Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

TRESE ISYU 5

TAUHAN:
Alexandra Trese: Detektib na humahawak ng mga krimen na tungkol sa
masasamang element.

Nova Aurora : Matandang aktres na mahusay sa pag-arte at pagkanta

Heather Evangelista : Batang aktres na gaganap bilang Nova na mamatay sa huli

Kapitan Guerrero : Pulis na may sa hawak ng kaso ni Heather

Sarhento Tapia : Kasama ni Kapitan Guerrero sa paglutas ng kaso ni Heather

Kambal : Magkapatid na laging kasama ni Trese sa paglutas ng mga krimen

Duwende : Tumulong kay Nova upang sumikat

Eksena I: Dressing Room (nakitang patay si Heather)

Kapt. Guerrero : Tawagan mo si Trese para malaman natin ang mga nangyari!

Sarhento Tapia : Sige sir. (kausap sa telepono si Trese) Kailangan namin ang
tulong mo. Dumiretso ka na ditto pagkatapos mo sa iyong Gawain.

Kapt. Guerrerro : (malungkot habang nakatingin sa bangkay ni Heather) Tsk. Tsk.
Tsk. Ano kaya ang nangyari? (habang humahangos namang padating si Trese)

Trese: (pagpasok sa pinto) Nandito na ko.. Anong kaguluhan ito?

Kapt. Guerrero : May nakita kaming ebidensya. Ito, tingnan mo baka may alam ka sa
mga iyan (habang itinuturo ang mga nakalap na ebidensya)

Trese: Hindi ko alam kung masasabi nating ebidensya ang mga iyan. Pupunta ako
sa manhole para magtanong sa mga nuno kung may maibibigay silang opinyon tungkol
sa mga nangyari.

EKSENA II

Trese : may kinalaman ba kayo sa pagkamatay ni Heather Evangelista?

Nuno : Heather Evangelista? (bahagyang nag-isip) parang kilala ko yun.. hmmm.
Tama!!! Si Heather Evangelista yung nililigawan ng kaibigan naming duwende! Bakit??
Ano ba ang nangyari sa kanya?

Trese: Nakita ang kanyang bangkay kaninang umaga at may nakuha kaming mga
ebidensya.

Nuno : Anong mga ebidensya ang nakuha nyo?

Trese: maliit na damit, tsokolate at pulang alikabok. May alam ba kayo?

Nuno: lahat ng ebidensyang nakuha nyo ay may kinalaman sa duwende dahil iyan ang
mga bagay na posibleng meron sya at sya lamang ang nilalang na nagiging pulang
alikabok pag namatay dahil sa sobrang kalungkutan.

Trese: Sige, salamat sa impormasyon. May alam ba kayong pwedeng magturo sa
amin ng kinaroroonan ng mga duwende?

Nuno : (nagmamadaling tumugon) Oo!! Si Nova!! Si Nova Aurora!! May kaibigan
syang duwende!

Trese: Salamat ulit!

EKSENA 3 : Mansyon ni Nova (makikita nilang kumakanta si Nova na parang wala
sa sarili)

Nova: (Kumakanta habang winawagayway ang tropeo) kung nais pay lumipad sa
rurok ng iyong isipan, ibigay lang ang lahat ng makakaya mo! (nawawala sa tono)

Trese: (makikitang maraming tsokolate na katulad ng nakita malapit sa pinangyarihan
ng krimen) Yun yung tsokolate na nakuha natin sa tabi ni Heather!! Posibleng sya kaya
ang pumatay kay Heather?? Iposas si Nova!

Kapt. Guerrero : Dali! Iposas si Nova!

EKSENA 4: Likod bahay ni Nova (dala ni Trese ang bonsai, palangganang may tubig
at isang puting kandila) samantalang nagtatawas si Trese, binabantayan naman ni
Kapt. Guerrero si Nova. Nang may biglang lalabas na ibat ibang nilalang na gustong
saktan si Trese ngunit agad namang naprotektahan ng kambal ang huli. At mayamaya
ay biglang lumitaw ang isang duwende.

Trese: Ikaw ba ang kaibigan ni Nova?

Duwende : oo! Ako nga! Ako ang dahilan ng pagiging kampeon ni Nova sa
paligsahan sa pag-awit. Tinulungan ko syang manalo at sumikat ngunit naugnay sya sa
ibat ibang lalaki, nalulong sa droga at nawalan ng gana sa kanyang pagkanta at pag-
arte kung kayat tinigilan ko na ang pagtulong sa kanya. Kahit pa bigyan nya ako ng
tsokolate. Nakuha si Heather na gumanap sa papel ni Nova Aurora. Umibig k okay
Heather at nagpasya akong tulungan sya pero nagalit si Nova at pinakiusapan nya ako
na bumalik sa kanya ngunit tinanggihan ko sya at syang naging dahilang upang patayin
ni Nova si Heather.

EKSENA 5 : sa loob ng hukuman

Nova: (nakayuko at umiiyak) Inaamin ko na po. Ako nga po ang pumatay kay
Heather. (biglang babagsak)

You might also like