Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Bahay Na Bato

ni Antonio B. L. Rosales


Tila ibinalik sa nakaraan si Isagani noong tumungtong siya muli sa bayang kanyang kinalakihan. Nakita
niya ang dulot ng bagyo sa kanilang nayon. Halos wala pa ring pagbabago ang naganap, maliban sa
pagbagsak ng sibi ng tindahan ni Aling Barang at ang pagdagsa ng tao sa labas para malaman ang
pinsalang idinulot ng bagyo.
Wala ring pagbabagong nadama si Isagani nang siyay matapat sa bahay na bato. Pinilit ni Isagani
na makaalis sa lugar na iyon na nagpabago sa ikot ng kanyang buhay. Ibinaling niya ang kanyang isipan sa
iba pang tagpo ng mga unang karansan niya sa buhay. Naputol ang kanyang pagmumuni-muni nang may
marinig siyang Insan. Itoy kanilang tawagan sapagkat magpinsan ang kanilang mga dating kasintahan:
Si Minang kay Dodoy at si Iday kay Isagani.
Nang matapos magyakap ang dalawa ay tinanong ni Dodoy kung bakit napadpad sa nayon si
Isagani. Kumukuha ng balitat larawan ang binata nang dumating ang bagyo kayat nanatili na lamang siya
sa nayon. Pumunta ang dalawa sa bahay ni Dodoy. Ikinuwento rin ni Dodoy na nasira ang tulay sa Sabang
kaya mahirap pumunta sa kabayanan. Nabahala si Isagani na mahihirapan siyang makabalik ng Maynila
ngunit isinantabi na lamang niya ito.
Nabulalas ni Dodoy na tinamad siyang manligaw buhat nang mag-asawa ang dating kasintahang si Minang,
kaya maswerte raw si Isagani sa Maynila sapagkat mas madali raw makalimot doon. Batid ni Dodoy sa
mga kwento ni Isagani na hindi pa nito nalalaman ang totoong nangyari kay Iday kayat isinalaysay niya
ito. Sinabi ni Isagani na mayroon pa raw ba siyang kailangang malaman bukod sa sobrang karupukan ng
puso ng isang babae.
Dito ikinuwento ni Dodoy na may nangyari sa Puktol nang bumisita rito si Iday kasama sina Nana Upeng,
Da Tomasa at saka isang batang lalaki. Dahil sa ito ang baryo ni Kadyo, ang manliligaw ng dalaga, hindi
malabong may maganap matapos manood ng moro-moro ang mag-anak ni Iday at tumuloy sa bahay ng
amain. Sinamantala ni Kadyo ang panahong ito kasabwat ng dalawang kaibigan upang dakpin si Iday
ngunit siyay nanlaban pati ang mag-anak ng dalaga kayat hindi nagtagumpay si Kadyo.
Ngunit nakapagnakaw ng isang halik si Kadyo na siyang dahilan upang manlumo si Iday na para
bang nawasak ang kanyang buong pagkababae. Ayon kay Dodoy, lalong lumungkot ang bahay na bato
dahil na rin sa pag-aayos ng kasal ni Iday at Kadyo bunsod ng pamamagitan ng tinyente na kababata ni
Tata Densiyo ,ama ni Iday, upang isaayos ang gulo.
Seloso at brutal si Kadyo kaya naman lagi niyang pinagbubuhatan ng kamay si Iday. Lubos na
nagalit si Isagani sa kwento ng kaibigan. Nagpatuloy si Dodoy sa pagkukwento nang sabihin niyang
lumipat sina Iday at Kadyo sa bahay na bato nang mamatay ang mga magulang ni Iday. Nasimulan ang
kwento tungkol rito sapagkat nakita ng magkaibigan si Doktor Fronda kasama si Tandang Anong, ang
isang kapit-bahay nila Iday, na pumasok sa nasabing bahay.
Napagtanto ni Isagani na hindi pa namamatay ang pag-ibig niya sa dating kasintahan. Gusto
niyang pumunta sa bahay na bato upang masilayan si Iday at ginawa niya ito. Nang matapos magtanong ay
nakita niya si Iday na payat na payat katabi si Kadyo at ang mangagamot. Gusto niyang suntukin si Kadyo
nang bigla niyang marinig na kailangan ng swero ni Iday.
Dahil walang pagkukunan nito kundi ang botika sa bayan, hiningi ni Kadyo ang reseta at
nagsadyang suungin ang nangangalit na tubig. Sinundan siya ni Isagani at naalala nito na baka hindi
makatagal si Kadyo sapagkat ilang araw na siyang puyat.
Nanggilalas siya, pagkat si Kadyo ay nakapagpamalas pa ng katangi-tanging tiyaga at lakas. Sinagupa niya
ang kulay-lupang tubig at nang makaahon sa kabilang pampang, napaupo na lamang si Isagani sa malaking
bato. Ang nagngangalit na tubig ay muling sinagupa ni Kadyo. Sa pagkakataong ito ay lumangoy siya nang
patihaya, gamit lamang ang dalawang paa at kanang kamay, samantalang ang kaliway nakataas at hawak
ang malaking balutan ng gamot.

Makailang saglit pay unti-unti nang natatangay ng agos ang lupaypay na katawan ni Kadyo. Ngayon ay
nasasaksihan na ni Isagani ang isang pagkaganda-gandang kamatayan. Sumungaw ang ngiti sa mga labi ni
Isagani ngunit dali-dali itong naglaho. Ang kanyang katauhan ay giniyagis ng damdaming makatao.
Naalala ni Isagani ang kanyang asawa at anak, ang magkaibang daigdig nila ni Iday at ang pag-ibig ni
Kadyo, pag-ibig na bulag man at baliw ay maaari pa ring mamulat at magtanaw-silim.
Pagkailang iglap, ang kulay-lupang tubig umalimbukay sa pagbagsak ng isang matipunong katawan.
mabago rin at pwedeng maging pag-ibig na tunay at wagas. Ang Buhay na Bato ay isang magandang
halimbawa ng kwento na tumatalakay sa tunay na nadarama ng isang tao sa sarili at maging sa kapwa.
sa isang matiwasay na daigdig na walang hinanakit sa puso. Dapat matututo tayong ngumiti nang wala
pagkukunwari. Sa pagharap naman sa problema ay mapapakita natin sa ibang tao na tayo ay malakas at
matatag. Ang hindi man nagawa ngayon ay maaring pagsisihan habang buhay kaya dapat magkaroon ng
lakas ng loob at mamuhay ng masaya habang naririto pa sa daigdig.

You might also like