2nd Periodic Test in Filipino 3

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

PAARALANG ELEMENTARYA NG DAU

Talaan ng Espesipikasyon sa Filipino 3


Ikalawang Markahan

Mga Layunin Bilang
ng
Araw
Bilang
ng
Aytem
Antas ng Pagtatasa
Kaalaman Proseso/
Kakayahan
Pangunawa Produkto/
Pagganap
Kinalalagyan
ng Bilang
KAALAMAN
Pag-unawa sa Napakinggan
Nasasagot ang mga tanong
tungkol sa napakinggang
tula/kuwento
2 2 2 1-2
Wikang Binibigkas
Nagagamit ang magagalang
na pananalita sa angkop na
sitwasyon sa pagpapaliwanag
1 1 1 3
Gramatika
Nagagamit ang mga
salitang pamalit sa ngalan
ng tao
1 1 1 4
Kamalayang Ponolohiya
Natutukoy ang mga
salitang magkakatugma
1 1 1 5
Napapantig nang
pabigkas ang mga salita
1 1 1 6
PROSESO/KAKAYAHAN
Pag-unawa sa Napakinggan
Nagagamit ang naunang
kaalaman o karanasan sa
pag-unawa sa napakinggang
teksto
1 1 1 7
GRAMATIKA
Nagagamit ang mga
salitang pamalit sa ngalan
ng tao
3 3 3 8-10
Kamalayang Ponolohiya
Napapalitan at nadadagdagan
ang mga tunog upang
makabuo ng bagong salita
1 1 1 11
Pag-unlad ng Talasalitaan
Nagagamit ang mga
pahiwatig upang malaman
ang kahulugan ng mga salita
tulad ng paggamit ng
kasingkahulugan at
kasalungat na mga salita
2 2 2 12-13
Napagyayaman ang
talasalitaan sa pamamagitan
ng paggamit ng
magkasingkahulugan at
magkasalungat na salita
1 1 1 14
Pag-unawa sa Binasa
Nailalarawan ang mga
bahagi ng kuwento
1 1 1 15
Naisasalaysay muli nang
may wastong pagkakasunod-
sunod ang napakinggang
kuwento sa pamamagitan ng
pamatnubay na tanong
1 1 1 16
Pag-unawa
Gramatika
Nagagamit ang pangngalan sa
pagsasalaysay tungkol sa
2 2 2 17-18
tao, bagay, at lugar sa
paligid
Kaalaman sa Limbag
Nahuhulaan ang
nilalaman/paksa ng aklat
sa pamamagitan ng
pagtingin sa mga larawan
1 1 1 19
Naikukumpara ang mga
kuwento sa pamamagitan
ng pagtatala ng
pagkakapareho at
pagkakaiba
1 1 1 20
Pag-unawa sa Binasa
Naiuugnay ang binasa sa
sariling karanasan
1 1 1 21
Nasasagot ang mga tanong
tungkol sa tekstong binasa
2 2 2 22-23
Pagsulat at pagbaybay
Nagagamit ang Malaki at
maliit na letra at wastong
bantas sa pagsulat ng salita,
parirala, at pangungusap
1 1 1 24
Nagagamit ang
pangkalahatang sanggunian
1 1 1 25
Nagagamit ang ibat ibang
bahagi ng aklat sa
pagkalap ng impormasyon
1 1 1 26
Komposisyon
Nasisipi nang wasto ang
parirala at pangungusap
1 1 1 27
Nakasusulat gamit ang
wastong bantas, malaki at
maliit na letra sa pagsulat
ng pangungusap
1 1 1 28
PRODUKTO/PAGGANAP 29-40
Pag-unawa sa Napakinggan
Naiguguhit o naibibigay
ang mensahe ng
napakinggang teksto
2 2 2
Nakasusunod sa mga
panutong may 2-3 hakbang
1 1 1
Naisasakilos ang tulang
napakinggan

Nakikinig at nakikilahok
sa talakayan ng pangkat o
klase sa pagbibigay ng
pangunahing ideya ng
tulang napakinggan

Wikang Binibigkas
Naisasagawa nang
maayos ang pagpapakilala ng
ibang tao

Naiuulat nang pasalita
ang mga naobserbahang
pangyayari sa pamayanan
1 1 1
Nagagamit ang
magagalang na pananalita
sa pagpapaliwanag
1 1 1
Palabigkasan at Pagkilala
sa Salita

Nababasa ang mga
salitang may klaster
2 2 2
Pag-unawa sa Binasa
Nakasusunod sa nakasulat na
panuto
1 1 1
Naisasalaysay muli ang
binasang teksto nang may

tamang pagkakasunod- sunod
sa tulong ng patnubay na
tanong
Nakapagbibigay ng
wakas ng binasang
kuwento
1 1 1
Nagbabago ang dating
kaalaman base sa
natuklasang kaalaman at
binasang teksto
1 1 1
Pagsulat at Pagbabaybay
Nababaybay nang wasto
ang mga salitang
natutuhan sa aralin
2 2 2
Estratehiya sa Pag-aaral
Nabibigyang-kahulugan
ang graph

KABUUAN 40 40 6 10 12 12












































PAARALANG ELEMENTARYA NG DAU
Pangalan:_______________________________________ Iskor:____________
Baitang at Pangkat:_______________________________ Petsa:___________

FILIPINO 3
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
Basahin ang tula at sagutin ang mga tanong tungkol dito. Isulat ang letra ng napili mong sagot.

Ang Aming Pamayanan
Dolorosa S. de Castro
Halinat ating balikan, malinis na kapaligiran.
Sagisag ng kaunlaran nitong ating inang bayan.
Dito matatagpuan, bayang sinilangan,
Ng bayaning Dr. Jose Rizal ang ngalan.

Mga kaminero, pulis pantrapiko, arkitekto,
Inhinyero at mga gurong dedikado
Patuloy na sumusuporta at nangangalaga
Makamit lamang kaunlarang ninanasa.

Di pahuhuli mga kapitalista, mangingisda,
magsasaka at iba pang manggagawa
Ang ditoy makikitang nakikiisa
Sa pagtataguyod ng bayang sinisinta.
1. Anong lugar ang tinutukoy sa tula?
A. Calamba, Laguna C. Luneta
B. Dapitan, Zamboanga D. Tanauan
2. Ano ang kaugaliang ipinakikita sa ikatlong saknong upang maitaguyod ang bayang sinisinta?
A. pagsunod C. pakikiisa
B. pagsuporta D. pangangalaga
3. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng magalang na pagpapahayag ng kaisipan?
A. Sino ka para sabihing dapat nating igalang ang paniniwala o prinsipyo ng bawat tao?
B. Masakit mang isipin subalit tama ba na igalang ang paniniwala o prinsipyo ng bawat
tao?
C. Ano ba ang dahilan at kailangan nating igalang ang paniniwala o prinsipyo ng bawat
tao?
D. Dapat nating igalang ang prinsipyo o paniniwala ng bawat tao upang mapanatili ang
kapayapaan.
4. Ang mga kaminero ay sumusuporta sa pagpapaunlad ng bansa. ____ rin ay nangangalaga sa
kalikasan.
A. Kami B. Nila C. Sila D. Tayo
5. Sa ikalawang saknong, ano-ano ang salitang magkasintunog?
A. arkitekto- sumusuporta C. nangangalaga-ninanasa
B. kaminero-inhinyero D. dedikado-pantrapiko
6. Ilang pantig mayroon ang salitang kapaligiran?
A.apat C. lima
B.dalawa D. Tatlo

Basahin ang kuwento upang masagutan ang mga inihandang tanong tungkol dito.



Palaruan sa Liwasang-Bayan
Dolorosa S. de Castro
Ang palaruang ito ay atin. Ipinagawa ito hindi para lamang sa ating kabataan kundi sa
lahat upang may mapuntahan at makapaglibang nang libre. Ang hiling ko lamang sa inyo ay
pakaingatan at alagaan ito, wika ng
Punong-Lungsod ng Agoncillo nang pasinayaan ang bagong liwasang-bayan sa kanilang lugar.
Tuwang-tuwa ang magkakaibigan na sina Anton, Jemar, Luisa at Angeline sa kanilang
narinig. Sa wakas may palaruan na rin sa kanilang lugar. Hindi na sila tatambay sa mall na nasa
kabilang bayan upang
magpalipas ng oras.
Salamat po, Mayor. Makakaasa po kaya na pag-iingatan namin ito,ang kanilang
nasambit nang makalapit sila sa Punong-Lungsod at makakamay sa kaniya.

7. Bakit nagpasalamat ang magkakaibigan sa Punong Lungsod?
A. may bagong palaruan sa kanilang bayan
B. dumalo ang Punong Lungsod sa okasyon sa kanilang lugar
C. may inilaang pondo ang pamahalaan para sa kabataan
D. namigay siya ng tiket para sa libreng sine sa mall na malapit sa kanilang lugar
8. Nagpunta ang magkakaibigang Anton, Jemar, Luisa at Angeline sa liwasang-bayan. Natuwa
____ sa sinabi ng Punong-Lungsod. Anong salita ang angkop na ilagay sa patlang?
A. kami B. sila C. sina D. tayo
9. Nanguna ang Punong-Lungsod sa pagpapasinaya ng bagong palaruan. Nagbigay _____ ng
mensahe para sa lahat na ingatan ang palaruang para sa lahat.
A. kami B. sila C. siya D. tayo
10. Salamat po, Mayor. Makakaasa po kaya na pag-iingatan naming ito. Ano ang tinutukoy
ng ito sa sinabi ng mga bata kay Mayor?
A. Liwasang-Bayan C. mall
B. libreng laruan D. palaruan
11. Kapag pinalitan ang huling pantig ng salitang libre, ano ang bagong salitang mabubuo?
A. libri B. libro C. libru D. liblib
12. Nasaksihan ng magkakaibigan ang pagpapasinaya ng bagong palaruan. Ano ang
kasingkahulugan ng may salungguhit na salita.
A. nabalitaan B. nalaman C. napanood D. napansin
13. Anong salita ang kasingkahulugan ng ingatan?
A. alagaan C. makapaglibang
B. makakamay D. mapuntahan
14. Ang magandang palaruan sa liwasang-bayan ay dating isang lugar na pangit sa paningin.
Ano ang mga salitang magkasalungat sa pangungusap na ito?
A. liwasan-bayan C. maganda- pangit
B. lugar-palaruan D. palaruan-liwasan
15. Alin sa sumusunod ang huling pangyayari sa kuwentong Palaruan sa Liwasang Bayan?
A. Nagpasalamat ang magkakaibigan.
B. Nagbigay ng mensahe ang Punong-Lungsod.
C. Nagpunta ang magkakaibigan sa liwasang-bayan.
D. Natuwa ang magkakaibigan sa narinig nila mula sa Mayor.
16. Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwentong binasa?
1. Nagpasalamat ang magkakaibigan.
2. Nagbigay ng mensahe ang Punong-Lungsod.
3. Nagpunta ang magkakaibigan sa liwasang-bayan.
4. Natuwa ang magkakaibigan sa narinig nila mula sa Mayor.
A. 3-1-4-2 B. 1-2-3-4 C. 3-1-2-4 D. 3-2-4-1

Basahin upang masagot ang mga tanong tungkol dito.

Ang Nawawalang Patak ng Tubig

Maagang nagising si Lilibeth upang maligo at tulungan ang kaniyang nanay sa pagtitinda
ng mga gulay sa palengke. Maaga rin ang kaniyang Kuya na tumutulong sa kanilang ama sa
paglalagay ng mga paninda sa lumang jeep na nakaparada sa may tarangkahan.
Pagpasok ni Lilibeth sa kanilang paliguan, Tubig! Tubig! Wala na naming pumapatak sa
gripo. Sabay labas sa kanilang kusina.
Dala ang timba, unti-unti siyang naghakot ng tubig mula sa dram ng tubig na
inipon ng kaniyang nanay nang nagdaang gabi.
Talaga nga yatang nararamdaman na natin ang epekto ng pagkasira ng ating kapaligran.
Bihira nang umulan kaya nagkukulang na ang tubig. Kailangan na nating bumili pa ng ilan pang
ipunan ng tubig, ang narinig niyang sabi ng kaniyang Tatay.

17. Ano ang gagawin ng mag-anak upang hindi maghirap sa kawalan ng tubig sa gripo? Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

18. Sumasang-ayon ka ba sinabi ng Tatay sa kuwento? Suportahan ang iyong kasagutan.
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

19. Sumulat ng isang pangungusap na nagsasabi ng epekto ng mga gawain na ipinapakita ng
sumusunod na larawan mula sa isang aklat.
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_______________________________________
20. Muling balikan ang mga kuwentong binasa sa pagsusulit na ito. Ibigay ang hinihiling na
impormasyon ng talaan na nasa ibaba.
Pamagat______________________________________________________________________
Tauhan_______________________________________________________________________
Tagpuan______________________________________________________________________

21. Ano ang naramdaman mo matapos mong mabasa ang kuwento? Bigyang-katwiran ang
sagot. _______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________







22. Bakit naghakot ng tubig si Lilibeth?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
23. Ano ang gagawin mo upang makatulong sa paglutas ng suliranin na ipinakita sa kuwentong
Ang Nawawalang Patak ng Tubig.
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
24. Isulat nang wasto ang pangngusap.
ang pag-abuso sa kalikasan ang nagiging sanhi ng ating kapahamakan
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
25. Nais mong malaman ang epekto ng climate change. Anong sanggunian ang gagamitin mo?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
26. Hindi maunawaan ni Mark ang salitang climate change. Anong bahagi ng aklat niya
makikita ang kahulugan nito?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
27. Sipiin ang pangungusap.
Tumulong si Lilibeth sa kaniyang nanay sa pag-iipon ng tubig sa kanilang bagong biling dram.
28. Sumulat ng isang talata na may dalawa hanggang tatlong pangungusap tungkol sa
pangangalaga sa ating kalikasan.
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________


Gawain sa Pagganap
Layunin: Makapagbigay ng sariling wakas sa binasang kuwento
Gagampanan ng bawat pangkat na mag-aaral

Babasahin ng bawat lider ng pangkat ang kuwento na nakasulat sa isang papel. Pag-uusapan ng
bawat pangkat ang nais nilang maging wakas ng napakinggang kuwento. Matapos ang limang
minute, maghahanda ang bawat pangkat ng isang duladulaan tungkol sa napagkasunduang
wakas ng kuwento.
Kalagayan
Magbibigay ang mga mag-aaral ng sariling wakas sa napakinggang kuwento. Pagkakasunduan
sa pangkat ang isang wakas na napili ng pangkat upang isadula. Ito ay tatasahin sa pamamagitan
ng nakalakip na rubric.
Bunga
Maikling dula-dulaan ng sariling wakas ng napakinggang kuwento .

Pamantayan sa Pagsasagawa

4 3 2 1
Malinaw at malakas ang boses
Nagampanan at naipakita nang maayos ang mga dapat
gampanan ng
mga tauhan sa pagtatanghal.

Malinaw na naipakita ang sariling wakas sa napakinggang
kuwento.

Malinaw na naipakita ang sariling wakas sa napakinggang
kuwento.


Kamang Puti

Nagmamadaling umuwi si Andrew sa kanilang bahay upang sabihin sa kaniyang tatay
ang isang magandang balita. Hindi niya tuloy napansin ang isang mabilis at paparating na
sasakyan.
Nasa isang puting kuwarto na nang siya ay magising. Nakahiga sa isang kamang puti at
may kumot pang puti sa kaniyang katawan. Kinusot niya ang kaniyang mga mata at naaninag
ang isang babaeng nakaputi rin ng suot.
Kakalabitin na niya ang babaeng nakaputi nang biglang pumasok ang pawisan at takot na
takot niyang tatay.
Tatay, nasa langit na ba ako?
Naku hindi. Naandito ka sa ospital.
Lumapit ang nars kay Andrew at iniabot ang isang maliit na kahon. Binuksan niya ito at
kinuha ang laman.
Tatay, para sa iyo ang medalyang ito. Nanalo po ako sa paligsahan sa pagguhit.
Hindi napigilan ni Mang Ramon ang kaniyang luha at napayakap siya nang mahigpit sa
kaniyang anak na nakahiga pa rin sa kamang puti

You might also like