinapakita ko kung gaano ko siya kamahal.



See? Ganyan dapat. Hindi gaya nong ginawa mo kanina.



Sabi ni Kevin pagkatapos ng ginawa namin.



Iyon lang ba? Wala na bang iba sa isipan mo?



Tanong ko sa kanya. Akala ko kasi.. Hoooh!! Kinabahan ako don ah. Waa~~ Akala ko kasi talaga iyong
iniisip ni Kevin eh iyong iniisip ko.



Bakit? You want more?



Tanong ni Kevin sabay ngiti ng nakakaloko.



HAAA? Hin--di..Hindi iyang ang tinutukoy ko Kevin.



Ginulo ni Kevin ang buhok ko.



Alam ko. Kahit na gusto ko, alam ko hindi pa pwede dahil hindi ka pa handa. Dont worry
makapaghihintay naman ako.



Hinalikan ako ni Kevin sa noo saka siya tumabi sakin.



Kevin is the sweetest thing ever...



Nangiggil ako sa kanya ng husto kaya niyakap ko siya ng mahigpit as I closed my eyes.



Chapter 74: Poison




Pagising ko sa umaga, mukha agad ni Kevin ang nakita ko kaya napangiti ako. Ang gwapo niya kahit na
tulog siya. Hinalikan ko siya sa pisngi saka ako dahan dahang bumaba ngkama para hindi siya magising.



Nagtooth brush lang ako saka ako bumaba. Hindi ko na sinuklayan ang sarili ko dahil kailangan ko ng
magmadali. Kailangan kong makapagluto bago pa magising si Kevin.



Hindi naman day off ni Manang ngayon pero gusto kong ako iyong magprepare ng breakfast kay Kevin
para naman makabawi ako sa kanya.



Ilang araw akong hindi nakakain ng maayos dahil sa paghihiwalay namin at sigurado akong siya din hindi
nakakain ng maayos.



Dumeretso na ako sa kusina at nakita si Manang na naghahanda ng lulutuin niya.



Good morning Manang.



Bati ko kay Manang pagdating ko sa kusina.



Goodmorning din Mia. Bakit ang aga mo ata ngayon nagising?



Tanong ni Manang habang naghihiwa siya ng kamatis.



Gusto ko lang po kasing ipaghanda si Kevin ng almusal para naman po makabawi ako sa kanya. Ako na
po diyan Manang.



Kinuha ko kay Manang ang kutsilyo at pinagpatuloy iyong paghihiwa ng kamatis.



Sigurado ka ba diyan Mia?



Opo Manang. Magpahinga na po kayo sa taas Manang.



Tumango lang si Manang. Aalis na sana siya ng bigla ko siyang tinawag ulit.



Ahh oo nga pala Manang. Maitanong ko lang, nong wala po ba ako dito pinakain niyo po ba ng maayos
si Kevin?



Napansin ko kasi parang gumaan iyong timbang ni Kevin. Namayat ata siya.



Oo naman Mia. Palagi ko siyang pinagluluto ng paborito niyang kare-kare.



Sagot ni Manang.



Talaga Manang?



Lumiwanag iyong mukha ko. Akala ko kasi eh namayat si Kevin. Imagination ko lang pala.




Oo. Pero hindi niya rin naman kinakain. Wala daw siyang gana parati.



Ayyy! Kaya naman pala.



Ganun po ba Manang. Babawi nalang po ako sa kanya Manang. Magpahinga na kayo.



Sambit ko.



Ano bang lulutuin mo Mia?



Iyong favorite po ni Kevin.



Kare-kare?



Umiling ako.



Hindi po. Iyong favorite po niya next sa kare kare. hehe.



Ngumiti lang si Manang saka siya tumalikod at umakyat sa kwarto niya.



Hindi kasi alam ni Manang kung anong paborito ni Kevin next sa kare kare. Omelette! hahaha. dahil
matagal na akong hindi nakapagluto sigurado akong namiss na niya iyong omelette ko.



Nasa kalagitnaan palang ako ng biglang bumaba si Kevin.



Goodmorning!



Bati niya sabay yakap sakin mula sa likod.



Oyy! Ang aga naman yata niyan!



Saway ko sa kanya kahit na gustong gusto ko naman iyong ginawa niya.



hehe.



Tumawa lang siya saka siya umupo sa isang stool malapit sakin.



Malapit na ba iyan?



Tanong ni Kevin sakin.



Konti nalang to.



Dahil inayos na ni Manang ang hapagkainan eh wala ng ginawa si Kevin kundi ang tignan ako habang
nagluluto.



Pagkatapos ng dalawang minuto natapos na din iyong specialty ko. Ang omelette.



Sigurado akong namiss mo ito.



Sabi ko kay Kevin saka ko binuksan iyong omelette na nasa hapagkainan.



hahahah. Tama nga ako. Omelette nga. hahaha!



Tawa lang ng tawa si Kevin pagkatapos niyang makita iyong omelette. Parang baliw lang talaga itong si
Kevin.



hahaha!



Habang pinagsaluhan namin ni Kevin ang niluto kong agahan, sinabayan namin ito ng kwentuhan at
tawanan na mas nagpasarap pa lalo sa omelette.




..





Dito nalang ako.



Sabi ko kay Kevin pagkatapos kong makarating sa tapat ng room namin. Sinabi ko naman sa kanya na
kaya ko ng pumunta dito na mag-isa at pwede na siyang dumeretso don sa classroom niya kaya lang
ayaw niya.



Sige. Pasok ka na.



Sabi nito.



Sige. Ingat ka ha? Magkita nalang tayo mamaya.



Kumaway ako kay Kevin. Ang OA lang pero ibang iba talaga iyong feeling ko. Alam kong magkikita naman
kami ni Kevin mamaya pero parang ayaw kong malayo sa kanya. Gusto kong parati lang siyang nasa tabi
ko. Ako na talaga OA! Pano ba naman kasi ilang araw din kaming naghiwalay non dahil kay Venice.



Speaking of Venice. Nasan na kaya siya?



Pumasok na ako ng room saka ako umupo sa tabi ni Zelle. May seat plan kami sa subject na to at katabi
ko pa si Jun pero wala pa naman iyong professor at hindi pa naman kami nagsisimula kaya okay lang na
dito na muna ko kay Zelle. Total wala pa naman iyong seatmate niya.



Gusto din sana nina Aya at ni May na lumapit samin kaya lang wala ng bakanteng upuan sa tabi ni Zelle.
Mamaya nalang kami mag-uusap usap sa cafeteria.



Mia!



Hi Zelle. Oo nga pala. Asan na si Venice este si Wendy? Anong nangyari sa kanya?



Tanong ko kay Zelle. Nacurios talaga ako kung anong nangyari sa kanya pagkatapos namin siyang ipahuli.



Pagkatapos kahapon pumunta ako sa bahay nila. Don parin pala sila nakatira kasama ang Mommy niya
pero nalaman kong may sakit pala sa utak si Wendy.



Napatakip nalang ako sa bibig ko dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Zelle.



You mean baliw? Pero parang hindi naman baliw iyon. Grabeh pa nga iyong naisip niya eh.



Sabi ko kay Zelle.



Oo nga pero iyong iyong sinabi ng Mommy niya. Hindi pa naman daw malala iyong kalagayan ni Wendy
pero may sakit daw talaga sa utak. Palagi nalang kasi niyang hinahanap si Kevin. Iyong tipong hindi na
niya ma control iyong emotions niya. Grabeh daw pala iyon kung magalit. Wala na ngang gamit sa bahay
nila eh dahil ubos na daw sa kakahagis ni Wendy. Naawa nga ako sa kanya.



Nakakaawa din si Venice. Tinuring ko din siyang kaibigan pero siya naman iyong nagdala ng
kapahamakan sa sarili niya.



Asan na siya ngayon?



Tanong ko ulit kay Zelle.



Nasa mental hospital na.



GOOD MORNING CLASS!!!!



Dahil bigla nalang dumating ang professor namin, agad akong tumayo at bumalik sa upuan ko.



Mia..



Tinawag ako ni Jun. Ito na naman ang nakakainis na boses niya. Nakakainis na mukha niya. Haayy!!



Napabuntong hininga nalang ako.



Mia bakit hindi ka sumasagot?



Tanong ni Jun sakin.



Mia huwag mong kalimutan. Bukas na iyong party. Pag hindi ka nagpakita don..



Nakakainis si Jun. Ginamit na naman niya iyong nalalaman niya tungkol sakin para lang mapasunod niya
ako.



OO na! OO na! Hindi ko naman nakalimutan. Pupunta ako. Masaya ka na?



Pabulong kong sabi sa kanya pero sa galit na tono.



Ngumiti si Jun na lalo pang nagpakulo sa dugo ko.



Nakakabweset siya. Ayoko sanang masira ang araw ko pero nasira na niya.



Nasa kalagitnaan palang kami ng klase ng lumabas ako para magpahangin. Kung pwede lang sana akong
lumipat ng upuan. Kung pwede lang sanang hindi ko na makita ang pagmumukha ni Jun.



Dumeretso ako sa rooftop ng building namin saka ako nanatili don. Sana ganito nalang palagi. Tahimik at
walang polusyon. Di tulad ng buhay namin ngayon ni Kevin, may polusyong Jun na unti unting humihilo
sa isipan ko.



Sana lang pagkatapos ng party bukas patahimikin na niya kami.



Bakit ka andito?



Lumingon ako para tignan kung sino iyong nagsalita. Pero nadisappoint ako ng makita ko na naman si
Jun.



May klase pa tayo pero bakit ka pa andito?



Tanong niya ulit.



Ikaw ang dapat na tinatanong ko niyan Jun. Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?



Hindi ko mabasa ang isipan ni Jun. Hindi kasi siya ganito sakin dati. Hindi ko alam kung totoo na ba ang
pinapakita niya o nagpapanggap lang siya.



Ngumiti lang si Jun saka siya may dinukot sa bulsa niya.



Gusto ko lang ibigay sayo to. Last week ko pa tong gustong ibigay pero hindi mo kasi ako pinapansin.
Palagi mo nalang akong iniiwasan.



Nakakabweset talaga ang mga ngiti ni Jun. Parang ngiti ng demonyo.



Pinapatawa mo ba ako Jun? Bakit naman kita papansinin eh hindi naman tayo magkaibigan. Isa pa hindi
ko tatangapin iyan. Baka kung ano na naman ang hilingin mo pabalik.



Humakbang na ako papalayo sa kinatatayuan ko hanggang sa isang hakbang nalang ako mula kay Jun.



Akala ko tuluyan na akong makakalayo sa kanya pero hinawakan niya nalang bigla ang kamay ko.



Jun ano ba. Nakakainis ka na talaga!!!



Mia.. Tanggapin mo na to please..



Pakiusap niya.



Ayoko nga. Isa pa may binigay na si Kevin saking kwintas at kahit na lumuhod ka pa sa harapan ko hindi
ko to aalisin.



Sabi ko sa kanya.



Sinubukan kong tanggaling ang kamay ko mula sa pagkakahigit niya pero hindi ko nakayanan ang lakas
niya.



Please Mia. Tanggapin mo na to. Kahit na isuot mo lang to sa birthday ng Mommy ko. Ang totoo niyan
hindi naman to galing sakin. Galing to kay Mommy. Sabi niya ibigay ko daw to sayo. Mia umaasa si
Mommy na magkakabalikan pa tayo.



Binitawan ako ni Jun saka niya hinawakan ang magkabilang balikat ko at pinaharap sa kanya. Ngayon
alam ko na kung bakit gusto ni Jun papuntahin ako sa birthday ng Mommy niya.



Gusto niyang tulungan siya ng Mommy niya para magkabalikan kami. Napakabuti ng Mommy niya sakin
noon pero kahit na si Tita pa mismo ang humiling ayoko na.



Dahil hindi ko na mahal si Jun.



Mia hindi mo pa pwedeng pagbigyan ang Mommy ko? Mia pwede naman tayong magsimula ulit. I
promise you hinding hindi na kita sasaktan. Nagbago na ako Mia. Nagbago ako para sayo. Hindi na ako
iyong dating Jun. Kung minahal mo ako sa dating ako sigurado akong mamahalin mo ako lalo sa bagong
ako.



Hindi ko talaga alam kung bakit umaasta ng ganito si Jun. Ano bang nakita niya sakin at gusto niya akong
balikan? Dahil ba mahal na talaga niya ako? O dahil ba...



Gusto niyang makapaghiganti kay Kevin?



Bigla kasing pumasok sa isipan ko nong minsang nag-away si Kevin at si Jun.



Pasalamat ka at kailangan ko ng umalis. Pero sinasabi ko sayo, hindi pa tayo tapos..



Inalis ko iyong mga kamay ni Jun sa balikat ko.



Akala mo talaga maloloko mo ako? Alam ko ginagawa mo lang to para makapaghiganti ka kay Kevin.
Dahil pinahiya ka niya noon kaya mo to ginagawa. Please Jun tigilan mo na kami. Kung hindi mo talaga
matanggap na nawala sayo iyong girlfriend mong si Michelle..



Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla nalang akong hinalikan ni Jun. Nagulat ako sa ginawa
niya pero tinulak ko naman siya agad.



*slap*



BASTOS KA!!



Sinampal ko siya ng malakas.



Siguro naman napatunayan ko na sayo na hindi iyan ang iniisip mo ang dahilan ko kung bakit gusto
kong makipagbalikan sayo. Hindi ko mahal ang Michelle na iyon. Lalong hindi ko to ginagawa para lang
makipaghiganti kay Kevin. Ginagawa ko to dahil mahal kita Mia. Mahal na kita.



Aalis na ako. Sana lang pagkatapos bukas huwag mo na akong guguluhin.



Pero bigla ulit hinigit ni Jun ang kamay ko.



Tanggapin mo to Mia at isuot mo bukas. Pangako hindi ko na gagamitin ang sekretong nalalaman ko
against you.



Unti unti akong pinapatay ni Jun sa ginagawa niya. Para siyang lason na unti unting sumisira sa katawan
ko.



Ayoko talagang tanggapin ang ibinigay ni Jun pero para matapos na ang lahat, tatanggapin ko nalang
iyon.



Bahala na si Batman.



Akin na nga.



Sambit ko sa kanya.



Ngumiti ulit siya saka niya ako binitawan.



Isusuot ko na sayo to. Tanggalin mo na muna iyang kwintas mo.



Napahawak ako sa pendant ng kwintas na suot ko.



Baliw ka na ba? Sabi ko naman sayo na hindi ko tatanggalin to. Akin nalang iyan. Bukas ko na isusuot.
Total hindi naman galing sayo to. Galing naman to kay Tita kaya wala akong utang sayo.



Sabi ko sa kanya.



Sige Mia. Sunduin nalang kita bukas bahay niyo?



Fuuu!! Wala bang utak si Jun? Kung susunduin niya ako eh di makikita kami ni Kevin. Potek talaga si Jun!



Magtataxi nalang ako. Huwag na huwag mo akong susunduin dahil patay ka talaga sakin.



Tumango naman siya.



Kinuha ko na iyong kwintas sa kanya at hinawakan lang ito.



Mabuti pa Mia bumalik na tayo sa classroom natin.



Pagsusuggest ni Jun.



Papasok na ako ng classroom. Maghintay ka muna ng sampung minuto bago ka aalis dito. Ayokong
makita nila tayong sabay na papasok at baka kung ano pa ang isipin nila.



Utos ko kay Jun.



Naglakad na ako papalayo sa kanya. Nakatatlong hakbang na ako papalayo kay Jun ng bigla akogn
tumigil ang lumingon sa kanya.



Pupunta ako sa birthday ng Mommy mo Jun kaya sana naman huwag mo na kaming guluhin pa ni Kevin
pagkatapos. At huwag na huwag mong sasabihin kahit na kanino ang sekreto ko lalo na kay Kevin.



ANONG SEKRETO?



Sobrang lakas ng tibok ng puso ko pagkatapos kong marinig ang boses ni Kevin. Ayokong lumingon sa
kanya dahil natatakot ako.



Agad kong tinago ang kwintas na hawak ko sa bulsa ko.



Kanina pa ba si Kevin nagmamasid samin ni Jun?


Chapter 75: Sick





ANONG SEKRETO?



Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nanigas na ako sa sobrang kaba at sa sobrang takot. Dapat
siguro naging bato nalang ako para matakasan ko ang sitwasyon ko. Pero andito na to eh.



Totoo nga talaga ang sinasabi nila.



Sabi ni Kevin.



Hindi lahat ng demonyo ay nasa impyerno. Minsan meron din sa tabi mo..



Nilingon ko si Kevin. Nanlilisik ang mga mata niya habang tinititigan niya ng masama si Jun.



Kevin..



Agad akong lumapit sa kanya at hinawakan ang braso niya gamit ang dalawang kamay ko. Ayokong mag-
away ulit sila.



Wala akong ginagawang masama pare..



Pagdedepensa agad ni Jun.



Wala kang ginagawang masama? Hindi camera ang asawa ko kaya huwag kang pa cute ng pacute kung
ayaw mong basahin ko iyang pagmumukha mo.



Bulalas ni Kevin.



Hindi ko talaga alam kung matatakot ba ako o matatawa sa binitawang salita ni Kevin kay Jun. San kaya
niya nakuha iyong mga ganun? Para kasing ang corny pakinggan. wahaha!! Hindi naman nagpapacute si
Jun sakin ah. Kinukulit lang niya ako.



Pero seryoso naman iyong mukha ni Kevin kaya dapat sigurong matakot ako. Pinigilan ko iyong tawa ko
na gusto ng lumabas at tumahimik nalang.



Hindi mo naiintindihan pare. Wala akong ginagawa. Kinausap ko lang si Mia.



Sambit naman ni Jun.



Hindi ko talaga mabasa kung anong nasa isip ni Jun. Bakit siya nagsisinungaling kay Kevin? Bakit niya
sinasabing kinakausap lang niya ako eh kinukulit nga niya ako eh. Hindi ko alam kung ayaw lang ba niya
ng away o kung may iba siyang plano.



Haayy!!



Nakakastress!



Huwag na huwag mo akong matawag tawag na pare! Sinungaling!



Mas lalo akong kinabahan ng biglang sinugod ni Kevin si Jun. Alam na alam ko na kung anong gagawin
niya. Susuntukin niya si Jun.



Bago paman siya tuluyang makalapit kay Jun pinigilan ko na siya. Mabuti nalang at nakahawak ako sa
braso niya.



Kevin tama na!! Tayo na!! Tayo na!!



Awat ko sa kanya.



Tinitigan ko si Jun para sabihin sa kanya na umalis na siya. Mabuti naman at nakuha niya agad iyong ibig
kong sabihin.



Bago pa siya tuluyang umalis sa rooftop, tinitigan niya muna si Kevin pero hindi galit ang nasa mga mata
niya. Hindi ko maintindihan kung ano talaga ang iniisip niya. Kung ano ang takbo ng utak niya.



Bakit ka ba andito? Diba may klase ka pa?



Tanong ni Kevin sakin.



Ahh!! Ano kasi.. Gusto ko sanang pumunta ng comfort room.



Pagsisinungaling ko.



Comfort room? Bakit ka pa umakyat hanggang dito may comfort room naman sa first floor. Meron din
sa second floor at third floor.



Sambit ni Kevin.



Pakk!! Nagsinungaling na nga ako hindi pa kapanipaniwala. Ano ng gagawin mo Mia? Anong ipapalusot
mo ngayon?



Sasabihin ko nalang kaya kay Kevin ang totoo? Pero pano kung magalit siya?
Ahhh!!



Maybelline!



Ahh ano kasi.. Madami kasing tao kaya naisipan kong magpahangin na muna.



Pagsisinungaling ko ulit. Sana naman this time maniniwala na si Kevin.



Ano iyong secreto?



Tanong ulit ni Kevin.



Iyong secreto? Akala ko nakalimutan na niya ang tungkol don. Tumingin tingin ako sa paligid. Baka
sakaling may maisip akong bagay na pwedeng palusot.



Kevin ano iyon?



Tinuro ko kay Kevin ang ulap kahit na wala naman talagang unusual na bagay na nangyayari pero hindi
lumingon si Kevin gaya ng inaasahan ko.



May tinatago ka ba sakin Maybelline? May alam ba si Jun na bagay na hindi ko alam?



Ibinaba ko na iyong daliri ko dahil wala din naman itong effect kay Kevin. Bakit ba ako umabot sa ganito?
Kasalanan to lahat ni Jun. Kasalanan niya ang lahat ng to. Kung hindi siya lumipat ng school hindi sana
kami nagkakaganito ni Kevin. Hindi sana ako naiipit ng ganito.



Kung hindi lang sana niya ako sinundan dito sa rooftop eh di sanahindi na kami nahuli. Di na sana
nagtatanong si Kevin tungkol sa sekretong hindi niya dapat malaman.



Ang totoo niyan Kevin..



Pagsisimula ko para kahit papano may masabi man lang ako pero wala talagang laman ang utak ko.



Ano?



Tanong ni Kevin.



May sekreto talaga ako na hindi mo nalalaman...



Kailangan kong makaisip agad ng paraan. Kailangan!



At alam ni Jun?



Tanong ulit ni Kevin at tumango naman ako. Wala ng sense kung tatanggi pa ako dahil narinig na niya
iyong sinabi ko. Ang kailangan ko lang ngayon eh makaisip ng magandang palusot.



Im sorry Kevin. Ayokong gawin sayo to. Ayoko talagang magsinungaling pero kung malalaman mo ang
sikreto ko, sigurado akong magagalit ka at ayokong mangyari iyon. Minsan kailangang magsinungaling ng
tao para sa ikabubuti ng isa.



Katulad nalang ng sitwasyon ko ngayon.



*tiiing*



Im sorry Kevin. Ayokong sabihin iyong sekreto na iyon sayo dahil nahihiya ako. Alam ni Jun iyong
sekreto pati narin sina Zelle, Aya at May at ibang kaklase ko dahil bumagsak ako sa long quiz namin.



Hindi ko alam kung san ko nakuha ang ganung palusot. Bigla ko nalang kasing naalala na nagcutting class
pala ako at sigurado akong malapit ng matapos ang klase ko ngayon. Hindi ko alam kung nagquiz ba sila
o hindi.



Long quiz?



Hindi makapaniwalang tanong ni Kevin.



Tumango naman ako.



Iyon lang? Iyon lang ba talaga ang sikreto?



Parang ayaw maniwala ni Kevin na iyon ang sikreto ko pero wala nadin naman siyang magagawa kundi
ang maniwala dahil iyon ang sinabi ko.



Im sorry talaga Kevin. Tinuruan mo pa naman ako kung pano isolve iyong bagong lesson namin pero
bumagsak padin ako. Bigla ko nalang kasing nakalimutana ng lahat.



Pagsisinungaling ko. Ang laki na talaga ng kasalanan ko kay Kevin at pati narin sa nasa taas. Huwag
naman sana akong mapunta sa impyerno dahil sa kasinungalingan ko.



Ang totoo niyan hindi na ako nahihirapan sa math subject namin dahil palagi naman akong tinuturuan ni
Kevin.



Halika nga dito..



Niyakap ako ni Kevin.



Hindi mo naman kailangang itago sakin iyon dahil hindi naman ako magagalit. Kung may hindi ka
naintindihan sa tinuro ko pwede ka namang magpaturo ulit sakin. Hindi naman ako mapapagod na
turuan ka. Ang akin lang.. Sana, hindi mo na tinago sakin. Diba nangako na tayo sa isat isa na wala na
tayong sikreto?



Hindi ko niyakap pabalik si Kevin dahil sa sobrang guilt na naramdaman ko. Parang wala akong mukhang
maihaharap sa kanya.



Im sorry Kevin. Pagkatapos ng araw bukas hindi na ako magsisinungaling at magtatago ng sikreto sayo.
I promise!



Mabuti pa bumalik ka na sa classroom mo. Baka pagalitan ka na ng professor mo.



Sambit ni Kevin pagkatapos ng moment namin.



Bakit ka pala andito?



Tanong ko kay Kevin.



Ahh magpapahangin lang sana ako ng makita ko kayo. Halika na.



Magkahawak kamay kaming bumaba ni Kevin hanggang sa makarating kami sa classroom ko.




.............




Ginising ako ng sikat ng araw. Pagtingin ko sa tabi ko wala na si Kevin. Kinuha ko iyong digital clock sa
bedside table.



7:10 na?



Bulalas ko.



Babangon na sana ako ng mapahiga ulit ako. Ang sakit ng buong katawan ko. Ang sama ng
pakiramamdam ko. Giniginaw ako pero pinapawisan ako. Hindi ko talaga maintindihan kung anong
nangyari sa katawan ko.



Sinubukan ko ulit na bumangon pero hindi ko talaga kinaya. Parang ang bigat bigat ng katawan ko at
hindi ko kayang tumayo.



KEVIIIN!!!!!



Sumigaw ako para tawagin si Kevin para humingi ng tulong. Kung babalik pa ako sa pagtulog ko sigurado
akong malalate ako sa school.



MAYBELLINE???



Agad ko namang narinig ang malalakas na yabag ng paa ni Kevin sa hagdanan namin hanggang sa
nabuksan na nga niya iyong pinto ng kwarto.



Anong nangyari sayo?



Tanong niya saka siya lumapit agad sakin.



Tulungan mo naman akong tumayo. Para kasing ang bigat bigat ng katawan ko.



Sabi ko sa kanya.



Hinawakan ni Kevin ang magkabilang balikat ko para alalayan ako sa pagtayo ng bigla nalang niyang
pinatong iyong palad niya sa noo ko pagkatapos.



May lagnat ka Maybelline.



Mahinang sabi nito na kitang kita ang pag-aalala sa boses.



Mabuti pa magpahinga ka na muna. Huwag ka nang pumasok ngayon. Kukuha lang ako ng gamot mo.



Sabi ni Kevin.



Huwag na Kevin. Baka mawawala nato mamaya.



Pinilit ko ulit iyong katawan ko para bumangon pero wala parin. Hindi ko parin kaya. Hinang hina iyong
katawan ko.



Huwag ng matigas ang ulo mo Maybelline. Babalik din ako agad.



Pinahiga ako ni Kevin saka niya ako kinumutan. Kahit na sobrang lakas ng aircon at giniginaw ako,
tumutulo parin iyong pawis ko sa noo at sa leeg ko.



Lumabas si Kevin ng kwarto ko. Ilang minuto lang din, nakabalik nadin siya dala dala ang isang tray ng
pagkain at gamot.



Kumain ka na muna.



Sambit ni Kevin.



Kahit na ang sama talaga ng pakiramdam ko, masaya naman ako dahil kay Kevin. Ang gwapo ng nag-
aalaga sakin.



hihihihih!!



Sinubuan ako ni Kevin saka niya pinainom sakin iyong gamot ko.



Mawawala nadin iyang lagnat mo mamaya.



Sambit niya.



Kung ganyan ba naman kagwapo iyong nag-aalalaga sakin syempre naman gagaling ako agad.
hihhihihi!!



Umupo na si Kevin sa couch at kinuha iyong magazine na nakapatong malapit sa kanya.



Hindi ka ba maghahanda para sa klase mo?



Tanong ko sa kanya.



Hindi na muna ako papasok. Dito nalang ako para may mag-aalaga sayo.



Kevin!!!



Saway ko sa kanya kaya tumingin siya sakin.



Bakit ayaw mong ako mag-alaga sayo?



Tanong niya.



Hindi naman sa ganun. Syempre gusto ko ikaw mag-alaga sakin pero pano iyong klase mo?
Magaabsent ka dahil lang may sakit ako? Andiyan naman si Manang para mag-alaga sakin. Isang tawag
ko lang sa kanya sigurado akong pupunta na siya agad dito.



Sabi ko kay Kevin.



Pero..



Shh.. Tama na ang pero pero mo. Maligo ka na at magbihis. Pagkatapos ng klase mo, umuwi ka na agad
dahil alam ko mamimiss mo ako. hehehe.



Pagbibiro ko sa kanya kahit na ang totoo eh gusto ko siyang umuwi agad dahil mamiss ko siya. Andito pa
nga siya at iniisip ko pa lang na aalis na siya eh namimiss ko na siya. Pano pa kaya kung wala na siya.



Tumayo si Kevin at lumapit sakin saka siya umupo sa kama at hinawakan ang kamay ko.



Sigurado ka ba diyan?



Tanong niya sakin.



Tumango lang ako bilang tugon ko sa kanya.



Kung iyan ang gusto mo. Ikaw ang boss eh. Huwag kang mag-alala. Dalawang subjects lang naman ang
klase ko ngayong araw. Makakauwi din agad ako.



Hinalikan ako ni Kevin sa noo saka siya pumunta ng banyo para maligo. May thirty minutes nalang siya
para magprepare at bumyahe patungong university.




.......




Malapit ng mag 7 PM at kailangan ko ng maghanda para sa birthday party ng Mommy ni Jun. Hindi padin
maganda ang pakiramdam ko pero atleast bumubuti na hindi tulad nong una. Kaya ko ng tumayo at
maglakad na mag-isa.



Bakit kasi ngayon pa ako nagkasakit?



Ngayon pa na kailangan kong takasan si Kevin? Nakapag-isip na sana ako ng dahilan para makaalis ako
ng bahay ng hindi niya nalalaman tapos ngayon na nagkasakit ako syempre hindi ko na magagawa iyon.



Okay ka lang?



Tanong ni Kevin sakin habang naka upo siya sa couch ng kwarto namin.



Ha? Okay lang ako.



Sagot ko.



Sigurado ka? Para kasing hindi ka mapakali diyan. Magpahinga ka na.



Sabi niya.



Paano naman ako hindi mapapakali eh bantay sarado ako ni Kevin. Umaalis lang siyang kwarto pag
kumukuha siya ng pagkain, tubig o gamot tapos balik agad.



Hindi ba siya nabobore sa ginagawa niya?



Kevin? Baka naman gusto mong lumabas?



Labas? Bakit naman? Anong gagawin ko don? May gusto ka bang ipabili?



Tanong niya habang nasa magazine parin ang mga mata niya.



Tama!!



Magpapabili ako sa kanya para makatakas ako... Pero pagbalik niya wala na ako.. Sigurado akong
hahanapin niya ako. Malaking gulo pa iyon kung sakali.



Wala naman. Nag-aalala lang kasi ako sayo. Baka kasi nabobore ka na sa pagbabantay sakin. Pwede ka
namang lumabas kasama sina Axel. You know. Happy happy! hehehe



Ngumiti ako ng mapakla.



Bakit parang pinaalis mo yata ako?



Naghihinalang tanong niya.



Ako? Hindi ah! Ikaw talaga kung anong iniisip mo. Gusto ko lang talagang malibang ka.



Ayokong lumabas lalo na at nasa ganyan sitwasyon ka. Dito lang ako hanggang sa makatulog ka.
Babantayan kita.



Haaayy!!



Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko na talaga mapapaalis si Kevin nito. Hindi talaga siya aalis sa
tabi ko. Badtrip naman kasi ang sakit nato.



Bakit kaya ako nagkasakit?



Dahil ba ayaw akong papuntahin ng tadhana sa birthday ng Mommy ni Jun?



Makakapunta pa kaya ako sa party?




Chapter 76: Trap






*beep* *beep*



Kinuha ko agad ang cellphone ko na nasa tabi ng digital clock at nakapatong sa bedside table.



+639*********



Asan ka na? Malapit ng magsimula ang party.



Obviously si Jun ang nagtext dahil number lang iyong lumabas. Hindi nakasave ang number niya sa
phone ko dahil wala naman akong kailangan sa kanya para kontakin siya.



Sinong nagtext? Parang importante ata.



Tanong ni Kevin na nakaupo parin sa couch.



Ha? Ahh wala. Si Zelle lang nangangamusta.



Pagsisinungaling ko ulit. Hindi na talaga mabilang ng mga daliri ko sa kamay at paa ang mga
kasinungaling ko kay Kevin ngayong araw sa sobrang dami.



Dahil ayokong makahalata si Kevin ibinalik ko na iyong cellphone ko sa bedside table. Magrereply pa
sana ako kay Jun pero hindi ko na nagawa.



Tumalikod ako kay Kevin saka ko kinumutan iyong sarili ko para magpanggap na tulog pero ang totoo
nagiisip ako kung anong pwedeng gawin para makatakas.



five minutes..



ten minutes..



fifteen minutes..



*tiing*



Sa wakas gumana nadin ang utak ko.Sana lang kumagat si Kevin sa patibong ko.



Iniharap ko iyong katawan ko kay Kevin habang nakahiga parin ako sa kama.



Ahh Kevin?



Tawag ko sa kanya.



Gising ka pa? Akala ko tulog ka na.



Ahh.. Nagising lang ako bigla pero matutulog nadin ako pagkatapos.



HAAAAAA!! Inaantok na ako.



Tinakpan ko iyong bibig ko para magpanggap na inaantok na talaga ako.



Itatanong ko lang sana Kevin kung san ka matutulog ngayon?



Binitawan niya iyong magazine niya saka siya tumingin sakin. Hindi ko alam kung ilang magazine na ang
natapos niyang tignan o baka naman inulit ulit lang niya lahat.



Sa tabi mo?



Sabi niya sabay tanong dahil hindi siya sigurado.



Sa tabi ko? Pano kung mahawa ka?



Sabi ko sa kanya.



Eh di dito nalang sa couch.



Sagot niya.



Eh di mahahawa ka parin dahil nasa iisang kwarto parin tayo.



Nag-isip na muna si Kevin bago siya sumagot.



So san mo ako patutulugin? Hindi naman pwede sa kabilang kwarto dahil andun si Manang. Im sure
magseselos ka pagtatabi ako kay Manang. hehehe



hahaha!



Nakakatawa talaga tong si Kevin. Hindi ako magseselos kung don siya matutulog sa kwarto ni Manang.
Pero sigurado akong hindi niya kayang tumabi kay Manang. hahaha



Hindi naman dahil sa mabaho si Manang oh ano. Talagang awkward lang siguro para sa kanya. hehehe



Sa baba ka nalang matulog. Don sa couch.



Sabi ko kay Kevin.



Sa baba? Hmmm.. Hindi ba talaga pwede dito?



Tanong niya ulit sabay puppy eyes. Ngayon ko lang nakita si Kevin na ganito. Para siyang tuta na ang
sarap sarap yakapin. Kung wala lang talaga akong sakit ngayon kanina ko pa siya sinunggaban. hehehe.



Kevin kung wala lang sana akong sakit ngayon hindi naman kita patutulugin don pero ayoko talagang
mahawa ka sa sakit ko.



Syempre may dahilan kung bakit gusto ko siya sa baba matulog. Dahil para makatakas ako sa
pagbabantay niya at pangalawa ayoko talaga siyang mahawa sakin.



If thats really the case then wala na akong magagawa. Mamaya nalang ako matutulog pag tulog ka na.



Sabi ni Kevin.



Matutulog na ako kaya pwede ka nang bumaba Kevin. Sige na please? Hindi lang talaga ako
komportable na andiyan ka.



Pakiusap ko sa kanya.



Ayaw pa niya sana pero wala nadin siyang ibang nagawa kundi ang sundin ako. Tumayo na siya at
lumapit sakin. Hahalikan pa sana niya ako sa noo pero umiwas na ako. Baka kasi sa susunod na araw
siya naman iyong magkakasakit.



Naghintay na muna ako ng limang minuto bago ako tumayo sa kama. Sigurado akong tulog na si Manang
ngayon. Maaga kasing natutulog ang mga may edad na.



Mabuti nalang at medyo kaya ko na ang katawan ko. Medyo nahihilo pa ako ng konti pero babalewalain
ko nalang.



Maliligo pa sana ako pero naisip ko na baka lumala lang ang lagnat ko pag gagawin ko iyon kaya
nanghilamos nalang ako at nagbihis.



Para na akong si flash kung kumilos. Pagkatapos ng 30 minutes nakapagbihis na ako at nakapag make
up. Ang problema ko nalang, kung papano ako makaalis ng bahay ng walang nakakaalam.



Ang laki ng gagawin kong kasalanan kay Kevin.



Sabi ko sa sarili ko habang nakahawak ako sa pendant na binigay ni Kevin.



Bigla ko nalang naalala iyong kwintas na binigay ni Jun. Sabi niya suotin ko daw iyon sa birthday ng
Mommy niya. Pero ayokong tanggalin ang kwintas na bigay ni Kevin.



Umupo ulit ako sa harap ng salamin saka ko binuksan iyong drawer at kinuha ang kwintas na binigay ni
Jun.



Susuotin ko nalang to. Huhubarin ko din naman pagkatapos. Isa pa, hindi naman talaga kay Jun galing
to. Sa Mommy naman niya.



First time kong tinanggal ang kwintas na binigay sakin ni Kevin. I swear last nadin to. Inilagay ko iyong
kwintas sa drawer ko at isinuot ang kwintas na bigay ni Jun.



Kailangan ko ng umalis bago pa matapos ang party.



Lumapit ako sa kama ko at inayos ang mga unan ko sa kama saka ko tinabunan ng kumot para
magmukhang katawan ko kung sakaling bubuksan man ni Kevin ang kwarto.



Pagkatapos kong makasigurado na ayos na ang lahat, dahan dahan akong lumabas ng kwarto ko at
dahan dahan din itong isinara. Dahan dahan din akong bumaba ng hagdan habang hawak hawak ko ang
pouch ko at ang sapatos ko.



Patay na ang ilaw sa baba pero kita ko parin ang silhouette ni Kevin na nakahiga sa couch. Tumigil na
muna ako sa kinatatayuan ko at tinitigan si Kevin.



Im sorry Kevin. This will be the first and last time na gagawin ko sayo to. Pagkatapos ng gabing to hindi
na talaga ako magsisinungaling o magtatago ng kahit na ano mula sayo.



Dahil wala na akong oras, dumeretso na ako sa kusina at binuksan ang gate sa likod. Don nalang ako
dadaan para makasigurado akong hindi nila ako mahuhuli.



Isinuot ko na iyong sapatos ko saka ako naglakad palabas ng subdivision para humanap ng taxi. Niyakap
ko ang sarili ko dahil sa sobrang lamig. Sana nagdala man lang ako ng jacket.



Hindi nagtagal nakapara nadin ako ng taxi.



Sunset Garden po tayo Manong. Pakibilisan lang din po.




................




Pagdating ko sa venue sobrang dami na ng tao. Mukhang kanina pa ata nagsimula ang party. Almost 2
hours nadin akong late at sino naman ako para hintayin nila.



*riiing* *riing*



Bigla nalang akong nakadama ng kaba pagkatapos kong marinig na tumunog ang cellphone ko. Nalaman
kaya ni Kevin na nawawala ako?



Kinuha ko agad ang cellphone ko sa pouch. Nakahinga naman agad ako ng maayos pagkatapos kong
makita ang number na lumabas sa screen ng phone ko.



Si Jun lang pala.



Hello?



(Mia asan ka na? Kanina pa nagsimula ang party.)



Nasa may labas na ako. Nahihiya kasi akong pumasok. Andaming tao at hindi ko din alam kung san ako
pupunta.



(Diyan ka lang dahil pupuntahan agad kita.)



Pagkatapos ng limang minuto nagkita nadin kami ni Jun. Ngiti niya agad ang sumalubong sakin pero
syempre hindi ko nagustuhan iyon.



Sabi ko na nga ba bagay iyan sayo.



Sambit niya habang nakatitig siya sa kwintas ko.



Tayo na para makaalis agad ako.



Sabi ko sa kanya.



Akala ko talaga hindi ka na pupunta.



Kung may choice lang sana ako eh di sana wala na ako dito. Pero hindi mo ako binigyan ng kahit isa
man lang.



Sabay kaming pumasok ni Jun sa loob pero hindi ako dumikit masyado sa kanya dahil ang awkward at isa
pa hindi kami friends. Kung pwede lang sana na hindi kami mag-usap ginawa ko na.



Umupo na muna kami ni Jun sa upuan sa may bakanteng table pero as usual hindi parin kami magkatabi.
May dalawang upuan pa sa pagitan namin.



Kumain ka na muna.



Sabi niya.



Tapos na akong kumain. Nasan na ba ang Mommy mo para makapag paalam na ako.



Mataray na sambit ko.



Aalis ka na agad? Kararating mo nga lang Mia.



Hindi ko na pinansin pa si Jun. Pinakinggan ko lang iyong emcee sa stage na nagsasalita. Hindi nagtagal
tinawag nadin si Tita at pinaakyat sa stage.



Nagpalakpakan ang lahat kaya nakisali nadin ako.



Thank you.



Sabi ni Tita.



First of all gusto kong magpasalamat sa lahat ng andito ngayon. Hindi magiging successful ang party
nato kung wala kayo dito. In my 60 years of existence in this world, God gave me so much blessings...
Sino ba naman ang mag-aakala na..



60 years old na pala si Tita pero mukha parin siyang nasa mid 40s. Sobrang ganda parin ng kutis niya
kaya para parin siyang bata.



Pagkatapos ng sampung minuto ng pagsasalita bumaba nadin si Tita sa stage at nagpatuloy parin ang
program.



Halika Mia. Puntahan natin si Mommy kanina ka pa niya hinintay.



Tumango naman ako at agad na tumayo. Pagkatapos kong magpakita sa Mommy ni Jun aalis nadin ako
agad bago paman malaman ni Kevin na wala ako sa bahay.



Pagkatapos na pagkatapos ng gabing to wala na akong problema na iisipin pa. Dito na matatapos ang
lahat.



Agad naming pinuntahan ni Jun ang Mommy niya. May kumausap sa kanya para batiin siya pero di
naman ito nagtagal.



MA!!



Tawag ni Jun kay Tita.



Oh Jun.. Oh my! Oh my! Mia.. Long time no see.



Agad na lumapit si Tita sakin at hinalikan ako sa pisngi.



Happy birthday po Tita. Pasensya na po talaga kayo at pumunta ako dito na walang dala. Hindi man
lang ako nakabili ng regalo para sa inyo.



Agad naman hinawakan ni Tita ang dalawa kong kamay.



Ano ka ba Mia. Iyong presence mo sa birthday ko regalo mo na iyan sakin. Masaya ako at andito ka sa
espesyal na araw ko..



Sabi ni Tita sabay titig sa suot kong kwintas.



Hinawakan ko agad iyong pendant.



Ahh eto po. Ibinigay po ito ni Jun sabi po niya galing daw po sa inyo. Nakakahiya po talaga at kayo pa
iyong nagregalo sakin. Hindi ko naman birthday.



Sobrang lawak ng ngiti ni Tita. Literal na umabot na ito sa tenga niya.



Masaya ako Mia. Ito na talaga ang pinaka the best na regalo na natanggap ko.



Sabi niya pero hindi ko naman agad na gets iyong sinabi niya.



Ang pagsuot po ng kwintas na bigay niyo?



Tanong ko sa kanya.



Partly yes pero may deeper meaning pa kung bakit ako masaya. Dahil isinuot mo iyang kwintas, ibig
sabihin eh nagkabati na kayo ni Jun..



Kung alam lang talaga ni Tita na hindi na kami magkaibigan ng anak niya at napilitan lang akong
pumunta dito.



Ayoko ng magsinungaling kahit na kanino. Isa nadin sa dahilan kung bakit ako pumunta dito ay dahil
gusto kong linawin kay Tita ang lahat.



Tita may aaminin lang po sana ako..



Pagsisimula ko.



Hindi mo na kailangang sabihin ang lahat sakin Mia. Alam kong nagkabalikan na kayo ng anak ko.
Masaya ako at okay na kayong dalawa.



Nagulat ako sa sinabi ni Tita. Bakit niya nasabing nagkabalikan kami ni Jun?



Dahil ba sa suot kong kwintas? Niloko lang ba ako ni Jun? Kaya ba niya pinilit na isuot ko iyong kwintas
nato sa birthday ni Tita dahil gusto niyang magpanggap na kami parin?



Hindi ko naisip agad na ganito ang mangyayari. Nahulog ako sa patibong ni Jun.



Tinignan ko si Jun para humingi ng explanation pero umiwas lang siya ng tingin sakin.



Tita nagkakamali po kayo... Hindi po ka..



I was about to explain myself ng bigla nalang akong nahilo ng konti. Pakiramdam ko umikot ang buong
paningin ko. Pakiramdam ko parang may malakas na lindol.



And then..



Pagising ko, tanging ilaw lang ng kisame ang nakikita ko.



Chapter 77: Trouble



Kevins POV




Para na akong baliw kakaisip kung anong sekreto ni Maybelline. Nong sinabi niyang tungkol lang iyon sa
long quiz na bumagsak siya, hindi ako tanga para maniwala don. Alam ko may mas malalim pa siyang
tinatago sakin. Sa itsura palang ni Jun alam na alam ko ng may nalalaman siya tungkol sa asawa ko na
hindi ko alam.



Gusto kong sabihin kay Maybelline na hindi ako naniniwala. Pero ayokong mag away na naman kami.
Ayokong pangunahan siya. Siguro hindi lang siya handa na sabihin sakin ngayon.



Lalo akong nag-alala ng magkasakit siya ang shes been acting strange. Hindi ko alam kung dahil lang ba
iyon sa lagnat niya o balisa lang talaga siya dahil may iniisip siyang hindi niya pwedeng ipaalam sakin.



Pinatulog pa niya ako sa sala namin imbes na sa taas. Pwede naman akong matulog sa couch sa taas.
Sigurado akong hindi ako mahahawa sa kanya. Pero pinilit niya kaya bumigay nalang din ako.



Matutulog na sana ako ng maalala ko iyong gamot ni Maybelline. Hindi pa niya naiinom iyon. Pumunta
akong kusina at kinuha ang gamot at tubig niya saka ako umakyat.



Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto niya. I was expecting na tulog na siya pero hindi pa
pala. Nakaupo pa siya sa harap ng salamin, nakabihis at inaayusan ang sarili niya.



May lakad siya? Pero gabi na at may sakit siya. San siya pupunta?



Andaming tanong na umiikot sa isipan ko pero hindi ko alam kung anong mga kasagutan ng mga tanong
ko.



Gusto kong tanungin si Maybelline kung san siya pupunta. Kung bakit hindi niya sinabi sakin.



Ito pala ang dahilan kung bakit niya pinatulog sa baba. Dahil may pupuntahan siya.



Bigla akong nakaramdam ng tampo. Pakiramdam ko andami dami na niyang nililihim sakin. Hindi ba
niya ako kayang pagkatiwalaan?



Dahan dahan kong Isinara ang pinto ng kwarto niya saka ako bumalik ng kusina para ibalik ang tubig ang
gamot. Pinatong ko lang iyon sa mesa saka ako bumalik sa couch at nagpanggap na tulog.



Kahit na tanungin ko si Maybelline kung siya pupunta, sigurado akong hindi niya rin sasabihin ang totoo
dahil ayaw niya talagang malaman ko kung san. Dahil kong gusto niya sana, sana noon pa sinabi na niya
sakin.



Gaano ba ka importante ang lakad niya at kailangan niya talagang pumunta kahit na may sakit siya?



Inaamin ko, nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil para akong ginawang tanga ni Maybelline.
Ipinamumukha niya sakin na hindi niya ako kayang pagkatiwalaan.



Pagkatapos ng ilang minuto, narinig ko ang mahihinang yabag ng mga paa niya sa hagdan namin.
Nagpanggap parin akong tulog.



Hanggang sa narinig ko iyong gate namin sa likod na bumukas at tuluyan na nga siyang nakaalis sa bahay
namin.



Isang paraan lang nag kailangan kong gawin para malaman kung san siya pupunta.



Iyon ay ang sundan siya.



Kinuha ko agad ang susi ng kotse ko at sinundan siya. Dumistansya ako ng ilang metro sa kanya
hanggang sa naka para na siya ng taxi.



Sinundan ko lang ang taxi hanggang sa huminto ito sa Sunset Garden.



Anong gagawin niya sa party nato? Alam ba to nila Zelle? Kasama ba niya ang mga kaibigan niya? Kung
sinabi niya lang sana na pupunta palang siya sa party papayag naman ako. Hindi ko naman siya pipigilan.
Pero bakit nilihim pa niya?



Hindi na ako lumabas ng kotse. Tinignan ko lang si Maybelline na nakatayo malapit sa entrance ng venue
hanggang sa may kinausap siya sa cellphone niya.



Sina Zelle na siguro iyon.



Pero pagkatapos ng tatlong minuto. Hindi sina Zelle at mga kaibigan niya ang nakita kong sumundo sa
kanya kundi ang taong kinamumuhian ko.



Si Jun..



Kumulo ang dugo ko at uminit bigla ang ulo ko. Gusto kong lumabas ng kotse at kaladkarin si Maybelline
pauwi sa bahay namin. Pero ayokong pahiyain siya sa harap ng tao. Ayokong pagbuhatan siya ng kamay
dahil mahal ko parin siya.



Hindi ko alam kung anong dahilan at bakit sila nagkita pero sobra akong nasaktan. Siguro nga may
magandang dahilan si Maybelline pero kahit na ano man iyon, hindi na mawawala ang kirot sa puso ko.



Gusto kong basagin ang pagmumukha ni Jun hanggang sa hindi na siya makilala ng mga tao. Pero hindi
ko magawa. Kung tutuusin, talong talo ako ni Jun dahil hindi pa man basag ang mukha niya sa kamao ko,
basag na basag na ang puso ko dahil sa nakikita kong magkasama sila ng asawa ko.



Ito ba iyong sekreto na hindi pwedeng sabihin ni Maybelline sakin? Ito ba iyong sekreto na tanging sila
lang ni Jun ang may alam?



Ang daming umiikot sa isipan ko. Andaming tanong na hindi ko kayang sagutin at ayokong sagutin.



Bakit? Bakit sila magkasama?



Bakit nilihim ng asawa ko ang lahat tungkol dito.



Dahil ba mahal pa niya si Jun?



Dahil ba nagkabalikan sila ng hindi ko nalalaman?



Fvck!!!



Hinampas ko ang dalawang palad ko sa manibela ng kotse ko. Gusto kong ilabas lahat ng galit ko pero
hindi ko alam kung papano.



Hanggang sa nahanap ko nalang ang sarili ko na nasa loobng Sunset Garden at nagmamasid sa kanilang
dalawa na nakaupo di kalayuan sa inuupuan ko.



Kung may relasyon nga sila bakit may dalawang upuan pa sa pagitan nila?



Bakit parang hindi masaya si Maybelline na magkasama sila ni Jun?



Dahil ba napilitan lang siya?



Pero kung ganun anong dahilan?



Hindi ko mabasa kung anong iniisip ni Maybelline.



Hindi nagtagal tumayo nadin silang dalawa at nilapitan iyong babaeng nagsalita. Siya pala iyong birthday
celebrant at siya din iyong Mommy ni Jun.



Hindi ba talaga kayang tanggihan ni Maybelline ang party nato? Kailangan ba talaga niyang pumunta
kahit na may sakit siya?



Ni isa wala akong maisip na dahilan ni Maybelline kung bakit niya kailangang pumunta dito sa party lalo
na at kasama pa niya si Jun, ang ex boyfriend niya at ang first love niya. Ang masakit pa nilihim niya lahat
sakin. Kung hindi ko siya sinundan, para lang akong tuta na sunod sunoran sa mga sinasabi niya.



Hindi masyadong ngumingiti si Maybelline habang kausap niya iyong Mommy ni Jun. Hindi ko alam kung
dahil ba hindi siya komportable dito o dahil hindi maganda ang pakiramdam niya.



Nabigla nalang ako ng bigla nalang mahimatay si Maybelline habang kausap niya iyong Mommy ni Jun.



Tumayo agad ako para saluhin siya pero masyado akong malayo sa kinatatayuan niya. Hindi ako
superhero na kayang pumunta sa tabi niya sa isang kisapmata lang.



Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil nasalo ni Jun ang asawa ko at hindi siya tuluyang nasaktan, o
maiinis ako dahil siya iyong nakasalo kay Maybelline at hindi ako.



Ganun pa man, tumakbo ako patungo sa kanila at kinagulat ni Jun ang presensya ko.



Maybelline? Maybelline? Anong nangyari sayo?



Kinuha ko si Maybelline mula sa pagkakahawak ni Jun.



Anong ginagawa mo dito?



Tanong ni Jun pero hindi ko siya sinagot.



Pinatong ko ang isang palad ko sa noo ni Maybelline. Inaapoy siya sa lagnat. Ito na nga ba ang
kinatatakutan ko. Hindi pa siya lubusang magaling pero pinilit pa rin niya na pumunta dito.



Oh my god!



Anong nangyari?



May nahimatay.



Anong nangyari sa kanya?



Hindi ko na ininda ang mga tao na nakapaligid samin pati na si Jun at ang Mommy niya. Binuhat ko na
agad si Maybelline at dahan dahang pinasok sa kotse ko.



Pinaharurot ko ang sasakyan ko patungo sa ospital. Literal na lumilipad na iyong kotse ko dahil sa
sobrang bilis. Hindi naman nagpatalo si Jun. Para siyang nakipagkarera sakin dahil sa sobrang bilis ng
kotse niya.



Pagdating namin sa emergency room, pinahiga agad si Maybelline sa stretcher at dinala sa isang room.



Hanggang dito nalang po Sir.



Sabi ng nurse.



Gusto kong pumasok para malaman kung anong kalagayan niya pero hindi nila ako pinapasok kahit na
anong pilit ko.



Okay lang ba si Mia?



Tanong ng tumatakbong babae patungo sakin. Ang Mommy ni Jun.



Hindi ko pa po alam.



Sagot ko. Hindi naman ako iyong tipo ng tao na nandadamay ng tao dahil lang sa galit ko. Sa anak niya
ako galit at hindi sa kanya kaya dapat lang akong magpakita ng respeto.



Sana naman okay lang siya. Teka ka ano ano ka ba niya? Kapatid? Wala namang kapatid si Mia.
Pinsan?



Tanong niya sakin.



Tumayo ako at tinitigan si Jun na nasa likod niya.



Pwede ba tayong mag-usap?



Mahinahong tanong ko sa kanya.



Kung wala lang sana ang Mommy niya sa harap ko, kanina pa basag ang pagmumukha niya. Tumango
naman siya kaya nauna na akong naglakad sa kanya palabas ng ospital hanggang sa makarating kami sa
may playground sa likod ng ospital.



Ano bang nangyari? Anong ginawa mo sa asawa ko?



Tanong ko sa kanya habang pinipigilan ko ang sarili ko na sugurin siya. Kinuyom ko ang dalawang palad
ko.



Hindi ko alam.. Bigla nalang siyang..



*BOGSH!!!!*



Tinitigan ako ni Jun habang napaupo siya sa lupa dahil sa pagkatumba niya mula sa suntok ko. Dahan
dahan siyang tumayo at pinahiran niya ang dugo malapit sa labi niya saka niya pinagpag ang dumi na
dumikit sa pantalon niya.



Wala akong ginawa kay Mia. Hindi ko kasalanan kung bakit siya nahimatay. Hindi ko din ginusto..



*BOGSH!!!!*



Mas malakas pa kesa nong una ang ibinigay kong suntok sa kanya. Natumba ulit siya at napahiga sa lupa.
Gusto ko siyang sipain. Gusto kong iparamdam ang sakit na nararamdaman ko.



Kulang pa! Kulang pa ang mga suntok ko sa kanya.



AGGGGHHHH!!!!!



Napasigaw ako sa sobrang galit habang isinuklay ko ang mga daliri ko sa buhok ko.



Suntukin mo pa ako hanggang sa gusto mo. Pero sinasabi ko sayo na hindi ko din gusto ang nangyari
kay Mia!!



Bulalas ni Jun.



Sa tingin mo hindi mo kasalanan ang nangyari? Kung mo sanapinapunta ang asawa ko sa p*tang party
na iyan hindi na sananangyari ang lahat. Kung hindi mo lang sana siya...



*BOGSH!!!!*



Hindi ko na napigil ang galit ko. Sinuntok ko ulit si Jun. Pero hindi tulad nong una at pangalawang suntok
ko, lumaban nadin si Jun.



*BOGSH!!!!*



Sinuntok niya ako sa kaliwang pisngi ko pero hindi ko naramdaman ang sakit. Dahil siguro mas masakit
pa iyong iniinda ng puso ko.



*BOGSH!!!!*



*BOGSH!!!!*



*BOGSH!!!!*



Hindi ko mabilang kung ilang beses kaming nagpalitan ng suntok ni Jun pero hindi ko parin maramdaman
ang sakit ng katawan ko.



Sinabi ko na sayong hindi ko kasalanan ang lahat.



Hingal na hingal na sambit ni Jun.



Ano bang kailangan mo sa asawa ko? Kasal na kami. Asawa ko na siya kaya wala ka ng karapatan para
manghimasok samin. Tapos na kayo. Hindi ka na niya mahal.



Gusto kong malaman kung anong dahilan at bakit niya pinipilit ang sarili niya sa asawa ko. Hindi ko alam
kung bakit niya kami ginugulo.



Siguro nga tama ka..



Sambit niya.



Tapos na kami. Hindi na niya ako mahal ngayon... Pero baka bukas o sa susunod magbago ang isip niya.
Baka maisip niyang hindi ka na niya mahal at baka mahalin niya ako ulit.



*BOGSH!!!!*



Binuhos ko na ang natitira kong lakas para sa huling suntok ko kay Jun.



Ang lakas ng loob mo para sabihin sakin iyan. Tanggapin mo nalang na hindi ka na mahal ni Maybelline.
Tanggapin mo nalang na kahit kailan wala ka ng pag-asa. Na kahit kailan talunan ka.



Tumayo ulit si Jun saka siya ngumiti.



Gusto ko siyang suntukin ulit dahil sa ngiti na ginawa niya.



Tandaan mo Kevin. Wala sa bokabularyo ko ang salitang talunan. Hanggat hindi pa buo ang pamilya
niyo ni Mia may pag-asa parin ako. Hanggat wala pa kayong anak ni Mia hinding hindi ako susuko.



Hindi ko alam kung matatakot ba ako sa banta ni Jun. Pero ramdam kong ako parin ang mahal ng asawa
ko. Hindi ko alam kung anong dahilan niya at kailangan niyang maglihim sakin pero ang importante,
mahal niya parin ako.



JUN!! Anak!! Gising na si Mia!!



Tumatakbo ang Mommy ni Jun patungo samin.



Agad akong tumakbo pabalik sa loob ng ospital at ganun din naman si Jun.



Teka Jun! Hintayin mo ako anak!



Sigaw ng Mommy niya.



Pagbalik ko sa room kung san dinala si Maybelline, nakaupo na siya sa ibabaw ng hospital bed.



Ke-vin!



Mahinang sambit niya.



Niyakap ko agad siya ng mahigpit. Hindi niya alam kung gaano ako nag-alala sa kanya.



Mia! I am glad you are finally awake.



Bulalas ng Mommy ni Jun saka siya lumapit samin. Kung pwede ko lang sana silang paalisin ginawa ko
na.



Nakakatouch naman ang pinsan mo Mia. Sobra talaga siyang nag-alala sayo. Grabeh kasi kung
makayakap.



Dagdag pa niya.



Kumawala ako sa pagyakap ko kay Mia.



Tita hindi ko po siya pinsan.



Mahinang sambit ni Maybelline.



Hindi mo siya pinsan? Eh di ka ano ano mo siya? Kapitbahay?



Tanong ng Mommy ni Jun.



Kung wala lang talaga akong galang sa mga nakakatanda, baka kanina ko pa sinigawan ang Mommy ni
Jun. Parehos lang sila ng anak niya, nakakainit ng ulo.



Asawa ko po siya.


Chapter 78: Assurance



Kevins POV




Asawa ko po siya.



Sambit ni Maybelline.



Kitang kita naman ang pagkagulat at parang hindi makapaniwala na mukha ng Mommy ni Jun.



Are you sure Mia? Ikinasal ka na pala? Bakit hindi mo sinabi? Pero.. Iyong..Diba kayo ng anak ko? Diba
nagkabalikan na kayo? Kaya ka nga pumunta ng party ko diba dahil okay na kayo.. at iyong kwintas..



Andaming tanong ng Mommy ni Jun na unti unting nagpalinaw sa mga tanong ko nong una. Pinapunta ni
Jun si Maybelline sa party ng Mommy niya dahil gusto niyang ipakita na nagkabalikan na sila.



Pero bakit pumayag si Maybelline?



Iyon nalang ang tanong na hindi pa nasasagot.



Tinignan ko iyong kwintas na suot ni Maybelline. Ngayon ko lang napansin na hindi na pala ito ang
kwintas na ibinigay ko sa kanya.



Im sorry po Tita pero hindi po kami nagkabalikan ni Jun. Pumunta lang po ako ng party dahil pinilit niya
ako. Pinasuot lang po to sakin ni Jun.



Pagpapaliwanag ni Maybelline saka niya hinubad iyong kwintas at ibinigay sa Mommy ni Jun.



Tita Im sorry po pero hindi ko na po mahal si Jun. May iba na po akong mahal at kasal na po kami. Kaya
po nakikiusap ako na sana maging masaya nalang kayo para sa amin ni Kevin.



Gulong gulo ang reaksyon ng Mommy ni Jun pero mukhang naiintindihan naman niya si Maybelline.



Tumango lang siya saka siya tumingin sakin.



Pasensya na sa inasal ko kanina. Napagkamalan kitang pinsan ni Mia. Kung hindi ko lang sana nakita
kung gaano ka nag-alala para kay Mia, hindi na sana ako pumayag sa pakiusap niya. Pero nakita ko kung
gaano mo siya kamahal. Hindi man sila nagkatuluyan ng anak ko, sa huli masaya parin ako at sayo
napunta si Mia. Alam kong mahal na mahal mo siya.



Nong una naiirita ako sa Mommy ni Jun at inakala kong parehas lang silang dalawa pero mali pala ako.



Tinapik ng Mommy ni Jun ang balikat ko saka siya ngumiti kaya ngumiti narin ako.



Salamat po.



Tumango lang siya saka siya tumingin kay Jun.



At ikaw naman... Kailangan nating mag-usap. Hindi maganda ang ginawa mo..



Sambit ng Mommy ni Jun sa anak niya.



Pero Ma, hindi niyo po naiintindihan. May pag-asa pa ako..



Hindi na natapos ni Jun ang sasabihin niya dahil piningot na siya ng Mommy niya sa tenga.



Natawa nalang ako sa itsura ni Jun. Bubog sarado ang mukha niya dahil sakin tapos ginawa pa iyon ng
Mommy niya sa harap namin ni Maybelline.



Aray aray! Ma aray!!



Bulalas ni Jun.



Anong aray? Ha? Halika na umuwi na tayo. Ang laki ng ginawa mong gulo! Nakakahiya ka! Ang laki laki
mo na pero kung umasta ka para ka paring bata!!!



Kaya nga Ma. Malaki na ako kaya huwag mo nang gawin sakin iyan..



Sa loob loob ko tumatawa parin ako sa sitwasyon ni Jun hanggang sa makalabas na sila ng Mommy niya
sa room.



Tinignan ko si Maybelline sa mga mata niya.



Gusto kong itanong sa kanya kung bakit pa niya kailangang pumunta sa party. Pero gusto kong kalimutan
na ang lahat ng iyon.



Gusto kong alisin sa isipan ko iyon dahil kung mahal mo talaga ang isang tao hindi ka magdududa.
Ayokog magduda sa kanya dahil ayokong masira ang relasyon namin.



Mahal ko ang asawa ko at sigurado akong mahal niya din ako at iyon lang ang importante.



Okay na ba ang pakiramdam mo?



Tanong ko kay Maybelline.



Kevin Im sorry..



Bigla nalang umiyak si Maybelline pagkatapos niyang humingi ng tawad sakin. Lumapit ako sa kanya at
niyakap siya.



Sorry para san?



Tanong ko.



Sorry dahil nagsinungaling ako sayo. Sorry dahil hindi ko sinabi ang lahat. Kasalanan ko ang lahat kung
bakit ako andito ngayon at kasalanan ko kung bakit puno ng pasa ang mukha mo.



Sambit niya.



Shhh..Hindi mo kailangang humingi ng tawad.



Akala ko mukha lang ni Jun ang puno ng pasa pero mukhang ako din meron. Hindi ko pa natitignan ang
mukha ko sa salamin dahil sa sobrang pag-aalala sa kanya.



Excuse me!



Humiwalay ako sa asawa ko pagkatapos naming marinig na dumating ang doctor at ang nurse. Kinunan
ng bp si Maybelline ang nurse habang kinausap naman ako ng doctor.



Kayo po ba ang asawa ng pasyente?



Tanong ng doctor.



Opo.



Nag passed out ang pasenyte dahil nabinat ang katawan niya. Dahil sa sobrang stress at pagod. Dahil
nadin sa lagnat niya. Pero kung gusto niyo pwede pa tayong mag perform ng iba pang tests para
makasigurado tayo.



Sabi ng doctor.



Kung kinakailangan po...



Huwag na po doc!



Bulalas ni Maybelline pagkatapos siyang kunan ng bp.



Okay na ako Kevin. Hindi ko na kailangan ng iba pang tests. Gusto ko na ngang umuwi ng bahay. Ayoko
ng amoy ng ospital.



Parereklamo niya.



Pwede na po bang mauwi ang pasyente doc?



Tanong ko sa doctor.



Tomorrow morning pwede ng lumabas ang pasyente. Excuse me.



Pagkatapos lumabas ng doctor at ng nurse, umupo ako sa upuan na nasa tabi ng hospital bed.



Magpahinga ka na para makauwi na tayo bukas. Kalimutan mo nalang iyong nangyari.



Sabi ko kay Maybelline habang hawak hawak ko iyong kamay niya.



Tumango lang siya saka niya pinikit ang mga mata niya.



Hinintay ko na munang makatulog si Maybelline saka ako lumabas at pumunta ulit sa playground.
Tinawagan ko muna si Axel saka ako umupo sa swing.




.......................




Pare!



Patakbong lumapit si Axel sakin saka ako tumayo mula sa pagkakaupo ko sa swing. Ginawa muna namin
ang hand gesture namin ni Axel saka ako umupo ulit sa swing.



Umupo din si Axel sa swing na nasa tabi ko.



Pasensya ka na pare at naistorbo pa kita. Gabing gabi na.



Sambit ko sa kanya.



Ano ka ba naman Kevin. Paraka namang ibang tao niyan. Kamusta na si Mia?



Nastress lang daw sabi ng doctor pero okay na siya ngayon.



Iyon naman pala. Eh ano pang problema mo?



Tanong ni Axel sakin.



Ewan ko ba pare pero hindi mawala sa isipan ko iyong sinabi ni Jun sakin. Pano nga kaya kung mag-iba
nalang bigla ang puso ng asawa ko? Pano kung iwan niya ako? Pano kung..



hahahahah!



Sobra sobra iyong pag-alala ko pero tinawanan lang ako ni Jun.



Alam mo pare sa tingin ko tama naman iyong sinabi ni Jun sayo. Pwede parin namang maging sila ng
asawa mo. Iyong iba nga nagpapa divorce pa para lang makasama iyong bagong minamahal nila.



Tinitigan ko lang ang lupa na tinatapakan ko habang nagsasalita si Axel.



Kevin ikaw naman kasi. Hindi kita maintindihan. Ano pa bang hinihintay mo? Pumuti ang uwak? Kung
ganyan pare, huwag ka nalang umasa na magiging kayo pang habang buhay ni Mia.



Anong ibig mong sabihin?



Tanong ko kay Axel.



Isa lang naman ang problema ko, ang assurance ko sa asawa ko. Pero umabot na ng uwak si Axel kaya
hindi ko maintindihan kung anong gusto niyang ipahiwatig sakin.



Isa lang ang gusto kong sabihin Kevin. Sunggaban mo na habang maaga pa. Ilang buwan na lang
matatapos ka na sa pag-aaral mo. Makakahanap ka na ng trabaho, hindi naman mahirap iyon dahil may
naghihinta na sayong posisyon sa kompanya. Mabubuhay mo na ang pamilya mo..



Tinapik ako ni Axel sa balikat.



Wala namang mali kung gagawin niyo na iyon. Mag-asawa naman kayo. Kasal na kayo kaya legal na
iyon at tama kahit sa mata ng Diyos.



Kevin pag-isipan mo to ng husto. Kung gusto mong kumapit sayo habang buhay si Mia. Gumawa ka ng
tali sa pagitan niyo. Bumuo na kayo ng pamilya.



Tama nga naman ang sinasabi ni Axel. Kung ako ang tatanungin gusto ko naring mabuo ang pamilya
namin. Pero ang tanong handa na ba si Maybelline?



Pero pano ang pag-aaral niya kung saka sakali?



Tanong ko sa kanya.



Saka mo nalang problemahin iyan kung andiyan na. Hindi ka pa nga kumikilos diyan. hahaha!



Tinapik ulit ako ni Axel saka siya tumawa.





..................................





Ilang araw na ang lumipas mula ng makalabas si Maybelline sa ospital at naging okay nadin ang lahat.
Hindi nadin naman siya ginugulo ni Jun.



Pumasok na ako ng bar kung san kami magkikita ng mga barkada ko.



Jerome!



Tawag ko sa kanya pagkatapos ko siyang makita.



Oh Kevin andito ka na pala. Kanina ka pa namin hinihintay.



Nasan na sila?



Andun. Kagagaling ko lang sa restroom. Tayo na.



Sabay na kaming pumunta ni Jerome sa table kung nasan sina Axel at Mark.



Oh Kevin andito ka na pala.



Sambit ni Mark at ni Jerome.



Matagal nadin kaming hindi nakapag boys night out. Naging busy kasi kaming lahat sa personal naming
buhay.



Naginuman lang kami ng konti at nagkwentuhan. Kung san san na napunta ang usapan namin hanggang
sa ako naman iyong pinaupo nila sa hot seat.



Oh pare. Ano? Nagawa mo na ba iyon?



Tanong ni Axel sakin. Hindi nadin lihim kina Jerome at Mark ang problema ko tungkol sa asawa ko.



Hindi pa eh.



Sagot ko sabay kamot sa ulo ko.



Pare ano bang mahirap don? Huwag mong sabihing bakla ka?



Panunukso ni Mark.



Tinapik ako ni Jerome.



Kevin gawin mo na mamaya. Kaya mo iyan. Huwag kang panghinaan ng loob.



Natatakot kasi ako na baka hindi pa siya handa sa ganung bagay.



Sambit ko.



Pare kung mahal ka ng babae, sigurado akong handa na siya sa lahat ng pwedeng mangyari. Antagal
tagal niyo na ni Mia wala paring nangyayari sa inyo? Ang slow mo pare..



Sambit naman ni Axel.



Ganito nalang ang gawin natin..



Sabi ni Mark.



Kailangan nating palakasin ang loob ni Kevin. Iyon lang naman ang magagawa natin eh.



Pagpapatuloy ni Mark.



Pano?



Tanong ni Jerome.



Eto ang makakatulong satin.



Itinaas ni Mark ang isang baso ng alak.



Pero huwag kang mag-alala Kevin. Hindi ka naman namin lalasingin. Baka kami pa iyong.. hahhahaha.
Konti lang naman para magkaroon ka ng lakas ng loob.



Sambit ulit ni Mark.




....................




Mias POV




Manang wala pa po ba si Kevin?



Tanong ko kay Manang habang inaayos niya iyong plato na hinugasan niya.



Wala pa Mia. Magpahinga ka na muna. Tatawagin nalang kita pag dumating na siya.



Tumango lang ako saka ako bumalik sa taas.



Humiga ako sa couch namin saka ko kinuha iyong remote control ng TV malapit sakin at pinindot ang on
button.



Pero naka ilang lipat na ako ng chanel wala parin akong makitang magandang palabas.



Haayy!!



Nagpalabas nalang ako ng buntong hininga.



Ano na kayang ginagawa ni Kevin ngayon?



Ang alam ko lang eh may lakad sila ng barkada niya pero hindi ko alam kung asan sila at kung anong
ginagawa nila.



Okay naman kami ni Kevin pagkatapos ng gulong ginawa ko. Pero napakaweird ni Kevin pagkatapos non.



Parang may gusto siyang gawin na hindi niya magawa.



Minsan ang sweet niya sakin pero minsan din parang iniiwasan niya ako. Nakakalito talaga siya.



Pinatay ko na iyong TV pati nadin ang ilaw ng kwarto namin.



Baka mamaya pa uuwi si Kevin, matutulog nalang ako.



Tanging ilaw nalang ng lampshade malapit sa kama namin ang nakabukas. Hihiga na sana ako ng bigla
nalang akong makarinig ng mga yabag ng paa papalapit sa pinto ng kwarto namin.



Agad akong tumakbo sa pintuan para pagbuksan si Kevin. Pero bago ko pa mana nabuksan ang pinto,
nauna na niyang buksan ito.



Andito ka na pala. Kanina pa kita hinihintay eh.



Sabi ko sa kanya pagkatapos niyang isara at i-lock at pinto.



Hinintay ko ang sagot ni Kevin pero ibang sagot ang ibinigay niya sakin.



Bigla nalang akong hinalikan ni Kevin sa labi. Not the usual kiss that he usually gave me. Ibang iba ang
halik niya. Ngayon alam ko na kung san nanggaling si Kevin dahil nalalasahan ko ang alak sa labi niya
pero alam ko hindi siya lasing.



Kung anong klase ng halik ang ginawa ni Kevin, iyon din ang sinukli ko sa kanya. I twisted my face in a 45
degree angle.



Hanggang sa pareho na nga kaming nalunod ni Kevin sa halik na isat isa. Bigla ko nalang naramdaman
ang mga kamay ni Kevin sa magkabilang bewang ko.



Mas lalo pang lumalim ang halik namin ni Kevin. Dahan dahan niya akong dinala papalapit sa kama
without breaking our kiss. Pagkatapos kong maramdaman ang dulo ng kama sa likod ng mga tuhod ko, I
realized na ito na talaga.



Pero ni isang bahid ng takot wala akong naramdaman dahil mahal ko si Kevin. Ang alam ko lang, ito ang
tama at ito ang gusto ko at kelan man hinding hindi ko to pagsisisihan.





...................



Pagising ko sa umaga, sobrang sakit ng katawan ko. Para akong umakyat ng ilang bundok dahil sa sakit at
sa pagod.



Tinignan ko si Kevin na nasa tabi ko. Tulog parin siya.



Thank you!



Bulong ko sa kanya saka ko siya hinalikan sa pisngi. Ipinikit ko ulit ang mga mata ko dahil kailangan ko pa
ng tulog para bumalik ang lakas ko.


Chapter 79: Have I Told You





Kevins POV




Congratulations pare. Masaya ako para sayo.



Bati sakin ni Axel habang tinatapik niya iyong kanang balikat ko.



Salamat pare. Ikaw nadin ang susunod next year.



Sambit ko sa kanya.



Katatapos lang ng graduation namin at napag-isipan namin na magsalo salo kasama ang mga kaibigan
namin ni Maybelline bago kami umuwi sa bahay ng mga magulang ko para sa konting salo salo din.



Dapat sana eh sabay din kaming gagraduate ni Axel ngayong tao dahil magka sing edad lang naman kami
pero dahil five years ang kursong kinuha niya, may isang taon pa siyang natitira sa University.



Sina Jerome naman, Mark at Zelle next year pa gagraduate dahil junior ko sila.



Umupo na kaming lahat habang hinihintay ang pagkain namin.



Congratulations Kevin. Sobrang proud ako para sayo.



Sambit ni Maybelline na nasa tabi ko lang.



Sobrang ganda ng ngiti niya, para akong natutunaw sa tuwing binibigyan niya ako ng ganung klaseng
ngiti.



Oyyyy!!! Iba na yata ang titigan na iyan pare.



Panunukso ni Jerome.



Tama ka bro. Parang sinasabi ng mga mata niya na kailangan na nating makaalis dito Maybelline.
Iwanan na natin sila para makapag solo na tayo.



Dugton naman ni Mark na nagpahalakhak sa lahat.



HAHAHAHAHHA!



Kayo na. Sinisimulan niyo na naman kami. Kelan ba kayo ikakasal? Triple Wedding dapat.



Sambit ni Maybelline.



Habang lumilipas ang panahon, mas lalong tumitibay ang pagsasama ni Axel at Zelle, Jerome at Aya at
Mark at May.



Bukas na bukas din. hahahahah!!



Pagbibiro ni Axel.



Eh kayo naman Mia? Kailan ba kayo magkaka baby?



Tanong ni Zelle kay Mia na may pilyang ngiti sa labi.



Baby? Naku matagal pa noh. Hindi pa namin iniisip iyan.



Nahihiyang sagot ni Maybelline.



Yeee!! Basta Mia ha. Ninang ako. Ako una dapat sa listahan mo.



Sambit ni Aya.



Nagkuwentuhan lang kami ng nagkwentuhan hanggang sa dumating na iyong order namin. Hindi kami
masyadong kumain ni Maybelline dahil pupunta pa kami sa bahay ng mga magulang ko.



Kung may dalawang tao man na pinakamasaya ngayon at nakapagtapos na ako ng pag-aaral. Iyon ay ang
mga magulang ko.



Mia, bakit ba wala pa kayong baby ni Kevin? Huwag mong sabihing hindi niyo pa sinusubukang
gumawa? hehehehe.



Tanong ni May kay Mia.



Tinignan ko si Mia. Pulang pula na iyong pisngi niya dahil sa hiya. Kung ako lang sana ang tatanungin ng
mga barkada ko hindi okay lang sana.



Ano kaba May. Huwag mo ngang tanungin ng ganyan si Mia. Nahihiya na oh. Tignan mo namumula.



Sambit ni Aya.




Kalimutan mo nalang iyong tanong ni May Mia. Naiingit lang talaga iyan. hahaha. Anyway Mia, may
itatanong ako. Eto seryoso na talaga ha. Wala ng biruan.



Sabi ni Aya.



Ano naman iyon Aya?



Tanong ni Maybelline.



Ehem! Ehem!



Nilinaw na muna ni Aya ang lalamunan niya bago siya nagsalita ulit.



Ilang anak ba ang gusto mo kay Kevin? hahahahahaha



Kagaya ni Maybelline, akala ko din seryoso na talaga ang tanong ni Aya pero hindi pala. Katulad parin
siya ng iba na nagtatawanan.



AYA!! Sige pag di pa talag akayo titigil aalis na talaga ako.



Sagot ni Maybelline. Napaka pikon talaga niya. haha



Ikaw pare ilang anak ba ang gusto mo?



Tanong nii Axel sakin dahil hindi sumagot si Maybelline. Tinignan ko muna si Maybelline bago ako
sumagot sa tanong.



Kahit isang dosena pwede.



Sambit ko.



Pero syempre wala sakin ang huling desisyon. Hindi naman kasi ako ang manganganak at Kung pwede
lang sana na ako nalang ang magdadala ng bata nang ilang buwan at ako nalang ang aanak gusto ko
isang dosena.



Pagpapatuloy ko.



WAAAAA!!!!!



Naghiyawan naman sila na para bang nanonood sila ng romantic movie sa sine. Kung sina Zelle lang, Aya
at May at naghiyawan at kinilig maiintindihan ko pasana. Pero sina

Axel, Jerome at Mark.



Nakakasuka! Parasilang mga bading..



Excuse me lang Kevin ha. Punta na muna akong rest room.



Pagpapaalam ni Maybelline sakin pagkatapos naming kumain.



Sige. Samahan na kita?



Tanong ko sa kanya.



Huwag na. Kaya ko na eh.



Mia sama na kami.



Sambit naman ni Zelle, Aya at May.



Kaming apat nalang ang natitira sa table namin. Mabuti naman at umalis sila saglit para naman
makapag-usap kami ng mga barkda ko para sa plano ko.



So pare ano ng mangyayari sa susunod na araw?



Tanong ni Axel sakin.



Ayos na ang lahat pare. Pero kailangan ko paring pumunta ng maaga bukas para ayusin ang mga
konting bagay at syempre para magpractice. Pakiramdam ko hindi ko kayang sabihin sa kanya lahat ng
gusto kong sabihin dahil baka mahimatay ako sa kaba.



Pagsasabi ko ng totoo sa kanila.



Haha. Pare! True love na nga talaga iyan. Huwag kang mag-alala dahil sasamahan ka namin.
Magpapractice tayo bukas at kami ang tuturo sa iyo para mapa OO mo ang Maybelline mo.



Sabi ni Mark.



Salamat talaga.



Sabi ko.



Pero Kevin. Tanong ko lang. Bakit ba kailangan mo pang mag propose kay Mia eh diba kasal na kayo?
Pwede naman siguro na magpakasal na kayo ng simbahan agad agad. Hindi na ata kailangan ng
proposal.



Sabi naman ni Jerome.



Kung tutuusin pare may punto ka naman. Pero syempre hindi normal iyong love story namin ni
Maybelline. Hindi katulad ng sa iba na sobrang inlove sa isat isa kaya nagpakasal sila. Nagpakasal kami
ni Maybelline dahil napilitan lang kami. Hindi niya naranasan ang pinapangarap ng ibang babae na
proposal. Syempre gusto kong ibigay sa kanya iyon. Gusto kong gawin lahat ng pwede kong gawin para
mas lalo pa siyang sumaya. Gusto kong punan ang lahat ng kulang ko noon.



Tumahimik lang ang tatlong kaibigan ko habang tumatango sila.



Mukhang seryoso ata ang usapan niyo ah.



Sabi ni Maybelline pagkatapos nilang bumalik galing sa rest room.



Usapang lalaki lang girls.



Sagot ni Jerome.



Pagkatapos ng kalahating oras, nagpaalam na kami sa kanila dahil may lalakarin pa kami ni Maybelline.
Ayoko namang tanggihan iyong imbitasyon ng mga magulang ko dahil alam ko magtatampo talaga sila
sakin pag ginawa ko iyon.




.........................




Pagdating namin sa Venue ng mga kaibigan ko. Ayos na ang lahat. Gusto ko sana na pagkatapos ng
proposal ko eh deretso na kaming ikakasal ni Maybelline simbahan katulad ng ginawa ni Zoren kay
Carmina.



Nong isang linggo kasi sabay naming pinanood ni Maybelline iyon at sobra siyang natuwa at kinilig.
Napaiyak pa nga siya sa sobrang tuwa niya. Pero kung gagayahin ko iyon baka isipin nilang wala akong
originality at syempre, hindi na masosorpresa si Maybelline dahil nakita na niya ang ganung style.



Anong plano mo Kevin?



Tanong ni Axel.



Simple lang. Kakain lang kami dito sa ilalim ng puno habang nilalahanghap ang simoy ng dagat.
Pagkatapos nong kakantahan ko siya saka ako magpopropose.



Sambit ko.



O sige. Mag practice na tayo ha. Kunyari ako si Maybelline. Uupo na ako dito.



Sambit ni Mark saka siya umupo sa upuan na nasa ilalim ng puno.



Kantahan mo na ako Kevin..



Sambit ni Mark habang ginagaya niya iyong boses ni Maybelline. Ang bading talaga!



Ayoko nga. Ang pangit mo!!



Bulalas ko.



Ano ka ba Kevin my love so sweet. Ang ganda ganda ko kaya. Sige na mahal mo naman ako diba? Mahal
na mahal din kita Kevin.



Hindi ko alam kung tatawa ba ako kay Mark o masusuka sa ginagawa niya. Nakakatawa kasi na
nakakadiri.



Tapos iyong boses pa niya na parang nakakain ng dumi ng kalabaw. Ang landi ng boses.



Pare..Baka naman totoo na iyang sinasabi mo. Baka may tinatago kang paghanga sakin. haha



Pagbibiro ko sa kanya.



Ano?? Potek ka Kevin. Kalimutan mo nalang iyong ginawa ko pare.



Bumalik na ulit ang totoong boses ni Mark saka siya agad na tumayo sa upuan.



HAHAHAHA!!



Nagtawanan naman kaming tatlo dahil sa reaksyon ni Mark.



Ano ka ba pare. Hindi ka na talaga mabiro. Balik ka nadon. Iisipin ko nalang na ikaw talaga si
Maybelline. Ipipikit ko nalang ang mga mata ko.



Tinapik ko iyong balikat niya para pakalmahin siya saka siya bumalik don sa upuan.



Kinuha ko na iyong gitara ko at nagsimula ng kumanta.



? Have I told you lately that I love you
Have I told you there's no one else above you ?



Pagkatapos kong ipikit ang mga mata ko, hindi ko na nakita pa ang nakakadiring bading badingan na
mukha ni Mark dahil si Maybelline na agad ang nakita ko.



Ngumingiti sakin at masaya.



? Fill my heart with gladness
Take away all my sadness
Ease my troubles that's what you do ?



Pinili ko ang kantang Have I Told You Lately ni Rod Steward dahil pakiramdam ko ginawa ang kantang to
para sa amin ni Maybelline. Lahat ng meron sa lyrics, iyon na iyon ang gusto kong sabihin sa asawa ko.



Siya iyong pumupuno ng kasisayan sa puso ko, siya iyong nagwawala ng pagod at lungkot ko.



? For the morning sun in all it's glory
Greets the day with hope and comfort too
You fill my life with laughter
And somehow you make it better
Ease my troubles that's what you do ?



Sobra sobrang saya ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko iyong mukha niya pag gising ko.
Pakiramdam ko, wala ng makasisira ng araw ko.



? There's a love that's divine
And it's yours and it's mine like the sun
And at the end of the day
We should give thanks and pray
To the one, to the one ?



Siguro nga may nagawa akong mabuti sa dati kong buhay, dahil sobra sobra ang binigay ng Panginoon
sakin. Hindi lang niya ako binigyan ng asawa, binigyan niya din ako ng matalik na kaibigan at kapatid at
sobra ang pasasalamat ko sa Panginoon.



? Have I told you lately that I love you
Have I told you there's no one else above you
Fill my heart with gladness
Take away all my sadness
Ease my troubles that's what you do ?



Kung mabubuhat man ako ulit sa mundong ito, si Maybelline parin ang pipiliin kong magiging asawa ko.



Sa tatlong minuto ng kanta ko, para akong dinala sa isang lugar na tanging kami lang ni Maybelline ang
andun. Wala kaming iniisip na problema.



WOOOAAHHH!!!



Pagkatapos kong marinig nag palakpakan nila, binuksan ko na ang mga mata ko saka lang ako bumalik sa
realidad na hindi pala si Maybelline ang nasa harapan ko kundi si Mark.



Sigurado kami pare hindi ka na tatanggihan ni Mia. Kung tatanggi siya pangako tatalon ako mula sa
buwan.



Sambit ni Axel.



Ang totoo niyan, hindi naman ako nag-aalala sa magiging sagot ni Maybelline dahil sigurado akong
mapapa OO ko siya.



Ang kinatatakutan ko lang eh baka hindi ko makanta ng maayos ang inihanda kong kanta dahil sa
sobrang kaba ko.




...........



Nauna na akong pumasok sa kwarto habang nasa kusina pa si Maybelline at tinutulungan si Manang sa
paghuhugas ng pinggan.



Kinuha ko iyong gitara ko para magpractice ulit ng kanta ko para kay Maybelline saka ako umupo sa
couch.



? Have I told you lately that I love you
Have I told you there's no one else above you ?



Pinikit ko ulit ang mga mata ko para imaginine ang mukha ni Maybelline.



? Fill my heart with gladness
Take away all my sadness
Ease my troubles that's what you do ?



Pero tumigil ako sa pagkanta ng marinig ko ang mga yabag ng paa niya papalapit sa kwarto namin
hanggang sa binuksan na nga niya iyong pinto.



Bakit ka tumigil?



Tanong niya saka siya lumapit sakin sa couch.



Narinig mo?



Tanong ko sa kanya.



Oo. Ituloy mo na.



Pakiusap niya sakin.



Huwag na. Sumakit kasi bigla ang mga daliri ko.



Ibinalik ko na iyong gitara ko sa guitar stand malapit sa couch namin.



Ehh.. Sige ka magtatampo ako sayo niyan. Hindi ba talaga pwedeng ituloy mo iyong kanta?



Tanong niya ulit.



Hindi talaga.



Sagot ko sabay iling sa ulo ko.



Nagtatampo na talaga ako. Siguro hindi mo na ako mahal noh?



Lumayo siya ng konti sakin pero lumapit naman ako sa kanya.



Alam mong hindi totoo iyan. Mahal kita.



Casual na sagot ko.



Kevin, itatanong ko lang. Gaano mo ba ako kamahal?



Tumingin ako sa mga mata ni Maybelline saka ko siya sinagot.



Hindi ko kayang ipaliwanag gamit lang ang mga salita kong gaano kita kamahal. Pero kung gusto mo
talagang malaman ang sagot ko. Eto..



Hinawakan ko iyong ulo niya saka ko tinagilid ang mukha ko para halikan siya sa labi. Pagkatapos nong
nangyari samin ni Maybelline, hindi na namin napigilan ang mga sarili namin.



Naulit iyon at naulit. Hinihintay ko nalang na magbunga ang pagmamahalan namin.







Chapter 80: Finally



Mias POV




This is it! Summer na. hihihihi! Stress free nadin ako sa mga quizzes, oral recitations, report at exams.



Pero sa totoo lang talaga naging mabuti akong estudyante sa recent sem ko. Syempre dahil may gwapo
akong tutor.



Nakagraduate nadin si Kevin at may bago na naman siyang kabanata sa buhay niya. Ang pagtatrabaho.
Masaya talaga ako para sa asawa ko dahil atleast, hindi na kami aasa nalang sa mga parents namin.
Malay natin 3 to 5 years from now mapapalitan na tong cute na bahay namin sa isang mansion. Pero
honestly, masaya naman ako kahit hindi malaki ang bahay namin.



San mo gustong pumunta?



Tanong ni Kevin sakin habang nasa tabi ko siya at nagmamaneho.



Hmm.. Hindi ko din alam eh. Movie house? Restaurant? Mall?



Ako ang nagyaya kay Kevin na lumabas kami pero hindi ko talaga alam kung san ko gustong pumunta.



Kahit saan nalang..



Pagpapatuloy ko.



Sa park nalang muna tayo.



Sambit ni Kevin at tumango naman ako.



Pagkalipas ng ilang minuto, nakarating nadin kami ng park ni Kevin. Pinark lang namin iyong kotse sa tabi
ng daan. Bubuksan ko na sana iyong pinto sa side ko kaya lang nakita ko si Kevin na tumakbo papunta sa
side ko para pagbuksan ako ng pinto.



Ang sweet talaga. hihihihi.



Sabi kasi nila, ang mga lalaki daw pag nanliligaw pa lang tapos nadapa ka, sobra iyong pag-alala nila
sayo, sobra iyong alaga nila sayo. Pero pag naging mag-asawa na daw kayo tapos nadapa ka sasabihin
nalang nila na tanga ka tapos pagtatawanan ka pa.



Pero bakit hindi iyon ang ginagawa ni Kevin sakin?



Ibang iba iyong love story namin sa typical na love story ng iba pero masaya nadin ako kahit papano.
Kahit na hindi ako niligawan ni Kevin at hindi siya nagpropose sakin noon kontento parin ako. Dahil sa
araw-araw na magkasama kami, pinaparamdam niya sakin kung gaano niya ako kamahal. Araw araw
niyang pinapatanuyan sakin na mahal niya ako at araw araw din niya akong nililigawan.



Thank you!



Sambit ko sa kanya pagkatapos niya akong pagbuksan ng pinto.



Magkahawak kamay kaming naglakad ni Kevin sa park habang tumitingin tingin sa paligid. Sobrang
daming tao dahil wala ng pasok.



Dito na muna tayo.



Sambit ni Kevin saka kami umupo sa isang bakanteng bench.



Seventy five percent siguro ng andito sa park eh mga bata. Sobrang enjoy na enjoy sila sa paglalaro. Nag
enjoy din naman ako sa kakatingin sa kanila.



Anong nasa isip mo?



Tanong ni Kevin sakin.



Tumingin ako sa kanya ng nakangiti saka ko siya sinagot.



Wala lang. hehe. Nakakatuwa kasi tignan iyong mga bata na naglalaro. Ang kyut kyut nila. Ang sarap
nilang kurutin sa pisngi.



Sambit ko.



Hahaha. Nakakatakot pala.



Nakakakot? Ang ano?



Nalilitong tanong ko kay Kevin.



Nakakatakot pag naging Mommy ka na. Baka palagi nalang iiyak ang baby natin dahil kinukurot mo siya
lagi. Hahahahaha



Ang sarap panoorin na tumatawa si Kevin at ang sarap pakinggan ng tawa niya.



Ang cute kasi nila eh. hehehe



Sabi ko saka kami sabay na tumawa.



Gusto mong fishball?



Tanong ni Kevin sakin pagkatapos niyang makita ang mga bata na tumatakbo papalapit sa vendor ng
fishball.



Sige. Damihan mo ha. Saka lagyan mo nadin ng toyo at suka na may madaming sili.



Sambit ko kay Kevin.



Toyo at suka sa fishball? Ang weird naman ata niyan.



Sabi ni Kevin.



Ehh iyon ang gusto ko eh. Sige na. Sige na. Bilisan mo.



Tinulak ko pa si Kevin para lang bumili na siya agad ng fishball.



Habang hinihintay ko si Kevin, may baby na nagpapractice maglakad habang hawak hawak siya ng yaya
niya sa likod.



Ang kyuuut talaga.



Kelan kaya kami magkakababy ni Kevin? Ilang buwan ko nading hinihintay ang baby namin pero wala
parin talaga. Siguro hindi pa ito iyong tamang panahon pero gusto ko na talaga.



Gusto ko lalaki iyong magiging unang anak namin tapos eh girl naman. Okay na sakin ang dalawa.



Dahan dahan lang Mia..



Sabi nong yaya ng baby.



Inakala ko talagang ako iyong sinabihan niya pero hindi naman kami magkakilala.



Mia po ba ang pangalan ng baby?



Tanong ko sa yaya niya kaya kinarga na niya muna iyong baby saka siya lumapit sakin.



Opo.



Tumayo ako sa kinauupuan ko saka ako lumapit sa kanya para himasin iyong pisngi ni baby Mia.



Pareho kami ng name. hehehe. Ilang taon na siya?



Tanong ko sa yaya.



One year old po.



Ang kyuut talaga. Super duper kyuut. Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko. Ang sarap niyang kargahin
at yakapin.



Sana magkababy nadin kami ng asawa ko.



Sabi ko sa yaya.



May asawa na po pala kayo?



Hindi makapaniwalang tanong ng yaya.



Oo. hehe.



Sagot ko sa kanya habang nilaro laro ko parin iyong kamay ni baby Mia.



Bakit wala pa po kayong baby?



Napatigil ako dahil nagulat ako sa tanong ng yaya. Iyan din naman ang tanong ko sa sarili ko nong isang
buwan pa. Bakit wala pa kaming baby ni Kevin?



Healthy naman siya at healthy din naman ako.



Mia eto ng fishball mo!!



Napalingon ako kay Kevin pagkatapos niya akong tawagin.



Sige po ha. Mauna na po kami.



Sambit ng yaya. Tumango lang ako saka sila umalis.



Naupo ulit kami ni Kevin sa bench saka ko kinain iyong fishball na binili niya. Ako lang lahat ang kumain
dahil ayaw ni Kevin sa fishball na may toyo at suka. Gusto niya iyong original na sauce talaga ng fishball.
Super maarte siya.




-------------------------




Kain tayo?



Pagyayaya ko sa mga kaibigan ko habang naglalakad kami sa mall.



Ulit?



Tanong ni Aya sakin.



Nakakapanibago si Aya. Dati kasi siya iyong palaging pumipilit samin na kumain kami pero ngayong ako
na iyong nagyayaya parang ayaw niya.



Ang weird mo Aya. Diet ka ba?



Tanong ko sa kanya.



Ako weird? Hindi ako weird Mia. Ikaw iyong weird. Nakalimutan mo ba? Kalalabas lang natin sa fast
food chain five minutes ago. Tapos kakain ka ulit?



Tanong niya.



Oo nga Mia. Naging ulyanin ka na ba talaga at nakalimutan mong katatapos lang nating kumain o
nahawa kalang sa pagiging baboy ni Aya?



Tanong ni May sakin.



Hoy May hindi ako baboy ha. Sa katawan kong to? Parang ang sexy ko naman ata para maging baboy.



Bulalas ni Aya saka niya inikot ang sarili para makita ni May iyong katawan niya.



Hindi naman talaga ako gutom. Parang gusto ko lang kasing kumain ng hilaw na papaya tapos may
ketchup. Ang sarap non! Tayo na?



Pagyayaya ko ulit sa kanila.



Nong papunta kasi kami dito sa mall may nakita akong bata sa daan na kumakain non habang
sinasawsaw pa niya sa toyo. Pero ang gusto ko ketchup.



Iyong ketchup na madaming sili.



Papaya with ketchup? Thats kadiri Mia. Anong lasa non?



Nandidiring tanong ni Zelle.



Oy Zelle ang arte mo ha. Actually hindi ko pa talaga alam kung anong lasa non pero sa tingin ko
masarap iyon.



Pagdedepensa ko.



Mia wala ka bang napapansing bago sa katawan mo? O sa sarili mo?



Tanong ni Zelle sakin.



Hmm? Bago?



Ibinaba ko iyong mga mata ko para tignan ang sarili ko saka ko sinagot si Zelle.



Wala naman. Bakit meron ba?



Ibinalik ko iyong tanong kay Zelle.



Mia, kelan ba iyong last period mo?



Tanong ni May sakin.



Napaisip din ako kung kelan ba iyong last. Ang totoo hindi ko na maalala. Last month kaya iyon? O..Ayy
ewan! Hindi ko na talaga matandaan.



I dont know May. Baka natraffic lang iyong red tide.



Sabi ko sa kanya habang iniisip ko parin iyong papaya with ketchup and sili.



Mia. Napaka naive mo talaga. Hindi mo ba naisip na baka..



Tumigil silang tatlo sa paglalakad kaya napatigil nadin ako at pinakinggan si Aya sa sinabi niya.



Baka ano?



Tanong ko kay Aya.



na baka...



BUNTIS KA!



Sabay na bulalas nilang tatlo.



Napatakip ako sa bibig ko saka ako lumingon sa kaliwa at kanan ko to make sure na walang nakarinig
samin na kakilala ko.



Ako? Baka buntis ako?



Tanong ko sa kanila at tumango lang sila.



Binalikan ko iyong mga araw na naging kakaiba ako. Hindi naman ako nagsusuka o ano. Minsan nahihilo
lang ako pero akala ko normal lang iyong dahil dati naman nahihilo din ako minsan.



Iyong fishball din na pinabili ko kay Kevin tapos ngayon papaya with ketchup and sili. Tapos hindi pa ako
dinadalaw ng red tide. Na traffic lang kaya iyon o na stranded dahil kay baby?



Mia I suggest na pumunta ka nalang ng doctor. Samahan ka namin.



Sambit ni Zelle.



Biglang natuwa ang kaluluwa ko. Biglang tumalon ang puso ko sa gulat at saya. Napahawak ako sa tiyan
ko.



Baka andito na nga si baby.




--------------




Gumising ako ng maagang maaga saka ako naligo at nagbihis. Umupo nadin ako sa harapan ng salamin
para ayusin ang sarili ko.



Dati naman pag umaalis ako ng bahay, bb cream lang ang nilalagay ko sa mukha ko saka lipstick. Pero
these past few days gustong gusto ko talagang ayusan ang sarili ko. Nagsusuot na ako ng magagandang
damit at naglalagay nadin ako ng eyeshadow at blush.



Hmm? Aalis ka?



Tanong ni Kevin sakin na kakagising lang. Kitang kita sa salamin ang repleksyon niya kaya hindi na ako
lumingon para tignan at sagutin siya.



May appointment lang ako. Babalik din naman agad ako. Baka pagbalik ko may good news na ako
sayo.



Sabi ko sa kanya.



San naman? at anong good news?



Tanong niya ulit.



Basta. Huwag ka na munang makulit. Sasabihin ko din naman sayo mamaya eh. hehe.



Tinapos ko na iyong pag aayos sa sarili ko saka ako lumapit kay Kevin at umupo sa kama.



Ayoko munang sabihin sa kanya na baka buntis ako dahil pag negative ang result syempre malulungkot
siya.



Sige hihintayin ko nalang iyang good news mo. Oo nga pala aalis din ako. May pupuntahan lang kami ng
barkada.



San kayo pupunta?



Tanong ko sa kanya.



Secret din. Pero pag nalaman mo na mamaya sigurado akong matutuwa ka. hehehe. Sigurado akong
mapapa OO ka sa tuwa. hehe



Ang weirdo talaga ni Kevin pero sigurado akong may surprise na naman siya sakin. hihihi. Oo ako na
assuming.



Pag dumating ka na sa bahay tapos wala pa ako. Tawagin mo lang si Manang. Siya na iyong magdadala
sayo sakin.



Sambit ni Kevin.



Tumango lang ako saka ako ngumiti sa kanya.



Hindi na ako nagpahatid kay Kevin sa hospital dahil baka magkaroon siya ng hint kung anong gagawin ko
don.



Hindi ko nadin sinama pa ang mga kaibigan ko dahil natatakot ako na baka negative ang result at ma
disappoint ko sila dahil hindi pala ako buntis.



Atleast ako lang iyong masasaktan pag negative ang result.



Dahil may appointment na ako sa doctor, ako iyong inuna niya kesa sa ibang pasyente niya.



Gumamit na ako ng pregnancy test kit bago ako nagpa appoint sa doctor at positive ang result pero
gusto ko talagang i-confirm kung buntis ako dahil hindi naman 100% accurate ang pregnancy test kit.



Sinabi ko sa doctor ang mga napansin kong pagbabago sa katawan ko. Ang biglang pagbaba ng timbang
ko pero halos minu minuto naman akong kumakain. Sinabi ko din sa kanya na minsan nahihilo ako, tapos
minsan nanghihina ako na parang hindi ko maintindihan ang katawan ko. Minsan din namumutla ako na
para na akong patay sa sobrang pagkaputla.



In short napaka strange ng katawan ko. Hindi naman ako ganito dati.



Pagkatapos kong sabihin sa lahat ng doctor ang nakita kong pagbabago sa katawan ko, ginawa na niya
iyong ibat ibang klaseng test.



Urine test, ultrasound, tapos may blood serum test pa. HCG ata ang tawag don pero wala akong idea
kung anong ibig sabihin non.



Hindi ko talaga inasahan na sobrang dami pa ng tests na kailangan, may complete blood count test pa.



Natapos na ang lahat ng tests na pinagawa ng doctor at dahil kailangan pa nila ng oras para ma analyze
ang tests, kailangan ko pang bumalik pagkatapos ng limang oras para malaman ang resulta.



Pumunta na muna ako ng mall para palipasin ang oras pero pakiramdam ko sobrang tagal ng takbo ng
oras. Pakiramdam ko naging limang araw na paghihintay ang limang oras.




---------------



Lumipas nadin ang limang oras ng buhay ko kaya agad akong bumalik ng hospital.



Good afternoon doc.



Bati ko sa doctor habang nakangiti ako.



Ako nalang iyong natitirang pasyente niya.



Good afternoon din Mrs. Choi. Maupo ka na muna.



Tumango lang ako saka kinuha ng doctor ang result ng ultrasound ko. Pinakita niya sakin iyong parang
picture na hindi ko maintindihan.



Good news po ba doc?



Tanong ko sa doctor habang sobra sobra na iyong kaba na naramdam ko. Pakiramdam ko any minute
magcocollapse na ako.



Mabuti nalang at nakaupo ako dahil kung nakatayo pa ako baka hindi na nakayanan ng tuhod ko na
suportahan ang katawan ko.



Tinuro turo pa ng doctor ang mga parte ng ultra sound picture sabay explain pero wala talaga akong
naintindihan. Pumasok lang lahat ng sinabi niya sa tenga ko pero lumabas din naman sa kabilang tenga.
Walang pumasok sa utak ko.



Ang gusto ko lang malaman. Kung positive ba o negative.



Congratulations Mrs. Choi. Youre pregnant.


FINALE

NAKAPOST NA IYONG BOOK 2!!!





-------------



Congratulations Mrs. Choi. Youre pregnant.



Pakiulit po doc?



Rinig na rinig ko iyong sinabi ng doctor at naintindihan ko agad iyon. Pero hindi agad nagsink in sa utak
ko. O siguro, gusto ko lang ulit ulitin sakin ng doctor ang magandang balita na narinig ko.



Youre 5 weeks pregnant.



Hindi ko kayang ipaliwanag gamit lang ang mga salita ang sobrang pagkatuwa ko. Buntis ako! Magiging
mommy nadin ako.



Are you okay Mrs. Choi?



Tanong ng doctor sakin dahil bigla nalang akog natulala. Natulala sa sobrang tuwa.



Ahh opo doc. Doc thank you po talaga. Thank you po.



Tumayo ako sa upuan ako at hinand-shake ang doctor. Ewan ko talaga kung bakit ko ginawa iyon. Hindi
niya naman ako tinanggap sa trabaho.



Umupo ulit ako sa upuan ko.



Doc pwede na po ba akong umalis?



Tanong ko sa doctor.



Excited na akong umuwi sa bahay namin. Gusto ko ng ipaalam kay Kevin na buntis ako. Na magiging ama
na siya.



Hinintay ko iyong sagot ng doctor pero tahimik parin siya. Hindi niya kaya narinig iyong tanong ko?



Ahh oo nga pala doc. Pwede na po bang malaman kung babae og lalaki ang baby ko?



Tanong ko sa doctor.



Alam ko its too early pa pero malay natin at pwede nang malaman dahil sa super hightech na ng
mundo.



Mrs. Choi may isa pa akong balita sayo.



Sambit ng doctor.



Ano iyon doc?



Base sa sinabi mong simtomas kanina bago ang tests. May napansin ako sa katawan mo kaya gumawa
ako ng iba pang tests.



Pagsisimula ng doctor.



Kaya naman pala sobrang dami ng ginawang tests nila sakin. Akala ko eh bagong tests lang iyon para sa
pagbubuntis.



Ano pong ibig niyong sabihin doc?



Tanong ko sa doctor.



Para kasing sinasabi niya na hindi normal iyong simtomas ko.



Ang mga pasa mo sa katawan. Ang pamumutla mo at ang pamamaga ng lymph nodes mo sa leeg
Misis.



Bigla akong natulala sa sobrang pagkagulat. Sinasabi ba ng doctor na may..



Just get straight to the point doc. Huwag na kayong magpaligoy ligoy pa.



You have the symptoms of leukemia Mrs. Choi kaya nagpagawa ako ng ibat ibang tests sayo and
positive ang lumabas.



Tumawa ako ng mapakla sa harap ng doctor. Hindi ko maintindihan. Sinabi niyang buntis ako, pero
bakit...



Nagbibiro lang kayo doc diba?



Mahinang tanong ko sa doctor pero hindi siya sumagot.



Tumayo ako at hinampas ang dalawang palad ko sa ibabaw ng mesa ng doctor.



DOC SABIHIN NIYONG NAGBIBIRO LANG KAYO!!!



Im sorry Mrs. Choi. Pero kung kailangan niyo ng second opinion may i-rerefer akong doctor sa inyo.



Umupo ulit ako sa upuan. Buntis ako kaya hindi ko pwedeng pabayaan ang sarili ko. Hindi ko dapat
hayaan ang sarili ko na mastress.



May sakit ako. Siguro nga. Pero lahat ng sakit may tamang gamot. Lahat ng may sakit gumagaling.



Leukemia...



Sabi ko sa sarili ko.



Kaya naman pala paminsan minsan may mga pasa ako sa katawan pero akala ko nakukuha ko lang iyon
sa pagiging clumsy ko. Akala ko normal lang iyon.



Ano po bang sakit ko doc? Ano po ba ang ibig sabihin ng leukemia? Gagaling naman po ako diba?



As Ive said, you have leukemia Mrs. Choi. Abnormal ang produksyon ng blood cells mo..



Andaming sinabi ng doctor pero hindi ko ulit naintindihan ang lahat ng iyon. Ang alam ko lang, may
leukemia ako.



Pero kailangan kong gumaling. Kung kailangan ko ng second opinion, third opinion o fourth pa gagawin
ko. At kung ganun padin ang result, wala na akong magagawa kundi ang tanggapin iyon. Pero kailangan
kong gumaling para sa baby ko at para kay Kevin.



Anong kailangan kong gawin para gumaling ako doc?



Tanong ko sa doctor. Naiiyak na ako dahil natatakot ako.



May options ka para sa treatment ng sakit mo Misis. Pwede kang mag chemotherapy, radiation o bone
marrow transplant.



Sambit ng doctor.



Kahit alin po diyan okay lang po sakin. Kung pwedeng simulan na bukas, maghahanda po ako doc.



Pero we have to consider the baby Misis. Buntis ka at makakaapekto ang gamot sayo. Kahit alin man
diyan ang pipiliin mong choice may side effect parin sa katawan mo at sa bata. Maaring lumabas siya na
may deperensya o maaring hindi niya kayanin at ikamatay niya ito.



Parang gumuho ang mundo ko pagkatapos kong marinig iyon. Totoo ba to? Nanaginip lang ba ako?



Sa sinabi ng doctor, parang pinapipili niya ako kung sarili ko ba ang sasalbahin ko o ang anak ko.
Napakasama niya.



Doctor siya pero bakit hindi niya kayang sagipin ang buhay namin ng anak ko? Bakit ganun?



Hindi ko maintindihan doc. Wala na bang ibang choice maliban sa tatlong binigay mo? Wala na bang
ibang paraan na gumaling ako na hindi naaapektuhan ang baby ko? Ano ba talaga ang sakit ko?



Im sorry to say this Mrs. Choi pero leukemia is a cancer of the blood cells.



Hindi lang buong mundo ang pinasan sa balikat ko kundi pati narin ang buong kalawakan.



Cancer?



Panong?



Hahahaha!!!



Tumawa ako saka ako tumayo sa kinauupuan ko.



Patatawarin ko kayo ngayon doc pero sa susunod na gawin niyo sakin to malalagot talaga kayo sakin.
Idedemanda talaga kita. Sa ngayon kakalimutan ko nalang iyong sinabi mo..



Lumabas agad ako ng hospital saka ko niyakap ang sarili ko sa sobrang lamig. Hindi ko alam kung
nanlalamig ba ako dahil sa panahon o dahil sa sinabi ng doctor sakin na may cancer ako.



Gusto kong sumigaw. Gusto kong magalit sa mundo. Bakit sa bilyong bilyong tao sa buong mundo bakit
ako pa?



Bakit kami pa ng anak ko?



Naglakad lakad ako para makalimutan ko iyong masamang balita ng doctor. Kailangan kong kalimutan na
may sakit ako.



Kailangan!!



Hanggang sa nakarating ako malapit sa isang petshop.



Ano pong ginagawa niyo Manong?



Agad akong tumakbo papalapit sa maliit na isda na tinapon niya saka ko iyon pinulot at ibinalik sa tubig
kasama ng ibang mga goldfish.



Iyong goldfish na pinulot ko, sobrang hinang hina na. Hindi na siya makalangoy ng maayos. Siguro may
sakit din siya tulad ko. Siguro may cancer din siya.



Huwag mo ng ibalik diyan iha.



Kinuha ulit ni Manong ang isda saka niya tinapon iyon.



Bakit niyo tinatapong ang isda Manong? Buhay pa naman siya ah.



Kukunin ko na sana ulit ang isda pero bigla akong tinamaan sa sinabi ni Manong.



Buhay pa siya oo. Pero ilang oras nalang ang natitira sa kanya. Mamamatay din naman siya. Kung
isasama ko pa siya sa ibang isda, malulungkot lang sila para sa kanya. Tulad niya, magkakasakit din sila sa
kakaisip sa kaibigan nilang isda kaya mas mabuti pang ilayo ko na ang isang iyon para maging normal ang
pamumuhay ng iba.



Bawat salita na binitawan ni Manong, tumama iyon sa puso ko na parang palaso na may apoy. Ang
sakit.. Napaso ang buong katawan ko dahil don.



Tinitigan ko ulit ang isda.



Katulad din siya sakin. Kung mananatili ako sa piling ng mga mahal ko sa buhay, sigurado akong
masasaktan sila para sakin. Sigurado akong malulungkot sila. Sigurado akong sila iyong magdurusa.
Hindi na magiging normal ang buhay nila.



Bigla kong naalala si Kevin. Kahit na sabihin ko kay Kevin na may sakit ako, sigurado akong tatanggapin
parin niya ako. Sigurado akong mamahalin parin niya ako at sigurado akong aalagaan parin niya ako. At
iyon ang kinatatakot ko.



Alam kong pag nalaman ni Kevin na may sakit ako, siguradong sakin lang iikot ang buhay niya.
Kakalimutan na niya ang mga bagay bagay na magpapasaya sa kanya. Ayokong matali siya sakin, dahil
pag nawala ako sa mundong ito, siya iyong kawawa. Ayokong mangyari iyon.



Pero anong dapat kong gawin?





------------




Nahanap ko nalang ang sarili ko na nasa bahay namin. Hindi ko alam kung anong bakit pa ako nagpunta
dito. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung anong sasabihin ko sa kanila.



Mia.. Andito ka na pala. Kanina pa kita hinihintay..



Hinawakan ako ni Manang sa braso ko saka niya ako pinaupo sa couch.



Magbihis ka na dahil may pupuntahan tayo.



Sambit niya pero hindi ko mahanap ang boses ko para sumagot kay Manang.



Okay ka lang ba Mia?



Tanong ni Manang sakin saka niya hinipo ang leeg at noo ko.



Okay lang ako Manang.



Pagsisinungaling ko kay Manang.



Wala akong lakas ng loob para sabihin sa kanya ang totoo. Sinabi kong okay lang ako pero sa loob loob
ko, durog na durog na ako. Basag na basag na ako. Wasak na wasak na ako.



Bakit ang lupit ng tadhana? Bakit sakin pa? Bakit ngayon pa?



Pinigil ko ang mga luha ko dahil ayokong umiyak sa harap ni Manang.



Magbihis ka na Mia. Kanina ka pa hinihintay ni Kevin.



San po tayo pupunta Manang? Pwede bang ito nalang iyong suotin ko?



Tanong ko kay Manang.



Kung iyan ang gusto mo eh di sige. Halika na. Tumawag na ako ng taxi para satin.



Wala akong ideya kung san kami pupunta ni Manang pero sumama parin ako sa kanya. Litaw na litaw
ang utak ko at hindi ako makapag isip ng maayos.







Andito na tayo Mia. Bumaba ka na. Hindi na kita masasamahan.



Sambit ni Manang.



Tinuro lang niya iyong direksyon ng tatahakin ko saka ako naglakad ng walang kaalam alam kung anong
naghihintay sakin sa dulo.



Andaming ilaw sa paligid, andaming bulaklak. Pero lahat ng iyon, hindi nagawang pawiin ang lungkot at
takot na nasa puso ko.



Huminto ako sa hugis puso na semento saka umilaw ang spotlight sa maliit na stage. Si Kevin..may
hawak na gitara.



Nakatitig lang siya sakin saka siya nagsimulang kumanta.



? Have I told you lately that I love you
Have I told you there's no one else above you
Fill my heart with gladness
Take away all my sadness
Ease my troubles that's what you do ?



Bumuhos na parang malakas na ulan ang mga luha ko na pinigilan ko. Kung pwede lang sanang makita
ko si Kevin na laging masaya. Na laging walang inaalala.



? For the morning sun in all it's glory
Greets the day with hope and comfort too
You fill my life with laughter
And somehow you make it better
Ease my troubles that's what you do ?



Gusto kong ako palagi ang pumapawi sa lungkot ni Kevin. Pero hindi ko alam kung magagawa ko pa ba
iyon pag nalaman niyang may cancer ako.



? There's a love that's divine
And it's yours and it's mine like the sun
And at the end of the day
We should give thanks and pray
To the one, to the one ?



Hinawakan ko ang tiyan ko para ramdamin ang baby ko. Magiging masaya pa kaya kami? Magiging buo
parin kaya kami pagkatapos ng ilang taon? Gagaling pa kaya ako?



? Fill my life with gladness
Ease my troubles that's what you do
Take away all my sadness
Fill my life with gladness
Ease my troubles that's what you do ?



Pagkatapos kumanta ni Kevin, ibinaba niya ang gitara niya saka siya lumapit sakin na may hawak hawak
na bulakalak.



Para sa pinakamagandang babae na nasa harap ko. I love you Muffin.



Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba ang bulaklak na iniabot ni Kevin sakin. Pakiramdam ko hindi na
ako karapat dapat sa kanya dahil may cancer ako.



Pakiramdam ko hindi na ako iyong dating Mia na minahal niya.



Ayaw mo ba ng bulaklak?



Tanong ni Kevin sakin.



Umiling ako saka ko tinanggap ang bulaklak.



Pagkatapos kong kunin ang bulaklak, bigla nalang may dinukot si Kevin sa bulsa niya saka siya lumuhod
sa harapan ko.



Im sorry dahil nauna pa iyong kasal natin kesa sa proposal ko. Gusto sana kitang bigyan ng magandang
proposal pero eto lang iyong nakayanan ko. Maybelline Mia Choi, gusto kong tumanda ng kasama ka.
Gusto ko, sa tuwing gigising ako sa umaga ikaw iyong unang nakikita ko. Gusto ko, na bago ko ipikit ang
mga mata ko ikaw ang huling masisilayan ng mga mata ko. Gusto kong alagaan ka araw araw, gusto kong
mahalin ka araw araw. Alam ko hindi ako perpektong asawa para sayo, pero gagawin ko ang lahat para
ipadama sayo kung gaano ka kahalaga sakin at kung gaano kita kamahal.



Huminto muna si Kevin ng ilang segundo saka siya nagsalita ulit.



Nong isang araw ko pa inihanda ang sasabihin ko sayo pero bigla ko nalang nakalimutan dahil sa kaba
ko. Hindi ko na maalala ang lahat ng iyon. Pero ang alam ko lang at sigurado hinding hindi ko ito
makakalimutan ay ang mga salitang... MAHAL KITA.. I LOVE YOU MAYBELLINE..



This time gusto kitang iharap sa altar. WILL YOU MARRY ME?



Hindi ko na kayang pigilan ang mga luha ko. Patuloy lang ito sa pagdaloy sa magkabilang pisngi ko.



Pagkatapos sabihin ni Kevin ang mga salitang WIll You Marry Me biglang umilaw ang background. Saka
ko nakita ang mga kaibigan ko at mga kaibigan ni Kevin na may hawak hawak ng mga letra na bumubuo
ng salitang I LUV U.



Alam ng Diyos kung gaano ko kagusto na sumagot ng Oo. Si Kevin lang ang gusto kong makasama
hanggang sa huling hininga ko. Siya lang iyong taong gusto kong maging ama ng mga anak ko. Siya lang
iyong taong mamahalin ko.



Kitang kita ko ang mga ngiti ng mga kaibigan ko. Masaya sila para samin. Pero bigla kong naalala ang
senaryo kanina. Katulad ako nong isdang tinapon ni Manong. Kailangan kong lumayo sa kanila para hindi
sila masaktan.



Kung ako lang ang masasaktan kaya ko, pero pag sila na hindi ko na kaya. Kailangan kong ilayo ang sarili
ko sa kanila bago pa maging huli ang lahat.



Im sorry Kevin pero hindi kita pakakasalan.



Kung ano iyong sinabi ng bibig ko, hindi iyon ang gusto ng utak ko. Pero alam ko, tama ang desisyon ko.



Mas gusto ko pang masaktan si Kevin ng isang beses at makalimutan ako, kesa masaktan siya araw araw
sa tuwing magkasama kami.



Tumayo si Kevin na parang hindi makapaniwala sa sagot ko.



Pero..Bakit? Hindi mo ba gusto ang hinanda ko sayo? Hindi mo ba nagustuhan to? May mali ba akong
nasabi?



Hindi ko kayang makita si Kevin. Sobra akong nasasaktan dahil sa napakaramaming dahilan. Bakit
kailangang humantong pa kami sa ganito?



Hindi Kevin. Hindi iyon ang dahilan.



Kung ganun Maybelline ano?



Wala akong maisagot kay Kevin. Paano ko sasabihin sa kanya na may sakit ako? Paano ko sasabihin sa
kanya na natatakot ako?



Mas mabuti ng walang malaman si Kevin para hindi na siya masaktan pa.



Dahil ba ayaw mong magpakasal sa simbahan? Kung ganun okay lang naman sakin. Hindi kita pipilitin.
Kung para sayo tama na iyong kasal natin sa huwes, irerespeto ko iyon. Ang importante mahal mo parin
ako.



Pinahiran ko ang mga luha ko gamit ang kanang palad ko. Kailangan ko ng tumigil sa pag-iiyak. Ayokong
ipakita kay Kevin na mahina ako.



Iyong kasal natin sa huwes Kevin...



Pagsisimula ko.



Kung noon, ayaw na ayaw kong may makaalam ng sekreto ko, ngayon ipapaalam ko na. Kailangan kong
sabihin kay Kevin ang pinakatatakong lihim ko, dahil alam ko ito lang iyong paraan para lubayan niya
ako. Para iwan niya ako.



Ilang beses kong pinagsisihan ang ginawa kong desisyon noon. Ang hiniling kong pabor sa mga magulang
ko na i-peke ang kasal namin ni Kevin. Pero ngayon, nagpapasalamat ako na ginawa ko iyon dahil ito pala
ang magiging susi para mas madaling makawala si Kevin sakin.



Peke ang lahat ng iyon Kevin. Iyong pinermahan nating papeles, walang bisa iyon. Hindi talaga tayo
kasal..



Biglang nabitawan ni Kevin ang kahon na may lamang singsing.



Panaginip lang ba to?



Tanong niya sa sarili niya.



Totoo ang lahat ng to Kevin. Hindi tayo kasal. Hindi kita asawa at hindi mo rin ako asawa.



Pero bakit?...



Im sorry Kevin. Sinasabi ko ang lahat ng to ngayon dahil napagtanto ko na hindi na pala kita mahal.
Hindi na pareho iyong nararamdaman ko sayo noon. Im sorry Kevin. Balang araw makakalimutan mo
rin ako. Makakahanap kadin ng iba na mas karapat dapat sayo.



Saka ko binitawan iyong bulaklak na binigay niya at tumalikod.



Iyon na iyong pinakamasakit na mga salita na binitawan ko. Iyon na iyong pinakamalaking
kasinungalingan na sinabi ko.



Gusto kong huminto sa paglalakad ko papalayo kay Kevin. Gusto kong humarap sa kanya ulit at yakapin
siya.



Pero kailangan kong lumayo sa kanya para sa ikabubuti niya.



-THE END-


Book 2: http://www.wattpad.com/story/2279569-memoirs-of-the-casanova%27s-wife-completed

You might also like