Ponolohiya o phonology ay tumutukoy sa makaagham na pag-aaral ng makabuluhang tunog na kinikilala nating ponema. Ayon kay Santiago (2003), malalaman natin na makabuluhan ang isang tunog kung nagawa nitong baguhin ang kahulugan ng salitang kinapapalooban nito sa sandaling itoy alisin o palitan. Tandaan: Kapag ang mga ponema ay isinusulat, karaniwan itong ikinukulong sa dalawang guhit na pahilis (/ /) na tinatawag na virgules upang mapaiba sa karaniwangt letrang ginagamit sa pagbabaybay ng mga salita. Hindi lahat ay angkop sa konseptong ito Anu-anong mga bahagi ang sangkot o ginagamit sa pagsasalita? Baga Babagtingang tinig Laringhe Epiglottis Paringhe Uvula o titilaukan Guwang ng bibig Velum o malambot na ngalangala Guwang ng ilong Palate o matigas na ngalangala Alveolae o punung gilagid Labi Ngipin Dila Anu-ano ang mga salik na kailangan upang makapagsalita ang tao? Ang pinanggagalingan ng lakas o enerhiya Ang artikulador o mga kumakatal na bagay Ang resonador o patunugan PONEMANG SEGMENTAL Kilala ring ponema. Ito ay mga tunog na ginagamitan ng mga katumbas na letra upang mabasa at mabigkas. PUNTO NG ARTIKULASYON Naglalarawan kung saang bahagi ng ating bibig nagaganap ang saglit na pagpigil o pag-abala sa paglabas ng hangin sa pagbigkas ng isang katinig. Saan nagaganap ang pagbuo ng katinig?
LIMANG PUNTO NG ARTIKULASYON 1. PANLABI -ang ibabang labi ay dumidikit sa labing itaas -/p, b,m/
2. PANGNGIPIN -ang dulong dila ay dumidiiit sa loob ng mga ngipin sa itaas -/t,d,n/ 3. PANGILAGID -ang ibabaw ng dulong dila ay lumalapit o dumidiit sa punong gilagid -/s,l,r/ 4. VELAR (PANGNGALANGALA) -ang ibabaw ng punong dila ay dumidiit sa velum o malambot na bahagi ng ngalangala -/k,g, / 5. GLOTTAL -ang babagtingang tinig ay nagdidiit o naglalapit at hinaharang o inaabala ang presyon ng papalabas na hininga upang lumikha ng paimpit o pasutsot na tunog -/,h)
PARAAN NG ARTIKULASYON Inilalarawan at ipinakikita kung papaanong ang mga sangkap sa pagsasalita ay gumagana at kung papaanong ang ating hininga ay lumalabas sa bibig o sa ilong sa pagbigkas ng alinman sa mga ponemang katinig.
ANIM NA PARAAN NG ARTIKULASYON 1. PASARA -ang daanan ng hangin ay harang na harang -/p,t,k,,b,d,g/ 2. PAILONG -ang hangin na nahaharang dahil sa pagtikom ng mga labi, pagtukod ng dulo ng dila sa itaas ng mga ngipin o kayay dahil sa pagbaba ng velum ay hindi sa bibig kundi sa ilong lumalabas -/m,n,/ 3. PASUTSOT -ang hanging lumalabas ay nagdaraan sa makipot na pagitan ng dila at ng ngalangala o kayay mga babagtingang pantinig -/s,h/ 4. PAGILID -ang hangin ay lumalabas sa mga gilid ng dila sapagkat ang dulong dila ay nakadiit sa punong gilagid /l/ 5. PAKATAL - ang hangin ay ilang ulit na hinaharang at pinababayaang lumabas sa pamamagitan ng ilang beses na pagpalag ng dulo ng nakaarkong dila /r/ 6. MALAPATINIG -ditoy nagkakaroon ng galaw mula sa isang pusisyon ng labi o dila patungo sa ibang pusisyon /w,y. PARES-MINIMAL Pares ng mga salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad na magkatulad sa bigkas maliban lamang sa isang ponema sa magkatulad na posisyon pasa = /pasa/ =bruise basa = /basa/ =wet
TANDAAN: Magkaparehong kaligiran ang mga ponemang /p/ at /b/(ponemang panlabi) gayundin ang /g/ at /k/(ponemang velar) Hindi pa masasabi sa wikang Filipino na magkaibang ponema ang /p/ at /f/ sapagkat may mga salita na nagtataglay ng ponemang ito sa magkatulad na magkatulad na kaligiran gayundin ang bigkas tulad ng kape at kafe. Subalit sa wikang Ingles, kitang-kita na magkaibang ponema ang mga ito tulad ng pin at fin, pan at fan.
PONEMANG MALAYANG NAGPAPALITAN Pares ng salita na katatagpuan ng magkaibang ponema sa magkatulad na kaligiran ngunit hindi nakakaapekto o nakapagpapabago ng kahulugang taglay ng mga salita: estruktura-istruktura Tandaan: Maari ring maging pares minimal parte-parti mesa-misa
DIPTONGGO Tumutukoy sa alinmang patinig na sinusundan ng malapatinig na /w/ o /y/ sa loob ng isa ng pantig KLASTER Sunuran ng dalawa o higit pang katinig na matatagpuan sa loob ng isang pantig na maaaring sa inisyal o pinal na pusisyon Tumutukoy sa magkasunod na tunog katinig PONEMANG SUPRASEGMENTAL Makahulugang yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasang titik o letra sa pagsulat. Inihuhudyat ito ng mga notasyong ponemik upang matukoy ang paraan ng pagbigkas ng isang salita o isang pahayag SAKLAW NG PONEMANG SUPRASEGMENTAL INTONASYON TONO PUNTO HABA DIIN ANTALA 1. INTONASYON, TONO AT PUNTO Intonasyon-pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita, maaring maghudyat ng kahulugan ng pahayag Tono-nakatuon sa paraan ng pagbigkas o pagsasalita na nagpapahayag ng matinding damdamin na maaaring malambing, pagalit, marahan at iba pa. Punto-tumutukoy sa rehiyunal na tunog o accent sa wikang Ingles
2. HABA AT DIIN HABA-tumutukoy sa haba o ikli ng bigkas sa patinig ng pantig ng salita DIIN-stress sa paglakas o paghina ng bigkas sa pantig ng isang salita Aso /a.so / = dog Aso/aso / = smoke
3. ANTALA O HINTO - ay saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig ipabatid:
Hindi ako ang may kasalanan Hindi, ako ang may kasalanan
MORPOLOHIYA May kinalaman sa pagbuo ng salita o maka-agham na pag-aaral ng mga morpema . Mga paraan ng pagbuo ng salita a. paggamit ng salitang ugat b. paglalapi c. pag-uulit d. pagtatambal Mga pagbabagong morpoponemiko 1. asimilasyong parsyal
Ang /ng/ ay nagiging /m/ kung ang salitang ugat ay nagsisimula sa /p/ o /b/ . hal. Pang + paaralan = pampaaralan Pang + bayan = pambayan Ang /ng/ ay nagiging /n/ kung ang salitang ugat ay nagsisimula sa mga letrang /d, l, r, s, t /. hal. Pang + dikdik = pandikdik Pang + taksi = pantaksi 2. asimilasyong ganap Bukod sa napapalitan ang /ng / nawawala pa rin ang unang ponema ng nilalapiang salita . Hal. Pang + palo > pampalo = pamalo Pang + tali > pantali = panali 3. pagpapalit May mga ponemang nagbabago o napapalitan sa pagbubuo ng mga salita . /d/ > /r/ hal . ma + dapat = marapat ma + dunong = marunong / o/ > / u/ hal . dugo + an = duguan Liko + an = likuan
4. pagkakaltas Nagaganap ang pagbabagong ito kung ang huling ponemang patinig ng salitang ugat ay nawawala sa paghuhulapi nito . Hal . takip + an > takipan = takpan Kitil + in > kitilin = kitlin 5. metatesis Kapag ang salitang- ugat na nagsisimula sa /l / o / y / ay nilalagyan ng gitlaping in- , ang /i/ at / n/ ay nagkakapalitan ng pusisyon . Hal: * -in-+ lipad = linipad ----- nilipad * -in + yaya = yinaya -----niyaya May mga salitang nagkakaroon pa ng pagkakaltas ng ponema bukod sa pagkakapit ng pusisyon ng dalawang ponema . Hal : * atip + -an = atipan ---- aptan * Tanim + -an = tani man ------tamnan
6. paglilipat diin May mga salitang nagbabago ng diin kapag nilalapian. Maaring malipat ng isa o dalawang pantig ang diin patungong huling pantig o maaaring malipat ng pantig patungong unahan ng salita . Hal ; * basa + hin = basahin * Ka + sama + han = kasamahan * laro + -an = laruan ( lugar ) 7. reduplikasyon Pag-uulit ng pantig ng salita . Ang pag-uulit na ito ay maaaring magpahiwatig ng kilos na ginagawa o gagawin pa lamang , tagagawa ng kilos o pagpaparami . Hal : * aalis matataas magtataho * pupunta masasaya naglalakad