Teoryang Pampanitikan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

TEORYANG PAMPANITIKAN

1. Teoryang Humanismo
a. Ang pananaw na ito ay nagbibigay-halaga sa tao dahil ang tao ang sentro ng daigdig, ang sukatan ng
bagay at panginoon ng kanyang kapalaran
b. Pananaw Humanismo
1) Ang tao at ang kanyang saloobin at damdamin ang pangunahing paksa rito.
2) Pinahahalagahan ang kalayaan ng isipan, ang mga natatanging talino kakayahan at kalikasan ng
tao.
3) Para sa humanista ang literature ay kailangang
1. Isulat nang mahusay sa isang lenggwaheng angkop lamang sa genre nito
2. May magkakaugnay na balangkas at may kagandahan ng anyo
3. Nakawiwili at nagbibigay-kasiyahan sa mambabasa
4. Nagpapahalaga sa katotohanan ng tula (poetic truth)
5. May pagkamatimpi at hindi dapat lumabag sa batas ng kalikasan (pisikal, moral, sikolohikal)
2. Teoryang Formalistiko
a. Ang tungkulin ng teoryang ito ay matukoy ang nilalaman, kaanyuan o kayarian at paraan ng
pagkakasulat ng akda.
b. Pananaw Formalistiko
1) Nasa porma o kaanyuan ng akda ang kasiningan nito.
2) Ang isang akdang pampanitikan ay may sariling buhay at umiiral sa sariling paraan.
3) May mga elemento ang isang akdang pampanitikan at ang bawat isa ay kaugnay ng iba pang
elemento; magkakaugnaypugnay ang mga elemento upang maging mahusay ang akda.
3. Teoryang Imahismo
a. Ang tuon ng pananaw na ito ay sa imahen. Pinaniniwalaang ang imahen ang nagsasabi ng
kahulugan. Kinikilala ng teoryang ito ang kabuluhang pangkaisipan at pandamdamin ng mga imaheng
nakapaloob sa akda.
b. Pananaw Imahismo
1) Malaya ang manunulat/makata na pumili ng anumang nais na paksa sa kanyang akda/tula.
2) Gumagamit ng salitang pangkaraniwan o tiyak ang mga salita.
3) Malinaw ang mga epekto nito.
4) Kung may aral ang akda/tula, hindi ito esensyal sa akda/tula.
4. Teoryang Realismo
a. Ito ang teorya ng makatotohanang panitikan. Ito ay naglalarawan ng makatotohanang pangyayari sa
buhay. Ang mga tauhan ay nagtataglay ng ordinaryong suliranin sa buhay at ang usapan ng mga tauhan
ay parang natural.
b. Pananaw Realismo
1) Higit na mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan para sa realismo.
2) Ang paraan ng paglalarawan ang susi at hindi ang uri ng paksa.
3) Tumutukoy ito sa suliranin ng lipunan (sosyal, political, atbp)
4) Naniniwala ang realismo na ang pagbabago ay walang hinto.
5) Tumatalakay sa salungatan ng kapital at paggawa.
6) Optimistiko ang pananalig na lalaya ng masa sa pagkakalugmok nito.
5. Teoryang Feminismo
a. Ang pananaw na ito ay naglalayong malabanan ang operasyon ng sistemang patriarchal sa
kababaihan.
b. Pananaw Feminismo
1) Naglalayon itong mawala ang de-kahong imaheng ibinibigay sa babae.
2) Sa paksa, makatotohanang inilalarawan ang mga karanasan ng kababaihan sa matapat na
pamamaraan.
3) Sa estilo, Malaya ito at karaniwan ang ginagamit na pananalita.
4) Sa porma, mabisa ang monologong dramatiko at realistiko.
5) Sa tauhan, hindi na de-kahon ang mga kababaihan kundi aktibo na.
6. Teoryang Sosyolohikal
a. Ang pananaw na ito ay nagbibigay ng pangunahing halaga sa tao, dahil dito ang tao ang sentro ng
daigdig, ang sukatang bagay at panginoon ng kanyang kapalaran.
b. Sa pananaw na itoy mahalagang mabatid ang kapaligirang sosyolohikal ng akda.
c. Pananaw Sosyolohikal
1) Ang indibidwal na pagsusuri ng akda ay nagkakaroon ng higit na matibay na kapit sa ugnayang
namamatitan sa buhay ng mga tauhan at ng mga puwersa ng lipunan o umiiral na suliraning panlipunan.
2) Ang tao at ang kanyang mga saloobin at damdamin ang naging pangunahing paksa rito.
3) Pinahahalagahan ang kalayaan at isipan, ang ganap na kagalingan ng henyo, at mga natatanging
talino at kakayahan ng tao at kalikasan.
7. Teoryang Eksistensyalismo
a. Kung babasahin ang isang akda sa pananaw ng ito, maaring pagtuunan ng pansin ang kalagayan ng
tauhan na ang pokus ay nasa pagbuo niya ng paninindigan. Sinusuri ng akda batay sa lakas ng
paninindigan ng tauhan na nagpapakita ng pagbalikwas sa kanyang kalagayan. Mahalaga na Makita ang
pagtanggap niya sa nagging bunga ng pansariling pagsisikap.
b. Pananaw Eksistensyalismo
1) Malaya ang tao siya lamang ang maaring magdesisyon kung paano niya gugugulin ang panahon
niya habang siya ay buhay.
2) Responsible ang tao siya lamang ang responsible sa kanyang buhay kahit pa ang desisyon niya ay
para sa kanyang kabutihan o kasamaan.
3) Indibidwal ang tao walang isang tao na kaparehas niya. Ang kanyang pag-iisip, damdamin,
kaalaman at kamatayan ay kanya lamang.
4) Walang makapagsasabi ng kung alin ang tama o mali maliban sa taong nakaranas sa pinag-usapan.
5) Personal lamang ang batayan ng bawat tao sa pakikipag-ugnayan sa lipunan at sa mundo.
6) Sinusuri ang akda batay sa lakas ng paninindigan ng tao at ng pagtanggap niya sa naging bunga ng
pagpapasya.
8. Teoryang Romantisismo
a. Ang namamayani sa pananaw na ito ay emosyon o likas-kalayaan. Piniiral ditto ang sentimentalismo
at ideyalismo. Higit na pinahahalagahan diot ang damdamin kaysa ideyang siyentipiko. Sa pagdulog na ito,
matutuklasan ang pagtinging moral, intelektwal at espiritwal. Ang teoryang romantisismo ay karaniwang
naglalarawan ng mga sitwasyong nagaganap sa pang-araw-araw sa buhay. Inaasahang ang lahat ng
tauhan ay magiging huwaran, maharlika at pawang mabubuti ang inilalalrawan.
b. Pananaw Romantisismo
1) Nananalig sa Diyos, sa katwiran at kalikasan ang teoryang ito.
2) Inspirasyon ang pangunahing kasangkapan upang mabatid ang katotohanan, ang kabutihan at ang
kagandahan.
3) Makatao, demokratiko at mapagsulong sa ikagagaling ng lipunan ang paniniwala ng mga romantiko.
4) Tampok ang mga sumusunod bilang nilalaman ng panitikan.
1. Karakter na sobrenatural o romantiko
2. Sitwasyong pang-araw-araw o karaniwang pamunuhay
3. Mababa o kanayunang buhay
4. Mga paksang kinuha sa matandang Gresya at Roma, Panggitnang Panahon
9. Teoryang Naturalismo
a. Tinangka niro ang mas matapat, di pinipiling representasyon ng realidad.
b. Pananaw Naturalismo
1) Ang buhay ay tila isang marumi, mabangin at walang awing kagubatan.
2) Ipinakikita ng manunulat ang mga kasuklam-suklam na mga detalye.
3) Ang indibidwal ay produkto ng kanyang kapaligiran at pinanggalingan.
4) Mahina ang hawak ng tauhan sa kanyang buhay. Pesimista siya sa simula pa lamang.
5) Nagbibigay-diin ito sa namamana at pisikal na katangiang moral.
6) Ang akda ay nagbibigay-diin na namamana at pisikal na katangiang likas sa tao kaysa katangiang
moral.
7) Itoy may simpleng tauhan na may di mapigil na mga damdamin.
10. Teoryang Dekonstruksyon
a. Ang pananaw na ito ay tinatawag na post-instrakturalismo. Ibig sabihin, hindi lamang wika ang
binubusisi nito ngunit pati na rin ang teorya ng realidad o pilosopiya at ang pagkakahubog nito sa
kamalayang panlipunan. Ang kahulugan ng isang teksto ay nasa kamalayan ng gumagamitsa teksto at
hindi sa teksto mismo. Habang isinusulat ang teksto, ang kahulugan nitoy nasa kamalayan ng manunulat,
ngunit sa oras na nasa kamay na ito ng mambabasa, ang kahulugan ng teksto ay nasa mambabasa na.





TEORYANG PAMPANITIKAN
Ang teoriyang pampanitikan ay ang sistematikong pag-aaral ng panitikan at ang mga paraan sa
pagaaral ng panitikan. Mayroong iba't ibang teorya para sa pag-aaral na ito.

Katotohanan kaysa kagandahan ang mababakas sa teoryang ito. Kahit sino, ano mang bagay at
lipunan ay dapat makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad. Nagpapahayag din ito ng pagtanggap sa
katotohanan o realidad. Tulad sa akda, totoong ang tao ay nasisilaw sa ginhawang maibibigayng
kayamanan. Natanggap ng isang tauhan ang nangyari subalit tinakasan ng isang tauhan ang katotohanan
at siya ay nawala sa sarili. Ang sobrang paghahangad ng materyal na bagay ay totoong makasisira rin sa
tao.
Uri nito:

1. MORALISTIKO
sinusuri o tumatalakay sa pagpapahalagang ginamit pinahahalagahan ang moralidad, disiplina at
kaayusang nakapaloob sa akda
2. SOSYOLOHIKAL.
mahihinuha ang kalagayang panlipunan nang panahong kinatha ang panitikan
3. SIKOLOHIKAL
makikita ang takbo ng isip ng may katha antas ng buhay, paninindigan, pinaniniwalaan,
pinahahalaganahan at mga tumatakbo sa isipan at kamalayan ng may-akda.
4. FORMALISMO
Pinagtutuunan ng pansin sa ang mga istruktura o pagkabuo kabisaan ng pagkakagamit ng
matatalinghagang pahayag (sukat, tugma, kaisahan ng mga bahagi, teknik ng pagkakabuo ng akda
5. IMAHISMO
Umusbong noong 1900 Nagpapatalas sa pandama ng mga mambabasa larawang-diwa o imahe sa
ikagaganda ng akda mga salitang kapag binanggit sa akda ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa
isipan ng mambabasa
6. HUMANISMO
Ang tao ang sentro ng daigdig. Binibigyang-pansin ang kakayahan o katangian ng tao sa maraming bagay
7. MARXISMO
Pinakikita ang pagtutunggalian o paglalaban ng dalawang magkasalungat na puwersa malakas at mahina
mayaman at mahirap Kapangyarihan at naaapi
8. ARKETIPO / ARKITAYPAL
gumagamit ng modelo o huwaran upang masuri ang elemento ng akda nangangailangan ng masusing pag-
aaral sa kabuuan ng akda sapagkat ang binibigyang-diin dito ay mga simbolismong ginamit upang
maipabatid ang pinakamensahe ng akda
9. FEMINISMO
maaring tingnan ang imahen, pagpapakalarawan, posisyon at gawain ng mga babae sa loob ng akda at
maaring ilantad din ang mga de kahong mga imahen ng mga babae sa akda layon nitong labanan ang
anumang diskriminasyon, exploitation , at operasyon sa kababaihan Lualhati Bautista, Genoveva Edroza
Matute, Elynia Ruth S. Mabanglo
10. EKSISTENSYALISMO
Binibigyan-diin ang bahagi ng akda na nagpapakita ng mga paniniwala, kilos at gawi ng tauhan Ang tao ay
may malayang pagpapasya para sa kaniyang sarili upang mapalutang ang pagiging indibidwal nito at sa
gayon ay hindi maikahon sa lipunan
11. KLASISISMO
Pinahahalagahan ang katwiran at pagsusuri Layon ay katotohanan, kabutihan at kagandahan Malinaw,
marangal, payak, matimpi, obhetibo, magkakasunud-sunod at may hangganan
12. ROMANTISISMO
Binibigyang-halaga ang indibidwalismo, rebolusyon, imahinasyon at likas Pagtakas mula sa realidad o
katotohanan nagpapakita ng pagmamahal ng tao sa kanyang kapwa, bayan at iba pa mga sanaysay na
nagpapahayag ng mga kaisipan sa pamamaraang di tuwiran, maaring di kapani-paniwala o sa paraang
nakakatawa ngunit kung ito'y titignan ng mabuti ay makikita nating may iba itong kahulugan at kaisipan
13. REALISMO
Ang katotohanan ang binibigyang-diin at may layuning ilahad ang tunay na buhay pinapaksa ang
kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian, kahirapan at diskriminasyon Madalas
din itong naka pokus sa lipunan at gobyerno

You might also like