Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

DAU ELEMENTARY SCHOOL

Mabalacat City

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA
EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 3

Pangalan: _________________________________ Baitang at Pangkat: ________________
Guro: _____________________________________Petsa:____________________________

Isulat ang salitang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa taong may sakit at
MALI naman kung ito ay hindi.

________________ 1. Ang isang taong may karamdaman ay kailangan bigyan ng pansin at panahon upang
maalagaan ng mabuti.

________________ 2. Painumin ng gamot sa tamang oras ang isang taong may sakit.

________________ 3. Hayaang pumunta sa doctor ng mag-isa ang isang taong may karamdaman.

________________ 4. Dalawin nang may buong sigla at galak ang isang taong may karamdaman na nasa
hospital.

________________ 5. Huwag alalayan ang isang taong may karamdaman sa pagpasok sa banyo o palikuran.

________________ 6. Iwasan ang mga kapwa batang nabibilang sa mga pangkat etniko.

________________ 7. Tulungan ang bagong kaklaseng Aeta sa pagkilala sa ibat-ibang guro at kamag-aral sa
inyong klase maging sa paaralan.

________________ 8. Hilingin sa guro na huwag maging kapareha o kasama sa guro ang kaklase mong
Bisaya.

________________ 9. Makipagkaibigan sa mga kapwa bata maging ito man ay nabibilang sa mga pangkat
etniko.

________________ 10. Pagtawanan ang bagong kamag-aral sa kanyang anyong kaitiman at pagkakulot ng
buhok.

II. Basahin ang mga pangungusap at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

_______ 11. Nalaman mo na may sakit ang iyong guro, ano ang iyong gagawin?
a. dadalawin ang iyong guro c. padadalhan na lang ng prutas
b. hihintayin na lang makabalik sa klase d. matutuwa dahil walang klase

_______ 12. Nakita mo na hindi makatayo ang iyong kaklase sa pagkakadapa, ano ang iyong gagawin?
a. tatawa at ipagkakalat ang nakita c. tutulungan at aalalayan sa paglakad
b. titingnan lamang at kaaawaan d. hihintayin na may tumulong na iba

_______ 13. Ang iyong kapatid ay nagkabulutong, ano ang iyong dapat na gawin?
a. sasabihin sa guro ang nangyari para mabigyan ng excuse sa klase
b. sasabihang magpahinga sa loob ng tahanan hanggang gumaling
c. alagaan at bantayan tuwing nilalagnat dahil sa bulutong
d. lahat ng nabanggit

_______ 14. Ang iyong kaklase ay umiiyak dahil sa sobrang pananakit ng tiyan, ano ang iyong gagawin?
a. huwag pansinin ang pag-iyak ng kaklase
b. isumbong sa magulang na ang kaklase ay maingay
c. sabihin sa guro at tulungang pumunta sa klinka ng eskwelahan
d. sabihin sa kaklase na pumunta siyang mag-isa sa klinika o di kaya umuwi na lang

_______ 15. May nakita kang bulag na bata at mukhang tatawid siya sa daan. Anong tulong ang iyong
maibibigay?
a. sasabihin sa pulis upang siya ang tumulong sa pagtawid
b. tutulungang tumawid sa pamamagitan ng pag-akay sa kanya
c. iiwasan na lamang upang hindi ka na maabala pa
d. bantayan kung ito ay makatatawid ng ligtas sa daan


ISKOR: _______
40
_______ 16. Ang iyong kababata ay sasali sa paligsahan ng pag-awit sa inyong barangay. Siya ay pilay at
nais
magpatulong sa iyo upang magpalista ng pangalan. Ano ang iyong gagawin?
a. tutulungan ko siyang magpalista sa aming barangay
b. hahayaan ko nalang siyang magpalistang mag-isa
c. ituturo ko sa kanya ang daan papuntang barangay
d. tatawa ako at sasabihing huwag siyang sumali

_______17. Si John na bago ninyong kaklase ay iika-ika kung maglakad. Pinagtatawanan siya ng ilang
estudyante sa kabilang pangkat ng klase. Ano ang dapat mong gawin?
a. hahayaan ang siyang pagtawanan
b. pagtatawanan ko rin siya upang mapahiya
c. sasabihin sa guro ang mga estudyanteng tinatawanan si John
d. lalapitan ang mga estudyante at sasabihang huwag pagtawanan si John

_______ 18. Si Etang ay nabibilang sa pangkat etniko ng mga Aeta. Palagi siyang tinutukso ng iyong mga
kamag-aral. Isang araw, nakita mo siyang umiiyak at hindi na nais mag-aral pa. Ano ang iyong
gagawin sa kanya?
a. tutuksuhin at pagtatawanan din si Etang
b. isusumbong sa guro ang nangyari kay Etang
c. payuhan na huwag magpaapekto sa mga panunukso ng iba
d. sabihan na magsumbong sa mga magulang at parusahan ang nanunukso sa kanya

_______ 19. Mayroon kang kaklase na Bisaya at hirap siyang magsalita sa wikang Tagalog dahil bago lamang
silang lipat inyong barangay. Ano ang iyong gagawin?
a. gayahin ang pagsasalita niya ng Bisaya at pagtawanan
b. sabihang magpalipat na lamang sa ibang eskwelahan
c. turuan mo siyang magsalita ng wikang Tagalog
d. huwag pansinin ang bagong kaklase

_______ 20. Napansin mo na ang mga damit na isinusuot ng iyong kaklase na Ibaloy ay kadalasang
punit-punit o sira-sira na. Ano ang iyong gagawin upang makatulong sa kanya?

a. ipagkalat ang kaniyang pagsusuot ng sira-sirang damit
b. ipatahi sa ina ang mga sira-sira niyang damit
c. hayaan na lamang ang kanyang kausotan
d. ipamahagi sa kanya ang mga luma ngunit maayos at kasya pang damit

III. Iguhit ang masayang mukha ( ) kung ang pangungusap ay nagsasaad ng tamang pag-uugali. Iguhit
naman ang malungkot na mukha ( ) kung ang pangungusap ay nagsasaad ng maling pag-uugali.

__________ 21. Dapat ipagmalaki ang mga natatanging kultura at anyo ng mga kapwa Pilipino na kabilang sa
mga pangkat Etniko sa ating bansa.

__________ 22. Makibahagi at maging aktibo sa inyong mga proyektong pang-barangay.

__________ 23. Pakikipag-away sa mga kalaro kapag natalo sa isang paligsahan.

__________ 24. Kusang-loob na nakikiisa at nakikibahagi sa Tree Planting o Clean-up Drive na proyekto sa
inyong pamayanan o paaralan.

__________ 25. Ipinagyayabang ang mga natatanging kakayahan o talent sa mga kaibigan o kalaro.

__________ 26. Pagbabahagi ng mga natutunang aralin o leksyon sa lumiban o absent na kaklase.

__________ 27. Pagtulong sa mga gawaing bahay na may ngiti sa mga labi habang ginagawa ang mga ito.

__________ 28. Pagkukulong sa loob ng bahay dahil sa mga kalarong batang madungis.

___________ 29. Pagtulong sa mga kaklase sa paggawa ng takdang- aralin.

___________ 30. Pamimintas sa mga palabas sa palatuntunan sa pamayanan.







IV. Para sa bilang 34 40.
Gumuhit ng mga larawan na nagpapakita ng mga sumusunod na aksyon sa loob ng bawat kahon.
Kailangang maipakita na may isang taong may kapansanan at tinutulungan ito ng isang batang tulad
mo. Sundin ang mga batayan na nasa ibaba para sa pagkamit ng mataas na marka sa iginuhit.

10 Puntos na Rubric
Isang Batayan sa inyong Iginuhit sa Edukasyon sa Pagpapakatao 3

Batayan

Mahusay (10 puntos)

Magaling (7 puntos)
May Igagaling Pa
(4 puntos)


Kaalaman at Kaugnayan sa
Natutunan
Ang iginuhit ay nagpapakita
ng wastong mensahe upang
makatulong sa mga taong
may kapansanan.
(4 puntos)
Ang iginuhit ay hindi
gaanong nagpapakita ng
tamang gawin upang
makatulong sa mga taong
may kapansanan.
(3 puntos)
Ang iginuhit ay hindi
nagpapakita ng tamang
mensahe upang makatulong
sa mga taong may
kapansanan.
(2 puntos)


Malikhain at Kaayusan ng
Guhit
Ang iginuhit ay nagpapakita
ng napakamalikhaing gawa
at naipabatid ang mensahe
nito upang makatulong sa
mga taong may
kapansanan.
(3 puntos)
Ang iginuhit ay nagpapakita
ng malikhaing gawa ngunit
nangagailangan pa ng
dagdag na detalye upang
maipabatid ang mensahe ng
pagtulong sa taong may
kapansanan.
(2 puntos)
Ang iginuhit ay walang
naipakitang pagkamalikhain
at maging ang nais ipahatid
na mensahe nito ay walang
kalinawan.
(1 puntos)

Kalinisan sa Gawa
Ang ginuhit ay malinis at
may detalye, maging ang
kulay ay maayos. (3 puntos)
Ang ginuhit ay malinis
ngunit may konting pagbura
at kalinawan na dapat
gawin. (2 puntos)
Ang ginuhit ay may
karumihan dahil sa pagbura;
walang kaayusan ito.
(1 puntos)

Kabuuan - ______ / 10























Ang matandang lalake na bulag ay tatawid sa
kalsada. Iguhit kung paano mo siya tutulungan.
Isang batang babae na pilay ay kakanta sa
programa ng inyong paaralan.

You might also like