Baitang 7 Unang Markahan Pagsusulit

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Baitang 7 Unang Markahan Pagsusulit

August 7-8, 2014


I. TALASALI TAAN. PANUTO: Ibigay ang kahulugan ng mga salitang nakasalungguhit. Pumili ng mga salitang
nakasulat sa kahon at isulat sa sagutang papel ang tamang kahulugan.







1. Ang laruang eroplano ay marahang umiimbulog sa malakas na hangin.
2. Pinutol gamit ang patalim ng hardinero ang mga damo sa hardin.
3. Sumibad agad ang mga kaibigan ko matapos kumain sa handaan.
4. Tinamaan ang mata ni Goliath ng ipinukol ni David ang bato gamit ang kanyang tirador.
5. Hinahanap ng reyna ang malaking bangang pinaglagyan ng kayamanan.
6. Isang grupo ng mang-aawit na kumakanta ng Batang-bata ka pa.
7. Ito ay ginagamit upang malaman ang pagkakaiba at pagkakapareho ng katangian ng isang tao.
8. Nakadispley sa higaan ang sari-saring damit ng batang babae.
9. Madalas na nag-iisa sa isang sulok at hindi kumikibo ang batang babae.
10. Punung-puno ng malilit, makikinang, at makukulay na abaloryo ang damit ng batang babae.
11. Isang uri ng diskriminasyon.
12. Napapatulala si Policarpio tuwing maririnig niyang umaawit ang kanyang kabiyak.
13. At ang pag-iral na yaon ang sinasagkaan ng aking pinakamamahal.
14. Ang may akda sa Ang Alamat ni Tungkung Langit.
15. Madalas akong gumawi sa aming pasigan, at manalamin sa malinaw na tubig.
16. Naghunos na mga bituin ang mga hiyas kot mutya.
17. Siya ang may-akda sa kuwento ng isang batang babaeng may sandaang damit.
18. Isang manunulat na ang tunay na pangalan ay Virgilio Almario.
19. Isang diyosa na nangarap lumikha ngunit pinagbabawalan ng kanyang asawa.
20. Nakatinghas ang balahibo ng isang inahing manok ng tangkaing kunin ang kanyang itlog.
II. PANUTO. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa malinis na papel.
1. Paano sinimulan ni Sundalong Patpat ang paghahanap sa nawawalang ulan?
a. Sa pamamagitan ng pagtatanong
b. Sa pamamagitan ng pagsunod sa payo at mungkahi
c. Sa pamamagitan ng kabayong payat
d. Wala sa nabanggit
2. Ayon sa kuwento, bakit hinahanap ni Sundalong Patpat ang ulan?
a. Dahil matagal nang ayaw dumalaw ang ulan.
b. Matagal nang hindi makarinig ang ulan
c. Nagtago sa pinakamataas na ulap
d. Lahat sa nabanggit
3. Ano ang nais ni Sundalong Patpat at gusto niyang patayin si Pugita?
a. Nais niyang palayain ang ulan
b. Nais niyang maagaw ang kapangyarihan ni Pugita
c. Nais niyang makatulong at maibalik sa dati ang mundo
d. Wala sa nabanggit
4. Ang isang dosenang klase ng high school students ay sipi mula sa_________ni Bob Ong.
a. Aba, Nakakabasa na Pala Ako!
b. Aba, Nakakapagsulat na Pala Ako.
Lumipad paitaas gusi palamuti Fanny Garcia
Nakatindig Apo hiking society teheras pasigan
Tinigpas Venn Diagram napapatigalgal nagniningning
Mabilis na umalis bullying ikinagalit Rio Alma
Inihagis walang imik Roberto Aonuevo Alunsina
Pupitre Pugita bundok kabayong payat
c. Aba, Nakakabasag na Pala Ako
d. Aba, Kung Makapagsalita, Akala Mo Kung Sino!
5. Mga walang pakialam sa mundo libro-teacher-blackboard lang ang iniintindi.
a. Leather goods c. Geeks
b. Commoners d. clowns
6. Paulit-ulit at madalas magtaas ng kamay kahit na laging mali ang sagot.
a. Mga Anak ni Rizal c. Da gwapings
b. Guinness d. Bob Ongs
7. Sila ang mga taong unang nakakalimutan ng mga teachers at classmates nila.
a. Commoners c. celebrities
b. Clowns d. spice girls
8. Paano nilabanan ng mahirap na batang babae ang panunukso ng kanyang mga kaklase?
a. Umiiyak na lamang siya sa sulok ng silid-aralan.
b. Hindi niya pinapansin ang kanilang panunukso.
c. Ginamit niya ang kanyang dunong at napaniwala niya ang kanyang mga kaklase.
d. Nagawa niyang magsinungaling para mahinto ang kanilang panunukso.
9. Mula noon, upang mabisita ni Tungkung Langit ang kaniyang dating asawa, kailangan niyang mag-
anyong______ na didilig sa daigdig na nilikha ng kanyang iniibig.
a. Hangin c. ulan
b. Araw d. lupa
10. Sa akdang sinulat ni Roberto Anonuevo Ang Alamat ni Tungkung Langit, sino ang nagsasalaysay sa
kuwento?
a.Tungkung Langit c. Si Alunsina
b. Ang may-akda d. wala sa nabanggit
III.TAYUTAY AT PAMBALARILA.
A. Panuto. Tukuyin kung anong uri ng pang-abay ang mga salitang nakasulat ng pahilig sa bawat
pangungusap.(pamaraan,panlunan,pamanahon)
1. Pumunta ako sa bukid upang tumulong kay Tatay.
2. Nasaksihan ko kahapon ang marahang pag-imbulog ng saranggola sa malakas na hangin
3. Masipag magtrabaho ang aking nakatatandang kapatid.
4. Mabilis na nagsipag-alisan ang lahat ng mag-aaral pagkatapos ng palatuntunan.
5. Binigyan ako ng magandang damit ng aking kapatid noong nakaraang Pasko.
B. Panuto: Tukuyin kung anong uri ng tayutay ang mga sumusunod.(Pagtutulad, Pagwawangis,
Pagsasatao)
1. Ikaw ay tulad ng bituin.
2. Ang puso mo ay gaya ng bato
3. Tumatakbo ang oras kaya huwag sayangin.
4. Ang paghihintay sa paghinog ng prutas ay gaya ng pagbubuntis.
5. Ang iyong mga salita ay punyal sa aking dibdib.
6. Ang kagandahan ng iyong loob ay kumikinang na ginto sa aking paningin.
7. Nagsasayawan ang mga bulaklak at halaman ng umihip ang hangin.
8. Sa ilalim ng mga dayuhan, ang Pilipinas ay naging parang kalabaw.
9. Ngumingiti ang araw pagsapit ng umaga.
10. Ang pag-ibig mo ay kawangis ng tubig walang lasa.

C. Panuto: IDYOMA. Isulat ang ibig sabihin ng mga salitang nakasalungguhit.

1. Magdilang anghel ka sana at matupad ang mga pangarap ko.
2. May gatas ka pa sa labi kaya bawal ang manligaw.
3. Bumahag ang kanyang buntot nang makita niyang may dalang patalim ang kanyang kaaway.
4. Ito ba ang guhit ng aking palad?
5. Naghunos-dili siya upang maiwasang makasakit ng damdamin ng iba.

You might also like